Compilation of Softcopies

Embed Size (px)

DESCRIPTION

soft copy

Citation preview

Fil2 Finals

Part 1: Mga Bahagi ng Teksto 1. Panimula : Paksa at Tisis ito ay napakahalagang bahagi ng isang tekso sapagkat nagsisilbi itong pang-akit sa mga mambabasa upang basahin ang teksto. Ito rin ang nagpapakilala sa paksa at tisis ng teksto. Sa bahaging ito, iniintrodyus ang topic na iniikutan ng teksto at inilalatag dito ang tisis o ang kaligiran ng paksa na maaaring buuin ng proposisyon, pahayag o asersyon hinggil sa tatalakaying paksa o mga katwirang papatunayan o pasisinungalingan.Wika nga nina Bernales, et al. (2001) , maihahalintulad ito sa Display window ng mga tindahan na hindi lamang nagsisilbing pang-akit sa mga mamimili kundi nagpapakita rin ng ilang abeylabol na paninda o haylayt na paninda. Ito ay nagbibigay- ideya sa mga mambabasa kung tungkol sa aling paksa ang teksto at kung ano ang paniniwala, asersyon o proposisyon ng may akda sa paksang iyon. 2. Katawan : Istraktura , Nilalaman at Order ang kalakhan at pinakamahabang bahagi ng isang teksto. ito ang pinakamahalagang bahagi ng anumang teksto. nilalaman din nito ang pinakakaluluwa ng teksto.Istraktura at order ang pinakalansay ng teksto. 3. Wakas : Paglalagom at Kongklusyon Ito ang panghuling bahagi ng teksto. Tulad ng panimula, kailangan din itong maging makatawag- pansin sapagkat ang pangunahing layunin sa pagbubuo nito ay ang pag-iiwan ng isa o ilang mahahalagang kakintalan sa mambabasa. Ito ang nagsisilbing huling impresyon na mananatili sa isipan ng mga mambabasa na maaaring makaimpluwensya sa pagbabago ng kanyang pananaw ukol sa paksang tinalakay o impormasyong natutunan. Lagom ang pinakabuod ng kabuuan ng teksto. Dito inilalahad ang kabuuan ng teksto sa pinakamaikling paraan. Kongklusyon ang naglalahad ng inferences, proposisyon o deductions na mahahango sa pagtatalakay sa teksto.Mga Kasanayan sa Akademikong Pagsulat Ang akademikong papel ay may higit na masinsinang pagtalakay at may sinasagot na katanungan o larangan ng pananaliksik sa pamamagitan ng mga datos o impormasyong makakalap mula sa mga makikitang pag-aaral at literatura. Ang isang akademikong papel sa antas kolehiyo ay karaniwang binubuo ng 2,000 hanggang 3,000 salita o 15 hanggang 20 pahina. Ang pagsulat ng akademikong papel ay nangangailangan ng masusi at maingat na pagsisiyasat at pangangalap ng mga datos upang mapagtibay, maipaliwanag mapasubalian at mapahalagahan ang isang paksain.Mga Pakinabang na Dulot ng Akademikong Pagsulat Mapapaunlad ang kakayahan sa paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mapapaunlad ang mga pagpapahalagang iskolarli. Malilinang ang kakayahan sa mapanuring pagbasa at pagsulat tulad ng paggawa ng buod, pagtatala, pagbabalangkas ng mga ideya at pag-oorganisa ng mga impormasyon sa isang mapanghikayat na sulatin. Makikilala ang mundo ng aklatan bilang balon ng impormasyon at datos at ang mundo sa pangkalahatan bilang batis ng ibat ibang kaalamang kailangan salain at suriin para sa akademikong pagsulat. Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa kaalaman ng lipunan. Magkakaroon din ng kasiyahan sa pagtuklas ng kaalaman at sa pagkakataong makapagdagdag sa kaalaman ng lipunan. Malilinang ang pagpapahalaga sa paggalang sa katotohanan --- ang paggalang sa likha at akda ng iba bunga ng kanilang pag-aaral at akademikong pagsisikap. Sa pamamagitan ng pagtatala at maingat na dokumentasyon ng pinaghalawan ng mga ideya at impormasyon ay maaari ring masanay sa pagkilala ng akda ng may akda at ang pagpapahalaga sa katapatang intelektwal bilang sangkap ng akademikong pagsulat. Inaasahan ding mabubuksan ang isip ninyong mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagharap ng hamon ng pagiging obhetibo sa pagtanaw sa mga pangyayari at impormasyon. Matututunan din ninyo ang pagiging mapili sa pagsusuri ng mga datos na mahalaga at hindi ng mga impormasyong kapaki- pakinabang para sa inyong tinutuntong imbestigasyon.Pangunahing Bahagi ng Konseptong Papel 1. Tiyak na Paksa Isa sa mga tinitiyak sa pagbubuo ng akademikong papel ay ang pagpili at pagtiyak ng paksa o larangan ng pagsisiyasat na nais isagawa.Halimbawa:Larangan: Dula sa Pilipinas Tiyak na paksa: Kasaysayan ng dula sa Pilipinas Lalong tiyak na paksa: Kasaysayan at pagpapakahulugan sa salitang dula2. Rasyunal Sa pagtitiyak ng mga paksang nais talakayin at sa larangang kinabibilangan ng paksaing nais siyasatin, mangyayaring maihanay ang mga motibasyon at inspirasyong nagtulak sa pagtatangi ng napiling paksain.3. Layunin ang pagtukoy ng layunin ng pagsisiyasat ay maaaring maihayag sa pamamagitan ng isang katanungang nagbubukas ng pinto ng pagsisiyasat. halimbawa ay ang mga tanong na ano, sino, saan, kailan at bakit. 4. Panimulang Haka pagbuo ng panimulang tugon sa suliraning nais tuntunin. hindi dapat na maging tiyak sapagkat ito ay pagtantiya lamang sa posibleng kahihinatnan ng pagsisiyasat at pananaliksik.Hal: nagmula sa salitang dula mula sa Cebuano na ang ibig sabihin ay laro. Ang mga katangian ng dula ay maaaring nahalaw sa mga salita at katuringang iniuugnay sa salitang dula. 5. Sarbey ng mga Sanggunian Ang panimulang sarbey ng sanggunian o kaugnay na pag-aaral ay listahang bibliyograpikal ng mga pag-aaral na makatutulong sa pagpapahusay ng pagsisiyasat. ito ay bahagi ng pagtitiyak na ang isasagawang pag-aaral at pananaliksik ay nagmumula sa mga nagawa nang pananaliksik at nakabatay sa mga kaalamang lalong pagyayamanin ng isasagawang pagsisiyasat at pananaliksik. 6. Metodolohiya o Pamamaraan ng Pananaliksik sa pangkalahatan, maaaring uriin ang mga metodo sa ilang pangunahing pamamaraang ginagamit ang pananaliksik sa mga aklatan at arkibya, pagsasagawa ng field work, pag-eeksperimento sa laboratoryo o sa isang kontroladong espasyo. 7. Pag-aayos ng mga Datos nangyayaring makapangalap ng mga datos at impormasyon na kinakailangang ilagay sa masinop na paghahanay upang madaling masuri at maisistematays.1. Ang Gamit ng Tala, Note Cards at Reference Cardsa. Ang 3x5 notecard ay pinagtatalaan ng mga sanggunian. Isang kard kada isang sanggunian ng gamit upang madaling makita kung ilang sanggunian na ang nasusuri ng mananaliksik. Sa 3x5 note card ng sanggunian, maaaring itala ang bibliographic entry ng sanggunian sa gitna. Sa kaliwang itaas na bahagi makikita ang call number o ang pinagmulan ng sanggunian(kung saan ito nakuha o nakita). Sa kanang itaas na bahagi naman ay ilalagay kung ano ang pangkalahatang paksa ng sanggunian.b. Ang 5x8 note card naman ang pinaglalagyan ng mga datos o tala na makukuha sa mga babasahi. Maaaring ilagay rito ang ibat ibang uri ng datos. Makakatulong din kung maglalagay ng mga pamagat ng paksa at tanda ng tala sa bawat kard. c. Sa pagtatala , maaring pumili ng ibat ibang paraan ng pagkuha ng tala---paggawa ng buod, tuwirang sipi, presi, pagsasalin sa Filipino mula Ingles at iba pang wikang banyaga. a. Tuwirang Sipi-pinakamadaling pagtatala ang pagkuha ng tuwirang sipi. Walang ibang gagawin kundi ang kopyahin ang ideya sa kard. Mangyaring ipaloob sa panipi ang sipi upang matandaan na ito ay tuwirang sipi.b. Buod, Presi(paraphrase) at Hawig-Ang buod o sinopsis ay isang uri ng pinaikling bersyon ng isang panulat. Taglay nito ang mga pangunahing ideya ng panulat nang may bahgyang pagdedetalye upang mabigyan ng pangkalahatang ideya ang nagbabasa sa tinatalakay na paksa.Ang presi ay galing sa salitang Pranses na ang ibig sabihin ay pruned or cut-down statement. Ibig sabihin , ito ay isang tiyak na paglalahad ng mga mahahalagang ideya ng isang mahanang prosa o berso, gamit ang sariling salita ng nagbabasa. Inilalahad ang mga ideya ng akd sa paraang walang komentaryo o interpretasyon at sa parehong mood o tono, at punto de vista ng orihinal na akda, sa pinakamaikling paraan.Ang presi ay higit na maikli kaysa sa orihinal nang may 5 hanggang 40 porsyento ng haba ng orihinal na akda.Maaring ang presi ay isang pangungusap o isang talata na maaaring ito ang sentral na ideya o sintesis na mahahalagng ideya.Bukod sa paggawa ng presi, mahalaga ring matutunan ang paggawa ng hawig. Di tulad ng presi na naglalahad ng mahahalagang pangyayari sa orihinal na akda, ang hawig o paraphrase ay isang hustong paghahanay ng mga ideyang gamit ang higit n payak na salita ng nagbabasa.2. Salin-mahalaga na matutunan ang pagsasalin sa Filipino upang maging malawak ang batis ng impormasyong magagamit sa pananaliksikSa pagsasalin, pinaanatili pa rin ang dangal ng paggamit ng wikang piangsasalinan nang may pagsasaalang-alang sa akdang nakasulat sa ibang wika.3. Sintesis-pagsusuma ng mga mahahalagang paksang tinalakay sa isang akda.Hal.Marami sa atin ang mapanghusga sa kapwa dahil lamang sa katayuan sa buhay ng isang tao . Ang Kalupi ni Benjamin Pascual8. Pagbabalangkas Pagbuo ng sistematikong paghahanay ng mga ideya upang malinaw ang kanilang ugnayan. Sa pamamagitan nito, magagabayan ang pagsasaayos ng mga ideya mula sa pinakamalawak at tiyak na ideya. Ang ulo ng balangkas ay tumutukoy sa pinakamalawak na konsepto sa pananaliksik. Dahil itoy malawak na konsepto, maaari pang maglagay ng suporta at kaugnay na ideya. Sa pinakamahigpit na kaayusan mg balangkas, ang suportang ideya sa bawat ulo ng balangkas ay kinakailangang pantay-pantay. Ang lalim at detalye ng mga ideyang nakapaloob sa balangkas ay tinitiyak ng bilang ng antas ng balagkas.Hal.Ang mabilis na pag-unlad ng mga Tsino kaysa sa mga Pilipino sa larangan ng pagnenegosyo sa Pilipinas I. Panimula A. Panukalang Pahayag B. Paglalahad ng Suliranin C. Kabuluhan ng Pananaliksik D. Layunin ng Pananaliksik E. Saklaw at Delimitasyon F. Metodolohiya II. Kahulugan ng mga Katawagan III. KatawanA. Intoduksyon sa NegosyoB. Kasaysayan ng pagnenegosyo sa PilipinasC. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Tsino 1. Unang kapanayam 2. Ikalawang kapanayamD. Datos/Buhay ng mga negosyanteng Pilipino 1. Unang kapanayam 2. Ikalawang kapanayam 3. Ikatlong kapanayam IV. Pagtalakay at Pagsusuri ng Resulta/Panayam V. Konklusyon Uri ng Balangkasa. Balangkas na talata paghahanay nang isa-isang mga ideya. ang mga ideya ay inihahanay lamang sa pamamagitan ng mga buong pangungusap na nasa anyong pasalaysay(deklarativ)b. Balangkas na Paksa gumagamit ng karaniwang anyo ng balangkas. gumagamit ng salita,parirala sa paghahanay ng datos. ang mga salita,parirala ay nagsisimula sa malaking titik at hindi gumagamit ng tuldok sa pagtatapos ng talata.c. Balangkas na Pangungusap gumagamit ng buong pangungusap sa paghahanay ng mga datos. pasalaysay kung tiyak na ang datos na ilalagay;patanong kung nasa antas pa lamang ng pagbuo ng mga datos na nais kalapin. kailangan maging konsistent sa gamit ng uri ng pangungusap. kailangan maipakita rin dito ang wastong gamit ng malaki at maliit na titik at wastong pagbabantas.LOHIKAL AT MAPANGHIKAYAT NA PAGSULAT Ang lohika ay tumutukoy sa agham at sining ng tamang pag-iisip. Sa akademikong pagsulat, ang lohika ay isang pangangailangan. Ito ang batayan ng panghikayat sa mambabasa, katulad nga ng nabanggit na. Sa larangang ito, madalas na may mga katwirang kailangan pangatwiranan. May ibat ibang ebidensyang maaring magamit. Ito ay ang mga sumusunod: a. Pangyayaring nauugnay sa argumento;b. Obserbasyong pansarili o kayay ng ibang tao;c. Mga saksi; atd. Mga awtoridad na makapagbibigay ng mga pahayag na makapagkokolaboreyt sa isang argumento. Lohikal na Pangangatwiran (a) Pangangatwirang Pabuod ito ay nagsisimula sa maliliit na halimbawa o kayay sa mga partikular na bagay at katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na tuntunin, kaisipan o konsepto. (b) Pasaklaw na Pangangatwiran ito naman ay nagsisimula sa panlahat na tuntunin, konsepto o ideya na sinusundan nga mga partikular na bagay na sumusuporta o nagpapatotoo sa inilahad sa una.Ang ganitong pangangatwiran ay madalas na gumagamit ng silohismo tulad ng mga sumusunod: Tiyakang Silohismo Pangunahing Premis: Lahat ng katoliko ay Kristiyano Pangalawang Premis: Si Juan ay Katoliko Kongklusyon: Si Juan ay Kristiyano Kondisyunal na Silohismo Pangunahing Premis: Kung si Juan ay isang mabuting Kristiyano, siya ay pupunta sa langit. Pangalawang Premis: Si Juan ay isang mabuting Kristiyano. Kongklusyon: Si Juan ay pupunta sa langit.Pasakaling Silohismo Pangunahing Premis: Kung masama kang Kristiyano, hindi makakarating sa langit. Pangalawang Premis: Si Pedro ay hindi masamang Kristiyano. Kongklusyon: Makakarating si Pedro sa langit. May Pamiliang Silohismo Pansining sa ganitong pangangatwiran ay kailangang maging matibay ang pangunahing premis sapagkat kung hindi, hahantong ka sa isang maling kongklusyon. Halimbawa: Pangunahing Premis: Lahat ng lumalangoy ay isda. Pangalawang Premis: Si Nena ay lumalangoy. Kongklusyon: SI Nena ay isda. Palasi ng Pangangatwiran Sa Pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga palasi ng pangangatwiran dahil nagpapahina ang mga ito ng isang argumento .a. Argumentum ad misericordiam pagpapaawa o paggamit ng awa sa pangangatwiran. Hal.Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila ay lalagpak.b. Argumentun ad ignorantiam nagpapalagay na hindi tototo ang anumang hindi napatutunuyan o kayay totoo ang anumang hindi napagsisinungalingan.Hal. Ito ay isang ebidensya at kailangang tanggapin dahil wala namang tumututol dito.c. Non sequitur paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does not follow the premiseHal.Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki, kung gayon, sila ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.d. Ignoratio elenchi pagpapatotoo sa isang kongklusyong hindi naman siyang dapat patotohanan.Hal. Hindi siya ang naggahasa sa dalaga, sa katunayay isa siyang mabuting anak at mapapatunayan iyan ng kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan.f. Maling Paglalahat pagbatay ng isang kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis.Hal. Mahirap mabuhay sa Maynila kung kayat masasabing mahirap mabuhay sa buong Pilipinas.g. Maling Analohiya paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon.Hal.Magiging mabenta ang sorbetes kahit tag-ulan, kasiy mabenta naman ang kape kahit na tag-init. h. Maling Saligan paggamit ng maling batayan na humahantong sa maling kongklusyon. Hal. Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika, kung gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang Amerikano dahil siya ay nasa California.j. Maling Awtoridad paggamit ng tao ng sangguniang walang kainalaman sa isang paksa.Hal. Wika nga ni Aiza Seguerra, higit nating kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino. k. Dilemma pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala nang iba pang alternatib.Hal. Alin sa dalawa ang mangyayari: ang pumatay o kaya ay mamatay.l. Mapanlinlang na Tanong paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay ng isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.Hal. Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa? Part 2: PANANALIKSIKKahuluganMay ibat-ibang paraan ng pagpapakahulugan sa pananliksik. Good (1963) - Ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng ibat ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon nito. Aquino (1974) - Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Manuel at Mendel (1976) - Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan. Parel (1966) - Ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. E. Trece at J.W Trece (1973) - Ang pananaliksik ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at eksplanasyon. Calderon at Gonzales (1993) - Formulated in more comprehensive form, research may be defined as a purposive, systematic and scientific process of gathering, analyzing, classifying, organizing, presenting and interpreting data for the solution of a problem, for prediction, for invention, for the discovery of truth, or for the expansion or verification of existing knowledge, all for the preservation and improvement of the quality of human life. Layunin Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa layuning ito. Wika nga nila Good at Scates (1972). The purpose of research is to serve man and the goal is the good life.Samantala, sina Calderon at Gonzales (1993) ay nagtala ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:a. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomina.b. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at impormasyon c. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.d. Higit na mauunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.e. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.f. Ma-satisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.g. Mapalawak o ma-verify ang mga umiiral na kaalaman.

Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik 1. Ang pananaliksik ay sistematik - May sinusunod itong proseso o magkakasunud-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.2. Ang pananaliksik ay kontrolado - Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant. Sa madaling salita, hindi dapat baguhin, nang sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa asignatura sa pinag-aaralan ay maiuugnay sa eksperimental na baryabol. Ito ay kailangan lalung-lalo na sa mga eksperimental na pananliksik.3. Ang pananaliksik ay empirikal - Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap. Halimbawa, kapag sinabi ng isang tao na mayroong limang tao sa loob ng silid, magiging katanggap-tanggap ang datos na iyon kapag naobserbahan na at na-verify ng ibang tao ang limang tao sa loob ng silid na iyon. Samakatuwid, ang bilang ng tao ay isang datos na empirikal. Ngunit kapag sinabing may limang multo sa loob ng isang silid, maaaring sang-ayunan iyon ng isa o dalawa. Ibig sabihin, ang iba ay maaaring tumutol at sabihing wala namang multo o kayay hindi naman lima ang multo kundi ibang bilang. Ito ay sa kadahilanang ang mga multo ay halimbawa ng mga di-empirikal na datos.4. Ang pananaliksik ay mapunuri - Sa pananaliksik, ang mga datos na naklap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalsan pa, gumagamit ang mga mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pangestadistika sa pagsusuri ng datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.5. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwatiteytib o istatistikal na metodo - Ang mga datos ay dapt mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri ang kanilang pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan. Halimbawa, ang pagsasaad ng siyamnapung bahagdan (porsyento), isa sa sampung mag-aaral (ratio) at limang tanong bawat respontente (distribusyon) ay ilang mga halimbawa ng kwantiteytib na datos, kumpara sa mga pahayag na tulad ng marami, ilan, humigit-kumulang na walang malinaw na istatistikal na halaga.6. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda - Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first-hand. 7. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskribsyon - Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga syentipikong paglalahat. Samakatuwid, lahat ng konklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya. 8. Ang pananliksik ay matiyaga at hindi minamadali - Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito. Ang pananaliksik na minamadali at ginawa nang walang pag-iingat ay kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at paglalahat.9. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan - Walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.10. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang - kailangan ang tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaring makaranas siya ng mga hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik. May mga pagkakataon ding maasi siyang dumanas ng di-pagsng-ayon ng publiko at lipunan. Maaari ring magkaroon ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang mananaliksik.11. Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat - Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat sa pagsulat na paraan sa anyo ng isang papel-pampananaliksik (halimbawa: pamanahong-papel, tisis at disertasyon) para sa angkop o ang tinatawag na oral presentation o defense.

Part 3: ANG MANANALIKSIK: MGA KATANGIAN AT PANANAGUTANAng isang mananaliksik ay dapat na magtaglay ng sapat na kakayahan at kaalaman sa mga pamamaraan ng pananaliksik.Kailangan niya ring maglaan ng sapat na panahon sa pangangalap ng kanyang mga datos.Sadyang hindi biro ang maging isang mananaliksik.May mga katangian siyang dapat taglayin at mga pananagutang dapat isaalang-alang.Sa kanyang pananaliksik, dapat niyang iasaalang-alang na may panangutan siya sa kanyang mga hanguan, sa kanyang mga mambabasa at sa lipunan sa kabuuan. MGA KATANGIAN DAPAT TAGLAYIN NG ISANG MANANALIKSIKa. MASIPAG Kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng mga datos at pagsisiyasat sa lahat ng anggulo at panig na pinapaksa ng pananaliksik.Hindi maaaring doktorin ng mananaliksik ang resulta ng kanyang pananaliksik. Kung magiging tamad siya, mahahalata ito sa kakulangan ng kanyang datos, kakulanagn ng katibayan para sa kanyang mga pahayag at mga hindi mapangatwirang kongklusyon.b. MATIYAGA Kakambal na ng sipag ang tiyaga.Sa pangangalap ng mga datos , kailangan maging pasensyoso ang isang mananaliksik. Kapag inaakala niyang kumpleto na ang mga datos, maaring imungkahi pa rin ng kanyang guro/tagapayo ang pagdaragdag sa nauna na nang mga nakalap na datos.Samakatwid,kailangan niyang pagtiyagaan, hindi pa man iminumungkahi ng tagapayo, ang panangalap ng mga datos mula sa ibat-ibang hanguan tulad ng mga magasin, pahayagan, journal, tisis, disertasyon, manuskrito, manipesto, polyeto, praymer, imbestigasyon, obserbasyon at mga website sa internet. c. MAINGAT Sa pagpili at paghimay-himay ng mga makabuluhang datos,kailangang maging maingat ang isang mananaliksik.Lalo na sa dokumentasyon o sa pagkilala sa panagkunan ng datos at pinagmulang ng anumang ideya,ang pag-iingat ay kailangan upang maging kapani-paniwala ang mga resulta ng pananaliksik.Kailngan ding maingat at tiyakin ang iba`t ibang panig ngpaksang sinisiyasat at maingat na tiyakin may sapat na katibayan o balidasyon ang anuimang posisyon o interpretasyong ginawa sa pananaliksik. d. SISTEMATIK Ang pananalikisik ay iasng sistimatikong gawain. Sa makatuwid,kailangang sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa pagkakasunod-sunod.Halimbawa,hindi maaring unahin ang paglalagom at pagbuo ng mga konklusyon nang hindi pa nakakangalap ng mga datos.Sa pangangalap ng mga datos,kailangan nya ding maging sistematiko nang hindi maiwaglit ang mgta datos sa sandaling kailngan na niya ang mga ito.e. KRITIKAL Ang pananaliksik ay isang iskolaring gawain.Pinaglalaanan ito ng buhos ng isip. Samakayuwid,sa pag-ieksamen ng mga inpormayion,datos, ideya o opinyon upang matukoy kung ang mga itoy valid, mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan. Sa madaling salita,kailangan niyang timbang-timbangin ang mga katwiran ng mga impormasyon upang kanyang mapagpasyahan kung alin sa mga iyon ang kanyang mapakikinabangan sa kanyang pananaliksik. Mga pananagutan ng isang mananaliksik Katapatan ang pangunahing pananagutan ng isang mananaliksik. Ang katapatang iyo ay kailngan niyang maipamalas sa pagkilala ng pagkukunan ng kanyang mga datos at ipang pang ideya o impormasyon sa kangyang pananaliksik.a. kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pingakunan ng datos,b. bawat hiram na termino atg ideya ay kanyang ginagawan ng karampatang tala, c. hindi siya nagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at banibigyan ng karampatan na pagkilala, atd. hindi siya nagkukubli ng mga datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kangyang mga argumento o ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang partyikular na pananaw (Atienza, et al.,1996).Ang Isyu ng Plagyarismo Ang plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, himig at iba, hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay ang uri ng pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo (Atienza, et al., 1996).Sa pananaliksik ay may sinisunod na etika. Katulad ito ng anumang disiplina na may istriktong code of ethics na ipinatutupad. Sa etika ng pananaliksik, itinuturing na napakalaking kasalanan ang plagyarismo. Dahil sa kabigatan ng kasalanang ito, napatalsik ang isang dekano sa isang unibersidad, natanggalan ng digri ang isang nagtapos na ng doktorado, nawalan ng kredibilidad ang isang programa sa telebisyon (atienza, et al., 1996)Sina atienza, et al. (1996) ay nagtala ng ilang mga halimbawa ng plagyarismo at mga kaparusahang maaaring ipataw sa isang plagyarista. Ilan sa mga halimbawa ng plagyarismo kanilang itinala ay ang sumusunod:a. kung ginagamit ang orihinal o mga salita, hindi ipinaloob sa panipi o hindi ang pinagkunan,b. kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang pinagmulan,c. kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa ibat ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito nguit hindi kinilala ang mga pinagkunan,d. kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa ibang wika na ay inangkin na at hindi itinila na salin ang mga ito.e. kung ninakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig, at hindi kinilala ang pinagkunan ng inspirasyon, atf. Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na pinaghirapan ng iba at pinalab as niyang siya ang nagkalap ng mga datos na ito.

ANG PAMANAHONG PAPEL Ito ay isang uri ng papel-pampananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sakolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko. Mga Pahinang Preliminari o Front Matters1. Fly Leaf 1 - ito ang pinakaunang pahina ng pamanahong papel. Walang nakasulat na kahit na ano sa pahinang ito.2. Pamagitang Pahina - ito ang pahinang nagpapakilala sapamagat ng pamanahong-papel.3. Dahon ng Pagpapatibay - ito ang pahinang kumukumpirma sapagkakapasa ng mananaliksik atpagkakatanggap ng guro ngpamanahong papel.4. Pasasalamat o Pagpapakilala -sa pahinang ito tinutukoy ngmananaliksik ang mgaindibidwal, pangkat, tanggapan oinstitusyong maaaring nakatulong sapagsulat ng pamanahong-papel atkung gayoy nararapat pasalamatn okilalanin.5. Talaan ng Nilalaman - dito nakaayos ang pagbabalangkasng mga bahagi at nilalaman ngpamanahong-papel at nakatala angkaukulang bilang ng pahina kung saanmatatagpuan ang bawat isa.6. Talaan ng Talahanayan at Grap - dito nakatala ang bawat pamagat ngbawat talahanayan ato grap nanasa loob ng pamanahong papel atang bilang ng pahina kung saanmatatagpuan ang bawat isa.7. Fly Leaf 2 - ito ay isa na namang blangkongpahina bago ang katawan ngpamanahong papel.8. Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nitoa. Panimula o Introduksyon -ito ay isang maikling talataangkinapapalooban ng pangkalahatangpagtalakay ng paksa ngpanananaliksik.b. Layunin sa Pag-aaral - Dito nilalahad ang layunin o dahilankung bakit isinasagawa angpananaliksik ng paksa ng pag-aaral.Tinutukoy rin dito ang mga ispesipikna suliranin na nasa anyongpatanong.c. Kahalagahan ng Pag- aaral - Dito inilalahad ang signipikans ngpagsasagawa ng pananaliksik ngpaksa ng pag-aaral.d. Saklaw at Limitasyon - Tinutukoy dito ang simula athangganan ng pananaliksik.e. Depinisyon at Terminolohiya - Dito itinatala ang mga katawagangmakailang ginamit sa pananaliksikat ang bawat isay binibigyangkahulugan.PANANALIKSIK ito ang proseso ng paghanap ng mga totoong impormasyon nahumahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ngkung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Isinilang ang gawaing pananaliksik ngmagsimulang magtanong ang mga sinaunang mga tao sa mundo hinggil sa mga bagay-bagay at nagsimula ring maghanap ng mga kasagutan para sa mgakatanungang ito. Halimbawa ng mga ito ang mga nagsipagtala ng mga paggalaw ng mga bituin ng kalangitan. Subalit nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa pagsasaliksik dahil kay Galileo Galilei noongmga 1500.

Mga Uri ng Pananaliksik1. Pang-akademya. Iba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sapagkat isinasagawa ito ngmga mag-aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga estudyante upang makapagsulat ng mga takdang-aralin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala sila sa kanilang mga talaan. Ginagamit din ang gawaing ito ng mga manunulat ng mga hindi kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang maging tama ang kanilang mga impormasyong ginagamit sa pagsusulat. 2. Pang-agham Tinatawag din itong pamamaraang pang-agham o pamamaraang siyentipiko. Isang pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang mga pagkaunawa sa mga larangan ng biyolohiya, inhinyeriya, pisika, kimika, at iba pa. Dahil sa pang-agham na gawi ng pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas ng mga karamdaman, ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib na mga sasakyan, at kung paano makapag-aani ng mas maraming mga pagkain sa mga bukirin. Nagmumula sa mga pamahalaan, mga pribadong korporasyon, at mula sa nagbibigay-kusang mga samahan ang suportang pampananalapi sa ganitong uri ng mga pananaliksik. 3. Pampamilihan Isa itong sangay sa larangan ng sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa pananaliksik na pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho. 4. Pang-edukasyon. May kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang mga tao sa ganitong uring pananaliksik, partikular na sa mga paaralan.5. Pangkasaysayan Sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga personal natalaan, mga liham, mga batas, mga resibo, mga sertipiko ng pagpapatibay, mga pahayagan, mga magasin, mga aklat, at mga kasangkapang tulad ng mgaalahas, mga aparato, at mga kagamitang pantahanan. Ginagamit ito ng mgaarkeologo.6. Pangwika Tinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan angkung paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sawikang sinusuri, at maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mgamamamayang nasa isang pook.

Pagpili ng Paksa 1. Kasapatan ng Datos Kailangang may kasapatan ng literatura hinggil sa paksang pipiliin . Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan ngilan pa lamang ang mga abeylabol na datos hinggil doon. 2. Limitasyon ng panahon May mga paksa na nangangailangan ng mahabang panahon . Subalit mas mainam kung ang pananaliksik ay may itinakdang panahon upang ito ay tapusin nang matamo ang minimithing kasagutan o resulta para sa kapakinabangan ng mga susunod na mananaliksik.3. Kakayahang Pinansyal . Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa . May mga paksang mangangailangan ng malaking gastusin , at kung titipirin ay maaaring maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik , mas mainam kung ang pipiliing paksa ay naaayon sa kakayahang pinansyal ng mananaliksik . 4. Kabuluhan ng Paksa Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan . Samakatwid , kailangang pumili ng paksang hindi lamang napapanahon , kundi maaari ring pakinabangan ng mananaliksik at ng iba pang tao .5. Interes ng Mananaliksik magiging madali para sa isang mananaliksik ang pangangalap ng ga datos kung ang paksa niya ay naaayon sa kanyang kawilihan o interes. Hindi niya kailangang pilitin pa ang sarili sa pananaliksik kung ang ginagawa niya ay nauukol sa bagay na gusto naman talaga niya .

PORMAT NG I PANANALIKSIK SA FILIPINO 2 Kabanata I ; Ang Suliranin at Kaligiran Nito A. Panimula /Saligan ng Pag-aaral B. Layunin C. Kahalagahan ng pag-aaral D. Saklaw at Limitasyon E. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Panimula o Introduksyon - Binigbigyang-daan sa introduksyon ang maalwang pagdaloy ng kaisipan tungo sa paksa at layunin. Kailangang maging maliwanag at maikli ang mga pambungad. Hindi dapat maging mahaba pa ito kaysa sa paksang talakay. Isang maikling talataang kinapapalooban ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. Layunin ng pag-aaral - Ano ang gustong malaman o matuklasan sa iyong pananalisik.Inalalahad ang pangkalahatang layunin ,dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral . Tinutukoy dito ang mga ispesipik na suliranin na nasa anyong patanong. Kahalagahan ng pag-aaral - Ano ang magiging kontribusyon ng inyong pananaliksik sa sarili, kapwa, lipunan, pamahalaan at bayan. Kailangan tuwirang makapag-ambag ito ng mahalagang kabatiran at dagdag na kaalaman para sa nakaraan, ngayon at hinaharap. Saklaw at Limitasyon - Dapat ay ispisipiko at naglalayon na I-pokus ang atensyon ng sumusulat sa pinakapaksa. Depinisyon ng mga Terminolohiya - Binibigyang paliwanag o pakahulugan ang mga mahahalagahang salitangginamit ng mananaliksik. Isang mabisang paraan ito sa pagpapadali ng unawa ngkabuuanPagbibigay-kahuluguhan sa mga salitaKonsepwal - batay sa kahulugan sa diksyunaryo at iba pang babasahin.Operasyunal - batay sa konsepto o ideya kung papaano ginamit ang salita sa pag-aaral

Kabanata II. Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura Ilalahad sa kabanatang ito ang balik-aral ng mga kaugnay na literaturang mga naisagawang pagsisiyasat. Sa mga nalikom na pag-aaral at mgaliteratura masasalig ang kasalukuyang saliksik at basehan ng rekomendasyon at konklusyon.1. Mga Kaugnay na Pag-aaral (references) a. Thesis Books, essays, TV and Radio b. Term Papers News papers c. Research Documents d. Dissertations2. Mga Kaugnay na Literatura (references) a. Books Thesis, term papers, research documents, b. Essays dissertations c. TV and Radio d. Magazines e. News papers

Kabanata III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Dito nakasaad kung papaano ikaw, bilang manananaliksik ay magkakalap ng mga datos para sa iyong pag-aaral.a. Disenyo ng Pananaliksik - nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-aaral.b. Respondente - tinutukoy dito kung ilan sila at paano sila pinili.c. Instrumento ng Pananaliksik - inilalarawan dito ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon.d. Tritment ng mga Datos - inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailarawan.

1