2
Mga likas na tampok Ang Coyote Point ay dating isang isla sa San Francisco Bay, na nahihiwalay ng latiang asin mula sa pangunahing lupain. Noong bandang 1800, pinuno ang latian upang makagawa ng pastulan. Sa kalaunan, ginamit ang lugar bilang daungan para sa mga kargo. Ngayon, sinusuportahan ng mahangin at maalat na kapiligiran ng Coyote Point ang mga grupo ng puno ng eukalipto at Monterey cypress. Nagsisilbing tirahan ang mga natirang maliit na lawa ng asin, lakaran sa dalampasigan, daungan, at ang pamasag-alon para sa ilang mga katutubong shorebird at songbird. Halos patag ang mabato at mahanging Recreation Area, na may maliit na burol na naghahandog ng magagandang tanawin ng Bay. Coyote Point Recreation Area Matatagpuan sa San Francisco Bay mismo, nag-aalok ang mabatong peninsula at ang dalampasigang ito ng maraming kakaibang karanasan sa parehong lupa at tubig. Ang 149 na akre ng lupa ng Parke ay mayroong maraming lugar para sa piknik, tatlong palaruan, mga daanan, isang dalampasigang puno ng maliliit na bato, at mga lugar para mangisda. Ang 538 akre ng Recreation Area (Lugar ng Libangan) sa ilalim ng tubig ay nag-aalok ng maraming pagkakataon para sa windsurfing, paglalayag (sailing), at pagsakay sa kayak. Maaaring rentahan ang mga kagamitan sa board na isports sa Beach Center. Kabilang sa Recreation Area ang Coyote Point Marina, ang Coyote Point Pistol at Rifle Range, CuriOdyssey – isang museo para sa edukasyon tungkol sa kapaligiran, at ang pribadong Coyote Point Yacht Club. Jack Yaco Mga aktibidad at pasilidad Ang magandang tanawin ng Recreation Area ay kinilala ng Bay Area Parent Magazine bilang “Pinakamainam sa Lahat ng Mainam” na Palaruan at Panlabas na Lugar ng Libangan ng 2008. Ang Magic Mountain Playground ay nagtatampok ng anim na padulasan, estrukturang palaruang kastilyo na may tatlong palapag, mga nakabibighaning kulay-lilang dragon, at maluwag na espasyo na matatakbuhan. Ang mga daanan na bumabagtas sa parke ay mainam para sa paglalakad, pagtakbo, at pagbibisikleta. Bumabagtas ang San Francisco Bay Trail sa timog na bahagi ng Recreation Area. Ang Recreation Area ay may maraming lugar para sa piknik na hindi kailangan ng reserbasyon, pati na rin mga bukas na espasyo para sa pagpapalipad ng saranggola. Maraming pasilidad na bukas para sa reserbasyon sa buong taon, kasama ang mga lugar para sa pangkatang piknik at mga kampong pang-RV. Para gumawa ng mga reserbasyon, bumisita sa www. SMCoParks.org o tumawag sa 650-363-4021. Kabilang sa mga karagdagang pasilidad sa lugar ng libangan ang: Coyote Point Marina 650-573-2594 CuriOdyssey 650-342-7755 Coyote Point Rifle Range 650-573-2557 Coyote Point Yacht Club 650-347-6730 Coyote Point Isang Parke sa San Mateo County Mga Parke sa San Mateo County Mga reserbasyon 650-363-4021 Pangkalahatang impormasyon 650-363-4020 www.SMCoParks.org Ang Departmento ay namamahala sa mga parke, daanan, at makasaysayang lugar upang ipreserba ang mga pampublikong lupain at magbigay ng mga oportunidad para sa edukasyon at libangan. Kabilang sa mga ari-arian ng sistema ang mga parke, pinepreserbang lugar, daanan, at makasaysayang lugar na matatagpuan sa buong County at sumasaklaw sa higit 17,000 akre. Ang mga parke ay kumakatawan sa kamangha-mangha at sari-saring likas na lugar ng ating rehiyon, mula sa mababatong lawa-lawaan, malalagong gubat sa bundok, at mga liblib na lugar para magkampo hanggang sa dalampasigan ng Bayfront, maaliwalas na mga lugar para sa piknik, at mga sikat na palaruan. Nagbebenta ang Departmento ng mga tiket na magagamit sa buong taon, na nag-aalok ng walang limitasyong pagpasok sa lahat ng Mga Parke sa County sa buong taon. Suportahan ang inyong mga parke Maaari kang magboluntaryo upang tulungan ang mga bantay-gubat na protektahan at paunlarin ang mga lupain ng parke at pagsilbihan ang mga bumibisita sa parke. Ang San Mateo County Parks Foundation ay nangangalap ng pondo para pagbutihin ang kalidad ng Mga Parke sa County para sa ating komunidad. Para sa impormasyon, bumisita sa www.SupportParks.org. Coyote Point Recreation Area 1701 Coyote Point Drive, San Mateo, CA 94401 Punong-himpilan ng Parke 650-573-2592 Pulis, Sunog, o Medikal na Emergency 911 Mga Parke sa San Mateo County Mga likas na lugar at nakakagiliw na espasyo Mga likas na lugar at nakakagiliw na espasyo C Inimprenta sa ini-recycle na papel Nobyembre 2018

Coyote Point Recreation Area 1701 Coyote Point Drive, San

  • Upload
    others

  • View
    7

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Coyote Point Recreation Area 1701 Coyote Point Drive, San

Mga likas na tampokAng Coyote Point ay dating isang isla sa San Francisco Bay, na nahihiwalay ng latiang asin mula sa pangunahing lupain. Noong bandang 1800, pinuno ang latian upang makagawa ng pastulan. Sa kalaunan, ginamit ang lugar bilang daungan para sa mga kargo.

Ngayon, sinusuportahan ng mahangin at maalat na kapiligiran ng Coyote Point ang mga grupo ng puno ng eukalipto at Monterey cypress. Nagsisilbing tirahan ang mga natirang maliit na lawa ng asin, lakaran sa dalampasigan, daungan, at ang pamasag-alon para sa ilang mga katutubong shorebird at songbird.

Halos patag ang mabato at mahanging Recreation Area, na may maliit na burol na naghahandog ng magagandang tanawin ng Bay.

Coyote Point Recreation AreaMatatagpuan sa San Francisco Bay mismo, nag-aalok ang mabatong peninsula at ang dalampasigang ito ng maraming kakaibang karanasan sa parehong lupa at tubig.

Ang 149 na akre ng lupa ng Parke ay mayroong maraming lugar para sa piknik, tatlong palaruan, mga daanan, isang dalampasigang puno ng maliliit na bato, at mga lugar para mangisda. Ang 538 akre ng Recreation Area (Lugar ng Libangan) sa ilalim ng tubig ay nag-aalok ng maraming pagkakataon para sa windsurfing, paglalayag (sailing), at pagsakay sa kayak. Maaaring rentahan ang mga kagamitan sa board na isports sa Beach Center.

Kabilang sa Recreation Area ang Coyote Point Marina, ang Coyote Point Pistol at Rifle Range, CuriOdyssey – isang museo para sa edukasyon tungkol sa kapaligiran, at ang pribadong Coyote Point Yacht Club. Ja

ck Y

aco

Mga aktibidad at pasilidadAng magandang tanawin ng Recreation Area ay kinilala ng Bay Area Parent Magazine bilang “Pinakamainam sa Lahat ng Mainam” na Palaruan at Panlabas na Lugar ng Libangan ng 2008.

Ang Magic Mountain Playground ay nagtatampok ng anim na padulasan, estrukturang palaruang kastilyo na may tatlong palapag, mga nakabibighaning kulay-lilang dragon, at maluwag na espasyo na matatakbuhan.

Ang mga daanan na bumabagtas sa parke ay mainam para sa paglalakad, pagtakbo, at pagbibisikleta. Bumabagtas ang San Francisco Bay Trail sa timog na bahagi ng Recreation Area.

Ang Recreation Area ay may maraming lugar para sa piknik na hindi kailangan ng reserbasyon, pati na rin mga bukas na espasyo para sa pagpapalipad ng saranggola.

Maraming pasilidad na bukas para sa reserbasyon sa buong taon, kasama ang mga lugar para sa pangkatang piknik at mga kampong pang-RV. Para gumawa ng mga reserbasyon, bumisita sa www.SMCoParks.org o tumawag sa 650-363-4021.

Kabilang sa mga karagdagang pasilidad sa lugar ng libangan ang: Coyote Point Marina 650-573-2594 CuriOdyssey 650-342-7755 Coyote Point Rifle Range 650-573-2557 Coyote Point Yacht Club 650-347-6730

Coyote PointIsang Parke sa San Mateo County

Mga Parke sa San Mateo CountyMga reserbasyon 650-363-4021Pangkalahatang impormasyon 650-363-4020www.SMCoParks.org

Ang Departmento ay namamahala sa mga parke, daanan, at makasaysayang lugar upang ipreserba ang mga pampublikong lupain at magbigay ng mga oportunidad para sa edukasyon at libangan. Kabilang sa mga ari-arian ng sistema ang mga parke, pinepreserbang lugar, daanan, at makasaysayang lugar na matatagpuan sa buong County at sumasaklaw sa higit 17,000 akre.

Ang mga parke ay kumakatawan sa kamangha-mangha at sari-saring likas na lugar ng ating rehiyon, mula sa mababatong lawa-lawaan, malalagong gubat sa bundok, at mga liblib na lugar para magkampo hanggang sa dalampasigan ng Bayfront, maaliwalas na mga lugar para sa piknik, at mga sikat na palaruan.

Nagbebenta ang Departmento ng mga tiket na magagamit sa buong taon, na nag-aalok ng walang limitasyong pagpasok sa lahat ng Mga Parke sa County sa buong taon.

Suportahan ang inyong mga parkeMaaari kang magboluntaryo upang tulungan ang mga bantay-gubat na protektahan at paunlarin ang mga lupain ng parke at pagsilbihan ang mga bumibisita sa parke.

Ang San Mateo County Parks Foundation ay nangangalap ng pondo para pagbutihin ang kalidad ng Mga Parke sa County para sa ating komunidad. Para sa impormasyon, bumisita sa www.SupportParks.org.

Coyote Point Recreation Area1701 Coyote Point Drive, San Mateo, CA 94401Punong-himpilan ng Parke 650-573-2592Pulis, Sunog, o Medikal na Emergency 911

Mga Parke sa San Mateo County Mga likas na lugar at nakakagiliw na espasyo

Mga likas na lugar at nakakagiliw na espasyo

C Inimprenta sa ini-recycle na papel Nobyembre 2018

Page 2: Coyote Point Recreation Area 1701 Coyote Point Drive, San

N

Humboldt St

Poplar

Ave

Peninsula

Ave

Monte

Diablo

Ave

Peninsula

Ave

Coyote

Point D

r

Coyote Point Dr

Poplar CreekGolf Course

(City of San Mateo)

Beach area

Windsur�ngarea

San Francisco Bay

50

25

75

to Ryder Park, 3rd Ave, andSeal Point Park

EucalyptusGroup Picnic Areas

Peninsula HumaneSociety& SPCA

Bay Trail

TrailBayTrail

Bay Trail

Airport Blvd

Airport Blvd

Ri�erange

Captain’s House

CuriOdyssey

BreakwaterMerchant MarineMemorial overlook

Beach PicnicAreas

North Bayshore Blvd

Bayshore Freeway

SAN MATEO

BURLINGAME

CoyotePointMarina

Coyote PointYacht Club

reserved parkingPG&E substation

Tidal marsh

Magic MountainPlayground

Magic MountainPicnicAreas

Park entrance

Harbormaster o�ce

WildlifeCenter

Parko�ces

Bay Trail

Promenade

TrailBeach Center and water sport

concession

RV campsites(by reservation)

Knoll Youth Area

Marina Trail

TrailM

arina

CoveTrail

Shoreline Trail

Bluff Trail

Eucal

yptus

0.4

0.35

0.15

0.2

0.4

0.2

0.2

0.15

0.15

0.3

Coyote Point Recreation Area

Harbor ViewPark

101

101

Contour interval: 25 feet

Peninsula Aveexit 417B

Poplar Aveexit 417

P

P

P

P

PP

P

P

P

to El Camino Real

to Broadway

Dore Ave exit 417A

Paved bike path(bicycle and hiking)

Paved walking path (bikes OK)

Trail distance (miles)

Other public lands

Private property

Marina slips

Gate

OverlookHiking trail

Gatehouse

Parking

Picnic area

Group picnic area(by reservation)

Restrooms

Youth group picnicarea (by reservation)

LEGEND

P

rev

11/8

/18

v62

Windsurfing area

Boat launch

Fishing area

Whole-access trail

Showers

Playground

0.2

San Francisco Bay Trail

0.2 mile

0.2 kilometer0

0

0.1

0.1

20

21

2223

24

25

26

1

23

4

56

78

910

111213 14

15

161718

19

Mga oras at paggamit ng parkeMga oras Nagbubukas ang Parke nang 8am. Nagbabago ang oras

ng pagsara depende sa panahon, at ito ay ipinapaskil.

Mga alagang Hindi pinapahintulutan ang mga alagang hayop sa hayop parke, ngunit pinapahintulutan ang mga nakataling aso

sa Bay Trail.

Mga lobo Dahil sa mga malapit na linya ng kuryenteng may mataas na boltahe, hindi pinapahintulutan ang mga mylar (metaliko) na uri ng lobo sa Coyote Point.

Mga apoy Pinapayagan lamang ang mga pag-iihaw sa barbeque pit (ihawan) gamit ang uling; bawal ang mga portable na ihawan.

Paninigarilyo Bawal manigarilyo sa mga Parke ng County, sa mga daanan, o sa mga makasaysayang lugar.

Mangyaring protektahan ang likas na kapaligiran ng Parke at huwag gambalain ang alinmang halaman o hayop.

Mga daananMarina Trail Loop .4 milya Shoreline Trail .5 milya Bluff Trail .9 milya mula sa Merchant Marine Memorial na may tanawin ng Bay Trail

Bay Trail 1.1 milya mula sa dalampasigan para sa windsurfing patungo sa pasukan ng Yacht Club

Pare-parehas na ginagamit ng mga umaakyat sa bundok, tumatakbo, at nagbibisikleta ang mga daanang ito. Mangyaring maging alerto at maging magalang sa lahat ng gumagamit ng daanan.

Para sa mga nagbibisikleta, laging magbigay-daan sa ibang mga gumagamit ng daan.

Para sa higit pang impormasyon at ruta ng daanan, bumisita sa www.SMCoParks.org.