Dementia: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita · PDF fileAng ilan sa mga gamot na ito ay maaaring makatulong sa pagbagal ng ... • Uminom ng mainit-init na gatas o tsaang gawa sa halamang-gamot

Embed Size (px)

Citation preview

  • Dementia: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

    Dementia: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

    Ang dementia ay ang dahan-dahang pagkawala ng paggana ng pag-iisip. Ang pagkawalang ito ay nakakaapekto sa iyong kakayahang magsagawa ng maraming normal na gawaing pang-araw-araw. Ang dementia ay kaiba sa paminsan-minsang mga problema sa memorya na nararanasan ng karamihan ng tao. Sa dementia, maaaring matutuklasan mo na makakalimutan mo ang mga simpleng bagay na sa pakiramdam mo ay dapat na alam mo. Ang wika, mga kahusayan sa paglutas ng problema, at ang kakayahan na makapag-isip nang malinaw ay maaaring lahat maapektuhan.

    Normal na makaramdam nang pagkabigla at galit kapag malaman mong may dementia ka. Medyo matatagalan bago maintindihan ang impormasyon. Bagaman walang pang lunas para sa dementia sa kasalukuyan, mayroong mga gamot na magagamit na makakatulong sa mga sintomas. Ang ilan sa mga gamot na ito ay maaaring makatulong sa pagbagal ng paglala ng sakit. Ang iba ay maaaring makatulong sa iyong pamahalaan ang mga karaniwang sintomas katulad ng mga problema sa pagtulog o mga karamdaman sa lagay ng kalooban.

    Ang dementia ay hindi magkatulad para sa lahat. Ang ilang mga tao ay mas mabilis na mawawalan ng kognitibong paggana; ang iba ay mas mabagal. Sa maagang mga yugto, maaari mong gawin ang lahat o karamihan sa iyong mga normal na gawain. Ito ang mainam na panahon upang simulang magplano para sa iyong pangangalaga habang lumalala ang iyong sakit.

    Sa pagdating ng panahon, magiging mas mahirap para sa iyo ang pagsagawa ng mga karaniwang gawain katulad ng paglilinis, pagluluto ng pagkain, o pagbabayad ng mga bayarin. Ang ilang mga taong may dementia ay may mga problema sa pagtulog, o nakakaranas ng depresyon o mga pagbabago sa pag-uugali. Habang lumalala ang iyong mga sintomas, magiging mas mahirap na alagaan ang iyong sarili sa araw-araw. Maaaring

  • Dementia: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita hindi mo mapapansing nangangailangan ka na ng tulong sa pagdating ng panahon. Ito ang dahilan kung bakit napakahalagang magplano nang maaga para sa iyong pangangalaga. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga opsyon para sa pagplano para sa hinaharap.

    Pag-aalaga sa iyong sarili sa tahanan May ilang mga bagay na maaari mong gawin upang maalagaan ang iyong sarili, kabilang na ang:

    Pagpapanatiling aktibo ang pag-iisip. Magpatuloy sa mga libangang iyong kinagigiliwan. Isaalang-alang ang pagsisimula ng mga bagong libangan. Hamunin ang sarili sa pamamagitan ng pagdalo sa isang klase. Magbasa, magsulat at maglutas ng mga puzzle.

    Mag-ehersisyo bawat araw, kung posible. Maglakad-lakad sa mga pamilyar na lugar o kasama ang iyong mga kaibigan.

    Kumain ng mga masustansiyang pagkain. Pagsikapang makakain ng maraming prutas, mga gulay at mga buong butil bawat araw. Magtanong sa iyong doktor tungkol sa nutrisyonal na mga inumin kung sa pakiramdam mo hindi sapat ang iyong kinakain.

    Inumin ang iyong mga gamot nang eksakto ayon sa inireseta. Kung may anumang mga problema ka sa iyong gamot, kaagad na ipaalam sa iyong doktor.

    Pagbutihin ang kalidad ng iyong pagtulog sa pamamagitan ng pagsubok sa ilan sa mga estratehiyang ito upang makakuha ng mas mabuting pagtulog sa gabi.

    Bawasan ang mga pag-idlip, at huwag umidlip sa mga huling oras ng araw. Mag-ehersisyo araw-araw. Uminom ng mainit-init na gatas o tsaang gawa sa halamang-gamot bago matulog. Maglaan ng oras bago matulog para sa isang nakaka-relaks na gawain katulad ng

    pagbabasa o pagninilaynilay.

    Pinakamainam na iwasan ang pagmamaneho maliban na lang kung nakapasa ka kamakailan lang ng pagsusulit sa pagmamaneho. Makipag-ugnayan sa iyong lokal na departamento ng mga de-motor na sasakyan upang magpa-iskedyul ng pasulit.

    Iba pang mga estratehiya Gawing simple ang iyong buhay kung saan maaari. Magkaroon ng pang-araw-araw na kinagawiang gawain upang magkaroon ka ng

    nakikinitang iskedyul.

  • Dementia: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita Pagsikapang maging pinaka-aktibo sa oras ng araw kung kailan pinakamahusay ang

    iyong pakiramdam. Subaybayan ng mga nakaplanong pangyayari sa pamamagitan ng pagsulat sa mga ito

    sa isang kalendaryo sa isang lokasyong madaling matingnan. Gumawa ng mga listahan at gumagamit ng mga palatandaang Post-it bilang mga

    paalaala. Maglagay ng isang cordless na telepono o cell phone na malapit sa iyo o na dala-dala

    mo sa lahat ng oras. Maaari mong isaalang-alang ang isang pang-emerhensiyang aparato na isusuot mo sa iyong leeg para tumawag ng tulong.

    Pamamahala ng mga emosyon Maaari kang makaramdam ng galit, pagkabigo, pagkatakot, kalungkutan, o maski na depresyon. Magtatagal bago ka masanay sa pagbabagong ito sa iyong buhay. Maging mabuti sa sarili. Hayaang maranasan ng iyong sarili ang mga damdaming ito nang lubusan. Ang pagiging bukas tungkol sa iyong mga damdamin ay maaaring ang pinakamainam na paraan upang makayanan ito.

    Dagdag pa, maaaring naisin mong: Makipag-usap sa iyong doktor upang masiguro na ang iyong mga tanong ay

    masagot. Kung may problema ka sa pag-alaala ng pinag-usapan, magsulat ng mga maiikling tala o humiling sa isang minamahal na gawin ito para sa iyo.

    Pag-usapan ang iyong dementia kasama ng iyong pamilya at mga minamahal. Huwag matakot na ipakita ang iyong nararamdaman at humiling ng suportang emosyonal.

    Maghanap ng therapist o iba pang propesyonal sa kalusugan ng pag-iisip na may karanasan sa pagtatrabaho sa mga taong may dementia.

    Maghanap ng pansuportang pangkat kung saan maaari mong ibahagi ang iyong mga nararamdaman sa ibang tao na napagdadaanan ang parehong mga karanasan.

    Pagpaplano para sa hinaharap Mahalagang matanggap na darating ang panahon na kakailanganin mo ang tulong sa paggawa ng mga desisyon at pag-alaga sa iyong sarili. Mahalagang magplano na ngayon para sa panahong iyon.

    Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga hakbang na dapat mong gawin upang masiguro ang iyong pangangalaga. Malamang na nanaisin mong magkaroon ng Paunang Direktiba sa Pangangalaga ng Kalusugan (Advance Health Care Directive) na magtuturo

  • Dementia: Pagkaraan ng Iyong Pagbisita

    sa mga medikal na propesyonal kung papaano mo nais na mapangalagaan sa panahong hindi mo na kayang gumawa ng mga desisyon sa iyong sarili.

    Makipag-usap sa iyong pamilya at mga mahal sa buhay. Isaalang-alang ang pagpangalan ng isang tao (na kilala bilang isang ahente) na mamamahala sa paggawa ng mga desisyon para sa iyo tungkol sa iyong kalusugan kung hindi mo na kayang gawin ito.

    Kailan ka dapat na tumawag ng tulong? Tumawag sa 911 kung: Nawala ka at hindi mo alam kung sino ang tatawagan. Nasaktan ka at hindi mo alam kung sino ang tatawagan.

    Tawagan ang iyong doktor ngayon o humingi ng agarang medikal na pangangalaga kung: Mas nalilito o galit ka kaysa sa karaniwan. Pakiramdam mo na maaari mong saktan ang iyong sarili dahil hindi gumagana nang

    mabuti ang iyong pag-iisip.

    Iba pang mga mapagkukunan Bumisita sa home page ng iyong doktor sa kp.org/mydoctor upang magamit ang mga online na

    kagamitang pangkalusugan, matingnan ang mga paalala sa iyong Preventive Services (mga Serbisyong Pang-iwas), ma-tsek ang karamihan sa mga resulta ng laboratoryo at marami pa.

    Makipag-ugnay sa iyong Kaiser Permanente Health Education Center o Departmento para sa impormasyong pangkalusugan, mga programa, at iba pang mga mapagkukunan.

    Kung ikaw ay sinapak, sinaktan, o binantaan ng iyong ka-partner o asawa, makaaapekto ito nang malubha sa iyong kalusugan. Mayroong tulong. Tumawag sa National Domestic Violence Hotline sa 1-800-799-7233 o makipagkonekta sa ndvh.org.

    Ang tagubilin sa pangangalagang ito ay para gamitin kasama ang iyong lisensyadong propesyonal na tagapangalaga ng kalusugan. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa isang kondisyong medikal o sa tagubiling ito, palaging magtanong sa iyong propesyonal na tagapangalaga ng kalusugan.

    2011, The Permanente Medical Group, Inc. Reserbado ang lahat ng mga karapatan. REGIONAL HEALTH EDUCATION. PI0090 (Revised 12-11) Dementia: After Your Visit

    http:ndvh.org