5
GABAY SA PAGTATALAKAY HINGGIL SA CARPER Inihanda ng ANAKBAYAN Marso 2014 1. Ano ba ang CARPER? Ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER), sa mas simpleng salita, ay ang pagpapahaba ng sakop ng CARP lampas sa orihinal na katapusan nito nung 2008. Ipinasa naman ang CARP noong 1988, sa panahon ng nanay ni Noynoy Aquino, para palabasin na may ginagawa ito para solusyunan ang ilang siglo ng problema ng kawalan ng lupa ng magsasaka. Dalawang beses ng binigyan ng ekstensyon ang orihinal na CARP: noong 1998, at 2003. Minadali ng Rehimeng U.S-Arroyo, katulong ang huwad na progresibong grupo ng Akbayan, ang CARPER para bigyan pa ng 6 taon ang buhay ng nabubulok na batas. Ngayon, nananwagan muli ang Akbayan ng panibagong pagpapahaba sa buhay ng CARPER at CARP. 2. Bakit dapat tutulan ang ekstensyon ng CARPER lampas 2014? Hindi nasolusyunan ang problema ng magsasakang Pilipino sa kawalan ng sariling lupa sa pinagsamang 26 na taong buhay ng CARP at CARPER. Nananatiling pito sa bawat 10 magsasaka ay walang sariling lupang sinasaka. Ayon mismo sa datos ng gobyerno, di pa aabot sa 40% ng target ng Dept. of Agrarian Reform (DAR) na pamahagian ng lupa ang nakatanggap. Hindi pa kasama sa bilang 3. Ano ang kalagayan ng sektor ng magsasaka sa kasalukuyan? Mayorya sa kanila ay pumapasok bilang mga kasama, o mga magsasaka na nakikisaka sa lupa ng iba. Dahil hawak ng panginoong maylupa ang mga papeles ng pag-aari sa mga sakahan, sila ang nagtatakda kung ano ang hatian ng ani o harvest. 60-40 o 70-30, pabor sa panginoong maylupa, ang kadalasang hatian. Dahil sa napakababang kita na natatanggap tuwing anihan, napipilitan ang mga magsasaka mangutang sa mga usurero, o mga nagpapautang sa napakataas na interes (halimbawa ay 50% kada buwan, o 100% kada anihan). Natutulak ang mga magsasaka na mangutang, bagay na lalong kumakaltas sa kanilang mababa kita na matagal ng mababa. Naibabaon sa utang ang mga magsasaka, kanilang mga anak, at mga susunod na henerasyon.

DG on Carper - Mar 2014

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: DG on Carper - Mar 2014

GABAY SA PAGTATALAKAY HINGGIL SA CARPER

Inihanda ng ANAKBAYAN

Marso 2014

1. Ano ba ang CARPER?

Ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER),

sa mas simpleng salita, ay ang pagpapahaba ng sakop ng CARP lampas sa orihinal

na katapusan nito nung 2008. Ipinasa naman ang CARP noong 1988, sa panahon

ng nanay ni Noynoy Aquino, para palabasin na may ginagawa ito para solusyunan

ang ilang siglo ng problema ng kawalan ng lupa ng magsasaka.

Dalawang beses ng binigyan ng ekstensyon ang orihinal na CARP: noong 1998, at

2003. Minadali ng Rehimeng U.S-Arroyo, katulong ang huwad na progresibong

grupo ng Akbayan, ang CARPER para bigyan pa ng 6 taon ang buhay ng nabubulok

na batas. Ngayon, nananwagan muli ang Akbayan ng panibagong pagpapahaba sa

buhay ng CARPER at CARP.

2. Bakit dapat tutulan ang ekstensyon ng CARPER lampas 2014?

Hindi nasolusyunan ang problema ng magsasakang Pilipino sa kawalan ng sariling

lupa sa pinagsamang 26 na taong buhay ng CARP at CARPER. Nananatiling pito sa

bawat 10 magsasaka ay walang sariling lupang sinasaka. Ayon mismo sa datos ng

gobyerno, di pa aabot sa 40% ng target ng Dept. of Agrarian Reform (DAR) na

pamahagian ng lupa ang nakatanggap. Hindi pa kasama sa bilang

3. Ano ang kalagayan ng sektor ng magsasaka sa kasalukuyan?

Mayorya sa kanila ay pumapasok bilang mga kasama, o mga magsasaka na

nakikisaka sa lupa ng iba. Dahil hawak ng panginoong maylupa ang mga papeles ng

pag-aari sa mga sakahan, sila ang nagtatakda kung ano ang hatian ng ani o

harvest. 60-40 o 70-30, pabor sa panginoong maylupa, ang kadalasang hatian.

Dahil sa napakababang kita na natatanggap tuwing anihan, napipilitan ang mga

magsasaka mangutang sa mga usurero, o mga nagpapautang sa napakataas na

interes (halimbawa ay 50% kada buwan, o 100% kada anihan). Natutulak ang mga

magsasaka na mangutang, bagay na lalong kumakaltas sa kanilang mababa kita na

matagal ng mababa. Naibabaon sa utang ang mga magsasaka, kanilang mga anak,

at mga susunod na henerasyon.

Page 2: DG on Carper - Mar 2014

Marami tuloy ang napipilitang lumikas papuntang mga siyudad para makipag-

sapalaran, at mangibang bansa. Natutulak rin sila na pumasok sa prostitusyon,

pagiging mga mersenaryo ng CAFGU at AFP, at iba pang gawaing anti-sosyal.

4. Paano pinalala ng CARPER ang kalagayan ng uring magsasaka?

Hindi inalis mula sa CARPER ang mga kontra-magsasakang probisyon at laman ng

orihinal na CARP.

Isa dito ang Stock Distribution Option (SDO) na ginamit ng pamilya ni Noynoy

Aquino para linlangin ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita. Sipi o stocks sa

isang korporasyon na humahawak sa lupa, imbes na yung aktwal na lupa, ang

ipamamahagi sa mga magsasaka sa ilalim ng SDO. Kitang-kita paano nito nilulugi

ang mga magsasaka noong ipinagpalit ng mga taga Hacienda Luisita ang kanilang

mga stocks noong nakaraang 2011. Ang pinaka-mataas na natanggap ay nasa

P6,000, na di pa sapat para bumili ng kahit isang ektarya lamang, at ang iba pa nga

ay iilang piso lang.

Isa pang pinanatili ang Voluntary Offer to Sell (VOS), isa sa dalawang porma para

makuha ng DAR ang mga lupang dapat nitong ipamahagi (ang isa pa ay yung

Compulsory Acquisition). Sa VOS, ang nagtatakda ng presyo ng lupang

ipapamahagi ay ang mismong nagbebenta nito. Walang kinatawan ang magsasaka

sa pagtatakda ng presyo (DAR lamang at Land Bank ang kausap ng panginoong

maylupa). Sobra-sobrang taas na babayarin ng mga magsasaka ang dulot nito.

Hindi rin inalis ang Land Use Conversion. Ito ang iskema kung saan pinapalitan ng

panginoong maylupa ang gamit ng kanyang sakahan mula agrikultural tunggong

komersyal (subdivision, resort, golf course, mall, atbp.), o industriyal. Imbes na

ipamahagi ito, papalitan nila ng gamit para mapagkakitaan nila ng buo at ipagkait

ang karapatan ng mga magsasaka.

Sa Seksyon 5 ng CARPER, isang rekisito para makatanggap ng lupa ang

sertipikasyon mula sa mismong panginoong maylupa. Ginagamit itong sandata para

parusahan ang mga lumalabang magsasaka at takutin sila sa paggiit ng kanilang

mga karapatan.

5. Kung hindi CARPER, ano?

Isinusulong ng mga makabayang partylist representatives sa Kongreso ang House

Bill 252 o ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB).

Di tulad ng CARPER at CARPER, libreng ipamamahagi ang lupa sa mga

magsasaka sa ilalim ng GARB. Sakop ng panukalang-batas na ito ang lahat ng mga

lupang agrikultural, lalo na ang mga lupain ng mga dayuhang korporasyon at

Page 3: DG on Carper - Mar 2014

malalaking panginoong maylupa tulad ng Cojuangco-Aquino. Tatanggalin ang mga

pamamaraan ng mga panginoong maylupa para makatakas sa pamamahagi ng lupa

sa ilalim ng CARP at CARPER, tulad ng SDO at LUC.

Sa kanayunan naman, isinusulong ng rebolusyonaryong kilusang lihim, kabilang ang

Pambansang Katipunan ng Magbubukid (PKM-National Democratic Front) at ng

Bagong Hukbong Bayan) ang rebolusyong agraryo, kung saan kabilang ang libreng

pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka.

6. Bakit dapat makialam ang kabataan at estudyante sa pakikibaka ng

magsasaka?

Hindi babangon ang sambayanang Pilipino mula sa kahirapan kung ang pinaka-

malaking sektor nito, ang uring magsasaka na bumubuo ng 75% ng buong

populasyon natin, ay hindi umuunlad.

Magpapatuloy ang bigla-bigla at sobrang pagtaas ng presyo ng bigas hangga’t

pinahihintulutan ang LUC. Bumababa ang sarili nating suplay ng bigas at tumitindi

ang pagiging palaasa natin sa imported na bigas. Dahil dito, bulnerable tayo sa

epekto ng pagmahal ng bigas sa iba pang mga bansa dahil sa kanila na tayo

nakaasa.

Habang bagsak ang agrikultura, mananatili ring bagsak ang ating mga industriya.

Walang mapagkukunan ng murang hilaw na materyales, isa sa mga malalaking

problema ng mga lokal na negosyante. Dahil mayorya ng mga magsasaka ay

mahirap, wala rin bibili ng mga produkto ng mga lokal na industriya.

7. Ano ang magagawa ng kabataan at estudyante para sa pakikibaka ng

magsasaka?

Malaki ang maitutulong ng mga kabataang estudyante sa pakikibaka ng uring

magsasaka. Dahil relatibong mataas ang tingin sa ating lipunan sa mga estudyante

at mga nagkaroon ng pormal na edukasyon, maidadala ng kabataang estudyante

ang kalagayan at laban ng magsasaka sa mga lugar na di-abot ng tinig nila.

Sa kabilang banda, kailangan rin magsanib pwersa ang uring magsasaka at ang

kabataang estudyante para parehong makamit ang mga karapatan nila. Bilang

napakaliit na bahagi lang ng lipunan, di kaya ng kabataang estudyante na baguhin

ang Pilipinas sa sarili nitong lakas.

Ito ang ilan sa maaaring magawa nating mga kabataan at estudyante:

1. Alamin ang kanilang kalagayan, makipamuhay sa kanilang hanay

Page 4: DG on Carper - Mar 2014

Pinakamainam na paraan para malaman ang kalagayan ng uring magsasaka ay

ang pakikipamuhay sa kanila. Sa pamamagitan ng pagdanas ng kanilang araw-

araw na pakikibaka para mabuhay, madidiskubre ng kabataan ang tunay na

kalagayan ng mga magsasaka at bakit kailangan ng militanteng paglaban para

sa kanilang mga interes.

Sa mga kabataang may malaking limitasyon, maaari naman siyang dumalo sa

mga pag-aaral at talakayan ng mga balangay ng ANAKBAYAN. Isa sa mga

dapat na inaaral na paksa ng mga kasapi ng organisasyong ito ay kalagayan ng

mga magsasaka, bilang magsasaka ang mayorya ng mga kabataang Pilipino.

Ang mga pag-aaral na ito ay bukas sa kahit sinong interesadong matuto.

2. Lumahok sa pambansa-demokratikong pakikibaka, sumapi sa

ANAKBAYAN

Makakamit lamang ang tunay na reporma sa lupa sa pagtatagumpay ng

tinatawag na pambansa demokratikong rebolusyon, o sa pagkamit ng tunay na

demokrasya at kalayaan. Nangangahulugan ito ng pagbagsak ng kasalukuyang

sistema, kung saan naghahari ang mga dayuhan, malalaking kapitalista, at mga

panginoong maylupa. Ito ay papalitan ng isang gobyernong tunay na

kumakatawan sa mga mamamayan.

Para mapalitan ang organisadong lakas ng mga naghahari (ang kasalukuyang

gobyerno), kinakailangan rin ng organisadong lakas ng mamamayan. Ito ay

binubuo ng mga pambansa demokratikong organisasyon ng iba’t-ibang sektor na

nagtutulungan para makamit ang pambansang demokrasya. Sa sektor ng

kabataan, ANAKBAYAN ang samahan na ito.

Sa loob ng organisasyon na ito, nabibigyan ng koordinasyon ang lakas at

pagkilos ng mga indibidwal na nakapaloob dito. Mas epektibo ang pinagsamang

lakas ng sampung taong nagtutulungan kesa sa sampung tao na hiwalay-hiwalay

kumilos. Sa loob rin nito pinapaunlad ang mga kabataang bilang mga aktibista at

rebolusyonaryo sa pamamagitan ng di-natatapos na proseso ng pag-aaral,

pagkatuto, at mga bagong karanasan.

3. Itambol ang kalagayan at pakikibaka ng uring magsasaka

Kailangan marinig ang sigaw ng uring magsasaka sa bawat sulok ng ating

bayan, lalo pa sa mga siyudad kung saan wala ang magsasaka para ipagtanggol

ang kanilang panig at kung saan mas malakas ang pwersa ng kontra-

mamamayang gobyerno.

Page 5: DG on Carper - Mar 2014

Dapat maglunsad ng pinaka-malaking bilang ng mga talakayan sa mga

estudyante at iba pang mga kabataan sa mga paaralan, komunidad, simbahan,

at pagawaan.

Dapat lumahok sa mga kilos-protesta ng mga magsasaka tuwing dinadala nila

ang kanilang laban sa mga siyudad, lalo na ang mga LAKBAYAN o ang ilang

araw na martsa mula kanayunan papuntang mga siyudad.