11
GABAY SA PAGTALAKAY HINGGIL SA PAGTAAS NG MATRIKULA AT IBA PANG BAYARIN Inihanda ng Pambansang Opisina ng ANAKBAYAN Pebrero 2014 I. TUITION INCREASE NA NAMAN! GAANO KATINDI ANG PAGTAAS NG MATRIKULA AT MGA BAYARIN? Matinding pahirap sa kabataan ang taunang pagtaas ng matrikula at iba pang gastusin, kasabay ng walang-habas na panunupil sa kampus sa ilalim ng maka-dayuhang oryentasyon ng sistema ng edukasyon. Malaking suliranin sa kabataang estudyante’t kanilang mga magulang ang taun-taong pagtataas ng matrikula at patung-patong na bayaring ipinapataw sa mga estudyante sa loob ng mga pamantasan. Sa ngayon, dahil sa di maampat na pagtaas ng mga bayarin sa eskuwelahan, papalaki din ang bilang ng mga di makapag-aral. Ayon sa datos mismo ng gobyerno 1 , nasa 9.5 milyon lamang mula sa 38 milyong kabataan o 25% ang matatagpuan sa mga hayskul at kolehiyo. Kasama pa sa datos na ito ang nasa ilalim ng programang Alternative Learning System (ALS). Inaasahang sasahol pa ang ganitong paglabag sa karapatan sa edukasyon dahil sa panukalang mga pagtataas para sa susunod na taon na inaanunsyo kasabay ng deadline ng tuition consultations sa Pebrero 28: A. Sa mga pribadong paaralan Tinatayang aabot sa 400 pribadong pamantasan ang magtataas muli ng matrikula para sa susunod na pang-akademikong taong 2014-2015. Kabilang sa mga Unibersidad na ito ang sumusunod: Pamantasan Panukalang % ng pagtataas Katumbas na halaga ng pagtataas 2 Tinatayang dagdag kada semestre (15 units) Tinatayang dagdag kada taon University of the East (Manila) 3.5% P65.22 P1174.00 (18 units) P2,348.00 University of the East Caloocan 3.5% P45.19 P813.59 (18 units) P1,627.00 University of Santo Tomas 7-8% P129.20 - P147.65 P1,938.00 P2,215.00 (15 units) P3,876.00 P4430.00 Far Eastern University 5-12% P81.55 – P195.71 P1,876.00 - P2,936.00 P3,751.00 P9,002.00 1 Sa sinuring datos ng Dep Ed at CHED para sa taong 2012 2 Pinagbatayan ang inilabas ng CHED na “Complete List of Private Higher Education Institutions (PHEIs) Allowed to Increase Tuition and other School Fees (TOSF) AY 2013-2014 as of 24 May 2013

DG on TOFI With Appendix (Feb 2014)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: DG on TOFI With Appendix (Feb 2014)

GABAY SA PAGTALAKAY HINGGIL SA PAGTAAS NG MATRIKULA AT IBA PANG BAYARIN

Inihanda ng Pambansang Opisina ng ANAKBAYAN

Pebrero 2014

I. TUITION INCREASE NA NAMAN! GAANO KATINDI ANG PAGTAAS NG MATRIKULA AT MGA BAYARIN? Matinding pahirap sa kabataan ang taunang pagtaas ng matrikula at iba pang gastusin,

kasabay ng walang-habas na panunupil sa kampus sa ilalim ng maka-dayuhang

oryentasyon ng sistema ng edukasyon.

Malaking suliranin sa kabataang estudyante’t kanilang mga magulang ang taun-taong pagtataas ng matrikula at patung-patong na bayaring ipinapataw sa mga estudyante sa loob ng mga pamantasan. Sa ngayon, dahil sa di maampat na pagtaas ng mga bayarin sa eskuwelahan, papalaki din ang bilang ng mga di makapag-aral. Ayon sa datos mismo ng gobyerno1, nasa 9.5 milyon lamang mula sa 38 milyong kabataan o 25% ang matatagpuan sa mga hayskul at kolehiyo. Kasama pa sa datos na ito ang nasa ilalim ng programang Alternative Learning System (ALS). Inaasahang sasahol pa ang ganitong paglabag sa karapatan sa edukasyon dahil sa panukalang mga pagtataas para sa susunod na taon na inaanunsyo kasabay ng deadline ng tuition consultations sa Pebrero 28:

A. Sa mga pribadong paaralan Tinatayang aabot sa 400 pribadong pamantasan ang magtataas muli ng matrikula para sa susunod na pang-akademikong taong 2014-2015. Kabilang sa mga Unibersidad na ito ang sumusunod:

Pamantasan Panukalang % ng

pagtataas

Katumbas na halaga ng

pagtataas2

Tinatayang dagdag kada

semestre (15 units)

Tinatayang dagdag kada

taon

University of the East (Manila)

3.5% P65.22 P1174.00 (18 units)

P2,348.00

University of the East Caloocan

3.5% P45.19 P813.59 (18 units)

P1,627.00

University of Santo Tomas

7-8% P129.20 - P147.65 P1,938.00 – P2,215.00 (15 units)

P3,876.00 – P4430.00

Far Eastern University

5-12% P81.55 – P195.71 P1,876.00 - P2,936.00

P3,751.00 – P9,002.00

1 Sa sinuring datos ng Dep Ed at CHED para sa taong 2012 2 Pinagbatayan ang inilabas ng CHED na “Complete List of Private Higher Education Institutions (PHEIs) Allowed to Increase Tuition and other School Fees (TOSF) AY 2013-2014 as of 24 May 2013

Page 2: DG on TOFI With Appendix (Feb 2014)

(23 units)

National University 10% P103.57 P1,554.00 (18 units)

P3,728.00

San Beda College 15% P227.70 P5,692.50 (25 units)

P11,385.00

De La Salle University Manila

5% P120.25 P2,285.00 (trimester) (19 units)

P6,854.00

College of Saint Benilde

3%-3.5% P68.02 – P79.35 P1,224.00-P1,428.00 (trimester) (18 units)

P2,448.63-P2,857.00

Ateneo De Manila University

5% P124.16 P1,862.44 (15 units)

P3,724.88

Ilan sa mga ito ay kabilang na sa may pinakamatataas na minimum cost ng matrikula kada unit: 1. De La Salle-College of St. Benilde (2,275 pesos) 2. De La Salle University (2,250 pesos) 3. St. Scholastica’s College (1,708 pesos) 4. San Beda College (1,518 pesos) 5. Mapua Institute of Technology (1,500) 6. FEU-East Asia College (1,339 pesos) 7. FEATI University (1,210 pesos) 8. Lyceum of the Philippines University (1,170 pesos) 9. University of the East (1,138 pesos)

Hindi na bago ang ganitong kalakaran. Taun-taon ay nagtataas ang bayarin sa mga pribadong pamantasan. Sa katunayan, sa tatlong taong panunungkulan pa lamang ni BS Aquino, umabot na sa halos P115.003 ang itinaas ng tuition kada yunit o katumbas ng P3,450.00 kada semestre o P6,900.00 hanggang P10,350.00 kada taon para sa mga estudyanteng kumukuha ng 30 units. Higit na mataas ang average para sa mga eskuwelahan sa National Capital Region (NCR). Tinatayang aabot sa P200.004 ang itinaas kada yunit sa mga eskuwelahan ng NCR o katumbas ng P6,000.00 kada semestre o P12,000.00 hanggang P18,000.00 kada taon. Samantala, maliban sa pagtaas ng tuition, tuluy-tuloy din ang pagsingil ng iba pang bayarin na higit pang dagdag pahirap sa mga estudyante. Ilan sa mga halimbawa nito ang garbage fee, athletics fee, cultural fee, donation fee, at ang dineklara nang ilegal na developmental fee. Ayon sa ulat ng CHED, sa taong 2013-2014, ang average na kabuuan ng other school fees sa buong bansa ay aabot na sa P2,762.67. Pinakamataas ang sinisingil na other school fees sa Central Luzon (P8,148.38) at CALABARZON (P7,025.33).

3 National average increase in tuition: P36.93 for 2011-2012; P41.52 for 2012-2013, and P37.45 for 2013-2014. Total is P115.00 increase during the time of Aquino 4 Conservative estimate of average tuition increase in NCR is P64.04 based on 2013 data. Multiply this by 3 years, P192.12

Page 3: DG on TOFI With Appendix (Feb 2014)

Ngunit tampok ang ilang pamantasan na ga-higante ang sinisingil na miscellaneous fee sa mga estudyante5: 1. FEATI (P16,320.00) 2. Centro Escolar University (16,025 pesos) 3. Emilio Aguinaldo College (14,276 pesos) 4. College of Saint Benilde (12,926 pesos) 5. San Beda College (11,583 pesos) 6. Philippine Christian University (9,250 pesos) 7. Lyceum University of the Philippines (9,218 pesos) 8. National University (8,629 pesos) 9. St. Scholastica’s (8,000 pesos) 10. Arellano University (7,835 pesos) 11. La Consolacion College (7,801 pesos) 12. Mapua (7,705 pesos) 13. Technological Institute of the Philippines (7,664 pesos)

Tiyak na mas malaki ang mga pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin sa susunod na taon. Inaasahan na higit na titindi ang pangingikil sa mga estudyante dahil sa paghahabol ng kita ng mga eskuwelahan sa napipintong pagbaba ng enrolment dahil sa implementasyon ng K12. Gayundin, inaasahang babawiin sa estudyante ang dagdag-singil sa kuryente na ipapataw ng MERALCO.

B. State Universities and Colleges Ang pagtupad din ng mga SUCs sa balangkas ng pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin ang pangunahing kinakaharap ng mga estudyante sa mga pampublikong pamantasan. Lalo itong pinasasahol sa pamamagitan ng iba pang iskema upang patindihin ang pangingikil at pagpapasa ng mga gastusin sa mga estudyante. Sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), patuloy na ginagamit ang Socialized Tuition System (STS o STFAP) upang bigyang-daan ang patuloy na pagtataas ng matrikula sa pamantasan. Ang dating base tuition na P1,000 per unit, ngayon ay P1,500 na. Sa kasalukuyan inihahanda ang STS para sa pagtataas muli ng matrikula sa pamamagitan ng pagdadagdag ng panibagong bracket na magbabayad nang mas mataas kaysa P1,500 kada unit. Dagdag pahirap pa ang paniningil ng laboratory fees na labas pa sa sinisingil na tuition at miscellaneous fees. Karaniwang P100, P300, P500, o P1,500 kada subject ang sinisingil na laboratory fee. Sa pinakamasahol na kaso ng pangongolekta, umaabot sa halos P4,500 o 20% ng kabuuang bayarin sa isang semestre ng Engineering student ay dulot ng paniningil ng miscellaneous fee.

Samantala, bagamat naipanatiling P12.00 kada yunit ang matrikula sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), kaliwa’t kanan naman ang pagpapataw ng iba pang bayarin upang pagkakitaan ang mga mag-aaral nito. Ilan sa mga dagdag at kwestyunableng mga bayarin ay ang Student Info System fee (P225-250), PE uniform fee (P305.00), Sports Developmental Fee (P150).

5 Mula sa special report ng GMA news online (May 1, 2013) accessed via http://www.gmanetwork.com/news/story/306360/news/specialreports/infographic-the-cost-of-education-in-the-university-belt

Page 4: DG on TOFI With Appendix (Feb 2014)

Sa paniningil pa lamang ng tatlong bagong bayarin na ito, 246% o halos tatlong beses na mas mataas kaysa sa matrikula6 ang binabayarang “other fees”. Ibig sabihin, halos 70% sa binabayaran ng isang PUP student ay dulot ng dagdag bayarin. Ganito rin ang kalagayan sa iba pang SUCs tulad ng EARIST na kamakailan lamang ay matagumpay na ipinabasura ng mga estudyante ang paniningil ng P1,000 “developmental fee.” C. Highschool Hindi na rin ligtas ang mga estudyante ng hayskul sa pagtataas ng bayarin sa eskuwelahan. Taliwas sa ipinagmamalaki ng gobyerno ni BS Aquino na libre ang batayang edukasyon sa bansa, sa katotohana’y binabalikat ng mga magulang ang napakaraming iba pang bayarin. Notoryus ang paniningil sa mga pampublikong hayskul ng mga dagdag na bayarin tulad ng PTA fee, examination fees, graduation fees, at iba pa. Aabot din sa P20,000 ang kinakailangang gastusin sa pamasahe, mga libro at iba pa sa pagpasok sa skwela. Samantala, higit na titindi ang paniningil sa mga estudyante dahil sa planong rasyunalisasyon ng pampublikong edukasyon. Sa ilalim nito programang ito, tatanggalin at tatanggalan ng badyet ang non-teaching items sa pampublikong paaralan. Ang resulta, kukunin mula sa mga estudyante ang pambayad sa mga administrative personnel, janitor, guards, at iba pa sa porma ng dagdag-singil. Bahagi ito ng kabuuang plano ng kontraktwalisasyon sa mga eskuwelahan. Maging ang implementasyon ng K12 ay magdudulot ng dagdag bayarin sa mga estudyante at magulang. Marami sa mga pampublikong eskuwelahan ay walang kapasidad na magbigay ng edukasyong pang-senior highschool (Grades 11 at 12) kaya’t ipauubaya ang mga ito sa mga pribadong paaralan na tiyak na garapal na pagkakakitaan na naman ang mga highschool students.

Maging ang paglilipat ng pasukan o shift ng academic calendar sa balangkas ng dikta ng mga dayuhan ay magdudulot ng pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin sa mga pamantasan. Pangunahing layunin sa likod nito ang engganyuhin ang pagpasok sa bansa kapwa ang mga dayuhang mag-aaral na sisingilin nang mas malaki ng mga pamantasan at ang mga dayuhang mamumuhunan at negosyante sa edukasyon para pagkakitaan ang ating mga paaralan. Sa ganitong kalagayan, hindi na lamang mga lokal na kapitalista edukador, kundi maging mga dayuhang kapitalista-edukador, ang makikinabang na rin sa labis-labis na paniningil. Sa kabilang banda, inaasahang mas maraming Pilipino ang mahihirapang magbayad ng mga bayarin sa eskuwelahan dahil hindi naka-ayon ang panahon ng pasukan ang panahon ng pagtatanim at anihan.

II. ANO ANG EPEKTO NG PAGTATAAS NG MATRIKULA AT IBA PANG BAYARIN SA MGA KABATAAN AT MAMAMAYAN?

Tiyak na mas malaki ang bilang ng kabataang magda-drop out o titigil sa pag-aaral dahil sa pagtataas ng bayarin sa eskuwelahan.

6 P12.00 x 23 units = P276

Page 5: DG on TOFI With Appendix (Feb 2014)

Bago pa man umupo si BS Aquino bilang Pangulo noong 2010, halos tatlo lamang mula sa limang (3 out of 5) na nagtatapos ng highschool ang tumutuloy sa kolehiyo7. Samantala, sa 100 pumapasok sa elementarya, 60 lamang ang tumutuloy nang hayskul at 45 lamang ang nakakatapos8. Lalo itong sumahol dahil sa taun-taong pagtataas ng matrikula’t ibang bayarin sa ilalim ng panunungkulan ni BS Aquino at lalo pa itong sasahol sa napipintong pagtataas sa susunod na taon. Talagang wala nang pagkakataon ang mga kabataang kabilang sa 66% ng populasyon na nabubuhay sa mas maliit kaysa P125.00 kada araw9. Para sa mga kabilang dito, para lamang mabayaran ang tuition sa isang taon, kinakailangang hindi kumain o hindi gumastos sa loob ng 13710 na araw. Para naman sa minimum wage earner sa NCR, katumbas ng 69 days o mahigit 2 buwan na kita11 ang pambayad ng matrikula sa NCR. Lalo pa itong pinatitindi ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Sunud-sunod ang pagtaas ng presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin, langis, presyo ng kuryente, at iba pa. Kung tutuusin, sa kabila ng pagtaas na mga ito, walang makabuluhang dagdag-sahod para sa mga manggagawa. Nakapako pa rin sa P419-456 ang minimum wage sa NCR habang nasa P1,000 at papataas pa ang daily cost of living. Mababatak ang badyet ng mga pamilya dahil sa pagtataas ng matrikula’t bayarin kasabay ng presyo ng mga bilihin. Marami ang di makakatapos ng pag-aaral, malulubog sa utang ang mga pamilya, at sasahol ang kahirapang nararanasan na ng mamamayan.

III. SINO ANG NAKIKINABANG SA PAGTATAAS NG MATRIKULA AT IBA PANG BAYARIN? Sa kabila nang matinding paglabag sa karapatan sa eduksyon ng kabataan at pagsahol ng kahirapan ng mamamayan, tila nagtatampisaw naman sa supertubo at kita ang malalaking negosyante sa edukasyon. Aabot sa milyon-milyon ang tubo ang ilang eskuwelahang notoryus sa taun-taong pagtataas ng bayarin. Kabilang dito ang Far Eatern University (P 585 million), University of the East (P300 million), at Centro Escolar University (P248 million). Kung susumahin, aabot sa P3.45 bilyon ang pinagsama-samang kita ng UE, CEU, at University of Perpetual Help kaya’t naging kabilang ito sa Top 1,000 corporations ng bansa. Samantala, sa UST pa lamang, tinatantyang nasa P1 bilyon ang tubo ng pamantasan mula 2010 dahil sa tuition at iba pang bayarin. Hindi nakakapagtaka na ang pinakamalalaking business tycoons at empire ay nagmamay-ari o mayor na stockholder sa mga pamantasan:

1. Henry Sy (National University & Asia Pacific College)

7 Mula sa datos ng CHED 8 Mula sa Philippine Poverty and Education profile na inilabas ng UP School of Economics (Sept 2013) 9 Mula sa datos ng IBON (January 2014) 10 [P477.63 (nationwide tuition average) x 30 units] + P2,762 average other fees = P17,090.00 / P125 = 136.73 11 P1007.09 NCR average tuition x 30 units + P1,232 average other fees = P31, 444.70 / P456 NCR minimum wage = 68.95 days

Page 6: DG on TOFI With Appendix (Feb 2014)

2. Lucio Tan (University of the East) 3. Alfonso Yuchengo (Mapua) 4. Emilio Yap (CEU) 5. Aurelio Montinola ng BPI (FEU) 6. Pamilyang Laurel (Lyceum)

Sa kabila ng pangingikil ng malalaking negosyante na ito sa pamamagitan ng sunud-sunod na pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin, nag-eenjoy naman sila sa mga tax cuts, subsidies, at iba pang benepisyong binibigay ng gobyerno. Hindi rin totoo na napupunta ang pagtataas ng tuition sa sahod at benepisyo ng mga guro. Sa katunayan, iba’t ibang taktika din ang ipinapatupad ng mga pamantasan para huthutan din ng tubo ang ating mga guro. Kabilang dito ang pagdadagdag ng teaching load nang walang kaakibat na dagdag-sweldo o kaya’y sapilitang pagbabawas ng load para mabawasan ang sweldo. Nandiyan din ang pagtatakda ng mga matataas na propesyunal na rekisito upang iwasan ang pagbibigay ng dagdag sweldo Habang naghihirap ang mamamayan, kumikita naman ang malalaking kapitalista-edukador at pribadong mga nagnenegosyo sa edukasyon. Sa gitna ng bilyon-bilyong kinikita ng mga ito, lalong walang dahilan para magtaas muli ng matrikula at iba pang bayarin. Kaya naman upang panatilihin ang ganitong kalakaran, mismong mga paaralan na ito ay nagpapatupad din ng mga mapanupil na patakaran at pasistang iskema sa loob ng mga pamantasan upang pigilan ang pagka-mulat, pagkaka-organisa, at paglaban ng mga estudyante. Nariyan ang pagbabawal sa pagsali sa mga organisasyong masa, pagbabawal sa paglulunsad ng mga protesta, pagbabawal sa pagpapahayag ng kritisismo laban sa mga polisiya ng administrasyon, pagkontrol sa mga student councils at publications, pagsasampa ng mga kaso laban sa mga estudyanteng lumalaban, at marami pang iba.

IV. ANO ANG UGAT NG TAUN-TAONG PAGTATAAS? Ang taun-taong pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin ay dulot ng komersyalisado, kolonyal, at pasistang sistema ng edukasyon sa kabuuan at sinusuhayan ng matitinding patakaran ng komersyalisasyon sa ilalim ng gobyernong Aquino. Sa ilalim ng sistemang ito, ang edukasyon ay hindi karapatan kundi isang pribilehiyo at negosyo ng iilan at dayuhan. Sa ilalim ng gobyernong Aquino, ipinatupad ang CHED Memorandum 3 na lalong nagpatindi ang garapal na paniningil ng matrikula at iba pang bayarin sa mga pribadong paaralan. Ginawa nitong lehitimo ang taun-taong pagtataas ng matrikula, miscellaneous, at iba pang kuwestyonableng fees. Ipinanukala nito na anumang pagtataas na dumaan sa konsultasyon ay makatarungang singilin. Ngunit sa katunayan, maski ang bogus nilang patakaran sa konsultasyon at “transparency” ay nilalabag din nila. Talamak ang paglabag sa rekisitong 15 days na anunsyo bago ang konsultasyon, paglalabas ng financial statement, at iba pa. Tinatambalan din ito ng mga mapanupil na hakbang para pigilan ang paglaban ng estudyante. Maka-ilang ulit nang inamin ng CHED na wala itong anumang hakbangin upang pigilan ang pagtataas ng matrikula at mga bayarin. Sa katunayan, patuloy na pinapayagan at ipinagtatanggol ng CHED ang mga garapal na eskuwelahang ito.

Page 7: DG on TOFI With Appendix (Feb 2014)

Samantala, nasa balangkas din ng komersyalisasyon ang programang Roadmap for Public Higher Education Reform (RPHER). Sa ilalim nito, pinatitindi ang kaltas pondo sa SUCs at pag-engganyo ng pribadong negosyo upang pagkakitaan ang pampublikong edukasyon. Itinutulak sa tuition and other fees increase, mga kontrata ng serbisyo sa pribadong kumpanya, at pagpapagamit ng mga ari-arian ng mga paaralan para sa negosyong pribado. Kakaunti na nga ang pampublikong paaralan na maaaring puntahan ng mga maralita, itinataas pa ang mga bayarin dito. Nais ding bawasan lalo ang bilang ng mga ito sa pamamagitan ng pagtutulak sa ibang SUCs tungo sa pribatisasyon. Sadyang binabawasan ang subsidy ng SUCs pagkakitaan ng pribadong negosyo. Sa kabuuan, dahil na rin sa katangian ng lipunan bilang malakolonyal at malapyudal, higit na pinatitindi ang komersyalisasyon dahil sa oryentasyon kolonyal at pasista ng sistema ng edukasyon. Kolonyal ang oryentasyon ng edukasyon dahil simula’t sapul, nakatuon ang sistema ng edukasyon sa balangkas ng papaano pakikinabangan ng dayuhan, partikular ng Estados Unidos, ang likas-yaman, lakas-paggawa, at buong ekonomiya ng bansa. Pangunahing tuon ng sistema ng edukasyon ang paglikha ng malaking bilang ng mura at mapagsasamantalahang lakas-paggawa para sa mga dayuhan. Laman ng mga patakarang isinusulong ng mga dayuhan ang pagpapatindi ng komersyalisasyon ng edukasyon sa Pilipinas at sa buong mundo. Malaki ang pakinabang ng iilan at dayuhan sa ganitong kalakaran kaya’t tinitiyak din nitong nakagapos ang isipan ng kabataan sa pagiging kimi, sunud-sunuran, o walang pakialam. Para sa mga namumulat at nagpapasyang kumilos, mapanupil na mga patakaran naman ang ipinatutupad. Pasismo ang katumbas na katangian ng edukasyon upang pigilin ang pagsulong ng lipunan tungo sa pag-unlad.

V. ANO ANG DAPAT NATING GAWIN? Malinaw na anti-estudyante, anti-mamamayan, at di-makatarungan ang pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin. Pinatitindi nito ang kahirapan ng mamamayan at ang paglabag sa karapatan sa edukasyon ng kabataan habang bilyon-bilyon naman ang kinikita ng dayuhan at iilan. Kinakailangang kumilos at lumikha ng malawak na pagkakaisa upang labanan at biguin ang muling pagtataas ng mga matrikula! Gayundin, dapat kumilos upang ibasura ang kasalukuyang sinisingil na iba pang bayarin sa paaralan. Sa karanasan, sa tuwing tayo’y magrereklamo, napabababa natin ang mga bayarin ngunit pag tayo’y sama-sama at malakihang kumikilos, nagtatagumpay tayong pigilan at biguin ang mga ito. Sa panimulang antas, dapat biguin ang mga mapanlokong konsultasyon ng administrasyon at ng CHED. Malakas tayong magrehistro ng pagtutol sa mga konsultasyon at maglabas ng mga pahayag. Lumikha ng pagkakaisa sa mga kapwa-estudyante sa pamamagitan ng mga signature campaign, asembliya, at mga kilos protesta. Ipahayag natin sa CHED at gobyernong Aquino na tutol ang mga estudyante at di makatarungan ang pagtataas ng matrikula. Igiit natin na dapat nila itong pigilan at huwag pahintulutan. Magpadala tayo ng mga pahayag, complaints, at protestahan natin ang kanilang mga opisina.

Page 8: DG on TOFI With Appendix (Feb 2014)

Ikasa natin ang malakihang mga walk-out sa ating mga pamantasan kung patuloy na isusulong ng administrasyon at CHED ang pagtataas ng matrikula’t iba pang bayarin, kung di ipapatupad ang ating demands o kung tayo’y susupilin. Kung ipipilit pa rin ang pagpapatupad nito sa paparating na pasukan, sasagutin natin ito ng buong-taong protesta sa pamantasan, kikilos tayo upang ibasura komersyalisadong patakaran sa edukasyon at mananawagan ng pagpapatalsik sa inutil na gobyerno ni Aquino. Ang kapangyarihan upang isakatuparan ang sustinidong paglaban na ito ay nakasalalay sa sama-sama at organisado nating pagkilos. Madaling magagapi ang ating hanay kung hiwa-hiwalay, disorganisado, at buhaghag ang ating mga paglaban. Kinakailangang sumali, itatag, palawakin, at palakasin ang mga organisasyong masa, tulad ng Anakbayan, na nangunguna sa paglaban nito. Sa pamamagitan ng chapters ng Anakbayan, iba pang organisasyon, student council, publications ay lumikha ng malawak na pagkakaisa ng mga estudyante para sa pagkakasa at pagtatagumpay ng ating kampanya at paglaban. Sa huli, kinakailangan ding kumilos para sa pagbabago ng malakolonyal at malapyudal na lipunan upang ganap na wakasan ang komersyalisado, kolonyal, at pasistang sistema ng edukasyon. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng pambansa-demokrasya na may sosyalistang perspektiba makakamit natin ang edukasyong makabayan, siyentipiko, at maka-masang para sa kabataan at mamamayan.

VI. ANO ANG ATING PANAWAGAN? Labanan at biguin ang pagtataas ng matrikula! Ibasura at itigil ang paniningil ng mga dagdag-bayarin! Labanan ang komersyalisado, kolonyal, at pasistang sistema ng edukasyon! Isulong ang makabayan, siyentipiko, at maka-masang edukasyon!

Page 9: DG on TOFI With Appendix (Feb 2014)

APPENDIX

The cost of education in the University Belt (from GMA news online special report by TJ Dimacali and AM Marzoña, posted May 1, 2013

http://www.gmanetwork.com/news/story/306360/news/specialreports/infographic-the-cost-of-

education-in-the-university-belt last accessed 15 February 2014)

UNIVERSITY▲

MIN

COST/TERM ACAD

SCHED

MIN COST/UNI

T

MIN UNITS/TERM

MIN MISC. FEES

Adamson University 31,973 Semestral 1,105 23 3,700

Arellano University 17,195 Semestral 520 18 7,835

Centro Escolar University 33,290 Semestral 652 25 16,025

Colegio de San Juan de Letran 32,246 Semestral 1,062 20 5,155

College of the Holy Spirit Semestral 904

De La Salle - College of St. Benilde

72,000 Trimestral 2,275 18 12,926

De La Salle University 56,600 Trimestral 2,250 19 6,100

De Ocampo Memorial College 23,512 Semestral 654 26 6,519

Emilio Aguinaldo College 29,663 Semestral 669 23 14,276

Eulogio "Amang" Rodriguez Institue of Science and Technology

5,790 Semestral 100 24 3,390

FEATI University 50,000 Semestral 1,210 24 16,320

FEU - East Asia College 17,310 Trimestral 1,339 19 5,311

Far Eastern University 35,972 Semestral 1,354 23 7,497

La Consolacion College 29,000 Semestral 966 20 7,801

Lyceum of the Philippines University

30,278 Semestral 1,170 18 9,218

Manuel L Quezon University 22,281 Semestral 670 23 6,871

Mapua Institue of Technology 25,105 Quarterly 1,500 14 7,705

Mary Chiles College 29,000 Semestral 677 23 7,000

National Teachers College 14,400 Semestral 380 18 2,970

National University 28,253 Semestral 794 18 8,629

PMI Colleges 16,832 Semestral 386 25 2,850

Pamantasan ng Lungsod ng Maynila

8,000 Semestral 242 21 1,830

Perpetual Help College of Manila

19,998 Semestral 22

Philippine Christian University 26,410 Semestral 525 24 9,250

Philippine College of Criminology

26,639 Semestral 693 23 4,715

Philippine College of Health Sciences

16,800 Semestral 26 3,000

Page 10: DG on TOFI With Appendix (Feb 2014)

Philippine Normal University 2,000 Semestral 35 15 850

Philippine School of Business Administration

28,885 Semestral 975 25 3,050

Philippine Women's University 26,767 Trimestral 828 21 6,293

Polytechnic University of the Philippines

550 Semestral 12 24 276

STI Recto 17,590 Semestral 620 18 950

San Beda College 49,533 Semestral 1,518 25 11,583

San Sebastian College 35,499 Semestral 999 21 3,995

Santa Isabel College Manila Semestral

St. Paul University Manila Semestral

St. Scholastica's College Manila 60,000 Semestral 1,708 26 8,000

Technological Institute of the Philippines

25,700 Semestral 835 20 7,664

Technological University of the Philippines

6,950 Semestral 50 23 2,455

UP Manila 18,773 Semestral 1,000 15 1,950

Universidad de Manila 0 Semestral 0 21 0

University of Manila 13,000 Semestral 327 23 1,920

University of Sto. Tomas Semestral

University of the East 35,000 Semestral 1,138 18 6,104

Page 11: DG on TOFI With Appendix (Feb 2014)