4
Disyembre 2017 ISSN 2094-6597 Vol. 7 No.12 Mga Nilalaman Philippine Space Agency, napapanahon na ....................................... p3 DOST, pinarangalan ang mga natatanging kawani’t mag-aaral para sa 2017 ............................. .................. p4 Larawanews ................................................ p4 sundan sa pahina 2 N aiuwi ni Hillary Diane A. Andales, isang grade 12 student mula sa Philippine Science High School- Eastern Visayas sa Palo, Leyte ang grand prize sa ginanap na 3rd Breakthrough Junior Challenge noong ika-3 ng Disyembre 2017 (ika-4 ng Disyembre sa Maynila) sa NASA Ames Research Center sa Silicon Valley, California, USA. Sa kanyang winning entry, mahusay na ipinaliwanag ni Andales ang konsepto ng relativity at equivalence ng reference frame. Pagkatapos maging finalist sa dalawang DOST-Pisay scholar wagi sa global science competition Ni Rosemarie C. Señora, DOST-STII Ang nagwaging si Hillary Diane A. Andales sa katatapos lamang na 3rd Breakthrough Junior Challenge ay nag-courtesy visit kay DOST Sec. Fortunato T. de la Peña. (Teksto ni Rosemarie C. Señora at Larawan ni Henry A. De Leon, DOST-STII). Science Tourism inilunsad sa Los Baños, Laguna Ni Jasmin Joyce P. Sevilla , DOST-STII U pang higit na maitaguyod ang turismo sa Los Baños, Laguna, pinasinayaan ng Los Baños Science Community Foundation, Inc. (LBSCFI) ang Science Tourism Program sa munisipalidad noong ika-6 ng Disyembre 2017 sa Department of Science and Technology- Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) Innovation and Technology Center (DIPTC). Ang dalawang taong proyektong ito ay nabuo sa pagtutulungan ng 22 ahensyang kasapi sa LBSCFI, Department of Tourism (DOT) CALABARZON, at ng Department of Education (DepEd) CALABARZON. Tinaguriang “Special Science and Nature City of the Philippines” ang bayan ng Los Baños na siya ring nagsisilbing sentro ng lokal at internasyonal na institusyon sa research and development (R&D) na nagtutulungan upang lalong mapaigting ang R&D sa bansa. Dagdag pa rito, magiliw ring ibinahagi ni LBSCFI President at DOST CALABARZON Director Dr. Alexander R. Madrigal sa naturang okasyon na isa ang Los Baños sa pinaka-aktibong science community sa bansa. magkasunod na taon, tinalo ni Andales ang mahigit 10,000 estudyanteng sumali mula sa 178 na bansa sa buong mundo. Bilang grand prize winner, iniuwi ng 18-anyos na si Andales ang $250,000 o katumbas na P12,670,000 na college scholarship; $50,000 o P2,530,000 na premyo para sa kanyang guro sa siyensya; at ang $100,000 o P5,069,000 na halaga ng bagong science laboratory mula sa Cold Spring Harbor Laboratory.

Disyembre 2017 ISSN 2094-6597 Vol. 7 No.12 DOST-Pisay ... · tumatalakay sa isang konsepto o teorya sa life sciences, physics o mathematics. (Impormasyon mula kay Romelie Janelle

Embed Size (px)

Citation preview

Disyembre 2017 ISSN 2094-6597 Vol. 7 No.12

Mga NilalamanPhilippine Space Agency, napapanahon na ....................................... p3

DOST, pinarangalan ang mga natatanging kawani’t mag-aaral para sa 2017 ............................. .................. p4Larawanews ................................................ p4

sundan sa pahina 2

Naiuwi ni Hillary Diane A. Andales, isang grade 12 student mula sa Philippine Science High School-

Eastern Visayas sa Palo, Leyte ang grand prize sa ginanap na 3rd Breakthrough Junior Challenge noong ika-3 ng Disyembre 2017 (ika-4 ng Disyembre sa Maynila) sa NASA Ames Research Center sa Silicon Valley, California, USA.

Sa kanyang winning entry, mahusay na ipinaliwanag ni Andales ang konsepto ng relativity at equivalence ng reference frame. Pagkatapos maging finalist sa dalawang

DOST-Pisay scholar wagi sa global science competitionNi Rosemarie C. Señora, DOST-STII

Ang nagwaging si Hillary Diane A. Andales sa katatapos lamang na 3rd Breakthrough Junior Challenge ay nag-courtesy visit kay DOST Sec. Fortunato T. de la Peña. (Teksto ni Rosemarie C. Señora at Larawan ni Henry A. De Leon, DOST-STII).

Science Tourism inilunsad sa Los Baños, LagunaNi Jasmin Joyce P. Sevilla , DOST-STII

Upang higit na maitaguyod ang turismo sa Los Baños, Laguna, pinasinayaan ng Los Baños Science

Community Foundation, Inc. (LBSCFI) ang Science Tourism Program sa munisipalidad noong ika-6 ng Disyembre 2017 sa Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD) Innovation and Technology Center (DIPTC).

Ang dalawang taong proyektong ito ay nabuo sa pagtutulungan ng 22 ahensyang kasapi sa LBSCFI, Department of Tourism (DOT) CALABARZON, at ng Department of Education (DepEd) CALABARZON.

Tinaguriang “Special Science and Nature City of the Philippines” ang bayan ng Los Baños na siya ring nagsisilbing sentro ng lokal at internasyonal na institusyon sa research and development (R&D) na nagtutulungan upang lalong mapaigting ang R&D sa bansa.

Dagdag pa rito, magiliw ring ibinahagi ni LBSCFI President at DOST CALABARZON Director Dr. Alexander R. Madrigal sa naturang okasyon na isa ang Los Baños sa pinaka-aktibong science community sa bansa. magkasunod na taon, tinalo ni Andales ang

mahigit 10,000 estudyanteng sumali mula sa 178 na bansa sa buong mundo.

Bilang grand prize winner, iniuwi ng 18-anyos na si Andales ang $250,000o katumbas na P12,670,000 na collegescholarship; $50,000 o P2,530,000 na premyopara sa kanyang guro sa siyensya; at ang$100,000 o P5,069,000 na halaga ng bagongscience laboratory mula sa Cold Spring HarborLaboratory.

Rapidost_DECEMBER2017.indd 1 1/11/2018 1:38:27 PM

Disyembre20172 BalitangRapiDOST

Science Tourism ...Mula sa pahina 1

DOST-Pisay...Mula sa pahina 1

Sa katunayan, ang bayan ng Los Baños ang kauna-unahang mag-iimplementa ng science tourism sa buong bansa ayon kay LBSCFI Tourism Committee Director Roberto P. Cereno.

Bukod sa pagsusulong ng siyensya at teknolohiya, layon din ng Science Tourism Program na pataasin ang bilang ng mga turistang bumibisita sa Los Baños. Ayon kay DOT CALABARZON Director Rebecca Labit,

Noong nakaraang taon, nakamit na rin niya ang special award sa Breakthrough Junior Challenge Popular Vote sa kanyang entry tungkol sa “Feynman’s Path Integrals” na nagdala sa kanya sa finals at nagpanalo sa kanyang eskwelahan ng $100,000 na halaga ng makabagong DNA molecular-biology laboratory.

Nagpasalamat naman si Andales sa nasabing award-giving body para sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanya na magkaroon pa ng mas mataas na pangarap.

“May this inspire more young people, especially my dear Filipinos, to look up and

ang pagpapaigting ng turismo na kalakip ng programa ay malaking tulong upang magkaroon ng mas maraming trabaho at oportunidad sa mga lokal ng Los Baños.

Ibinahagi rin ni Director Cereno ang strategic action plan sa pag-iimplementa ng Science Tourism Program sa Los Baños. Sa kabuuan, layon nilang isulong ang mga science-based tourism products gaya ng ipinagmamalaki nilang buko pie at chocolate

(Mula kaliwa) Hawak nina LBSCFI President and DOST IV A Regional Director Dr. Madrigal, DOT CALABARZON Regional Director Labit, at ni DepEd CALABARZON Public School District Supervisor Dr. Allan G. Hostalero ang napirmahang dokumento (MOA) sa paglulunsad ng Science Tourism Program sa Los Baños, Laguna. (Teksto ni Jasmin Joyce P. Sevilla at Larawan ni Gerardo G. Palad, DOST-STII).

become scientists themselves- the stars we should all look up to,” ani Andales.

Kaugnay nito, pinarangalan din si Andales ng “Mga Bagong Rizal: Pag-asa ng Bayan” para sa kanyang kontribusyon sa pagpapalaganap ng kaalaman sa Science, Technology, Engineering, and Math. Ang “Mga Bagong Rizal: Pag-asa ng Bayan” ay ginagawa tuwing ikalawang taon na may layuning parangalan ang mga kabataang Pilipino na nagpapakita ng natatanging kakayahan at talento sa iba’t ibang larangan at nagsisilbing huwaran ng pag-ibig para sa bayan tulad ni Dr. Jose Rizal.

Ang Breakthrough Junior Challenge, na tinaguriang “Oscars” sa mundo ng siyensya, ay isang taunang pandaigdigang patimpalak para sa mga mag-aaral na may edad 13 hanggang 18 mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo na may layuning magpalaganap ng malikhaing pag-iisip ukol sa siyensya. Ang mga lalahok ay imbitadong gumawa at magsumite ng tatlong minutong orihinal na video na tumatalakay sa isang konsepto o teorya sa life sciences, physics o mathematics. (Impormasyon mula kay Romelie Janelle Maranan, DOST-STII)

ARISTOTLE P. CARANDANG, PhD Editor-in-Chief

JASMIN JOYCE P. SEVILLA Managing Editor

JAMES B. INTIA Layout Artist

RODOLFO P. DE GUXMAN Proofreader

ALLAN MAURO V. MARFAL Circulation

Ang Balitang Rapidost ay buwanang lathalain ng Institusyon ng Impormasyon sa Agham at

Teknolohiya (STII) para sa Kagawaran ng Agham atTeknolohiya (DOST).

Para sa inyong mga tanong at suhestiyon, maari po kayong mag email sa [email protected]

o tumawag sa DOST trunkline (02)837-2071 loc. 2148

milk, science-oriented travel sa mga heritage sites sa bayan ng Los Baños tulad ng Mount Makiling Forest Reserve, at science tourism events gaya ng SyenSaya o ang lokal na selebrasyon ng National Science and Technology Week sa rehiyon.

Nagkaroon ng memorandum of agreement (MOA) sa pagtatapos ng programa upang pagtibayin ang pagtutulungan ng mga nasabing ahensya sa pangunguna ni LBSCFI President Dr. Madrigal, DOT CALABARZON Director Labit, at ni DepEd CALABARZON Public School District Supervisor Dr. Allan G. Hostalero na kumatawan kay DepEd CALABARZON Director Dr. Diosdado M. San Antonio.

Rapidost_DECEMBER2017.indd 2 1/11/2018 1:38:28 PM

BalitangRapiDOST 3 Disyembre2017

DOST, pinarangalan...Mula sa pahina 4

Ni Allan Mauro V. Marfal, DOST-STII

Ang pagkakaroon ng malakas at matatag na Space Technology Development Program ay maaaring

magbigay ng maraming benepisyo sa mga sektor ng agrikultura at transportasyon, gayundin sa mga ahensya ng pamahalaan na pumoprotekta sa ating mga teritoryo at nagbibigay ng tulong sa oras ng mga kalamidad.

Kaya naman ang pagkakaroon ng Philippine Space Agency (PhilSA) ay napapanahon na para sa bansa. Ito ang naging pahayag ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato T. de la Peña sa ginanap na “S&T Legislative Forum” noong 18-19 ng Disyembre 2017 sa Momarco Resort and Hotel sa Tanay, Rizal. Isa ang pagtatayo ng (PhilSA) sa mga panukalang batas na sinusuportahan ng DOST ngayon sa mababang kapulungan at senado.

Sa kasalukuyan, nasa ikatlong pagbasa na sa Senado at mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magtatayo sa PhilSA. Ang pangunahing awtor nito ay sina Rep. Erico Aristotle T. Aumentado ng ikalawang distrito ng Bohol at Rep. Seth Frederick R. Jalosjos ng unang distrito ng Zamboanga del Norte sa mababang kapulungan at Sen. Paolo Benigno “Bam” Aquino IV sa Senado.

“Aminado tayo na kinakailangan nang malaking halaga upang tustusan ang mga ganitong uri ng programa (Space Technology Development), subalit posible namang maghatid ito nang pangmatagalang benepisyo para sa ating mga kababayan,” ayon kay Sec. de la Peña.

Pagpapaliwanag ng kalihim, sa tulong nang itatayong PhilSA, mas maraming micro-satellite ang maaari nating madebelop na siyang magbibigay ng sapat na kaalaman sa ating mga magsasaka kung anong panahon sila pinakamagandang magtanim at mag-ani. Samantala, ang mga micro-satellite ay maghahatid din ng mga datos na magiging

basehan upang magkaroon nang epektibo at napapanahong pagpaplano sa pagsasaayos ng trapiko sa bansa.

Ayon kay Dr. Rogel Mari D. Sese, focal person ng Philippine Space Science Education Program ng DOST-Science Education Institute, makakatulong nang malaki ang mga high-resolution na imahe mula sa mga satellite upang maigting na mabantayan at maprotektahan ng ating hukbong sandatahan ang ating mga karagatan mula sa mga magnanais na sakupin ito.

Samantala, sa oras na tumama ang malakas na bagyo at lubhang masira ang iba’t ibang imprastruktura at mga linya ng komunikasyon, ang mga satellite-based connectivity lamang ang may kakayahang tukuyin ang mga lugar na matinding nasalanta ng bagyo at nangangailangan ng tulong, paglalahad ni Dr. Sese.

Bukod sa PhilSA, tinalakay din sa ginanap na “S&T Legislative Forum” ang ilang mga panukalang batas na isinusulong ng DOST kagaya ng pagpapalakas ng Balik-Scientist Program at Provincial S&T Centers, gayundin ang pagtatayo ng National Metrology Institute at Philippine Nuclear Regulatory Commission.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato T. de la Peña ang mahalagang papel na gagampanan nang itatayong Philippine Space Agency (PhilSA) sa pagpapalakas ng serbisyo ng iba’t ibang industriya at mga ahensya ng pamahalaan. (Teksto ni Allan Mauro V. Marfal at Larawan ni Gerardo G. Palad, DOST-STII).

Dr. Marissa A. Paglicawan mula sa DOST-ITDI (ginawaran ng titulong Scientist I sa Scientific Career Council); Dr. Maria Patricia V. Azanza mula sa DOST-ITDI (Gregorio Y. Zara Award, Julian Banzon Outstanding R&D Award; at DOST International Publication Award); at si Dr. Alexander R. Madrigal mula sa DOST-CALABARZON (GAWAD KALASAG Award - National Level) of the Regional Disaster Risk Reduction and Management Council.

Pinarangalan din ng kalihim ang siyam na piling mag-aaral ng PSHS na nagpakitang gilas sa iba’t ibang kompetisyon sa larangan ng agham at teknolohiya. Ang mga kinilalang estudyante ay sina: Maria Janine L. Juachon ng PSHS-Central Luzon Campus (CLC) (Bronze Medal – 11th International Earth Science Olympiad); Charles Jerome R. Bartolo ng PSHS-CLC at Arthur Reiner V. De Belen ng PSHS-Main Campus (MC) (Bronze Medal - 2017 International Chemistry Olympiad); Philippe Gene Bungabong, Maded Batara III, at Justine Marcus Opulencia mula sa PSHS-MC (Silver Medal – 2017 Clean Tech Competition); Kyle Patrick Dulay ng PSHS-MC (Silver Medal – 58th International Mathematical Olympiad); Mikhail Angel C. Torio ng PSHS-MC (Silver Medal – 11th International Earth Science Olympiad); Eugene Fajardo Torribio ng PSHS-Bicol Region Campus (BRC) (Silver Medal – 11th International Earth Science Olympiad); Dann Lawrence Llabore ng PSHS-Southern Mindanao Campus (Bronze Medal – 14th International Geography Olympiad); Mikhail Angel Torio ng PSHS MC, Eugene Fajardo Torribio from PSHS-BRC at Maria Janine L. Juachon ng PSHS-CLC (Gold Medal – 11th International Earth Science Olympiad); at si Hillary Diane A. Andales ng PSHS-Eastern Visayas Campus (Grand Prize winner – Third Annual Breakthrough Challenge).

Dagdag pa rito, dalawang opisyal pa ng DOST ang ginawaran din ng pagkilala para sa kanilang katangi-tanging serbisyo sa ahensya. Parehong propesor sa University of the Philippines – Diliman sina DOST-ITDI Director Dr. Maria Patricia V. Azanza at si DOST-Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology Research and Development Executive Director Dr. Carlos Primo C. David bago sila itinalaga sa kani-kanilang ahensya. Taong 2014 nagsimula sa DOST si Dr. Azanza samantalang noong 2015 naman si Dr. David. Sa Enero 2018 ay ipagpapatuloy na nila ang kanilang propesyon sa pagtuturo.

Philippine Space Agency napapanahon na

Rapidost_DECEMBER2017.indd 3 1/11/2018 1:38:29 PM

Disyembre20174 BalitangRapiDOST

DOST, pinarangalan ang mga natatanging kawani’t mag-aaral para sa 2017Ni Jasmin Joyce P. Sevilla , DOST-STII

LarawaNEWS

Sa gitna ng kasiyahan sa ginanap na selebrasyon para sa pagtatapos ng taon ng Department of Science and

Technology (DOST), pitong ahensya ng DOST, walong empleyado, at siyam na mga estudyante mula sa Philippine Science High School (PSHS) ang binigyang parangal para sa kanilang natatanging kontribusyon sa iba’t ibang larangan ng agham at teknolohiya para sa taong ito. Ginanap ang nasabing pagbibigay-parangal noong ika-12 Disyembre ng 2017 sa DOST Grounds.

Pinangunahan ni DOST Secretary Fortunato T. de la Peña ang paggawad ng sertipiko ng pagkilala sa mga sumusunod na ahensya ng DOST: Food and Nutrition Research Institue (FNRI) (NAST’s Best Institute Award); DOST-NCR (Gold Anvil Award); DOST-IX (Development Academy of the Philippines’ Government Best Practice Recognition 2017); DOST-Science and Technology Information Institute (STII)’s STARBOOKS (Gold and Silver Anvil Award); DOST-Industrial Technology and Development Institute (ITDI) at DOST regional offices (Benita & Catalino Yap Foundation [BCYF] Innovation Award for Government Service); DOST-Philippine Nuclear Research Institute Research Team (2017 Excellent Research Team of the Year Award of Japan-based Forum for Nuclear Cooperation in Asia [FNCA]); at DOST-FNRI at DOST-XI

(Outstanding Government Workers Award [PAGASA Award]).

Samantala, ang mga natatanging kawani naman ng DOST na kinilala rin sa ginanap na selebrasyon ay sina: Ana Marie P. Alo mula sa DOST-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) (2017 PhilEASNET Outstanding Extension Project Award);

Fernando B. Aurigue mula sa DOST-PNRI (ginawaran ng titulong Scientist I sa Scientific Career Council); Glenda Obra mula sa DOST-PNRI (ginawaran ng titulong Scientist sa Scientific Career System); Dr. Annabelle V. Briones mula sa DOST-ITDI (NRCP’s Achievement Award for Chemical Sciences; at ginawaran ng titulong Scientist I sa Scientific Career System); Dr. Rosalinda C. Torres mula sa DOST-ITDI;

Iginawad ni DOST Sec. de la Peña (gitna) ang parangal sa DOST-ITDI at sa DOST regional offices na tinanggap nina DOST-ITDI Director Azanza at Undersecretary for Regional Operations Brenda L. Nazareth-Manzano (kanan). (Teksto ni Jasmin Joyce P. Sevilla at Larawan ni Gerardo G. Palad, DOST-STII).

sundan sa pahina 3

Nagbigay ng talumpati si DOST Secretary Fortunato T. de la Peña sa ginanap na OneLab Networking Forum sa Microtel, UP-Ayala Technohub, Commonwealth Ave., Diliman, Quezon City noong Disyembre 15, 2017. Masayang ibinahagi ng kalihim na ang mga serbisyo ng OneLab ay napakinabangan ng iba’t ibang sektor sa bansa. Ipinangako rin niya na patuloy na magbibigay ng tulong pinansyal at teknikal ang DOST para sa proyektong ito upang higit na mapagsilbihan ng OneLab ang publiko. (Teksto at Larawan ni Jasmin Joyce P. Sevilla, DOST-STII).

Rapidost_DECEMBER2017.indd 4 1/11/2018 1:38:29 PM