2
Chavez, Julius Caezar C 10-Fermi Dalawang Dosenang Anak; Higit Dalawang Dosenang Problema Sa dokumentaryong ito, pinapakita ang isa sa mga pamilyang hindi mo aakalain na may higit pang dalawampung anak. Isa dito ang pamilya Cabenan. Sa isang maliit na barung-barong sa Baseco, Manila nagsisiksikan ang pamilya Cabenan. Dalawampu't dalawang beses nagbuntis si Rosalie, ang ina ng pamilya. Sa kasamaang palad, lima ang namatay sa kanyang mga anak, labing pito pa ang nananatiling buhay. Sa malaking pamilyang gaya nila, may ligaya at mga pagsubok na dala. Maaaring masaya pero mahirap din lalo sa isang salat na pamilya. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang lahat ng miyembro ng pamilya. Hanggang high school o grade school lang ang inabot nila. Dahil din sa kahirapan, namatay ang ibang mga anak. Magkakahiwalay ang mag-anak. May umalis dahil sa hindi pagkakaunawaan sa mga magulang, may bumukod mula nang sila ay makapag-asawa at magka-pamilya, may naglayas dahil umano sa tangka ng panggagahasa mula mismo sa sariling kadugo. May mga anak namang naiwan na tumutulong sa mga pangangailangan ng pamilya dahil hindi sapat ang kita ng kanilang mga magulang. Mula sa masahe, manicure at pagbenta ng balut, ginagawa ng anak makatulong lang sa pagtawid sa malaking mag-anak. Kung iuugnay ang mga suliranin ng pamilya sa mga aralin sa Ekonomiks, marami tayong makukuha at maiuugnay. Ang Batas ng Demand na nagsasabi na kapag tumataas ang presyo, dumadami ang quantity demanded ay ang unang maaaring iugnay sa Ekonomiks. Ngayon sa Pilipinas ang patuloya ang pagtaas ng presyo ng bilihin kaya todo higpit sa bulsa ang mga mamimili. Ngunit sila ay hirap

Ekon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

hjdbxdkj

Citation preview

Page 1: Ekon

Chavez, Julius Caezar C

10-Fermi

Dalawang Dosenang Anak; Higit Dalawang Dosenang Problema

Sa dokumentaryong ito, pinapakita ang isa sa mga pamilyang hindi mo aakalain na may higit pang dalawampung anak. Isa dito ang pamilya Cabenan. Sa isang maliit na barung-barong sa Baseco, Manila nagsisiksikan ang pamilya Cabenan. Dalawampu't dalawang beses nagbuntis si Rosalie, ang ina ng pamilya. Sa kasamaang palad, lima ang namatay sa kanyang mga anak, labing pito pa ang nananatiling buhay.

Sa malaking pamilyang gaya nila, may ligaya at mga pagsubok na dala. Maaaring masaya pero mahirap din lalo sa isang salat na pamilya. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang lahat ng miyembro ng pamilya. Hanggang high school o grade school lang ang inabot nila. Dahil din sa kahirapan, namatay ang ibang mga anak.

Magkakahiwalay ang mag-anak. May umalis dahil sa hindi pagkakaunawaan sa mga magulang, may bumukod mula nang sila ay makapag-asawa at magka-pamilya, may naglayas dahil umano sa tangka ng panggagahasa mula mismo sa sariling kadugo. May mga anak namang naiwan na tumutulong sa mga pangangailangan ng pamilya dahil hindi sapat ang kita ng kanilang mga magulang. Mula sa masahe, manicure at pagbenta ng balut, ginagawa ng anak makatulong lang sa pagtawid sa malaking mag-anak.

Kung iuugnay ang mga suliranin ng pamilya sa mga aralin sa Ekonomiks, marami tayong makukuha at maiuugnay. Ang Batas ng Demand na nagsasabi na kapag tumataas ang presyo, dumadami ang quantity demanded ay ang unang maaaring iugnay sa Ekonomiks. Ngayon sa Pilipinas ang patuloya ang pagtaas ng presyo ng bilihin kaya todo higpit sa bulsa ang mga mamimili. Ngunit sila ay hirap sa buhay at kulang pa ang kinikita na P 404. Ito ang konsepto ng income effect na nagsasabi na nakakapaekto ang sahod ng isang tao sa kanyang bibilhin.

Ilan lang ito sa kuwento ng pamilya Cabenan. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, si Rosalie ay tutol sa paggamit ng artificial contraception, habang ang asawa niyang si Danilo ay nagsisisi sa kinahantungan ng kanilang buhay. Kung alam lang daw niya ang tungkol sa contraceptives noon, malamang ay gumamit na sila nito.