15
Falasi ng Pangangatwiran April M. Bagon- Faeldan

Falasi sa Pangangatwiran

Embed Size (px)

DESCRIPTION

mula sa aklat nina bernales et.al.pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksikcompiled by:aprilmbagon-faeldan

Citation preview

Page 1: Falasi sa Pangangatwiran

Falasi ng Pangangatwiran

April M. Bagon-Faeldan

Page 2: Falasi sa Pangangatwiran

Sa pagsulat ng akademikong papel, kailangang iwasan ang mga falasi sa pangangatwiran dahil nagpapahina ang mga ito sa argumento. Ngayon ay ilalahad sa inyo ang karaniwang falasi na madalas katisuran ng marami.

Page 3: Falasi sa Pangangatwiran

1. Argumentum ad hominem-pag-atake a personal na katauhan at hindi sa paksa o argumento.

Halimbawa: Hindi magiging mabuting lider ng bayan si Juan sapagkat siya’y binabae.

Page 4: Falasi sa Pangangatwiran

2. Argumentum as baculum- paggamit ng pwersa o awtoridad.

Halimbawa:

Gawin na ninyo ang aking sinabi. Ako yata ang Pangulo at ako ang dapat masunod.

Page 5: Falasi sa Pangangatwiran

3. Argumentum as misericordiam- pagpapa-awa o paggamit ng awa sa pangangatwiran.

Halimbawa:Kailangang ipasa ang lahat ng mahihirap na mag-aaral sapagkat lalo silang magiging kaawa-awa kung sila ay lalagapak.

Page 6: Falasi sa Pangangatwiran

4. Argumentum ad ignorantiam- nagpapalagay na hindi totoo ang anumang napatutunayan kaya’y totoo ang anumang hindi napasisinungalingan.

Halimbawa: Ito ay isang ebidensya at kailangan iitong tanggapin dahil wala namang tumututol dito.

Page 7: Falasi sa Pangangatwiran

5. Non sequitor- paggamit ng mga argumentong hindi magkakaugnay o ng argumentong does not follow the premise.

Halimbawa:Ang mga babae ay higit na masisipag magtrabaho kaysa mga lalaki, kung gayon sila ay may higit na karapatang magreklamo sa trabaho.

Page 8: Falasi sa Pangangatwiran

• 6. Ignoracio elenchi- pagpapatotoo sa isang kongklusyon hindi naman siyang dapat patotohanan.

Halimbawa:Hindi siya nanggahasa ng dalaga, sa

katunaya’y isa siyang mabuting anak at mapapatunayan iyan ng kanyang mga magulang, kapatid, kamag-anak at kaibigan.

Page 9: Falasi sa Pangangatwiran

7. Maling Paglalahat- pagbatay ng isang kongklusyon sa isa o ilang limitadong premis.

Halimbawa:Mahirap mabuhay sa Maynila kung kaya’t masasabing mahirap mabuhay sa buong Pilipinas.

Page 10: Falasi sa Pangangatwiran

9. Maling Saligan- paggamit ng maling batayan sa humahantong sa maling kongklusyon.

Halimbawa:Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika,

kung gayon, si Pedro Madlangbayan ay isang Amerikano dahil siya ay nasa California.

Page 11: Falasi sa Pangangatwiran

8. Maling Analohiya- paggamit ng hambingang sumasala sa matinong kongklusyon.

Halimbawa:Magiging mabenta ang sorbetes kahit tag-ulan, kasi’y mabenta naman ang kape kahit tag-init.

Page 12: Falasi sa Pangangatwiran

10. Maling Awtoridad- paggamit ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isang paksa.

Halimbawa:Wika nga ni Aiza Seguerra, higit nating kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.

Page 13: Falasi sa Pangangatwiran

12. Mapanlinlang na Tanong- paggamit ng tanong na ano man ang maging sagot ay maglalagay sa isang tao sa kahiya-hiyang sitwasyon.

Halimbawa:Hindi ka na ba nagtataksil sa iyong asawa?

Page 14: Falasi sa Pangangatwiran

11. Dilemma-pagbibigay ng dalawang opsyon lamang na para bang wala nang iba pang alternativ.

Halimbawa:Alin sa dalawa ang mangyayari: ang puumatay o kaya ay mamatay?

Page 15: Falasi sa Pangangatwiran

Isang magandang araw sa inyong

lahat!!!!