7
Hilot: Tradisyon at Siyensiya Ang Hilot ay ang katutubong paraan ng panggagamot sa Pilipinas. Hindi malinaw kung kailan ito nagsimula, dahil wala pang natatagpuan na mga lumang kasulatan na nagsasaad kung gaano na talaga ito katagal ginagawa ng ating mga ninuno. Ngunit malinaw na ang Hilot ay isang mahalagang bahagi ng kulturang Pilipino, dahil ito ay matatagpuan sa buong Pilipinas. Magkaiba man ang tawag dito sa iba’t ibang wika, at sari-sari man ang istilo na ginagamit sa iba’t ibang isla, hindi maikakaila na ang mga katutubong manggagamot ay pareho ang pinag-uugatang prinsipyo ng pagpapagaling ng karamdaman. Ang Tradisyon ng Hilot Ang Hilot ay laganap sa ating bansa, ngunit hindi ito naiintindihan ng karamihan. Kahit ang mga taong gumaling dahil sa Hilot ay hindi maipaliwanag kung paano sila gumaling. Ang alam lang nila ay bumuti at gumaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos nilang magpahilot at sundin ang payo ng albularyo ukol sa halamang gamot at tamang pagkain. Kapag tinanong naman ang albularyo o manghihilot hinggil dito, malamang ang karaniwang tao ay hindi rin maliliwanagan. Malamang ipapaliwanag ng albularyo ang Hilot gamit ang wika kung paano niya ito natutunan—sa pamamagitan ng espiritu, engkanto, kulam, at iba pa. Ito ay

Filipino Article 2 - Hilot Tagalog

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino Article 2 - Hilot Tagalog

Hilot: Tradisyon at SiyensiyaAng Hilot ay ang katutubong paraan ng panggagamot sa

Pilipinas.

Hindi malinaw kung kailan ito nagsimula, dahil wala pang

natatagpuan na mga lumang kasulatan na nagsasaad kung

gaano na talaga ito katagal ginagawa ng ating mga ninuno.

Ngunit malinaw na ang Hilot ay isang mahalagang bahagi ng

kulturang Pilipino, dahil ito ay matatagpuan sa buong Pilipinas.

Magkaiba man ang tawag dito sa iba’t ibang wika, at sari-sari

man ang istilo na ginagamit sa iba’t ibang isla, hindi maikakaila

na ang mga katutubong manggagamot ay pareho ang pinag-

uugatang prinsipyo ng pagpapagaling ng karamdaman.

 

Ang Tradisyon ng Hilot 

Ang Hilot ay laganap sa ating bansa, ngunit hindi ito naiintindihan

ng karamihan. Kahit ang mga taong gumaling dahil sa Hilot ay

hindi maipaliwanag kung paano sila gumaling. Ang alam lang nila

ay bumuti at gumaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos

nilang magpahilot at sundin ang payo ng albularyo ukol sa

halamang gamot at tamang pagkain.

Kapag tinanong naman ang albularyo o manghihilot hinggil dito,

malamang ang karaniwang tao ay hindi rin maliliwanagan.

Malamang ipapaliwanag ng albularyo ang Hilot gamit ang wika

kung paano niya ito natutunan—sa pamamagitan ng espiritu,

engkanto, kulam, at iba pa. Ito ay bahagi ng dahilan kung bakit

ang Hilot, bilang isang paraan ng panggagamot, ay naisantabi

pagpasok ng kanluraning paraan ng panggagamot, na

Page 2: Filipino Article 2 - Hilot Tagalog

nagsasabing lahat ay dapat naka-ugat sa siyensiya.

Diyos ang pinagmumulan ng lahat. Ang Hilot ay nakaugat sa

malalim na paniniwala sa Diyos (tinatawag din na Espiritu ng mga

albularyo), na siyang pagmumulan ng buhay. Ang Diyos (o

Espiritu) ay matatagpuan sa lahat ng sulok ng daigdig, at maging

sa bawat nilalang. Ang Diyos ay pag-ibig—kung kaya

nararamdaman natin Siya sa pag-ibig at paglilingkod na walang

pasubali (unconditional love and service).

Isip, damdamin, at katawan. Ang Hilot ay isang paraan ng

panggagamot na tumatanaw sa Kabuoan ng tao, kaya ang

konsepto ng kalusugan ng Hilot ay sumasaklaw hindi lamang sa

pisikal na pangangatawan, kundi pati sa isip at damdamin. Sa

Hilot, ang malusog na tao ay siyang may malinaw na pag-iisip at

mahinahong damdamin, malakas na buto at matikas na

kalamnan, at namumuhay ng payapa.

Ang Apat na Elemento ng katawan. Pagdating sa katawan,

ang Hilot ay sumusunod sa paniniwalang ang tao ay binubuo ng

apat na elemento—lupa, tubig, hangin, at apoy. Ang mga

elementong ito ay may takdang balanse. Kapag ang mga

elemento ng katawan ay nasa tamang balanse, ang katawan ay

malusog. Ngunit kung ito ay nawawala sa balanse (dahil sa

kakulangan o kalabisan ng isa o higit pa sa mga elemento) ang

mga bahagi ng katawan ay humihina. Kapag napabayaan, ang

katawan ay bumibigay na sa sakit.

Engkanto o sakit? Noong unang panahon, ang pagkawala sa

balanse at karamdaman sa katawan ay ipinaliliwanag ng

albularyo sa paraang madaling maintindihan ng mga taong

pumupunta sa kanila—bilang kagagawan ng mga engkanto na

Page 3: Filipino Article 2 - Hilot Tagalog

nauugnay sa elementong wala sa balanse. Halimbawa, kung ang

elemento ng lupa ang wala sa balanse, sinasabi ng albularyo na

ang tao ay naengkanto sa lupa, at ang kanyang karamdaman ay

dulot ng mga kapre o duwende. Kapag ang elemento ng tubig

ang wala sa balanse, sinasabi ng albularyo na ang karamdaman

ay dahil sa mga sirena o siyokoy. Kapag ang elemento ng hangin

naman ang may problema, kagagawan daw ito ng mga diwata.

Kapag ang elemento ng apoy naman ang wala sa ayos, ang mga

tiyanak at impernales ang tinuturong dahilan. 

Ang ganitong katawagan at kaugnayan, dahil ito ay likas na

bahagi ng kultura at paniniwalang Pilipino, ay tinanggap ng buo

ng mga tao noong unang panahon. Dahil dito, sa ganitong paraan

din ipinasa ang kaalaman tungkol sa Hilot sa maraming salinlahi

ng mga katutubong manggagamot—hanggang sa panahon

ngayon, kung kailan maraming mga Pilipino ang hindi na

naniniwala sa mga engkanto, at nagsasabing ang mga ito ay

kathang isip lamang at hindi totoo.

Sa kasamaang palad, ang Hilot, dahil ito ay naugnay sa mga

katawagang engkanto sa loob ng napakatagal na panahon, ay

dumanas din ng katulad na kapalaran. Kasabay ng pag-isantabi

ng paniniwala sa mga engkanto, ay isinantabi din ng marami ang

paniniwala sa Hilot. Sa paglaganap ng kanluraning medisina at ng

“modernong” paraan ng panggagamot, ang Hilot ay tinitingnan

ng marami bilang isang makalumang paraan ng panggagamot ng

mga matatanda na hango lamang sa mga pamahiin at mistulang

walang basehan.

Ngunit, kung susuriing mabuti, makikita na ang Hilot ay naka-

ugat sa siyensiya. Ang mga paraan ng panggagamot ng mga

magagaling na albularyo ay batay sa mga batas ng kalikasan, at

Page 4: Filipino Article 2 - Hilot Tagalog

sa batas ng mga planeta (universal law, o sa wika ng mga

albularyo, “batas ng Diyos”).

 

Ang Siyensiya ng Hilot

Kinailangan ang isang albularyong may kakaibang

pinanggalingan upang maipaliwanag na ang Hilot ay nakaugat sa

siyensiya, at hindi lang ito puro himala, engkanto, at kulam. Si

Bibiano “Boy” Fajardo, na mula sa angkan ng mga doktor, aral sa

isang ekslusibong paaralan, at nagtapos ng B.S. Chemical

Engineering, ay masasabing hindi tugma sa imahe ng karaniwang

nag-aaral ng Hilot upang maging isang albularyo. Ngunit dahil sa

kanyang maagang karanasan sa Hilot, orasyon, at sa

paghahanda ng mga halamang gamot (dahil tinutulungan niya

ang kanyang tiyo na siyang nagtutuli ng mga kabataan tuwing

bakasyon), siya ay nagkaroon ng interes na maging isang

albularyo.

Hilot at Muscular Dystrophy. Ang interes ni Boy Fajardo sa

Hilot ay lalo pang nadagdagan noong siya ay dalawampu’t pitong

taong gulang at nalumpo dahil sa sakit na Muscular Dystrophy.

Pabalik-balik siya sa ospital, ngunit walang gamot ang sakit na ito

sa kanluraning medisina—sa katunayan ay lingid sa kaalaman

niya, tinaningan na ng anim na buwan ang kanyang buhay.

Ngunit sa tulong ni Tiya Puring Guevarra, isang magaling na

albularyo na tubong Abucay, Bataan, na siyang nagsagawa ng

Hilot at banyos sa kanya, siya ay nakalakad muli at tuluyang

gumaling.

Ang siyensiya ng panggagamot. Habang lumalalim ang pag-

Page 5: Filipino Article 2 - Hilot Tagalog

aaral niya ng Hilot at lumalawak ang karanasan niya dito,

napagtanto ni Boy Fajardo na ang ginagawa niyang panggagamot

ay sumusunod sa mga batas ng kalikasan na inaral niya bilang

estudyante ng siyensiya. Halimbawa na lang dito ang konsepto

ng “init-lamig.” Ang tila misteryosong konsepto na ito ay

alinsunod pala sa pangalawang batas ng thermodynamics

(second Law of Thermodynamics)!

Noong 1980, nag-umpisang mag-aral si Boy Fajardo kay Mr.

Agrifino Maranan sa Lemery, Batangas. Si Mr. Maranan, isang

principal na nagturo rin ng chemistry, biology at logic, ay isa sa

pinakamagaling na albularyo sa Pilipinas. Siya ang nagturo kay

Boy Fajardo ng mas malalim na siyensiya ng panggagamot at ang

tuluy-tuloy na proseso ng kalusugan gamit ang mga siyentipikong

konsepto katulad ng entropy at enthalpy.

Siyentipikong balangkas (o scientific framework) ng Hilot.

Dahil sa kaalamang natutunan niya kay Mr. Maranan, tuluyan

nang naiugnay ni Boy Fajardo ang paraan ng panggagamot na

natutunan niya mula sa mga matandang albularyo, at ang tila

napakalayong larangan ng siyensiya. Pinagpatuloy niya ang

panggagamot gamit ang kanyang bagong karunungan, hanggang

sa nabuo niya ang isang siyentipikong balangkas (“scientific

framework”) ng Hilot, kung saan maari ding ipaloob ang lahat ng

ibang paraan ng panggagamot.

Mula noong mapagsama niya ang tradisyon at siyensiya ng Hilot

sa kanyang panggagamot, ay nagsimula ding ipaliwanag ni Boy

Fajardo ang Hilot gamit ang wika ng siyensiya.

Electromagnetic force. Ang dating hindi maipaliwanag na

gawa ng Diyos, (o Espiritu),na walang ibang katawagan kundi

Page 6: Filipino Article 2 - Hilot Tagalog

“milagro,” ay ipinapaliwanag na ngayon ni Boy Fajardo sa

siyentipikong paraan—bilang electromagnetic force o Emf. Ang

pwersang ito ay sumasaklaw sa buong kalawakan at siyang

pinagmumulan ng kuryente, liwanag, at magnetismo at

nakakaapekto sa lahat ng nilalang sa ating planeta.

Mga bahagi ng katawan at sakit. Ang apat na elemento ng

katawan ay hindi lamang guni-guni ng mga albularyo, kundi ang

mga ito ay may katumbas na mga kongkretong bahagi ng ating

katawan. Ang elemento ng lupa ay ang ating kalamnan at buto,

ang elemento ng tubig ay katumbas ng ating dugo, ihi, at iba

pang likido sa katawan, ang elemento ng hangin ay ang hangin

na ating hinihinga, at ang elemento ng apoy ay katumbas ng

enerhiya at metabolismo.

Ang pagkawala sa balanse o mga karamdaman na dati ay

pinapaliwanag bilang kagagawan ng engkanto, sa katunayan ay

mga sakit ng mga bahagi ng katawan na saklaw ng nasabing

elemento.

Sa pamamagitan ng siyentipikong pagpapaliwanag kung

paano nakakagaling ang Hilot (sa paraang biochemical,

neuroelectrical, biomechanical, at electromagnetical), umaasa si

Dr. Bibiano Fajardo na mailapit muli ang Hilot sa kasalukuyan, at

sa mga susunod na henerasyon. Layunin niyang patunayan na

ang karunungan n gating mga ninuno ilang dantaon na ang

nakalipas ay nananatiling angkop sa ating panahon at

makakatulong sa atin. Layunin din niyang ituwid ang mga maling

akala tungkol sa Hilot, na ito ay isang uri ng masahe lamang.