5
Part 1 - Forgiveness – Last last week ang napag usapan natin ay tungkol sa Prayer. Di ba sabi nga dasal Patawarin mo kami sa aming mga sala tulad ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. Ngayon ang ating pagninilayan ay tungkol sa pagpapatawad…. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagpapatawad?magtawag ng kapatid. …….sharing by Sis. Gemma Makikita natin na ang pagpapatawd ay hindi nanggaling sa tao. Kailangan natin ang grasya ng ating Panginoon. Upang lalo natin maiintindihan ang pagpapatawad na nagmula sa Panginoon. Pakinggan natin ang istorya ng : Alibughang anak: Isa sa makulay na talinhagang ipinahayag ng Panginoong Hesus ang tungkol sa alibughang anak. Tungkol ito sa isang anak na hiningi ang kaniyang mamanahin sa kaniyang ama at nang maipagkaloob sa kaniya ay umalis, subalit inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palalong pamumuhay. (Lukas 15:11-13) Ang salitang “prodigal” ay may kahulugang “wastefully extravagant.”-alam natin na meron talagang ganyang tao sa panahon natin ngayon… gaya ni napoles…… Nang maubos ang kaniyang tinatangkilik at nagkaroon ng taggutom, nagpasiya siyang bumalik sa kaniyang ama. At nang siya’y magbalik, ipinagdiwang ito ng kaniyang ama sa pamamagitan ng malaking kapistahan. (Lukas 15:16-24) Ang kaniyang kapatid na panganay ay nagalit sa pagdiriwang na ibinigay ng kanilang ama, sapagkat kaylanman ay hindi siya binigyan ng ganitong kapistahan at pagpapahalaga, gayong siya ay nananatiling naglilingkod sa kaniyang ama. (Lukas 15:25-32) Bawat isa sa atin ay maaaring makaugnay sa talinhagang ito, sapagkat lahat tayo’y dating naligaw ng landas, sa kawalan ng kaalaman at unawa sa mga katuwiran ng ating dakilang Diyos. Ang ating mga magulang ay tunay na nagpakaligaw sa mga tuntunin ng Diyos (Malakias 3:7) at tayong mga anak ay nagsilakad nang ayon sa lakad ng sanlibutang ito. (Efeso 2:2-3) Ano ang napakahalagang aral na ibig ng Diyos na matutunan natin sa talinhagang ito? Ang katangian ng ama sa talinhaga ay nagpapakilala ng katangiang taglay ng Diyos. Ang Diyos ay mahabagin at mapagpatawad sa Kaniyang mga anak. At sinumang sa Kaniya’y lumapit at kung taus-puso ang paglapit at pagsisisi, ay kakamtin ang Kaniyang kahabagan at kapatawaran. Isang malaking pagkakamali na isipin nating ang Dios ay isang mabagsik na Dios, na ang laging tinitingnan ay ang bawat pagkakamali na ating nagagawa, na

Forgiveness - Talk

Embed Size (px)

DESCRIPTION

by SICC

Citation preview

Page 1: Forgiveness - Talk

Part 1 - Forgiveness –

Last last week ang napag usapan natin ay tungkol sa Prayer. Di ba sabi nga dasal Patawarin mo kami sa aming mga sala tulad ng pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.

Ngayon ang ating pagninilayan ay tungkol sa pagpapatawad…. Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagpapatawad?magtawag ng kapatid. …….sharing by Sis. Gemma

Makikita natin na ang pagpapatawd ay hindi nanggaling sa tao. Kailangan natin ang grasya ng ating Panginoon. Upang lalo natin maiintindihan ang pagpapatawad na nagmula sa Panginoon. Pakinggan natin ang istorya ng :

Alibughang anak:Isa sa makulay na talinhagang ipinahayag ng Panginoong Hesus ang tungkol sa alibughang anak. Tungkol ito sa isang anak na hiningi ang kaniyang mamanahin sa kaniyang ama at nang maipagkaloob sa kaniya ay umalis, subalit inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palalong pamumuhay. (Lukas 15:11-13)

Ang salitang “prodigal” ay may kahulugang “wastefully extravagant.”-alam natin na meron talagang ganyang tao sa panahon natin ngayon… gaya ni napoles……

Nang maubos ang kaniyang tinatangkilik at nagkaroon ng taggutom, nagpasiya siyang bumalik sa kaniyang ama. At nang siya’y magbalik, ipinagdiwang ito ng kaniyang ama sa pamamagitan ng malaking kapistahan. (Lukas 15:16-24)

Ang kaniyang kapatid na panganay ay nagalit sa pagdiriwang na ibinigay ng kanilang ama, sapagkat kaylanman ay hindi siya binigyan ng ganitong kapistahan at pagpapahalaga, gayong siya ay nananatiling naglilingkod sa kaniyang ama. (Lukas 15:25-32)

Bawat isa sa atin ay maaaring makaugnay sa talinhagang ito, sapagkat lahat tayo’y dating naligaw ng landas, sa kawalan ng kaalaman at unawa sa mga katuwiran ng ating dakilang Diyos. Ang ating mga magulang ay tunay na nagpakaligaw sa mga tuntunin ng Diyos (Malakias 3:7) at tayong mga anak ay nagsilakad nang ayon sa lakad ng sanlibutang ito. (Efeso 2:2-3)

Ano ang napakahalagang aral na ibig ng Diyos na matutunan natin sa talinhagang ito?

Ang katangian ng ama sa talinhaga ay nagpapakilala ng katangiang taglay ng Diyos. Ang Diyos ay mahabagin at mapagpatawad sa Kaniyang mga anak. At sinumang sa Kaniya’y lumapit at kung taus-puso ang paglapit at pagsisisi, ay kakamtin ang Kaniyang kahabagan at kapatawaran.Isang malaking pagkakamali na isipin nating ang Dios ay isang mabagsik na Dios, na ang laging tinitingnan ay ang bawat pagkakamali na ating nagagawa, na para bagang lagi siyang nakabantay at handa tayong parusahan sa anumang pagkakamali na ating nagagawa.

Tunay na ang Diyos ay Dios ng pagibig, at hindi siya nagagalak sa kalikuan o kinukunsinti ang ating mga pagkakamaling nagagawa. Ngunit hindi naman natin dapat samantalahin ang pagiging mahabagin ng Dios, sapagkat ang habag ng Dios ay ibinibigay Niya sa mga karapatdapat lamang na pagkalooban nito.

Gaya ng nasa talinhaga, nang magbalik ang anak, nagpakababa ito sa kaniyang ama at lubos na pinagsisihan ang kaniyang naging pamumuhay. Ganito ang hangad ng Dios sa ating lahat, ang lubos na matutunan ang tunay na kahulugan ng pagsisisi, samakatuwid ay ang bagbag na puso at lubos na pagtalikod sa anumang kasamaang nagawa.

Gaya nang pahayag ng Biblia, “Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang- loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang. Hugasan mo akong lubos sa aking

Page 2: Forgiveness - Talk

kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan. Sapagka’t kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.” (Awit 51:1-3)

Nang lumapit tayo sa Dios, at tinalikuran ang mga kasamaan sa nagdaang panahon ng ating buhay, tinanggap tayo ng Dios sa Kaniyang bahay, na siyang iglesia ng Dios (1 Timoteo 3:15). At dito’y kinalinga tayo ng Dios, inari tayong Kaniyang tunay na mga anak, na nilimot ang ating mga kasamaang nagawa. Kinailangang tayo ay ipanganak na muli ng tubig at ng espiritu sa pamamagitan ng Bautismo upang kamtin natin ang kapatawaran at lubos na paglilinis.Amen po ba………

At upang malubos ang paglilinis sa atin, ano ang mahigpit ngunit may pagibig na paalala sa atin ng Dios?

Yamang tayo’y nilinis ng Kaniyang dalisay na dugo, at tinanggap ang dakilang kahabagan, inaasahan Niyang mabubuhay tayo nang naaayon sa pagkakatawag Niya sa atin, samakatuwid ay ang mabuhay sa pananampalataya.

- Tunay nga po na napakamahabagin ng ating Panginoon. SA kabila ng ating pagkakasala palagi nya tayong binibigyan ng pagkakataon upang magbalik loob at matanggap ang kanyang habag. Binigyan niya tayo ng Sakramento ng kumpisal upang maibalik natin ang ating sarili sa ilalim ng kanyang grasya (state of Grace).

Page 3: Forgiveness - Talk

PART II – Matthew 18:21-35

Yamang tayoý pinatawad ng Diyos sa ating mga kasalanan, paano nga ba tayo dapat magpatawad ng buong puso…. Pagnilayan natin ang pagbasa mula sa mabuting balita ng Panginoon ayon kay San Matthew…

Readings : Matthew 18:21-35

Sa tanong ni Pedro kung ilang ulit kailangang patawarin ang kapatid na paulit-ulit na nagkakasala, ang tugon ni

Jesus ay hindi pito kungdi hanggangpitumpung-ulit ng pito. Ang pitumpung-ulit ng pito ay apatnaraan at

siyamnapu. Kung ang isang tao ay magbibilang kung ilang ulit siyang magpapatawad sa isang kapatid, ang bilang na

hiningi ni Jesus ay impraktikal. Mas madaling hindi na lamang magbilang at patawarin na lamang ang kapatid. At ito

nga ang isinalarawan ni Jesus sa talinghaga.

Ang salaysay na nanggaling sa bibig ng hari na: “Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin.

Naawa ako sa iyo. Hindi ba’t dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?” Sa madaling sabi, ang kinahabagan ay

kailangan ding magpakita ng habag sa iba. Kung tutuusin, ang halagang pinatawad ng hari ay napakalaki kumpara

sa ipinagmakaawa nung isang alipin. Kaya nga wala naman talagang mawawala sa kanya kung pinagbigyan na

lamang sana niya ang nagkakautang sa kanya. OO nga po mga kapatid napakadaling sabihin ngunit napakahirap

gawin….

------Sharing my own experience about FORGIVENESS…….

Sa kanyang pagtatapos, sinabi ni Jesus na ganuon din ang gagawin ng kanyang Amang nasa langit sa mga taong

hindi marunong magpatawad ng “buong puso”. Hindi ba’t ito rin ang panalanging itinuro ng Panginoon?

“Patawarin mo kami tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin” amen PO BA MGA KAPATID.

Sapagka’t kung ipatawad ninyo sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay patatawarin naman kayo ng inyong

Ama sa kalangitan. Subalit kung hindi ninyo ipatawad sa mga tao ang kanilang mga kasalanan, ay hindi rin naman

kayo patatawarin ng inyong Ama ng inyong mga kasalanan. (Mateo 6:12.14-15)

Lagi nang inasahan ng Diyos ang Kanyang mga tao na mahalin ang isa’t isa ng pag-ibig na tunay, isang pag-ibig na pumapayag sa galit, nguni’t isang pag-ibig na hindi isang utos:

Huwag kayong magtatanim ng galit sa inyong kapwa. Sa halip, makipagkasundo ka sa kanya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kababayan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Ako si Yahweh (Lev. 19:17-18,).

Page 4: Forgiveness - Talk

Paano nga ba tayo dapat magpatawad?

Proseso ng Pagpapatawad:Ang layunin ng paghaharap ay upang ipagkaloob ang pagpapatawad.Ngunit ang pagpapatawad ay ipinapahayag sa sandaling nagsisi ang nagkasala. Kaya :1. ) Hinaharap natin ang nagkasala sa pag asang 2) Magsisi siya upang 3) Mapatawad natin

May isang tanong mga kapatid na kapag wala tayo sa Panginoon, tunay na napakahirap sagutin… ,… PAANO NGA BA NATIN MAPAPATAWAD ANG ISANG TAONG NAGING DAHILAN UPANG MAWALA SA ISANG IGLAP ANG MAHAL NATIN SA BUHAY? Naiimagin niyopo ba sa inyong sarili kung biglang mawala ang asawa ninyo, ang anak ninyo……. Tunghayan natin ang isang istorya tungkol sa pagpapatawad………_______________________________________________________

RECAP:

Sa ating napanood gaano ba kahirap ang patawarin ang isang taong nagkasala sa atin upang maging dahilan sa pagkawala ng mahal natin sa buhay. Tunay na napakahirap ngunit walang impossible sa ating Panginoon. Hindi natin magagawa ito kung wala angDiyos sa ating buhay…. Nakikita natin sa kwento na hindi na siya nahatak pa ng galit o poot doon sa nakabangga sa kanila bagkus naitanong pa niya kung kamusta ang taong nakabangga sa kanila…. Nakikita natin sa kaniyang pagkatao na nabubuhay siya kasama si Hesus. Dahil sa pangyayari nagkarron siya ng pagkakataon na makita ang kapatid niya( Jesus Christ). Kung sa atin nangyari iyon, kahit tayo ay nasa gawain ganito sa Panginoon… Hindi natin masabi kung ganun din ang ating reaction, subalit katulad nang nakita natin, ganun dapat ang ating GOAL na hinahangad- ang makita si Hesus sa ating buhay To Let Jesus Live in our Hearts at sa huli ay makasama natin siya, sa buhay na walang hanggan….

Di po ba may kasabihan “To err is human, to Forgive divine….. To God be the Glory……. Pagnilayan natin ang awiting ito……..

“Prodigal Son”