18
65 | Division of Tarlac Province G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: F9PT-Ig-h-43 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito II. Paksang Aralin: Makapaghihintay Ang Amerika (Dulang Pilipino) Ni Dionisio S. Salazar Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 9 Phoenix Publishing House pp. 102-131 III. Pamamaraan A. Pagsisimula ng Bagong Aralin (Gawain 1.1) Bago simulan ang bagong aralin, basahin muna ang maikling salaysay patungkol sa nagsulat ng akdang tatalakayin. Ang Pilipinas ay may mayamang panitikan. Isa sa patunay nito ang mayamang dulaan ng bansa. Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng búhay. Ipinakikita nito ang realidad sa búhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay na naglalayong makaaliw, makapagturo, o makapagbigay ng mensahe. Masasabing higit na kawili-wili ang dula kaysa sa maikling kuwento sapagkat sa dula higit na nadarama ang mga tunggalian ng mga tauhan at ang kanilang mga suliranin. Sa maikling kuwento, may mga pangyayaring iniuulat na lang ng may-akda ngunit sa dula ang mga ito ay hayagang nakikita sa mga ikinikilos ng mga tauhan bukod sa naririnig pa rin sa kanilang mga Sinasabi Sa araling ito' y isang dula mula sa Pilipinas ang iyong mababasa. Ito ay mula sa panulat ni Dionisio S. Salazar na nagwagi ng unang gantimpala sa Gawad Palanca noong 1968. Si Salazar ay isa sa mga manunulat na Pilipinong naghandog ng kanyang búhay at talento sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagtatampok ng panitikan sa bansa. Kaya noong 1989 ay naparangalan siya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, o mas kilalá bílang Gawad Balagtas, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) sa mga manunulat na Pilipinong nakapag ambag ng pambihirang mga akdang pampanitikan sa anumang wika sa Pilipinas. Suriin kung makikita sa akdang ito ang mga katangian ng dulang nabanggit sa itaas. B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Gawain 2) Sa kasalukuyan, libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa upang humanap ng higit na magandang pagkakataon. Hindi lámang sa Amerika nagtutungo ang marami nating mga kababayan; maraming manggagawang Pilipino ang nagtutungo sa Saudi Arabia, Europe, at sa

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

  • Upload
    others

  • View
    524

  • Download
    4

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

65 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: F9PT-Ig-h-43 Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nababago ang estruktura nito

II. Paksang Aralin: Makapaghihintay Ang Amerika (Dulang Pilipino) Ni Dionisio S. Salazar Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 9 Phoenix Publishing House pp. 102-131 III. Pamamaraan A. Pagsisimula ng Bagong Aralin (Gawain 1.1) Bago simulan ang bagong aralin, basahin muna ang maikling salaysay patungkol sa nagsulat ng akdang tatalakayin. Ang Pilipinas ay may mayamang panitikan. Isa sa patunay nito ang mayamang dulaan ng bansa. Ang dula ayon kay Aristotle ay isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng búhay. Ipinakikita nito ang realidad sa búhay ng tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos, at isinasaad. Ito ay isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay na naglalayong makaaliw, makapagturo, o makapagbigay ng mensahe. Masasabing higit na kawili-wili ang dula kaysa sa maikling kuwento sapagkat sa dula higit na nadarama ang mga tunggalian ng mga tauhan at ang kanilang mga suliranin. Sa maikling kuwento, may mga pangyayaring iniuulat na lang ng may-akda ngunit sa dula ang mga ito ay hayagang nakikita sa mga ikinikilos ng mga tauhan bukod sa naririnig pa rin sa kanilang mga Sinasabi Sa araling ito' y isang dula mula sa Pilipinas ang iyong mababasa. Ito ay mula sa panulat ni Dionisio S. Salazar na nagwagi ng unang gantimpala sa Gawad Palanca noong 1968. Si Salazar ay isa sa mga manunulat na Pilipinong naghandog ng kanyang búhay at talento sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagtatampok ng panitikan sa bansa. Kaya noong 1989 ay naparangalan siya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, o mas kilalá bílang Gawad Balagtas, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) sa mga manunulat na Pilipinong nakapag ambag ng pambihirang mga akdang pampanitikan sa anumang wika sa Pilipinas. Suriin kung makikita sa akdang ito ang mga katangian ng dulang nabanggit sa itaas. B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Gawain 2) Sa kasalukuyan, libo-libong Pilipino ang nangingibang-bansa upang humanap ng higit na magandang pagkakataon. Hindi lámang sa Amerika nagtutungo ang marami nating mga kababayan; maraming manggagawang Pilipino ang nagtutungo sa Saudi Arabia, Europe, at sa

Page 2: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

66 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

iba pang bansa sa Kanluran kung saan mas malaki ang suweldo. Ngunit dahil sa maramihang paglabas ng maraming Pilipino, ang ating bansa ay nakararanas ng brain drain sapagkat ang mahuhusay na guro, doktor, nars, at iba pang mga propesyonal ay nagsisilbi at napakikinabangan ng ibang mga nasyon sa halip na sa ating lnang Bayan at sa mga Pilipino nila ialay ang kanilang angking talino at galíng lpagpalagay na nakatapos ka na ng iyong pag-aaral sa kolehiyo at nabigyan ka ng pagkakataong mamili kung saan mo gustong magtrabaho, anong bansa ang pipiliin mo kasáma ang Pilipinas? Ilagay sa loob ng eroplano ang iyong sagot at sa mga ulap ay ilagay ang iyong dahilan kung bakit mo napili ang bansang ito. Isulat ang talata sa isang buong papel. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.2. C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain 1.3) (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang buong papel. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.3. 1. Ang tao bang nakapagwari ay nakapag-iisip ng maraming bagay? 2. Sadya bang nakararahuyo ang malaking kikitaing dolyar kaya’t di nakapagtatakang maraming Pilipino abng naaakit na umalis ng bansa? 3. Nababagabag ba ang taong may panatag na kalooban? 4. Nakahahabag ba ang kalagayan ng mga PIlipinong may masaganang pamumuhay sa ibang bansa? 5. Nagiging hungkag ba ang buhay ng isang taong buo at magkakasama ang pamilya? D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 (Gawain 1.4)

Basahin at unawain ang buod ng dula na pinamagatang . . .

MAKAPAGHIHINTAY ANG AMERIKA (Buod) Dioniso S. Salazar

Page 3: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

67 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

Mga tauhan: Ligaya Abad Cortez, ang dalubguro Dr. Fidel Cortez, ang kanyang bana Nora marta, ina ni Fidel, nagging patnugot ng isang kawanihan at sa kasalukuyan ay pensyunada na Rosa at Boy, mga anak nina Fidel at Ligaya Ilang Ekstra Panahon: Kasalukuyan Tagpuan: Sa tirahan ng mga Cortez, sa Maynila Sa bahay ng mga Cortez, sa Maynila ay makikita sa kanilang sala si Ligaya na nakasandal sa kanilang sofa at bumabasa ng “pocketbook.” Isa siyang Propesor sa isang malaking pamantasan sa Maynila. Habang nagbabasa ay maiinip siiya sa kahihintay sa byenan at mga anak na nanuod ng sine. Pagkaraan ng ilang minute ay dumating na rin ang kaniyang byenan at mga anak. Ipinagmalaki ni Boy, ang kaniyang anak na lalaki ang kanilang napanoud sa sine. Naipahayag din ni Marta, ang kaniyang byenan na mahusay na ang mga gumaganap na artistang Pilipino ngayong panahon. Habang nagkukuwentuhan ay nabanggit ni Boy ang sinabi sa kaniya ng kaniyang ama na si Fidel na kung gusto nitong pumunta sa Amerika. Matapos ang kuwentuhan ay nagbihis ng pambahay ang mga anak ni Ligaya habang naiwan naman sa sala ang magbyenan. Nagkuwentuhan sila tungkol sa pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika at ang mga suliranin ng lipunan. Nag-isip sila ng paraan para sa darating na kaarawan ni Fidel bukas. Malungkot si Ligaya dahil muling malalayo nanaman ang kaniyang asawa sa kaniyang piling kaya naman minabuti nan g magbyenan na kausapin si Fidel sa balak nito. Napag-usapan din nila ang hindi patas na pagtalaga sa posisyon sapagkat napili si Fidel sa isa sa mga itataas ang posisyon sa ospital. Ang pagbabalak ni Fidel na pumunta ng Amerika ay labis na ipinag-aalala ni Ligaya dahil kakaiba ang uri ng pamumuhay ng mga tao doon at panibagong buhay ang kanilang matatamasa kung doon magtratrabaho si Fidel. Naituon naman ang kanilang usapan sa Amerika, kung anong klase ng pamumuhay mayroon sila at ang mga sawimpalad na mga dalagang ina na bunga ng sinasabing makabagong kabihasnan. Ang katotohanang ang ating panahon ay henerasyon ng panggagay, panghuhuwad, panloloko, krimen, pagsasamantala at iba pang mga sakit ng lipunan. Dumating si Fidel na nakabarong Tagalog at masuyong hinagkan ang kabiyak nitong si Ligaya. Tinawag naman ni Marta ang kaniyang mga apo upang magbigay galang sa kanilang kadarating pa lamang na ama. Ikinumusta naman ni Fidel ang panonoud ng sine ng mga anak, aktibo naman itong ibinahagi ang kanilang karanasan at napanood. Pagkatapos ay inalok naman ni Marta ang kaniyang mga apo upang magluto ng hapunan. Naiwan ang mag-asawa sa sala. Sinabi naman ni Fidel na may naitalaga na bilang isang assistant director sa ospital na kaniyang pinapasukan. Saka naman ipinilit uli ni Fidel ang kaniyang balak na pumunta ng Amerika dahil mas giginhawa raw ang kanilang buhay sa Amerika kaysa sa Pilipinas. Hindi na masikmura ni Fidel ang katiwaliang nagaganap sa bansa at ang kawalan ng hustisya.

Page 4: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

68 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

Todo naman ang pagkumbinsi ni Ligaya na manatili na lamang sila sa Pilipinas hanggang sa may narinig silang sumisigaw magnanakaw sa labas ng kanilang bahay hanggang sa may narinig silang putok ng baril. Nagpapatunay ito sa mga sinabi ni Fidel na pasasaan ang kanilang buhay sa Pilipinas kung kabi-kabila ay may krimeng nagaganap. Nang tinawag na sila ni Rosa, ang kanilang anak na babae upang maghapunan. Nabanggit ni Boy na tuwing papasok na siya sa paaralan ay ihahatid at isusundo siya ng kaniyang ama naitanong ni Fidel kung ano ang gustong maging ni Boy paglaki nito. Matapos ang kumain ay naupo sa sofa si Fidel at nag-isip-isip tungkol sa mga nasabi ng kaniyang asawa at ng kaniyang mga anak. Kinaumagahan ay lumabas ng bahay si Fidel upang ikuha ang kanilang dyaryo. Pagbalik niya ay sinorpresa siya ng kaniyang pamilya. Masayang ibinigay ng kaniyang mga anak at ng kaniyang ina ang kanilang regalo kay Fidel. Nakapagdesisyon na si Fidel na huwag nang pumunta ng Amerika at manirahan na lamang sa Pilipinas. Masayang- masaya naman na ibinigay ni Ligaya ang kaniyang regalo kay Fidel sa pamamagitan ng pagsabi nito na madaragdagan nanaman ang kanilang pamilya. Masaya namang naibigkas ni Ligaya ang “Makapaghihintay ang Amerika.”

http://gabaysafilipinoniley.blogspot.com/2017/01/pagsusuri-sa-dulang-makapaghihintay-ang.html

Basahin at panoorin ang kabuuan ng dula sa pamamagitan ng mga links sa ibaba upang mas masagutan mo ng maayos ang mga susunod na gawain. Pagbasa: https://ischoollgrominez.wordpress.com/2010/01/10/panitikan-nobela/ Panonood:https://www.youtube.com/watch?v=EWcS3fpgMC0 E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 (Gawain 1.5)

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.5. 1. Anong uri ng pamilya mayroon ang mag-asawang Fidel at Ligaya? 2. Bakit naisipan ni Fidel na magtrabaho sa Amerika gayong mayroon naman siyang matatag na trabaho rito sa Pilipinas? 3. Ano-ano ang kanyang hinanakit sa pamahalaan ng Pilipinas? 4. Bakit ayaw ni Ligayang umalis ng bansa ang kanyang asawa? Sang-ayon ka ba sa kanya? 5. Kung ikaw ang nasa katayuan niFidel, ano kaya ang mararamdaman mo kung maririnig mo sa sariling bibig ng iyong anak ang mo katagang ito, "Kasi sabi po ni Lola at ni Mommy masama raw ang masyadong matakaw sa pera? Bakit? 6. Ilarawan si Aling Marta bilang ina. Sa iyong palagay, ano ka ko ang kanyang ibig ipahiwatig sa kanyang pahayag na "Hindi ko inaasahang maging Rizal ka, o Bonifacio, o Magsaysay ngunit isipi mong ang maliit na kandila'y nakapagbibigay rin ng liwanag". 7. Tama ba ang naging desisyon ni Fidel na manatill na lamangs bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot. 8. Sa iyong palagay, ano kavâ ang nararapat na gawin ng ating pamahalaan upang maiwasan, kung hindi man ganap na masolusyunan ang paglaganap ng "brain drain" sa bansa? F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) (Gawain 1.6) Kung sakaling may babaguhin sa pangyayari sa akdang binasa, anong pangyayari dito ang nais mong baguhin at paano mo ito nais na wakasan? Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.6.

Page 5: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

69 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay (Gawain 1.7) Sagutin ang tanong na Bilang kabataan, bakit mahalagang ialay natin ang ating lakas at talino sa pagpapabuti hindi lamang para sa ating sarili kundi maging sa kalagayan ng ating Inang Bayan?. Gamitin ang banner sa pagsagot. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.7.

Page 6: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

70 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

H. Paglalahat ng Aralin (Gawain 1.8) Maraming magagandang bahagi ang akdang iyong binasa, mula sa umpisa hanggang wakas. Ipakita ang iyong pagpapahalaga sa mga ito sa pamamagitan ng pagpili at pagpapaliwanag ng ilang bahaging naibigan mo sa dula at saka ipaliwanag kung bakit mo nagustuhan ang nasabing bahagi. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.8.

Bahaging naibigan ko sa dula

Paliwanag kung bakitko ito naibigan

I. Pagtataya ng Aralin (Gawain 1.9) Piliin sa loob ng kahon ang salitang kokompleto sa pangungusap. Saka ipaliwanag sa linya ang kahulugan nito batay sa pagbabago ng estruktura ng salita. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.9.

araw araw-araw bungang-araw

1. _______________ ay masayang pumapasok sa paaralan ang magkapatid na Boy at Rosa. Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: ______________________________________ 2. Hindi pa man sumisikat ang ________________ ay nasa paaralan na si Ligaya para magturo. Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: ______________________________________ 3. Huwag kang maglagi sa initan upang hindi ka magkaroon ng ________________. Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: ______________________________________

bago pabago-bago

4. Ayaw ng aking amang makipag-usap sa taong ___________________ ang isip dahil naaabala ang kaniyang trabaho. Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: ______________________________________ 5. ____________________ pa ang aking sapatos kaya hindi muna ako magpapabili kay Itay ngayong pasukan. Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: ______________________________________

sakit pasakit

6. Ang kanser ay isang uri ng malalang ________________ na patuloy na hinahanapan ng lunas. Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: ______________________________________

Page 7: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

71 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

7. Ang kanser ng lipunan na hanggang ngayon ay naghahari sa bansa ay tunay na __________________ sa buhay ng maraming Pilipino. Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: ______________________________________

dalaga dumalaga dalagang-ina

8. Ang mga ________________ ng Pilipina ay itinuturing na hiyas ng ating lahi. Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: ______________________________________ 9. Sa kasalukuyan bunga na rin ng pagiging makabago ng kabataan ay ilan na sa kanila ang nagiging ______________________. Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: ______________________________________ 10. _______________________ na ang aming mga alagang manok. Paliwanag sa kahulugan ng piniling salita: ______________________________________ I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: F9PN-Ig-h-43 Nakabubuo ng paghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda II. Paksang Aralin: Tauhan Bilang Elemento ng Akdang Pasalaysay Lunsaran: Makapaghihintay Ang Amerika (Dulang Pilipino) Ni Dionisio S. Salazar Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 9 Phoenix Publishing House pp. 102-131 III. Pamamaraan A. Pagsisimula ng Bagong Aralin/Balik-aral (Gawain 1.10) Ano-anong aral at realisasyon ang nakuha mo sa kabuoan ng dulang binasa? Gamitin ang puso sa ibaba sa pagbibigay ng sagot. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.10.

Page 8: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

72 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Gawain 1.11) Tukuyin kung bida o kontrabida sa palabas ang mga sumusunod na tauhan sa mga palabas. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.11.

Cardo Dalisay sa “Ang Probinsyano” _____________________________ Miss Minchin sa “Sarah - Ang Munting Prinsesa” _____________________________ Amor Power sa “Pangako Sa’yo” _____________________________

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain 1.12) Sa mga napanood mong teleserye, sinong tauhan ang hinding-hindi mo makakalimutan at sabihin din kung anong katangian niya kung bakit mo siya nagustuhan. Gamitin ang talahanayan sa ibaba. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.12.

Tauhan Pamagat ng Palabas Katangian kung bakit mo siya nagustuhan

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 (Gawain 1.13)

Basahin ang talata tungkol sa tauhan bilang elemento ng akdang pasalaysay.

TAUHAN BILANG ELEMENTO NG AKDANG PASALAYSAY

Ang tauhan ay isang mahalagang elemento ng akdang pasalaysay tulad ng maikling kuwento, pabula, parabula, at alamat. Nakasalalay sa maayos at makatotohanang pagkakahabi ng mga tauhan ang pagigingepektibo ng isang akda. Ang uri, dami, o bilang ng mga tauhan ay dapat umayon sa pangangailangan. Mahirap itakda ang bílang ng mga tauhang magpapagalaw

Page 9: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

73 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

sa isang kuwento sapagkat ang pangangailangan lámang ang siyang maaaring magtakda nito. Ayon sa Manwal sa Pagsusulat ng Maikling Kuwento ang mga karaniwang tauhang bumubuhay sa anumang akdang tuluyan ay ang sumusunod:

1. Pangunahing Tauhan: Siya ang pinakamahalagang tauhan saakda. Sa pangunahing tauhan umiikot ang kuwento, mula sa simula hanggang sa wakas.

2. Katunggaling Tauhan: Siya ang sumasalungat o kalaban ng pangunahing tauhan. Mahalaga ang papel na kanyang ginagampanan sapagkat sa mga tunggaliang ito nabubuhay ang mga pangyayari sa akda.

3. Pantulong na Tauhan: Ang pantulong na tauhan gaya ng ipinahihiwatig na katawagan ay karaniwang kasáma ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing tungkulin nito sa akda ay ang maging kapalagayang loob o sumuporta sa tauhan.

4. Ang May-akda: Sinasabing ang pangunahing tauhan at ang awtor ay lagi nang magkasama sa loob ng katha. Bagama't ang naririnig lámang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay lagging nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.

Bukod sa mga uri ng tauhang nabanggit ay may iba pang pag-uuri o katawagan ang tauhang gumaganap sa kuwento batay sa kanilang karakter o pagkatao. Ito ay ang tauhang bilog at ang tauhang lapad. Ang tauhang bilog o round character ay may katangiang tulad din ng sa isang totoong tao. Nagbabago ang kanyang katauhan sa kabuoan ng akda. Maaaring magsimula siyang mabait, masipag, at masunurin subalit dahil sa ilang mga pangyayari ay nagbago ang kanyang katauhan. Mahalagang maging epektibo ang paghabi ng mga tauhan upang ang tauhan ay maging makatotohanan o maging isang tauhang bilog. Ang tauhang lapad o flat character ay ang tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula simula hanggang sa katapusan ng akda. Bihirang magkaroon ng ganitong uri ng tauhan sa mga akda subalit minsa ay kinakailangang maglagay nito upang higit na lumutang ang taunang binibigyang-pansin. E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 (Gawain 1.14)

Mula sa mga tauhan na naibigay mo kanina, suriin ang kanilang pagkatao batay sa kanilang karakter o pagkatao – tauhang bilog o tauhang lapad. Ipaliwanag kung bakit ito ang kanilang pagkatao o karakter sa kuwento. Isulat sa journal ang inyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.14.

Tauhan Karakter o Pagkatao Paliwanag

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment) (Gawain 1.15) Pumili ka ng isang tauhang nagustuhan sa akdang “Makapaghihintay ang Amerika.” Isulat ang pinakanagustuhan mong linya o diyalogo niya sa loob ng kahon at saka bigkasin ito sa harap ng isa sa mga kasama mo sa inyong bahay na para bang ikaw ang gumaganap sa kanyang katauhan. Gawing gabay ang pamantayan para sa gagawing pagbigkas. Isulat sa journal ang iyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.15.

Page 10: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

74 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

Mahusay Katamtaman Di Gaanong Mahusay

Maraming Kakulangan

Talagang makatotohanan at lubhang nabigkas nang may paglalapat sa sariling katauhan ang ilang diyalogo ng napiling tauhan sa binasang dula.

Makatotohanan at nabigkas nang may paglalapat sa sariling katauhan ang ilang diyalogo ng napiling tauhan sa binasang dula.

Di gaanong makatotohanan at di gaanong nabigkas nang may paglalapat sa sariling katauhan ang ilang diyalogo ng napiling tauhan sa binasang dula.

Hindi naging makatotohanan at hindi nabigkas nang may paglalapat sa sariling katauhan ang ilang diyalogo ng napiling tauhan sa binasang dula.

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-araw na Buhay (Gawain 1.16) Sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa linyang inilaan. Sa iyong buhay, anong uri ng tauhan ang madalas na maging ikaw? Ipaliwanag ang iyong

sagot. Isulat sa journal ang iyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.16. H. Paglalahat ng Aralin (Gawain 1.17) Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa journal ang iyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.17.

1. Ano ang iba't ibang uri ng tauhan? Isa-isahin ang mga ito. 2. Gaano kahalaga ang bawat tauhang nabanggit? 3. Ano kayâ ang posibleng mangyari sa akda kung puro bida lang at kontrabida mayroon

ang akda? 4. Ano ang pagkakaiba ng tauhang bilog sa tauhang lapad? Alin sa dalawa ang sa palagay

mo’y mas makatotohanan ang karakter? 5. Sa iyong buhay, anong uri ng tauhan ang madalas na maging ikaw?

I. Pagtataya ng Aralin (Gawain 1.18)

Kumpletuhin ang talahanayan. Suriin kung anong papel ang ginampanan ng mga tauhang nakatala rito at bumuo ng kritikal na paghuhusga sa pagiging epektibo ng bawat tauhan at sa epekto nito sa pagiging masining na akda. Isulat sa journal ang iyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.18.

Page 11: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

75 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

Mga Tauhan sa Dulang

Makapaghihintay ang Amerika

Fidel Ligaya Marta at iba pa (Maaaring

magdagdag ng tauhan)

Uri ng Tauhan ayon sa papel at katauhang ginampanan at paliwanag sa sagot

Kritikal na paghusga sa karakterisasyob ng tauhan (Makatotohanan ba ito o nakikita mong buhay sa kasalalukuyan?

Epekto ng tauhan sa pagiging masining ng akda (Nakatulong ba ito para sa pagiging makatotohanan at masining ng akda?)

I. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: F9PS-Ig-h-45 Nagagamit ang mga ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan (sa totoo, talaga, tunay, iba pa) F9PUIg-h-45 Nasusuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa isang dula II. Paksang Aralin: Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon Sanggunian: Ikalawang Edisyon, Pinagyamang Pluma 9 Phoenix Publishing House pp. 140-146 III. Pamamaraan A. Pagsisimula ng Bagong Aralin/Balik-Aral (Gawain 1.19) Ibigay ang kahulugan ng mga sumsunod na karaniwang tauhan na bumubuhay sa anumang akdang tuluyan. Gamitin ang representasyon sa ibaba sa pagbibigay ng sagot. Isulat sa journal ang iyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.19.

Page 12: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

76 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin (Gawain 1.20) Mula sa binasang akda ay binigyang-diin ang isyu ng brain drain sa bansang Pilipinas. Sa kasalukuyan, lino-libong mg Pilipino ang nangingibang-bansa upang humanap ng higit na magandang pagkakataon. Maaaring negatibo nga ang tingin ng marami sa pagtungo ng ating mahuhusay na guro, doctor, nars, at iba pang propesyunal sa ibang bansa ngunit hindi rin natin maitatatwang ang mga kababayan nating OFW ay kinikilalang mga “bagong bayaning Pilipino” sa kasalukuyang panahon sapagkat sila ay nagbibigay ng malaking kita sa ating pamahalaan. Pag-aralan ang mga datos sa ibaba na nagpapakita ng kalagayan ng mga OFW ayon sa Philippine Statistics Authority.

Pigura 1

Page 13: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

77 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

Pigura 2 Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa journal ang iyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.20.

• Batay sa datos na nakalagay sa Pigura 1, saang bansa may pinakamalaking bilang ng mga OFWs na nagtatrabaho?

• Saan namang bansa ang may pinakakaunting Pilipinong nagtratrabaho?

• Batay sa datos na makikita sa Pigura 2, anong uri ng trabaho ang may pinakamalaking porsiyentong pinapasukan ng mga OFWs.

C. Pag-uugnay ng Halimbawa sa Bagong Aralin (Gawain 1.21) Suriin ang mga pangungusap na nakatala sa ibaba. Sabihin kung alin sa mga ito ang makatotohanang pahayag at ang di makatotohanang pahayag. Gamitin ang talahanayan sa pagbibigay ng sagot. Isulat sa journal ang iyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.21.

• Ayon sa datos ang kabuoang porsiyento ng bilang ng mga OFW na nagtatrabaho sa Saudi Arabia ay 24.7%.

• Naniniwala ako na pinakamababa ang porsiyento ng mga OFW na clerk sa ibang bansa.

• Napatunayang pinakamarami pa ring OFW sa Asya kompara sa ibang kontinente.

• Sa aking palagay ang pinakamalaking porsiyento ng trabaho ng mga ODW sa ibang bansa ay mga propesyunal.

• Sa tingin ko ay umabot na sa 7% ang porsiyento ng mga OFW na nagtatrabaho sa Singapore.

Makatotohanang Pahayag Di makatotohanang Pahayag

Page 14: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

78 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #1 (Gawain 1.22)

Alamin kung paano mo malalamang tama ang iyong sagot sa patuloy na pag-aaral ukol

sa Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon.

Bahagi ng búhay ng tao ang makarinig o makakuha ng impormasyon, kaalaman, o iba pa. Kayâ nararapat lámang na maging maingat sa pagpili at pagtanggap ng mga nasabing impormasyon. Kinakailangan ng masusing pagbeberipika at pagsusuri upang maláman kung ang mgaito' y makatotohanano hindi. Ang isang pahayag ay makatotohanan kung ito'y may suportang datos, pag-aaral, pananaliksik, at suportang impormasyong napatunayang tama o mabisa para sa lahat. Ang ganitong uri ng pahayag ay karaniwang may siyentipikong batayan gaya ng agham at siyensiya. Sa pagpapahayag ng katotohanan, kailangang maging tumpak at wasto ang mga pahayag, salita, at gramatikang gagamitin sa pagpapahayag. Ang mga parirala sa ibaba ay ilan sa mga ginagamit sa pagpapahayag ng katotohanan.

• Batay sa pag-aaral totoong...

• Mula sa mga datos na aking nakalap, talagang...

• Ang mga patunay na aking nakalap ay tunay na...

• Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na..

• Isang mabisang pag-aaral at pagsusuri ang isinagawa kaya napatunayang

• Napatunayang mabisa ang..

• Mula sa pagbeberipika ng mga datos at impormasyon, napatunayan ang. Samantalang mayroon ding mga pahayag na ginagamit sa pagsasabing mga bagay na walang katiyakan o walang sapat na basehan. Ang mga ito ay opinyon lamang ng isa o iilang tao o pangkat. Ang ganitong pahayag ay karaniwang hindi suportado ng datos o siyentipikong basehan. Ilan sa mga ganitong uri ng pahayag ay ang mga sari-sariling kuro-kuro o palagay ng tao, pamahiin, opinion page sa pahayagan, at iba pang katulad. Ilan sa mga ekspresyong ginagamit sa ganitong pahayag ay ang sumusunod:

• Naniniwala akó...

• Sa aking palagay

• Ang opinyon ko sa bagay na ito...

• Palagay ko...

• Bakâ ang mga pangyayaring.

• Marahil ang bagay na ito ay..

• Puwedeng ang mga pangyayari.

• Sa ganang sarili .

• Sa tingin ko... E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan #2 (Gawain 1.23)

Lagyan ng tsek (√) ang mga pangungusap na nagsasaad ng katotohanan o ng ekis (x) ang hindi batay sa mga salitang ginamit s pagpapahayag. Isulat sa journal ang iyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.23.

1. Ayon sa opisyal na datos ng PSA sa taong 2015, sa buwan ng Setyembre ay umabot na sa 2.4 milyon ang bilang ng mga OFWna nagtatrabaho sa ibang bansa.

2. Sa palagay ko taon-taon ay maraming OFW ang pumupunta sa Myanmar.

c

c

Page 15: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

79 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

3. Tingin ko hindi ganoon kahusay ang mga OFW na propesyunal sa ibang bansa kaya maliit lamang ang bahagdan para sa trabaho o larangang ito.

4. Batay sa aking nakalap na impormasyon sa datos ng PSA, ang Rehiyon IV-A ang may pinakamaraming OFW sa bansa.

5. Sa pagsusuri ng mga datos mula sa PSA, napatunayang mas maraming babae ang nagtatrabaho sa ibang bansa kompara sa mga lalaki.

F. Paglinang sa Kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment) (Gawain 1.24) Gumamit ng ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan at opinyon mula sa mga impormasyong nakalahad sa bawat bilang. Isulat sa journal ang iyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.24.

1. Katotohanan: ________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 2. Opinyon: ___________________________________________________________ _____________________________________________________________________

1. Katotohanan: ________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 2. Opinyon: ___________________________________________________________ _____________________________________________________________________

3. Katotohanan: ________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 4. Opinyon: ___________________________________________________________ _____________________________________________________________________

c

c

c

Hindi lamang sa Amerika nagtutungo ang marami nating kababayan; maraming

manggagawang Pilipino ang nagtutungo sa Europe, Saudi Arabia, at sa iba pang

bansa sa Asya.

Ang bahagdan ng populasyon ng mga OFW sa kontinente ng Europe ay 8.7%; sa

North at South America ay 7.6%; at 2.2% naman sa kontinente ng Australia

Ang bahagdan ng populasyon ng mga OFW sa kontinente ng Europe ay 8.7%; sa

North at South America ay 7.6%; at 2.2% naman sa kontinente ng Australia

Ang kalimitag trabaho ng mga OFW sa ibang bansa ay labourer/unskilled workers

na may bilang na mahigit sa 30 bahagdan; sales and service workers na mahigit 15

bahagdan; at plant and machine operator na mahigit sa 10 bahagdan.

Page 16: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

80 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

6. Katotohanan: ________________________________________________________ _____________________________________________________________________ 7. Opinyon: ___________________________________________________________ _____________________________________________________________________ G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-Araw-Araw na Buhay (Gawain 1.25) Sagutin ang tanong. Gamitin ang representasyon sa ibaba sa pagbibigay ng sagot. Isulat sa journal ang iyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.25. Tanong: Paano mo iuugnay ang “katotohanan” at “opinyon” sa iyong buhay.

H. Paglalahat ng Aralin (Gawain 1.26) Bumuo ng limang makatotohanang pahayag tungkol sag graph na makikita sa pagsasanay. Gumamit ng ekspresyong nagpapahayag ng katotohanan sa pagsulat. Isulat sa journal ang iyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.26.

Page 17: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

81 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

I. Pagtataya ng Aralin (Gawain 1.27) Ipagpalagay na ikaw ay isa sa mga kabataang naanyayahang maging Ang kabahagi ng Samahan ng mga Manunuri ng Panitikang Pilipino. Ang isang gawaing ipinagagawa sa iyo ay ang pagsulat ng 1sang pagsusuri ng pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa dulang iyong nabasa sa araling ito o kung nais ay maaari ding magsaliksik ng iba pang dulang nagmula sa Timog-Silangang Asya. Ang gagawin mong pagsusuri ang magiging basehan upang ikaw ay maging kabahagi ng nasabing samahan. Gamitin mo ang iyong mga natutuhan sa kabuoan ng araling ito upang maging gabay mo sa iyong pagsusuri. Sa huli ay ibigay mo ang iyong kaisipan, pananaw, at saloobin tungkol sa sinuring akda. Sundan ang balangkas para sa gagawin mong pagsusuri gayundin ang pamantayang nakatala sa ibaba. Gawin ang pagsusuri sa papel. Isulat sa journal ang iyong sagot at ilagay sa taas ang code na Q1-Dula - Gawain 1.27.

• Pamagat ng Dula:

• May-Akda:

• Mga Tauhan:

• Buod:

• Piling pangyayaring nagPapakita ng katotohanan sa dula:

• Paliwanag at pagsusuri sa mga napiling bahaging nagpapakita ng pagkamakatotohanan sa dula:

Mga Pamantayan Laang Puntos

Aking Puntos

1. Nakapagsuri ng dula batay sa balangkas na ibinigay. 5

2. Tama at kumpleto ang mga impormasyong nakatala sa ginawang pagsusuri.

5

3. Nasuri ang pagiging makatotohanan ng ilang pangyayari sa dula.

5

4. Naipahayag nang malinaw ang pagsusuring ginawa. 5

Page 18: G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 Dula · (Paghahawan ng Sagabal) Sagutin ng oo o hindi ang pahayag. Bigyang-pansin sa pagsagot ang salitang nakahilis. Isulat ang talata sa isang

82 | Division of Tarlac Province

G9-FILIPINO/UNANG MARKAHAN/Aralin 5 – Dula

Kabuoang Puntos 20

5 – Napakahusay 4 – Mahusay 3 – Mahusay 2 – Sadyang Di mahusay 1 – Di gaanong mahusay