4
1 Union City 2040 GENERAL PLAN UPDATE Ibahagi ang inyong mga ideya upang gawing mas magandang lugar na titirhan ang Union City! Tumulong sa pagplano para sa kinabukasan ng Union City Simula sa Hunyo ng taong ito, ang Lungsod ng Union City ay nagpasimula ng dalawang taon na proseso upang i-update ang Pangkalahatang Plano ng Lungsod, na huling inapdate noong 2002. Ang Pangkalahatang Plano ay ang “blueprint” ng Lungsod na gumagabay sa pagpapasya sa paggamit ng lupa, transportasyon, imprastraktura, desinyo ng komunidad, pangkapaligirang usapin, at iba pang mahahalagang paksa na nakakaapekto sa komunidad. Ang Pangkalahatang Plano ay isang dokumentong pampagpaplano na pangmalayo na titingin nang maaga hanggang 2040. Ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa Update ng Pangkalahatang Plano ay ang pakikilahok ng publiko. Ang matatanggap naming komento ng publiko ay makakatulong sa paghugis ng mga bisyon, mga layunin, at mga patakaran ng Pangkalahatang Plano. Bisitahin ang website ng Pangkalahatang Plano (www.uc2040.com) at sumali sa talaan ng email upang manatiling may-alam. Dumalo sa paparating na mga workshop ng komunidad, lumahok sa online na porum ng munisipyo, at iparinig ang inyong boses. Mangyaring imbitahin ang inyong mga kaibigan; kailangan namin ang inyong tulong upang ikalat ang salita tungkol sa proseso ng Update ng Pangkalahatang Plano. NASAAN NA TAYO SA PROSESO? Tingnan ang buong iskedyul ng proyekto sa pahina 4. Newsletter #1 – Agosto/Setyembre 2014 1. Pagpapasimula ng Proyekto 2. Ihanda ang Background na Datos 3. Alamin ang Mga Isyu at Mga Oportunidad at Kumpirmahin ang Bisyon 4. Alternatibong Pag-analisa ng Paggamit ng Lupa 5. Ihanda ang Pangkalahatang Plano 6. Pangkapaligirang Pagrepaso 7. Pagsunod sa Pangkalahatang Plano at Pinal na mga Dokumento MGA PAPARATING NA PAGPUPULONG Workshop #1: I Mga Isyu, Oportunidad, at Bisyon Sabado, Setyembre 20, mula 10:00 a.m. hanggang 12:00 p.m. sa Ruggieri Senior Center, 33997 Alvarado-Niles Road, Union City, CA. BUMISITA SA WEBSITE NG PROYEKTO: WWW.UC2040.COM Ang unang pagpupulong ay nagtatakda sa proseso ng Pangkalahatang Plano na gumagalaw Noong ika-8 ng Hulyo, ang mga miyembro ng Konseho ng Lungsod, Komisyon ng Pagpaplano, at Komiteng Pampagpapayo ng Pangkalahatang Planoe ay nagtipon upang talakayin ang Update ng Pangkalahatang Plano. Sila ay ipinakilala sa mga miyembro gn team ng proyekto ng Pangkalahatang Plano, binigyan ng buod ng layunin ng mga pangkalahatang plano at inabisuhan sa paparating na proseso. Tinalakay rin nila ang mahalagang mga ari-arian ng Union City at ang mga usapin at oportunidad na dapat tugunan ng Update ng Pangkalahatang Plano.

GENERAL PLAN UPDATE - · PDF fileprayoridad ng komunidad,, at kinakailangan ang inyong input upang kumpirmahin ang mga pagpapahalaga ng ... proseso ng Update ng Pangkalahatang Plano

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: GENERAL PLAN UPDATE - · PDF fileprayoridad ng komunidad,, at kinakailangan ang inyong input upang kumpirmahin ang mga pagpapahalaga ng ... proseso ng Update ng Pangkalahatang Plano

1

Union City 2040G E N E R A L P L A N U P D A T E

Ibahagi ang inyong mga ideya upang gawing mas magandang lugar na titirhan ang Union City!Tumulong sa pagplano para sa kinabukasan ng Union CitySimula sa Hunyo ng taong ito, ang Lungsod ng Union City ay nagpasimula ng dalawang taon na proseso upang i-update ang Pangkalahatang Plano ng Lungsod, na huling inapdate noong 2002. Ang Pangkalahatang Plano ay ang “blueprint” ng Lungsod na gumagabay sa pagpapasya sa paggamit ng lupa, transportasyon, imprastraktura, desinyo ng komunidad, pangkapaligirang usapin, at iba pang mahahalagang paksa na nakakaapekto sa komunidad. Ang Pangkalahatang Plano ay isang dokumentong pampagpaplano na pangmalayo na titingin nang maaga hanggang 2040.Ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa Update ng Pangkalahatang Plano ay ang pakikilahok ng publiko. Ang matatanggap naming komento ng publiko ay makakatulong sa paghugis ng mga bisyon, mga layunin, at mga patakaran ng Pangkalahatang Plano. Bisitahin ang website ng Pangkalahatang Plano (www.uc2040.com) at sumali sa talaan ng email upang manatiling may-alam. Dumalo sa paparating na mga workshop ng komunidad, lumahok sa online na porum ng munisipyo, at iparinig ang inyong boses. Mangyaring imbitahin ang inyong mga kaibigan; kailangan namin ang inyong tulong upang ikalat ang salita tungkol sa proseso ng Update ng Pangkalahatang Plano.

NASAAN NA TAYO SA PROSESO?

Tingnan ang buong iskedyul ng proyekto sa

pahina 4.

Newsletter #1 – Agosto/Setyembre 2014

1. Pagpapasimula ng Proyekto

2. Ihanda ang Background na Datos

3. Alamin ang Mga Isyu at Mga Oportunidad at Kumpirmahin ang Bisyon

4. Alternatibong Pag-analisa ng Paggamit ng Lupa

5. Ihanda ang Pangkalahatang Plano

6. Pangkapaligirang Pagrepaso

7. Pagsunod sa Pangkalahatang Plano at Pinal na mga Dokumento

MGA PAPARATING NA PAGPUPULONG

Workshop #1: I Mga Isyu, Oportunidad, at Bisyon

Sabado, Setyembre 20, mula 10:00 a.m. hanggang 12:00 p.m. sa Ruggieri Senior Center, 33997 Alvarado-Niles Road, Union City, CA.

BUMISITA SA WEBSITE NG PROYEKTO:

WWW.UC2040.COM

Ang unang pagpupulong ay nagtatakda sa proseso ng Pangkalahatang Plano na gumagalawNoong ika-8 ng Hulyo, ang mga miyembro ng Konseho ng Lungsod, Komisyon ng Pagpaplano, at Komiteng Pampagpapayo ng Pangkalahatang Planoe ay nagtipon upang talakayin ang Update ng Pangkalahatang Plano. Sila ay ipinakilala sa mga miyembro gn team ng proyekto ng Pangkalahatang Plano, binigyan ng buod ng layunin ng mga pangkalahatang plano at inabisuhan sa paparating na proseso. Tinalakay rin nila ang mahalagang mga ari-arian ng Union City at ang mga usapin at oportunidad na dapat tugunan ng Update ng Pangkalahatang Plano.

Page 2: GENERAL PLAN UPDATE - · PDF fileprayoridad ng komunidad,, at kinakailangan ang inyong input upang kumpirmahin ang mga pagpapahalaga ng ... proseso ng Update ng Pangkalahatang Plano

2

Ano ang Pangkalahatang Plano?Ang bawat lungsod at county sa California ay kailangang may pangkalahatang plano, na siyang pangmatagalang blueprint o “kostitusyon” ng pamahalaang lokal para sa pagpapaunlad sa hinaharap. Ang Pangkalahatang Plano ay kumakatawan sa pananaw ng komunidad sa hinaharap nito habang nauugnay ito sa sari-saring kalidad ng mga usapin sa buhay at nagpapahayag ng mga layunin sa pagpapaunlad ng komunidad. Ang Pangkalahatang Plano ay naglalaman din ng mga layunin at patakaran kung saan ibabase ng Konseho ng Lungsod at Komisyon sa Pagpaplano ang kanilang mga pasya sa paggamit ng lupa. Karaniwan, ang Pangkalahatang Plano ay dinisenyo upang tumugon sa mga isyu na haharapin ng lungsod sa susunod na 15 hanggang 25 taon.Ang Pangkalahatang Plano ay pinipresenta bilang koleksiyon ng “mga pampaksang elemento” na nakakaapekto sa mga pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan, kung saan ang pito ay mandatory. Ang pitong elemento na minandato ng Estado ay: Paggamit ng Lupa, Sirkulasyon, Pabahay, Konserbasyon, Bukas na Espasyo, Ingay, at Kaligtasan. Ang batas ng estado ay nagpapahintulot din sa mga lungsod na magdagdag ng karagdagang mga elemento na ginawa ng Union City noong 2002. . Kabilang sa mga ito ang Elemento ng Pagpapaunlad ng Ekonomiya; Kabataan, Pamilya, Matatanda at Elemento ng Kalusugan; at Elemento ng Desinyo ng Komunidad.

Bakit ina-update ng Union City ang Pangkalahatang Plano nito?Ang Lungsod ng Union City ay sumusunod sa kasalukuyang Pangkalahatang Plano nito noong 2002. Mula ng panahong iyon, ang lungsod ay lumaki at nagbago. Naipasa ang mga bagong batas na nakakaapekto sa pangkalahatang plano at nagawa ang mga bagong estratehiya ng pagpaplano. Ang mga pagbabagong ito ay nangangailangan ng muling ebalwasyon ng umiiral na Pangkalahatang Plano at kumpirmasyon ng bisyon para sa Union City. Ang Pangkalahatang Plano ay titingin nang maaga sa taong 2040, kaya ang update ay hindi lang magsasapanahon ng mga patakaran at programa, ngunit magpoposisyon din sa Union City para sa susunod na 25 taon. Ang update na ito ay magbibigay ng maraming posibilidad para sa Union City, kabilang ang:• Pagkumpirma sa bisyon ng komunidad para sa kinabukasan ng Union City;• Pagpapatibay ng komprehensibong estratehiya sa pang-ekonomiyang

pagpapaunlad;• Pagsuporta sa ligtas, malinis, at malusog na komunidad;• Pagpapanibago sa mga patakaran at programang pangkapaligiran na

tumatagal; at Pagtugon sa mga pagbabago sa batas ng Estado at bagong lokal at panrehiyong mga plano.

Page 3: GENERAL PLAN UPDATE - · PDF fileprayoridad ng komunidad,, at kinakailangan ang inyong input upang kumpirmahin ang mga pagpapahalaga ng ... proseso ng Update ng Pangkalahatang Plano

3

I-a-update ng Union City ang Elemento nito sa PabahayI-a-update ng Lungsod ang Elemento nito sa Pabahay, isa sa kinailangang mga elemento ng Plano, sa isang mas mabilis na iskedyul kay sa nalalabi ng Pangkalahatang Plano. Iniuutos ng batas ng estado na ang bawat lokal na pamahalaan ay mag-a-update sa elemento nito sa pabahay kada walong taon. Ang Lungsod ng Union City ay huling nag-update ng Elemento nito sa Pabahay noong 2010. Ang Elementong iyon ay sumaklaw ng 7½-taong yugto ng pagpaplano mula 2007 hanggang 2014. Ang yugto ng pagpaplano para sa 2015 Elemento ng Pabahay ay Enero 31, 2015, hanggang Enero 31, 2023. Ang Elemento ng Pabahay ay ang tanging elemento na nirepaso at pinatunayan ng Estado para sa pagsunod sa batas ng Estado. Ang layunin ng Elemento ng Pabahay ay upang tukuyin at ianalisa ang umiiral at tinatayang mga pangangailangan sa pabahay upang mapreserba, mapahusay ay mapaunlad ang pabahay para sa lahat ng pang-ekonomiyang bahagi ng komunidad. Kapag nakumpleto na ang update sa Elemento ng Pabahay, ipagsasama ito sa pinal na Pangkalahatang Plano. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Update sa Elemento ng Pabahay, makipag-ugnayan kay Vern Smith, Housing Coordinator sa (510) 675-5322 o [email protected]

Manatiling May-alam! Makilahok!Ang proseso ng Pangkalahatang Plano ay nagbibigay sa lahat ng residente at negosyo ng pagkakataon na makatulong sa paggabay sa kinabukasan ng Union City. Ang isang matagumpay na Pangkalahatang Plano ay sasalamin sa mga prayoridad ng komunidad,, at kinakailangan ang inyong input upang kumpirmahin ang mga pagpapahalaga ng komunidad at ipagtibay ang bisyon nito. Kailangan natin ang mas maraming boses na umaambag sa prosesong ito hangga’t maaari. Narito ang ilang madaling paraan upang makilahok:

Bumisita sa website ng proyekto at porum ng munisipyoAng website ng Pangkalahatang Plano (www.uc2040.com) ay madalas na ina-update sa impormasyon tungkol sa sitwasyon ng proyekto, mga anunsiyo ng paparating na mga workshop at mga pagpupulong, at publikasyon ng mga ulat ng milestone. Kabilang din sa website ang interactive na porum ng munisipyo na magpapahintulot sa mga miyembro ng komunidad na magbigay ng input sa mahahalagang punto sa buong proseso ng update ng Pangkalahatang Plano.

Mag-sign up para sa talaan ng email ng Pangkalahatang PlanoBisitahin ang website ng Pangkalahatang Plano sa www.uc2040.com at mag-sign up para sa talaan ng email. Ang talaan ng email ay gagamitin upang magpadala ng mga abiso tungkol nalalapit na mga pagpupulong at mga workshop ng komunidad, mga milestong ng proyekto, at mga pampublikong dokumento na kamakailan lang ipinalabas.

Dumalo sa mga workshop ng komunidadAng Lunsod ay magdadaos ng serye ng mga workshop sa komunidad sa mga mahahalagang punto sa proseso ng Update ng Pangkalahatang Plano. Ang mga workshop ay lubos na kalahok-lahok kasama ng mga presentasyon, mga talakayan ng maliliit na grupo, at nakakapag-isip-isip na mga hands-on na ehersisyo. Ang unang workshop ay magaganap sa Sabado, Setyembre, 2014 mula 10:00 a.m. hanggang tanghali sa Ruggieri Senior Center, na matatagpuan sa 33997 Alvarado-Niles Road, Union City, CA.

Makipag-ugnayan sa Kawani ng Lungsod

Kung may mga tanong kayo tungkol sa proseso ng Update sa Pangkalahatang Plano, mangyaring makipag-ugnayan kay:

Carmela Campbell, Planning Manager

Telepono: (510) 675-5319

Email: [email protected]

Page 4: GENERAL PLAN UPDATE - · PDF fileprayoridad ng komunidad,, at kinakailangan ang inyong input upang kumpirmahin ang mga pagpapahalaga ng ... proseso ng Update ng Pangkalahatang Plano

4

Pagpapasimula ng ProyektoSUMMER 2014

Ipagtibay ang isang epektibong organisasyon, istruktura at pundasyon para sa Update ng Pangkalahatang Plano

1

Alamin ang Mga Isyu at Mga Oportunidad at

Kumpirmahin ang BisyonSUMMER HANGGANG FALL 2014

Ipagtibay ang direksiyon at mga prayoridad para sa Pangkalahatang Plano

3

Maghanda ng Background na Datos

SUMMMER HANGGANG WINTER 2014

Mangalap ng impormasyon sa mahalagang umiiral na mga kondisyon at pag-aanalisa na nakatuon sa pag-aanalisa

2

Mga AlternatiboFALL 2015 HANGGANG WINTER 2016

Alamin at tasahin ang alternatibong mga senaryo ng paggamit ng lupa para sa ilang mga bahagi ng oportunidad sa buong lungsod at pumili ng mas gustong pamamaraan

4Maghanda ng Pangkalahatang Plano

WINTER 2014 HANGGANG FALL 2015

Maghanda ng mga layunin, mga patakaran, at mga programa sa pagpapatupad

5

Pangkapaligirang PagrepasoWINTER 2014 HANGGANG FALL 2015

Tasahin ang potensiyal na pangkapaligirang epekto ng Balangkas ng Pangkalahatang Plano

6

Pagsunod sa Pangkalahatang Plano at Pinal na Mga

DokumentoFALL 2015 HANGGANG SPRING 2016

Sundin ang bagong Pangkalahatang Plano at patunayan ang Ulat sa Epekto ng Pangkapaligiran ng Programa

7

Workshop ng Komunidad

Workshop ng Komunidad

Workshop ng Komunidad