22
Pasig Catholic College Grade School Department S.Y. 2015-2016 FILIPINO 6 Ikalawang Markahan Gawain Blg. 5 Uri ng Gawain: Pagtatala ng Konsepto/Pagsasanay Paksang Aralin : Tema ng Buwan ng Wika Inaasahan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang kahulugan ng tema ng Buwan ng Wika para sa taong ito. Natutukoy ang dahilan kung bakit tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Nasasabi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa at ang mga naging kontribusyon ni Manuel L. Quezon tungo sa pagkamit nito. Sanggunian : May-akda : Pahina : Pangunahing Konsepto : Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing Agosto dahil ito ang buwan ng kapanganakan ni Manuel L. Quezon, ang nagtaguyod upang magkaroon ng pambansang wika ang mga Pilipino tungo sa higit na pagkakaunawaan at pagkakaisa. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay isang indikasyon ng pagiging malaya ng isang bansa. Pagmamahal sa wika ang isang paraan upang umunlad ang bansa.

Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 5

Uri ng Gawain: Pagtatala ng Konsepto/Pagsasanay Paksang Aralin : Tema ng Buwan ng Wika Inaasahan sa Pagkatuto: Naipaliliwanag ang kahulugan ng tema ng Buwan ng Wika para sa taong ito. Natutukoy ang dahilan kung bakit tuwing Agosto ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika. Nasasabi ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang wikang pambansa at ang mga naging kontribusyon ni Manuel L. Quezon tungo sa pagkamit nito. Sanggunian : May-akda : Pahina : Pangunahing Konsepto : Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing Agosto dahil ito ang buwan ng kapanganakan ni Manuel L. Quezon, ang nagtaguyod upang magkaroon ng pambansang wika ang mga Pilipino tungo sa higit na pagkakaunawaan at pagkakaisa. Ang pagkakaroon ng sariling wika ay isang indikasyon ng pagiging malaya ng isang bansa. Pagmamahal sa wika ang isang paraan upang umunlad ang bansa.

Page 2: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 6

Uri ng Gawain: Pagtatala ng Konsepto/Pagsasanay Paksang Aralin : Mga Bugtong Inaasahan sa Pagkatuto: Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng mga bugtong. Nasasagot nang wasto ang mga bugtong. Naipagmamalaki ang bugtong bilang bahagi ng kulturang Pilipino sa pamamagitan ng patuloy na pagtangkilik at paggamit dito. Sanggunian : Usbong May-akda : Corazon G. Magbaleta Pahina : 117-119 Pangunahing Konsepto : Ang bugtong ay mga parirala o pangungusap na inihanay nang patula at naglalaman ng talinghaga. Ito ay binubuo ng dalawang taludtod na may sukat at tugma. Binabalangkas ang pahayag sa isang paraang kailangang mag-isip kung anong bagay ang katumbas ng ipinahahayag. Karaniwan itong nagdudulot ng magandang pagsasamahan at kasiyahan. Nakatutulong din ito sa pagpapalawak ng kaisipan at talasalitaan, bukod pa sa pagiging masining sa pagtutugma o pagpapantig ng mga kaisipan. Nasasalamin natin sa bugtong ang paniniwala, kabuhayan, kaugalian at pamahiin ng isang lugar o tribu sa ating bayan. Ang bugtong ay bahagi ng pasalitang panitikan na nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno hanggang sa makarating sa iba pang salinlahi. Taglay ng mga bugtong ang talinghaga at kariktan sa pagpapahayag.

Page 3: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 7

Uri ng Gawain: Pagtatala ng Konsepto/Paligsahan Paksang Aralin : Palabaybayan Inaasahan sa Pagkatuto: Nababaybay nang wasto ang mga salitang babanggitin ng guro. Natutukoy kung kailan dapat gumamit ng malaki at maliit na titik at gitling sa babaybaying salita. Sanggunian : May-akda : Pahina : Pangunahing Konsepto : Sa pagbabaybay ng mga salita, mahalagang maunawaan na ang ginagamitan ng malaking titik ay ang mga pangngalang pantangi at ang mga pangngalang pambalana ay dapat na nagsisimula sa maliit na letra lamang. May mga salitang nangangailangang bantasan ng gitling at kudlit. Mahalagang matutunan ang wastong pagbabaybay ng mga salita para sa mas epektibong pakikipag-ugnayan nang pasulat.

Page 4: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 8

Uri ng Gawain: Pagtatala ng Konsepto/Proyekto

Paksang Aralin : Pagsulat ng Sanaysay Inaasahan sa Pagkatuto: Nakasusulat nang makabuluhang sanaysay ayon sa paksang ibibigay ng guro. Nagagamit ang mga kaalaman tungkol sa gamit ng malaking titik at mga bantas sa pagsulat ng talata. Nakasusulat nang malinis at maayos. Sanggunian : Usbong May-akda : Corazon G. Magbaleta Pahina : 44-46 Pangunahing Konsepto : Ang pagsulat ng isang mabisang sanaysay ay nangangailangan nang masining na paraan ng paglalahad ng mga iniisip, niloloob, nadarama, nakikita o naguguniguni. Upang maisagawa ito, nararapat na may lubos na kaalaman sa kayarian ng wika, mga sangkap ng pagsulat, paggamit ng angkop na mga salita at pangungusap, may kasanayan sa pagsasama-sama ng mga kaisipang bubuuin at may malawak na pananaw sa paksang balak sulatin o talakayin. Mga katangiang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng sanaysay:

1. Pamagat- Kailangang ito’y makatawag-pansin at makapukaw ng kawilihan ng babasa upang ipagpatuloy ang kanyang pagbasa.

2. Nilalaman- Mainam na batayan sa pagsulat ang sariling karanasan, nabasa sa aklat, magasin o pahayagan, napakinggan sa radyo o napanood sa telebisyon o pelikula.

3. Panimula- Ang buhay ng isang sanaysay ay nakasalalay sa isang magandang panimula. Maaaring magsimula sa pagtatanong, ng isang kasabihan o salawikain, isang sipi buhat sa bibliya, isang saknong ng tula at iba pa.

4. Wakas- Kailangang magkaroon ng kawili-wiling wakas ang sanaysay at magtaglay ng mensaheng maiiwan sa bumabasa.

Page 5: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 9

Uri ng Gawain: Pagtatala ng Konsepto/Proyekto

Paksang Aralin : Pagsulat ng Tula Inaasahan sa Pagkatuto: Nakasusunod sa mga pamantayan sa pagsulat ng tula. Naipamamalas ang pagiging malikhain sa pama- magitan ng kakayahang makabuo ng tulang makabuluhan. Sanggunian : Pluma 6 May-akda : Emily V. Marasigan Pahina : 6 Pangunahing Konsepto : Ang tula, katulad ng kwento, ay may iniikutang paksa. Ang bawat saknong ng tula ay may inihahatid na mensahe. Sa kabuuan, ang tula ay may isang kaisipang ibinabahagi sa mambabasa. Kung ang tula ay may sukat, ito ay binubuo ng taludtod na may pare-parehong bilang ng pantig, may tugma, indayog, damdamin, piling mga salita at tayutay. Kung ang tula ay may malayang taludturan, ito ay walang sinusunod na bilang ng pantig, sukat o tugma subalit ito ay nagtataglay rin ng damdamin, tayutay at mga piling salita.

Page 6: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 1

Uri ng Gawain: Pagbasa at Pagtalakay ng Tula/Pagsasanay Paksang Aralin : Tula: Kapit-Bisig Para sa Ilog Pasig Inaasahan sa Pagkatuto: Naibibigay ang mensahe ng tula. Nabibigyang-kahulugan ang mga talasalitaan. Naipapahayag ang pagmamalasakit sa mga katubigan sa pamamagitan ng isang poster. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 90-95 Pangunahing Konsepto : Mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang anyo ng tubig. Ilan dito ay naging bahagi na ng ating mayamang kasaysayan, lalong-lalo na ang kilalang Ilog Pasig. Mula pa noong panahon ng ating mga ninuno, dumaloy sa Ilog Pasig hindi lamang ang yamang dala ng tubig kundi pati na ang kabihasnang dala ng iba’t ibang mga taong nandayuhan sa ating bansa. Ang Ilog Pasig ay nagsimulang masira nang magsulputan ang mga industriya, bahay at pabrika na nagdulot ng polusyon. Marubdob ang pagnanais ng mga tao na palinisin ang Ilog Pasig. Muling mabubuhay ang ilog na ito kung sama-samang magtutulungan ang lahat ng sector ng lipunan.

Page 7: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 2

Uri ng Gawain: Pagtatala ng Konsepto/Pagsasanay

Paksang Aralin : Pagtukoy sa Sanhi at Bunga Inaasahan sa Pagkatuto: Naibibigay ang kahulugan ng sanhi at bunga. Natutukoy ang sanhi at bunga ng isang pangyayari. Nakikilatis ang ugnayang sanhi at bunga. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 97 Pangunahing Konsepto : Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang kalagayan. Ang bunga nama’y tumutukoy sa kinahinatnan, kinalabasan o resulta ng mga sanhi. Ang pag-uugnay sa mga sanhi at bunga ay isang paraan ng pagpapahayag at nangangailangan ng pagsusuri sapagkat ang mga sanhi ng bunga o bunga ng mga sanhi ay hindi madaling makita. Narito ang ilang dapat tandaan sa pag-uugnay ng sanhi at bunga:

1. Alamin ang matagal nang sanhi at ang mga sanhing bago pa lamang. 2. Tiyaking talagang may mga sanhi upang makapagbigay ng anumang ibubunga

nito. 3. Iwasan ang pagbibigay ng magkakasalungat na bunga. 4. Huwag ipagkamali ang sanhi sa bunga at ang bunga sa sanhi. 5. Iwasang makapagbigay ng isang sanhi kung makapagbibigay ng marami.

Page 8: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 3

Uri ng Gawain: Pagtatala ng Konsepto/Pagsasanay Paksang Aralin : Mga Uri ng Pangngalan Inaasahan sa Pagkatuto: Napaghahambing ang mga uri ng pangngalan. Natutukoy kung ang pangngalan ay pantangi o pambalana, kongkreto o di-kongkreto, palansak o di-palansak. Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang uri ng pangngalan sa pangungusap. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 10-13 Pangunahing Konsepto : Ang mga salitang pantawag sa tao, hayop, bagay, pook, kalagayan at pangyayari ay tinatawag na pangngalan. Ang mga uri ng pangngalan:

1. PANTANGI- tumutukoy ito sa partikular o tiyak na ngalan ng tao, bagay, lugar at pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik. Hal. Padre Damaso, Luneta, Araw ng Kalayaan, Roxas Boulevard

2. PAMBALANA- tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay o pangyayari. Hal. guro, pahayagan, ospital, paligsahan

3. PALANSAK- pangangalang nangangahulugan ng kalahatan o kalipunan ng mga tao, bagay, lugar o pangyayari. Hal. hukbo, bungkos, kawan, klase

4. DI-PALANSAK- mga pangngalang maaaring bilangin nang paisa-isa Hal. kurtina, ina, bentilador, mesa, tuwalya

5. KONGKRETO- mga pangngalang nakikita o nahahawakan. Hal. aklat, bag, lapis, papel, payong

6. DI-KONGKRETO- mga pangngalang abstrak o di-materyal kundi sa diwa, damdamin o kaisipan. Hal. kapayapaan, kabutihan, ganda, pagkamatipid

Page 9: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College

Grade School Department S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan

Gawain Blg. 4 Uri ng Gawain: Pagtatala ng Konsepto/Pagsasanay

Paksang Aralin : Mga Kayarian ng Pangngalan Inaasahan sa Pagkatuto: Natutukoy ang iba’t ibang kayarian ng pangngalan. Nagagamit ang iba’t ibang kayarian ng pangngalan sa pangungusap. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 24-30 Pangunahing Konsepto : Ang mga anyo o kayarian ng pangngalan ay:

1. PAYAK- pangngalang binubuo lamang ng salitang-ugat. Hal. kuya payong bintana silid

2. MAYLAPI- pangngalang binubuo ng salitang-ugat at panlapi. Hal. pag + uwi = pag-uwi ka + buti + han = kabutihan

3. INUULIT- pangngalang binubuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng unang dalawang pantig ng salitang-ugat o ng buong salitang-ugat na maaaring mayroon o walang dagdag na panlapi. Hal. pala-palagay bahay-bahayan ama-amahan

4. TAMBALAN- pangngalang binubuo ng pagsasama ng dalawang magkaibang salita. May dalawang uri ng tambalan: a. TAMBALANG GANAP- pagsasama ng dalawang magkaibang salita na

nagkakaroon ng bagong kahulugan ang salitang nabuo Hal. hampas + lupa = hampaslupa (palaboy, mahirap) bahag + hari = bahaghari (rainbow)

b. TAMBALANG DI-GANAP- nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagsama. Hal. silid-tulugan = silid na tinutulugan dalagang-bukid= dalagang nakatira sa bukid

Page 10: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 10

Uri ng Gawain: Pagbasa ng Kwento/Pagsasanay

Paksang Aralin : Kwento ni Malinis Inaasahan sa Pagkatuto: Nagagamit ang pandama sa pag-unawa ng masining na pagpapahayag. Nauunawaan ang malalim na kahulugan ng salitang malinis.

Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 104-107 Pangunahing Konsepto : Ang seleksyong binasa ay isang uri ng masining na paglalarawan, kung saan ang bagay na walang buhay ay kumilos bilang isang tao at nailarawan ang kanyang mga ginawa sa isang kawili-wiling paraan. Dalawa ang uri ng kalinisan:

1. Ang literal na kahulugan ng kalinisan (kawalan ng dumi, mantas o sagabal sa anumang bagay o pook)

2. Ang malalim na kahulugan ng pagiging malinis (pagsasagawa ng isang gawain nang maayos at matagumpay)

Page 11: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 12

Uri ng Gawain: Pagbasa at Pagtalakay ng Kwento

Paksang Aralin : Kwento: “Kapag ang Puno’y Sinugatan” Inaasahan sa Pagkatuto: Natutukoy ang mensaheng nais iparating ng akda. Naibibigay ang kahulugan ng mga talasalitaan. Nakapagbubuo ng karugtong na kwento ng tekstong binasa. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 115-121 Pangunahing Konsepto : Ang puno at tao ay kapwa nilalang ng Diyos, may buhay. Nakalalamang tayong mga tao sapagkat naipahahayag natin ang ating nararamdaman. Marahil kung nakapagsasalita lamang ang mga puno, ipahahayag nito ang damdamin sa walang habas na pagputol at unti-unting pagkaubos ng mga ito. Ang mga puno ay hindi lang nagbibigay ng kulay sa ating daigdig, ang mga ito rin ay nagbibigay ng lilim at may mga bungang maaaring kainin. Isa ito sa mga mahahalagang nilikha ng Diyos na dapat nating pangalagaan.

Page 12: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 13

Uri ng Gawain: Paglalapat ng Konsepto/Pagsasanay

Paksang Aralin : Kailanan at Kasarian ng Pangngalan Inaasahan sa Pagkatuto: Nakikilala ang mga kasarian at kailanan ng pangngalan. Nagagamit sa pangungusap ang mga pangngalan na nasa iba’t ibang kailanan at kasarian. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 39-43 Pangunahing Konsepto : Ang pangngalan ay may tatlong kailanan:

1. ISAHAN- ito ay tumutukoy sa isa at ginagamitan ng mga panandang “ang, si, kay at ni” Hal. ang lolo, si Gerald, kay Kim, ni kuya

2. DALAWAHAN- tumutukoy sa dalawa at maaaring gamitan ng paglalapi o pang-uring pamilang Hal. magkapatid, mag-ama isang kaibigan, isang mansanas

3. MARAMIHAN- tumutukoy sa tatlo o higit pa at ginagamitan ng mga panandang “ang mga, sina, kina, nina,” paglalapi o pang-uring pamilang. Hal. ang mga prutas, sina Adrian, Nicole at Monica magkakaibigan, magkakapatid grupo ng mga kababaihan, pulutong ng mga sundalo

Ang kasarian ng pangngalan ay maaaring: 1. PAMBABAE- tumutukoy sa mga babae

Hal. lola, nanay, madre 2. PANLALAKI- katawagang para sa mga lalaki lamang

Hal. bayaw, tatay, kumpare 3. DI-TIYAK- maaaring tumukoy sa lalaki o babae

Hal. kamag-anak, bunso, kasambahay 4. WALANG KASARIAN- tumutukoy sa mga bagay na walang buhay

Hal. bakuran, simbahan, prutas

Page 13: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 14

Uri ng Gawain: Proyekto Paksang Aralin : Pagsulat ng Ikalawang Sulatin Inaasahan sa Pagkatuto: Nakabubuo ng makabuluhang talata batay sa isang paksa. Nakasusulat ng isang talatang kawili-wiling basahin. Sanggunian : Usbong May-akda : Corazon G. Magbaleta Pahina : 36-37 Pangunahing Konsepto : Ang talata o sulatin ay binubuo ng magkakaugnay na pangungusap na nagtataglay ng isang diwa o kaisipan. Bawat pangungusap ng talata ay kailangang magkakaugnay ang diwang ipinahahayag. Nahahati sa tatlong bahagi ang isang mahusay na talata:

1. panimulang pangungusap 2. gitnang pangungusap 3. pangwakas na pangungusap

Ang panimulang pangungusap ay dapat tumawag ng pansin sa bumabasa, magpahiwatig ng nilalaman ng talata at humikayat sa bumabasa upang maragdagan ang kaalaman tungkol sa paksa.

Page 14: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 15

Paksang Aralin : Mga Gamit ng Pangngalan Inaasahan sa Pagkatuto: Nakikilala ang iba’t ibang gamit ng pangngalan. Nagagamit nang wasto ang iba’t ibang gamit ng pangngalan sa pangungusap. Nabibigyang-halaga ang simuno at panaguri bilang mahalagang bahagi ng pagkilala sa mga gamit ng pangngalan. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 51-55 Pangunahing Konsepto :Iba’t iba ang gamit ng pangngalan sa pangungusap:

1. SIMUNO o PAKSA- pangngalang pinag-uusapan sa pangungusap. Hal. Ang mga katutubo ay humingi ng paumanhin. Itinatanim, pinayayabong at ginagapas ang palay bago mapakinabangan.

2. PANAGURI o KAGANAPANG PANSIMUNO- ito at ang simuno ay tumutukoy sa

iisang tao o bagay. Hal. Ang kanin ay malinamnam na pagkain. Ang aking tatay ay isang doktor.

3. PAMUNO- ang simuno at isa pang pangngalang nasa paksa ay iisa lamang. Ito ay nagbibigay ng karagdagang impormasyon sa simuno, kaganapang pansimuno at tuwirang layon. Hal. Si Mang Carlito, isang magsasaka, ay nagtanim ng palay. Ang nanay ay bumili ng dyaryo, ang Manila Bulletin.

Page 15: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 16

Uri ng Gawain: Paglalapat ng Konsepto/Pagsasanay

Paksang Aralin : Iba pang Gamit ng Pangngalan Inaasahan sa Pagkatuto: Natutukoy ang iba pang gamit ng pangngalan. Nakikilala ang mga kaukulan ng pangngalan. Nakabubuo ng mga pangungusap na may mga pangngalan sa iba’t ibang gamit. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 51-55 Pangunahing Konsepto : Ang iba pang gamit ng pangngalan ay:

1. PANAWAG- pangngalang tumutukoy sa taong kinakausap. Hal. Mario, ikaw nga ang hinahanap namin. Ipasa mo na ang ating proyekto, Sonia. Bungkalin mo ang lupa, Andres, at taniman ng palay.

2. LAYON NG PANDIWA o TUWIRANG LAYON- pangngalang tumatanggap ng kilos sa

pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na ano? Hal. Naglatag ng dahon sa mesa ang magkakapitbahay. Ang maybahay ay nag-iihaw ng isda.

3. PINAGLALAANAN o LAYON NG PANG-UKOL- pangngalang pinaglalaanan ng kilos. Maaaring gamitin ang mga pang-ukol na sa, para sa, para kay, tungkol sa, tungkol kay, nang may, nang wala, at iba pa.

Page 16: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 17

Uri ng Gawain: Pagbasa at Pagtalakay ng Kwento

Paksang Aralin : Kwento: “Nagmamahal, Joey” Inaasahan sa Pagkatuto: Nauunawaan ang kahulugan ng masining na pagpapahayag. Nakapagbibigay ng isang makabuluhang wakas o konklusyon. Nabibigyang-kahulugan ang mga talasalitaan. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 126-134 Pangunahing Konsepto : Ang pagpanaw ng isang mahal sa buhay ay isang napakasakit na trahedyang maaaring harapin ng isang tao. Ngunit dapat nating maunawaan na ang bawat pangyayari sa ating buhay ay may hatid na aral o mensahe. Ito ay paraan ng Panginoon upang higit na patatagin ang ating kalooban at ang ating pananampalataya. Ang sabi nga ng isang salawikain: “Sa likod ng mga ulap, ang araw ay sumisikat.

Page 17: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 20

Uri ng Gawain: Pagtatala ng Konsepto/Pagsasanay

Paksang Aralin : Mga Kaukulan ng Panghalip-Panao Inaasahan sa Pagkatuto: Nakikilala ang mga panghalip-panao. Natutukoy ang iba’t ibang kaukulan ng panghalip- panao – palagyo, paari at palayon. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 64-67 Pangunahing Konsepto : Ang panghalip-panao ay humahalili sa ngalan ng tao. Ito ay may tatlong kaukulan:

1. Palagyo- kapag ginagamit na simuno o kaganapang pansimuno. Hal. Siya ay tumutulong sa mga biktima ng sakuna. Ang tagapamahala sa mga donasyon ay kami.

2. Paari- nagpapakita ng pagmamay-ari. Maaaring ito ay nasa unahan o hulihan ng bagay na inaangkin. Hal. Ang tolda niya ay ginamit sa evacuation center. Ang aming pamilya ay laging magkakasamang nagsisimba.

3. Paukol- kung katabi o kasunod ito ng pandiwa o layon ng pang-ukol. Hal. Bibigyan ko ang mga biktima ng sunog ng mga pagkain. Para sa kanila ang mga nalikom na pera.

Page 18: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 21

Uri ng Pangngalan: Paglalapat ng Konsepto/Pagsasanay

Paksang Aralin : Panghalip-Pananong Inaasahan sa Pagkatuto: Nasasabi ang kahalagahan ng panghalip-pananong sa pagbuo ng pangungusap. Nakikilala ang mga kailanan ng panghalip- pananong. Nagagamit ang mga panghalip-pananong sa pangungusap. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 75-76 Pangunahing Konsepto : Ang panghalip pananong ay inihahalili sa pangngalan sa paraang patanong. Maipahahayag ang kailanan nito sa pamamagitan ng pag-uulit. Ito ay binabantasan ng tandang pananong.

Kailanang isahan Kailanang maramihan Gamit

Ano

Sino

Alin

Kanino

Ilan

Saan

Gaano

Magkano

Kailan

Bakit

Ano-ano

Sino-sino

Alin-alin

Kani-kanino

Ilan-ilan

Saan-saan

Gaa-gaano

Magka-magkano

Kai-kailan

Bakit

Ngalan ng bagay, hayop, pangyayari

Ngalan ng tao

Kapag may pinagpipilian

Taong nagmamay-ari

Ngalan ng bilang

Ngalan ng pook

Ngalan ng dami

Ngalan ng halaga

Ngalan ng panahon

Kapag may kadahilanan

Page 19: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 22

Uri ng Gawain: Proyekto

Paksang Aralin : Book Report Blg. 2 Inaasahan sa Pagkatuto: Naibubuod ang kwentong binasa. Nagagamit nang wasto ang mga bantas at ang malaking titik sa pagbubuod ng kwento. Sanggunian : Binhi 6 May-akda : Ester V. Raflores Pahina : 2-4 Pangunahing Konsepto : Sa pagbubuod ng kwento, mahalaga ang pag-unawang mabuti sa kwento. Mahalaga ring sundin ang mga tuntunin sa wastong pagsulat ng isang talata, gaya ng paglalagay ng indensyon, gamit ng mga bantas at ng malalaking titik. Ang mga importanteng detalye o pangyayari lamang ang dapat na isama sa buod.

Page 20: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 23

Uri ng Gawain: Paglalapat ng Konsepto/Pagsasanay Paksang Aralin : Panghalip na Panaklaw Inaasahan sa Pagkatuto: Nakikilala ang panghalip-panaklaw at naihaham- bing ito sa iba pang uri ng panghalip. Nauuri ang panghalip-panaklaw na nagsasabi ng kaisahan, dami o kalahatan at ng di-tiyak na bilang. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 76-79 Pangunahing Konsepto : Ang panghalip na panaklaw ay uri ng panghalip na may sinasaklaw na kaisahan, bilang, dami o kalahatan. Ito ay maaaring tiyakan o di-tiyakan. Ang tiyakan ay:

1. nagsasaad ng kaisahan Hal. isa

bawat bawat isa

2. nagsasaad ng dami o kalahatan Hal. kaunti madla

tanan balana ilan marami lahat iba

Ang mga di-tiyakan ay mga panghalip na pananong na kinakabitan ng man na nangangahulugan nang hindi katiyakan ng pinag-uusapan. Hal. ano man saan man sino man nino man kanino man kailan man magkano man gaano man

Page 21: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 24

Uri ng Gawain: Paglalapat ng Konsepto/ Pagsasanay

Paksang Aralin : Panghalip na Pamatlig Inaasahan sa Pagkatuto: Natutukoy ang gamit at kahalagahan ng panghalip pamatlig sa pakikipagtalastasan. Nakikilala ang mga panauhan ng panghalip na pamatlig. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 85-88 Pangunahing Konsepto : Ang panghalip na pamatlig ay uri ng panghalip na ginagamit na panghalili sa pagtuturo ng kinaroonan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari. Ito ay may tatlong panauhan na nagsasaad ng layo o distansya ng pangngalang itinuturo sa taong nagsasalita at sa nakikinig o kinakausap.

1. Unang panauhan- kapag ang itinuturo ay malapit sa nagsasalita. Hal. ito, dito/rito, heto/eto, ganito, nandito/narito, nito

2. Ikalawang panauhan- kapag ang itinuturo ay malapit sa kinakausap. Hal. iyan, diyan/riyan, hayan, ganyan, nariyan/nandiyan, niyan

3. Ikatlong panauhan- kapag ang itinuturo ay kapwa malayo sa nagsasalita at sa kausap nito. Hal. iyon, doon/roon, hayun/ayun, ganoon, naroon/nandoon, niyon

Page 22: Grade School Department Ikalawang Markahanpccgrade6.weebly.com/uploads/3/2/3/1/32317933/filipino_6_2nd... · Ang sanhi ay tumutukoy sa ano mang tao o bagay na pinagmulan ng isang

Pasig Catholic College Grade School Department

S.Y. 2015-2016

FILIPINO 6

Ikalawang Markahan Gawain Blg. 25

Uri ng Gawain: Pagbasa at Pagtalakay ng Kwento

Paksang Aralin : Kwento: “Kahindik-hindik na Plastik” Inaasahan sa Pagkatuto: Nailalahad sa sariling pananalita ang kahulugan ng mga bagong bokabularyo. Naibibigay ang magandang aral mula sa kwento. Nasasanay ang sarili sa malikhaing pagpapahayag. Sanggunian : Bukal 6 May-akda : Maria Fe Q. Dela Cruz at Aileen T. Rojas Pahina : 148-153 Pangunahing Konsepto : Ang maraming siyudad sa Kalakhang Maynila ay kaagad na binabaha kahit saglit lamang ang pag-ulan. Isa sa mga itinuturong dahilan ay ang pagtatapon ng mga plastik sa kalsada, ilog at mga kanal. Ang plastik ay malaking ginhawang gamitin ngunit dapat na maitapon nang maayos, dahil kung hindi, ito ay maaaring maging kasangkapang kahindik-hindik. Bilang tugon sa suliraning ito, marami ng lungsod ang nagbawal ng paggamit ng plastik sa mga palengke at groserya. Iminumungkahi rin ang paggamit ng mga lalagyang maaaring ulitin pang muli gaya ng mga reusable bags, bayong, basket at iba pa.