Upload
others
View
142
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
1
GRADE V
MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/
BASKET COMPOSTING
Alam mo ba na sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging mataba at
malago ang mga halaman? Ito ay maaaring kunin sa natural na kapaligiran. Sa
pamamagitan ng composting, ang mga sariwa o nabubulok na mga basura tulad ng
dahon ay maaaring gawing abono. Tinatawag itong organikong abono. Ito ay
nakapagpapaunlad sa kalidad o uri ng lupang pagtataniman.
Sa modyul na ito, tatalakayin natin at matututuhan mo ang wastong
pamamaraan sa paggawa ng compost.
Bago tayo magpatuloy sa ating aralin sa modyul na ito, balikan natin ang
natutuhan sa pag-aalaga ng lupa sa pamamagitan nitong mga bugtong.
ALAMIN MO
PAGBALIK-ARALAN MO
Ako’y isang uri ng pataba,
Upang mapagyaman ang lupa,
Nagdudulot ako ng sustansiyang kailangan,
Na galing sa nabubulok na bagay.
Ano ako?____________
Ako’y dapat idagdag sa halaman,
Kung mabagal ang paglaki
Maaaring ako’y ikalat sa paligid
Isabog sa pagitan ng halaman
O ihalo sa tubig at idilig
Ano ako?_______________
2
Basahin ang panayam ng mga bata at intindihin ang nilalaman nito.
Ang leksiyon ng mga bata ay tungkol sa composting. Naisipan nilang
kapanayamin si Mang Isko, isang magsasaka sa kanilang lugar.
Mga Bata: Magandang umaga po, Mang Isko.
Mang Isko: Magandang umaga naman. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?
Mga Bata: Kami po ay nagpunta rito upang alamin kung paano ang paggawa
ng compost. Ito po kasi ay leksiyon namin ngayon.
Mang Isko: Alam ninyo mga bata, may mga komersiyal na pataba na maaaring
mabili sa iba’t ibang tindahan. Kaya lang ang paggamit ng compost ay higit na
iminumungkahi lalo na kung ang lugar ay may malawak na bakuran. Halina kayo sa
likod ng bahay ko at ipakikita ko sa inyo ang paggawa ng compost.
Gagawa tayo ng hukay dito sa isang bahagi ng bakuran at dito natin itatapon
ang mga nabubulok na kalat upang maging pataba pagkalipas ng ilang buwan. Ito
ay tinatawag na compost pit.
Tulong-tulong tayong gumawa para matutuhan ninyo sa pamamagitan ng
sumusunod na mga hakbang.
Ang Paggawa ng Compost Pit
1. Pumili ng angkop na lugar.
a. patag at tuyo ang lupa
b. may kalayuan sa bahay
c. malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa at iba pa.
PAG-ARALAN MO
3
2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang metro ang lalim at dalawang
metro ang lapad. Patagin ang loob ng hukay at hayaang nakabilad sa araw
upang hindi mabuhay ang anumang uri ng mikrobyo.
3. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo, dahon mga balat
ng prutas at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng hukay hanggang
umabot ng 30 sentimetro ang taas. Haluan ng 1 hanggang 2 kilo ng abono
urea ang inilagay na basura sa hukay.
4
4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang umabot ng 15 sentimetro ang
kapal at lagyan muli ng lupa, abo o apog. Gawin itong paulit-ulit hanggang
mapuno ang hukay
5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pamamagitan ng pagdidilig araw-
araw. Tiyaking hindi ito babahain kung panahon naman ng tag-ulan.
Makabubuting takpan ang ibabaw ng hukay ng ilang pirasong dahon ng
saging upang hindi bahain.
5
6. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may butas sa gilid.
Itusok ito sa nagawang compost pit upang makapasok ang hangin at maging
mabilis ang pagkabulok ng mga basura.
7. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong linggo. Haluing
mabuti ang mga pinagsama-samang kalat at lupa. Pagkalipas ng dalawang
buwang o higit pa ay maaari na itong gamiting pataba ayon sa mabilis na
pagkabulok ng mga basurang ginamit.
Mga bata: Hay! Nakapapagod pala gumawa ng compost pit pero enjoy po naman.
Maraming salamat po Mang Isko. Paano po pala kung halimbawa
wala kang sapat na lugar upang gumawa ng hukay, puwede pa rin ba
kami makagawa ng sariling pataba?
6
Mang Isko: Oo naman, Ito’y sa pamamagitan ng basket composting. Isang
paraan din ito ng pagpapabulok ng mga basura pero sa sisidlan
naman at hindi sa hukay. Halina kayo, ipakikita ko sa inyo. Ito ang
mga paraan sa paggawa ng basket composting.
1. Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba. May
isang metro ang lalim
2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatong-patong na tuyong dahon. dayami,
pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop at lupa tulad ng
compost pit hanggang mapuno ang sisidlan.
7
3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan upang
mabulok kaagad ang basura.
4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang hindi ito
pamahayan ng langaw at iba pang peste.
8
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan upang
magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay pagkalipas ng isang buwan.
Mga Bata: Ang galing mo po, Mang Isko. Kailan naman po namin pwedeng
gamitin ito?
Mang Isko: Maaari nang gamiting pataba ang laman ng sisidlan pagkalipas
ng dalawang buwan o mahigit.
Mga Bata: Maraming salamat po. Mang Isko. Ang dami naming natutunan
sa mga ginawa nating compost pit at basket composting.
Mang Isko: Walang anuman mga bata.
Pagkatapos mabasa ang panayam, ano-ano ang mga hakbang sa
paggawa ng basket composting. Ano ang iyong natutuhan?
9
Subukin natin ang natutuhan mo sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa
kuwadernong sagutan.
A. Tumingin ka sa paligid ng inyong bahay. Aling lugar ang puwede mong
gamitin sa paggawa ng organikong pataba?
1. compost
2. basket composting
B. Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili mong gawin.
C. Sa napili mo, paano ang wastong paraan ng paghahanda nito?
Ang compost ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo, dahon, balat ng
prutas at gulay, at mga dumi ng hayop na pinabubulok sa isang hukay sa isang
malawak na lugar samantalang ang basket composting ay pagbubulok ng basura sa
isang sisidlan.
Basahin ang mga sumusunod na pamantayan sa paggawa ng compost/basket.
Iguhit ang mukhang masaya kung nasisiyahan ka o
angkop na gawin at mukhang malungkot kung hindi kanais-nais.
1. Ihanda ang mga mahahalagang materyales na gagamitin.
2. Mag-ingat sa paggamit ng matatalas at matutulis na kagamitan upang hindi
masugatan.
3. Itapon ang mga kasangkapan sa ilog pagkatapos.
4. Linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain.
5. Magsigawan habang gumagawa.
SUBUKIN MO
TANDAAN MO
ISAPUSO MO
10
Isaisip uli ang mga natutuhang mga paraan sa paggawa ng compost pit at
basket composting.
1. Gumawa ng compost pit sa bakuran ninyo o sa likod ng inyong bahay sa
tulong ng iyong mga kasambahay.
2. Hikayatin mo ang iyong kapitbahay na gumawa ng basket composting at
ipaliwanag ang kahalagahan nito.
Tingnan natin uli ang galing mo sa pag-intindi nitong modyul.
Basahin ang sitwasyon at suriing mabuti kung ano ang magandang gawin.
1. Nakikita mong maraming basura sa paligid ninyo. Ikinakalat lang ito ng
mga kapitbahay mo kung saan-saan at ang iba naman ay nakita mong
sinusunog ito. Pulungin mo sila sa pahintulot ng kapitan at ipaliwanag ang
benepisyong makukuha kung ang basurang nabubulok ay hindi susunungin.
2. Kapanayanim mo rin ang isang kakilalang naghahalaman sa pulong na ito.
Tanungin ang uri ng patabang ginagamit gayundin ang kabutihang dulot nito
sa mga alagang pananim. Isulat ng patalata ang kinalabasan ng
pakikipagpanayam.
Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging Pagtataya ng
modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na
modyul.
GAWIN MO
PAGTATAYA