11
Five-Finger Facts Ito ay graphic organizer na ginagamit upang maisulat ang limang mahahalagang pahayag na nagsasaad ng KATOTOHANAN na matatagpuan sa aklat na binasa.

Graphic organizers.doc

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Different types of graphic organizers which are very useful in teaching :)

Citation preview

Page 1: Graphic organizers.doc

Five-Finger Facts

Ito ay graphic organizer na ginagamit upang maisulat ang limang mahahalagang pahayag na nagsasaad ng

KATOTOHANAN na matatagpuan sa aklat na binasa.

Page 2: Graphic organizers.doc

JOURNAL PLAN ORGANIZER

Ito ay graphic organizer na gagamitin upang maorganisa ng mag-aaral ang mga bagay na kanyang isusulat sa kanyang

JOURNAL.

Page 3: Graphic organizers.doc

BRAINSTORM CLUSTERS

Graphic organizer na ginagamit upang pagsamahin ang magkakahawig na ideya ng isang napag-usapang paksa.

Page 4: Graphic organizers.doc

NARROW THE TOPIC

Organizer na ginagamit upang mapalawak ng mga mag-aaral ang kanilang ideya tungkol sa paksang tinalakay, mula

sa pinakamababang detalye hanggang sa pinakamataas.

Page 5: Graphic organizers.doc

STICK TOGETHER

Isang uri ng graphic organizer na parang Venn Diagram ang gamit. Sa dalawang magkatapat na papel ay isusulat ng mga mag-aaral ang dalawang magkaibang bagay at ang

kani-kainalang mga katangian. Dito nila makikita kung saan sila nagkakaiba at nagkakapareho.

Page 6: Graphic organizers.doc

LISTEN UP CHART

Ang chart na ito ay ginagamit upang itala ng mga mag-aaral sa kahong STORYTELLER ang mga mahahalagang

pangyayari na ibinahagi ng nagbabasa ng kuwento, habang isusulat naman nila sa kahong LISTENER ang mga bagay

na kanilang natutunan sa kuwento.

Page 7: Graphic organizers.doc

BOOK BUTTERFLY

Isang masining na uri ng graphic organizer na ginagamit pagkatapos maipabasa sa mga mag-aaral ang isang

kwento, itatala nila sa mga puwang ang mga hinihinging TAUHAN, BANGHAY atbp.

Page 8: Graphic organizers.doc

SUMMARY CIRCLES

Ginagamit sa paglalagom/summary upang mapadali ang pagkilala sa mga elemento ng kwentong binasa.

Page 9: Graphic organizers.doc

ESSAY BURGER

Ito ay isang uri ng graphic organizer na ginagamit upang ma-organisa ang mga ideyang isusulat sa isang gagawing

sanaysay.

Page 10: Graphic organizers.doc

CAUSE AND EFFECT TREE

Ginagamit upang matukoy ang mga SANHI at BUNGA ng mga pangyayari sa isang kuwentong binasa.

Page 11: Graphic organizers.doc

IBA’T IBANG URI NG MGA GRAPHIC

ORGANIZERS AT ANG KANILANG GAMIT

IPINASA NI: BERN LESLEIGH ANNE JAMERO OCHAVILLO

IPINASA KAY: GNG.FLORDILES MELISTON