2
PAGHIHIGPIT para sa ONTARIO PAGHIHIGPIT PARA SA ONTARIO Ang 2012 Budget ay ang susunod na hakbang sa limang-taóng plano ng pamahalaan upang panatilihin ang Ontario sa daan patungo sa pagbalanse ng budget pagdating ng 2017-18. Ang ekonomiya ay lalakás kapag may balanseng budget, at mas makakalikha ito ng mga trabaho, habang prinoprotektahan ang edukasyon at health care. Iminumungkahi ng Budget na bawasan ang paglaki ng gastos sa programa at limitahan nang $17.7 bilyon ang mga gastos sa susunod na tatlong taon, habang pinalalaki ang kita nang $4.4 bilyon nang hindi itinataas ang mga buwis. PLANO UPANG BALANSIHIN ANG BUDGET Ang kaisa-isang pinakamahalagang hakbang na magagawa ng pamahalaan upang palakasin ang ekonomiya ay ang balansihin ang budget. Eto ang dahilan kung bakit: ang gastos sa pagbayad sa utang ng Ontario ay humigit-kumulang sa $10 bilyon, at ito ang pangatlong pinakamalaking taunang gastos, pagkatapos ng health care at edukasyon. Kapag ikinumpara ito, mas malaki ang ginagastos ng Ontario sa interest bawat taon kaysa sa ginagastos nito sa mga kolehiyo at mga unibersidad. Para sa bawat isang porsiyento ng pagtaas sa interest rates, ang gastos sa pagbayad sa utang ay tumataas nang $467 milyon sa unang taon ng pagtaas. Kung hindi kikilos ang pamahalaan upang balansihin ang budget, ang gagastusin ng Ontario para sa utang sa 2017-18 ay halos magiging kapareho ng binabayaran nito ngayon para sa edukasyon. Pamamahala ng Paglaki ng mga Gastos Para sa bawat dolyar ng bagong kinikita na nakasulat sa 2012 Budget, may apat na dolyar ng pagtitipid at paghihigpit sa gastos. Mga Iminumungkahing Sukat: $4.9 bilyon sa mga nakaplanong pagtitipid mula sa pagtanggal ng overlap at pagdodoble-doble, pagsasagawa ng mas mahusay na delivery models at pagbigay-pansin sa core business. $6 bilyon sa gagawing hindi pagdagdag ng pamahalaan sa perang ibinibigay sa mga school board, mga ibinabayad sa doktor, at sa mga iba sa pampublikong sektor $6.8 bilyon sa pagtipid sa mga gastos sa mas malawak na pampublikong sektor Walang pagbabago sa pangkalahatang Corporate Income Tax rate at Business Education Tax rate na mga pagbabawas hanggang nabalanse ang budget Pagpapahaba ng panahon ng hindi pagtaas ng suweldo para sa mga executive sa mga ospital, mga kolehiyo, mga unibersidad, mga school board at mga ahensiya para sa dalawa pang taon — para sa apat na taon sa kabuuan Pagpapahaba ng panahon ng hindi pagtaas ng suweldo para sa mga MPP para sa dalawang taon — para sa limang taon sa kabuuan Paninigurado na mas marami ang masasakop ng Ontario user fees sa gastos ng pamamahagi ng mga programa at mga serbisyo. Walang bayad na numero: 1-800-337-7222 TTY na walang-bayad na numero: 1-800-263-7776 www.ontario.ca/budget ONTARIO BUDGET 2012 TAGALOG ONTARIO BUDGET 2012

Highlights Brochure RV-Tagalog · pamahalaan upang balansihin ang budget, ang gagastusin ng Ontario para sa utang sa 2017-18 ay halos magiging kapareho ng binabayaran nito ngayon

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

PAGHIHIGPIT para sa ONTARIO

PAGHIHIGPIT PARA SA ONTARIO Ang 2012 Budget ay ang susunod na hakbang sa limang-taóng plano ng pamahalaan upang panatilihin ang Ontario sa daan patungo sa pagbalanse ng budget pagdating ng 2017-18. Ang ekonomiya ay lalakás kapag may balanseng budget, at mas makakalikha ito ng mga trabaho, habang prinoprotektahan ang edukasyon at health care. Iminumungkahi ng Budget na bawasan ang paglaki ng gastos sa programa at limitahan nang $17.7 bilyon ang mga gastos sa susunod na tatlong taon, habang pinalalaki ang kita nang $4.4 bilyon nang hindi itinataas ang mga buwis.

PLANO UPANG BALANSIHIN ANG BUDGET Ang kaisa-isang pinakamahalagang hakbang na magagawa ng pamahalaan upang palakasin ang ekonomiya ay ang balansihin ang budget. Eto ang dahilan kung bakit: ang gastos sa pagbayad sa utang ng Ontario ay humigit-kumulang sa $10 bilyon, at ito ang pangatlong pinakamalaking taunang gastos, pagkatapos ng health care at edukasyon. Kapag ikinumpara ito, mas malaki ang ginagastos ng Ontario sa interest bawat taon kaysa sa ginagastos nito sa mga kolehiyo at mga unibersidad. Para sa bawat isang porsiyento ng pagtaas sa interest rates, ang gastos sa pagbayad sa utang ay tumataas nang $467 milyon sa unang taon ng pagtaas. Kung hindi kikilos ang pamahalaan upang balansihin ang budget, ang gagastusin ng Ontario para sa utang sa 2017-18 ay halos magiging kapareho ng binabayaran nito ngayon para sa edukasyon.

Pamamahala ng Paglaki ng mga Gastos

Para sa bawat dolyar ng bagong kinikita na nakasulat sa 2012 Budget, may apat na dolyar ng pagtitipid at paghihigpit sa gastos.

Mga Iminumungkahing Sukat: $4.9 bilyon sa mga nakaplanong pagtitipid mula sa

pagtanggal ng overlap at pagdodoble-doble, pagsasagawa ng mas mahusay na delivery models at pagbigay-pansin sa core business.

$6 bilyon sa gagawing hindi pagdagdag ng pamahalaan sa perang ibinibigay sa mga school board, mga ibinabayad sa doktor, at sa mga iba sa pampublikong sektor

$6.8 bilyon sa pagtipid sa mga gastos sa mas malawak na pampublikong sektor

Walang pagbabago sa pangkalahatang Corporate Income Tax rate at Business Education Tax rate na mga pagbabawas hanggang nabalanse ang budget

Pagpapahaba ng panahon ng hindi pagtaas ng suweldo para sa mga executive sa mga ospital, mga kolehiyo, mga unibersidad, mga school board at mga ahensiya para sa dalawa pang taon — para sa apat na taon sa kabuuan

Pagpapahaba ng panahon ng hindi pagtaas ng suweldo para sa mga MPP para sa dalawang taon — para sa limang taon sa kabuuan

Paninigurado na mas marami ang masasakop ng Ontario user fees sa gastos ng pamamahagi ng mga programa at mga serbisyo.

Walang bayad na numero: 1-800-337-7222 TTY na walang-bayad na numero: 1-800-263-7776

www.ontario.ca/budget

ONTARIO BUDGET

2012

TAGALOG ONTARIO BUDGET

2012

Pamamahala ng mga Gastos sa Suweldo at Pagbabago sa mga Pampublikong Serbisyo: Mahigit sa 50 cents ng bawat dolyar na ginagastos ng pamahalaan ng Ontario ang ginagastos para sa suweldo ng mga guro, mga doktor, at ng iba sa mas malawak na pampublikong sektor. Ang mga gastos para sa suweldo ay dapat pamahalaan kung nais matugunan ng pamahalaan ang mga target nito sa pananalapi at kung nais nitong protektahan ang mga magandang nakamit sa nakaraang walong taon sa edukasyon at health care. Upang gawin ito, iminumungkahi ng pamahalaan ang sumusunod: Paghihigpit sa pamamahala ng mga gastos sa

pagsusuweldo sa kasulukuyan at sa darating na panahon

Mga paraan upang gawing mas abot-kaya ang mga pampublikong sektor na pension para sa mga nagbabayad ng buwis at upang gawin itong sustainable para sa mga miyembro ng plano ng pension.

Ang pagbabago at pag-streamline sa paraan ng pagdeliber ng pamahalaan ng suporta sa negosyo sa pamamagitan ng paglikha ng isang Jobs and Prosperity Fund — na nagbibigay-diin sa productivity at paglikha ng trabaho. Babawasan nito ang mga gastos sa pamamahala habang nakatitipid ng $250 milyon sa pangkalahatan sa 2014–15.

PAGPROTEKTA NG MGA MAGAGANDANG NAKAMIT SA EDUKASYON Ipinagpapatuloy ng pamahalaan ang plano nito na magkaroon ng pinaka-edukadong mga manggagawa sa mundo sa pamamagitan ng: Lubos na pagsasagawa ng buong araw na kindergarten

pagdating ng Setyembre 2014 Pagmintina ng mga maliliit na klase Pagpatuloy na magbigay ng 30% Off sa Ontario tuition

grant para sa mga kwalipikadong full-time na undergraduate na estudyante sa unibersidad at kolehiyo

Paglagay ng mga training na programa upang mas tumugon sila sa kasalukuyang job market.

PAGPROTEKTA NG MGA NAKAMIT SA HEALTH CARE Gagawing batayan ng pamahalaan ang Action Plan for Health Care ng Ontario upang lumikha ng isang sustainable at mahusay na sistema ng health care sa pamamagitan ng: Pagbabago sa health care upang bawasan ang bilis ng

paglaki ng gastos at gawin itong 2.1 porsiyento sa pangkalahatan bawat taon para sa susunod na tatlong taon

Pagpapahusay sa community-based na pangangalaga upang maalagaan ang mga pasyente sa mga alternatibong lugar tulad ng non-profit na mga klinika at sa bahay sa halip na sa mga ospital, kung saan naaangkop

Paglipat sa mga modelo ng pagpopondo na nakasentro sa pasyente, upang pahusayin ang kahalagahan at kalidad ng pangangalaga.

MAS MARAMING MGA INISYATIBO SA LIMANG-TAONG PLANO Pagmungkahi na gawing hanggang 3,000 kWh bawat

buwan ang Ontario Clean Energy Benefit — pinahihintulutan nito ang halos lahat ng mga pamilya na patuloy na tumanggap ng 10 porsiyentong benefit at lumilikha nang higit sa $500 million na pagtitipid

Hilingin ang humigit-kumulang sa 5% ng Ontario seniors na may mga pinakamataas na suweldo na lakihan ang kanilang bayad sa kanilang mga gastos sa de-resetang gamot

Sa ngayon, ang benefit na nakukuha ng isang senior na may taunang kita na $300,000 ay pareho ng benefit ng isang senior na kumikita ng $30,000 bawat taon

May humigit-kumulang sa 1.9 milyon seniors na naninirahan sa Ontario. Sa ilalim ng pagbabagong ito, humigit-kumulang sa 75,000 seniors na may mga netong kita na higit sa $100,000 para sa singles at $160,000 para sa couples ay magbabayad ng karagdagang $665 sa pangkalahatan bawat taon para sa kanilang mga gastos sa de-resetang gamot.

PAGLAMPAS SA MGA TARGET SA PANANALAPI Ang deficit para sa 2011–12 ay ipinapalagay sa $15.3

bilyon — ito’y $1 bilyon mas mababâ kaysa sa ipinalagay noong nakaraang taon, at mahigit sa 38 porsiyento na mas mababâ kaysa sa 2009–10 na deficit na ipinalagay noong fall 2009

Tatlong sunud-sunod na taon nang nalampasan ng pamahalaan ang mga target nito sa pananalapi.

www.ontario.ca/budget www.ontario.ca/budget