1
Jhie Anne M. Austria I-19 BSCIEPHY SI INTOY SYOKOY NG KALYE MARINO Nakalulungkot isipin na napakaraming kabataan ang sinasalamin ng mga pangunahing tauhan sa kwento. Mga batang lumaking walang gabay ng magulang, maagang nag babanat ng buto at nagtitinda ng sarili upang may mailaman sa tyan, mga batang napagkaitan ng karapatang mag-aral at nagiba ng landa sa dapat na tahakin. Si Intoy masipag, at taong masasabi mong may pangarap, mahusay siya sa kanyang larangan. Sa murang edad ay tumayo sya sa kanyang sariling paa, hindi man nabigyan ng edukasyong mula sa paaralan ay masasabi kong gusto niyang maging magaling sa kahit isang larangan man lang, ayaw niya ng minamaliit at pinagtatawanan katulad ng ginawa sa kanya ng mga kaibigan noong bata pa kaya’t ninais niyang punan ang dahilan kung bakit ito ginawa sa kanya upang hindi ng muling maulit ang nangyari na. Base sa aking nabasa, alam kong mahal niya si Doray, si Doray na tulad niya na sa murand edad ay nawalan ng magulang, ngunit si Doray ay isang kabataang nagging ina at ama sa sarilng mga kapatid, isinakripisyo ang sarili upang may maisubong pagkain. Si Berto naman ay tulad ng dalawa’y napagkaitan ng edukasyon, subalit siya ay tila nawalan ng respeto sa mga babae, matapos gamitin ang katawan ay tapos na. Sa mga ganitong usapan sana’y nariyan ang mga magulang na dapat gumabay sa kanilang mga anak, dahil sa kapabayaan ang halos lahat ng karapatan ng isang bata ay naipagkait sa kanila. Mga magulang na mas inuna pang gamutin ang sariling sugat kaysa asikasuhin at patahanin ang anak na humahagulhol na sa iyak sa sakit na nadarama.

INTOY SYOKOY

Embed Size (px)

DESCRIPTION

reaction paper about the story of intoy shokoy

Citation preview

Jhie Anne M. AustriaI-19 BSCIEPHYSI INTOY SYOKOY NG KALYE MARINONakalulungkot isipin na napakaraming kabataan ang sinasalamin ng mga pangunahing tauhan sa kwento. Mga batang lumaking walang gabay ng magulang, maagang nag babanat ng buto at nagtitinda ng sarili upang may mailaman sa tyan, mga batang napagkaitan ng karapatang mag-aral at nagiba ng landa sa dapat na tahakin.Si Intoy masipag, at taong masasabi mong may pangarap, mahusay siya sa kanyang larangan. Sa murang edad ay tumayo sya sa kanyang sariling paa, hindi man nabigyan ng edukasyong mula sa paaralan ay masasabi kong gusto niyang maging magaling sa kahit isang larangan man lang, ayaw niya ng minamaliit at pinagtatawanan katulad ng ginawa sa kanya ng mga kaibigan noong bata pa kayat ninais niyang punan ang dahilan kung bakit ito ginawa sa kanya upang hindi ng muling maulit ang nangyari na. Base sa aking nabasa, alam kong mahal niya si Doray, si Doray na tulad niya na sa murand edad ay nawalan ng magulang, ngunit si Doray ay isang kabataang nagging ina at ama sa sarilng mga kapatid, isinakripisyo ang sarili upang may maisubong pagkain.Si Berto naman ay tulad ng dalaway napagkaitan ng edukasyon, subalit siya ay tila nawalan ng respeto sa mga babae, matapos gamitin ang katawan ay tapos na.Sa mga ganitong usapan sanay nariyan ang mga magulang na dapat gumabay sa kanilang mga anak, dahil sa kapabayaan ang halos lahat ng karapatan ng isang bata ay naipagkait sa kanila. Mga magulang na mas inuna pang gamutin ang sariling sugat kaysa asikasuhin at patahanin ang anak na humahagulhol na sa iyak sa sakit na nadarama.