20
Ipagdiwang ang ika-18 taong pakikilahok ng batayang sektor Mahigit limang taon na pala Barangay Bottom-up Budgeting ILAN SA MGA NILALAMAN Bagong Social Contract, hamon sa susunod na administrasyon 12 9 1 BALITA, TINIG, AT GAWA NG BATAYANG SEKTOR NAPC.GOV.PH/BATINGAW ISYU 2: TAON 2016

Ipagdiwang ang ika-18 taong pakikilahok ng batayang sektor

Embed Size (px)

Citation preview

Ipagdiwang ang ika-18 taong pakikilahok ng batayang sektor

Mahigit limang taon na pala

Barangay Bottom-up Budgeting

ILAN SA MGA NILALAMAN

Bagong Social Contract, hamon sa susunod na administrasyon

1291

BALITA, TINIG, AT GAWA NG BATAYANG SEKTOR

NAPC.GOV.PH/BATINGAWISYU 2: TAON 2016

Mula sa Tanggapan ng Vice Chairperson para sa Batayang Sektor ng NAPC

Kumusta mga kasama? Kumusta ang mga katuwang nating organisasyon at mga ahensya sa pagsusulong ng mga programang tumutugon sa mga pangunahing usapin ng batayang sektor? Sana ay nabasa nila ang unang isyu ng Batingaw. Umaasa ako na kahit nahirapan tayo sa pagbubuo ng konsepto ng ating pahayagan, matagumpay nating nasimulan ang pagpapalaganap ng mahahalagang usaping isinusulong ng mga batayang sektor.

Naniniwala rin ako na sa pangalawang isyung ito, mas magiging mayaman ang mga kwentong halaw sa patuloy na pagpupunyagi ng ating mga kasaping organisasyon sa pakikipagbalikatan sa pamahalaan. Naninindigan tayong kailangang maipaunawa sa lahat na mahalagang bahagi sa paglutas ng kahirapan ay ang pagkilala sa paglahok ng mga mamamayan sa lahat ng antas; kabilang dito ang pagbalangkas at pagpapatupad ng planong pangkaunlaran at matinong pamamahala mula sa pambansa hanggang sa lokal na antas. Ipinakikita natin sa pahayagang ito na ang ating mga inihahaing panukala ay hindi kathang-isip lamang, kundi ang mga ito ay nakabatay sa aktwal na sitwasyon at pangangailangan. Mabuhay!

Ruperto “Ka Uper” B. Aleroza

Editorial BoardRuperto “Ka Uper” AlerozaNatividad BernardinoDanica CerenoNerissa LandichoStephanie TanAlice Raymundo

Layout and Graphic ArtistLuis De Vera

BALITA, TINIG, AT GAWA NG BATAYANG SEKTOR

Mga Sectoral Representative mula

2015 hanggang 2018 – (mula sa

kaliwa) Celia Flor, Josh Serilo, Ruperto

Aleroza, Edwin Bustillos, Deonato

Mokudef, Joy Garcia, Eduardo Mora,

Salvacion Basiano, Noel Cano, Rosalina

Funtanares, Gadwin Handumon, Ninian

Sumadia, Paul Paraguya, at Regina

Salvador-Antequisa.

BATINGAW 1ISYU 2: TAON 2016

Mahigit limang taon na palaNI JOEL ROCAMORA

Sa loob-loob ko, kahit ang mapangalahati lang ang bilang ng mahihirap, na siyang ipinangakong maabot ng Pilipinas sa ilalim ng Millenium Development Goals 2015, ay mahirap makamit. Tinanggap ko ang hamong ito nang bukas ang mga mata sa katotohanan na maraming kailangang bakahin – mula sa pagtotono ng mga programang kontra sa kahirapan ng iba’t-ibang ahensya hanggang sa pagbibigay-boses sa mga batayang sektor para sa mga patakaran at programang isinusulong nila.

Hindi sapat na maglagay lang ng pondo para sa mga programang kontra-kahirapan gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) lalo na’t ang gusto nitong lutasin ay ang kahirapang naipapasa ng mga magulang sa mga anak; pero buong puso kong sinuportahan ang programa. Ang 4Ps ay ambag sa kinabukasan – kailangan mapag-aral ang mahihirap dahil ito ang tsansa nilang makaangat ang buhay. Nais din nating mabawasan ang bilang ng mga namamatay dahil sa panganganak kaya’t kasama sa mga kondisyon sa 4Ps ang regular na pagpapatingin sa doktor ng mga buntis.

Hindi kaagad nito mababawasan ang mahihirap sapagkat ilang taon pa bago mapatapos ng pag-aaral ang mga kabataan, magkatrabaho ng maayos, at makatulong na maiahon ang pamilya sa kahirapan. Ganoon din, hindi direktang mababawasan ang mahihirap kung mababawasan ang mga namamatay sa panganganak; pero kailangang gawin ito para maging malusog ang mga ina at anak at mabawasan ang gastusin sa pagpapagamot sa hinaharap.

Pangmatagalan at maayos na kabuhayan ang sagot sa kahirapan. Natukoy natin ang mga mangingisda at magniniyog na nasa laylayan ng lipunan kaya’t sila ang pinagtuunan natin ng pansin. Hinikayat natin ang mga ahensyang maaaring magbuhos ng dagdag pondo para sa kanila – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Philippine Coconut Authority (PCA), Department of Agriculture (DA), at Department of Social Welfare and Development (DSWD) – upang maging lapat ang mga programa para sa mangingisda at magniniyog.

Kahit paano, nagbunga ang pagtataguyod nating mapondohan ang mga fish landing na pinakikinabangan ng maliliit na mangingisda lalo na matapos tumama ang bagyong Yolanda. Mahalaga ang fish landing upang matiyak na may madadaanan ang mangingisda papunta sa dagat kahit na may derektiba ang pamahalaan na alisin sila sa mapanganib

na lugar. Ang mga fish landing ay magiging sentro rin ng kanilang mga pangkabuhayang gawain, pagbabantay-dagat, at panimulang lunsaran sa pag-aayos ng bakawan.

Nasentro ang kampanya natin sa pagbawi ng coco levy sa pagtulong sa mga magniniyog na makapaghain ng panukalang batas na sila mismo ang sumulat at naghapag sa Konggreso. Sinuportahan natin ang martsa nila mula sa Davao hanggang Korte Suprema at Malacañang. Bunga nito, naglabas ang Pangulo ng Executive Order para magamit ang P71 bilyong pondo mula sa coco levy; subalit pansamantalang ipinatigil ng Korte Suprema ang pagpapatupad nito.

Pero may coco levy man o wala, itinulak natin ang Integrated Coconut Industry Development and Poverty Reduction Roadmap; gayunman, hindi naging kasingdali ang pagpopondo rito kagaya sa mga fish landing. Samantala, sinikap nating gawin ang roadmap sa pamamagitan ng Accelerated and Sustained Anti-Poverty Program (ASAPP) na itinulak natin sa Human Development and Poverty Reduction (HDPR) Cabinet Cluster. Nakatuwang natin sa pagpapatupad nito ang ilang lokal na pamahalaan at mga ahensya ng gobyerno. Ipinasok natin sa ASAPP ang ideya ng pagkakaroon ng sekundaryong sentro ng kaunlaran – mga bayan o siyudad na malaki ang potensyal na mahatak sa pag-unlad ang ekonomiya ng mga mahihirap na bayan sa paligid nito.

Inilako, pinayabong at pinaghusay natin ang People’s Plan para sa mga maralitang tagalunsod upang maging bahagi sila sa pagdedesisyon, pagdedesenyo, at pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan sa pabahay at relokasyon. Importanteng sangkap ng People’s Plan hindi lang ang istruktura ng bahay kung hindi pati tubig, kuryente, daan, malapit sa eskwelahan, at, higit sa lahat, trabaho.

Hinikayat nating lumahok ang batayang sektor sa paglalatag ng mga programang kontra-kahirapan sa kanilang pamayanan sa pamamagitan ng bottom-up budgeting (BUB). Masasabi kong natatanging ang administrasyon ni PNoy ang nagsikap na bigyang-lakas ang mga samahan ng mahihirap at mga non-government organization upang direktang makalahok at makialam sa pondo ng lokal na pamahalaan. Inaamin ko, marami pang kailangang pagsasanay sa diplomasya, pag-aaral ng proseso ng pagbabadyet, at negosasyon sa mga opisyales ng lokal na pamahalaan upang makamit ang mga programa at proyektong gustong itulak ng mga organisasyon ng mamamayan sa pamamagitan ng BUB.

Mahirap sugpuin ang kahirapan. Alam ko na kaagad ito nang tinanggap kong maging Kalihim ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa administrasyong Aquino noong ika-27 ng Setyembre 2010.

BATINGAW ISYU 2: TAON 20162

May mga iiwan tayong punla upang mas yumabong ang paglahok ng mga sektor. Sa pamamagitan ng Regional Basic Sector Coordinating Councils (RBSCC) na itinulak ng mga konseho sa NAPC, madadala nila sa antas ng rehiyon ang agenda ng mga sektor.

Marami tayong sama-samang nagawa. May maliliit na panalo subalit malaking bagay sa mga sektor. Mahaba ang listahan at kulang na ako sa espasyo. Pero ipinagmamalaki kong sa kauna-unahang pagkakataon, sa pamamagitan ng isang maayos na National Sectoral Assembly, nanggaling talaga sa batayang sektor, isang mangingisda, ang ating naging Vice Chairperson for Basic Sectors. Saludo ako sa iyo, Ka Uper Aleroza.

Isang bagay ang aaminin kong naging kakulangan natin. Kahit minsan, hindi napaunlakan ni PNoy na magkaroon ng en banc meeting ang NAPC. Sa totoo lang, sa ilalim ng RA 8425, hindi natin ito kailangang hilingin sa Pangulo; obligado siyang ipatawag ang NAPC en banc kada tatlong buwan upang marinig ang sitwasyon ng batayang sektor. Humihingi ako ng paumanhin at hindi natin ito nagawa. Subali’t sa aking palagay, nakapagbigay-daan naman tayo sa iba’t-ibang plataporma, kagaya ng BuB, partisipasyon at pagdadala ng agenda ng sektor sa HDPR, at ngayon ay sa RBSCC, upang kahit paano ay mapunuan ang kakulangang ito.

Nabawasan ba ang kahirapan? Hindi gaano. Nabigyan ba natin ng boses ang mahihirap? Sa palagay ko, kahit paano, nabigyan natin sila. Hindi lang simpleng boses kundi matalinong boses.

Mahigit limang taon na pala. Salamat sa inyong kooperasyon at, higit sa lahat, sa inyong pagtitiwala. Katuwang pa rin po ninyo ako sa pagsusulong ng adhikain upang maiangat sa kahirapan ang mga nasa laylayan ng lipunan, saan man ako mapadpad sa susunod na panahon.

Mabuhay ang batayang sektor!

Nabawasan ba ang kahirapan? Hindi gaano. Nabigyan ba natin ng boses ang mahihirap? Sa palagay ko, kahit paano, nabigyan natin sila. Hindi lang simpleng boses kundi matalinong boses.

BATINGAW 3ISYU 2: TAON 2016

“Kaya nang malaman namin ang desisyon ng Korte Suprema na aalisin ang mga kabahayan sa tabing-ilog sa Metro Manila, hindi na kami natakot kahit alam naming wala kaming matutuluyan dahil wala kaming sapat na pera para makabili ng lupa,” sabi ni Gng. Enriqueta Catayong o ‘Mommy Kits’. “Sa halip, ang agad naming naisip ay magbuo ng samahan; alam naming ‘pag nagkakanya-kanya kami, imposibleng malutas ang problema ng aming paninirahan,” dagdag ni Mommy Kits.

Noong Disyembre 8, 2008, naglabas ang Korte Suprema ng Writ of Mandamus na nag-uutos sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno na linisin at panatilihin ang kalidad ng tubig sa Manila Bay, ibang malalaking ilog at katubigan.

Nagbuklod-buklod ang 1,440 pamilya sa tabi ng Tullahan River at itinatag noong 2011 ang kooperatiba sa pabahay, ang Alyansa ng mga Maralita sa Valenzuela at Caloocan (AMVACA). Nakipagtulungan ang kooperatiba sa iba pang organisasyon tulad ng Kilos Maralita, Institute for Popular Democracy, at Institute for Philippine Cooperative & Social Enterprise Development gayundin sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) para isulong ang kanilang kahilingang pabahay sa ilalim ng administrasyong Aquino.

Matatandaang naglabas si PNoy ng Joint Memorandum Circular na nagpapatibay sa mga patakarang kumikilala sa karapatan at naglalatag ng alternatibong programa sa pabahay para sa mga maralitang komunidad.

Iginiit ng AMVACA na kailangang ihanda sa ililipat na komunidad (tinatawag na Social Preparation) at isali sila sa paggawa ng plano (tinatawag na People’s Plan) ng kanilang lilipatan. Kabaligtaran ito ng nakagawian sa maraming proyektong relokasyon ng pamahalaan kung saan basta inililipat ang mga maralitang pamilya sa mga lugar na malayo sa kanilang kabuhayan at madalas ay kulang o walang mga pasilidad at serbisyo tulad ng tubig, kuryente, eskwelahan, at iba pa.

Proyektong pabahay ng AMVACA, tagumpay sa pakikibaka ng maralitang tagalunsod

NI CRISTINA ROPEREZ-FERNANDEZ

Sanay na ang mga magka-kapitbahay sa tabi ng Tullahan River sa lungsod ng Valenzuela sa kalamidad. Hindi na mabibilang ang dinanas nilang baha at demolisyon na nagbubunga ng pagkawasak ng mga barong-barong, pagkawala ng maliit na kabuhayan, at pagkamatay ng ilan. Hindi na rin mabilang ang pagtangis ng mga ina habang humihingi ng tulong sa bawat sakunang dumaan at banta ng demolisyon.

Bunga ng mga pagsisikap ng AMVACA, masinop na naihanda ang komunidad malapit sa Tullahan River para sa pagtatayo ng pabahay at nabuo ang kanilang People’s Plan.

Ayon kay Ismael Alberio, pangulo ng AMVACA, “Mistula kaming mga inhenyero at arkitekto dahil ang disenyo ng aming subdibisyon na nakikita ninyo ngayon ay galing sa aming pinagsama-samang pangarap at drawing. Hiningi namin ang tulong ng isang developer upang lapatan ng plano sa pagpapatayo ang pangarap naming pamayanan.”

Para makabili ng lupa at maipatayo rito ang kanilang proyektong pabahay, nakautang sa Social Housing Finance Corporation ang AMVACA noong Enero 7, 2014. Sa ngayon ay tinatapos na ang kanilang pabahay at inaasahang makalilipat rito ang mga miyembro ng AMVACA sa Hulyo 2016.

Para kay Mommy Kits, “Naging malaking hamon sa kanila na ipagtagumpay ang kanilang People’s Plan dahil natatakot kaming ipatapon lamang sa kung saan-saan.” Dagdag pa niya, “Sinukat ang aming kakayahan sa maraming pagkakataon pero hindi kami sumuko. Dahil saksi kami sa masakit na karanasan ng mga kapwa namin maralitang napunta sa iba’t-ibang lugar pero nanatiling maralita dahil walang kabuhayan

Ilan sa 30 gusaling kabilang sa proyektong pabahay ng AMVACA sa

Ugong, Valenzuela City

ITINULOY SA P. 15

BATINGAW ISYU 2: TAON 20164

Mula sa 15.1 milyong pamilya sa buong bansa na naitala ng DSWD, 5.1 milyon ang kinilalang mahihirap na pamilya sa Listahanan 2. Lahat ng mahihirap na pamilyang ito ay awtomatikong myembro ng PhilHealth. Samantala, ang mga pamilyang may anak na edad 18 anyos o mas bata pa at/o may buntis na nanay ay magiging benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa unang Listahanan na inilunsad noong 2009, 5.2 milyong tahanan mula sa 10.9 na milyong sinarbey ang mahirap. Lahat sila ay nakatanggap ng libreng PhilHealth card, habang 4.2 milyon naman ang naging benepisyaryo ng 4Ps.

Isinagawa ang Listahanan 2 sarbey sa buong bansa noong 2015. Inalam dito ang kabuhayan, edukasyon, at lagay ng kalusugan ng mga myembro ng pamilya, pati na rin ang mga pagmamay-ari ng pamilya at kung natatamasa nila ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan. Batay sa mga impormasyong ito na sumusukat hindi lang sa aktwal na

kita ng pamilya, tinukoy kung sinu-sino ang mahihirap na pamilyang Pilipino. Ang ganitong paraan ng pagsukat ay napatunayang epektibong mekanismo para ituon ang suporta sa mga bansang malaki ang impormal na sektor katulad ng Chile, Colombia, at Mexico.

Tinutukoy rin ng Listahanan 2 ang halos ay mahihirap na pamilya o iyong kumikita ng mas mataas nang bahagya kaysa sa P8,393 kada buwan – ang minimum na kailangan para sa pagkain at iba pang batayang pangangailangan ng pamilyang may limang myembro. Bagama’t hindi pa itinuturing na mahirap sa kasalukuyan, sila ang mga pamilyang nanganganib mahulog sa kahirapan dahil sa hindi inaasahang sakuna, kalamidad, o pagkakasakit. Inaasahang sa pagpapalawak ng Listahanan upang mabilang maging ang mga pamilyang nanganganib maghirap, maisasali sila sa mga programa ng pamahalaang magpapalakas sa kanilang kakayahang makabawi sa mga hindi inaasahang unos o sakuna.

5.1 milyong mahihirap na pamilyang Pilipino, naitala sa Listahanan 2NI LIAN RIVERA

Inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang panibagong listahan ng mahihirap na pamilya noong Abril 5, 2016. Ang Listahanan, na dating kilala bilang National Household Targeting System for Poverty Reduction, ay tala ng mahihirap na pamilyang prayoridad gawing benepisyaryo sa ilang programa ng pamahalaan.

Bilang ng mahihirap na pamilya sa Listahanan 2

Pinaghalawan: DSWD, 2016

BATINGAW 5ISYU 2: TAON 2016

“Ano pa ba ang hinihingi ninyo, eh nakakaangat na nga ang kababaihang Pinay?”

WAGE Summit, idinaos ng NAPC GAD Committee at Women Sectoral CouncilNI BETH YANG

Iyan ang karaniwang tanong sa tuwing may usapan tungkol sa pagsulong ng karapatan at pagkapantay-pantay ng kababaihan at kalalakihan. Ang sagot: “MARAMI!”

Totoong kumpara sa ibang bansa, walang pasubaling mas maigi ang sitwasyon ng mga Pilipina; hindi rin maipagkakailang maraming problema at hamon pa ang kinakaharap ng kababaihang Pilipino. (Tingnan ang ilang datos sa ibaba.)

Sa pagtatapos ng administrasyon ni Pangulong Aquino, nararapat lamang na magdaos ng pagtatasa kung ano na ang naabot ng kababaihang Pilipina at magbalangkas ng bagong agenda para ihain sa bagong pamahalaan. Naaayon sa temang itinakda ng Philippine Commission on Women (PCW) para sa Buwan ng Kababaihan na “Kapakanan ni Juana, Isama sa Agenda,” idinaos ng NAPC Gender and Development Committee at Women Sectoral Council ang Women’s Action for Gender Equality, Peace and Development: Crafting the NAPC Basic Sectors’ Gender Equality and Women’s Human Rights Agenda 2016-2022. Ginanap ang pambansang asembliyang ito sa Sequoia Hotel sa Lungsod Quezon noong ika-9 hanggang 11 Marso, 2016.

Sa unang araw ng pagtitipon na dinaluhan ng 300 kalahok, naging panauhing tagapagsalita si Atty. Leni Robredo. Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni “Cong. Leni” ang kanyang karanasan sa pagtulong sa mga mahihirap at naaapi sa pag-angkin ng kanilang kapangyarihan at pag-aangat sa kanilang sitwasyon. Nahikayat ang mga organisadong grupo kagaya ng

Si Undersecretary Florencia Dorotan ng NAPC habang nagbibigay ng

mensahe sa Women’s Summit

mga batayang sektor ng NAPC na himukin ang mga walang pakialam na tumulong sa pagsulong ng pagbabago ng lipunan.

Sa pangalawang araw ng asembliya, humigit-kumulang 100 kalahok ang sama-samang nagnilay at nagpalitan ng kuro-kuro kung paano pa maaaring isakatuparan ang karapatan ng kababaihan. Ilan sa mga lumabas na panukala ay paigtingin pa ang pagpapatupad ng Magna Carta of Women at Responsible Parenthood and Reproductive Health Act; ipasa ang mga bagong batas kagaya ng Magna Carta of Workers in the Informal Economy at Decriminalization of Prostitution; at maayos at responsableng pagtustos sa Gender and Development (GAD) Budget.

Ang partisipasyon sa paggawa ng mga kalalakihan na edad labinlimang taon pataas, samantalang 49.8% lamang ang sa kababaihan, at mas maliit ang sahod na natatanggap ng babaeng manggagawa kumpara sa lalaki sa larangan ng business process outsourcing (BPO) at gawaing bahay o domestic work.

Dulot ng kahirapan at kakulangan ng oportunidad sa loob ng bansa, maraming Pilipinong manggagawa ang napilitang magtrabaho sa labas ng bansa. 50-60% sa kanila ay mga babaeng pumapasok sa uri ng trabahong mababa ang sahod at delikado sa kanilang personal na kaligtasan.

Sa usapin ng kalusugan ng kababaihan, walang pagbabago sa bilang ng mga babaeng namamatay dahil sa panganganak: 230/100,000 live births, ayon sa ulat ng United Nations Population Fund (UNFPA), State of the World Population 2008. Isa ito sa mga pinakamataas na bilang sa buong mundo at malayo sa target ng 2015 Millenium Development Goals.

Ilang datos tungkol sa kababaihang Pilipino

78.1% 50-60% 230/100,000

BATINGAW ISYU 2: TAON 20166

Karanasan sa ICFP, nilagom sa isang kumperensya

“Ipagpatuloy at ipalaganap ang mga programang nasimulan natin upang wakasan ang kagutuman at malnutrisyon ng kabataang Pilipino sa buong bansa.”

Ito ang pahayag ni Jose Eliseo Rocamora, Kalihim ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa “2016 Summing Up and Command Conference ” ng Integrated Community Food Production (ICFP) Program noong Marso 16-17, 2016 sa Lungsod ng Cebu.

Nagtagpo-tagpo sa naturang kumperensya ang lahat nang sangkot sa NAPC mula sa lokal hanggang sa pambansang antas kabilang ang mga regional at provincial focal person ng Bottom-up Budgeting, mga regional coordinator at technical consultant ng ICFP, mga myembro ng Regional Basic Sector Coordinating Council (RBSCC), at mga kinatawan ng sektor. Layunin ng kumperensya na pag-isahin ang mga dumalo sa kanilang tungkulin sa pagpapatupad ng programa ng NAPC tulad ng Integrated Community Food Production Program (ICFP) at Citizens’ Led Monitoring Program (CLMP); kumalap ng mungkahi paano mapahuhusay ang mga ginagamit na batayan sa pagsubaybay at pag-uulat sa naturang mga programa; maibahagi ang mga kuwento ng tagumpay sa pagpapatupad ng mga programa; at mapangasiwaan nang mahusay ang mga gagawin sa hinaharap.

Isa sa mga programa ng NAPC ang ICFP sa ilalim ng BuB na layuning tugunan ang kakulangan ng masustansyang pagkain at ang malnutrisyon ng mga kabataang Pilipino sa pamamagitan ng pagtulong sa mahihirap na pamilya at mga komunidad na magtanim ng prutas at gulay at mag-alaga ng mga hayop. Nais din ng programa na may pagkukunan ng pagkain ang mahihirap lalo na sa panahon ng kalamidad at kaguluhan.

Para ilarawang mabuti at ipadama sa mga kalahok ang iba’t-ibang bahagi ng ICFP, nagkaroon ng Techno Tour – nagtalaga ng mga “istasyon.” Ipinakikita sa unang apat na istasyon ang pagpapalaki ng mga hayop tulad ng kambing, baboy, at baka, pagtatanim ng mga gulay sa mga kabahayan sa lungsod, pagkolekta ng mga binhi, pagpapalaganap ng mga halaman, at organikong pataba at natural na pagsasaka. Sa bawat istasyon, may ekspertong panauhin na nagpapaliwanag at ipinasusubok sa mga delegado kung paano gawin sa kani-kanilang mga bahay at komunidad ang iba’t-ibang teknolohiya.

Sa apat pang istasyon, ipinaliliwanag ang iba pang programa at serbisyo ng NAPC kabilang ang Citizens’ Led Monitoring Program, Rapid Community-Based Monitoring System, BuB Grievance and Redress Mechanism, Local Convergence Platforms at RBSCC. Ipinakita at tinalakay kung aling mga rehiyon, probinsya, at bayan na ang naserbisyuhan.

Positibo ang reaksyon ng mga sumali sa Techno Tour dahil nakapagbigay ito ng dagdag na kaalaman sa malaking pagpupulong sa malikhaing pamamaraan.

Si Ka Uper Aleroza, Vice Chairperson para sa

Batayang Sektor ng NAPC, habang nagbibigay

ng pambungad na pananalita sa 2016

Summing Up and Command Conference.

NI PERIGINE CAYADONG

BATINGAW 7ISYU 2: TAON 2016

Ang Integrated Community Food Production (ICFP) ay programang naglalayong makadagdag sa produksyon ng masustansiyang pagkain, mabawasan ang malnutrisyon ng mga kabataang Pilipino, at maibsan ang kagu-tuman sa bansa.

ICFP:

Sa ICFP, hinihikayat ang mahihirap na pamilya na sila mismo ang gumawa ng kahit maliit na taniman sa kanilang bakuran at mag-alaga ng mga halaman at hayop na p’wedeng kainin. Bukod sa nagbibigay ng dagdag na pagkain, maaari ring magbigay ito ng dagdag na kita sa mga pamilya kung may sobrang ani na maibebenta. Nagiging mahalaga ang dagdag na pagkain at kita lalo na sa panahon ng kalamidad, kaguluhan, at kagipitan.

May iba’t-ibang bahagi ang ICFP – taniman sa bakuran, taniman sa pamayanan, at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng manok at kambing. Kung gusto ng mga magsasaka at iba pang mamamayan, tinuturuan din sila kung paano gumawa ng palaisdaan.

Ang taniman sa pamayanan o community garden ay nagsisilbing tagatustos ng mga binhi at punla na galing sa o itinanim ng mismong mga benepisyaryo. Ito ang paraan para lumago at tuluy-tuloy ang suplay ng mga itatanim na p’wedeng ibigay sa iba pang pamilyang lalahok sa programa.

Ang mga kalahok sa programa ay tinuturuang magplano at binibigyan ng pagsasanay sa pagtatanim ng gulay at prutas,

pag-aalaga ng manok, at paggamit ng bulate para makagawa ng mga organikong pataba.

Nakaugnay ang ICFP sa programang Bottom-up Budgeting (BuB). Sa BuB, hinihikayat ang mga opisyal ng bayan, mga ahensya ng gobyerno, at mahihirap na sektor na ipatupad ang ICFP. Binibigyan ng pondo ng pambansang pamahalaan ang mga munisipyo para magtayo ng mga gulayan at prutasan sa mga bakuran o sa barangay. Ang lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng bubuuin nitong ICFP Team, ang namumuno sa pagsusulong ng ICFP.

Nakikipag-ugnayan ang ICFP Team, sa pangunguna ng alkalde ng bayan o lungsod sa National Anti-Poverty Commission (NAPC), para maumpisahan ang proyekto at makapagbigay ng oryentasyon at mga pagsasanay sa mga benepisyaryo. Para magtagumpay ang ICFP, mahalaga ang pagtutulungan ng pamahalaang bayan at barangay at ng mamamayan.

Sa ngayon, ipinatutupad ang ICFP sa 401 bayan sa buong bansa at nakikitang masigla ang pagtanggap at paglahok rito ng mga mamamayan.

Taniman sa pamayanan sa Talavera, Nueva EcijaTaniman sa bakuran sa Janiuay, Iloilo

Lumilikha ng pagkain sa tahanan at pamayanan

NI JOY APAG

BATINGAW ISYU 2: TAON 20168

The killing of three and injuring of more than 100 farmers could have been avoided if pertinent laws were implemented and government resources utilized timely and effectively to address the impact of climate change.

With the benefit of a hindsight now, we reflect on what the government could have done to avoid the Kidapawan incident. Following are some of the crucial measures:

Local governments should have used its power to use the Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Fund to address the impact of the disaster;

The El Niño Task Force, headed by the National Economic Development Authority (NEDA), which prepared the Roadmap to Address the Impact of El Nino (RAIN), should have ensured the roadmap was implemented and the budget released timely; and

The national, regional, and local DRRM Councils should have given enough attention to PAG-ASA warning on El Niño as early as mid-2015, made use of its resources to help mitigate the drought’s impact, prepared the farmers and communities, and provided humanitarian assistance immediately.

El Niño, a slow-onset hazard, should have been easier to address than rapid-onset hazards like earthquake, typhoons, and flashfloods with functional and effective DRRM Councils and humanitarian system.

In view of this, the National Anti-Poverty Commission-Victims of Disasters and Calamities (NAPC-VDC), a member of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), strongly proposes an amendment to the Implementing Rules and Regulations (IRR) and in the sunset review of the RA 10121 or the DRRM Law to provide for greater accountability mechanism to ensure timely, effective, and rights-based humanitarian response to communities during disasters. Both government and stakeholders should be more accountable in disaster risk reduction management and governance. Citizens should be given greater participation.

Greater accountability to reduce disaster impactBY REGINA ANTEQUISA

The violent dispersal of about 3,000 farmers who barricaded the Davao-Cotabato Highway in Kidapawan City on April 1, 2016 could have been prevented if humanitarian response to drought-affected communities was delivered early enough. The farmers were demanding government assistance because they have not planted and are going hungry because of the dry spell.

OPINYON

NAPC-VDC also demands justice for hungry farmers who were denied their rights twice –first, when government failed to provide support timely and, second, when they were dispersed violently; those responsible for the Kidapawan shooting should be made liable.

I appreciate the immediate response and conduct of probe of the Commission on Human Rights, but it seems the issue has been swallowed by election issues. Now that the election is over, it is high time for the people to know the results of the investigation and the government response.

The Department of Social Welfare and Development reported to have distributed humanitarian assistance. It would be helpful if the agency can provide information such as the amount released, how the assistance was distributed, and the number of families assisted, which sectors they belong, and if they are satisfied with the government response.

Regina Antequisa, NAPC Sectoral Representative for the Victims

of Disasters and Calamities, discusses the need to engage local

governments in a dialogue with El Niño-affected sectors in Cotabato

province on May 25, 2016.

CONTINUED TO PAGE 9

BATINGAW 9ISYU 2: TAON 2016

Barangay Bottom-up BudgetingNI LEI LANDICHO

Layon ng programa na pasiglahin ang pamamahala sa barangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon na makasali hindi lang ang pamahalaang barangay, kung hindi pati ang iba’t-ibang organisasyon ng mamamayan sa pagtutukoy, pagpapatupad, at pagmomonitor ng mga programa at proyekto.

Kung susuportahan ng papasok na administrasyon at ng Konggreso, ang BBuB ay inaasahang magagawa sa lahat ng 42,036 barangay sa bansa kapag inihanda ang badyet na ihahain ng Presidente saKonggreso sa 2019.

Para sa unang taon ng pagpapatupad ng BBuB, pipiliin ang humigit-kumulang 12,000 barangay na papasa sa mga pamantayang itatakda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Budget and Management (DBM). Kabilang sa mga pamantayan ang kakayahan sa pamumuno at sa pagpapatupad ng programang barangay.

Titiyaking patas ang proseso sa pagpili ng mga barangay, hindi pumapanig sa anumang partido pulitikal o adyenda. Sa ilalim ng BBuB, tatanggap ang bawat barangay ng isang milyong piso para sa pagpapatupad ng isa hanggang dalawang proyekto. Alinsunod sa Local Government Code, maglulunsad

ang bawat barangay ng asembliya para piliin ang mga proyektong ipatutupad mula sa mga inihain ng Barangay Development Council (BDC). Magkakaroon ng kinatawan ang mga batayang sektor sa asembliya at sa BDC; sa ganito, matitiyak na may boses at boto ang mga organisadong mahihirap sa pagpaplano at pagbabadyet.

Bilang bahagi ng Technical Working Group na tutulong sa pagsisimula ng BBuB, ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretariat at mga batayang sektor ay hinihiling ng BuB Executive Committee na tumulong sa pagsubaybay sa implementasyon at pagtugon sa mga reklamo. Para magampanan ito, itatalaga ang mga piling staff at volunteer ng NAPC para magsilbing mata at tenga sa implementasyon ng BBuB at ang Office of the Vice Chairperson for the Basic Sectors naman ang mamumuno sa National Grievance Redress Committee para sa BuB sa mga barangay, bayan at lungsod.

Ang pagkakaroon ng tungkulin at responsibilidad ng batayang sektor sa pagpaplano at pagbabadyet sa barangay ay iilan lamang sa mga isinusulong na reporma ng NAPC para mapalawak ang representasyon sa mga programang pamahalaan.

Ang Barangay Bottom-up Budgeting (BBuB), ang pinakahuling reporma sa larangan ng pagbabadyet ng administrasyong Aquino, ay sisimulan kapag binuo ang badyet para sa 2017.

Planting season is coming. The public wants to know if the Department of Agriculture is ready to give the necessary support to affected farmers and if it has precise data to serve as basis in providing assistance for the effective recovery and rehabilitation of affected farms.

The Kidapawan incident showed the ineffective implementation of the DRRM law by the LGUs. It would serve future disaster response of the government to know how many local governments declared a State of Calamity in their

respective areas and used 30 percent of their DRRM Fund in response to El Nino.

The Kidapawan incident should be an eye-opener for the Climate Change Commission, local governments, and national government agencies on the need to immediately make use of the PhP2 billion People’s Survival Fund to help mitigate and help communities adapt to the impact of climate change. Certainly, the Fund should help communities affected by El Niño.

GREATER ACCOUNTABILITY FROM PAGE 8

BATINGAW ISYU 2: TAON 201610

Ang RBSCC ang pinakabagong mekanismo ng NAPC upang magkaroon ng kinatawan ang mga konseho ng batayang sektor sa mga lokal na kapulungang binubuo ng iba’t-ibang ahensya, lokal na pamahalaan, at sektor o local convergence platforms sa mga rehiyon kagaya ng Regional at Local Development Councils. Ang RBSCC ay binubuo ng mga myembro ng mga konseho ng batayang sektor sa NAPC, mga kasaping ahensya ng NAPC sa pambansa at panrehiyong antas, at mga kaalyadong organisasyon ng mamamayan sa rehiyon.

Ayon kay Ruperto Aleroza, ang Vice Chairperson ng NAPC para sa Batayang Sektor, “Ang RBSCC ay pagbibigay-hugis at pangalan sa mga myembro ng konseho sa mga rehiyon na matagal nang kumikilos upang iabante ang adyenda ng kani-kanilang sektor. Lalong pinatitibay ng RBSCC ang balikatan ng mga batayang sektor at lokal na pamahalaan na ginagawa na ngayon sa pambansang antas.”

Layunin din ng RBSCC na magkaroon ng lokal na mekanismo ang mga batayang sektor katulad ng kung ano ang mayroon sa pambansang antas katulad ng Technical Action Officers-Technical Working Group (TAO-TWG) kung saan nagtitipon ang mga Technical Action Officers ng iba’t-ibang kasaping ahensya ng NAPC para pag-usapan kung paano lulutasin o susuportahan ang mga adyenda ng mga sektor.

Sa pamamagitan ng RBSCC, itatatag ang Regional Technical Action Officers-Technical Working Group (RTAO-TWG) na bubuuin ng mga kinatawan ng mga panrehiyong ahensyang katuwang ng NAPC.

Ang RTAO-TWG, alinsunod sa patakarang inilabas ni Joel Rocamora, Kalihim ng NAPC, ang magsisilbing sentro ng pag-uugnayan ng mga sektor at mga ahensya para tugunan ang mga pangangailangan ng batayang sektor. Ang mga panrehiyong ahensya ng pamahalaan ay magtatalaga ng kani-kanilang tauhan o focal person na uupo sa RTAO-TWG.

“Ang pangunahing tungkulin ng NAPC ay siguraduhing magkaroon ng makahulugang partisipasyon ang mga batayang sektor sa pagpapababa ng antas ng kahirapan. Sa pamamagitan ng RBSCC, mas mararamdaman ang pagkakaroon ng kapangyarihan ng batayang sektor,” ayon kay Rocamora.

Pinamumunuan ng tanggapan ng Vice Chairperson para sa Batayang Sektor ng NAPC ang pagbubuo ng RBSCC. Naganap ang unang pagtitipon ng mga RBSCC sa First Pacific Leadership Academy sa Antipolo, Rizal noong Pebrero 17, 2016.

NI ANGELA GARCHITORENA

RBSCC: Dagdag na pagbibigay-kapangyarihan sa mga batayang sektor

Iba’t-ibang lokal na adyendang magsusulong sa kapakanan ng batayang sektor sa 17 rehiyon ang naging tampok nang muling magsasama-sama ang mga myembro ng mga konseho ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) para itatag ang Regional Basic Sector Coordinating Council o RBSCC.

BATINGAW 11ISYU 2: TAON 2016

“If agencies and local governments are monitoring the implementation of the Bottom–up Budgeting, why still conduct the Citizen-Led Monitoring Program?”

Monitoring by the people: the Citizen-Led Monitoring ProgramBY MAUREEN BALABA

This is the usual remark from various stakeholders on the Citizen-Led Monitoring Program (CLMP).

CLMP is a complementary program to the Bottom–up Budgeting (BuB) implemented by the National Anti-Poverty Commission (NAPC). It provides civil society organizations, communities, government agencies, and local governments, with a platform to monitor government projects.

While it is true that some national government agencies and government units already have monitoring work involving civil society organizations, CLMP aims to make people’s participation in governance even broader; it also takes into consideration the results of monitoring of other government units and agencies.

CLMP goes beyond tracking program and project execution and checking accomplishments against targets including, among others, the amount of funds downloaded, project completion rate, good practices, and challenges. CLMP puts citizens, regardless whether they are direct beneficiaries of the programs or not, in the governance process through volunteer work.

Technical consultants capacitate volunteers through training, coaching, mentoring, and actual exposure to monitoring work.

CLMP is considered an independent monitoring of government project and program implementation, even as it involves coordination with local governments and national agencies, because of the central role of citizens in the monitoring process.

Through their involvement in the monitoring process, volunteers get a better insight on government planning, budgeting, and program implementation and develop better attitude and practices on monitoring government programs and projects. CLMP aims to develop among the volunteers a healthy balance between claiming their rights and fulfilling their responsibilities as citizens; hopefully, they will also develop better skills in negotiating and dealing with the government. CLMP hopes the direct experience of volunteers in monitoring will inspire more citizens to involve actively in governance and poverty-reduction initiatives.

Bottom-up Budgeting, one of the social reform strategies of the Aquino administration, gives people a chance to participate actively not only in government planning and budgeting but also in project monitoring and evaluation. Towards this, BuB requires the holding of CSO assemblies and the Local Poverty Reduction Action Planning before local plans can be accepted by the people and the government.

CLMP Capability Development Training held in Naga City

Construction of Babag–4 road in Lapaz, Santiago,

Agusan del Norte

BATINGAW ISYU 2: TAON 201612

Dumalo sa pagtitipon ang mahigit 1,000 lider kabilang ang mga pinuno ng mga organisasyon ng mga matatanda, may kapansanan, maralitang tagalunsod, mga propesor at guro, mass media, kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno, at mga myembro ng 14 na konseho ng batayang sektor.

Nabuo ang Bagong Social Contract mula sa pagsusuri ng mga sektor kung ano ang mga nagawa at hindi nagawa ng administrasyong Aquino sa plataporma nito na may pamagat na “A Social Contract with the Filipino People.” Nasa Bagong Social Contract ang mga panukalang patakaran sa larangan ng repormang pang-ekonomiya, panlipunang proteksyon, kabuhayan at hanapbuhay, pagbabago ng klima, repormang pampulitika, at kapayapaan.

Ang Vice Chairperson ng NAPC para sa mga Batayang Sektor, si Ruperto Aleroza, ang naglahad ng nilalaman ng Bagong Social Contract. Hinamon niya ang susunod na administrasyon na isulong ang mga nasimulang reporma, aksyunan ang mga rekomendasyon at magpatawag ng regular na pulong ng NAPC en banc kasama ang mga kinatawan ng mga batayang sektor at myembro ng Gabinete. Kabilang sa mga panukala ng batayang sektor ang sumusunod:

Sa usapin ng repormang pang-ekonomiya – tapusin ang komprehensibong repormang agraryo, ipasa ang mga batas tulad ng Coconut Farmers Trust Fund, National Land Use Act, Security of Tenure Law, Alternative Mining Law; paunlarin ang industriya ng pangingisda, at ireporma ang Philippine Coconut Authority;

Sa larangan ng panlipunang proteksyon – dagdagan ang pensyon ng SSS, palawakin ang sakop ng PhilHealth at ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), programang edukasyon tungkol sa reproductive health, isabatas ang anti-corporal punishment o ang pananakit sa mga bata, mag-organisa ng mga kooperatiba at mga palipunang kabuhayan (social enterprise), at ireporma ang National Housing Authority;

Sa usapin ng kabuhayan at hanapbuhay – maglaan ng karampatang badyet para sa imprastraktura at pabahay, programa para sa mga sekondaryang bayan at palibot ng

siyudad, ipatupad ang Accessibility Law (Batas Pambansa 344) at ang Executive Order 417 (kabuhayan at trabaho para sa mga may kapansanan), paggawa ng road map para sa sektor ng industriya, at pagpapatuloy ng Accelerated and Sustained Approach to Poverty Reduction (ASAPP);

Kaugnay ng pagbabago sa klima – magpatupad ng komprehensibong programa para mabawasan ang panganib at makaangkop sa pagbabago ng klima; paghusayin ang National Greening Program; ipasa ang batas para sa mga Internally Displaced Persons; at ipatupad ang People’s Survival Fund Law (RA 10174) at Renewable Energy Act (RA 9513);

Repormang pampulitika – ipagpatuloy ang Bottom-Up Budgeting (BuB) at isabatas ang Freedom of Information Bill at Anti-dynasty Bill; at

Sa usaping pangkapayapaan – muling buhayin at tapusin ang prosesong pangkapayapaan, ipasa ang Bangsamoro Basic Law, kilalanin at protektahan ang karapatan ng katutubong mamamayan sa kanilang lupaing ninuno; at lutasin ang mga kasong may kaugnayan sa hustisya.

Bagong Social Contract, hamon sa susunod na administrasyonNI ALAIN RAYMUNDO

Nasa Bagong Social Contract ang mga panukalang patakaran sa larangan ng repormang pang-ekonomiya, panlipunang proteksyon, kabuhayan at hanapbuhay, pagbabago ng klima, repormang pampulitika, at kapayapaan.

Ipinakita ng 14 na Konseho ng Batayang Sektor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang kanilang lakas sa paglulunsad ng kanilang panukala sa susunod na administrasyon – “Ang Bagong Social Contract: Panawagan para lubusin ang mga nasimulang reporma” – sa Bahay ng Alumni, Unibersidad ng Pilipinas, Lungsod Quezon noong Pebrero 17, 2016.

BATINGAW 13ISYU 2: TAON 2016

“Maglaan ng malaking pondo para sa mga proyekto at programa tulad ng pabahay, edukasyon, kabuhayan, at kalusugan at magtayo ng mga sangay ng pamahalaan sa mga liblib na lugar para mas mapalapit at maging abot-kamay ng mamamayan ang mga serbisyo-publiko.”

—Ma. Ericka Quilos,bata

“Konsultahin ang batayang

sektor upang makalikha ng mga

patakarang makatao at maka-

mahirap at pulungin ang Legislative

Executive Development Advisory

Council (LEDAC) upang mailatag

niya ang mga prayoridad na

panukalang batas na dapat ipasa sa

ilalim ng kanyang administrasyon

tulad ng Security of Tenure, reporma

sa pagbubuwis, at pagtataguyod

sa kapakanan at karapatan ng

mamamayan.”—Dan Laserna,manggagawa

“Bilang presidente, mag-ingat siya sa mga salitang binibigkas. Sugpuin ang kriminalidad sa bansa kabilang na ang paglaganap ng droga, nakawan, kidnapping, holdapan. Solusyunan ang malubhang trapiko. Dagdagan ang mga sahod ng mga pulis at mga empleyado para maiwasan ang pagnanakaw. Irespeto ang bawat Pilipino.”

—Chit Guerrero,senior citizen

“Unahin ang mga tulong sa agrikultura na tinamaan ng El Niño. Bigyan ng libreng crop insurance ang magsasaka, tutukan ang Bottom-up Budgeting at pahusayin ang 4Ps.”

—Joselito Tambalo,magsasaka

“Ibigay ang pamamahala ng mga electric cooperative sa Cooperative Development Authority, hindi sa National Electrification Administration (NEA), at gawing departamento ang CDA.”

—Ramon Reandelar,kooperatiba

“Magkaroon siya ng adviser

tungkol sa disability inclusion at

papanagutin ang lahat nang hindi

sumusunod sa pagpapatupad ng

Accessibility Law.”—Abner Manlapaz,

may kapansanan

“Konsultahin at tugunan ang mga agenda ng 14 na batayang sektor. Bigyan ng kapangyarihan ang batayang sektor ng NAPC, pondohan ang pag-oorganisa nila hanggang barangay para makatulong sa paggawa ng mahahalagang patakaran na totoong ipapatupad. Kapag nagawa ito, masisiguro ang pagtugon at pagsugpo sa kahirapan.” ”

—Mayfourth Luneta,biktima ng kalamidad

“Maglabas ng mga pambansang kautusan para imbestigahan ang katiwalian sa programa at pondo sa pabahay, ipagamit sa pabahay ng maralitang tagalunsod ang mga lupain ng pamahalaan, iulat ang pagpapatupad ng 20 porsyentong balanced housing, magsumite ang mga Local Housing Board ng plano sa pabahay batay sa plano ng mamamayan, ipagbawal ang demolisyon kung walang relokasyon, at isabatas ang Freedom of Information Bill.”

—Eulito “Jojo” Goloran,maralitang tagalunsod

“Ang dapat niyang gawin para sa mga mangingisda ay maglabas ng Executive Order para gawing department na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.”

—Annabelle Echavez,mangingisda

TANONG AT SAGOT

Tinanong ang ilang kasapi ng mga Sectoral Council ng National Anti-Poverty Commission – “kung tagapayo o adviser ka ni President Duterte, ano sa tingin mo ang dapat niyang gawin sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan?” Narito ang sagot nila.

“Pagtuunan ng pansin ang mga naiwang problema ng dating administrasyon – trapiko, MRT at LRT, at kagutuman. Lumikha ng trabahong disente at dapat hindi lang nakasentro sa malalaking siyudad ang mga industriya. Bigyan ng sapat na subsidyo ang agrikultura at ipahinto ang mga minahan sa bansa na nagdudulot ng mga sakuna.”

– Ernesto Prieto,manggagawa sa impormal na sektor

BATINGAW ISYU 2: TAON 201614

Sektor ng kooperatiba, suportado ang fish landing

Fisherfolk resettlement, mapopondohan na

May 22 baybaying bayan sa buong bansa ang makakasama sa implementasyon ng Bottom-up Budgeting (BuB) sa 2017. Dahil dito, tinatayang may 118 milyong pisong ilalaan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Local Government Support Fund para ipatupad ang mga inaprubahang programa sa ilalim ng BuB. Pangangasiwaan ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang implementasyon at maglalabas ng gabay sa pagpapatupad ng programa.

Malaking bagay na magkakapondo ang mga lokal na pamahalaan para ipambili ng lupa na maaaring paglipatan sa maliliit na mangingisdang nasa mapanganib na lugar ang tahanan. Ang kakulangan ng pondo ang itinuturong pangunahing dahilan kung bakit marami sa mga panukalang lilipatang bahay ng mga mangingisda ang hindi naitatayo.

Inaasahang sa pamamagitan ng BUB ay mapopondohan ang pagbili ng lupa at pag-oorganisa sa mga ililipat na mangingisda sa Sta. Ana, Cagayan; Limay, Bataan; Sasmuan, Pampanga; Calatagan, Mataas na Kahoy, at Sta. Teresita, Batangas; Jalajala, Rizal; Buenavista at Gasan sa Marinduque; Linapacan, Palawan; Mercedes, Camarines Norte; Calabanga at Pasacao sa Camarines Sur; Baclayon, Bohol; Magsaysay, Misamis Oriental; Hagonoy, Davao del Sur; Kiamba, Maasim at Maitum sa Saranggani; General Santos City, South Cotabato; Socorro, Surigao del Norte; at, Cantilan, Surigao Del Sur.

Kabataan, lumahok sa Youth Parliament

Sampung kinatawan ng Youth and Student Sector ng National Anti-Poverty Commission ang lumahok sa 11th Youth Parliament na inilunsad ng National Youth Commission noong Hunyo 4, 2016 sa Iloilo City.

Ang Youth Parliament ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na ibahagi ang kanilang galing sa paggawa ng batas at sa pagsusulong ng mga adyendang pangkabataan.

KWENTONG KONSEHO Lalamanin ng bahaging ito ang mga aktibidad, kampanya, at iba pang balita mula sa 14 na konseho ng batayang sektor ng National Anti-Poverty Commission (NAPC).

Tiniyak ng Sektor ng Kooperatiba ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) ang suporta nito sa maliliit na mangingisda sa porum na inilunsad nito tungkol sa Community Fish Landing Center (CFLC) sa Antipolo City noong Pebrero 19, 2016.

Ang CFLC ay bahagi ng programang Targeted Actions to Reduce Poverty and Generate Economic Transformation in the Fishery Sector (TARGET) ng Department of Agriculture. Layunin nitong tumulong na mabawasan ang nasasayang na huli ng maliliit na mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaroon nang maayos na lugar na maaaring pagbentahan ng mga de-kalidad na produktong-dagat. Magkakatuwang itong ipinatutupad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Philippine Fisheries Development Authority, at NAPC.

Tinalakay ng CFLC Project Management Team ng NAPC kung paano inoorganisa ang maliliit na mangingisda para maihanda sila sa pamamahala ng mga fish landing at ang kahalagahan ng suporta at pakikipagtulungan sa iba pang sektor.

Bilang tugon, tiniyak ng Sektor ng Kooperatiba ang suporta nito sa CFLC lalo na sa paggabay sa maliliit na mangingisda kung paano magtatagal ang operasyon ng mga fish landing. Sisimulan muna sa 15 lugar ang pagtutulungang ito ng sektor ng kooperatiba at mangingisda para subukan kung magtatagumpay at mapapanatili ang paggamit sa fish landing.

Dumalo sa porum ang may 50 katao kabilang ang mula sa mga pamantasan, ahensya ng gobyerno, non-government organization, at sektor ng kooperatiba.

Porum tungkol sa fish landing na inilunsad ng sektor ng kooperatiba

sa Antipolo City noong Pebrero 19, 2016.

Si Ninian Sumadia, kinatawan ng sektor ng kabataan sa NAPC,

habang naghahapag ng panukalang batas sa 11th Youth Parliament

BATINGAW 15ISYU 2: TAON 2016

Caravan para sa Sangguniang Kabataan Reform, umandar

Matapos ipasa ng Konggreso ang Sangguniang Kabataan Reform Law noong Enero 15, 2016, naglunsad ang Youth and Student Sector ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) at ang Center for Youth Advocacy and Networking ng Sangguniang Kabataan Caravan sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Tinalakay sa caravan ang tampok na bahagi ng batas na itinuturing na kauna-unahang batas laban sa mga political dynasty – ang pagbabawal na tumakbo para sa posisyon sa pamahalaan ang sinumang kamag-anak, hanggang sa ikalawang antas ng ugnayan, ng opisyal ng gobyerno.

Kasabay nito, hinimok ang mga kabataan na aktibong lumahok sa mapayapang halalan.

Ilan sa mga lugar na dinaanan ng caravan ang Maynila, Quezon City, Nueva Ecija, Dagupan, Isabela, Cagayan, Baguio, Davao, Siquijor, General Santos, at Zamboanga City.

Bukod sa caravan, patuloy ang aktibong paglahok ng sektor sa pagbubuo ng SK Reform Implementing Rules and Regulations (IRR). Sa ngayon, aprubado na ng Department

of the Interior and Local Government (DILG) na isama sa IRR ang resolusyon ng Youth and Student Sector Coucil ng NAPC na nananawagan sa National Youth Commission at DILG na palawakin ang Republic Act 3871 para obligahin ang pagsasama ng mga kinatawan ng kabataang katutubo sa konseho ng Sangguniang Kabataan. Inaasahang maglabas ng gabay ang DILG at National Commission on Indigenous Peoples para maipatupad ito.

Ika-12 taon ng Women with Disabilities Day, ipinagdiwang

May 400 kinatawan mula sa iba’t-ibang organisasyon ng mga may kapansanan, lokal na pamahalaan, pambansang ahensya ng gobyerno, at mga civil society organization ang lumahok sa pagdiriwang ng ika-12 taon ng Women with Disabilities Day na isinagawa noong Marso 30, 2016 sa Occupational Safety and Health Center, Agham Road, Diliman, Quezon City. Naging tema ng okasyon ang “Kapakanan at Karapatan ni Juanang May Kapansanan, Isama sa Plano ng Bayan.”

Layunin ng pagdiriwang na ipalaganap ang pakikilahok ng mga kababaihang may kapansanan sa pamamahala at isama ang kanilang mga adhikain sa pangkalahatang plano ng gobyerno para sa pag-unlad. Tinalakay dito ang iba’t-ibang usapin at karanasan ng mga kababaihang may kapansanan kaugnay ng disaster risk reduction and management at sexual and reproductive health.

Ang National Working Committee (NWC), na binubuo ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at pinamunuan ng Persons with Disabilities Sectoral Council ng National Anti-Poverty Commission, ang nanguna sa paghahanda para sa pagdiriwang.

Base sa 2010 Census of Population and Housing, mayroong humigit kumulang 710,000 kababaihang may kapansanan sa Pilipinas.

Mga panukalang batas para sa ika-17 Konggreso, binuo ng mga kababaihan

Dumalo ang mga kasapi ng NAPC Women Sectoral Council (NAPC-WSC) sa konsultasyon sa Visayas noong Abril 14, 2016 at sa Mindanao noong Abril 21, 2016 na pinangunahan ng Philippine Commission on Women. Napagkaisahan sa mga konsultasyong ito ang 11 panukalang batas na isusulong ng mga kababaihan sa ika-17 Konggreso, na magbubukas sa Hulyo 2016, kabilang ang Anti-Rape Law, pagpapalawak ng Anti-Sexual Harassment at pagpapawalang-bisa sa Article 247 ng Revised Penal Code. Pinagtibay rin ang pagsusulong sa pag-aamyenda o pagpapawalang-bisa sa mga batas na naglalaman ng diskriminasyon laban sa kababaihan.

Bahagi ng SK Reform caravan sa Bataan at Antique

sa kanilang nilipatan.” Para kay Mommy Kits, walang kwenta ang tirahan kung walang hanap-buhay.

Sa National Housing Summit na inilunsad ng AMVACA noong Abril 4, 2016, buong pagmamalaking sinabi ni G. Alberio na, “Ang People’s Plan ay sagot sa nakakabagot na problema ng kawalang katiyakan sa paninirahan dahil ang mismong pamayanan ang gumuhit ng sariling plano para sa kanilang bahay at kabuhayan.” Ayon kay Alberio, “Ang puhunan lang ng mahihirap ay disiplina, tiyaga, pagsisikap, at, higit sa lahat, ang tiwala ng pamahalaan na may magagawa kami.”

AMVACA, MULA SA P. 3

BATINGAW ISYU 2: TAON 201616

Kikomachine Manix Abrera

Naglunsad ang National Urban Poor Sector Council (NUPSC) ng kumperensya sa Luzon at sa Mindanao para pagkaisahin ang mga maralitang tagalunsod sa usapin ng panlipunang pabahay.

Pinagkaisahan sa naturang kumperensya ang walong programa at 13 pangunahing adyenda. (Tingnan ang tala sa kanang bahagi ng pahina.) Sinimulan din sa naturang mga kumperensya ang pagbubuo ng National Urban Poor Organization (NUPO) na siyang magsusulong sa napagkaisahang programa at agenda ng maralitang tagalunsod sa buong bansa.

Ginanap ang unang kumperensya sa General Santos City noong Marso

30, 2016 at dinaluhan ng mahigit 100 lider ng maralitang tagalunsod mula sa General Santos, Zamboanga, Marbel, Cotabato, Cagayan de Oro, Butuan, Davao, at iba pang siyudad sa Mindanao. Ang ikalawang kumperensya ay ginanap sa Naga City noong Abril 16 at dinaluhan nang mahigit 150 lider ng maralitang tagalunsod mula sa lahat ng rehiyon sa Luzon maliban sa Metro Manila.

Naisagawa ng NUPSC ang mga kumperensya sa tulong ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Nakatakdang isagawa ang mga kumperensya sa National Capital Region at sa Visayas sa Hulyo 2016.

Maralitang tagalunsod, nagkaisa sa usapin ng panlipunang pabahay

Walong programang pinagkaisahan sa mga kumperensya ng maralitang tagalunsod:1. Paglahok sa mabuting pamamahala;2. Pagpapaunlad at pagbibigay-

kapangyarihan sa mamamayan;;3. Pamamahagi ng mga produktibong

yaman at pangangalap ng rekurso;4. Proteksyong panlipunan at mga

batayang serbisyo;5. Hanapbuhay at kabuhayan;6. Mga usaping apektado ang

maraming sektor;7. Pagpapahusay ng organisasyon at

institusyon; at8. Pangangasiwa sa pagbabawas ng

peligro mula sa mga kalamidad (o disaster risk reduction management) at pag-angkop sa nagbabagong klima.

Ikalawang kumperensya ng mga lider ng maralitang tagalunsod sa

Mindanao na ginanap sa General Santos City nong Marso 30, 2016.

Lumahok sa kumperensya sa Luzon si Mayor Johan Bongat ng Naga

City, Atty. Aris Pitapit mula sa opisina ni Cong. Leni Robredo, Bb.

Dada dela Rosa, Executive Director ng Naga City People’s Council,

at Dick Balderama ng Partnership of Philippine Support Service

Agencies (PHILSSA).

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18)Magkakasa ka ng rally sa EDSA pero kakaunti lang ang pupunta. Huwag mabahala, dadami sila kapag

uwian na ng mga empleyado at estudyante. Malulula ka.Maswerteng pagkakataon: Wala nang traffic pag-uwi mo.

ARIES (Marso 21 – Abril 19)Makakayanan mo pa ring bayaran ang mataas na presyo ng mga bilihin kaya nasasabik kang

mamalengke pero hindi mo na ito magagawa dahil pupunta ka sa isang rally. Isuot ang pinakabagong tsinelas.Maswerteng pagkakataon: Magkakaroon ka na ng jacket na may kasamang cellphone.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)Makakapulot ka ng tiket sa tren, ang MRT Beep Card, kaya lutas na ang kakulangan mo ng

pamasahe. Kaso hindi mo ito magagamit; mahaba ang pila sa MRT kasi may rally sa EDSA.Maswerteng pagkakataon: Ipalalabas ang istorya ng buhay mo

sa “Maalaala Mo Kaya.”

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20)Magagalak ka dahil nanalo na ang napusuan

mong kandidato, kaso marami kang nakaaway sa Facebook. Sa sobrang tuwa mo, magpapasimuno ka ng aktibidad na “Friendship Renewal Day” na plano mong gawin sa EDSA.Maswerteng pagkakataon: Kumampi na sa kandidato mo ang mga nakaaway mo. Nanghingi pa sila ng paumanhin at ililibre ka pa ng meryenda.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 20)Kagaya ng mga lumba-lumbang nakikipaglaro sa alon, makikipaglaro ka rin.

Maswerteng pagkakataon: Mananalo ka at ipambibili mo ito ng MRT Beep Card.

CANCER (Hunyo 21 – Hulyo 22)Papasok na ang La Niña. Sisimulan ka nang lamigin kahit hindi ka pa tapos pawisan sa El Niño.

Maghanap ng makapal na jacket.Maswerteng pagkakataon: Mapipili ka sa mga manonood ng Wowowin!

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)Magbibigay ka ng opinyon sa mga walang puknat na isyung kumakalat sa paligid. Maaari kang mauhaw

kaya magbaon ng tubig.Maswerteng pagkakataon Makakarinig ka ng talumpating puno ng cheche bureche pero maniniwala ka pa rin.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)Marami ang hahanga sa iyong makatotohanang talumpati sa isang rally. Wala itong kuskos

-balungos at deretso punto per punto. Para ka lamang nagkukwento sa mga batang ayaw matulog. Magdala ng reserbang megaphone kung sakaling hindi bigyan ng suplay ng kuryente.Maswerteng pagkakataon: May magtatanong sa iyo pero sasagutin mo lang ng “Oo, pero with reservations.”

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 22)Aatasan kang pamunuan ang pampasiglang bilang sa isang pagtitipon sa EDSA. Mag-aalangan ka

dahil mag-isa ka lamang, pero bibigyan ka ng dalawang makakasama. Makakaisip na lang kayong magsayaw.Maswerteng pagkakataon: Sisikat kayo at mababansagang “Tatlong Bibe.” #QuackQuackQuack

SCORPIO (Oktubre 23 – Nobyembre 21)Hindi sinuwerte ang napusuan mong kandidato. Ilang araw kang maiinis at hindi mapapakali.

Susubukan kang aliwin ng iyong mga kaibigan, pakakainin ka ng masarap na meryenda.Maswerteng pagkakataon: Maiimbitahan ka sa isang rally.

SAGUITTARIUS (Nov. 22 – Dec. 21)Sa mga susunod na araw, maghahanap ang iyong panlasa ng maalat na matamis-tamis na pagkain.

Hindi mapipigilan ang sariling kumain nito kahit nagdidyeta ka pa.Maswerteng pagkakataon: Pansit ang pakain sa pupuntahan mong rally.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19)May makakakwentuhan ka tungkol sa pagbabago. Pabago-bago kayo ng paksa pero ang sasabihin

mo, “change is constant.” Ang sagot niya ay “kumporme sa pagbabago, may pagbabagong ganito, may pagbabagong ganyan pero higit sa lahat, change is coming!”Maswerteng pagkakataon: Patutugtugin sa radyo ang awitin ni Randy Santiago na, “At hindi magbabago ang gusto ng puso ko... mananatili ka at hindi magbabago.”

Hula Birani Madam Ming Su

BATINGAW 17ISYU 2: TAON 2016

KATHANG ISIP

Nilimbag ngOffice of the Vice Chairperson for the Basic Sectors (OVCBS)National Anti-Poverty CommissionOffice of the President of the Republic of the Philippines

Para sa mga puna at mungkahi, maaaring tumawag sa (02) 426-5028 o summulat sa [email protected].