33
GPRN 2016-KIHF-064 Dalaklat para sa mga Magulang na Walang Kustodiya Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya ‘Suportang Pang-anak’ at ‘Pagbisita’

Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

  • Upload
    others

  • View
    20

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

GPRN 2016-KIHF-064

Dalaklat para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

‘Suportang Pang-anak’ at ‘Pagbisita’

Page 2: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Paunang salita Karapat-dapat ang lahat ng bata sa pagmamahal at atensyon mula sa kanilang mga magulang. Totoo pa rin ito sa mga anak ng mga magulang na diborsiyado at hindi na nagsasama o mga bata sa anumang kasunduan sa pagtira. May mga bagay na nakakasakit sa mga anak ng mga diborsiyadong magulang higit sa katotohanan ng kanilang paghihiwalay. Ilan sa mga ito ang mga magulang na patuloy na nag-aaway kahit pagkatapos ng paghihiwalay, isang amang tuluyang naglaho sa kanilang mga buhay at isang inang hindi sila binibisita kahit kailan. Maaaring maharap ang ilang mga bata sa pinansiyal na paghihirap maging sa buhay ng labis na paghihikahos kapag bigong magbayad ang isang magulang na walang kustodiya ng suportang pang-anak, o mapabayaan kapag kailangang mag-overtime ng magulang na may kustodiya o kumuha ng maraming trabaho upang kumita nang sapat para masuportahan sila. May mga paraan para maiparamdam ng mga magulang na walang kustodiya na nandiyan sila para sa kanilang mga anak kahit hindi na sila nakatira sa iisang bahay. Ang mga ito ay ang regular na pagbisita sa kanila at pagbibigay ng suportang pinansiyal para matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Sa pamamagitan ng regular na pagbisita sa kanila at pakikipag-usap sa kanila sa telepono, dapat ipanatag ng mga magulang na walang kustodiya ang kalooban ng kanilang mga anak nang sa gayo’y hindi nila maramdaman na inabandona sila at maramdaman nilang mahal pa rin sila. Tinatawag itong “pagbisita.” Ang mga batang nakakatanggap ng madalas na pagbisita ay lumalaking mga tinedyer at mga dalaga’t binatang may emosyonal na katatagan. Bukod dito, dapat pasanin ng magulang na walang kustodiya ang responsibilidad para sa isang bahagi man lamang ng gastos sa pag-aalaga sa bata upang masigurong nakakatanggap siya ng sapat na nutrisyon at mayroong disenteng kapaligirang paninirahan. Ang mga buwanang bayad na ibinibigay ng mga magulang na walang kustodiya upang magarantiyahan ang pinansiyal na seguridad para sa kanilang mga anak ay kilala bilang “suportang pang-anak.” Nilalayon ng suportang pang-anak na tustusan ang mga pangunahing gastusin sa pamumuhay ng bata. Sa pamamagitan ng suportang pang-anak at madalas na pagbisita, lumalahok ang mga magulang na walang kustodiya sa pagpapalaki ng kanilang mga anak. Tinutulungan ng Ahensiya ng Suportang Pang-anak ang mga diborsiyadong magulang na alagaan ang kanilang mga anak sa iba’t ibang paraan, kabilang ang pagpapatupad ng mga obligasyong suportang pang-anak at serbisyong pagbisita.

Page 3: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

(Mga Nilalaman)

Page 4: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Mga Responsibilidad ng Mga Magulang na Walang Kustodiya

Suportang Pinansiyal

Ang ‘Suportang Pang-anak’ ay ang ‘Kubdulang Tungkulin’ ng Pag-aalaga ng isang Magulang.

Page 5: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Kapag nagdiborsiyo ang mga magulang, pinaghatian ang mga ari-

arian, at tumira sa magkahiwalay na sambahayan, magkakaroon ito ng negatibong epekto sa kanilang kakayahang magbigay ng suportang

pang-anak. Diniditermina ang pamantayang pamumuhay ng mga anak ng mga diborsiyadong magulang ayon sa halaga ng suportang pang-anak na

ibinibigay ng mga magulang na walang kustodiya. Maaaring bumaba ang kanilang pamantayang pamumuhay kapag nabigong magbigay

ng suportang pang-anak.

Page 6: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Mga Maling Pagkaunawa Tungkol sa Suportang Pang-anak Ang Suportang Pang-anak ay Pera para sa Dating Asawa. Maaaring isipin ng iba na ang suportang pang-anak na binabayaran nila ay gagastusin ng isa pang magulang para sa kanyang sarili imbes na para sa bata. Ang suportang pang-anak ay hindi sustento para sa magulang na may kustodiya, kundi nilalayong tustusan ang mga pangunahing gastusing pamumuhay ng isang bata, na katumbas ng pinakamababang halagang kinakailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng bata. Dahil madalas na kaakibat ng diborsiyo ang pagkamuhi sa dating asawa, paminsa’y ayaw magbayad ng suportang pang-anak ang isang magulang na walang kustodiya o hinihingan niya ang magulang na may kustodiya ng mga sumusuportang dokumento upang maipaliwanag ang mga gastusin bilang kondisyon ng pagbabayad. Nguni’t hindi lamang sinasalamin ng halaga ng suportang pang-anak ang gastos sa pag-aaral, kundi isinasaalang-alang rin ang ginagawa ng magulang na may kustodiya para alagaan ang mga anak pati na rin pagkain at mga damit, na hindi palaging madaling kuwentahin. At saka, walang hinihinging mga sumusuportang dokumento ang batas para sa mga halagang nabibilang sa mga halagang isinaad sa Patnubay na Talahanayan ng Pagkalkula ng Suportang Pang-anak (inilathala ng Korteng Pampamilya ng Seoul bilang mga patnubay). Hindi kailanman solusyon ang hindi pagbabayad ng suportang pang-anak gaano man ito nakakatukso sa sandaling iyon. Maaari itong humantong sa pagkakaroon ng malaking bayarin kabilang ang mga naipong dating bayarin, na maaaring maging malaking pasaning pinansiyal. Ganito ang nangyayari kahit na hindi humiling sa umpisa ang magulang na may kustodiya ng pagbabayad ng suportang pang-anak. Ito ang dahilan kung bakit importanteng ugaliing magbayad kada buwan ng suportang pang-anak. Kahit sa kaso kung saan nagkasundo ang dalawang magulang na huwag magbayad o tumanggap ng suportang pang-anak, maaaring hilingin ito ng magulang na may kustodiya kahit kailan. Ito ay sa kadahilanang ang pagbabayad ng suportang pang-anak ay isang obligasyon ng kahit sinong magulang. Dagdag pa rito, ang suportang pang-anak ay isang obligasyong pinansiyal na may kaunahan na dapat tugunan ng isang magulang na walang kustodiya bago ang anupamang mga gastusin. Sinasabi ng ilang mga magulang na walang kustodiya na magbabayad sila kung may matirang pera pagkatapos nilang bayaran ang kanilang mga gastusin. Nguni’t inoobliga ang mga magulang na walang kustodiya na tugunan muna ang obligasyong suportang pang-anak, kung kinakailangan, sa pamamagitan ng pag-sasaayos ng kanilang iba pang mga gastusin. Dapat din silang magplano nang maaga nang sa gayo’y patuloy nilang matugunan ang obligasyong ito kahit magkaproblema sila sa pera. Hindi nililibre ng pag-aasawang muli ang isang magulang sa obligasyong suportang pang-anak. Ang muling pag-aasawa ng kahit sino sa mga magulang ay nauuwi paminsan sa mga sigalot na may kinalaman sa suportang pang-anak. Inihihinto ng ilang mga magulang na walang kustodiya ang kanilang pagbabayad ng suportang pang-anak kapag nag-asawa silang muli at kumokontra ang kanilang bagong asawa, o dahil nag-asawa nang muli ang magulang na may kustodiya, ipinapalagay na hindi na niya kakailanganin ang suportang pang-anak. Maaaring magdulot ng pinsalang hindi na maitatama sa mga anak ang kawalan o kakulangan ng suportang pinansiyal mula sa mga magulang na walang kustodiya, at maaapektuhan ang kanilang pag-aaral, katatagang emosyonal pati na rin ang pagbuo ng mga kaugalian. Kaya naman mahalaga ang pagbabayad ng suportang pang-anak para sa kapakanan ng mga anak.

Page 7: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

“Ano ang Suportang Pang-anak?” Tinutustusan ng suportang pang-anak ang mga pangunahing gastusing pamumuhay ng bata. Ito ang perang binabayaran ng magulang na walang kustodiya na hindi kasama ang kanyang mga anak sa bahay sa magulang na may kustodiya upang suportahan ang kanilang mga pangangailangan. Maaaring magbago ang halaga ng suportang pang-anak. Hindi pinalalampas o kinakalimutan ang mga bayaring suportang pang-anak kahit sumasasilalim ang magulang na walang kustodiya sa pamamaraan sa pagkalugi o pagbabalangkas muli ng utang.

Page 8: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Paano Masisiguro ang Maayos na Pagbabayad ng Suportang Pang-anak?

Ang pagbabayad ng suportang pang-anak ay isang paraan ng paghahayag ng interes sa iyong anak.

Ang suportang pang-anak ay ang perang binabayaran upang masustentuhan ang mga pangangailangan ng iyong anak. Dahil sa pinsalang emosyonal na natamo sa proseso ng diborsiyo at ang ibinubungang kawalan ng tiwala para sa mga magulang na may kustodiya, nag-aalangan ang ilang mga magulang na walang kustodiya na magbayad ng suportang pang-anak. Madalas silang magduda na ang perang ito na nakalaan para sa kanilang mga anak ay gagamitin sa halip ng isa pang magulang upang tugunan ang kanyang sariling mga pangangailangan. Nguni’t dapat tandaan ng mga magulang na walang kustodiya ang isang bagay: ang suportang pang-anak ang “pinakamababang gastusing pamumuhay” na kinakailangan ng kanilang mga anak upang magkaroon sila ng sustansiya, makapag-aral at magsagawa ng normal na mga gawaing pang-araw-araw. Sinasaktan lamang ng sinumang mga magulang na walang kustodiya na pinipiling huwag magbayad ng suportang pang-anak ang kanilang sariling mga anak.

Dapat magbayad ng sapat na halaga nang regular, kada buwan.

Dapat magbayad ng sapat na halaga ng suportang pang-anak. May mga pagkakataon kung saan maaaring pagpasiyahan ng mga nagdidiborsiyong magulang ang halaga ng suportang pang-anak nang walang maingat na pagsasaalang-alang at malalaman nila kalaunan na ang halaga ay higit sa kanilang kakayahang magbayad. Kapag pinagpapasiyahan ang halaga ng suportang pang-anak, dapat siguruhin ng mga magulang na ito ay ayon sa kanilang kakayahang pinansiyal at sapat at kasya upang tustusan ang kanilang parte sa mga pangunahing gastusing pamumuhay ng kanilang mga anak.

Importante ring bayaran ang halagang ito nang regular. Pinapahintulutan ng mga regular na pagbabayad ang magulang na may kustodiya na magplano nang maaga para sa pangangalaga ng anak. Maaaring sabihin ng ilang mga magulang na walang kustodiya sa kanilang sarili: “Wala akong pera para diyan sa ngayon. Babawi na lng ako sa susunod.” Nguni’t hindi makakapaghintay ang pagbabayad ng suportang pang-anak. Dapat na itong bayaran ngayon at nang regular.

Maaaring magkaroon ng napakalaking negatibong epekto sa pagpapalaki sa bata pati na rin sa kanyang emosyonal na pag-unlad at pagbuo ng mga kaugalian ang pinansiyal na paghihirap dahil sa kawalan ng pera upang tustusan ang mga pangunahing gastusin. Dapat iwasan ng mga magulang na walang kustodiya ang mga sitwasyon kung saan hindi sila makapagbayad ng suportang pang-anak gustuhin man nila sa pamamagitan ng pagpaplano para sa panahon ng tagsalat.

Ang suportang pang-anak ay hindi kabayaran kapalit ng pagbisita.

Hindi nakakondisyon ang pagbabayad ng suportang pang-anak sa mga karapatang pagbisita. Hindi madalang ang kaso ng magulang na may kustodiya na ipinagkakait sa magulang na walang kustodiya ang kanyang mga karapatang pagbisita sa kagustuhang parusahan siya. Sa mga gayong kaso, tumutugon ang ilang mga magulang na walang kustodiya sa pamamagitan ng pag-ipit ng pagbabayad ng suportang pang-anak. O ikokondisyon nila ang pagbabayad sa pagpayag muli ng magulang na may kustodiya na bisitahin nila ang kanilang mga anak.

Gayunpaman, dapat maging malinaw sa lahat ng mga magulang na walang kustodiya na ang suportang pang-anak ay hindi kabayaran kapalit ng pagbisita. Ang pagbabayad ng suportang pang-anak ang kubdulang tungkulin ng suporta ng isang magulang upang masiguro ang malusog na paglaki at pag-unlad ng kanyang mga anak. Kung ikaw ay isang magulang na walang kustodiya na pinagkaitan ng karapatang pagbisita, ang pinakamainam na hakbang ay ang magbayad muna ng suportang pang-anak at saka hingin ang kooperasyon ng magulang na may kustodiya para sa pagbisita.

Page 9: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Mga Responsibilidad ng Mga Magulang na Walang Kustodiya

Suportang Emosyonal

Ang ‘Pagbisita’ ay isa ring ‘Kubdulang Tungkulin’ ng Pag-aalaga ng isang Magulang.

Page 10: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

‘Magulang’ pa rin ang mga ‘magulang na walang kustodiya’ at palalakihin nila ang kanilang mga anak kasama ang mga magulang na may kustodiya sa pamamagitan ng pagbisita.

Page 11: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Kailangan ng bata ng patuloy na atensyon mula sa parehong magulang upang maging umunlad. Sa pamamagitan ng pagbisita, mas makakalahok ang mga magulang na walang kustodiya sa mga buhay ng kanilang mga anak. Mas emosyonal na matatag ang mga batang lumalaki sa ilalim ng mga magulang na nag-uusap nang maayos kaysa mga batang lumalaki sa ilalim ng mga magulang na nagdududa sa isa’t isa at may tensyonadong ugnayan. Nagdudulot ng sikolohikal na dahok ang diborsiyo ng mga magulang sa mga anak, na paminsa’y nagrerebelde sa pamamagitan ng hindi pagpasok sa paaralan. Maaari silang magpakita ng handulong sa mga magulang o, sa kabilang banda, kumilos nang mapagsanggalang sa kanila. Kapag patuloy na nagbabangayan ang mga magulang pagkatapos ng isang mapait na diborsiyo, nagiging malumbay at walang sigla ang mga mga anak. Kung pagkatapos ng diborsiyo, tuluyan nang puputulin ng isang magulang ang ugnayan sa bata, maaaring magkaroon ito ng partikular na nakakapinsalang epekto sa kanyang paglaki at maaari siyang mawalan ng katatagang emosyonal at maging agresibo pagtanda. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang mapanatili ang emosyonal na pagkakaugnay sa pagitan ng isang magulang at anak kahit pagkatapos ng diborsiyo. Ang pagbisita ang syia mismong nakakatulong mapanatili ang emosyonal na pagkakaugnay sa pagitan ng isang magulang na walang kustodiya at anak. Pinakainteresado ang mga anak na malaman kung ‘makikita pa ba nila’ ang ‘magulang na walang kustodiya.’ Paminsan, sinusubukang parusahan ng mga magulang na may kustodiya ang mga magulang na walang kustodiya para sa hindi pagbabayad ng suportang pang-anak sa pamamagitan ng pagkakait sa kanilang makabisita. Gayunpaman, pag ginawa iyon, para na ring pinarusahan ang sariling anak sa pamamagitan ng pagbabalewala kung gaano ka-importante sa kanyang malaman ang patuloy na interes sa kanya ng isa pang magulang at kung gaano siya nangungulila sa isa pa niyang magulang. Ilang mga magulang na walang kustodiya na hindi makapagbayad ng suportang pang-anak ang hindi makapangahas na gamitin ang kanilang karapatang pagbisita at pinipigilan ang kanilang pagnanais na makita ang mga anak. Maaari namang magalit ang mga anak, dahil wala silang kamalay-malay kung ano talaga ang nararamdaman ng magulang na walang kustodiya, sa kanya dahil itinuturing nila ang hindi pagbisita bilang hindi pagtanggap. Kapag patuloy na hindi kinilala ang pangungulila ng bata sa magulang na walang kustodiya na hindi niya kasama sa bahay, maaaring lumitaw ang galit na nararamdaman niya, kahit na hindi masyadong halata sa murang edad kung saan wala pa siyang magawa at masunurin pa siya, kapag nalampasan na niya ang panahon ng pagbibinata/pagdadalaga. Maaaring maglayas ang ilang mga bata at ang iba nama’y maaaring masangkot sa mga delingkwenteng pag-uugali. Maaari pa ngang saktan ng mga anak ang mga magulang gamit ang pisikal na karahasan. Maaari ring maging sobrang malungkutin ang mga mahiyaing bata. Dapat sikapin ng mga diborsiyadong magulang na malampasan ang pagkamuhing maaaring nararamdaman nila para sa kanilang mga dating asawa upang maiwasang magdulot ng karagdagang trauma sa kanilang mga anak na nakaranas na ng pinsalang emosyonal mula sa karanasan ng paghihiwalay. Responsable ba ang anak para sa diborsiyo ng kanyang mga magulang? Dapat ba’y pinigilan niya ang diborsiyo? Hindi kailanman kasalanan ng anak ang desisyon ng mga magulang na magdiborsiyo.

Page 12: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Mga Bagay na Dapat Isaalang-alang Kapag Pinag-iisipan ang Diborsiyo

Pagpapasya kung kaninong magulang titira ang anak

Kapag nagdidiborsiyo ang mga magulang, maaaring makonsiyensiya ang bata, dahil iniisip niyang kahit papaano’y siya ang naging dahilan ng diborsiyo, o maramdaman niyang inabandona siya. Samakatuwid, napakaimportante para sa mga magulang na bawasan hangga’t maaari ang parehong mga kaguluhang emosyonal at mga kaguluhan sa kanyang kapaligirang pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang kung ano ang nararamdaman ng anak at mga ugnayan niya sa dalawang magulang, kailangang pagpasyahan kung kanino siya titira; sa madaling salita, ang pagpapasya kung sino sa kanila ang magkakaroon ng legal na kustodiya at kung sino ang magkakaroon ng pisikal na kustodiya sa bata. Kailangang pagplanuhang maigi ang diborsiyo sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang sa sitwasyon ng anak.

Iskedyul ng pagbisita ng mga magulang na walang kustodiya, kabilang ang oras at lugar ng

pagbisita

Kung pagkatapos ng diborsiyo, dahil sa hindi magandang ugnayan sa pagitan ng mga magulang, hindi maaaring makita ng anak ang magulang na walang kustodiya, makakaranas ang anak ng emosyonal na pagkakait na dulot ng nasabing paghihiwalay. Hindi ibig sabihin na mas mabuting magulang ang magulang na may kustodiya kaysa sa isa pang magulang. Kahit malayo sa pagiging perpekto ang magulang na walang kustodiya bilang magulang o tao, mas magandang nakakasama ng bata ang parehong mga magulang. Kahit na tila may pagkukulang ang isang magulang sa tingin ng isa pang magulang bilang kapareha, maaari pa rin siyang maging mabuting magulang para sa anak. Dagdag pa rito, may mahalagang epektong nakakapagpatatag sa anak kapag nakakasama niya ang parehong mga magulang. Nag-aalala ang ilan sa mga magulang na matututuhan ng kanilang mga anak ang mga negatibong pag-uugali ng isa pang magulang (sa katunayan, mas may posibilidad na makuha ng mga anak ang mga negatibong pag-uugali mula sa magulang na may kustodiya). Gayunpaman, mas matatalino ang mga bata kaysa iniisip ng mga matatanda. Habang napagdadaanan nila ang iba’t ibang karanasan, nababatid nila ang mabuti sa masama. Gayunpaman, sa kaso ng magulang na walang kustodiya na emosyonal at pisikal na mapang-abuso, kailangang gawin ang lahat ng kinakailangang hakbang upang maiwasan ang pagbisita.

Pagkakasundo sa pamamaraan ng pagbabayad ng suportang pang-anak

Nilalayon ng suportang pang-anak na makatulong sa pagtustos ng mga pangunahing gastusing pamumuhay ng bata, at hindi ito kabayaran sa magulang na may kustodiya para sa sariling personal na gamit. Ang pamantayan ng pamumuhay ng isang bata ay nakadepende nang malaki sa halaga ng suportang pang-anak na ibinabayad ng magulang na walang kustodiya. Importanteng bawasan hangga’t maaari ang mga kaguluhang pinansiyal na mararanasan ng bata dulot ng diborsiyo ng mga magulang. Upang maiwasang maramdaman ng anak na pinabayaan na siya ng isa sa mga magulang pagdating sa pinansiyal, dapat bayaran ang sapat na halaga ng suporta kada buwan, sa itinakdang petsa, bago pa man ang iba pang mga gastusin.

Page 13: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Mga Bagay na Dapat Isaalang-alang Pagkatapos ng Diborsiyo, Patungkol sa mga Anak

Gusto kong ilihim ang diborsiyo sa aking mga anak.

Bagama’t karaniwang kaganapan na sa buhay ang diborsiyo, mas gustong ilihim iyon ng ilang tao. Kapag sinubukan mong ilihim ang iyong diborsiyo sa iyong anak, iisipin niyang ito ay dahil kahiya-hiya kahit papaano. Dahil dito’y magiging isang nilalang na kabahagi sa isang kahiya-hiyang bagay sa buhay mo ang anak mo.

Nguni’t, talaga bang isang kahiya-hiyang bagay lamang ang diborsiyo? Hindi ba mas kahiya-hiya ang pagdudulot ng emosyonal na pagkabalisa at dalamhati sa mga anak sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaway at pagbabangayan sa kapareha? Hindi katulad ng ugnayang mag-asawa na nagtatapos sa diborsiyo, hindi apektado ang pagkakaugnay ng magulang at anak. Kapag nangyari ang diborsiyo, pinakamainam na aminin ito ng mga magulang. Ipaalam mo sa iyong mga anak kung anong nangyari at ipanatag ang kalooban nila sa pamamagitan ng pangangakong patuloy silang mamahalin ni Nanay at Tatay gaya ng dati at bibisitahin sila ng magulang na hindi na nila makakasama sa bahay.

Isipin na lamang kung ano ang mararamdaman ng isang batang walang kamalay-malay sa diborsiyo ng mga

magulang kapag bigla na lamang mawawala sa buhay niya ang isa sa mga magulang niya. Mararamdaman ng anak na inabandona siya at masasaktan at maaari rin niyang sisihin ang sarili niya sa pagkawala ng isa sa mga magulang. Mangangamba ang anak na baka hindi na siya kailanman balikan para makita ng magulang na umalis. Labis na nakakabalisa ito para sa bata at maaaring mag-iwan ng mga pangmatagalang emosyonal na pilat sa kanya. Ang diborsiyo ay isang katotohanan ng buhay. Pagkatapos ng isang diborsiyo, dapat sikapin ng magulang na walang kustodiya na patuloy na makita ang anak sa pamamagitan ng pagbisita para sa kanyang kapakanan, kahit na hindi ito madali paminsan. Kapag madalas na binibisita ang mga anak ng magulang na walang kustodiya, bagama’t makakaranas sila ng emosyonal na pakikibaka sa mga unang dalawa o tatlong taon, sa katapusan ng apat o anim na taon, magiging kasingtatag sila ng mga anak mula sa mga pamilyang walang karanasan sa diborsiyo at paghihiwalay.

Kung napagpasyahan ang diborsiyo sa pamamagitan ng maingat na pagninilay-nilay at nangyari nang sibilisado, at kung bukas ang mga magulang tungkol sa sakit at lungkot na kasunod at sisikaping makaya ang mga iyon kasama ng mga anak, ang panahong ito ng mga pagsubok ay maaaring maging isang karanasan sa buhay na makakapagpalaki at makakapagpagbigay sa kanila ng wastong pag-iisip.

Para sa mga bata, wala nang sasahol pa sa diborsiyo.

Para sa mga anak, sadyang mas masahol pa sa diborsiyo ang tensiyonadong pagsasama ng mag-asawa na pinapalala ng madalas na sigalot. Dagdag pa rito, ang emosyonal na pagtitimpi at ang respetong ipinapakita ng mga magulang sa isa’t isa sa proseso ng diborsiyo at pagkatapos ng diborsiyo ay mahahalagang salik kung paano makakaya ng mga anak ang sitwasyon. Kapag sinisiraan mo ang isa pang magulang sa harap ng iyong anak, mapapaisip siya ng ganito: ‘Ang kalahati ko ay masama …’ o ‘Nagdudulot lamang ako ng problema sa mga magulang ko. Sana hindi na lang ako ipinanganak….’ Hindi iminumungkahi na puwersahin mo ang sarili mong mag-imbento at magsabi ng mga positibong bagay tungkol sa isa pang magulang. Kung wala rin lamang masasabing maganda tungkol sa isa pang magulang, pinakamabuting iwasang magkuwento tungkol sa kanya.

Page 14: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

“Ano ang Pagbisita?” Ang pagbisita ay isang kinikilalang karapatan ng mga magulang na walang kustodiya at ng kanilang mga anak. Pinapayagan ng pagbisita ang isang magulang na walang kustodiya at ang kanyang anak na magkita nang regular at magkasama. Ipinag-uutos ang pagbisita ng magulang maliban na lamang kung may banta sa kaligtasan ng bata.

Page 15: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Paano Susulitin ang Pagbisita?

Magtakda ng makatotohanang iskedyul ng pagbisita. Dapat maging makatotohanan ang iskedyul ng pagbisita at dapat ding isaalang-alang ang sitwasyon at mga kagustuhan ng bata. Kapag nagawa na ang iskedyul, dapat siguruhin ng magulang na mangyayari ang pagbisita sa mga petsang napagkasunduan nila ng anak. Paminsan, nakakapagtakda ang mga magulang ng di-makatotohanang iskedyul ng pagbisita, maaaring upang pambawi dahil hindi nakatira sa kanila ang bata o dahil na rin sa kagustuhang makita ang anak nang madalas. Sa aktwal, mapapagtanto rin nilang mahirap sundin ang ganitong iskedyul, maaaring dahil sa kanilang sariling iskedyul sa trabaho o sariling iskedyul ng anak.

Maaari itong maging sanhi ng madalas na pagbabago ng mga petsa ng pagbisita. Kapag madalas na nagbabago ang mga petsa ng pagbisita dahil sa kalagayan ng magulang, nakakapagdulot ito ng pangamba para sa mga anak dahil hindi nila mahulaan kung kailan nila makikita ang magulang. Kung magpapatuloy ang gayong sitwasyon, magsisimulang pagdudahan ng mga anak ang kagustuhan ng magulang na makita sila, at nauupos ang kanilang tiwala sa magulang dahil dito. Ito ang dahilan kung bakit napaka-importanteng magtakda ng isang makatotohanang iskedyul ng pagbisita sa pamamagitan ng pagtalakay dito kasama ang anak at pagsasaalang-alang sa sarili niyang iskedyul at mga kagustuhan.

Pagpasyahan ang mga Ispesipikong Oras, Lugar at Kongkretong Pamamaraan ng Pagbisita Inirerekomenda ang pagpapasya nang maaga sa mga ispesipikong detalye ng pagbisita kapag itinatakda ang iskedyul. Halimbawa, maaaring nakasaad sa iskedyul na “Bibisita ang magulang na walang kustodiya tuwing makalawang linggo, sa pagitan ng 3:00 ng hapon sa Sabado at 3:00 ng hapon sa Linggo.” Bukod sa regular na iniskedyul na pagbisita, maaaring magkaroon ng isang sugnay para sa natatanging pagbisita tulad ng “Habang bakasyon sa tag-init o taglamig, maaaring matulog ang bata sa poder ng magulang na walang kustodiya o maglakbay kasama niya.” Dagdag pa rito, ang malinaw na pagsasaad kung paano mangyayari ang pagdadala sa bata, kabilang dito ang kung sino ang maghahatid sa bata, kailan ihahatid ang bata, saan magmumula at paano, pati na rin paano mag-aabiso kung mayroong pagbabago sa plano, ay makakatulong na maiwasan ang maling pagkaunawa o hindi kinakailangang pagtatalo sa pagitan ng mga magulang. Maaari ring magkaroon ng iba’t ibang anyo ang pagbisita tulad ng palitan ng mga sulat, pagtetext, mga pag-uusap sa telepono, pagdalo sa mga kaganapan sa paaralan (partikular na ang mga seremonya sa pagpasok at pagtatapos sa paaralan), palitan ng mga larawan at regalo o pagdiriwang ng kaarawan o iba pang mga okasyon sa pamilya.

Palaging Mag-abiso Kung May Pagbabago sa Plano. Kapag nangako kang makikipagkita sa iyong anak para sa pagbisita, dapat mong tuparin ang pangakong iyon kahit anong mangyari. Gayunpaman, kung dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, napilitan kang magbago ng plano, dapat mong ipaalam nang maaga sa anak at sa magulang na may kustodiya. Mas lalo lamang madaragdagan ang kabiguan ng iyong anak kung hindi mo ipapaalam sa kanila nang maagap. Kapag muling iniiskedyul ang pagbisita, pumili ng petsang akma sa anak sa pamamagitan ng pagtalakay nito kasama ang magulang na may kustodiya.

Page 16: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Mga Responsibilidad ng mga Magulang na Walang Kustodiya

Ang Iyong Lumalaking Anak at

Pagbisita

Page 17: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Mga Paslit at Mga Anak na Preschool “Natatakot akong hindi ka kasama.” Kapag bata pa ang mga anak, madalas na nagaganap ang pagbisita kasama ang magulang na may kustodiya. Kung ayaw ng isang batang anak na mapahiwalay sa magulang na may kustodiya, maaari lamang makapagdulot ng pagkabalisa at makapagpaiyak sa kanya ang pagpuwersa sa kanya. Upang mapanatag ang kalooban ng bata, dapat tanggapin ng magulang na walang kustodiya ang presensiya ng magulang na may kustodiya kahit man lamang sa mga unang beses.

Kailangan ding pahabain ang oras ng pagbisita nang dahan-dahan, mula isang oras sa simula hanggang dalawa o tatlong oras habang nasasanay ang bata. Bukod dito, sikaping huwag palitan ang lugar ng pagbisita nang masyadong madalas dahil mas makakapagpakampante sa kanya ang isang pamilyar na lugar.

Huwag parating ipagpaliban ang pagbisita sa kadahilanang masyadong mahiyain ang bata o

masama ang panahon. Maaari itong humantong sa permanenteng pagkakawalay. May posibilidad na mahirapan sa mga ugnayang pantao kalaunan bilang matanda ang mga batang lumaki nang wala ang magulang na walang kustodiya. Kaya naman dapat magsikap upang makagawian ang pagbisita.

Kung ang lolo o lola ang may pisikal na kustodiya sa bata, makakatulong sa batang maging

kampante ang kanyang presensiya sa pagbisita. Kapag ganito kabata ang mga anak, maaaring maging nakakailang o maging masaklap na karanasan pa nga ang pagbisita ng magulang na walang kustodiya. Kung hindi tumakbo nang maayos ang iyong pagbisita tulad ng iyong inaasahan, maaari ka namang humingi ng tulong sa isang eksperto. Mayroong mga natatanging programa para makatulong sa ganitong mga problema (hal. Mga serbisyong inaalok mula sa Ahensiya ng Suportang Pang-anak).

Mga Inirerekomendang Lugar para sa Pagbisita

Isang lugar na pamilyar sa bata (bahay ng magulang na may kustodiya), palaruang panlabas o panloob, mga munting teatrong pambata, mga parkeng libangan, atbp.

Page 18: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Mga Anak na Pumapasok sa Paaralan “Gusto kong makasamang muli sa iisang bahay ang nanay at tatay ko.” May mga kaso kung saan, bagama’t parehong may pagnanasa sa pagbisita ang mga magulang na may kustodiya at mga magulang na walang kustodiya, ayaw talaga ng bata. Ang ganitong pag-uugali ay kadalasang dahil sa kagustuhan ng batang makasama ang parehong magulang, imbes na isa sa mga magulang muna, sa anyo ng pagbisita. Maaaring maawa ang bata sa isang magulang kapag kasama niya ang isa pang magulang at magkaroon ng pag-asang magkakasama silang lahat muli sa iisang bahay balang araw.

Sa mga ganitong kaso, kinakailangang ipaliwanag ng mga magulang sa anak ang mga dahilan bakit hindi na sila maaaring magsama-samang muli sa iisang bahay at sabihin sa kanyang, dahil sa parehong mga dahilan, hindi sila maaaring magkakasama sa pagbisita. Importante sa batang maintindihan na ang diborsiyong pangmagulang ay hindi isang pasyang hindi pinag-isipan, kundi ginawa ng mga magulang matapos ang maingat na pagninilay-nilay sapagka’t iyon ang pinakamabuti para sa kanilang dalawa. Dapat ding ipaalam ng mga magulang sa anak na kahit nakatira na sila ngayon sa dalawang magkahiwalay na sambahayan, mahal pa rin nila ang anak at walang nagbago sa pagmamahal nila para sa kanya.

Mga Inirerekomendang Lugar para sa Pagbisita

- Mga lugar na may kinalaman sa mga larangan ng interes ng bata (palanguyan, video game parlor, parkeng libangan, mga lugar na nag-aalok ng mga gawaing kultural / pangkaranasan, teatrong pangpelikula, teatro o bulwagang konsiyerto) o mga paglalakbay. - Gayunpaman, hindi kinakailangang isagawa ang pagbisita sa isa sa mga lugar na ito o isentro sa isang kaganapan o gawain. - Halimbawa, magandang ideya rin ang paggawa ng takdang-aralin sa bahay ng magulang na walang kustodiya.

Page 19: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Mga Anak na Tinedyer “Pwede bang tigilan nyo nang dalawa ang kakaaway?”

Dapat bigyan ang anak ng pagkakataong pag-usapan ang diborsiyong pangmagulang. Maaaring direktang talakayin ito ng anak sa mga magulang o sa isang propesyonal na tagapayo.

Kung tinitingnan ng mga anak ang kanilang mga sarili bilang biktima ng diborsiyo ng kanilang mga magulang, bilang matanda, maaari silang makabuo ng mga negatibong pananaw sa trabaho at mga tao. Maaari rin silang maging mapag-isa, mahiyain at malayo ang loob, o maging agresibo. Upang maiwasan ito, dapat bigyang oras ng mga magulang ang pakikipag-usap sa anak upang maging ganap na malinaw sa kanya na ang kanilang diborsiyo at ang buhay niya ay dalawang magkaibang bagay at dapat niyang subukang patakbuhin ang sarili niyang buhay nang ayon sa kanyang kagustuhan at hanapin ang kanyang sariling tunguhin at halaga sa buhay.

Maaaring maging klaro at masabi nang maliwanag ng mga anak na tinedyer ang tungkol sa kanilang

mga kagustuhan tungkol sa kailan, paano at saan gugugulin ang oras kasama ang magulang na walang kustodiya. Samakatuwid, para sa pagbisita sa mga anak na tinedyer, magandang ideya ang tanungin sila nang direkta tungkol sa kanilang mga nais at kagustuhan.

Mga Inirerekomendang Lugar para sa Pagbisita Mga lugar na gusto ng anak.

Page 20: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Mga Responsibilidad ng Mga Magulang na Walang Kustodiya

May Tanong Ako!

Page 21: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

1. Ano ang kaibahan ng legal na kustodiya at pisikal na kustodiya? * Nagpapasya ang mga magulang na may legal na kustodiya sa mga bagay na nakakaapekto sa kanilang menor de edad na anak para sa kanya (halimbawa, kapag nagbubukas ang isang bata ng mobile phone account o bank account, kinakailangan ang pirma o pahintulot ng legal na tagapag-alaga). Kasama sa bahay ng mga magulang na may pisikal na kustodiya ang kanilang mga anak upang protektahan at alagaan sila. * Kapag nakatira sa iisang bahay ang parehong magulang at pinalalaki nila ang kanilang mga anak nang magkasama, mayroon silang pinagsamang legal na kustodiya. Kapag diborsiyado ang mga magulang at namumuhay sila nang magkahiwalay, pinagpapasyahan ang pagbibigay ng legal na kustodiya sa pareho o isa sa mga magulang sa pamamagitan ng pagsasaalang-alang ng pinakamabuting interes ng mga anak. * Hindi ibig sabihin na tumitigil na sa pagiging magulang ang isang magulang kung wala siyang legal na kustodiya. Kapag ang parehong magulang ay may pinagsamang legal na kustodiya, ibig sabihin nito’y kailangan ng parehong magulang na pumirma para sa lahat ng mga gawaing nangangailangan ng pirma ng isang legal na tagapag-alaga. Dahil medyo abala ang pagkuha ng mga pirma ng parehong magulang na hindi nakatira sa iisang bahay, lalo na sa mga kagyat na bagay na kailangang ayusin agad, pinakamabuting ang magulang na may kustodiya ang may solong legal na kustodiya, maliban na lamang siyempre kung magkalapit lamang ang mga tirahan ng dalawang magulang.

2. Hindi ako pinapayagan ng magulang na may kustodiya na makita ko ang anak ko. May paraan ba para makasama ko ang anak ko? * Maaaring maghain ang magulang na walang kustodiya ng petisyon para sa pagbisita sa isang korteng pampamilya. May mga karapatang pagbisita ang mga magulang na walang kustodiya at kanilang mga anak (Kodigong Sibil, Artikulo 837-2, Talata 1). Gayunpaman, maaaring limitahan ng isang korteng pampamilya ang pagbisita o o tuluyang ibasura ang petisyon para sa pagbisita kapag itinuturing na kinakailangan para sa kapakanan ng bata (Kodigong Sibil, Artikulo 837-2, Talata 2). Maliban na lamang kung mayroong gayong mga alalahanin, ipagkakaloob ng korte ang iyong petisyon. * Kung patuloy na ipinagkakait ng magulang na may kustodiya ang pagbisita kahit na ipinagkaloob ng korte ang iyong petisyon para sa pagbisita, maaari mong ipetisyon sa korteng pampamilya na nagkaloob ng iyong naunang petisyon para sa pagbisita na maglabas ng isang kautusang pagpapatupad ng pagbisita. Kung ipagkakait pa rin ng magulang na may kustodiya ang pagbisita, maaari mong ipetisyon sa korte ang pagpapataw sa kanya ng multang 10 milyong won o mas mababa. * Paminsan, maaaring tanggihan ng mga anak ang pagbisita ng magulang na walang kustodiya, maaaring dahil hindi sila magkasundo o dahil natatakot silang sumama ang loob ng magulang na may kustodiya. Sa mga gayong kaso, kailangan mo ang tulong ng isang sikologo. Mas matinding dahilan ito para gawin ang pagbisita. Dagdag pa rito, dahil makakapagpalala sa sitwasyon ang pangungulit sa magulang na may kustodiya sa pagbisita, importante ang maging matiyaga.

3. Nahihirapan ang magulang na may kustodiya na alagaan ang aming anak dahil sa sitwasyong kinakaharap niya. Maaari bang sa akin tumira ang bata? * Kailangang ipetisyon ng magulang na walang kustodiya sa korte ang pagbabago ng legal at pisikal na kustodiya. Kahit matapos mapagpasyahan ang tungkol sa legal at pisikal na kustodiya, kapag itinuturing na nasa pinakamabuting interes ng bata, maaaring baguhin ito ng korte na katig sa isa pang magulang (Kodigong Sibil, Artikulo 909, Talata 6). Kung ang magulang na may kustodiya ay nasa isang sitwasyon kung saaan mahirap para sa kanya ang alagaan ang bata at kung makakasama sa kanyang kapakanan ang patuloy ng paninirahan sa

Page 22: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

poder ng magulang na may kustodiya sa gayong kondisyon, maaaring ipetisyon ng magulang na walang kustodiya sa korteng pampamilya ang pagbabago ng legal at pisikal na kustodiya. * Gayunpaman, ang pinansiyal na paghihirap ay hindi ang nag-iisa o ganap na salik sa pagpapasya kung sino sa mga magulang ang dapat magkaroon ng pisikal na kustodiya sa bata. Kung nais ng batang tumira sa kasalukuyang magulang na may kustodiya, at kung ito ay itinuturing na nasa kanyang pinakamabuting interes, ang pinakamabuting solusyon ay ang taasan ng magulang na walang kustodiya ang halaga ng suportang pang-anak upang makatulong na pagaanin ang dalahing pinansiyal ng magulang na may kustodiya.

4. Dapat bang patuloy na magbayad ang magulang na walang kustodiya ng suportang pang-anak kahit na mag-asawang muli ang magulang na may kustodiya? * Oo. Dapat ipagpatuloy ng magulang na walang kustodiya ang pagbabayad ng suportang pang-anak. Sa sandaling ipanganak ang bata, responsibilidad ng mga magulang ang kapakanan ng bata hanggang sa siya ay umabot sa hustong edad. Walang kinalaman ang pag-aasawang muli ng magulang na may kustodiya sa kung sino ang mga magulang ng bata. Samakatuwid, patuloy na responsable ang magulang na walang kustodiya para sa bata at dapat siyang pagbayad ng suportang pang-anak. * Kung ititigil ng magulang na walang kustodiya ang pagbabayad ng suportang pang-anak at tuluyan nang ipapasa ang responsibilidad bilang magulang sa amain o madrasta, maaaring makasama sa bata ang walang katiyakang sitwasyong namumuhay sa awa ng isang taong hindi niya totong magulang.

5. Dapat bang patuloy na magbayad ang magulang na walang kustodiya ng suportang pang-anak kahit pinalitan ng magulang na may kustodiya ang apelyido ng anak ko? * Oo. Dapat ipagpatuloy ng magulang na walang kustodiya ang pagbabayad ng suportang pang-anak. Pinapayagan ng Kodigong Sibil ng Korea ang pagpapalit ng apelyido ng bata kabilang ang bon kapag itinuturing na kailangan para sa kanyang kapakanan. Dapat isumite ang kahilingang pagpapalit ng apelyido, sa pamamagitan ng anak o ng sinuman sa magulang, sa isang korte (Kodigong Sibil, Artikulo 781, Talata 6). Walang epekto ang pagpapalit ng apelyido o bon sa ugnayang magulang-anak. Nakalista pa rin ang byolohikong ama sa rehistro ng ugnayang pampamilya bilang ama ng bata at patuloy na may legal na kustodiya sa bata. Samakatuwid, kahit hindi magustuhan ng magulang na walang kustodiya ang pagpapalit ng apelyido, dapat niyang ipagpatuloy ang pagbabayad ng suportang pang-anak.

6. Hanggang kailan ako dapat magpatuloy magbayad ng suportang pang-anak? * Dapat magpatuloy ang pagbabayad ng suportang pang-anak hanggang umabot sa hustong gulang ang anak (19 taong gulang). Ang tungkulin ng pag-aalaga at obligasyong pagsuporta ay nagsisimula sa kapanganakan ng bata. Ipinapaliwanag sa Artikulo 22 ng Batas sa Pagpapatupad at Pagsuporta ng Pagbabayad ng Suportang Pang-anak ang suportang pang-anak bilang “mga gastusing kinakailangan upang mapalaki ang mga menor de edad na anak alinsunod sa Artikulo 4.” Ibig sabihin nito’y dapat magbigay ng suportang pinansiyal ang magulang na walang kustodiya para sa anak hanggang umabot siya sa legal na hustong gulang. * Dagdag pa rito, kapag umabot na ang mga anak sa hustong gulang, maaari na silang magsumite ng sariling kahilingan para sa suportang pang-anak (Kodigong Sibil, kabilang ang Artikulo 974 hanggang 979).

7. Hindi ko na kayang bayaran ang napagkasunduan

Page 23: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

naming halaga ng suportang pang-anak, dahil lumala ang aking sitwasyong pinansiyal. Dapat ba akong magbayad ng suportang pang-anak kahit na nakararanas ako ng mga pinansiyal na paghihirap? * Sa gayong mga kaso, maaaring ipetisyon ng isang magulang na walang kustodiya sa korte ang pagbabago ng suportang pang-anak. Kahit napagkasunduan na sa pagitan ng mga magulang o napagpasyahan na ng korte ang mga detalye ng suportang pang-anak, maaari silang mabago kung itinuturing na kailangan para sa kapakanan ng bata (Kodigong Sibil, Artikulo 837, Talata 5). Samakatuwid, kahit mayroong umiiral na kasunduan, maaaring maghain ng isang kahilingang pagbabago sa korte upang maisalamin ang bagong sitwasyon ng mga magulang.

8. Ipinaubaya ko na ang lahat ng ari-arian ko sa magulang na may kustodiya noong magdiborsiyo kami. Obligado pa rin ba akong magbayad ng suportang pang-anak? * Nakadepende ito sa likas na katangian at layunin ng paglilipat ng mga ari-arian. Ayon sa tuntunin, iba ang suportang pang-anak sa paghahati ng ari-arian o sustento, dahil nilalayon nitong magbigay ng suportang pinansiyal para sa anak. Kung nilipat na ang mga ari-arian sa dating asawa sa panahon ng diborsiyo bilang bahagi ng paghahati ng ari-arian o bilang pagbabayad ng sustento, dapat pa ring magbayad ng suportang pang-anak ang magulang na walang kustodiya. Sa kabilang banda, kung ang mga ari-ariang ipinaubaya na sa dating asawa ay inilaan bilang kabuuang bayad na kinabibilangan ng parte sa ari-arian at sustento ng asawa at suportang pang-anak, kailangang idokumento nang malinaw ng magulang na walang kustodiya ang likas na katangian ng kabayarang ito at mapatunayang ito ang kaso. Maiiwasan ang anumang potensyal na sigalot sa pamamagitan ng malinaw na pagsasaad sa kautusang suportang pang-anak o iba pang pinanotaryong dokumento na nagbayad ng kabuuan.

9. Noong nagdiborsiyo kami, napagkasunduang walang suportang pang-anak na ibibigay o tatanggapin. Nguni’t kamakailan, sinabihan ako ng magulang na may kustodiya na magbayad ng suportang pang-anak, at ibinigay na dahilan ang pinansiyal na paghihirap. Obligado ba akong magbayad ng suportang pang-anak kahit sa gayong kaso? * Maaaring magbago ang mga detalye ng suportang pang-anak kahit kailan, kabilang ang pagbabayad o hindi pagbabayad ng suportang pang-anak. Kahit napagkasunduan ng mga partido na huwag magbigay o tumanggap ng suportang pang-anak, kung maituturing na kailangan kalaunan ang suportang pang-anak para sa kapakanan ng bata, maaari nitong mapawalang-bisa ang kasunduan (Kodigong Sibil, Artikulo 837, Talata 5). Samakatuwid, maaaring utusan ng korte ang magulang na walang kustodiya na magbayad ng suportang pang-anak gaya ng hiniling ng magulang na may kustodiya, kahit na may umiiral na kasunduang kontra dito. Sa gayong mga kaso, dapat magbayad ng suportang pang-anak ang magulang na walang kustodiya.

10. Ano ang mangyayari kung hindi magbabayad ng suportang pang-anak ang magulang na walang kustodiya?

Page 24: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

* Paminsan, maaaring ipagsawalang-bahala ng magulang na walang kustodiya ang obligasyon nyang magbayad ng suportang pang-anak at mabigong magbayad ng suportang pang-anak nang walang makatwirang dahilan. * (Kautusang Pagpapatupad at mga Multa) Sa mga gayong kaso, maaaring utusan ng isang korteng pampamilya, na pinetisyon ng magulang na may kustodiya, ang magulang na walang kustodiya na magbayad ng suportang pang-anak sa tiyak na petsa. Kung hindi susunod ang magulang na walang kustodiya sa utos na ito nang walang makatwirang dahilan, maaari siyang multahan ng hanggang 10 milyong won. (Pagkakapiit) Kung bigong magbayad ng suportang pang-anak ang isang magulang na walang kustodiya nang tatlo o mas marami pang beses nang walang makatwirang dahilan, maaaring maglabas ang isang korteng pampamilya ng kautusan para sa kanyang pagkakapiit (sa isang sentrong piitan o kulungan) sa loob ng hanggang tatlumpung araw, hanggang mabayaran ang kinakailangang bayaran. * Bukod dito, marami pang ibang mga legal na paraan sa ilalim ng Batas sa Pampamilyang Litigasyon upang makatulong sa pangongolekta ng suportang pang-anak. Maaaring ipag-utos ng korteng pampamilya (1) ang pagbabayad gamit ang sahod (direktang kautusang pagbabayad) ng isang magulang na walang kustodiya na obligadong regular na magbayad ng suportang pang-anak, nguni’t bigong gawin iyon sa loob ng dalawang beses o higit pa nang walang makatwirang dahilan sa pamamagitan ng pag-ipit ng tagapag-empleyo ng bahagi ng kanyang sahod; o utusan (2) ang hindi nagbabayad na magulang na magbigay ng seguridad (isang tiyak na halagang dineposito sa korte) upang magarantiyahan ang pagtupad ng mga obligasyon (kautusang seguridad, atbp.). Kung bigong gawin iyon ng taong obligadong magbigay ng seguridad, maaaring ipag-utos ng korte na bayaran niya ang kabuuan ng suportang pang-anak sa hinaharap, nang buo o bahagi nito, na hiniling ng magulang na may kustodiya. Dapat sundin ng taong inutusang bayaran ang kabuuan ng suportang pang-anak ang kautusang ito sa loob ng tatlumpung araw, maliban na lamang kung may mga dahilang pumipigil sa kanyang gawin iyon. Maaaring humantong sa utos na pagpiit sa loob ng hanggang tatlumpung araw ang kabiguang sumunod sa kautusang magbayad ng kabuuan. * Maaari ring gamitin ng mga magulang na may kustodiya ang ibat ibang paraan ng pagpapatupad na nakasaad sa Batas sa Pagsasagawang Sibil, tulad ng (1) pagkuha ng listahan ng ari-arian at utang ng hindi nagbabayad na magulang, (2) paghiling na ibilang ang pangalan ng hindi nagbabayad na magulang sa listahan ng mga hindi nagbabayad, (3) pagpetisyon para sa kautusang pagbabayad at kautusang pangongolekta o kautusang pagtatalaga, o (4) pagpetisyon para sa puwersahang pagbebenta ng ari-arian ng hindi nagbabayad na magulang.

11. Nalaman ko kamakailan lamang na ang babaeng nakilala ko noon bago ko pa nakilala at pinakasalan ang asawa ko ay naanakan ko nang hindi ko nalalaman at pinapalaki niya ang bata. Wala talaga akong kamalay-malay na nabuntis ko siya. Kasal na ako ngayon at masaya na ako sa aking pamilya. Obligado ba akong magbayad ng suportang pang-anak sa kasong ito? * Dapat mong simulan at kumpletuhin ang proseso ng pagkilala at saka bayaran ang suportang pang-anak. Obligado ang lahat ng mga magulang na sustentuhan ang anak mula pagkapanganak hanggang umabot sa hustong edad. Ito ang pangunahing responsibilidad ng magulang sa anak. * Kahit hindi alam ng magulang na walang kustodiya na nagkaroon siya ng anak, may karapatan ang magulang na may kustodiya na hinging kilalanin ng magulang na walang kustodiya ang bata. Kung ayaw kilalanin ng magulang na walang kustodiya ang bata, makakapaghain ng paghahabla ng pagiging magulang ang magulang na may kustodiya, maililista siya bilang ama ng bata sa rehistro ng ugnayang pampamilya at makakahiling ng suportang pang-anak. Bilang konklusyon, dapat magbayad ng suportang pang-anak ang magulang na walang

Page 25: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

kustodiya.

12. Nag-asawa nang muli ang magulang na may kustodiya, at gusto ng bago niyang mister na ampunin ang anak namin. Pinayagan ko ang pag-ampon. Obligado pa rin ba akong magbayad ng suportang pang-anak sa kasong ito? * Dapat kang magbayad ng suportang pang-anak hanggang matapos ang proseso ng pag-aampon. Kapag natapos na ang proseso ng pag-aampon, hindi ka na obligadong magbayad ng suportang pang-anak. Kapag naging opisyal na ang pag-ampon, tinatapos na nito ang ugnayang magulang-anak sa pagitan ng the magulang na walang kustodiya at ng anak, at tinatapos din nito ang kanyang responsibilidad bilang magulang na suportahan ang bata. Gayunpaman, dapat mong ipagpatuloy ang pagbabayad ng suportang pang-anak hanggang makumpletong ganap ang proseso ng pag-aampon. * Sa kabila nito, ang pagpapasyang sang-ayunan ang pag-ampon sa anak mo ng ibang tao ay hindi dapat maliitin at kailangang samahan ng maingat na pagsasaalang-alang. Hindi mabuti ang pagpayag sa pag-ampon para lamang makaiwas sa pagbabayad ng suportang pang-anak. Maaaring isipin ng anak mo na inabandona mo siya. Kahit hindi na ikaw ang tatay sa legal na kahulugan, hindi ka pa rin makakawala sa iyong responsibilidad bilang magulang sa mga tuntunin ng tao.

13. Kapag nakikipagkita ako sa mga anak ko, kapwa mukhang balisa ang mga bata at ang magulang na may kustodiya. May paraan ba para makakuha ako ng tulong para sa ganitong problema? * Bilang mga magulang na hindi na kasama ang kanilang mga anak sa iisang bahay, maaaring makaramdam paminsan ng pagkalito ang mga magulang na walang kustodiya kung paano makikipag-usap at makikihalubilo sa kanila. Maaari ring hindi sila sigurado kung kailan at saan makikipagkita sa kanilang mga anak at paano gugugulin ang oras kasama nila. Ang pagkabalisa ang tugon ng magulang na may kustodiya sa ganitong pagdududa at pag-aalinlangang nakikita niya sa magulang na walang kustodiya. * Upang matulungan ang mga magulang na walang kustodiya na makayanan ang ganitong uri ng mga problema, naghahandog ang Ahensiya ng Suportang Pang-anak ng serbisyong pagpapayo sa pagbisita. Tutulungan ng isang sinanay na tagapayo ang mga magulang na walang kustodiya na maintindihan ang yugtong pangkaunlaran at kondisyong sikolohikal at emosyonal ng bata at madetermina ang pinakamabuting paraan ng pagsasagawa ng pagbisita.

14. Isa akong binata. Nalaman kong nabuntis ko ang babaeng dati kong naging kasintahan at pinapalaki niya ang bata nang mag-isa. Gusto ko sanang nandoon ako para sa bata at maging tatay. May paraan ba? * Maaari mong simulan ang proseso ng pagkilala. Ang pagkilala ay isang proseso kung saan kinikilala ng ama o ina ang batang ipinanganak nang hindi kasal ang magulang upang legal na mapatunayan ang ugnayang magulang-anak. Pagkatapos makumpleto ang pagkilala, maaaring mag-ambag ang magulang na walang kustodiya sa suporta sa bata at magsagawa ng pagbisita.

Page 26: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

15. Kung ayaw akong makita ng anak ko, ano ang pwede kong gawin? * Nag-iiwan ng mga emosyonal na sugat ang isang mapait na diborsiyo hindi lamang sa mga partido kundi pati sa mga anak; isang katotohanang maaaring makaligtaan ng mga magulang. Nagdudulot ang diborsiyo ng mga magulang ng mga malaking pagbabago sa kapaligiran ng iyong anak, at kailangan niya ng panahon upang masanay sa bagong kapaligiran. Kung mayroong mahabang panahon ng pagkakahiwalay, maaaring mailang o mahiya ang batang makipagkita sa magulang na walang kustodiya. * Kailangan ng bata ang parehong magulang. Kahit masakit sa iyo, sikapin mong alamin kung bakit ayaw kang makita ng bata, kung kinakailangan, sa pamamagitan ng pagkonsulta sa isang sikologo, nang sa gayo’y makapagsagawa ka ng pagbisita sa pinakamabuting kondisyon.

16. Ako ay isang magulang na walang kustodiya. Paano nakakatulong sa akin ang paggugol ko ng oras kasama ang anak ko? * Karamihan sa mga magulang ay pinipiling patuloy na makasama ang kanilang mga anak pagkatapos ng diborsiyo. Nguni’t may mga pagkakataon kung saan wala kang ganitong opsyon sa kabila ng kagustuhan mong makasama sila sa iisang bahay. Kapag nangyari ito, nakokonsiyensiya ang ilan sa mga magulang at ang ilan nama’y nalulumbay. Nguni’t, tandaan, ang pagbisita ay isa ring paraan para palagi kang nandiyan para sa iyong anak at makalahok sa pagpapalaki ng anak. Ang ideyang magagampanan mo pa rin ang papel ng pag-aalaga sa buhay ng iyong anak ang dapat mag-udyok sa iyong magsagawa ng madalas na pagbisita. * Bukod dito, may bunga ang diborsiyo. Para sa karamihan, tumatagal ng hindi bababa sa dalawa hanggang tatlong taon bago malampasan ang kalungkutan pagkatapos ng diborsiyo. Pagkatapos ng diborsiyo, karaniwang nararamdaman ng mga tao na isang malaking kabiguan ang kanilang buhay o kaya nama’y nagkakaroon sila ng mga negatibong pagtingin sa naging buhay nila, na maaaring humantong sa pagkalumbay paminsan. Sa loob ng panahong ito, mas lalong importanteng bumisita at lumahok sa suportang pinansiyal ng iyong anak, dahil mararamdaman mong ‘nakakaya’ mo kahit medyo nalulumbay ka at makakatulong sa iyong bumalik sa dati.

Page 27: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Ang Ahensiya ng Suportang Pang-anak ay Narito Upang Tulungan Ka. Pagpapayo at Suporta sa Pagbisita Ang Ahensiya ng Suportang Pang-anak ay nag-aalok ng tulong sa mga magulang na walang kustodiya nang sa gayo’y matutuhan nilang tanggapin ang realidad ng kanilang sitwasyon, maunawaan ang kanilang mga sarili, ang isa pang magulang at kanilang mga anak at makabuo ng payapa at matatag na paraan ng pakikihalubilo sa kanila at pakikilahok sa kanilang mga buhay. Ang ‘Pagpapayo sa Pagbisita’ ay isang programa kung saan nakikipagkita ang isang kwalipikadong tagapayo nang isa sa isa sa isang magulang na walang kustodiya o isang grupo ng mga magulang na walang kustodiya upang madetermina ang pinakamabuting paraan ng pagsasagawa ng pagbisita batay sa kalagayang sikolohikal at yugtong pangkaunlaran ng bata. Naghahandog din ang programa ng pagkakataon sa mga magulang na walang kustodiya na ibahagi ang kanilang mga paghihirap sa iba na nahaharap sa parehong sitwasyon at suportahan ang isa’t isa.

Samantala, nakakatulong ang mga programang tulad ng ‘Isang Misyong Walang Katulad’ at ‘Handaang Pamilya’ sa mga magulang at mga anak na maging mas malapit at mas maintindihan ang isa’t isa sa isang tagpuan at sa pamamagitan ng mga gawaing dinisenyo para sa komunikasyon at makabuluhang oras pampamilya.

Ang ‘Grupong Suportang’ isinasagawa ng mga sinanay na dalubhasa ay naghahandog ng suportang emosyonal at paggaganyak sa pamamagitan ng mga bukas na talakayan tungkol sa mga isyung may kaugnayan sa pagpapalaki ng anak na kinakaharap ng mga tagalahok at sa pamamagitan ng pagbuo ng malapit na pagbubuklod sa pagitan nila.

Page 28: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Mga Dahong Dagdag

Page 29: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Tungkol sa Surian para sa Malusog na Pamilya ng Korea Ang Surian para sa Malusog na Pamilya ng Korea ay isang pampamahalaang institusyong itinatag upang mapabuti ang kalidad ng buhay pamilya sa gitna ng nagbabagong tanawing panlipunan at suportahan nang maayos ang mga programang pampamilya ng pamahalaan - Pagtatatag at pagpapatakbo ng Ahensiya ng Suportang Pang-anak - Pinangangasiwaan ang mga organisasyong naghahandog ng mga serbisyo ng Sentrong Sumumuporta sa Malusog na Pamilya/Pamilyang Multikultural at paghahandog ng suporta para sa kanilang mga programa at proyekto - Pinangangasiwaan ang mga Sentrong Sumumuporta sa Malusog na Pamilya sa buong bansa at sinusuportahan ang kanilang mga programa at proyekto - Suporta sa mga mahina o nanganganib na pamilya upang matulungang mapabuti ang pakikihalubilong pampamilya at itatag muli ang mga ugnayan - Kampanya sa edukasyong pangmagulang - Suporta para sa proyektong Pinaghahatiang Lugar para sa Pagpapalaki ng Anak para sa paglikha ng isang kapaligirang mainam sa anak at magulang. - Pinangangasiwaan at sinusuportahan ang mga organisasyong naghahandog ng serbisyong pang-araw na pangangalaga upang mapabuti ang kapakanan ng mga anak at matulungan ang mga magulang at mga tagapag-alagang mabalanse ang buhay trabaho at pamilya. - Pagpapatakbo ng Sentro ng Suportang Mainam sa Pamilya para sa balanse sa pagitan ng buhay trabaho at pamilya - Pinangangasiwaan at sinusuportahan ang mga Sentrong Sumusuporta sa Mga Pamilyang Multikultural sa buong bansa - Pinangangasiwaan ang edukasyon sa wikang Koreano sa pamamagitan ng mga pamahalaang lokal - Pinangangasiwaan ang mga proyektong kaunlarang linggwistika para sa mga anak ng mga pamilyang multikultural - Pinangangasiwaan ang proyektong serbisyong pagpapaliwanag para sa mga imigranteng dahil sa pag-aasawa - Serbisyong impormasyon para sa mga pamilyang multikultural - Kampanyang kamalayan ng pagkakaiba-iba/multikulturalismo - Pagpapatakbo ng Information Hotline para sa mga Pamilyang Multikultural (Tanggapan ng Tawag ng Danuri ☏ 1577-1366) - Hotline para sa mga Biktima ng Mga Mapang-abusong Pag-aasawang Pamansaan (☏ 02-333-1311)

Telepono: 02-3479-7600 URL ng Pook-sapot: http://www.kihf.or.kr

Page 30: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Tungkol sa Ahensiya ng Suportang Pang-anak Itinatag ang Ahensiya ng Suportang Pang-anak noong Marso 25, 2015 upang mapaigting ang pagsunod sa suportang pang-anak at makatulong sa pagpapatupad ng suportang pang-anak alinsunod sa Batas sa Pagpapatupad at Pagsuporta sa Pagbabayad ng Suportang Pang-anak. Naghahandog ang Ahensiya ng Suportang Pang-anak ng malawak na hanay ng mga serbisyo upang makatulong sa pagsunod at pagpapatupad ng suportang pang-anak, kabilang ang pagpapayo, pamamagitan upang mapadali ang negosasyon sa pagitan ng mga partido at tulong legal para sa mga petisyon sa pagkilala, mga demanda tungkol sa suportang pang-anak, pangongolekta ng utang at mga parusa sa mga hindi nagbabayad, habang naghahandog din ng pangkagipitang tulong salapi para sa suportang pang-anak. . - Pagpapayo sa mga isyung may kinalaman sa suportang pang-anak - Pamamagitan upang mapadali ang negosasyon sa pagitan ng mga partido - Tulong legal para sa proseso ng pagkilala, paghahain ng kahilingang suportang pang-anak kapag napatupad na ang pagbabayad ng suportang pang-anak - Suporta para sa koleksyon ng suportang pang-anak na napagkasunduan sa pagitan ng mga partido o napagpasyahan ng korte - Pagsubaybay sa pagbabayad ng suportang pang-anak - Mg parusa sa mga hindi nagbabayad ng suportang pang-anak - Pagpapatakbo ng isang Tagapagpatupad na Pangkat - Pangkagipitang tulong salapi para sa suportang pang-anak - Suporta sa pagbisita

Telepono: 1644-6621 Pook-sapot: http:// www.childsuporta.or.kr

Page 31: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Ano ang mga hakbang sa pamamaraan ng pagsunod sa suportang pang-anak? 1. Konsultasyon/kahilingang tulong para sa pagsunod sa suportang pang-anak Konsultasyon sa pamamagitan ng telepono, sa online o nang personal sa pamamagitan ng tauhang tumutulong (outreach staff)

Pagsumite ng kahilingang tulong sa pagsunod sa suportang pang-anak nang personal, sa pamamagitan ng liham o sa pamamagitan ng the pook-sapot

2. Pamamagitan upang mapadali ang negosasyon sa pagitan ng mga magulang Katapusan ng

pamamaraan, kung

magtatapos nang kasiya-

siya ang negosasyon

Negosasyon sa pagitan ng mga partido Tulong sa paglikha ng pinanotaryong dokumento

3. Pagsasaliksik upang patunayan ang kita at mga ari-arian ng dating asawa Paghahanap sa tirahan at tagapag-empleyo ng hindi nagbabayad na magulang (sa pamamagitan ng mga pamahalaang lokal, Pambansang Serbisyong Segurong Pangkalusugan, atbp.)

Pagdetermina sa kita at mga ari-arian ng hindi nagbabayad na magulang

4. Demanda sa suportang pang-anak at iba pang tulong legal Katapusan ng

pamamaraan, kung

makamit ang pagsunod.

Tulong sa pamamagitan ng demanda upang matamo ang titulo ng pagsasagawa

Mga legal na lunas tulad ng pagkakabit at utos laban sa mga ari-arian ng hindi nagbabayad na magulang

5. Tulong sa pangongolekta ng suportang pang-anak Katapusan ng

pamamaraan, kung

makamit ang pagsunod.

Suporta para sa pangongolekta ng suportang pang-anak Kautusang pagbabayad gamit ang sahod ng hindi nagbabayad na magulang at iba pang mga puwersahang hakbang ng pangongolekta.

6. Mga parusa sa di pagsunod at patuloy na pagsubaybay

Petisyon upang ibilang ang pangalan ng hindi nagbabayad na magulang sa listahan ng mga hindi nagbabayad

Kautusang pagbabayad gamit ang mga mababawing binayad na buwis ng hindi nagbabayad na magulang at petisyon para sa kautusang pangongolekta

Pagdispatsa ng Tagapagpatupad na Pangkat para sa mga magulang na palagiang delingkwente sa pagbabayad ng suportang pang-anak o para sa mga kaso kung saan hindi naipatupad ang kautusang pagpiit na ipinalabas ng korte.

Page 32: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Mga Institusyong Naghahandog ng Edukasyong Pangmagulang at Suportang Sikolohikal - Hotline para sa Suportang Pang-anak/Solong Magulang (☏ 1644-6621) - Sentro para sa Ugnayang Pampamilya ng Tulong Legal ng Korea (http://www.lawhome.or.kr) - Bokjiro ng Kagawarang-bansa ng Kalusugan at Kagalingan (http://www.bokjiro.gp.kr) - Sentrong Sumusuporta sa mga Solong Magulang ng Seoul (http://www.seoulhanbumo.or.kr) - Sentrong Sumusuporta sa Malusog na Pamilya (http://www.familynet.or.kr) - Serbisyong Suportang Mainam sa Pamilya (http://ffm.mogef.go.kr) - Serbisyong Pangangalaga ng Bata (http://idolbom.go.kr, ☏ 1577-2514) Patnubay na Talahanayan ng Pagkalkula ng Suportang Pang-anak - http://slfamily.scourt.go.kr Hanapin ang ‘Patnubay na Talahanayan ng Pagkalkula ng Suportang Pang-anak’ sa ilalim ng pamagat na ‘Balita.’ Mga Organisasyong Tumutulong sa Paghahanap ng Trabaho - Serbisyong Pangtrabahong Kagalingan ng Korea (http://www.work.go.kr/jobcenter) - Sentro para sa Muling Pagtatrabaho ng mga Kababaihang Naputol ang Karera (☏ 1544-1199)

◾ Grupong Tagapayo Jang Chang-guk (Hukom sa Sangay ng Goyang ng Pangdistritong Korte ng Uijeongbu) Kang Eun-suk (Tagapayo ng korte para sa Korteng Pampamilya ng Seoul / Sangay ng Goyang ng Pangdistritong Korte ng Uijeongbu) Jeong Yi-yun (Propesor ng Pampublikong Pangangasiwa sa Unibersidad ng Konkuk) ◾ Pangangasiwang Editoryal Yu Mi-suk (Propesor ng Pambatang Kagalingan at mga Pag-aaral sa Pangkababaihang Unibersidad ng Sookmyung)

Page 33: Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

Isang Gabay para sa mga Magulang na Walang Kustodiya

‘Suportang Pang-anak’ at ‘Pagbisita’