16
34567 ENERO 1, 2015 ISANG GOBYERNO NA WALANG KORAPSIYON

ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

34567ENERO 1, 2015

ISANG GOBYERNONA WALANG KORAPSIYON

Page 2: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

Gusto mo ba nghigit pang impormasyono libreng pag-aaral ngBibliya sa iyong tahanan?

Magpunta sa www.jw.org /tlo ipadala ang iyong requestsa isa sa mga adres sa ibaba.

Para sa PILIPINAS:Jehovah’s WitnessesPO Box 20441060 Manila

Para sa UNITED STATES OF AMERICA:Jehovah’s Witnesses25 Columbia HeightsBrooklyn, NY 11201-2483

Para sa adres sa iba pang mga bansa,tingnan ang www.jw.org/tl/contact.

˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙

ANG MAGASING ITO, Ang Bantayan,ay nagpaparangal sa Diyos naJehova, ang Tagapamahala nguniberso. Inaaliw nito ang mga taosa pamamagitan ng mabutingbalita na di-magtatagal, wawakasanng Kaharian ng Diyos sa langit anglahat ng kasamaan at gagawingparaiso ang lupa. Pinasisigla nitoang mga tao na manampalatayakay Jesu-Kristo, na namatay paramagkaroon tayo ng pag-asangmabuhay nang walang hanggan atnamamahala na ngayon bilang Harisa Kaharian ng Diyos. Ang magasingito ay walang pinapanigan sa politikaat patuloy na inilalathala mula panoong 1879. Sinusunod nito angBibliya bilang awtoridad.

Publishers: Watchtower Bible and TractSociety of New York, Inc. � 2015 Watch TowerBible and Tract Society of Pennsylvania.Printed in Japan.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaanito bilang bahagi ng pambuong-daigdig napagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ngkusang-loob na mga donasyon. Malibang ibaang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatanay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanli-butang Salin ng Banal na Kasulatan.

34567ENERO 1, 2015

ISANG GOBYERNO

NA WALANG KORAPSIYON

Binago ng Bibliya ang Kanilang BuhayNasagot ng Bibliya ang Pagkauhaw Ko sa Katotohanan 8

Asawang Lalaki—Gawing Tiwasay ang Inyong Tahanan 10

Alam Mo Ba? 13

Dapat Ba Tayong Manalangin kay Jesus? 14

Sagot sa mga Tanong sa Bibliya 16

34567Limbag sa Bawat Isyu:52,946,000 SA 228 WIKA ENERO 1, 2015�����������������������������������������������������������������������������������������������������������

TAMPOK NA PAKSA

SA ISYU RING ITO

s���������������������������������������������������������������������������������������������

BASAHIN ONLINE

Vol. 136, No. 1JANUARY 1, 2015

SemimonthlyTAGALOG

Isang Gobyerno na WalangKorapsiyon PAHINA 3-7Ang Lason ng Korapsiyon sa Gobyerno 3Kaharian ng Diyos—Isang Gobyerno na WalangKorapsiyon 4

SAGOT SA IBA PANG TANONGSA BIBLIYA

Ano ang Sinasabi ng BibliyaTungkol sa Pag-aasawa ngMagkasekso?(Tingnan sa TURO NG BIBLIYA ˛

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA ˛

PAMILYA)rMADA-DOWNLOADANG MAGASING ITOSA IBA’T IBANGFORMAT

Page 3: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

Ang korapsiyon sa gobyerno ay ang pag-abuso ngkapangyarihan para sa sariling kapakinabangan.Matagal na ang ganiyang pag-abuso. Halimbawa,may batas sa Bibliya laban sa panunuhol sa hudisyalna mga kaso. Ipinakikita nito na laganap na angkorapsiyon noon pang nakalipas na mahigit 3,500taon. (Exodo 23:8) Siyempre, ang korapsiyon ay hin-di lang basta pagtanggap ng suhol. Sinasamantalakung minsan ng tiwaling mga opisyal ang mga ser-bisyo na hindi naman para sa kanila, o ninanakawpa nga ang pondo. Ginagamit din nila ang kanilangposisyon para paboran ang kanilang mga kaibiganat kamag-anak.

Bagamanpuwedeng magkaroon ng korapsiyon saanumang organisasyon ng tao, mukhang pinakagra-be ang korapsiyon sa gobyerno. Iniulat ng 2013Glob-al Corruption Barometer, inilathala ng TransparencyInternational, na iniisip ng mga tao sa buong mun-do na ang lima sa pinakatiwaling institusyon ay mgapartido sa politika, pulisya, opisyal ng bayan, bata-san, at ang hukuman. Tingnan ang ilang ulat tung-kol sa problemang ito.˘ APRIKA:Noong 2013, mga 22,000 opisyal ng bayansa TimogAprika ang kinasuhandahil sa korapsiyon.˘ TIMOG AMERIKA: Noong 2012, sa Brazil, may 25nakulong dahil sa paggamit ng pondo ng bayan parabumili ng boto. Kasama rito ang chief of staff ng da-ting presidente, ang ikalawa sa pinakamakapangya-rihang tao sa bansa.˘ ASIA: Noong 1995, sa Seoul, South Korea, 502ang namatay nang bumagsak ang isang departmentstore. Nalaman ng mga imbestigador na nasuhulanang mga opisyal ng lunsod para payagan ang mgakontratista na gumamit ng mahinang timpla ng se-mento at lumabag sa pamantayang pangkaligtasan.

˘ EUROPA: “Nakakagulat ang lawak ng problema[korapsiyon sa Europa],” ayon kay Commission-er Cecilia Malmstrom ng European CommissionHome Affairs. Idinagdag pa niya na “parang walanamang determinasyon ang mga politiko na alisinang korapsiyon.”

Napakalalim ng pagkakaugat ng korapsiyon sagobyerno. Isinulat ni Professor Susan Rose-Acker-man, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon,na ang reporma ay mangangailangan ng “malakingpagbabago sa pamamalakad ng gobyerno.” Kahitmukhang wala nang pag-asa ang kalagayan, ipinaki-kita ng Bibliya na hindi lang posible na magkaroonng mas malalaking pagbabago, kundi tiyak din namangyayari ito.

TAMPOK NA PAKSA

Ang Lason ngKorapsiyon sa Gobyerno

ENERO 1, 2015 3

Page 4: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

4 ANG BANTAYAN

Sang-ayon ka ba na kung tiwali ang lipunan ngtao, anumang gobyerno na bahagi nito ay ma-giging tiwali rin? Kung gayon, tiyak na hindimanggagaling sa lipunan ng tao ang isang gobyer-no na walang korapsiyon. Ganiyang-ganiyan anginilalarawan ng Bibliya na gobyerno—ang Kaharianng Diyos, ang gobyerno na itinuro ni Jesus na ipa-nalangin ng kaniyang mga tagasunod.—Mateo 6:9, 10.

Ang Kaharian ng Diyos ay isang tunay na gobyer-no na namamahala mula sa langit. Ito ang papalit salahat ng gobyerno ng tao. (Awit 2:8, 9; Apocalipsis16:14; 19:19-21) Kabilang sa mga pagpapala ng Kaha-rian para sa mga tao ay ang pag-alis ng korapsiyonsa gobyerno. Tingnan ang anim na aspekto ng Kaha-rian na tumitiyak nito.

1. KAPANGYARIHANPROBLEMA: Ang pondo ng mga gobyerno ng tao aymula sa mga mamamayan nito na karaniwan nanggaling sa mga buwis. Dahil sa pumapasok na pe-rang ito, natutuksong magnakaw ang ilang opisyal,ang iba naman ay tumatanggap ng suhol sa mga ta-ong gustong mabawasan ang kanilang ibinabayadna buwis o iba pang bayarin sa gobyerno. Maaariitong humantong sa walang-katapusang problema—tinataasan ng gobyerno ang buwis para makabawi,na pagmumulan naman ng higit pang korapsiyon.Sa ganitong kalagayan, posibleng ang mga tapat anghigit na magdurusa.

SOLUSYON: Ang kapangyarihan ng Kaharian ngDiyos ay mula kay Jehova, ang Diyos na Makapang-

KAHARIAN NG DIYOSIsang Gobyerno na Walang Korapsiyon“Sa katapus-tapusan, ang mga opisyal ng bayan ay mga mamamayan pa rin at tayonglahat ay produkto ng lipunan.” Ganiyan ang sinabi ng chief auditor ng Nicaragua nangipinaliliwanag niya kung bakit iniisip niyang imposibleng maalis ang korapsiyon sa gobyerno.

Page 5: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

yarihan-sa-lahat.� (Apocalipsis 11:15) Hindi nito ka-ilangang mangolekta ng buwis. Sa halip, dahil sa“kapangyarihan” ng Diyos at sa kaniyang pagkabu-kas-palad, tiyak na saganang ilalaan ng Kaharianang pangangailangan ng lahat ng sakop nito.—Isaias40:26; Awit 145:16.

2. TAGAPAMAHALAPROBLEMA: Ang pagsisikap na alisin ang korapsi-yon ay “dapat magsimula sa taas,” ang sabi ni SusanRose-Ackerman, na binanggit sa naunang artikulo.Nawawalan ng kredibilidad ang mga gobyerno ka-pag sinisikap nitong alisin ang korapsiyon sa pulis-ya o mga opisyal ng customs pero kinukunsinti na-man ang katiwalian ng matataas na opisyal. At kahit

� Jehova ang pangalan ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya.

na ang pinakamatuwid na tagapamahalang tao aynagkakamali rin. Gaya ng sinasabi ng Bibliya, “wa-lang taong matuwid sa lupa na patuloy na gumaga-wa ng mabuti.”—Eclesiastes 7:20.SOLUSYON: Si Jesu-Kristo, na pinili ng Diyos paramaging Tagapamahala ng Kaharian, ay hindi maaa-ring matuksong gumawa ng masama di-gaya ng ma-kasalanang mga tao. Ipinakita ito ni Jesus nang tang-gihan niya ang pinakamalaking suhol—“ang lahat ngmga kaharian ng sanlibutan at ang kanilang kalu-walhatian.” Ito ang ipinangako kay Jesus kapalit ngisang gawa ng huwad na pagsamba sa tagapamaha-la ng mundo, ang Diyablo. (Mateo 4:8-10; Juan 14:30)Kahit na nang pahirapan si Jesus hanggang kamata-yan, determinado siyang manatiling tapat anupat ti-nanggihan ang ipinaiinom sa kaniya na magtatang-gal nga sa kirot pero maaari naman siyang mawalanng kontrol sa sarili. (Mateo 27:34) Binuhay-muli ngDiyos si Jesus tungo sa langit. At napatunayan na ni-yang lubusan siyang kuwalipikado na mamahala saKaharian.—Filipos 2:8-11.

3. KATATAGANPROBLEMA: Regular ang mga eleksiyon sa mara-ming bansa, kung kailan mapaaalis daw ng mga bo-tante ang tiwaling mga opisyal na nasa puwesto.Pero sa totoo lang, sa panahon ng mga kampanya ateleksiyon, mas malamang na magkaroon ng korap-siyon, kahit sa tinatawag na mauunlad na bansa. Da-hil sa donasyon para sa kampanya at iba pang gina-gawa ng mayayaman, naiimpluwensiyahan nila angnakaupo at ang susunod na manunungkulan sa gob-yerno.

Isinulat ni Judge John Paul Stevens ng KorteSuprema ng Estados Unidos na ang gayong im-pluwensiya ay nagbabanta “hindi lang sa kalidad atpagiging nararapat ng Gobyerno kundi sa tiwala rindito ng bayan.” Kaya hindi kataka-taka na iniisip ngmaraming tao sa buong daigdig na ang mga partidosa politika ang pinakatiwali sa lahat ng institusyon.SOLUSYON:Matatag at permanente ang pamamaha-la ng Kaharian ng Diyos kaya hindi na magkaka-roon ng mga pandaraya sa kampanya o sa eleksi-yon. (Daniel 7:13, 14) Yamang Diyos ang pumili sa

Tinanggihan ni Jesusang pinakamalakingsuhol

ENERO 1, 2015 5

Page 6: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

Tagapamahala nito, ang Kaharian ay hindi nakade-pende sa mga boto ng tao at hindi rin maaaring pa-bagsakin. Dahil sa katatagan nito, tiyak na ang lahatng gagawin nito ay para sa ikabubuti ng tao.

4. BATASPROBLEMA: Sa unang tingin, parang makatutulongang paggawa ng bagong mga batas. Pero nakita ngmga eksperto na ang pagdaragdag ng mga batas aykadalasang nagiging daan lang sa higit pang korap-siyon. Isa pa, kadalasan nang napakalaki ng gastossa pagpapatupad ng mga batas para bawasan angkorapsiyon, pero wala namang gaanong nagagawa.SOLUSYON: Ang mga batas ng Kaharian ng Diyos aylubhang nakahihigit sa mga batas ng gobyerno ngtao. Halimbawa, sa halip na gumawa si Jesus ng ma-habang listahan ng mga dapat at di-dapat gawin, ibi-nigay niya ang karaniwang tinatawag na GintongAral. Sinabi niya: “Lahat ng mga bagay, kung ga-yon, na ibig ninyong gawin ng mga tao sa inyo, ga-yundin ang dapat ninyong gawin sa kanila.” (Mateo7:12) Kapansin-pansin, ang mga batas ng Kaharianay nakapokus sa motibo at pagkilos. “Iibigin mo angiyong kapuwa gaya ng iyong sarili,” ang sabi ni Jesus.(Mateo 22:39) Siyempre pa, ang Diyos, na nakababa-sa ng puso, ang kayang magpatupad ng gayong mgautos.—1 Samuel 16:7.

5. MOTIBOPROBLEMA: Kasakiman at pansariling interes angugat ng korapsiyon. Kadalasan nang ganiyan angugali ng mga opisyal ng gobyerno at ng mga mama-mayan. Sa bumagsak na department store sa Seoulna binanggit sa naunang artikulo, tumanggap ng su-hol ang mga opisyal ng gobyerno mula sa mga kon-tratista. Alam ng mga ito na makatitipid sila kungmagbibigay sila ng suhol sa halip na gumamit ngtamang materyales at sumunod sa pamantayan ngpagtatayo.

Kaya para maalis ang korapsiyon, kailangang ma-turuan ang mga tao na madaig ang kasakiman atpagkamakasarili. Gayunman, walang pagnanais atkakayahan ang mga gobyerno ng tao na ipatupadang ganitong uri ng pagtuturo.

Ang Kaharian ng Diyos ayisang tunay na gobyernona namamahala mulasa langit

6 ANG BANTAYAN

Page 7: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

SOLUSYON: Lulutasin ng Kaharian ng Diyos ang pi-nakaugat ng korapsiyon sa pamamagitan ng pagtu-turo sa mga tao kung paano madaraig ang masasa-mang motibo na sanhi nito.� Ang pagtuturo na ito aytutulong para “magbago [sila] sa puwersa na nagpa-pakilos sa [kanilang] pag-iisip.” (Efeso 4:23) Natutu-tuhan nilang maging kontento at magpakita ng inte-res sa iba sa halip na maging sakim at makasarili.—Filipos 2:4; 1 Timoteo 6:6.

6. SAKOPPROBLEMA: Kahit sa pinakamagandang kalagayanat pagtuturo sa moral, may mga tao pa rin na pipili-ing maging di-tapat at tiwali. Inaamin ng mga eks-perto na iyan ang dahilan kung bakit hindi maalis ngmga gobyerno ng tao ang korapsiyon. Ang tangingmaasahan na lang ay mabawasan ang korapsiyon atang pinsala nito.SOLUSYON: Sinabi ng United Nations ConventionAgainst Corruption na para malabanan ang korapsi-yon, dapat itaguyod ng mga gobyerno ang “integri-dad, katapatan, at pagiging responsable.” Bagamanmagandang tunguhin ito, higit pa sa pagtataguyod ngmga katangiang ito ang ginagawa ng Kaharian ngDiyos—hinihiling ito sa mga sakop nito. Ayon sa Bib-

� Halimbawa, tingnan ang artikulong “Posible Bang Maging Tapatsa Isang Tiwaling Daigdig?” sa Ang Bantayan, Oktubre 1, 2012.

liya, ang “mga taong sakim” at “sinungaling” ay hin-di magmamana ng Kaharian.—1 Corinto 6:9-11; Apo-calipsis 21:8.

Matututuhan ng mga tao na sumunod sa matata-as na pamantayang moral na ito, at nagawa na ito ngunang mga Kristiyano. Halimbawa, noong subukanng alagad na si Simon na bumili ng banal na espiri-tu mula sa mga apostol, hindi nila tinanggap ang su-hol at sinabi sa kaniya: “Pagsisihan mo ang kasama-an mong ito.” Nang makita ni Simon ang panganibng kaniyang maling pagnanasa, hiniling niya sa mgaapostol na ipanalangin siya para madaig niya ito.—Gawa 8:18-24.

KUNG PAANO MAGIGING SAKOP NG KAHARIANAnuman ang nasyonalidad mo, puwede kang ma-

ging sakop ng Kaharian ng Diyos. (Gawa 10:34, 35)Paano? Malalaman mo ito sa iniaalok ng Kaharian naprograma ng pagtuturo na ginagawa na ngayon sabuong mundo. Matutuwa ang mga Saksi ni Jehovana ipakita sa iyo kung paano ginagawa ang librengpag-aaral sa Bibliya sa inyong bahay, kahit mga 10minuto lang sa isang linggo. Matututo ka rin nanghigit pa tungkol sa “mabuting balita ng kaharian ngDiyos,” at kung paano nito aalisin ang korapsiyon sagobyerno. (Lucas 4:43) Maaari kang makipag-usapsa mga Saksi sa inyong lugar o magpunta sa amingwebsite na jw.org. ˇ

Gusto mo ba ng isanglibreng pag-aaral saBibliya sa inyong bahay?Magpunta sawww.jw.org /tlo i-scan ang code

ENERO 1, 2015 7

Page 8: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

ANG AKING NAKARAAN: Isinilang ako sa Baku, Azerbaijan. Da-lawa lang kaming magkapatid, at ako ang bunso. Muslim angaking ama at Judio naman ang aking ina. Nagmamahalan silaat iginagalang ang paniniwala ng isa’t isa. Kapag nag-aayunosi Tatay tuwing Ramadan at nangingilin naman si Nanay tu-wing Paskuwa, sinusuportahan nila ang isa’t isa. Mayroon ka-ming Koran, Torah, at Bibliya sa bahay.

Itinuturing kong Muslim ang aking sarili. Hindi ko pinagdu-dahan kung may Diyos, pero may mga tanong na gumugu-lo sa isip ko, ‘Bakit nilalang ng Diyos ang tao, at bakit kaila-ngang magdusa habang-buhay ang isa kung parurusahan dinlang siya magpakailanman sa impiyerno?’ Yamang sinasabi ngiba na kalooban ng Diyos ang lahat ng nangyayari, naisip ko,‘Pinaglalaruan lang ba tayo ng Diyos at gusto niyang makitangnagdurusa ang mga tao?’

Dose anyos pa lang ako, nagdarasal na ako ng namaz, ang li-mang seremonyal na dasal ng Muslim araw-araw. Nang pana-hong iyon, kami ng ate ko ay pinag-aral ni Tatay sa isang paa-ralang Judio. Kasama sa itinuturo doon ang wikang Hebreo atmga tradisyong Judio. Araw-araw, bago magsimula ang klase,nagdarasal kami ayon sa tradisyong Judio. Kaya sa umaga, nag-darasal ako ng namaz sa bahay at sa bandang hapon, nagdara-sal naman ako ng mga dasal ng Judio sa paaralan.

Sabik na sabik akong malaman ang makatuwirang sagot samga tanong ko. Paulit-ulit kong itinatanong sa mga rabbi sa pa-aralan: “Bakit nilalang ng Diyos ang tao? Ano kaya ang tinginng Diyos sa tatay kong Muslim? Mabuting tao siya, pero bakitsiya ituturing na marumi? Bakit siya nilalang ng Diyos?”Ang ii-lang sagot na nakuha ko ay di-makatuwiran at di-kapani-pani-wala.

KUNG PAANO BINAGO NG BIBLIYA ANG BUHAY KO: Noong 2002,nawalan ako ng pananampalataya sa Diyos. Isang linggo palang kaming nakalipat sa Germany nang ma-stroke ang tatayko at nakoma. Ipinagdarasal ko sa loob ng maraming taon angkalusugan at kapakanan ng pamilya ko. Kumbinsido ako na ta-

BINAGO NG BIBLIYA ANG KANILANG BUHAY

Nasagot ng Bibliyaang pagkauhaw kosa katotohanan

AYON SA SALAYSAY NIMAYLI G

¨UNDEL

ISINILANG1987BANSANG PINAGMULANAZERBAIJAN

MUSLIM ANG AMA;JUDIO ANG INA

8 ANG BANTAYAN

Page 9: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

nging ang Makapangyarihan-sa-lahat ang may kon-trol sa buhay at kamatayan, kaya araw-araw kong ipi-nagdarasal na sana’y humaba pa ang buhay ng tatayko. Naisip ko, ‘Maliit na bagay lang naman sa Diyosna ibigay ang taos-pusong kahilingan ng isang mun-ting bata.’ Sigurado akong ibibigay niya ang akingmga kahilingan. Pero namatay si Tatay.

Nadismaya ako dahil parang walang malasakit angDiyos, kaya lumong-lumo ako. ‘Baka mali ang para-an ng pagdarasal ko,’ ang nasabi ko, ‘o baka walangDiyos.’ Nalito ako at hindi na ako makapagdasal ngnamaz. Hindi naman ako naniniwala sa ibang relihi-yon, kaya nasabi ko na walang Diyos.

Makalipas ang anim na buwan, may dumalaw sabahay namin na mga Saksi ni Jehova. Dahil hindikami bilib sa Kristiyanismo, gusto naming patunayanni Ate sa magalang na paraan na mali sila. Itinanongnamin: “Bakit sinasamba ng mga Kristiyano si Jesus,ang krus, si Maria, at ang mga imahen gayong labagiyan sa Sampung Utos?” Gulat na gulat ako nang ipa-kita sa amin ng mga Saksi mula sa Kasulatan ang na-kakukumbinsing patotoo na ang pagsamba sa ima-hen ay ipinagbabawal sa tunay na mga Kristiyano atna sa Diyos lang tayo dapat manalangin.

Pagkatapos, itinanong namin: “Naniniwala bakayo sa Trinidad? Kung si Jesus ay Diyos, paanonangyaring nabuhay siya sa lupa at pinatay ng mgatao?” Sumagot uli sila mula sa Bibliya at ipinaliwanagna si Jesus ay hindi Diyos ni kapantay man ng Diyos,kaya hindi sila naniniwala sa Trinidad. Namanghaako at naisip ko, ‘Kakaiba talaga ang mga Kristiya-nong ito.’

Gusto ko pa ring malaman kung bakit namamatayang mga tao at kung bakit pinahihintulutan ng Diyosang pagdurusa. Ipinakita sa akin ng mga Saksi angaklat na Ang Kaalaman na Umaakay sa Buhay na Wa-lang-Hanggan,� na may mga kabanata na sumasagotsa mga tanong ko. Nagsimula kami agad na mag-aralng Bibliya.

Sa bawat pag-aaral, may nakukuha akong maka-tuwiran at salig-Bibliyang mga sagot sa mga tanongko. Nalaman ko na Jehova ang pangalan ng Diyos.

� Inilathala ng mga Saksi ni Jehova pero hindi na inililimbag.

(Awit 83:18) Ang panguna-hin niyang katangian ay pag-ibig. (1 Juan 4:8) Nilalangniya ang tao dahil gusto ni-yang ibahagi sa kanila angregalong buhay. Naunawaanko na bagaman pinahihintu-lutan ng Diyos ang pagduru-sa, kinasusuklaman niya itoat malapit na niyang alisinito magpakailanman. Natu-tuhan ko na nagdulot ng pinsala sa tao ang pagre-rebelde nina Adan at Eva. (Roma 5:12) Kasama samasasaklap na epekto nito ang pagkamatay ng mgamahal sa buhay, gaya ng nangyari kay Tatay. Gayun-man, papawiin ng Diyos ang mga trahedyang iyan sadarating na bagong sanlibutan, kung saan lahat ngnamatay ay bubuhaying muli.—Gawa 24:15.

Sinagot ng Bibliya ang pagkauhaw ko sa katoto-hanan kaya muli akong naniwala sa Diyos. Ha-bang nakikilala ko ang mga Saksi ni Jehova, naki-ta kong pambuong-daigdig ang kanilang kapatiran.Hanga ako sa kanilang pagkakaisa at pag-ibig. (Juan13:34, 35) Dahil sa mga natututuhan ko tungkol kayJehova, naudyukan ako na paglingkuran siya, kayanagpasiya akong maging Saksi ni Jehova. Nabautis-muhan ako noong Enero 8, 2005.

KUNG PAANO AKO NAKINABANG: Binago ng nakaku-kumbinsi at makatuwirang sagot ng Bibliya ang pa-nanaw ko sa buhay. Dahil sa maaasahang paliwanagna nakita ko sa Salita ng Diyos, napanatag ang loobko. Malaking kagalakan at kaaliwan sa akin ang pag-asang muling makita si Tatay sa pagkabuhay-muli naipinangako sa Salita ng Diyos.—Juan 5:28, 29.

Anim na taon na akong maligaya sa piling ng akingmay-takot sa Diyos na asawa, si Jonathan. Natutuhannamin na ang katotohanan tungkol sa Diyos ay ma-katuwiran, simple, at napakahalagang kayamanan.Kaya gustong-gusto naming ibahagi ang aming pana-nampalataya at kamangha-manghang pag-asa sa iba.Alam ko na ngayon na ang mga Saksi ni Jehova ayhindi “kakaiba” kundi mga tunay na Kristiyano. ˇ

ENERO 1, 2015 9

Page 10: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

ANONG uri ng katiwasayan ang dapat ilaan ng lalaki sakaniyang asawa? Para sa marami, ang pangunahing la-

yunin ng asawang lalaki ay gawing matatag sa pinansiyal angpamilya. Pero ang ilang asawang babae na sagana sa mater-yal ay hindi pa rin panatag sa emosyonal—nangangamba panga. Halimbawa, ganito ang sinabi ni Rosa na isang Kastilatungkol sa kaniyang asawa, “Mabait ang asawa ko sa ibangtao, pero ibang-iba siya pagdating sa bahay.” Si Joy naman nataga-Nigeria ay nagsabi, “Kapag hindi ako sang-ayon noon saasawa ko, sinasabi niya, ‘Dapat kang sumunod sa lahat ngsinasabi ko dahil asawa mo ako.’ ”

Paano magiging maibiging asawa ang isang lalaki? Anoang dapat gawin ng asawang lalaki para maging tiwasay angkanilang tahanan, isang “pahingahang-dako” para sa kani-yang asawa?—Ruth 1:9.

ANG AWTORIDAD NG ASAWANG LALAKI AYON SA BIBLIYABagaman ang asawang lalaki at babae ay pantay sa pani-

ngin ng Diyos, sinasabi ng Bibliya na ang bawat isa ay maykani-kaniyang papel sa pamilya. Binabanggit ng Roma 7:2na ang babaeng may asawa ay nasa ilalim ng “kautusan ngkaniyang asawa.” Kung paanong ang mga institusyon aynag-aatas ng ulo para mangasiwa, inatasan ng Diyos angasawang lalaki na maging ulo ng kaniyang asawa. (1 Co-rinto 11:3) Siya ang dapat manguna sa kanilang sambaha-yan.

Bilang asawang lalaki, paano mo dapat gampanan angiyong bigay-Diyos na awtoridad? “Patuloy na ibigin anginyu-inyong asawang babae,” ang sabi ng Bibliya, “kungpaanong inibig din ng Kristo ang kongregasyon.” (Efeso5:25) Oo, bagaman hindi nag-asawa si Jesu-Kristo, maka-tutulong sa iyo ang halimbawa niya para maging mabutingasawang lalaki. Tingnan natin kung paano.

JESUS—HUWARAN PARA SA MGA ASAWANG LALAKI

Sinikap ni Jesus na aliwin at tulungan ang iba. Nangako siJesus sa lahat ng napabibigatan ng personal na mga prob-lema at naaapi: “Pumarito kayo sa akin, . . . at pagiginha-wahin ko kayo.” (Mateo 11:28, 29) Kadalasan nang pina-pawi niya ang kanilang pagdurusa at tinutulungan silangmaging malapıt kay Jehova. Kaya marami ang napalapıtkay Jesus dahil kumbinsido sila na talagang tutulunganniya sila!

AsawangLalakiGawingTiwasay

ang InyongTahanan

10 ANG BANTAYAN

Page 11: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

Kung paano matutularan ng asawang lalaki si Jesus. Sika-ping tulungan ang iyong asawa sa kaniyang mga gawain. Angilang asawang babae ay nagrereklamo na gaya ni Rosa: “Pa-rang katulong lang ang tingin sa akin ng asawa ko.” Iba na-man ang sinabi ng maligayang asawang lalaki na si Kweku:“Lagi kong tinatanong ang asawa ko kung paano ko siya ma-tutulungan. Dahil mahal ko siya, kusa ko siyang tinutulu-ngan sa mga gawaing bahay.”Makonsiderasyon si Jesus at may empatiya. Isang kaawa-awang babae ang may nakapipighating sakit sa loob ng 12taon. Nang marinig niya ang tungkol sa kapangyarihan ni Je-sus na gumawa ng himala, “patuloy niyang sinasabi: ‘Kungmahihipo ko kahit man lamang ang kaniyang mga panlabasna kasuutan ay gagaling ako.’ ” Tama siya. Lumapit siya kayJesus, hinipo ang laylayan ng kaniyang kasuutan, at agadsiyang gumaling. Bagaman malamang na naisip ng ilang nag-mamasid na ang babaeng ito ay pangahas, naunawaan ni Je-sus na gustong-gusto nitong gumaling.�May-kabaitan niyang

� Ayon sa Kautusang Mosaiko, marumi ang babaeng ito dahil sa kaniyang ka-lagayan, at sinumang hipuin niya ay ituturing na marumi.—Levitico 15:19, 25.

Ang pagbubulay-bulay sahalimbawa ni Jesus aymakatutulong sa isanglalaki na maging masmabuting asawa at ama

Page 12: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

sinabi: “Anak, . . . magkaroon ka ng mabuting kalu-sugan mula sa iyong nakapipighating sakit.” Hindiniya ipinahiya o pinagalitan ang babae kundi inuna-wa niya na may sakit ito. Kaya ipinakita ni Jesuskung anong uri siya ng tao—isang lalaking may em-patiya.—Marcos 5:25-34.Kung paano matutularan ng asawang lalaki siJesus. Kapag hindi maganda ang pakiramdam ngiyong asawa, magpakita ng higit na konsiderasyonat pasensiya. Sikaping unawain ang kaniyang ka-lagayan. Halimbawa, ganito ang paliwanag ni Ri-cardo, “Kapag napansin kong madaling mainis angaking asawa, ingat na ingat akong makapagbitiw ngmga salitang makapagpapasama ng loob niya.”Nakikipag-usap si Jesus sa kaniyang mga alagad.Maraming bagay ang ipinakipag-usap ni Jesus samga kaibigan niya. “Ang lahat ng bagay na narinigko sa aking Ama ay ipinaalam ko na sa inyo,” angsabi niya. (Juan 15:15) Totoo na kung minsan aygus-to ni Jesus na mapag-isa para magbulay-bulayat ma-nalangin. Ngunit madalas niyang sinasabi sa ka-niyang mga alagad ang niloloob niya. Noong gabibago siya patayin bilang kriminal, tuwiran niyangsinabi sa kanila na siya ay “lubhang napipighati.”(Mateo 26:38) Kahit na binigo siya ng mga kaibiganniya, kinakausap pa rin niya sila.—Mateo 26:40, 41.

Kung paano matutularan ng asawang lalaki siJesus. Sabihin sa iyong asawa ang nilalaman ngiyong isip at puso. Maaaring magreklamo ang isangbabae na ang kaniyang asawa ay mahusay makipag-usap sa iba pero walang kibo sa bahay. Sa kabilangbanda, pansinin ang nadarama ni Ana kapag sinasa-bi ng kaniyang asawa ang niloloob nito. “Damang-dama ko na talagang mahal niya ako,” ang sabi niya,“at mas napapalapıt ako sa kaniya.”

Huwag magsawalang-kibo para parusahan angiyong asawa. “Kapag nagalit sa akin ang mister ko,”ang sabi ng isang babae, “hindi niya ako kakausapinnang ilang araw. Ipinadarama niya na ako ang maykasalanan at wala akong kuwenta.” Sa kaso namanni Edwin, sinisikap niyang tularan si Jesus. “Kapagnaiinis ako, hindi ako nagsasalita agad, pero naghi-hintay ako ng tamang panahon para pag-usapan na-min ito.”

Nakita ni Joy, na binanggit kanina, ang mga pagba-bago sa kaniyang asawa mula nang makipag-aral itong Bibliya sa mga Saksi ni Jehova. Sinabi niya, “Nag-bago na siya at pinagsisikapannaniyang maging masmapagmahal na asawa bilang pagtulad kay Jesus.”Milyon-milyong mag-asawa ang nakikinabang sa ga-yong payo ng Bibliya. Gusto mo bang mapabilang sakanila? Maaari kang humiling sa mga Saksi ni Jeho-va ng isang libreng pag-aaral sa Bibliya. ˇ

Page 13: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

Minsan, maaaring tumukoy ang salitang ito sa isang lalaking kina-pon. Noong panahon ng Bibliya, kinakapon ang lalaki bilang paru-sa o kapag naging bihag o alipin. Ang pinagkakatiwalaang mga la-laki na kinapon ang nangangasiwa sa tirahan ng mga babae, oharem, sa bahay ng mga maharlika. Halimbawa, ang mga batingna sina Hegai at Saasgaz ang tagapag-alaga ng mga asawa at mgababae ni Haring Ahasuero ng Persia, na ipinalalagay na si Jerjes I.—Esther 2:3, 14.

Pero hindi lahat ng bating na nasa Bibliya ay aktuwal na kinapon.Sinasabi ng ilang iskolar na tumutukoy rin ang salitang ito sa isangopisyal na nanunungkulan sa korte ng hari. Malamang na ito angdiwa ng pagiging bating ni Ebed-melec, na kasama ni Jeremias, atng Etiope na pinangaralan ng ebanghelisador na si Felipe. Tiyak nasi Ebed-melec ay isang mataas na opisyal dahil direkta niyang na-kakausap si Haring Zedekias. (Jeremias 38:7, 8) At ang Etiope na“pumaroon sa Jerusalem upang sumamba” ay inilarawang tagapa-mahala ng kayamanan ng isang maharlika.—Gawa 8:27. ˇ

ALAM MO BA?

Ano ang ibig sabihin ng salitang “bating” nabinabanggit sa Bibliya?

BAHAGI NG INUKIT NA LARAWANNG ISANG BATING SA ASIRYA

� The Metropolitan Museum of Art,Image source: Art Resource, NY

Nang ilarawan ni Jesus ang darating na panahon ng paghuhukom,sinabi niya: “Kapag ang Anak ng tao ay dumating sa kaniyang ka-luwalhatian, . . . pagbubukud-bukurin niya ang mga tao sa isa’t isa,kung paanong ibinubukod ng pastol ang mga tupa mula sa mgakambing.” (Mateo 25:31, 32) Bakit pinagbubukod ng pastol angmga hayop na ito?

Karaniwan nang pinapastulan at hinahayaang manginaing mag-kasama kung araw ang tupa at kambing. Pero sa gabi, tinitipon angmga ito sa mga kulungang nagsasanggalang sa kanila mula sama-babangis na hayop, magnanakaw, at sa lamig. (Genesis 30:32, 33;31:38-40) Inilalagay ang mga ito sa magkaibang kulungan paraprotektahan ang maaamong tupa, lalo na ang mga tupang babaeat mga kordero, mula sa mas agresibong mga kambing. Ibinubu-kod din ng pastol ang tupamula sa kambing kapag “pinararami, gi-nagatasan, at ginugupitan,” ayon sa aklat na All Things in the Bi-ble. Kaya ang ilustrasyon ni Jesus ay pamilyar sa mga tagapakinigniya na gaya ng mga pastol sa sinaunang Israel. ˇ

Bakit ibinubukod ng mga pastol ang tupamula sa kambing noong panahon ng Bibliya?

� World Religions Photo Library/Alamy

ENERO 1, 2015 13

Page 14: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

ISANG mananaliksik ang nagsurbey sa mahigit 800kabataan mula sa iba’t ibang relihiyon kung nani-

niwala ba silang sinasagot ni Jesus ang mga panala-ngin. Mahigit 60 porsiyento ang sumagot ng oo. Peromay isang kabataan na binura ang pangalan ni Jesusat pinalitan ito ng “Diyos.”

Sa palagay mo, kay Jesus ba tayo dapat manala-ngin o sa Diyos?� Alamin natin kung ano ang itinu-ro ni Jesus sa kaniyang mga alagad.

KANINO TAYO DAPAT MANALANGIN AYON KAY JESUS?Itinuro at ipinakita ni Jesus kung kanino tayo da-

pat manalangin.ANG TURO NIYA:Nang sabihin ng isang alagad kay Je-sus, “Panginoon, turuan mo kaming manalangin,”sumagot si Jesus: “Kailanma’t mananalangin kayo,sabihin ninyo, ‘Ama.’ ” (Lucas 11:1, 2) Isa pa, sa kani-yang Sermon sa Bundok, pinasigla ni Jesus ang ka-niyang mga tagapakinig na manalangin. Sinabi niya:“Manalangin ka sa iyong Ama.” Tiniyak din niya sakanila: “Nalalaman ng . . . inyong Ama kung anongmga bagay ang kinakailangan ninyo bago pa manninyo hingin sa kaniya.” (Mateo 6:6, 8) Noong gabibago siya mamatay, sinabi ni Jesus sa kaniyang mgaalagad: “Kung hihingi kayo sa Ama ng anumang ba-gay ay ibibigay niya ito sa inyo sa pangalan ko.” (Juan16:23) Kaya tinuruan tayo ni Jesus na manalangin sakaniyang Ama at ating Ama, ang Diyos na Jehova.—Juan 20:17.ANG HALIMBAWA NIYA: Kaayon ng itinuro ni Jesus,personal siyang nanalangin: “Hayagan kitang pi-

� Ayon sa Kasulatan, hindi magkapantay ang Diyos at si Jesus.Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 4 ng aklat naAno Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya? na inilalathala ng mga Saksi niJehova. Available din sa www.jw.org/tl.

nupuri, Ama, Panginoon ng langit at lupa.” (Lucas10:21) Minsan, “itiningin ni Jesus sa langit ang ka-niyang mga mata at nagsabi: ‘Ama, nagpapasala-mat ako sa iyo na dininig mo ako.’ ” (Juan 11:41) Atnang mamamatay na si Jesus, ipinanalangin niya:“Ama, sa iyong mga kamay ay ipinagkakatiwala koang aking espiritu.” (Lucas 23:46) Nagpakita si Je-sus ng malinaw na halimbawa para sa lahat tung-kol sa pananalangin sa kaniyang makalangit na Ama—ang “Panginoon ng langit at lupa.” (Mateo 11:25;26:41, 42; 1 Juan 2:6) Naintindihan ba ng unang mgaalagad ni Jesus ang kaniyang mga tagubilin?

KANINO NANALANGIN ANG UNANG MGAKRISTIYANO?

Mga ilang linggo pa lang pagkabalik ni Jesus sa la-ngit, nililigalig na at pinagbabantaan ng mga suma-salansang ang kaniyang mga alagad. (Gawa 4:18)Siyempre, nanalangin sila para humingi ng tulong—pero kanino? “May-pagkakaisa nilang inilakas angkanilang mga tinig sa Diyos,” na ipinananalangingpatuloy silang tulungan “sa pamamagitan ng pa-ngalan ng [kaniyang] banal na lingkod na si Jesus.”(Gawa 4:24, 30) Kaya sinunod ng mga alagad ang iti-nuro ni Jesus. Nanalangin sila sa Diyos, hindi kay Je-sus.

Makalipas ang mga taon, inilarawan ni apostolPablo kung paano sila nanalangin ng mga kasamaniya. Sinabi niya sa kaniyang sulat para sa mga ka-puwa Kristiyano: “Pinasasalamatan naming lagi angDiyos na Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo ka-pag nananalangin kami para sa inyo.” (Colosas 1:3)Isinulat din ni Pablo sa kaniyang mga kapananam-palataya ang tungkol sa ‘laging pagpapasalamat da-hil sa lahat ng mga bagay sa ating Diyos at Ama’ “sa

Dapat Ba TayongManalangin kay Jesus?

14 ANG BANTAYAN

Page 15: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

pangalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo.” (Efeso5:20) Makikita natin sa mga salitang ito na pinasiglani Pablo ang iba na manalangin sa kaniyang “Diyosat Ama” dahil sa lahat ng mga bagay—pero siyempre,sa pangalan ni Jesus.—Colosas 3:17.

Gaya ng unang mga Kristiyano, maipakikita rinnatin ang ating pag-ibig kay Jesus kung susundin na-tin ang kaniyang payo hinggil sa panalangin. (Juan14:15) Kung mananalangin tayo tangi lamang saating makalangit na Ama, mas magiging makabulu-han sa atin ang mga salita sa Awit 116:1, 2: “Ako ayumiibig, sapagkat dinirinig ni Jehova ang aking tinig. . . Sa lahat ng aking mga araw ay tatawag ako.”� ˇ

� Para dinggin ng Diyos ang ating mga panalangin, dapat natingpagsikapang mamuhay ayon sa kaniyang mga kahilingan. Para sahigit pang impormasyon, tingnan ang kabanata 17 ng aklat na AnoBa Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?

Nagpakita si Jesusng halimbawa kungpaano mananalanginsa kaniyang makalangitna Ama

May ilang ulat sa Bibliya na nakipag-usapang tapat na mga tao kay Jesus nang nasalangit na siya—at kung minsan sa mga ang-hel. (Gawa 9:4, 5, 10-16; 10:3, 4; Apocalip-sis 10:8, 9; 22:20) Pero nananalangin baang mga taong iyon sa mga nilalang na itosa langit? Hindi. Sa lahat ng mga pagkaka-taong iyon, ang mga nilalang sa langit angnagpasimula ng pag-uusap. Sa Diyos la-mang nanalangin ang tapat na mga lalaki’tbabae.—Filipos 4:6.

Nanalangin Ba Sila kay Jesus?

ENERO 1, 2015 15

Page 16: ISANG GOBYERNO NAWALANG KORAPSIYON - …download.jw.org/files/media_magazines/4d/wp_TG_20150101.pdfman, isang eksperto sa paksa laban sa korapsiyon, na ang reporma ay mangangailangan

ANO BA Talaga

ANG ITINUTURO

NG BIBLIYA?

wp

15

01

/01

-TG

14

10

06

Ano ang nag-uudyok sa maramingtao para maniwala na may isangMaylalang?Isinulat ng isang makata mga 3,000 taon na ang naka-lipas: “Sa kakila-kilabot na paraan ay kamangha-manghaang pagkakagawa sa akin.” (Awit 139:14) Hindi ka ba nama-mangha kapag pinag-iisipan mo kung paano nabubuo angisang sanggol mula sa isang selula? Kinikilala ng maramina ang Maylalang ang nagdisenyo ng lahat ng bagay namaybuhay.—Basahin ang Awit 139:13-17; Hebreo 3:4.Ang Isa na lumalang sa uniberso at gumawa ng lupa para

tirhan ang siya ring lumalang ng buhay. (Awit 36:9) Nakipag-usap siya sa mga tao at ipinakilala ang kaniyang sarili.—Ba-sahin ang Isaias 45:18.

Galing ba tayo sa hayop?Kung titingnan, ang ating katawan ay kahawig ng samga ha-yop. Pero ito ay dahil sa parehong dinisenyo ng Maylalangang tao at hayop para mabuhay sa lupa. Nilalang niya angunang tao, hindi mula sa hayop, kundi mula sa lupa.—Basa-hin ang Genesis 1:24; 2:7.Naiiba ang tao mula sa hayop sa dalawang mahalagang

dahilan. Una, ang mga tao ay may kakayahang makilala, ibi-gin, at igalang ang Maylalang. Ikalawa, ang mga hayop ayhindi dinisenyo para mabuhay magpakailanman, samanta-lang ang mga tao ay gayon ang pagkakadisenyo. Pero nga-yon, namamatay ang mga tao dahil tinanggihan ng unangtao ang patnubay ng Maylalang.—Basahin ang Genesis1:27; 2:15-17.

SAGOT SA MGA TANONG SA BIBLIYA

ALAMIN ONLINE ANG SAGOT SAIBA PANG MGA TANONG SA BIBLIYA

HINDI BA KAMANGHA-MANGHA ANG BUHAY?

Para sa higitpang impormasyon,tingnan angkabanata 1 ng aklatna ito na inilalathalang mga Saksi niJehova

Available din sawww.jw.org /tl

Pakisuyong padalhan ako ng kopya ngAno Ba Talaga ang Itinuturo ng Bibliya?WIKA ��������������������������������������������������������������������������������

PANGALAN ������������������������������������������������������������������������

ADRES ������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������

�����������������������������������������������������������������������������������������

Para sa adres, tingnan sa pahina 2

sLibreng download ngmagasing ito at ngnakaraang mga isyu

Bibliya online samahigit 100 wika

Magpunta sawww.jw.org/tlo i-scan ang code

n

o

p