Upload
czareaquino
View
19.281
Download
20
Embed Size (px)
Citation preview
ni Amado Hernandez
Ako’y ikinulong ng walang sala ng dahil lamang sa
kanilang kagustuhanWala akong nagawa sapagkat
ako’y mahinaMga pangarap ko’y biglang
nawala
Ako’y nakulong sa piitang mapangahas
SA lugar na siguradong hindi makakatakas
Hiwalay sa mundo at tila walang silbi
Bintana ng aking mundo’y puno ng pagdadalamhati
Aking nararanasan ang labis na pighati
Dahil lamang sa bayan na aking pinaglingkuran ng mabuti
Kalupitan ang aking dinaranas sa kamay ng mga
tanodTila hayop kung ituring
kaming bilanggoMga panaghoy ng
pagpapakasakit dito’y maririnig
Bawat segundo, minuto at oras na lumilipas ay tila kay
bagalPaghihirap ay lalong
tumatagalPuno ng pagluluksa itong bilangguan na tila isang
kabaong
Ang tanod kapag dumaan, kami’y ilalabas
Sa init ng araw kami ay ibibilad
Pag kagat ng dilim kami’y ibabalik
Balik sa lugar na aking kinasusuklaman
Kapag batingaw ay narinig
Hudyat ito ng pagtakas Kapag siya’y nahuli, bibitayin o babarilin
Ito ang aking mundo sa kasalukuyan
At marahil hanggang kamatayan
Buong buhay ko na yata ako dito mamamalagiSa piitan ng pighati
Ngunit ako ay hindi natatakot
Loob ko’y tatatagan at magtitiis
Ang pangyayaring ito ay parte ng buhay
Kahit ako’y nakakulong, pag-asa parin sa akin ay
nabubuhay
Ang Diyos ay hindi natutulog
At and naapi ay di laging api
May araw din ng pagtuosAt ang bayan ay
maghihiganti
Luha ko’y naubos na, panahon na upang ako ay bumangon sa putik na malagkit
Tila kay sarap ng sikat ng araw na dinadaluyan ng tagumpay
Ako ay malaya na, salubungin mo ako, bayang walang laya!
Mga Elemento ng tula
1st-3rd tayutay: 124th: 14 at 12
5th: 126th-7th: 12 at 13
8th: 10 at 129th : 12 at 13
10th: 1211th: 11 at 12
Karaniwana.Katinig Ikinulong ako sa kutang malupitbato, bakal, punlo, balasik ng bantay,
lubos na tiwalang sa buong daigdig
at inaring kahit buhay man ay patay
b.PatinigAng maghapong tila isang tanikala
na kala-kaladkad ng paang madugo
ang buong magdamag ay kulambong luksa
ng kabaong waring lungga ng bilanggo
A. SimiliSintalim ng kidlat and mga mata ng tanod
B.HayperboliSa munting dungawan, tanging abot-malas
ay sandipang langit na puno ng luha
C.PersonipikasyonKung minsan, and gabi'y biglang magugulantang
D.PagwawangisAt ito ang daigdig ko ngayon--bilagguang mandi'y libingan ng buhay
Pagsusuring pampanitikan
Uri ng Tula – Maaari itong masabing isang tulang elihiya, dahil ito ay nagsasaad ng matinding kalungkutan
Matalinhagang salita:Simili – “anaki’y atungal ng hayop sa yungib”
Hayperboli – “Sanlibong aninong iniluwa sa dilim”
Pagtatao – “kung minsa’y tumatangis ang lumang batingaw”
Pagwawangis – “Ang buong magdamag ay kulambong luksa ng kabaong waring lungga ng bilanggo.
Ipinapakita ng tulang ito ang kalungkutan na nadarama ng nagsasalita dahil sa
kanyang pagkabilanggo. Ipinararamdam ng tula ang hirap na dinaranas ng isang bilanggo at ang kanyang hangaring makalaya.
Dahil sa pagpapakita nito sa kahirapan ng pagiging isang bilanggo, nagbigay ito ng mensahe na ayusin ang ating mga ugali o kilos dahil hindi makakabuti sa atin ang kasamaan. Ipinahiwating ng tula na dapat tayong gumawa ng mabubuting asal para sa kapakanan ng ating pamilya lalo na sa atin, at sa ating mga gusto pang gawin sa buhay.
Nagbigay ito ng mensahe na ayusin ang ating mga ugali o kilos dahil hindi makakabuti sa atin ang kasamaan. Ipinahiwating ng tula na dapat tayong gumawa ng mabubuting asal para sa kapakanan ng ating pamilya lalo na sa atin, at sa ating mga gusto pang gawin sa buhay.
1) Oo, karapat-dapat na tularan si Amado V. Hernandez bilang isang matapang na lider ng manggagawa sapagka't ginawa niya ang lahat upang mawala ang hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao o ang tinatawag na "social injustice". Isa siya sa mga kasama na gumawa ng pinakakontrobersyal na strike noong panahon niya. Ginawa niya ang alam niyang tama kahit na alam niyang ikapapahamak niya ito.
2) a. Kung ako/kami ay dumating sa ganoong sitwasyon kung saan ay pagbibintangan na ako ang kumuha ng aklat ng aking kaklase at ako'y isinumbong, ang una kong gagawin ay kakausapin ko muna siya kung ano ang kanyang batayan upang pagkamalan na ako ang kumuha. Sigurado man siya o hindi sa kanyang hinala ay kakausapin namin ang guro upang maayos ang problema.
b. Kahit na tinakot niya ako at alam ko na maaapektuhan ang aming pagkakaibigan, ay sasabihin ko pa rin ito sa aming guro. Ang una kong gagawin ay kakausapin ko ng kalmado ang aking kaklase tungkol sa bagay na ito at tatanungin ko kung ba't niya iyon ginawa. Sa aming pag-uusap, ipapaalam ko sa kanya na makakarating ang kanyang ginawa sa guro.
c. Kung siya ang sa tingin ko ang kumuha ng aking pitaka, ang una kong gagawin ay hindi muna ako maghuhusga na siya ang kumuha sapagka't wala naman akong sapat na katibayan. Aantayin ko na lamang na siya mismo ang mag-aabot sa akin ng aking pitaka at kusang magpapaliwanag.