49
ISANG PAG-AARAL SA PANUKALA NG PAGKAKAROON NG SINING PAGTATANGHAL SA PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS  _______ _______ Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kagawaran ng Filpino, Kolehiyo ng Inhenyeriya, Arkitektura at Pinong Sining, Pambansang Pamantasan ng Batangas  _______ _______ Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik  _______ _______ Isinumite nina: ARJAY M. ABACAN LEAH L. AFABLE MARIA VIRESA P. ENRIQUEZ ARJEL EIRON O. ESCAREZ KENNETH S. ESPERITU KENT JAZREEL L. ESPIRITU RIGO THEODORE T. POLITICO ADRIAN B. UNTIVEROS JOREFE B. VELASQUEZ Marso 2014

ISANG PAG-AARAL SA PANUKALA NG PAGKAKAROON NG SINING PAGTATANGHAL SA PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Nagbibigay ng mga kasagutan ang pamanahong-papel na ito sa katanungan kung maisasakatuparan na nga ba ang pagkakaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matugunan ang mga pangangailangan sa pagsusulong ng nasabing panukala, ngunit bago ang lahat, ninanais nito na saliksikin muna ang persepsyon, reaksyon, saloobin at suliranin ng mga respondenteng mag-aaralnapagkasunduan ng mga mananaliksik na isulong ang pag-aaral tungkol sa Sining Pagtatanghal sapagkat batay sa mga impormasyong aming nakalap, isang malaking pangangailangan ng mga mag-aaral ang ganitong uri ng sining. Layunin din ng mga mananaliksik na pukawin ang puso at isipan ng mga mag-aaral ng Pamantasan upang maging bukas sila sa mga naturang bagay. Isinagawa din ang pag-aaral na ito sa pag-asang magagamit din ito ng mga susunod pang mananaliksik bilang materyal at hanguan ng ideya at impormasyon para sa pagpapalawig pa ng pag-aaral tungkol sa paksa ng Sining Pagtatanghal at magamit para sa benepisyo at kapakanan ng mga mamamayan.

Citation preview

  • ISANG PAG-AARAL SA PANUKALA NG PAGKAKAROON NG SINING PAGTATANGHAL SA PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS

    ____________________________________________________________________

    Isang Pamanahong-Papel na Iniharap sa Kagawaran ng Filpino, Kolehiyo ng Inhenyeriya, Arkitektura at Pinong Sining, Pambansang Pamantasan ng Batangas

    ____________________________________________________________________

    Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2- Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

    ____________________________________________________________________

    Isinumite nina:

    ARJAY M. ABACANLEAH L. AFABLE

    MARIA VIRESA P. ENRIQUEZARJEL EIRON O. ESCAREZ

    KENNETH S. ESPERITUKENT JAZREEL L. ESPIRITU

    RIGO THEODORE T. POLITICOADRIAN B. UNTIVEROSJOREFE B. VELASQUEZ

    Marso 2014

  • 2DAHON NG PAGPAPATIBAY

    Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 102,

    Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na

    pinamagatang Isang Pag-aaral sa Panukala ng Pagkakaroon ng Sining

    Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas ay inihanda at iniharap ng

    pangkat ng mga mananaliksik mula sa Departamento ng General Engineering na binubuo

    nina:

    Arjay M. Abacan

    Leah L. Afable

    Maria Viresa P. Enriquez

    Arjel Eiron O. Escarez

    Kenneth S. Esperitu

    Kent Jazreel L. Espiritu

    Rigo Theodore T. Politico

    Adrian B. Untiveros

    Jorefe B. Velasquez

    Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Inhinyeriya,

    Arkitektura, at Pinong Sining (CEAFA), Pambansang Pamantasan ng Batangas, bilang

    isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 102, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa

    Pananaliksik.

    DR. THEREZIA O. CONTIPropesor

  • 3PASASALAMAT

    Una sa lahat, taus-pusong nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa Maykapal na

    Siyang dahilan ng matagumpay na realisasyon ng pamanahong-papel na ito. Ganoon din

    sa mga taong nag-alay ng kanilang tulong, kontribusyon, suporta at kooperasyon para sa

    ikatatagumpay ng pag-aaral na ito.

    Kay Dr. Therezia O. Conti, ang masipag at masigasig propesor sa Filipino 102 ng

    mga mananaliksik, sa kanyang pagtuturo at paggabay sa aming pagsulat ng

    pamanahong-papel na ito, sa pag-monitor sa estado ng aming pananaliksik at pagbibigay

    ng oras para tukuyin ang mga hakbang na nararapat gawin.

    Sa mga respondenteng mag-aaral ng ibat ibang departamento ng Pamantasan na

    naglaan ng panahon sa pagsasagot ng mga inihandang kwestyoneyr, sa kanilang pagiging

    matapat at malugod na pagtanggap kahit na sila ay abala sa maraming bagay. Naging

    malaking parte sila pag-aaral ng mga mananaliksik.

    -Mga Mananaliksik

  • 4 TALAAN NG MGA NILALAMAN

    Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1

    Introduksyon 1

    Layunin ng Pag-aaral 4

    Kahalagahan ng Pag-aaral 5

    Saklaw at Limitasayon ng Pag-aaral 6

    Depinisyon ng mga Terminolohiya 7

    Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 10

    Sintesis 14

    Hugpong 15

    Kabanata III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 17

    Disenyo ng Pananaliksik 17

    Mga Respondente 17

    Instrumento ng Pananaliksik 19

    Tritment ng mga Datos 19

    Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos 21

    Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 29

    Lagom 29

    Kongklusyon 30

    Rekomendasyon 30

    Listahan ng mga Sanggunian 32

    Apendiks

    Apendiks A Liham ng Paghingi ng Pahintulot sa

  • 5Sarbey (Mag-aaral) 33

    Apendiks B Liham ng Paghingi ng Pahintulot sa

    Sarbey (Guro) 34

    Apendiks C Sarbey-kwestyoneyr para sa mga Respondenteng

    Mag-aaral 35

    Apendiks D Kompyutasyon ng mga Datos sa

    mga Talahanayan 38

    Apendiks E Pormularyo sa pag-eebalweyt ng

    Pamanahong-papel 41

    Apendiks F Pormularyo sa Pag-eebalweyt ng

    Pasalitang Presentasyon 43

  • 6LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN

    Talahanayan

    1

    2

    3

    4

    Pamagat

    Distribusyon ng mga Respondente

    Persepsyon sa Panukalang Magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas

    Kabutihang Maaaring Idulot ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas

    Mungkahing Hakbang Tungkol sa Panukala na Magkaroon ng Sining Pagatatanghal sa Pamantasan

    Pahina

    18

    23

    26

    28

  • KABANATA 1

    ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

    Introduksyon

    Itinuturing ang sining bilang isa sa mga mahahalagang instrumento sa anumang

    uri ng institusyon sa paghubog ng kasanayan, kakayahan at pagdebelop sa talento ng mga

    mag-aaral.

    Ayon kay Christopher Reeve (1952), ang sining ay nagpapaganda ng

    pamumuhay sa maraming paraan. Pinapaunlad nito ang personal at akademikong

    tagumpay, sa simula ng edukasyon ng isang bata hanggang sa panahon ng pagiging

    adulto at larangan ng karera.

    Ayon naman sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya, angsining, bagaman

    kadalasang tumutukoy ang salitang ito sasining biswal, ay patuloy na nagbabago ang

    kaisipan na kung ano ang sining. Marahil na pinakamalawak ang pinakamaigsing

    kahulugan nito tinutukoy ng sining ang lahat ng malikhaing pagsisikap ng tao. Ito ay

    ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga paglikhang gawa ng mgataona

    may kahalagahan sa isipanniya, na patungkol sa isang pagkaakit ng kanyang

    mgapandama. Kung kaya, ang isang sining ay nagagawa kapag ang isang tao ay

    nagpapadama ng kanyang sarili. (mula sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Sining)

    Napakarami ng uri ng sining, may tungkol sa palakasan, brodkasting, pagpipinta

    at iba pang likhang kamay, pagsasayaw at mga pawang may kaugnayan sa mundo ng

    pagtatanghal. Sa pag-aaral na ito, mabibigyan ng empasis ang pagtatanghal bilang

    isang sining na nagpapamalas ng angking kakayahan ng bawat indibidwal sa larangan ng

    pag-arte na sinasaliwan ng musika at sayaw. Marahil, ay marami sa atin ang dayuhan sa

  • .2

    terminong pagtatanghal na mas kilala ngayong sining ng teatro. Ngunit, ano nga ba

    ang tunay na kahulugan ng pagtatanghal? Muli, ayon sa Wikipedia, isinasakatuparan

    nito ang sining na kinabibilangan ngdrama, pagpapadamang ginagamit angkatawan:

    sayaw,pag-arte at pag-awit. Tinatawag din itong bulwagan na siyang sangay

    ngginaganap na siningna may kinalaman sapag-arteng mga kuwento sa harap ng mga

    nakikinig na ginagamit ang magkahalong salita, galaw,musika,sayaw,tunogat

    panooring kahanga-hanga. Tunay nga na katatagpuan ito ng isa o higit pa na sangkap ng

    gumaganap na sining. Bilang karagdagan pa sa mga pamantayang istilo ng diyalogo,

    kinukuha ng teatro ang iba pang anyo tulad ngopera,ballet,mime,klasikong sayaw ng

    mga Indian,opera ng mga Intsikatpantomine. Inilarawan din ang tanghalan o teatro

    bilang isang lugar kung saan ipinapakita ng isang tao ang kanyang mga talento sa sining,

    drama, isport at marami pang iba.

    Sa Pilipinas, marami tayong maipagmamalaking indibidwal, mga artista at

    grupong bantog ang pangalan sa larangan ng pagtatanghal o pagteteatro. Isa na dito

    siKuh Ledesma, isang bantog na mang-aawit ng Pilipinas. Sa loob ng 25 taon, 300 bilang

    na ng pagtatanghal ang kanyang nagawa. Nakatanggap rin siya ng maraming parangal, at

    nakagawa ng 18 album ng mga awitin sa bansa. Isa pang maipagmamalaki ay ang Teatro

    Pilipinona isang pamalagiang kumpanya ng drama saSentrong Pangkultura ng

    Pilipinasmula 1976 hanggang 1987. Itinatag ito ng Pilipinong mandudula, mansasaling-

    wika, direktor, at edukator na siRolando S. Tinio, na naglingkod din bilang Direktor na

    Pangsining nito. Ang kumpanya ay nakatuon sa paglikha ng mga klasikong akda ng

    mundo na isinalinwika, pati na ang natatanging mga dulang Pilipino, dahil mayroon itong

    layunin na itaguyod ang kaunlarang pangkultura ng kabataan at ngwikang Filipinosa

  • .3

    pamamagitan ng teatro. Pinatanyag ng Teatro Pilipino sa mga manonood na Pilipino ang

    maraming bilang ng mga klasikong piyesa ng panitikan ng pandaigdigang tanghalan sa

    pamamagitan ng pagsasalinwika ng mga panitikang ito papunta sa wikang Filipino.

    Naniwala si Rolando S. Tinio na sa pamamagitan ng pagsasalinwika ng mga panitikang

    ito para sa mga manonood na Pilipino ay naisasalinwika rin niya ang mga pilosopiya at

    mga ideolohiyang nasa likuran ng mga dulang ito. Dahil dito, ang produksyon ng

    kanyang mga dula ay gumanap bilang mga sasakyan upang maturuan o mabigyan ng

    edukasyon ang mga manonood na Pilipino. (mula sa

    http://tl.wikipedia.org/wiki/Teatro_Pilipino)

    Marami ang nagnanais na maranasan ang mapabilang o makasali sa mga larangan

    ng pagtatanghal, stage play, at Sining Pagtatanghal. Ngunit hindi ito nasusuportahan lalo

    na sa mga pampublikong paaralan dahil sa kakapusan ng pasilidad at badyet na maaaring

    ilaan ng pamahalaan. Sa kabilang banda, sinisikap pa rin ng pamahalaan at ng marami

    pang institusyon na ipasa ang kahilingan na magkaroon ng Sining ng Pagtatanghal

    sapagkat isa itong malaking bagay sa paghasa ng mga talentong mayroon ang bawat mag-

    aaral na kalaunay magbibigay ng matamis na karangalan hindi lamang sa kanyang

    institusyon kundi maging sa buong bansa.

    Mahalaga na magkaroon ng tanghalan sa ibat ibang pamantasan at institusyon na

    naglalayong mapataas ang kalidad ng sining lalo na sa panig ng mga mag-aaral.

    Napakaraming estudyante ang may angking kakayahan sa masining na

    pakikipagtalastasan, pag-arte, pag-awit at ibat ibang larangang may kaugnayan sa

    pakikipagkomunika sa mga manonood, mapa-entablado man o harap ng kamera ngunit

  • .4

    ang mga ito ay napapabayaan at naisasawalang-bahala dahil sa kawalan ng ganitong

    programa sa Pamantasan.

    Bilang tugon, napagkasunduan ng mga mananaliksik na isulong ang pag-aaral

    tungkol sa Sining Pagtatanghal sapagkat batay sa mga impormasyong aming nakalap,

    isang malaking pangangailangan ng mga mag-aaral ang ganitong uri ng sining.

    Layunin din ng mga mananaliksik na pukawin ang puso at isipan ng mga mag-

    aaral ng Pamantasan upang maging bukas sila sa mga naturang bagay. Isinagawa din ang

    pag-aaral na ito sa pag-asang magagamit din ito ng mga susunod pang mananaliksik

    bilang materyal at hanguan ng ideya at impormasyon para sa pagpapalawig pa ng pag-

    aaral tungkol sa paksa ng Sining Pagtatanghal at magamit para sa benepisyo at kapakanan

    ng mga mamamayan.

    Mga Layunin ng Pag-aaral

    Nagbibigay ng mga kasagutan ang pamanahong-papel na ito sa katanungan kung

    maisasakatuparan na nga ba ang pagkakaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang

    Pamantasan ng Batangas. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matugunan ang mga

    pangangailangan sa pagsusulong ng nasabing panukala, ngunit bago ang lahat, ninanais

    nito na saliksikin muna ang persepsyon, reaksyon, saloobin at suliranin ng mga

    respondenteng mag-aaral na magbibigay ng malaking tulong upang matukoy nang

    maayos ang mga susunod na hakbangin sa implementasyon.

    Layunin din nila ang masagutan ang mga sumusunod na katanungan:

    1. Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Batangas

    tungkol sa panukala na magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pamantasan?

  • .5

    2. Batay sa persepsyon ng mga respondente, ano ang mga kabutihang maaaring

    idulot ng Sining Pagtatanghal sa Pamantasan?

    3. Ano ang mga mungkahing hakbang ng mga respondenteng mag-aaral ng

    Pambansang Pamantasan ng Batangas tungkol sa panukala na magkaroon ng Sining

    Pagtatanghal sa Pamantasan?

    Kahalagahan ng Pag-aaral

    Sa pananaliksik na ito, binibigyan ng pansin ang pagtatanghal bilang daan ng

    pag-usbong ng mas makulay na kultura at sining sa Pambansang Pamantasan ng Batangas

    sa pag-asang maihahanay ito sa mga naglalakihang pamantasan sa Pilipinas na kakikitaan

    ng mayaman na Sining Pagtatanghal at drama. Kaya naman, ang pag-aaral na ito ay

    magsisilbing unang yapak sa pagtahak ng hagdan tungo sa pagsasakatuparan ng

    pagkakaroon ng Sining Pagtatanghal, bilang bahagi na rin ng preserbasyon ng ating

    kaibig-ibig na kultura na unti-unti nang nalilimutan sa paglipas ng panahon.

    Mag-aaral ng Pamantasan. Ang pampanahong-papel na ito ay naglalayong

    ipabatid sa bawat mag-aaral ang importansya ng pagkakaroon ng tinatawag nating sense

    of enthusiasm na lilikha ng interes sa kanila na pag-ibayuhin ang paglahok sa Sining at

    Kultura sa loob at labas ng Pamantasan.

    Mananaliksik. Sa pamamagitan nito ay masusubok ang kredibilidad ng mga

    mananaliksik sa paggalugad ng impormasyon at sa parehong panahon ay makatutulong

    din sila sa mga mambabasa na pagyamanin pa ang sining na gusto nilang(mananaliksik)

    ibahagi.

  • .6

    Propesor ng Pamantasan. Magsisilbi itong sanggunian at patnubay ng mga guro

    lalo ng mga nagtuturo ng sining kung ano ang mga sunod na hakbang ang nararapat

    nilang gawin ukol sa panukala na magkaroon ng Sining Pagtatanghal na patuloy na

    isinusulong.

    Pambansang Pamantasan ng Batangas. Ang pananaliksik na ito ay

    magsisilbing mabisang instrumentong pantulong at batayan sa pagtugon sa anumang

    pagbabago, hakbangin o solusyon sa panukala ng pagsususulong na magkaroon ng Sining

    Pagtatanghal para sa mag-aaral ng Pamantasan na may angking talento sa nasabing

    larangan.

    Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

    Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa sining, partikular sa pagtatanghal at kung

    anong kagandahan o suliranin ang maidudulot nito sa mga mag-aaral. Binibigyang

    pagpapahalga sa pananaliksik na ito ang bawat palagay at mga mungkahi ng mga

    respondente na makakalap sa surbey.

    Sumasaklaw ito sa mga persepsyon o tugon ng mga respondenteng mag-aaral ng

    Pambansang Pamantasan ng Batangas, at sa pamamagitan nito ay makakalikha ng hinuha

    sa kung ano ang magiging kinabukasan ng sining sa Pamantasan dulot ng pagpapanukala

    ng pagkakaroon ng Sining Pagtatanghal.

    Depinisyon ng mga Terminolohiya

    Upang mas maging madali at ganap ang pagkakaunawa ng mga mambabasa sa

    pamanahong-papel na ito, minarapat ng mga mananaliksik na bigyan ng kahulugan ang

  • .7

    mga sumusunod na terminolohiya batay sa kontekstwal na depinisyon at sa kung paano

    ginamit ang isang terminolohiya sa pag-aaral na ito. Ang mga terminolohiya na ginamit

    dito ay ang mga sumusunod:

    Sining.Ang sining ay tumutukoy ito sa lahat ng malikhaing pagsisikap ng tao,

    isang pangkalahatang kataga para sa anumang naibunga ng pagigingmalikhain, na

    tumubo mula sa lahat ng iba pang larangan katulad ngaghamsa pamamagitan

    ngalkimiya, atrelihiyonsa pamamagitan ngshamanismo. Ang salitangsiningay

    ginagamit upang ilarawan ang ilang mga gawain o mga paglikhang gawa ng mgataona

    may kahalagahan sa isipannito, na patungkol sa isang pagkaakit sa mgapandama niya.

    Kung kaya, ang isang sining ay nagagawa kapag ang isang tao ay nagpapadama ng

    kanyang sarili.(mula sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Sining)

    Teatro o Tanghalan. Ang teatro o tanghalan ay ang sangay ngginaganap na

    siningna may kinalaman sapag-arteng mga kuwento sa harap ng mga nakikinig na

    ginagamit ang magkahalong salita, galaw,musika,sayaw,tunogat panooring kahanga-

    hanga. Ito ay binubuo ng isa o higit pa na sangkap ng ibang gumaganap na sining. Ito rin

    ang pokus ng pag-aaral kung saan pinagsisikapang ito ay pagyamanin sa Pamantasan

    (mula sa http://tl.wikipedia.org/wiki/Tanghalan).

    Panukala. Ang panukala ay isang iminungkahing paliwanag na ang kalagayan ay

    hindi pa isangsapantahao hagap at kailangan pang ipasailalim saeksperimentasyon. Ito

    ay katumbas ng mga salitangideya,nosyon,haypotesis, atpostulado.

  • .8

    Kasanayan. Ang kasanayan ay katumbas ng skill sa Ingles. Tumutukoy ito sa

    nililinang na talento o abilidad na nakukuha lamang sa pamamagitan ng pagpapraktis o

    paulit-ulit na pagsasanay.

    Drama. Ang drama ay isang ispesipikong moda ngkathang-isipna kinakatawan

    angpagkakaganap. Ginaganap ang mga drama sa iba't ibangmidya tulad

    ngteatro,radyo,pelikula, attelebisyon. Kadalasan itong may kasamangmusikaatsayaw,

    na lalong nagbibigay ng kakintalan sa bawat manonood.

    Musika o Tugtugin. Ang musika o tugtugin ay isang uri ng pagpapahayag ng

    damdamin na gumagamit ng melodiya o melodic tune. Mahalaga ito sa isang teatro

    sapagkat walang buhay ang isang tanghalan kung walang musika.

    Pamantasan at Kolehiyo. Ang Kolehiyo ay karaniwang tumutukoy sa mga

    paaralang nagdadalubhasa sa isang kurso o isa o dalawang linya ng espesyalisasyon

    lamang tulad ng College of Business, College of Law, College of Commerce atbp.

    Ang Pamantasan ay kalipunan ng mga Kolehiyo. Halimbawa ang PUP ay isang

    unibersidad na nag-aalok ng kurso mula Komersiyo, Batas, Inhenyeriya, HRM atbp.

    hindi lamang isang espesyalisasyon. (mula sa http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_

    pinagkaiba_ng_college_sa_university)

    Persepsyon. Ang persepsyon ay isang termino o salita para sa pananaw, palagay,

    o pagtingin. Tinutukoy sa pananaliksik na ito na ang persepsyon ay pananaw ng mga

    respondente, tulad ng mga guro at mag-aaral, sa paksa ng pag-aaral.

  • .9

    Estadistika (Statistics). Ang terminong estadistika ay lubos na mahalaga sa pag-

    aaral na ito. Ito ay ang pag-aaral ng pagtitipon, pagsasaayos, analisis o pagsisiyasat,

    pagbibigay kahulugan at pagtatanghal ng mgadatos(odata).Ito ay umuukol sa lahat ng

    mga aspeto nito kabilang ang pagpaplano ng koleksiyon ng datos ayon sa disenyo

    ngestadistikal na surbeyat mgadisenyong eksperimental. (mula sa

    tl.wikipedia.org/wiki/Estadistika )

  • .10

    KABANATA II

    KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

    Kaugnay na Pag-aaral

    Malinaw na lumabas sa nakaraang talakayang Global Prospectus for the Arts in

    the Philippines: Artists for the Creative Industries noong Nobyembre 27-28, 2008 sa

    Unibersidad ng Pilipinas, Diliman na mapagkakakitaan ang sining at kultura. Tinipon sa

    naturang kumperensiya ang mga alagad ng sining at pinag-usapan ang dalawang

    mahalagang bagay: ang pagkilala sa komersiyal na kakayahan ng malikhaing gawaing

    makatutulong sa pambansang ekonomiya; at ang pangangalaga sa karapatan sa

    paglalathala ng indibidwal at pamayanan.

    Ayon kay Nestor Jardin (2008), Pangulo ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas

    (CCP), ang malikhaing industriya ang isa sa mga dinamikong sektor ng pandaigdigang

    ekonomiya. Mula taong 2000 hanggang 2005, tumaas aniya ng 8.7 porsiyento kada taon

    ang pandaigdigang kalakalan sa larangan ng Malikhaing Industriya. Ang mga iniluluwas

    na produkto ayumangat mula $227 bilyon noong 1996 hanggang $424 bilyon noong

    2005. Gayunpaman, tila nawawala ang Pilipinas na dapat sanang makapag-aambag sa

    gayong industriya.

    Giit pa ni Jardin, Ang kawalang kamalayan ng mga maykapangyarihan sa

    potensyal ng malikhaing industriya bilang panghinaharap na sektor ng ekonomiya ng

    Pilipinas ang dapat lutasin sa ngayon ng kapwa pribado at publikong sekta. Hinimok

    niya ang lahat ng Pilipinong kabilang sa malikhaing industriya na panatilihin ang likas na

    katangian nitong makapagpahayag ng sining at kultura. Ngunit ipinaalala rin niya na

  • .11

    napakanipis umano ng hangganan ng komersiyalisasyon at ng malikhaing layong

    makaaapekto sa halaga ng pangkulturang produkto at serbisyo.

    Kailangang mailatag ng gobyerno ang pundasyon sa paglago, sa pamamagitan ng

    mga reporma sa patakaran, tangkilik na impraestruktura, at programang pangkaunlaran.

    Samantala, hinamon din niya ang pribadong sektor na ipagpatuloy ang malikhaing

    gawain, kahusayan, at kabaguhan upang maitaguyod ang pangkulturang kapital at

    malikhaing nilalamang tunay na Filipino.

    Para naman kay Gilda Cordero Fernando (2009), isang manunulat, kailangang

    maging awtentiko ang mga alagad ng sining, at ibuhos ang talento sa paglikha ng buhay

    na hinubog sa katapatan.

    Kaugnay nito, idinagdag ni Jardin na dapat maging gising ang mga artista at

    pangkulturang tauhan sa kanilang karapatan sa paglalathala at kung paano makahuhugot

    ng ekonomikong benepisyo roon. Kailangan din aniyang ipatupad nang mahigpit ang

    mga batas ukol sa karapatan sa paglalathala, kabilang na yaong pamimirata sa mga

    malikhaing akda. Higit sa lahat, dapat umanong maitatag ang sistema ng pagkilala sa mga

    artistikong karapatan ng mga pangkulturang pamayanan at maisulong ang mekanismo

    para mabayaran ang karapatan sa paglalathala ng mga pangkat etniko.

    Ipinaliwanag ni Fr. Valentino Pinlac (2008), Pinuno ng Dauis Heritage

    Renaissance Program ng Bohol, kung paano magagamit ang sining at kultura sa

    pagpapalago ng ekonomiya ng probinsya. Ikinuwento ni Pinlac ang ginawang

    rehabilitasyon ng mga lumang bahay na bato at simbahan, at ginamit iyon upang

    mapasigla ang turismo sa Bohol. Bukod dito, pinahusay din ng Bohol ang sining

    pagtatanghal nito, gaya sa musika at sayaw. Nakatuwang ng Dauis ang Ayala Foundation

  • .12

    para mapangalagaan ang mga pangkulturang pamana nito, at nalikom ang aktibong

    pakikilahok ng buong pamayanang Boholanon para maisulong ang malikhaing industriya

    at turismo.

    Taliwas sa karanasan ng Bohol, mainit na tinatangkilik ng pamahalaang lokal sa

    Bulakan ang kultura at siningupang mapaunlad ang lalawigan, ani Armand Sta. Ana, na

    kasalukuyang Artistikong Direktor ng Barasoain Kalinangan Theater Group. Ikinuwento

    ni Sta. Ana na ang pamahalaang panlalawigan ng Bulakan ay nagbibigay ng tulong

    pananalapi sa mga pangkat pangkultura upang makapagtanghal ng mga dula, sayaw, at

    iba pang bagay na pawang makapagpapakilala sa ugat ng Bulakan. Bagaman hindi pa

    matibay na naiuugnay ang turismo sa mga programang pansining at pangkultura ng

    Bulakan, unti-unti na itong isinasagawa mula sa pagsasaayos ng plano ng pagtatayo ng

    mga impraestruktura sa antas ng barangay.

    Samantala, isinalaysay ni Alfonso Coke Bolipata (n.d.), Tagapagpaganap na

    Direktor ng Miriam College Center for Applied Music, ang karanasan niya sa

    pagtataguyod ng sentro ng sining sa kaniyang bayan ng Zambales. Itinaguyod ng pamilya

    Bolipata ang programa ukol sa pagtuturo ng klasikong musika sa mga dukhang kabataan,

    upang makatulong sa pag-unawa ng sining at sa pagpapalaganap ng musikang maaaring

    pagkakitaan balang araw.

    Napili naman ng British Council ang Cebu na maging malikhaing sentro sa

    Pilipinas. Bibigyan ng British Council ng pondo ang Cebu upang maitaguyod nito ang

    malikhaing industriya mula sining biswal hanggang sining pagtatanghal, hanggang

    pagpapalago ng mga likhang-kamay na gaya ng muwebles, alahas, at iba pang disenyo sa

  • .13

    internet (mula sa http://alimbukad.com/2008/12/02/malikhaing-industriya-at-

    kabuhayan/).

    Kaugnay na Literatura

    Masasabing malaki ang ginampanang papel ng Sining Pagtatanghal sa pagpukaw

    ng damdaming maka-Pilipino sa realidad ng buhay.

    Inilalarawan sa tunay na dulang Pilipino ang mga pangarap ng bansa. Dito

    ipinapakita ang mga katutubong kultura, paniniwala at tradisyon; ipinapamalas nito ang

    iba't ibang anyo ng kanilang pamahalaan at uri ng lipunan; at ikinukuwento rin nito ang

    paghihirap at pagpupunyagi sa buhay ng mga katutubong Pilipino. Samakatuwid, ang

    tunay na dulang Pilipino ay nagbibigay ng mas malawak na pang-unawa at linaw sa

    kulturang Pilipino; at nagsisilbing gabay para sa kabutihan ng mga mamamayang

    Pilipino.

    Ayon kay Tiongson (n.d.), isa sa mga tagapagtatag ng Manunuri ng Pelikulang

    Pilipino, ang pangunahing sangkap ng dula sa banyagang kahulugan ay binubuo ng

    tanghalan, iba't ibang kasuotan, iskripto, "characterization", at "internal conflict". Sa

    kabilang banda, para sa dulang Pilipino, ang dula ay dula kahit wala ang mga sangkap na

    nabanggit at ang Memises, ang pagbibigay buhay ng aktor sa mga pang-araw-araw na

    pangyayari sa buhay ng mga Pilipino, ang pangunahing sangkap ng dulang Pilipino. Ito

    rin ang malaking pagkakaiba ng banyaga sa Pilipinong dula.

    Ayon naman sa isang tanyag na manunulat na si Sebastian (2011), ang dula ay

    nagsimula noong mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano.

  • .14

    Ang kasaysayan ng dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katutubo bago

    pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova (1986), awtor ng

    Diksyunaryo sa Drama at Teatro, ang mga katutubo'y likas na mahiligin sa mga awit,

    sayaw, at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula. Ang mga unang awitin

    nila ay nasa anyo ng tula. Mayaman rin sila sa epikong bayan na kalimita'y isinasalaysay

    sa pamamagitan ng pag-awit. Ang mga awit, sayaw at ritwal ay karaniwang ginaganap

    para sa pagdiriwang ng kaarawan, pagbibinyag, pagtutuli, pagliligawan, pagkakasal,

    pagkamatay, pagkasawi, pagtatagumpay, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, atbp. (mula

    sa: https://www.facebook.com/OFFICIALjemdelacruz)

    Sintesis

    Sa kaugnay na pag-aaral, tinalakay ni Jardin at ng maraming pang ibang kagaya

    niya ang kahalagahan ng Malikhaing Industriya sa pandaigdigang ekonomiya. Ibinahagi

    niya ang kanilang saloobin hinggil sa kawalan ng kamalayan ng mga maykapangyarihang

    opisyal sa usaping ito at kung paano ito masosolusyunan. Mahihinuha sa kanilang

    malalimang pag-aaral na ang Sining at iba pang kaugnay na larangan ay isang mabisang

    paraan para magkaroon ng pagkakakitaan ang bawat Pilipinong may angking talento sa

    naturang propesyon, kinakailangan lang na mapangalagaan ang likas na katangian at

    karapatan ng mga mamamayan sa paglalathala at pagpapahayag ng sariling kultura, isang

    malaking hamon na kinakaharap ngayon ng ating gobyerno. At kapag ito ay nalutas anila,

    hindi hamak na makatutulong ito ng malaki para mapabuti ang ekonomiya at maitaguyod

    ang pangkultural na kapital sa ating bansa. Makikita rin sa mga datos ang ilang lalawigan

    tulad ng Bulakan at Bohol na mahirap man ang pinagdaanan ay patuloy pa ring

  • .15

    isinusulong ang mga kaukulang programa sa pagtataguyod ng sining at kultura sa mga

    mamamayan nito.

    Sa kabilang banda, bagamat malaki ang kaugnayan sa Kaugnay na Pag-aaral sa

    kahulugan at gampanin ng Sining Pagtatanghal at dulang Pilipino sa buhay ng tao, mas

    nabigyang diin ito sa Kaugnay na Literatura. Para kay Tiongson, sumasalamin ang dulang

    Pilipino, kaiba sa banyagang dula, sa mga pangarap ng bansa, katutubong pamumuhay at

    kultura ng mga Pilipino. At para naman kina Casanova at Sebastian, ang nasabing dula ay

    isinalang at nagsimula nab ago pa man dumating ang mga mananakop, patunay lamang

    na ang mga katutubo noon hanggang modernong Pilipino noon ay likas na mahiligin sa

    mga awit, sayaw at tula.

    Hugpong

    Ang pampanahong pananaliksik na pinamagatang Isang Pag-aaral sa Panukala

    ng Pagkakaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas ay

    may malapit na kaugnayan sa mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ngunit naiiba sa

    layunin ng mga mananaliksik nito, sa sitwasyon at lokasyon. Ang pag-aaral na ito ay base

    sa pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral sa Pamantasan pagdating sa larangan

    ng Sining at Kultura. Malaki ang hangarin nito sa preserbasyon at pagpapayaman ng

    Sining sa bawat isang sangkot dito sa pamamagitan ng pagpapanukala na magkaroon ng

    Sining Pagtatanghal na kinapapalooban ng makrong pangkasanayan sa sining tulad ng

    pag-awit, masining na pagtula at pagpapahayag, pag-arte, pagsayaw, at iba pang

    maipagmamalaking talento. Nakatuon din ang pag-aaral na ito sa mga iba pang

    magagandang kahihinatnan ng panukala tulad ng malaking posibilidad na ang

  • .16

    Pambansang Pamantasan ng Batangas ay maihanay sa mga naglalakihan at

    nangungunang unibersidad sa bansa sa usaping tumatalakay sa kalidad ng Sining at husay

    ng mga mag-aaral sa tanghalan, dulaan at teatro. Ito ang mga bagay na dapat itatag at

    mapag-ukulan ng pansin upang ang nanganganib nating kultura ay hindi tuluyang

    mawala sa buhay ng bawat isa at sa mga susunod pang henerasyon.

  • .17

    KABANATA III

    DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

    Isinagawa ang pamanahong-papel na ito ayon sa disenyo ng pananaliksik sa

    pamamagitan ng pamamaraang deskriptib-analitik. Pinamagatan ang pag-aaral na Isang

    Pag-aaral sa Panukala ng Pagkakaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang

    Pamantasan ng Batangas. Naglalayon ang mga mananaliksik na alamin ang mga

    sumusunod na layunin: malaman ang persepsyon ng mga mag-aaral ng Pambansang

    Pamantasan ng Batangas tungkol sa panukala na magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa

    Pamantasan; mabatid ang mga kabutihang maaaring idulot ng Sining Pagtatanghal sa

    Pamantasan; at makatanggap ng mga mungkahing hakbang ng mga respondenteng mag-

    aaral ng Pambansang Pamantasan ng Batangas tungkol sa panukala na magkaroon ng

    Sining Pagtatanghal sa Pamantasan.

    Mga Respondente

    Ang mga respondenteng mag-aaral ng pag-aaral na ito ay mula sa Kolehiyo ng

    Edukasyong Pangguro (CTE), Kolehiyo ng Narsing at mga Kaalyadong Pangkalusugang

    Agham (CONAHS), Kolehiyo ng Agham at Sining (CAS), Kolehiyo ng Akawntansi,

    Bisnes, Ekonomiks, at Pamahalaang Panghospitalidad Internasyunal (CABEIHM), at

    Departamento ng General Engineering (GE) sa Pambansang Pamantasan ng Batangas sa

    Main Campus I na pawing nakaenrol ng Ikalawang Semestre sa Taon Panuruan 2013-

    2014. Sa kabuuan may limampung (50) respondenteng mag-aaral sa pananaliksik na ito.

  • .18

    Ipinapakita ng kasunod na talahanayan ang bilang ng mga repondente sa pag-aaral

    na ito

    Talahanayan 1

    Distribusyon ng mga Respondente

    Mga Respondente Bilang

    Departamento ng General Engineering (GE) 10

    Kolehiyo ng Akawntansi, Bisnes, Ekonomiks, at

    Pamahalaang Panghospitalidad Internasyunal

    (CABEIHM)

    10

    Kolehiyo ng Agham at Sining (CAS) 10

    Kolehiyo ng Narsing at mga Kaalyadong

    Pangkalusugang Agham (CONAHS)10

    Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro (CTE) 10

    Kabuuan: 50

    Pinili ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral ng ibat ibang kolehiyo upang

    maging respondente ng pag-aaral dahil ang Sining Pagtatanghal ay para sa lahat ng mga

    mag-aaral ng Pamantasan. At upang maging patas ang matatanggap na datos, pumili ng

    pare-parehong dami ng bilang ng mga respondente sa bawat kolehiyo.

  • .19

    Instrumento ng Pampananaliksik

    Sa pag-aaral na ito, pangunahing isinagawa ang pagsasarbey sa pangangalap ng

    imporsmasyon. Naghanda ang mga mananaliksik ng isang kwestyoneyr na naglalayong

    makakolekta ng mga datos upang mabatid ang kung karapat-dapat nga bang ipatupad ang

    panukala ng pagkakaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pamantasan.

    Gumamit rin ang mga mananaliksik ng internet at silid-aklatan sa pangangalap ng

    mga impormasyon sa pag-aaral na ito. Nagsagawa rin sila ng hindi direktang

    pakikipanayam sa mga respondente, habang nagpapasagot sa mga ito, nang matiyak ang

    kanilang mga kasagutan sa mga bawat tanong sa kwestyoner na isinagawa sa

    pagsasarbey.

    Tritment ng mga Datos

    Isang panimulang pag-aaral ang pamanahong-papel na ito at hindi na

    nangangailangan ng mga komplikadong metodo o pamamaraan ng istatistiks sa

    pangangalap at pag-eebaluweyt ng mga impormasyon. Sa bawat pagpipilian ng bawat

    aytem o tanong sa kwestyoner na ginamit sa pagsasarbey, bilang lamang ang dami ng

    mga pumili ang siyang inalam ng mga mananaliksik sa pag-aaral. Nagsagawa ng pagta-

    tally ang mga mananaliksik ng mga sagot ng mga respondente. Kinuha rin nila ang

    katumbas na porsyento at weighted mean ng mga bawat bilang.

  • .20

    Binigyan ng interpretasyon ng mga mananliksik ang mga datos na istatistiks sa

    pamamagitan ng mga sumusunod na iskeyl, saklaw, at katumbas na berbal na

    interpretasyon:

    ISKEYL(BIGAT)

    RANGE(SAKLAW)

    BERBAL NAINTERPRETASYON

    5 4.5 5.0 Lubos na lubos na sumasang-ayon

    4 3.5 4.49 Lubos na sumasang-ayon

    3 2.5 3.49 Sumasang-ayon

    2 1.5 2.49 Medyo sumasang-ayon

    1 1.0 1.49 Hindi sumasang-ayon

    Ang mga kompyutasyon na isinagawa ng mga mananaliksik ay multiplikasyon ng

    bilang ng mga respondente at iskeyl.

  • .21

    KABANATA IV

    PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

    Binibigyan ng talakay sa kabanatang ito ang deskripsyon ng mga nakuhang datos

    at impormasyon tungkol sa pamanahong papel na pinamagatang Isang Pag-aaral sa

    Panukala ng Pagkakaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng

    Batangas. Ipinapakita rin sa kabanatang ito ang pagsusuri at interpretasyon ng mga

    nakuhang datos at impormasyon tungkol sa mga sumusunod:

    1. Persepsyon ng mga mag-aaral ng Pambansang Pamantasan ng Batangas tungkol sa

    panukala na magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pamantasan

    Ipinapakita ng Talahanayan 1 na nasa pahina 23 ang mean score ng bawat aytem

    at ang interpretasyon tungkol sa panukala na magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa

    Pambansang Pamantasan ng Batangas batay sa persepsyon ng mga respondente ng ibat

    ibang departamento. Ang may pinakamataas na mean score ay ang bilang isa (1) na

    nagsasabing madedebelop ang kaalaman at kasanayan ng mga estudyante sa larangan ng

    Teatrong Pilipino na kung saan ay nakakuha ng 4.05 na weighted mean at berbal na

    interpretasyon na lubos na sumasang-ayon. Sinusundan ito ng bilang dalawa (2) na

    nagsasabing magkakaroon ng sapat na karanasan ang mga guro sa pagtuturo o pag-

    oorganisa ng isang pagtatanghal at mayroon namang weighted mean na 3.88 at berbal na

    interpretasyon din na lubos na sumasang-ayon. Sumunod ang bilang anim (6) na may

    weighted mean na 3.73 at berbal na interpretasyon na lubos na sumasang-ayon na

  • .22

    nagsasabing mag-uumpisang sumigla ang Sining Pagtatanghal sa Pambansang

    Pamantasan ng Batangas.

    Ang mga bilang tatlo (3), apat (4), lima (5) at pito (7) ay ang mga aytem na may

    berbal na interpretasyon din na lubos na sumasang-ayon. Sinasabi sa bilang tatlo (3) na

    maisasakatuparan ang pagnanais ng ilan na mapabilang sa Sining Pagtatanghal na may

    weighted mean na 3.59. Ang aytem apat (4) naman ay nagsasabing maeengganyo ang

    marami pang kabataang tutungtong ng kolehiyo na mag-aral sa Pambansang

    Pamantsasang ng Batangas na may weigted mean na 3.65. Ang bilang lima (5) naman na

    nagsasabing lilikha ito ng mga mag-aaral na kompetitib sa Sining Pagtatanghal ay may

    weighted mean na 3.71. Sinasabi naman sa bilang pito (7) na dadayuhin at makikilala

    nang lubusan ang Pambansang Pamantasan ng Batangas ng mga manunuod ng tanghalan

    at may weighted mean na 3.54.

    Bilang walo (8) at siyam (9) naman ang mga aytem na may berbal na

    interpretasyong medyo sumasang-ayon. Sa bilang walo (8) sinasabing magiging sagabal

    lamang ito sa pagpokus ng mga estudyante sa pag-aaral na may weighted mean na 1.93.

    Samantala, sinasabi naman sa bilang siyam (9) na hindi na ito mapag-uukulan ng pansin

    dahil ito ay lihis laman sa interes ng nakakarami na may weighted mean n 1.95. Ang

    bilang sampu (10) naman na nagsasabing masasayang lamang ang ilalaang pondo dito ng

    Pamantasan ang may pinakamababang weighted mean na 1.61 na may berbal na

    interpretasyong medyo sumasang-ayon.

    Samakatuwid, pito (7) ang aytem na may berbal na interpretasyon na lubos na

    sumasang-ayon at ang mga ito ay bilang isa (1) hanggang pito (7). Tatlo (3) naman ang

  • .23

    mga aytem na may berbal na interpretasyon na medyo sumasang-ayon at ang mga ito ay

    bilang walo (8) hanggang sampu (10). Marami sa mag-aaral ang lubos na sumasang-ayon

    na kung magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas,

    madedebelop ang kaalaman at kasanayan ng mga estudyante sa larangan ng Teatrong

    Pilipino; magkakaroon ng sapat na karanasan ang mga guro sa pagtuturo o pag-oorganisa

    sa isang pagtatanghal; maisasakatuparan ang pagnanais ng ilan na mapabilang sa Sining

    Pagtatanghal; maeengganyo ang marami pang kabataang tutungtong ng kolehiyo na mag-

    aral sa Pambansang Pamantasan ng Batangas; makaklikha ng mag-aaral na kompetitib sa

    Sining Pagtatanghal; at mag-uumpisang sumigla ang Sining Pagtatanghal sa Pambansang

    Pamantasan ng Batangas at ito ay dadayuhin at makikilala nang lubusan.

    Talahanayan 2

    Persepsyon sa Panukalang Magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas

    PERSEPSYON NG MAG-AARAL WEIGHTED MEAN BERBAL NA INTERPRETASYON

    1. Madedebelop ang kaalaman at kasanayan ng mga estudyante sa larangan ng Teatrong Pilipino. 4.05 Lubos na sumasang-ayon

    2. Magkakaroon ng sapat na karanasan ang mga guro sa pagtuturo o pag-oorganisa ng isang pagtatanghal. 3.88 Lubos na sumasang-ayon

    3. Maisasakatuparan ang pagnanais ng ilan na mapabilang sa Sining Pagtatanghal. 3.59 Lubos na sumasang-ayon

    4. Maeenganyo ang marami pang kabataang tutungtong ng kolehiyo na mag-aral sa Pambansang Pamantasan ng Batangas. 3.65 Lubos na sumasang-ayon

    5. Lilikha ito ng mga mag-aaral na kompetetib sa Sining Pagtatanghal. 3.71 Lubos na sumasang-ayon

    6. Mag-uumpisang sumigla ang Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas. 3.73 Lubos na sumasang-ayon

    7. Dadayuhin at makikilala nang lubusan ang Pambansang Pamantasan ng Batangas ng mga manonood ng tanghalan. 3.54 Lubos na sumasang-ayon

    8. Magiging sagabal lamang ito sa pagpokus ng mga estudyante sa pag-aaral. 1.93 Medyo sumasang-ayon

    9. Hindi na ito mapag-uukulan ng pansin dahil ito ay lihis lamang sa interes ng nakararami. 1.95 Medyo sumasang-ayon

    10. Masasayang lamang ang ilalaang pondo dito ng Pamantasan. 1.61 Medyo sumasang-ayon

    2. Kabutihang maaaring idulot ng Sining Pagtatanghal sa Pamantasan.

  • .24

    Makikita sa Talahanayan 2 na nasa pahina 26 ang mean score ng bawat aytem at

    ang interpretasyon sa mga kabutihang maaaring idulot ng Sining Pagtatanghal sa

    Pambansang Pamantasan ng Batangas.

    Batay sa persepsyon ng mga respondente ng ibat ibang departamento, ang may

    pinakamataas na mean score at berbal na interpretasyon na lubos na sumasang-ayon ay

    ang bilang apat (4) na may kabuuang iskor na 4.48 at nagsasaad na mapapagyaman ang

    sining sa Pamantasan. Ang sumunod na aytem ay bilang isa (1) na may kabuuang iskor

    na 4.18 at berbal na interpretasyon na lubos na sumasang-ayon na nagsasaad na

    mapapayabong ang talento at kasanayan ng mga mag-aaral sa Sining Pagtatanghal.

    Ang mga aytem bilang tatlo (3), lima (5), at anim (6) na nagsasabing magkakaroon ang

    mga mag-aaral ng magandang libangan; makakapagpadala ang Pamantasan ng mga

    kalahok sa pang-teatrong paligsahan; at maliliwanagan ang mga mag-aaral sa tunay na

    kahulugan at esensya ng Sining Pagtatanghal ay nakakuha ng mean score na 3.8 at berbal

    na interpretasyong lubos na sumasang-ayon. Ang mga aytem naman na may mean score

    na 3.7 at berbal na interpretasyong lubos na sumasang-ayon ay ang mga bilang dalawa

    (2), siyam (9) at sampu (10), na nagsasabing magiging kilala ang Pamantasan sa larangan

    ng pagtatanghal; magsisilbing inspirasyon sa iba pang mga pamantasan na magkaroon

    din ng Sining Pagtatanghal; at makakasabay ang Pamantasan sa mga kilalang pamantasan

    sa larangan ng pagtatanghal.

    Ang aytem bilang pito (7) na nagsasaad na marami ang mahihikayat na mag-aral

    sa Pamantasan ay may mean score na 3.3 at may berbal na interpretasyong sumasang-

    ayon.

  • .25

    Ang aytem na may pinakamababang mean score at may berbal na interpretasyon

    na sumasang-ayon ay bilang walo (8) at nagsasaad na madadagdagan ang kita ng

    Pamantasan.

    Mahihinuha sa talahanayan 2 na batay sa persepsyon ng mga respondenteng mag-

    aaral sa ibat ibang departamento na ang mga aytem isa (1) hanggang anim (6), siyam (9)

    at sampu (10) ay lubos nilang sinang-ayunan.

    Samakatuwid, ang kabutihang maaaring idulot ng Sining Pagtatanghal sa

    Pambansang Pamantasan ng Batangas ay mapapayabong ang talento at kasanayan ng

    mga mag-aaral, magiging kilala ang pamantasan sa larangan ng pagtatanghal,

    magkakaroon ang mga mag-aaral ng magandang libangan, mapapagyaman ang sining sa

    pamantasan, makakapagpadala ang pamantasan ng mga kalahok sa pang-teatrong

    paligsahan, maliliwanagan ang mga mag-aaral sa tunay na kahulugan at esensya nito,

    magsisilbing inspirasyon sa iba pang pamantasan na magkaroon din ng Sining

    Pagtatanghal at makakasabay ang pamantasan sa mga kilalang pamantasan sa larangan ng

    pagtatanghal.

  • .26

    Talahanayan 3

    Kabutihang Maaaring Idulot ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas

    KABUTIHANG DULOT WEIGHTED MEAN BERBAL NA INTERPRETASYON

    1. Mapapayabong ang talento at kasanayan ng mga mag-aaral sa Sining Pagtatanghal. 4.18 Lubos na sumasang-ayon2. Magiging kilala ang Pamantasan sa larangan ng pagtatanghal. 3.7 Lubos na sumasang-ayon3. Magkakaroon ng mga mag-aaral ng magandang libangan. 3.8 Lubos na sumasang-ayon4. Mapapagyaman ang sining sa Pamantasan. 4.48 Lubos na sumasang-ayon5. Makakapagpadala ang Pamantasan ng mga kalahok sa pang-teatrong paligsahan. 3.8 Lubos na sumasang-ayon6. Maliliwanagan ang mga mag-aaral sa tunay na kahulugan at esensya ng Sining Pagtatanghal. 3.8 Lubos na sumasang-ayon7. Marami ang mahihikayat na mag-aral sa Pamantasan. 3.3 Sumasang-ayon8. Madadagdagan ang kita ng Pamantasan. 2.9 Sumasang-ayon9. Magsisilbing inspirasyon sa iba pang mga pamantasan na magkaroon din ng Sining Pagtatanghal. 3.7 Lubos na sumasang-ayon10. Makakasabay ang Pamantasan sa mga kilalang pamantasan sa larangan ng pagtatanghal. 3.7 Lubos na sumasang-ayon

  • .27

    3. Mga mungkahing hakbang sa panukalang magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa

    Pambansang Pamantasan ng Batangas

    Sa Talahanayan 3 na nasa pahina 28, mahihinuha na siyam (9) sa sampung (10)

    aytem ay lubos na sinang-ayunan ng mga respondenteng mag-aaral. Sa sampung (10)

    aytem, ang may pinakamataas na weighted mean ay bilang walo (8) na may weighted

    iskor na 4.3 na nagsasabing dapat tiyaking hindi mapababayaan ng mga estudyanteng

    mapapabilang sa pagtatanghal ang kanilang pag-aaral ay may berbal na interpretasyon na

    lubos na sumasang-ayon. Dahil sa ang aytem na ito ang may pinakamataas na weighted

    mean, masasabi na kailangan talagang tutukan ng mga guro ang kanilang estudyante

    upang hindi nila mapabayaan ang kanilang pag-aaral.

    Ang bilang isa (1), apat (4) at siyam (9) ay kapwa may weighted mean na 4.0.

    Sinasabi sa mga aytem na ito na dapat siguraduhin na ang Sining Pagtatanghal ay

    mapapagtuunan ng pansin, maaasikaso at hindi mapapabayaan ng mga tagapamahala

    nito; dapat magkakaroon ng sapat na training o workshops para sa mga estudyante o guro

    na gustong sumali sa pagtatanghal; at dapat pagkalooban ng iskolarsyip ang sinumang

    matatanggap sa pagtatanghal.

    Ang mga aytem bilang tatlo (3), lima (5), anim (6), pito (7) at sampu (10) na may

    weighted mean na 3.8 ay nagsasabing gawing obhetibo o transparent ang pagpili sa mga

    mag-aaral na nagnanais na sumailalim sa pagtatanghal; palawigin ang kaalaman tungkol

    sa sining ng pagteteatro sa buong Pamantasan; magtayo ng club sa ibat ibang

    departamento na mag-oorganisa ng tanghalan; gawin itong isang produktibong

  • .28

    kumpetisyon para mapili ang mga mag-aaral na mahuhusay sa pagtatanghal; at dagdagan

    pa ang mga pasilidad at pondo na ilalaan upang tuluyan na itong maisakatuparan.

    Ang may pinakamababang weighted mean na 3.3 ay ang bilang dalawa (2) na

    nagmumungkahing padaanin sa pagsasanay o seminar ang mga mag-oorganisa o

    magtatayo ng tanghalan.

    Talahanayan 4

    Mungkahing Hakbang Tungkol sa Panukala na Magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pamantasan

    MGA MUNGKAHING HAKBANG WEIGHTED MEANBERBAL NA

    INTERPRETASYON

    1. Siguraduhin na ang Sining Pagtatanghal ay mapagtutuunan ng pansin, maaasikaso at hindi mapapabayaan ng mga tagapamahala nito. 4 Lubos na sumasang-ayon

    2. Padaanin sa pagsasanay o seminar ang mga mag-oorganisa o magtatayo ng tanghalan. 3.3 Lubos na sumasang-ayon

    3. Gawing obhetibo o transparent ang pagpili sa mga mag-aaral na nagnanais na sumailalim sa pagtatanghal. 3.8 Lubos na sumasang-ayon

    4. Magkaroon nang sapat na training o workshops para sa mga estudyante o guro na gustong sumali sa pagtatanghal. 3.8 Lubos na sumasang-ayon

    5. Palawigin ang kaalaman tungkol sa sining ng pagteteatro sa buong Pamantasan. 4 Lubos na sumasang-ayon

    6. Magtayo ng club sa ibat ibang departamento na mag-oorganisa ng tanghalan. 3.8 Lubos na sumasang-ayon

    7. Gawin itong isang produktibong kumpetisyon para mapili ang mga mag-aaral na mahuhusay sa pagtatanghal. 3.8 Sumasang-ayon

    8. Tiyaking hindi mapababayaan ng mga estudyanteng mapapabilang sa pagtatanghal ang kanilang pag-aaral. 4.3 Sumasang-ayon

    9. Ang sinumang matatanggap sa pagtatanghal ay pagkalooban ng iskolarsyip. 4 Lubos na sumasang-ayon

    10. Dagdagan pa ang mga pasilidad at pondo na ilalaan upang tuluyan na itong maisakatuparan. 3.8 Lubos na sumasang-ayon

    KABANATA V

    LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

  • .29

    Lagom

    Nag-umpisa ang pananaliksik na ito sa layuning malaman ang opinyon/tugon ng

    mga mag-aaral tungkol sa panukalang magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang

    Pamantasan ng Batangas.

    Ang paghahanap ng mga ideya at impormasyon tungkol sa pag-aaral sa

    panukalang magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pamantasan ang naging unang hakbang

    ng mga mananaliksik. Napili nila na gamitin ang pagsasarbey bilang paraan ng pag-aaral.

    Ang mga mag-aaral ng Pamantasan ang nagsilbing mga respondente.

    Sunod na ginawa ay ang paghahanda at paggawa ng mga talatanungan na

    pinasagutan sa mga respondente.

    Matapos ang pagsasarbey, binilang at pinag-isa nila ang mga magkakaparehong

    sagot sa bawat tanong at sunod nilang kinuha ang bahagdan o porsyento nito sa

    kalahatang bilang ng mga respondente. Dito nadetermina nila kung gaano karami ang

    mga mag-aaral na sang-ayon sa panukalang ito. Masusing pinaghambing at inianalisa

    ang mga resulta. Lumalabas sa pagsusuri ng mga mananaliksik na karamihan sa mga

    respondente aylubusang sumasang-ayon sa halos kalahatan ng mga katanungang

    kanilang ibinigay.

    Sa parte ng mga mananaliksik, nakuha na nila ang kanilang mga ninanais na

    mgakasagutan sa kanilang mga katanungan.

    Kongklusyon

  • .30

    Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga

    sumusunod na kongklusyon:

    A. Pito sa sampung aytem ang sinag-ayunan ng mga respondente at tatlo naman ang

    medyo sinang-ayunan. Lumalabas na sila ay sumasang-ayon sa pagpapatupad ng

    panukalang magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pamantasan.

    B. Batay sa persepsyon ng mga respondenteng mag-aaral, ang tatlong pangunahing dulot

    ang Sining Pagtatanghal ay Mapapayabong ang talento at kasanayan ng mga mag-aaral sa

    Sining Pagtatanghal, Mapapagyaman ang sining sa Pamantasan, at Magkakaroon ng mga

    mag-aaral ng magandang libangan..

    C. Ang tatlong pangunahing hakbang sa panukalang magkaroon ng Sining Pagtatanghal

    ay Siguraduhin na ang Sining Pagtatanghal ay mapagtutuunan ng pansin, maaasikaso at

    hindi mapapabayaan ng mga tagapamahala nito, . Tiyaking hindi mapababayaan ng

    mga estudyanteng mapapabilang sa pagtatanghal ang kanilang pag-aaral, at Ang

    sinumang matatanggap sa pagtatanghal ay pagkalooban ng iskolarsyip.

    Rekomendasyon

    1. Para sa pamahalaan, maglaan ng pondo sa mga mag-aaral na nais sumali at makilahok

    sa nasabing panukala.

    2. Para sa mga magulang ng mga mag-aaral na may talento sa pag-arte, suportahan ang

    kanilang mga anak na payabungin at hasain pa ang kanilang talento.

  • .31

    3. Para sa mga guro, payabungin pa ang kanilang mga kaalaman sa Sining nang sa gayon

    ay makapagbahagi pa sila ng higit na kaalaman sa mga mag-aaral.

    4. Para sa mga mag-aaral, hindi dapat maging balakid ang pagsali sa Sining Pagtatanghal

    para ipagpatuloy ang kani-kanilang mga karera.

    5. Para sa iba pang mananaliksik , ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito tungo

    sa pagtuklas ng marami at higit pang mahahalagang datos at impormasyong maaaaring

    makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa pagkakaroon ng Sining

    Pagtatanghal sa Pamanatasan.

  • .32

    LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN

    http://alimbukad.com/2008/12/02/malikhaing-industriya-at-kabuhayan/http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_ pinagkaiba_ng_college_sa_universityhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Estadistika)http://tl.wikipedia.org/wiki/Sininghttp://tl.wikipedia.org/wiki/Tanghalanhttp://tl.wikipedia.org/wiki/Teatro_Pilipinohttps://www.facebook.com/OFFICIALjemdelacruz

  • .33

    Apendiks APebrero 5, 2014

    Mahal naming respondente:

    Malugod na pagbati!

    Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 102 at kumukuha ng kursong Inhinyeriya sa Pambansang Pamantasan ng Batangas, Kampus I. Kasalukuyan kaming nagsasagawa ng pananaliksik hinggil sa paksang Isang Pag-aaral sa Panukala ng Pagkakaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas.

    Kaugnay nito, naghanda kami ng kwestyoneyr upang makapangalap ng sapat na datos hinggil sa aming paksa. Ang aming kwestyoneyr ay nahahati sa tatlong (3) bahagi.

    Hinihiling po naminsa inyo na sagutan nang buong katapatan ang mga tanong at aytem na nasa kwestyoneyr. Tinitiyak naminna magiging kompedinsyal na impormasyon ang inyong kasagutan.

    Marami pong salamat sa inyong kooperasyon.

    Lubos na gumagalang,

    Mga Mananaliksik

    ARJAY M. ABACANLEAH L. AFABLEMARIA VIRESA P. ENRIQUEZARJEL EIRON O. ESCAREZKENNETH S. ESPERITUKENT JAZREEL L. ESPIRITURIGO THEODOR T. POLITICOADRIAN B. UNTIVEROSJOREFE B. VELASQUEZ

    Pinagtibay ni:

    DR. THEREZIA O. CONTIPropesor

    Apendiks BPebrero 5, 2014

    Mahal naming respondente:

  • .34

    Malugod na pagbati!

    Kami po ay mga mag-aaral ng Filipino 102 at kumukuha ng kursong Inhinyeriya sa Pambansang Pamantasan ng Batangas, Kampus I. Kasalukuyan kaming nagsasagawa ng pananaliksik hinggil sa paksang Isang Pag-aaral sa Panukala ng Pagkakaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas.

    Kaugnay nito, naghanda kami ng kwestyoneyr upang makapangalap ng sapat na datos hinggil sa aming paksa. Ang aming kwestyoneyr ay nahahati sa tatlong (3) bahagi.

    Hinihiling po namin sa inyo na sagutan nang buong katapatan ang mga tanong at aytem na nasa kwestyoneyr. Tinitiyak namin na magiging kompedinsyal na impormasyon ang inyong kasagutan.

    Marami pong salamat sa inyong kooperasyon.

    Lubos na gumagalang,

    Mga Mananaliksik

    ARJAY M. ABACANLEAH L. AFABLEMARIA VIRESA P. ENRIQUEZARJEL EIRON O. ESCAREZKENNETH S. ESPERITUKENT JAZREEL L. ESPIRITURIGO THEODOR T. POLITICOADRIAN B. UNTIVEROSJOREFE B. VELASQUEZ

    Pinagtibay ni:

    DR. THEREZIA O. CONTIPropesor

    Apendiks CSARBEY-KWESTYONEYR PARA SA MGA RESPONDENTENG MAG-AARAL

    Isang Pag-aaral sa Panukala ng Pagkakaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas

    Pangalan (opsyonal): __________________________ Kurso at Seksyon: __________I. Persepsyon sa Panukalang Magkaroon ng Sining Pagtatanghalsa

    Pambansang Pamantasan ng Batangas

  • .35

    Panuto: Punan ng tsek ( / ) ang kahon na tumutugma sa iyong tugon o opinyon tungkol sa panukala na magkaroon ng Sining Pagtatanghal ang Pambansang Pamantasan ng Batangas. Gamitin ang sumusunod na iskeyl sa pagpili ng iyong sagot.

    5 Lubos na lubos na sumasang-ayon4 Lubos na sumasang-ayon3 Sumasang-ayon2 Medyo sumasang-ayon1 Hindi sumasang-ayon

    PERSEPSYON NG MAG-AARAL ISKEYL

    5 4 3 2 1

    1. Madedebelop ang kaalaman at kasanayan ng mga estudyante sa larangan ng Teatrong Pilipino.

    2. Magkakaroon ng sapat na karanasan ang mga guro sa pagtuturo o pag-oorganisa ng isang pagtatanghal.

    3. Maisasakatuparan ang pagnanais ng ilan na mapabilang sa Sining Pagtatanghal.

    4. Maeenganyo ang marami pang kabataang tutungtong ng kolehiyo na mag-aral sa Pambansang Pamantasan ng Batangas.

    5. Lilikha ito ng mga mag-aaral na kompetetib sa Sining Pagtatanghal.

    6. Mag-uumpisang sumigla ang Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas.

    7. Dadayuhin at makikilala nang lubusan ang Pambansang Pamantasan ng Batangas ng mga manonood ng tanghalan.

    8. Magiging sagabal lamang ito sa pagpokus ng mga estudyante sa pag-aaral.

    9. Hindi na ito mapag-uukulan ng pansin dahil ito ay lihis lamang sa interes ng nakararami.

    10. Masasayang lamang ang ilalaang pondo dito ng Pamantasan.

    SARBEY-KWESTYONEYR PARA SA MGA RESPONDENTENG MAG-AARAL

    II. Kabutihang Maaaring Idulot ng Sining Pagtatanghalsa Pambansang Pamantasan ng Batangas

    Panuto: Punan ng tsek ( / ) ang kahon na tumutugma sa iyong tugon o opinyon tungkol sa panukala na magkaroon ng Sining Pagtatanghal ang Pambansang Pamantasan ng Batangas. Gamitin ang sumusunod na iskeyl sa pagpili ng iyong sagot.

    5 Lubos na lubos na sumasang-ayon4 Lubos na sumasang-ayon3 Sumasang-ayon2 Medyo sumasang-ayon1 Hindi sumasang-ayon

  • .36

    KABUTIHANG DULOT ISKEYL

    5 4 3 2 1

    1. Mapapayabong ang talento at kasanayan ng mga mag-aaral sa Sining Pagtatanghal.

    2. Magiging kilala ang Pamantasan sa larangan ng pagtatanghal.

    3. Magkakaroon ng mga mag-aaral ng magandang libangan.

    4. Mapapagyaman ang sining sa Pamantasan.

    5. Makakapagpadala ang Pamantasan ng mga kalahok sa pang-teatrong paligsahan.

    6. Maliliwanagan ang mga mag-aaral sa tunay na kahulugan at esensya ng Sining Pagtatanghal.

    7. Marami ang mahihikayat na mag-aral sa Pamantasan.

    8. Madadagdagan ang kita ng Pamantasan.

    9. Magsisilbing inspirasyon sa iba pang mga pamantasan na magkaroon din ng Sining Pagtatanghal.

    10. Makakasabay ang Pamantasan sa mga kilalang pamantasan sa larangan ng pagtatanghal.

    III. Mga Mungkahing Hakbang sa Panukalang Magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng BatangasPanuto: Punan ng tsek ( / ) ang kahon na tumutugma sa iyong tugon o opinyon tungkol sa panukala na magkaroon ng Sining Pagtatanghal ang Pambansang Pamantasan ng Batangas. Gamitin ang sumusunod na iskeyl sa pagpili ng iyong sagot.

    5 Lubos na lubos na sumasang-ayon 4 Lubos na sumasang-ayon3 Sumasang-ayon2 Medyo sumasang-ayon1 Hindi sumasang-ayon

    MGA MUNGKAHING HAKBANG ISKEYL

    5 4 3 2 1

    1. Siguraduhin na ang Sining Pagtatanghal ay mapagtutuunan ng pansin, maaasikaso at hindi mapapabayaan ng mga tagapamahala nito.

  • .37

    2. Padaanin sa pagsasanay o seminar ang mga mag-oorganisa o magtatayo ng tanghalan.

    3. Gawing obhetibo o transparent ang pagpili sa mga mag-aaral na nagnanais na sumailalim sa pagtatanghal.

    4. Magkaroon nang sapat na training o workshops para sa mga estudyante o guro na gustong sumali sa pagtatanghal.

    5. Palawigin ang kaalaman tungkol sa sining ng pagteteatro sa buong Pamantasan.

    6. Magtayo ng club sa ibat ibang departamento na mag-oorganisa ng tanghalan.

    7. Gawin itong isang produktibong kumpetisyon para mapili ang mga mag-aaral na mahuhusay sa pagtatanghal.

    8. Tiyaking hindi mapababayaan ng mga estudyanteng mapapabilang sa pagtatanghal ang kanilang pag-aaral.

    9. Ang sinumang matatanggap sa pagtatanghal ay pagkalooban ng iskolarsyip.

    10. Dagdagan pa ang mga pasilidad at pondo na ilalaan upang tuluyan na itong maisakatuparan.

    Apendiks DKompyutasyon ng mga Datos sa mga Talahanayan

    Talahanayan 2

    Persepsyon sa Panukalang Magkaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas

    PERSEPSYON NG MAG-AARAL ISKEYL KABUUAN WEIGHTED MEANBERBAL NA

    INTERPRETASYON

    5 4 3 2 1

    1. Madedebelop ang kaalaman at kasanayan ng mga estudyante sa larangan ng Teatrong Pilipino.

    18 13 8 4 0 174 4.05 Lubos na sumasang-ayon

    2. Magkakaroon ng sapat na karanasan ang mga guro sa pagtuturo o pag-oorganisa ng isang pagtatanghal.

    13 14 12 3 0 163 3.88 Lubos na sumasang-ayon

    3. Maisasakatuparan ang pagnanais ng ilan na mapabilang sa Sining Pagtatanghal.

    11 11 15 7 0 158 3.59 Lubos na sumasang-ayon

    4. Maeenganyo ang marami pang kabataang tutungtong ng kolehiyo na 9 6 21 7 0 146 3.65

    Lubos na sumasang-ayon

  • .38

    mag-aral sa Pambansang Pamantasan ng Batangas. 5. Lilikha ito ng mga mag-aaral na kompetetib sa Sining Pagtatanghal. 12 10 14 5 0 152 3.71

    Lubos na sumasang-ayon

    6. Mag-uumpisang sumigla ang Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas.

    11 15 13 5 0 164 3.73 Lubos na sumasang-ayon

    7. Dadayuhin at makikilala nang lubusan ang Pambansang Pamantasan ng Batangas ng mga manonood ng tanghalan.

    9 10 16 6 0 145 3.54 Lubos na sumasang-ayon

    8. Magiging sagabal lamang ito sa pagpokus ng mga estudyante sa pag-aaral.

    3 1 3 20 17 85 1.93 Medyo sumasang-ayon

    9. Hindi na ito mapag-uukulan ng pansin dahil ito ay lihis lamang sa interes ng nakararami.

    2 2 6 14 18 82 1.95 Medyo sumasang-ayon

    10. Masasayang lamang ang ilalaang pondo dito ng Pamantasan. 0 2 2 18 24 74 1.61 Medyo sumasang-ayon

    Talahanayan 3

    Kabutihang Maaaring Idulot ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas

    KABUTIHANG DULOT ISKEYL KABUUAN WEIGHTED MEAN BERBAL NA INTERPRETASYON

    5 4 3 2 1

    1. Mapapayabong ang talento at kasanayan ng mga mag-aaral sa Sining Pagtatanghal. 19 16 5 3 0 180 4.18 Lubos na sumasang-ayon

    2. Magiging kilala ang Pamantasan sa larangan ng pagtatanghal. 9 13 13 5 0 146 3.7 Lubos na sumasang-ayon

    3. Magkakaroon ng mga mag-aaral ng magandang libangan. 12 15 10 6 0 162 3.8 Lubos na sumasang-ayon

    4. Mapapagyaman ang sining sa Pamantasan. 14 16 4 6 0 158 4.48 Lubos na sumasang-ayon

    5. Makakapagpadala ang Pamantasan ng mga kalahok sa pang-teatrong paligsahan. 13 11 9 7 0 150 3.8 Lubos na sumasang-ayon

  • .39

    6. Maliliwanagan ang mga mag-aaral sa tunay na kahulugan at esensya ng Sining Pagtatanghal. 16 6 12 6 1 153 3.8 Lubos na sumasang-ayon

    7. Marami ang mahihikayat na mag-aral sa Pamantasan. 7 9 13 12 0 134 3.3 Sumasang-ayon

    8. Madadagdagan ang kita ng Pamantasan. 3 10 10 16 3 120 2.9 Sumasang-ayon

    9. Magsisilbing inspirasyon sa iba pang mga pamantasan na magkaroon din ng Sining Pagtatanghal. 14 11 9 8 0 157 3.7 Lubos na sumasang-ayon

    10. Makakasabay ang Pamantasan sa mga kilalang pamantasan sa larangan ng pagtatanghal. 7 16 11 7 0 146 3.7 Lubos na sumasang-ayon

    Talahanayan 4Mungkahing Hakbang Tungkol sa Panukala na Magkaroon ng Sining Pagatatanghal sa

    Pamantasan

    MGA MUNGKAHING HAKBANG ISKEYL KABUUAN WEIGHTED MEANBERBAL NA

    INTERPRETASYON

    5 4 3 2 11. Siguraduhin na ang Sining

    Pagtatanghal ay mapagtutuunan ng pansin, maaasikaso at hindi

    mapapabayaan ng mga tagapamahala nito.

    21 8 8 4 0 169 4 Lubos na sumasang-ayon

    2. Padaanin sa pagsasanay o seminar ang mga mag-oorganisa o

    magtatayo ng tanghalan.14 12 8 5 0 152 3.3 Lubos na sumasang-ayon

    3. Gawing obhetibo o transparent ang pagpili sa mga mag-aaral na

    nagnanais na sumailalim sa pagtatanghal.

    11 15 9 5 0 152 3.8 Lubos na sumasang-ayon

    4. Magkaroon nang sapat na training o workshops para sa mga

    estudyante o guro na gustong sumali sa pagtatanghal.

    16 15 6 4 0 166 3.8 Lubos na sumasang-ayon

    5. Palawigin ang kaalaman tungkol sa sining ng pagteteatro sa

    buong Pamantasan.11 14 9 5 0 148 4 Lubos na sumasang-ayon

  • .40

    6. Magtayo ng club sa ibat ibang departamento na mag-oorganisa

    ng tanghalan.10 12 13 7 0 151 3.8 Lubos na sumasang-ayon

    7. Gawin itong isang produktibong kumpetisyon para

    mapili ang mga mag-aaral na mahuhusay sa pagtatanghal.

    13 12 10 6 0 155 3.8 Sumasang-ayon

    8. Tiyaking hindi mapababayaan ng mga estudyanteng

    mapapabilang sa pagtatanghal ang kanilang pag-aaral.

    24 5 4 5 0 162 4.3 Sumasang-ayon

    9. Ang sinumang matatanggap sa pagtatanghal ay pagkalooban ng

    iskolarsyip.15 11 6 5 0 147 4 Lubos na sumasang-ayon

    10. Dagdagan pa ang mga pasilidad at pondo na ilalaan

    upang tuluyan na itong maisakatuparan.

    17 7 8 6 1 150 3.8 Lubos na sumasang-ayon

    Apendiks EPORMULARYO SA PAG-EEBALWEYT NG PAMANAHONG- PAPEL

    Pamagat: Isang Pag-aaral sa Panukala ng Pagkakaroon ng Sining Pagtatanghal sa Pambansang Pamantasan ng Batangas

    Mga Mananaliksik: Arjay M. Abacan Kent Jazreel L. EspirituLeah L. Afable Rigo Theodore T. PoliticoMaria Viresa P. Enriquez Adrian B. UntiverosArjel Eiron O. Escarez Jorefe B. VelasquezKenneth S. Esperitu

    Taon at Pangkat: Unang Antas/GE-1221Semestre at Taong Akademiko: Ikalawang Semestre, Taon Panuruan 2013- 2014

    Sistema ng Pagmamarka: Limang puntos ang pinakamataas na maaaring ibigay sa bawat aytem. Maaaring

    magbigay ng puntos na may desimal (halimbawa: 1.7, 1.4) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama-samahin ang mga nakuhang sub- total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.A. Paksa at Suliranin

    1. Signipikant at napapanahon ba ang paksa ng pananaliksik? ______2. Sapat ba ang pagtalakay sa introduksyon? ______3. Malinaw at sapat ba ang saklaw at limitasyon ng paksa upang makalikha ng mga

    valid na paglalahat? ______4. Maayos at malinaw ba ang pamagat at angkop ba iyon sa paksa ng pag-aaral? ______5. Malinaw, ispesipik at sapat ba ang mga tiyak na layunin ng pag-aaral? ______

  • .41

    6. Sapat at matalino ba ang pagpili sa mga terminong binigyan ng depinisyon at malinaw ba ang pagpapakahulugan sa bawat isang termino? ______

    Sub-total: ______B. Kaugnay na Pag- aaral at Literatura

    1. Sapat at angkop ba ang mga pag-aaral at literaturang tinatalakay? ______2. Malinaw at maayos ba ang pagtalakay sa mga pag-aaral at literaturang iyon?

    ______3. Wasto at maayos ba ang dokumentasyon ng mga pag-aaral at iba pang hanguang

    ginamit? ______Sub-total: ______

    C. Disenyo ng Pag- aaral1. Angkop ba sa paksa ang pamamaraan/metodong ginamit sa pananaliksik? ______2. Malinaw ba ang disenyo ng pananaliksik at naaayon ba iyon sa sayantipik na metodo

    ng pananaliksik? ______3. Sapat at angkop ba ang mga respondenteng napili sa paksa ng pananaliksik? ______4. Malinaw at wasto ba ang disenyo ng instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga

    datos? ______Sub-total: ______

    D. Presentasyon ng mga Datos1. Sapat, valid at relayabol ba ang mga datos na nakalap? ______2. Maingat bang nasuri at nalapatan ng wastong istatistikal tritment ang mga

    datos? ______3. Wasto at sapat ba ang naging interpretasyon ng mga datos? ______4. Malinaw, maayos at konsistent ba ang tekstwal at tabular/grapikal na presentasyon

    ng mga datos? ______Sub-total: ______

    E. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon1. Mabisa at sapat ba ang mga pagkakalagom sa mga datos? ______2. Lohikal at valid ba ang kongklusyon? Nakabatay ba iyon sa mga datos na

    nakalap? ______3. Nasagot ba sa kongklusyon ang mga ispesipikong katanungan? Lohikal, pisibol,

    praktikal at ateynabol ba ang inilahad na rekomendasyon? Natutugunan ba ng mga iyon ang mga suliraning natukoy sa pag-aaral? ______

    4. Malinaw, tuwiran at maayos ba ang paglalahad ng mga lagom, kongklusyon at rekomendasyon? ______

    Sub-total: ______F. Mekaniks at Pormat

    1. Wasto ba ang pormat ng bawat bahagi ng pamanahong-papel? Nasusunod ba ang mga tuntunin at tagubiling tinalakay sa klase? ______

    2. Nasunod ba ang mga tuntuning panggramatika sa teksto ng pamanahong- papel? ______

    3. Sapat at maayos ba ang pagkaka-proofread at pagkaka-edit sa teksto ng pamanahong- papel? ______

    Sub-total: ______Kabuuan/ Katumbas na Marka (100%): ______

    Ebalweytor:_______________________________

  • .42

    Petsa: ____________________________________

    Mga Puna at Mungkahi:________________________________________________________________________________________________________________________________________

    Apendiks FPORMULARYO SA PAG EEBALWEYT NG PASALITANG PRESENTASYONPamagat: Preperensya sa mga Telenobela ng mga Mag aaral ng Departamento ng General Engineering sa Pambansang Pamantasan ng Batangas.Mga Mananaliksik: Arjay M. Abacan Kent Jazreel L. Espiritu

    Leah L. Afable Rigo Theodore T. PoliticoMaria Viresa P. Enriquez Adrian B. UntiverosArjel Eiron O. Escarez Jorefe B. VelasquezKenneth S. Esperitu

    Taon at Pangkat: Unang Antas/GE-1221Semestre at Taong Akademiko: Ikalawang Semestre, Taon Panuruan 2013 - 2014 Sistema ng Pagmamarka:

    Limang puntos ang pinakamataas na maaring ibigay sa bawat aytem. Maaaring magbigay ng puntos na may decimal (halimbawa: 2.7, 1.5) ayon sa paghuhusga ng ebalweytor. Pagsama samahin ang mga nakuhang sub total ng puntos upang makuha ang kabuuang marka.

    A. Masteri1. Naipamalas ba ng bawat miyembro ng pangkat ang masteri at kahandaan sa

    pagtalakay ng paksang naitakda sa bawat isa? ______2. Sapat, malinaw at mapanghikayat ba ang pagtalakay ng bawat isa? ______ 3. Sapat at malinaw ba ang mga inilahad na paliwanag at halimbawa ng bawat

    miyembro? ______4. Wasto, sapat at mapanghikayat ba ang pagsagot sa bawat isa sa mga

    katanugan ng mga panellist?______

    5. Obhetibo at valid ba ng mga pahayag ng bawat isa? Naiwasan ba nila ang mga pahayag na may pagkiling, prejudice, lihis sa paksa at walang katibayan?

    ______Sub total ______

    B. Pamamaraan1. Lohikal ba ang presentasyon ng buong pangkat? ______2. Gumamit ba sila ng mga kailangang kagamitang awdyo biswal? ______3. Angkop at epektib ba ang mga kagamitang ginamit ng pangkat? ______4. Epektib at kompitent ba ang pangkat sa manipulasyon ng mga kagamitan sa

    presentasyon? ______

    5. Angkop at epektib ba sa pamamaraan o estratehiyang ginamit ng pangkat sa presentasyon? ______

    Sub total ______

  • .43

    C. Artikulasyon1. Sapat ba ng lakas ng tinig ng bawat miyembro ng pangkat sa pagsasalita?

    ______2. Malinaw at wasto ba ang kanilang bigkas sa mga salita? ______3. Angkop at epektib ba ang kanilang mga galaw, kumpas at iba pang non

    verbal cues? ______4. Wala ba silang mga nakakadistrak na mannerism sa pagsasalita? ______5. Wasto at angkop ba sa diwa ng kanilang mga pahayag ang bilis nila sa

    pagsasalita, tono, diin, at hinto/pausing? ______Sub total ______

    D. Disiplina 1. Nagsimula at natapos ba sa takdang oras ang presentsyon ng pangkat?

    ______2. Naging malinaw, matapat at magalang ba sila sa pagsagot ng mga tanong

    ng panellist? ______3. Naipamalas ba nila ang pagkakaisa at kooperasyon sa presentasyon?

    ______4. Naipamalas ba ng bawat isa ang tiwala sa sarili? ______5. Angkop ba ang anyo, ayos at kasuootan ng bawat isa? ______

    Sub total ______Kabuuan/Katumbas na Marka (100%) ______Ebalweytor: _______________________________Petsa: ____________________________________

    Mga Puna at Mungkahi:________________________________________________________________________________________________________________________________________________