Janens Group

Embed Size (px)

Citation preview

Rodel F. Ballares Rudy L. Bringuela Janen R. Boctot Janine Samantha S. Pinili MANANALIKSIK

ANG KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGBASA AT ANG KAUGNAYAN NITO SA MGA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NG MAG-AARAL SA UNANG TAON SA KOLEHIYO NG ST. MARYS COLLEGE LUNGSOD NG TAGUM

Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT ANG

KALIGIRAN NITO Sanligan ng Pag-aaral Hindi lahat ng mambabasa ay nagiging manunulat. Maaaring nakaiintindi ng mga salita at pangungusap ngunit kulang ang kakayahan sa pagsulat dahil narin sa mga panuntunan na kailangang mabuting pagsulatr. Kailangang lahat ng mga manunulat ay magi tagabasa. Hindi maaaring maging manunulat ang pangangailangan sa pagbasa at pag-unawa sa binasa

upang maihatid ang mga bagay na batid at magkaroon ng mga bagong kaalaman mula sa nabasa. Pinaniniwalang ang pagbasa ay isang interaktibong proseso sa pagitan ng manunulat at mambabasa na may interkasyong nagaganap. Marami sa mga manunulat ay nagsusulat gamit ang kanilang mga natutunan sa mga pag-aaral at pagbabasa. (Austero, et.al.2008)Binanggit sa kinalabasan ng pag-aaral ni Jativa (2004) na may

pamagat Reading Interest and Scholastic Performance of Pupils in Camanlangan Elementary School na sa buong mundo, mahigit walong daang milyong tao, ang labin-limang taong gulang pataas ang hindi marunong bumasa at sumulat kung saan higit na nakararami ang nasa sa Pilipinas. Ito ang dahilan ng kanilang suliranin sa pagkatuto at pakikipagkomunikasyon. Dahil ditto, lagi silang umaasa sa mga taong marunong bumasa.

Sa Pilipinas, ayon kay Casanova (2001), may mga mahahalagang estilo sa pagbasa batay sa layunin at

ditto mababatid at masusukat ang bias sa pag-unawa. Ang bisa ng pag-unawa ay nasa pagitan ng pitumpong bahagdan hanggang walumpong bahagdan (7080%). Ang bias ng pagbasa ay isandaang bahagdan (100%).

Paglalahad ng Suliranin Layunin ng pag-aaral na ito alamin ang kasanayan sa akademikong pagbasa at ang kaugnayan nito sa mga estratehiya sa pagsulat. Ang mga sumusunod ay ang mga tiyak na suliranin na nais ng

mga mananaliksik na mabigyan ng tugon: 1. Ano ang antas ng kasanayan sa akademikong pagbasa ng mga mag-aaral ayon sa:1.1 pag-uuri ng mga ideya/detalye; 1.2 pagtukoy sa layunin ng teksto; 1.3 pagtiyak sa damdamin at tono ng teksto; 1.4 pagkilala ng opinyon at katotohanan; 1.5 pagbuo ng lagom at konklusyon at 1.6 pagbibigay ng interpretasyon sa mga grafiks na pantulong ?

2. Ano ang antas ng mga estratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral ayon sa:2.1 2.2 2.3 2.4 panimulang pagsulat; drafting; pagrerebisa at editing o pagwawasto?

3.Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa kapag sinuri ayon sa:3.1 kasarian at 3.2 kurso?

4.Mayroon bang makabuluhang pagkakaiba ang mga estratehiya sa pagsulat kapag sinuri ayon sa:4.1 kasarian at 4.2 kurso?

5. Mayroon bang makabuluhang pagkakaugnay ang antas ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa at ang mga estratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Unang Taon sa Kolehiyo ng St.

Marys Tagum?

College,

Lungsod

ng

Mga Hinuha: Ang mga sumusunod na hinuha ay hinahangad na matugunan sa mga suliraning sa unahan. 1. Walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kasanayan sa akademikong pagbasa kapag sinuri ayon sa kasarian at kurso. 2. Walang makabuluhang pagkakaiba ang mga estratehiya sa pagbasa kapag sinuri ayon sa kasarian at kurso. 3. Walang makabuluhang pagkakaugnay ang antas ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa at ang mga estratehiya sa pagsulat sa mga mag-aaral sa Unang Taon sa Kolehiyo ng St. Marys College, Lungsod ng Tagum.

Kabanata 2 METODOLOHIYA

Naglalahad ang kabanatang ito ng mga pamamaraang ginamit sa pananaliksik. Nahahati ito sa mga sumusunod na bahagi: ang lokal na pananaliksik, disenyo ng pag-aaral, instrumentong ginamit, ang pamamaraan sa pagkalap ng datos, mga kalahok sa pag-aaral at mga istatistikong ginamit.

Disenyo ng PananaliksikAng pag-aaral na ito ay gumamit ng pamamaraang palarawang-koleresyonal (Descriptive-correlational Method). Ang pamamaraang ito

ay naglalarawan sa pagitan ng dalawang baryabol sa pananaliksik o pag-aaral. Nilalayon nitong makita ang kaugnayan ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa sa mga kasanayan sa akademikong pagsulat ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng kolehiyo sa St. Marys College, Lungsod ng Tagum.

Instrumento ng Pananaliksik Binubuo ng mga mag-aaral sa ibat ibang kurso ng St. Marys College na kumuha ng

Filipino 2 ang pananaliksik na ito. Ginamit ng mananaliksik ang Slovens Formula upang makuha ang tiyak na bilang ng sampol ng mga tagatugon sa ginawang pag-aaral. Ang unang bahagi ay talatanungan tungkol sa Kasanayan sa Akademikong pagbasa na binubuo ng anim na komposisyong ibinatay sa mga indikeytors na may taglilimang katanungan bawat komposisyon. Ang pangalawa ay isang pagsusulit ang ginawa ng mananaliksik upang masubok ang mga istratehiya sa

pagsulat ng mga mag-aaral sa Filipino 2 na may tatlong komposisyon at tag-aapat na gawain. Para matiyak ang pagkabalido ng teksto at tanong, ipinasuri muna ng mananaliksik ang mga aytem ng talatanungan at ang gawang-pagsusulit sa ilang mga dalubhasa sa larangan ng edukasyon. Pamamaraan sa Pagkuha ng Datos Sa bahaging ito, sinunod ng mananaliksik ang mga hakbang sa pagkalap ng mga

datos kaugnay pananaliksik

sa

Paghingi ng Pahintulot. Pagkatapos maiwasto ang mga inihandang pagsusulit, nagpadala ang mananaliksik ng liham sa pangulo, program heads at registrar ng paaralan ng St. Marys College, Lungsod ng Tagum na humingi ng pahintulot na mailunsad ang ginawang pag-aaral sa lahat ng kurso sa naturang paaralan. Pagbibigay Pangongolekta at ng

talatanungan. Ang mananaliksik mismo ang nagpamigay at nagpamahala sa dalawang talatanungan. Ang mga tagatugon ay binigyan ng panuto kung paano sagutin ang talatanungan. Sila ay hinikayat na huwag hayaan ang bilang na walang sagot at ipasa kaagad ang dalawang talatanungan sa loob ng itinakdang oras. Pagwawasto ng mga Talatanungan. Ang paglikom sa mga kopya ng mga napagsagutang

talatangungan sa mga magaaral mula sa ibat ibang kurso na kumuha ng Filipino 2. Ginamit ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pagkilala ng antas ng kasanayan sa Akademikong pagbasa sa pagbasa at kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral. Ang huling hakbang na isinagawa ng mananaliksik ay ang pagsasagawa ng pagaaral.

Kabanata 3

PAGLALAHAD AT PAGSUSURI SA KINALABASAN NG PAG-AARAL Sa kabanatang ito ilalahad ang mga kasagutan sa mga tanong na nakatala sa unang bahagi ng pag-aaral na ito. Sinuri at binigyan ng pakahulugan ang bawat panguluhan; ang mga antas sa kasanayan sa akademikong pagbasa ;ang kaugnayan ng mga estratehiya sa pagsulat at ang makabuhulang pagkakaiba ng mga antas sa

kasanayan sa akademikong pagbasa at ang mga istratehiya sa pagsulat at ang makabuluhang kaugnayan ng mga antas sa kasanayan sa akademikong pagbasa at ang mga istratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral. Ang paglalahad ng mga datos ay sa pamamagitan ng mga talahanayan at tekstwal na pagtatalakay.

Pagkakaugnay ang Antas ng Kasanayan sa Akademikong Pagbasa at ang mga Istratehiya sa Pagsulat ng mga Mag-

aaral Ang talahanayan 18 ay naglalahad ng makabuluhang kaugnayan ng antas ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa at ang mga estratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Unang Taon ng kolehiyo ng St. Marys College. Ang coefficient of correlation sa pagitan ng antas ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa at ang mga estratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral ay 0.48. Ito ay nagpapakita ng mababang

positibong kaugnayan. Ang computed t-value ay 16.989 at tabulated ay 2.024. Ang computed t-value ay mas mataas sa tabulated t-value. Kaya, ang null na hinuha ay di-tanggap. Ito ay nangangahulugan na may makabuluhang kaugnayan ang antas ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa at ang mga istratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Unang Taon sa kolehiyo ng St. Marys College. Sa talahanayan 18 makikita na ang person r ay 0.2304 o 23.04 bahagdan. Ito

ay nangangahulugan na ang kabuuang kalahok sa pagaaral, 23.04 bahagdan na baryasyon sa antas sa kasanayan sa akademikong pagbasa ay may kaugnayan sa baryasyon sa mga istratehiya sa pagsulat. Ang iba na 76.96 bahagdan ay mga pagkakataon sa baryasyon. Ayon kina Austero, et.al. (2008) hindi lahat ng mambabasa ay nagiging manunulat. Maraming mga tao ang magbabasa ng mga pahayagan, maikling kwento, nobela at iba pang akda

ngunit di nakasusulat.

lahat

ay

Kabanata 4 PAGLALAGOM, KONKLUSYON Binabanggit sa kabanatang ito ang mga paglalagom, konklusyon at rekomendasyon batay sa mga nalikom na datos sa pag-aaral na ito. Paglalagom Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang kaugnayan ng mga antas sa kasanayan sa akademikong pagbasa at ang mga istratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral. Natamo ang mga layunin ng pag-aaral na ito sa pamamagitan ng mga istatistikang ginamit.

1. Ang kabuuang antas ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa ng mga mag-aaral ayon pag-uuri ng mga ideya/detalye, pagtukoy sa layunin ng teksto, pagtiyak sa damdamin attono ng teksto, pagkilala sa pagkakaiba ng opinion at katotohanan, pagbuo ng lagom at konklusyon at pagbibigay ng interpretasyon sa mga grafiks na pantulong ay may kabuuang mean na 84.88 na may katumbas na deskripsyong kasiya-siya. Ang pagtukoy sa layunin ng teksto ang nakakuha ng

pinakamataas na mean na 87.97 na may katumbas na deskripsyong kasiya-siya. Ito ay sinundan ng pag-uuri ng mga ideya o detalye na ang mean ay 87.94 na may katumbas na deskripsyong kasiya-siya. Ibig sabihin, ang mga antas sa estratehiya sa akademikong pagbasa ay nagagamit ng mga mag-aaral sa lahat ng pagkakataon sa pagbabasa.2. Ang kabuuan sa mga estratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral ayon sa panimulang pagsulat, drafting,

pagrerebisa at pagwawasto ay may kabuuang mean na 73.82 na may katumbas na deskripsyon na mahina. Ang panimulang pagsulat at editing o pagwawasto ay may magkaparehong mean na 74.51 na may katumbas na deskripsyong mahina. At ang pinakamababa ay ang pagrerebisa na may kabuuang mean na 73.01 na may deskripsyong mahina. Ito ay nangangahulugang kulang sa kaalaman ang mga mag-aaral sa tamang paggamit ng mga estratehiya sa pagsulat. 3. Hinggil sa makabuluhang pagkakaiba, ang computed tvalue na 0.215 ay mas mababa

kaysa sa tabulated t-value na 2.101. At ang desisyon sa null na hinuha ay tanggap. Ang mga lalaking kalahok ay nakakuha ng mean na 83.07 habang ang mga babaeng kalahok ay nakakuha ng mean na 82.77. Ibig sabihin, walang makabuluhang pagkakaiba sa mga kasanayan sa akademikong pagbasa kapag sinuri ayon sa kasarian. Ito ay nagpapahiwatig na pareho lamang ang paggamit ng mga mag-aaral sa mga kasanayan sa akademikong pagbasa. 4. Tungkol naman sa makabuluhang pagkakaiba, ang computed t- value na 3.159 ay

mas mataas kaysa sa tabulated tvalue na 1.966. At ang desisyon sa null na hinuha ay hindi-tanggap. Ang interpretasyon ng makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kasanayan sa akademikong pagbasa kapag sinuri ayon kurso ay may kabuluhan. Ang BEED ang may pinakamataas na mean na 87.09 habang ang BSHM ang may pinakamababang mean na 78.43. Ito ay nangangahulugan na iba-iba ang kaalaman ng mga mag-aaral sa ibat ibang kurso. 5. Ang mga estratehiya sa pagsulat ayon sa kasarian, ang computed t-value na 0.626 ay mas mababa kaysa sa tabulated t-

value na 2.101. Kaya ang pasya sa hinuha ay tanggap. Ang interpretasyon sa makabuluhang pagkakaiba sa mga istratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral kapag sinuri ayon sa kasarian ay hindi makabuluhan. Ang mga kalahok na lalaki ay nakakuha ng mean na 66.69 samantalang ang mga kalahok na babae ay nakakuha ng mean na 66.60. Ibig sabihin na pareho lamang ang mga estratehiya sa pagsulat ng mga lalaki at babae. 6. Ang mga estratehiya sa pagsulat ayon sa kurso, ang computed t-value na 4.766 ay mas mataas kaysa sa tabulated t-value

na 2.107. Kaya ang pasya sa null na hinuha ay hindi tanggap. Ang interpretasyon ng makabuluhang pagkakaiba sa mga istratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral kapag sinuri ayon sa kurso ay makabuluhan. Ang kursong BEED ang may pinakamataas na mean na 69.83. Ito ay sinundan ng BSTM na may mean na 67.90. Ang kursong BSED ang may pinakamababang mean na 62.84.

7. May makabuluhang kaugnayanang antas sa kasanayan sa akademikong pagbasa at ang mga estratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Unang Taon sa kolehiyo ng St. Marys College,

lungsod ng Tagum. Ang Coefficient of Determination sa pagitan ng antas ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa at ang mga estratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral ay 0.2304. Nagpapakita ito ng mababang positibong kaugnayan. Ang computed t-value ay 16.989 na mas mataas kaysa sa tabulated t-value na 2.024. Kaya ang pasya sa null ay ditanggap. Mayroong makabuluhang kaugnayan ang antas ng kasanayan sa akademikong pagbasa at ang mga istratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Unang Taon sa kolehiyo ng St. Marys College, lungsod ng Tagum.Konklusyon

Batay sa natuklasan sa pag-aaral na ito, nabuo ang mga sumusunod na konklusyon. 1. Ang antas ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa ay kasiya-siya. Ito ay nangangahulugan na ang anim na antas ay lubhang nagagamit ng mga mag-aaral sa nakakararaming pagkakataon sa pagbasa. 2. Ang antas ng mga Estratehiya sa pagsulat ay kasiya-siya. Ito ay nangangahulugan na ang apat na istratehiya ay lubhang nagagamit ng mga mag-aaral sa nakakararaming pagkakataon sa pagsulat. 3. Lumabas na walang makabuluhang pagkakaiba ang antas ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa kapag sinuri ayon sa kasarian. Ibig sabihin lalaki man o babae ay pantay. Parelo lamang ang paggamit ng mga mag-aaral sa mga antas ng kasanayan sa akademikong pagbasa. 4. Lumabas na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa kapag sinuri ayon sa kurso.Ito ay nangangahulugan na iba-iba ang pagtanggap ng mga mag-aaral sa ibat ibang kurso sa kadahilanang ibat ibang guro ang humawak ng asignaturang ito sa bawat kurso. 5. Lumabas na walang makabuluhang pagkakaiba ang mga istratehiya sa pagsulat kapag sinuri ayon sa kasarian. Ibig sabihin pareho lamang ang gamit ng mga estratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral. 6. Lumabas na may makabuluhang pagkakaiba ang mga estratehiya sa pagsulat kapag sinuri ayon sa kurso. Ibig sabihin nito ay may kaibahan ang bawat

kurso sa paggamit ng mga estratehiya sa pagsulat. 7. Lumabas na may makabuluhang kaugnayan ang antas ng mga kasanayan sa akademikong pagbasa at ang mga estratehiya sa pagsulat ng mga mag-aaral sa Unang Taon sa kolehiyo ng St. Marys College, Lungsod ng Tagum

TAPOS