158
Jeremias 1:1 1 Jeremias 1:13 Jeremias 1 Ito ang salita ni Jeremias na anak ni Hilkias, isa siya sa mga pari sa Anatot sa lupain ng Benjamin. 2 Dumating sa kaniya ang salita ni Yahweh noong ikalabintatlong taon ng paghahari ni Josias na anak ni Ammon na hari ng Juda. 3 Muli itong dumating sa mga araw ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda hanggang sa ikalimang buwan ng ikalabing isang taon ng paghahari ni Zedekias na anak ni Josias na hari ng Juda, nang binihag ang mga taga-Jerusalem bilang mga bilanggo. 4 Dumating sa akin ang salita ni Yahweh na nagsasabi, 5 “Bago kita binuo sa sinapupunan, pinili na kita. Bago ka ipanganak, itinalaga na kita. Ginawa kitang propeta sa mga bansa.” 6 “O! Panginoong Yahweh!” Sinabi ko, “Hindi ako marunong magsalita sapagkat napakabata ko pa.” 7 Ngunit sinabi sa akin ni Yahweh, “Huwag mong sabihin na, 'Napakabata ko pa.' Dapat kang pumunta saanman kita ipadala at dapat mong sabihin ang anumang iuutos ko sa iyo! 8 Huwag kang matakot sa kanila sapagkat sasamahan kita upang iligtas ka. Ito ang pahayag ni Yawheh.” 9 Pagkatapos, iniabot ni Yahweh ang kaniyang kamay, hinipo niya ang aking bibig at sinabi, “Ngayon, inilagay ko ang aking mga salita sa iyong bibig. 10 Hinihirang kita ngayon sa mga bansa at sa mga kaharian upang magbunot at mag- pabagsak, magsira at magwasak, magtayo at magtatag. 11 Dumating ang salita ni Yahweh sa akin na nagsasabi, “Ano ang iyong nakikita Jeremias?” Sinabi ko, “Nakikita ko ang sanga ng almendra.” 12 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Nakita mong mabuti, sapagkat nagbabantay ako sa aking mga salita upang maisakatuparan ito.” 13 Dumating sa

Jeremias · 2021. 1. 9. · Jeremias1:1 1 Jeremias1:13 Jeremias 1ItoangsalitaniJeremiasnaanakniHilkias,isasiyasa mgaparisaAnatotsalupainngBenjamin.2Dumatingsa

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Jeremias 1:1 1 Jeremias 1:13

    Jeremias1 Ito ang salita ni Jeremias na anak ni Hilkias, isa siya sa

    mga pari sa Anatot sa lupain ng Benjamin. 2Dumating sakaniya ang salita ni Yahweh noong ikalabintatlong taonng paghahari ni Josias na anak ni Ammon na hari ngJuda. 3 Muli itong dumating sa mga araw ni Jehoiakimna anak ni Josias na hari ng Juda hanggang sa ikalimangbuwan ng ikalabing isang taon ng paghahari ni Zedekiasna anak ni Josias na hari ng Juda, nang binihag ang mgataga-Jerusalem bilang mga bilanggo. 4 Dumating sa akinang salita ni Yahweh na nagsasabi, 5 “Bago kita binuo sasinapupunan, pinili na kita. Bago ka ipanganak, itinalagana kita. Ginawa kitang propeta sa mga bansa.” 6 “O!Panginoong Yahweh!” Sinabi ko, “Hindi ako marunongmagsalita sapagkat napakabata ko pa.” 7Ngunit sinabi saakin ni Yahweh, “Huwagmong sabihin na, 'Napakabata kopa.' Dapat kang pumunta saanman kita ipadala at dapatmong sabihin ang anumang iuutos ko sa iyo! 8 Huwagkang matakot sa kanila sapagkat sasamahan kita upangiligtas ka. Ito ang pahayag ni Yawheh.” 9 Pagkatapos,iniabot ni Yahweh ang kaniyang kamay, hinipo niya angaking bibig at sinabi, “Ngayon, inilagay ko ang akingmga salita sa iyong bibig. 10 Hinihirang kita ngayon samga bansa at sa mga kaharian upang magbunot at mag-pabagsak, magsira at magwasak, magtayo at magtatag.11 Dumating ang salita ni Yahweh sa akin na nagsasabi,“Ano ang iyong nakikita Jeremias?” Sinabi ko, “Nakikitako ang sanga ng almendra.” 12 Sinabi sa akin ni Yahweh,“Nakitamongmabuti, sapagkat nagbabantay ako sa akingmga salita upang maisakatuparan ito.” 13 Dumating sa

  • Jeremias 1:14 2 Jeremias 2:3akin ang salita ni Yahweh sa pangalawang pagkakataonat sinabi, “Ano ang iyong nakikita? “Sinabi ko, “Nakikitako ang isang pinakuluan na palayok, na nakatagilid mulasa hilaga.” 14 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Kapahamakanang mangyayari sa lahat ng naninirahan sa lupaing itona magmumula sa hilaga.” 15 Sapagkat tinatawagan koang lahat ng tribo sa mga hilagang kaharian, pahayag niYahweh. Darating sila at ilalagay nila ang kanilang tronosa pasukan sa mga tarangkahan ng Jerusalem, laban salahat ng pader na nakapaligid dito, at laban sa lahat ngmga lungsod ng Juda. 16 Ihahayag ko ang hatol laban sakanila dahil sa lahat ng kanilang kasamaan sa pagtalikodsa akin, sa pagsusunog ngmga insenso sa ibangmga diyosat sa pagsamba samga ginawa ng sarili nilangmga kamay.17 Ihanda mo ang iyong sarili! Tumayo ka at sabihinmo sa kanila ang lahat ng iniuutos ko sa iyo. Huwagkang manlupaypay sa kanila, baka panlupaypayin kita saharapan nila! 18 Tingnan mo! Ngayong araw, ginawakitang matatag na lungsod, isang haliging bakal at mgapader na tanso laban sa buong lupain, laban sa mga haring Juda at sa kanilang mga opisyal, sa mga pari at ng mgatao sa lupain. 19 Kakalabanin ka nila ngunit hindi ka nilamatatalo sapagkat sasamahan kita upang iligtas ka. Itoang pahayag ni Yahweh.”

    21 Dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,

    2 “Pumunta ka at ipahayag mo sa pandinig ng Jerusalem.Sabihin mo, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Alang-alangsa iyo, inaalala ko ang iyong pangako ng katapatan saiyong kabataan, ang iyong pag-ibig nang magkasundotayong magpakasal, nang sundan mo ako sa ilang, anglupain na walang tanim. 3 Nakalaan ang Israel para kay

  • Jeremias 2:4 3 Jeremias 2:13Yahweh, ang unang bunga ng mga ani! Nagkakasala anglahat ng kumain mula sa mga unang bunga! Daratingang kasamaan sa kanila. Ito ang pahayag ni Yahweh.”4 Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, sambahayan niJacob at bawat pamilya sa sambahayan ng Israel. 5 Ito angsinasabi ni Yahweh, “Ano ang pagkakamaling nakita saakin ng inyong mga ama upang lumayo sila sa pagsunodsa akin? At sumunod sila sa mga walang kabuluhangdiyus-diyosan at silamismo ay nagingwalang kabuluhan?6 Hindi nila sinabi, 'Nasaan si Yahweh, ang nagpalaya saatin mula sa lupain ng Egipto? Nasaan si Yahweh, angnanguna sa atin sa ilang sa lupainngAraba, samay tuyonghukay atmadilimna lupain, ang lupaing hindi nilalakaranat walang sinuman ang naninirahan?' 7Ngunit dinala kokayo sa lupain ng Carmel upang kainin ang mga bunganito at iba pang mga magagandang bagay! Ngunit nangdumating kayo, dinungisan ninyo ang aking lupain, gi-nawa ninyong kasuklam-suklam ang aking mana! 8Hindisinabi ng pari, 'Nasaan si Yawheh?' at hindi ako inalalang mga dalubhasa sa batas! Lumabag ang mga pastollaban sa akin. Nagpahayag angmga propeta para kay Baalat lumakad sa hindi kapaki-pakinabang na mga bagay.9Kaya pararatangan ko pa rin kayo at ang anak ng inyongmga anak. Ito ang pahayag ni Yahweh. 10 Tumawid kayosa baybayin ng Chittim at inyong tingnan. Magpadalakayo ng mga mensahero sa Cedar upang malaman atmakikita ninyo kung mayroong nangyari noon na gayanito. 11May bansa bang ipinagpalit ang mga diyos kahithindi naman sila mga diyos? Ngunit ipinagpalit ng akingmga tao ang kanilang kaluwalhatian sa hindi makakatu-long sa kanila. 12 Manginig kayo, mga kalangitan dahildito! Masindak kayo at mangilabot. Ito ang pahayag niYahweh. 13 Sapagkat nakagawa sa akin ang aking mga tao

  • Jeremias 2:14 4 Jeremias 2:23ng dalawang kasamaan. Pinabayaan nila ang mga bukalna nagbibigay-buhay sa paggawa ng mga balon para sakanilang mga sarili, mga sirang balon na walang tubig!14Alipin ba ang Israel? Hindi ba siya isinilang sa tahanan?Kung gayon, bakit siya ninakawan? 15 Umaatungal angmga batang leon laban sa kaniya. Nagsihiyawan sila at gi-nawang katakot-takot ang kaniyang lupain! Nawasak angkaniyang mga lungsod ng walang sinuman ang nanini-rahan. 16 Inahitan rin ng mga taga-Memfis at taga-Tafnes ang iyong bungo at ginawa kang alipin! 17 Hindimo ba ito ginawa sa iyong sarili nang talikuran mo siYahweh na iyong Diyos habang pinangungunahan kaniya sa iyong paglalakbay? 18 Kaya ngayon, bakit kapupunta sa Egipto at iinom ng tubig sa Sikor? Bakit kapupunta sa Asiria at iinom ng tubig sa Ilog ng Eufrates?19 Sinasaway ka ng iyong kasamaan at pinarurusahan kang iyong kataksilan. Kaya pag-isipan mo ito, unawainmo na masama at mapait para sa iyo na talikuran akoat hindi na ako katakutan, akong si Yahweh na iyongDiyos. Ito ang pahayag ni Yahweh, ang Panginoon ngmga hukbo. 20 Sapagkat sinira ko ang iyong pamatok namayroon ka noong mga sinaunang araw, sinira ko angiyong mga tanikala. Ngunit sinabi mo pa rin, 'Hindi akomaglilingkod!' sapagkat yumuko ka sa bawat matataasna burol at sa ilalim ng bawat madahong puno, ikaw namangangalunya. 21 Ngunit ako mismo ang nagtanim saiyo bilang isang piniling puno ng ubas, na isang tunayna binhi. Ngunit papaanong nagbago ka sa akin, isanghindi tapat mula sa ibang puno ng ubas! 22 Sapagkatkahit linisin mo ang iyong sarili sa ilog o maghugas kang matapang na sabon, ang iyong pagkakasala ay isangbahid sa aking harapan. Ito ang pahayag ng PanginoongYahweh. 23 Paano mo nasasabi, “Hindi ako nadungisan!

  • Jeremias 2:24 5 Jeremias 2:31Hindi ako sumunod sa mga Baal? Tingnan mo angiyong pag-uugali sa mga lambak! Unawain mo ang iyongginawa, para kang kamelyo na nagmamadaling tumakbosa sarili nitong daan! 24 Isa kang mailap na asno, nasanay sa ilang, nananabik sa buhay at humihingal sawalang kabuluhang hangin! Sino ang makapagbabalik sakaniya kapag siya ay nag-iinit? Hindi mapapagod angsinumang maghahanap sa kaniya. Pinupuntahan siya sakabuwanan ng kaniyang pag-iinit. 25 Dapat mong iwasannawalang suot ang iyongmga paa at ang iyong lalamunansa pagkauhaw! Ngunit sinabi mo, 'Walang pag-asa! Hindi,iniibig ko ang mga dayuhan at sasama ako sa kanila!'26Katulad ng kahihiyan ng isang magnanakaw kapag siyaay nahuli, gayon din ang kahihiyan ng sambahayan ngIsrael. Sila, ang kanilang mga hari, mga prinsipe, mgapari, at mga propeta! 27 Sila ang mga nagsabi sa puno,'Ikaw ang aking ama,' at sa bato, 'Ipinanganak mo ako.'Sapagkat nakaharap sa akin ang kanilang likuran at hindiang kanilang mga mukha. Gayunpaman, sinasabi nila saoras ng mga kaguluhan, 'Tumayo ka at iligtas mo kami!'28 Ngunit nasaan ang mga diyos na inyong ginawa parasa inyong mga sarili? Patayuin ninyo sila kung naisnila kayong iligtas sa oras ng inyong mga kaguluhan,sapagkat kasindami ng inyong diyos ang inyong mgalungsod, oh Juda! 29Kaya bakit ninyo ako pinararatanganna gumagawa ng masama? Nagkasala kayong lahat saakin. Ito ang pahayag ni Yahweh. 30 Pinarusahan koang inyong mga tao ng walang kabuluhan. Hindi nilatinanggap ang pagtutuwid. Nilamonng inyongmga tabakangmga propeta gaya ngmapaminsalang leon! 31Kayongmga nabibilang sa salinlahing ito! Bigyan ninyo ng pansinang aking salita, ang salita ni Yahweh! Naging ilang baako sa Israel? O naging lupain ng matinding kadiliman?

  • Jeremias 2:32 6 Jeremias 3:2Bakit sinasabi ng aking mga tao, 'Maglibot tayo, hindi nakami pupunta sa iyo kailanman'? 32 Makakalimutan bang isang birhen ang kaniyang alahas, o ang talukbong ngbabaing ikakasal? Ngunit nakalimutan na ako ng akingmga tao sa hindi na mabilang na mga araw! 33 Ganoonka na lamang kahusay na humanap ng pag-ibig. Itinuromo pa ang iyong mga pamamaraan sa mga makasalanangkababaihan. 34Nakita sa iyongmga kasuotan ang dugo ngmga dukha at walang kasalanang tao. Sila ang mga taonghindi nahuli sa mga gawaing pagnanakaw. 35 Sa halip,sa lahat ng bagay na ito, patuloy mong sinasabi, 'Walaakong kasalanan, tiyak na hindi ibabaling ni Yahweh anggalit sa akin.' Ngunit tingnan mo! Mahahatulan kasapagkat sinabi mo, 'Hindi ako nagkasala.' 36 Bakit ninyoitinuturing na napakadali ng pagbabagong ito sa inyongpamamaraan? Bibiguin ka rin ng Egipto gayang ginawa saiyo ng Asiria. 37Malulungkot ka ring lalabas mula roon nanakapatong ang iyong mga kamay sa iyong ulo, sapagkattinanggihan ni Yahweh ang iyong mga pinagkatiwalaanupang hindi ka nila matulungan.”

    31 “Sinabi nila, 'Pinapaalis ng isang lalaki ang kaniyang

    asawa, kaya umalis siya at naging asawa ng ibang lalaki.Dapat ba siyang bumalik muli sa kaniyang asawangbabae? Hindi ba siya ganap ng marumi?' Ang babaingiyan ay ang lupaing ito! Kumilos ka na gaya ng babaingbayaran na may maraming kakampi at ngayon nais mobang bumalik sa akin? Ito ang pahayag ni Yahweh.2 Tumingala ka sa mga tigang na burol at tingnan mo!Saan ka hindi nakipagsiping? Nakaupo ka sa mga tabing-daan at hinihintay ang iyong mga mangingibig, gaya ngisang taong pagala-gala sa ilang. Dinungisan mo ang

  • Jeremias 3:3 7 Jeremias 3:12lupain ng iyong kahalayan at kasamaan. 3 Kaya pinigilanko ang pagbuhos ng ulan ng tagsibol at hindi na pumatakang huling ulan. Ngunit mapagmataas ang iyong mukha,gaya ng mukha ng babaing bayaran. Tinanggihan mongmaramdaman ang kahihiyan. 4 Hindi ka ba tatawag saakin simula sa oras na ito, 'Aking ama! Ikaw ang pinaka-matalik kong kaibigan magmula pa sa aking kabataan.5 Magagalit ka ba magpakailanman? Palagi mo bangitatago ang iyong galit?' Tingnan mo! Ipinahayag mona gagawa ka ng kasamaan at ginawa mo ito. Kayaipagpatuloy mo itong gawin!” 6 Kaya sinabi sa akin niYahweh sa mga araw ni Josias na hari, 'Nakikita mo bakung gaano kataksil ang Israel sa akin? Nagtutungosiya sa bawat mataas na bundok at sa ilalim ng bawatmayabong na punong kahoy at doon, siya ay kumikilosgaya ng babaing bayaran. 7 Sinabi ko, 'Pagkatapos niyanggawin ang lahat ngmga bagay na ito, babalik siya sa akin,'ngunit hindi siya bumalik. At nakita ng taksil niyangkapatid na Juda ang kaniyang ginawa. 8 Kaya nakita kona sa lahat ng mga dahilang ito, nangalunya siya. Israelna tuluyang tumalikod! Pinalayas ko siya at binigyanng mga atas ng pakikipaghiwalay. Ngunit hindi natakotang taksil niyang kapatid na Juda, lumabas at kumilosdin siya gaya ng babaing bayaran! 9 Walang halaga sakaniya na dinungisan niya ang lupain, kaya gumawa silang mga diyus-diyosan mula sa bato at punongkahoy. 10Atpagkatapos ng lahat ng ito, hindi bumalik sa akin nangbuong puso ang taksil niyang kapatid na Juda, kundiisang kasinungalingan! Ito ang pahayag ni Yahweh.”11 At sinabi ni Yahweh sa akin, “Ang taksil na Israelay mas matuwid kaysa sa taksil na Juda! 12 Pumuntaka at ihayag ang mga salitang ito sa hilaga. Sabihinmo, 'Magbalik ka taksil na Israel. Ito ang pahayag ni

  • Jeremias 3:13 8 Jeremias 3:20Yahweh. Sapagkat tapat ako, hindi akomananatiling galitmagpakailanman. Ito ang pahayag ni Yahweh 13 Amininmo ang iyong malaking kasalanan, sapagkat lumabag kalaban kay Yahweh na iyong Diyos, nakisama ka sa mgadayuhan sa ilalim ng bawat mayabong na punongkahoy!Sapagkat hindi mo pinakinggan ang aking tinig! Ito angpahayag ni Yahweh. 14Magbalik kayo mga taksil na tao!Sapagkat pinakasalan ko kayo! Kukunin ko kayo, isa saisang lungsod, dalawa sa isang angkan at dadalhin kokayo sa Zion! Ito ang pahayag ni Yahweh. 15 Bibigyan kokayo ng mga pastol na umiibig sa akin at pamumunuannila kayo nang may katalinuhan at kaalaman. 16 Atmangyayari nga na dadami kayo atmamumunga sa lupainsa mga araw na iyon. Ito ang pahayag ni Yahweh. Hindina nila sasabihin, “Ang kaban ng tipan ni Yahweh!” Hindina aalalahanin ng kanilang mga puso ang bagay na ito,sapagkat hindi na nila iisipin ang tungkol dito o bibigyangpansin ito. Ang pahayag na ito ay hindi na gagawin.' 17 Saoras na iyon ihahayag nila ang tungkol sa Jerusalem, 'Itoang trono ni Yahweh at magtitipon ang lahat ng bansa saJerusalem sa ngalan ni Yahweh. Hindi na sila maglalakadsa katigasan ng kanilang mga masasamang puso. 18 Samga araw na iyon, maglalakad ang sambahayan ng Judakasama ang sambahayan ng Israel. Magkasama silangpupunta mula sa lupain sa hilaga patungo sa lupaingibinigay ko sa inyong mga ninuno bilang kanilang mana.19 Para sa akin, sinabi ko, 'Gayon na lamang kita naisparangalan bilang aking anak na lalaki at bigyan ka ngkaaya-ayang lupain, isang mana na mas maganda kaysasa anumang nasa ibang bansa!' Sasabihin ko, 'Tatawaginmo ako, “aking Ama”.' Sasabihin ko na hindi ka dapattumalikod sa pagsunod sa akin. 20 Ngunit gaya ng isangbabaing taksil sa kaniyang asawa, pinagtaksilan mo ako,

  • Jeremias 3:21 9 Jeremias 4:4sambahayan ng Israel. Ito ang pahayag ni Yahweh.”21 “Isang ingay ang narinig sa mga kapatagan, ang pag-iyak at pagsusumamo ng mga Israelita! Sapagkat binagonila ang kanilang mga pamamaraan, nilimot nila ako,si Yahweh na kanilang Diyos. 22 Magbalik kayo, mgataong taksil! Pagagalingin ko kayo sa inyong kataksilan!”“Masdan! Lalapit kami sa iyo, sapagkat ikaw si Yahweh naaming Diyos! 23Kasinungalingan lamang ang nagmumulasa mga burol, mula sa mga kabundukan. Tiyak na angkaligtasan ng Israel ay na kay Yahweh lamang na atingDiyos. 24 Ngunit inubos ng kahiya-hiyang mga diyus-diyosan ang pinaghirapan ng ating mga ninuno, angkanilang mga kawan at baka, ang kanilang mga anak nalalaki at babae! 25 Humiga tayo sa kahihiyan. Takpannawa tayo ng ating kahihiyan, sapagkat nagkasala tayokay Yahweh na ating Diyos! Tayo mismo at ang ating mganinuno, mula sa panahon ng ating kabataan hanggang sakasalukuyan ay hindi nakinig sa tinig ni Yahweh na atingDiyos.

    41 Ito ang pahayag ni Yahweh. “Kung babalik ka Israel,

    dapat lamang na sa akin ka bumalik. Kung inalis moang mga kasuklam-suklam na bagay sa aking harapan athindi na lilihis muli sa akin 2 at kung ipapangako mo,'Namumuhay si Yahweh sa katotohanan, katarungan atkatuwiran,' hihilingin ng mga bansa ang aking pagpapalaat pupurihin nila ako. 3 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yah-weh sa bawat tao sa Juda at Jerusalem, 'Bungkalin ninyoang sarili ninyong lupain at huwag kayong maghasiksa mga matitinik. 4 Maging tuli kay Yahweh at alisinninyo ang kasamaang bumabalot sa inyong puso, mgakalalakihan ng Juda at mga naninirahan sa Jerusalem,

  • Jeremias 4:5 10 Jeremias 4:13kung hindi, lalabas ang aking galit gaya ng apoy at sunogna walang sinumang makapapatay nito. Mangyayariito dahil sa kasamaan ng inyong mga gawa. 5 Ibalitasa Juda at hayaan itong marinig sa Jerusalem. Sabihinninyo, “Hipan ang trumpeta sa lupain.” Ihayag ninyo,'Magtipun-tipon. Pumunta tayo sa matitibay na mgalungsod.” 6 Itaas ang bandilang panghudyat at ituro ito saZion at tumakbo para sa kaligtasan! Huwag kayong man-atili sapagkatmagdudulot ako ng sakunamula sa hilaga atisang malaking pagkawasak. 7 Isang leon ang paparatingmula sa kasukalan at naghahanda na angwawasak ngmgabansa. Iiwan niya ang kaniyang lugar upang magdalang matinding takot sa inyong lupain, upang wasakinang inyong mga lungsod kung saan walang sinumanang maninirahan. 8 Dahil dito, magsuot kayo ng damitpanluksa, magsipanaghoy at magsitangis. Sapagkat hindinawala ang matinding poot ni Yahweh sa atin. 9 Itoang pahayag ni Yahweh. At mangyayari ito sa araw naiyon, na ang puso ng hari at ng kaniyang mga opisyal aymamamatay. Manlulumo ang mga pari at manginginigsa takot ang mga propeta.'” 10 Kaya sinabi ko, 'Oh!Panginoong Yahweh. Tunay nga na nilinlang mo nglubusan ang mga taong ito at ang Jerusalem sa pagsasabi,'Magkakaroon kayo ng kapayapaan.' Ngunit nag-aaklasang mga espada laban sa kanilang mga buhay. 11 Sa orasna iyon, sasabihin ito sa mga tao at sa Jerusalem, “Isangnag-aapoy na hangin mula sa mga kapatagan sa disyertoang darating sa anak na babae ng aking mga tao. Hindiito ang magtatahip o maglilinis sa kanila. 12 Isang hanginna mas malakas pa dito ang darating sa aking utos, atngayon ay hahatulan ko sila. 13Tingnan ninyo, lumulusobsiya katulad ng mga ulap at ang kaniyang mga karwaheay gaya ng isang bagyo. Ang kaniyang mga kabayo ay

  • Jeremias 4:14 11 Jeremias 4:25mas mabilis pa kaysa sa mga agila. Kaawa-awa tayosapagkat mawawasak tayo! 14 Linisin mo ang iyong pusomula sa kasamaan, Jerusalem, upang ikaw ay maaaringmaligtas. Gaano katagal mong iisipin ng malalim angtungkol sa kung paano magkasala? 15 Sapagkat ang isangtinig ay nagdadala ng mga balita mula sa Dan at narinigang paparating na sakunamula sa kabundukan ng Efraim.16Hayaang isipin ngmga bansa ang tungkol dito. Tingnanninyo, ipahayag ninyo sa Jerusalem na paparating angmga mananakop sa malayong lupain upang sumigaw ngpakikidigma laban sa mga lungsod ng Juda. 17 Magigingtulad sila ngmga kalalakihang tagapagbantay na nakapal-ibot sa sinasakang bukid, sapagkat naghihimagsik siya la-ban sa akin. 18At ang iyongmga pag-uugali atmga gawainang gumawa ngmga bagay na ito sa iyo. Ito angmagigingkaparusahan mo. Magiging katakot-takot ito! Tatagos itosa kaibuturan ng iyong puso. Ito ang pahayag ni Yahweh.19 Aking puso! Aking puso! Nagdadalamhati ang akingpuso. Gulung-gulo ang aking puso. Hindi ako matahimiksapagkat naririnig ko ang tunog ng tambuli, isang hudyatng labanan. 20 Pagkagiba pagkatapos ng pagkagiba anginihayag, sapagkat biglang nawasak ang lahat ng lupain.Bigla nilang winasak ang aking tabernakulo at ang akingtolda. 21 Gaano katagal kong makikita ang pamantayan?Maririnig ko ba ang tunog ng tambuli? 22 Sapagkat angkahangalan ng akingmga tao ay hindi nila ako kilala. Mgahangal silang tao at wala silang pang-unawa. Mahusaysila sa paggawa ng kasamaan ngunit hindi nila alamang gumawa ng kabutihan. 23 Nakita ko ang lupain attingnan mo! Wala itong hugis at walang laman. Sapagkatwalang liwanag sa kalangitan. 24 Tiningnan ko ang mgakabundukan. Masdan, nanginginig sila at nayayanig anglahat ng mga burol. 25 Tumingin ako. Masdan, wala ni

  • Jeremias 4:26 12 Jeremias 5:2isa man at nagsitakas ang lahat ng ibon sa kalangitan.26 Tumingin ako. Masdan, ang mga halamanan ay nagingisang ilang at ang lahat ng mga lungsod ay pinabagsaksa harapan ni Yahweh, sa harap ng kaniyang matindingpoot.” 27 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Ang lahat ng lupainay mawawasak, ngunit hindi ko sila lubos na sisirain.28Sa kadahilanang ito, magdadalamhati ang lupain at angkalangitan sa itaas ay magdidilim. Sapagkat inihayag koang aking mga layunin, hindi ko ito babawiin, hindi kotatalikuran ang pagpapatupad ng mga ito. 29 Ang bawatlungsod ay tatakas mula sa ingay ng mga mangangabayoat mamamana, tatakbo sila sa kagubatan. Bawat lungsoday aakyat sa mga mabatong lugar. Mapapabayaan angmga lungsod, sapagkat walang sinuman angmaninirahandito. 30 Ngayong nawasak ka na, ano ang gagawin mo?Bagaman nakasuot ka ng mapulang damit, nakagayak nggintong alahas at pinalalaki ng pintang pampaganda angiyong mga mata, itinakwil ka na ng mga kalalakihangnagnasa sa iyo. Sa halip, sinusubukan ka nilang patayin.31Kayanarinig ko ang ingayngpagdadalamhati, pagdainggaya ng pagsilang sa panganay na anak, ang ingay nganak na babae ng Zion. Hinihingal siya. Iniunat niya angkaniyang mga kamay. 'Kaawa-awa ako! Nanghihina akodahil sa mga mamamatay-taong ito.'”

    51 “Magmadali ka sa mga lansangan ng Jerusalem,

    maghanap din sa mga pamilihan ng kaniyang lung-sod. Tingnan at pag-isipan ang tungkol dito. Kungmakakatagpo ka ng tao o sinumang kumikilos nangmakatarungan at sinusubukang kumilos nang tapat,patatawarin ko ang Jerusalem. 2 Kahit na sinasabi nila,'Sa pamamagitan ng buhay ni Yahweh,' sumusumpa sila

  • Jeremias 5:3 13 Jeremias 5:10ng hindi totoo.” 3 Yahweh, hindi ba't tumitingin ka sakatapatan? Hinampas mo ang mga tao ngunit hindi silanakaramdam ng sakit. Ganap mo silang nilipol, ngunittumanggi pa rin silang tanggapin ang iyong pagdidisi-plina. Ginawa nilang mas matigas kaysa sa bato angkanilang mga mukha sapagkat tumanggi silang magsisi.4 Kaya sinabi ko, “Totoong mahihirap lamang ang mgataong ito. Mga hangal sila, sapagkat hindi nila alam angmga pamamaraan ni Yahweh ni angmga atas ng kanilangDiyos. 5 Pupuntahan ko ang mga mahahalagang tao atihahayag sa kanila angmgamensahe ng Diyos, dahil kahitpapaano ay alam nila ang mga pamamaraan ni Yahweh,angmga atas ng kanilangDiyos. Ngunit sama-samanilangsinira ang kanilang mga pamatok, sinira nila ang mgatanikalang nag-uugnay sa kanila sa Diyos. 6 Kaya isangleonmula sa kasukalan ang sasalakay sa kanila. Isang lobomula sa Araba angwawasak sa kanila. Isang nagkukublingleopardo ang darating laban sa kanilang mga lungsod.Ang sinumang lalabas sa kaniyang lungsod ay lalapain.Sapagkat tumindi ang kanilang mga pagkakasala. Angkanilang kataksilan ay walang hangganan. 7 Bakit kopatatawarin angmga taong ito? Tinalikuran ako ng iyongmga anak at sumumpa sa mga hindi diyos. Binusog kosila, ngunit nangalunya sila at ginugol ang mga panahonsa bahay aliwan. 8 Mga kabayo silang nag-iinit. Naglili-bot sila sa kagustuhang makipagtalik. Bawat lalaki ayhumahalinghing sa asawa ng kaniyang kapwa. 9 Kayahindi ko ba sila dapat parusahan at hindi ko ba dapatipaghiganti ang aking sarili sa bansang gaya nito? Itoang pahayag ni Yahweh. 10Akyatin ninyo ang bakuran ngkaniyang mga ubasan at wasakin. Ngunit huwag silanglubusang wasakin. Putulin ang kanilang mga puno ngubas, sapagkat ang mga puno ng ubas na iyon ay hindi

  • Jeremias 5:11 14 Jeremias 5:19galing kay Yahweh. 11 Sapagkat labis akong pinagtaksilanng mga sambahayan ng Israel at Juda. Ito ang pahayagni Yahweh. 12 At ikinaila nila ako. Sinabi nila, 'Hindi siyatotoo. Hindi darating sa atin ang kasamaan, ni hindi tayomakakakita ng espada o taggutom. 13 Sapagkat nagingwalang silbi angmga propeta gaya nghangin atwala ni isaang magpapahayag sa atin ng mga mensahe ni Yahweh.Hayaang dumating sa kanilang mga sarili ang kanilangmga pagbabanta.'” 14 Kaya sinabi ito ni Yahweh na Diyosng mga hukbo, “Dahil sinabi ninyo ito, tingnan mo, ilala-gay ko na ang aking salita sa iyong bibig. Magiging tuladito ng apoy at angmga taong ito aymagiging tulad ngmgakahoy! Sapagkat tutupukin sila nito. 15 Tingnan ninyo!Magpapadala ako ng isang bansa mula sa malayo laban sainyo, sambahayan ng Israel. Ito ay magtatagal na bansaat sinaunang bansa! Ito ay isang bansang hindi ninyoalam ang kanilang wika, ni maiintindihan ang kanilangsinasabi. Ito ang pahayag ni Yahweh. 16 Ang lalagyannito ng palaso ay tulad ng isang bukas na libingan. Lahatsila ay mga kawal. 17 Kaya mauubos ang inyong ani,gayon din ang inyong mga anak at ang inyong pagkain.Kakainin nila ang inyong mga kawan at baka, kakaininnila ang mga bunga mula sa mga puno ng inyong ubas atmga puno ng igos. Pababagsakin nila sa pamamagitan ngespada ang inyong mga matitibay na lungsod na inyongpinagkakatiwalaan. 18Ngunit kahit sa mga araw na iyon,hindi ko ninais na lubusan kayong wasakin. Ito angpahayag ni Yahweh. 19Mangyayari ito kapag sinabi ninyo,Israel at Juda, 'Bakit ginawa ni Yahweh na ating Diyosang lahat ng mga bagay na ito sa atin?' At sasabihin moJeremias sa kanila, 'Kung paanong tinalikuran ninyo siYahweh at sumamba sa mga dayuhang diyos sa inyonglupain, maglilingkod din kayo sa mga dayuhan sa isang

  • Jeremias 5:20 15 Jeremias 5:29lupaing hindi ninyo pag-aari.' 20 Ibalita ito sa sambahayanni Jacob at hayaang marinig ito sa Juda. Sabihin mo,21 'Pakinggan ninyo ito mga hangal na tao! Sapagkatang mga diyus-diyosan ay walang kakayahan, may mgamata sila ngunit hindi sila nakakakita. May mga taingasila ngunit hindi sila nakaririnig. 22 Hindi ba ninyo akokinatatakutan o manginig sa aking harapan? Naglagayako ng mga buhangin na hangganan sa dagat, isang pat-uloy na atas na hindi nito nilalabag, kahit na tumataas atbumababa ang dagat, hindi pa rin nito nilalabag. Kahit padumagundong angmga alon nito, hindi nito nilalagpasan.Ito ang pahayag ni Yahweh. 23Ngunit matitigas ang pusongmga taong ito. Naghimagsik sila at lumayo. 24Sapagkathindi nila sinabi sa kanilangmga puso, “Matakot tayo kayYahweh na ating Diyos, ang siyang nagdadala ng ulan,ang maaga at huling ulan sa kanilang takdang panahonat naglalaan ng mga takdang linggo ng pag-aani parasa atin.” 25 Ang inyong mga kasamaan ang pumigilupang mangyari ang mga bagay na ito. Ang inyongmga kasalanan ang pumigil sa mga mabubuting bagay nadumating para sa inyo. 26 Sapagkat ang mga masasamangkalalakihan ay matatagpuan sa aking mga tao. Nagba-bantay sila gaya ng taong nakahandangmanghuli ngmgaibon, naglalagay sila ng bitag at nanghuhuli ng mga tao.27 Katulad ng hawla na punung-puno ng mga ibon, angkanilang mga bahay ay punung-puno ng panlilinlang.Kaya dumami sila at naging mayaman. 28Naging matabasila at naging tanyag nang may kagalingan. Ginawanila ang lahat ng kasamaan. Hindi nila ipinaglabanang kapakanan ng mga tao o ang kapakanan ng mgaulila. Nagtagumpay sila kahit na hindi sila nagbigay ngkatarungan sa mga nangangailangan. 29 Hindi ko ba siladapat parusahan dahil sa mga bagay na ito? At hindi

  • Jeremias 5:30 16 Jeremias 6:8ko ba ipaghihiganti ang aking sarili sa isang bansanggaya nito? Ito ang pahayag ni Yahweh. 30 Naganap angmga kasamaan at katakot-takot ang nangyari sa lupain.31 Nagpahayag ang mga propeta nang may panlilinlangat namuno ang mga pari gamit ang kanilang sarilingkapangyarihan. Inibig ng aking mga tao ang mga pama-maraang ito, ngunit ano ang mangyayari sa huli?

    61 Humanap kayo ng kaligtasan, mga tao mula sa tribo

    ni Benjamin, sa pamamagitan ng paglisan sa Jerusalem.Hipan ang trumpeta sa Tekoa. Magbigay ng hudyat saBeth-Hakerem, sapagkat ang kasamaan ay lumilitawmulasa hilaga, isang matinding pagkawasak ang paparating.2 Ang anak na babae ng Zion, mawawasak ang babaengmaganda at mahinhin. 3 Pupunta sa kanila ang mgapastol at ang kanilang mga kawan. Magtatayo sila ngmga tolda sa palibot niya, magpapastol ang bawat isa sapamamagitan ng kaniyang sariling kamay. 4 Sasabihinng mga hari, “Ilaan ninyo ang inyong mga sarili sa mgadiyus-diyosan para sa labanan. Tumayo kayo, lulusobtayo sa tanghali. Napakasama nito na naglalaho angliwanag ng araw at dumarating ang mga anino ng gabi.5 Ngunit lulusob tayo sa gabi at sirain ang kaniyang mgakuta.” 6 Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh ng mgahukbo: Putulin ang kaniyang mga puno at gumawa ngmga paglusob laban sa Jerusalem. Ito ang lungsod nadapat lusubindahil puno itongpang-aapi. 7Gayangbalonna patuloy na nagbibigay ng tubig, patuloy din na guma-gawa ng kasamaan ang lungsod na ito. Narinig sa kaniyaang karahasan at kaguluhan. Patuloy sa aking harapanang pagdurusa at salot. 8 Jerusalem, tanggapin mo angpagtutuwid, kung hindi tatalikuran kita at wawasakin,

  • Jeremias 6:9 17 Jeremias 6:16isang lupain na walang maninirahan.”' 9 Sinabi ito niYahweh ng mga hukbo, “Tiyak na pupulutin nila ang mganaiwan sa Israel tulad ng isang ubasan. Muli ninyongiabot ang inyong mga kamay upang pitasin ang mgaubas mula sa mga puno nito. 10 Kanino ako magsasabiat magbibigay ng babala upang makinig sila? Tingnanninyo! May takip ang kanilang mga tainga. Hindi nilakayang bigyan ng pansin! Tingnan ninyo! Dumating sakanila ang salita ni Yahweh upang itama sila ngunit hindinila ito nais.” 11 Ngunit napuno ako ng matinding pootni Yahweh. Napagod ako sa pagpipigil nito. Sinabi niyasa akin, “Ibuhos mo ito sa mga bata sa mga lansanganat sa mga pangkat ng mga binata. Sapagkat kukuninang bawat lalaki kasama ang kaniyang asawa at angbawat matanda na nabibigatan ng mga taon. 12 Ibibigaysa iba ang kanilang mga bahay, gayundin ang kanilangmga bukirin at mga asawa. Sapagkat lulusubin ko sapamamagitan ng aking kamay ang mga naninirahan salupain. Ito ang pahayag ni Yahweh. 13 Sapagkat mulasa pinakahamak sa kanila hanggang sa pinakadakila, angbawat isa sa kanila ay makasarili para sa hindi tapat nakapakinabangan. Mula sa propeta hanggang sa pari, angbawat isa sa kanila ay nandaraya. 14 Ngunit pinagalinglamang nila ng bahagya ang sugat ng aking mga tao,nang sabihin nila, 'Kapayapaan! Kapayapaan!' ngunitwalang kapayapaan. 15 Nahiya ba sila nang gumawasila ng mga kasuklam-suklam na gawain? Hindi talagasila nahiya, hindi sila nakaranas ng anumang kapakum-babaan. Kaya babagsak sila kasama ng mga babagsaksa panahon na parurusahan ko sila. Ipapatapon sila,”sabi ni Yahweh. 16 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tumayokayo sa panulukang-daan at tumingin, magtanong parasa mga lumang daan. 'Nasaan ang magandang daan na

  • Jeremias 6:17 18 Jeremias 6:26ito?' At pumunta kayo doon at maghanap ng lugar namapagpapahingahan para sa inyong mga sarili. Ngunitsinabi ng mga tao, 'Hindi kami pupunta.' 17 Nagtalagaako para sa inyo ng mga bantay upang pakinggan angtrumpeta. Ngunit sinabi nila, 'Hindi kami makikinig.'18Kaya, mga bansa, makinig kayo! Tingnan ninyo, kayongmga saksi, kung ano ang mangyayari sa kanila. 19Dingginmo, daigdig! Tingnan mo, maghahatid ako ng sakunasa mga tao na ito, ang bunga ng kanilang mga pag-iisip.Hindi nila binigyan ng pansin ang aking salita o kautusan,sa halip itinakwil nila ito.” 20 “Ano ang kahulugan parasa akin ng pag-angat ng kamanyang mula sa Sheba?O ng mga mabangong samyo na ito mula sa malayonglupain? Hindi katanggap-tanggap sa akin ang inyongmgahandog na susunugin ni ang inyong mga alay. 21 Kayasinabi ito ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, maglalagay ako ngkatitisuran laban sa mga taong ito. Matitisod sila dito,ang mga ama kasama ang mga anak na lalaki. Ang mgananinirahan sa lugar na iyon at ang kanilang kapwa aymamamatay rin. 22 Ito ang sinasabi ni Yahweh, 'Tingnanninyo, dumarating ang mga tao mula sa lupain sa hilaga.Sapagkat nahikayat na pumunta ang isang dakilang bansamula sa malayong lupain. 23 Kukuha sila ng mga panaat mga sibat. Malulupit sila at walang awa. Gaya ngdagundong ng dagat ang kanilang tunog at nakasakay silasa mga kabayo na nakahanay bilang mga mandirigma,anak na babae ng Zion.'” 24 Narinig natin ang balitatungkol sa kanila. Nabali ang ating mga kamay dahil sakaguluhan. Napupuno tayo ng pagdadalamhati gaya ngisang babaeng magsisilang ng sanggol. 25Huwag kayongpupunta sa mga bukirin at huwag kayong maglakad samga lansangan sapagkat ang espada ng kaaway at angmatinding takot ay nasa paligid. 26 Anak na babae ng

  • Jeremias 6:27 19 Jeremias 7:5akingmga tao, magsuot kayo ng damit-panluksa at gumu-long sa alikabok ng isang paglilibing para sa kaisa-isanganak. Magsagawa kayo ng mapait na paglilibing parasa inyong mga sarili sapagkat biglang darating sa atinang taga-wasak. 27 “Ginawa kita, Jeremias, na susuboksa aking bayan tulad ng isang tao na sumusubok sametal, kaya sisiyasatin mo at susubukin ang kanilangmga kaparaanan. 28 Silang lahat ang pinakamatitigas angulo na patuloy na sinisiraan ang iba. Silang lahat aymga tanso at bakal na nandaraya. 29 Ang pang-ihip aypinainit sa pamamagitanng apoyna sumusunog sa kanila.Natunaw sa apoy ang tingga. Patuloy ang pagdalisay sakanila, ngunit wala itong saysay dahil hindi natanggalang kasamaan. 30Tatawagin silang mga itinakwil na pilaksapagkat itinakwil sila ni Yahweh.”

    71 Ito ang salita na dumating kay Jeremias mula kay

    Yahweh, 2 “Tumayo ka sa tarangkahan ng tahanan niYahweh at ipahayag mo ang mga salitang ito! Sabihinmo, 'Pakinggan ninyo ang salita ni Yahweh, lahat kayongmga taga-Juda, kayongmga pumasok samga tarangkahanna ito upang sambahin si Yahweh. 3 Ito ang sinasabini Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel: Gawinninyo nang may kabutihan ang inyong mga kaparaananat kaugalian at hahayaan ko kayong mamuhay sa lugarna ito. 4 Huwag ninyong ipagkatiwala ang inyong mgasarili sa mga mapanlinlang na salita at sabihin, “Temploni Yahweh! Templo ni Yahweh! Templo ni Yahweh!”5 Sapagkat kung ganap ninyong gagawing mabuti anginyong mga kaparaanan at mga kaugalian, kung ganapninyong ipinapakita ang katarungan sa pagitan ng isang

  • Jeremias 7:6 20 Jeremias 7:15tao at ng kaniyang kapwa. 6Kung hindi ninyo sinasaman-tala o inaabuso ang isang tao na naninirahan sa lupain,ang ulila o ang balo at hindi dumanak ang inosentengdugo sa lugar na ito at hindi kayo sumunod sa ibang mgadiyos para sa inyong sariling kapahamakan. 7 Hahayaanko kayongmanatili sa lugar na ito, sa lupain na ibinigay kosa inyongmganinunomagmula pa noong unang panahonat magpakailanman. 8 Masdan ninyo! Nagtitiwala kayosa mga mapanlinlang na salita na hindi nakakatulong sainyo. 9 Nagnakaw ba kayo, pumatay at nangalunya? Atnangako ba kayo nang may panlilinlang at nag-alay nginsenso kay Baal at sumunod sa iba pang mga diyos nahindi ninyo kilala? 10 Kung gayon, pumunta ba kayoat tumayo sa aking harapan sa tahanang ito kung saaninihayag ang aking pangalan at sinabi, “Naligtas kami,”kayamagagawa ninyo ang lahat ngmga kasuklam-suklamna bagay na ito? 11 Ang tahanan bang ito na nagtataglayng aking pangalan ay isang kuta ng mga magnanakawsa inyong paningin? Ngunit masdan ninyo, nakita koito. Ito ang pahayag ni Yahweh.' 12 'Kaya pumuntakayo sa aking lugar na nasa Shilo, kung saan hinayaanko ang aking pangalan na manatili doon sa simula paat tingnan ninyo kung ano ang ginawa ko doon dahil sakasamaanng akingmga taong Israel. 13Kaya ngayon dahilsa paggawa ninyo ng lahat ng mga kaugaliang ito, itoang pahayag ni Yahweh, 'Paulit-ulit ko kayong sinabihanngunit hindi kayo nakinig. Tinawag ko kayo ngunithindi kayo sumagot. 14 Kaya, kung ano ang ginawa kosa Shilo, gagawin ko rin sa tahanang ito na tinawag saaking pangalan, ang tahanan kung saan kayo nagtiwala,ang lugar na ito na ibinigay ko sa inyo at sa inyong mganinuno. 15 Sapagkat palalayasin ko kayo sa aking harapangaya ng pagpapalayas ko sa lahat ng inyong mga kapatid,

  • Jeremias 7:16 21 Jeremias 7:25ang lahat ng mga kaapu-apuhan ni Efraim.' 16 At ikaw,Jeremias, huwag kang manalangin para sa mga taong itoat huwag kang tumangis ng panaghoy o manalangin parasa kanila at huwag kang makiusap sa akin sapagkat hindikita pakikinggan. 17 Hindi mo ba nakikita kung ano angginagawa nila sa lungsod ng Juda at sa mga lansanganng Jerusalem? 18 Nagtitipon ng kahoy ang mga bataat sinisindihan ito ng kanilang mga ama! Nagmamasang harina ang mga kababaihan upang gumawa ng mgatinapay para sa reyna ng kalangitan at nagbubuhos ngmga inuming handog para sa ibang mga diyos upanggalitin ako. 19 Ito ang pahayag ni Yahweh. Sinasaktanba talaga nila ako? Hindi ba ang sarili nila ang kanilangsinasaktan, kaya nasa kanila ang kahihiyan? 20 Kaya itoang sinasabi ng Panginoong Yahweh, 'Tingnan ninyo,bubuhos ang aking poot at galit sa lugar na ito, sa tao atsa hayop, sa puno sa mga bukirin at sa bungang kahoysa lupa. Aapoy ito at hindi mapapatay kailanman.' 21 Itoang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo na Diyos ng Israel,'Idagdag ninyo ang mga handog na susunugin sa inyongmga alay at ang mga karne mula sa mga ito. 22 Sapagkatnang pinalaya ko mula sa lupain ng Egipto ang inyongmga ninuno, wala akong hiningi na anuman mula sakanila. Wala akong ibinigay na utos tungkol sa handogna susunugin at sa mga alay. 23 Ibinigay ko lamang sakanila ang utos na ito, “Makinig kayo sa aking tinig atako ang magiging Diyos ninyo at kayo ay magiging akingmga tao. Kaya lumakad kayo sa lahat ng kaparaanan nainiuutos ko sa inyo upang maging maayos ito sa inyo.”24Ngunit hindi sila nakinig o nagbigay pansin. Namuhaysila sa pamamagitan ng mga mapagmataas na balak ngkanilang mga masasamang puso, kaya sila ay paurong athindi pasulong. 25 Simula pa noong araw na lumabas sa

  • Jeremias 7:26 22 Jeremias 7:34lupain ng Egipto ang inyong mga ninuno hanggang saaraw na ito, ipinadala ko sa inyo ang lahat ng aking mgalingkod at mga propeta. Nagtiyaga akong ipadala sila.26 Ngunit hindi sila nakinig sa akin. Hindi nila binigyanng pansin. Sa halip, pinatigas nila ang kanilang mgaleeg. Mas masama sila kaysa sa kanilang mga ninuno.'27 Kaya ipahayag mo sa kanila ang lahat ng mga salitangito, ngunit hindi ka nila pakikinggan. Ipahayag mosa kanila ang mga bagay na ito, ngunit hindi ka nilasasagutin. 28 Sabihin mo sa kanila, 'Ito ay isang bansa nahindi nakikinig sa tinig ni Yahweh na kaniyang Diyos athindi tumatanggap ng pagtutuwid. Nasira at naalis angkatotohananmula sa kanilangmga bibig. 29Gupitin ninyoang inyong buhok at mag-ahit kayo at itapon ninyo anginyong buhok. Umawit kayo ng mga awiting panlibing samga bukas na lugar. Sapagkat itinakwil at tinalikuran niYahweh ang salinlahing ito dahil sa kaniyang matindinggalit. 30Sapagkat gumawa ng kasamaan sa aking paninginang mga anak ni Juda, inilagay nila ang mga bagay nakasuklam-suklam sa tahanan kung saan inihayag angaking pangalan, upang dungisan ito. Ito ang pahayag niYahweh. 31Pagkatapos, itinayonila ang dambanangTofetna nasa lambak ng Ben Hinom. Ginawa nila ito upangsunugin sa apoy ang kanilangmga anak, bagay nahindi koipinag-utos. Hindi ito kailanman sumagi sa aking isipan.32 Kaya tingnan ninyo, paparating na ang panahon nahindi na ito tatawagin na Tofet o nayon ng Ben Hinom.Magiging lambak ito ng Pagpatay, ililibing nila sa Tofetang mga bangkay hanggang wala nang maiiwang siliddoon. Ito ang pahayag ni Yahweh. 33 Magiging pagkainng mga ibon sa himpapawid at ng mga hayop sa lupaang mga bangkay ng mga tao na ito at walang sinumangmakakapagpaalis sa mga ito. 34 Wawakasan ko ang mga

  • Jeremias 8:1 23 Jeremias 8:7lungsod ng Juda at ang mga lansangan ng Jerusalem, angmgahimigngpagpaparangal at pagsasaya, angmgahimigngmga lalaki at babaing ikakasal, yamangmagiging isangmalagim ang lupain.”

    81 Ito ang pahayag ni Yahweh, “Sa panahong iyon,

    ilalabas nila mula sa mga libingan ang mga buto ng mgahari ng Juda at ng mga opisyal nito, ang mga buto ngmga pari at ng mga propeta at ang mga buto ng mgananinirahan sa Jerusalem. 2 Pagkatapos, ikakalat nilaang mga ito sa liwanag ng araw, ng buwan at ng mgabituin sa kalangitan, ang mga bagay na ito sa langit nakanilang sinunod at pinaglingkuran, na kanilang nilap-itan at hinanap at kanilang sinamba. Hindi na mulingtitipunin o ililibing ang mga buto. Magiging gaya silang dumi sa ibabaw ng lupa. 3 Sa bawat natitirang lugarkung saan ko sila ipinatapon, pipiliin nila ang kamatayansa halip na buhay para sa kanilang mga sarili, ang lahatng mga natitira pa mula sa masamang bansa na ito. Itoang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo. 4 Kaya sabihinmo sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh, May tao bangnadapa at hindi bumangon? May tao bang naligaw athindi sinubukang bumalik? 5Bakit angmga taong ito, angJerusalem, ay tumalikod ngwalang hanggang pagtalikod?Nagpatuloy sila sa pagtataksil at tumangging magsisi.6 Binigyan ko sila ng pansin at pinakinggan ngunit hinditama ang kanilang sinabi. Walang sinuman ang nagsisi sakaniyang kasamaan, walang sinuman ang nagsabi, “Anoang nagawa ko?” Pumupunta silang lahat kung saan nilanais, gaya ng kabayong pandigma na tumatakbo patungosa labanan. 7 Kahit ang ibon sa langit, mga kalapati, mgalayang-layang at ang mga tagak ay nalalaman ang mga

  • Jeremias 8:8 24 Jeremias 8:15tamang panahon. Pumupunta ang mga ito sa kanilangmga paglilipatan sa tamang panahon ngunit hindi alamng akingmga tao angmga atas ni Yahweh. 8Bakit sinasabininyo, “Marurunong kami! At nasa amin ang kautusanni Yahweh?” Sa katunayan tingnan ninyo! Lumikha ngpanlilinlang ang mapanlinlang na panulat ng mga es-kriba. 9Mapapahiya angmgamarurunong na tao. Nabigosila at nabitag. Tingnan ninyo! Itinakwil nila ang salitani Yahweh, kaya anong silbi ng kanilang karunungan?10 Ibibigay ko sa iba ang kanilang mga asawang babaeat ang kanilang mga bukirin ay sa mga magmamay-aring mga iyon, sapagkat magmula sa pinakabata hanggangsa pinakadakila, napakasakim nilang lahat! Magmula sapropeta hanggang sa pari, lahat sila ay nagsasagawa ngpanlilinlang. 11 Sapagkat ginagamot nila ang bali ng anakna babaeng akingmga taonapara bangwala itonghalaga.Sinabi nila, “Kapayapaan, Kapayapaan” ngunit walangkapayapaan. 12 Nahihiya ba sila kapag gumagawa sila ngmga kasuklam-suklam na gawain? Hindi sila nahihiya.Wala silang kapakumbabaan. Kaya babagsak sila sa pana-hon ng kanilang kaparusahan kasama ng mga bumagsakna. Ibabagsak sila, sabi ni Yahweh. 13 Ganap ko silangaalisin, ito ang pahayag ni Yahweh, hindi magkakaroonng mga ubas sa puno ng ubas, ni magkakaroon ng mgaigos sa mga puno ng igos. Sapagkat malalanta ang mgadahon at mawawala ang ibinigay ko sa kanila. 14 Bakittayo nakaupo dito? Magsama-sama tayo, pumunta tayosa mga matitibay na lungsod at magiging tahimik angating kamatayan doon. Sapagkat patatahimikin tayo niYahweh na ating Diyos. Paiinumin niya tayo ng lasonyamang nagkasala tayo laban sa kaniya. 15 Umaasa tayopara sa kapayapaan ngunit walang magiging mabuti.Umaasa tayo sa oras ng kagalingan, ngunit tingnan ninyo,

  • Jeremias 8:16 25 Jeremias 9:2magkakaroon ng kaguluhan. 16 Narinig mula sa Dan angpagsinghal ng kaniyang mga kabayong lalaki. Nayayanigang buong daigdig sa tunog ng halinghing ng kaniyangmga malalakas na kabayo. Sapagkat darating sila atkukunin ang lupain at ang kayamanan nito, ang lungsodat ang mga naninirahan dito. 17 Sapagkat tingnan ninyo,magpapadala ako sa inyo ng mga ahas, mga ulupong nahindi ninyo kayang paamuhin. Tutuklawin kayo ng mgaito, ito ang pahayag ni Yahweh.” 18 Walang katapusanang aking kalungkutan at nasasaktan ang aking puso.19Pakinggan ninyo! Ang hiyaw ng anak na babae ng akingmga tao mula sa malayong lupain! Hindi ba nasa Zionsi Yahweh? O hindi ba nasa kaniya ang kaniyang hari?Bakit kaya nila sinasaktan ang aking damdamin sa pama-magitan ng kanilangmga inukit na imahen atmgawalangkabuluhang diyus-diyosan ng mga dayuhan? 20 Lumipasna ang anihan, tapos na ang tag-init. Ngunit hindi tayonaligtas. 21 Nasaktan ako dahil sa sakit na naramdamanng anak na babae ng aking mga tao. Nagluksa ako dahilsa mga katakot-takot na bagay na nangyari sa kaniya,pinanghinaan ako ng loob. 22Wala bang lunas sa Galaad?Wala bang manggagamot doon? Bakit hindi gumagalingang anak ng aking mga tao?

    91 Kung maaari lamang magpalabas ng tubig ang ak-

    ing ulo at maging bukal ng luha ang aking mga mata!Sapagkat nais kong umiyak sa umaga at gabi para samga anak ng aking mga tao na pinatay. 2 Kung maymakapagbibigay lamang sa akin ng isang lugar sa ilangna para sa mga manlalakbay upang panirahan, na akingmapupuntahan upang talikuran ang aking bayan. Kungmaaari ko lamang silang iwanan, yamang mga nakikiapid

  • Jeremias 9:3 26 Jeremias 9:11silang lahat, isang pangkat ng mga taksil! 3 Ipinahayagni Yahweh, “Nagsasabi ang kanilang mga dila ng mgakasinungalingan, na kanilang mapanlinlang na sandata,ngunit hindi sila dakila sa katapatan sa lupa. Patu-loy silang gumagawa ng masama sa iba. Hindi nilaako kilala.” 4 Bantayan ng bawat isa sa inyo ang in-yong kapwa at huwag magtiwala sa sinumang kapatid.Sapagkat mandaraya ang bawat kapatid at namumuhaysa paninirang-puri ang bawat kapwa. 5 Kinukutya ngbawat isa ang kaniyang kapwa at hindi nagsasabi ngkatotohanan. Nagtuturo ng mga mapanlinlang na bagayang kanilang mga dila. Pagod na pagod sila sa paggawang malaking kasalanan. 6 Namuhay kayo sa gitna ngpandaraya. Sa kanilang panlilinlang, tinanggihan nilaakong kilalanin. Ito ang pahayag ni Yahweh.” 7 Kaya itoang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Tingnan ninyo,susubukin at susuriin ko sila. Ano pa ang aking gagawinpara sa anak ng babae ng aking mga tao? 8 Matatalasna palaso ang kanilang mga dila at nagsasalita sila ngmga bagay na kasinungalingan. Sa pamamagitan ngkanilang mga bibig, naghahayag sila ng kapayapaan sakanilang kapwa, ngunit sa kanilangmga puso inaabangannila sila. 9 Hindi ko ba sila dapat parusahan dahil samga bagay na ito at hindi ko ba ipaghihiganti ang akingsarili sa bansang tulad nito? Ito ang pahayag ni Yahweh.10Aawit ako ngmga awiting panluksa at panaghoy para samga kabundukan, at isang awit na panlibing ang aawitinpara sa kaparangan. Sapagkat nasunog ang mga itokaya walang sinuman ang makadadaan dito. Hindi silamakaririnig ng anumang huni ng baka. Nagsilayo lahatang mga hayop at ang mga ibon sa kalangitan. 11 Kayagagawin kong bunton ng pagkasira ang Jerusalem, isangtaguan ngmga asong-gubat. Gagawin kongmga wasak na

  • Jeremias 9:12 27 Jeremias 9:21lugar ang mga lungsod ng Juda na walang maninirahan.12Sino angmatalinong tao namakauunawa nito? Ano angipinahayag ni Yahweh sa kaniya upang maaari niya itongiulat? Bakit nawasak ang kalupaan? Nawasak ito tuladng ilang, kung saan walang sinuman ang makadadaandito. 13 Sinasabi ni Yahweh, “Dahil ito sa pagtalikodnila sa kautusan na aking ibinigay sa kanila at dahilhindi nila pinakinggan ang aking tinig o ipinamuhayito. 14 Ito ay dahil namuhay sila sa pamamagitan ngkanilang mga matitigas na puso at sa pagsunod sa mgaBaal tulad ng itinuro sa kanila ng kanilang mga amana gagawin nila. 15 Kaya, ito ang sinasabi ni Yahwehng mga hukbo, ang Diyos ng Israel. 'Tingnan ninyo,pakakainin ko angmga taong ito ngmapapait na halamanat paiinumin ng nakalalasong tubig. 16 At ikakalat ko silasa mga bansa na hindi nila nakikilala maging ng kanilangmga ninuno. Magpapadala ako ng espadang tutugis sakanila hanggang sa ganap ko silang mawasak.”' 17 Itoang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Unawain ninyoito: Tawagin ninyo ang mga mang-aawit sa paglilibing athayaan silang lumapit, magpadala kayo ng mga babaengmahuhusay sa pagdadalamhati at hayaan silang lumapit.18 Madaliin sila at paawitin ng awiting panluksa sa atin,upang dumaloy ang luha sa ating mga mata at daluyanng tubig ang talukap ng ating mga mata. 19 Sapagkatnarinig sa Zion ang hiyaw ng panaghoy. 'Ganap kam-ing nawasak. Labis kaming nahiya, sapagkat nilisannamin ang lupain matapos nilang gibain ang aming mgatahanan.' 20 Kaya kayong mga kababaihan, pakingganang salita ni Yahweh, bigyang pansin ang mga mensahena nagmula sa kaniyang bibig. At turuan ninyo anginyong mga anak na babae ng awiting panluksa at sakapwa babae ng awiting panlibing. 21 Sapagkat dumating

  • Jeremias 9:22 28 Jeremias 10:3na ang kamatayan sa ating mga bintana, pupunta ito saating mga palasyo, pupuksain nito ang mga bata na nasalabas at mga kabataang nasa mga pamilihan ng lungsod.22 'Ito ang pahayag ni Yahweh. 'Ipahayag ninyo ito,Malalaglag ang mga bangkay ng mga tao tulad ng dumisa kabukiran at tulad ng mga tangkay ng butil sa likodng manggagapas at walang sinuman ang magtitipon sakanila.'” 23 Ito ang sinasabi ni Yahweh, “Huwag ninyonghayaang magyabang ang mga matatalino sa kanilangkarunungan o ang mandirigma sa kaniyang kalakasan.Huwag ninyong hayaang magyabang ang mayamang taosa kaniyang kayamanan. 24 Sapagkat kung magyayabangang isang tao sa anumang bagay, ito dapat ang mayroonsa kaniya, na mayroon siyang pang-unawa at pagkilala saakin. Sapagkat ako si Yahweh, na gumagawa ng matapatna kasunduan, katarungan at katuwiran sa sanlibutan.Sapagkat ito ang mga bagay na aking kinagagalak. Itoang pahayag ni Yahweh.” 25 Tingnan ninyo, darating angmga araw na parurusahan ko ang lahat ng tuli lamangsa kanilang mga katawan. Ito ang pahayag ni Yahweh.26 Parurusahan ko ang Egipto, Juda, Edom, mga tao saAmmon, Moab at lahat ng tao na nagpaputol ng kanilangmga buhok sa ulo, na naninirahan sa disyerto. Sapagkathindi tuli ang lahat ng bansang ito at matigas ang puso nglahat ng nasa sambahayan ng Israel.”

    101 Pakinggan ninyo ang mga salitang ihahayag sa inyo

    ni Yahweh, sambahayan ng Israel. 2 Ganito ang sinasabini Yahweh, 'Huwag ninyong pag-aralan ang mga ka-paraanan ng ibangmga bansa at huwag kayongmabahalasa mga palatandaan sa mga kalangitan, sapagkat nababa-hala ang mga bansa ng dahil dito. 3 Sapagkat walang

  • Jeremias 10:4 29 Jeremias 10:13kabuluhan ang mga kaugalian ng mga tao. Sapagkat maypumuputol ng punong kahoy sa kagubatan. Ang mgakamay ngmanlililok ang gumagawa nito sa pamamagitanng palakol. 4Pagkatapos, pinapalamutian nila ito ng pilakat ginto. Pinatitibay nila ito gamit ang martilyo at mgapako upang hindi ito bumagsak. 5 Tulad ng panakot ngibon sa taniman ng pipino ang mga diyus-diyosang itosapagkat hindi sila makapagsalita ng anuman. Kailangansilang buhatin, sapagkat hindi man lang sila makahak-bang. Huwag ninyo silang katakutan, sapagkat hindi nilakayang gumawa ng masama ni makagagawa ng anumangmabuti.'” 6 Wala kang katulad, Yahweh. Dakila ka atdakila ang kapangyarihan ng iyong pangalan. 7 Sino anghindi matatakot sa iyo, hari ng mga bansa? Sapagkat itoang karapat-dapat sa iyo, sapagkat wala kang katulad salahat ng matatalinong tao sa mga bansa o sa lahat ngkanilangmgamaharlikang kaharian. 8Pare-pareho silanglahat, malulupit sila at hangal, mga alagad ng diyus-diyosan na mga kahoy lamang. 9 Nagdadala sila ng pilakna pinanday mula sa Tarsis at ginto mula sa Upaz nagawa ng mga manggagawa at ng kamay ng mga panday.Asul at lila ang kanilang mga damit. Ang kanilang mgadalubhasang tauhan ang gumawa ng lahat ng bagay naito. 10 Ngunit si Yahweh ang tunay na Diyos. Siya angbuhay na Diyos at hari magpakailanman. Nayayanig angmundo at hindi kayang tiisin ng mga bansa ang kaniyanggalit. 11 Ganito ang sasabihin mo sa kanila, “Malilipol salupa at sa ilalim ng kalangitan ang mga diyos na hindi lu-mikha ng kalangitan at ng lupa. 12Ang lumikha ng daigdigsa kaniyang kapangyarihan ang nagtatag ng kalupaan sapamamagitan ng kaniyang karunungan at nagpalaganapng kalangitan sa pamamagitan ng kaniyang pang-unawa.13 Ang kaniyang tinig ang lumilikha ng dagundong ng

  • Jeremias 10:14 30 Jeremias 10:24katubigan sa kalangitan at siya ang nagpapaangat nghamog mula sa bawat sulok ng daigdig. Lumilikha siyang kidlat para sa ulan at nagpapalabas ng hangin mula sakaniyang kamalig. 14 Naging mangmang ang mga tao nawalang kaalaman. Nailagay sa kahihiyan ang bawat pan-day dahil sa kaniyang diyus-diyosan sapagkat manlilin-lang ang mga ginawa niyang imahen at walang buhayang mga ito. 15 Walang silbi ang mga ito, ang gawa ngmga mangungutya. Malilipol sila sa panahon ng kanilangkaparusahan. 16 Ngunit hindi nito katulad ang Diyos nakabahagi ni Jacob sapagkat siya ang humubog sa lahat ngbagay. Ang Israel ang tribo ng kaniyangmana, Yahweh ngmga hukbo ang kaniyang pangalan. 17Tipunin ang inyongbigkis at umalis sa lupain, kayongmga taong namumuhaysa ilalim ng pananakop. 18 Sapagkat ganito ang sinasabini Yahweh, “Tingnan ninyo, ipapatapon ko sa panahongito ang mga naninirahan sa lupain. Pahihirapan ko sila atmalalaman nila ito.” 19 Aba sa akin! Dahil sa mga nabalikong buto, malubha ang aking sugat. Kaya sinabi ko,“Tiyak namatinding paghihirap ito, ngunit dapat ko itongtiisin.” 20 Ganap na nawasak ang aking tolda at nahati sadalawa ang lahat ng tali nito. Kinuha sa akin ang akingmga anak, kaya wala na sila. Wala ng maglalatag ng akingtolda o magtataas ng aking mga kurtina. 21 Sapagkat nag-ing hangal ang mga pastol. Hindi nila hinanap si Yahwehkaya hindi sila nagtagumpay at nagsikalat ang lahat ngkanilang kawan. 22 Dumating na ang ulat ng mga balita,“Tingnan ninyo! Parating na ito! Isang malakas na lindolang paparating mula sa hilagang lupain upang sirain angmga lungsod ng Juda at maging taguan ng mga asong-gubat.” 23Alam ko Yahweh na ang landas ng tao ay hindinagmula sa kaniyang sarili. Walang tao ang nangungunasa sarili niyangmgahakbang. 24 Ituwidmo akoYahwehng

  • Jeremias 10:25 31 Jeremias 11:7may katarungan ngunit hindi sa pamamagitan ng iyonggalit at baka mapuksa mo ako. 25 Ibuhos mo ang iyongmatinding galit sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyoat sa mga pamilya na hindi tumatawag sa pangalan mo.Sapagkat nilamon nila si Jacob at inubos siya upang ganapna wasakin at buwagin ang kaniyang tirahan.

    111 Ito ang salita na dumating kay Jeremias mula kay

    Yahweh, at sinabi niya, 2 “Makinig ka sa mga salita ngkasunduang ito, at ipahayag ang mga ito sa bawat taosa Juda at sa mga naninirahan sa Jerusalem. 3 Sabihinmo sa kanila, “Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Diyos ngIsrael: Sumpain ang sinumang hindi makikinig sa mgasalita ng kasunduang ito. 4 Ito ang kasunduan na iniutosko sa inyong mga ninuno na dapat alalahanin simula ngaraw na inilabas ko sila sa lupain ng Egipto, mula sapugon ng tunawan ng bakal. Sinabi ko, “Makinig kayo saaking tinig at gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na itogaya ng iniutos ko sa inyo, sapagkat kayo ang magigingtao ko at ako ang inyong magiging Diyos.” 5 Sundinninyo ako upang mapatunayan ko ang sumpaan na akingipinangako sa inyong mga ninuno, ang panunumpa naibibigay ko sa kanila ang lupain na umaapaw sa gatas atpulot-pukyutan kung saan kayo naninirahan ngayon.”'At, akong si Jeremias ay sumagot at nagsabi, “Oo, Yah-weh!” 6 Sinabi sa akin ni Yahweh, “Ipahayag ang lahatng mga bagay na ito sa mga lungsod ng Juda at sa mgalansangan ng Jerusalem. Sabihin mo, 'Makinig kayo samga salita ng kasunduang ito at gawin ninyo ang mgaito. 7 Sapagkat nagbigay ako ng taimtim na mga utossa inyong mga ninuno mula ng araw na inilabas ko silasa Egipto hanggang sa kasalukuyang panahon, patuloy

  • Jeremias 11:8 32 Jeremias 11:15na nagbabala sa kanila at nagsasabi, “Makinig kayo saaking tinig.”' 8 Ngunit hindi sila nakinig o nagbigayng pansin. Lumalakad ang bawat tao sa katigasan ngkaniyang masamang puso. Kaya dinala ko ang lahat ngsumpa sa kasunduang ito na inutusan kong dumatinglaban sa kanila. Ngunit hindi pa rin sumunod ang mgatao.” 9 Sumunod na sinabi sa akin ni Yahweh, “Natuk-lasan ang pagsasabwatan ng mga kalalakihan ng Juda atng mga naninirahan sa Jerusalem. 10 Bumaling sila samga kasamaan ng kanilang sinaunang mga ninuno natumanggingmakinig sa aking salita, sa halip namuhay silasa pagsamba sa ibang mga diyos. Sinira ng sambahayanng Israel at sambahayan ng Juda ang aking kasunduanna itinatag ko sa kanilang mga ninuno. 11 Kaya ito angsinasabi ni Yahweh, 'Tingnan ninyo, magpapadala akong kapahamakan sa kanila, isang kapahamakan na hindinila maaaring takasan. Pagkatapos, tatawag sila sa akin,ngunit hindi ako makikinig sa kanila. 12 Pupunta attatawag angmga lungsod ng Juda at angmga naninirahansa Jerusalem sa mga diyos na pinagbigyan nila ng mgaalay, ngunit tiyak na hindi sila maililigtas ng mga ito saoras ng kanilang kapahamakan. 13 Sapagkat dumami angbilang ng iyongmga diyos na pumantay sa bilang ng iyongmga lungsod, Juda. At gumawa kayo ng kahiya-hiyangbilang ng mga altar sa Jerusalem, mga altar ng insensopara kay Baal na pumantay sa bilang ng kaniyang mgalansangan. 14 Kaya ikaw mismo Jeremias, hindi mo dapatipanalangin angmga taong ito. Hindi ka dapat tumangis omanalangin para sa kanila. Sapagkat hindi ako makikinigkapag tumawag sila sa akin sa kanilang kapahamakan.15Bakit nasa aking tahanan ang minamahal kong mga taona may napakaraming masamang hangarin? Sapagkathindi makakatulong sa inyo ang mga nakalaang karne

  • Jeremias 11:16 33 Jeremias 11:23para sa inyongmga alay dahil gumawa kayo ng kasamaanat nagalak kayo dito. 16 Sa nakaraan, tinawag kayo niYahweh na mayabong na puno ng olibo, maganda na maykaibig-ibig na bunga. Ngunit magsisindi siya ng apoydito na katulad ng tunog ng dagundong ng bagyo, kayamababali ang mga sanga nito. 17 Sapagkat si Yahwehng mga hukbo ang nagtanim sa inyo, ang nag-atas ngkapahamakan laban sa inyodahil samga gawaingmasamana ginawa ng sambahayan ng Israel at ng sambahayan ngJuda. Ginalit nila ako sa pamamagitan ng pagbibigay ngmga alay kay Baal.”' 18 Ipinaalam ni Yahweh sa akin angmga bagay na ito, kaya alamko angmga ito. IkawYahweh,ang nagpakita sa akin ng kanilang mga gawain. 19 Tuladako ng isang maamong tupa na dinala sa mangangatay.Hindi ko alam na may binalak sila laban sa akin, “Sirainnatin angpunomaging angmgabunganito! Putulin natinsiya sa lupain ng mga buhay upang hindi na maalala paang kaniyang pangalan.” 20Ngunit matuwid na hukom siYahweh ng mga hukbo na siyang sumisiyasat ng puso atisipan. Magiging saksi ako sa iyong paghihiganti laban sakanila, sapagkat iniharap ko ang aking kalagayan sa iyo.21 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa mga taga-Anatot na umuusig sa iyong buhay, “Sinabi nila, 'Hindi kadapat mag-propesiya sa ngalan ni Yahweh, o mamamatayka sa pamamagitan ng aming mga kamay.' 22 Kaya itoang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, 'Tingnan mo,parurusahan ko sila. Mamamatay sa pamamagitan ngespada ang malalakas nilang mga kabataan. Mamamataysa gutom ang mga anak nilang lalaki at babae. 23Walangmatitira sa kanila dahil magdadala ako ng kapahamakansa mga taga-Anatot, ang panahon ng kanilang kaparusa-han.”'

  • Jeremias 12:1 34 Jeremias 12:912

    1 Sa tuwing nakikipagtalo ako sa iyo, Yahweh, ikaway matuwid. Tunay nga na dapat kong sabihin sa iyoang aking dahilan upangmagreklamo. Bakit nagtatagum-pay ang pamamaraan ng mga masasama? Nagtatagum-pay ang lahat ng mga taong walang pananampalataya.2 Itinanimmo sila at nagkaroon ng mga ugat. Nagpatuloysila upang makapamunga. Malapit ka sa kanilang mgalabi, ngunit malayo sa kanilang mga puso. 3Ngunit ikawmismoYahweh, kilalamo ako. Nakikitamo ako at sinusuriang aking puso. Dalhin mo sila sa katayan tulad ngisang tupa. Ibukod mo sila para sa araw ng pagkatay.4 Gaano katagal magpapatuloy ang lupain sa pagluluksaat nalalanta na ang mga halaman sa bawat bukirin dahilsa kasamaan ng mga naninirahan dito? Nawala lahatang mga maiilap na hayop at mga ibon. Sa katunayan,sinasabi ng mga tao, “Hindi alam ng Diyos kung ano angmangyayari sa atin.” 5 Sinabi ni Yahweh, “Sapagkat kungikaw, Jeremias ay nakipagtakbuhan sa mga nakapaangkawal at pinagod ka nila, paano ka makikipag-unahan samga kabayo? Kung nadapa ka sa kapatagan sa ligtas nakabukiran, paano mo gagawin sa mga kasukalan sa daanng Jordan? 6 Sapagkat nagtaksil din sa iyo at labis kangtinuligsa ng iyong mga kapatid na lalaki at pamilya ng iy-ong ama. Huwag kangmagtiwala sa kanila, kahit magsabipa sila ng mga mabubuting bagay sa iyo. 7 Pinabayaanko ang aking tahanan at tinalikuran ang aking mana.Ibinigay ko ang aking mga minamahal na tao sa mgakamay ng kaniyang mga kaaway. 8 Naging katulad na ngisang leon sa isang kasukalan ang aking mana, ibinukodniya ang kaniyang sarili laban sa akin sa pamamagitanng sarili niyang tinig, kaya kinamumuhian ko siya. 9 Angaking mga mahahalagang pag-aari ay isang mabangis na

  • Jeremias 12:10 35 Jeremias 12:17aso at pinalilibutan ng mga ibong mandaragit ang itaasng kaniyang ulo. Pumunta kayo at tipunin ang lahat ngmga nabubuhay na nilalang sa mga bukirin at dalhin angmga ito upang kainin sila. 10 Sinira ng maraming pastolang aking ubasan. Tinapakan nila ang buong bahagi ngaking lupain, ginawa nilang isang ilang at malagim angaking kaakit-akit na bahagi. 11 Ginawa nila siyang isanglagim. Nagluluksa ako para sa kaniya dahil pinabayaansiya. Pinabayaan ang buong lupain dahil wala ni isa angtumanggap nito sa kanilang puso. 12 Dumating ang mgamaninira laban sa lahat ng mga tigang na lugar sa ilang,sapagkat ang espada ni Yahweh ang umuubos sa dulo nglupain hanggang sa iba pa. Walang kaligtasan sa lupainpara sa anumang nabubuhay na nilalang. 13 Naghasiksila ng trigo ngunit umani ng tinik ng mga palumpong.Nagpakapagod sila sa pagtatrabaho ngunit walang napak-inabangan. “Kaya, mahiya kayo sa inyong gawa dahil sapoot ni Yahweh.” 14 Ito ang sinasabi ni Yahweh labansa lahat ng aking mga kapwa, ang mga taong masasamana sumira sa aking mga pag-aari na ipinamana ko saakingmga taong Israelita, “Tingnanninyo, ako ang siyangbubunot sa kanila mula sa kanilang sariling lupain atbubunutin ko ang sambahayan ng Juda mula sa kanila.15 At pagkatapos kong bunutin ang mga bansang iyon,mangyayari na magkakaroon ako ng habag sa kanila atpababalikin ko sila. Ibabalik ko sila, ang bawat tao sakaniyang mana at ang kaniyang lupain. 16 Mangyayarina kapag maingat na natutunan ng mga bansang iyonang mga pamamaraan ng aking mga tao na sumumpa saaking pangalan 'Dahil buhay si Yahweh!' tulad ng itinuronila sa aking mga tao na sumumpa kay Baal, kung gayonmaitatayo sila sa kalagitnaan ng aking mga tao. 17Ngunitkung sinuman ang hindi makikinig, bubunutin ko ang

  • Jeremias 13:1 36 Jeremias 13:11bansang iyon. At tiyak itong mabubunot at mawawasak.Ito ang pahayag ni Yahweh.”

    131 Sinabi ito sa akin ni Yahweh, “Pumunta ka at bumili

    ng isang lino na damit-panloob at isuot mo ito sa palibotng iyong baywang, ngunit huwag mo muna itong ilagaysa tubig.” 2Kaya bumili ako ng isang damit-panloob gayang iniutos ni Yahweh at isinuot ko ito sa palibot ng akingbaywang. 3 At dumating ang salita ni Yahweh sa akinsa pangalawang pagkakataon at sinabi, 4 “Kunin mo angdamit-panloob na iyong binili na nakapalibot sa iyongbaywang, tumayo ka at maglakbay sa Eufrates. Itagomo ito doon sa siwang ng isang bato.” 5 Kaya pumuntaako at itinago ito sa Eufrates gaya ng iniutos sa akin niYahweh. 6Makalipas ang maraming araw, sinabi sa akinni Yahweh, “Tumayo ka at bumalik sa Eufrates. Kunin momula doon ang damit-panloob na sinabi kong itago mo.”7 Kaya, bumalik ako sa Eufrates at hinukay ang damit-panloob kung saan ko ito itinago. Ngunit, masdan mo!Nawasak ang damit-panloob, hindi na ito maganda. 8 Atmuling dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,9“Sinasabi ito ni Yahweh: Sa parehongparaan, wawasakinko ang labis na kayabangan ng Juda at Jerusalem. 10 Angmga masasamang taong ito na tumangging makinig saaking mga salita, mga taong lumalakad sa katigasan ngkanilang mga puso, mga taong sumusunod sa ibang mgadiyos upang sumamba at yumukod sa kanila, magigingkatulad sila ng damit-panloob na ito na maganda nanaging walang halaga. 11 Sapagkat gaya ng isang damit-panloob na dumikit sa baywang ng isang tao, ginawa koang buong sambahayan ng Israel at ang buong samba-hayan ng Juda na kumapit sa akin, na magiging aking

  • Jeremias 13:12 37 Jeremias 13:20mga tao na magbibigay sa akin ng katanyagan, kapurihanat karangalan. Ngunit hindi sila nakikinig sa akin. Itoang pahayag ni Yahweh. 12 Kaya dapat mong sabihin angsalitang ito sa kanila, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh na Diyosng Israel: Mapupuno ng alak ang bawat banga.' Sasabihinnila sa iyo, 'Hindi nga ba talaga namin alam namapupunong alak ang bawat banga?' 13 Kaya sabihin mo sa kanila,'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan ninyo, pupunuinko ng kalasingan ang bawat naninirahan sa lupaing ito,ang mga hari na nakaupo sa trono ni David, ang mga pari,ang mga propeta, at ang lahat ng mga naninirahan saJerusalem. 14 At pag-aawayin ko ang bawat tao laban saiba, ang mga ama at mga anak. Hindi ko sila kaaawaan okahahabagan at hindi ko sila ililigtasmula sa pagkawasak.Ito ang pahayag ni Yahweh.”' 15Makinig kayo at bigyangpansin. Huwag kayong maging mayabang, sapagkatsinasabi Yahweh. 16 Bigyan ng karangalan si Yahweh nainyong Diyos bago siya magdulot ng kadiliman at bagosiya maging dahilan ng pagkatisod ng inyong mga paasa mga bundok sa takip-silim. Sapagkat naghahangadkayo para sa liwanag ngunit labis niyang padidilimin anglugar na magiging isang maitim na ulap. 17 Kaya, kunghindi kayomakikinig, iiyak akongmag-isa dahil sa inyongkayabangan. Tiyak na iiyak ako at dadaloy ang mgaluha mula sa aking mga mata, sapagkat mabibihag angmga kawan ni Yahweh. 18 “Sabihin ninyo sa hari at sainang reyna, 'Magpakumbaba kayo at umupo, sapagkatbumagsak na ang mga korona sa inyong ulo, ang inyongpagmamataas at ang inyong karangalan.' 19 Maisasaraang mga lungsod sa Negev at walang sinuman ang maka-pagbubukas ng mga ito. Mabibihag ang mga taga-Judaat ipapatapon ang lahat ng nasa kaniya. 20 Imulat moang iyong mga mata at pagmasdan ang mga parating

  • Jeremias 13:21 38 Jeremias 14:3mula sa hilaga. Nasaan ang kawan na ibinigay niya saiyo, ang kawan na pinakamaganda sa iyo? 21 Ano angsasabihin mo kapag inilagay ng Diyos sa iyong itaas angmga inaakala mong mga kaibigan mo? Hindi ba ito angumpisa ng mga paghihirap na sasakop sa iyo gaya ngisang babaing nanganganak? 22 At maaari mong sabihinsa iyong puso, 'Bakit nangyayari sa akin ang mga bagayna ito?' Sapagkat dahil ito sa napakaramimong kasamaanna itinaas ang iyong mga palda at nilapastangan ka.23 Maaari bang baguhin ng mga tao sa Cus ang kulay ngkanilang balat o baguhin ng isang leopardo ang kaniyangmga batik? Kung gayon, ikawmismo, kayamong gumawang kabutihan bagaman nasanay ka sa kasamaan. 24 Kaya,ikakalat ko sila tulad ng mga ipa na naglalaho sa hanginsa disyerto. 25 Ito ang ibinigay ko sa inyo, ang bahagina iniatas ko para sa inyo, dahil kinalimutan ninyo akoat nagtiwala kayo sa kasinungalingan. Ito ang pahayagni Yahweh. 26 Kaya, ako rin mismo ang huhubad nginyongmga palda atmakikita angmgamaseselang bahaging inyong katawan. 27 Ang inyong pangangalunya atpaghalinghing, ang inyong kahiya-hiyang kahalayan samga burol at sa mga parang! Ilalantad ko ang mga ito,ang mga nakasusuklam na mga bagay na ito! Kaawa-awaka, Jerusalem! Hindi ka pa malinis. Gaano katagal itomagpapatuloy?”

    141 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias

    tungkol sa tagtuyot, 2 “Hayaang magluksa ang Juda,hayaang gumuho ang kaniyang mga tarangkahan. Tu-mataghoy sila para sa lupain, lumalakas ang kanilangpag-iyak para sa Jerusalem. 3 Pinadadala ng kanilangmga makapangyarihang tao ang kanilang mga lingkod

  • Jeremias 14:4 39 Jeremias 14:12para sa tubig. Kapag pumunta sila sa mga balon walasilang mahahanap na tubig. Babalik silang lahat na bigo,tinatakpan nila ang kanilang mga ulo na kahiya-hiya athindi iginagalang. 4Dahil dito, nabitak ang lupa sapagkatwalang ulan sa lupain. Nahihiya ang mga mag-aararoat tinatakpan nila ang kanilang mga ulo. 5 Sapagkatiniiwan din maging ng babaing usa ang kaniyang maliliitna anak sa parang at pinababayaan ang mga ito sapagkatwalang damo. 6 Tumatayo sa mga tigang na kapataganang mga maiilap na asno at humihingal sa hangin tuladng mga asong-gubat. Lumalabo ang kanilang mga matadahil walang halaman.” 7 Kahit na nagpapatotoo labansa amin ang aming mga kasamaan, Yahweh, kumiloska para sa kapakanan ng iyong pangalan. Nagkasalakami sa iyo sapagkat lumalala ang kawalan ng amingpananampalataya. 8 Ang pag-asa ng Israel, ang siyangnagligtas sa kaniya sa panahon ngmatinding pagkabalisa,bakit ka magiging katulad ng isang dayuhan sa lupain,katulad ng isang banyagang gumagala na nagpapalipas atnananatili lamang ng isang gabi? 9Bakit ka magiging kat-ulad ng isang taong nalilito, katulad ng isangmandirigmana hindi kayang sagipin ang sinuman? Sapagkat nasakalagitnaan ka namin, Yahweh! Ipinahayag sa amin angiyong pangalan. Huwag mo kaming iwanan. 10 Sinabiito ni Yahweh sa mga taong ito: “Yamang ibig nilangmaglibot at hindi nila pinigil ang kanilang mga paa namagpatuloy.” Hindi nalugod si Yaweh sa kanila. Ngayon,inalala niya ang kanilang kasamaan at pinarusahan niyaang kanilang mga kasalanan. 11 Sinabi ni Yahweh saakin, “Huwag kang manalangin para sa ikabubuti ng mgataong ito. 12 Sapagkat, kapag nag-ayuno sila, hindi akomakikinig sa kanilang pagdaing at kapag nag-alay sila ngmga handog na susunugin at mga handog na pagkain,

  • Jeremias 14:13 40 Jeremias 14:19hindi ako malulugod sa mga ito. Sapagkat lilipulin kosila sa pamamagitan ng espada, taggutom at salot.” 13 Atsinabi ko, “O, Panginoong Yahweh! Tingnanmo! Sinasabingmga propeta samga tao, 'Hindi kayomakakakita ng es-pada, walang taggutompara sa inyo, sapagkat bibigyan kokayong tunayna katiwasayan sa lugar na ito.”' 14Sinabi saakin ni Yahweh, “Panlilinlang sa aking pangalan ang pa-hayag ng mga propeta. Hindi ko sila isinugo, ni binigyanng anumang utos o kinausap sila. Ngunit ang mapan-linlang nilang mga pangitain, ang walang kabuluhan atangmgamapanlinlang na hula ay nagmumula sa kanilangmga sariling puso, ito angmga ipinahahayag nila sa inyo.”15 Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tungkol sa mgapropeta na nagpapahayag sa aking pangalan ngunit hindiko ipinadala at ang mga nagsasabing walang espada attaggutom sa lupaing ito. Mamamatay angmga propetangito sa pamamagitan ng espada at taggutom. 16 At angmga tao na kanilang pinagpahayagan ay maitatapon salabas ng mga lansangan ng Jerusalem dahil sa taggutomat espada, sapagkat walang sinuman ang maglilibing sakanila. Sa kanila, sa kanilang mga asawang babae o sakanilang mga anak. Sapagkat ibubuhos ko sa kanila angkanilang mga kasamaan. 17 Sabihin mo ang salitang ito sakanila: 'Hayaang dumaloy sa aking mata ang mga luha saaraw at gabi. Huwag itong pigilan, sapagkatmagkakaroonng isang matinding pagkawasak ang birhen na anak ngakingmga tao. Isang napakalaki at walang lunas na sugat.18Kung lalabas ako sa parang at tumingin! mayroongmgapinatay sa pamamagitan ng espada. At kung pupunta akosa lungsod at tumingin! mayroong mga nagkasakit dahilsa taggutom. Kahit na angmga propeta at angmga paringnaglilibot sa lupain ay walang nalalaman.”' 19 Ganap mobang tinalikuran ang Juda? Galit ka ba sa Zion? Bakit mo

  • Jeremias 14:20 41 Jeremias 15:4kami hinahayaang magkasakit gayong walang kagalin-gan sa amin? Naghangad kami ng kapayapaan, ngunitwalang anumang kabutihan. Ngunit tingnan ninyo, parasa oras ng kagalingan, kaguluhan lamang ang mayroon.20 Inaamin namin, Yahweh, ang aming mga kasalanan atang kasamaan ng aming mga ninuno, sapagkat nagkasalakami sa iyo. 21 Huwag mo kaming itakwil! Huwag monggawing kahihiyan ang iyong maluwalhating trono parasa kapakanan ng iyong pangalan. Alalahanin at huwagsirain ang iyong kasunduan sa amin. 22 Mayroon basa mga diyus-diyosan ng mga bansa na kayang gawinang sinuman na paulanin ang kalangitan sa panahon ngtagsibol? Hindi ba ikaw Yahweh, na aming Diyos anggumawa ng mga ito? Umaasa kami sa iyo, sapagkat ikawang gumawa ng lahat ng mga bagay na ito.

    151 At sinabi sa akin ni Yahweh, “Kahit na tumayo sa

    aking harapan si Moises o si Samuel, hindi pa rin akomaaawa sa mga taong ito. Paalisin sila sa aking harapanpara makapunta sa malayo. 2 At mangyayari na sasabi-hin nila sa iyo, 'Saan kami dapat pumunta?' At dapatmong sabihin sa kanila, 'Sinasabi ito ni Yahweh: Dapatmamatay ang mga nakatakda sa kamatayan; dapat saespada ang mga nakatakda sa espada. Dapat magutomang mga nakatakda sa pagkagutom at dapat mabihag angmga nakatakda sa pagkabihag.' 3 Ito ang pahayag niYahweh: Sapagkat itatalaga ko sila sa apat na pangkat.Ang espada ay upang patayin ang ilan, ang mga asoay upang kaladkarin ang ilan palayo, ang mga ibon sakalangitan at ang mga mababangis na hayop sa daigdigay upang kainin at wasakin ang ilan. 4 Gagawin ko sakanila ang mga katakut-takot na bagay sa lahat ng mga

  • Jeremias 15:5 42 Jeremias 15:13kaharian sa daigdig, sa pananagutan ni Manases na anakni Hezekias na hari ng Juda dahil sa ginawa niya saJerusalem. 5 Sapagkat sino ang mahahabag para sa iyo,Jerusalem? Sino ang magluluksa para sa iyo? Sino anglilingon upang magtanong tungkol sa iyong kapakanan?6 Ito ang pahayag ni Yahweh: Tinalikuran mo ako atlumayo ka sa akin. Kaya hahampasin kita ng aking mgakamay at wawasakin kita. Pagod na akong magkaroon ngawa sa iyo. 7 Kaya, tatahipan ko sila sa mga tarangkahanng lupain sa pamamagitan ng isang pantuhog ng mgadayami. Gagawin ko silang ulila. Wawasakin ko ang akingmga tao yamang hindi sila tumatalikod sa kanilang mgagawain. 8 Gagawin kong mas marami ang bilang ng kani-lang mga balo kaysa sa mga buhangin sa dalampasigan.Sa katanghalian, ipadadala ko ang mga maninira laban samga ina ng mga batang lalaki. Hahayaan kong dumat-ing sa kanila ng biglaan ang pagkasindak at pagkatakot.9Mawawalan ng malay ang isang ina na mamamatay angpitong anak. Kakapusin siya sa paghinga. Magdidilimang kaniyang araw habang maliwanag pa. Mahihiya atmapapahiya siya, sapagkat ibibigay ko ang mga natirasa espada ng kanilang mga kaaway. Ito ang pahayag niYahweh.” 10Kaawa-awa ako, aking ina! Dahil isinilangmoako, isa akong tao na pinag-uusapan at pinagtatalunan sabuong lupain. Hindi ako nagpautang, ni walang sinumanang umutang sa akin, ngunit sinusumpa nila akong lahat.11Sinabi ni Yahweh: “Hindi ba kita sasagipin para sa iyongkabutihan? Titiyakin ko na hihingi ng tulong sa panahonng kalamidad at matinding pagkabalisa ang iyong mgakaaway. 12 Kaya ba ng isang tao na durugin ang bakal?Lalung-lalo na angmgabakal nanagmula sa hilaganamayhalongmga tanso? 13 Ibibigay ko sa iyongmga kaaway angiyong karangyaan at mga kayamanan bilang malayang

  • Jeremias 15:14 43 Jeremias 15:21pagnanakaw. Gagawin ko ito dahil sa lahat ng mgakasalanang ginawaninyo sa lahat ng inyongnasasakupan.14At hahayaan kong dalhin kayo ng inyongmga kaaway saisang lupain na hindi ninyo alam, sapagkatmagliliyab angisang apoy at sisiklab ang aking poot sa inyo.” 15Alammosa iyong sarili, Yahweh! Alalahanin mo ako at tulunganako. Ipaghiganti mo ako laban sa aking mga manunugis.Sa iyong pagtitiis, huwagmo akong ilayo. Kilalaninmo nanagdusa ako sa pagsisi para sa iyo. 16Natagpuan ang iyongmga salita at naintindihan ko ang mga ito. Kagalakan saakin ang iyong mga salita, isang kagalakan sa aking puso,sapagkat ipinahayag sa akin ang iyong pangalan, Yahwehna Diyos ng mga hukbo. 17 Hindi ako umupo sa gitna ngmga nagdiwang at nagsaya. Umupo akong nag-iisa dahilsa makapangyarihan mong kamay, sapagkat pinuno moako ng iyong pagkagalit. 18Bakit hindi nawawala ang sakitatwalang lunas ang akingmga sugat at hindi gumagaling?Magiging katulad ka ba ngmapanlinlang na tubig sa akin,mga tubig na natuyo? 19Kaya sinabi ito ni Yahweh, “Kungmagsisisi ka Jeremias, panunumbalikin kita at tatayo kasa aking harapan at maglilingkod sa akin. Sapagkat kapagpinaghiwalay mo ang mga bagay na walang kabuluhansa mga mahahalagang bagay, magiging tulad ka ng akingbibig. Babalik sa iyo angmga tao, ngunit dapat hindi ikawang mismong bumalik sa kanila. 20 Gagawin kitang tuladng isang tansong pader na hindi matitibag ng mga taongito at magsasagawa sila ng digmaan laban sa iyo. Ngunithindi ka nila matatalo sapagkat kasama mo ako upangiligtas at sagipin ka. 21 Sapagkat sasagipin kita mula sakamay ngmgamasasama at tutubusin kitamula sa kamayng mga mang-aapi. Ito ang pahayag ni Yahweh.”

  • Jeremias 16:1 44 Jeremias 16:1016

    1 At dumating ang salita ni Yahweh sa akin, nagsasabi,2 “Huwag kangmag-aasawa, at huwagmagkaroon ngmgaanak na lalaki o babae sa lugar na ito. 3 Sapagkat sinasabiito ni Yahweh sa mga anak na lalaki at babae na ipinan-ganak sa lugar na ito, sa mga ina na nagsilang sa kanila,at sa mga ama na naging dahilan ng pagkakasilang nila salupaing ito. 4 Sila ay mamamatay sa sakit. Walang maglu-luksa para sa kanila at manlilibing. Magiging katulad silang dumi na nasa lupa. Sapagkat darating ang kanilangwakas sa pamamagitan ng espada at taggutom, at angmga bangkay nila ay magiging pagkain ng mga ibon sakalangitan at ng mga hayop sa lupa.' 5 Sapagkat sinasabiito ni Yahweh, 'Huwag kang pumasok sa anumang bahaykung saan may nagluluksa. Huwag kang pupunta sa maynananaghoy, at huwag kang makidalamhati sa mga taongito. Dahil tinipon ko ang aking kapayapaan, tipan na maykatapatan, at mga gawang may kaawaan, mula sa mgataong ito! —Ito ang pahayag ni Yahweh— 6kaya ang dakilaat ang hamak ay mamamatay sa lupang ito. Sila ay hindiililibing, at walang sinumang magluluksa para sa kanila.Isa man ay walang magsusugat sa kanilang sarili o mag-aahit ng kanilang mga ulo para sa kanila. 7Wala isa mangmagbabahagi ng pagkain sa pagluluksa upang aliwin siladahil sa kamatayan, at walang dapat magbigay ng pang-aliwna baso sa kaniyang amao ina para aliwin sila. 8Hindika dapat pumunta sa handaan sa isang tahanan upangmakiupo sa kanila na kumain at uminom.' 9 Sapagkat siYahweh ngmga hukbo, ang Diyos ng Israel, ang nagsasabinito, 'Tingnan mo, sa harapan mo, sa iyong mga araw atsa lugar na ito, wawakasan ko ang inyong mga tugtugangmasasaya at pagdiriwang, ang mga tinig ng lalaki at at ngbabaeng ikakasal.' 10 At kung nangyari ito, ibalita mo sa

  • Jeremias 16:11 45 Jeremias 16:18lahat ang mga salitang ito sa mga tao, at sasabihin nila saiyo, “Bakit niloob ni Yahweh ang lahat ng malaking saku-nang ito sa atin? Anongkasamaanat kasalanan ang amingnagawa laban sa ating Diyos na si Yahweh? 11Kaya sabihinmo sa kanila, 'Dahil iniwan ako ng inyong mga ninuno—Ito ang pahayag ni Yahweh—at sumunod sila sa ibangmga diyos at sumamba at lumuhod sa mga ito. Iniwannila ako at hindi sinunod ang aking kautusan. 12 Ngunitnagdala kayo ng higit na kasamaan kaysa sa inyong mganinuno, sapagkat tingnan ninyo, bawat tao ay lumalakadsa katigasan at kasamaanngkaniyangpuso; wala isamangnakikinig sa akin. 13 Kaya ipapatapon ko kayo mula salupaing ito patungo sa isang lupaing hindi ninyo kilala,kayo o ang inyong mga ninuno, at sasamba kayo roonsa ibang mga diyos sa araw at gabi, sapagkat wala naakong ibibigay sa inyo na anumang tulong.” 14 Kayatingnan ninyo! Darating ang mga araw—ito ang pahayagni Yahweh—at hindi na magtatagal wala ng magsasabinito, 'Buhay si Yahweh, na siyang nagdala sa mga taong Israel mula sa lupain ng Egipto.' 15 Sapagkat buhaysi Yahweh, ang nagdala sa mga tao ng Israel sa hilaganglupain at sa mga lupain na kung saan ikinalat niya sila,ibabalik ko sila sa lupain na ibinigay ko sa kanilang mganinuno. 16 Tingnan ninyo! magpapadala ako ng maram-ing mangingisda—Ito ang pahayag ni Yahweh—upanghulihin nila ang mga tao. Pagkatapos nito, ipadadala koang maraming mangangaso upang hanapin sila sa lahatng kabundukan at mga burol, at sa mga bitak ng bato.17 Sapagkat ang aking paningin ay laging nasa kanilangmga gawa. Hindi sila makapagtatago sa harapan ko. Angkanilang mga kasamaan ay hindi nalilingid sa aking mgapaningin. 18 Una kong pagbabayarin ng dalawang besesang kanilang kasamaan at kasalanan dahil dinungisan

  • Jeremias 16:19 46 Jeremias 17:6nila ang aking lupain ng kanilang mga kasuklam-suklamna diyus-diyosang imahen, at dinungisan nila ang akingmana ng kanilang mga kasuklam-suklam na mga diyus-diyosan.” 19 Yahweh, ikaw ang aking matibay na tanggu-lan, aking kanlungan, aking ligtas na lugar sa panahon ngkabagabagan. Ang mga bansa ay pupunta sa iyo mula sawakas ng lupa at magsasabi, “Tunay na ang aming mganinuno ay nagmana ng panlilinlang. Wala silang alam;walang pakinabang sa kanila. 20 Gumawa ba ang mga taong diyus-diyosan para sa kanilang mga sarili? Ngunit silaay hindi mga diyos. 21 Kaya tingnan ninyo! Ipapaalamko sa kanila sa panahong ito, ipapakilala ko sa kanila angaking kamay at ang aking kapangyarihan, kayamakikilalanila na ang pangalan ko ay Yahweh.”

    171 “Ang kasalanan ng Juda ay nasulat gamit ang isang

    panulat na bakal na may diyamante sa dulo. Ito aynakaukit sa kanilang mga puso at sa mga sungay nginyong mga altar. 2 Naalala ng kanilang mga anak angkanilang mga altar at ang imahen ni Ashera na nasamadahong mga puno sa mataas na mga burol. 3 Naalalanila ang kanilang mga altar na nasa mga bundok sanayon. Gagawin ko ang inyong mga kayamanan bilangsamsam para sa iba. Sapagkat ang inyong kasalananay nasa lahat ng mga hangganan. 4 Mawawala sa inyoang mga mana na ibinigay ko sa inyo. Aalipinin kayong inyong mga kaaway sa lupaing hindi ninyo alam,sapagkat kayo ang nagpaalab ng aking galit, kung saanmag-aapoy magpakailanman.” 5 Sinasabi ni Yahweh,“Sumpain ang mga tao na nagtitiwala sa kapwa tao; angkaniyang kalakasan ay sa laman ngunit itinalikod niyaang kaniyang puso palayo kay Yahweh. 6 Sapagkat siya

  • Jeremias 17:7 47 Jeremias 17:16ay tulad ng maliit na halaman sa Araba at hindi makikitaang anumang kabutihang darating. Siya ay nananatilisa mabatong lugar sa ilang, tigang na lupain na walangnananahan. 7 Ngunit mapalad ang tao na nagtitiwalakay Yahweh, sapagkat si Yahweh ang kaniyang pag-asa.8 Sapagkat magiging katulad siya ng halaman na itinanimsa tabi ng tubig-batis; ang kaniyang mga ugat ay kakalat.Hindi niya makikita ang init na parating, sapagkat angkaniyang mga dahon ay malalapad at maganda. Atsa panahon ng tag-tuyot hindi siya mangangamba, nititigil ang kaniyang pamumunga. 9 Ang puso ay higit namapanlinlang sa anumang bagay. Ito ay sakit; sino angnakakaunawa rito? 10 Ako si Yahweh, ang nakakasaliksikng kaisipan, ang sumusubok sa puso. Ibibigay ko sabawat tao ang nararapat sa kaniya, parurusahan ko siyasa bunga ng kaniyang mga nagawa. 11 Nililimliman ngisang pugo ang itlog na hindi naman siya ang nangitlog.Maaaring may taong yayaman sa kalikuan. Ngunit sapanahon ng kalakasan sa kaniyang buhay, iiwan siya ngmga kayamanang iyon at magiging mangmang sa huli.”12 Ang lugar ng ating templo ay isang maluwalhatingtrono, nakataas mula sa simula. 13 Si Yahweh ang pag-asa ng Israel. Lahat ng mang-iwan sa iyo ay mapapahiya.Ang mga tumalikod sa iyo na nasa lupain ay puputulin.Sapagkat iniiwan nila si Yahweh, ang bukal ng tubig ngbuhay. 14 Pagalingin mo ako, Yahweh, at ako ay gagaling!Iligtas mo ako, at ako ay maliligtas. Sapagkat ikaw angaking awit ng papuri. 15 Tingnan ninyo, sinasabi nilasa akin, 'Nasaan na ang salita ni Yahweh? Hayaang itoay pumarito! 16 Para sa akin, hindi ako tumakbo sapagiging isang pastol na sumusunod sa inyo. Hindi kohinangad ang araw ng sakuna. Alammo angmga pahayagna lumabas sa aking mga labi. Sila ay ginawa sa iyong

  • Jeremias 17:17 48 Jeremias 17:25harapan. 17 Huwag maging katatakutan sa akin. Ikawang aking kanlungan sa panahon ng kalamidad. 18 Nawaangmga tumutugis sa akin aymapapahiya, ngunit huwagmo akong gawing kahiya-hiya. Nawa sila ay panghinaanng loob, ngunit huwag mong hayaang panghinaan akong loob. Ipadala ang araw ng sakuna laban sa kanila atwasakin sila ng ibayong pagkawasak.” 19Sinabi ni Yahwehito sa akin: “Pumunta ka at tumayo sa tarangkahan ngmga tao kung saan pumapasok at lumalabas angmga haring Juda, at sa lahat ng ibang tarangkahan ng Jerusalem.20 Sabihin mo sa kanila, 'Pakingggan ninyo ang salita niYahweh, mga hari ng Juda at lahat ng mga tao ng Juda,at sa bawat naninirahan sa Jerusalem na pumapasok samga tarangkahang ito. 21 Ito ang sinasabi ni Yahweh:“Maging maingat kayo alang-alang sa inyong mga buhayat huwag kayong magpapasan ng mabibigat sa Arawng Pamamahinga upang dalhin ito sa tarangkahan ngJerusalem. 22At huwag kayong magdala ng pasan mula sainyong bahay sa Araw ng Pamamahinga. Huwag kayonggagawa ng anumang gawain, kundi ilaan ninyo ang Arawng Pamamahinga kay Yahweh, gaya ng aking inutos sainyong mga ninuno na gawin. 23 Hindi sila nakinig onagbigay pansin, kundi pinatigas nila ang kanilang mgaleeg upang hindi na nila ako pinakinggan ni tanggapinang aking pagtutuwid. 24 Ito ay mangyayari kung tunayna nakinig kayo sa akin—ito ang pahayag ni Yahweh—athuwag kayong magbuhat ng pasan sa mga tarangkahanng lungsod na ito sa Araw ng Pamamahinga ngunit sahalip ilaan ninyo kay Yahweh ang Araw ng Pamamahingaat huwag kayong gagawa ng anumang gawain— 25At angmga hari, mga prinsipe, at sa mga umupo sa trono niDavid na pupunta sa mga tarangkahan ng lungsod naito na nakakarwahe at may mga nakakabayo, sila at ang

  • Jeremias 17:26 49 Jeremias 18:7kanilang mga pinuno, mga kalalakihan ng Juda at lahatng naninirahan sa Jerusalem. At ang lungsod na ito aymananatilimagpakailanman. 26Darating silamula samgalungsod ng Juda at sa lahat ng nasa palibot ng Jerusalem,at mula sa lupain ng Benjamin at mula sa mababanglupain, mula sa mga bundok at mula sa Negev, magdadalang mga susunuging handog, mga alay, at mga pagkainghandog at kamanyang. At magdadala sila ng mga handogpasasalamat sa aking tahanan. 27 Ngunit kung hindikayo makikinig, upang ilaan ang Araw ng Pamamahingakay Yahweh—kung magpapasan kayo ng mga pasanin samga tarangkahanng Jerusalem saArawngPamamahinga,kung gayon sisindihan ko ng apoy ang mga tarangkahan,apoy na susunog sa mga tanggulan ng Jerusalem, at hindiito mapapatay.”

    181 Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias

    at sinabing, 2 “Bumangon ka at pumunta sa bahay ngmagpapalayok, sapagkat ipaparinig ko sa iyo ang akingsalita roon.” 3 Kaya pumunta ako sa bahay ng magpa-palayok, at masdan! Gumagawa ang magpapalayok sakaniyang gawaan. 4Ngunit ang hawak niyangmalagkit nalupa na kaniyang hinuhulma ay nasira sa kaniyang kamay,kaya nagbago ang kaniyang isip at gumawa ng isa pangbagay na sa tingin niya aymabuti na gawin. 5Pagkatapos,dumating ang salita ng Panginoon sa akin at sinabing,6 “Wala ba akong kakayahan na kumilos sa inyo ng tuladngmagpapalayok na ito, sambahayan ng Israel? — Ito angpahayag ni Yahweh. Tingnan mo! tulad ng malagkit nalupa sa kamay ng isang magpapalayok— ganyan kayo saaking kamay, sambahayan ng Israel. 7 Sa isang sandali,maaari akong magpahayag ng isang bagay tungkol sa

  • Jeremias 18:8 50 Jeremias 18:16isang bansa o isang kaharian, na aking aalisin, gigibain,o wawasakin ito. 8 Ngunit, kung ang bansa na akingpinahayagan ay tatalikod sa kasamaan nito, kung gayonmahahabag ako mula sa sakuna na binabalak kong dalhindito. 9 Sa isa pang sandali, maaari kong ipahayag angtungkol sa isang bansa o isang kaharian, na aking itatayo oitatanim ito. 10Ngunit kung gagawa ito ng masama sa ak-ing paningin sa pamamagitan ng hindi pakikinig sa akingtinig, ititigil ko ang aking sinabi na gagawin kong mabutipara sa kanila. 11 Kaya ngayon, magsalita ka sa mgakalalakihan ng Juda at samga naninirahan sa Jerusalem atsabihin, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, bubuoako ng sakuna laban sa inyo. May binabalak ako laban sainyo. Magsisi, ang bawat taomula sa kaniyangmasamanglandas, kaya ang inyong mga pamamaraan at inyong mganakaugalian ang magdadala ng mabuti sa inyo.' 12Ngunitsasabihin nila, 'Hindi ito mahalaga. Kikilos kami ayon saaming sariling mga balak. Gagawin ng bawat isa kungano angmasama sa kaniya, ang mga ninanais ng kanilangmatitigas na puso.' 13 Samakatwid ito ang sinasabi niYahweh, 'Tanunginmo angmga bansa, sino ang nakarinigng ganitong bagay? Ang birheng Israel ay nakagawa ngisang kakila-kilabot na gawa. 14Mawawala ba ang niyebeng Lebanon sa mga mabatong mga burol sa mga parang?Ang mga batis ng kabundukan na mula sa malayo aynatutuyuan ba ng tubig? 15 Ngunit kinalimutan ako ngaking mga tao. Gumawa sila ng mga handog para sawalang kabuluhang diyus-diyosan at gumawa ng ikakati-sod sa kanilang daraanan; iniwan nila ang sinaunangdaan upang lumakad sa maikling daan. 16 Ang kanilangmga lupain ay magiging isang katatakutan, isang bagayng walang hanggang panunutsut. Bawat isa na dadaansa kaniya ay mangangatog at iiling ang kaniyang ulo.

  • Jeremias 18:17 51 Jeremias 18:2317Pangangalatin ko sila sa harap ng kanilang mga kaawaytulad ng hangin sa silangan. Ipapakita ko sa kanila angaking likuran, at hindi ang aking mukha, sa araw ngkanilang sakuna.” 18 Kaya sinabi ng mga tao, “Halikayo,gumawa tayo ng masamang balak laban kay Jeremias,sapagkat ang kautusan ay hindi mawawala sa mga pari,o payo sa mga taong marurunong, o mga salita sa mgapropeta. Halikayo, atin siyang labanan ng ating mgapananalita at huwag nang magbigay pansin sa anumangbagay na kaniyang ipapahayag.” 19 Magbigay pansinsa akin, Yahweh! At makinig sa ingay ng aking mgakaaway. 20 Talaga bang ang sakuna mula sa kanila angaking gantimpala sa pagiging mabuti sa kanila? Sapagkathumukay sila ng isang malalim na hukay para sa akin.Alalahanin kung paano sila tumayo sa iyong harapanupang magsalita sa kanilang mga pangangailangan, up-ang ang iyong matinding galit ay ilayo mula sa kanila.21 Samakatwid ipasakamay mo ang kanilang mga anaksa pagkagutom, at ibigay sila sa ilalim ng kapangyarihanng espada. Kaya hayaan ang kanilang mga kababaihanna mawalan at maging mga balo, at ang kanilang mgakalalakihan ay mapatay, at ang mga batang kalalakihannila ay mamatay sa labanan sa pamamagitan ng espada.22Hayaang marinig ang isang hiyaw ng pagkabalisa mulasa kanilang mga tahanan, kapag biglaang magpapadalaka ng mga tao laban sa kanila. Sapagkat humukay silang isang malalim na hukay upang bihagin ako at maynakatagong patibong para sa aking paa. 23 Ngunit ikawYahweh, nalalaman mo ang kanilang mga balak laban saakin upang patayin ako. Huwag mong patawarin angkanilang mga kasamaan at mga kasalanan. Huwag mongalisin ang kanilang mga kasalanan mula sa iyo. Sa halip,hayaan silang matanggal mula sa harapan mo. Kumilos

  • Jeremias 19:1 52 Jeremias 19:8laban sa kanila sa panahon ng iyong poot.

    191 Sinabi ito ni Yahweh, “Pumunta ka at bumili ng

    banga ng magpapalayok habang kasama mo ang mganakatatanda sa mga tao at ang mga pari. 2 At pumuntaka sa lambak ng Ben Hinom kung saan nakabukas angtarangkahan ng Magpapalayok, at ipahayag mo roonang mga salitang sasabihin ko sa iyo. 3 Sabihin mo,'Pakinggan ang salita ni Yahweh, mga hari ng Juda at mgananinirahan sa Jerusalem! Sinasabi ito ni Yahweh ngmgahukbo, Diyos ng Israel, “Tingnan ninyo, magpapadala akong sakuna sa lugar na ito at papanting ang mga tainga ngbawat makikinig nito. 4 Gagawin ko ito dahil tinalikurannila ako at hindi iginalang ang lugar