16

Click here to load reader

Kahulugan Ng Wiki

Embed Size (px)

DESCRIPTION

wika

Citation preview

Page 1: Kahulugan Ng Wiki

Kahulugan ngWika, Komunikasyon at

Kahalagahan nito(Mga Pilipinong

Manunulat)

Submitted by

Group 2

Ayala, Marinela Mei

Nicolas, Jezreel Deanne

Dimaculangan, Charis Mae

Basa, Rafael

Medidas, Elaiza Mae

Evardone, Kriszia

Tinaya, Renz Nicole Ross

Aquino, Albert Reggie Allen

Ponce, Faye Alexa

Saquing, Phoebe Rose

Purisima, Riza Nerwin

Eclevia, Bea Marie

Ramos, Art Christian

Submitted to

Page 2: Kahulugan Ng Wiki

Bb. Anos

September 2, 2010

INTRODUKSYON

Isa sa mga pinakadakilang tuklas ng tao ang komunikasyon. Kapag inalis ito, para na

nating pinahinto ang ikot ng mundo. Kumikilos ang tao dahil sa bisa ng komunikasyon. Dahil sa

paghahatiran at pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin ng tao,

nagaganap ang mabuti at di mabuti na siyang pinagmumulan ng pag-unlad ng pamumuhay ng

tao.

Daan ng tagumpay ng isang tao, pangkat nga mga tao, kaunlaran at katahimikan ng

daigdig at pambansang kaligtasan, ang mabisang komunikasyon. Ang pagtuklas sa iba’t-ibang

larangan pati na ang kalawakan ay saklaw ng komunikasyon kaya’t ang mga bansang may

maunlad at mabisang paraan ng komunikasyon ay higit na progresibo kaysa sa mga bansang huli

sa bagay na ito.

Ayon kay F.E. Dance, ang komunikayon ay isang prosesong dinamiko at nagbabago. Sa

kabuuan, ito ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na

kinakasangkutan ng magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-unawa. May

nagsasalita man kung walang nakikinig at umuunawa ay walang magaganap na komunikasyon.

Sinabi din ng mga hindi nakilalang iskolar na ang wika na ginagamit sa komunikasyon ay

nililinang at umuunlad sa pamamagitan ng madla. Ang pagkadalisay at pagpapayaman ay

patuloy pa at hindi na magtitigil sapagkat ang isang wikang buhay ay lagi nang nagbabago.

Kahulugan ng wika mula sa iba’t ibang linggwista at

dalubhasa

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog,

at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang

pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at

Page 3: Kahulugan Ng Wiki

pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,

damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at

kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan,

nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao (Peña, 1989).

Ang wika ay isang kataga na karaniwang ginagamit upang sumangguni sa tinatawag na

"likas na wika" - ang ginagamit na paraan ng komunikasyon sa sangkatauhan. Sa pamamagitan

ng pagpapalawig ang salita ay tumutukoy din sa uri ng pag-iisip na proseso na lumilikha at

gumagamit ng wika. Sa parehong kahulugan, mahalaga ang paraan ng paglikha, pagpapanatili at

paggamit ng mga sistema ng mga simbolo, na magilas na sanggunian ng kaisipan at magbuo

ayon sa nakabalangkas na modelo sa uri na ekspresyon at ipahayag ang kahulugan. Ang pang-

aghan na pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguistika (Hornedo, 1992).

Ang wika ay isang sistema ng mga palatandaan (mga simbolo, mga indeks, mga icon)

para sa pagsasalin at pagbibigay impormasyon. Dahil sa wika naging isang bagay ng pag-aaral

ng sinaunang grammarians, ang kataga ay nagkaroon ng maraming iba't ibang kahulugan

(Fernandez, 1989).

Ayon kay Cruz (1978), ang ginagamit sa komunikasyon ay wika. Huwag nating

ipagkamali na ang wika ay pagsasalita lamang. Ang wika ay hindi lamang pagsasalita; sakop nito

ang pagsusulat, mga larawan, mga simbolo tulad ng pula at berde sa trapiko, mga galaw ng

kamay at ekspreson ng mukha at mga mata mga tunog at iba pa. Lahat ng ito ay nagbibigay ng

kaniya-kaniyang mensahe.

Ang wika ay masistemang balangkas ng mga simbolo na isinaayos sa paraang arbitaryo

na maaaring dagdagan at ayusin batay sa pangangailangan at kundisyon ng tagapagsalita.

(Santos, 1984)

Page 4: Kahulugan Ng Wiki

Ang wika ay masistemang pag-aayaw-ayaw ng lipon ng mga salita na ginagamit sa

paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin na tangi sa isang pangkat ng tao sa

isang pamayanan o bansa. Ang wikang tangi sa isang pamayanan ay may set ng mga salitang ang

pakahulugan ay nauunawaan ng bawat isa. Gayundin ang wikang ito ay may salitang balarila at

sistema ng pag-uugnay ng mga salita at nagagawang bigyan ng kahulugan ng mga taong nkasapi

ng pamayanang iyon. (Badayos;1975)

Ang wika ay binubuo ng mga salita, kung paano bigkasin ang mga ito at ang pamamaraan

ng pagsasama-sama ng mga salita, ginagamit at nauunawaan ng isang komunidad at nagiging

matatag sa mahabang panahon ng pagkakagamit. Ito ay saligan ng lipunan at nagiging

kasangkapan upang magkaisa ang mga tao. (Silapan: 1990)

Ang wika ay dapat na maging buhay na wika, kaugnay ng kaisipan at layunin, bahagi ng

tungkulin at pagkakasakatuparan nito. Sa isang pangungusap, ang wika ay dapat kaugnay ng

buhay. (Gonzales, 1976)

Ayon pa kay Gonzales (1976), mahalagang iugnay ang wika sa pambansang kamalayan

ng mga tao sa lipunan. Ang pambansang kamalayan ang patutunguhan, at ng wika, ang sasakyan

para makarating doon. Kapag malinaw na sa lipunan ang kanyang pambansang hangarin, madali

nang makilala ng higit na nakararami ang kabuluhan ng wika sa pagtatamo ng pambansang

mithiin.

Ayon kay Santos (1975), kasabay ng pagsulong ng bansa ay ang pagsulong din ng wika,

at sa pagsulong na ito ay hindi maiiwasan na manghiram ng mga salita sa ibang wika upang

makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran.

Page 5: Kahulugan Ng Wiki

Ayon pa kay Mangahis (1964), ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa

pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng

mensahe na susi sa pagkakaunawaan.

Sinabi din ng mga hindi nakilalang iskolar na ang wika na ginagamit sa komunikasyon ay

nililinang at umuunlad sa pamamagitan ng madla. Ang pagkadalisay at pagpapayaman ay

patuloy pa at hindi na magtitigil sapagkat ang isang wikang buhay ay lagi nang nagbabago.

Bilang huling pagsisiyasat, masasabi nating ang wika ay walang iisang depinisyon na

makapagbibigay ng buong kahulugan nito. Alam nating lahat kung ano ang wika ngunit walang

makapagsasabi ng pinakatiyak na kahulugan nito. Upang higit nating maunawaan ang wika,

nararapat na ito’y ating pag-aralang mabuti kabilang na ang mga katangiang taglay nito. Katulad

na lamang ng mga iba’t ibang linggwista at dalubhasa na nagbigay ng kani-kanilang depinisyon

ng wika. Ang mga ito’y instrumento lamang na makatutulong sa atin upang lalong maunawaan

ang wika.

Kahulugan ng Komunikasyon mula sa iba’t ibang

linggwista at dalubhasa

Ayon kay Arrogante (2008), ang salitang pakikipagtalastasan o komunikasyon ay galing

sa salitang-ugat na talastas na ang ibig sabihin ay alam at sa kabilaang panlaping pakikipag / an

na ang tinutukoy ay proseso o paraan ng pagsasagawa nang hindi isahan kundi dalawahan o

maramihan sapagkat dapat ay may magkabilang panig na nasasangkot: isang nagsasalita at isang

nakikinig. Mangyari, bigayang proseso ang pag-uusap. Nagbibigay ng impormasyon ang

nagsasalita dahil sa may alam siya sa nakikinig na tumatanggap naman dahil wala pang alam o

kulang pa ang nalalaman kaya gusto nitong punan ang patlang o dagdagan pa ang kaalaman at

vice versa.

Page 6: Kahulugan Ng Wiki

Sinabi naman ni Arrogante (1987) sa aklat na Kakayahan sa Pakikipagtalastasan

Pangkolehiyo: Binagong Edisyon, ang pakikipagtalastasan o komunikasyon ay isang

“tambingang” paghahatirang-diwa. Tambingan sapagkat ito’y palitan o gantihang pamamahagi

ng kaalaman. Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang nakikinig,

na kapwa nakikinabang nang walang lamangan.

Ang komunikasyon ay proseso ng paghahatid n gating mga saloobin, ideya o mensahe sa

pamamagitan ng isang sistema ng mga simbolo. May iba’t ibang anyo ang komunikasyon. Ito

ay sa paraan ng pagsasalita, pagsenyas, o sa pamamagitan ng mga simbolo. Sa panahon natin

ngayon, isa sa pinakamabisang paraan ng komunikasyon ay ang paggamit ng computer.

(Austero, 2010)

Sinasabi rin ni Austero (2010), mahabang panahon nang pinag-iisipan kung ano nga ba

talaga ang mga mahahalagang element ng komunikasyon. Sinasabing isa sa pinakamahalagang

bahagi ng komunikasyon ay ang maihatid ang kaisipan ng isang indibidwal sa ibang tao. Kahit

noong mga mga unang panahon, inakala ng mga tao na ang komunikasyon ay binubuo lamang

ng verbal na pakikipagtalastasan. Sa madaling salita, ang komunikasyon ay pag-uusap para

kapwa makinabang ang isa’t isa nang di nagkakalamangan.

Para naman kay F.E. Dance, ang komunikayon ay isang prosesong dinamiko at

nagbabago. Sa kabuuan, ito ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng

mensahe na kinakasangkutan ng magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-

unawa. May nagsasalita man kung walang nakikinig at umuunawa ay walang magaganap na

komunikasyon.

Ayon kay Agravante (1999), ang komunikasyon ay isang proseso kung saan ang unang

tagapagsalita ay nagbibigay ng mensahe sa pamamagitan ng daluyan papunta sa kinauukulang

destinasyon o ang tagatanggap, na makakalikha ng epekto at makapagbibigay ng oportunidad na

makapamahagi ng kasagutan sa anyo ng ingay at makikita sa isang konteksto.

Page 7: Kahulugan Ng Wiki

Samakatuwid, sa kabuuan ay masasabing ang komunikasyon ay isang paraan ng

paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng magkakambal na

proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-unawa. May nagsasalita man kung walang nakikinig at

umuunawa ay walang nagaganap na komunikasyon.

Nilarawan naman nina Manalo at Fermin ang intra-personal na komunikasyon na isang

karanasan ng interpersonal pagsasalita ng komunikasyon at pagbuo ng kanilang pagsasalita

paghahanda at pagsasalita mga kasanayan sa paghahatid.

Ano nga ba ang kahalagahan ng komunikasyon sa buhay

ng tao?

Ayon kina Felicitas Manasca, Felipa Tintero at Estelita Conzales (Sining ng

Pakikipagtalastasan, 1995), Kasabay sa ating pagsilang ang wika. Pasulat man o pasalita

mahalaga ito sa buhay ng tao. Naipadarama ng sanggol ang kanyang pangangailangan sa

kanyang sariling paraan ng pakikipagtalastasan. Kailangan natin ang wika upang mapabilang sa

lipunang ating ginagalawan, makikibahagi, makikipagpalitan, makatuklas ng mga bagay-bagay,

magtanggap, maghatid ng mga kaalaman at higit sa lahat ay makikipagkapwa-tao. Kung wala

ang wika, marahil pumanaw na rin ang sibilisasyon.

Ang pakikipagtalastasan o komunikasyon ay napakahalaga sa buhay ng bawat tao.

Anumang wika ang gamitin mo ay magbibigay ng pagkakataon upang makipagpalitan ng ideya,

impresyon, mga impormasyon tungkol sa iba’t ibang bagay. (Cruz, 1978)

Ayon kay Angelita A. Binsol (1999), ang komunikasyon ay proseso sa pang-araw-araw

na pakikipagtalastasan at pagpapahayag ng damdamin.

Page 8: Kahulugan Ng Wiki

“Sa pamamagitan na komunikasyon, malinaw na nailalarawan ang bawat karanasan at

damdamin ng bawat tao. At sa pagkakaroon ng sariling wika ay lubusang naipapahayag ng

nakararaming mamamayan ang kanilang kaisipan.” Sa ikapitong kabanata ng El Filibusterismo

na akda ng ating pambansang bayaning si Gat Jose Rizal

Para kay dalubwika Sanchez, A.R.(1982) Sa pakikipagtalastasan o pakikipag-

komunikasyon ay madali tayong makakakita ng kaibigan. Nalalaman natin kung ano ang

kanyang katauhan, mga suliranin, mga kalungkutan mga hilig, mga ayaw at gusto sa buhay.

Habang nalalaman natin ang maraming bagay tungkol sa kanya ay higit tayong napapalapit sa

isa’t isa. Ang hindi pag-uusap ng dalawang taong magkasama ay nagbubunga ng paghihinala sa

bawat isa. Kung ipagpapatuloy nila ang hindi pag-uusap, ang paghihinala ay lumalaki. . .hangang

mawalan ng tiwala sa bawat isa.

Isa sa mga pinakadakilang tuklas ng tao ang komunikasyon. Kapag inalis ito, para na

nating pinahinto ang ikot ng mundo. Kumikilos ang tao dahil sa bisa ng komunikasyon. Dahil sa

paghahatiran at pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan at mga saloobin ng tao,

nagaganap ang mabuti at di mabuti na siyang pinagmumulan ng pag-unlad ng pamumuhay ng

tao. (Mariano;2000)

Daan ng tagumpay ng isang tao, pangkat nga mga tao, kaunlaran at katahimikan ng

daigdig at pambansang kaligtasan, ang mabisang komunikasyon. Ang pagtuklas sa iba’t-ibang

larangan pati na ang kalawakan ay saklaw ng komunikasyon kaya’t ang mga bansang may

maunlad at mabisang paraan ng komunikasyon ay higit na progresibo kaysa sa mga bansang huli

sa bagay na ito.(Gregorio, J.M.; 1998)

Page 9: Kahulugan Ng Wiki

Ayon kay (deVito, 1997), ang komunikasyon ay may malaking papel sa inyong personal

at propesyonal na buhay at ang kadalubhasaan nito ay makakaimpluwensiya kung papaano mo

isasabuhay ang iyong buhay ng epektibo.

Ayon naman kay Pineda, isang manunulat, mahalaga ang komunikasyon sa lahat ng

propesyon. Ginagamit ito ng mga doktor upang maipaalam sa atin ang ating sakit at kung ano

ang karampatang lunas dito. Ang pananalita ang ginagamit ng guro kung siya ay

nagpapaliwanag tungkol sa mga aralin. Ito rin ang ginagamit ng ating mga magulang, mga pari at

ministro kung sila ay nangangaral. Ito rin ang ginagamit ng mga hinahangaan nating mga artista

sa TV, radio at pelikula upang tayo ay maaliw. Ito ang ginagamit ng mga pulis kung itinuturo sa

atin ang tamang daan kung tayo ay naliligaw. Mga tindero, kundoktor, drayber, sapatero,

kaminero, mekaniko, piloto, abugado at lahat na ay kailangan ng pakikipagtalastasan.

Nabanggit naman ni Lapuz, isang matagumpay na negosyanyte, sa isa sa mga panayam

niya sa isang kilalang lathalain na, “Kailangan ang mahusay na pakikipagtalastasan sa alinmang

negosyo upang magkaunawaan ang nagbebenta at mamimili. Sa ganitong paraan malaki ang

garantiya na magiging matagumpay ang napili mong negosyo.”

Sinabi din ni dalubwika Atienza at Sauco (1994) Mabubuhay ang tao sa panahon ng

pagbabagong-panlipunan, pampulitika at pangkabuhayan. Ang kakayahang

makipagkomunikasyon nang mabisa ay isa sa mga salik na makakatulong sa atin upang

makibagay sa mabilis na pagbabago ng buhay at sa panahon ng globalisasyon. Napatunayan na

pitumpu hanggang pitumpu’t limang bahagdan ng masiglang oras ng tao ay nailalaan sa

pakikipagtalastasan. Ito’y isang sitwasyong nararapat harapin sa araw-araw na buhay, ang

pakikipagtalastasan. Kinakailangang maging mabisa ito upang maging normal ang

pakikisalamuha natin sa mga taong makakatagpo sa lahat ng dako: sa tahanan, simbahan,

opisina, palengke at iba pa. Ang sinumang naghahangad na maigapang ang sarili sa lipunang

Page 10: Kahulugan Ng Wiki

ginagalawan ay gumagamit ng komunikasyon. Ang tagumpay at kabiguan, ang hinaharap ng tao

ay nakasalalay sa paraan ng kaniyang pakikipagkaunawaan.

Ayon kay Maslog (2007), ang komunikasyon ay nagbibigay ng mga impormasyon kung

saan ito ang pinagbabasihan ng mga desisyong pampulitikal ng ating mga pinuno. Gaya ng ating

paghinga, ito ay bahagi ng buhay ng tao kung kaya’t sinasamantala natin ito at hindi

ipinagsasawalang bahala. Ito ay nangyayari at naipapakita kapag ang isang tao ay nakikinig at

kapag ang tagapakinig at tagapagsalita o ang manunulat at mambabasa, ay nag-uugnay ng

magkaparehas na kahulugan sa mga salitang ginamit nila.

May tatlo na pangunahing halaga ang komunikasyon at wika ayon kina Aragon at Ril.

Una ay ang mabisang paggamit ng komunikasyon ay mahalaga sa pakikipag-ugnayan ng tao sa

kapwa. Maipahayag at mangyari ang ano mang minimithi o pangangailangan natin; kung

masasabi natin ang ating mga naiisip, ng ating mga damdamin, at karanasan. Ikalawa, walang

pagpapalitan ng kaisipan at walang pagkakaisa ang mga tao kung wala ang komunikasyon:

pasulat o pasalita man. Nabubuklod ang bayan at ang tao dahil sakomunikasyon at maaring

gamitin sa pakikihamok, pakikipaglaban, pagpapahalaga at pagtitipon. At ikatlo ang ating

naririnig, napapanood ay nagdudulot sa atin ng mga damdamin nagpapaiyak, nagpapatawa,

nagpapainis at nagpapaawa. Ito ay tinatawag nating nagpapagana at lumilikha ng imahinasyon at

maaring magsimula, magbuo ng kaisipan, makaimbento, makalinang na  pakikinabangan ng

sangkatauhan.

Dapat nating tandaan na ang wika ay isa sa pinakanatatanging bunga ng katalinuhan ng

tao. Nararapat lamang na ito’y gamitin sa matalino at masining na paraan upang maunawaan ng

iba sa pakikipagtalastasan. Huwag tayong matakot sa wika. Ito ay atin upang gamitin sa

pakikipagtalastasan. Ito ay makakatulong at hindi makakasagabal sa tao. Makakatulong ito sa

ating paggawa, pakikipagkapwa at sa lahat ng Gawain; makapagdaragdag ng kaligayahan sa

bawat minuto ng buhay. Naghahatid ito ng ideya sa iba at sa kanilang mga ideya sa iyo. Ito ang

iyong kintawan. Ito ay kung sino ka. Ito ay ikaw. (Papa, 1987)

Page 11: Kahulugan Ng Wiki

KONKLUSYON

Samakatuwid, sa kabuuan ay masasabing ang komunikasyon ay isang paraan ng

paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng magkakambal na

proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag-unawa. May nagsasalita man kung walang nakikinig at

umuunawa ay walang nagaganap na komunikasyon.