Kasaysayan ng Ilocos

Embed Size (px)

DESCRIPTION

A brief report of the history and culture of the Ilocos region in the Philippines

Citation preview

Campomanes Setyembre 24, 2013Castaneda Dr. J. RespetoHofilenaJamilaLanuzaFil 14 - O

KasaysayanMaraming mga opinyon ang tumatalakay sa pinanggalingan ng salitang Ilocos. Mayroong sinasabaing isang grupo ng mga isla mula sa kahilagaan ng Taiwan hanggang sa katimugan ng Luzon na tinawag noon bilang Liu-Kiu. Pinaniniwalaan ni Jose Resurreccion Calip na dito nagmula ang kataggang Ilocos. Mula dito, binigyan ng maraming katawagan ng mga Espanyol ang Ilocos: I-Liu-kiu, Yloquoi, Ilocoa, Yllocos, Ylocos, Yloco, at Ylucos. Pinaliwanag ni Calip na ang ibig sabihin ng unlaping I ay mula. Nangangahulugang mula sa Liu-Kiu ang I-Liu-kiu dahil dito. (Foronda & Foronda, 1972, p. 1)Ang paliwanag sa pinagmulan ng salitang Ilocano ni Isabelo de los Reyes ang pinakapopular. Ayon sa kanya, nagmula ito sa parehong salitang ugat na pinamulan ng Tagalog: ilog. Napapalibutan ang probinsya ng mga ilog at nang unang nakarating ang mga Espanyol na naakasalita ng kaunting Tagalog, ibinigkas nila ang salitang ilog bilang iloc. Ito ay dahil sa hindi kasanayan ng mga Espenyol sa paggamit sa letrang g sa dulo ng kanilang mga salita. (Foronda & Foronda, 1972,p. 1-2)

Ayon sa Senso noong 1918, mayroon nang rehiyon na kinikilala bilang Ilocos nong dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas. Sa kasalukuyang panahon, binubuo ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, La Union, Lepanto, at Bontok ang probinsya ng Ilocos. Isa itong malawak na probinsyang sikat dahil sa mayaman nitong kultura ng pagmimina na pinakinabangan ng mga Tsino at Hapon. (Foronda & Foronda, 1972, p. 2)

Mga Negrito ang orihinal na mga nanirahan dito ngunit pinaniniwalaan na Malay ang mga nanahan sa mga pamayanan sa tabi ng dagat na tinatawag ngayong mga Ilokano. Maliban sa mga Ilokano, nanirahan din sa Ilocos ang mga Isneg at Tingian. Iisa ang kultura at wika ng tatlong grupo ngunit pinilit na itinulak palayo ang mga Isneg at Tingian ng mas masulong na mga Ilokano hanggang natagpuan sila sa panloob na mga parte ng Ilocos. Dito nila mahigpit na itinago mula sa mga Ilokano ang kanilang mayayamang tradisyon. Dahil dito, nagkaroon sila ng sarili nilang dyalekto. Ang pagkasal nila sa ibang mga grupo at sa mga Tsino ang dahilan kung bakit hindi posibleng makapagsalita ng purong Ilokano. Mula dito, binuod ni Isabelo de los Reyes ang mga naninirahan sa Ilokong noong dumating ang mga Espanyol:1. Ang mga maituturing na mga purong Malay: maisasama dito ang mga Ilokano, halos lahat ng mga Tingians, mga mapayapang Igorotes, at ang mga alzados ng Abra.2. Ang mga mestizo ng mga may halong Malay at Tsino, at mga Igorotes at Tingianes ng timo-silangang parte ng Ilocos Sur.3. Mga mestizong may dugong Malay at Negrito na hindi lamang matatagpuang malapit sa pamayanan ng mga Negrito ngunit pati na rin sa mga kapatagan ng Ilocos Norte.4. Mga Negrito, tulad ng mga nasa Mariveles. (Foronda & Foronda, 1972, pp. 2-3)

PulitikalKontra sa iniulat ng mga Kastila noong una silang nakarating sa kapuluan ng Pilipinas, hindi barbaro ang mga katutubong Pilipino. Tinatawag nating barbaro ang mga taong hindi sibilisado, walang budhi, at hindi sumusunod sa kahit anong anyo ng sistema. Taliwas sa sinabi ni Miguel Lopez de Legazpi sa kanyang ulat para sa Espanya noong 1569 (Diaz, 2009, p. 44), mayroon nang sistemang pampulitikal at konsepto ng hustisya ang mga katutubong Pilpino.Buhat ng pagiging isang kapuluan ng ating bansa, hati-hati ang populasyon sa mga maliliit na barangay na pinaghaharian ng ibat ibang datu sa halip ng isang pangkalahatang pinuno(Diaz, 2009, p. 63). Hindi nagiging datu ang isang katutubo sa pamantayan ng kalakasan o katanyagan lamang; kailangang mapagkakatiwalaan at marunong makitungo sa kapwa ang isang mamamayan kung nais niyang mamuno (Diaz, 2009, p. 64). Ngunit kung ikukumpara ang kapangyarihan ng datu noong panahong prekolonyal sa sistemang pampulitikal natin ngayon, maaaring sabihin na para na ring diktador ang datu. Siya ang tanging gumagawa at nagpapatupad ng batas, humuhusga ng mga kriminal, at namumuno sa barangay sa panahon ng digmaan (Diaz, 2009, p. 63). Ngunit hindi palaging nag-aaway ang mga katutubong tribo; nagkakasundo rin ang mga ito upang tulungan ang isat isa sa larangan ng ekonomiya (Diaz, 2009, p. 64). Bilang pasasalamat at pagpapakita ng paggalang, nagbabayad ng buwis sa datu ang mga pinamumunuang tao (Diaz, 2009, p. 63).Ngunit kahit ganito ang kapangyarihan ng datu, mukhang hindi naman ito inaabuso sapagkat mapayapa at maayos naman ang mga barangay noong dumating ang mga Kastila (Philippines, 1984, p. 5). Totoong nagkaroon ng mga alipin ang mga katutubong Pilipino, ngunit may mga karapatan din ang mga ito, at hindi inaapi (Diaz, 2009, p. 70). Nagiging alipin ang isang katutubo kapag lumabag ito sa batas, nahuli ng kalabang tribo, o bilang pamana (Diaz, 2009, p. 70).

Dalawa ang uri ng alipin noon: ang namamahay at ang sagigilid (Diaz, 2009, p. 71). Tumutulong ang mga aliping namamahay sa pagsasaka at konstruksyon, ngunit nagtatrabaho lamang sila kapag kailangan (Diaz, 2009, p. 71). Kapag hindi sila nagtatrabaho, umuuwi sila sa kanilang mga sariling bahay at pamilya (Diaz, 2009, p. 71). Sa kalagayang ito, mas manggagawa ang mga namamahay kaysa sa tunay na alipin.

Sa kabilang banda, walang pag-aari ang mga aliping sagigilid, nakatira ang mga ito sa bahay ng kanilang datu, at hindi sila makapagpakasal kung hindi sumasang-ayon ang amo (Diaz, 2009, p. 71). Ngunit hindi tinuturing bilang bagay o pag-aari ang mga sagigilid (Diaz, 2009, p. 71). Maliban sa mga datu at mga alipin, mayroon ding mga malayang tao sa pagitan ng dalawang nabanggit na uri (Diaz, 2009, p. 70).

Mahalagang banggitin na hindi permanente ang mga uri na ito: maaaring makamit ng isang alipin ang kalayaan kung nabayaran niya ang kaniyang utang, at maaari ring maging alipin ang mga malaya o mga kapamilya ng datu kung may ginawa silang labag sa batas (Diaz, 2009, p. 71).

Ngunit huwag nating kalimutan ang papel ng mga babae sa lipunang prekolonyal. Napakahalaga ang mga babae sa isang barangay hindi lang dahil inaalagaan nito ang bahay at ang mga bata; importante rin ang mga babae sa pulitika, relihiyon, at negosyo (Diaz, 2009, p. 72). Nangangalakal ang mga katutubo sa mga tribong galing ibang bahagi ng Pilipinas, at minsan sa mga Hapones at mga Tsino (Philippines, 1984, p. 5).

Noong panahong ito, walang mas pinapahalagahan sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan: nagtrabaho rin ang mga lalaki para sa pamilya ng kanilang mga asawa (Diaz, 2009, p. 72), at hindi umaaasa ang babae sa kaniyang asawa para sa pera o pag-aari (Diaz, 2009, p. 73). Hindi nakabatay sa kasarian ang mga tungkulin ng isang tao o ang mga kayang gawin nito. Masasabing naging patriyarkal ang lipunan sa Pilipinas pagkatapos dumating ang mga Kastila (Diaz, 2009, p. 72).

Marami ang nag-uulat na malupit ang mga parusa ng mga katutubo sa mga lumalabag sa batas, ngunit batay ang lahat ng ito sa Kodigo ni Kalantiaw, isang dokumentong isinulat mga isandaang taon daw bago dumating ang mga Kastila (Diaz, 2009, p. 64). Ngunit hindi mapagkatiwalaan ang kodigong ito dahil walang patunay na isinulat ito ng isang totoong datu (Diaz, 2009, p. 69). Nagbayad lang ng buwis o naging alipin ang mga criminal (Diaz, 2009, p. 69); bihira ang pagpatay (Diaz, 2009, p. 70).

RelihiyonMaraming mga paniniwala ang mga prekolonyal na Pilipino lalo na at hati hati at marami ang mga etnikong tribo na naninirahan dito. Ngunit, kahit na ibat iba ang mga ito may mga karaniwang paniniwala na mahihinuha mula sa mga ito. Iilan na rito ang pagsamba sa isang pinakamataas na Diyos na tinaguriang lumikha sa mundo at pati na rin lahat ng mga nilalang dito. Maraming mga pangalan na ginamit upang kumilala rito tulad na rin ng Bathala, Diwata, at iba pa ngunit Apo Langit ang ginagamit ng mga Ilocano para rito. Naniniwala rin sila na hindi nakikita ang Diyos at hindi dapat laging sabihin ang pangalan nito upang maiwasan ang magbigay ng kawalang-galang dito. Siya rin ang tinataguriang hukom ng lahat ng nilalang sa lupa at tagapagligtas sa mga inapi (Ramos, 1973, pp. 59-60).

Naniniwala rin sila na abala ang Diyos na ito sa mga importanteng bagay kaya naman hindi siya nangangailam sa buhay ng mga simpleng tao. Dito marahil nanggaling ang mga mababang uri na mga sobrenatural na nilalang tulad ng mga diwata at anito. (Ramos, 1973, p.60) Ayon kay Kroeber, pinaniniwalaan ang mga anito bilang isang nilalang na may talino ng isang tao o hihigit pa ngunit walang pisikal na katawan. Binubuo ito ng mga espiritu na mabuti, mga masama at mga espiritu rin ng mga taong lumipas. (Foronda & Foronda, 1972, p. 3) Nagdarasal ang mga tao, lalo na ang mga babaylan sa mga mabuting diyos at espiritu upang magpalubag at protektahan sila mula sa mga nilalang galing sa ibaba na may masasamang balak (Ramos, 1973, p.60).

Kumpara sa mga pormal na relihiyon sa mundo, animistiko ang mga Filipino. Naniniwala sila na may espiritu ang lahat ng bagay sa kalikasan tulad na lamang ng mga katawang tubig at bundok. Kasama rin dito ang mga hindi nila matukoy na uri ng panahon at elemento tulad ng hangin, apoy at kulog. Para sa mga Ilocano, Apo ang binibigay na pangalan para sa mga puwersa ng kalikasan. Ang binibigay an pangalan ng mga Ilocano Binibigyan nila ng mga pag-aalay ang mga espiritu na ito upang makuha at humingi ng pabor (Ramos, 1973, p. 60). Isang halimbawa nito ang isinulat ng espanyol na tagasalaysay na si Padre Gonzaldes de Mendoza na nagbibigay sakripisyo ang mga taga Ilocos sa mga demonyo sa anyo ng ginto (Foronda & Foronda, 1972, p. 3). Marahil tinatagurian nilang demonyo ang mga anito at iba pang nilalang na sinasamba ng mga prekolonyal na katutubo.

May paniniwala rin ang mga sinaunang Pilipino sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Naniniwala sila na hindi namamatay ang kanilang mga kaluluwa at mapupunta sila sa langit kapag naging mabuti sila habang-buhay at impyerno naman kung hindi. Para sa mga Ilocano mayroon din tinaguriang kakayahan ang kaluluwa na umalis sa kanilang katawan at maglakbay. Dito nabuo ang isang rituwal na hinahampas nila ang kanilang dibdib gamit ang palad. Sinasabi nila ang salitang Intayon habang ginagawa ito upang bumalik ang kaluluwa nila matapos maglakbay sa gubat. Bukod pa rito, maaari din na manirahan ang kaluluwa nila sa mga bagay at ibang tao upang bantayan ang mga mahal nila sa buhay (Ramos, 1973, pp. 61-62). Dito naman nanggaling ang pag dasal ng mga katutubo sa mga anito ng lumaon nilang mahal sa buhay upang silay gabayan.

Maraming mga etnikong grupo ang nanirahan sa paligid ng Ilocos kaya naman marami silang mga paniniwalang panrelihiyon na naka palibot sa Animismo at pag samba sa kalikasan. Iilan na rito ang mga negrito na pinaka nauna ngunit nahimok ng mga Malay na binubuo ng tatlong grupo na ang Isneg, Tinguian at mga Ilocano. Bukod pa rito, naimpluwensiyahan din sila ng mga Ifugao kaya naman maraming mga paniniwala at istorya na kanilang kinupkop na rin. Mula rito nanggaling ang iilan sa mga paniniwala nila kung paano nabuo ang mundo. Dito rin natin malalaman ang kanilang pagintindi sa relasyon ng mga Diyos na kanilang pinaniniwalaan at nilang mga nagsasamba rito (Philippines, 1984, p. 4).

Iilan sa mga tinaguriang kuwento ang pagkabuo ng mundo ayon sa mga Tinguian. Sinasabi rito ang paglalaban ng dalawang elemento na ang langit at dagat noong panahon na wala pang lupa. Nanggaling dito ang kanilang kaugalian na gumanti sa mga insulto. Galing naman sa mga Ifugao ang kuwento ni Maknongan na kalubus-lubusan sa lahat ng mga Diyos. Siya naman daw ang gumawa ng lupa at lugar ng mga patay kung saan naninirahan ang mga lumipas na tao. Malaki ang hawig nito sa istorya na Adam and Eve ng relihiyon na Kristiyanismo. Makukuha rito ang tema ng matinding pagmamahal ng isang ina para sa kaniyang mga anak. Galing din sa mga Ifugao ang kuwento ng malakas na baha kung saan makikita ang tema ng espiritu sa kalikasan. May hawig muli ito sa Noah and his ark ng mga Kristiyano. Binibigyang-diin dito ang pagiging komyunal ng mga katutubo at kanilang pagpapakalinga sa kalikasan(Philippines, 1984, pp. 131-135).

Isang konkretong halimbawa ng pagsamba ng mga Ilokano sa mga anito ang rituwal na Manipdul. Importante ito sapagkat isa sa mga pangunahing hanapbuhay noong panahong ito ang pagsasaka ng palay. Tuwing panahon ng pag-aani ng tinanim na palay, ginagawa ang Manipdul ng mga magsasaka sa rehiyon ng Ilocos para sa espiritu ng mga palay upang maging masagana ang ani. Ginagawa ito ng lalaking miyembro ng pamilya isang araw bago ang pag-aani kung saan bawal siyang makipag-usap sa mga hindi kilalang tao o kaya magalit sa araw na ito upang hindi masira ang mga tinanim. Bukod pa rito, hindi rin siya puwedeng magdumi isang oras bago ang rituwal kung hindi, magiging malutong ang mga palay dahil sa galit ng espiritu (Philippines, 1984, p. 48).

Sa huling araw naman ng pag-aani ginagawa ang Agniniogan na nanggaling sa salitang niniogan. Nangangahulugang pag-alok ng pagkain ang literal na pagsalin nito. Nilalagay ang ibang tangkay ng palay sa isang sulok ng palayan upang isang pagpapahayag at pagkilala ng utang na loob sa lupa at kalikasan. Bukod pa rito, binibigyang pugay rin nito ang mga ibon at insekto sa kapiligiran upang hindi nila sirain ang mga palay sa susunod na panahon ng pagtanim (Philippines, 1984, p. 48). Pinapakita ng rituwal nito ang pagsamba nila sa kalikasan at ang komyunal na pamumuhay kung saan may naibabalik din na maganda sa mga hayop at kalikasan na nagbigay ng mga kayamanang inani sa lupa.

Makikita natin na isang pagpupunyagi ang buhay ng mga sinaunang Filipino laban sa mga puwersa na nagbibigay ng sakit at kahirapan. Sinisikap nila na labanan ang kasamaan at gumawa ng mabuti kaya naman ginagawa nila ang ibat ibang rituwal kahit sa mga simpleng pang araw-araw na gawain. Kasama na rito ang pagdarasal sa mga mabuting uri ng sobrenatural na maaaring makatulong sa kanila. Ito ang pangunahing dahilan ng malalim na pagka relihiyoso ng mga sinaunang katutubo tulad ng mga Ilocano.

EkonomiyaAng mga tanyag at masaganang mga bagay sa isang espesipikong lugar ang kalimitang kinakalakal ng taong naninirahan doon. Para sa Ilocos, masagana sag into ang mga kapatagan sa may baybayin bago dumating ang mga espanyol (Philippines, 1984, p. 4). Ngunit, lima ang naging susi sa kalakalan ng iloko na naimpluwensiyahan ng kanilang kapaligiran at kultura. Ang pagsasaka ng tobacco, pangingisda, paghahabi ng ng tela, paghahabi ng basket at pagsasaka ang mga pangunahing kinakalakal ng mga Iloko noong panahon bago ang mga Espanyol.Bahagi na ng buhay ng mga Iloko ang tobacco. Bago dumating ang mga dayuhan, marunong na magsaka ng tabacco ang tao sa Ilocos. Isa ito sa mga pangunahing ikinakalakal ng mga katutubo sa mga mangangalakas na dumating. Mayroong ibat ibang tipo ng tobacco na sinasaka ng mga katutubo. Ang antigo, pugot, pratik, morada at simmaba ang mga karaniwang sinasaka ng katutubong iloko (Philippines, 1984, p. 31). Para sa bahay o di kaya pangkalakal ang pangunahing gamit sa mga ito. Ang antigo ang isa sa mga may pinakamagandang lasa at amoy sa mga tipo ng tobacco (Philippines, 1984, p. 31).

Hindi kinailangan ng mga katutubong Iloko ang tulong ng mga dayuhan sa pagsaka ng tobacco. Nahahti sa pitong bahagi ang pagsaka ng mga katutubo sa tobacco: pagpili ng buto, paghanda sa akatan, paglipat, pag-alaga, pag-ani at curing (Philippines, 1984, p. 32). Ibat ibang ang paraan ng mga katutubo ng curing dahil depende sa gamit ng tobacco ang tipo ng curing na gagamitin. Pagkatapos dumaan ng tobacco sa pitong bahagi, binabalot at inaayos ng mga katutubo ang tobacco ayon sa laki at kulay. Nakita bilang isang malaking merkado ang tobacco pagdating ng mga espanyol.Kapag kinakapos sa pagkain ang mga taga-Ilocos, pangingisda ang kinukuhanan nila ng pagkain. Isa rin ito sa mga kinakalakal ng mga Iloko. Pangingisda ang pangunahing gawain ng mga Iloko sa panahon ng tagtuyot (Philippines, 1984, p. 34). May mga malalaking kagamitan din ang mga katutubong Iloko na panghuli ng mga isda. Daclis ti ipon, garamgam at caput ang pangunahing mga instrumento sa paghuli ng mga isda (Philippines, 1984, p. 34). Mayroong ding sariling sistema ng paghati sa kinita mula sa mga nahuli ang mga katutubo. Mapupunta sa may-ari ng daclis ti ipon ang karamihan ng kita. Habang ang susunod na babayaran ang mga taga-ayos ng instrumento at ang mga taga-hawak ng instrument. Subalit, mayroon din naman mga maliliit na instrumento na ginagamit sa panghuli ng isda: ang bobo, pingi, pamoboan o padait at ang pamalibtocan o hurayoc (Philippines, 1984, p. 35). Isa tao lang ang kailangan upang gamitin ang mga instrumentong ito.Nagsisimula sa kultura ng mga Iloko ang paghabi nila ng mga makukulay na tela at ang paghabi ng mga . Dinadayo pa ng mga mangangalakal ang Ilocos para lang makakuha ng mga magagandang tela. Ang mga babae ng Bontoc ang sinasabing isa sa mga pinakamagaling na tagahabi ng tela (Philippines, 1984, p. 40). Ginagamit ng mga katutubong Iloko ang mga telang hinabi sa kanilang mga Ritwal. Pinapasa naman sa mga sumusunod na henerasyon ng mga katutubong Iloko ang paghabi naman ng basket. Ang mga basket ng Ilocos ang isa sa mga pinakamatibay (Philippines, 1984, p. 41). Ginagamit ng mga Iloko ang basket dahil parte ito ng kanilang culture. Minamana ng mga anak na babae ang mga basket mula pa sa kanilang magulang (Philippines, 1984, p. 42). Para sa mga mangangalakal naman, ginagamit nila ang mga tela at basket upang mabenta ng mas mahalaga sa ibat ibang daungan sa mundo.Ang pagsasaka naman ang pangunahing gawaing pang-agrikultura ng mga Iloko. Maliit lang na bahagi ang pwede pagtamnan ng mga Iloko pero ito ang kanilang pangunahing pinagkukunan ng pagkain (Philippines, 1984, p. 45). Kailangan nila ang pagsasaka upang mapakain ang mga tao ng Ilocos. Dalawang uri ng pagsasaka ang nasa Ilocos: ang basang pagsasaka at tuyong pagsasaka. Matatagpuan ang basang pagsasaka sa mga mabababa at basang bahagi habang matatagpuan ang tuyong pagsasaka sa mga bahagi na depende sa panahon ng tag-ulan (Philippines, 1984, p. 45). Kinakalakal ng mga Iloko ang mga ani kapag sobra ito sa pagpapakain ng kanilang mga pamilya.

KulturaMaraming panahon na ang nakaraan, ngunit masasabing mayaman ang kultura ng mga Ilokano kahit noong panahon pa lang ng mga katutubo. Nakikita ito mula sa kanilang mga pamahiin, pagkain, pananamit, at iba pa. Makikita rin 0natin ito sa mga sumusunod na halimbawa.Mayaman ang paniniwala sa mga bagay na higit sa karaniwan ang kulturang Ilokano. Nanggaling ito sa mga paniniwala ng buong rehiyon na kumalat sa mga ibat ibang bayan sa Ilokos. Halimbawa, malas ang hindi pag-iwan ng pagkain para sa mga anito na tinatawag nilang atang. Inaalay din ang atang sa mga kamag-anak ng mga patay na iniiwan sa mga sulok ng bahay. (Anima, 1976, pp. 46-47) Ang pagtapon din ng mainit na tubig sa bintana ang isang gawain na nagpapaalis ng mga masamang espiritu. Pag hindi ito sinunod, magkakaroon ka ng malubhang sakit at maaaring mamatay. (Anima, 1976, p. 47) May isa pang pamanhiin na tinatawag ng batibat na kung hindi gawin, may mararandaman ka na pumapatong sa iyong dibdib at mamamatay ka dahil sa kalakihan ng masamang espirito na ito. Makakaligtas ka lang sa bigat ng batibat kung kakagatin mo ang iyong hinlalaki sa paa habang ginagalaw ito. (Anima, 1976, p. 50)Sa kabilang dako, magkaiba ang tingin sa mga babae at lalaki noong unang panahon ng Ilokos. Habang buhay na nagsasama ang mga lalaki at babae kung kasal na sila. Ngunit, may mga babaeng alipin ang mga lalaking mamayaman. Tinatawag ang mga babaing alipin na ito na Kamalala. (Foronda & Foronda, 1972, p. 6)Marunong din ang maraming kababaihan sa Ilokos na maghabi bilang bahagi ng kanilang kultura. Sa paghahabi ang pinanggagalingan ng kasuotan ng mga Ilokano. Ginagamit din nila ito paminsan upang gumawa ng mga magandang bagay. Ilang halimbawa nito ang mga kumot, tela, at mga ibat-ibang gamit sa bahay. Balita ang paghahabi ng mga taga-hilagang rehiyon upang maging maganda at matibay. Nanggagaling ang sinulid na hinahabi sa punongkahoy na tinatawag nilang bulag at lahi. Tapis ang tawag sa mga kasuotan ng mga babae. Pinapakita ito na ginagamitan ng isang sinturon na may palawit. (Philippines, 1984, pp. 39-40)Sa pagkain, mapamaraan at matipid ang mga Ilokano. Bawal magtapon ng mga tira. Kinakain nila ang lahat mula balat hanggang sa bituka ng mga hayop na kinakatay. Nanggagaling ang isa sa mga pambansang putahe dito sa Ilokos. Pinapaitan, ang tawag dito at nanggagaling sa balat at bituka ng kambing. May kahalagaan din sa panggamot ang ibang parte ng mga hayop tulad ng sa aso. Ginagamit ito para sa paggaling ng asthma at anemia. Pinaiinit din daw nito ang katawan lalo na kapag malamig ang panahon. (Anima, 1976, pp. 43-44)

Ang Unang MatsingAlinsunod sa pangunahing tungkulin ng isang alamat, tinatalakay ng Ang Unang Matsing ang pinagmulan ng mga unggoy. Kapuna-puna ang Ang Unang Matsing sapagkat daan-daang taon bago nabuo ang Sapantaha ng Pagbabago (Theory of Evolution) ni Charles Darwin, napansin na ng mga Unang Pilipino ang kaugnayan ng mga tao at matsing. Maaari lamang nila itong mapagtanto kung madalas ang kanilang interaksyon sa mga unggoy. Sa ganitong kaisipan, makikita natin kung gaano kalapit sa kalikasan ang alamat na ito. Isa pang patunay na isang malaking salik ng pamumuhay nila ang kalikasan ang pagtatanim at pagaani na nabanggit sa alamat.Matapos kong itanim ang mga buto, sabi ni Juan, mabibigyan ba nila ako ng magandang kapote?Hindi kaagad, Juan, sabi ng ina. Tutubo muna ang mga butong ito upang maging mga halaman.Kapag tumubo na ang mga ito at naging mga halaman, makukuha ko na ba ang kapote ko? tanong in Juan.Hindi. Kailangan pa nilang bumulaklak, sagot ng ina.Kapag namulaklak na ang mga halaman, tanong ni Juan, magkakaroon na ba ako ng kapote?Kailangan munang magkaroon ng supot ang mga buto, sagot ng ina.Kailangan ring bigyan ng pansin na ang mga kasangkapan na ginamit sa Ang Unang Matsing ay mula sa kalikasan. Sa panahong naisulat itong alamat, marunong nang maghabi ang mga katutubo gamit ang mga bulak mula sa mga halaman sa kapaligiran nila. Binigyan ng tuon ang proseso ng paghahabi sa akdang ito dahil itoy isa sa mga pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang Ilokano. Mapapansin na inisa-isa ang bawat hakbang ng paghahabi. Ito marahil ay para sa pagbibigay-diin sa kasipagang pinapahalagahan ng mga katutubo. Ito malamang ang dahilan kung bakit napakalala ng parusa sa batang ayaw magtanim para sa kanyang kapote. Hindi pinahihintulutan ng mga magulang noon ang katamaran sa kanilang mga anak. Isa pang dahilan kung bakit tila paisa-isa ang proseso ay para panatilihin ang akda, pati na rin ang mismong pamamaraan ng paghahabi. Kailangang tandaan na salin-bibig lamang ang paglipat-lipat ng kaalaman noon kaya dapat malinaw at madaling tandaan ang mga instruksyon para sa mga tagapakinig.Sa mga sinaunang Ilokano, pantay-pantay ang pagtatalaga ng mga tungkulin. Hindi ito katulad ng nakasanayang kaisipan kung saan ang mga lalaki ang kailangang gumawa ng mas mabibigat na trabaho. Hindi rin ito patriyarkal sapagkat mahahalaga ang mga gawain ng lahat ng mamamayan, babae man o lalaki. Sa Ang Unang Matsing, mapapansin na dominante ang ina sa anak. Sa ibang mga alamat, madalas na ang ama ang tumatayong imahen ng kapangyarihan. Bilang tumatayong pinuno sa anak, hinihingi ng ina ang kooperasyon ni Juan, isang bagay na hindi naibigay. Maliban sa pagiwas sa paggiging tamad, isinusulong din ng akda ang kahalagahan ng pagsunod sa nakatataas. Hindi lang nito sinasabi na karapat-dapat ito ngunit ipinapahayag din ang bigat ng parusang maaaring matamasa ng magsuway dito.Isang malaking aspeto ng Ang Unang Matsing ang pagkakaroon ng subrenatural na elemento. Animismo ang relihiyon ng mga Ilokano sa panahong nabuo ang akdang ito. Maaaring naniwala sila sa isang makapangyarihang bathala o anito. Ngunit ang mga bathalat anitong mga ito ang tanging may kapangyarihang makabuo o makagawa ng nilalalang. Makikita na ang mga salita ng ina ang naghudyat sa pagbagong-anyo ni Juan mula tao hanggang sa isang matsing. Wala naming nabanggit na kapangyarihan ang ina ngunit nagtaglay siya ng kakayahang baguhin ang pagkanilalang ng kanyang anak. Dito pumapasok ang pinaniniwalaang mga sumpa ng mga Ilokano. Naniniwala sila na ang salita ay may kakayahang magpataw ng parusa sa sinumang makagawa ng kamalian. Ang pagkatakot sa mga sumpa ang isa sa mga nagsilbing paraan upang makaiwas sa paggawa ng kasalanan, isang aral na ipinahayag ng Ang Unang Matsing.

Ang Batang Lalaki at Ang SirenaTungkol ang kuwento ng Ang Batang Lalaki at Ang Sirena, sa isang batang lalaki na inakit ng isang mahiwagang sirena at sinubukang ikulong sa isang mahiwagang kaharian sa ilalim ng dagat. Ngunit nagawa ng batang lalaki na tumakas at makabalik sa lupa dahil sa matinding pagmamahal niya sa kaniyang mga magulang. Makikita natin sa kuwentong ito ang iilang mimetikong aspeto ng ekonomiya, pulitka at relihiyon sa rehiyon ng Ilocos noong panahon ng mga katutubo. May mga iilan din na pragmatikong gamit ang kuwentong ito sa kanilang mga pang araw-araw na buhay.Mapapansin natin na naganap ang tagpuan ng kuwento sa ilog at sa ilalim ng dagat. Marahil dahil ito sa importante ang mga anyong tubig para sa mga Ilocano. Maraming mga anyong tubig sa kanilang rehiyon na makikita at nasa baybay-dagat ang malaking bahagi ng kanilang mga lupain. Pangingisda rin ang isa sa kanilang mga pangunahing hanap buhay kaya naman marami na silang alam tungkol sa dagat. Dala ito ng mga paglalarawan sa mga corals, at perlas na maaaring kanilang sinisisid din.

Marami din pagtukoy ng mga uri ng ng mahahalagang bato tulad ng mga ruby, emerald, dyamante, ginto at pilak. Dahil ito sa mayaman din ang Ilocos sa mga yamang mineral at isang hanap buhay rin nila ang pagmimina. Tinanong din ng sirena kung anong mga gulay ang kinakain ng batang lalaki kaya masasabi natin na isa rin sa mga pangunahing hanapbuhay nila ang pagtatanim nito. Maaaring nanggaling din ang konsepto ng isang sirena sapagkat malalim ang paniniwala ng mga Ilocano sa mga sobrenatural na bagay. Madalas pagkamalan ang mga sea lion na dumadayo sa Pilipinas bilang sirena sapagkat hindi ito karaniwang nakikita rito. Napakalaki rin ng dagat kaya hindi nila talaga alam kung ano ang mayroon sa pinaka ilalim nito. Puwede rin na itunuturing nila ang mga sirena bilang mga masamang nilalang na kumukuha sa mga mangingisda na aaksidente mula sa pangingisda at hindi na muling nakakabalik.Ang paggawa ng ideya at imahinasyon ng isang sirena ang isa sa mga paraan nila upang ipaliwanag ang isang nilalang na hindi nila maintindihan at mga pangyayari at bagay na hindi nila talaga maunawaan.

Makikita natin na ginagamit ang kuwentong ito upang magpahiwatig ng mga bagay at tema na binibigyang halaga ng mga Ilocano. Isang tema na makikita natin sa kuwentong ito ang pagmamahal ng mga Ilocano para sa kanilang magulang at pamilya. Mas binibigyan nila ng halaga ang ito kumpara sa mga kayamanan. Makikita ito sa dedikasyon ng bata na makauwi sa kaniyang totoong bahay kahit na kanin, asin at kamatis lamang ang kanilang kinakain dito kumpara sa mga maringal na handaan na ginagawa sa palasyo ng sirena.Ang isa pang marahil nakaaliw na binibigyang halaga sa kuwento ang maayos na pangangalaga sa katawan at kalinisan. Naisip ng batang lalaki na hindi pa siya naliligo mula nang dumating siya sa palasyo ng sirena kaya naman ginamit niyang pang ligo ang gintong tubig. Nakatakas siya sa palasyo dahil sa gawaing ito at binibigay ang mensahe na maaaring mailigtas ng maayos na kalinisan ang iyong buhay.

Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Ilocano hindi lamang sa sariling pamilya kundi pati na rin sa buong komunidad. Nagkaroon ng malaking handaan at piyesta upang ipagdiriwang ang pagbalik ng nawawalang bata. Ipinapakita rito na isa sa mga katangiang Ilocano ang pagiging maaalahanin.Paulit-ulit na sinasabi ang kuwentong ito sa oral na tradisyon at pinapasa sa mga nakababata upang kanilang isabuhay rin. Sa katapusan ng kuwento, sinasabi rin na ang mga nakakatanda raw ang nagsasabi sa mga bata na huwag lumangoy sa ilog kung ayaw nilang kunin sila ng sirena. Pinapakita nito na may autoridad ang mga nakakatanda dahil sinusunod nga raw ang utos nila ng mga batang lalaki at babae at hindi sila lumalapit sa ilog. Itinuturing sila na mas marami ang kaalaman at nirerespeto dahil sa mas marami na ang kanilang pinagdaanan.

Ang TianakMaraming bersyon ng tianak na alamat na makikita sa mga bahagi ng Pilipinas. Sa ibang rehiyon, malaswa at nakakatakot ang paglalarawan sa isang tianak na kumakain pa nga raw ng mga nawawalang bata sa gubat. Ngunit sa Ilocos, mas magaan ang pagtingin nila sa mga ito. Dwende lamang ang tingin ng mga Ilokano sa mga tianak at hindi espiritu ng mga batang namatay. Subalit nakakatakot ang itsura at may kakayahan pumatay ng tao, ginagambala lamang sila ng mga nilalang na ito. Karpintero ang bida sa ating istorya. Narinig niya ang iyak ng isang sanggot sa gubat at kaniyang hinanap at pinulot ito. Binalot niya sa kanyang damit ang sanggol dahil sa napakalamig na klima sa Ilocos lalo na kapag gabi. Masasabi na maaalagain ang mga Ilokano para sa mga bata kahit na hindi sa kanila ito. Pagkalaon ng ilang oras, meron siyang nararamdaman na mga kalmot na nanggaling pala sa mga mahabang kuko na tinutusok ang kaniyang dibdib. Pagtingin niya, nakita niya na hindi pala sanggol ang karga kundi isang maliit na matanda na may matutulis na ngipin.Karpintero ang bida at pagpapatunay ito na mayroon nang mga struktura at iniaatas na propesyon at hanapbuhay ang mga tao. Sa panahon din ng mga katutubo, nagumpisa na ang pagusbong ng mga barangay tulad na lamang sa Ilokos. Kinukuha nila ang mga materyales at kagamitan sa paggawa ng mga bahay sa kagubatan kung saan pumunta ang karpintero sa kuwento.Sa panahon ng katutubo mahalagang bagay ang pagaalaga hindi lamang sa sariling pamilya, kundi sa mga nangangailang lalo na sa kabataan. Sa ibang alamat (Ang Unang Matsing, Ang Batang Lalaki at Ang Sirena), nakikita ang pag-alaga at pagmamahal ng mga magulang sa mga anak, maski na noong sinaunang panahon pa ito. Halimbawa, sa alamat ng Tianak, isang nakakita ng abandonadong bata ang karpintero at sinubukan niya alagaan ito at binalot pa sa kanyang sariling damit. Nagpapakita siya ng pagmamahal na nanggagaling lamang sa mga tunay na magulang. Naka-ukit na sa kultura ng mga Ilokano ang pagmamahal sa pamilya at pagtulong sa ibang nangangailangan.

Mas kawili-wili ang kuewentong ito sapagkat hindi babae ang bida na nagligtas ng sanggol. Kadalasan, may kaugnayan ang konsepto ng babae at nanay sa pag-aalaga at pagaaruga ng mga sanggol. Lalaki ang bida sa alamat at siya ang nagpakita ng mamahal sa bata. Nagpapatunay ito na pareho na importante ang lang ang gawain sa pamilya ng mga lalaki at babae na maging maaalagain noong panahon ng mga katutubo sa Ilocos.Nailabas din ng alamt ang pamahiin ng mga Ilokano sa mga sobrenatural na nilalang at mga pangyayari. Dahil sa relihiyoso nilang pamumuhay naniniwala sila sa mga nilalang tulad ng duwende o tianak. Kahit na nainiwala sa mga masamang sobreanatural na nilalang ang mga Ilokano, pinapakita rin ang konsepto ng diyos na kataas-taasan sa pag-sabi ng karpintero ng God, help me! Pwede itong isang katutubong diyos na parang si Bathala na tinatawag nila upang protektahan sila mula sa mga masasamang espiritu at nilalang. Kahit may paniniwala siya sa dwende, mas malakas pa rin ang paniniwala niya kanyang diyos.

May kahulugan din na makikita mula sa mga daliri ng dwende. Maaaring malaswa ka kung mahaba ang iyong mga kuko. Pinahahalagahan ng mga Ilokano ang kanilang kalinisan at kalusugan. Inuugnay nila ang karumihan sa mga pangit na nilalang tulad ng tianak. Hindi lamang ito ang aral na mapupulot sa kuwentong ito at sinasabi rin na huwag dapat pumunta sa gubat ng mag-isa lalo na sa gabi. Ginagamit ito marahil lalo na sa mga kabataan na upang hindi sila mapunta sa trahedya.

Ang Lawa ng PaoayIsang halimbawa ang istoryang Ang Lawa ng Paoay ng isang katutubong kuwento na sumisikap na magbigay ng paliwanag sa mga nakikita ng mga katutubo sa kapaligiran. Tungkol ito sa isang barangay na dating matatagpuan sa gitna ng lawa. Kilala ang mga tao sa barangay na ito bilang mga mababait at maalagain na tao. Isang simbahan na itinatag ng mga katutubo ang matatagpuan sa barangay upang mas manalig ang mga katutubo sa panginoon. Nagbago ang lahat noong naging isang matagumpay na barangay ito. Nabalot ng ginto ang mga damit at mga kagamitan ng hari at reyna ng barangay. Nang makita ito ng mga tao ng barangay, tinularan nila ang kanilang hari at reyna. Nagsimula silang manamit ng ginto at iba pang mga matitingkad na bagay. Habang abala ang buong katauhan ng barangay sa pananamit ng mga magagandang kagamitan, mayroong isang mag-asawa na nanatiling payak ang pamumuhay. Nagkaroon sila ng isang panaginip tungkol sa isang masamang pangyayari kung hindi magbago ang mga tao sa barangay. Sinubukan ng mag-asawa na suwayin ang kanilang mga kabarangay ngunit hindi sila nakinig. Tumakas ang mag-asawa dahil sa babala ng isang batang lalaki na nakitulog sila. Habang paalis na yung mag-asawa patuloy ang paglakas ng bagyo. Sa huli, naging dalawang bato ang mag-asawa at naging isda ang mga tao ng barangay na lumubog sa tubig.

Natatangi sa kuwento ang alitan ng mga katutubo na nagmula sa inggit tungo sa kayamanan ng kanilang kabarangay. Dalawang aspetong katutubo ang pinapakita ng Paoway lake, ang pagiging komunal at monarkiya. Noong unang panahon, isang aspeto ng mga katutubo ang pagiging komunal o ang pagiging magkalapit ng mga tao sa barangay. Sa kuwento ng Ang Lawa ng Paoay, hindi sinunod ng mga nasa barangay ang pagiging komunal. Naging makasarili ang mga katutubo dahil sa paghangad nila na maging mayaman at magkaroon ng mga magagandang kagamitan sa barangay. Katulad ng mga ibang kuwento na mayroong moral, hindi maganda ang pagiging pagmamataas ng tao dahil possible itong maging dahilan ng pagkabagsak. Naging abala ang mga tao sa Paoay lake sa kanilang pagmamataas kaya naramdaman nila ang bagkis ng Diyos. Ang pangalawang aspeto ang pagiging isang monarkiya. Ang pagkakaroon ng hari at reyna ang sumasalim sa pagiging monarkiya ng mga katutubo. Nagsusuot sila nga mga palamuti at naghahari sa ibat ibang barangay.

Mahihinuha sa kuwento ang pagpapahalaga ng mga katutubo sa kapaligiran. Napapakita ng pagturing sa mga katutubo bilang mga isda at ang kahalagahan ng ginto sa kuwento ang estadong ekonomikal ng mga katutubo sa ilocos. Pagmimina at pangingisda ang isa sa mga aspetong ekonomikal ng mga Iloko. Nagkakaroon sila ng mga alahas, ginto at iba pang palamuti para sa katawan mula sa pagmimina. Makikita rin sa kuwento ang uri ng transportasyon na gingamit ng katutubo noong sinaunang panahon. Binanggit sa kuwento ang pagkakaroon ng karwahe sa barangay at bangka para sa pangingisda. Sinasalim rin ng kuwento ang uri ng panahon na mayroon noong sinaunang panahon. Mahihinuha sa kuwento na madalas bumagyo sa kanila, lalong lalo na sa baybaying dagat kung saan naganap ang kuwento. Sa mga masasamang kalamidad na nangyayari sa Pilipinas, inuugnay nila ang mga ito sa galit ng panginoon sa mga masasamang ginagawa ng mga tao sa mundo. Mas pinahalagahan ng mga tao sa barangay ang pagkakaroon ng mga gintong palamuti na naghudyat ng kanilang pagkainggit sa isat isa. Sinasalim din nito ang mga ritwal ng mga Iloko sa mga panahon ng pag-aani tulad ng manipdul at agniniogan dahil hangad ng mga ritwal na ito ang mapasaya ang Diyos. Sa kuwento, hindi napasaya ng mga katutubo ang Diyo kaya pinarusahan sila.

Makikita din sa kuwento ang pagsikap ng mga katutubo na magbigay ng paliwanag sa mga nakikita nila sa paligid. Sinikap nilang bigyan ng paliwanag ang pagkakaroon ng dalawang bato at puno sa pamamagitan ng pagturing dito bilang mga taong na naging bato. Ang paggawa ng mga katutubo ng simabahan sa gitna ng barangay ang nagbibigay pahiwatig na mayroon silang Diyos na pinaniniwalaan.

Mahilig ang mga katutubo sa paggamit ng mga sobre natural na mga pangyayari. Sa kuwento, banigyan nila ng pansin ang mga isda na nagmamakaawa tuwing nahuhuli sila nga mga mangingisda. Tinuring sila bilang mga taong kabilang sa barangay na lumubog. Isa din halimbawa ang paggawa ng kanal. Sinubukan nilang gumawa ng isang kanal para iugnay ang lawa sa dagat ngunit laging itong gumuguho. Parang hindi sang-ayon ang panginoon ang paggawa ng kanal para mag-ugnay ang dalawang anyong tubig. At ang pagbago ng anyo ng mag-asawa habang tumatakas sila sa bagyo ang huling halimbawa ng sobre natural na pangyayari sa kuwento. Sa kaniyang kabutihang loob, lumingon ang babae tungo sa barangay. Nagmakaawa siya sa Diyos na maging maawa tungo sa mga tao na binagyo. At pagkatapos nito nagbago ng anyo ang mag-asawa at naging dalawang malaking bato sa taas ng bundok.

Ang Lalaking Nagnakaw Ng ApoyKakaiba ang Ilokanong alamat ng apoy dahil hindi nito binabanggit ang mismong pinanggalingan ng apoy; narito lamang ito sa kuwento bilang isang banal na bagay. Ganito ang tingin ng mga katutubong Pilipino sa apoy siguro dahil mahirap talaga ilarawan kung ano ito: hindi ito mahahawakan kahit nakapapaso, hindi ito likido ngunit maaari itong kumalat, wala itong tiyak na hugis ngunit maliwanag ito sa paningin. Para sa mga katutubong wala pang masyadong alam sa agham, ang kanilang paniniwala sa mga sobrenatural lamang ang makasasagot nang makatuwiran.Maliban dahil sa nakaaaliw na hitsura ng apoy, pinapahalagahan ito ng mga katutubo dahil sa kainitan nito. Kapag sumasapit ang malamig na gabi, walang mas epektibo sa pagbibigay ng kaginhawahan at proteksyon kaysa sa apoy. Ngunit dahil kinatatakutan ito ng mga mababangis na hayop, alam din ng mga katutubo ang mga panganib sa paggamit ng apoy. Mahalaga ang apoy upang mabuhay dahil maaari itong gamitin sa pagluluto at sa pangangaso, ngunit maaari rin itong gamitin bilang panakot at sandata laban sa isat isa. At dahil agrikultural ang pamumuhay ng mga katutubo, delikado talaga ang pagkaroon ng apoy sa barangay; may posibilidad na baka masunog ang kanilang mga bahay at ani. Naging banal ang apoy sa paningin ng mga Pilipino noon dahil may kapangyarihan ito sa buhay at sa kamatayan.Ngunit hindi lang apoy ang sobrenatural sa alamat na ito. Unang-una, hindi mapapabayaan ang pagkakaroon sa kuwento ng mga higante, mga napakalaking taong nagbabantay sa banal na apoy. Katulad ng binabantayan nila, wala ring paliwanag kung saan nanggaling ang mga higante at kung bakit wala nang mga higante ngayon. At hindi lang iyan nawawala na lang bigla sa alamat ang mga higante pagkatapos umabot ang apoy sa barangay ni Lam-ang. Dahil dito, hindi tauhan ang mga higante kundi bahagi ng alamat na nandito lamang para tumuloy ang kuwento (plot device). Kung nagkaroon ng motibo o personalidad ang mga ito, baka puwede pang sabihin na karakter sila. Ngunit dahil isa lang ang tungkulin at silbi ng mga higante rito, makikita na mayroon talagang tiyak na kahulugan ang lahat ng mga elemento sa isang alamat. Sa konteksto ng kuwentong ito, maaaring mga higante ang naging representasyon para sa takot o pag-aatubili ng mga katutubo pagdating sa mga bagay na hindi pa nila maintindihan. Pinigil sila ng kanilang takot, ngunit pagkatapos nilang matuklasan ang mga mabubuting gamit ng apoy, bigla na lang nawala ang mga higante. Ngunit personal na pagsusuri lamang ito. Marami pang maaaring sagot.Maliban sa mga higante, sobrenatural din ang mga nagsasalitang hayop, at si Lam-ang mismo, na nakasasalita sa leon, kabayo, aso, pusa, at palaka. Bukod pa rito, nakahahawak silang lahat ng apoy ngunit tila hindi sila nasusunog o napapaso. Halos magkasimbilis pa sila sa mga higante na dapat mas mabilis tumakbo kaysa sa karaniwang tao o hayop.

Kilala na si Lam-ang sa panitikan bilang isang bayaning may kakaibang mga abilidad at kapangyarihan. Kung representasyon ng takot ang mga higante, maaari namang simbolo ng katapangan si Lam-ang. Siya ang lumalakbay patungo sa mga mapapanganib at mahihiwagang lugar upang matuto at makatuklas ng mga bago.

Maliban din sa pagkakaroon ng maraming simbolo ang mga alamat, makikita rin dito ang paulit-ulit na aspeto ng kuwento. Malaking bahagi ng alamat na ito ang proseso ng pagnakaw ng apoy. Sa halip na sabihin at ninakaw nila ang apoy, inilarawan talaga ang bawat hayop na tumulong sa pagnakaw. Importante rin dito ang pagkakaayos ng mga hayop mula pinakamalaki hanggang pinakamaliit. Nakasalamin din ang oral na tradisyon ng mga katutubo sa paulit-ulit na aspeto ng kuwento. Dahil hindi sinusulat ang mga alamat noon, salimbibig ang paraan ng pagkuwento nila kailangang paulit-ulit ang mga sinasabi para dumikit sa isipan. Nakaaaliw isipin na baka burador ng isang epiko ang Ang Lalaking Nagnakaw Ng Apoy.Mayroon ding pagkapragmatiko ang alamat lalung-lalo na pagdating sa paggalang sa kalikasan. Importanteng pansinin na hindi gagana ang plano ni Lam-ang kung wala siyang tulong mula sa mga hayop. Mapapagod lang siya sa kakatakbo, at huhuliin siya ng mga higante. Ngunit nais ipakita ng alamat na hindi mabubuhay ang mga tao kung hindi inaalagaan at ginagalang ang kalikasan. Kahit siguradong kakainin ng leon ang tao sa totoong buhay, ipinapahayag lamang ng alamat na nilikha tayong lahat ng Diyos, at hindi kami nahihigit sa iba Niyang mga likha.Mahalaga rin ang isa sa mga huling detalye sa alamat: pagdating nina Lam-ang sa barangay, inihandog nila ang apoy para sa lahat. Sa kadakilaan ni Lam-ang, kaya niyang itago ang apoy at ang kapangyarihan para sa sarili. Kaya niyang tumakas palayo at gamitin ang apoy para sa mabuti o masama. Ngunit pinapahalagahan ng alamat ang pagiging miyembro ng lipunan; tagumpay ng lahat ang tagumpay ng isa, para sa lahat ang mga biyayang nakuha ng isa.Pagkatapos ng lahat ng pagsusuri sa Ang Lalaking Nagnakaw Ng Apoy, kailangan pa ring alalahanin na bersion ito ng kuwento ni Prometheus na nagmula sa mga Griyego. Ngunit paano nalaman ng mga Ilokano ang alamat ng mga taga-Europa? Paano nila alam kung ano ang leon at kabayo kung wala namang ganitong mga hayop sa katutubong Pilipinas? Pangangalakal ang sagot. Hindi dapat kalimutan na hindi lamang pang-ekonomiko ang pangangalakal; may kultural na aspeto rin ito. Kapag nangangalakal ang mga Pilipino sa mga banyaga, may nabibili ring silang kultura sa bawat transaksiyon. Maaaring narinig ng mga katutubong Pilipino ang alamat ni Prometheus mula sa mga Griyegong mangangalakal. Baka may nakitang leon o kabayo ang mga katutubo sa barko ng isang dayuhan. Kahit anong nangyari, mahalagang alalahanin na kapag may nakukuha tayong bagong bagay mula sa mga taga-ibang lugar, nagbibigay rin tayo ng kaunting bahagi ng sarili natin kultura. Sa pangangalakal, kailangang maging bukas sa isat isa dahil dito naghahalo ang lahat ng kultura ng mundo; walang diskriminasyon.Huling-huli, kapansin-pansin na may kahalong alamat ng palaka sa huling linya ng Ang Lalaking Nagnakaw Ng Apoy. Naging alamat ng maliit na hayop ang alamat na nagsimula bilang kuwento ng isang matapang na bayani. Konektado ang lahat ng bagay sa buhay, mula pinakadakila hanggang pinakamapagpakumbaba. Paikot-ikot lamang ito, at hindi kailanman magtatapos.

PaglalagomTunay na mayaman na ang kulturang Ilokano noong panahon pa lamang ng mga katutubo. Makikita natin na sinasalamin ng mga akda ang pangaraw-araw na pamumuhay ng mga Ilokano. Laganap sa mga teksto ang paglalatha ng mga gawain na pinagkakaabalahan ng mga katutubo at ang mga paniniwala sa likod ng mga ito. Dala ng kanilang pagiging palaasa sa kalikasan at kapwa tao, pagiging relihiyoso at pagiging malikhain ang mga alamat na ito.Inihahayag sa mga alamat ang heograpiya ng Ilokos at kung paano ito nakakaapekto sa pamumuhay ng mga naninirahan dito. Mula sa klima ng kanilang kinalalagyan at mga natural na yaman ng kapaligiran, nahubog ang kanilang ekonomiya. Dahil sa ang mga Ilokanoy nanirahan sa tabing dagat, masasabing kadalasan na malamig ang klima rito. Naisingit ang kalamigan ng probinsya sa mga tkstong nabasa tulad ng sa Ang Tiyanak kung saan kailangang itago ng lalaki ang sanggol sa ilalim ng kaniyang damit upang hindi ito mahamugan. Sa Ang Lalaking Nangnakaw ng Apoy, inihayag kung gaano kahalaga ang apoy para sa mga Ilokano hindi laman para sa pagluto ng kanilang pagkain ngunit para na rin sa pagpapanatili ng kainitan.

Umiikot sa kanilang mga mapagkukunan ang kanilang hanap-buhay. Mapapansin na laganap ang mga yamang-tubig sa mga akdang kanilang nilikha sapagkat ang dagat ang kanilang pangunahin pinagkukunan ng pangangailangan sa paraan ng pangingisda. Nakatuon ang Ang Batang Lalaki at Ang Sirena at Ang Lawa ng Paoay sa mga anyong tubig na nangangahulugang puspusan ang interaksyon ng mga mamamayang Ilokano sa katubigan.Isa pang larangan ng hanap-buhay na tinangkilik ng mga Ilokano ang paghahabi. Dahil sa mayamanang kanilang mga kagubatan, madali nilang nahanapan ng gamit ang ibat ibang mga punot bunga. Sa panahon na naisulat ang mga akda, may kakayahan nang gumawa ng pananamit ang mga Ilokano gamit ang bulak. Pinapakita sa kuwentong Ang Unang Matsing na bihasa na ang mga Ilokano sa proseso ng paghabi. Alam na alam na nila mula pagtanim pa lamang ng halaman hanggang sa mismong paghahabi. Dahil isang pangunahing pangangailangan ang pananamit lalo nat malamig ang klima ng kanilang kinalalagyan, naging parte na ito ng kanilang pangunahing gawain sa pangaraw-araw.Kahit na hindi direktang inihayag na may uri na ng kalakalan sa Ilokos noong unang panahon, maaaring makita sa mga teksto na laganap na rin ito. Isang katibayan ang pagkilala nila sa kalakihan ng halaga ng mga yamang mineral. Ginamit nila ang mga gintot pilak bilang simbolo ng karangyaan at kataasan ng antas sa lipunan. Pinakita ito sa kuwento ng Paoay Lake kung saan pinapakita ng mga tao ang kanilang mga alahas at nagpapataasan ng antas sa lipunan. Andoon din ang pagkakaalam na ito sa Ang Batang Lalaki at ang Sirena kung saan pinapahanga ang batang lalaki sa kayaman na nasa palasyo ng sirena sa ilalim ng dagat.

Mapapatunayan din na nakipagkalakalan na ang mga Ilokano sa mga dayuhan. Masasalamin ito sa pagbanggit ng mga banyagang hayop sa Ang Lalaking Nagnakaw ng Apoy. Ilan sa mga nailathalang hayop ang kabayo at leon na hindi likas na naninirahan sa Pilipinas. Dagdag pa rito, may pagkakatulad sa mga kwentong pangkanluran ang ilan sa mga akda. Mapapansin na pang-relihiyon na tema ang iniikutan ng pagkakatulad ng mga akda tulad ng Lawa ng Paoway na tila may impluwensya sa kwento ni Noah sa bibliya ng mga Kristiyano. Para naman sa alamat na Ang Lalaking Nagnakaw ng Apoy, maihahalintulad ito sa Griyegong katha ni Promiteyus. Dahil tumatalakay ang mga akdang ito sa pinagmulan ng mga bagay-bagay, hindi maiiwasang pang-relihiyon na katha ang kanilang pagkunan ng inspirasyon.

Napatanuyan ang pagtigil ng mga Ilokano sa pagiging nomadiko at ang pagpapanatili nila sa iisang lugar. Mayroon na silang mga konsepto ng barangay at komunidad na binubuo ng mga istrukturang permanenteng tinirahan. Nabanggit nang panandalian ang paggawa ng mga nasabing tahanan sa alamat na Ang Tiyanak. Ipinakilala ang pangunahing tauhan bilang isang karpintero na nagtrabaho buong araw bago marinig ang umiiyak na bata. Inihahayag nito na may mga taong naatasan na noon na bumuo ng matibay na tirahan. Mayroon na silang pamamaraan at sapat na teknolohiyat kaalaman upang makagawa ng permanenteng bahay.Dahil sa kaisipan ng pangmatagalan na paninirahan sa isang lugar, nabuo na ang kaisipan ng barangay. Laganap ang kaisipang komyunal sa mga mamamayan dahil sa pagpapahalaga nila sa kalikasan at sa kapwa. Naipakita ang ganitong pakikipagkapwa-tao sa akdang Ang Lalaking Nagnakaw ng Apoy sapagkat dali-dali niyang ibinahagi ang apoy na kinakailangan ng kanyang mga kababayan. Para naman sa Ang Batang Lalaki at Ang Sirena, ipinamalas ang pagkakaisa ng buong pamayanan sa pagsasaya sa pagbalik ng nawalang bata. Ipinapakita rin na pinaparusaha ang mga taong hindi sumunod sa pakikipag-isa at nagkaroon ng makasariling kaugalian sa alamat ng Lawa ng Paoay. Maliban sa pagiging isang komunidad, kinakailangan din ng mga Ilokano na mapabilang sa isang pamilya. Sa ng Batang Lalaki at Ang Sirena, ang nais lamang ng sirena ay magkaroon ng makakasama. Hindi ideyal para sa mga Ilokano ang manirahan mag-isa sapagkat alam nila na nagdudulot ito ng kalungkutan. Ganito rin ang kaisipan kung bakit hindi nagalinlangan ang karpintero sa Ang Tiyanak na pulutin ang nag-iisang sanggol.

Mula sa mga akda, tila pantay-pantay ang pakikitungo sa bawat mamamayan at walang lamangan pagdating sa trabaho. Walang nabanggit na mga naaapi dahil sa kapuwa. Wala rin nabanggit na nakalalamang sa mga nasa komunidad. Isang halimbawa nito ang pagkakaparehas ng trato sa pagitan ng dalawang kasarian. Sa Ang Unang Matsing, makikita na mayroong mahalagang gawain na iniaatas sa ina. Kadalasan sa kalalakihan itinatalaga angng ganitong paghahanap-buhay. Masasabi rin na para sa Ang Tiyanak, nagtataglay ng likas na pagaalaga sa bata ang mga kalalakihan. Para sa mga Ilokano, hindi kaso ang pagkakaisa ng mga papel na ginagampanan ng babaet lalaki.

Pinahahalagahan nila ang autoridad ng mga nakakatanda sapagkat pinaniniwalaan nila na ang mga matatanda ang nagtataglay ng kaalaman. Sa Ang Batang Lalaki at Ang Sirena, sinabi na ang mga matatanda ang paulit-ulit na naglalahad ng akda bilang panakot sa mga bata laban sa paglangoy sa karagatan. Sinusunod daw ng mga kabataan ang mga mas nakakatanda bilang pagpapakita ng respeto. Ating makikita na nasa kultura na ng mga ilokano ang paggalang hindi lamang sa mga magulang kung hindi pati na rin sa mga lola o lolo. Kinikilala nila ang pagkamakabuluhan ng katandaan na nagbibigay ng dunong sa mga nakatatanda at importante itong gabay sa kanilang mga buhay.

Mahihinuha rin dito ang pagpapakita ng oral na tradisyon. Inuulit ulit ang mga kuwento ng mga nakakatanda sa mga kabataan noong panahon ng mga katutubo. Mayroon din mga elemento ng pag-uulit sa iilang kuwento na bahagi nito. Makikita ang iilang halimbawa sa Ang Unang Matsing at Ang Lalaking Nagnakaw ng Apoy. Marahil ginagawa ang pag uulit na ito upang bigyang-diin ang iilang tema. Parehong nagbibigay ang mga kuwentong ito ng mga linyang parang nag uulit bilang bahagi ng tradisyong ito. Ginagamit din ito upang mas madaling matandaan ng mga nagkukuwento at nakikinig ang mga ibinahaging alamat. Masasabi natin na malikhain nga talaga ang mga katutubong Ilokano sapagkat naisip nila na gawin ito hindi lamang sa mga mahabang epiko tulad ng Lam-ang ngunit pati na rin sa mga simpleng alamat na binibigyan din ng kapantay na halaga.Makikita natin sa mga istoryang ito ang pagpapakita ng mga bagay na pinahahalagahan ng mga Ilokano. Ginagamit nila ang mga alamat na ito sa isang didaktikong pamamaraan. Ipinamalas sa mga ito ang mga aral at pagpapahalaga na para sa kanilay kailangang mga ing kaugalian ng isang Ilokano. Nagbibigay sila ng mga halimbawa ng mga katangian na dapat sundin. Gayon na rin ang dahilan kung bakit naglahad sila ng mga kwentong nagpapakita ng pagpaparusa tulad ng Ang Unang Matsing at Ang Lawa ng Paoay.Inilagay nila sa mga alamat ang naturang kaisipan upang madaling tandaan at intindihin lalo na ng mga kabataan. Mahalaga rin na gawin nila ito sapagkat ipapasa rin ng kanilang mga anak ang mga alamat nito sa sarili nilang anak kapag may pamilya na rin sila. Ilan sa mga katangiang binigyan pansin ang kasipagan, pagmamahal sa pamilya, pagtutulungan, pakikitungo sa kapuwa at pagsunod sa Diyos.

Ayon sa mga teksto, mayroon nang sistema ng paniniwala ang mga katutubong Ilokano. Isa marahil sa mas relihiyosong mga alamat ang Lawa ng Paoay kung saan makikita natin ang isang diyos na mapanghiganti sa mga masasama. Napamalas ang ganitong pagtatanghal sa kanilang mabagsik na panginoon sa halimbawa ng magasawang napatawan ng napakabigat ng parusa dahil lamang sa paglingon nila. Naibanggit din ng karpintero sa Ang Tiyanak ang katagang diyos ko nang makina niya ang mahahabang kuko ng sanggol, nagpapatunay na mayroon na silang kaisipan ng pagkakaroon ng panginoon.

Dahil hindi pa nasasakop ng mga Espanyol ang Ilocos sa panahon na ito, animismo ang pananampalataya ng mga katutubo. Patunay ng kalapitan ng kalikasan sa kanilang sistema ng paniniwala ang pagpaparusa sa mga taong makasalanan sa pamamagitan ng pagpapaalit-anyo nila upang maging hayop o likas na bagay. Makikita ang nasabing penomena sa Ang Unang Matsing, kung saan naging unggoy sa Juan dahil sa kanyang katamaran,at Ang Lawa ng Paoay, kung saan naging mga isda ang mga makasariling mamamayan at naging malalaking bato ang hindi masunuring mag-asawa.Puno ng mga sobrenatural na nilalang at paniniwala ang mga alamat. Para sa Ang Unang Matsing, maituturing na isang sobrenatural na pangyayari ang pagsumpa kay Juan. Ipinakita dito na hindi lamanag ang Diyos ang may kakayahang magparusa sa mga tao kundi pati ang mga katagang binibitawan nila. Ang kaisipan ng pagkakaroon ng sirena ay ang sentrong kaisipan sa Ang Batang Lalaki at Ang Sirena. Ganito na rin ang mga dwende sa kwentong Ang Tiyanak. Mayroon namang nagsasalita at dumudugong mga isda sa Ang Lawa ng Paoay na pinaniniwalaang mga tao rati. Mga higante at nagsasalitang mga hayop naman ang mga sobrenatural na nilalang na nabanggit sa Ang Lalaking Nagnakaw ng Apoy.

Makikita na nakabukod ang mga nilalalang na ito mula sa mga pamayanan. Para sa Ang Batang Lakaki at Ang Sirena at sa Ang Lalaking Nagnakaw ng Apoy, walang hinangad ang sirena at ang mga higante kundi ang magkaroon ng makakasama. Maaari ring gusto lamang ng duwende sa Ang Tiyanak na mapansin siya kaya niya nilinlang ang karpintero. Hindi sila binigyan ng mabigat at masamang motibo upang magawa nila ang kanilang ikinilos. Ang kanilang pisikal na kaibahan ang tanging dahilan ng pagkakawahilay nila sa sibilisasyon. Isinalamin nito ang takot ng mga katutubong Ilokano sa mga naiiiba at sa mga hindi maipaliwanag.

Hindi nga maaaring ipagkaila na mayaman na ang kultura ng sinaunang mga Pilipino, pati na rin sa rehiyon ng Ilokos. Isinasakatupad ng mga teksto ang naturang gamit ng mga alamat bilang isang paglalarawan ng lipunang ginagalawan. Bukod pa rito, ginagamit din ito sa kanilang lipunan upang hindi lamang isang uri ng libangan kundi pati na rin pagtuturo. Binibigyan tayo nito ng pagkakataon na balikan ang pamumuhay ng mga katutubong Ilokano bago sila sakupin ng mga Espanyol. Dala ito ng pagsasaloob ng mga aspetong pang ekonomiko, politikal at relihiyon sa mga malikhaing kuwento na naipasa mula sa maraming henerasyon. Hanggang ngayon, may iilan pa rin na mga bakas ng panitikan nila na makikita sa modernong panahon. Dahil dito, kailangan nating pahalagahan ang mga kuwentong bayan na ito na binubuo ang ating tinubuang kultura mula noon hanggang ngayon.