96
komunikasyon b y: Clarence V. Agpuldo

Komunikasyon

Embed Size (px)

DESCRIPTION

topic for filipino I " komunikasyon sa Akademikong Filipino"

Citation preview

Page 1: Komunikasyon

komunikasyon

b y:Clarence V. Agpuldo

Page 2: Komunikasyon

Komunikasyon

Madalas ay naririnig ang salitang komunikasyon, ngunit ano nga ba ito?

Ang mga suot ng tao at galaw nito ay maituturing ba na komunikasyon?

Ang mga nakikita sa poster, bill board at mga larawan ay maituturing ba na komunikasyon?

Ibig bang sabihin na ang lahat ng mga nakikita natin sa paligid ay may kaugnayan sa komunikasyon?

Page 3: Komunikasyon

Komunikasyon

Latin na communis atus = ibahagi

Communicare = pamamahagi

Communis = panlahat

sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita at pasulat. Sa pamamagitan ng komunikasyon, naipahahatid natin ang impormasyon o ang ating mga naiisip at nadarama sa ibang tao gamit ang mga simbolo o mga sagisag na kumakatawan dito.

Page 4: Komunikasyon

Pakikipagtalastasan

galing sa salitang-ugat na talastas na ang ibig sabihin ay “alam” at sa kabilaang panlaping pakikipag/an na ang tinutukoy ay proseso o paraan ng pagsasagawa ang hindi isahan kundi dalawahan o maramihan sapagkat dapat ay may magkabilang panig na nnasasangkot: isang nagsasalita at isang nakikinig. Nagbibigay ng impormasyon ang nagsasalita dahil may alam siya samantalang ang nakikinig naman na tumatanggap ay wala pang alam o kulang pa ang nalalaman kaya gusto niyang punan o dagdagan pa ang kaalaman at vice versa.

Page 5: Komunikasyon

Ibat –ibang pagpapakahulugan

Ayon kay Merriam-Webster- ang salitang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “Communicare”, na nangangahulugang “magbahagi” o “magbigay”. Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng ideya o opinion, paghatid at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng telepono, telegram, kompyuter, radio at iba pa.

Ayon kay Aristotle- ang komunikasyon ay isang siklong binubuo ng tatlong element:

a. Sender o nagbibigay ng mensaheb. Mensahec. Resiber o tagatanggap ng mensahe

Page 6: Komunikasyon

Ibat –ibang pagpapakahulugan

1. Lorenzo – paraan ng paghatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasakutan ng magkakambal na proseso;

a. Pagsasalitab. Pakikinigc. Pag-unawa2. Dance

– prosesong daynamiko, tuloy-tuloy at transaksyunal3. Webster

– mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan at pakikipag-unawaan Ano ang mangyari sa mundo kapag walang komunikasyon?3. Buenuseso

– pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na nagpapahayag ng iniisip sa isang mabisang paraan at kalugod-lugod.

-meeting, declamation, oration, speeches

Page 7: Komunikasyon

Kahalagahan ng komunikasyon

Kelan niyo masasabing mahalaga ang isang bagay?

a. Natutugunan at nagagampanan ang mga pang-araw araw na gawain sa buhay.

b. Napapataas at napapanatili ang pagkakakilanlan sa sarili

c. Nalilinang ang kakayahang makipag-uganayan at pakikipagpalitan ng impormasyon sa ibang tao

Page 8: Komunikasyon

Proseso ng komunikasyon

Umiikot sa apat na makrong kasanayan

a. Pagsasalitab. Pakikinigc. Pagbabasad. Pagsusulat

Page 9: Komunikasyon

Proseso ng komunikasyon

Sender Message

Tsanel wika

berbalDi- Berbal

Resiber

Page 10: Komunikasyon

Mga elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon

Sender/source o pinagmumulan ng mensahe

MensaheTsanel o daluyanResiber o tumatanggap ng mensahe

Fidbak Konteksto

Page 11: Komunikasyon

Mga elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon

Sender/source o pinagmumulan ng mensahe

- sa kanya nagmumula ang ideya, kaalaman, saloobin o mensahe. Siya ang unang nagpahayag o unang nagbitiw ng pahayag.

Page 12: Komunikasyon

Mga dapat isaalang-alang ng sender:

1. Layunin- tumutukoy ito sa dahilan kung bakit

nakikipagtalastasan o nagbibigay ng pahayag ang sender.

Bawat galaw ng tao ay may layuninUri ng layunina. Humingi at magbigay ng impormasyonb. Manghikayatc. Magbigay aliwd. Lumutas ng suliranin

Page 13: Komunikasyon

Mga dapat isaalang-alang ng sender:

2. Kaalaman- nagbibigay-pansin sa lawak ng kaalaman ng sender sa

paksang kanyang tinatalakay gayundin sa kahusayan niya sa pagpapahayag ng paksa.

3. Pagtingin sa sarili - pagkakaroon ng tiwala sa sarili kaugnay ng paksang tinatalakay- dapat panindigan kung ano ang sinasabi sapagkat nakakaimpluwensiya ito nang malaki sa paraan ng pagtalakay.

4. Kredibilidad- Naniniwala ba ang nakikinig sa sinasabi mo? Karapat dapat

bang paniwalaan?

Page 14: Komunikasyon

Mga elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon

2. Mensahe Ito ang ipinaaabot ng sender sa resiber. Maaaring ito ay ideya, kaalaman, saloobin,

impormasyon o anumang paksang napagtutuunan ng pansin at panahon.

Ideation – tawag sa pagbubuo ng mensaheng ihahatid.

Page 15: Komunikasyon

Dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng mensaheng ihahatid

1. Nilalaman- Totoo ba?, May sapat bang ebidensya, Ano ang

pinapaksa, Gaano kahalaga ang ipinapahayag?2. Istruktura- ito ang maaayos na pagkakasunod-sunod batay sa

kahalagahan ng mga kaisipang ipinapahayag. Maaring induktibo o deduktibo.

3. Istilo- tumutukoy sa paraan ng pagtalakay ng sender sa paksa

(impormal o pormal, literal o patalinghaga..at iba pa)

Page 16: Komunikasyon

Pagpapapakahulugan sa mensahe bilang tagapakinig

Enkowding- kasanayang makabuo ng menshe sa isang pahayag na narinig.

Dekowding – kasanayang makabuo ng kahulugan

ng mensaheng narinig.

Page 17: Komunikasyon

Paano binibigyang kahulugan ang mensahe

Denotative – pagbibigay kahulugan sa salita

gamit ang diksyonaryoConnotative – pagbibigya kahulugan sa salitang

ginamit base sa kanyang karanasan.

Page 18: Komunikasyon

Mga elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon

3. Tsanel o daluyan Ang paraan kung paano ipinaaabot ng sender

ang kanyang mensahe- berbal, biswal. Tumutukoy din ito sa paraan ng pagbibigay o

paghahatid ng mensahe sa tagapakinig o tagabasa.

Kaagapay nito ang mga ekspresyon ng mukha, mga kumpas at kilos ng katawan na nakikita sa pamamagitan ng liwanag.

Page 19: Komunikasyon

Mga elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon

4. Resiber o tumatanggap ng mensahe- ang kausap,ang tumatanggap ng

mensahe.

Page 20: Komunikasyon

Mga Nakakaiimpluwensiya sa pagtanggap ng mensahe tagapakinig

1. Layunin- Rason kung bakit siya nakikinig o nagbabasa.2. Antas ng kaalaman at interes- higit na may interes kung may malawak na

kaalaman sa paksang pinag-uusapan.3. Kaasalan o kaugalian sa pakikinig

-Maaaring maimpluwensyahan ng edad, panahon, lugar, istilo ng sender at iba pa.

Page 21: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig:

On-off listening Red flag listening Open ears- closed mind listening Glassy-eyed listening Too- deep for me listening Don’t- rock-the-boat listening Faker listener Dependent listener Interrupter listener

Page 22: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Self-conscious listener Intellectual listener Judge and jury listener Parrot listener Eager beaver Sleeper Bewildered Frowner Relaxed Busy bee two-eared listener

Page 23: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

On-off listening- ang isang karaniwang individual ay apat

na bess na mas mabilis mag-isip kaysa makinig. Mayroon siyang ¾ ng isang minuto na maaring ilaan sa pag-iisip tungkol sa ibang bagay sa halip na sa pinakikinggan.

Page 24: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Red flag listening – may ilang taong kapag nakakarinig ng

salita o paksang di nila nagugustuhan ay agad humihinto sa pakikinig. Dahil ditto nababawasan o tuluyang nang nawalan ng ugnayan ang sender at resiber at nawawalan ng bias ang komunikasyon.

Page 25: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Open ears- closed mind listening- may mga pagkakatong agad hinihusgahan

ng tagapakinig ang speaker at naniniwala siyang walang matutunan sa ispiker at sa paksa- na walang pakikinabang na nakukuha mula rito. Kayat nakikinig man ay di naman talaga pinakikinggan ang sinasabi ng nagsasalita.

Page 26: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Glassy-eyed listening – may ilang nakikinig na akala mo ay

matiim na nakikinig subalit sa katotohanan, sila ay nawawala na sa sarili nilang daigdig. Kadalasan, ang nakikita ay isang blangkong expresyon sa kanilang mukha.

Page 27: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Too- deep for me listening- may mga taong humihingi sa

pakikinig kapag hindi na niya nauunawaan ang paksang tinatalakay ng ispiker.

Page 28: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Don’t- rock-the-boat listening-kapag ang pinakikinggan ay kontra

sa ating paniniwala, agad tayong tumigil sa pakikinig o kayang naman ay agad tayong umiisip ng pandepensa sa paniniwalang tao.

Page 29: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Faker listener – isang tagapakinig na kunwari ay nakikinig

sa mensaghe subalit sa katotohanan ay wala sa pinakikinggan ang pokus ng atensyon. Nakikigaya siya sa reaksyon o pagtugon ng nakararaming nakikinig kahit hindi naman niya talaga nauunawaan ang mensahe. Nakikipalakpak, nakikisigaw atbpa.

Page 30: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Dependent listener – laging sumasang-ayon sa bawat sa

sabihin ng ispiker sa layuning mabigyang kasiyahan at mapanatili ang kumpanyansa ng ispiker sa sarili. Ipinapakikita nito ang pagsang-ayon sa pamamagitan ng madalas na pagtango o pagpalakpak.

Page 31: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Interruptor listener – hindi niya pinahihintulutang matapos ang

nagsasalita sa halip ay laging nangangawitran at idepensa ang sariling pananaw kahit di pa naririnig ang panig ng iba.

Page 32: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Self-conscious listener – tagapakinig na nais makuha ang

atensyon ng iba. Madalas sumasabat upang maipakita sa ibang may alam din siya sa pinag-uusapan. Ang kanya namang sinasabi ay madalas na walang kaugnayan sa paksa.

Page 33: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Intellectual listener – nagtatanong tungkol sa bawat detalye at

o salitang babanggitin ng ispiker kahit na ito ay nakakasira sa daloy ng konsentrasyon ng ispiker. Hindi mahalaga sa kanya ang damdamin ng iba kundi ang kahulugan ng bawat salitang tinatanong niya.

Page 34: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Judge and jury listener – kaagad na humuhusga sa mensahe

at katauhan ng ispiker kahit hindi pa tapos ang paliwanag. Mga madalas na reaksyon ay “mali ka kasi”, mabuti nga sa iyo, kasalanan mo, bahala ka sa buhay mo.”

Page 35: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Parrot listener – tagapakinig na nag-uulit sa

sinasabi ng ispiker at madalas na magbigay ng negatibong fidbak.

Page 36: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Eager Beaver- Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tango nang

tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan. Ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong. Makikita kasi sa kanyang mga mata ang kawalan ng focus kahit na pilit na pilit na ang pagpapanggap niya na siya’y masugid na nakikinig. Pilit niyang pinapaniwala ang iba, sa pamamagitan ng kanyang reaksyong mapagkunwarin siya ay mabuting tagapakinig.

Page 37: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Sleeper – siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo

sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong making. Sa katunayan ay naiinis na nga siya kapag may nag-iingay. Dahan dahan niyang ipipikit ang kanyang mga mata habang inihihilig ang ulo at maglalakbay sa daigdig ng panaginip.

Page 38: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Bewildered – siya ang tagapakinig nakahit anong

pilit ay walang maintindihan sa narinig. Kapansin-pansin sa pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o patatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga narinig.

Page 39: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Frowner – siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi

na lang may tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging atentiv, ngunit ang totoo hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang opurtunidad na makapagtanong para makapa-impres.

Page 40: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Relaxed – isa siyang problema sa isang nagsasalita.

Paano ay kitang kita sa kanya ang kawalan ng interest sa pakikinig. Madalas, nauupo siyang para bang nasa sala ng sariling bahay at itinutuon ang atensyon sa ibang bagay o tao. Walang makikitang iba pang reaksyon mula sa kanya, positibo man o negatibo.

Page 41: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Busy – bee- isa siya sa pinakakaayawang tagapakinig sa

anumang pangkat. Hindi lamang siya nakikinig, abala pa siya sa ibang Gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagbabasa ng libro o magasin, pagsusuklay o iba pang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.

Page 42: Komunikasyon

Di magandang asal sa pakikinig

Two-eared listener - siya ang pinakaepektibong tagapakinig.

Nakikinig siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak. Lubos ang partisipasyong niya gawain ng pakikinig. Objektiv ang reaksyon niya sa mensaheng kanyang naririnig. Makikita din sa kanyang mukha ang kawilian sa pakikinig. Samakatwid, siya ang uri ng tagapakinig na dapat tularan ng lahat.

Page 43: Komunikasyon

Fidbak

ang respond ng tagapakinig. Maaaring berbal o di-berbal (pagtango,

pag-iling, pagngiti, pagsimangot, pagkunot-noo, pagkamot) at ipinapadala ito bilang mensahe sa sender

Ito ang nagsasaad kung naintindihan o hindi naunawaan ng tagapakinig ang mensahe

Page 44: Komunikasyon

Mga uri ng fidbak

1. Direct o tuwiran- berbal2. Moderately direct o di gaanong tuwiran- di berbal na fidbak3. Indirect o di tuwiran- hindi tuwirang pagsagot sa mga

pinapahayag.- Pagtatanong sa speaker na parang tinitest kung gaano kalawak ang kaalaman nito sa paksa.

Page 45: Komunikasyon

Konteksto

Tumutukoy sa kapaligiran at lugar na pinagyarihan ng komunikasyon

Page 46: Komunikasyon

5 component na nakakaimpluwesiya sa pakikipagtalastasan

1. Pisikal – tumutukoy sa kondisyon ng

kapaligirana) Level ng ingay at orasb) Temperaturec) Pagitan ng nag-uusapd) Posisyon ng nagsasalitae) Liwanag

Page 47: Komunikasyon

Limang bagay nakakaimpluwensiya sa pakikipagtalastasan

2. Sosyal – tumutukoy sa relasyon ng dalawang nag-uusap3. Historical – tumutukoy sa lalim ng kaalaman tungkol sa paksang

pinag-uusapan4. Sikolohikal – tumutukoy sa kalagayang emosyonal at damdamin

ng nakalahok5. Cultural – tumutukoy sa tradisyon , paniniwala at mga

nakagawian ng kalahok sa komunikasyon.

Page 48: Komunikasyon

Uri ng komunikasyon

1. Berbal- komunikasyong gumagamit

ng wika o mga salita.

Page 49: Komunikasyon

Uri ng komunikasyon

2. Di-berbal- hindi ito gumagamit ng wika o mga

salita. Ito ay nagpapahiwatig ng kalagayang

panloob o emosyonal ng taong nakikipag-usap.

Nagbibigay linaw din ito sa diwa ng isang komunikasyong berbal.

Page 50: Komunikasyon

Uri ng di-Berbal

ProxemicsChronemicsOculesicsHapticsKinesicsObjecticsVocalicIconics

Page 51: Komunikasyon

Proxemics

tumutukoy sa distansya o layo sa pagitan ng nag-uusap gayundin naman sa pook kung saan nagaganap ang pagtatalastasan.

Mga rason o dahilan ng distansiyaIntimate Personal Sosyal Pampubliko

Page 52: Komunikasyon

Chronemics

( oras)- mula sa salitang griyego na “chromos” na nangangahulugang panahon o oras

* ang may masamang balakin ay sa gabi nag-uusap

* kawalan ng disiplina ang kawani na laging huli sa oras ng paggawa

* ang pagtawag sa gabi ay maaaring nangangahulugan ng pang-aabala o kaya ay emergency

Page 53: Komunikasyon

Oculesics

- tumutukoy sa paggamit ng mata sa pakikipagtalastsan.

Guilty ang hindi makatingin sa mataNakataas ang kilayNakairapNangungusap ng mga mata-

magtitigan lang ay magkakaunawaan na

Page 54: Komunikasyon

Haptics

(Pandama)- tumutukoy ito sa paggamit ng sense of touch

Pagtapik sa balikat- pakikiramayBear hug- masayang pagbati at

pangungumusta( pisil sa palad, haplos, hipo,)

Page 55: Komunikasyon

Kinesics

(katawan)- tinatawag nating body language.

Nakatikwas ang labiNangangalit ang mga bagangLaglag ang balikatPagpadyak sa paa

Page 56: Komunikasyon

Objectics

- tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan.

Kabilang dito ang mga electronikong ekwipment tulad ng celfon, mikropono at iba pa..

Page 57: Komunikasyon

Vocalics

- ang paglakas-paghina, pagbagal, pagbilis ng tinig, pagbago-bago ng intonasyon o tono, saglit na pagtigil at iba pa..

Page 58: Komunikasyon

Iconics

(simbolo)- paggamit ng mga larawan o sagisag na ginagamit sa pakikipagtalastsan.

Drowing sa pintuan ng comfort roomSa gusali ng hukuman, larawan ng

babaeng may piring sa mata at may hawak na timbangan

Botelya ng lason, larawan ng bungo at magka-ekis na buto.

Page 59: Komunikasyon

Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

IntrapersonalInterpersonalTransaksyunal o pangkatan- PampublikoPangmasa PangkaunlaranPangkultura

Page 60: Komunikasyon

Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Intrapersonal

- pakikipag-usap ng indibidwal sa sarili

Page 61: Komunikasyon

Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Interpersonal- pakikipagtalastsan sa iba’t ibang

indibidwal. Ito ay may iba’t ibang anyo:Dayadik- isa-sa-isang pakikipagtalastasan

ng isang tao sa isang pang indibidwal. Maaaring Makita sa iba’t ibang anyo:

Job interview, counseling, survey

Page 62: Komunikasyon

Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Transaksyunal o pangkatan- komunikasyon sa pagitan ng isa o mahigit pang

indibidwal sa isang panig at isa o mahigit pang tao sa kabilang panig. Maaaring talakayan sa pagitan ng maliit o malaking pangkat.

Diskusyong panel Simposyum Pulong Talumpati

Page 63: Komunikasyon

Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Pampubliko– isinasagawa sa harap ng

tagapakinig sa harap ng maraming tao

Page 64: Komunikasyon

Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Pangmasa– mas maraming tagapakinigGumagamit ng radio, television,

newspaper, internet

Page 65: Komunikasyon

Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Pangkultura– ito ay isinasagawa sa teatro.

Page 66: Komunikasyon

Mga Uri at Antas ng Komunikasyon

Pangkaunlaran- isinasagawa para sa kaunlaran

ng isang bansa.Press conference

Page 67: Komunikasyon

Pakikinig

Kakayahang kumilala at umunuwa sa sinasabi ng ibang tao

- (Howatt at Dakin)Pagbibigay attensiyon at pagkuha ng

kahulugan sa bagay na ating naririnig-(underwood)

Page 68: Komunikasyon

Pakikinig

Isang prosesong kinasasangkutan ng 5 hakbang ( Berko)1. Resepsyon – pagtanggap sa mensaheng naririnig o nakikita2. Atensyon – pagbibigay pokus sa isang paksang naririnig o

nakikita3. Persepsyon – pag-eebalweyt o pag-uunawa sa isang paksa

Kultura Karanasan Tungkulin Mental na kapabilidad

4.Pagpapakahulugan sa natatanggap na mensahe (iskemata)5.Reaksyon

Page 69: Komunikasyon

Kahalagahan ng pakikinig

Sa bansaSa pamilyaSa trabahoSa ating buhay

Page 70: Komunikasyon

Layuin ng pakikinig

MaaliwManglikum ng katalinuhan

o kaalamanMagsuri

Page 71: Komunikasyon

Gampanin ng tagakinig

Pasibong tagapakinigAttentive o aktibong

tagapakinigMapanuring tagapakinig o

kritikalPakikinig na appreciative

Page 72: Komunikasyon

Gampanin ng tagakinig

Pasibong tagapakinig- pakikinig na may ibang ginagawa at hindi nakatuon ang pansin sa naririnig.

Page 73: Komunikasyon

Gampanin ng tagakinig

Attentive o aktibong tagapakinig- pakikinig na may layuning matamo ang wasto at ganap na pagkaunawa sa teksto. Ginagawa niya ito kung gusto niyang makuha ang mga detalye ng bawat pinakikingan.

Page 74: Komunikasyon

Gampanin ng tagakinig

Mapanuring tagapakinig o kritikal – ginagawa kung may layuning mag-ebalweyt kung sapat , valid , mahalaga, o karapat dapat ang napapakinggan.

Page 75: Komunikasyon

Gampanin ng tagakinig

Pakikinig na appreciative – ginagawa ito kung ang layunin ay magkaroon ng pansariling kasiyahan o malibang mula sa naririnig.

Page 76: Komunikasyon

Mga salik na nakakaimpluwensiya sa mga tagapakinig

OrasTsanelEdadKasarianKulturaLayuninSender

Page 77: Komunikasyon

Istratehiya sa pakikinig

Magkaroon ng eye contact sa tagapagsalita Maging aktibo ( pagtatanong) Isiping ang pinapakinggan ay mapanghamong

gawain Magpraktis upang mahasa ang kasanayang

makinig(magtala, mag-isip at magtanong. Iwasan ang pagiging emosyonal Magpokus sa nilalaman ng pinapakinggan Umiwas sa distraksyon

Page 78: Komunikasyon

Teknik sa pakikinig

magpakita ng interest sa paksa ng tagapagsalita

i-adopt ang kaanyuan ng tagapagsalita mag-adjust sa distraksyon huwag magpakita ng pekeng atensyon makinig sa pangunahing ideya o konsepto makinig muna sa buongmensahe bago

magkumento

Page 79: Komunikasyon

Katangian ng mabuting tagapakinig

huwag laging maging tagapagsalita huwag tatalon sa konklusyon hindi kailangang madistrak sa kapaligiran magbukas ng isip huwag maging sagabal sa tagapagsalita makinig sa bawat linya ng tagapagsalita magtanong sa tamang oras magbigay ng tugon sa tagapagsalita

Page 80: Komunikasyon

Angking mental na atityud ng mahusay na tagapakiniginterest at atensyonrespetobukas ang isiptoleranstiyaga

Page 81: Komunikasyon

Sampung utos sa mabuting

pakikinig huminto sa pagsasalita maging kumportable sa kaanyuan ng tagapagsalita ipakita ang kagustuhang makinig iwasan ang distraksyon huwag maging sagabal maging pasensyoso magtanong kung kelangan ilagay ang sarili salugar ng tagapagsalita hawakan ang temper o emosyon gawing magaan ang argumento o kritisismo

Page 82: Komunikasyon

MGA PATNUBAY SA MABISANG PAKIKINIG

Ihanda ang sarili sa pakikinig Sikaping magkaroon ng kawilian Ihanda ang kaisipan sa pagtanggap ng iba’t ibang uri ng paks Hanapin ang pinakadiwa ng pinakikinggan Husgahan ang nilalaman ng paksa, hindi ang nagsasalita o ang

paraan ng paglalahad nito. Magkaroon ng bukas na isipin, igalang ang pananaw ng

ispiker tungkol sa paksang tinatalakay Maging mapanuri at malikhain habang nakikinig sa

pagtanggap at pag-unawa ng mensahe. Magtala kung kinakailangan. Sikaping huwag pansinin ang mga kaabalahan sa paligid.

Page 83: Komunikasyon

Pagsasalita

Kakayahang magpahayag ng impormasyon at ideya sa mabisang paraan upang ang mensahe ay maunawang mabuti ng tagapakinig.

Page 84: Komunikasyon

Mga salik sa mabisang pagsasalita

May malawak na kaalaman sa paksang tatalakayin

May tiwala sa sariliBihasa sa pagsasalita

Page 85: Komunikasyon

Katangian ng mahusay na tagapagsalita

Alam niya ang kanayang mga tagapakinig, paksa, at kapwa niya tagapagsalita.

Magiliw sa kanyang mga tagapakinig May malawak na kaalaman Palabasa at palaisip Objective at seryoso sa pagbibigay ebidensya May sense of humor May angkop na pananalita sa kanyang personalidad May maayos at organisadong preentasyon ng

kanyang paksa

Page 86: Komunikasyon

Mga kasanayan sa pagsasalita

Pormal Gumagamit ng mga pormal na salitaPinipili ang mga salitang ginagamitHindi gumamit ng mga salitang balbalPinaghahandaan bago ito isasagawa.

Page 87: Komunikasyon

Mga kasanayan sa pagsasalita

Di – pormal-hindi pinaghahandaan at kadalasan isinasagawa ito sa araw araw na gawain

Page 88: Komunikasyon

Mga di- prmal na pagsasalita

Pag-uusapPagpapakilala sa saliri sa ibang

taoPakikipag-usap sa teleponoPagkukuwento sa kaibiganPagbibigay direksyonPagpapalitan ng opinion

Page 89: Komunikasyon

Mga pormal na pagsasalita

PakikipanayamPagtatalumpatiDebatePagtuturoseminar

Page 90: Komunikasyon

Kwiz – 40 pts

Magsasaka si Anton sa China. Tayo ang magpapatupad sa proyektong ito Kumukulo na ang tubig sa takuri. Nagtatanim ng gulay si Tasyo sa bukid. Hilig niya ang magbasa ng libro sa parke Kapuri-puri ang mga masisipag na bata. Tinawag ng guro ang mga istudyante. Ganito ang hinahanap niyang singsing. Peke ang alahas na nabili niya sa palengke. Magaganda ang mga bulaklak sa hardin.

Page 91: Komunikasyon

Pangungusap, sugnay, parirala

Malawag ang kanilang lupain Si Jess ay nakapasa na rin sa board exam Nang humupa ang ulan Ang mga ibon Namatay kagabi ang aking aso Kapag hindi ka aamin Matulog ka nang maaga Kayong lahat ay mga iskolar ng bayan Ang masarap na pag kain sa mesa Mabait na bata

Page 92: Komunikasyon

Tamang bantas at gamit ng pangungusap.

Ang banda ng musiko ay naglilibot sa bayan Gawin agad ang sinasabi ni Elias Anong lungkot ang kapalara ni Maria Mayroon nga bang tao doon Ang paaralan ay siyang saligan ng lipunan Ipakisara ang mga bintana sapagkat nababasa ang

mga upuan Nasaan ng donyang mapanlait Kaawa-awa ang kalagayan ni Sisa Wala ng pera si Juan Hindi ko na alam ang sagot

Page 93: Komunikasyon

Tukuyin kung anong uri ng komunikasyon ang mga sumusunod:

Laging kulay pula ang suot niyang damit. Nakipagkindatan siya sa kanyang kaibigan nang sila ay

magkasalubong. Iba’t ibang kulay ng kolerate ang ipinapahid niya sa kanyang labi

gabi-gabi. “Magandang umaga” ang masayang bati ni Juan kay Juana. Napahiyaw ang ale nang malgalagan siya ng buti sa batok. Nagsisigaw si ate nang agawan siya ng bag ng isang magnanakaw. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay, matapos magsalita ang

guro. Tumango na lamang siya nang tanungin ng kanyang ama. Araw – araw siyang nagsusuot ng ibat – ibang alahas. Itim ang isusuot niyang damit sa loob ng isang taon.

Page 94: Komunikasyon

Bumuo ng pangungusap

Nang – bilang tagapag-ugnay Mayroon – nangangahulugang mayaman May- kasunod na salita ay pang-uri May – kasunod na salita ay pandiwa Ng – may tinutukoy Rin – sinusundan ng salitang nagtatapos sa malapatinig

na W Daw – sumusunod sa saltang nagtatatpos sa katinig Raw – sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig Kung – gingagamit na sugnay na di makapag-iisa Ko – bilang panghalip panao na may pang-angkop na NG

Page 95: Komunikasyon

Kayarian ng pangungusap

Maasim ang santol at mangga. Magkaibigan at magkaklase sina Mario at Maria. Naglinis ng bahay si Rey at nag-aalaga naman ng bata si Fe. Si Catalina ang maglalaba at saka si Carlito ang namamalengke. Ipaliwanag mo sa inyong guro kung bakit hindi ka pumasok sa

klase. Nagkasakit ka sapagkat naglaro ka sa ulan. Kung sasama ka, si Nestor ay maglinis ng bahay at si Ana ay

maglalaba. Si Nene ay aawit , si Cora ay sasayaw kung tutugtog ka sa

piyano. Saan ka mag-aaral? Naku! Nahulog ang bata.

Page 96: Komunikasyon

Pasibong tagapakinig- pakikinig na may ibang ginagawa at hindi nakatuon ang pansin s naririnig.

Attentive o aktibong tagapakinig- pakikinig na may layuning matamo ang wasto at ganap na pagkaunawa sa teksto. Ginagawa niya ito kung gusto niyang makuha ang mga detalye ng bawat pinakikingan binabasa.

Mapanuring tagapakinig o kritikal – ginagawa kung may layuning mag-ebalweyt kung sapat , valid , mahalaga, o karapatdapat ang napapakinggan o nababasa. Sa ganitong pakikinig, inaasesses ng tagapakinig ang kanyang naririnig base sa kanyang karanasan o dati ng kaalaman nakaimbak sa kanyang utak.

Pakikinig na appreciative – ginagawa ito kung ang layunin ay magkaron ng pansariling kasiyahan o malibang mula sa naririnig.