Upload
others
View
3
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
Late at night, when all the world is sleeping I stay up and think of you
And I wish on a star that, somewhere, you are Thinking of me, too
'Cause I'm dreaming of you tonight 'Til tomorrow, I'll be holding you
tight And there's nowhere in the world I'd rather be Than here in my
room, dreaming about you and me
Wonder if you ever see me, and I Wonder if you know I'm there If you
looked in my eyes, would you see what's inside? Would you even care?
I just wanna hold you close but so far All I have are dreams of you So I
wait for the day and the courage to say How much I love you Yes, I do
I'll be dreaming of you tonight 'Til tomorrow, I'll be holding you tight
And there's nowhere in the world I'd rather be Than here in my room,
dreaming about you and me
Ah, ah (Corazón) I can't stop dreaming of you (No puedo dejar de pensar
en ti) I can't stop dreaming (Cómo te necesito) I can't stop dreaming of
you (Mi amor, cómo te extraño)
Late at night, when all the world is sleeping I stay up and think of you
And I still can't believe that you came up to me And said, "I love you."
I love you, too
Now, I'm dreaming with you tonight 'Til tomorrow and for all of my life
And there's nowhere in the world I'd rather be Than here in my room,
dreaming with you endlessly
Dreaming with you tonight (With you tonight) 'Til tomorrow, I'll be
holding you tight And there's nowhere in the world I'd rather be (Rather
be) Than here in my room, dreaming with you endlessly (I'll be dreaming)
Dreaming (Of you tonight) Endlessly (And I'll be holding you tight
tonight) Dreaming (Dreaming) Endlessly (With you tonight)
Endlessly
Dreaming Of You
Anong araw ba ngayon? Tuesday? Eto ako... Recess na papasok... Magagalit
ang parents ko? Wala naman silang pakialam eh... ...My name is Lady
Angela Gomez. L.A. for short. 14 years old and from the beautiful city of
*****... Pang beauty contest nuh? Hehe!... Only child ako at walang
pakialam ang parents ko sa akin... Sad nuh? Nah! Masaya nga eh.
Guard: Oh, late ka? Me: Late?... uh...oo. Guard: Pumasok ka na nga. Me:
Love you manong!!
Nice naman! Ganito ba ako kaganda para tingnan ng mga schoolmates ko?
Gising kasi ako ng nagsabog si Lord ng kagandahan. Wait... baka tamaan
ako ng kidlat... pero anong magagawa ko kung totoo talaga?
May: Hoy! L.A. Gomez! Me: Hoy ka rin!! May: Hindi ka na nagbago! Me: Ako?
Magbabago? Asa ka pa! Cutting tayo mamaya. May: Ayoko nga! Me: Duwag!
Bahala ka nga!
Bestpwend ko yun! Ang aking konsensya... na walang ginawa kundi sumunod
sa utos ng parents nya. Anong ubject kaya ako magka- cutting? Lahatin ko
na kaya? Last subject na lang ako magpapakita... para masaya ang world!
Kakain nga muna ako ng...................
"Sorry miss..."
Me: Anong sorry huh?! "Sino ka ba sa tingin mo? Ako na nga..." Me: Shut
up! Kausapin mo yang pader!
Hindi naman nya kailangang mag-sorry eh... pero grabe ang cute nya!!...
Calm down...inhale...inhale... inhale...ex..hale... exhale... exhale...
take a deep breath... ANG CUTE NYA!!... fine, gutom na talaga ako...
Mish: Hoy! Bakit mo sya sinigawan?! Me: Huh? Sino? Mish: Si Neil! Me: So?
Pakialam mo ba kung sinigawan ko sya? Mish: At sino ka para sigawan ang
anak ng may-ari ng school? Me: Pakialam mo? Wag ka ngang humarang!
Nice! Ang yaman pala ni Cute... este ni Neil pala. Haha!!
May: Uy! San ka nanaman pupunta? Me: Magtatago. May: Cutting ka nanaman?
Me: Ano pa nga ba? Hehe... May: Naku! Pumasok ka pa? Me: Boring sa bahay
eh. May: Oh sige, una na ako.
Saan nanaman kaya ako pupunta? Haay... sa clinic na lang... ay... wag
dun... pangit dun eh...
"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!!"
Me: Excuse me?! Hindi ka rin kaya tumitingin?! "Aba?!" Me: Dahil kung
tumitingin ka eh di sana umiwas ka!
Nilayuan ko na sya ng...
Me: Aray!! Ano ba?!
Ikaw kayang mauntog sa locker... ni Neil?!
Neil: Uh... Ikaw nanaman?! Me: Huh? May bukol pa ata ako...
Kinapa ko yung noo ko and... yes... wala nga akong bukol... sugat naman
ang inabot ko.
"Hoy Neil!!... Oh miss masungit!"
Masungit pala huh?!
Neil: Masungit na may sugat sa noo. Me: Aba?! Pasalamat kayo ayokong
makipag- away! "Bakit? Natatakot ka?"
Nang-aasar ba sya?! Kainis!
Principal: Gomez, Concepcion, and Santos! Sa office!
Patay na...
Di bale, okay lang naman sa parents ko... sanay na sila eh...
"Ma?!" Principal: Tumahimik ka Jed! Ms. Gomez, nagka- cutting ka nanaman?
Me: Always naman eh.
So... Jed pala ang name nung lalaking yun...
Principal: At ikaw naman Neil, pa'no kung malaman 'to ng parents mo?
Neil: Hmp! Wala naman silang pakialam sa akin.
Same kami? Wow! Soulmate!
Jed: Ma, pwede na kaming umalis? Principal: Oh sige, Ms. Gomez, antayin
mo ang parents mo dito.
Huwatt?! No way! Nah- uh!
=====Translation ng pag- uusap nila sa phone====
Principal: Nag- cutting nanaman po sya. Mama: Ganun ba?... Pasensya na
kayo sa kanya... hindi naman sya ganyan dati... Principal: Makakapunta ba
kayo dito? Mama: ...May inaasikaso kami... Don't worry, before
December... hindi nyo na sya magiging problema.
=====END=====
Principal: Sige, umalis ka na.
Ano kayang pinag- usapan nila? Oh well! Pakialam ko dun? Mabilis namang
dumaan yung oras ng naka- tunganga lang ako... and finally! Last subject
na... yun nga lang... bakit math pa ang inabutan ko?! Kainis naman oh!!
May: Hoy bruha. Me: Uhmm... May: Anong nangyari sa'yo kanina? Me: Wala...
napadaan lang sa Principal's Office. Saya nga eh...
Yan! Mali tuloy ako ng kopya... Kainis na lecture yan! Kailangan ba
talagang kopyahin ang nakasulat na sa libro namin?! Ughh!
May: Anong masaya dun huh? Me: Wala lang...
KKKRRRRIIIINNNGGGG!!!
Nice naman! Bell na agad!! Yehey!!!
May: Antayin mo ako sa bahay nyo. Me: Fine. Oh sige bye bye na!!
Nasan na yung sundo ko?!?!
Papa: Lady. Halika na. Me: Pa?! Di ba sabi ko L.A. ang itatawag nyo sa
akin?! Hmp! Mama: Oh sya sige, sumakay ka na.
Haaayyy!! Nakaka- antok naman!!
Papa: Nandito na tayo. Me: Fine...
Kaka-antok talaga!!......... hinagis ko na lang yung bag ko sa bed kuh...
tapos humiga na ako...then .........
ZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZZzzz..................
May: L.A!!!!!!! Me: Ano?! May sunog ba?! Ano?!?!?!
Kainis naman 'tong si May... akala ko kung ano na!! Hmp!
May: Eto oh... mga assignment natin. Me: Lagay mo lang dyan... mamaya ko
na gagawin. May: Ang tamad mo talaga nuh? Me: Matagal na...
Inayos ko yung sarili ko... aba... naka- uniform pa pala ako nuh? Hehe,
makapag- palit nga muna...
May: Oo nga pala, nakita kong naka- sagutan mo si Jed. Me: So? May: Ano
ka ba? Ang gwapo nun nuh!! Me: Care ko? Mas gwapo naman yung friend nya!
May: Nice! May crush ka na kay Neil nuh? Me: Kinda...
Tinali ko yung aking hair... aba?! marunong din akong mag- ayos ng sarili
nuh! At ang bruha kong bestfriend ayun... feel at home! Bumaba na kami sa
sala, ngek! 9:00 na pala?! Hindi naman halatang napagod ako kanina nuh?
May: Oo nga pala, kelan mo balak pumasok... as in yung whole day na
nandun ka sa classroom? Me: What?! Hay naku! Bahala na kung mangyayari
yun!
Asa pa syang papasok nga ako ng maaga! Haay!
Maaga rin pala akong nagising...
Yaya: Oh, mag- almusal ka muna. Me: Uh... Yaya, ayoko nyan... Yaya: Huh?
Anong gusto mo? Me: Wala... wala naman akong ganang kumain. Yaya: Oh
sige.
Haay naku! Mapipilitan ata akong pumasok ng maaga huh? Kainis!! At heto
na ang dakilang si Lady Angela... maagang papasok!! Ugh!!
Mish: Himala! Ang aga mong pumasok Lady?! Me: Manahimik ka dyan! Mish:
Pikon! Haha! Pikon!
Pikon pala huh?
Mish: Aaahhhh!! Wala ka talagang magawang matino!! Me: You're welcome
sweetie! Mish: Ugghh!!
Dumiretso na ako sa upuan ko... and yes! Inangkin ko sya! Hehe!
May: Oh! Himala ata? Me: Wag mo na akong asarin! May: Fine.
Nag-simula na yung class namin and promise!! Super boring huh! At di
nagtagal... VACANT na!!!
Jed: Ui, si Miss Masungit oh!
Ang kapal talaga!!
May: Bez, ikaw ba yung tinutukoy nila? Me: Malay ko... may sayad ata...
Siguro nga nuh? Malay natin... totoo... nyahahaha!!
May: Pa'no na... wala tayong maupuan... maki- upo na lang kaya tayo
kanila... Me: No way! Nuh uh! Never! May: Ayokong kumain sa labas nuh!
Me: Fine! Ugh!
Ano ba naman 'to?! Kapag minamalas ka nga naman di ba?
Neil: Oh L.A. Jed: Huh? Ang ganda na sana ng name... masungit nga lang!
Me: Atleast yung isa dito alam yung name ko hindi tulad ng iba dyan! May:
Haha! Pwede ba kaming maki- share? Neil: Oo naman. Jed: Except for Ms.
Masungit!
Aba?! Nakaka- asar na sya huh?!
Neil: Umupo ka na. inaasar ka lang ni Jed. Me: Thanks!
Padabog akong umupo sa tabi ni NEIL!!!! Wahehe!! Wait... wag masyadong
pa- obvious... Hindi ko kaya!!!....
Mish: Hi Neil! Neil: Hi!
Okay na sana eh... may dumating nga lang na masamang hangin!! Kainis!!
Mish: Oh my dear Lady Angela. Me: Shut up Mish! Mish: Aba?!
Nag- smile ako sa kanya... yung pang- asar... trip ko eh! Sa mga
pinakikita namin ngayon... sinong mag- aakalang friends kami dati?...
kung anong nangyari?... LONG STORY!!
Me: I have to go... may isa kasing panira dyan... Mish: May sinasabi ka
ba? Me: Nag-sisimula ka ba Mish? Kasi kung oo, okay lang sa akin ang
pumunta sa office. Mish: Pasalamat ka at di tulad mo, ayokong magka-
record! Me: Excuse me... humaharang ka na sa dadaanan ko.
Buti pa dito sa garden... malamig! Nyahahaha!!
May: Uy bruha! Me: Anong month na ngayon? May: November? Me: November
20... 3 years na rin pala nuh? May: Ano ba kasing meron... napapansin
kong tuwing November 20 hindi pwedeng hindi ka dadaan dito and dun sa may
playground? Me: Malalaman mo rin yun...
Sana hindi na lang nag-karoon ng November 20, three years ago... wish ko
lang! Erase! Kailangang magpaka- happy nuh! Short lang ang life natin!!
"Promise ko 'to sa'yo... never talaga kitang makakalimutan!"
Kainis na huh?! Hindi naman totoo yung sinabi nya!! Ughh!!
Kakalimutan ko na sya!! Promise ko talaga yan sa sarili ko! Kung sino
sya?... malalaman nyo rin! Hehe...
Nurse: Oh L.A. parang matamlay ka? Me: Ang aga ko kasing gumising eh...
nakakainis! Nurse: Uhh... kumain ka na ba? Me: Yup?
Bakit ba ako nakipag- huntahan dun sa Nurse?! My gahd! Naloloka na ata
ako?!?!
Jed: Uy! Miss!
Sya nanaman?! Ughh!!
Me: Ano nanamang kailangan mo?? Jed: Eto naman, high blood ka nanaman sa
akin eh. Me: So?! Jed: Tingnan mo! Me: Paki ko?
Nag-lakad na ako palayo. Pero may narinig akong hindi gaanong maganda sa
pandinig...
Mish: Hey babe!
Ewww!! Sila pala ni Mish? Kadiri huh? Wahehe!
Mish: Did I just saw you talking to that girl? Jed: Yeah? Mish: Ughh! Wag
mo ng gawin yun huh? Jed: I'll try.
Pareho na silang may sayad... peace po tayo!! Wahehe! Hala... pati ako
ata eh nahawa na...
May: Hoy, buhay ka pa? Me: Sa tingin mo?... Hindi ko talaga kayang
tumagal ng ganito bez... May: Para ka ngang namatayan eh. Me: Sinabi mo
pa... May: Hehe...
Marami ng nagtataka kung paano ako nakakapasa... eh tuwing exam lang
naman ako nagpapakita... yung assignment tsaka project ibinibigay ko na
kay May... ako ang gumagawa nun huh? Marunong rin naman akong mahiya...
hindi nga lang ganun ka- obvious.
Teacher: Ms. Gomez... What is the simplest form of 100: 50?
Patay... anong sagot dun?
Me: 2:1?
Nag- nod lang yung teacher namin... yes! Tama ako!! Yehey!!
May: Nice one. Me: Thanks.
Hala sige... kopya pa ng notes... Para saan pa kasi yung books namin
nuh?! After 100 years... uwian na rin... sa wakas!!
May: Yung crush mo oh. Me: What??
Hindi ko sya getz eh... pasensya...
Neil: Hi L.A.
Ahh... Sinabi ko na bang crush ko sya??...
Naka- uwi naman ako ng alive... as usual sinundo ako ng parents ko...
Akalain nyong hindi sila nagagalit kahit alam nilang nagka- cutting ako?
Wala nga sigurong pakialam? Umalis rin naman sila pagkatapos nila akong
iuwi sa aming house... at ngayon?? Mabubulok na ako dito kung wala pa
akong gagawin!! Haay!
Yaya: Pupunta lang ako sa palengke. Wag kang aalis. Me: Fine... para
namang may mapupuntahan ako...
Umalis na si Yaya. Sanay na silang lahat sa ugali ko na minsan MABAIT...
minsan MATARAY...
Me: Herbie... read it and weep... or Wendy Wu? Pwede ring Lady and the
Tramp, Little mermaid... sleeping beauty... cinderella...
Matawagan nga si Bez.
May: Hello? Me: Hi Bez, help me... please? May: Basta madali lang yan.
Me: Super! May: Ano ba yun? Me: Anong mas magandang panoorin? Herbie,
Read it and weep or Wendy Wu?? May: Huh? Wala ka nanamang kasama dyan
nuh? Me: Yeah.. May: Hay naku! Matulog ka na nga lang. Me: Ayoko nga...
baka manakawan kami nuh... May: Sira ka talaga! May guard kayo nuh? Me:
Eh... malay natin... May: Sleep ka na okay? Me: Fine... Bye...
The next thing I knew... eh umaga na?!? Hindi nyo man lang ako
ginising?...
Mama: Oh buti gising ka na. Me: Huh? Mama: Mag- ayos ka na.
Yun lang?? Bago sya lumabas eh...
Mama: You're not going to wear your uniform today and hanggang 12 ka lang
sa school.
Anong meron? Dahil ayoko ng away... which is very weird, eh sinunod ko
sya... weird talaga! Pumasok na ako sa school at syempz... all eyes on me
nanaman! Fine! Alam ko ng maganda ako, mga sabik kasi kayo sa tulog eh...
yan tuloy konti lang ang nasalo nyong kagandahan... oops! Lumalaki
nanaman ata ang ulo ko... Dumiretso ako sa room, and guess what?! Late
ako! Ang saya naman!!
Me: Hi ma'am! Teacher: Oh? Pumasok ka pa Ms. Gomez? Me: Atleast pumasok
pa ako. Teacher: Well, guess what Ms. Gomez... you can't enter my class.
Itong teacher na ito! Akala mo naman napakasaya ng klase nya! Hmp!
Me: Fine, dun na lang ako sa principal's office.
Umalis talaga ako dun sa pinto ng room namin. Wala akong paki sa kanya
nuh!
Jed: Oh Ms. Masungit? Me: Shut up Mr. Santos! Jed: Ang taray mo naman.
Me: So? Hinahanap mo ba yung girlfriend mo? Sorry, pero hindi ko sya
nakita eh.
Nilayasan ko rin sya! Habit? Siguro... fave ko ang mag- walkout eh. Wala
naman akong books o kung ano pa man... basta meron akong pera sa bulsa
okay na yun... nasabi ko na bang naka- cap ako?? Weird talaga ng araw na
'to?...
Neil: Hey L.A!
Huh? Si Neil ba yun?
Me: Hey? Neil: Pinapatawag ka ng principal. Me: Wala naman akong nagawa
huh? Neil: Ewan...
Wait! Naka- civilian rin sya??
Me: Bakit naka----... Neil: Huh? Naka- civilian? Utos ng mom ko. Me:
Uh... Okay, una na ako sa'yo.
Pumunta na ako sa office. Ang inet naman deto sa Pilipinas!!!...
Mama: Papunta na ba sya dito? Principal: Ipinatawag ko na sya. Mama:
Thanks for trying na mapatino sya.
Huh? Kumatok na ako, at pinapasok naman ako ng Principal, alangan namang
pag-antayin nya ako dun? Eh di nasunog ang aking beautiful skin?
Principal: Sige po, ako ng mag-sasabi sa teachers nya.
Ano naman kaya yun?? Haay ewan!
Me: Saan ba tayo pupunta? Mama: Sa airport. Me: What? Mama: Sorry kung
hindi namin nasabi sa'yo... pero aalis na tayo next week. Me: Nuh uh!!
Mama: Wag ka ng kumontra Angela.
Nakakainis! Lagi na lang sila ang gumagawa ng decision para sa akin!!...
and I hate it!!
Papa: Oh, pirmahan mo na 'to Lady.
Eto ako, sige lang sa pag-pirma... no choice eh.
Me: Pwede na ba akong umalis? Mama: Oh sige.
Sumakay ako ng taxi and... ewan ko ba kung bakit dito ako bumaba sa tapat
ng bahay nila bez?
May: Oh bez? Me: Hey, gala tayo. May: Huh? Oh sige, lalabas rin naman ako
ngayon eh. Me: Great.
Anong great dun??
May: Bakit nga pala hindi ka naka- uniform kanina and bakit ka biglang
nawala? Me: Sinundo ako ni mama, tapos pumunta kami sa airport... and
pumirma ako ng kung anu- ano doon. May: Airport? Me: Aalis na kami next
week... papunta saan? I don't know. May: Ganun ba?
Sinamahan ko si Bez sa national bookstore... kailangan daw nyang bumili
ng materials para dun sa project namin... and bumili na rin ako ng para
sa akin... project yun eh.
Nilibre ko si Bez ng snack... gutom na kasi kami... then, hindi namin
naiwasan yung topic na yun...
May: Hay, paano kaya kung dun ka na nag- aaral? Titino ka siguro? Me: Asa
ka pa? May: Hindi ka man lang mahihiya na mag- cutting doon? Me: Ewan.
May: Oo nga pala, pwede mo bang sabihin sa akin yung tungkol sa mga
ginagawa mo tuwing Noverber 20? Me: Huh? Saka ko na lang sasabihin
sa'yo...
Umuwi na kami after naming lumamon... and grabe... nabusog talaga ako dun
huh?
Mama: Bakit ngayon ka lang umuwi? Me: Huh? Ganitong oras din naman ako
umuuwi dati huh? Mama: Kumain ka na ba? Me: Oo... pwede na ba akong
umakyat? Kailangan ko pang gawin yung project ko eh. And please... wag ka
ng umasta na parang ikaw ang Mama ko.
Dumiretso ako sa kwarto ko... tapos sinimulan ko na yung project ko...
ewan ko ba kung bakit mas mabilis akong natatapos sa mga ginagawa ko
kapag galit ako...
Papa: Angela... Me: Ano nanaman ba yun Pa? Bakit? Nag- sumbong ba sya?
Papa: Bakit mo ba binabastos ang Mama mo? Me: Hindi sya ang Mama ko!!
Papa: Lady!
Binagsakan ko ng pinto si Papa... I hate him!! Lagi na lang sya yung
kinakampihan nya!! Si Stephanie Vasquez... or Stephanie Gomez... and
second wife ni Papa. Bakit ba mabilis nyang pinalitan si Mama?!
Ang bilis ng araw huh? Akalain nyong bukas na pala ang alis namin??
May: Bez sabihin mo na kasi! Me: Fine... mamaya dun sa playground... May:
Okay. Mamaya, 6:00 okay? Me: Oo na.
Grabe talaga 'tong si Bez huh? Basta secret ko eh gustong malaman...
May: Hoy!! Me: Bakit? 5 minutes lang akong late nuh? May: Aalis ka na nga
bukas late ka pa rin. Me: E di masaya. May: Kwento mo na. Me: Fine...
Ganito kasi yun... Tungkol muna sa garden... Nung buhay pa si Mama, eh
dun nya ako madalas dalhin... ewan... basta lagi nya akong kinukwentohan
kapag nandun kami... after some months... November 20... pinakasalan ni
Papa si Stephanie... sya yung tinatawag kong mama ngayon... Oo, mabait
sya... pero hindi ko matanggap na pinalitan agad ni Papa si Mama...
Huminga ako ng malalim nun...
Me: Yung tungkol dito sa playground... noong buhay pa si mama, I have
this friend... bestfriend... mas matanda sya ng 1 year sa akin... then
noong mismong kasal ni Papa and Stephanie... Umalis sya kasama ng parents
nya... Nag- promise sya na hindi daw nya ako makakalimutan... pero hindi
nya yun tinupad eh... ilang beses ko na syang nakaka- salubong... pero
mukhang di nya na ako naaalala... May: Sino ba yun? Me: Si...
Sasabihin ko na sana ang pangalan nya ng...
Papa: Angela! Aalis na tayo!
Anong?! Ngayon na?
May: Akala ko ba... Me: Akala ko rin... bye bez... May: Bye... ingat ka
dun huh? Me: Oo... bye!!
Tumakbo ako papunta sa bahay namin... grabe talaga! Di ko akalaing ngayon
na pala ang alis namin?!
'''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''
''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''''' Fast forward po tayo...
and I'm BACK!!!!!!.... Grabe talaga last month... pahirapan sa pag-
kumbinsi kay Papa na pauwiin na ako... Halos maubos kasi lahat ng dugo ko
sa kaka-english dun!!... kung anong nangyari sa akin dun? Wag nyo ng
itanong... 5 months lang ako dun eh...
Me: Hi Yaya! Yaya: L.A? Me: Sino pa ba??
Dumiretso na ako sa kwarto ko and balak kong pagtripan si Bez...
May: Hello? Me: Hi Bez! May: Oh, 'muztah ka na dyan? Me: Okay naman. May:
Good! May news ako! Me: Ano nanaman ba yan? May: Break na si Jed at Mish.
Me: Talaga?! Kailan pa? May: Last month pa yata? Me: Ganun? May: Yeah...
sige alis na ako... Me: Okay...
Nagpalit ako ng damit tapos nag-paalam na lalabas muna ako... Dahil nga
naka- bihis pa ako eh dapat lang na mapuntahan ko yung mall di ba?
And?...
"Uh..."
Me: I'm sorry... "Okay lang." Me: Dino?! "Huh? Do I know you?"
Sabi na nga ba eh!! Hindi na nya ako naaalala!! Hmp!
Me: Remember Lady Angela? Dino: Lady angela? Me: So, hindi mo na pala ako
naaalala?
Napa-isip ata sya...
Dino: Yung iyakin?! Me: Sshhh! Bakit yun yung naalala mo? Dino: Atleast
may naalala. Me: Tigilan mo ako. Dino: Di ba sikat ka sa school kasi lagi
kang nagka- cutting?
Bakit parang lahat ata ng bad yung naalala nya?
Me: Fine, pero nagbago na ako nuh! Dino: Talaga lang?
Sinamahan nya ako kasi wala syang kasama? Nakakatawa pala syang kasama
nuh? Miss ko talaga 'tong lalaking 'to!
May: L.A?! Bruha!! Me: Bruha ka rin! May: Aww!
Aba't?! Bigla ba naman akong hilahin?!
May: Sino yun? Me: Ah... si Dino yung kinuwento ko dati? May: Tungkol sa
November 20? Me: Oo? May: Bakit ka nga pala nandito? Me: Masama? May
kasama ka? May: Uhh... Oo? Me: Sino? May: Bf ko? Me: Akala ko ba? May:
Ngayon ko lang sya sinagot nuh? Me: Ahh... Sino?
Me: Ahh... Sino? May: Si Jed?
Wee!! May boyprend na si Bez ko!!
Me: Panget!! Dino: Hindi ako panget. Me: Hindi naman kasi ikaw yun! Jed!
Jed: Hi Masungit! Me: Ang kapal mo!! May: Bez naman! Me: Kahit boyfriend
mo yan nuh? Di ko yan patatawarin! Jed: Dino, kelan mo pa nakasama 'tong
masungit na 'to? Me: Manahimik ka nga!
Grabe! Kumukulo na yung dugo ko dito sa lalaking 'to!!
Dino: Nice! Ganyan ka na pala ka- sweet! Me: Nakakainis ka! May: Kain
tayo.
Matakaw pa rin pala si Bez hanggang ngayon... Kumain kami sa Jabee...
tapos kwentuhan lang...
May: Bez may chika ako sa'yo. Me: Ano nanaman yun? May: 'Lam mo ba wala
na dito si Neil. Me: Kailan pa? May: 2 weeks after mong umalis. Me: Ah...
Wala na pala dito yung pinapantasya ko dati...
Jed: Ei, anong pinag-uusapan nyo? Dino: Oo nga. Me: Mga chismoso. Dino:
Ouch! Ang sakit nun L.A.
Hmm... So nag-punta rin kaya sya dun?... Baka sinusundan ako ng love
ko?...
Me: Hey mauna na akong umuwi huh? May: Bye Bez!
Aba?! Pinapalayas ako ng bestprend ko?!
Me: Sige, ipagtabuyan mo pa ako! May: Sorry!! Dino: Uuwi na rin ako, baka
maka-istorbo pa ako sa dalawang 'to. Jed: Bye!!
Pinapalayas nga kami!
Me: Jed, ingatan mo yang kaibigan ko kung hindi magtago ka na!! Jed: Opo
Ms. Masungit! Me: Ugh! Sabay na tayong umuwi. Dino: Okay. May: Bye bye!
Ingat!!
Sumakay kami ng jeep ni Dino... Never kong na-imagine na sumasakay na sa
ganito yung friend ko!!...Joke! Ano ba 'tong iniisip ko? Hello? Tao rin
'tong friendship ko nuh! Bumaba kami sa tapat ng subdivision namin.
Me: Daan ka muna sa amin. Dino: Eh... Nakakahiya naman sa parents mo? Me:
Okay lang yan, labas pasok na nga si May dito eh.
After ng mahabang pilitan eh napapayag ko na rin sya na sumama sa house
namin.
Yaya: Oh mabuti at umuwi ka na. Kanina ka pa hinahanap ng Mama mo. Me:
Anong ginagawa nya dito? Yaya, si Dino nga po pala. Yaya: Oh sige pumasok
na kayo.
Panget ng entrance namin ni Dino... Bakit ko nasabi? Eh makita mo ba
namang may visitor pala kami? How sweet di ba? Kakarating lang nya may
inimbita kaagad sa bahay NAMIN.
Mama: Oh nandito ka na pala L.A. Me: May bisita ka pala? Anyway, si Dino
nga pala. Mama: Hello hijo. Oo nga pala, ito si Mrs. Concepcion.
Concepcion?... Uh... Parang narinig ko na yun...
M. Concepcion: Ang ganda mo pala. Me: T--- thanks.
Plattered?!....I mean, flattered.
Me: Aakyat lang po muna kami sa room ko. Mama: Oh sige, ipapatawag ko na
lang kayo kapag kakain na.
Hinila ko si Din papunta sa room ko.
Dino: Babae ka pala. Me: Anong tingin mo sa 'kin huh?! Dino: Uh... Ano
nga ba? Me: Palayasin kita dito eh! Dino: Pinapunta mo ako dito tapos
ngayon papalayasin mo na ako? Anong klase kang kaibigan? Me: Isang
mabuting kaibigan na handang magpalayas ng sariling kaibigan sa kanyang
sariling pamamahay. Dino: What? Me: Wag mo ng itanong wala akong
naintindihan.
Pumunta kami sa may veranda and nag-count ng mga stars... Eto kasi yung
hobby namin dati...
Dino: 61...62...63... Me: 64...65...66...67... Dino: Nagbibilang ka ba
talaga? Me: Oo... 68...69...70... Dino: 71...72...73...74...75...
Ang gwapo rin pala nito nuh? Kahawig nya si Neil... Promise!...
Dino: Hoy! Matunaw ako sa ginagawa mo. Me: Pasensya!
Pahiya ata ako dun ah!
Yaya: Angela, Dino... kakain na daw. Me: Susunod na po!!
Again hinatak ko ulit si Dino papunta naman ngayon sa dining room!!
M. Concepcion: You know hija, bagay kayo ng anak ko.
Ano raw? Wish ko lang kilala ko yung anak mo nuh!
Me: Ganun po ba? Mama: Kailan ba sya babalik dito? M. Concepcion:
Hopefully ngayong May, maka-uwi na sya.
Hala sige mag- kwentuhan pa kayo dyan! Ikakain na lang namin ni Dino yung
curiosity namin! Natapos naman yung dinner, tapos umuwi na si Mrs.
Concepcion. Si Dino? Tuluyan ko ng ipinagtabuyan sa bahay namin.
Mama: Boyfriend mo ba yun? Me: Kaibigan ko lang sya. Mama: Talaga lang
huh? Me: Pwede ba? Wag kang gumawa ng issue.
Nilayasan ko sya dun. Ayoko talaga sa kanya!!... Binuksan ko yung TV and
nanood ng Princess Diaries 2... Ang cute naman ni Mia... 2 ang boyletz...
Sana ako rin nuh?... Hay naku!! Nangarap pa ako! Pero malay natin di ba?
Maaga akong nagising the next day... And kapag sinabi kong maaga, meaning
it's 3:00 in the morning!! Ang aga talaga!! Makapag-ingay nga!!
If we fall in love, Maybe we'll sing this song as one... If we fall in
love we could write a better song than this...
Ganda naman ng song... Ano kayang title nun?...Ah... If we fall in
love... Matutulog nga muna ulit ako...
Haay!! 10:00 na pala... Ginawa ko na lahat ng seremonyas ko tapos nag-
ready na akong gumala.
Mama: Saan ka nanaman pupunta? Me: Kahit saan away from this house? Mama:
Bumalik ka kaagad huh? Me: Bahala na.
Dumaan ako sa isang pet shop malapit sa school... Ang cute naman ng puppy
dito...
Mish: Bumalik na pala ang sikat na si L.A. Gomez. Me: Wow naman Mish!
Naalala mo pa pala ako. You're so sweet!! Mish: Kamusta na yung mang-
aagaw mong friend? Me: She's fine. And ikaw? Mish: I'm great! Me: Talaga
lang huh? Sige mag- usap na lang kayo ng puppy, baka sagutin ka nya.
Naglakad na ako papasok sa school, malay ko ba kung may nagbago na
dito...
I knew I loved you before I met you...
Sino naman kaya 'to?...
Me: Hello? Mama: Hey dear.
Dear ka dyan?! Yuck!
Me: Ano bang kailangan mo? Mama: Ipapasundo kita sa driver wherever you
are okay? We're going to celebrate para sa pagbalik mo dito. Me:
Whatever. Anyway, nandito ako sa school.
Hmm... Ano naman kayang klaseng party yun? Dati kasi, hindi naman formal
yung party pero pinag-suot nya ako ng formal dress... Madalas talaga
ipinapahamak nya ako... Gusto na ba nyang mamatay si L.A. Gomez?!....
Naisipan kong taguan yung driver... Hmm... Parang nawalan na ako ng
ganang pumunta sa "celebration" na yun.
Driver: Ma'am hindi ko po mahanap si Ma'am Angela. Mama: Ano?! Hanapin mo
sya, baka kung ano pang mangyari sa batang yan. Driver: Mukhang wala po
sya dito sa school eh. Mama: Basta. Kailangan pag-balik mo dito kasama mo
sya. Driver: Opo.
Kung nasaan ako ngayon... Chikwet!... Hehe!!
"Psst!!"
Sino yun? Ginagawa ata akong doggie??
"Psssstt!! Lady!"
Kilala nya ako?!?! Hala!! Baka kung anong gawin nito sa akin... Nooo!!!
Bata pa ako!!
"Hoy!"
Hoy ka rin!! Baka naman kidnapin ako nito... Wag naman sana, pero kung
gwapo, why not di ba?!.... Finally naisipan ko ring lingunit yung
sumusutsot sa akin...
Me: Uh...
Anong ginagawa ng lalaking 'to dito?!
Me: Bakit mo ako sinusundan?! Dino: Wala lang... Hehe! Ang cute mong
magalit!!...
Cute daw ako? Wahehe! Plattered na naman!!
Me: Ganun? Sa susunod na gawin mo yun hindi na talaga kita patatawarin!!
Dino: Oh sige, promise di ko na uulitin... Saan ka nga pala pupunta? Me:
Kahit saan. Dino: Wow! Bagong lugar ba yan? Isama mo naman ako oh. Me:
Haha! Nakakatawa!
Sinundan nya pa rin ako hanggang sa makarating kami sa mall...
Dino: Saan ka ba talaga pupunta? Me: Hindi ko alam. Dino: Ganun? Me:
Yup... Dun tayo sa arcade. Dino: Huh? Me: Hindi ako mag-lalaro... Magka-
karaoke tayo!!
Kinaladkad ko si Dino papunta sa place na yun... Sobrang ingay!! Ano pa
nga bang ieexpect ko sa mga ganitong lugar di ba? Madalas talaga hindi
ako nag- iisip!!...
Dino: Anong kakantahin mo?? Me: Hmm...
Tiningnan ko naman yung mga naka- lista dun... Ano kayang pwedeng
kantahin... Dun sa nagbabalak na magtakip ng ears don't worry hindi naman
ako boses palaka.
Me: Have you ever wonder what life is about, you can search the whole
world and never figure it out...
Aba?! Pumalakpak ang mokong?!
Dino: Weee!!! May talent ka pala huh?
Me: I've got somewhere I belong, I've got somebody to love...
Yess!! Napatunayan ko ng hindi ako boses palaka!! Maka- kuha ka ba naman
ng 85?! Achievement na yun nuh!
Dino: Ei, di ba si May at Jed yun? Me: Huh?
Umm... Tama sya huh? Buti hindi ko binulabog si Bez, may date pala sila
ni Panget.
Me: Next song... Umm... We Belong...
Take a deep breath.... Kaya ko 'to!!
Me: I've tried to tell you, so many times this feeling of mine, But it's
not that easy, letting you know how I love you so...
Wow! Naka- stare sa akin si Dino... Baket kaya?
Me: Don't you know that we both belong...
Hmmm... Napatingin ulit ako kay Din, umm... naka- stare pa rin sya?? Baka
nagandahan sa akin?....Oops! Lumalaki nanaman ang aking head!...
Finally, naisipan ko na ring itigil yung aking mini-concert dun...
Nababagot na rin kasi ako eh... Kawawa naman ako nuh?
May: L.A.!!
Eh?
Me: Wag mo namang ipagsigawan ang aking beautiful name. May: Haha!
Hinahanap ka sa amin ng driver nyo. Me: Buti hindi ko sinabi sa'yo kung
nasaan ako. May: May ginawa ka nanaman bang kasalanan? Me: Wala nuh...
May "celebration" daw kasi para sa pagdating ko... Ka-artehan nanaman ng
Nanay ko. May: Bruha ka talaga! Ang saya nga ng naisip ng mother dear mo
eh. Me: Anong masaya dun? Sigurado namang mabo-bored lang ako dun. May:
Kung sabagay... Dino: Ehem! Jed: Ehem! Me: Wag nga kayong papansin!! May:
Lady... Si Dino na lang ang sigawan mo... Me: Uyy... Kinakampihan na nya
yung syota nya! May: L.A. naman...
Pa- shy effect pa 'tong si Bez!
Me: Oh sya sige, halika na nga Dino! Baka NAKAKAISTORBO tayo sa date
nila! Jed: Mag-tampo ba naman? May: Ei bez, sama na kayo sa amin. Me:
Hmp! May: Nakaka-ilang kasi eh...
Tiningnan ko si Bez... Sa totoo lang, gusto ko ng humalakhak dahil sa
itsura nya!! Hehe... Bad nuh?...
Me: Fine...
Tiningnan ko naman si Dino na parang clueless sa mga nangyayari...
Me: It's a double date...
Tama ba naman yun? Hehe... Nasabi ko na eh! Wala ng bawian!
May: So... Saan tayo pupunta? Dino: Hmm... Jed: Uy Ms. Double Date, saan
tayo ngayon? Me: Manahimik ka nga Jed! Nag- iisip pa ako!!...
Saan kaya magandang pumunta ngayon... Nakakasawa na dito sa mall... Sa
park, masyadong exposed... Saan kaya?.............. Alam ko na!!
May: Ei Bez, may naisip ka na? Naka- smile ka na eh. Me: Sa totoo lang,
ang ganda ng idea ko... Jed: Saan nanaman ba yan? Nakakatakot yang ngiti
mo eh. Me: Basta! Promise, enjoy tayo dun. Dino: Talaga lang huh? Me: Wag
ka ng kumontra!
Naglakad na kami palabas ng mall...
May: Anong sasakyan natin? Me: Sasakyan? Dino: Sabi na nga ba delikado
kang kasama. Me: Sobra ka naman!! Jed: Saan ba kasi? Me: Basta! Follow
the leader na lang!
Nagsimula na akong mag- lakad kasabay si Dino.
May: Angela, pagod na ako. Me: Malapit na tayo!
Kung saan kami pupunta? Dun sa maraming bike, sa malapit sa star city...
getz... hindi ko alam kung anong lugar yun eh, basta ang alam ko,
madaming bike dun!! Hehe...
Dino: Dito? May: Uh... Jed: Hmm... Me: Anong masama dito?!
Matingnan nga ng masama 'tong tatlo, parang ayaw nila dito eh.
Dino: Uh... Okay dito. May: Ang daming bike huh? Jed: Nice...
Parang mga napilitan lang nuh? Wahehe!! Nag- ikut- ikot kami dun, tapos
nag- rent ng bike...
May: L.A!! Tabi!! Me: Huh?! Aray!!!!!!
Huhu... Waah! Sakit ng paa ko!! Bez?!?!
May: Sorry, sinabi ko namang tumabi ka eh... Me: Hmp!! Ouch... Jed: Okay
lang kayo? Dino: Para kayong bata! Hehe! Me: Eh kung tinutulungan mo ba
naman ako? Dino: Sorry, my bad...
Tinulungan nya akong tumayo... Ganun din naman si Jed kay Bez, ang sweet
ng dalawa! Nakaka- inggit!!... Finally, nagutom rin kami... Kumain kami
sa isang sulok sa park... Nakaka- antok...
May: Aww... Antok ka na bez? Me: Hindi pa ba halata? Jed: Uwi na tayo...
Mahirap magbuhat mamaya. Dino: Kung sabagay, mabigat pa naman siguro
'tong si L.A.
Ang kapal huh?!
Me: Anong gusto mo huh?! May: Tama na bez, pagod ka na...
Iniuwi na nila ako... Hyper kasi ako kapag pagod na eh... Baliktad nuh?
Well, ganyan talaga... Si Mother dear naman ayun, alalang- alala...
Pakialam nya ba sa akin? Wala naman di ba?! Nagpatulong sya kay yaya na
ihatid ako sa room ko...
Me: Bitawan nyo nga ako!! Kaya ko ang sarili ko!!
Binitiwan naman nila ako... Buti naman!
Me: Lumabas ka muna yaya.
Syempz si Yaya naman eh lumabas kaagad.
Mama: L.A. ano bang nang- yayari sa'yo? Noon naman hindi ka ganyan di ba?
Me: Noon yun! Bago ka pakasalan ni Papa!! Ayoko sa'yo!! Galit ako sa'yo!!
Bakit ka pa kasi dumating sa buhay namin ni Papa?! Bakit mo pinalitan si
Mama?!?! Galit ako sa'yo!! Mama: Angela... Me: Labas!!
Pinalabas ko sya ng kwarto... Bahala na kung anong magiging reaction ni
Papa, ang mahalaga nasabi ko na yung itinatago ko noon... Late na akong
nagising... Dahil sa isang malakas na katok sa aking door... Ni- lock ko
kasi bago ako matulog...
Papa: Angela!!
Tatay ko yun huh?!... Bakit nandito na sya?... Kung alam ko lang,
siguradong isinumbong nanaman ako ni Stephanie...
Me: Wait!
Binuksan ko yung pinto and hinila ako ni Papa, at...
Me: Uh...
Sinampal ako ni Papa?! Never nya yung ginawa sa akin huh?!
Me: P---Pa?... Papa: Hanggang kelan mo ba babastusin ang mama mo?! Me:
She's not my Mom!! Papa: Sumusobra ka na L.A! Me: Sumusobra na kung
sumusobra! Kayo naman ang dahilan kung bakit ako naging ganito eh! Kung
hindi mo sana ipinagpalit kaagad si mama sa babaeng yan okay pa sana tayo
ngayon!!
Okay lang naman sa akin na palitan ni Papa si Mama, pero bakit sobrang
aga naman ata nyang ginawa yun? Ni-lock ko yung sarili ko sa kwarto...
Ayokong lumabas... galit ako sa kanila!!... Bakit ba naman kasi maaga
mong kinuha sa amin si Mama, Lord...
Mama: Bakit hanggang ngayon... hindi nya pa rin maintindihan? Kahit anong
gawin ko... Papa: Mare-realize rin nya ang totoo... Sige, mauna na ako...
Baka ma- late ako sa flight ko.
Umalis na nun si Papa... Alam ko namang masama yung ginawa ko pero anong
magagawa ko kung yun ang nararamdaman ko huh?... Anyway, hindi maalis sa
isip ko yung pinag- usapan nila... Maybe I have to getout of this
house... Inayos ko yung sarili ko and patagong lumabas ng bahay... Hmm...
Basta sasakay na lang ako ng jeep and bahala na kung saan ako mapadpad...
Pagkasakay ko ng jeep lumipad nanaman ang utak ko... Kung bakit
lumipad... Hmm... Maybe may wings sya...
"Hey, nakatulala ka dyan?"
"Hey, nakatulala ka dyan?"
Sino yun?... Hala, baka kidnapin ako?... Pero kung gwapo why not di
ba?... Although curious ako sa fesh nya, eh hindi ako lumingon... Baka
mukhang mamaw pa 'to eh...
Me: Mind your own business. "Ang sungit mo naman... Hindi ka pa rin nag-
bago..."
What??... Natuluyan na yung pagiging curious ko kung sino sya and...
Neil: Long time no see huh?
Si--- si Neil??... Si Neil nga!! Yipee!! Bakit nga pala ako nag-sasaya
huh?
Me: Uh... Kelan ka pa dumating? Neil: Kahapon lang... Did I just see you
riding this thing? Me: Yah? Tao rin ako nuh... Anyway, gusto mong sumama
sa akin? Neil: Saan? Me: Kahit saan...
Tumango lang sya ang nag- smile... Bumaba kami sa mall...
Me: I heard na umalis ka 2 weeks after kong umalis? Neil: Ah... yah...
Ewan ko ba sa Mama ko. Me: Okay... So kamusta ka dun? Neil: Okay naman...
Though marami akong na- miss dito.
OMG!! Sana kasama ako sa mga na- miss nya...
Me: Gutom ka na? Neil: Medyo. Me: Halika kain tayo. Neil: Treat mo? Me:
Ano ka sinuswerte? KKB tayo. Neil: Sounds fair enough.
Aba? Pa- englesh englesh na lang ang Fafa kuh? Dumiretso kami sa McDo...
tapos...
Neil: Anong sa'yo?
Ako naman eh sinabi ko yung gusto ko...
Neil: Yun lang? Baka kulang pa yun sa'yo? Me: Nah... Pwede na yun.
Tumalikod na sya ng maalala kong...
Me: Hey, eto yung pera oh... Neil: Wag na... Treat ko.
Shocking! First time huh? Wahehe!! Kahit paano nakalimutan ko yung
nangyari sa bahay... Hindi ko namalayan na naka- upo na pala sya sa
harapan ko.
Neil: Hey, okay ka lang? Me: Uh... Siguro... Neil: Kanina ka pa tulala.
Me: I'm fine... Neil: Sinabi mo eh... Oo nga pala, I heard na pumunta si
Mama sa inyo? Me: Mama mo? Neil: Hmm... Me: Hmm...
Mama nya?...
==Plashbhack==
M. Concepcion: You know hija, bagay kayo ng anak ko.
==End==
Ahh... Yun pala yung Mama nya!!
Me: Naalala ko na... Yung magandang babae sa bahay... Kasama ko pa nga si
Dino noon eh. Neil: Dino? Me: Ah... Yung friend ko. Neil: Friend lang
huh? Me: Yup, just friends.
Anong gusto nyang palabasin dun sa sinabi nya? Baka jealous?... Sana nga
nuh? Wahehe! Ang haba talaga ng hair ko!! After naming mag- eat eh
dumiretso kami sa Department Store... Grabe huh? Ang daming people!!
Hindi obvious na sale ngayon... Speaking of sale, papalampasin ko ba 'to?
Neil: Wag mong sabihin na... Me: Don't worry wala akong bibilhin, kulang
yung pera ko eh.
Hindi naman talaga kulang yung pera ko... Tinatamad lang ako nuh... Kasi
naman nakakahiyang magpa-bitbit sa kanya... After 2 hours...
Neil: May problema?
OMG!!... Nanay ko yun huh?
Me: Uh... Neil: Nasa earth pa ba yang utak mo? Me: Yeah... Dun ka muna sa
bookstore, may titingnan lang ako. Neil: Samahan na kita. Me: Uh... Wag
na... Neil: Okay.
Patay nanaman ako sa kanya kapag nakita nya ako. Naku!! Pasalamat talaga
sya ayaw ko ng masampal ulit huh?
Mama: Oh, nandito ka rin pala. Me: Nakikita mo naman di ba? Mama: May
kasama ka ba? Me: Yeah meron. Mama: Nasan sya? Me: Pati ba naman kaibigan
ko pinakikialaman mo? Mama: Wag ka ng magsimula ng away... Bakit nga pala
wala ka pang nabibili? Kulang ba ang pera mo?
Kukuha na sana sya ng pera galing sa bag nya...
Me: Hindi kulang ang pera ko... Sa tingin mo ba pagkatapos akong sampalin
ni Papa magkakaroon pa ako ng ganang mag- shopping? Mama: Sorry sa
nangyari kanina... Me: Sa tingin mo makikinig ako sa sorry mo? Aalis na
ako, sa bahay mo na lang ako kausapin.
Iniwan ko na sya dun... Hmp! Nakaka- asar na talaga!! Kapag masaya ako
lagi na lang syang nandun para sirain yung araw ko!! Pinuntahan ko na si
Neil dun sa bookstore...
Me: Sorry kung natagalan ako huh? Neil: Okay lang. Me: Umm... Saan ba
magandang pumunta ngayon? Neil: Uhh... Dun tayo sa bahay nila Jed. Me:
Baka maka---... Neil: Pinapapunta nya ako.
Ikaw lang naman pala eh. Wag mo na akong isama nuh.
Me: Ikaw na lang. Neil: Samahan mo na ako dun.
Pasalamat ka gwapo ka huh?!
Me: Fine!
Ok lang ba?... Kabado kc ako sa project namin sa chem... Tama ba namang
pag-tripan ako para gawing leader?! Tapos hindi pa ako nakakapag- recite
sa blackboard... Kainis Pahirap pa naman ng pahirap yung mga tanong ni
Ma'am.
Sumakay kami ng taxi papunta daw sa bahay nila Jed.
May: Bez!! Uy Neil!! Jed: Ano yan? Date? May: Bez! Bakit di mo sinabi sa
akin? Me: Anong sasabihin ko? May: Nagde- deny ka pa huh? Neil:
Mukhang pareho kaming clueless ni Neil huh? Finally, pinapasok na kami ni
Jed sa house nila... I wonder kung anong itsura ng bahay nila Neil.
May: Bez, dun tayo sa garden.
Syempre ako naman eh di na kinontra si Bez.
Me: Ano ba yun? May: Nililigawan ka ba ni Neil? Me: Nililigawan?
Gosh! Isa yun sa mga wish ko. Charing!
May: Hindi nga bez? Nililigawan ka ba nya? Me: Asa! Hehe, bakit naman
pumasok yan sa utak mo? May: Wala lang. Feeling ko eh... How about Dino?
Nanliligaw ba? Me: Chimosa ka.
Uy! Dream ko rin yun! Nyahahaha!! Joke!
May: Pero type mo sya? Me: Aba, oo naman nuh! Wafu eh! May: Hay naku! Me:
Wala bang pagkain dyan sa bahay ng shoti mo? Gutom na ako eh. May: Ano
bang alaga mo dyan sa bituka mo? Me: Umm... Ewan.
Headline!! Gutom ako! Penge ng food!! Maawa na kayo sa gutom... Isa!
Magbibigay kayo o hindi?! Dalawa?! Akin na yang pagkain nyo! Tatlo!!
Bang!! May isang reader na pinatay na ang kawawang si L.A.!! Xenxa na
po... Gutom lang talaga!! Pumasok na kami sa bahay nila Jed... Waah!!
Gutom na ako!!
Jed: Uy L.A... Me: Ssshhh... Jed: Anong problema nyan? May:Ewan... Gutom
daw sya eh. Jed: Ah... Me: Uwi na ako.
Nyak! Ang aga ko namang uuwi.
Neil: Hatid na kita. Me: Wag na.
Lumabas na ako ng bahay nila Jed tapos sumakay ng taxi...
Manong Drayber: Saan po tayo ma'am? Me: Umm...
Sinabi ko yung address nila Dino... Well, wala na tayong magagawa... Yun
yung nasabi ko eh. After 25 minutes nandun na ako sa tapat ng apartment
ni Dino. Yep, sa isang apartment sya nakatira... Samantalang maganda rin
naman yung hauz nila dito.
Dino: Angela? Me: Hello!! Dino: Sshh... Anong ginagawa mo dito? Me:
Binibisita ang long lost friend ko. Dino: Ah ganun? Tinatawagan kita sa
inyo kanina. Me: Anong sabi? Dino: Wala ka daw dun.
Ahh!! Ang engok mo talaga L.A!! Alangan namang sabihin nila na nandun ka
or natutulog!! Haay! Ewan!!
Me: Ah... Okay. Gala tayo. Dino: Huh? Baka kung saan mo nanaman ako
dalhin.
Natakot ata kahapon!! Nyahaha!!
Me: Sa mall lang tayo.
Sumunod naman sya sa akin...
3:15... Haay!! Chakit na ng tyan ko sa kakatawa!! Wahehe!
Dino: Lagot ka sa akin kapag may naamoy akong kakaiba! Me: Ganun?
Dumiretso kami sa food court kasi gutom na kami?... Hehe...
Dino: Anong sa'yo? Me: Burger... Juice... Ice Cream... Spaghetti... Dino:
Ano ka? Bata? Me: Umm... Opo kuya Dino!!
Hehe! Napakamot naman si Dino sa ulo pero hindi naman sya nag- reklamo.
Haay!! Ang daming nagdi- date dito!! Nakaka- inggit naman!!... Nyak? Ako
maiinggit?... Well... Inggit na inggit lang.
Dino: Hoy! Matutunaw sila sa'yo nyan eh. Me: Sira ka talaga!! Hmf! Dino:
Oo nga pala... Bakit ka naman nagyayang mag-gala? Me: Trip ko eh... May
angal? Dino: May sinabi ako?
Tinuloy lang namin yung pag- lamon and then nagyaya na akong umuwi.
Dino: Bye! Me: Bye!! Thanks sa food! Dino: You're welcome!!
Pag-pasok ko sa bahay eh wala yung "Mama" ko.
Yaya: L.A... Me: Huh? May problema po ba?
Wee!! Marunong pala akong mag- po!! Magalang na ba ako??... Ugh!! Ang
hirap isipin!!...
Yaya: May tumawag sa'yo kanina. Me: Ah... Alam ko na po. Yaya: Buti
naman. Sige, kakain ka na ba? Me: Umm... Busog pa po ako eh... Nilibre po
kasi ako ni Dino.
Pumasok na ako sa room ko ng biglang...
I have a feeling that you're holding my heart...
Me: Hello??....Umm... Hello??......
Alang 'ya!! Ayaw sumagot?!?!.... Sino naman kaya 'to?! Humanda sya sa
akin kung kilala ko sya!!...
Ok lang po ba??... Hmm...
***The next day***
Mama: Good morning sweetie! Me: Anong nakain mo? Mama: Masama ba?
Hay naku!! Agang- aga iniinis nya ako!!...
Me: Si Yaya. Mama: Pinag-day off ko. Me: What?! Mama: 'Cause na-realize
ko na kailangan nating mag-bonding.
Bonding?! Nasisiraan na ba sya?!?!
Me: Hindi nakakatuwa yang joke mo! Mama: I'm not joking L.A. Me: Well...
Hindi ako sasama sa'yo.
10:00... The worst nightmare... Akala ko panaginip lang yung conversation
kanina... But I was wrong... 'Cause kahit yata sampalin ko yung sarili ko
eh hindi ako magigising sa nightmare na 'to!!....
Me: Saan mo ba talaga ako dadalhin?! Mama: Basta... I'm sure mage-enjoy
ka dun. Me: Ako? Mage-enjoy? Are you serious?!
Ngumiti lang sya sa akin... Then I found myself standing outide a
mall?!?!
Me: Ano ba talagang balak mo?! Mama: Shopping.
Shopping ka dyan?! Mag-shopping kang mag-isa nuh!!
Since wala naman akong magagawa eh napilitan na akong pumasok...... At
nag- shopping nga sya.
Mama: Wala ka bang gusto dito? Me: Wala. Mama: Halika, akong magsha-
shopping para sa'yo. Pangit tingnan kung galing ka sa mall and wala kang
dalang shopping bags. Me: Don't waste your money on me. Mama: Haay!
Nahiya ka pa.
Nahiya pala huh? I dragged her papunta sa kung anu- anong store and
nagpabili ng kung anu- ano. Take note puro mahal yung mga tinuro ko huh?
After mag- shopping eh kumain kami, aba naubos yung energy ko dun.
6:00 na kami naka- uwi... Dami kong nabili!! Haay! San ko naman kaya
isasalpak 'tong mga 'to?? Bahala na nga!
This could be the start of something new...
T*ng*n@!! Anong klaseng buhay 'to? Parang kakatulog ko pa lang huh? Tapos
bigla akong magigising?! Hmf!
Me: Hi Yaya. Yaya: Oh gising ka na pala. Eto oh kumain ka na. Me: In bed?
Yaya: Oo, sabi ng mama mo, simula ngayon pwede ka ng kumain dito sa
kwarto mo?
Himala? Tagal ko ng hinihiling na makakain dito sa loob ng room ko. Tapos
ngayon bigla- bigla na lang nya akong papayagan... Weird sya...
After nung breakfast ko eh naligo na ako... Tapos maya- maya eh ready na
akong gumala. 'Pag labas ko eh may naalala akong napaka-importanteng
bagay....
..........
......... SAAN AKO PUPUNTA?!..........
......Hmm......Eh kung yayain ko si May, Jed, Dino, Neil... at sa
maniwala man kayo oh sa hindi.... Pati si Mish.... Haay!! Bahala na nga!!
Tinext ko silang lahat pero syempre may halong pagbabanta yung kay
Mish... Takutin ko ba namang ipagkakalat ko na before nung FRIENDS pa
kami eh meron syang glasses, tapos sobrang laki nung bag nya, ang haba
nung medyas nya!! Eww!! Grade 5 pa kami nun huh? Pero naaalala ko pa...
Mish: Ang galing mo ring manakot nuh?! Me: Aba? Syempre naman nuh! May:
Ui!!... Bakit sya nandito?? Jed: Oh ang dami natin? Dino: Nakaka-OP
naman... Neil: Huh? Me: Ssshhh!! Shut up muna kayo okay? Basta walang
away ngayon!
Pumunta kami sa isang farm... Actually farm yun nila Neil... According
kay Jed.
May: Wow!! Mish: Sa inyo 'to?
Tumango lang naman si Neil... Haay!!
Namasyal lang naman kami dun and sobrang gulo ng ikinikilos ni Neil at
Dino! Bihira mag-usap and walang oras na kahit isa sa kanila eh hindi
nakadikit sa akin... Bakit kaya?.....
May: Ui... Me: Eh? Mish: Bakit ganyan yung dalawa? Me: Sino? May: Si Neil
at Dino. Me: Anong meron?
Gulo ko!!
Mish: Bakit parang nagkaka-ilangan? Me: Weh?
Nilingon ko yung dalawa... at... Hahahaha!! Kulang na lang magkaroon ng
kidlat sa gitna nila!!
Jed: Ui Neil! Neil: Eh? Jed: Wala lang. Neil: Haay!
Mukhang OP si Dino dun huh?
After lunch eh umalis na kami... Ewan ko, pero ang bilis ko naman atang
mapagod kaya naman pag-gising ko eh... knockout ang beautiful lola
nyo........
Mama: L.A? Me: Ano?! Mama: May bisita ka... Me: Sino? Mama: Si Dino.
Anong ginagawa ni Dino dito??...
Dino: Hi! Me: Oh bakit nandito ka? Dino: Will you marry me?
Anak ng kalabaw! Anong will you marry me ka dyan?!
Is everybody going crazy? Is anybody gonna save me...
Sh*t!! Ayan tuloy nahulog pa ako sa kama... Hmf!!... Pero buti na lang
panaginip lang yun... Phew!.....
Bumaba na ako and OMG!! 4:00 in the morning?! May himala ba?!... Binuksan
ko yung ref namin.... Oops! Bakit ko binuksan eh hindi naman ako
nakakaramdam ng gutom? Ang gulo ko!!..... Bumalik ako sa kwarto ko and
naisipan kong panoorin yung movie na STAY ALIVE... Hahaha!! Nakakatawa
naman oh! Sabi nila horror daw yun...
...... Bumaba ulit ako and kumuha ako ng tubig... Natuyo yung lalamunan
ko sa kakatawa dun mag-isa eh... Then sa may hagdan... Parang may
sumusunod sa akin... Hala ka! Parang nafi- feel ko yung mga nangyari sa
movie huh? Baka makita ko yung Elizabeth ba yun?...Lord wag naman
sana!... Madami- dami pa naman akong pangarap sa buhay!!.... Binilisan ko
na lang yung lakad ko and natulog na ako kaagad...
Yaya: Angela. Me: 'Po?
Parang nakita ko na 'tong scene na 'to huh?
Yaya: May bisita ka.
Bumaba ako ng stairs and I saw Neil...
Me: N---Neil?...A-Anong ginagawa mo dito?
Don't tell me sasabihin nya rin yung line na will you marry me?!
Neil: Umm... Kasi.... Uh... Gusto ko lang sabihin na... Me: Anong gusto
mong sabihin?
Naku Neil!! Sana yun yung sabihin mo!!
Neil: Umm... Kasi...
Mama: L.A?
Kamote naman oh!! Istorbo talaga 'tong nanay ko!!
Me: What?!?! Mama: May pasalubong akong brownies sa'yo. Me: Heh? Ginising
mo ako para dun?? Mama: Favorite mo yun di ba?...
Hmm... Oo isa yun sa mga favorite ko... Pero si Mama lang may alam nun
eh.... Bakit nya alam?.....
Me: So, nasan yung brownies? Mama: Matulog ka muna ulit. Masyado pa
kasing maaga eh. Baka sumakit yang tyan mo. Me: Anong oras na ba------
3:30?!?!..... Ibang klase ka rin nuh? Mama: ...Sweet dreams...
Oo, sweet dreams!!.... Sana lang may continuation yung panaginip ko
nuh!!.... Nahiga na ulit ako and......
Me: Ano ba kasi yun Neil? Neil: Eh... Kasi...
Asus!!........
Me: Heh? Neil: Pwede bang---.......
Parang hindi will you marry me ang line nya huh?.....
Is everybody going crazy.....
Anak ng..... Bananacue!!!........Shhhhhsssshhhhhh.......Bitin
nanaman?!?!........10:30 na pala...............
Yaya: Oh buti gising ka na. Me: Heh?
Dumiretso ako sa sala and.... {Nakapag- shower na puh akuh huh} .....
Mama: Ay naku buti bumaba ka na.... Kanina ka pa inaantay ng mga bisita
mo... Me: Anong ginagawa nyo dito?!?!
Mama: Ano ka ba L.A?... Bisita mo sila. Oh sige maiwan ko muna kayo and
ilalabas ko na yung brownies para may makain kayo.
Heh?...
Me: Nag- lunch na kayo? Dino: Umm... Neil: Ako hindi pa. Dino: Ako rin.
Me: Ah... Pare- pareho pala tayo.
Pumunta ako sa kitchen and kinausap ko si Mama tungkol sa lunch namin...
Nag-aaway na yung bituka ko eh...
Yaya: Kakain na daw.
Phew!!...
Me: Ui!! 'Lika na kayo!!
Pumunta na kami sa dining room... Goshie!!... Gutom na talaga ako!!...
Haay!! Ang tahimik naman nila... Shhh... Baka mabulunan pa sila...
Joke!!....
Dino:Uh... Me: Ano yun? Dino: Umm... Me: Heh?
Tagal naman oh... Hindi tuloy ako maka- subo baka ma-shock ako sa
sasabihin nya eh... Mabilaukan pa ako.
Dino: Mamaya ko na lang sasabihin.
Mamaya... Fine. 1:30 umalis na si Dino... Nauna pa ngang umalis si Neil
eh... 12:00 pa lang kasi umuwi na. Haay!! Bored ako! Pero wala ako sa
mood para lumabas.... Heh... Laki ng problem ko.....
Tapos mei nag-txt...
Neil: Pde manligaw? Dino: Pde manligaw?
Nag-usap ba sila??
Me: Dandah ng joke m0 ha? Neil: Serious aq. Me: Eh? 4 real? Neil: Yup.
Goshie!!............. wohoo!! Si Neil!!....... Liligawan
ako!!!.......Yesss!!....Hanggang sa mag- gabi eh ka-txt ko
sya........Wait....... Parang may nakalimutan akong i-txt.... Meron nga
ba??
The next morning (bilis nuh) may masamang ginawa ang body ko...
Me: Hi Ma!!
See? Sama ng ginawa nya!!... Inlove ako!! Shocking!!....
Mama: Oh, anong gusto mo? Me: Hot cake...
Heart shape huh?
Mama: May maganda bang nangyari kahapon? Me: Wala. Mama: Haay!! Tayo lang
naman, hindi natin sasabihin sa Papa mo. Me: Promise!!
Bad body! Bad mouth!!
Mama: Promise. Me: Nililigawan po ako ni Neil!!... Sagutin ko na kaya?...
Mama: Hindi mo man lang pahihirapan?? Me: Hindi nuh! Baka patulayin ko
sya sa alambre, pag-igibin ko ng tubig... Masira yung beautiful body nun!
Ahh!! Sama ng utak ko!!... Hindi ko makontrol yung sarili ko huh?
Mama: Ganun? Sya ba ang unang manliligaw sa'yo. Me: Umm... Nope. Madami
naman akong manliligaw nuh!
Promize!!... Pero mas marami sa dreams ko... Nandyan si Bentong,
Bayani... Oops! Mali!!........ Si Prince Troy, Prince Gian... Sino pa
ba?.... Basta madami silang nababaliw sa beauty ko!!.... Peace po
tayo!!....
After kong mag- breakfast... Too bad hindi heart-shaped yung hot cake
ko... Tinext ko si NEIL!!....
Me: Mornin' Neil: Mornin' din po. Me: Baket mei po? Neil: Wla lng. Mea n
po tau txt.
Aba?! Baket naman?.... Habang nag-eerase ako ng message eh napansin ko
yung text ni Dino.
Me: Mornin' Dino.
Hala!!... Alang reply.... Anong nangyari dun?.... Baka nagtampururot?...
Pero hindi eh.... Baka nag- suicide.... Oh no!!.......Think positive
L.A...... Baka naman tumalon na sa tinitirhan nya!!.....
OMG!!...............Matawagan nga.........
"Hello?"
Hindi si Dino yun huh?.....
Ibinaba ko na yung phone... Hmm... Parang mas matanda kay Dino so hindi
nya yun GF... Haay!! Worried ako sa friend ko!!
Yaya: L.A... May...
Inunahan ko na si Yaya and... Ahhh!!
Me: F---Flowers?!?!
Kinuha ko yung flowers na nandun sa may pintuan... Gosh!! 2 pa ang nag-
bigay... Yung isa galing kay.......NEIL!!......At yung isa........Galing
kay Dino?
Ipinasok ko na sya sa loob ng bahay and ipinalagay ko sa vase. Binuksan
ko yung TV sa room ko and... Hmm... Makapag- karaoke nga!
Me: I can't see me loving nobody but you for all my life, When you're
with me baby the skies will be blue for all my life...
Ui! Maganda ang voice ko nuh!
Mama: L.A... Nandito yung kaibigan mo.
Kaibigan?... Hmm, baka si Beshtie!! Binilisan ko naman yung pag-patay sa
TV ko... Sayang ang kuryente nuh!
Me: D---dino? Dino: Uh... Me: Nakakainis ka!! Bakit iba yung sumagot ng
phone mo? Dino: Eh... Naiwan ko yun sa flower shop kanina, magpapasama
sana ako sa'yo. Me:Asus! Kasalanan ko ba kung naiwan mo yun? Tsaka wala
akong balak lumabas.
Naku!! Nagsisinungaling nanaman ako... Pero sa totoo lang, nangangati na
yung paa ko kasi super gusto ko ng gumala.
Dino: Fine... Ibalik mo na lang sa'kin yung flowers. Me: Nyak! Anong
gagawin mo dun? Dino:Itatanim ko. Me: Sa tingin mo mabubuhay yun? Dino:
Yabang... Oo nga pala... Yung tinext ko sa'yo... Me: Ah... Kasi... Dino:
Hindi pwede? Me: Hindi naman sa ganun kaya lang... Dino: Okay... Friends
pa rin tayo di ba? Me: Oo naman. Dino:So as my FRIEND, sasamahan mo akong
kunin yung cp ko.
Kalabaw naman oh!! Mautak din pala 'tong lalaking 'to!!... In the end
sinamahan ko syang kunin yung CP nya, tapos...
Me: Hoy pakainin mo naman ako.
ABA?! Tama bang tingnan ako mula ulot hanggang paa?!
Dino: Buti hindi ka pa lumo-lobo!! Me: Yabang!!!!
Nag-habulan kami sa loob ng mall, pasok dito, labas doon... Ikot dito,
ikot doon... Nakakahilo!!........ Tumatakbo ako ng biglang...
Me: Oops! Sorry.................
Tumingala ako and..............
Me: Neil?!?! Neil: L.A? Anong--- Dino: Huh?
Napatingin sya sa amin ni Dino... Naku!!...
Me: Sinamahan ko lang sya. Neil: Ah... Dino: Oops! Baka may date kayo...
a--- Neil: Uh... Samahan mo na lang si L.A... May pupuntahan pa kasi ako
eh...
Nyek?! Pupuntahan?... Hindi pwedeng sumama?
Neil: Hindi ka pwedeng sumama dun. Me: Kelan ka pa naging manghuhula?...
Neil: Huh? Mauna na ako. Text mo na lang ako.
Akala ko ba wag muna tayo mag-text-text? Gulo nya!! Naloloka nanaman
ako!!...................
P.S.... Hindi po ako inspired huh? sobrang inspired lang
After nun eh nauna na akong umuwi... Bad mood eh.
Neil: Tingnan u ung nasa front door nyo.
Ako naman eh pumunta sa front door and... Ang cute ng puppy!!!!!!
Me:Tnx! Wer ka?
Neil: Pauwi n. kta n lng tau tom.. ha?
Me: Ok. Bye! Ingat!
Dinala ko na yung puppy sa loob ng bahay... Waah!! She's so cute!!!
Yaya: Oh kanino galing yan? Me: Kay Neil po. Yaya: Yung nanliligaw sa'yo.
Me: Yup. Dun lang po muna ako sa room ko. Yaya: Sige.
Nakahiga ako si bed... yung puppy paikut-ikot sa room... And finally
napagod siguro kaya tumigil and nahiga sa isang sulok... Kailangan ko pa
palang bilhan ng supplies si puppy nuh? Maya- maya na nga lang... Tutulog
pa ako... ZZZzzzzzzzz.....
"Arf! Arf!"
Ang ingay ng puppy ko!!...
Me:...
"Sabi ko wag kang maingay eh... Nagising ata natin... Kaw kasi..."
Idinilat ko yung mga mata ko and nakita ko si Neil na pinapatahimik yung
puppy... Ako? Syempre... Biglang napa-bangon...
Me: Wha---- Neil: Err... Pinapasok ako ni Yaya...
Wow! Close sila ng Yaya ko?
Me: Ah... Nakita ka ni Mama? Neil: Wala daw sya dito... May pinuntahan
"daw" Me: I see... Ano nga palang ginagawa mo dito? Neil: Uh...
Tinitingnan yung puppy... Binilhan ko na rin sya ng supplies. Me: Thank
you ha? Hehe...
Niyaya ko na syang bumaba... Gutom na ako eh.
Yaya: Oh buti gising ka na. Kumain muna kayo. Me: 'Lika kain tayo. Neil:
Uh... Buso---
Tiningnan ko sya ng masama...
Neil: Sige na nga.
Kumain na kami dun... Woo!! Walang magandang palabas... Nag-hanap ako dun
sa shelf ng hindi ko pa napapanood na dvd... Tapos...
Me: Uh... Anong mas maganda? Itong kasal kasali kasalo or.... Itong.....
A walk to remember? Neil: Bahala ka.
Hmm.. Parang ayaw nya... Hmp!
Yaya: Lady, nandito sila... May: Bestprend!!!!! Me: Ahhh!! Aswang!!
Niyaya ko si Bez na manood kasama namin ng...
Jed: Ehem!! Me: Oh! Kasama ka ni beshplen? Upo ka din oh!
Hinatak ko sya papunta sa tabi ni bestfriend.
May: Ano bang papanoorin nyo? Me: A walk to remember.
Nung mga nasa kalagitnaan na yung movie...
Me: Neil, palit muna kayo ni Bez.
Sumunod naman si Neil tapos nag- usap sila ni Jed.
May: Nililigawan ka ni Neil nuh? Me: K--- Kay Jed mo nalaman? May: Yup...
Friends sila remember? I heard may balak din si Dino. Me: Ha? May:
Tinanong nya kasi sa akin dati... Nanliligaw na rin ba? Me: Eh kasi...
May: Busted agad? Me: Parang... Pero we're still friends. May: Haay!
Kawawa naman yung DVD player... Mangiyak-ngiyak na siguro sa pakikiusap
na manood kami. After nun eh umalis na sila... Kasabay si Neil... HMP!
Wala nanaman akong kasama...
Fast forward po ulit tayo at... ENROLLMENT NA!!!... Yesss!! Sana
klashmeyt kami nila bestpwend para magulo ang mundo!!.... babalik nanaman
ako sa pagka- cutting... Oops! Bawal na pala yun... 4th year na ako eh...
Baka mapag- iwanan pa ako...
Mama: Oh yung pangbayad mo? Me: Nandito na.
Kung okay na kami? Err... Siguro...
Yaya: Lady, nandito na sila. Me: Yaya naman... sabi ko... Yaya: Oo na...
Hehehe!! Oo na daw! Pustahan tayo pag- uwi ko Lady nanaman tawag nya sa
akin or Angela. Lumabas na ako ng bahay and...
May: Bruha ka talaga!! Bakit ang tagal mo?! Nakikita mo ba yang araw?!
Me: Sino bang may sabi na mag- stay kayo dito? As if naman na may bulldog
kami nuh!
Hindi bulldog si PUPPY!!
Sumakay na kami ng jeep! Ayos nuh? Gagala pa kasi kami... Kelangang mag-
tipid... So... Ilan ba kami? Ako... Tama bang unahin ang sarili?!......
Si NEIL.... Si Dino....Si May, si Jed... Okay... Pati si Mish!........Eh
bakit ba? Gusto syang isama ni DINO eh... Wow! Showbiz itech!...
After naming mag- enroll......
Me: Hey... Nag- enroll ka ba?
Tumingin lang sya sa akin.
Me: Ui!...
Tingnan mo 'to!!... tama bang mag-lakad palayo?
Me: Hoy Neil!!
Sa wakas huminto rin sya.
Neil: Errrr.... Me: Bakit hindi ka nag- enroll? Neil: Hindi ako dito mag-
aaral eh. Me: Huh?
Hindi sya dito mag- aaral??
Mish: Ano ba kayong dalawa?! Bakit dito pa kayo pumwesto!! May: Bez, dun
tayo sa malilim!!... Ang init eh.
Shocks?! Bez?? Mish??
Me: Fine fine...
Nung okay na yung pwesto namin...
Me: Where was I.... Neil: Sa hindi ako dito mag-aaral na part. Me:
Right... Bakit hindi ka dito mag- aaral ha?! May: What?! Mish: Really?!
Dino: Ows? Jed: Totoo yung joke mo sa akin.
Tiningnan naman ni Neil si Jed.
Neil: Sinabi ko naman na hindi joke yun eh. Dino: So bakit hindi ka dito
mag- aaral? Neil: Ewan ko sa parents ko... As if na may magagawa ako di
ba?
HMP! Well... Liligaw- ligawan nya ako tapos hindi rin naman pala sya dito
mag- aaral??... What's the use??... Binalewala na lang namin yun tapos
tumuloy kami sa mall... Kumain muna tapos diretso sa pag-iikot. Nagsama-
sama yung boys tapos kaming mga girls eh magkakasama rin.
Mish: So, anong balak mo? Me: Huh? May: Sasagutin mo pa rin sya? Me: Err?
Mish: Hay naku! Sagutin mo na nuh! Me: Eh? May: Girl follow your heart na
lang? Me: Follow my heart? Mish: So ano na?? Sasagutin mo or hindi? May:
Remember... Baka pag-sisihan mo kapag mali yung naging decision mo.
Ano ba 'tong mga kasama ko? Konsensya??
Ano... Sasagutin ko pa ba sya??... Eh aalis rin naman sya eh... Kaso like
ko naman sya... Gulo ng world!... Bigla namang may nag- text...
Mama:Mtgal k p b dyan? Nandito n papa mo. Hinahanap ka.
Awts naman oh!! Si papa napaka!!...
Me: Ui guys, uwi na ako ha? Mish: Ang KJ mo naman. Me: Hala! Sisihin nyo
si Papa.
Kainis naman oh...
Neil: Hatid na kita..
Yess!! Ihahatid nya ako!!
Sumakay kami ng jeep pauwi... Jeep... I love you na!!...Tapos bumaba sa
may subdivision and nag-lakad na... Wooh!! Yess!! Ang tahimik namin!!...
Nakakabingi nah!... Sa wakas naka-uwi na rin ako!!
Me: 'Lika, pasok ka muna sa loob. Pakilala kita kay Papa.
Oops! Para wala syang masabi, tiningnan ko na sya ng masama kaya hindi na
sya naka-tutol.. Sama ko talaga!
Me: Hi Papa!! Papa: Oh, nakapag--- Sino sya?
Patay... Sino nga pala ulit 'to?... Baby pa 'ko ni papa eh... Baka
magalit 'to pag sinabi kong manliligaw ko di ba?... hala... Napatingin
naman ako kay Mama...
Mama: Uh... Sya yung boyfriend ni L.A.
What?!?!?!?!?!....
Papa: Totoo ba yun Lady?
Serious yung mukha ni Papa habang nakatingin sa amin ni Neil... Argg!
Me: Ah...Eh...
Waah!! Gusto ko ng umiyak sa sobrang kaba... HELP!... Mas na-shock ako ng
biglang nag-smile si Papa.
Papa: Dalaga ka na nga.
Papa? Is that you?? Kaka- shock sya!!
Papa: May boyfriend ka na pala hindi mo sinasabi sa akin.
Awtz? Papa naman eh hindi ko sya bf!!
Papa: Halika mag-miryenda muna tayo sa labas.
Ayos din 'tong si Papa ah?... Pero HINDI KO SYA BF!!... sa backseat kami
naupo ni Neil 'taz sa unahan yung dalawa...
Neil: Tayo na? Me: Yun yung sabi eh. Neil: Kelan pa? Me: err... Malay...
Siguro kanina.
Kakaloka!! Anong klaseng lablayp itoh?... nag-kwentuhan lang naman...
After naming kumain sa labas eh... Umuwi na kami... Hindi na sumabay si
Neil... kung bakit? Malay ko dun. Walang kwentang gf nuh? Err... Kami ba
talaga??
The next day (bilis ng araw nuh?) May malignong tumawag... tapos may
witch pa... san ka pa di ba?
May: Bruha!!!!! Me: Ay agang- aga naman oh!
Antok pa ako...
Mish: Hi girl. Me: s---sino 'to? Mish: si Mish. Me: Bez, nag- invite ka
ng witch? Mish: Excuse me? Me: Sige... Mag- cr ka na...
Excuse me daw eh.
May: Bez, matulog ka na nga lang muna. Me: Sssshhh!!...
Back to sleep muna....
........
...................
..............................
.......................................
...............................................................
"Loves for a lifetime not for a moment so how can I throw it away..."
Tipaklong!!....
Me: MOMMY!!
Siguro pulang pula na yung face ko sa inis... Kelan ba ako makakatulog ng
maayos??...
Mama: Oh, ano nanaman yang isinisigaw mo dyan? Me: Sinong... Nag-palit ng
alarm ng cellphone ko?... Mama: Ah... eh... Ako. Para maging inspired ka
agad. Me: Naman eh!!
Ayokong maging inspired!!... Tamad ako eh!! Since gising na ako plus bad
mood pa eh bumaba na ako. Nag- kiss kay Papa tapos nag- smile kay mama
tapos pati na rin kay yaya tapos umupo na... Sakit ng panga ko kaka-
smile.
Yaya: Sir nandito na po yung boyfriend ni L.A.
W--- what?!
Me: Pa? Papa: Oh bakit? Gusto ko lang syang makasama dito. Me: Huh? Papa:
Aba, first boyfriend mo kailangang makilala ko muna ng maigi.
Sarap lumayas!! Lahat na yata magulo!! Haay buhay!! Love na love talaga
kita!!
Wow! Wafu naman ni Neil!! Oh well, matagal na syang wafu... Umupo sya sa
tabi ko... Ah... Para sa kanya pala yung isa pang plate... Magagalit kaya
sya kapag tinapunan ko sya ng pagkain? Err... Eh kung tapakan ko sya?...
Eh kung masiko ko sya? Okay lang kaya?
Unfortunately hindi ko nagawa... Sayang! Hehe... Ang sama ko talaga!!...
Papa:Uh... Hijo, hindi mo naman siguro paiiyakin ang anak ko?
Nice question!! Go Papa!!
Neil: Err... Hindi naman po.
Wow! Ang galang naman nito!!
Me: Papa, labas kami.
Wee!! Bakit ba?! Trip kong sumingit sa usapan eh.
Papa: Uh---
Uy!! Di sya payag!!
Mama: Payagan mo na. Hindi naman sya gagabihin. Me: Thanks!!!!
Hinug ko si MAMA tapos si Papa. Tapos umakyat na ako... Liligo pa ako
eh... Tapos naka- pajama pa ako... Kahiya!!
Binilisan ko na lang yung kilos ko, nakakahiya kung pag- aantayin ko sya
di ba? Tsaka baka hinahabol na sya ng itak ni Papa... Wait... Wala pala
kaming itak... Ano ba ito?!
Ayan! Ready na akong mag-lakwatsa!! Yipee!
Me: Bye Ma, Bye Pa!!
Hinila ko si Neil tapos...
Me: Bye Kuya Guard!!
Ang bait ko naman ata ngayon?... L.A... Ikaw ba yan??
Pumunta kami sa may kanto ng subdivision tapos pumara sya ng taxi...
Yey!! Taxi naman! Nakakasawa na kaya yung jeep...
Me: San tayo pupunta? Neil: Ewan. Me: Heh? Neil: Saan mo ba gustong
pumunta? Me: Err... Kanila Bez.
So ayun pumunta kami kanila Bez... Tapos Uyy!! Kasabay pa namin si Jed!
Jed: A---Anong ginagawa nyo dito?
Napatingin ako kay Neil 'taz bigla ba naman akong ituro??
Me: Masama bang dalawin ang bestfriend ko?! Jed: Sinong may-sabi?
Sus! Palusot pa eh.
So ayun basta pasok na lang sa bahay nila bes...
May: Hi bhe!!
Aba?! Sabay akap pa yan sa bf nya huh? Sweet naman nila!
Me: Ehem!! Neil: Nakakaistorbo ata tayo... Me: Oo nga eh. May: Bez!! Na-
miss kita! Me: Di nga?
Kuleet!! Pinaupo naman kami... Tapos binigyan ng makakain.
May: K---- KAYO NA?!
Hindi naman sya nagulat di ba?
May: CONGRATS BEZ!!
Wow! Hindi sya happy!!Err-------- AIR!!..... Warning lang po.... Wag
kayong magpapa-akap kay May, mamamatay kayo ng di oras. Swear!
Me:B----Bez.... A-----irrrrr..... May: Oops! Sorry!... Hehe, happy lang
talaga ako for you. Me: Obvious nga...
Phew!.... Akala ko isusugod na ako sa ospital eh... Nag- usap lang kami
ni May tapos yung dalawa? Hay ewan! Naka- tunganga...
Mama:L.A. uwi na daw kau. Pupunta daw tayo sa bhay ng Lolo at Lola mo.
Ano ba naman ito?!
Me: Bez, alis na kami ni Neil ha? May: Huh? Bakit? Me: Pinapauwi kami
eh... Punta daw kami kanila Lolo...
Alam na ba ng lahat ng kamag- anak namin yung tungkol dito??
Nung maka-uwi na kami...
Me: Pa, bakit ba tayo pupunta dun? Tsaka biglaan naman ata? Papa: Gustong
makilala ng lolo at lola mo yung boyfriend mo. Me: Pa?!
Pasaway naman oh!
Neil: Nakakatakot ka palang maging girlfriend... Me: Sinabi mo pa...
Ayun, nakarating din kami sa bahay nila Lolo...
Lolo: Oh, Lady... Me: Hello po Lolo... Uh... Si Neil po pala. Boyfriend
ko po. Lolo: Ikaw pala yung tinutukoy ng Papa ni Lady... Pumasok muna
tayo sa loob.
Wee!! Mukhang okay si Neil sa Lolo ko huh?
Me: Hi Lola!! Lola: Ay nakung bata ka!! Papatayin mo ba ako? Me: Sorry
po...
Siguro napasobra ng inom ng kape 'tong Lola ko.
Lola: Sya ba yung boyfriend mo? Me: Uh... Opo. Lola, si Neil po. Lola:
Kumain na ba kayo? Ang Papa mo? Me: Umm... Hindi pa po... baka po nasa
labas sila Papa..
Wawa naman si Neil OP... wahehe!
Me:'La, sa labas po muna kami. Lola: Oh sige.
Bait kong bata nuh? Lumabas lang naman kami... Tapos pumasok din agad
kasi bigla kaming tinawag ni Mama... Tanghalian na daw...
Uhmm... 2:00 na tapos tanghalian pa lang?
Lolo: Uh... Hijo, san mo ba nakilala si Lady?
Lagot ka!!
Neil: Sa school po.
Aba? Confident?
Lola: Ah... Anong nagustuhan mo sa batang yan?
Si Lola, parang ayaw sa akin... HUHU!
Neil: Uhmm...
Tumingin muna sya sa akin...
Neil: Umm... Hindi ko po alam eh...
Sapakin kaya kita dyan?! Pasalamat ka mahal ko yung puppy na bigay mo!!
Speaking of puppy, nasa vet sya eh... Harhar! Ewan ko kung bakit
nandun...
Natawa naman sila dun... Except sa akin... Nakaka-asar kaya yun! Kaya...
Neil: Aray!!... Lola & Mama: L.A!!
Tinapakan ko lang naman yung paa nya! Bwahahaha!!
Me: Sorry!
Tinuloy ko yung pag-kain ko... Bahala kayo dyan...
Hindi ako kinausap ni Neil pagkatapos nun. Pag-uwi namin, dumiretso na
sya sa kanila... Kahit bago matulog hindi nagparamdam...
Me: Yaya, si Puppy? Yaya: Nasa may garden kanina.
Pinuntahan ko si garden si Puppy... Wow, puppy may green thumb ka ba?
Binuhat ko sya tapos umupo ako dun...
Me: 'Lam mo puppy... I think galit sa'kin yung previous owner mo...
Bakit? Tinapakan ko kasi yung paa nya eh... Napuruhan ata...
Mukha ka nanaman engoks dyan L.A!!...... ............Pumasok na ako sa
loob ng aming home sweet home tapos dumiretso sa kwarto... syempre nag-
shower muna... Naks!.... After mag- bihis... Nag-stay muna ulit ako sa
may garden...
Nung dinapuan na ako ng antok... Umakyat na ulit ako bitbit si Puppy
tapos natulog na...
"Bez! Bez! Bez!"
%^#^$%^%*&^&*& sino 'to?! Idinilat ko yung mata ko and...
Me:AAAAHHHH!!! A---- Anong ginagawa mo-------------NYO dito?!?!
Si---- Si May naman oh! Ang dilim pa sa labas eh... Tapos tama bang
ipasok sa kwarto ko yung boyfriend nya?! Argh!!
Me: Ano ba talagang ipinunta nyo dito?! May: Eh... Kasi Bez... Si
Neil.........
Oh? Anong nangyari kay Neil?
Me: Oh anong meron? May: Bye bye Neil na... Me: Heh? Jed: Bumalik na sya
sa America...
!$@#%$^& lalaki yun!! Hindi man lang nag-paalam?! HMF!! Wag talaga syang
magkakamali na kausapin pa ako!! Magkamatayan na!!
Me: Che! Bahala sya sa buhay nya!... May: Ano ka ba naman bez... First
boyfriend mo yun. Me: So?
Humiga ulit ako tapos nag-talukbong...
Me: Hindi man lang sya nag-paalam? Anong klase yun! May: Baka naman may
reason sya... Me: Reason... reason... Magpaliwanag sya sa korte!!
Pasensya na people, highblood eh... pangit yung gising ko.
***Fast forward?***
So ayun, pasukan na... Hindi nagpaparamdam si Neil... Ang saya ng
buhay!...
Mama: Lady, nandyan na sila May.
Oo nga pala... Ka-close na namin si Mish. Madalas na rin kaming lumalabas
na magkakasama. Si Mish, May, Jed, Dino at Ako. Oh di ba? Ako lang ang
walang ka- partner... Pero okay lang! Enjoy ko na lang 'tong buhay ko.
Me: Hello guys!!
Oops! Napalakas ata... At tinitigan ako nung mga nagwawalis sa daan...
Me: Pasensya po!
Ayun. Hinila ko na sila... Kakahiya!!...
Dino: Wala pa ring balita? Me: Wala. Mish: Aww... Me: Aww ka jan? May:
Pero miss mo na sya? Me: Sya? Mamimiss ko? Asa!
Nakarating kami sa school ng maayos... Tiningnan kung anong room kami
and......
May:AAAAHHHH!! Mish: CLASSMATES TAYO!!
Eskandalosa 'tong mga 'to...
Jed: Hoy! Pinagtitinginan na kayo.
Oh no... Tumingin si Mish dun sa mga nakatingin sa kanila ni Bez.
Mish: Mga bruha! Anong tinitingin-tingin nyo ha?! Shoo!
Tapang!... Natakot naman siguro yung mga chismoso kaya umalis sila...
Me: Punta na tayo sa room.
Habang nag-lalakad inakbayan ako ni Dino.
Dino: Magiging classmate na pala kita. Hmm...
Inalis ko yung kamay nya sa balikat ko.
Me: Tigilan mo nga ako.
Pumasok na kami ng room kanya-kanyang kuha ng upuan.. Hehe... Maya- maya
pumasok na yung teacher namin.
Teacher: My God!! Mish: Hi Ma'am!!
Energetic sya!... Kung bakit nasabi ni Ma'am yun? Eh nag-sama ba naman
kami ni Mish sa isang room.
Sinabi lang nya yung mga rules... Na alam na namin... nasa kalagitnaan na
sya ng aming sagradong rule book ng...
"Ma'am sorry I'm late."
Mish: Uy!! Gwapo!!
Syempre nakakita ng gwapo umingay yung class namin.
Teacher: Class! Quiet!! And you are? "Ardrin Montecillo."
Ayan nanaman sila... Kanya- kanyang bulungan.
Teacher: Dun ka maupo sa tabi ni... Gomez.
Shocks! Bakit ba available 'tong nasa tabi ko?! Hmp! Sa totoo lang hindi
ko sya feel... Parang mayabang na hindi mo ma- explain!
Ardrin: Hi... I'm... Me: Ardrin Montecillo? I know... Narinig ko na
kanina... Ardrin: Okay.... And you..... Me: I'm Lady Angela Gomez. Nice
meeting you.
Wow! Taray ng Lola nyo!!
Dino: Uh... Pasensya ka na jan sa katabi mo ha? Dino nga pala. Ardrin:
Ardrin.
Tapos nag- shakehands sila. Close? Buti half day lang!!
Me: Guys, saan tayo? Mish: Umm... Sa __. Dino: Okay.. Mish: Hey Ardrin!
Ardrin: Huh? Mish: Gusto mong sumama sa amin? Ardrin: Uh... Sure, basta
ba hindi ako susungitan nyang kasama nyo.
Kapal!!
May: Bez, remember nasa... Me: I know! Hindi ko sya papatulan! Hmp!!
Akala mo... Makakaganti rin ako dun sa sinabi mo!!
Nag-lunch kami sa _____. Tapos manonood kami ng horror film!!
Jed: Alin dyan? Ardrin: Hmmm... Mish: The grudge 2 na lang. Dino: Okay
lang ba sa inyo? May: Yup.
Ako naman... No comment... Paano ako makakaganti sa kanya... Hmm...
Bumili kami ng kakainin namin... Anong binili ko? Hmm... Let me see...
Ice cream, C2, Clover... Tapos may popcorn... Okay na 'to.
Pag-pasok namin, mag-sisimula pa lang... Ganda ng timing...
So, nasa left ko si MAYABANG, tapos sa right ko si Bez at Jed... Sinara
na yung lights tapos nag-simula na yung movie... BORING!! Pasensya, wala
ako sa mood eh kaya hind effective yung mga panakot... LOL... Tapang ko
nuh?
Maya- maya may naramdaman akong mabigat na pumatong sa balikat ko...
Imposible naman si Bez... Isa lang ang pwedeng gumawa nun... Pag-tingin
ko, sya nga... Kapal!!... dahil hindi ko na mapigilan yung sarili ko,
tinapunan ko sya ng popcorn.
Ardrin: What's that for?! Me: Sorry ha? Hindi kasi ako sanay ng may
umaakbay sa akin...
Haha!! Buti nga!! Pasalamat ka popcorn lang yun... Eh kung ice cream or
C2 kaya ang itapon ko sa'yo?
May: Angela naman... Me: Oh bakit? Kasalanan nya eh... Kilalanin nya muna
ako bago nya ako akbayan! Feeling close.
Nauna akong lumabas ng sinehan... Wala namang nakapansin eh!! Nag-ikot
muna ako... Hmm... Ang cute naman nitong stuff toy...
Pumasok ako sa loob nung store tapos tumingin- tingin pa ako ng konti...
Mas cute talaga yun...
Lumapit ako sa may cashier tapos...
"Miss magkano yung stuff toy?"
Pag-lingon ko... SYA NANAMAN?!?!
Cashier: Uh... 750 po. Me: Ah okay po.
Pa-simple na lang ako. Tapos tumingin tingin na lang ako... 'Yaw ko na
nun... Parang type din ni yabang eh...
Ardrin: Miss bibilhin ko po.
So ayun binili nga nya, pagka-hawak nya dun eh lumabas ako... Ang inet
eh...
Ardrin: Angela!!
Kailangan nya? Hmm... don't mind him na lang L.A... masiraan ka pa ng
bait...
Ardrin: Hey...
Nagulat ako nung bigla nya akong hinila... Akala ko kung ano na kaya...
nasampal ko sya...
Ardrin: Oh? Ano nanaman? Me: Sorry ha? Kung pwede... WAG KA BASTA-BASTANG
MANGHIHILA?!
Binitiwan nya ako kaya ayun... Maayos akong naka-labas ng mall... Then
sumakay ng taxi diretso sa bahay...
Me: Hi Manong!
Dumiretso ako sa garden... Nandun si Puppy... Eh... Actually, mukha na
syang dog?...
Me: Hi Pup!!...
Kinarga ko sya tapos dumiretso na kami sa room ko. Inilapag ko sya sa
kama tapos nag-palit ako ng damit inayos ko yung gamit ko tapos kinarga
sya then bumaba na...
Yaya: L.A!!... Me: Yes Yaya? Yaya: Oh, may nagpapa-bigay.
-------------------------------------is this true?!?! Eto
yung..................
Me: Isoli nyo na lang yaya.
Para san pa yun?... Kung ano yun?... Yung stuff toy na binili ni
Yabang... Sumilip ako sa may bintana... Nakita ko na ibinalik ni Yaya
yung stuff toy kay Ardrin.. Kala mo ha?
Pumunta ako sa kitchen tapos wala lang... Umupo ako dun... tapos tumungo
hanggang sa...
Mama: Lady Angela Gomez?! Bakit dyan ka natutulog?!?!
Nagulat ako kaya bigla akong napatayo...
Mama: Oh, may problema ba?
Tingnan nyo 'to... Ginulat ako tapos bigla akong tatanungin kung may
problema ako...
Me: Wala. Mama: Oo nga pala, matagal ko ng di nakikita si Neil... Nag-
away ba kayo?
Nag- away nga ba kami?
Me: Bumalik na yun ng America nuh...
Pagka-sabi ko nun... Tumabi sya sa akin.
Mama: Ah... Kaya pala. Me: Huh?
Haay naku! Iniwan ko na sya dun, baka kung san pa mapunta yung usapan eh.
Pumasok ako sa room ko tapos humiga ako... Ngayon?... Anong mangyayari sa
akin? Babagsak kaya yung bubong namin sa akin? Wag naman sana... Sayang
'tong ganda ko nuh.
Nag-bihis ako tapos eto... rarampa... Este, gagala nanaman ako...
Mama: Oh san ka pupunta? Me: Dyan lang...
Ows?... So, lumabas ako ng gate... Syempre kumaway pa ako kay Manong
guard... Tapos, nag-lakad palabas ng subdivision... Actually, mag-iikot
lang dapat ako eh... Kaya lang Err.... Gagala or magto-tour?... Hmmm....
"Ui... Baka madisgrasya ka..."
Si---Sino naman yun? Lumingon ako tapos... NAMAN!!
Me: Bakit nandito ka pa? Ardrin: Tanggapin mo muna 'to.
Hawak nya yung stuff toy... It's so cute... Pero di bale na! galing kay
Yabang eh.
Me: Kung galing rin lang naman sa'yo eh wag na lang nuh. Ardrin: Bakit ba
ang init ng dugo mo sa akin?
Bakit nga ba?
Me: Hmm... I don't know... Basta first time pa lang kitang makita kanina
sama na ng dating mo sa akin. Idagdag mo pa yung ginawa mo kanina.
Nag-lakad na ako... Mall or... subdivision? Parang deal or no deal...
Hmmm...
Na-shock ako nung hinarangan nya ako.
Ardrin: Sorry na sa nangyari kanina oh... Tanggapin mo na 'to... Me: Ano
ba talagang kailangan mo? Ano yan? Suhol??
Mas nakaka-shock pa pala yung sunod nyang ginawa.......
Me: Tumayo ka nga dyan!! Para kang t*nga!!
Pa'no ba naman... Lumuhod ba naman sa harapan ko... Ayos din 'to ah...
Buti walang taong dumadaan dun... Haay!!
Ardrin: Tanggapin mo muna 'to... Me: Ayoko. Ardrin: Please? Me: Ayaw.
Ardrin: Please naman oh... Me: A-Y-O-K-O.
Haha! Bahala ka dyan!!
Ardrin: Please na naman oh... nangangalay na ako eh... Me: A-Y-A-W.
After 15 minutes... Nakaka-ngalay...
Ardrin: ...
Matibay rin sya huh?... Tingnan natin kung hanggang saan yang itatagal
mo..
Ardrin: Lady Angela Gomez... tanggapin mo na kasi.
Nakaka-awa na nakaka-tawa yung itsura nya!!...
Me: [Pinipigilan yung tawa] ... Fine... nakaka-tawa ka na eh!!
Sinabayan ko yun ng malakas na tawa... Sorry guys!!... hindi ko mapigil
eh!!... Kinuha ko yung pig na stuff toy... yep, pig sya.
Me: Tumayo ka na dyan!
Tumayo rin sya.
Ardrin: Bati na tayo? Me: Hmm... Nope . Tinanggap ko lang 'to nuh. Tsaka
baka pagka-guluhan pa tayo dito eh. Nakakahiya.
Sumimangot sya. Nakaka-tawa talaga yung itsura nya!!
Me: Oh, ano nanaman? Ardrin: Pero tumawa kana kanina eh... Me: Natatawa
kasi ako sa itsura mo kanina... Actually, hanggang ngayon... hahaha!!
Bad ko nuh? Well, tagal na.
Ardrin: Bati na kasi tayo... Me: Ayaw. Ardrin: Please? Gusto mong lumuhod
ulit ako dito?
Pwede rin.
Me:Wag na... Bukas sasabihin ko kung bati na tayo or hindi pa. Chupi na!
gagala pa ako eh.
Iniwan ko sya dun... Pero bakit parang sinusundan nya ako? Paglingon
ko... Yes! 1 point for me!! Tama ako eh!
Me: Wag mo nga akong sundan! Ardrin: Sorry...
-------------------------------------------------------------------------
-------
Para safe, umuwi na lang ako... Baka kung ano pang pumasok sa utak nya
eh... Mahirap na...
Papa: Oh L.A... Bakit ang aga mo?
Gusto nyo nasa labas pa ako hanggang ngayon?
Me: Masama?
Dumiretso ako sa kwarto ko... Ayun humiga ulit ako sa kama ko... Ano bang
buhay meron ako...
Mama: L.A...
Anong kailangan nya?
Me: Pasok...
Ayun, pumasok sya, tapos umupo sya sa bed ko...
Me: What do you want? Mama: I noticed na may dala kang stuff toy ...
Kanino galing?
Err... Bakit yun yung tanong nya? Pwede namang, "saan mo binili yan?"
Me: May nag-bigay lang... Mama: Talaga? Manliligaw mo ba? Pero L.A...
Pangit tingnan kung may--- Me: Hindi ko sya manliligaw okay? Mama: Fine,
hindi na... But who is he?
Yan nanaman... Pwede namang... "Sinong nag-bigay?"
Me: My new classmate. Mama: Really? Me: Yep... Umm.. Pwede ka bang
lumabas ulit? Gusto kong mag-pahinga eh. Mama: O sige. Tatawagin ka na
lang namin kapag magdi-dinner na. Me: Umm... Dito na lang ako kakain...
Mama: Oh sige. If that's what you want.
Lumabas sya ng room ko tapos ako naman eh nakatulog..................
I saw myself na naglalakad sa school... tapos pumasok ako sa classroom...
Wait... Bakit wala sa scene yung mga friendship ko? ... So ayun, umupo
ako sa upuan ko... Tapos may nag- appear na flowers ... wow! Magic!!...
Tumingin ako sa paligid ko... syempre, sinusubukang hanapin kung kanino
galing... then something... someone? Somebody? Hay ewan! Caught my eye...
2 image na nakatayo sa may pinto........ Lalapitan ko na sana pero...
Yaya: L.A... nandito na yung dinner mo. Me: Uh... Yaya, dun na lang ako
sa baba kakain. Yaya: Oh sige.
Si Yaya naman eh... Hmp! Kainis... Muntik na yun... Inayos ko yung sarili
ko tapos bumaba na ako...
Papa: Oh, umupo ka na.
Hmm... Parang may naaalala ako... Si Mommy... I really really miss her
na... Mommy naman kasi eh... Bakit mo kami iniwan?... Napansin siguro ni
Papa na tahimik ako, pero hindi na sya nag-tanong...
After dinner pumunta ako sa room ko tapos nanood ng tv...... Tumingin ako
sa wall clock dun tapos...8: 46 pa lang...
Papa: Lady... Me:Lady's not here... Papa: Fine... L.A... Me: Come in.
Ayun, pumasok si Papa Bear...
Me: May kailangan? Papa: Mag-usap nga tayo... Me: Anong pag-uusapan
natin?
Nakatutok pa rin ako dun sa pinapanood ko... napansin ko na umupo sa sa
isang side ng bed ko...
Papa: Tungkol sa Mama mo. Me: Dead or Alive?
Aba, 2 nanay ko eh...
Papa: Yung buhay... Me: Anong tungkol sa kanya? Don't tell me may nagawa
ako? I've been--- Papa: Okay na ba sya sa'yo? Me: Kahit naman ayoko sa
kanya... Wala akong magagawa. Papa: Ganun ba? Me: Bakit sya pa yung
pinakasalan mo Papa? Tsaka pwede namang hindi ka na mag- asawa ulit...
Papa: Umm... Malalaman mo rin. Me: Papa, sabihin mo na... Papa: Sa
birthday mo.
What?! Tagal pa nun eh!!
Me: Ngayon na lang... Papa: Wag ng makulit. Sige na, matulog ka na... May
pasok ka pa bukas. Me: Hmp... tapusin ko na lang 'to.. Papa: Gusto mong
bigyan kita ng salamin bukas?
Yuck!! Never!! Pinatay ko yung T.V...
Me: Yan na... Matutulog na ako... Happy?
Nag-smile lang sya... Wafu rin pala 'tong tatay ko... Tapos pinatay nya
yung ilaw then sinara yung door... Haay naku!!... Para naman akong bata
nito... Maya- maya lang........zzzzzzzzZZZZZZzzzzzzzzzzzzz.......
Mama: Angela, bumangon ka na... Me: Opo!!...
Bumangon na ako tapos naligo na kaagad... Nag-bihis ng uniform... Tapos
ayun bumaba bitbit yung bag ko...
Mama: Hindi ka ba kakain Me: Umm Hindi na lang po
Tamlay ko ata ngayon?
Sinabay ako ni Papa, meaning, hinatid nya ako sa school... Nauna na daw
sila Bez eh...
May: L.A!! Me:Oh... bakit... Mish:'Lika!! Masha-shock ka!
Ayun, kinaladkad nila ako... Feeling ko nga matatanggal na yung arms ko
eh.
Dino: Uyy!! Si L.A!! Me: Ano bang meron... May: People! Pwede bang umabi
muna kayo!
So ayun, tumabi yung classmates namin, tapos lahat sila inaasar ako.
Me: Ano bang---
Nakita kong may flowers na nakapatong sa table ko... Parang may nakita na
akong ganito dati...
Me: Ano nanaman bang kalokohan 'to?.... Jed: Uyy... May suitor nanaman si
Angela. Me: Patayin kita dyan eh...
Pero seriously, baka hindi naman talaga sa akin 'to At kung sa akin man
Kanino naman galing Lumipat ako ng upuan, haay!! Sige pagkaguluhan nyo pa
yung flowers na yan...
Ardrin: Hi!!
Dumiretso sya sa pwesto ko.
Me: You need something? Ardrin: Bati na tayo? Me: Hindi pa. Ardrin: Ang
daya...
Bumalik sya sa upuan nya... Nakaka- guilty... pero...AYOKONG MAKIPAG-
BATI....
Ayun nag-class kami, itinabi ko yung flowers then naupo na ako sa upuan
ko which is beside Ardrin. Kawawa na talaga 'tong taong 'to... Pero
nakakatawa syang tignan eh... maagang umalis yung teacher namin bago mag-
vacant kaya may dagdag na 25 minutes yung vacant namin.
May: Bez, lika na. Me: Uh... susunod na lang ako. May: Bakit? May
problem? Me: Wala nuh. May: Haay! Sige, basta sumunod ka kaagad ha? Me:
Oo na...
Aun, nauna nga sila... Nilagay ko yung flowers dun sa table ni Mish tapos
lumabas na ako...
"Ibibigay mo sa iba?"
Me: Papatayin mo ba ako?
Tapos nun iniwan ko na sya dun. Sumabay akong mag- lunch kanila Bez...
Kanino pa nga ba ako sasabay di ba?
Mish: Pero L.A ... Pwede ka ng magpaligaw. Me: Sus... Dino: Itutulad mo
naman sya sa'yo? Mish: Shut up ... As I was saying ... Bakit hindi ka
magpaligaw ulit? Me: Wag na nuh. May: Mish, hindi naman sila nag- break
eh ... So sila pa rin. Mish: Ano yun ? Kayo pa rin pero walang
communication ? Niloloko nyo ba ako ?
Haay!! Ano bang issue 'to? Hindi na mamatay-matay...
Nung mag-bell bumalik na kami sa room... Naghaharutan sila habang nagle-
lesson... Sinasali nila ako pero ayoko... Sana nag-cutting na lang ako...
Hanggang mag-uwian wala ako sa mood...
Ardrin: Uy!
Bahala sya dyan...
Ardrin: Pssstt!!
Bastos ! Kailangan bang ganun yung tawag nya sa akin?!
Simula nun hindi ko na talaga sya pinansin... kawawa nga yung tao eh...
napapadalas yung mga rose sa table ko... Ako naman ipinapamigay ko...
Ayokong tumanggap ng kahit ano galing sa strangers nuh!
Tumagal ng 1 month yung di namin pag -uusap... Haay!! Pinagbabati nila
kami pero ayoko, so pasensya sila... Nagka-cutting na rin ako... Saya!!
So, one day habang busy ako sa pagtatago...
"Hi."
Sino naman 'to ? Paglingon ko si----
Me: layuan mo nga ako!
Kung sino yun? Well ... sa tingin nyo?
Nung next subject na saka ako nagpakita. Yipee ! Perfect ako sa quiz...
tapos nung tiningnan ko yung papel ni Mr. Bastos ... 65?!
Me: Ui... Anong nangyari jan? Ardrin: Wala... Me: Parang hindi ikaw ang
nag-sagot nyan ah. Ardrin: ...
Nakaka-guilty naman 'to ... Makipagbati na kaya ako? Hmm...
Me: Sige na nga... Bati na tayo.
Medyo lumiwanag na yung mukha nya... Pero--- nakakatawa talaga sya!!
Ardrin: Talaga?! Me: In one condition... Ardrin: Ano? Me: Umm... Ililibre
mo ako tuwing vacant for 2 months. Ardrin: Umm...
Parang ayaw nya ah...
Ardrin: Sige. Basta bati na tayo. Me: Oo ba.
After class syempre uwian na... Gagala pa daw sila kaya lang tinamad ako
kaya umuwi na ako kaagad.
Yaya: Oh, wala ba kayong lakad? Me: Umm... Meron po, hindi lang ako
sumama. Yaya: Gusto mo bang mag-miryenda muna? Me: Umm... Sige po.
Umakyat ako sa room ko then nagpalit na... wala namang assignment kaya
pwede akong magpa-easy-easy... Nag-stay ako sa garden while waiting for
my merienda... Gutom na ako eh...
Me: Hey Pup... 'Musta na?
Kinarga ko sya... buti hindi sya masyadong malaki... Hehe, taba nga
lang..
Yaya: Oh kumain ka muna.
Ayun kumain muna ako saglit tapos nilaro ko si Pup... Nung mapagod ako sa
ginagawa ko naisipan kong.... Umm... Mag-lakad- lakad... Haay... Ang dami
namang gwapo dito... Shux! Ngayon ko lang napansin yun?...
Jed: Ui!! Me: Hey... Si Bez? Jed: Nasa kanila. Me: I see, bakit ka
napadpad dito? Jed: 'La lang... Sige alis na ako. Me: Bye!
Pagbalik ko sa bahay...
Yaya: Ui, L.A... May bisita ka... Manliligaw mo ba? Me: Huh?
Manliligaw?
Pumasok ako ng bahay then nakita ko dun si Ardrin.
Me: Ui!! Anong ginagawa mo dito? Ardrin: Magpapatulong lang sana ako sa
lesson sa math. Me: Hmm? Ardrin: Please? Me: Oh sya sige, kukunin ko lang
yung libro ko..
Sa dami naman ng magtuturo sa kanya oh! Bakit ako pa?
After ko syang turuan eh saktong dumating sila Papa ?!... OMG!! Ardrin
labas!!
Papa: Oh may bisita ka pala. Ardrin: Good evening po. Me: Uh... Pa,
classmate ko po si...
Anong pangalan nya?
Me: Si... Ardrin.
Bigla namang ngumiti yung nanay ko, ano nanaman kayang pumapasok sa utak
nya ngayon?
Mama: Uh... Hijo dito ka na mag-dinner. Me: Pero Ma--- Mama: Hmm ? Hindi
naman siguro magagalit si Neil kapag nalaman nya. Ardrin: Neil?
Tiningnan ko lang sya then nanahimik na sya.
So ayun, nag-dinner kami... Buti nga at hindi kinulit ni Papa si Ardrin,
naku--- kung hindi, baka magsagutan kaming mag- ama!... After dinner,
pinalayas ko na si Ardrin, aba, nagpapatulong lang sa lecture tapos
nakalibre na ng dinner. Ano sya? Sinuswerte?
Mama: Manliligaw mo ba yun L.A? Me: Yun ? Hindi nuh ! Mama: Ganun ba?
Pero gusto ko rin sya para sa'yo. Me: Give me a break... Mama: Oh bakit?
Me: Hindi mangyayari yun nuh ... Um ... matutulog na ako ..
Nag-half bath lang ako tapos ayun, ready ng matulog...
Wow! Parang nakita ko na 'to... Umm... Isip- isip muna... Eto yung
panaginip ko dati ah !! Sana hindi na bitin... Ayun nga, may 2 akong
nakitang naka-tayo sa may pintuan... Yay! Sino kaya yun? Baka si Dagul
tsaka si Bentong... Wag na lang nuh! Buti ba kung si Yu Shirota or si
Pierre Bouvier yun.
Maya- maya lumapit yung isa tapos umupo sya sa tabi ko... Gosh! Malabo na
ba yung mata ko at hindi ko sya makita ng malinaw?!... May sasabihin sya
ng biglang-------
Yaya: L.A... Male-late ka kapag hindi ka pa bumangon. Me: Yaya naman eh!!
Yaya: Oh bakit? Ginising lang naman kita ah? Me: Wala po..
Naligo na ako tapos yun ready na akong pumasok... 6:15 pa lang... Yey !
Makakapag- breakfast pa ako.
Me: Good morning. Papa: Oh maupo ka na.
Sumunod na ako kay Papa, habang kumakain kami...
Papa: Oo nga pala, Angela... Mamaya pupunta tayo sa bahay ng Lola mo. Me:
Po? Bakit naman po? Papa: Birthday nya ngayon di ba? Me: Uhh--- What !?
Birthday ngayon ni Lola !?
Patay... Nawala sa utak ko yun ah... Anong ireregalo ko ?--- Last year
niregaluhan ko sya ng picture frame kasi minadali ko lang yung pag-iisip
ng pangregalo...
Mama: Don't worry, maaga naman ang uwian nyo ngayon di ba? Me: Uhuh...
Mama: Sasamahan na lang kitang pumili ng regalo mamaya. Me: Really?!
Life saver rin naman pala sya eh. Alam nyo kasi, ewan ko ba kung bakit
pagdating sa mga regalo eh ang galing nyang pumili.
So ang nangyari hindi ako nag-cutting, excited akong mag-shopping... I
mean, maghanap ng regalo mamaya eh.
May: Ui Bez.. Sama ka sa amin mamaya? Me: Umm... Sorry Bez, may
pupuntahan ako eh. May: Huh? Saan? Me: Maghahanap kasi kami ng gift para
kay Lola. May: Nakalimutan mo nanaman nuh? Me: Parang ganun na nga.
So after nung vacant namin eh 2 subject pa bago mag-uwian...
Ardrin: Hey! Sabay na tayo! Me: Huh ? Bakit naman ako sasabay sa'yo ?
Tsaka may pupuntahan pa ako eh. See yah!
Tapos tumakbo na ako papunta sa kotse namin. Pumunta kami sa mall,
konting ikot lang tapos may napili na agad na gift para kay Lola. Umuwi
na kami para makapag- palit na ako ng damit. Alangang pumunta ako dun ng
naka- uniform di ba ? Hindi naman yata tama yun.
Yaya: Mag- iingat po kayo.
3 lang kami sa car, si Papa yung nagda-drive tapos si Mama nasa harap
din, at ako lang yung nasa likod... Napaisip tuloy ako... What if may
kapatid ako... or MGA kapatid ako? Siguro sira na yung buhay ko...
Me: Pa... Papa: Yes? Me: Bakit wala akong kapatid?
Napalingon silang dalawa sa akin... Anong masama dun sa itinanong ko ?
Me: Oh bakit ?
Dumiretso ng tingin si Papa tapos si Mama naka-tingin pa rin sa akin.
Me: Never mind...
Humiga ako dun sa likod then naka-tulog ako... Traffic ba naman eh.
Gosh naman... Sosyal 'tong panaginip ko ah.. Anong setting ? Nasa party
ako!! Wow talaga!
Maraming tao syempre, party nga eh... Tapos...
Mama: L.A... Nandito na tayo...
Umupo muna ako tapos inayos ko yung sarili ko... wow! 70th birthday na
pala ni lola!
Me: Happy Birthday po Lola. Lola: Oh... Eto nga pala yung apo ko, si
Angela. Me: Umm... L.A. na lang po. ??: Ang ganda nya. ??: bagay sila ng
apo ko.
Yay ! Baka kamukha ni dagul yung apo mo huh ? Wag na lang nuh ... wala
bang teenagers dito?
So dahil wala namang ka-age ko dito eh nag-stay na lang ako sa room ko sa
bahay nila Lola.
Me: Ano ba naman 'to... Bakit hawak ko yung gift ni Lola .
Bumaba ulit ako, alangan namang sa akin na lang 'to.
Me: 'La, yung gift ko nga po pala para sa iyo.. Lola: Oh... Thank you
Angela. Me: You're welcome po..
7 na kami kumain ng dinner... tapos mga 8:00 nag-uwian na yung mga bisita
ni Lola.
Me: Lola, sa birthday ko dapat maganda yung gift mo ha ?
Demanding na apo.
Lola: Syempre naman. Lolo: Kelan nga ba ulit ang birthday mo? Me: Next
month po... Umm ... August 5. Mama: Malapit- lapit na pala yun.
Ngayon nyo lang napansin?
Me: Daddy yung promise mo huh? Papa: Oo. Hindi ko naman kakalimutan yun
eh.
Tiningnan sya ni Mama, tapos ngumiti lang si Papa.
10:00 na kami nakauwi. So ayun, inayos ko yung sarili ko tapos nag-
prepare ng matulog... Papatayin ko na nga lang yung ilaw ng biglang may
kumatok...
Me: Papatayin nyo ba ako ?!
Nakakagulat naman kasi eh.. Masisisi nyo ba ako?
Yaya: Uh... May nagpapabigay lang. Me: Huh?
Inabot sa akin ni Yaya yung isang bouquet ng flowers.
Yaya: Manliligaw mo ba yun? Me: Sino? Yaya: Yung pumunta dito. Me: Si---
Sino ba ?... ......... Si------------------------------
Me: Hindi ah ! Basahin ko na lang yung letter. Good night !
Sinara ko na yung pinto tapos naupo ako sa may gilid ng bed ko then
binasa ko yung letter.
Lady Angela Gomez,
Nice name huh?! Hehe
Sapak gusto mo ?! Back to the letter.
Sorry... Hehe, pero 'lam mo bagay na bagay yung pangalan mo sa'yo.
Bolero!
Umm... Bakit nga ba kita binigyan ng flowers ngayon?
Bakit nga ba?
'Lam mo ba? Ikaw yung kauna-unahang babae na sinungitan ako.
Wow ! Accomplishment pala ito.
Anyway, I'm glad na bati na tayo... Siguro naiirita ka na sa mga flowers
na natatanggap mo every morning. Pasensya ka na dun huh? Hindi ko naman
alam na mahirap ka palang maka-getz.
Nang-aasar ka ba ?!..So ikaw nga yung bwixet na naglalagay nun !!
Sana maging matagal 'tong friendship natin... Sana po hindi ka na
magagalit sa akin kasi, alam mo po ang hirap palang kumilos kapag may
galit sa'yo, lalo na po kapag araw- araw mo syang nakaka-tabi. Madalas po
feeling ko mapapatay mo ako eh. Buti gumana sa'yo yung pagpapabagsak ko
dun sa quiz natin.
'Langya ka !! Mapapatay kita eh.
Hehe. Sunduin po kita bukas huh? 'Geh po. Ingat!
Ikaw ang mag-ingat sa akin !! Aba ?! Eh kung agahan ko yung pasok ko
bukas ng di mo ako masundo ?!... Naku! Matutulog ka na lang mababad-trip
ka pa!
The next morning...
Mama: (habang nag-luluto) Ang aga mo naman. Me: May ... may .... May
kelangan lang gawin sa school. Mama: Ganun ba ?... Maupo ka na dyan,
saglit na lang tapos maluluto na 'to.
So habang ako eh busy dun sa pagtunganga...
Yaya: L.A... Itatapon mo na ba 'to? Me: Uhh... Opo yaya. Nabadtrip ako ng
dahil dyan eh. Yaya: Ganun ba.
After 5 minutes ayun may breakfast na ako.
Yaya: L.A, nandito yung kaibigan mo.
WTF?!
May: Hi Bez! Hi Tita! Mama: Oh May. Nag-breakfast ka na ba? May: Uh...
Hindi pa po eh. Me: Napadpad ka? May: Wala lang. I missed you so much
Bez! Me: I miss you too.
Sarap nung bacon huh...
Papa: Good Morning.
Nice! Palit kami ng dialogue ni Popz!
Papa: Oh ang aga mo naman May. May: Hehe. Miss ko na po kasi si
bestfriend eh. Papa: Kung sabagay bihira na nga kitang makita ngayon. Me:
Pa'no ba naman Papa, busy sa boyfriend nya.
Parang may nakakalimutan nanaman ako... Err... Ay oo nga pala!!...
Me: Ma, Pa, alis na 'ko. May: Ui! Pasabay na!!
Ayun tumakbo na kami papunta sa school.
Me: Haay... May: B---Bakit--- k---ka ba---tu----tuummaaakkboo? Me: S-E-C-
R-E-T.
Ayun, nag-habulan kami hanggang sa makarating kami sa room.
Dino: And the winner si Lady Angela!!
Nagtawanan naman kami dun.
Me: Thanks Dino.
Dumiretso na ako sa upuan ko. Malapit ng mag-start yung class namin ng
dumating si Ardrin.
Ardrin: Ang daya mo naman eh... Me: Sorry ka . May question ako. Ardrin:
Ano ? (lagay ng bag sa upuan) Me: Para san ba talaga yung flowers
kahapon?
Medyo na-shock ata sya sa tanong ko.
May: Bez! Good news! Me: Huh? May: Sabi ni Jed ... Babalik na daw yung
boyfie mo. Me: R---really? Kelan? May: Sa Sembreak.
Sapakin ko na kaya 'tong babaeng 'to?
Me: Asus! Akala ko pa naman malapit na! May: Atleast alam mong babalik na
sya.
Kung sabagay.... Dahil medyo wala ako sa mood na makinig sa mga lesson eh
nag-drawing na lang ako sa likod ng notebook ko.
Ardrin: Hatid kita mamaya ha?... Me: Bakit naman? Ardrin: Ah eh...
Tingnan nyo 'to... Simple lang naman yung tanong ko 'taz, di nya masagot.
Dahil sa deal namin ayun libre nya yung mga kinain ko during lunch.
Mish: Iba na yan huh? Me: Huh? Mish: Bakit ka nya nililibre tapos kami
hindi? Jed: Oo nga. May: Jed?! Bili mo na ako ng food ko!! Jed: Yes
Ma'am...
Haha!!
May: So, ano ba talagang meron sa inyo? Me: Wala naman... Sabi ko lang
ililibre nya ako ng lunch kapalit nung pagbabati namin. May: Ows ? Baka
naman... Me: Baka naman ano? Mish: Baka nililigawan ka na huh? Me: Ako
liligawan nya ? Pwede rin.
Ayun syempre kulitan habang kumakain... Ilang beses pa nga akong muntik
ng mabulunan eh.
Ardrin: Guys question lang ... Sino ba yung bf ni L.A.
Ano daw?!
Mish: Umm ... si Neil Concepcion ... Ang wafu nun. Naunahan lang ako ni
L.A. sa kanya . Me: Haha.
Kinuha ko yung picture ni Neil sa wallet ko. Tingnan nyo nga naman, may
picture pala ako ni Neil.
Me: Eto sya oh. May: Uyy!! May itinatago ka palang picture ha. Me:
Syempre naman ! Wafu nuh? Ardrin: Pwede na. Me: Sapak, gusto mo?! Dino:
Oh, puso mo L.A... Me: Sya kasi eh! Jed: Awat na...
Balik ulit tayo sa simula... Galit nanaman ako sa kanya... Sya naman kasi
eh!
Teacher: ....
Blah blah!! Ayoko na syang maka-tabi!! Masisiraan ako ng bait!!
Teacher: .....
Bahala ka dyan! Basta ako... Wala nanaman sa mood na makinig. Maya- maya
lang kinalabit ako ng impakto kong katabi... Then may inabot syang
paper...
Ui, sorry na. Peace na tayo.
HMF ! Manigas ka dyan!!
Next subject namin eh MAPEH... tapos music pa ngayon? Magpapakasawa
nanaman kami sa musical instruments ng blah blah...
Mish: Ui, maawa ka na dyan sa seatmate mo. Me: Ako ? Maaawa sa kanya ?..
A-S-A.
Ni-roll nya yung kanyang pretty eyes tapos dumiretso ng upo.
Teacher: So ngayon pag-aaralan natin ang musical instru--- Classmate:
Sir, pakantahin nyo daw po si Ardrin!! Classmate: Oo nga sir! Galing
nyang kumanta eh.
Shux ! Wala akong dalang umbrella nuh!
Jed: Go Drin!! Ardrin: ...
Wow may pa-shy effect pa 'to.
Teacher: Oh sige.
Yay ! Sir bakit ka naman pumayag ?! Buti ba kung susunduin ako ngayon.
Alam nyo bang mahirap sumakay pauwi when it's raining ?!
Ayun etong si IMPAKTO eh pumunta na sa may unahan. Pinahiram sya ng
guitar ng teacher namin tapos... Nalaman ko na lang na kakanta na sya...
Lord... Wag kang umulan... Sana may himalang mangyari!!...
Principal: Excuse me.. Jed: Mommy!! May: ...ui, umayos ka nga...
Tiningnan si Jed ng Mom nya. Tapos parang may kasama yung Principal namin
(Jed's Mom-my).
Principal: I can see na may small program na nangyayari dito. Teacher:
Uh... May--- Principal: I just want to know kung may vacant seats pa
dito?
Si Jed naman na nasa tabi ko eh lumipat.
Jed: Meron po sa tabi ni Gomez!
Naku Jed !! Who told you na pwede mo akong tawaging GOMEZ ?! Humanda ka
mamaya !!... dumiretso ako ng tingin, ayokong mapadala sa principal's
office nuh ?... tapos... Biglang nag- smile yung si Mrs. Santos
(principal/ Jed's Mom-my)
Principal: Madadagdagan kayo ngayon.
WTF ?! Jed naku !! Lumalaki ang kasalanan mo sa akin !!... May sinenyasan
yung si Mrs. Principal tapos may naka- civilian na boylet ang pumasok...
Naka- cap sya kaya di ko makita ang kanyang face... Medyo nag-tilian
naman yung mga malalande... Syemps kasama na yung si Bez at Mish.
Principal: So sya ang magiging classmate nyo--- si Mr-----------
Inangat na nung boylet yung ulo nya and.........
Classmates(girls): NEIL!!!!!!! Classmate: Uyy!! Binalikan ang
girlfriend!!
Anong ginagawa nya dito ?! Akala ko ba ?... Tiningnan ko si Bez pero
shocked rin sya, lahat ng friendships ko except kay Ardrin na clueless
(did I just say na friendship ko sya ?!) at si Jed na nginitian ako ng
nakakaloko... Guys... Girls... Pigilan nyo ako... Makakafatay ako ng
halimaw !!
Principal: Oh sya sige... Mukhang hindi ko nanaman sya kailangang
ipakilala.
Pag-labas ng room nung principal...
Teacher: Maupo ka na sa tabi ni L.A. Classmate: Uyyy!!... Ang cute
naman!!..
Naku ! Ang sarap nyang ihulog sa bangin.
Neil: 'Musta? Me: Hmp!
Ayun nanahimik naman sya.
Classmate: Ay Sir! Kakanta pa si Ardrin!! Teacher: Oo nga pala... sige
magsimula ka na. Ardrin: Uh ... Next time na lang po siguro sir ... Medyo
sumama po kasi yung pakiramdam ko ... Teacher: Ganun ba ? L.A., samahan
mo sya sa clinic. Me: B---but sir...
Tinginan lang ako ni Sir ng "sasamahan mo or hindi ka ga-graduate" look.
Ugh! I hate him!
Nakarating kami sa clinic, sabi nung Nurse matulog daw muna si IMPAKTO.
Me: Pwede na po ba akong bumalik sa room? Nurse: Uh... Mag-antay ka muna
dito, may kukunin lang ako sa labas. Me: Sige po.
My gulay! Para akong Yaya ditoh! Supah inet pa ! Nag-bell na pero wala pa
rin yung Nurse..
Neil: Err...Oops... May natutulog pala... Me: Balik ka na lang mamaya,
wala yung Nurse eh. Neil: Ganun ba ? Umm ... Nasan ba nakalagay yung mga
gamot dito ? Me: At para saan naman ? And excuse me... Hindi ako
assistant nurse dito. Neil: Sorry ... Masakit pa kasi yung ulo ko eh ...
Kakarating ko lang kasi kanina ... Tapos dumiretso ako dito ... Kaya eto
...
Aww... Naawa ako sa kanya... No L.A. !! Sungitan mo lang sya ! He
deserves it !! Pero... Kawawa talaga eh ... And ... Kahit papaano naman
... Boyfriend ko pa rin sya ...
Nurse: Oh... Neil kailan ka pa dumating ? You need something ? Neil: Uh
... Kanina lang po ako dumating ... Err ... Masakit po yung ulo ko eh.
Nurse: Ganun ba? Matulog ka muna dun sa isa pang bed. Me: Pwede na po
akong umalis? Nurse: Iiwan mo ang boyfriend mo dito?
Lakas talaga ng chizzmakkzzz... Oh well, KANINO nila nalaman yun ? Angkan
ko pa lang ata yung nakaka-alam ng tungkol dun eh...
Me: Fine, I'll stay here ... Pero dapat excused ako huh? Nurse: Oo na..
Lumabas ulit yung nurse nung makatulog si Neil... aww... Wafu ng boyfie
ko... Mukha syang anghel na HINDI MANGIIWAN BASTA- BASTA NG GIRLFRIEND
kapag natutulog sya ... Infairness wafu rin itong si IMPAKTO... Haay...
Ardrin:L.A.....I...L---ZZzzzzzzzzzzzzzz
Wow suspense din pala 'tong si Impakz ! Yan! May nickyname na si IMPAKTO!
Nurse: Oh gisingin mo na yang mga kasama mo. Uwian na.. Me: Uy...
Impakto... Gising na!
Aba ?! Ayaw gumising?
Me: Isa!!! Dalawa!!! Ardrin: Gising na...
Sayang yung voice ko dun!!
Me: Umuwi ka na nga... Ardrin: Yes Ma'am! Me: Anong sinabi mo?! Ardrin:
Wala po!!
Ayun tumakbo na sya palabas. Paglingon ko sa side ni Neil, naka- upo na
sya.
Me: Err... sorry kung nagising ka dun. Neil: Uh... Okay lang .. Sabay na
tayong umuwi. Me: S---Sige.
Ayun sabay kaming lumabas ng clinic, pumunta sa room, lumabas ng room...
Habang nag-lalakad kami palabas ng school nakita ko si Impakz... Hawak
yung isang gitara tapos...
Neil: Mag-iingat ka nga... Me: Sorry...
Buti kasama ko sya kung hindi... Baka nadapa na ako.
Me: Uh... Gusto mong pumasok? Neil: Buk--- Mama: Oh Lady, nakauwi ka na
pala... Neil ! Halika pumasok ka muna.
Dahil nga Mama ko sya wala ng nagawa si Neil.
Me: Uh... Gusto mo pahiram ko sa'yo yung mga notes ko? Para maka-habol ka
sa mga lesson? Neil: Hindi na...
Bigla namang pumasok si Pup galing sa garden namin...
Neil: (kinarga si Pup) ang laki na nya ah... mabigat pa... (binaba ulit
si Pup) Me: Hehe... Ewan ko ba kung anong pinapakain sa kanya kaya sya
bumigat ng ganyan... Mama: Mag- juice muna kayo. Neil: Thank you po Tita.
Mama: You're welcome hijo.
Tapos nun bumalik na sya sa kusina. Nanood muna kami ng TV nun... Tapos
maya- maya lang naka-sandal na pala ako sa kanya.
Sasabihin ko na ba yung mga tanong ko?... Hmm... Siguro nga kelangan ko
ng sabihin...
Me: Uhh... Neil... Neil: Me: Bakit ka nga pala biglang nawala ?... Neil:
Hmm... Yun ba? Sorry dun ha?... Tatawagan sana kita bago ako umalis kaya
lang... Na-snatch yung cellphone ko eh... Hindi ko naman alam yung number
mo.. Kinulit ko na nga si Jed para ibigay yung number mo kaya lang ayaw
nya eh... So yun... Me: Ah...
Satisfied ba ako sa sagot nya ?... Hindi masyado eh...
Papa: I'm h---- ... Oh Neil ! Dumating ka na pala. Neil: Kanina lang po.
Papa: Ganun ba? Halika dito ka na kumain. Ma. Mama: Saglit na lang...
Ayun nag-kwentuhan sila... Awayin ko 'tong tatay ko eh... Inaagaw yung
atensyon ng Boyfie ko... HMF...
During dinner tahimik lang ako... Usapan ng mga grown ups yan eh... Bawal
pa ako makisali... Baby pa ako eh... Charing!
Pagka-alis ni Neil, sabi nya susunduin daw nya ako. Ayun... Buti hindi
ako maglalakad...
Umakyat na ako sa room ko... Nakapantulog na... Once again, papatayin ko
na lang yung ilaw ng...
Me: sino bang walang magawa sa buhay ang balak pa yatang basagin yung
bintana ko!?
Sumilip ako sa aking dear window tapos binuksan ko and...
Me: Kung sino ka man !! Wag kang magtatangkang pababain ako dito !! ??:
sorry! Hehe.. Para kang monster kung magalit!
Aba ?! Tawanan ba naman daw ako ?!... Wait si... Si... Impakz ?!...
Shux... ang wafu nya ... Back to reality nga muna at ano ba yung sinabi
kong wafu sya !?
Me: Anong ginagawa mo dito?! Ardrin: Errr... Sorry na L.A... Me: Sa
tingin mo papayag ako ng sorry lang ?! Ang cheap huh ! Ardrin: (kamot sa
kanyang hair)Sabi na nga ba eh ... Sige sunduin na lang kita bukas tapos
ihahatid kita. Me: Okay. DEAL! Ardrin: Bye bye!! Sweet dreams! L---...
Nevermind.. Me: Chupi na !! Manong naman bakit nyo pinapasok yan ?!
Guard: Sorry po ma'am L.A... Nakaka-awa kasi eh. Me: Ganun ba ? Sige
po...
Ayun natulog na ako...
Heto nanaman ba yung mala-fairytale churva kong fanagenep? Nasa tapat 'to
ng hauzzy ko ah?...
May 2 car na nakapark...........2 guy............sana wafu!!...........
Sasakay ba ako sa isa sa kanila?! Lumabas ako ng gate tapos........
Me: *yawn*... Aga ko namang gumising... Oo nga pala hatid sundo ako ni
Impakz ngayon.
Naligo ako, inayos ko yung sarili ko etc...etc...
Papa: Good morning. Me: Good morning din Pa. Mama: Oh himala at hindi ka
namin kailangang gisingin. Me: err... Mama: Dahil ba susunduin ka ni
Neil?
Ako? Susunduin ni-------- ahh!! Oo nga pala... ang laki mong "T" L.A !!
Naku... Pa'no yan ?!... Wait... Parang uh... nevermind na nga lang.
Papa: Oh parang namumutla ka na? Me: Wala po 'to... Papa: Wag ka na
kayang pumasok? Me: Pa naman ... Hindi pwede nuh ... May ---may quiz kami
eh. Papa: Ganun ba?
Katatapos ko lang kumain ng biglang...
Yaya: Nandyan si Neil.
Oh my gulay... anong gagawin ko... Kinuha ko na yung bag ko pero I was
shocked ng malaman kong 2 silang nandun ?!... Anong gagawin ko?..........
Parang ito yung nasa dream ko ah?... W-e-i-r-d.
Ardrin: Uh... Una--- Neil: Kay Ardrin ka na lang sumabay...
Napatingin ako kay Neil..
Me: Huh ?...Pero... Neil: Kita na lang tayo sa school...
Oh no... Neil naman eh !!... Actually ang lungkot nya nung umalis sya...
Naman oh...
So nakarating kami ng school nauna akong pumunta sa room pero nakita kong
nakatayo sa may pinto si Neil...
Me: Uh... Neil: Siguro naman pwede kitang ihatid mamaya?
Ano ba yan ?! Ardrin naku !!
Ardrin: Uh ... L.A ... ihahatid pa ba kita mamaya? Me: Eh kasi...
Pagtingin ko sa side ni Neil eh wala na sya dun.
Mish: Uy! Bruha, kayo na? Me: Huh? Hindi nuh!
Umupo na ako sa upuan ko... Tapos ayun, tinitigan ko lang si Neil.
Neil: Mawawalan ka ng boyfriend kapag natunaw ako.. Me: Hehe... Sa'yo ako
sasabay mamaya ha? Neil: Umm... Sure ka? Okay lang naman kung- Me: Basta
sa'yo ako sasabay. Neil: Okay.
Maaga kaming pinalayas sa school kasi may gagawin pa daw yung mga
teacher. Ows? Sabihin nila tinatamad lang sila.
Neil: Ui... Me: Kain muna tayo sa canteen. Neil: Sige.
Ayun nilibre nya ako (gf nya ko eh)...
Me: 'Lika uwi na tayo.
Hindi ko na inubos yung burger na pinabili ko sa kanya... Habang papunta
kami sa farking lot nung school namin nakita ko si Ardrin. Hmmm... Ano ba
yan ?! Parang--- Parang iba yung feeling ko kapag nakikita ko sya...
Reality check Angela! May boyfriend ka and now kasama mo na sya! Tsaka
balewala yung mga feeling na yan nuh! Lalo na kung may kinalaman dun si
Ardrin.
Neil: Ang tahimik mo ata? Me: Huh? Ah... eh... Wala 'to. Neil: Masama ba
yung pakiramdam mo? Me: Uh... Hindi naman... May iniisip lang ako...
Neil: Gusto mong i-share? Me: Wag na... I mean, hindi muna ngayon. Neil:
Sige... Hindi na kita pipilitin.
Dumating kami sa bahay namin(ko) tapos umuwi na sya. Naligo ako... Baka
sakaling matauhan ako...
Pumasok ako sa office ni Papa tapos nag-internet. Kailangan pa bang mag-
paalam?
Binuksan ko yung e-mail ko... Tapos yung friendster. May friend
request... at galing kay Ardrin?
Inaccept ko tapos tiningnan ko yung profile nya.
Who I want to Meet:
Basta tao pwede na ! Hehe...
Umm... Yung babaeng gustung- gusto ko...
May chaltik rin pala 'to eh... Naku...
Lumabas na ako sa office ni Papa tapos naisipan kong ilabas si Pup. Pero
nung makita ko yung aking bed bigla akong dinapuan ng antok... what's
wrong with me ba?... Pero sya sige... pagbigyan ang utak...
"L.A... pwede bang---......."
Ahh!! Sino bang walang magawa sa buhay ang nambabato nanaman ng bintana?!
Lumabas ako ng bahay tapos nakita ko si Ardrin.
Me: What on earth are you doing here?! Ardrin: Uh... Yayayain lang sana
kitang pumunta sa mall. Me: Ayoko. Ardrin: Please? Wala lang kasi akong
kasama eh. Me: Tigilan mo nga ako. Ardrin: Please?
Ayaw talagang paawat...
Me: Fine, antayin mo ako dito.
Pumasok ako sa house namin tapos ayun nag-bihis ako, nagpaalam kay Yaya
(kelan pa ako natuto nun?)...
Me: Bilisan mo!
Nung makarating kami sa mall. Niyaya nya akong kumain muna. Hapon na
pala...
Ardrin: anong kakainin mo? Me: Kahit anong walang lason?
Nakangiti syang umalis... My gulay! Jabee nanaman?!...
After naming kumain, nagikut-ikot pa kami... Bumili ako ng bagong bag
tapos sya yung pinag-bitbit ko (Ang baet ko talaga) tapos kumain kami ng
ice cream habang naglalaro sya sa may arcade.
Me: Uh... Drin di ba dapat kakanta ka? Ardrin: Uhuh... Me: 'Lika, karaoke
tayo!
Hinila ko sya tapos sya naman eh walang magawa. Bumili kami ng token then
tig- 2 kami...
Me: Ikaw muna. Ardrin: Di ba, ladies first? Me: Ayoko eh.
Nginitian ko sya ng nakakaloko tapos ayun pumili na sya ng kanta... Medyo
kinakabahan nga sya eh pa'no ba naman dun kami sa may labas kakanta,
hindi dun sa mga may sariling room...Haha! Exposed!!
Me: Oh anong kakantahin mo? Ardrin: Uh...
Pumili na sya ng kanta tapos yung lumabas na title eh...
Iris?! Serious sya?
Ayun karaoke mode si Ardrin...
Ardrin: And you can't fight the tears that ain't coming Or the moment of
truth in your lies When everything seems like the movies Yeah you bleed
just to know your alive
Yung mga bruha namang naka-paligid eh nagtitilian... Nyaks! As if na
supah wafu nitong kasama ko.
Pagkatapos nun eh hinila nya ako... Anong kakantahin ko?!... Wait... wag
mag- panic... Ssshhh... concentrate...
Hmm... eto na lang... nilagay ko yung token ko, nag-press ng numbers...
tapos
Officially Missing You
Me: All I hear is raindrops falling on the rooftop Oh baby, tell me why'd
you have to go 'Cause this pain I feel it won't go away And today I'm
officially missin' you...
Habang kumakanta ako eh may naririnig ako na...
"Ang swerte nuh? Ang gwapo tsaka ang ganda ng boses ng boyfriend nya."
Ay chaka ! Sarap sugurin ! 'tong si Ardrin/ Impakz, boyfie ko !? Over my
beautiful body nuh !
Hindi na ulit kami kumanta... Baka kung ano nanaman yung marinig ko eh,
maka-fatay pa ako.
So kumain ulit kami ng ice cream, libre nya eh... Alangang tanggihan ko
di ba? Medyo madilim na ng maka-uwi kami...
Me: 'Geh pasok na ako. Ardrin: Uh... Angela... Me: Baket? Ardrin: Pwede
bang manligaw? Me: haha ! Nakakatawa ka talaga ! Gutom lang siguro yan or
antok. Ardrin: Angela, I'm serious... Me: Pero alam mo namang may
boyfriend ako di ba? Ardrin: Pero kung wala kang boyfriend... Me: Stop it
Ardrin , wag mo ng ituloy. Umuwi ka na nga.
Wow... Ang mean ko naman... Oh well, tama lang siguro yun. Tumalikod na
ako... Tapos... Nakita ko si Neil na nakatayo sa may pintuan namin...
Me: What are you doing here? Neil: Masama bang dalawin ang girlfriend ko?
Me: uh... kanina ka pa ba? Neil : Medyo... 1 hour pa lang naman akong
nag-aantay. Me: Pasok na tayo... Mag- dinner na tayo.. Neil: Uh... Next
time na lang... uuwi na ako.
Pahamak ka talaga Ardrin !!
Maaga akong gumising kinabukasan... gahd, hindi maalis sa utak ko yung
kagabi. Naku !! Tinawagan ko si Bez tapos sabi ko sabay na kaming
pumasok.
May: Hi Bez! Anong problem? Me: Problem ka jan?
Naglalakad na kami papunta sa school.
May: Ows di nga? Wala kang problem? Kilala kita nuh. Sabihin mo na kasi.
Me: Fine... Ganito kasi yun...
Yun kinuwento ko lahat, simula dun sa friendster churva, sa karaoke tapos
pati yung pag-uwi namin.
May: Naku... Patay ka Bez... baka nag-selos na yung boyfriend mo. Kasi
naman eh... Pero nakaka-kilig huh? Biruin mo gusto kang ligawan ni
Ardrin. Me: Bez naman eh... You're not helping... May: Fine... Pero eto
lang ha?... Kung papayagan mong manligaw si Ardrin, you need to breakup
with Neil. Alangan namang i-two time mo sila. Me: Eto pa Bez... May mga
weird dreams ako... May: Gaano ka- weird. Me: Nung isang araw kasi
nakalimutan ko na sabi ni Neil na susunduin nya ako and umoo ako kay
Ardrin na hatid sundo nya ako... That night napanaginipan ko na may 2 car
sa labas ng bahay namin pero sayang eh... hindi natuloy. Same rin dun sa
mga flowers na natatanggap ko before. May: Weird nga. Bez, baka
ibigsabihin nun pwede ka ng fortune teller! Me: Very funny! May: Eto
naman... Pero love mo pa ba si Neil. Me: I guess... May: I guess ka
dyan?! Oo or hindi lang nuh! Me: I'm not sure eh. May: Bahala ka nga...
Pero kailangang malaman mo agad yung sagot dun sa tanong ko... Me: I
know...
Nakarating kami sa room... Hmm... Fine pag-iisipan ko na yung sinabi ni
Bez. And biruin nyo August na pero wala pa rin akong mahanap na sagot sa
tanong na yun !?
Mama: excited ka na ba para sa birthday mo? Me: Uhuh... Mama: So sinu-
sino ang pupunta? Me: Sino nga ba ? Yung friends ko... Mama: Ganun ba?
Papa: Kung okay lang Angela, dun ka magbi-birthday sa bahay ng lola mo.
Me: uh... Sure, mas malawak dun eh.
Inihatid ako ni Papa sa school... At eto nanaman nakita ko si Neil...
pero bakit ganun?... Iba yung feeling kapag nakikita ko sya... Update
natin si Ardrin... Nanliligaw sya... Well, sya yung nagpumilit eh...
Mish: Uy! Bruha tingnan mo bilis!! Lika dito!! Me: ano ba yun?!
Sinundan ko na lang si Mish tapos...........
Nakita kong may flowers nanaman sa may table ko then meron pang nakalagay
na stufftoy.
Ardrin: Hi!! Me: Gusto mo pa ba akong paupuin?!
Sa totoo lang kinikilig ako sa mga ginagawa nya... Nakita ko si Neil na
parating nagdire-diretso lang sya nilapag yung bag nya then umalis na
ulit.
Me: Hey---
Hahabulin ko sana sya ng bigla akong pigilan ni Mish.
Mish: Pabayaan mo muna. Me: Pero Mish naman eh... May: Kakausapin na sya
ni Jed.
So, hindi na talaga ako kinausap ni Neil bihira na lang talaga... August
4 na ngayon... Friday. Sinuwerte na Saturday yung birthday ko eh.
Me: Jed... Anong sabi? Jed: Uh... May: Bad news ba? Jed: Sabi nya mukha
naman daw na magiging mas masaya ka kay Ardrin kaya--- ayun... sorry na
lang daw kung hindi sya naging mabuting boyfriend.
What !? Bakit nya yun sinabi !?... Matamlay akong pumasok sa room... Sa
totoo lang, gusto kong umiyak sa mga nangyari pero... Hindi sa lugar na
pwede akong makita ni Neil...
May: Okay lang yan Bez... Me: Hindi okay eh-Bakit nya sasabihing hindi
sya naging mabuting boyfriend?...
Nasa may canteen kami nun ni Bez... hindi pa kami umuuwi...
May: Halika na nga... umuwi na tayo... punasan mo na nga yang luha mo...
Sabay kaming umuwi ni Bez, alam na naman nila kung paano makakapunta sa
bahay nila Lola kaya kanya-kanya ng punta. Dumiretso ako sa kwarto ko,
nagpalit ng damit tapos nahiga hanggang sa makatulog ako...
Nasa party ako... may nag-alok sa aking mag-sayaw... dalawa sila hindi ko
alam kung sino ang isasayaw ko... May masasaktan ba kapag pinili ko ang
isa?...
Yaya: Oh hija, bumangon ka na... Kakain na. Me: Wala po akong gana...
Yaya: Ganun ba? May sakit ka ba? Me: Wala po...
Bumalik na ako sa pagtulog ko... Gusto kong malaman kung anong mangyayari
sa panaginip ko pero wala akong napanaginipan... Maaga akong nagising,
kahit mamaya pa yung party... May napansin akong album sa may higaan
ko... Na-curious ako kaya binuksan ko kaagad... Baby pictures yung nasa
harap... Pero bakit ganito.. May Picture ang Mama ko ng buntis sya?!...
Bakit wala dito si mommy ?... Puro kami lang ni Mama ng magkasama...
Bakit ganito ?... Pero yun lang talaga ang laman ng album na yun... Anong
ibig sabihin nito ?! Sya... Yung tinuturing kong step mom ngayon ay ang
totoo kong mommy ?... Oh God! Ang sama ko palang anak ... Pinahid ko yung
luha ko tapos lumabas ako ng kwarto...
Yaya: Oh... Dahan-dahan lang. Me: Yaya.. Nasan si mama? Yaya: Nasa
kusina.
Tumakbo ako papunta sa kitchen... Nakita ko sya dun na nagluluto ng
breakfast... Tumakbo ako papunta sa kanya and the I hugged her.
Mama: Oh bakit? Gutom ka na ba? Me: Sorry for being so mean on you...
Mama: Okay lang yun ... Pero mas maganda kung bibitiwan mo na ako dahil
nasusunog na yung pancake... Me: Oops , sorry... Mama: Its okay dear.
Happy birthday.
After breakfast eh tumambay ako sa garden...
Mama: May problema ka? Me: Break na kami ni Neil... Mama: Huh? Bakit? Me:
Kasi---
Yun kinwento ko lahat.
Mama: Tsk tsk... Pero pupunta pa rin sya di ba?
Tumango lang ako.
Mama: Don't worry dear... Maaayos nyo rin yan.
7:00 na kami umalis ng bahay... 8:00 nandun na kami... Lahat sila nandun
na...
Paano 'to?...
So ayun tinambak nila yung gift nila sa akin sa room ko dun sa bahay nila
Lola.
Mish: Naka ng! Daming boylet dito!! Me: haha!!
Ang saya ko... Nag-invite din kasi sila ng iba pang mga kakilala na
karamihan eh ka-age na namin. Thank god.
Maya-maya pinatugtog yung Iris. May mga nanghila sa akin, kaya ayun...
sayaw ako ng sayaw... pero kapag nakikita ko si Ardrin or Neil... Ang
hirap... Bumabalik yung problema ko...
Patapos na siguro ung kanta nung itinulak nila ako kay Ardrin. So ayun,
dance dance kami tapos napalitan yung song ng Angel Of Mine... Ano ba
naman ito?!...
Marami naman kaming nag-sasayaw... Naka ng... Parang prom! Joke lang!!
sana mas simpleng birthday party na lang yung hiningi ko.Take note, hindi
ako naka- gown. Owkie?!
Me: Uh... Ardrin: Bakit? Me: Wala---...
Patapos na yung song ng hinila nila Mish si Neil tapos ako naman eh
Ipinasa ni Ardrin kay Neil. Ano ako? Bola na pinagpapasa-pasahan nyo lang
?!
I look at you lookin' at me..Now I know why they say the best things are
free..I'm checkin' for ya, boy you're right on time...Angel of Mine
Nagkatinginan lang kami... Syempre yung mga fwendships nag-
asaran!..Naku!!...
Tapos biglang may pinatugtog sila....... CLICK NIO
Me: Great...
Ayun sayawan naman lahat... kahit hindi masyadong kakilala isinayaw...
kami lang ata yung tahimik dun eh...
And I wish on a star, that somewhere you are thinking of me too...
Me: (kumakanta pero mahina lang) Wonder if you ever see me and I, wonder
if you know I'm there...
Tumingin ako sa kanya nun, and I was surprised na nakatingin pala sya sa
akin...
...how mush I love you, yes I do...
Napatingin ako kanila Bez... Hala... Chupah sweet naman ! Tapos si Mish
at Dino ?!... Ang saya naman...
And there's nowhere in the world I'd rather be...Than here in my room
dreaming about you and me...
Me: Neil... Neil: Huh? Me: Sorry... Neil: Huh? Me: Basta sa lahat...
Neil: Huh? Me: Ano ka ba ? Wala ka na bang ibang maisagot ? Neil:
Sorry...
Niyakap nya ako tapos he kissed my forehead ... Nyaks ! Matutunaw na
talaga ako ...
Late at night when all the world is sleeping, I stay up and think of
you...
Hinila ko sya paalis dun tapos dinala ko sya sa may garden... Naupo kami
dun... Pero naririnig pa rin naman namin yung music... Haay...
Now I'm dreaming with you tonight, 'til tomorrow...
Neil: Uh... Pwede bang magstart ulit tayo? Me: huh?...
Shux !! Unexpected 'to!!
Me: Bakit kelangan pa nating mag-start ulit ? Pumayag ba akong makipag-
break sa'yo ?
Napangiti sya sa sinabi ko... Woshoo !! Alam ko na kapag nag-start ulit
manliligaw nanaman sya ! Eh di matatagalan nanaman... Kaya yun lang yung
pumasok sa utak ko...
Ipinatong ko yung ulo ko sa balikat nya... Tapos...
Neil: Uh... Pwedeng magtanong? Me: Huh? Ano? Neil: Anong winish mo
kanina? Me: Huh?...
Ano nga ba?.......... Hmmm...
Me: Uh... Eto... yung nangyayari ngayon... Yung naka-sayaw kita... Yung
dumating ka sa party ko.... Uh... Neil... Neil: Huh?
Yan ka nanaman !!
Me: Promise me that you'll stay by my side kahit anong mangyari from now
on...okay?
Tiningnan ko sya... Tapos nag-nod lang sya...
That night... nalaman ko na hindi na ako mag-iisa... Na lagi na akong may
makakasama except sa nakakaloka kong barkada... yung 24/7 na may time sa
akin... Yung magta-tyaga sa kasungitan ko kung minsan...
Dreaming..(Of you tonight)..Endlessly..(And I'll be holding you tight
tonight)..Dreaming..(Dreaming)..Endlessly..(With you tonight)
Endlessly<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>4
</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>