9
Liksyon 1 para sa ika- 6 ng Hulyo, 2019

Liksyon 1 para sa ika- 6 ng Hulyo, 2019 - fustero.es pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay; Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Liksyon 1 para sa ika-6 ng Hulyo, 2019

Lumikha ang Dios ng mabuti at kompletong daigdig, at hinirang niya ang tao, na nilikha sa Kanyang larawan, upang “mamahala at mag-alaga” sa Kanyang nilikha.

Bagaman winasak ng kasalanan ang mga relasyongorihinal na nilayon ng Dios para sa atin, meron parintayong papel na gagampanan bilang mga katiwala ng kabutihan sa sansinukob at tagapamahala ng atingkapwa tao.

Ang pagganap sa tungkuling ito ay isang paraan upangmaparangalan natin ang Dios bilang ating Manlalalang.

Ang nilikha ay nagpapahayag ng ilang mga katangian ng Dios:

Ano ang matututunan natin ngayon tungkol sa Dios sa pamamagitan ng kanyang Nilikha (Awit 19)?

Nagbaliktanaw ang Dios sa Kanyang mga nilikhasa isang linggo, at kinumpirma Niyang lahat “ay mabuti” (Genesis 1:10, 12, 18, 21, 25).

Nang natapos ang Kanyang paglalang, tiningnanNiya muli ito at tiniyak na lahat ay “napakabuti.”

Nasiyahan ang Dios sa Kanyang nilikha. Lahat ay maganda at gumagana, katangi-tangi angdisenyo, praktikal, at puno ng buhay at kulay.

Sino ang benepisyaryo ng magandang kaloob na ito?

Tayo. Kahit sa kabila ng ilang taon nang nasisiraito, nakikita parin natin ang kamangha-manghang Nilikha at magsabing: Gaanokadakila ang ating Dios!

Ipinagkatiwala ng Dios angNilikha sa perpektongkatiwala: tao.

Itinalaga Niya silang panginoon at tagapangalaga ng mga hayop at kalikasan(Genesis 1:28; 2:15).

Masisiyahan at makikinabang sina Adan at Eba sa kaloob ng Dios, ngunit kailangan din nila itong alagaan.

Hindi nabago ng kasalanan angresponsibilidad na ito. Tungkulin parin natingingatan at alagaan ang mga hayop at kalikasan.

“At kay Adam ay sinabi, Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy naaking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon;

sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sapamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay; Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mgadawag; at kakain ka ng pananim sa parang.’” (Genesis 3:17-18)

Di gaya ng ibang nilalang, binigyan ng kakayahangmakaisip ng mabuti sina Adan at Eba, upangmakapili sila ng kanilang desisyon.

Ang kakayahang ito ay ibinigay din sa ibangnilalang ng Dios, gaya ng mga anghel. Ginamit niLucifer ang kalayaang ito upang magrebelde saDios, at nagpasya siyang idamay ang bagonglikhang sanlibutan sa kanyang rebelyon.

Tinanggap ni Adan at Eba angkanyang pahiwatig, kaya nasira angkanilang relasyon sa Dios, sa isa’t-isa, at sa mga hayop at kalikasan(Genesis 3:8, 12, 18; 9:2).

“At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?’” (Genesis 4:9)

Oo, dapat iningatan ni Cain ang kanyang kapatid. Dahil sag alit at inggit ay nagawa niya angkaunaunahang pagpatay.

Ginawa ng Dios ang lahat ng tao (Job 10:8-12). Nilalang ang lahat ng Dios at may karapatan sa atingpagkalinga at respeto.

Bawat tao ay may karapatang malaman na mahal silang Dios, makaalam ng Kanyang sakripisyo, at angmanang inihanda Niya para sa kanila.

Maraming reperensya sa Bibiliang nagsasabingManlalalang ang Dios. Siya ang ating Panginoon dahilnilikha Niya tayo, at humihiling Siya sa atin nasambahin natin Siya sa pamamagitan ng paggalangnatin sa Kanyang Nilikha (Exodu 20:11).

Humihiling din Siya na ingatan natin ang KanyangNilikha. Tagapagbantay tayo ng ating mga kapatid.

E.G.W. (Christian Service, cp. 1, p. 13)

E.G.W. (Testimonies for the Church, vol. 8, cp. 42, p. 256)