12
KAGAWARAN NG EDUKASYON NG ESTADO NG MARYLAND Dibisyon ng Espesyal na Edukasyon/Mga Serbisyo na Maagang Pamamagitan Sangay ng Maagang Pamamagitan sa Unang Bahagi ng Pagkabata at Edukasyon Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos ng Maryland/Mga Serbisyo na Espesyal na Edukasyon Bago Mag-aral Binago Hulyo 2013 Maagang Pamamagitan Ang Patnubay sa Pamilya Hinggil sa Mga Serbisyo na Maagang Pamamagitan sa Maryland Ang Program Para sa Mga Sanggol at Musmos ng Maryland Pag-intindi sa IFSP Patnubay Hinggil sa Tatlo Hanggang Lima Patnubay Hinggil sa Pagkasilang Hanggang Tatlo Patnubay Hinggil sa Mga Susunod na Hakbang Pagpipilian ng Pamilya Pagsulong: Panahon ng Pagbabago Patnubay Hinggil sa Rekurso ng Mga Karapatan ng Magulang PAGKASILANG HANGGANG LIMA NG MARYLAND SERYE NG IMPORMASYON PARA SA MAGULANG

Maagang Pamamagitan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Maagang Pamamagitan

KAGAWARAN NG EDUKASYON NG ESTADO NG MARYLANDDibisyon ng Espesyal na Edukasyon/Mga Serbisyo na Maagang Pamamagitan

Sangay ng Maagang Pamamagitan sa Unang Bahagi ng Pagkabata at Edukasyon

Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos ng Maryland/Mga Serbisyo na Espesyal na Edukasyon Bago Mag-aral

Binago Hulyo 2013

Maagang PamamagitanAng Patnubay sa Pamilya Hinggil sa Mga Serbisyo na Maagang Pamamagitan sa MarylandAng Program Para sa Mga Sanggol at Musmos ng Maryland

Pag-intindi sa IFSP

Patnubay Hinggil sa Tatlo Hanggang Lima

Patnubay Hinggil sa Pagkasilang

Hanggang Tatlo

Patnubay Hinggil sa Mga Susunod na Hakbang

Pagpipilian ng Pamilya

Pagsulong: Panahon ng Pagbabago

Patnubay Hinggil sa Rekurso ng Mga

Karapatan ng Magulang

PAG

KASI

LAN

G H

AN

GG

AN

G L

IMA

NG

MA

RYLA

ND

SERYE NG IMPORMASYON PARA SA MAGULANG

Page 2: Maagang Pamamagitan

Ang inyong anak ay ang pinakamahalagang regalong ipinagkaloob ninyo sa mundong ito. Habang ang lahat ng bata ay lumalaki at nadedebelop ayon sa kanilang sariling tulin, ang ilang mga sanggol at musmos ay nakakaranas ng mga pag-antala sa kanilang pagdebelop. Ito ay maaaring maging sanhi ng pagkabahala.

Ang maagang pamamagitan ay isang sistema ng mga serbisyong ipinagkakaloob sa lahat ng mga batang wala pang tatlong taong gulang na maaaring may pag-antala sa pagdebelop, may kapansanan, o may espesyal na kondisyon na maaaring maghatid ng di-tipikong pagdebelop. Ang Programa ng Maryland Para sa Mga Sanggol at Musmos at ang inyong lokal na sistema sa maagang pamamagitan ay makakatulong sa inyong tugunan ang inyong mga ipag-alala sa pamamagitan ng isang programang tanging dinisenyo upang matugunan ang pambihirang pangangailangan ng inyong anak at pamilya. Ang lahat ng mga serbisyo ay ibinibigay nang libre sa inyong pamilya. Ang sobrang humuhubog na mga mga resulta ng programa sa maagang pamamagitan ay para sa iyong anak para malinang ang positibong mga kasanayang panglipunang-pang-emosyon, para makakuha ang iyong anak at gamitin ang kaalaman at mga kasanayan, at para magamit ng iyong anak ang mga naaangkop na pag-uugali upang matugunan ang kanyang mga pangangailangan.

Ang mga serbisyo na maagang pamamagitan ay makakatulong sa inyo at sa inyong pamilya upang:

• Matukoy ang mga pangangailangan ng inyong anak• Suportahan at isulong ang pagdebelop ng inyong anak• Isali ang inyong anak sa inyong buhay-pamilya at komunidad

Ang mga serbisyo na maagang pamamagitan ay maaaring ibinibigay saanman sa komunidad:

• Inyong tahanan• Inyong sentro ng pangangalaga sa bata o tahanan sa pangangalaga ng pamilya• Mga aklatan, sentro ng aliwan, palaruan• Alinmang lugar na pinupuntahan ng mga magulang at mga anak para sa kasiyahan at suporta

Bilang isang magulang, tinutulungan ninyong madesisyunan:• Ang mga kalalabasan ng maagang pamamagitan na mahalaga sa inyong anak at pamilya • Ang mga serbisyo na maagang pamamagitan na kailangan ng inyong anak at pamilya• Kailan at saan makakakuha ang inyong anak at pamilya ng mga serbisyo na maagang

pamamagitan

Ang pangkalahatang pangpamilyang mga resulta para sa programa ng maagang pamamagitan ay para maunawaan mo ang iyong mga karapatan at makipag-ugnayan nang mabisa tungkol sa mga pangangailangan ng iyong anak, at para matulungan ang iyong anak na umunlad at matuto.Ipinapakita sa pananaliksik na ang maagang pamamagitan ay nakakagawa ng malaking pagkakaiba! Malugod namin kayong tinatanggap at ang inyong pamilya sa sistema ng mga serbisyo na maagang pamamagitan ng Maryland–isang komunidad na nagsisikap na maiangat ang kakayahan ng inyong anak sa pamamagitan ng suporta at mga kaugaliang nakasentro sa pamilya.

Malugod na pagtanggap sa Sistema ng Mga Serbisyo na Maagang Pamamagitan ng Maryland

pahina 2

Hinggil sa Patnubay na Ito

Itong patnubay, Pagkasilang Hanggang 3: Isang Patnubay sa Pamilya Hinggil sa Mga Serbisyo na Maagang Pamamagitan ng Maryland, ay bahagi ng Serye ng Impormasyon Hinggil sa Pagkasilang Hanggang Lima ng Maryland– isang koleksiyon ng mga lathala na dinisenyo upang bigyang-suporta ang mga pamilya sa mga serbisyo na maagang pamamagitan at edukasyon mula pagkasilang hanggang lima. Sa pamamagitan ng patnubay na ito, nais namin kayong tanggapin sa isang komunidad na nagsisikap na payamanin ang paglaki ng bata, at patnubayan kayo sa isang prosesong nilikha ng mga magulang at mga propesyonal upang maiangat ang kakayahan ng inyong anak at bigyang-suporta ang inyong pamilya.

Upang makatanggap ng mga kopya nito o ng ibang mga patnubay sa seryeng ito, mangyaring makipag-ugnayan sa inyong lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos. Sumangguni sa huling pahina para sa impormasyon na tatawagan.

Page 3: Maagang Pamamagitan

Turuan akong maglaro.Ipakita sa akin ang paraan.

Tulungan akong maglakad; Pagkatapos tulungan akongmagsalita.

Turuan akong kumanta; Napakagandang bagay.

Tulungan akong lumaki upang malaman ko ang pag-ibig na ibinibigay ng mundong ito.

Belle Nelson, Edad 11Dating kalahok sa Sistema ng Mga Serbisyo na Maagang Pamamagitan ng Maryland

Ang Bintana ng Oportunidad

Pagkilala sa kahalagahan ng maagang pamamagitan, tinitiyak ng batas pederal at ng Estado ang karapatan ng inyong anak sa mga serbisyo na maagang pamamagitan. Noong 1986, binuo ng Kongreso ang Bahagi K ng Batas na Edukasyon Para sa Mga Indibidwal na May Kapansanan [Individuals with Disabilities Education Act (IDEA)] upang palakasin ang kahalagahan ng mga serbisyo at suporta na maagang pamamagitan na ibinibigay sa mga sanggol at musmos na may kapansanan, pagkapanganak hanggang edad tatlo, at sa kanilang mga pamilya. Sa Maryland, ang Bahagi K ng sistema ng IDEA ay tinatawag na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos ng Maryland [Maryland Infants and Toddlers Program (MITP)]. Itong komprehensibong pang-estadong programa ng mga serbisyo na maagang pamamagitan ay pinag-uugnay ng Kagawaran ng Edukasyon ng Estado ng Maryland [Maryland State Department of Education (MSDE)], kasama ang maraming kasangga na iba’t-ibang ahensiya. Ang bawat isa sa 24 na nasasaklawan ng Maryland ay nagpapatupad ng lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos, nag-uugnay ng mga ahensiya at pribadong tagatustos ng serbisyong ibinibigay ng edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, at mga serbisyong panlipunan. Mangyaring sumangguni sa likod ng patnubay na ito para sa impormasyon na tatawagan para sa bawat lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos sa Maryland.

Ano Ang Sinasabi Ng Batas

Ang mga unang taon ng isang bata ay puno ng tuwa at pagbabago sa bawat magulang–isang mahalagang pagbabalanse sa mga pangarap at mga paghamon. Mula sa pinakaunang mga yugto ng buhay ng isang bata, maaaring iangat ng pamilya ang lahat ng aspeto ng pagdebelop ng kanilang anak.

Sa nakaraang dekada, ang mga pagsulong sa pagsusuri sa utak ay nakapagbigay ng maliwanag na pag-unawa kung paano tuluy-tuloy na lumago at magdebelop ang utak. Malinaw na ngayon na ang mga karanasan ng isang bata sa unang bahagi ng pagkabata ay may malalim na impluwensiya sa pagdebelop ng utak at kung paano sila makikihalubilo sa mundong kinagagalawan nila. Ang mga relasyong nabubuo ng mga bata sa mga tao sa kanilang buhay ay nagbibigay pundasyon para sa emosyonal na pagdebelop. Ang mga batang nakakatanggap ng mapagbigay, sensitibong pangangalaga mula sa kanilang mga magulang at ibang mga tagapag-alaga sa unang taon ng kanilang buhay, ay nagtatamasa ng mahalagang bentahe tungo sa tagumpay sa kanilang mga buhay.

Ang maagang pamamagitan ay nananangan sa natural na pagkatuto na nangyayari sa mga unang taon ng buhay Ang mga suporta at mga serbisyong ibinibigay sa pamamagitan ng maagang pamamagitan ay makakatulong sa inyong tulungan ang inyong anak na makagawa ng lahat ng makapangyarihang koneksiyon upang mapabuti ang kanyang kakayahang matuto at maglaro. Itong mga unang taon ay ang likas na panahon para sa pagdebelop ng paningin at pandinig, pagdebelop ng kakayahan sa pagsalita at wika, pisikal at motor na pagdebelop at sosyo-emosyonal na pagdebelop ng inyong anak. Ang maagang pamamagitan ay nakakatulong upang mabuksan itong bintana ng oportunidad para sa inyong anak.

Habang binubuksan ninyo itong bintana ng oportunidad para sa inyong anak, gamitin ang patnubay na ito upang tulungan kayong maintidihan:

• Kung paano gumagana ang sistema ng maagang pamamagitan• Ang inyong mga legal na karapatan at mga proteksiyon• Ang mga suporta at mga rekurso ng pamilya na makukuha ninyo at ng inyong pamilya

pahina 3

Turuan ako.

Page 4: Maagang Pamamagitan

Mga Makabuluhang Bahagi ng Epektibong Sistema sa Maagang Pamamagitan

pahina 4

Pagiging Karapat-dapatAng inyong anak at pamilya ay maaaring karapat-dapat para sa mga serbisyo na maagang pamamagitan kung ang inyong anak ay wala pang tatlong taong gulang at may isa sa mga sumusunod:

• 25 porsiyento o higit pang pag-antala sa pagdebelop;o

• Nagdedebelop sa isang paraan na ipinapalagay na “atipikal” para sa karamihan sa mga batang kaedad niya; o

• Isang kondisyong batay sa pagsusuri na maaaring makaapekto sa pagdebelop, gaya ng henetikong sakit o malubhang pinsala sa pandinig o paningin.

Ang unang hakbang sa pagpasiya kung karapat-dapat para sa mga serbisyo na maagang pamamagitan ang pagsangguni sa lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos. Kapag ang sanggol o musmos ay pinaghihinalaang may kapansanan, pag-antala sa pagdebelop, o pangangailangan sa espesyal na pangangalaga sa kalusugan, siya ay maaaring isangguni ng isang magulang sa lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos, tagatustos para sa kalusugan o edukasyon, tagatustos sa pangangalaga sa bata o serbisyong panlipunan, o isang kawani mula sa NICU o ospital, ilan lamang sa mga nabanggit. Maaaring nakatanggap ang inyong anak ng pagsusuring hinggil sa pag-unlad sa tanggapan ng doktor o sa pamamagitan ng tapagbigay ng kalinga ng iyong anak na nagmungkahi ng pagsangguni sa iyong lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos.

Sa sandaling magawa ng pagsasanggguni sa lokal ng Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos, ang proseso sa pagtanggap ay nagsisimula sa pamamagitan ng pag-uusap at pagkalap ng impormasyon tungkol sa iyong anak at pamilya. Pagkatapos, sa pamamagitan ng iyong pahintulot, mag-aayos ang Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos para s isang coordinator ng serbisyo para mag-schedule ng pagsusuri* o para mag-schedule ng evaluation/pagtataya - nang walang bayad sa pamilya - upang malaman kung karapat-dapat ang iyong anak sa mga serbisyo.

Mangyaring tandaan: Ang iyong Programang Pangpamilya ay maaaring magmungkahi ng pagsusuri na kinakailangan ng iyong pahintulot. Sa anumang oras ay may karapatan ka na humingi ng evaluation.

Pagsusuri at Pagtatasa

Ang inyong lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos ay may 45 araw mula sa araw ng pagsangguni upang makumpleto ang pagsusuri at pagtatasa, at bumuo ng Isinaindibidwal na Service Plan ng Pamilya (Individualized Family Service Plan (IFSPP)), kung mapaunayang karapat-dapat ang iyong anak.

Ang inyong pamilya at laging kabahagi ng proseso sa pagsusuri, na siyang mahalaga sa pagtukoy ng mga kalakasan at mga pangangailangan ng inyong anak, at sa pagpaplano ng pinakamainam na gawain. Ang pagsusuri at pagtatasa sa inyong anak ay kinabibilangan ng iba’t-ibang kagamitan at mga pagkukunan ng impormasyon.

Ang mga kwalipikadong taong direktang kasangkot sa paggamot sa inyong anak o sa pangasiwa sa pagsusuri at pagtatasa ay magtitiyak sa pagiging karapat-dapat ng inyong anak para sa mga serbisyo na maagang pamamagitan.

Mga Tip Para sa Pamilya:• Magbigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa

inyong anak, kabilang na ang istorya ukol sa paggamot ng inyong anak. Ibahagi ang anumang kailangang dokumento, gaya ng rekord ng bakuna at mga resulta mula sa naunang pagsusuri, kung mayroon kayong nakahanda.

• Ibahagi ang mga prayoridad at mga alalahanin ng inyong pamilya tungkol sa pagdebelop ng inyong anak.

• Dumalo sa lahat ng pagtatasa. Maaari kayong pumili ng oras at lugar na maalwa para sa inyo.

• Magtanong upang maintindihan ang proseso at programa. Batid ng inyong tagapag-ugnay ng serbisyo at mga lokal na tagatustos ng programa na ang mga serbisyong ito ay bago sa karamihan sa mga pamilya. Matutulungan nila kayong sagutin ang inyong mga katanungan.

Page 5: Maagang Pamamagitan

Mga Makabuluhang Bahagi ng Epektibong Sistema sa Maagang Pamamagitan

pahina 5

Mga SerbisyoAng mga serbisyo na maagang pamamagitan ay dinisenyo upang maiangat ang kakayahan ng isang bata sa bawat yugto ng paglaki at pagdebelop. Ang mga serbisyong inihahandog ay ipinasadya upang matugunan ang mga natatanging pangangailangan ng bawat bata at pamilya.

Ang mga halimbawa ng mga serbisyo na maagang pamamagitan ay kinabibilangan ng:

Paggamot PisikalPaggamot sa Sakit na Nakuha sa Pagtatrabaho

Pag-aarugaGawaing Panlipunan

Espesyal na PagtuturoPagpapayo sa Nutrisyon

Mga Serbisyo sa Pagsalita at WikaMga Pagsusuri/Serbisyo sa Pandinig at Paningin

Pagpapayo sa PamilyaAng iba pang serbisyo ay maaari ring nakalaan batay sa mga natatanging pangangailangan ng

iyong anak at pamilya.

Ang uri ng mga serbisyong rekomendado para sa inyong anak ay naaayon sa mga pangangailangan ng inyong anak at pamilya. Ang mga serbisyo ay rekomendado ng isang koponan ng mga propesyonal, at iniuugnay at ihahatid ng inyong lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos na may suporta ng iba’t-ibang ahensiya sa inyong kinasasaklawan. Itong mga ahensiya ay maaaring kinabibilangan ng inyong lokal na sistema sa paaralan, mga lokal na kagawaran ng kalusugan at mga serbisyong panlipunan, at ibang pribado at nakabase sa komunidad na mga tagatustos at kasangga.

Lahat ng mga serbisyo na maagang pamamagitan ay ibinibigay nang libre sa inyong pamilya. Siyempre, hindi mag-uumpisa ang mga serbisyo nang walang pahintulot ninyo. Dapat maintindihan ng inyong pamilya na lahat ng mga serbisyo at pagpipilian ay iminumungkahi sa inyo upang makagawa kayo ng tamang desisyon. Maaari ninyong piliin ang lahat ng mga serbisyong ibinibigay sa inyo at sa inyong anak, o maaari kayong pumili ng ilan lamang sa mga serbisyo. Nasa inyo ang desisyon.

Ibinagay na Plano ng Serbisyo sa Pamilya

Kapag nakumpleto na ang pagsusuri at pagtatasa sa inyong anak at ang inyong anak ay nalamang karapat-dapat para sa mga serbisyo na maagang pamamagitan, panahon na upang bumuo ng isang plano upang matugunan ang mga natukoy ng mga pangangailangan. Ang Ibinagay na Plano ng Serbisyo sa Pamilya [Individualized Family Service Plan (IFSP)] ay ang pundasyon sa pagbibigay ng mga serbisyo at suporta upang matugunan ang natatanging pangangailangan ng inyong anak at pamilya.

Ang dokumento ng IFSP ay binubuo ng koponan ng IFSP na may iba’t-ibang tungkulin, kabilang na ang iyong coordinator ng serbisyo at mga tagapagbigay ng maagang pamamagitan, at isang dalubha sa iyong anak - ikaw! Kayo ay isang mahalagang miyembro ng koponan ng IFSP. Walang higit na nakakaalam sa inyong anak at nakakaintindi sa pangangailangan ng inyong pamilya.

Bilang rekiritos ng batas, ang isinusulat sa dokumentong IFSP ang:

• Mga kalakasan at mga pangangailangan ng inyong anak;• Mga prayoridad ng inyong pamilya;• Ang mga serbisyong matatanggap ng inyong anak at

pamilya at kung saan ibinibigay ang mga serbisyo; at• Ang mga resultang nais ninyong matamo, mga

takdang panahon upang makamit ang mga resulta, at ang mga detalye kung paano masusukat ang tagumpay tungo sa mga resulta.

Ang IFSP ay higit pa sa isang nakasulat na dokumento. Ang IFSP ay kumakatawan sa samahan sa pagtrabaho sa pagitan ninyo at ng koponan ng lokal na Mga Sanggol at Musmos at tumutulong sa pagbibigay kasagutan sa inyong mga tanong tungkol sa pagdebelop ng inyong anak.

Upang matulungan ang inyong pamilyang higit na maitindihan ang proseso ng IFSP, ang Serye ng Impormasyon Para sa Magulang Hinggil sa Pagkasilang Hanggang Lima ng Maryland ay kinabibilangan ng Ibinagay na Plano ng Serbisyo Para sa Pamilya. Tiyaking humingi ng kopya mula sa inyong lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos.

Page 6: Maagang Pamamagitan

Mga Makabuluhang Bahagi ng Epektibong Sistema sa Maagang Pamamagitan

Isang Kasalukuyang Proseso sa Pagrepaso ng IFSPAyon sa batas, kapag natukoy na ang mga serbisyo at naisulat at napag-ayunan na ang IFSP, ang mga serbisyo na maagang pamamagitan ay dapat nang magsimula sa loob ng 30 araw. Ang IFSP ay dapat na madaling ihubog upang matugunan ang pabagu-bagong mga pangangailangan at mga prayoridad ng inyong pamilya. Dapat marepaso ang IFSP tuwing anim na buwan, o kapag natamo na ng inyong anak ang resulta na naidokumento sa IFSP, o kung nakakita kayo ng bagong bahagi ng pangangailangan.

Maaari kayong humiling ng pagrepaso sa inyong IFSP mula sa inyong tagatustos ng serbisyo sa anumang oras.

pahina 6

Ano Ang Masa-sabi Ng Isang Pami-lya

“Ang aming unang karanasan sa Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos [Infants and Toddlers Program (ITP)] ay nangyari pag-uwi ng aming unang anak na lalaki mula sa ospital. Bilang bagong mga magulang na may anak na nagpapamalas ng atipikong pagdebelop, nalipos kami. Sa halip na sumali sa mga grupo ng larong pang-sanggol, nagsimula kaming manaliksik ng mga grupong pangsuporta para sa mga magulang na may mga anak na may kapansanan. Ang aming anak na lalaki ay isinangguni sa aming lokal na ITP. Dumating ang koponan ng ITP sa aming pamilya at nagbigay ng mga solusyon matapos ang isang tawag lamang sa telepono. Sa pamamagitan ng ITP, nasuri ang aming anak na lalaki ng isang koponan ng mga propesyonal. Matapos ang paunang pagtatasa, nagsimula kaming makatanggap ng paggamot at mga nakatuon sa pamilyang pamamagitan. Tinuruan kami ng ITP kung paano makisalamuha sa aming anak na lalaki sa isang paraan na sumusuporta sa kanyang kabuuang pagdebelop. Ang ngiting wala dati ay nagsimulang mamutawi sa kanyang mukha kapag nakikilala niya ang kanyang pamilya at kaligiran.

Noong ipinanganak ang aming ikatlong anak na may Down Syndrome, iwinaksi ng aming naunang karanasan sa ITP ang maraming mga takot. Habang maingat na ibinibigay ng kawani ng paggamot ang resulta ng pagsusuri, nakaranas kami ng malaking kaginhawaan dahil alam naming nandiyan ang ITP upang tulungan kaming matugunan ang mga pangangailangan ng aming anak na babae. Muli, dumating sa aming buhay ang koponan ng ITP upang ibahagi ang kanilang mga talento sa amin. Ang mga pangangailangan ng aming anak na babae ay ibang-iba sa pangangailangan ng kanyang kuya, nguni’t ang ibinagay na mga paggamot ang mga suporta ay akmang-akma sa kanya. Isinaalang-alang pa nga ng kawani ng ITP ang tipikong pagdebelop ng aming gitnang anak na babae. Sa tulong nila, natuto siyang makipagbuklod sa kanyang kapatid na lalaki at kapatid na babae. Natuto siyang makipaglaro at makisalamuha sa kanila, makilala ang mga pagkakapareho, at matanggap ang kanilang mga pagkakaiba.

Kung wala ang ITP, hindi namin matiyak kung paano kami lumago bilang isang malakas na koponan ng pamilya gaya ngayon. Ang mga serbisyo ng ITP ay napakalaking rekurso sa pamilya sa paghanda sa kanilang mag-alaga at magpalaki ng mga batang may pag-antala o panghabang-buhay na mga kapansanan. Lubos kaming nagpapasalamat sa maraming propesyonal na nakiisa sa aming sa aming paglakbay na ito.”

–Michele Hart & Robert Bristown, Lalawigan ng Baltimore

Page 7: Maagang Pamamagitan

Inyong Mga Karapatan at ProteksiyonAng mga batas pederal at ng Estado ay nagbibigay ng maraming proteksiyon sa mga bata at mga pamilya. Itong mga karapatan ay nagtitiyak na ang inyong programa sa maagang pamamagitan ay ipinapatupad nang bukal sa loob, di-nagtatangi-tanging paraan, at libre para sa inyong pamilya. Nilalagom ng Maryland itong mga karapatan sa Mga Karapatan ng Magulang at Pagbibigay-alam ng Mga Pag-aadyang Paraan ng Maryland.

Kabilang sa mga karapatang dinetalye sa Mga Karapatan ng Magulang at Pagbibigay-alam ng Mga Pag-aadyang Paraan ng Maryland, may karapatan kayo upang:

• Sumang-ayon sa pagsusuri, pagtatasa at pagbibigay ng mga serbisyo;• Makatanggap ng pagbibigay-alam hinggil sa inyong mga karapatan at mga aksiyong iminungkahi ng sistema sa maagang pamamagitan;• Repasuhin ang rekord ng maagang pamamagitan ng inyong anak at humiling ng mga pagbabago;• Mapanatili ang pagiging kompidensiyal ang personal na impormasyon ng inyong anak at pamilya, bilang hiniling;• Magsampa ng reklamo; at• Gumanap ng aktibong papel sa proseso ng maagang pamamagitan bilang isang mahalagang miyembro ng koponan ng IFSP.

Ang kopya ng Mga Karapatan ng Magulang at Pagbibigay-alam ng Mga Pag-aadyang Paraan ay ibibigay sa inyo nang kahit isa sa isang taon mula sa inyong lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos; nguni’t, maaari kayong humingi ng kopya sa anumang oras. At upang matulungan kayong higit na maintindihan ang inyong mga karapatan at mga proteksiyon, ang Serye ng Impormasyon Para sa Magulang Hinggil sa Pagkasilang Hanggang Lima ng Maryland ay kinabibilangan ng patnubay na tinatawag na, Ang Maka-Pamilyang Patnubay na Rekurso Upang Maintindihan ang Karapatan ng Magulang. Humingi ng kopya mula sa inyong lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos. Ang inyong tagapag-ugnay ng serbisyo ay maaari ring magbigay ng impormasyon at pamamatnubay.

Panahon ng PagbabagoAng pagbabago mula sa inyong lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos ay isang proseso. Ang inyong lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos ay susuporta sa inyo upang mabuo ang plano ng pagbabago upang matugunan ang mga pangangailangan ng inyong anak at pamilya. Bahagi ng proseso sa pagpaplano ay ang pagsaalang-alang kung ang inyong anak ay may mga pangangailangan na nangangailangan ng serbisyo paglampas sa edad 3.

Kung ang inyong anak ay nangangailangan ng mga serbisyo paglampas sa edad 3, ang inyong anak ay itatasa upang malaman kung siya ay karapat-dapat para sa mga serbisyo sa ilalim ng Bahagi B ng IDEA. Bilang bahagi ng sistema ng pagkasilang hanggang lima ng Maryland, kung ang inyong anak ay malamang karapat-dapat sa mga serbisyo sa Bahagi B, ang inyong pamilya ay bibigyan ng mga pagpipilian. Itong mga pagpipilian ay kinabibilangan ng mga serbisyo sa ilalim ng Ibinagay na Plano ng Serbisyo sa Pamilya [Individualized Family Service Plan (IFSP)] o lumipat sa Ibinagay na Programa sa Edukasyon [Individualized Education Program (IEP)]. Ang mga serbisyong ibinibigay sa ilalim ng pinahabang IFSP o ng IEP ay nagsasalamin sa mga pangangailangan ng inyong anak at pamilya at ibibigay sa hanay ng nakabase sa komunidad at nakabase sa paaralan na mga kaligiran ng unang bahagi ng pagkabata.

Upang tulungan kayong higit maintindihan ang proseso ng pagbabago, ang Serye ng Impormasyon Hinggil sa Pagkasilang Hanggang Lima ng Maryland ay kinabibilangan ng Isang Patnubay sa Pamilya Hinggil sa Mga Susunod na Hakbang: Kapag ang Inyong Anak na Nasa Maagang Pamamagitan ay Magtatatlo, gayun din ang Pagsulong Tungo sa Tagumpay: Ang Patnubay sa Pamilya sa Pagbabago. Maaari kayong humiling ng kopya ng bawat patnubay mula sa inyong lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos.

pahina 7

Page 8: Maagang Pamamagitan

Ang mga serbisyo na maagang pamamagitan ay matatanggap mula sa Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos ng Maryland at ibinibigay sa pamamagitan ng 24 lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos. Ang mga serbisyo ay ibinibigay sa mga karapat-dapat na sanggol at musmos, na may edad mula pagkasilang hanggang 3. Ang ilang mga serbisyo at suporta ay ibinibigay din sa mga magulang at miyembro ng malapit na pamilya.

Ang Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos ng Maryland ay hindi isang programa sa paggamot na “gagamot” sa inyong anak. Samantalang hindi kayo sinanay na espesyalista, kayo ang pinakamahalagang guro ng inyong anak. Kayo at ang koponan ng maagang pamamagitan ay magtutulungan upang suportahan at maiangat ang pagdebelop sa inyong anak. Ipapakita at igagawa kayo ng inyong koponan ng mga propesyonal ng mga paraang magagamit ninyo sa inyong anak. Tuturuan kayo at ang inyong pamilya kung paano ipatutupad ang mga estratehiya sa pang-araw-araw na kalakaran ng inyong anak at mga pagitang pagbisita ng tagatustos.

Kayo ang pinakamagaling na tagapagtanggol ng inyong anak. Ang relasyong madedebelop ninyo sa inyong koponan ng maagang pamamagitan ay magiging mahalagang relasyon para sa inyo at sa inyong anak. Malinaw na ipaalam kung ano sa tingin ninyo ang kailangan ng inyong anak. Tiyaking makipag-usap nang madalas sa inyong tagapag-ugnay ng serbisyo at makipagtulungan sa inyong buong koponan.

Ang mga lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos at tinatauhan ng mga kwalipikadong propesyonal na dapat tutugon sa mga pamantayan para sa kawani ng Maryland. Ang mga tagatustos ay maingat na sinuri bago sila tanggapin at pinapangasiwaan ng lokal na mga tagapamahala ng lokal na programa at mga kalahok na ahensiya.

Kayo at ang inyong koponan ng IFSP ay gagawa ng Ibinagay na Plano ng Serbisyo sa Pamilya [Individualized Family Service Plan (IFSP)]. Ang IFSP ng inyong anak ay hindi katulad ng sa iba. Ito ay natatangi at base sa mga pangangailangan ng inyong anak at pamilya. Maaari rin itong magmukhang kaiba sa anumang ibinibigay sa ibang mga estado.

Maaaring imungkahi ng inyong doktor o espesyalista ang bilang ng oras para sa paggamot o mga serbisyo para sa inyong anak. Ang mga lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos ay gumagamit ng modelo sa pagtuturo na gagamitin sa inyong mga anak at mga pamilya; itong modelo ay maaaring iba sa mga “pangklinika o paggagamot” na modelong ginagamit ng maraming mga pribadong manggagamot at mga ahensiya.

1

2

3

4

5

6

Ang mga serbisyo na maagang pamamagitan ay nakatuon sa pamilya. Ito ay nangangahulugan na ang mga pangangailangan ng inyong buong pamilya ay kasing-halaga ng mga pangangailangan ng inyong anak. Ang inyong mga serbisyo na maagang pamamagitan ay ibibigay sa natural na kaligiran ng inyong anak kung saan siya nakatira, natututo at naglalaro. Ang inyong anak ay maaaring karapat-dapat sa isa o ilang mga serbisyo. Sa oras na matukoy ang mga serbisyo, maaari kayong mamili ng mga serbisyong nais ninyong matanggap ng inyong anak at pamilya. Tandaan na naiintidihan ng inyong koponan ng maagang pamamagitan na ito ay maaaring emosyonal at nakakapagod na panahon para sa inyo at sa inyong pamilya. Tutulungan kayo ang inyong koponan na matukoy ang mga rekurso upang matulungan kayong lumahok sa paglaki at pagdebelop ng inyong anak at mapanatili ang inyong emosyonal na kapakanan.

Walang singil sa mga pamilya na nasa mga serbisyo na maagang pamamagitan. Sa ilalim ng batas ng Estado at pederal, ang lahat ng serbisyong ibinibigay ng isang lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos sa Maryland ay dapat na ibigay nang libre, kahit na anuman ang kita ng pamilya, pagkakaroon ng seguro, o estado ng empleyo. Wala kailanmang “talaan ng nag-aabang” para sa mga serbisyo. Ang inyong lokal na programa ay suportado ng ilang mga pinagkukunan, kabilang ang lokal, Estado, at pederal na mga dolyar.

Ang Maryland ay may malakas na Ugnayan ng Suporta sa Pamilya [Family Support Network (FSN)] na kinabibilangan ng mga magulang ng mga batang may kapansanan gayundin ng mga propesyonal na tutulong sa mga magulang sa kanilang paglakbay sa mundo ng maagang pamamagitan at lampas pa. Itanong ang pangalan ng inyong lokal na tagapag-ugnayan ng FSN kung kailangan ninyo ng karagdagang suporta at mga rekurso, kabilang na ang pagkakataong makipag-ugnayan sa ibang mga pamilya na tumanggap ng katulad na mga serbisyo na maagang pamamagitan.

Huwag kalimutan na bilang isang magulang kayo at ang inyong anak ay may ilang karapatan sa ilalim ng batas ng Estado at pederal. Dapat magbigay ang bawat estado sa mga magulang ng talaan ng kanilang mga karapatan. Sa panahon ng pagbuo ng inyong IFSP, makakatanggap kayo ng kopya ng dokumento, Mga Karapatan ng Magulang: Pagbibigay-alam ng Mga Pag-aadyang Paraan ng Maryland. May ibang mga rekurso dito sa Serye ng Impormasyon Para sa Magulang upang tulungan kayong maintindihan ng inyong mga karapatan.

7

8

9

10

10 Bagay na Dapat Malaman ng Magulang

pahina 8

Page 9: Maagang Pamamagitan

• Pagtatasa: Kasalukuyang pamamaraang ginagamit ng mga kwalipikadong propesyonal sa kabuuan ng karanasan ng bata sa maagang pamamagitan upang matukoy ang mga natatanging pangangailangan ng bata, mga rekurso ng pamilya, mga alalahanin at prayoridad na may kinalaman sa pagdebelop ng kanilang anak, at ang katangian at lawak ng mga serbisyong kinakailangan upang matugunan ang mga pangangailangang ito.

• Tagapagtanggol ng Bata: Isang magulang o propesyonal, bayaran o hindi, na kumikilos para sa kapakanan ng isang bata o pamilya upang proteksiyonan ang kanilang mga karapatan at interes at upang matiyak ang kanilang paggamit sa mga serbisyong nararapat sa kanila.

• Maagang Pamamagitan: Isang koleksiyon ng mga serbisyong ibinibigay ng mga publiko o pribadong ahensiya at dinisenyo ng batas upang suportahan ang karapat-dapat na mga bata at ang kanilang mga pamilya sa pag-angat ng kakayahan ng isang bata para sa paglaki at pagdebelop mula pagkasilang hanggang edad tatlo.

• Talaan ng Maagang Pamamagitan: Anumang impormasyon na personal na maiuugnay sa bata o pamilya na nilikha ng sistema ng maagang pamamagitan na may kinalaman sa pagsusuri at pagtatasa, pag-unlad ng IFSP, at paghatid ng mga serbisyo na maagang pamamagitan.

• Pagpapahalaga: Mga pamamaraang ginagamit ng mga kwalipikadong propesyonal upang matiyak ang una at patuloy na karapatan ng bata sa mga serbisyo na maagang pamamagitan, na naaayon sa pakahulugan ng mga sanggol at musmos na may kapansanan.

• Walang pinapanigan: Naglalarawan sa taong hinirang na magpatupad sa proseso sa paglutas ng reklamo. Itong taong ito ay hindi empleyado ng anumang ahensiya o programang may kinalaman sa pagbibigay ng mga serbisyo na maagang pamamagitan o pangangalaga ng bata, at walang personal o propesyonal na salungatan ng interes sa kaso.

• Isinaindibidwal na Plano ng Serbisyong Pangpamilya (Indibidualized Family Service Plan (IFSP)]: Nakasulat na plano sa pagbibigay ng mga serbisyo na maagang pamamagitan at iba pa sa karapat-dapat na mga bata at mga pamilya na:• Kinabibilangan ng mga serbisyong kailangan upang

maiangat ang pagdebelop ng bata at ang kakayahan ng pamilyang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang anak;

• Binubuo ng pamilya at mga naaangkop na propesyonal na nagtutulungan; at

• Nakabase sa magkakaibang larangan na pagsusuri at pagtatasa ng bata at ng pamilya, ayon sa hinihingi ng batas.

• Mga Sanggol at Musmos na May Kapansanan: Mga batang mula pagkasilang hanggang edad tatlo na tiniyak na karapat-dapat sa mga serbisyo na maagang pamamagitan dahil sila ay:• Nakakaranas ng pag-antala ng kahit pinakamababang

25 porsiyento sa pagdebelop, ayon sa pagsusukat at pagpapatunay gamit ang mga nararapat na pamamaraan, sa isa o higit pa sa mga sumusunod na larangan: Pagkilala, Pisikal (pino/kabuuang motor, pandama), Komunikasyon, Pakikipagkapwa at Emosyonal, Pakikibagay;o

• Nagpapamalas ng atipikal na pagdebelop o ugali sa kahit isa sa mga larangan sa itaas, na nagpapakita ng abnormal na kalidad o pagganap na humahadlang sa kasalukuyang pagdebelop at malamang na magresulta sa kasunod na pag-antala, kahit na hindi ipinapakita ng mga pamamaraan ng paggamot ang pag-antala ng 25 porsiyento;o

• May nakitang sakit sa pisikal o pag-iisip na naglalagay sa kanila sa panganib na maantala ang pagdebelop.

Ang mga bata na tatlong taong gulang hanggang sa pagbubukas ng taon sa pag-aaral matapos ang ikaapat na kaarawan ng bata kung dati nang tumanggap ng mga serbisyo ng maagang pamamagitan at natuklasang karapat-dapat para sa espesyal na edukasyong preschool at mga kaugnay na serbisyo (COMAR 13A.13.01.03B(29)(b).

Pansamantalang Tagapag-ugnay ng Serbisyo/Pansamantalang Tagapamahala ng Kaso: Ang indibidwal na hinirang sa isang punto upang tulungan ang isinangguning bata at pamilya sa pamamagitan ng unang pagsusuri/pagtatasa at proseso ng IFSP.

TalasalitaanMga Salita at Mga Pariralang Maririnig Ninyo sa Maagang Pamamagitan

pahina 9

Page 10: Maagang Pamamagitan

• Maraming sangay na Koponan ng IFSP: Ang pagkakasali ng magulang at dalawa o higit pang indibidwal mula sa magkakaibang propesyon sa probisyon ng pinagsama at inayos na mga serbisyo. Isa sa mga indibidwal na ito ay dapat na tagapag-ayos ng serbisyo.

• Katutubong Wika: Ang wika o paraan ng komunikasyon na kadalasang ginagamit ng magulang ng isang karapat-dapat na anak.

• Mga Natural na Kaligiran: Mga kaayusan ng tahanan at komunidad na natural o tipiko sa isang may kaparehong edad na bata na walang kapansanan.

• Magulang: Ang biyolohikal o umampon magulang, tagapag-alaga, nagsisilbing magulang, o tumatayong magulang; itong salita ay hindi kinabibilangan ng Estado kung ang bata ay alaga ng Estado.

• Paulit-ulit na Pagrepaso: Ang pagrepaso sa IFSP na ginagawa tuwing anim na buwan, higit na madalas kapag kinakailangan, o kapag hiniling ng pamilya.

• Tagapag-ugnay ng Serbisyo/Tagapamahala ng Kaso: Ang indibidwal na pinili ng koponan ng maagang pamamagitan at hinirang sa isang IFSP upang makipag-ugnayan at mapabilis ang mga serbisyo na maagang pamamagitan at isama ang pamilya sa proseso. Ang taong ito ay dapat magpamalas ng pag-intindi sa mga batas at katangian ng proseso.

• Tagatustos ng Serbisyo: Ang publiko o pribadong ahensiyang hinirang na magbigay ng mga serbisyo na maagang pamamagitan para sa karapat-dapat na bata at ng kanyang pamilya, ayon sa pinagtibay na IFSP.

• Iisang Daanan: Ang lokal na pag-uugnayan na hinirang upang tumanggap ng mga isinangguni mula sa mga taong naghihinala ng pag-antala sa pagdebelop ng isang sanggol o musmos.

TalasalitaanMga Salita at Mga Pariralang Maririnig Ninyo sa Maagang Pamamagitan

pahina 10

Page 11: Maagang Pamamagitan

Ugnayan ng Suporta sa Pamilya ng Maryland/Mga Kasangga Bago Mag-aralSa anumang punto ng inyong paglalakbay, maaaring kailanganin ninyo ang suporta ng mga indibidwal na nakakaalam sa mga espesyal na rekurso, makakabahagi ng mahalagang impormasyon, o may mga karanasan sa buhay na katulad ng sa inyo. Sa Maryland, ang mga pamilyang tumatanggap ng mga serbisyo na maagang pamamagitan ay makakahanap ng suporta mula sa kanilang lokal na Ugnayan ng Suporta sa Pamilya. Ang bawat Ugnayan ng Suporta sa Pamilya ay tinatauhan ng magulang ng isang batang may kapansanan, at nagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga serbisyo ng komunidad, mga sangguni sa mga lokal na grupo ng suporta at pagtataguyod, at mga oportunidad para sa pamilya na makipag-ugnayan at makibahagi ng mga ideya at karanasan sa ibang mga pamilya. Dagdag pa dito, habang nagbabago tungo sa mga susunod na hakbang, ang mga serbisyong suporta sa pamilya ay makukuha mula sa Mga Kasangga Bago Mag-aral. Ang bawat programa na Mga Kasangga Bago Mag-aral ay tinatauhan ng magulang ng isang batang may kapansanan, at makapatnubay at makapagbigay ng suporta sa mga pamilya habang sila ay babaybay sa proseso ng pagbabago mula edad 3 hanggang edad 5.

Isang tawag lang ang iyong lokal na Network ng Suporta sa Pamilya at Mga kasosyong Preschool. Tanungin ang iyong lokal na Programa para sa Mga sanggol at Musmos para sa impormasyong tatawagan o mag-online sa http://www.marylandpublicschool.org/NR/rdonlyres/3364E79c-BF1E-41E5-888-BF1DB71AB2CD/35619/DirectoryApril2013.pdf.

Maryland Learning Links: http://www.MarylandLearningLinks.orgBisitahin ang Maryland Learning Links online sa http://www.MarylandLearningLinks.org. Makikita mo doon ang listahan ng mga pinagkukunan ng mga pamilya at mga tagapangalaga ng mga bata na may kapansanan mula pagkasilang hanggang sa edad 21.

Serye ng Impormasyon sa Magulang na Pagkasilang Hanggang Lima ng MarylandAng Serye ng Impormasyon sa Magulang na Pagkasilang Hanggang Lima ng Maryland ay isang koleksiyon ng mga lathalang dinisenyo upang tulungan ang mga pamilya habang kalahok sila sa sistema ng serbisyo na maagang pamamagitan at edukasyon ng Maryland para sa mga batang may kapansanan mula pagkasilang hanggang lima. Ang bawat lathala ay makukuha mula sa inyong lokal na Programa Para sa Mga Sanggol at Musmos.

Ang Serye ng Impormasyon sa Magulang na Pagkasilang Hanggang Lima ay kinabibilangan ng mga sumusunod na patnubay:• Ang Patnubay sa Pamilya Hinggil sa Mga Serbisyo na Maagang Pamamagitan• Ang Kasundo ng Pamilya na Rekurso Upang Maintindihan ang Inyong Karapatan ng Magulang at Pagbibigay-alam ng

Mga Pag-aadyang Paraan ng Maryland• Ang Patnubay sa Pamilya Upang Maintindihan at Mapaunlad ang IFSP• Ang Patnubay sa Pamilya Para sa Mga Susunod na Hakbang- Kapag ang Inyong Anak na Nasa Maagang Papamagitan ay

Magtatatlo (Ang Mga Pamilya ay May Pagpipilian)• Pagsulong sa Hinaharap Tungo sa Tagumpay–Ang Patnubay sa Pamilya Upang Maintindihan ang Proseso ng Pagbabago -

Babaguhin sa madaling panahon!.• 3 Hanggang 5–Ang Patnubay sa Pamilya Hinggil sa Mga Serbisyong Espesyal na Edukasyon Bago Mag-aral at Ibang Mga

Oportunidad sa Unang Bahagi ng Pagkabata - Darating sa madaling panahon!

Mga Rekursong Suporta sa PamilyaMga Ugnayan/Kasangga/Lathala

pahina 11

Page 12: Maagang Pamamagitan

© DEPARTAMENTO NG EDUKASYON NG ESTADO NG MARYLAND 2011

Ang paglalathalang ito ay binuo at ginawa ng the Departamento ng Edukasyon ng Estado ng Maryland, Dibisyon ng mga Serbisyo sa Espesyal na Edukasyon/Maagang Yugto ng Pagkabata gamit ang mga pondo na mula sa the Departamento ng Edukasyon ng U.S., Grant #H393A090124A, “Mga Pondo para sa Pagbawi” ng Mga Grant sa Espesyal na Edukasyon para sa Mga Sanggol at Pamilya sa ilalim ng PL 105-17/111-5 Batas para sa Edukasyon ng Mga Indibidwal na May Kapansanan/Batas sa Pagbawi at Muling Pamumuhunan ng Amerika. Ang Departamento ng Edukasyon ng Estado ng Maryland ay ang pangunahing ahensya para sa Programa para sa Mga Sangol at Musmos ng Maryland, ang pambuong estadong programa ng mga serbisyo at suporta na isinasaayos ng Estado at mga lokal na ahensya at organisasyon. Ang Departamento ng Edukasyon ng Estado ng Maryland ay hindi kumikilala batay sa lahi, kulay, kasarian, pinagmulang bansa, relihiyon, kapansanan, o sekswal na oryentasyon sa mga bagay na nakakaapekto pagtatrabaho o sa pagbibigay ng access sa mga programa. Para sa mga tanong kaugnay sa patakaran ng Departamento, makipag-ugnay sa Sangay ng Pagsiguro at Pagsunod sa Pagkakapantay-pantay, Tanggapan ng Kinatawang Tagapangasiwa sa Pamamahala ng Estado Departamento ng Edukasyon ng Maryland, 200 West Baltimore Street, 6th Floor, Baltimore, MD 21201-2595, 410-767-0433, Fax 410-767-0431, TTY/TDD 410-333-6442, www.MarylandPublicSchools.org.

Lillian M. Lowery, Ed,D., State Superintendent ng Mga Paaralan

Charlene M. Dukes, Ed.D., Pangulo, State Board of Education

Martin O’Malley, Gobernador

Marcella E. Franczkowski, M.S., Assistant State SuperintendentSangay ng Mga Serbisyo sa Espesyal na Edukasyon/Maagang Pamamagitan

Binago Hulyo 2013

Higit pang mga pagkukunan para sa mga pamilya:Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnay sa:Lokal na Mga Programa para sa Mga Sanggol at Musmos

Allegany County 301-759-2415

Anne Arundel County 410-222-6911

Baltimore City 410-396-1666

Baltimore County 410-887-2169

Calvert County 410-414-7034

Caroline County 410-479-3246

Carroll County 410-876-4437

Cecil County 410-996-5444

Charles County 301-609-6808

Dorchester County 410-221-1111, x1023

Frederick County 301-600-1612

Garrett County 301-533-0240

Harford County 410-638-3823

Howard County 410-313-7017

Kent County 410-778-8486

Montgomery County 240-777-3997

Prince George’s County 301-265-8415

Queen Anne’s County 410-827-4629, X10

Somerset County 410-623-2037

St. Mary’s County 301-475-4393

Talbot County 410-820-0319

Washington County 301-766-8217

Wicomico County 410-677-5250

Worcester County 410-632-5033

Maryland School for the Blind 410-444-5000Maryland School for the Deaf 410-480-4545

Mga Online na Mapagkukunan:www.MarylandLearningLinks.orgAng Maryland Learning Links ay nagbibigay ng impormasyon at mga mapagkukunan na kaugnay sa Maagang Pamamagiatn at Espesyal na Edukasyon sa Maryland. Kung kayo man ay isang tagapamahala, guro, tagapagtustos o magulang, tiyak na makikinabang kayo mula sa komprehensibo at madaling gamitin na kaalaman at totoong buhay na gawain mula sa sityo, lahat ay binuo sa paniwalang ang bawat bata ay matututo at iige sa parehong labas at loob ng silid-aralan. Ang Maryland Learning Links ay binuo at ginawa ng Estado ng Maryland, Dibisyon ng Espesyal na Edukasyon/Mga Serbisyo Para sa Maagang Pamamagitan, sa pakikipagtulungan ng Pamantasan ng Johns Hopkins, Sentro Para sa Teknolohiya sa Edukasyon.

www.MarylangPublicSchools.orgAng Kagawaran ng Edukasyon ng Estado ng Maryland, Dibisyon ng Espesyal na Edukasyon/Mga Serbisyo Para sa Maagang Pamamagitan ay nagbibigay ng pamunuan, suporta, at pananagutan para sa mga resulta sa mga sistema ng paaralang lokal, pampublikong ahensiya, at mga tulusan sa pamamagitan ng malinis na sistema ng mga serbisyong inayos para sa mga bata at estudyanteng may kapansanan, mula pagkabata hanggang 21, at sa kanilang mga pamilya.

Ang karagdagang mga mapagkukunan at impormasyon ay maaari ding ibigay ng:

KAGAWARAN NG EDUKASYON NG ESTADO NG MARYLANDDIBISYON NG ESPESYAL NA EDUKASYON/MGA SERBISYO PARA SA MAAGANG PAMAMAGITAN200 West Baltimore StreetBaltimore, Maryland 21201Phone: 410-767-7770Fax: 410-333-8165Toll Free: 1-800-535-0182