34
Matapos ang panahon nina Esdras at Nehemias, tatlong dantaong nabuhay sa pinakagilid ng kasaysayan ang probinsya ng mga Judio sa pinaka- dulong hangganan ng imperyo ng Persia. Itinalaga ng mga mas masigasig ang kanilang sarili sa pagne- negosyo, at iniwan ang kanilang bayan para manira- han sa lahat ng sentrong siyudad sa palibot ng Dagat Mediterraneo. Pero sandantaon pagkatapos ni Nehemias, sa taong 333 bago kay Kristo, nagsi- mulang maglibot si Alejandrong Dakila sa mga bayan sa Gitnang Silangan, nilulupig ang lahat ng kalabang hukbo at ibinabagsak ang mga hari. At gayong tatlumpung taong gulang siya nang mamatay, ang kanyang mga tagumpay ang nagbukas ng daan para sa kulturang Griyego na may hangaring umunlad, may tiwala sa kakayahan ng tao at mas bukas na diwang nalalampasan ang makasariling nasyonalismo. Pinaghati-hatian ng mga heneral ni Alejandro ang malawak niyang imperyo. Maunawain ang mga Tolomeong naghahari sa Ehipto at Palestina kaya hindi nila ginulo ang mga Judio nang dahil sa kanilang relihiyon at mga kaugalian. Pero nang ma- lupig ng mga Antioko ng Siria ang mga Ehipsiyo sa taong 197 at maagaw ang Palestina, marahas nilang ipinagpilitan ang kanilang paganong relihiyon sa mga Judio. Ang malupit na pag-uusig ang siyang naging sanhi ng pag-aalsa ng mga Judio na pinamunuan ng angkan ng mga Macabeo. Kinikilalang isa sa pinakamagaling na mga libro ng matandang kasaysayan ang Unang Aklat ng Mga Macabeo. Isinasalaysay nito sa atin ang mga pangyayari sa digmaan at mga kabayanihan ng limang magkakapatid na Macabeo mula sa taong 170 hanggang 130 bago kay Kristo. Digmaang Banal, Digmaan ng Pagpapalaya Ipinakikita sa atin ng libro ng mga Macabeo ang isang bayang naghahangad mabuhay ngunit mas pinahalagahan nila ang pananampalataya kaysa sariling buhay. Kung kailan nakasanayan na ng lahat ang buhay na walang problema, saka naman dumating ang pag-uusig. Marami ang kumbinsido na wala silang anumang magagawa laban sa isang napakalakas na kapangyarihan, at napakahirap makipagsapalaran. Pero nagpapalitaw ang Espiritu ng Diyos ng mga bagong bayani, at salamat sa kanila’t nababawi ng bayan ang dangal nito, at naipaglalaban ang mga karapatang saligan ng pagkatao at ng pagsampalataya. Nakita ng sambayanang Judio na nag-iisa sila laban sa mga umaapi sa kanila, at hindi sila gaanong natulungan ng mga kakampi nilang Romano. Kaya sa sarili nilang lakas sila umasa, at tinulungan naman sila ng Diyos. Ang mga pakikidigma ng mga Macabeo ay halimbawa ng mga digmaang banal na puno ng kabayanihan at katatagan, at ng pagsaklolo ng Diyos. Pero ipinakikita rin nito na hindi kayang lutasin ng banal na digmaan ang lahat. Bunga ng pagkasangkot sa mga problemang militar, at mula rito’y sa pamumulitika, ang mga inapo ng mga Macabeo ay agad na naging materyalista hanggang sila’y maging isang partido at mga pinunong walang pananampalataya ni moralidad. (PAGE 615) MGA 1 MACABEO

MACABEO - Bible Claret

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MACABEO - Bible Claret

615Matapos ang panahon nina Esdras at Nehemias,

tatlong dantaong nabuhay sa pinakagilid ngkasaysayan ang probinsya ng mga Judio sa pinaka-dulong hangganan ng imperyo ng Persia. Itinalagang mga mas masigasig ang kanilang sarili sa pagne-negosyo, at iniwan ang kanilang bayan para manira-han sa lahat ng sentrong siyudad sa palibot ngDagat Mediterraneo. Pero sandantaon pagkatapos niNehemias, sa taong 333 bago kay Kristo, nagsi-mulang maglibot si Alejandrong Dakila sa mgabayan sa Gitnang Silangan, nilulupig ang lahat ngkalabang hukbo at ibinabagsak ang mga hari. Atgayong tatlumpung taong gulang siya nangmamatay, ang kanyang mga tagumpay ang nagbukasng daan para sa kulturang Griyego na may hangaringumunlad, may tiwala sa kakayahan ng tao at masbukas na diwang nalalampasan ang makasarilingnasyonalismo.

Pinaghati-hatian ng mga heneral ni Alejandroang malawak niyang imperyo. Maunawain ang mgaTolomeong naghahari sa Ehipto at Palestina kayahindi nila ginulo ang mga Judio nang dahil sakanilang relihiyon at mga kaugalian. Pero nang ma-lupig ng mga Antioko ng Siria ang mga Ehipsiyo sataong 197 at maagaw ang Palestina, marahas nilangipinagpilitan ang kanilang paganong relihiyon samga Judio.

Ang malupit na pag-uusig ang siyang nagingsanhi ng pag-aalsa ng mga Judio na pinamunuan ng angkan ng mga Macabeo. Kinikilalang isasa pinakamagaling na mga libro ng matandang kasaysayan ang Unang Aklat ng Mga Macabeo.Isinasalaysay nito sa atin ang mga pangyayari sa digmaan at mga kabayanihan ng limangmagkakapatid na Macabeo mula sa taong 170 hanggang 130 bago kay Kristo.

Digmaang Banal, Digmaan ng Pagpapalaya

Ipinakikita sa atin ng libro ng mga Macabeo ang isang bayang naghahangad mabuhay ngunitmas pinahalagahan nila ang pananampalataya kaysa sariling buhay. Kung kailan nakasanayanna ng lahat ang buhay na walang problema, saka naman dumating ang pag-uusig. Marami angkumbinsido na wala silang anumang magagawa laban sa isang napakalakas na kapangyarihan,at napakahirap makipagsapalaran. Pero nagpapalitaw ang Espiritu ng Diyos ng mga bagongbayani, at salamat sa kanila’t nababawi ng bayan ang dangal nito, at naipaglalaban ang mgakarapatang saligan ng pagkatao at ng pagsampalataya.

Nakita ng sambayanang Judio na nag-iisa sila laban sa mga umaapi sa kanila, at hindi silagaanong natulungan ng mga kakampi nilang Romano. Kaya sa sarili nilang lakas sila umasa,at tinulungan naman sila ng Diyos.

Ang mga pakikidigma ng mga Macabeo ay halimbawa ng mga digmaang banal na puno ngkabayanihan at katatagan, at ng pagsaklolo ng Diyos. Pero ipinakikita rin nito na hindi kayanglutasin ng banal na digmaan ang lahat. Bunga ng pagkasangkot sa mga problemang militar, atmula rito’y sa pamumulitika, ang mga inapo ng mga Macabeo ay agad na naging materyalistahanggang sila’y maging isang partido at mga pinunong walang pananampalataya ni moralidad.

(PAGE 615)

MGA

1MACABEO

Page 2: MACABEO - Bible Claret

616ang pagiging tuli at tinalikuran ang Banal naTipan; tinularan nila ang mga pagano at ibinentaang sarili sa paggawa ng masama.

Sinamsaman ni Antioko ang Jerusalem16 Nang nakatitiyak na si Antioko sa kanyang

paghahari, ipinasya niyang sakupin ang Ehiptoupang makapaghari sa dalawang kaharian.17 Pinasok niya ang Ehipto, kasama ang ma-lakas na hukbo, mga karwaheng pandigma,mga elepante, mga kabayo at isang malakinghukbong-dagat, 18 at sinalakay si Tolomeonghari ng Ehipto. Umurong si Tolomeo at tumakassa kanyang harap, at marami sa mga sundalonito ang nasugatan. 19 Sinakop ang mga na-papaderang lunsod ng Ehipto at sinamsam anglupain. 20 Sa taong sandaa’t apatnapu’t tatlo(169 B.C.), nagbalik si Antioko matapos niyanglupigin ang Ehipto. Nagdaan siya sa Israel atumahon pa-Jerusalem, kasama ang malakasna hukbo.

21 Walang-pakundangan niyang pinasok angsantuwaryo at inalis ang altar na ginto, angpatungan ng ilaw at lahat ng palamuti niyon,22 ang hapag na pinag-aalayan ng tinapay, angmga sisidlan, mga kopa, mga gintong insen-saryo, mga kurtina at mga korona, at tinanggalang mga gintong palamuting nakatakip saharap ng Templo. 23 Kinuha rin niya ang mgapilak, ginto at mahahalagang bagay at lahat ngnaka-tagong kayamanang natagpuan niya.24 Kinuha niya ang lahat at bumalik sa kanyangbayan, pagkatapos magpadanak ng dugo atmagmayabang.

25 Napuno ng dalamhati ang buong lupain ngIsrael: 26 “Naghinagpis ang mga pinuno atmatatanda, nasiraan ng loob ang mga binata atmga dalaga, at namutla ang kababaihan;27 umawit ng panaghoy ang bagong kasal nalalaki at tumangis ang maybahay 28 Nayanigang lupa na nakiramay sa mga taumbayan, atkumalat ang kahihiyan sa buong bayan niJacob.”

29 Makalipas ang dalawang taon, pinapuntang hari sa mga lunsod ng Judea ang punong-maniningil ng buwis. Nagpunta siya sa Jerusa-

Alejandro• 1 Gunitain natin ang nangyari pagka-tapos ng tagumpay ni Alejandro na anak

ng Macedoniong si Filipo. Pagkaalis sa Gresya,nilupig niya si Dariong hari ng Persia at Medo.Naghari muna siya sa Gresya at saka siya hu-malili kay Dario bilang hari. 2 Marami ang paki-kipagdigma niya, at kanyang sinakop ang mgatanggulan at pinatay ang mga hari ng mgabansang iyon. 3 Dumating siya sa dulo ng daigdigat nangamkam sa maraming bansa. At nangmaging tahimik ang daigdig at sumailalim sakanyang kapangyarihan, naging mapagmataassiya at palalo. 4 Tinipon niya ang isang malakasna hukbo, naghari sa maraming probinsya atbansa, at nagbayad sa kanya ng buwis ang mgapinuno ng mga iyon. 5 Ngunit nagkasakit siya, atnang alam niyang mamamatay na siya, ipina-tawag niya ang kanyang mga heneral at angmabunyi niyang mga kababata; at pinaghati-hatiniya ang kanyang kaharian sa mga ito habangbuhay pa siya. Labindalawang taong naghari siAlejandro bago siya namatay.

6 Agad na naging makapangyarihan angkanyang mga heneral, ang bawat isa sa sarilinglugar. 7 Pagkamatay ni Alejandro, kaagad na-man nilang ginawang hari ang kanilang mgasarili. Humalili sa kanila sa mahabang panahonang kanilang mga anak at nabalot ng kasamaanang sanlibutan. 8 Mula sa kanila isinilang angisang makasalanang supling, si Antioko Epifa-nes na anak ni Haring Antioko na nabihag saRoma. 9 Naging hari siya sa ikasandaa’t tat-lumpu’t pitong taon ng panahong Griyego (175B.C.).

10 Noon naman lumitaw ang ilang taksil mulasa Israel, at nakaakit sila ng marami sa pag-sasabi nilang: 11 “Makipag-ugnayan tayo sa mgabayan sa ating paligid sapagkat marami angnaging hirap natin mula nang humiwalay tayo sakanila.”

12 Sumang-ayon ang marami at buong pa-nanabik na nagpunta ang ilan sa hari 13 nanagbigay sa kanila ng kapangyarihang itayoang mga institusyon ng mga bansang pagano.14 Nagtayo sila ng himnasyo sa Jerusalem, tuladsa mga pagano. 15 Sa pag-oopera’y inilingid nila

• 1.1 Ang unang talata ay buod ng kasaysayanmula kay Alejandro hanggang kay Antioko Epifanes nahari ng Siria. Pansinin ang bahaging 1:11-15 nanagbibigay-diin sa simula ng krisis pangmoralidad saJuda.

Dalawang bagay ang mapagkikilanlan sa kabi-hasnang Griyego ng mga Sirio:

– Ang sining at ang pagdami ng mga estatwa na

kahit na gaano kaganda ay ginagamit naman sa paga-nong pagsamba.

– Ang edukasyong pisikal: mga istadyum, isports,mga languyan. Hubo’t hubad ang mga manlalaro, naisang eskandalo para sa mga Judio. Ipinapaliwanag nitokung bakit kailangang ibalik sa mga nahihiyang makitabilang Judio ang supot ng balat na tinuli sa kanila, sapamamagitan ng isang operasyon.

1 MGA MACABEO 1

1

Page 3: MACABEO - Bible Claret

617lem, kasama ang malakas na hukbo. 30 Mahi-nahon niyang kinausap ang mga taumbayanpara linlangin ang mga ito. Nang makuha niyaang kanilang tiwala, bigla niyang sinalakay anglunsod at marami ang namatay sa Israel. 31 Pi-nagnakawan niya ang lunsod, sinunog at wina-sak ang mga palasyo at mga muog na naka-paligid dito.

32 Binihag nila ang mga babae at mga bata, atkinamkam ang mga hayop. 33 At muli nilangitinayo ang lunsod ni David at nilagyan iyon ngmataas at makapal na pader na may matitibayna tore at ito ang naging kuta nila. 34 Naglagaysila roon ng masasamang tao at mga taksil sakanilang relihiyon na naging malakas doon.35 Inipon nila ang mga sandata at pagkain atlahat ng nasamsam nila sa lunsod, kaya nanatilisilang isang panganib. 36 Naging tambanganiyon para sa santuwaryo, isang malubha atpalagiang panganib sa Israel. 37 Pinadanak nilaang dugo ng mga walang-sala sa paligid ngsantuwaryo at dinungisan iyon.

38 Dahil sa mga taong iyon, tumakas ang mgataga-Jerusalem. Naging bayan ito ng mgadayuhan, at naging banyaga sa sariling mgaanak na nagpabaya sa kanya. 39 Naging tiwang-wang tulad sa disyerto ang kanyang san-tuwaryo, at napalitan ng pagluluksa ang kan-yang mga kapistahan. Pinagtawanan ang kan-yang mga Araw ng Pahinga, at minaliit angkanyang katanyagan. 40 Kung ano ang laki ngkanyang luwalhati ay gayundin naman ang kan-yang kahihiyan, at nauwi sa dalamhati angkanyang kadakilaan.

Panrelihiyong pag-uusig• 41 Iniutos ni Haring Antioko na maging

iisang bayan lamang ang lahat ng nasa

kanyang kaharian. 42 Kailangang taliku-ran ng bawat isa ang kanilang mga kau-galian, at sumunod sila sa kautusan nghari. 43 Tinanggap ng lahat ng pagano atng karamihan sa Israel ang kanyang kultoat nag-alay sila sa mga diyus-diyusan atdi na iginalang ang Araw ng Pahinga.44 Ipinadala ng hari ang kautusang nagpa-pataw ng mga dayuhang kaugalian saJerusalem at sa mga lunsod ng Judea.45 Alinsunod dito, di na mag-aalay ng mgasinunog na handog, sakripisyo at haingpagkain sa santuwaryo. Ituturing na kara-niwang araw na lamang ang mga Araw ngPahinga at mga kapistahan. 46 Lalapas-tanganin ang santuwaryo at mga banal nabagay, 47 sa halip ay itatalaga sa mgadiyus-diyusan ang mga altar, banal nabakuran at mga templo at maghahandogsila ng mga baboy at maruruming hayop.48 Di na nila ipatutuli ang kanilang mgaanak na lalaki; dudungisan nila ang kani-lang sarili sa pamamagitan ng lahat ng uring karumihan at kalaswaan; 49 sa kabu-uan, malilimutan ang Batas at mapapa-litan ang lahat ng kanilang kaugalian.50 Ipinahayag ng kautusan sa wakas: “Pa-patayin ang sinumang hindi sumunod sautos ng hari.”

51 Inilathala ng hari ang kautusang itosa lahat ng nasasakupan niya at itinalagasa lupain ng Judea ang mga inspektor

• 41. Dalawang aspeto ng krisis ang inilalahad ngkabanatang ito:

1) Krisis pangmoralidad. Isang mas maunlad peropaganong sibilisasyon ang nakakaharap ng mga Judio.Maaari kayang pakibagayan o pakinabangan ang kul-turang ito nang hindi tinatalikuran ang pananam-palataya?

Pagbabayaran ng mga Judio sa panahong iyon angpagkakamaling ginawa nila sa paghiwalay sa pag-unlad ng kultura ng mga karatig-bansa nila. Tatlongdantaon nilang binibigyang-diin na sa Diyos mismogaling ang lahat ng batas at mga kaugalian ng Israel, athindi puwedeng baguhin ang mga ito. Kaya sa pag-dating ng makabagong daloy ng panahon, nagkakrisissa konsiyensya ang mga may pinakabukas na isipan sakanila: puwede kaya nilang palitan ang mga kaugaliannang hindi nagtataksil sa Diyos? Pero napakahirapmaging bukas sa kabihasnang Griyego nang hindinagiging rebelde sa pananampalataya. Kaya hindi

lamang pinalitan ng mga may gustong maging mo-derno ang istilo ng kanilang pamumuhay kundi tina-likuran din nila ang kanilang relihiyon. Isipin natin angnangyayari sa ating panahon ngayon sa pagka-dis-kubre ng mga kabataang nag-aral sa napakakonser-batibong mga eskwela o parokya ang mga rebolus-yonaryong agos ng kaisipan na nagbibigay-sigasig sakanila.

2) At kasunod naman ang organisadong pag-uusig.Gusto ng makapangyarihang mga hari na pag-isahinang lahat ng grupo sa kanilang imperyo. Sinasabinilang nakapagwawatak-watak daw ang relihiyon. Atisa pa’y mapanganib para sa kanila ang konsiyensya ngmga taong malaya. Kaya nakikipaglaban ang mga harisa mga naghahangad maglingkod sa Diyos at sumunodsa kanilang konsiyensiya.

Nag-aalala ang bayan:“Hanggang kailan nila matitiisang pagsabotahe at panloloko sa kanilang mga ga-waing panrelihiyon?”

1 MGA MACABEO 1

Page 4: MACABEO - Bible Claret

618

para tiyakin ang pag-aalay ng mga han-dog sa lahat ng lunsod. 52 MaramingIsraelita ang tumalikod sa Batas at gu-mawa ng di mabilang na mga kasamaan.53 Napilitang tumakas at magtago angmga tapat na Israelita.

54 Sa ikalabinlimang araw ng buwan ngCasleu, sa taong sandaa’t apatnapu’tlima, ginawa ni Antioko ang kasuklam-suklam na rebulto ng mangwawasak saibabaw ng altar ng templo. Nagtayo rin ngmga altar sa mga lunsod ng Judea;55 nagsunog ng insenso sa mga pintuan ngbahay nila at sa mga plasa. 56 Pinunit atsinunog ang bawat aklat ng Batas namakita nila. 57 Pinatay nila ang sinumangmahulihan ng aklat ng Tipan at sumunodsa Batas. 58 Dahil sila ang naghahari,hinabol nila ang mga rebeldeng Israeli-tang makita sa mga lunsod. 59 Sa ika-dalawampu’t limang araw ng bawat bu-wan, nag-aalay sila sa bagong altar naginawa nila sa ibabaw ng altar ng Templo.

60 Alinsunod sa kautusan, papatayinang mga babae na kasama ang sanggolnilang nakasabit sa leeg nila na nagpatuling kanilang mga anak na lalaki. 61 Papa-tayin din ang mga kamag-anak nila nagumawa ng pagtutuli.

62 Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, ma-rami pa ring Israelita ang nagpaka-tatagat nanindigang di tikman ang marumingpagkain. 63 Mas gusto pa nilang mamataykaysa dumihan ang kanilang sarili ng dimalinis na pagkain at di sundin ang Banalna Tipan. 64 At naranasan ng Israel angmabigat na pagsubok.

Paghihimagsik ni Matatias• 1 Umalis sa Jerusalem nang pana-hong iyon si Matatias, na anak ni

Simon, isang pari sa angkan ni Yarib, atnanirahan sa Modin. 2 Lima ang kanyangmga anak: si Juan na kilala sa tawag naGaddis; 3 si Simon na tinatawag na Tasi;4 si Judas na tinatawag na Macabeo; 5 siEleazar na tinatawag na Abaran; at siJonatan na tinatawag na Apfos.

6 Nasaksihan ni Matatias ang mga ka-lapastanganang ginawa sa Judea at Jeru-salem, 7 kayat sinabi niya: “Sawimpaladako! Isinilang ba ako para masaksihanlamang ang pagkawasak ng aking bayanat ang pagguho ng banal na lunsod? Uupona lamang ba ako samantalang nasakamay siya ng mga kaaway at ibinigayang kanyang santuwaryo sa mga dayu-han?

8 Itinulad ang kanyang templo sa isanglalaking nadungisan ang dangal, 9 kinam-kam ang kanyang mga mahahalagangbagay, pinatay sa plasa ang kanyang mgasanggol, at pinatay sa saksak ang kan-yang kabataan. 10 Aling bansa ang hindipa nakatatanggap ng kanyang mga kaya-manan at nakasasamsam sa kanya? 11 Hi-nubaran siya ng lahat ng palamuti at angdating malaya ay naging alipin. 12 Nina-kaw ang ipinagmamalaki nating magan-da’t maluwalhating santuwaryo at nila-pastangan ito ng mga pagano. 13 Ano paang dahilan para mabuhay tayo?”

14 Winarak ni Matatias at ng kanyangmga anak ang kanilang damit. Nagsuotsila ng sako, at nagluksa. 15 Samantala,

Ako, ang aking mga anak at mga kapatid,mananatili kaming tapat sa Tipan. Kapwa relihiyosoat makabayan ang kanilang dahilan. Ipinaki-kipagsapalaran ni Matatias ang lahat laban sa dikta-dura.

Muling ipinakikita ng Diyos ang kanyang kabu-tihang-loob sa kanyang bayan sa pagpapalitaw niya ngkinakailangang pinuno, isang taong tulad ni Moises nalubos na kakampi sa kanyang bayan gayong napaka-dali sana para sa kanya na mapalapit sa mga nasakapangyarihan.

Binabanggit sa 1:54 ang “kasuklam-suklam nadiyus-diyusan ng mga mananakop,” na binabanggitdin sa Daniel 9:27. Ganito ang tawag nila sa isang altarna pagano na itinayo sa matandang altar ng Templo.Bibigyan ni Jesus ng bagong kahulugan ang ekspres-yong ito sa Mc 13:14.

• 2.1 Sa digmaang nasa ilalim ng pamumuno ngangkan ng mga Macabeo o ng mga anak ni Matatiasmatutuon ang buong libro. Narito ang salaysay sapaghihimagsik ni Matatias, ang paring biglang naginglider ng mga inaapi.

1 MGA MACABEO 1

2

Page 5: MACABEO - Bible Claret

619

dumating sa Modin ang mga sugo ng harina namilit sa mga Judio na pagtaksilanang kanilang relihiyon para isagawa angsakripisyo.

16 Maraming Israelita ang lumapit samga sugo ng hari, ngunit lumayo si Mata-tias at ang kanyang mga anak.

17 Binalingan ng mga sugo ng hari siMatatias at sinabi sa kanya: “Isa ka samga pinuno ng lunsod na ito, isang taongkinikilala at tanyag, at sinusunod ka ngiyong mga anak at kamag-anak. 18 Dapatikaw ang unang sumunod sa utos ng harigaya ng ginawa ng ibang bansa, ng mgataga-Judea at mga nalalabing mamama-yan ng Jerusalem. Ituturing ka at magingang iyong mga anak na mga Kaibigan ngHari at padadalhan kayo ng hari ng ginto,pilak at iba’t ibang regalo.”

19 Ngunit malakas ang sagot ni Mata-tias: “Tinalikuran man ng lahat ng ban-sang kabilang sa kaharian ang relihiyonng kanilang mga ninuno at sundin angutos ni Haring Antioko, 20 ngunit mana-natili kami ng aking mga anak at kamag-anak na tapat sa Tipan ng aming mganinuno. 21 Hindi kami tatalikod sa Batasat sa mga tuntunin. 22 Hindi kami susunodsa mga utos ng hari o lilihis pakanan okaya’y pakaliwa sa aming relihiyon.

23 Pagkasabi nito lumapit ang isangJudio sa harap ng lahat para maghandogsa altar na itinayo sa Modin ayon sa utosng hari. 24 Nang makita ni Matatias angginawa ng Judio, nag-alab ang kanyangdamdamin, bumilis ang tibok ng kanyangpuso, at nagsiklab ang kanyang makata-

rungang galit. Nilundag niya ang Judioat ginilitan ito ng lalamunan sa altar.25 Kapagdaka’y pinatay rin niya ang sugong hari na namimilit sa mga taumbayanna maghandog at winasak niya ang altar.26 Dahil dito’y naipakita niya ang kanyangpagmamalasakit sa Batas, tulad din ngginawa ni Pinehas kay Zimring anak niSalu.

27 At ipinagsigawan ni Matatias sabuong lunsod: “Lumabas at sumunod saakin kayong nagmamalasakit sa Batas atnagtatanggol sa Tipan!” 28 Mabilis silangtumakas ng kanyang mga anak papun-tang kabundukan at iniwan sa lunsod anglahat ng kanilang mga ari-arian.

• 29 Pumunta sa disyerto ang maramingJudiong naghanap ng katarungan ayon saBatas. 30 Isinama nila ang kanilang mgaanak, maybahay at mga hayop dahil samasyado nang mahirap para sa kanilaang buhay.

31 At sinabihan ang mga tauhan ng hariat ang hukbo ni David sa Jerusalem namay mga lalaking sumuway sa utos nghari at lumusong sa mga kuweba sa dis-yerto.

32 Hinabol ang mga ito ng isang ma-lakas na hukbo ng hari at inabutan sila.Pinaligiran at humanda ang hukbo sapagsalakay. Araw noon ng Pahinga. 33 Atsinabi nila sa mga Judio: “Tama na! Lu-mabas na kayo at sundin ang utos ng harikung gusto pa ninyong mabuhay.” 34 Ngu-nit sumagot ang mga ito: “Hindi kamilalabas at di rin namin susundin ang utos

• 29. Dalawang magkasalungat na saloobin ngsumasampalataya ang makikita sa tekstong ito.

Ang ilan ay nagpapasya lamang base sa Batas ngDiyos, o ayon sa interpretasyon sa Batas ng Araw ngPahinga: bawal ang makipaglaban sa araw na iyonna nakatalaga para sa Diyos. At buong kabayanihannilang pinababayaan na sila’y patayin.

Ginagamit naman ng iba ang kanilang isip at kon-siyensya, at ipinapasyang ipagtanggol ang sarili.

Walang sinumang hinuhusgahan ang libro. Ngunitmaliwanag na ipinakikita rito na hindi puwedeng

kumilos ang mga sumasampalataya sa pamamagitanlamang ng pagtingin sa mga libro o sa nakaraan. Lagitayong mahaharap sa mga bagong sitwasyon na na-ngangailangan ng bagong repleksyon: “Hindi ang taoang ginawa para sa Araw ng Pahinga” (Mc 2:27).

Sa berso 42, matutunghayan natin ang tungkol samga Asideo. Bago pa nagsimula ang paghihimagsik niMatatias, may ganito nang kilusan para sa espirituwalna pagbabago na siyang panggagalingan ng mgaPariseo at mga Esenio. Sumama ang mga Asideo sakanya, pero humiwalay rin nang mapasangkot sapulitika ang mga anak ni Matatias, ang mga Macabeo.

1 MGA MACABEO 2

Page 6: MACABEO - Bible Claret

620

ng hari para lapastanganin lamang angAraw ng Pahinga.”

35 Kayat sumalakay ang mga kawal,36 ngunit hindi ipinagtanggol ng mgaJudio ang kanilang sarili, o inihagis angisang bato o isinara ang pinto ng kanilangtaguan. 37 Sinabi nila: “Mamamatay ka-ming walang kapintasan at laging magu-gunita ng langit at lupa ang pagkapataysa amin.” 38 Sinalakay sila ng mga kawalng hari sa araw na iyon ng Pahinga, atnamatay ang lahat na naroon – mga la-laki, mga babae at mga bata – mahigitsanlibo, di pa kabilang ang mga hayop.

39 Nalaman ni Matatias at ng kanyangmga kaibigan ang nangyari kayat nag-luksa sila. 40 Ngunit sinabi nila: “Huwagnating tularan ang ginawa ng ating mgakapatid; dapat tayong lumaban alang-alang sa ating buhay at mga kaugalian;kundi madali nila tayong malilipol.”41 Nang araw na iyon, ipinasya nilang“Kung may darating at sasalakay sa atinsa Araw ng Pahinga, lalaban pa rin tayo atdi pababayaang mapatay tulad sa nang-yari sa ating mga kapatid sa kanilang mgataguan.”

42 Noon sumama sa kanila ang pangkatng mga Asideo, matatapang na mgaIsraelita na nagmamahal sa Batas. 43 Su-mama rin sa kanila ang mga nagnanais namakaligtas sa paniniil na lalong nag-palakas sa kanila. 44 Kayat itinatag nilaang isang hukbo at ibinuhos ang kanilanggalit at poot sa mga makasalanan attaksil. Tumakas ang mga ito sa ibanglupain para sa kanilang kaligtasan. 45 Gu-mawa ng mga pananalakay sa kapaligi-ran si Matatias at ang kanyang mga kai-bigan at winasak nila ang mga altar, 46 pi-nilit na tuliin ang mga batang matagpuannilang di pa natutuli, 47 at hinabol ang la-hat ng palalo. Naging matagumpay sila.48 Iniligtas nila ang Batas sa mga dayuhanat sa mga hari at pinawalang-sala angmga makasalanan.

Ang pagkamatay ni Matatias

49 Nang malapit nang mamatay si Matatias,sinabi niya sa kanyang mga anak: “Tumitibayngayon ang kapalaluan at karahasan; panahonngayon ng kaguluhan at ng pagkagalit ngDiyos. 50 Dahil dito mga anak ko, maging ma-rubdob ang inyong damdamin sa Batas at itayaninyo ang inyong buhay para ipagtanggol angTipan ng ating mga ninuno. 51 Alalahanin ninyoang mga ginawa ng ating mga ninuno sa ka-nilang kapanahunan upang kayo ma’y mag-tamo rin ng katanyagan at karangalang walanghanggan.

52 Alalahanin ninyo si Abraham na nagpakitang katapatan sa sandali ng pagsubok kayatitinuring siyang matuwid ng Diyos. 53 Tapat sapagtupad sa Kautusan si Jose sa sandali ngkahirapan kayat naging panginoon ng Ehipto.54 Nagtamo ng pagkapari para sa kanyang mgainapo si Pinehas na ating ninuno dahil sa kanyangmarubdob na damdamin. 55 Naging puno ngIsrael si Josue sapagkat tinupad niya ang utos ngDiyos. 56 Tinanggap ni Kaleb ang kanyang pa-mana sa lupaing ito sapagkat ipinahayag niyaang katotohanan sa harap ng kapulungan. 57 Atpinagkalooban nang walang hanggang kahariansi David dahil sa kanyang kabutihang-loob.58 Iniakyat sa langit si Elias dahil sa kanyangmarubdob na damdamin sa Batas. 59 Naligtas saapoy sina Ananias, Azarias at Misael dahil sakanilang pananampalataya. 60 Naligtas si Danielsa bunganga ng leon dahil sa kanyang pagka-matuwid. 61 Unawain ninyo na sa kahit anumangpanahon, di pinanghinaan ng loob ang nagti-tiwala sa Diyos.

62 Huwag kayong matakot sa banta ng ma-kasalanan sapagkat mauuwi sa dumi at uod angkanyang karangalan. 63 Nagmamalaki siyangayon ngunit wala na siya bukas. Babalik siyasa alabok na pinagmulan niya at walang mai-iwan sa kanyang mga balak. 64 Lakasan ninyoang inyong loob mga anak ko, at maging ma-tatag kayo sa Batas na siyang pagmumulan nginyong kaluwalhatian.

65 Alam kong si Simon ang pinakamahusaymagpasya sa inyo. Pakinggan ninyo siya tuladng inyong ama. 66 Naging matapang si JudasMacabeo mula pa sa kanyang pagkabata: siyaang gawin ninyong heneral na mamumuno sapakikipagdigma sa mga bansa.

67 Iipunin ninyo ngayon ang lahat ng sumu-sunod sa Batas at ipaghiganti ninyo ang bayan.68 Gumanti kayo sa mga pagano at sundin ninyoang Batas.”

69 Binasbasan sila ni Matatias at namatay siya

1 MGA MACABEO 2

Page 7: MACABEO - Bible Claret

621at pumiling sa kanyang mga ninuno. 70 Namataysiya sa taong sandaa’t apatnapu’t anim at ini-libing siya sa puntod ng kanyang mga ninuno saModin; at ipinagluksa siya na tigib ng dalamhating buong Israel.

Judas Macabeo• 1 Humalili kay Matatias ang kan-yang anak na si Judas Macabeo.

2 Tinulungan siya ng kanyang mga kapa-tid at lahat ng tagasunod ng kanyang amaat buong tatag nilang ipinagpatuloy angpakikidigma.

3 Pinatanyag ni Judas ang pangalan ng kan-yang bayan. Isinuot niya ang kanyang baluti attulad siya ng isang higante: Namuno siya samaraming pakikihamok at ipinagtanggol ngkanyang tabak ang kanilang kampo.

4 Para siyang isang leon kung sumasalakay,at para siyang batang leon na umaangil sakanyang sisilain.

5 Hinabol niya ang mga rebelde sa kanilangtaguan at itinapon sa apoy ang mga nanggu-gulo sa kanyang bayan.

6 Kinatakutan siya ng lahat ng rebelde: nalitoang mga gumagawa ng masama; at napag-tagumpayan niya ang paglaya.

7 Kinatakutan siya ng mga hari, habang na-gagalak ang Israel sa kanyang mga gawa.Pagpapapalain ang kanyang alaala habam-panahon.

8 Nagdaan siya sa mga lunsod ng Judea atnilipol ang mga lapastangan. Iniligtas ang Israelsa pagsubok. 9 Tanyag hanggang sa dulo ngdaigdig ang nagtipon sa mga nawala.

Mga unang tagumpay• 10 Inipon naman ni Apolonio ang mga

pagano at marami ring Samaritano paralabanan ang Israel. 11 Nabalitaan ito niJudas at sinalubong niya si Apolonio.Nagapi niya ito at pinatay. Marami sakaaway ang nasaktan at nagsitakasnaman ang iba. 12 Sinamsam nila angmga ari-ariang naiwan at kinuha ni Judasang tabak ni Apolonio at mula noon iyonna ang gamit niya sa mga pakikipag-digma.

13 Nabalitaan ni Seron na pinuno nghukbo ng Siria na nagtipon si Judas ngmga lalaki at kakampi na nito ang buongpamayanan ng mananampalataya. 14 Ini-sip niya: “Ito na ang pagkakataon paramaging tanyag ako at maging impor-tanteng tao sa kaharian. Sasalakayin ko siJudas at ang mga kasama niyang hindisumusunod sa mga utos ng hari.” 15 Atgayon nga ang kanyang ginawa at isangmalakas na hukbo ng mga pagano ang

• 3.1 Pagkamatay ni Matatias, ang kanyang anakna si Judas ang siyang namuno sa paghihimagsik.

Tatlong dantaong sa mga gawaing pansamba la-mang nakapokus ang atensyon ng mga sumasam-palataya. Mga pari at mga Levita ang lumilitaw natanging huwaran ng pananampalataya. Ngayon, maypagbabago dala ng mga pangyayari. Agad na nililingonng bayang Judio ang panahon ng mga Hukom o niDavid. Para sa marami sa kanila, ang nakikipaglabangmay hawak na sandata at ipinakikipagsapalaran angbuhay para palayain ang kanyang bayan ang siyanghuwaran ng sumasampalataya.

Ang brutal na pag-uusig ang naghatid sa kanilahanggang sa ang pag-iwas na lumaban ay manga-hulugan ng pagwawaksi sa lahat ng nagpaging-iba sabayang Judio sa lahat.

Sa harap ng di-pantay na labanan, inilalahad sa atinang pagpapahayag ng pananampalataya ni Judas:mapagtatagumpay ng Diyos ang iilan laban sa napaka-rami. Ganito rin ang sinabi ni David nang harapin niyasi Goliat (1 S 14:6 at 17:47).

• 10. Maraming beses na binibigyang-diin ng mgalibro ng Mga Macabeo na nakipaglaban ang mgaJudio, higit sa lahat, para ipagtanggol ang kanilang

Banal na Lugar. Ang templong ito ang simbolo ngkabuuan ng Batas, o ng kabuuan ng kanilang relihiyon.

Kailangang ipaglaban ng lahat ang mga bagay nanagbibigay-kabuluhan sa kanilang buhay, na kunghindi natin maiingatan ay mawawalang-saysay angmagkaroon ng magandang kinabukasan. Para sa mgaJudio ng panahong iyon, para na ring itinakwil nila angkanilang pananampalataya sa oras na talikuran nilaang kanilang mga kaugalian at pagsamba, dahil sakanila lamang ipinagkatiwala ang mga pangako ngDiyos. Gayong ang Templo mismo ay mga bato atkahoy lamang at may ilang mamahaling metal, hindinila ito maaaring iwan na hindi nawawala ang kanilangdangal bilang mga tao at ang kanilang bokasyon bilangmga sumasampalataya.

Walang gaanong ikinaiba ang mga Macabeo sa mganangangahas sa ngayon na ipaalala ang mga kara-patan ng mga dukha at hingin ang pagkilos ng lahat samga kasalukuyang lipunang itinatag sa pang-aapi.Inaaresto sila, tinotortyur, at namamatay para huminging pagbabagong pulitikal. Ngunit sa pamamagitannito, naipagtatanggol nila ang kanilang pananam-palataya. Sapagkat kung magwawalang-kibo sila, ma-wawala ang kanilang dangal bilang tao at kanilangitatakwil ang espiritu ng katarungan at kalayaan (Gal5:11-12).

1 MGA MACABEO 3

3

Page 8: MACABEO - Bible Claret

622

sumama sa kanya upang tulungan siyangmaghiganti sa mga anak ng Israel.

16 Nang malapit na si Seron sa libis ngBet-horon, sinalubong siya ni Judas nakasama ang isang maliit na pangkat ngmga sundalo. 17 Ngunit nang makita angmga kaaway na papalapit sa kanila, si-nabi nila kay Judas: “Paano natin lalaba-nan ang napakarami e kakaunti tayo? Isapa, nanghihina na tayo sapagkat wala patayong kinakain sa araw na ito.”

18 Ngunit ipinahayag ni Judas: “Mada-ling mahuhulog ang marami sa mgakamay ng iilan sapagkat pareho rin parasa Langit kung magtagumpay ito sa tu-long ng marami o ilan lamang. 19 Hindibatay sa dami ang tagumpay sa labanangito ngunit sa lakas na nanggagaling saLangit. 20 Sinasalakay nila tayo dala ngkapalaluan at kalapastanganan nila saDiyos para sakupin tayo at kamkaminang ating mga asawa’t anak at agawinang lahat sa atin. 21 Ngunit ang atingbuhay at Batas ang ipinaglalaban natin.Lulupigin sila ng Diyos sa ating harapan;kayat huwag kayong matakot.”

22 Pagkatapos niyang magsalita, biglaniyang sinalakay ang mga kaaway.23 Natalo si Seron at ang kanyang hukbo.24 Hinabol nina Judas ang mga ito sa libisng Bet-horon hanggang sa kapatagan.Mga walundaang kawal ni Seron ang na-sugatan at ang iba nama’y nagsitakas salupain ng mga Pilisteo. 25 Dahil dito, si-naklot ng takot at pangamba kay Judas atsa kanyang mga kapatid ang mga paga-nong naninirahan sa paligid nila. 26 Uma-bot sa hari ang katanyagan ng kanyangpangalan at isinalaysay ng mga paga-nong bansa ang kanyang mga pakikipag-digma.

Paghahanda ni Antioko para sa digmaan27 Galit na galit ang Haring Antioko nang

dumating ang balitang ito sa kanya. Kayatiniutos niyang tipunin ang mga makapangyari-hang hukbo mula sa buong kaharian. 28 Binuk-san niya ang kanyang kabang-yaman at bi-

nayaran ng isang taong sahod ang kanyangmga sundalo, at iniutos na humanda sa anu-mang mangyayari. 29 Ngunit natuklasan niyangkapos ang salapi sa kabang-yaman sapagkatbumaba ang buwis ng mga probinsya dahil sasalungatan at kapahamakang hatid niya sabansa nang baguhin niya ang mga kautusangumiiral noong unang panahon pa. 30 Nanga-ngamba siyang kakapusin ang pondong peraniya para sa gastos at mga regalo tulad ngnangyari na nang ilang beses; sapagkat masbulagsak siya kaysa sa mga naunang hari.31 Nagipit siya at ipinasya niyang magpunta saPersia upang maningil ng buwis sa mga probin-sya para makaipon ng malaking pondo.

32 Iniwan niya si Lisias, isang maharlika saangkan ng mga hari, upang mamahala mula saIlog Eufrates hanggang sa gilid ng Ehipto 33 at itorin ang magpapalaki sa anak ng haring siAntioko, hanggang sa kanyang pagbabalik.34 Isinalin niya kay Lisias ang kalahati sa kan-yang hukbo, kasama ang mga elepante at tina-gubilinan ito hinggil sa kanyang mga patakaran.Tungkol sa mga taga-Judea at taga-Jerusalem,35 kailangang magpadala ng hukbo si Lisias atlupigin ang mga tagapagtanggol ng Israel atlahat ng nalabi sa Jerusalem at lipulin kahit saalaala ang mga ito. 36 Kailangan din niyangpatirahin sa buong lupain ang mga banyaga atbibigyan sila ng lupa.

37 Isinama ng hari ang kalahati sa kanyanghukbo at umalis sa Antiokia, ang kapitolyo ngkaharian, sa taong sandaa’t apatnapu’t pito.Tumawid siya sa Ilog Eufrates at tumuloy samga probinsya sa hilaga.

38 Pinili ni Lisias mula sa mga Kaibigan ngHari sina Tolomeo na anak ni Dorimeno, Ni-canor at Gorgias – mga lalaking maimplu-wensya. 39 Kasama ng mga ito, pinapunta niyaang apatnapung libong lakad na sundalo atpitong libong kabayuhang sundalo sa probinsyang Judea para wasakin iyon tulad sa utos nghari. 40 Lumakad sila kasama ang mga sundaloat nagkampo sa kapatagang malapit sa Emaus.41 Nabalitaan ng mga negosyante sa paligid angkanilang pagdating at nagpunta sila sa kampodala ang malalaking halaga ng pilak, ginto attanikala, at nakahanda sila para bilhin at gawingalipin ang mga Israelita. Umanib din sa mgasundalo ang hukbo ng Siria at mga galing saprobinsya ng mga Pilisteo.

42 Nakita ni Judas at ng kanyang mga kapatidna lumulubha ang kanilang kalagayan sapagkatnagkampo na sa kanilang lupain ang mga ka-away. Kayat nang mabalitaan nila ang utos nghari na lupigin at lipulin ang bayan, 43 sinabi nila:

1 MGA MACABEO 3

Page 9: MACABEO - Bible Claret

623“Itaas natin ang ating hamak na bayan atipaglaban natin ito, gayundin ang Banal naLugar!”

44 Nagtipon ang buong pamayanan at nag-handa sa pakikipagdigma at nanalangin sila athumingi ng habag at awa sa Diyos.

45 Tulad sa isang disyerto, nawalan ng taoang Jerusalem. Wala siyang mga anak na pu-mapasok o lumalabas. Nilapastangan angtemplo at tinirahan ng mga banyaga ang lunsodna naging tirahan na rin ng mga pagano. Walanang pagsasaya para kay Jacob, wala nangnaririnig na plauta o gitara.

Paghahanda ni Judas46 Kayat nagtipon sila at nagpunta sa Mizpa

sa tapat ng Jerusalem, dahil nagkaroon dati saMizpa ng isang dalanginan para sa Israel. 47 Nag-ayuno sila nang araw na iyon, nagsuot ng sako,nagbudbod ng abo sa kanilang ulo at nagwarakng kanilang kasuotan.

48 Binuklat nila ang Aklat ng Batas parahanapin ang sagot sa kanilang mga tanong,tulad ng pagsangguni ng mga pagano sa ima-hen ng mga diyus-diyusan. 49 Dinala nila angmga kasuotan ng mga pari, ang mga unangbunga ng pananim at ang ikapu ng ani, atipinasok ang mga Nazir na natupad na ang mgaaraw ng kanilang pagtatalaga. 50 At saka ma-lakas silang nanaghoy sa Kalangitan at sinabi:“Ano ang gagawin namin sa mga taong ito, atsaan namin sila dadalhin 51 kung niyurakan atnilapastangan na ang iyong santuwaryo, at nag-luluksa at hinahamak ang iyong mga pari?52 Nagkakatipon ngayon ang mga paganoupang lipulin kami. Alam mo kung ano angkanilang binabalak laban sa amin. 53 Paanonamin sila malalabanan kung hindi mo kamitutulungan?” 54 At pinatunog nila ang trumpetaat sumigaw nang napakalakas.

55 Pagkatapos nito, humirang si Judas ngmga pinuno ng mga taumbayan: mga pinuno ngsanlibong tao, mga pinuno ng sandaan, nglimampu, at ng sampu. 56 Pinauwi na niya angmga nagtatayo ng bahay, mga magpapakasal,

mga nagtatanim sa ubasan, at mga natatakotsapagkat ito ang sinasabi sa Batas. 57 At umalisna ang hukbo at nagkampo sa timog ng Emaus.58 Sinabi ni Judas: “Ihanda ninyo ang inyongmga armas; maging matapang kayo at handangmakipaglaban bukas ng umaga sa mga ban-yagang nagkaisa para durugin tayo at wasakinang ating Banal na Lugar. 59 Mas mabuti pangmamatay na lumalaban kaysa mabuhay at ma-kita ang pagkawasak ng ating bansa at ng Banalna Lugar. 60 Maganap nawa ang anumang ka-looban ng Langit!”

Si Judas, panalo sa Emaus• 1 Nagsama si Gorgias ng limanglibong lakad na sundalo at isang

libong piniling kabayuhan at lumakadnang gabi 2 para biglaang salakayin atlipulin ang mga Judio. Giniyahan siya ngmga tao mula sa Kuta. 3 Ngunit nabalitaanito ni Judas kayat umalis siya at ang kan-yang mga tauhan upang salakayin anghukbo ng hari sa Emaus 4 samantalangnakakalat pa sa labas ng kampo ang mgahukbo nito. 5 Dumating si Gorgias sakampo ng mga Judio kinagabihan ngunitwala siyang dinatnan doon. Kayat hina-nap niya ang mga iyon sa kabundukan atnaisip niya: “Tinatakasan nila kami.”

6 Nang mag-uumaga na, lumitaw si Ju-das sa kapatagan, kasama ang tatlonglibong kawal na kulang sa sandata o tabakna ginusto nila. 7 Nakita nila ang kampong mga pagano at ang matitibay na tang-gulan at ang mga kabayuhang nakapa-ligid doon – pawang mga kawal na sanaysa pakikipagdigma. 8 Sinabi ni Judas sakanyang mga tauhan: “Huwag kayongmatakot sa dami ng kaaway o sa kani-lang pagsalakay. 9 Alalahanin ninyo kung

• 4.1 Ipinadala nila laban kay Judas ang isangkoronel, si Apolonio. Pinatay ni Judas ang koronel.Isang heneral naman ang kanilang ipinadala, si Seron:at natalo rin ni Judas ang heneral. At ngayo’y isangmalaking hukbong may dalawang heneral ang ipina-dadala ni Antioko laban sa mga Judio. Panalo si Judassa Emaus.

Kapansin-pansin ang saloobin ni Judas at angkanyang sinabi: Matapat ang Diyos.

Tatlong dantaong itinuro sa mga Judio na ang

kanilang kasaysayan ay isang serye ng kahanga-hangang pamamagitan ng Diyos (tingnan ang mgalibro ng Mga Kronika). Labis nilang binibigyang-diinang pagtulong ng Diyos kayat parang bale-wala angkabayanihan ng tao. Alam ni Judas na kailangansiyang kumilos na di naghihintay ng milagro o pag-bubunyag. Pagkatapos magtagumpay, saka lamangmalalaman ng lahat na ang Diyos pala ang nagligtas sakanila. Isang kasinungalingan ang humingi ng kapaya-paan, pagkain at katarungan sa Diyos nang hindinaman inaalis ang mga istruktura ng pang-aapi.

1 MGA MACABEO 4

4

Page 10: MACABEO - Bible Claret

624

paanong naligtas ang ating mga ninunosa Dagat na Pula nang habulin sila nghukbo ng Paraon. 10 Tumawag tayo saDiyos, sapagkat maaalaala niya angkanyang Tipan at dudurugin ang hukbongiyon sa harap mismo natin sa araw dingito kung loloobin niya. 11 At malalaman nglahat ng bansa na May Isang nagpapalayaat nagliligtas sa Israel.”

12 Tumingala ang mga pagano at nakitanilang lumulusong diretso sa kanila angmga Judio, 13 kayat lumabas sila sa kani-lang kampo upang makipagdigma. Pina-tunog ni Judas ang mga trumpeta at su-malakay ang kanyang mga sundalo.14 Nalupig ang mga pagano at tumakas sakapatagan 15 ngunit namatay sa saksakang lahat ng nasa hulihan. Hinabol nilaang mga ito hanggang sa Gazara, sa ka-patagan ng Idumea, ng Azot at Jamnia, atnakapatay sila ng mga tatlong libo sa mgakaaway.

16 Tumigil sa paghabol si Judas at angkanyang hukbo, 17 at sinabi niya sa bayan:“Huwag muna ninyong isipin ngayon angpangangamkam sapagkat may isa pangdigmaang naghihintay sa atin. 18 Naroonsi Gorgias at ang kanyang hukbo sa kabu-rulang malapit sa atin. Humayo kayo atmakipaglaban at saka kayo manamsamnang walang pangamba.” 19 Hindi pa siyanatatapos sa pagsasalita nang makitaniya ang isang kompanya ng mga kaawayna nagmamasid mula sa burol. 20 Napan-sin ng mga ito na tumakas na ang mgakasamahan nila at nawasak na ang ka-nilang kampo. Sapat nang patunay angnakita nilang usok mula sa kampo. 21 Ka-yat nasindak sila. At nang makita nila anghukbo ni Judas na nakahanay sa kapa-tagan at handang makipagdigma, 22 tu-makas silang lahat papunta sa lupain ngmga Pilisteo.

23 Kayat nagbalik si Judas at ang kan-yang mga kawal para samsamin angnaiwan sa kampo. Tinangay nila ang ma-hahalagang ari-arian. 24 At sa kanilang

pagbabalik, nagsiawit sila at nagpuri saKalangitan: Sapagkat mabuti siya, atwalang hanggan ang kanyang awa.

25 Dakila ang tagumpay ng Israel saaraw na iyon. 26 Nagpunta kay Lisias angmga paganong nakatakas at sinabi ritoang nangyari. 27 Nang marinig ito ni Lisias,nasiraan siya ng loob at nanlupaypay sa-pagkat di nangyari sa Israel ang kanyanginaasahan, at di niya natupad ang ipinag-utos ng hari.

28 Nang sumunod na taon, bumuo siyang isang hukbong may animnapung li-bong tauhan at limang libong kabayuhanpara sumalakay sa mga Judio. 29 Puma-sok sila sa Idumea at nagkampo sa Bet-sur. Doon sila hinarap ni Judas na kasamaang sampung libong tauhan. 30 Nangmakita niya ang kapangyarihan ng ka-away, nanalangin siya: “Pagpalain ka,Tagapagligtas ng Israel. Nilupig mo anglakas ng mandirigma sa pamamagitan ngiyong lingkod na si David, at ibinigay angkampo ng mga Pilisteo sa kamay niYonatang anak ni Saul at sa tagapagdalang sandata nito.

31 Sa gayunding paraan, ipagkaloobmo ang hukbong ito sa iyong bayang Is-rael, at gawin mong kahiya-hiya angkanilang mga mandirigma at kabayu-hang hukbo. 32 Punuin mo sila ng takot atalisin ang tiwala nila sa sariling lakas.Durugin sila para di na makabawi. 33 Ibi-gay mo sila sa tabak ng mga tapat sa iyopara purihin ang iyong pangalan ng lahatng nakakakilala sa iyo.”

34 Nagsagupa ang dalawang panig atlimang libong kawal mula sa hukbo niLisias ang napatay. 35 Nakita ni Lisias nanasiraan ng loob ang kanyang hukbosamantalang si Judas at ang mga sundalonito’y lalong tumapang at handang ma-buhay o mamatay na may kadakilaan.Kayat tumakas siya papunta sa Antiokiaat nangalap doon ng mga sundalong ba-yaran upang bumalik sa Judea nang maymas marami pang tauhan.

1 MGA MACABEO 4

Page 11: MACABEO - Bible Claret

625Nilinis ni Judas ang Templo

• 36 At sinabi ni Judas at mga kapatidnito: “Nalupig na ang ating mga kaawaykayat umahon na tayo at linisin ang Banalna Lugar at muling italaga iyon.” 37 Atnagtipon ang buong hukbo at umahon saBundok Sion. 38 Natagpuan nila roon nanakatiwangwang ang santuwaryo, nila-pastangan ang altar, sinunog ang mgapinto, tinubuan na ng mga damong-ligawang patyo tulad sa kagubatan o sa kabun-dukan at wasak ang mga silid. 39 Winaraknila ang kanilang kasuotan at buong paitna nagsitangis. 40 Nagbudbod ng abo sakanilang ulo ang ilan samantalang nagpa-tirapa naman sa lupa ang iba. Hinipan nilaang trumpeta at malakas na nanaghoy saKalangitan.

41 Pumili naman si Judas ng mga lala-king lalaban sa mga taga-Kuta habangnililinis niya ang Banal na Lugar. 42 Pumilirin siya ng mga paring walang kapintasanna nagpakita ng marubdob na damdaminsa Batas 43 at ipinalinis sa mga ito angBanal na Lugar at dinala ang mga bato ngkasuklam-suklam na bagay sa isang lu-gar na di malinis.

44 Pinag-usapan nila kung ano angdapat na gawin sa altar ng mga sinunogna handog na nilapastangan. 45 Minabutinilang wasakin iyon at nang hindi manatiliang kahihiyang ginawa ng mga pagano.Kayat winasak nila ang altar 46 at inilagayang mga bato sa isang angkop na lugar saburol ng Bahay hanggang dumating angisang propetang magsasalita tungkol dito.

47 Kumuha naman sila ng mga batongdi tinapyas ayon sa tagubilin ng Batas, atnagtayo sila ng isang bagong altar na

tulad ng dati. 48 Isinaayos nila ang san-tuwaryo at ang loob ng bahay at itinalagaang mga patyo.

49 Gumawa sila ng mga bagong banal nasisidlan at ipinasok sa Templo ang kan-delabro, ang altar ng insenso at ang mesa.50 Nagsunog sila ng insenso sa altar, sinin-dihan ang mga ilawan sa kandelabro atnagsimulang magningning ang mga ito saTemplo. 51 Inilagay nila ang mga tinapay samesa at isinabit ang mga kurtina – atnatapos nila ang lahat ng ipinasyang gawin.

52 Sa ikadalawampu’t limang araw ngbuwan ng Casleu, sa taong sandaa’tapatnapu’t walo (164 B.C.), 53 madaling-araw pa’y bumangon na sila at nag-alayng sinunog na handog na ginawa nilaayon sa Batas sa bagong altar. 54 Sa ga-yunding oras at petsa nilapastangan iyonng mga pagano; ngunit itinalaga ngayonnila ito nang may mga awit at tunog nggitara, alpa at pompiyang. 55 Nagpatirapaang buong bayan; sumamba sila at nag-pasalamat sa Kalangitang nagbigay sakanila ng kaligayahan at tagumpay.

56 Walong araw naganap ang pagtatalaga saaltar. Masayang nag-aalay sila ng mga sinunogna handog at isang hain ng pagpupuri atmabuting pagsasamahan. 57 Ginayakan nila angharap ng Templo ng mga koronang ginto at mgakalasag; naisaayos na muli ang mga pintuan atmga silid at nalagyan ng mga pinto.

58 Lubos na nagsaya ang bayan at nalimutanna ang ginawang paglapastangan ng mga pa-gano sa Templo. 59 At nagkasundo sina Judas atang kanyang mga kapatid at ang buongkapulungan ng Israel na buong galak na ipag-diwang taun-taon ang anibersaryo ng pagtata-laga sa altar sa loob ng walong araw, mula saikadalawampu’t limang araw ng buwan ngCasleu.

• 36. Bunga ng mga tagumpay ni Judas, pinir-mahan ni Antioko Epifanes IV ang isang kasunduan nanagbibigay ng awtonomiya sa probinsya ng mga Judio(Abril ng taong164 bago kay Kristo). Nagtagumpayang mga Judio at una nilang inasikaso ang paglilinis ngTemplo na nilapastangan ng mga pagano (Disyembreng taong 164).

Alam ng mga Judio na hindi sila katulad ng ibang mgabayan. Ang Diyos mismo ang nagpapasya ng kina-

1 MGA MACABEO 4

bukasan. Sa anumang pagkakataon, ang pinaka-kailangan lamang ang nilulutas nila habang hinihintayang isang propeta na magtuturo sa dapat nilang gawin.Ganito ang makikita natin sa bersikulo 46. Pero parangbaligtad ang sitwasyon. May mga propeta noon saman-talang ayaw naman silang pakinggan ng mga Israelita.At ngayong wala nang mga propeta ay saka nila gustongmakarinig ng mensahe. Hindi na nga magkakaroon pang mga propeta hanggang kay Juan Bautista.

Page 12: MACABEO - Bible Claret

62660 Sa panahong iyon, nagtayo sila ng mataas

na pader at matibay na tore sa paligid ng Bun-dok Sion para hadlangan ang mga paganosa muling pagsakop doon. 61 Nagtalaga doon siJudas ng kampo upang maipagtanggol iyon.Pinatibay rin niya ang Bet-sur upang magka-roon ng isang kuta ang bayan laban sa Idumea.

Dumating si Judas para iligtas ang mganakakalat na Judio

• 1 Galit na galit ang mga pagano sakapaligiran nang malaman nilang naita-

yong muli ang altar at naitalaga ang santuwaryotulad ng dati. 2 Kaya ipinasya nilang lipulin angmga inapo ni Jacob na kasama nila at sinimulannila ang pagpatay at pagpuksa sa mga Judio.

3 Dinigma naman ni Judas ang mga anak niEsau sa Idumea at sa probinsya ng Acrabatane,sapagkat kinubkob nila ang Israel. Nilupig niyasila at kinamkam ang mga ari-arian. 4 At na-gunita niya ang kasamaan ng pangkat ni Balanna naging salot at bitag para sa mga Judio nangharangin sila sa daan. 5 Kayat kinulong niya silasa kanilang mga tore. Isinumpa niya ang mga itoat sinunog ang mga tore kasama ang lahat ngnasa loob.

6 Mula roo’y tumawid siya sa lupain ng mgaAmonita at nakasalubong ang malaki at ma-lakas na hukbo sa pamumuno ni Timoteo. 7 Na-kipagdigma siya sa mga ito nang maramingbeses. Dinurog niya ang mga iyon at nilipol.8 Sinalakay niya at sinakop ang lunsod ng Yazerpati ang mga kalapit-bayan at nagbalik siya saJudea.

9 Nagtipun-tipon ang mga pagano ng Galaadpara durugin ang mga Israelitang naninirahan sakanilang lupain ngunit kumanlong ang mga itosa kuta ng Datema. 10 Nagpadala sila ng lihamkay Judas at sa mga kapatid niya na ang sabi:“Nagtipun-tipon ang mga pagano sa amingpaligid upang lipulin kami, 11 at naghahandangayon silang salakayin ang kuta na pinag-kakanlungan namin. Si Timoteo ang kanilangpinuno. 12 Pumarito kayo agad at iligtas kami sakanila sapagkat marami na sa amin ang nama-tay. 13 Pinatay ang lahat ng aming mga kapatidna naninirahan sa lupain ni Tobias, binihag angmga babae at mga bata, at mga sanlibong lalakiang napatay.”

14 Binabasa nila ang liham na ito nang duma-ting ang ibang mga sugo mula sa Galilea na

• 5.1 Mabigat ang loob na tinanggap ng mgaheneral na taga-Siria ang kasunduang nilagdaan nghari. Itinaguyod nila ang pag-uusig laban sa mgaJudiong nasa karatig na mga teritoryo, na kung

winarak ang kanilang mga kasuotan habangnagbibigay ng mensaheng ito: 15 “Nagsama-sama na ang mga taumbayan ng Tolemaida,Tiro, Sidon at ang buong paganong Galileaupang lipulin kami!”

16 Nang marinig ni Judas at ng kanyang mgatauhan ang balitang ito, tinipon nila ang isangmalaking kapulungan upang mapagpasyahankung ano ang magagawa para sa kanilang mgakapatid na nagigipit at ipinaglalaban ang kani-lang buhay. 17 Sinabi ni Judas sa kanyang ka-patid na si Simon: “Pumili ka ng iyong mgatauhan; humayo ka at palayain ang ating mgakapatid sa Galilea; pupunta naman kami ngaking kapatid na si Yonatan sa Galaad.”

18 Iniwan niya ang nalabi sa hukbo sa pamu-muno ni Joseng anak ni Zacarias at ni Azarias napuno ng bayan para ipagtanggol ang lupain ngJudea, 19 at ipinag-utos niya: “Manatili kayongnamumuno sa bayan, ngunit huwag ninyongsasalakayin ang mga pagano hangga’t hindikami nakababalik.”

20 Tatlong libong tauhan ang itinalaga kaySimon para sa pagsalakay sa Galilea at walonglibong tauhan naman kay Judas para sa Galaad.21 Nagpunta si Simon sa Galilea at ginapi angmga pagano sa maraming enkuwentro, 22 athinabol ang mga iyon hanggang sa mga pintuanng Tolemaida. Mga tatlong libong pagano angnapatay at sinamsam ni Simon ang kanilangmga ari-arian. 23 At isinama niya ang mgaJudiong nasa Galilea at Arbata, gayundin angmga babae at mga bata, lahat ng mga ari-arianng mga ito, at dinala sa Judea sa gitna ng ma-laking pagsasaya.

24 Samantala, tumawid sa Jordan si JudasMacabeo at ang kanyang kapatid na si Yonatanat tatlong araw silang naglakbay sa disyerto.25 Nakasalubong nila roon ang mga Nabateo natinanggap silang payapa at ibinalita ang lahat ngnangyari sa kanilang mga kapatid sa Galaad.26 Nabalitaan nila na maraming Judio ang ikinu-long sa Bozra, Bosor ng Alema, Casfo, Maked atKarnaim na pawang malalaki at napapaderanglunsod. 27 Marami pang Judio ang nakubkob saiba pang lunsod ng Galaad, at binalak ng mgapaganong salakayin ang mga tanggulan sasusunod na araw upang lipulin ang lahat sa loobng isang araw.

28 Biglang lumiko si Judas at ang kanyanghukbo sa disyerto pa-Bozra. Sinakop niya ang

1 MGA MACABEO 4

5

minsa’y napakalalaking grupo. Kayat sinimulan niJudas na iligtas ang kanyang mga kababayang nasapanganib at ibalik sila sa probinsya ng Judea.

Page 13: MACABEO - Bible Claret

627lunsod, pinatay sa tabak ang mga lalaki, si-namsam ang mga ari-arian saka niya sinunogang lunsod. 29 Nilisan niya ang lugar kinaga-bihan at nagpatuloy hanggang makarating sakuta. 30 Tumingala ang mga Judio nang ma-daling araw at nakita ang di mabilang na tao namay dalang mga hagdan at mga makinangpandigma para salakayin at sakupin ang kuta.

31 Nakita ni Judas ang nagsisimulang pag-salakay. Narinig mula sa lunsod ang mga hiya-wan at ingay ng trumpeta hanggang langit.32 Sinabi niya sa kanyang hukbo: “Ipaglabannatin ngayon ang ating mga kapatid.” 33 At hinatiniya sa tatlong pangkat ang kanyang mgasundalo, at sinalakay ang kaaway mula sa liku-ran, samantalang pinatutunog ang mga trum-peta at malakas silang nananalangin. 34 Nangmakilala ng hukbo ni Timoteo si Macabeo, nag-simula na silang tumakas ngunit matindingdagok ang ipinalasap ni Judas sa kanila at mgalimang libong kaaway ang napatay sa araw naiyon.

35 Mula roo’y nagpunta si Judas sa Alema.Sinalakay niya at sinakop ang lunsod, pinatayang mga lalaki at sinamsam ang mga ari-ariansaka niya sinunog ang lunsod. 36 Mula roo’ybinihag niya ang Casfo, Maked at Bosor at angnalalabi pang mga bayan ng Galaad.

37 Tinipon ni Timoteo ang isang bagonghukbo pagkatapos ng mga pangyayaring ito atnagkampo sa tapat ng Rapon sa kabilang ibayong batis. 38 Nagsugo si Judas ng mga tauhanupang tiktikan ang kampo at bumalik silangdala ang balitang: “Nakipagsanib na ng lakasang lahat ng paganong tagaroon kay Timoteo atnakabuo ng isang malakas na hukbo. 39 Bina-bayaran nila ang mga Arabe bilang ayudante, atnagkakampo sila ngayon sa kabilang ibayo ngbatis, at nakahandang sumalakay sa iyo.” Kayatsumalubong si Judas sa kanila.

40 Nang papalapit na si Judas sa batis ka-sama ang hukbo nito, sinabi ni Timoteo sa mgakapitan ng kanyang hukbo: “Kapag naunasiyang tumawid at sinalakay tayo, hindi na tayomakakalaban at mananalo siya. 41 Ngunit kungmag-aatubili siya at magkakampo sa kabilangibayo ng batis, tayo ang tatawid at sasalakay sakanya at malulupig siya.”

42 Nang dumating si Judas sa pampangng batis, pinahanay niya ang mga opisyalat nag-utos: “Walang sinumang mag-tatayo ng tolda; magpatuloy ang lahat salabanan.” 43 Si Judas ang unang tumawidpapunta sa kaaway at sumunod ang ba-

yan. Nilupig nila ang lahat ng pagano nanagbaba ng mga sandata at nanganlongsa banal na sulok ng Karnaim. 44 Ngunitsinakop ng mga Judio ang lunsod at sinu-nog ang banal na sulok ng Karnaim, patiang mga taong nasa loob nito. Kayat nali-pol ang Karnaim at walang sinumang lu-maban kay Judas.

45 Tinipon ni Judas ang lahat ng Is-raelita mula sa lupain ng Galaad, hamakman o dakila, mga babae at mga bata atang mga ari-arian ng mga ito, isang dimabilang na pulutong ang dinala niya salupain ng Judea. 46 Dumating sila saEfron, isang mahalaga at napakatibay nalunsod sa dadaanan nila. Hindi puwedenglumiko, maging sa kanan o sa kaliwa,kaya dapat silang dumaan dito. 47 Ngunitnagtrinsera ang mga tagaroon at hinara-ngan ng mga bato ang mga pintuan.48 Nagpadala si Judas ng mensahe ng ka-payapaan: “Bayaan ninyong makalam-pas kami sa inyong lupain sapagkat pa-uwi na kami sa amin; daraan lamang kamiat hindi mananakit sa inyo.” Ngunit ayawnilang magbukas.

49 Kayat ipinahayag ni Judas sa kan-yang hukbo na manatili sa puwesto angbawat isa. 50 Pumuwesto ang mga sundaloat sinalakay ang lunsod sa buong magha-pon at magdamag hanggang mahulogiyon sa kanilang mga kamay. 51 Pinataynila sa tabak ang mga lalaki, sinunog anglunsod at sinamsam ang mga ari-arian,52 at nagdaan sila sa lunsod sa ibabaw ngmga bangkay. Narating nila ang malapadna kapatagan pagkatawid sa Jordan satapat ng Bet-san.

53 Sa buong paglalakbay, pinalalakas niJudas ang loob ng kanyang bayan at ti-nipon ang mga nahuhuli hanggang ma-karating sila sa lupain ng Judea. 54 Ma-saya silang umahon sa Bundok Sion atnag-alay ng mga sinunog na handog sa-pagkat nakabalik silang ligtas at malusog,at walang nabawas kahit isa man sa ka-nila.

1 MGA MACABEO 5

Page 14: MACABEO - Bible Claret

628Natalo sina Jose at Zacarias

• 55 Habang nasa lupain ng Galaad sinaJudas at Yonatan, at nasa Galilea sa tapatng Tolemaida ang kanilang kapatid na siSimon, 56 si Joseng anak ni Zacarias at siAzarias ang namumuno sa hukbo. Naba-litaan nila ang maningning na tagumpayng mga ito sa pakikipaglaban 57 at sinabinila: “Dapat din tayong magtamo ng kara-ngalan, kayat salakayin natin ang mgapaganong naninirahan sa ating paligid.”

58 Kayat inutusan nila ang kanilanghukbo na salakayin ang Jamnia. 59 Ngunitlumabas si Gorgias sa lunsod kasama angkanyang hukbo at sinalakay sila. 60 Nalupigsina Jose at Azarias at hinabol hanggang sagilid ng Judea. Mga dalawang libong Is-raelita ang napatay nang araw na iyon.61 Nalasap ng bayan ang isang mapait napagkatalo sapagkat hindi nakinig ang mgaito kay Judas at sa kanyang mga kapatid sapaniniwalang sila man ay may kakayahandin. 62 Hindi sila kabilang doon sa mgapinagkaloobang magliligtas sa Israel.

63 Pinarangalan nang lubos ang matapang nasi Judas at ang kanyang mga kapatid sa Israel atnaging tanyag sa mga banyagang nakabalitatungkol sa kanila 64 at marami ang dumatingupang batiin sila.

65 Nagpunta si Judas at ang kanyang mgakapatid sa Negeb upang kalabanin ang mgaEdomita. Kinubkob niya ang Hebron at ang mgabayan nito, pinaguho ang mga pader at sinunogang mga tanggulang tore. 66 At nagpunta siya salupain ng mga Pilisteo at dumaan sa Marisa.67 Nang araw ding iyon, napatay ang ilang paringnagtatapang-tapangan at basta na lamangsumalakay sa kaaway. 68 Mula roo’y nagpunta siJudas sa Asdod sa lupain ng mga Pilisteo.Winasak niya ang mga altar niyon, sinunog angmga imahen ng kanilang mga diyos at sinam-saman ang lunsod, at nagbalik siya sa Juda.

Mga huling araw ni Antioko Epifanes• 1 Nagdaraan si Haring Antioko sa mataas

na lupain ng Persia nang matanggap niya

ang balita tungkol sa Elimaida, isang lunsod natanyag sa pilak at ginto. 2 Lalong mayaman angtemplo ng lunsod at maraming gintong kalasag,pektoral at sandatang naiwan doon ang hari ngMacedonia, si Alejandrong anak ni Felipe, angunang hari ng mga Griyego. 3 Kayat nagpuntaroon si Antioko at hinangad niyang sakupin atsamsaman ito, ngunit hindi puwede sapagkatnabalitaan ng mga taumbayan ang kanyanglayunin at sinalubong siyang sandatahan ngmga ito. 4 Kayat tumakas siya at buong ka-paitang bumalik sa Babilonia.

5 Habang nasa Persia pa siya, nabalitaan niyana nalupig ang mga hukbong ipinadala saJudea: 6 Pumunta muna si Lisias kasama angisang malakas na hukbo, ngunit tumakas saharap ng mga Judio na pinalakas ng mga san-data at maraming ari-ariang nasamsam mulasa mga natalong hukbo. 7 Dinurog din ng mgaJudio ang kasuklam-suklam na bagay na iti-nayo niya sa ibabaw ng altar sa Jerusalem, atmuling itinayo ang mga pader sa kapaligiran ngsantuwaryo na kasintaas ng dati at pinatibay dinang lunsod niya na Bet-zur.

8 Nasindak ang hari at lubhang nabalisa nangmatanggap niya ang balitang ito. Nagkasakitsiya at nasiraan ng loob sapagkat hindi nangyariang gusto niya. 9 Dahil dito’y nagdanas siya ngmatinding dalamhati sa maraming araw at akalaniya’y mamamatay na siya. 10 Kayat tinawagniya ang kanyang mga kaibigan at sinabi: “Hindina ako dinadalaw ng antok at iginugupo na akong mga alalahanin. 11 At nag-iisip ako: Bakitdumating sa akin ang ganitong pagdadalamhati– akong mapagbigay at minahal nang nasa akinpa ang kapangyarihan.

12 Ngayon ko nagugunita ang mga kasama-ang ginawa ko sa Jerusalem, ang mga sisidlangginto at pilak na ninakaw ko, ang mga taga-Judeang ipinapatay ko nang walang dahilan.13 Alam ko na ngayon na dahil dito kaya du-mating sa akin ang ganitong kapahamakan atnamamatay ako ngayon sa dalamhati sa lu-paing banyaga.” 14 Ipinatawag ng Hari si Feli-peng kanyang kaibigan at inatasan itongmaging tagapangasiwa ng kanyang buong ka-harian. 15 Ipinagkatiwala rin niya dito angkorona, kasuotan at singsing na pantatak atipinabahala rin ang pagpapalaki sa kanyanganak na si Antioko upang maging hari ito.16 Namatay roon si Haring Antioko sa taong

• 55. Patuloy ang digmaan sa mga tagumpay atmga pagkalupig. Binibigyang-diin dito ng Biblia kungbakit nabaligtad ang pangyayari: personal na intereslamang ang hangad ng marami sa mga pinuno.

1 MGA MACABEO 5

6

• 6.1 Inilalahad ng Biblia ang wakas ni AntiokoEpifanes bilang halimbawa ng kamatayan ng mganang-uusig. Ibang salaysay naman ang matutungha-yan natin sa 2 Mac 9.

Page 15: MACABEO - Bible Claret

629sandaa’t apatnapu’t siyam (163 B.C.). 17 Na-balitaan ni Lisias ang pagkamatay ng hari, atkaagad niyang ipinahayag ang anak nitong siAntioko bilang kahalili ng hari sapagkat siya angnagsanay dito mula sa kamusmusan at pina-ngalanan niya siyang Eupator.

Ekspedisyon ni Antioko V18 Hinaharang ng mga kawal na nasa Kuta

ang mga Israelita sa paligid ng Banal na Lugar athindi nagpapalampas ng pagkakataong pin-salain ang mga ito sa kapakanan ng mga pa-gano. 19 Ipinasiya si Judas na lipulin ang mganasa Kuta, 20 kayat tinipon niya ang buongbayan upang kubkubin ang mga ito. 21 Nag-tipun-tipon ang lahat at sinalakay ang Kuta sataong sandaa’t limampu at nagtayo ng mgapanganyon at aparatong pangubkob. 22 Ngunitnakalusot sa barikada ang ilan sa mga nakub-kob at nagpuntang kasama ang mga makasa-lanang Israelita sa hari at sinabi: “Hanggangkailan mo kami di bibigyan ng katarungan atpati na ang aming mga kapatid? 23 Pumanigkami sa iyong ama, sinunod namin ang kanyangmga utos at iginalang ang kanyang batas.24 Dahil dito, kinubkob ang Kuta at pinakitu-nguhan kami ng aming mga kababayan naparang mga dayuhan. Pinatay ang mga nabihagsa amin at inagaw ang aming mga ari-arian. 25 Atdi lamang kami ang kanilang nilalabanan kundipati ang ibang mga lupain.

26 Nagkakampo sila ngayon laban sa Kuta saJerusalem upang masakop iyon at pinatibaynila ang santuwaryo at ang Bet-zur. 27 Kung hindika mamuno ngayon, makagagawa pa sila nanghigit pa at hindi mo na sila masusugpo.”

28 Nagsiklab sa galit ang hari nang mabali-taan ito, at ipinatawag niya ang lahat ng kan-yang Kaibigan, mga heneral ng hukbo at mgapinuno ng mga kabayuhang sundalo. 29 Nanga-lap din siya ng mga bayarang sundalo mula saibang bansa at sa mga pulo ng karagatan.30 Umabot ang kanyang mga sundalo sa san-daang libong lakad na sundalo, dalawampunglibong kabayuhan at tatlumpu’t dalawangelepanteng sinanay sa pakikidigma. 31 Pumasoksila sa Idumea, kinubkob ang Bet-zur at na-kipaglaban sa loob ng maraming araw na guma-gamit ng mga makinang pandigma. Ngunit na-kalusot ang mga kinubkob at sinunog angmga makinang pandigma at buong tapang nananlaban.

Labanan sa Bet-zacarias• 32 Kayat umalis si Judas sa Kuta at

nagkampo sa Bet-zacarias na katapat ngkampo ng hari. 33 Maagang bumangonang hari kinaumagahan at buong tapangna umusad ang kanyang hukbo sa lan-sangang pa-Bet-zacarias. Naghanda angmga sundalo sa pakikidigma at hinipanang mga trumpeta.

34 Pinakitaan nila ng katas ng ubas atmoras ang mga elepante upang pasig-lahin sa pakikilaban, 35 at ikinalat iyon samga batalyon: sanlibong kawal na na-kasuot ng malyas at helmet na tanso nanakahanay sa magkabilang tagiliran ngbawat elepante. 36 Nasa unahan ng bawatelepante ang hukbong kabayuhan ng li-mandaang piling mangangabayo na pi-nagbilinang huwag hihiwalay rito. 37 Nasaibabaw ng bawat elepante ang isang ma-tibay na toreng kahoy na tinalian ng katadat may apat na mandirigma sa tore, bu-kod pa ang nagpapatakbo.

38 Inilagay sa dakong kanan at kaliwang hukbo ang iba pa sa kabayuhang ka-wal upang ligaligin ang kaaway at mapa-ngalagaan na rin ang mga batalyon. 39 Ka-pag nasisinagan ng araw ang mga kala-sag na ginto at tanso’y kumikinang atnangingislap ang kabundukan tulad sanaglalagablab na apoy. 40 Isang bahagi nghukbo ng hari ang nakakalat sa itaas ngbundok at nasa kapatagan ang isa pangbahagi. Umuusad ang lahat na may pagti-tiwala at nasa kaayusan. 41 Nagsipanginigang mga Judio nang marinig ang naka-tutulig na ingay ng di mabilang na mgakawal bunga ng pagmamartsa at kalan-sing ng mga sandata. Sadyang napaka-laki at makapangyarihan ang hukbo.

42 Ngunit sumugod din si Judas at angkanyang hukbo upang makipaglaban; atmga animnaraang kawal ng hukbo nghari ang napatay. 43 Nakita ni Eleazar na

• 32. Muling sinalakay ang Palestina at sa labanansa Bet-zacarias, napilitang umurong mula sa mgakaaway ang hukbo ni Judas na bale-wala kung ikukum-

para sa hukbo ng hari. Pero pagkaraan ng dalawangtaon, makikipagkasundo ang hari at pagtitibayin nitoang kalayaang panrelihiyon ng mga Judio.

1 MGA MACABEO 6

Page 16: MACABEO - Bible Claret

630

tinatawag na Abaran ang isa sa mgahayop na nasasandatahan at nahihigtanang lahat ng iba pa kayat ipinalagay niyana iyon ang hayop ng hari. 44 Kayat ipi-nagpakasakit niya ang kanyang sariliupang iligtas ang kanyang bayan atumani siya ng walang hanggang kara-ngalan dahil doon. 45 Buong tapang si-yang lumusob papunta sa hayop sa kala-gitnaan ng batalyon at nakapatay siya ngmga kawal sa kaliwa’t kanan at nagtak-buhan ang kaaway kabi-kabila. 46 Naka-lapit siya sa elepante, sumuot sa ilalimnito at sinaksak iyon sa tiyan. Bumagsaksa kanya ang elepante at namatay siyanoon din.

47 Ngunit alam ng mga Judio ang ma-kapangyarihang lakas ng hukbo ng hari atumurong sila. 48 Umahon pa-Jerusalemang mga kawal ng hari upang abutan silaat nagkampo ang hari sa Judea at saBundok Sion. 49 Nakipagkasundo siya samga taga-Bet-zur na nagsilikas sa lunsodsapagkat wala na silang makain para ma-kapagpatuloy pa sa pakikipaglaban ya-mang iyon ang taon ng pahinga ng lupa.50 Sinakop ng hari ang Bet-zur at nagta-laga ng tanggulan doon upang bantayaniyon.

51 Mahabang panahon din siyang nag-kampo sa harap ng Santuwaryo at nag-tayo roon ng mga kanyon, makina, pang-hagis ng apoy, pana at tirador. 52 Nasi-pagtayo rin ng mga makina ang mgatagapagtanggol tulad sa ginawa ng mgasumasalakay at matagal silang nakipag-laban. 53 Ngunit wala silang nakaimbak napagkain, sapagkat iyon ang ikapitongtaon at naubos na ang lahat ng pagkain ngmga Israelitang dumating sa Judea mulasa mga lupaing pagano. 54 Kayat iilan nalamang ang naiwan sa Banal na Lugardahil sa gutom at kumalat ang iba sa kani-kanilang lugar.

Pagbibigay-kalayaan ng hari sa relihiyon• 55 Nabalitaan naman ni Lisias ang

pagbalik ni Felipe mula sa Persia at Me-dia. Si Lisias ang pinagkatiwalaan niHaring Antioko (nang nabubuhay pa siya)sa pagpapalaki sa kanyang anak na siAntioko upang maging hari ito. 56 Binalakniyang bawiin ang kapangyarihan, ka-sama ang hukbong umalalay sa hari.57 Kayat inapura ni Lisias ang paglisan.Sinabi niya sa hari, sa mga heneral nghukbo at sa mga sundalo: “Nanghihinatayo araw-araw, kapos tayo sa pagkain atmatibay ang pook na sinasalakay natin;bukod dito, sumasandal sa atin ang mgasuliranin ng kaharian. 58 Kayat ilahad nanatin ang ating palad para makipag-kaibigan sa mga taong ito at makipag-kasundo tayo sa kanila at sa kanilangbansa. 59 Hayaan na natin silang mamu-hay ayon sa kanilang kaugalian tulad ngdati sapagkat nagawa nila ang lahat ng itodahil ginulo natin ang kanilang mgabatas, at nagalit sila.”

60 Naging kasiya-siya ito sa hari at samga heneral, 61 kayat nagsugo ang haripara makipagkasundo sa mga Judio attinanggap iyon ng mga Judio.

Pagkapangako ng hari at ng mga he-neral nang may sumpa, lumabas sa kutaang mga Judio. 62 Umakyat sa BundokSion ang hari at nang makita niya angtanggulan, sinira niya ang kanyang pa-ngako at iniutos na buwagin ang naka-paligid na pader. 63 At mabilis siyangumalis at nagbalik sa Antiokia. Doon niyanakitang hawak na ni Felipe ang lunsod.Kayat nakipaglaban siya rito at inagawang lunsod.

1 Sa taong sandaa’t limampu’t isa,tumakas mula sa Roma si Deme-

triong anak ni Seleuco. Naglayag siyakasama ang ilang mga lalaki papunta sa

• 55. Sa kauna-unahang pagkakataon, biglang-biglang tumigil ang labanan, at kinilala ang karapatanng mga Judio na ipagpatuloy ang kanilang relihiyon (b.

59). Ang pakikipaglaban ng iilang bayani ang naghatidng unang bungang ito at bumago sa kasaysayan ngbayang Judio.

1 MGA MACABEO 6

7

Page 17: MACABEO - Bible Claret

631

isang lunsod sa piyer ng kaharian at doonniya ipinahayag na hari ang kanyang sarili.2 Pagpasok niya sa kaharian ng kanyangmga ninuno, dinakip ng hukbo sina An-tioko at Lisias para iharap sa kanya. 3 Na-balitaan ito ni Demetrio at sinabi: “Ayo-kong makita ang kanilang pagmumukha.”4 Kayat pinatay sila ng hukbo at lumukloksi Demetrio sa trono.

5 Kaagad na nagpunta sa kanya anglahat ng Israelitang makasalanan at lu-malabag sa Batas. Pinamunuan sila niAlcimong nais maging punong pari. 6 Atpinagbintangan nila ang kanilang mgakababayan sa harap ng hari: “Pinatay niJudas at ng kanyang mga kapatid angiyong mga Kaibigan at itinaboy kamimula sa aming lupain. 7 Isugo mo ang isasa pinagkakatiwalaan mo para makitaang kapinsalaang ginawa sa amin at saprobinsya ng hari. Parusahan niya sila atlahat ng tumulong sa kanila.”

Ekspedisyon nina Bakides at Nicanor8 Pinili ng hari si Bakides, isa sa kan-

yang matapat na Kaibigan at kinikilala sakaharian at gobernador ng kanluraningprobinsya ng Eufrates. 9 Pinasama rin niyasi Alcimo na hinirang niyang punong pariat inatasang parusahan ang mga Israelita.

10 Umalis silang kasama ang malakinghukbo. Pagdating nila sa Judea, nagpa-dala sila kay Judas at sa mga kapatid nitong mapanlinlang na alok ng kapayapaan.11 Ngunit di sila pinagkatiwalaan ng mgaito sapagkat may kasama silang malakasna hukbo.

12 Isang komisyon naman ng mga gurong Batas ang humarap kina Alcimo atBakides para maghanap ng kasiya-siyangsolusyon. 13 Sila’y mga Asideo, ang na-unang naghangad ng kapayapaan sa Is-rael, 14 kayat nangatwiran sila: “Isang la-laki mula sa lipi ni Aaron ang kasamangdumating ng hukbo, tiyak na magigingmakatarungan siya sa atin.” 15 Nangusapnga ng kapayapaan si Bakides at isi-

numpa sa kanila: “Hindi namin kayouusigin at ang inyong mga kaibigan.”16 Naniwala sila sa kanya. Ngunit ipina-dakip ni Bakides ang animnapu sa kanilaat ipinapatay sa iisang araw, ayon sa sina-sabi sa Kasulatan: 17 Ikinalat nila sa pa-ligid ng Jerusalem ang mga bangkay ngiyong mga banal. Pinadanak nila angdugo ng mga ito at walang sinumangmaglilibing sa mga ito.

18 Natakot at nasindak nila ang buongbayan. At sinabi nila: “Wala silang kata-rungan at katapatan sapagkat sinira nilaang kasunduang kanilang sinumpaan.”

19 Umalis si Bakides sa Jerusalem atnagkampo sa Bet-zur. Mula roo’y iniutosniya ang pagdakip at pagpugot ng ulo samaraming nagsawa sa kanya, gayundinang ilan pa sa bayan. At ipinatapon angmga ito sa malalim na bangin.

20 Ipinagkatiwala niya kay Alcimo angprobinsya at pagkaiwan sa kanya ngisang hukbong tutulong dito’y nagbaliksiya sa hari. 21 Pinagpilitan ni Alcimo nakilalanin siya bilang punong pari at naki-isa sa kanya ang lahat ng nanggulo sabayan. 22 Sila ang naka-pangyari sa Judeaat naging malaking salot sa Israel.

23 Nakita ni Judas na si Alcimo at mgasundalo nito ang higit pang maminsala saIsrael kaysa mga pagano. 24 Kayat sina-lakay niya ang lahat ng dako ng Judeapara papagbayarin ang mga taksil atmapigilan ang mga iyon na makagala salupain.

25 Natuklasan ni Alcimo na mas mala-kas si Judas at ang mga tauhan nito kaysakanya at di na niya ito kayang labanankayat nagbalik siya sa hari at pinarata-ngan ang mga ito. 26 Sinugo naman ng harisi Nicanor na isa sa mga tanyag at isa sakanyang mga heneral na kilalang kaawayng Israel para lipulin ang bayang ito.

27 Dumating sa Jerusalem si Nicanor nakasama ang malaking hukbo; pinadalhanniya si Judas at mga kapatid nito ng mgamapanlinlang na mensahe ng pakikipag-

1 MGA MACABEO 7

Page 18: MACABEO - Bible Claret

632

kaibigan na nagsasabing 28 “Huwag natayong mag-away muli; darating akongmay kasamang ilang tauhan para maki-pagtagpo sa iyo at makipagkaibigan.”

29 Pumunta nga siya kay Judas at mapa-yapa silang nagbatian, ngunit pinaghan-daan niyang bihagin si Judas. 30 Kayat na-sindak si Judas nang malaman nitong pa-taksil ang pakikitungo ni Nicanor. Lumayosiya kay Nicanor at tumangging makipag-kita pang muli. 31 Nakita ni Nicanor nanatuklasan na nito ang kanyang mga ba-lak kayat hinanap niya si Judas para ka-labanin ito. Natagpuan niya si Judas samalapit sa Kafarsalama. 32 Mga limandaanang nasugatan sa mga kasama ni Nicanorat tumakas ang iba sa lunsod ni David.

Natalo si Nicanor33 Umahon si Nicanor sa Bundok Sion pag-

katapos ng mga pangyayaring ito at ilan sa mgapari at matatanda ang lumabas sa santuwaryopara mapayapa siyang salubungin at ipakita sakanya ang mga sinunog na handog na inialayalang-alang sa hari. 34 Ngunit kinutya niya angmga ito, hinamak at ininsulto 35 at galit nasumumpa: “Kapag di ninyo nadala agad sa akinsi Judas at ang kanyang pangkat at kapagnatalo ko siya, babalik ako at susunugin ko angtemplong ito.” At umalis siyang galit na galit.

36 Pumasok ang mga pari sa templo, tumayosa harapan ng altar at ng santuwaryo at na-nangis. 37 Sinabi nila: “Pinili mo, Panginoon, angBahay na ito para dito tawagin ang iyongPangalan, para maging bahay ng panalangin atkahilingan ng iyong bayan. 38 Paghigantihan moang taong ito at ang kanyang hukbo; bayaanmong mamatay sila sa tabak. Alalahanin moang kanilang pang-iinsulto at huwag kang mag-atubiling parusahan sila.”

39 Umalis si Nicanor sa Jerusalem at nag-kampo sa Bet-horon at doon sumanib sa kanyaang hukbo ng Siria. 40 Nagkampo naman si Ju-das sa Adasa kasama ang tatlong libong sundaloat sinabi niya: 41 “Panginoon, nang nilapasta-ngan ka ng mga sugo ng hari ng Asiria, dumatingang iyong anghel at pinatay ang sandaa’twalumpu’t limang libo sa kanyang mga tauhan.42 Kayat durugin mo ngayon ang hukbong ito saaming harap para malaman ng iba na hinatulanmo si Nicanor batay sa kanyang kasamaan atpagkalapastangan niya sa iyong templo.”

43 Nagsagupa ang dalawang hukbo sa ikala-bintatlo ng buwan ng Adar. Nalupig ang hukboni Nicanor at isa siya sa mga unang napatay salabanan. 44 Itinapon ng mga sundalo ang kani-lang mga sandata nang makita nilang patay nasiya at nagsitakas sila. 45 Maghapon silang hi-nabol ng mga Judio mula sa Adasa hanggang sapasukan ng Gazara at pinatunog ng mga ito angmga trumpeta habang hinahabol ang mga ka-away. 46 Nagsilabas ang mga taumbayan mulasa mga kalapit na bayan ng Judea at pinaligiranang mga takas at napilitan ang mga itong mag-sibalik at ipagtanggol ang sariling buhay. Kayatnapatay silang lahat sa tabak.

47 At sinamsam ng mga Judio ang mga na-iwang ari-arian; pinugot nila ang ulo ni Nicanorat ang kanang kamay na buong yabang niyanginiunat at isinabit iyon sa pintuan ng Jerusalempara makita ng lahat. 48 Nagsaya nang husto angbayan 49 at ipinagdiwang taun-taon ang kani-lang tagumpay mula noon tuwing ikalabintatlong buwan ng Adar. 50 Naging tahimik ang lupainng Judea sa loob ng maikling panahon.

Pakikipag-alyansa sa mga Romano• 1 Binalitaan si Judas tungkol sa mgaRomano, 2 at ito ang sinabi sa kanya: “Ma-

tatapang sa digmaan ang mga Romano; nagpa-pakita sila ng mabuting kalooban sa lahat ngpumapanig sa kanila. Nakikipagkaibigan sila salahat ng lumalapit, at malakas na kakampi silasa digmaan.

1 MGA MACABEO 7

• 8.1 Iginiit ng mga propeta na dahil ang bayangJudio ang bayan ng Diyos, kailangang sa Diyos silamanalig at huwag maghanap ng tulong sa iba. Kawalanng pananalig sa Diyos ang makipagtipan sa mgabayang pagano. May ibang pagkaunawa si Judas kayathangad niyang makipagtipan sa mga Romano.

Sa isang dako, nagkaroon ng malaking pag-asa angmga Judio dahil sa mga unang tagumpay. Mula pa sapanahon ng pagkatapon, hindi pa kailanman nabawing mga Judio ang kanilang awtonomiya, ngunit parakay Judas at sa kanyang mga kasamahan, dumating na

ang oras para itayong muli ang dating kaharian ninaSolomon at David.

Sa kabilang dako naman, hinahangaan ni Judas angorganisasyon at kapangyarihan ng mga Romano, atnaniniwala siyang pabor sa muling pagtatayo ng kaha-rian ni David ang kanilang proteksyon.

Pero tama nga ang mga propeta: hindi dapat umasasa mayayaman at makapangyarihan ang mga naghaha-nap sa Kaharian ng Diyos at sa katarungan. Ang mgaRomanong labis na hinahangaan ni Judas ay magigingmga kaaway niya. At pagkalipas ng dalawang dantaon,wawasakin nila ang bansang Judio sa panahon ni Jesus.

8

Page 19: MACABEO - Bible Claret

6333 Buong tapang na nakadigma nila ang mga

taga-Galia; sinakop ang mga ito at pinapag-bayad ng buwis. Gayundin ang ginawa nila saEspanya para maangkin ang mga mina ng pilakat ginto 4 at nasakop ang buong bansang iyon nanapakalayo sa kanilang sariling bansa sa pa-mamagitan ng talino at tiyaga. Tinalo rin nilaang mga haring galing pa sa dulo ng daigdigpara manalakay at dinurog nila ang mga ito.Nagbayad sa kanila ang iba ng taunang buwis.

5 Nilupig at sinakop nila ang mga hari ngMacedonia na sina Felipe at Perseo at ang ibapang lumaban sa kanila. 6 Nang salakayin sila niAntioko ang Dakila, hari ng Asia, na may san-daa’t dalawampung elepante, kabayuhang sun-dalo, karwahe at makapangyarihang hukbo,nalupig ito at nahulog sa kamay ng mga Roma-no. 7 Napilitan si Antioko at ang mga humalili sakanya na magbayad ng malaking halaga ngbuwis, isuko ang mga bihag 8 at ipagkaloob angpinakamahusay nilang probinsya tulad ng India,Media at Lydia na pagkatapos ay ipinagkaloobpagkatapos ng mga Romano kay Haring Eume-nes. 9 Binalak ng mga Griyego na salakayin atlipulin ang mga Romano, 10 ngunit nabalitaaniyon ng mga Romano at nagpadala sila ng isangheneral upang labanan ang mga ito. Napataynila ang maraming Griyego at kinuha ang mgababae at mga bata, winasak ang mga tanggulanat inalipin sila hanggang sa panahong ito.

11 Sa gayunding paraan, nilupig din nila atsinakop ang iba pang mga bansa at mga pulongnakipaglaban sa kanila. 12 Subalit nanatili silangtapat sa kanilang mga kakampi at sa mganagtitiwala sa kanila. Sinakop nila ang mgakaharian sa malayo at malapit at kinatatakutansila ng lahat ng makarinig sa kanilang pangalan.13 Hinirang nilang mga hari ang naiibigan nila atinaalis ang ayaw nila.

14 Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, walangsinuman sa kanila ang nagpakorona o nagbihistulad ng sa hari para itaas. 15 Bumuo sila ng isangSenado ng tatlundaa’t dalawampung katao nanagpupulong araw-araw tungkol sa mga bagayna ikabubuti ng bayan. 16 Pumipili sila taun-taonng isang taong mamumuno sa kanila at mama-mahala sa imperyo at sumusunod ang lahatnang di naiinggit o nagseselos.”

17 Kayat pinili ni Judas si Eupolemong anakni Juan at si Jasong anak ni Eleazar, at sinugosila sa Roma para gumawa ng tipan ng kapaya-paan at pakikianib sa mga Romano. 18 Inaasa-

han ni Judas na mapapalaya ng mga ito angIsrael kapag nakita nila kung paano nalupig ngmga Griyego ang Israel.

19 Dumating ang mga sugo ni Judas sa Romamakaraan ang isang mahabang paglalakbay.Pumasok sila sa Senado at nagpahayag: 20 “Pi-napunta kami ni Judas Macabeo, ng kanyangmga kapatid at ng bayan ng Israel para gumawang tipan ng kapayapaan at mapabilang sainyong mga kakampi at kaibigan.” 21 Kinalug-dan ng mga Romano ang ganitong mungkahi22 at narito ang kopya ng liham na isinulat nila salapidang tanso na ipinadala nila sa Jerusalembilang alaala ng kapayapaan at pakikianib:

23 “Mabuting kapalaran sa mga Romano at sabayang Judio sa dagat at sa lupa magpaka-ilanman at malayo nawa sa kanila ang tabak atkaaway! 24 Kung unang datnan ng digmaan angmga Romano o ang isa sa kanilang kakampi saalinmang bahagi ng imperyo, 25 matapat nasasali sa digmaan ang bansang Judio hanggatmaaari. 26 Hindi tatanggap ang sundalong Judiong trigo o sandata o salapi o bapor ayon sakapasyahan ng Roma. Sa halip tutuparin nilaang kanilang tungkulin nang walang pabuya.

27 At kapag sinalakay naman ang bansangJudio, buong sigasig na makikipaglaban sakanyang panig ang mga Romano hanggat ipina-hihintulot ng pagkakataon. 28 Hindi tatanggapang mga kakamping Romano ng trigo o sandatao salapi o bapor tulad sa pasya ng Roma, attutuparin nila ang kanilang tungkulin nang wa-lang panloloko. 29 Sa ganitong kasunduan binuong mga Romano ang kanilang pakikianib sabansang Judio.

30 At kapag nagkabisa ang kasunduang ito atgusto ng isa sa kanila ang magdagdag o mag-bawas ng anuman, gagawin iyon ng nasabingpanig kasundo ang kabilang panig, at kaila-ngang tupdin ang idinagdag o ibinawas.

31 At tungkol naman sa kapinsalaang gina-gawa ni Haring Demetrio sa mga Judio, isinulatna namin sa kanya ang ganito, ‘Bakit ganyangkabigat na pamatok ang ipinapataw mo sa mgaJudio na aming mga kaibigan at kakampi?’32 Kapag muli ka nilang pinaratangan, ipagta-tanggol namin ang kanilang karapatan at sa-salakayin ka namin sa dagat at sa lupa.”

Pagkamatay ni Judas Macabeo• 1 Nabalitaan ni Demetrio ang pag-kamatay ni Nicanor at ang pagkalu-

• 9.1 Narito ngayon ang madamdaming salaysayng kamatayan ni Judas. Namatay siya sa ningning ngkanyang pananampalataya at kabayanihan, gaya ng

1 MGA MACABEO 9

9maraming “umaasa sa muling pagtatayo sa Israel” atnamatay siya alang-alang sa pag-asang ito.

Makikita nating grasya ng Diyos sa kanya ang maaga

Page 20: MACABEO - Bible Claret

634

pig ng kanyang hukbo kayat pinabalikniya sina Bakides at Alcimo sa Judeakasama ang pinakamahusay na mgasundalo sa kanyang hukbo. 2 Dinaanannila ang kalsadang pa-Galilea at sinala-kay nila ang lunsod ng Me-salot sa lupainng Arbela. Sinakop nila iyon at maramiang pinatay. 3 Sa unang buwan ng taongsandaa’t limampu’t dalawa, nagkamposila sa tapat ng Jerusalem. 4 Mula roo’ydalawampunlibong lakad na sundalo atdalawang libong kabayuhan ang umalispa-Berea. 5 Nagkampo naman si Judas saElasa kasama ang tatlunlibong piling mgasundalo. 6 Nasindak sila nang makita angmalaking bilang ng kaaway. Marami angtumakas sa kampo at walundaang tauhanlamang ang naiwan. 7 Nakita ni Judas angpagkakawatak-watak ng kanyang hukboat nasiraan siya ng loob. Malapit na silangsalakayin at wala na siyang panahon paratipuning muli ang hukbo. 8 Sa kabila ngkanyang panlulupaypay, pinalakas niyaang loob ng mga naiwan: “Labanan natinang mga kaaway. Maaari pa rin natinsilang malupig.”

9 Sinikap ng mga kawal na pigilin siya:“Wala na tayong magagawa pa ngayonkundi iligtas ang ating sarili. Maaaringmagbalik tayo sa ibang araw, kasama angating mga kapatid upang lumaban. Ngu-nit napakakaunti natin ngayon.” 10 Ngunitsumagot si Judas: “Huwag ipahintulot ngDiyos na takasan ko sila. Kapag dumatingna ang ating oras, mamamatay tayongmagigiting para sa ating mga kapatid nadi nadungisan ang ating karangalan.”

11 Lumabas sa kampo ang hukbo niBakides at nanatili naman sa puwesto angmga Judio para makipaglaban. Hinati

ang kabayuhang pangkat sa dalawa. Saunang hanay, nangunguna ang mgabeterano sa digmaan, at kasunod angmga mamamana at maninirador. 12 Nasakanang hanay si Bakides. Sumugod silasa magkabilang hanay sa tunog ng trum-peta. Pinatunog din ng mga Judio angmga trumpeta. 13 At nayanig ang lupa sasigawan ng mga sundalo at nagsimulaang paglalaban na tumagal nang mag-hapon.

14 Nakita ni Judas na nasa kananghanay ang lakas ni Bakides at ng hukbonito. Sumama sa kanya ang mas mata-tapang na Israelita, 15 at nilupig nila angkanang hanay ng kaaway at hinabolhanggang sa kaburulan. 16 Ngunit nakitang kaliwang hanay na nalupig na angkanang hanay, kayat sinalakay nila si Ju-das at ang mga kawal nito mula sa hu-lihan. 17 Buong ngitngit silang naghamokat marami ang namatay sa magkabilangpanig. 18 Napatay din si Judas at nagsi-takas ang iba.

19 Kinuha nina Yonatan at Simon angkanilang kapatid at inilibing sa puntod ngkanilang mga ninuno sa Modin. 20 Nag-luksa ang buong bayan ng Israel at nana-ngis sila nang maraming araw at paulit-ulit na nanaghoy: 21 “Namatay ang baya-ning nagligtas sa Israel.”

22 Ang iba pang ginawa ni Judas, angkanyang pakikipagdigma at mga tagum-pay at kabayaniha’y hindi na naisulatsapagkat napakarami.

Humalili si Yonatan kay Judas• 23 Pagkamatay ni Judas, nagsulputan ang

mga taksil sa buong lupain ng Israel at lumakasang loob ng masasama. 24 Nagkaroon ng ma-lubhang taggutom nang panahong iyon at na-

niyang pagkamatay. Ang daang kanyang sinimulandahil sa pananampalataya ay magtatapos para sakanyang mga inapo sa mga pagsang-ayon at kabulu-kang madalas na kasama sa kapangyarihang pulitikal.

• 23. Kailangang tumakas pa-disyerto kasama ngkanyang kalahi si Yonatan na siyang hinirang nakahalili ng kanyang kapatid na si Judas. Pinaalis niya

ang kanyang kapatid na si Juan taglay ang bagahe paradalhin ito sa isang ligtas na lugar sa kabilang ibayo ngJordan. At doo’y tinambangan sila. Kaya tumawid siYonatan sa kabilang ibayo ng Jordan para maghiganti.Sa kanyang pagbabalik, sinundan pala siya ni Bakidesat ng hukbo nito, at ngayo’y nakaharang sa daan nilapatungo sa ilog. Ngunit nakalampas sila sa mga kaa-way at lumangoy patawid.

1 MGA MACABEO 9

Page 21: MACABEO - Bible Claret

635hulog sa kanilang kamay ang bansa. 25 Pinili niBakides ang mga taksil at ginawa silang mgapinuno ng lupain. 26 Tinunton at hinanap ng mgaito ang lahat ng mga kaibigan at mga loyalista niJudas at iniharap kay Bakides at pinarusahansila at hiniya sa sanlibong paraan. 27 Matindingpagsubok ito na di pa nararanasan ng Israelmula nang di na nakita ang mga propeta. 28 Ka-yat nagtipun-tipon ang mga kaibigan ni Judas atsinabi kay Yonatan: 29 “Mula nang mamatay angkapatid mong si Judas, wala nang tulad niyanglalaban sa kaaway, kay Bakides at sa lahat ngmga kalaban ng ating bansa. 30 Kayat pinipili kanamin ngayon bilang kahalili niya para magingpinuno namin at pangunahan kami sa amingmga pakikipagdigma.” 31 Tinanggap ni Yonatanang pamumuno mula sa araw na iyon at humalilisiya sa kanyang kapatid na si Judas.

32 Nabalitaan ito ni Bakides at binalak niyangpatayin si Yonatan. 33 Ngunit nalaman agad itoni Yonatan at tumakas siya kasama ang kan-yang kapatid na si Simon at ang kanyang mgatagasunod sa disyerto ng Tekoa. Nagkampo silasa tabi ng lawa ng Asfar. 34 Nabalitaan ito niBakides sa Araw ng Pahinga at tumawid siya saJordan kasama ang kanyang buong hukbo.

35 Sinugo ni Yonatan ang kanyang kapatid nasi Juan bilang kinatawan ng bayan upang hinginsa kanilang mga kaibigang Nabateo na itagoang kanilang mga dala-dalahan. 36 Ngunit bini-hag si Juan ng lipi ng Yambri at ng mga taga-Medeba, kinuha ang lahat ng dala niya at sakanagsitakas. 37 Pagkatapos nito’y nabalitaan niYonatan at ng kanyang kapatid na si Simon naipinagdiriwang ng mga taga-Yambri ang isangmarangyang kasalan at maringal nilang inihatidang babaeng ikakasal na anak ng isang kilalangtao sa Kanaan mula sa Nadabat.

38 Nagunita ng dalawa ang pagpatay sa kani-lang kapatid na si Juan, kayat umahon sila atnagtago sa bundok. Narinig nila ang malabongingay 39 at saka natanaw nila ang napakaramingdala-dalahan: sinalubong sila ng lalaking ika-kasal, mga kaibigan at mga kapatid nito na maydalang mga tamburin, mga instrumentong mu-sikal at mga armas. 40 Sinagupa sila ng mgaJudio mula sa pananambang at pinatay sila.Maraming napatay at nagsitakas ang iba sakabundukan. Sinamsam ng mga Judio anglahat ng ari-arian, 41 kayat nauwi sa pagluluksaang kasalan at naging panaghoy ang awitan.42 Bumalik sa lati ng Jordan ang mga Israelitapagkatapos maipaghiganti ang pagkamatay ngkanilang kapatid.

43 Dumating naman si Bakides na kasama ng

malakas na hukbo sa Araw ng Pahinga sa pam-pangin ng Jordan. 44 Kayat sinabi ni Yonatan sakanyang mga sundalo: “Maging matapang! Kai-langang iligtas natin ang ating buhay sapagkatmagiging malubha ang mga pangyayari sa arawna ito. 45 Nasa unahan at likuran natin ang mgakaaway – sa panig na ito ang tubig ng Jordan,ang mga lati at sukal sa kabila – wala tayongmalulusutan. 46 Kayat tumawag tayo sa Kalangi-tan para iligtas tayo sa ating mga kaaway.”

47 At nagsimula ang digmaan. Iniunat ni Yo-natan ang kanyang bisig para patayin si Bakidesngunit nakailag iyon at umurong. 48 Kayat tuma-lon si Yonatan at ang kanyang mga tauhan saJordan at lumangoy hanggang sa kabilangpampang, ngunit di sila sinundan ng kanilangmga kaaway. 49 Mga sanlibo sa mga tauhan niBakides ang napatay nang araw na iyon.

50 Nagbalik si Bakides sa Jerusalem. 51 Atnagsimula siyang magtayo ng mga nakukuta-ang lunsod sa Judea – ang mga tanggulan ngJerico, Emaus, Bet-horon, Betel, Timna, Para-ton at Tepon – na may matataas na pader at maytrangkang mga pintuan at may garison angbawat isa para takutin ang mga Israelita. 52 Pi-naderan din niya ang mga lunsod ng Bet-zur,Gazara at ang Kuta, at naglagay ng mga sundaloat maraming panustos sa bawat kuta. 53 Hinuliniya ang mga anak ng mga pinuno ng lupainbilang bihag at ikinulong sa Kuta ng Jerusalem.

54 Sa ikalawang buwan ng taong sandaa’tlimampu’t tatlo (159 B.C.), iniutos ni Alcimoang pagbuwag sa pader ng panloob na patyo ngtemplo. 55 Nangangahulugan itong pagwasak sagawain ng mga propeta. Sinimulan ni Alcimoang pagbuwag ngunit inatake siya sa serebralkayat napatigil ang gawain. Hindi na makapag-salita si Alcimo ni makapag-utos sa kanyangsambahayan. 56 Hindi nagtagal at namatay si-yang matindi ang paghihirap. 57 Nagbalik si Ba-kides sa hari dahil sa kamatayan ni Alcimo atnagkaroon ng kapayapaan sa lupain sa loob ngdalawang taon.

Kinilala ni Bakides ang kanyang kabiguan58 Nagkasundo naman ang mga taksil sa

isang balak: “Namumuhay ngayon nang ma-payapa at nagtitiwala si Yonatan at ang kanyangbayan. Ibalik natin si Bakides para madakipsilang lahat sa buong magdamag.” 59 Pinunta-han nila si Bakides at nahimok nila ito. 60 Luma-kad si Bakides na may kasamang malakinghukbo. Palihim silang nagpadala ng mensahe sakanyang mga kasapi sa Judea na nag-uutos nadakpin si Yonatan at ang mga tauhan nito.61 Ngunit natuklasan ang kanyang pakana at

1 MGA MACABEO 9

Page 22: MACABEO - Bible Claret

636nabigo ang kanyang balak. At dinakip ang mgalimampung pinunong lalaki ng pakanang ito atipinapatay.

62 Kayat umurong sa Bet-basi sa disyerto sinaYonatan at Simon at mga kasama nila; mulinilang itinayo ang mga guho at pinatibay iyon.63 Nabalitaan ito ni Bakides at tinipon niya anglahat ng kanyang mga sundalo at pinasabihanang kanyang mga kasapi sa Judea. 64 Sinalakayniya ang Bet-basi, kinubkob iyon nang ilangaraw at gumawa ng mga makina ng digmaan.65 Kayat iniwan ni Yonatan ang kanyang kapatidna si Simon sa lunsod at pumunta sa lalawigankasama ang ilang mga tao. 66 Nilupig niya siOdomera at ang mga kapatid nito at ang mgataga-Pasiron sa kampo niyon. 67 At nagbalik silaat sinalakay ang mga sundalong kumubkob salunsod. Lumabas naman si Simon at ang mgakasama niya sa lunsod at sinunog ang mgamakina. 68 Sinalakay nila si Bakides na nilupig atnasiraan ng loob dahil nabigo ang kanyangbalak at ekspedisyon. 69 Nagalit siya sa mgataksil sa Batas na nagpayo sa kanya na bumaliksa Judea at pinatay niya ang ilan sa mga ito, atipinasya niyang umalis na at umuwi. 70 Nabali-taan ito ni Yonatan at nagsugo siya ng mgakinatawan para gumawa ng kasunduan ng ka-payapaan at magpalitan ng mga bilanggo.

71 Tinanggap ni Bakides ang kanyang mgamungkahi. Tumupad si Bakides sa kanyangmga pangako at sumumpang di na niya itopipinsalain hanggang sa kanyang kamatayan.72 Ibinalik niya kay Yonatan ang mga bilanggongipiniit sa Judea. At umuwi siya sa sariling lupainat di na nagbalik kailanman sa lupain ng Judea.73 Kayat nagkaroon ng kapayapaan sa Israel atnanirahan si Yonatan sa Mikmas. Sinimulanniyang pamahalaan ang lupain, at nawala na saIsrael ang mga taksil sa Batas.

Digmaan nina Alejandro at Demetrio1 Sa taong sandaa’t animnapu (152B.C.), naglayag si Alejandro Epifanes na

anak ni Antioko patungong Tolemaida at sina-kop iyon. Maayos siyang tinanggap at naghariroon. 2 Nabalitaan ito ni Demetrio at nagtiponsiya ng malaking hukbo at sumalakay para

labanan ito. 3 Kasabay nito’y nagpadala siyang liham ng pakikipagkaibigan kay Yonatanat inalok ito ng malawak na teritoryo, 4 sapag-kat naisip niya: “Mauna na tayong makipag-kasundo sa kanya bago siya makipagkasundokay Alejandro laban sa atin, 5 sapagkat di paniya nalilimutan ang lahat ng pagkakasalangnagawa natin sa kanya, sa kanyang mga ka-patid at sa kanyang bansa.”

6 Kayat binigyan ni Demetrio ng kapangya-rihan si Yonatan na bumuo ng hukbo at gumawang mga armas; ginawa niya itong kakampi atipinag-utos na bigyan siya ng mga bihag nanasa Kuta ng Jerusalem. 7 Nagpunta agad siYonatan sa Jerusalem at binasa ang sulat saharap ng buong bayan at pati ng mga taga-Kuta.8 Natakot ang mga ito nang marinig nilangbinigyan ng kapangyarihan ng hari si Yonatanna bumuo ng malakas na hukbo, 9 at ibinigaynila ang mga bihag kay Yonatan para pauwiinnaman ang mga ito sa kani-kanilang pamilya.10 Nanirahan si Yonatan sa Jerusalem at nag-simulang itayong muli at buuin ang lunsod.11 Iniutos niya sa mga manggagawa na itayo angmga pader at mga tanggulan ng Bundok Sion nayari sa mga tinapyas na bato. At gayon nga angkanilang ginawa.

12 At nagsimulang tumakas ang lahat ng da-yuhang nasa mga tanggulang itinayo ni Ba-kides; 13 iniwan nila ang kani-kanilang puwestopara bumalik sa sariling lupain. 14 Sa Bet-zurlamang nanatili ang ilang taksil sa Batas at mgaalituntunin nito sapagkat tulad ito sa isang pookna kanlungan.

• 15 Ipinaalam kay Haring Alejandro ang mgapangakong ginawa ni Demetrio kay Yonatan.Iniulat din sa kanya ang tungkol sa mga pa-kikidigma at tagumpay ni Yonatan at ng mgakapatid nito, gayundin ang mga nalampasangpagsubok. 16 Kayat ipinahayag ni Alejandro:“Makakikita pa ba tayo ng isang lalaking tuladniya? Gawin natin siyang kakampi at kaibigan.”17 At pinadalhan niya ito ng sulat: 18 “Mula kayHaring Alejandro, sa aming kapatid na si Yona-tan, maligayang bati. 19 Nabalitaan naming ma-giting kang lalaki at karapat-dapat na maging

1 MGA MACABEO 9

10

• 10.15 Sa harap ni Alejandro, si Yonatan angkinatawan ng mga Judio, pero ano ang kanyang titulo?Hindi na nagkaroon pa ng hari ang mga Judio pag-katapos ng Pagkatapon, at isa pa’y hindi nila kiki-lalaning hari ang sinumang hindi inapo ni David. Mulasa panahon nina Esdras at Nehemias, ang mga pari naang namuno sa pamayanang Judio, kaya si Yonatan aykailangang maging Punong-pari, at upang siya angmaging kinatawan ng kanyang bayan, tatanggapin

niya kay Alejandro ang tungkuling ito. Naging sanhi itong isang krisis pangmoralidad para sa mga Judio dahilwalang puwedeng humirang sa kanyang sarili bilangPunong-pari, kundi ayon sa karapatan ng angkan(tingnan ang Lev 8).

Nagbunga ng paghiwalay ng mas relihiyosong mgaJudio ang paghirang na ito kay Yonatan. Marami angsumalungat sa kanya, kabilang na rito ang mga Asideo(7:13) na magiging partido ng mga Pariseo.

Page 23: MACABEO - Bible Claret

637kaibigan. 20 Kayat hinihirang ka namin na Pu-nong Pari ng iyong bansa at igagawad naminsa iyo ang titulong Kaibigan ng Hari. (Nagpa-dala rin siya rito ng isang kasuotang kulay ubeat isang koronang ginto.) Kayat inaanyayahanka naming pangalagaan ang aming kapaka-nan at panatilihin ang ating pagkakaibigan.”

21 Kayat sa ikapitong buwan ng taong san-daa’t animnapu, sa kapistahan ng mga Taber-nakulo, isinuot ni Yonatan ang mga banal nakasuotan. Nangalap din siya ng mga sundalo atgumawa ng mga armas.

22 Hindi nagustuhan ni Demetrio ang nang-yari nang mabalitaan ito kayat sinabi niya:23 “Ano ang nagawa natin at naunahan tayo niAlejandro sa pakikipagkaibigan sa mga Judio?24 Padadalhan ko rin sila ng sulat na may maga-gandang salita at pangangakuan ng karangalanat mga regalo para sa akin pumanig.” 25 Kayatsumulat siya sa mga Judio:

“Binabati ni Haring Demetrio ang bansangJudio. 26 Sinusunod ninyo ang kasunduan natinat nananatiling kaibigan namin at di kayo puma-panig sa aming mga kaaway. Alam namin iyonat natutuwa kami. 27 Kayat manatili kayongtapat at bibigyan namin kayo ng mga karapatanbilang kapalit sa ginagawa ninyo para sa kapa-kanan namin. 28 Palilibrihin ko ang mga Judio samaraming buwis at pagkakalooban sila ng mgapribilehiyo. 29 Pinalilibre ko ang lahat ng Judio sapagbabayad ng buwis, pataw sa asin at koronamula ngayon hanggang wakas. 30 Mula sa arawna ito at hanggang sa darating na panahon, di kona kukunin mula sa Judea at sa tatlong purok naisinama rito mula sa Samaria at Galilea angikatlong bahagi ng ani at kalahati sa bunga ngmga punungkahoy na karapatan kong kunin.31 Magiging Banal na Lunsod ang Jerusalem atmalaya sa buong sakop nito, at kanya angkarapatang maningil ng ikapu at mga buwis.32 Ibinibigay ko na rin ang pamamahala sa Kutang Jerusalem sa Punong Pari para siya na anghumirang ng mga tauhang magtatanggol doon.33 Palalayain ko kahit na walang pantubos angmga taga-Judeang nadakip at nadala saan-mang dako ng aking kaharian. Pinalilibre ko naang lahat sa mga buwis ng kanilang mga hayop.

34 Libre ang lahat ng mga Judio sa akingkaharian sa lahat ng araw ng pista, Araw ngPahinga, bagong buwan, mga tanging araw at satatlong banal na araw bago at pagkatapos ngpista. 35 Walang sinumang may karapatangsingilin sila o pinsalain sa anumang dahilan.36 Itinatakda ko rin na maaari silang tanggapinsa hukbo ng hari hanggang sa bilang na tatlum-pung libong Judio na tatanggap ng parehong

sahod ng iba pang sundalo ng hari. 37 Itatalagaang ilan sa kanila para tanuran ang mga tanggu-lan ng hari at bibigyan ang iba ng mga puwes-tong nangangailangan ng pagtitiwala; mula sakanila pipiliin ang kanilang mga pinuno at ma-mumuhay sila ayon sa kanilang mga batas naitinakda ng hari para sa lupain ng Judea.

38 Ituturing na bahagi ng lupaing Judio angtatlong purok ng Samaria na isinama sa Judea.Hindi sila mapapailalim sa alinmang kapang-yarihan maliban sa Punong Pari para maiwasanang anumang kaguluhan. 39 Ibinibigay ko anglunsod ng Tolemaida at ang lupain nito bilangregalo sa Banal na Lugar ng Jerusalem paramatugunan ang mga gastos sa pagsamba.40 Mula ngayo’y magbibigay ako ng labinlimanglibong pirasong pilak taun-taon para panustossa templo na kukunin naman sa kita ng kaharianmula sa mga angkop na pook. 41 Bukod dito,ipagkakaloob para sa mga gawa ng Bahay anglahat ng dapat ay ibinayad sa akin ng mgatagapamahala sa mga nagdaang taon.

42 Nagbibigay din ako bilang karagdagan nglimang libong pirasong pilak na pinapataw taun-taon mula sa mga buwis sa Banal na Lugar atibibigay iyon sa mga pari na mangangasiwa sapagsamba. 43 Palilibrihin ang sinumang mag-kakanlong sa Templo ng Jerusalem o sa alin-mang sulok nito dahil sa kanyang mga utang sakaharian o dahil sa iba pang pagkakautang at digagalawin pati ang kanyang mga ari-arian saaking kaharian.

44 Isasama sa kuwenta ng hari ang gugugulinsa pagpapatayong muli at pagbuo sa Banal naLugar, 45 gayundin ang mga gastos sa mulingpagpapatayo sa mga pader ng Jerusalem, angpagpapatibay ng tanggulan at ang pagpapatayosa mga pader sa mga lunsod ng Judea.”

46 Hindi pinaniwalaan o tinanggap ni Yonatanat ng bayan ang gayong mungkahi nang ka-nilang mabalitaan sapagkat naalaala nila anggrabeng kapinsalaang ginawa ni Demetrio saIsrael at ang masasamang pakikitungo nito sakanila. 47 Mas gusto nilang pumanig kay Alejan-dro, sapagkat ito ang unang naghandog ngkapayapaan at naging tapat silang kakampinito. 48 Tinipon ni Alejandro ang isang maka-pangyarihang hukbo at nagkampo sa tapat niDemetrio. 49 Sinimulan ng dalawang hari angdigmaan at nalupig ang hukbo ni Demetrio.50 Hinabol si Demetrio ni Alejandro hanggangmalupig ito. Tumagal hanggang takipsilim anglabanan at namatay si Demetrio nang araw dingiyon.

51 At nagpadala ng mga sugo si Alejandrokay Tolomeong hari ng Ehipto para sabihing:

1 MGA MACABEO 10

Page 24: MACABEO - Bible Claret

63852 “Narito na akong muli sa aking kaharian atnasa trono ng aking mga ninuno; naghahari naako sa buong lupain pagkalupig kay Demetrio.53 Sinalakay ko siya at tinalo kasama ang kan-yang hukbo. Nakaupo ako ngayon sa kanyangtrono. 54 Kaya maging magkaibigan na tayo.Ipagkaloob mo sa akin ang iyong anak na da-laga para maging maybahay ko at mamanu-gangin mo ako at pagkakalooban ko kayo ngmga regalong karapat-dapat sa inyo.”

55 Sumagot si Tolomeo: “Pagpalain ang arawnang bumalik ka sa lupain ng iyong mga ninunoat umakyat sa kanilang trono! 56 Gagawin kongayon ang hinihingi mo sa sulat, ngunit katag-puin mo ako sa Tolemaida. Doon tayo magkitaat tatanggapin kita bilang aking manugang nasiyang ibig mo.”

57 Umalis si Tolomeo sa Ehipto kasama angkanyang anak na si Cleopatra sa taong sandaa’tanimnapu’t dalawa at dumating sila sa Tole-maida. 58 Kinatagpo siya ni Alejandro at ipinag-kaloob niya ang kanyang anak na si Cleopatra atipinagdiwang ang marangyang kasalan tulad sanakagawian ng mga hari.

Sinamantala ni Yonatan ang pagkakawatak-watak ng kanyang mga kaaway

• 59 Sinulatan din ni Haring Alejandro siYonatan para katagpuin siya. 60 Kayat nagpuntasi Yonatan sa Tolemaida nang buong rangya atkinatagpo ang dalawang hari. At binigyan niyaang kanyang mga Kaibigan ng maraming pilakat ginto at iba pang mga regalo. 61 Nagtipun-tipon naman ang mga tao na salot ng Israel atpinagbintangan si Yonatan ngunit di iyon pi-nansin ng hari. 62 Iniutos pa ng hari na hubarin niYonatan ang kanyang damit at magsuot ngkulay ube at gayon nga ang nangyari. 63 Pinauporin siya ng hari sa tabi nito at sinabi sa mgaheneral: “Sumama kayo sa kanya sa gitna nglunsod at ipahayag na walang sinumang mag-bibintang kay Yonatan o pipinsala sa kanya saanumang dahilan.” 64 Nakita ng mga nagbibin-tang ang karangalang ipinagkaloob sa kanya,gaya ng ipinahayag, at nakasuot siya ng kulayube kayat nagsitakbo sila. 65 Malaking kara-ngalan ang ipinagkaloob ng hari kay Yonatan at

ibinilang siya sa mga unang Kaibigan at hinirangsiyang heneral at gobernador. 66 Kayat bumaliksa Jerusalem si Yonatan na nagagalak at ligtas.

67 Sa taong sandaa’t animnapu’t lima, nag-balik si Demetriong anak ni Demetrio mulasa Creta sa lupain ng kanyang mga ninuno.68 Balisang-balisa ang Haring Alejandro nangmabalitaan ito kayat bumalik siya sa Antiokia.69 Hinirang ni Demetrio si Apoloniong goberna-dor ng Celesiria bilang punong heneral niya attinipon nito ang isang malaking hukbo. Nag-kampo siya sa Jamnia at nagpadala ng sumu-sunod na mensahe kay Yonatang Punong Pari:

70 “Ikaw lamang ba ang hahadlang sa amingkapangyarihan? At tutuyain ba ako dahil la-mang sa iyo? Bakit mo nilalabanan ang amingkapangyarihan sa iyong mga bundok? 71 Lumu-song ka sa kapatagan kung may tiwala ka saiyong hukbo at doon tayo magsukatan ng lakas,sapagkat kasama ko ang hukbo ng mga lunsod.

72 Alamin mo at kilalanin kung sino akoat kung sinu-sino ang mga sumusuporta saakin. 73 At malalaman mong di mo kami ka-yang labanan, sapagkat dalawang beses nangnatalo ang iyong mga ninuno sa sarili nilanglupain. Lalong di mo mahahadlangan angmga kabayuhang sundalo o ang napakalakinghukbo sa kapatagang walang mga batongkukublihan.”

74 Naligalig si Yonatan nang mabatid angmensahe ni Apolonio. Kayat pumili siya ngsampunlibong tao at umalis sa Jerusalem. Du-mating naman ang kanyang kapatid na si Simonpara tulungan siya. 75 Nagkampo sila sa tapat ngJope pero pinagsarhan sila ng mga pintuan ngtagaroon sapagkat mayroong garison doon siApolonio. 76 Kayat kinalaban nila ang lunsod.Natakot ang mga tagaroon at binuksan nila angmga pintuan at sinakop ni Yonatan ang Jope.77 Nalaman iyon ni Apolonio at pinakilos niyaang tatlunlibong kabayuhang sundalo at angmalaking hukbo. Nagpunta siya sa Asdod atnagkunwaring babagtas dito, ngunit sa katu-nayan papunta siya sa kapatagan sapagkatmarami siyang mga kabayuhang sundalo nainaasahan. 78 Hinabol siya ni Yonatan pa-Asdodat naglaban sila. 79 Nag-iwan si Apolonio ng

1 MGA MACABEO 10

• 59. Lalong nasasangkot si Yonatan sa pulitika, athindi itinatago ng kabanatang ito ang lahat ng ka-rumihan ng pulitika na karaniwang nagaganap atginagawa. Kaya napatutunayan ang binigyang-pansinnatin hinggil kay Judas (9:1): lumipas na ang panahonng muling pagtatayo sa kaharian ng Diyos na magigingisang bansa sa piling ng mga bansa.

Misyon ng mga Kristiyano ang lumahok sa pulitikabilang pampaalsa sa masa, sa kabila ng mga tukso at

pagkakamaling lagi nilang makakaharap sa maramingtaong walang konsiyensya. Ngunit kailangang magingmaingat ang Iglesya na huwag magbalik sa dating pag-hanap ng tagumpay sa pakikipagkasundo sa mga pu-wersang may kinakampihan. Hindi dapat ipagkamaliang likas na misyon ng Iglesya sa anumang programangpulitikal. At isa pa’y hindi pinaghahati-hati ng Iglesya angmga tao bilang mabuti at masama, kakampi o kalaban,ayon sa kanilang posisyon sa pakikibaka sa lipunan.

Page 25: MACABEO - Bible Claret

639isang libong piniling kabayuhang sundalo salikuran ni Yonatan, 80 ngunit napag-alamanagad ni Yonatan ang tungkol sa pananambangsa likuran niya.

Pinaligiran ng mga kabayuhang sundalo anghukbo ni Yonatan at nagpawala sila ng mgapana mula umaga hanggang gabi. 81 Ngunithinarap sila ng mga Israelita tulad ng iniutos niYonatan hanggang sa napagod na ang mgakabayo ng kaaway. 82 Kayat pinasugod ni Simonang kanyang mga tauhan at sinalakay ang huk-bo nang nahapo na ang mga kabayuhang sun-dalo. Nalupig ang mga kaaway at nagsitakas.

83 Kumalat ang mga kabayuhang sundalo sakapatagan at nagpunta ang mga nakatakas saAsdod at pumasok sa Bahay ni Dagon na ka-nilang templo ng mga diyus-diyusan, para iligtasang kanilang buhay. 84 Pero sinunog ni Yonatanang Asdod at ang mga karatig bayan at sinam-saman niya. Sinunog din niya ang templo niDagon kasama ang lahat ng nagkukubli doon.85 Mga walong libong kawal ang napatay ng tabako natupok ng apoy. 86 At umalis si Yonatan pa-Askalon at binigyan siya ng malaking parangalng mga tagaroon. 87 Mula roo’y, nagbalik siYonatan at ang mga kasama niya sa Jerusalemdala ang kanilang mga nasamsam.

88 Nabalitaan ni Alejandro ang mga pangya-yaring ito at ginawaran niya si Yonatan ng mgabagong karangalan. 89 Pinadalhan niya ito nggintong alpiler na karaniwang ipinagkakalooblamang sa mga kamag-anak ng hari. Ipinagka-loob din niya kay Yonatan ang Ekron at lahat nglupaing sakop niyon.

1 Ngunit nagtipon si Tolomeong hari ngEhipto ng hukbong sindami ng buhangin

sa dalampasigan at ng maraming bapor dahil sabalak niyang linlangin si Alejandro para ma-agaw ang kaharian nito at idagdag sa kanyangkaharian. 2 Pagtuloy niya sa Siria na taglay angmga kataga ng pakikipagkasundo’y binuksanng mga tagalunsod ang mga pintuan para sakanya at sinalubong siya tulad sa iniutos niAlejandro sapagkat biyenan niya siya. 3 Subalitpagkapasok ni Tolomeo sa mga lunsod, kaagadsiyang nagtalaga ng mga garison doon. 4 Ipina-kita sa kanya pagdating sa Asdod ang natupokna templo ni Dagon, ang Asdod at ang mgakaratig na gumuho, ang nagkalat na mga bang-kay na pinabayaan at ang tira-tirahan ng mgasinunog ni Yonatan sa labanan na nakatambaksa dinaanan ng hari.

5 Isinalaysay nila kay Haring Tolomeo anglahat ng ginawa ni Yonatan at hinintay nilangmasamain iyon ng hari ngunit walang sinabing

anuman ito. 6 Nagtuloy si Yonatan sa Jope sagitna ng malaking karangyaan upang makipag-kita sa hari. Nagbatian ang dalawa at pinaraannila roon ang gabi. 7 Sinamahan ni Yonatan anghari kinabukasan hanggang sa Ilog Eleuterio atnagbalik siya sa Jerusalem. 8 Sinakop naman niHaring Tolomeo ang mga lunsod sa pampanginhanggang sa Seleucia sa tabing-dagat sapag-kat nakabuo na siya ng pakana laban kay HaringAlejandro. 9 Nagpadala siya ng mensahe kayDemetrio: “Pumunta ka rito agad at gumawatayo ng kasunduan. Ipagkakaloob ko sa iyo angaking anak na kasal kay Alejandro at maghaharika sa trono ng iyong mga ninuno. 10 Pinag-sisisihan ko ang pagkabigay ko sa kanya ngaking anak na babae, sapagkat tinangka niyangpatayin ako.” 11 Pinaratangan niya si Alejandrodahil sa ninais niyang agawin ang kaharian nito.12 Binawi ni Tolomeo ang kanyang anak nababae at ipinagkaloob kay Demetrio. Kayatnabunyag na nilayuan niya si Alejandro at mag-kaaway na sila. 13 Inangkin ni Tolomeo angkorona ng Asia pagpasok niya sa Antiokia.Kayat naghari siya sa dalawang kaharian: angkaharian ng Ehipto at ang kaharian ng Asia.

14 Nasa Cilicia si Alejandro nang panahongiyon at tinatangka niyang sugpuin ang isanghimagsikan. 15 Nabalitaan niya ang nangyari atnagbalik siya para kalabanin si Tolomeo.Lumabas si Tolomeo para makipaglaban ka-sama ang malakas na hukbo at nalupig siAlejandro. 16 Tumakas siya pa-Arabia paramagtago roon. 17 Pero pinugutan siya ng ulo ngArabong si Zabdiel at ipinadala iyon kay Tolo-meo. 18 Namatay si Tolomeo makalipas angtatlong araw at agad pinatay ng taumbayan ngmga kinutaang lunsod ang mga Ehipsiyongsundalo na nagtatanod doon. 19 Kayat naginghari si Demetrio sa taong sandaa’t animnapu’tpito.

20 Tinipon naman ni Yonatan nang mga arawna iyon ang hukbong Judio para salakayin angKuta sa Jerusalem na sinakop ng mga Sirio atnaghanda siya ng mga makinang pang-kubkob.21 Ngunit may ilang masasamang taong na-gagalit sa kanilang bayan ang nagpunta sa hariat sinabi na nilulusob ni Yonatan ang Kuta.22 Nagalit ang hari nang malaman iyon at nag-punta siya agad sa Tolemaida. Mula roo’y sinu-latan niya si Yonatan na itigil ang pananakop atmakipagkita sa kanya sa Tolemaida sa lalongmadaling panahon. 23 Tinanggap ni Yonatan angmensahe, ngunit iniutos niya ang pagpapatuloysa pagkubkob. Ipinasya niyang isuong na sapanganib ang kanyang sarili at nakipagkita sahari kasama ang mga matatanda at pari ng

1 MGA MACABEO 11

11

Page 26: MACABEO - Bible Claret

640Israel. 24 Nagdala sila ng ginto, pilak, maga-garang kasuotan at iba pang regalo at humarapsa hari sa Tolemaida at nakuha ang loob nito.25 Pinagbintangan sila ng ilang taksil na taga-Judea. 26 Ngunit pinakitunguhan ng hari siYonatan sa harap ng lahat ng mga Kaibigan nitotulad ng pakikitungo sa kanya ng mga naunanghari. 27 Pinagtibay niya ang puwesto ni Yonatanbilang Punong Pari kasama ang mga karapa-tang tinatamasa na nito. At ibinilang niya ito sakanyang mga pangunahing Kaibigan.

28 Hiniling ni Yonatan sa hari na huwag nangbuwisan ang Judea at ang tatlong distrito ngSamaria at nangako siya ng kapalit na tatlun-daang talento. 29 Pumayag ang hari at isinulatkay Yonatan ang tungkol doon sa mga katagangito: 30 “Ipinababatid ni Haring Demetrio kayYonatan, sa kanyang mga kapatid at sa buongbansang Judio ang kapayapaan. 31 Pinadadal-han namin kayo ng kopya ng sulat na ipinadalanamin sa aming kamag-anak na si Lastenespara malaman ninyo: 32 Bumabati si HaringDemetrio sa kamag-anak na si Lastenes. Dahilsa kanilang katapatan sa atin, ipinasya namingmaghandog sa bansang Judio, na mga kaibigannatin at nakikitungo nang mabuti sa atin. 33 Hi-nahangad naming gantimpalaan ang kanilangkatapatan. 34 Pinagtitibay namin ang pag-aarinila sa lupain ng Judea at ng tatlo pang rehiyonng Aferema, Lidda at Ramatayim na idinagdagsa Judea galing sa Samaria kasama ang lahatng sakop ng mga iyon. At sa lahat ng magpu-punta sa Jerusalem para mag-handog, ililibrenamin sila sa buwis na dating tinatanggap taun-taon ng hari galing sa kanila, sa ani ng lupa atsa mga prutas.

35 Malilibre rin sila sa iba pang buwis nakailangang ibayad sa amin laluna sa mga buwissa mina ng asin at ng mga koronang gintongdating inihahandog sa amin. 36 Hindi pawa-walang-bisa ang alinman sa mga karapatangito. 37 Gumawa ka ng kopya ng kautusang ito atipadala kay Yonatan para ipaskel sa Banal naBundok sa isang dakong madaling makita.”

38 Nagawa ni Haring Demetrio na ipailalim sakanyang pamamahala ang kaharian at walangsinumang nagtangkang kalabanin siya kayatbinuwag niya ang kanyang hukbo, pinauwi anglahat ng sundalo sa kani-kanilang pamilya ma-liban sa mga sundalong banyaga na kinalap niyagaling sa mga pulo ng mga pagano. At ikinagalitito ng lahat ng sundalong naglingkod sa kanyangmga ninuno. 39 At sinamantala ni Tripon na isa samga dating taga-sunod ni Alejandro ang pag-kagalit ng hukbo kay Demetrio. Pinuntahan niyasi Imalcueng Arabe na namamahala sa pag-

aaral ni Antiokong anak ni Alejandro. 40 Hinimoksiya ni Tripong ibigay dito ang bata para maibaliksa trono ng kanyang amang si Antioko. Ibinalitaniya ang lahat ng pasya ni Demetrio at angpagkainis dito ng mga kawal. At nanatili siyaroon nang matagal na panahon.

41 Hiningi naman ni Yonatan kay HaringDemetrio na alisin ang mga taong nasa Kuta ngJerusalem at pabalikin ang lahat ng garison samga tanggulan sapagkat lagi nilang kinakala-ban ang Israel. 42 Sumagot si Demetrio: “Hindilang ito ang gagawin ko para sa iyo at sa iyongbayan, kundi pararangalan pa kita at ang iyongbayan sa unang pagkakataon. 43 Makabubutingpadalhan mo ako ngayon ng mga sundalo sa-pagkat nilayasan ako ng aking hukbo.”

44 Nagpadala si Yonatan ng tatlunlibong ma-tatapang na sundalo sa Antiokia; humarap angmga sundalo sa hari at naligayahan siya. 45 Nag-tipun-tipon ang mga isandaa’t dalawampunglibong rebeldeng taumbayan sa kalagitnaan nglunsod sa paghahangad na patayin ang hari 46 atnagtago si Demetrio sa palasyo habang ino-kupa ng mga taumbayan ang mga kalsada nglunsod at nagsimula silang sumalakay. 47 Kayattinawagan ng hari ang mga Judio para tulungansiya at nagtipun-tipon sila kasama niya. Ku-malat sila sa lunsod at pinatay ang sandaanglibong tao nang araw na iyon. 48 Sinunog nila anglunsod, kinamkam ang mga ari-arian at iniligtasang hari. 49 Nang makita ng mga tao na nasakopng mga Judio ang lunsod, nasiraan sila ng loobat nagmakaawa sila sa hari: 50 “Patawarin ninyokami at patigilin ang mga Judio sa pamiminsalasa amin at sa lunsod.”

51 Ibinaba ng mga ito ang kanilang mgaarmas at nakipagkasundo. Kayat hinangaan nghari ang mga Judio at naging tanyag sila sabuong kaharian. At nagbalik sila sa Jerusalemdala ang mga nakamkam. 52 Ngunit nang ligtasna si Demetrio sa kanyang trono at payapa naang lupain, 53 nalimutan niya ang kanyang mgapangako at nagbago ang kanyang pagtingin kayYonatan. Wala nang ipinagkaloob sa kanyapagkatapos ng mga kabutihang ipinakita niyakundi nagsimula siyang magmatigas dito.

54 At nagbalik pagkatapos nito si Tripon nakasama si Antioko na paslit pa lamang. Ipina-hayag siyang hari at pinutungan ng korona.55 Pumanig sa kanya ang mga sundalong pina-layas ni Demetrio. Kinalaban nila si Demetrio attumakas ito. 56 Inagaw ni Tripon ang mga ele-pante at sinakop ang Antiokia.

57 At nagpadala ng sulat kay Yonatan angbatang si Antioko na nagsasabing: “Pinagtitibayko ang puwesto mo bilang Punong Pari at

1 MGA MACABEO 11

Page 27: MACABEO - Bible Claret

641gobernador ng apat na distrito, at ibinibilang kitasa mga Kaibigan ng Hari.” 58 Nagpadala siya nghuwego ng gintong pinggan at pinagkaloobanng karapatang uminom sa mga gintong kopa atmagsuot ng kulay ube at gumamit ng gintongalpiler. 59 Hinirang din niya ang kapatid ni Yona-tang si Simon bilang heneral mula sa Hagdan ngTiro hanggang sa mga gilid ng Ehipto.

60 At nilibot ni Yonatan ang rehiyon at mgalunsod sa dakong kanluran ng Eufrates. Duma-ting ang buong hukbong Sirio para tulungansiya. Nagpunta siya sa Askalon at sinalubongsiya at pinarangalan ng mga tagaroon. 61 Mularoo’y nagtuloy siya sa Gaza pero pinagsarhansiya ng mga pintuan ng mga tagaroon. Kayatnilusob niya iyon at sinunog ang mga karatig nglunsod at kinamkam ang lahat. 62 At humingi ngkapayapaan ang mga taga-Gaza at nakipag-kasundo naman siya. Pero kinuha niya ang mgaanak na lalaki ng mga matatanda bilang bihag atipinadala sa Jerusalem. At dumaan siya saprobinsya hanggang makarating sa Damasco.63 Tumanggap naman ng balita si Yonatan nanasa Kades ng Galilea ang mga heneral niDemetrio kasama ang malaking hukbo at bina-balak na bihagin siya. Iniwan niya ang kanyangkapatid na si Simon sa Judea 64 at nakipag-digma siya. 65 Sinalakay ni Simon ang Bet-zur atkinubkob iyon nang ilang araw. 66 Humingi ngkapayapaan ang mga tagaroon at ipinagkaloobnaman niya ito. Pero pinalayas niya ang mgaiyon sa lunsod, sinakop ang lunsod at naglagaysiya ng garison doon.

67 Nagkampo naman si Yonatan at ang kan-yang hukbo sa pampang ng Genesaret; at ma-agang-maaga kinabukasan, nagpunta sila sakapatagan ng Hazor. 68 Sinalubong sila nghukbo ng mga pagano sa kapatagan mataposnilang maihanda ang pananambang sa kabun-dukan sa likuran niya. 69 Sa paglabas at pag-salakay ng mga nananambang, 70 tumakas angmga taong nasa gilid ni Yonatan at walangnaiwan maliban kina Matatias na anak ni Absa-lom at Judas na anak ni Kalfi, ang mga pinunong kanyang hukbo. 71 At winarak ni Yonatan angkanyang kasuotan, binudburan ng alikabok angkanyang ulo at nanalangin. 72 At hinarap niyaang mga sumasalakay, nilupig at tumakbo angmga iyon.

73 Kayat nagsibalik ang mga nagpabaya sakanya at magkakasamang tinugis nila ang mgakaaway hanggang sa Kades na kinaroroonan ngkampo ng mga kaaway at doon din sila nagtayong kampo. 74 Mga tatlunlibong pagano ang na-patay nang araw na iyon. At nagbalik sa Jerusa-lem si Yonatan.

Muling nakipag-alyansa si Yonatan sa mgaRomano at mga Espartano

1 Nakita ni Yonatan na nakabuti sa kanyaang mga pangyayari. Kayat pumili siya

ng ilang mga tauhang ipinadala sa Roma parapagtibayin at baguhin ang kasunduan ng pa-kikipagkaibigan sa mga Romano. 2 Nagpadalarin siya ng mga sulat sa mga Espartano at sa ibapang pook para sa gayunding layunin. 3 Puma-sok sa Senado ang mga nagpunta sa Roma atnagsabi: “Sinugo kami ng Punong Paring siYonatan at ng bansang Judio para buhayin angaming pakikipagkaibigan sa inyo at ang tipangnagbuklod sa atin.” 4 Binigyan sila ng Senado ngmga sulat ng rekomendasyon sa mga maka-pangyarihan ng bawat rehiyon para makapag-lakbay silang ligtas pabalik sa lupain ng Judea.

5 Ito ang kopya ng sulat na isinulat ni Yonatansa mga Espartano: 6 “Mula kay Yonatang Pu-nong Pari, ang Senado ng bansa, ang mga pariat ang buong bansa ng mga Judio, sa mgamamamayan ng Esparta at sa kanilang mgakapatid: maligayang bati. 7 Nakatanggap noonang aming Punong Paring si Onias mula sainyong haring si Ario ng isang liham na nagsa-sabing mga kapatid nga namin kayo, ayon sanapatunayan sa mga kalakip na patotoo. 8 Sina-lubong at pinarangalan ni Onias ang sugo attinanggap ang sulat na maliwanag na tumata-lakay sa pakikipagkaibigan at pakikiisa.

9 Bagamat hindi kami nangangailangan sa-pagkat nasa aming Banal na Aklat ang amingkaaliwan, 10 ipinasya naming magsugo sa inyong aming mga kinatawan para buhaying muliang ating kapatiran at pakikipagkaibigan atnang di kami maging mga banyaga sa inyosapagkat matagal na ring di kayo sumusulat saamin.

11 Lagi namin kayong ginugunita sa lahat ngpagkakataon, sa mga tanging araw, sa mgasinunog na handog na aming alay, gayundin saaming mga panalangin; sapagkat tama lamangat angkop na alalahanin ang mga kapa-tid. 12 Lubos naming ikinagagalak ang inyongkatanyagan. 13 Dumaan din naman sa mara-ming pagsubok, paghihirap at pakikidigma sa-pagkat sinalakay kami ng mga karatig na hari.14 Subalit di namin hinangad na maging pabigatsa inyo o sa iba pa naming mga kakampi atkaibigan sa mga pakikidigmang ito, 15 sapagkatLangit ang tumutulong sa amin. Sa wakas, na-kalaya rin kami sa aming mga kaaway na na-ging kahiya-hiya.

16 Kayat pinili namin si Neumeniong anak niAntioko at si Antipater na anak ni Yason atsinugo sila sa mga Romano para buhayin ang

1 MGA MACABEO 12

12

Page 28: MACABEO - Bible Claret

642dati naming pakikipagkaibigan at pakikiisa sakanila. 17 Iniutos din namin sa kanila na pun-tahan kayo, batiin at ibigay ang sulat na itogaling sa amin, para buhayin ang ating pagka-kaisa. 18 Ikagagalak naming tumanggap ngkasiya-siyang sagot.”

19 Ito ang kopya ng sulat na tinanggap na datini Onias: 20 “Mula kay Ariong hari ng mgaEspartano kay Onias na Punong Pari. 21 Natuk-lasan namin sa isa sa aming mga kasulatan namagkapatid ang mga Espartano at mga Judiosapagkat kapwa sila lahi ni Abraham. 22 Ngayongalam na namin ito, magpapasalamat kami kungmagbabalita kayo sa amin ng inyong katayuan.23 At sinasabi namin ito sa inyo: inyo ang amingmga hayop at mga ari-arian, at sa gayundingparaan, amin ang inyo. Ito ang itinagubilin naminsa aming mga sugo na sabihin sa inyo.”

24 Nalaman ni Yonatan na dumating na angmga heneral ni Demetrio, kasama ang masmalaking hukbo kaysa dati para salakayin siya.25 Kayat kaagad siyang umalis pa-Jerusalem athinarap niya ang mga iyon sa bayan ng Amatitispara hindi sila magkaroon ng pagkakataongsalakayin ang kanyang lupain. 26 Nagsugo siyang mga espiya sa kampo ng mga ito. Nagbalikang mga ito at sinabing naghahandang suma-lakay ang kaaway kinagabihan.

27 Kayat sa paglubog ng araw, iniutos niYonatan sa kanyang mga tao na magbantay sabuong magdamag na hawak ang mga sandataat maging handa sa pakikipaglaban. At nag-talaga siya ng mga tanod sa paligid ng kampo.28 Nalaman ng mga kaaway na nagbabantay siYonatan at ang mga kasama nito at handangmakipaglaban kayat natakot sila at nasiraan ngloob. Dahil dito’y nagsindi sila ng mga apoy sakanilang kampo at tumakas. 29 Ngunit di nala-man ni Yonatan o ng kanyang hukbo ang pag-takas ng mga ito kundi noong umaga na lamangsapagkat nakita nilang may mga apoy sa buong

magdamag. 30 Hinabol ni Yonatan ang mga itopero di na inabot sapagkat nakatawid na sila saIlog Eleuterio.

31 Kayat binalikan ni Yonatan ang mga Arabena tinatawag na mga Sabadeom at nilupig angmga ito at pinagnakawan. 32 Inalis niya angkampo at nagpunta siya sa Damasco at nilibotang buong rehiyon. 33 Lumakad naman si Simonat nakarating hanggang sa Askalon at sa mgakaratig na kuta. At nagtuloy siya sa Jope atsinakop iyon, 34 sapagkat nabalitaan niyangbinabalak ng mga tagaroon na ihulog ang Kutasa mga kasapi ni Demetrio. At naglagay siyaroon ng garison para tanuran iyon.

35 Pagbalik ni Yonatan, ipinatawag niya angmga matatanda ng bayan. Ipinasya nilang mag-tayo ng mga tanggulan sa Judea, 36 pataasin angmga pader ng Jerusalem at magtayo ng mataasna harang sa pagitan ng kuta at ng lunsod paraibukod iyon sa lunsod at mapigilan ang mgatagapagtanggol niyon na lumabas para mamilio magtinda. 37 At nagpulong din sila paraitayong muli ang lunsod. Isang bahagi ng padersa itaas ng ilog ang bumagsak at nagtayo sila ngbagong pader na tinawag nilang Kapanata.38 Itinayong muli ni Simon ang Adida sa Sefela,kinutaan iyon at nilagyan ng mga pintuang mayharang.

39 Hinangad ni Tripong maghari sa Asia atpatalsikin si Haring Antioko para siya na angmaging hari. 40 Ngunit nangangamba siyangbaka hindi siya pahintulutan ni Yonatan, at sahalip salakayin pa siya. Kayat naghanap siya ngparaan upang mabihag niya ito at mapatay.Lumakad siya at dumating sa Betsan. 41 Agadlumabas si Yonatan at sinalubong siya sa Betsankasama ang apatnapung libong kawal.

Nabihag si Yonatan• 42 Nakita ni Tripon na dumating si

1 MGA MACABEO 12

• 12.42 Pagkamatay ni Judas at ng dalawa niyangkapatid, si Yonatan naman ang mamamatay sadigmaan para sa kalayaan. Hahalili sa kanya si Simonna nag-iisa na lamang sa mga magkakapatid.

Ipinagpapatuloy ng libro ang salaysay ng gobyernoni Simon at ang kanyang mga gawa hanggang sapatayin siya sa taong 134 bago kay Kristo.

Magtatagumpay si Simon sa kanyang mga pakiki-pagdigma. Alam niya kung paano gamitin para sasariling kapakinabangan ang kompitensya ng mara-ming hari na pinaglalabanan ang trono ng kaharian ngPersia. Ang kanyang mga tagumpay at ang kapaya-paang nakamit niya ang magpapalamig sa sigasig parasa pananampalataya na siyang naging simula ng dig-maan para sa kalayaan. Si Simong tagapagpalaya aymagiging Simong diktador sa katapusan ng isang

prosesong napakadalas maulit sa kasaysayan. Ting-nan hinggil dito: 14:41-47; 15:23.

Pagkaraan ng sandantaon at kalahati, sa pagdatingni Jesus, ang mga inapo na ni Simon ang magigingmga punong pari. Ang mga ito ang pinakamateryalis-tang grupo sa mga Judio (ang partido ng mga Sadu-ceo). Isa sa kanila si Caifas na naghatol ng kamatayankay Jesus.

Bigyang-pansin ang pahapyaw na nabanggit sa13:41-42 at sa 15:3. Pagkaraan ng apat na dantaonng kawalang-kalayaan, ang mga Judio ay magigingisang bansa uli.

Ipinaliliwanag ng bago at masayang karanasang itokung bakit pagkatapos ng sandaan taon at kalahati sapanahon ni Jesus, hindi nila matagalan ang dominas-yon ng imperyong Romano.

Page 29: MACABEO - Bible Claret

643

Yonatan na kasama ang malaking hukboat natakot siyang salakayin ito. 43 Kayattinanggap niya at pinarangalan si Yona-tan, iniharap sa lahat ng kanyang mgaKaibigan, binigyan ng mga regalo at inu-tusan ang kanyang mga Kaibigan athukbo na sundin si Yonatan na parangsiya na rin ito. 44 At tinanong niya si Yo-natan: “Bakit ka pa nag-abalang pumaritona kasama ang ganyan karaming tauhan?Magkaaway ba tayo? 45 Pauwiin mo na silasa kanilang mga tahanan at magtira kana lang ng ilan. At sumama ka sa akinsa lunsod ng Tolemaida sapagkat gustokong ipagkaloob iyon sa iyo, gayundinang iba pang tanggulan, ang mga garisonat mga opisyal. Uuwi na ako sapagkat itolamang ang ipinarito ko.”

46 Naniwala si Yonatan kay Tripon atginawa niya ang sinabi nito. Pinauwi niyaang kanyang mga sundalo at nagsibaliksila sa lupain ng Judea. 47 Tatlunlibongkawal ang naiwan sa kanya. Iniwan panito ang dalawang libo sa Galilea at san-libo na lamang ang kasama niya. 48 Ngunitpagkapasok nila sa Tolemaida, ipininid ngmga tagaroon ang mga pintuan. Binihagsiya at pinatay ang lahat ng kasama niya.

49 Nagpadala si Tripon ng lakad nakawal at kabayuhan sa Galilea at sa Mala-king Kapatagan para lipulin ang lahat ngmga kakampi ni Yonatan. 50 Nabalitaan ngmga ito na binihag at pinatay si Yonatan atmga kasama nito; pinalakas ng isa’t isaang kanilang loob at hinarap ang mgahumahabol sa kanila. 51 Nakita ng mgakaaway na handa silang lumaban, kayatnagsiurong ang mga iyon. 52 Sa gayon,ligtas silang nakarating sa Judea. Iniya-kan nila si Yonatan at ang mga kasamanito at natakot sila; at nanangis ang buongIsrael. 53 Binalak ng mga karatig-bansa nalipulin sila nang malamang wala na silangpinuno o kaibigan; at sinabi ng mga pa-gano: “Ito na ang pagkakataon para bura-hin ang kanilang alaala.”

Humalili si Simon kay Yonatan1 Nabalitaan ni Simon na tinipon ni Triponang malaking hukbo para salakayin ang

Judea at wasakin iyon. 2 Nagpunta siya saJerusalem sapagkat nabalisa at natakot angbayan. 3 Tinipon niya ang bayan at pinalakasang loob sa talumpating ito:

4 “Alam na ninyong lahat kung ano angginawa ko, ng aking mga kapatid at ng sam-bahayan ng aking ama para sa mga batas at saBanal na Lugar, at ang mga digmaan at pag-hihirap na tiniis namin. Alang-alang dito at parana rin sa Israel namatay ang lahat ng aking mgakapatid at naiwan akong nag-iisa. 5 Hinding-hindi ko hahanapin ang aking sariling kaligtasankapag lumulubha na ang mga pangyayari!Sapagkat di ako higit na mahalaga kaysa akingmga kapatid. 6 Ngayong nagkakaisa na anglahat ng bansa sa kanilang poot laban sa atinpara lipulin tayo, ipagtatanggol ko ang akingbansa at ang Banal na Lugar, ang inyong mgamaybahay at mga anak.”

7 Lumakas ang loob ng lahat dahil sa mgasalitang ito 8 at isinigaw nila: “Ikaw na ang ma-ging pinuno namin bilang kahalili ni Judas at ngkapatid mong si Yonatan. 9 Mamuno ka sa aminsa digmaan at susundin namin ang iyong mgautos.”

10 Kayat tinipon ni Simon ang mga lalaki namaaaring makipaglaban at minadaling tapusinang mga pader ng Jerusalem na nakukutaan salahat ng panig. 11 At pinapunta niya sa Jope siYonatang anak ni Absalom kasama ang ma-lakas na hukbo. Itinaboy nila ang mga tagaroonat nanatili sila roon.

12 Nilisan naman ni Tripon ang Tolemaidakasama ang malaking hukbo para salakayinang Judea. Isinama niya si Yonatan bilangbihag. 13 Nagkampo si Simon sa Adida paharapsa kapatagan. 14 Ngunit nalaman ni Tripon na siSimon na ang namumuno bilang kahalili ngkapatid nitong si Yonatan at nakahandanglabanan siya kayat nagsugo siya ng ilang kina-tawan dala ang mensaheng ito: 15 “Pinipigilnamin ang iyong kapatid na si Yonatan dahil saperang utang niya sa kabang-yaman ng palasyodahil sa mga puwestong hinawakan niya. 16 Ka-yat ipadala mo ang sandaang talento ng pilak atdalawa sa kanyang mga anak na lalaki bilangpanagot para hindi siya tumakas kapag pina-laya namin at bumalik para labanan kami. Atsaka namin siya palalayain.”

17 Alam ni Simon na nililinlang siya ni Triponngunit ipinadala pa rin niya ang salapi at angmga batang lalaki para huwag siyang mapin-

1 MGA MACABEO 13

13

Page 30: MACABEO - Bible Claret

644tasan ng bayang magsasabi: 18 “Pinatay si Yona-tan sapagkat tumanggi si Simon na ipadala kayTripon ang pera at ang mga batang lalaki.”19 Kayat ipinadala niya ang mga batang lalaki atang sandaang talento. Ngunit sumira si Triponsa usapan at di rin niya pinalaya si Yonatan.

20 At sumalakay si Tripon para sakupin angJudea at samsaman iyon. Lumiko siya sa daangpa-Adora, ngunit hinarap siya ni Simon at nghukbo nito saanman siya magpunta. 21 At nag-padala kay Tripon ng mga sugo ang mga taga-Kuta at hinimok siyang dumaan sa disyerto paradalhan ng pagkain ang mga ito. 22 Inihanda niTripon ang kanyang buong hukbong kabayuhanpara lumakad, ngunit matindi ang ulan ngniyebe nang gabing iyon kayat di siya naka-lakad. Nagpunta na lamang siya sa Galaad 23 atnang malapit na siya sa Bascuna, pinatay niyasi Yonatan at inilibing doon. 24 At nagbalik siTripon sa sariling lupain. 25 Ipinahanap ni Simonang bangkay ng kapatid niyang si Yonatan, atinilibing iyon sa Modin, ang lunsod ng kanilangmga ninuno. 26 Nagluksa ang buong Israel attinangisan si Yonatan nang maraming araw.

27 Nagtayo ng mataas na bantayog si Simonsa ibabaw ng nitso ng kanyang mga ninuno atmga kapatid. Kita ito kahit sa malayo dahil samarmol ang likod at harap nito. 28 Nagtayo siyang pitong piramide na magkakaharap para sakanyang ama’t ina at apat na kapatid na lalaki.29 Pinaligiran niya ang mga piramide ng mata-taas na haligi at inukitan ng mga sandata, bilangwalang hanggang alaala; at sa tabi ng sandata’ymga inukit na bapor na maaaring makita nglahat ng naglalayag sa dagat. 30 Ito ang libinganna ipinatayo niya sa Modin at naroon pa rin itohanggang ngayon.

31 Nagtaksil si Tripon sa batang Haring Antio-ko, at pinatay ito. 32 Hinalinhan niya ito atipinutong sa ulo ang korona ng Asia at gumawang malaking kaguluhan sa lupain.

33 Muling itinayo ni Simon ang mga tanggulanng Judea, pinaligiran iyon ng matataas na toreat matitibay na pader na may pintuang mayharang at nag-imbak ng pagkain doon.

34 Pumili ng mga tauhan si Simon na ipina-dala niya kay Haring Demetrio sa hangad namailibre sa buwis ang lupain dahil sa puro pa-ngangamkam ang ginagawa ni Tripon. 35 Pina-unlakan ni Haring Demetrio ang kanyang kahi-lingan at sinulatan siya ng sumusunod:

36 “Binabati ni Haring Demetrio si SimongPunong Pari at Kaibigan ng Hari, ang mga ma-tatanda at ang bansang Judio. 37 Tinanggapnamin ang mga koronang ginto at ang palma naipinadala mo sa amin at nakahanda kaming

makipagkasundo sa inyo nang pangmatagalan,at sumulat sa mga pinuno para huwag na ka-yong singilin sa inyong mga utang. 38 May bisana lahat ang aming mga konsesyon para sainyong kapakanan at sa inyo na ang mga kutangitinayo ninyo.

39 Bukod dito, pinatatawad na namin anglahat ng pagkakamali at pagkakasalang na-gawa ninyo hanggang sa araw na ito gayundinang utang na buwis sa korona. Hindi na sisingilinang iba pang buwis na dating sinisingil sa Jeru-salem. 40 Matatala ang sinumang may kaka-yahan sa inyong mga tauhan para maglingkodsa amin. At maghari nawa sa atin ang kapaya-paan.”

41 Kayat lumaya sa pamatok ng mga paganoang Israel nang taong sandaa’t pitumpu (142B.C.). 42 Sinimulan nilang isulat sa kanilang mgadokumento at kontrata: “Sa unang taon niSimon na Punong Pari, heneral at pinuno ng mgaJudio.”

43 Nagkampo naman si Simon noong mgapanahong iyon laban sa Gaza at pinaligiran iyonng kanyang hukbo. Nagtayo siya ng naililipat natore, dinala sa lunsod, sinalakay at sinakop angisang tore. 44 At pumasok sa lunsod ang mganasa naililipat na tore at lumikha ng matindingpagkatakot.

45 Umakyat sa mga pader ang mga tagaroonkasama ang kanilang mga maybahay at anak,winarak ang kanilang kasuotan at malakas naumiyak kay Simon at humingi ng kapayapaan.Sinabi nila kay Simon: 46 “Huwag mong gawin saamin ang ayon sa aming kasamaan kundi ayonsa iyong awa.” 47 Nakipagkasundo si Simon sakanila at di na nakipaglaban. Ngunit pinalayassila sa lunsod at nilinis ang mga bahay napinagtaguan ng mga diyus-diyusan. At puma-sok siya sa lunsod habang umaawit ng mga awitng pasasalamat.

48 Pinatira niya rito ang mga taong sumu-sunod sa Batas pagkatapos linisin ang lunsod samga karumihan nito. Kinutaan niya ito at nag-tayo siya rito ng bahay para sa kanyang sarili.

49 Hindi na makalabas o makapunta sa lupa-ing Judio ang mga taga-Kuta sa Jerusalem paramamili o magtinda. Kayat kinulang sila sa pag-kain at marami ang namatay sa gutom. 50 Humi-ngi sila ng kapayapaan kay Simon at ipinag-kaloob naman niya ito sa kanila. Ngunit pina-layas sila nito mula roon at nilinis ang Kuta atpinalis ang lahat ng nagpapagunita ng pagtirang mga pagano. 51 Pumasok doon ang mgaJudio sa ikadalawampu’t tatlong araw ngikalawang buwan ng taong sandaa’t pitumpu’tisa samantalang umaawit at may dalang mga

1 MGA MACABEO 13

Page 31: MACABEO - Bible Claret

645sanga ng palma, sa saliw ng gitara, pompiyangat alpa; at may mga awit at imno sapagkat isangmalaking salot ang naalis sa Israel. 52 Itinakda niSimon na ipagdiwang taun-taon ang araw na ito.Pinakutaan niya ang burol ng Santuwaryo satabi ng Kuta at nanirahan siya doon, kasamaang kanyang mga tauhan.

53 Binata na si Juang anak ni Simon kayathinirang siya ng kanyang ama na heneral namamumuno sa lahat ng kawal at nanirahan siJuan sa Gazara.

Matagumpay na pinamahalaan ni Simonang Judea

1 Tinipon ni Haring Demetrio ang kanyanghukbo nang taong sandaa’t pitumpu’t

dalawa. Umusad sila pa-Media para humingi ngtulong para labanan si Tripon. 2 Nabalitaan niArasaces na hari ng Persia at Media na pumasoksi Demetrio sa lupain niya kayat inatasan niyaang isa sa kanyang mga heneral na dakpingbuhay si Demetrio. 3 Lumusob ang heneral atnilupig ang hukbo ni Demetrio, dinakip at ini-harap ito kay Arasaces saka ibinilanggo.

4 Nagkaroon ng kapayapaan sa Judea ha-bang nabubuhay si Simon. Gumawa siya parasa ikabubuti ng kanyang lupain; naging kasiya-siya sa kanyang bayan ang kanyang paghahariat kaluwalhatian. 5 Sinakop niya ang Jope paramadagdagan ang kanyang luwalhati at ginawaiyong pantalan para makipag-ugnayan sa mgapulo sa karagatan. 6 Dinagdagan niya ang hang-ganan ng kanyang lupain at naghari sa kanyangbansa. 7 Pinalaya niya ang maraming bihag,nilupig ang Gazara, Bet-zur at ang Kuta at inalisang lahat ng paganong bagay na naroon. Wa-lang sinumang nakalaban sa kanya.

8 Payapang binungkal ang kanilang bukirin;ibinigay ng lupa ang kanyang mga butil at ngmga puno ang kanilang mga prutas. 9 Tahimikna nakaupo sa plasa ang mga matatanda atpinag-uusapan ang kanilang kabutihan at na-kasuot naman ang mga binata ng magagarangdamit na pandigma. 10 Pinadalhan niya ng pag-kain ang mga lunsod at pinatanuran ang mgaiyon hanggang kumalat ang kanyang katan-yagan sa mga dulo ng daigdig. 11 Naitatag niyaang kapayapaan sa lupain at nakamtan ng Israelang malaking kaligayahan. 12 Nakaupo angbawat isa sa lilim ng kanyang ubasan at puno ngigos at walang sinumang nakagambala sakanila. 13 Walang kaaway sa lupain sapagkatnagapi na ang mga hari. 14 Sumandal sa kanyaang mga aba sa kanyang bayan, sinunod niyaang Batas at itinaboy ang mga taksil at ma-sasama. 15 Ibinalik niya ang karangyaan ng Ba-

nal na Lugar at dinagdagan ang bilang ng mgabanal na sisidlan.

16 Umabot sa Roma at Esparta ang balitatungkol sa kamatayan ni Yonatan at nagluksarin ang mga tagaroon. 17 Ngunit nang mabali-taan nilang ang kapatid nitong si Simon anghumalili bilang Punong Pari at namumuno sabansa at sa mga lunsod niyon, 18 sumulat silakay Simon sa mga tansong lapida para buha-ying muli ang pakikiisa at pakikipagkaibigannila sa mga kapatid nitong sina Judas at Yona-tan.

19 Binasa sa Jerusalem ang sulat sa harap ngbuong kapulungan. 20 Ito ang kopya ng liham naipinadala ng mga Espartano:

“Binabati ng mga pinuno at ng bayan ngEsparta si Simong Punong Pari, ang mga mata-tanda at mga pari, ang buong bayang Judio namga kapatid nila. 21 Pinatalastasan kami ng mgasugong ipinadala ninyo sa aming bayan ng mgatagumpay at kasaganaan ng inyong bansa. Iki-nagagalak namin ang kanilang pagdating.22 Itinala namin ang kanilang pahayag sa katiti-kan ng kapulungan, tulad ng sumusunod: ‘Na-parito sina Neumeniong anak ni Antioko at siAntipater na anak ni Yason – mga sugo ng Judio– para buhayin ang pakikipagkaibigan sa amin.23 Isang kasiyahan para sa bayan ang tanggapinsila at parangalan at ingatan ang isang kopya ngkanilang pahayag sa tipunan ng mga opisyal nakasulatan para maging alaala sa bayan ng Es-parta.’ At gumawa sila ng kopya nito para saPunong Paring si Simon.”

24 Pinapunta rin ni Simon pagkatapos nito siNeumenio sa Roma dala ang malaking gintongkalasag na tumitimbang ng sanlibong mina parapagtibayin ang kanilang pakikiisa sa mga Ro-mano.

25 Nabatid ng bayan ang mga pangyayaringito at sinabi nila: “Paano namin mapasasalama-tan si Simon at ang kanyang mga anak? 26 Siyaat ang kanyang mga kapatid at ang samba-hayan ng kanilang ama ang nagpasigla sa atingpakikipaglaban; nakipaglaban sila sa mga ka-away ng Israel at napanumbalik nila ang ka-layaan.” 27 Kayat umukit sila sa mga tansonglapida at ikinabit ang mga iyon sa mga haligi saBundok Sion. Ito ang kopya ng nakasulat:

28 “Sa ikalabingwalo ng buwan ng Elul sataong sandaa’t pitumpu’t dalawa na ikatlongtaon ni Simong Punong Pari, 28 sa malakingkapulungan ng mga pari ng Israel, mga pinunong bansa at matatanda ng baya’y nagpapa-hayag:

29 ‘Nang nagaganap ang malimit na digmaansa aming lupain, si Simong anak ni Matatias,

1 MGA MACABEO 14

14

Page 32: MACABEO - Bible Claret

646isang pari mula sa angkan ni Yoarib, at angkanyang mga kapatid ay isinuong sa panganibang kanilang buhay at nilabanan ang mga ka-away ng kanilang bansa para mapangalagaanang Banal na Lugar at ang Batas at nagdala ngdakilang luwalhati sa kanilang bansa. 30 Pinag-buklod ni Yonatan ang bansa, at naging PunongPari siya at nakipag-isa siya pagkatapos sakanyang mga ninuno. 31 Nang balakin ng mgakaaway na pasukin ang kanilang lupain parasakupin ang kanilang Banal na Lugar, 32 bu-mangon si Simon para ipaglaban ang kanyangbansa. Ginugol niya ang kanyang sariling ka-yamanan para makabili ng mga armas at ma-suwelduhan ang mga sundalo ng kanyangbansa.

33 Kinutaan niya ang mga lunsod ng Judea atBet-zur sa hangganan ng Judea na kinalalagyanng taguan ng mga armas ng kaaway at naglagaydoon ng garisong Judio. 34 Kinutaan din niya angJope sa tabindagat at ang Gazara sa mga hang-ganan ng Asdod na dating tinitirhan ng mgakaaway, at nagtatag doon ng mga kolonyangJudio at pinagkalooban ang mga lunsod na itong mga kailangan nila. 35 Nakita ng bayan angkatapatan ni Simon at ang luwalhating ipina-ngako sa kanyang bansa. Hinirang nila si Simonbilang kanilang pinuno at Punong Pari dahil sakanyang mga gawa, dahil sa katarungan atkatapatang ipinakita niya sa kanyang bansa atdahil sa hangarin niyang itaas ang kanyangbayan sa lahat ng paraan.

36 Napaalis sa lupain ang mga pagano nangkapanahunan niya laluna sa Jerusalem na lun-sod ni David, na pinagtayuan nila ng isang kutaat doon nilapastangan ang kapaligiran ng Banalna Lugar at dinungisan ang kabanalan niyon.37 Doon niya pinatira ang mgasundalong Judioat kinutaan iyon para sa kaligtasan ng rehiyon atng lunsod at tinaasan ang mga pader ng Jerusa-lem. 38 Pinagtibay ni Haring Demetrio ang kan-yang puwesto bilang Punong Pari dahil dito,39 ginawa siyang isa sa mga Kaibigan nito atbinigyan ng mataas na karangalan, 40 sapagkatnabalitaan niyang itinuturing ng mga Romanona kaibigan, kaisa at kapatid ang mga Judio, attinanggap at pinarangalan ang sugo ni Simon.”

Simon: punong-pari at diktador41 Isinaalang-alang din ng hari na nag-

kasundo ang mga Judio at ang mga parina gawing pinuno at Punong Pari nila siSimon hanggang lumitaw ang propetangmapagkakatiwalaan.

42 Gusto nilang siya ang maging hene-

ral ng mga ito at pangasiwaan ang Banalna Lugar at humirang siya ng mga mama-mahala sa mga gawain, mangangasiwasa bansa, sa hukbo at sa mga tanggulan.

43 Gusto rin nila na sundin siya ng lahatat taglayin ng lahat ng kasulatan ang kan-yang pangalan at magsuot siya ng kulayube at gumamit ng mga palamuting ginto.

44 Walang sinuman sa mga taumbayano sa mga pari ang papayagang lumabagsa mga tagubiling ito o suwayin ang kan-yang mga utos, o bumuo ng kapulungangwala siyang pahintulot, o magsuot ngkulay ube o gumamit ng gintong alpiler.45 Parurusahan ang sinumang tumutol samga pasyang ito o lumabag sa alinman samga ito.

46 Nagkaisa ang bayan na ipagkaloobkay Simon ang karapatang magpasyaayon sa mga tagubiling ito. 47 At tinang-gap ni Simon ang puwesto at pumayag namanungkulan bilang Punong Pari, hene-ral, pinuno ng mga Judio at ng mga pari,at pamunuan ang lahat.”

48 Ipinasya nilang iukit sa mga tansonglapida ang kautusang ito at ilagay sa isangdakong nakikita ng lahat sa Banal naLugar, 49 at ilagay ang mga kopya nito sakabang-yaman ng Templo para magamitni Simon at ng kanyang mga anak.

1 Ipinadala ni Antioko na anak ni Deme-trio mula sa pulo sa dagat ang sumusu-

nod na liham kay Simong Punong Pari at pinunong mga Judio, 2 gayundin sa buong bansa:“Kapayapaan ang bati ni Haring Antioko kaySimong Punong Pari at Pinuno, at sa bansangJudio!

3 Sapagkat inagaw ng masasamang tao angkaharian ng aming mga ninuno, 4 binabalak kongayong mabawi iyon at muling maitatag tuladng dati. Natipon ko na ang malaking hukbo atnalagyan ng mga kagamitan ang mga barkongpandigma para makalunsad sa bansa at ma-kapaghiganti sa mga nagwasak ng aming lupainat nagpaguho ng maraming lunsod sa akingkaharian. 5 Kayat ngayon, pinagtitibay ko parasa iyong kapakanan ang pagkalibre sa lahat ngbuwis at ang lahat ng karapatang ipinagkaloob

1 MGA MACABEO 14

15

Page 33: MACABEO - Bible Claret

647sa iyo ng aking mga sinundan. 6 Binibigyan kitang kapangyarihang gumawa ng sarili mongpera para sa iyong bansa. 7 Tinatanggap ko angawtonomiya ng Jerusalem at ng Banal na Lugar;iyo ang lahat ng sandatang nilikha mo, gayundinang mga tanggulang ipinatayo mo at lahat ngiyong nasakop. 8 Pinawawalambisa ko mula saaraw na ito ang lahat ng utang sa hari at lahat pang magiging utang mo sa hinaharap. 9 At kapagnabawi ko na ang aking kaharia’y gagawarankita ng malaking karangalan gayundin angiyong bansa at ang Santuwaryo, at matatanyagka sa buong daigdig.”

10 Nagpunta si Antioko sa taong sandaa’tpitumpu’t apat sa lupain ng kanyang mga ni-nuno at umanib sa kanya ang lahat ng hukbo atiilan lamang ang naiwan kay Tripon. 11 Hinabolni Antioko si Tripon at nagkanlong ito sa Dor satabindagat. 12 Alam nga ni Tripon kung gaanokalubha ang kanyang kalagayan at tinalikuranpa siya ng kanyang hukbo. 13 Nagkampo siAntioko sa tapat ng Dor kasama ang sandaa’tdalawampunlibong sundalo at walunlibong ka-bayuhan. 14 Pinaligiran niya ang lunsod at suma-lakay naman ang mga bapor galing sa dagat.Ganap na napaligiran ang lunsod sa lupa at sadagat at walang sinumang makalabas o maka-pasok.

15 Dumating mula sa Roma si Neumenio atang kanyang mga kasama na dala ang mgasulat para sa mga hari at mga bansa na nag-sasaad ng ganito: 16 “Kapayapaan kay HaringTolomeo mula kay Luciong konsul ng mgaRomano! 17 Dumating ang mga sugo ng mgaJudio na ipinadala ng Punong Pari at ng bansangJudio bilang mga kaibigan at kakampi naminpara buhaying muli ang dati nating pakiki-pagkaibigan at pakikiisa.

18 Dinalhan nila tayo ng gintong kalasag natumitimbang ng sanlibong mina. 19 Ikinasisiyanaming sulatan ang mga hari at bayan na hindinila dapat pinsalain ang mga Israelita o sala-kayin ang mga ito, ang mga lunsod o lupain ngmga ito, o makiisa sa mga kaaway. 20 Tinatang-gap namin nang buong kasiyahan ang kalasagna ipinadala nila sa amin. 21 Ngayon, kung may-roong masasamang Judiong tumakas sa kani-lang lupain papunta sa inyo, ibigay mo sila saPunong Paring si Simon para maparusahan silaayon sa kanilang Batas.”

22 Ipinadala rin ang nasabing sulat kina Ha-ring Demetrio, Atalus, Ariarates at Arasaces,23 at sa lahat ng bansa, sa mga Sampsami samga Espartano, sa Delos, sa Mundo, sa Sicione,sa Caria, sa Samos, sa Pampilia, sa Licia, saHalicarnaso, sa Rodas, sa Paselida, sa Kos, sa

Side, sa Arados, sa Gortina, sa Gnido, sa Chipreat sa Cirene. 24 Nagpadala rin sila ng mga kopyang mga sulat na ito kay Simong Punong Pari.

Panibagong pakikidigma sa Siria25 Nagkampo si Haring Antioko sa tapat ng

Dor, sa bagong distrito, at walang tigil na nagpa-padala ng kanyang mga batalyon laban dito atgumagawa ng mga makinang pandigma. Na-sukol niya si Tripon na di na makalabas omakapasok. 26 Pinadalhan siya ni Simon ngdalawang libong piniling tauhan para makatu-long niya sa pakikipaglaban, bukod sa pilak,ginto at mga kagamitan. 27 Ngunit di iyon ti-nanggap ni Antioko; sa halip pinawalang-bisaang lahat ng kaluwagang ipinagkaloob niya kaySimon at ipinahayag na kaaway ito. 28 Sinugoniya si Atenobiong isa sa kanyang mga Kaibi-gan, para makipagkita rito at sabihin: “Sinakopmo na ang Jope, Gazara at ang Kuta ng Judeana mga lunsod ng aking kaharian. 29 Iginuho moang lupain at sinalanta ang lupa, at kinubkob mopa ang maraming bayan sa aking kaharian.

30 Kayat ibalik mo ang mga lunsod na inagawmo at ang mga buwis sa mga lugar na sinasakopmo ngayon hanggang sa kabila pa ng Judea.31 O bayaran mo ako ng limandaang talento ngpilak para sa kapinsalaang ginawa mo at liman-daang talento pa para sa mga buwis ng mgalunsod. Kung hindi, didigmain kita.”

32 Dumating sa Jerusalem si AtenobiongKaibigan ng hari. Nakita niya ang kaningninganni Simon, ang mga platong ginto at pilak at angkarangyaang nakapaligid dito, at nagulat siya.Ngunit inihatid din niya ang mensahe ng hari.33 Sumagot si Simon: “Wala kaming sinakopna lupaing banyaga o inagaw na anumang ari-ariang dayuhan: pamana ito ng aming mganinuno. Ang aming mga kaaway ang umagawsa mga ito sa maikling panahon, 34 pero nga-yong may maganda kaming pagkakataon,binabawi lamang namin ang pamana ng amingmga ninuno.

35 Sinalanta ng Jope at Gazara na inyonginaangkin ang aming bayan, at natiwangwangang aming mga lupain; ngunit nakahanda ka-ming magbigay sa iyo ng sandaang talento parasa mga ito.”

36 Walang sinabing anuman si Atenobio, ngu-nit galit na galit na nagbalik sa hari, at iniulat angsagot ni Simon. Sinabi rin niya sa hari angkaningningan ni Simon at lahat ng nakita niya.Kayat lalong nagalit ang hari.

37 Tumakas naman si Tripon pa-Ortosiadasakay ng isang barko. 38 Hinirang ng hari siCendebeo bilang heneral at ipinagkaloob dito

1 MGA MACABEO 15

Page 34: MACABEO - Bible Claret

6481 MGA MACABEO 15ang mga lakad at kabayuhang kawal. 39 Iniutosniyang magkampo sa harap ng Judea, itayongmuli ang Kedron at tibayan ang mga pintuanniyon at labanan ang bayan. At ipinagpatuloy nghari ang paghabol kay Tripon. 40 Dumating siCendebeo sa Jamnia at sinimulang guluhin angbayan. Sinalakay niya ang Judea, kumuha ngmga bihag at pinatay ang mga iyon. 41 Nilagyanniya ng tanggulan ang Kedron, at naglagay siyang mga kabayuhan ng sundalo at hukbo roonpara magtanod at patrolyahan ang mga kal-sadang pa-Judea tulad ng iniutos sa kanya nghari.

1 Umahon si Juan mula sa Gazara paraikuwento sa kanyang ama kung ano ang

ginagawa ni Cendebeo. 2 Kayat tinawag niSimon ang kanyang dalawang nakatatandanganak na sina Juan at Judas at sinabi: “Nakipag-laban ako at ang aking mga kapatid at angsambahayan ng aking ama sa mga kaaway ngIsrael mula pa sa aming kabataan hanggang saaraw na ito. At maraming ulit naming napalayaang Israel. 3 Ngunit matanda na ako ngayon,samantalang kayo – salamat sa Langit – hustona ang mga isip. Halinhan na ninyo ako at angaking kapatid, at humayo kayo at ipakipaglabanang ating bayan. Samahan nawa kayo ng tulongng Langit!”

4 At pumili siya ng sanlibong kawal at kaba-yuhan mula sa lupain. Umalis ang mga ito paralabanan si Cendebeo. At pinaraan nila ang gabisa Modin. 5 Maaga silang gumising kinauma-gahan at umusad sa kapatagan. At nakita nilakung gaano kalaki ang hukbo, ang mga sun-dalong lakad at mga kabayuhan na palapit sakanila.

6 May batis sa pagitan nila, at nagkampo siJuan kasama ang kanyang mga kawal sa harapnila. Nakita niya na natatakot ang kanyang mgatao na tumawid sa batis kayat siya ang unangtumawid. Nakita ito ng mga tao at sinundan siya.7 Hinati niya sa dalawang pangkat ang kanyanghukbo at itinalaga ang mga kabayuhan sa gitnasapagkat makapal ang mga kabayuhan ngkaaway.

8 Pinatunog nila ang trumpeta, at nagapi siCendebeo at ang hukbo nito. Marami sa mgaiyon ang napatay, at tumakas ang mga nalabipapunta sa tanggulan. 9 Nasugatan si Judas nakapatid ni Juan, ngunit hinabol ni Juan ang mga

kaaway hanggang dumating si Cendebeo saKedron na kinutaan nito. 10 Tumakas din angmga kaaway hanggang sa mga tore sa kabuki-ran ng Asdod, ngunit sinunog ni Juan ang mgaiyon. Mga dalawang libo sa kaaway ang napa-tay. At ligtas na nagbalik sa Judea si Juan.

Pinatay si Simon11 Si Tolomeong anak ni Abubos ang naging

heneral na namumuno sa kapatagan ng Jerico.12 Marami siyang pilak at ginto, at manugang pasiya ng Punong Pari. 13 Naging palalo siya atinisip na maging pinuno ng kanyang bansa.Naghahanap siya ng paraan para maalis siSimon at ang mga anak nito. 14 Kasalukuyangnaglilibot noon si Simon sa mga lunsod ngJudea at inaasikaso ang pangangasiwa sa mgaiyon. Sa ikalabing-isang buwan na tinatawag naSebat, sa taong sandaa’t pitumpu’t pito (177B.C.) nagpunta si Simon sa Jerico kasama angkanyang dalawang anak na sina Matatias atJudas.

15 Pataksil silang tinanggap ng anak ni Abu-bos sa maliit na kuta na tinatawag na Doc, nasiya ang nagtayo. Hinandugan niya ang mga itong marangal na handaan, ngunit may ikinublisiyang mga tauhan. 16 Nang lasing na si Simonat ang kanyang mga anak, kinuha ni Tolomeo atng mga tauhan nito ang mga sandata at sina-lakay si Simon sa gitna ng handaan. Pinatay niTolomeo si Simon at ang dalawang anak nito atilan sa mga alipin niya. 17 Kayat nakagawa siTolomeo ng malaking kataksilan, ginantihan ngmasama ang mabuti.

18 At nagmamadali si Tolomeong nagpadalang sulat sa hari para ibalita ang nangyari, athiniling niya kay Antioko na magpadala ito nghukbo at tulungan siya para mapasakanya angmga lunsod at ang buong bansa. 19 Nagpadalarin siya ng iba pang kawal sa Gazara para pata-yin si Juan, at hiningi sa namumuno sa mgasundalong Judio sa pamamagitan ng sulat parakumampi na sa kanya, at pinangakuan niya itong pilak, ginto at mga regalo. 20 At ang mga iyonsapagkat alam na niya ang layunin ng mga iyon.

23 Ang iba pang ginawa ni Juan, ang kanyangmga pakikipaglaban, ang kanyang mga tagum-pay, ang mga pader na itinayo niya at ang iba paniyang nagawa 24 ay nasusulat sa mga aklat ngkanyang pagpapari mula sa araw na humalilisiya sa kanyang ama bilang Punong Pari.

16