14
F I L I P I N O 4 Modified InSchool OffSchool Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELFINSTRUCTIONAL MATERIALS MAIKLING BUOD Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

MAIKLING - lrmds.depedldn.com

  • Upload
    others

  • View
    26

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

F I L I P I N O  

Modified In‐School Off‐School Approach Modules (MISOSA) 

Distance Education for Elementary Schools 

SELF‐INSTRUCTIONAL MATERIALS 

MAIKLING BUOD 

Department of Education 

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 

Page 2: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), 

DepEd ‐ Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education 

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). 

  This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.  

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

1

MAIKLING BUOD

Basahin mo ang kwento.

Ang Lagalag na mga Hudyo (salin sa Filipino ni Jong del Fierro)

Walang sariling tirahan ang mga Hudyo. Sila ay pinapatay ng mga Kosak sa kanilang teritoryo. Si Golda ay isa sa mga batang babaing Hudyo. Naglalaro sila sa maputik na kalsada nang walang anu-ano, nakarinig sila ng sigaw. “Mga bata, takbo! Magtago kayo! Dumarating ang mga Kosak.” Ang mga Kosak ay mga koboy na Ruso. Walang Hudyo na nakaliligtas kapag inabutan ng mga Kosak sa kalsada.

Pagbalik-aralan Mo

Sa pagtatapos ng araling ito inaasahang makasusulat ka na ng maikling buod ng kuwentong nabasa.

Page 4: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

2

Nagtakbuhan ang mga tao. Nagsipaghanap sila ng mapagtataguan. Ang

mga pintuan at bintana ng mga kabahayan ay nagsipagsara. May ilang batang naiwan. Nagtakbuhan din sila. Isa ang nadapa, si Golda. Nasubsob ang mukha niya sa putik.

Papalapit ang yabag ng mga kabayo. At nagtalsikan ang mga putik.

Tumigil ang ragasa ng mga kabayo sa tabi ng sinubsuban ni Golda. Napasigaw siya ngunit wala na ring silbi. Nasa harap na niya ang mga Kosak.

Pinaglaruan ng mga Kosak si Golda. Pinalundagan siya ng mga kabayo.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Humaging sa kanyang ulo ang mga bakal na sapatos ng mga kabayo. Nagdasal siya na sana ay di siya mapatay. Inikut-ikotan siya ng mga Kosak. Pagkaraan ng ilang sandali ay tumahimik na ang paligid. Papalayo na ang mga Kosak.

Tumulo ang luha ni Golda. Noong mga panahong iyon ang mga Hudyo ay

walang sariling bansa. “Kailangang matigil na ang paglagalag ng mga Hudyo,” ang hikbi niya. Nang lumaki si Golda, siya ang nakatulong upang maging malayang bansa ang Israel, ang bansa ng mga Hudyo.

A. Lagyan mo ng bilang ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ang kahon sa unahan ng mga pangungusap. Gawin sa kuwadernong sagutan.

Inabutan ng mga Kosak si Golda matapos madapa sa putik. Nang lumaki si Golda tumulong siya upang magkaroon ng sariling

bansa ang mga Hudyo. Naglalaro sa kalsada si Golda kasama ng mga bata nang matanaw

ng mga tao na dumarating ang mga Kosak. Nagtakbuhan ang mga tao at si Golda ay naiwan dahil nadapa sa

maputik na lansangan. Pumikit si Golda siya at nagdasal na lamang hanggang sa pag-alis

ng mga Kosak. Pinaglaruan ng mga Kosak ang batang si Golda.

Page 5: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

3

B. Bumuo ng 5 sariling mga pangungusap tungkol sa mga pangyayari sa kuwentong “Ang Lagalag na mga Hudyo”. Ayusin ang mga pangungusap ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari mula sa kuwento.

Isaayos at isulat sa kuwadernong sagutan ang mga pangungusap ayon sa maaaring pagkakasunud-sunod ng pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5.

A. _____ Napakaraming bulaklak at halamang malalago. _____ Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang nagbubuga

ng mga usok, unti-unting namayat ang mga halaman. _____ Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry. _____ Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang Henry. _____ Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga halaman. B. _____ Nagkaroon ng proyekto tungkol sa palinisan ng kalye. _____ Dati-rati’y maruming-marumi ang aming barangay. _____ Ang aming barangay ngayon ay isa sa pinakamalinis na

barangay sa aming bayan. _____ Ang mga tao’y tamad at hindi nagtutulungan. _____ Nang mahalal ang bagong Barangay Captain ay muling

sumigla ang mga tao. Ref. Kayumanggi Pagbasa pp. 163-164

C. Ipakita sa guro ang ginagawang pagsasanay upang malaman ang susunod mong aralin.

Page 6: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

4

Basahin ang talata.

MINDORO

Matatagpuan ang pulo ng Mindoro sa Timog Luzon. Ito ay hinati sa dalawang lalawigan noong 1950. Sila’y ang Occidental Mindoro at ang Oriental Mindoro. Ang mga likas na hangganang naghihiwalay sa dalawang lalawigan ay ang Bundok Halcon at Bundok Baco.

Ang Occidental Mindoro ay nasa gawing kanluran na napaliligiran ng

Verde Island Passage sa hilaga, Mindoro Strait sa kanluran at timog, at Oriental Mindoro sa silangan. Ito ay may kabuuang lawak na 5,880 kilometro kwadrado.

Mayaman sa mga di-pangkaraniwang hayop ang luntiang kagubatan ng

Mindoro. Sa katunayan, dito lamang matatagpuan ang tamaraw, mas maliit kaysa kalabaw subalit mas malakas at maaaring makamatay. Ang iba pang likas na yaman ay marmol, asin, buhangin at graba.

Bukod sa pagsasaka ay patuloy ring nililinang ng mga mamamayan sa

Occidental Mindoro ang mga mineral sa kagubatan tulad ng chromite.

A. Piliin sa kahon ang kasalungat na kahulugan ng salitang may salungguhit.

Isulat ito sa sagutang papel.

1. May hangganang naghihiwalay sa dalawang lalawigan. 2. Mayaman3.

sa di-karaniwang hayop ang Mindoro. Makapal na makapal

4. ang mga kagubatan sa Mindoro.

Sagana

sa likas na yaman ang lugar na iyon.

Pag-aralan Mo

karaniwan ang dami kulang madalang wala nagdurugtong

Page 7: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

5

Ganito ba ang iyong sagot? Kasalungat 1. naghihiwalay – nagdurugtong 2. mayaman – madalang 3. makapal na makapal – kulang 4. sagana – wala

B. Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kwadernong sagutan.

1. Saan matatagpuan ang pulo ng Mindoro? 2. Anu-ano ang mga lalawigan nito? 3. Ano ang naghihiwalay sa mga lalawigan nito? 4. Gaano kalawak ang Mindoro? 5. Anu-ano ang mga kayamanang matatagpuan sa lalawigan ng

Mindoro?

C. Piliin ang tinatalakay sa sumusunod na talata. Isulat sa kwadernong sagutan ang napili mong sagot.

1. Unang talata

a. Tungkol sa kinaroroonan ng Mindoro b. Tungkol sa kinaroroonan ng 2 lalawigan nito c. Tungkol sa kayamanan nito

2. Pangalawang talata

a. Tungkol sa kayamanan ng Mindoro b. Tungkol sa kinaroroonan ng 2 lalawigan nito c. Tungkol sa kinaroroonan ng Mindoro

3. Pangatlong talata

a. Tungkol sa kinaroroonan ng 2 lalawigan ng Mindoro b. Tungkol sa kinaroroonan ng Mindoro c. Tungkol sa kayamanan ng Mindoro

Page 8: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

6

D. Punan ng mga patlang upang mabuo ang talata.

Ang pulo ng Mindoro ay matatagpuan sa _______ Luzon. Hinati sa

dalawang lalawigan, ang ________ at ________. Ang mga likas na

hangganang naghihiwalay sa dalawang lalawigan ay ang ________ at

_________.

Ang Occidental Mindoro ay nasa gawing _________ na napapaligiran

ng _________ sa hilaga, Mindoro Strait sa _________at __________, at

Oriental Mindoro sa __________.

Mayaman sa mga di-pangkaraniwang _________ ang luntiang

kagubatan. Dito lamang matatagpuan ang __________. Ang iba pang

likas na yaman nito ay marmol, __________, buhangin, at ___________.

E. Bumuo ng 1-5 pangungusap tungkol sa talatang binasa

Maaari mong maibigay ang buod ng talata o kuwento sa pamamagitan ng pagbibigay ng magkakaugnay na pangyayaring binanggit sa talata o kuwento.

Isaisip Mo

Page 9: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

7

A. Basahin ang talambuhay ni Diosdado P. Macapagal. Bumuo ng buod sa tulong nitong story frame. Isulat sa kuwadernong sagutan.

Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan

Narinig na ba ninyo ang pangalan ko? Marahil nais ninyong malaman ang

aking makulay na talambuhay. Maging inspirasyon sana sa mga kabataan ang aking karanasan.

Diosdado Pangan Macapagal ang tunay kong pangalan. Isinilang ako

noong ika-28 ng Setyembre 1910 sa nayon ng San Nicolas, Lubao, Pampanga. Galing ako sa maralitang angkan. Sina Urbano Macapagal at Romana Pangan ang aking mga magulang. Ang aking ama ay isang manunulat ng mga dulang pantanghalan sa wikang Kapampangan na walang palagiang kita. Ang aking ina ay galing din sa mahirap na pamilya. Hindi siya marunong bumasa’t sumulat. Kumikita siya paminsan-minsan sa paglalabada.

Pagsanayan Mo

Page 10: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

8

Nagtaguyod ako ng mga proyekto tulad ng North Diversion Road at South

Expressway, pabahay para sa mga sundalo at kawani ng pamahalaan at ang pagtatatag ng Philippine Veterans Bank.

Noong Disyembre 30, 1961 ay nanumpa ako bilang ikalimang Pangulo ng

Ikatlong Republika. Itinaguyod ko ang Repormang Pansakahan para sa mga magsasaka.

Sumulat din ako ng mga aklat. Ilan sa mga ito ang: Democracy in the

Philippines noong 1976; Memoirs of a President. A New Constitution for the Philippines at Land Reform in the Philippines.

Sa aking ginawang mga batas at proyekto, binigyang pansin ko ang

kapakanan ng karaniwang tao, kaya’t binansagan akong “Kampeon ng Masa.” Nahirang din akong isa sa “Sampung Natatanging Mambabatas” mula 1949-1957. Tinagurian akong “The Best Lawmaker” mula 1954-1957.

Napatunayan ko sa aking buhay, na hindi hadlang ang kahirapan sa

pagkakamit ng tagumpay. Kailangan natin ang maalab na hangaring umunlad. Ang naranasan kong pagsala sa pagkain, pangingisda sa gabi at araw na walang pasok at iba pang kahirapan ang nagtulak sa akin upang marating ang tagumpay. Hindi ko akalain na ang isang mahirap na batang tulad ko ay maging Pangulo ng Bansang Pilipinas.

Sanggunian:

Lazaro, Isagani L. Mga Dakilang Lider na Pilipino. Binagong Edisyon Metro Manila, National Book Store, Inc. 1994, pp. 78-93

Page 11: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

9

B. Ibigay ang buod ng kuwento sa dugtungang paraan.

1. Ang kapanganakan at mga magulang ni Macapagal. 2. Ang panunumpa niya bilang pangulo. 3. Ang mga ginawa niya. 4. Ang bansag at tawag sa kanya ng mamamayan.

Diosdado P. Macapagal: Ang Dakilang Ama ng Bayan

1. Ang talambuhay ay kay___________________________________ _____________________________. Siya ay ipinanganak ________________________________________________________. Ang kanyang mga magulang _________________________________. Galing siya _______________________________________________ ________________________________________________________. 2. Nanumpa siya bilang pangulo _____________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________. 3. Sa kanyang pagiging mambabatas nahirang siyang ____________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________. 4. Tinawag siya ng karaniwang tao na “_________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ _____________________. Tunay nga siyang dakilang _________________________________________________________ _________________________________________________________ _________________________________________________________ ________________________________________________________.

Page 12: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

10

A. Basahin “Ang Bata at ang Leon”. Buuin ang kasunod na mga pangungusap upang mabuo ang buod ng kuwento. Isulat sa kuwadernong sagutan.

Ang Bata at ang Leon

Subukin Mo

Saklolo, saklolo! Maawa kayo sa akin

Tulungan mo akong makalabas ditto.

Kawawa naman ang leon

Para mo nang awa, tulungan mo naman akong makaalis ditto. Tatlong araw na akong di kumakain

Kawawa ka naman sige tatanggalin ko ang kadena ng kulungan mo

Ngayon humanda ka! Ikaw ang una kong kakainin.

Hindi naman yata tama ang gagawin mo.

Page 13: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

11

Batang Paslit, anong alam mo sa tama at mali?

Bakit hindi natin tanungin ang paparating na pari kung tama o mali ang gagawin mo?

Ano ang nais ni Leon, ngayon?

Padre, si Leon po ay nasa kulungang iyon at sa awa ko’y tinulungan kong makalabas

Gutom na gutom na ko, kakainin ko siya.

Teka nga. Sa laki mong iyan paano ka nakapasok sa kulungan

Kung maipapakita mo sa akin na galling ka riyan, maaari mong kainin ang bata

O sige, padre tingnan mong maigi kung paano ako kakasya sa loob ng kulungan.

Nakita mo na Padre, nasa loob na ako ng kulungan.

Oo at hindi ka na maaari pang makalabas.

Maraming salamat po, Padre. Nailigtas po ninyo ako.

Padre maawa kayo sa akin palabasin ninyo ako ditto.

Kung natuto kang tumanaw ng utang na loob, kasama dito sa labas

Page 14: MAIKLING - lrmds.depedldn.com

12

B. Tapusin ang talata upang makagawa ng buod ng kuwento. Sipiin ang pangungusap sa kuwadernong sagutan.

Isang leon ang nagnanais na makaalis sa kanyang kulungan. Nakita siya

ng bata _______________________________________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

C. Isulat sa apat o limang pangungusap ang buod ng kuwento.

D. Ipakita sa guro ang ginawang pagsasanay upang malaman ang susunod mong aralin.

Ang ibang kuwento at mga pagsasanay ay kinuha sa aklat Filipino 4.

Isang araw may isang ___(1)__ na nagnanais ___(2)___ sa kanyang kulungan. ___(3)___ ang leon sa bata. At ___(4)___ naman siya nitong ___(5)___. Laking gulat ng bata dahil ___(6)___.

Dumating ang pari, tinanong ng bata kung ___(7)__. Nagalit ang leon

at siya ay muling ___(8)___. Isinara ng pari ang kulungan. Ang leon ay di natutong ___(9)___ at siya ay hindi na ___(10)__.