182

Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

  • Upload
    others

  • View
    16

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat
Page 2: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat
Page 3: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Manwal ng Titser para sa Kursong SiJesucristo at ang Walang HanggangEbanghelyoReligion 250

Inilathala ngAng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling ArawSalt Lake City, Utah

Page 4: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Ang mga komentaryo at pagwawasto ay pasasalamatan. Mangyaring ipadala ang mga ito, pati na ang mgapagkakamali, sa:

Seminaries and Institutes of Religion Curriculum Services50 E. North Temple St., Floor 8

Salt Lake City, Utah 84150-0008USA

Email: [email protected] lamang ang iyong buong pangalan, address, ward, at stake.

Tiyaking ibigay ang pamagat ng manwal. Pagkatapos ay ibigay ang iyong mga puna.

© 2018 ng Intellectual Reserve, Inc.Lahat ng karapatan ay nakalaan

Inilimbag sa Estados Unidos ng Amerika

Pagsang-ayon sa Ingles: 8/14Pagsang-ayon sa pagsasalin: 8/14

Pagsasalin ng Jesus Christ and the Everlasting Gospel Teacher ManualTagalog

PD10052296 893

Page 5: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Mga NilalamanPambungad sa Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang WalangHanggang Ebanghelyo1Si Jesus ang Buhay na Cristo2Si Jesucristo ang Pinakasentro sa Buong Kasaysayan ng Sangkatauhan3Si Jehova at ang Kanyang Ministeryo sa Buhay Bago Pa ang Buhay sa Mundo4Nilikha ni Jehova ang Mundo5Si Jesucristo ay si Jehova ng Lumang Tipan6Mga Halimbawa, Anino, at Simbolo ni Jesus ang Cristo7Jesucristo—Ang Bugtong na Anak ng Diyos sa Laman8Ginanap ni Jesucristo ang Buong Katuwiran9Ang Malaking Impluwensya ng Tagapagligtas10Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin11Si Jesucristo ay Naglilibot na Gumagawa ng Mabuti12Mga Himala sa mga Daan ng Palestina13Tumawag si Jesucristo ng Labindalawang Apostol14Si Jesucristo ang Mesiyas15Pinasimulan ni Jesucristo ang Sakramento16

Page 6: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Ang Tagapagligtas ay Nagbayad-sala para sa mga Kasalanan ng BuongSangkatauhan17Ang Tagapagligtas ay Nagdusa at Namatay sa Krus ng Kalbaryo18Ang Tagapagligtas ay Nagministeryo sa Daigdig ng mga Espiritu19Siya ay Nagbangon20Ang Tagapagligtas ay Nagministeryo sa Kanyang “Iba Pang mga Tupa”21Itinatag ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan22Ang Ama at ang Anak ay Nagpakita kay Joseph Smith23Ipinanumbalik ng Tagapagligtas ang Kanyang Priesthood, Simbahan, atEbanghelyo24Siya ay Buhay!25Si Jesucristo ay Babalik Balang Araw26Si Jesucristo ay Mamumuno Bilang Hari ng mga Hari at Hahatulan angSanlibutan27Si Jesucristo ang Ilaw, Buhay, at Pag-asa ng Sanlibutan28Personal na Saksi ni Jesucristo

Page 7: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Pambungad sa Manwal ngTitser para sa Kursong SiJesucristo at ang WalangHanggang Ebanghelyo(Religion 250)Ano ang inaasahan sa isang titser ng relihiyon?Habang naghahanda kang magturo, mahalaga na maunawaan mo ang Layunin ngSeminaries and Institutes of Religion:

“Ang ating layunin ay tulungan ang kabataan at mga young adult na maunawaan at umasa samga turo at sa Pagbabayad-sala ni Jesucristo, maging karapat-dapat sa mga pagpapala ngtemplo, at ihanda ang kanilang sarili, kanilang pamilya, at iba pa para sa buhay na walanghanggan sa piling ng kanilang Ama sa Langit” (Gospel Teaching and Learning: A Handbook forTeachers and Leaders in Seminaries and Institutes of Religion [2012], x).

Maaari mong makamit ang layuning ito sa pamamagitan ng pamumuhay ayon saebanghelyo, epektibong pagtuturo ng ebanghelyo sa iyong mga estudyante, attamang pangangasiwa ng iyong klase o programa. Habang naghahanda ka atnagtuturo ng ebanghelyo sa mga paraang ito, magiging karapat-dapat ka saimpluwensya ng Espiritu Santo.

Pagkakataon mo ito na matulungan ang mga estudyante na matuto sapamamagitan ng Espiritu upang mapalakas nila ang kanilang pananampalataya atmapalalim ang kanilang pagbabalik-loob. Matutulungan mo ang mga estudyantena magawa ito kapag pinapatnubayan mo sila na matukoy, maunawaan, madamaang katotohanan at kahalagahan ng mahahalagang doktrina at alituntunin ngebanghelyo ni Jesucristo, at makapaghandang maipamuhay ang mga ito.

Ang hanbuk na Gospel Teaching and Learning ay mahalagang materyal paramaunawaan ang proseso ng pagtuturo at kung paano maging matagumpay sa loobng klase. Gamitin nang madalas ang hanbuk na ito.

Ano ang mga layunin ng kursong ito?Ang kursong ito na Si Jesucristo at ang Walang Hanggang Ebanghelyo (Religion 250),ay nagbibigay sa mga estudyante ng pagkakataon na pag-aralan ang walanghanggang ministeryo ni Jesucristo, na nakatuon sa Kanyang banal na gawain saKanyang buhay bago pa ang buhay na ito, buhay sa mundong ito, at sa kabilangbuhay. Ang mga pamantayang banal na kasulatan, ang mga salita ng mga propetasa panahong ito, at ang dokumento na pinamagatang “Ang Buhay na Cristo: AngPatotoo ng mga Apostol” (Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2–3) ay ginagamit bilang

v

Page 8: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

inspiradong materyal para sa kursong ito. Binigyang-diin ni Elder Richard G. Scottng Korum ng Labindalawang Apostol ang kahalagahan ng pag-aaral ng buhay atmisyon ni Jesucristo:

“Masigla ko kayong hinihikayat na magplano ng personal na pag-aaral upanghigit na maunawaan at mapahalagahan ang walang katulad, walang hanggan,at walang katapusang mga bunga ng sakdal na pagtupad ni Jesucristo saKanyang banal na pagkahirang bilang ating Tagapagligtas at Manunubos. Angmalalim na personal na pagbubulay-bulay ng mga banal na kasulatan nanilakipan ng pagsasaliksik, taos-pusong panalangin ay magpapatibay sa inyong

pag-unawa at pagpapahalaga sa Kanyang walang katumbas na Pagbabayad-sala” (“Siya’yBuhay! Luwalhati sa Kanyang Ngalan!” Ensign o Liahona, Mayo 2010, 77).

Kapag naunawaan at napahalagahan ng mga estudyante ang kahalagahan ngbanal na tungkulin ng Tagapagligtas at ang epekto Niya sa kanilang buhay,mapapalakas sila laban sa mga hamon ng buhay at madarama na mas handa silana talakayin ang mga banal na gawain ng Tagapagligtas sa plano ng kaligtasan,kung saan mahalagang bahagi ang kanilang personal na buhay.

Ano ang inaasahan sa mga estudyante?Dapat basahin ng mga estudyante ang mga scripture passage at mga mensahe ngmga propeta na nakalista sa bahaging Mga Babasahin ng mga Estudyante sa bawatlesson. Dapat ding matugunan ng mga estudyante ang attendance requirement atipakita ang pagkaunawa sa materyal ng kurso.

Paano inayos ang mga lesson sa manwal na ito?Ang kursong ito ay ituturo sa buong isang semestre at mayroong 28 lesson naisinulat para sa mga 50-minutong class period. Kung nagkaklase ka nang dalawangbeses bawat linggo, magturo ng isang lesson bawat klase. Kung nagkaklase kanang isang beses kada linggo sa loob ng 90 hanggang 100 minuto, pagsamahin angdalawang lesson at ituro ang mga ito sa bawat class period. Bawat lesson aybinubuo ng apat na bahagi:

• Pambungad

• Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito

• Mga Mungkahi sa Pagtuturo

• Mga Babasahin ng mga Estudyante

PambungadAng bahaging ito ay nagbibigay ng maikling pambungad sa mga paksa at mgalayunin ng lesson.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang ItoAng bahaging ito ay nagmumungkahi ng mga materyal o resources, tulad ng mgamensahe ng mga propeta sa panahong ito, na tutulong sa iyo na mas maunawaan

PAMBUNGAD

vi

Page 9: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

ang mga doktrina, alituntunin, at katotohanan ng ebanghelyo na tinalakay salesson outline.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay kinapapalooban ng mga materyal natutulong sa iyo na malaman kung ano ang ituturo at kung paano ituturo ang mga ito(tingnan din sa mga bahagi 4.3.3 at 4.3.4 sa hanbuk na Gospel Teaching andLearning). Ang mga iminungkahing aktibidad sa pag-aaral ay nilayong tulunganang estudyante na matukoy, maunawaan, at maipamuhay ang mga sagradongkatotohanan. Maaari mong piliing gamitin ang ilan o lahat ng mga mungkahihabang iniaangkop mo ang mga ito sa paraan ng iyong pagtuturo at upangmatugunan ang mga pangangailangan at kalagayan ng iyong mga estudyante.Habang pinag-iisipan mo kung paano maiaangkop ang mga materyal ng lesson,sundin ang payo na ito ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng LabindalawangApostol:

“Madalas kong marinig na ituro ni Pangulong Packer na maging pamilyar munatayo sa mga materyal ng lesson, at saka natin iakma ang mga ito sa mgatinuturuan natin. Kung napag-aralan na natin nang husto ang iminungkahinglesson na ibibigay natin, kung gayon ay masusunod natin ang Espiritu paramaiakma ito. Pero natutukso tayo, kapag tinatalakay natin ang flexibility na ito,na magsimulang iakma ito sa mga tinuturuan natin bago pag-aralan nang husto

o maging pamilyar sa lesson. Dapat ay balanse. Ito ay hamon na makakaharap natin tuwina.Ngunit ang pag-aralan o maging pamilyar muna nang lubos sa lesson at pagkatapos ay iangkopsa tinuturuan ay mabuting paran para maayos itong maituro” (“A Panel Discussion with ElderDallin H. Oaks” [Seminaries and Institutes of Religion Satellite Broadcast, Ago. 7, 2012];si.lds.org).

Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pangpahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat sa malalaki at maiitim na letra[bold letters]. Kapag natuklasan ng mga estudyante ang mga doktrina atalituntuning ito at ibinahagi ang natutuhan nila, ang kanilang mga salita aymaaaring maiba mula sa mga nakasaad sa manwal. Kapag nangyari ito, huwagipahiwatig o sabihin na mali ang kanilang mga sagot. Gayunman, kung angisinagot ay halos tama, ipaunawa ito nang mas malinaw.

Upang matulungan ang mga estudyante na patuloy na mag-aral ng mga banal nakasulatan, ituro sa kanila kung paano gamitin ang mga tulong sa pag-aaral namakukuha sa Latter-day Saints edition ng mga banal na kasulatan. Samantalahinang mga pagkakataon sa klase na tulungan ang mga estudyante na mapraktis angmga kasanayan at paraan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan (tingnan saGospel Teaching and Learning, 20–23). Kapag ginawa mo ito, lalalim angpagmamahal ng mga estudyante sa mga banal na kasulatan, mabibigyan sila ngkakayahan na mahanap ang mga sagot sa kanilang mga tanong, at matututongsumunod sa mga pahiwatig ng Espiritu Santo.

PAMBUNGAD

vii

Page 10: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Mga Babasahin ng mga EstudyanteNakalista sa bahaging ito ang mga scripture passage at mga mensahe ng mgageneral authority ng Simbahan na magpapalawak sa pang-unawa ng mgaestudyante tungkol sa mga paksang matatagpuan sa mga lesson. Hikayatin angmga estudyante na basahin ang mga materyal na ito bago sila pumasok sa klase.Habang pinag-aaralan nila ang mga materyal na binigyang-inspirasyon, hindilamang sila magiging mas handang makibahagi sa mga talakayan sa klase, ngunitmagkakaroon din sila ng mas malawak na pag-unawa tungkol sa mga paksa ngkursong ito. Bigyan ang mga estudyante ng listahan ng lahat ng “Mga Babasahinng mga Estudyante” sa simula ng semestre.

PAMBUNGAD

viii

Page 11: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Paano ako maghahandang magturo?Tutulungan ka ng Panginoon kapag naghahanda kang magturo. Habangnaghahanda ka, maaaring makatulong na itanong sa iyong sarili ang mgasumusunod na tanong:

• Nanalangin ba ako para matanggap ang patnubay ng Espiritu Santo?

• Pinag-aralan ko ba ang mga naka-assign na scripture block at ang mgababasahin tungkol sa paksa?

• Binasa ko ba ang kurikulum at inalam kung mayroong anuman doon nakailangan kong iakma o baguhin upang matugunan ang mga pangangailanganng aking mga estudyante?

• Paano ako magpa-follow-up sa mga estudyante para matiyak ko na maynatututuhan ang mga estudyante sa mga ito?

• Paano ko matutulungan ang bawat isa sa aking mga estudyante na lubos namakibahagi sa talakayan sa lesson?

Ang mga sumusunod na mungkahi ay maaari ding makatulong:

• Hikayatin ang mga estudyante na basahin ang mga naka-assign na scripturepassage at artikulo bago ang bawat lesson.

• Umasang gagawin ng mga estudyante ang kanilang responsibilidad.

• Madalas na bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataon na ipaliwanag angmga doktrina at alituntunin sa sarili nilang mga salita, magbahagi ng mgakaugnay na karanasan, at magpatotoo sa nalaman at nadama nila.

• Iba-ibang aktibidad sa pag-aaral at mga pamamaraan ang gamitin mo sa bawatklase at sa bawat araw rin.

• Ihanda ang klase para madama ang Espiritu at magkaroon ang mga estudyanteng pribilehiyo at responsibilidad na magturo at matuto sa isa’t isa (tingnan saD at T 88:78, 122).

Itinuro ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Tiyakin na maraming makibahagi dahil ang paggamit ng kalayaan ng isangestudyante ay nagtutulot sa Espiritu Santo na makapagturo. … Kapagnagpapahayag ang mga estudyante ng mga katotohanan, naititimo ang mga itosa kanilang mga kaluluwa at pinalalakas ang kanilang sariling patotoo” (“ToUnderstand and Live Truth” [evening with Elder Richard G. Scott, Peb. 4, 2005], 3;si.lds.org).

Paano ko iaakma ang mga lesson sa mga taong maymga kapansanan?Habang naghahanda kang magturo, isipin ang mga estudyante na may mgapartikular na pangangailangan. Iakma ang mga aktibidad at mga ekspektasyon natutulong sa kanila na magtagumpay. Halimbawa, may mga estudyanteng mas

PAMBUNGAD

ix

Page 12: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

natututo sa mga audio recording ng mga banal na kasulatan. Ang mga ito aymadaling i-download mula sa LDS.org.

Para sa mas marami pang ideya at resources, tingnan ang Disability Resources pagesa disabilities.lds.org at ang Seminaries and Institutes of Religion policy manual sabahaging may pamagat na Adapted Classes and Programs for Students withDisabilities.

Si Jesucristo at ang Walang Hanggang Ebanghelyo(Religion 250)Mga Babasahin ng mga EstudyantePaalala: Hindi kinakailangang basahin mo ang anumang iminungkahing materyal na wala sainyong wika.

Lesson Pamagat Mga Iminungkahing Babasahin

1 Si Jesus ang Buhayna Cristo

• Juan 20:30–31; 1 Nephi 6:4; 2 Nephi 25:23, 26.

• “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,”Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2–3.

• Dieter F. Uchtdorf, “Ang Bisa ng Personal na Patotoo,”Ensign o Liahona, Nob. 2006, 37–39.

2 Si Jesucristo angPinakasentro saBuong Kasaysayanng Sangkatauhan

• Alma 12:22–34; 34:9; 42:8, 11; Doktrina at mga Tipan22:1; 45:9; 66:2; Abraham 3:24–27; I Ni Pedro 1:19–20;Moises 4:2.

• Robert D. Hales, “Kalayaan: Mahalaga sa Plano ngBuhay,” Ensign o Liahona, Nob. 2010, 24–27.

3 Si Jehova at angKanyangMinisteryo saBuhay Bago Paang Buhay saMundo

• Apocalipsis 12:7–11; Abraham 3:15–25; Doktrina atmga Tipan 138:55–56.

• Richard G. Scott, “Jesus Christ, Our Redeemer,” Ensign,Mayo 1997, 53–54, 59.

4 Nilikha ni Jehovaang Mundo

• Genesis 1:1; Juan 1:1–3; Sa Mga Hebreo 1:1–2; Moises2:1; Mormon 9:16–17; Doktrina at mga Tipan 38:1–3;76:22–24; 104:14–17; Jacob 4:9; Doktrina at mga Tipan101:32–34; Moises 1:27–33, 39; 1 Nephi 17:36;Doktrina at mga Tipan 49:16–17.

• Russell M. Nelson, “Ang Paglikha,” Liahona, Hulyo2000, 84–86.

5 Si Jesucristo ay siJehova ng LumangTipan

• Juan 8:51–59; 18:5, 8; Exodo 3:11–14; 6:2–3; 3 Nephi15:5; Moises 6:51–52, 64–66; Genesis 17:1–9;Abraham 1:18–19; 2:8–11.

• “Enrichment Section A: Who Is the God of the OldTestament,” Old Testament Student Manual:Genesis–2 Samuel, Ika-3 ed. (Church Educational Systemmanual, 2003), 45–48.

PAMBUNGAD

x

Page 13: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Lesson Pamagat Mga Iminungkahing Babasahin

6 Mga Halimbawa,Anino, at Simboloni Jesus ang Cristo

• 2 Nephi 11:2–6; Moises 6:63.

• Russell M. Nelson, “In This Holy Land,” Tambuli, Peb.1991, 10–19.

7 Jesucristo—AngBugtong na Anakng Diyos sa Laman

• Mateo 1:18–24; Lucas 1:26–35; Juan 10:17–18; 1 Nephi11:13–21; Mosias 3:7–8.

• Robert E. Wells, “Our Message to the World,” Ensign,Nob. 1995, 65–66.

8 Ginanap niJesucristo angBuong Katuwiran

• Mateo 3:13–17; 2 Nephi 31:4–21.

• Robert D. Hales, “The Covenant of Baptism: To Be in theKingdom and of the Kingdom,” Ensign, Nob. 2000, 6–9.

9 Ang MalakingImpluwensya ngTagapagligtas

• II Mga Taga Corinto 5:21; Sa Mga Hebreo 2:17–18;4:15–16; Doktrina at mga Tipan 20:22; Mateo 4:1–11;Lucas 22:42, 44; Juan 6:38; 3 Nephi 11:11; Juan 4:1–29.

10 Pumarito Ka,Sumunod Ka saAkin

• Juan 1:35–47; 2 Nephi 26:33; Alma 5:33–34; Mateo4:18–22; Lucas 5:11; 9:57–62; 14:25–33.

• Dieter F. Uchtdorf, “Ang Landas Tungo saPagkadisipulo,” Ensign o Liahona, Mayo 2009, 75–78.

• Joseph B. Wirthlin, “Magsisunod sa Akin,” Liahona,Hulyo 2002, 15–17.

11 Si Jesucristo ayNaglilibot naGumagawa ngMabuti

• Mga Gawa 10:38; Mateo 5:9–12, 21–24, 38–41,43–47; 6:14–15; 7:1–5.

• Dallin H. Oaks, “Pagmamahal at Pakikisalamuha sa mgaTaong Naiiba,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 25–28.

• Jeffrey R. Holland, “Ang Halaga—at mga Pagpapala—ngPagkadisipulo,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 6–9.

12 Mga Himala samga Daan ngPalestina

• Marcos 1:39–42; 2:1–12; 5:1–8, 19, 22–43; 8:1–9;Lucas 7:11–15; 1 Nephi 11:31; Mosias 3:5–6; 3 Nephi17:5–9.

• Sydney S. Reynolds, “Diyos ng mga Himala,” Liahona,Hulyo 2001, 12–13.

13 Tumawag siJesucristo ngLabindalawangApostol

• Mateo 10:1–8; 16:15–19; 17:1–8; Mga Gawa 1:21–22;2:22–24, 32; 3:12–16; 4:31–33; 5:29–32; Doktrina atmga Tipan 107:23.

• Boyd K. Packer, “Ang Labindalawa,” Ensign o Liahona,Mayo 2008, 83–87.

14 Si Jesucristo angMesiyas

• Mateo 21:1–11; Lucas 4:16–24; Juan 6:5–15, 31–32,49–53, 66–69.

• Gabay sa mga Banal na Kasulatan: “Mesiyas”;scriptures.lds.org.

• G. Homer Durham, “Jesus the Christ: The Words andTheir Meaning,” Ensign, Mayo 1984, 14–16.

PAMBUNGAD

xi

Page 14: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Lesson Pamagat Mga Iminungkahing Babasahin

15 Pinasimulan niJesucristo angSakramento

• Mateo 26:26–28; Lucas 22:17–20; I Mga Taga Corinto11:27–30; 3 Nephi 18:1–11, 28–29; 20:8–9; Doktrina atmga Tipan 20:75–79.

• Dallin H. Oaks, “Ang Sakrament Miting at angSakrament,” Ensign o Liahona, Nob. 2008, 17–20.

16 Ang Tagapagligtasay Nagbayad-salapara sa mgaKasalanan ngBuongSangkatauhan

• Marcos 14:33–36; Lucas 22:39–46; Juan 15:13; I NiPedro 3:18; 2 Nephi 9:21; Mosias 3:7; Alma 7:11–13;Doktrina at mga Tipan 19:15–20.

• David A. Bednar, “Ang Pagbabayad-sala at angPaglalakbay sa Mortalidad,” Liahona, Abr. 2012, 40–47.

17 Ang Tagapagligtasay Nagdusa atNamatay sa Krusng Kalbaryo

• Mateo 27:26–54; Lucas 23:34–46; Juan 10:11–18;19:10–11, 19–37; 1 Nephi 19:9.

• Jeffrey R. Holland, “Walang Sinuman ang Kasama Niya,”Ensign o Liahona, Mayo 2009, 86–88.

18 Ang Tagapagligtasay Nagministeryosa Daigdig ng mgaEspiritu

• Lucas 23:39–43; I Ni Pedro 3:18–20; 4:6; Doktrina atmga Tipan 128:15, 22; 138:1–37.

• Spencer J. Condie, “The Savior’s Visit to the SpiritWorld,” Ensign, Hulyo 2003, 32–36.

19 Siya ayNagbangon

• Lucas 24:1–48; Juan 20; I Mga Taga Corinto 15:1–29,54–58.

• Dallin H. Oaks, “Pagkabuhay na Mag-uli,” Liahona,Hulyo 2000, 14–16.

20 Ang Tagapagligtasay Nagministeryosa Kanyang “IbaPang mga Tupa”

• Juan 10:11–16; 3 Nephi 11:1–17; 15:16–21; 16:1–3.

• Ronald A. Rasband, “Bawat Isa,” Liahona, Ene.2001, 29–30.

21 Itinatag niJesucristo angKanyangSimbahan

• Mateo 10:1–4; 16:19; 17:3–7; 18:18; Mga Gawa 2:1–6,14–26; 4:1–13, 18–21; Mga Gawa 10:9–20, 25–28,34–35, 44–48; Mga Gawa 15:1–11, 13–19; Mga TagaEfeso 2:19–20; 4:11–14.

• Jeffrey R. Holland, “Mga Propeta, Tagapaghayag,”Ensign o Liahona, Nob 2004, 6–9.

22 Ang Ama at angAnak ayNagpakita kayJoseph Smith

• Joseph Smith—Kasaysayan 1:5–26.

• Dieter F. Uchtdorf, “Ang mga Bunga ng UnangPangitain,” Ensign o Liahona, Mayo 2005, 36–38.

• Neil L. Andersen, “Joseph Smith,” Ensign o Liahona,Nob. 2014, 28–31.

PAMBUNGAD

xii

Page 15: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Lesson Pamagat Mga Iminungkahing Babasahin

23 Ipinanumbalik ngTagapagligtas angKanyangPriesthood,Simbahan, atEbanghelyo

• Doktrina at mga Tipan 1:17, 38; 18:33–35; JosephSmith—Kasaysayan 1:17–20.

• Tad R. Callister, “Ano ang Blueprint ng Simbahan niCristo?” (Church Educational System devotional para samga young adult, Ene. 12, 2014); LDS.org.

24 Siya ay Buhay! • Mosias 5:1–15; Doktrina at mga Tipan 45:3–5;76:19–24; 110:1–4.

25 Si Jesucristo ayBabalik BalangAraw

• Mateo 25:1–13; Doktrina at mga Tipan 133:3–19.

• Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Ikalawang Pagparitoni Jesucristo”; scriptures.lds.org.

• Dallin H. Oaks, “Paghahanda para sa IkalawangPagparito,” Ensign o Liahona, Mayo 2004, 7–10.

26 Si Jesucristo ayMamumunoBilang Hari ngmga Hari atHahatulan angSanlibutan

• Mateo 25:31–46.

• Kabanata 45, “Ang Milenyo,” Mga Alituntunin ngEbanghelyo [2009], 313–17.

• Kabanata 46, “Ang Huling Paghuhukom,” MgaAlituntunin ng Ebanghelyo [2009], 319–24.

27 Si Jesucristo angIlaw, Buhay, atPag-asa ngSanlibutan

• Mga Awit 146:5; Juan 8:12; Mga Taga Roma 5:3–5;15:13; I Ni Pedro 1:3; Eter 12:4, 32; Moroni 7:3, 40–41;Doktrina at mga Tipan 88:6–13; 138:14.

• Dieter F. Uchtdorf, “Ang Pag-asang Dulot ng Liwanag ngDiyos,” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 70, 75–77.

28 Personal na Saksini Jesucristo

• Mateo 5:14–16; 2 Nephi 25:26; Mosias 18:8–11;3 Nephi 18:24.

• D. Todd Christofferson, “Pagiging Saksi ni Jesucristo,”Liahona Mar. 2008, 58–63.

PAMBUNGAD

xiii

Page 16: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat
Page 17: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

1

Si Jesus ang Buhayna Cristo

PambungadIpinahayag ng mga saksi sa makabagong panahong ito:“Nagpapatotoo kami, bilang Kanyang marapat na inordenanna mga Apostol—na si Jesus ang Buhay na Cristo” (“AngBuhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign oLiahona, Abr. 2000, 3). Dahil tila hindi nalalaman ng mundoang tunay na pagkatao at katangian ni Jesucristo at angKanyang kaugnayan sa Diyos Ama, napakahalaga na

magkaroon ng mga tapat na saksi sa Pinakamamahal naAnak ng Diyos. Ang lesson na ito ay tutulong sa mgaestudyante na matukoy ang pangangailangang ito atmatutuhan kung paano sila mas tapat na magpapatotootungkol kay Jesucristo sa kanilang pamilya, mga kaibigan, atmga kapitbahay.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr.

2000, 2–3.

• Dieter F. Uchtdorf, “Ang Bisa ng Personal na Patotoo,” Ensign o Liahona, Nob.2006, 37–39.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng Buhay na CristoIsulat sa pisara ang sumusunod na tanong:

Sino si Jesucristo, at bakit kayo naniniwala sa Kanya?

Sabihin sa mga estudyante na sinasagot ng maraming tao ang tanong na ito sapamamagitan ng pagbabahagi ng patotoo. Isa sa gayong patotoo ay nakasaad sahimnong “Buhay ang Aking Manunubos” (Mga Himno, blg. 78). Magbigay ng mgatitik ng himnong ito sa klase, at hatiin sa apat na grupo ang mga estudyante.Mag-assign ng iba’t ibang talata ng himno sa bawat grupo, at ipabasa sa kanila angmga salita. Matapos ang sapat na oras, itanong ang mga sumusunod:

• Anong mga salita o parirala ang ginamit sa himnong ito na nagpapahayag kungsino si Jesucristo at kung ano ang ginawa Niya para sa atin? (Dapat kabilang samga sagot ang “aking walang hanggang Hari,” “aking Kaibigan,” “Harikailanpaman,” “Tagapagligtas.” Siya ay nagbibigay ng pag-ibig na dalisay, lunassa uhaw na kaluluwa, patnubay, ginhawa, at buhay.)

• Anong salita ang ginamit sa himnong ito upang ilarawan kung paanonakakaapekto sa atin ang patotoo tungkol kay Jesucristo? (Dapat kabilang sasagot ang “ligaya.”)

1

Page 18: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Sabihin sa klase na hayagang ipinahayag ng Unang Panguluhan at Korum ngLabindalawang Apostol ang kanilang pinagsama-samang patotoo tungkol kayJesucristo sa “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol” (tingnan saEnsign o Liahona, Abr. 2000, 2–3). Bigyan ang bawat estudyante ng kopya ngpatotoong ito, at ipaliwanag na maraming paksa sa lesson sa kursong ito angkinuha mula sa mga doktrina at alituntunin na inilahad sa inspiradong pahayag naito. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang unang talata:

“Habang ipinagdiriwang natin ang pagsilang ni Jesucristo dalawang libong taon na angnakararaan, iniaalay namin ang aming patotoo tungkol sa katotohanan ng Kanyang hindimapapantayang buhay at ang walang hanggang kapangyarihan ng Kanyang dakilangmapagbayad-salang sakripisyo. Walang sinuman ang nakapagbigay ng gayong makahulugangimpluwensiya sa lahat ng nabuhay na at sa lahat ng mabubuhay pa sa mundo” (“Ang Buhay naCristo: Ang Patotoo ng mga Apostol, ” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2).

• Ano ang gusto ninyong maging impluwensya sa inyo ng pag-aaral ninyo ngtungkol kay Jesucristo at sa Kanyang walang hanggang ebanghelyo sa semesterna ito? (Kapag nakasagot na ang mga estudyante, maaari mong bigyang-diinna ang masigasig na pag-aaral ng tungkol sa buhay ni Jesucristo aytutulong sa atin na mapahalagahan ang malaking impluwensya atmaaaring maging impluwensya Niya sa ating buhay.)

• Sa paanong paraan naimpluwensyahan ng Tagapagligtas ang lahat ng nabuhayo mabubuhay sa mundo? (Kapag nakasagot na ang mga estudyante, tiyakingmabigyang-diin na ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas ay para sa lahatng tao.)

Sabihin sa mga estudyante na ang kursong ito ay magtutuon sa walang hanggangministeryo ng Tagapagligtas sa Kanyang buhay bago pa ang buhay na ito[premortal], buhay sa mundong ito [mortal], at kabilang buhay [postmortal]. Sapag-aaral ng mga estudyante ng tungkol sa maraming banal na gawain ngTagapagligtas, lalong lalalim ang kanilang pagmamahal at patotoo tungkolsa Kanya.

Juan 20:30–31; 1 Nephi 6:4; 2 Nephi 25:23, 26Ang mga banal na kasulatan ay isinulat upang manampalataya ang mga tao kayJesucristoItanong sa mga estudyante kung gaano karaming aklat sa palagay nila ang naisulattungkol kay Jesucristo. Ipaliwanag na anumang pag-aaral tungkol sa buhay niJesucristo ay dapat nakasentro sa mga banal na kasulatan. Sabihin sa tatlongestudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng mga sumusunod nascripture passage: Juan 20:30–31; 1 Nephi 6:4; at 2 Nephi 25:23, 26. Sabihin sa klasena tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang mga dahilan kung bakit ang mgabanal na kasulatan ay mahalagang materyal kapag pinag-aaralan ang walanghanggang ministeryo ng Tagapagligtas.

• Anong alituntunin ang itinuturo ng mga scripture passage na ito tungkol salayunin ng mga banal na kasulatan? (Bagama’t maaaring gamitin ng mga

LESSON 1

2

Page 19: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

estudyante ang iba’t ibang salita, dapat nilang matukoy ang sumusunod naalituntunin: Kapag pinag-aralan natin ang mga scripture passage tungkolsa Tagapagligtas, lalakas ang ating patotoo tungkol sa Kanya at masmapapalapit tayo sa Kanya.)

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang pangunahing layunin ng lahat ng banal na kasulatan ay puspusin ang atingmga kaluluwa ng pananampalataya sa Diyos Ama at sa Kanyang Anak na siJesucristo. …

“… Ang pananampalataya ay nakakamtan sa pagsaksi ng Banal na Espiritu saating mga kaluluwa, nang Espiritu sa espiritu, habang naririnig o binabasa natinang salita ng Diyos. At lumalalim ang pananampalataya kapag patuloy tayong

nagpapakabusog sa salita” (“Ang Biyaya ng Banal na Kasulatan, ” Ensign o Liahona, Mayo2010, 34, 35).

• Sa paanong mga paraan tayo natutulungan ng mga banal na kasulatan namapalakas sa ating pananampalataya o mas mapalapit kay Jesucristo?

• Paano napalakas ng pag-aaral ninyo ng mga banal na kasulatan ang inyongpananampalataya at patotoo kay Jesucristo?

Bigyan ang bawat estudyante ng kopya ng mga resources o materyal na nakalista sabahaging Mga Babasahin ng mga Estudyante para sa kursong ito. (Maaaring ito aypaper copy, o maaari mong ipaliwanag sa mga estudyante kung saan silamakakahanap ng digital copy.) Hikayatin ang mga estudyante na gawing bahagi ngkanilang araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa semester na ito angmga babasahin ng mga estudyante para sa kursong ito. Tiyakin sa mga estudyantena kapag ginawa nila ito, sila ay tuturuan ng Espiritu Santo at mas mapapalapit saTagapagligtas.

Pagiging mga saksi ni JesucristoIpaliwanag sa mga estudyante na hindi sapat na pag-aralan lamang ang tungkol saTagapagligtas sa mga banal na kasulatan. Dapat ding magkaroon tayo ng personalna espirituwal na pagsaksi o patotoo sa pamamagitan ng kapangyarihan ngEspiritu Santo na si Jesus ang Cristo, ang Pinahiran, ang ating Tagapagligtas atManunubos. Ibahagi sa klase ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dieter F.Uchtdorf ng Unang Panguluhan:

LESSON 1

3

Page 20: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Hindi tayo puwedeng umasa sa mga patotoo ng ibang tao. Kailangan natingmalaman [para] sa ating sarili. Sinabi ni Pangulong Gordon B. Hinckley, ‘BawatBanal sa mga Huling Araw ay may responsibilidad na malaman [para] sakanyang sarili ang katiyakang walang pagdududa na si Jesus ang nabuhay namag-uli at buhay na Anak ng buhay na Diyos’ (“Fear Not to Do Good,” Ensign,Mayo 1983, 80).

“Ang pinagmulan ng tiyak na kaalaman at matibay na paniniwalang ito ay banal napaghahayag, ‘sapagka’t ang patotoo [kay] Jesus ay siyang espiritu ng [propesiya]’ (Apocalipsis19:10).

“Nagkakaroon tayo ng patotoong ito kapag kinakausap ng Banal na Espiritu ang atingespiritu. …

“Ang [pinakasentro] ng patotoong ito ay lagi nang pananampalataya at kaalaman tungkol kayJesucristo at sa Kanyang banal na misyon” (“Ang Bisa ng Personal na Patotoo,” Ensign oLiahona, Nob. 2006, 38).

• Sa palagay ninyo, bakit si Jesucristo ang dapat na pinakasentro ng ating mgapatotoo?

• Ano sa palagay ninyo ang ipagagawa ni Jesucristo sa inyong patotoo tungkolsa Kanya?

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Dapat makita sa atin ng mga tao ang bagay na may kaugnayan kay Jesus. Angating paraan ng pagkilos, pagsasalita, pagtingin, at kahit pag-iisip aymaglalarawan sa Kanya at sa Kanyang mga pamamaraan. … Bagama’t hindiNiya tayo kasama sa Kanyang ministeryo, habang sinasaliksik natin ang mgabanal na kasulatan, nakikita natin si Jesus at ang mga sinabi at ginawa Niya. Athabang tinutularan natin ang huwarang ito, nagpapatotoo tayo sa Kanya”

(“Pagiging Saksi ni Jesucristo,” Liahona, Mar. 2008, 60).

Isunod na itanong sa mga estudyante:

• Paano ninyo nakitang nagpatotoo ang iba tungkol kay Jesucristo sapamamagitan ng kanilang mga ginagawa?

• Habang iniisip ninyo ang mundong inyong ginagalawan, ano ang magagawanatin para makaimpluwensya sa iba ang ating pagsaksi at patotoo tungkol saTagapagligtas?

Magpatotoo na kapag nagkaroon tayo ng patotoo tungkol kay Jesucristo sapamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, responsibilidad natin naibahagi ito.

Hikayatin ang mga estudyante na mamuhay nang handa araw-araw namapatotohanan si Jesucristo sa pamamagitan ng kanilang sinasabi at ginagawa.Hikayatin sila na pumasok sa klase na nabasa ang naka-assign na mga babasahinat handang magbahagi ng mga ideya, magtanong, at makibahagi sa talakayansa klase.

LESSON 1

4

Page 21: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Juan 20:30–31; 1 Nephi 6:4; 2 Nephi 25:23, 26.

• “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr.2000, 2–3.

• Dieter F. Uchtdorf, “Ang Bisa ng Personal na Patotoo,” Ensign o Liahona, Nob.2006, 37–39.

LESSON 1

5

Page 22: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

2

Si Jesucristo angPinakasentro sa BuongKasaysayan ngSangkatauhan

PambungadSa pagpapatotoo tungkol sa mahalagang gawain niJesucristo sa plano ng Ama sa Langit, ipinahayag ng mgapropeta sa makabagong panahong ito, “Taimtim kamingnagpapatotoo na ang Kanyang buhay, na siyang tampulan ngbuong kasaysayan ng sangkatauhan, ay hindi nagsimula saBetlehem o nagtapos sa Kalbaryo” (“Ang Buhay na Cristo:Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr.

2000, 2). Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante namas maunawaan na itinatag ng Ama sa Langit ang Kanyangplano ng kaligtasan sa daigdig bago pa ang buhay na ito atinorden noon pa man si Jehova, ang hindi pa mortal na siJesucristo, na maging pinakasentro sa planong iyan. Angmga estudyante ay mahihikayat na gawing sentro ngkanilang mortal na buhay si Jesucristo.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Robert D. Hales, “Kalayaan: Mahalaga sa Plano ng Buhay,” Ensign o Liahona,

Nob. 2010, 24–27.

• Dallin H. Oaks, “The Great Plan of Happiness,” Ensign, Nob. 1993, 72–75.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAlma 12:22–34Ang Tagapagligtas ang sentro sa plano ng DiyosIpakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Alexander B. Morrison ng Pitumpu, atipabasa ito nang malakas sa isang estudyante. Sabihin sa klase na tahimik nasumabay sa pagbasa at tukuyin kung ano ang inilahad ng Ama sa Langit saKanyang mga anak sa daigdig bago pa ang buhay na ito:

“Mahabang panahon na ang lumipas, bago nilikha ang mundo na atingtinitirahan, ang Diyos Ama ay … nagtatag ng isang plano. … Naglaan angplanong [iyan] ng perpektong paraan para matanggap ng lahat ng anak ng Diyosang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan” (“Life—the Gift Each IsGiven,” Ensign, Dis. 1998, 15–16).

• Anong mga pagpapala ang sinabi ni Elder Morrison na maaaring matanggapnatin sa huli bilang bahagi ng plano ng Diyos? (Ipaliwanag na angkawalang-kamatayan ay tumutukoy sa pagkabuhay na muli—hindi na muling

6

Page 23: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

pisikal na mamamatay—at ang buhay na walang hanggan ay tumutukoy sa uring buhay na tinatamasa ng Diyos.)

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Alma 12:25 at alaminkung paano tinukoy ni Alma ang plano ng Diyos at kung kailan ito inihanda.Sabihin sa kanila na ibahagi ang nalaman nila. (Itinuro ni Alma na ang “plano ngpagtubos” ng Diyos ay itinatag “mula pa sa pagkakatatag ng daigdig.” Matapossumagot ang mga estudyante, maaari mong ipaliwanag na kabilang sa iba pangmga pangalan ng plano ng Diyos ay “ang maawaing plano ng dakilang Lumikha,”[2 Nephi 9:6]; “ang plano ng kaligtasan” [Alma 24:14]; “dakilang plano ng Diyosna walang hanggan” [Alma 34:9]; “dakilang plano ng kaligayahan” [Alma 42:8]; atang “walang hanggang tipan” [D at T 22:1; 45:9; 66:2].)

Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Alma 12:22–32 nangmay kapartner, at alamin ang mga dahilan kung bakit tinawag ang plano ng Diyosna plano ng pagtubos. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante naibahagi ang nalaman nila sa klase. Tulungan ang mga estudyante na masmaunawaan ang mga talatang ito sa pagtatanong ng:

• Ayon sa mga turo ni Alma, ano ang maaaring maging walang hanggangkalagayan natin kung wala ang plano ng pagtubos? (Kung walang plano ngpagtubos, walang pagkabuhay na mag-uli ng mga patay o pagtubos mula sakasalanan, at ang buong sangkatauhan ay mananatili sa ligaw at nahulog nakalagayan at sa pisikal at espirituwal na kamatayan magpakailanman [tingnandin sa 2 Nephi 9:6–13].)

• Bakit kinakailangang may ilaang paraan upang mapagtagumpayan natin angmga kalagayang ito?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Alma 12:33–34. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa at alamin kung ano ang inilaan ng Diyos upangmatubos ang Kanyang mga anak. Tulungan ang mga estudyante na mailahad angdoktrina o alituntunin na itinuro sa mga talatang ito sa pagtatanong ng:

• Paano ninyo ibubuod ang maipagkakaloob sa atin ni Jesus sa plano ng Diyos?(Dapat kabilang sa mga sagot ang sumusunod: Kung magsisisi tayo at hindipatitigasin ang ating puso, tayo ay tatanggap ng awa at kapatawaran ngmga kasalanan sa pamamagitan ng Bugtong na Anak ng Diyos. Sapamamagitan lamang ni Jesucristo tayo makatatanggap ng kapatawaransa mga kasalanan at makapapasok sa kinaroroonan ng Ama sa Langit.)

Magpatotoo na si Jesucristo ang sentro sa plano ng Diyos at sa pamamagitan ngKanyang Pagbabayad-sala ang paraan ay ibinigay upang magkaroon tayo ngkawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan.

Abraham 3:24–27; I Ni Pedro 1:19–20Si Jesucristo ay inordenan noon pa man na maging Tagapagligtas natinSabihin sa mga estudyante na basahing mabuti ang Abraham 3:24–27 at I Ni Pedro1:19–20, at alamin ang itinuro ng mga talatang ito tungkol sa gawain ngTagapagligtas sa plano ng Diyos. Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod.(Paalala: Sa ganitong pagtatanong, matutulungan mo ang mga estudyante na

LESSON 2

7

Page 24: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

matutuhan kung paano suriin ang mga scripture passage at tukuyin ang mgadoktrinang itinuturo ng mga ito.)

• Sa Abraham 3:26, ano ang ibig sabihin ng pariralang “unang kalagayan” at“ikalawang kalagayan”? (Ang “unang kalagayan” ay tumutukoy sa buhay bagopa ang buhay na ito, at ang “ikalawang kalagayan” ay tumutukoy sa mortalna buhay.)

• Sino ang tatlong indibiduwal na binanggit sa Abraham 3:27, at ano ang ginawang bawat isa? (Ama sa Langit, Jesucristo, at si Satanas. Bigyang-diin na sadaigdig bago pa ang buhay na ito, inordenan ng Ama sa Langit angKanyang Panganay na Anak, si Jesucristo, na maging pinakasentro saKanyang plano.)

Tiyakin na nauunawaan ng mga estudyante na si Jesus ay kilala bilang Jehova sadaigdig bago pa ang buhay na ito. Pagkatapos ay itanong:

• Nang sabihin ni Jehova sa Ama, “Narito ako, isugo ako,” ano ang determinadoNiyang gawin sa buhay na ito? (Ituro ang Kanyang ebanghelyo, itayo angKanyang Simbahan, magdusa at mamatay para sa ating mga kasalanan, atbumangon mula sa mga patay.)

• Nang piliin ng Ama sa Langit si Jehova bilang ating Manunubos, ano angnagawa nito para sa atin na nauugnay sa mga maaari nating matamo sahinaharap?

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan nang tahimik ang Moises 4:2, at alaminang iba pang mahahalagang katotohanan tungkol sa pagpili ng Ama sa Langit kayJehova upang maging ating Tagapagligtas at Manunubos. Sabihin sa mgaestudyante na ipaliwanag ang nalaman nila, at tiyakin na natukoy nila ang mgasumusunod na katotohanan: Si Jehova ay pinili mula pa sa simula. Ang isangdahilan kung bakit pinili si Jehova ay dahil hinangad Niyang gawin angkalooban ng Ama at ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Ama. Upang masmabigyang-diin ang mga katotohanang ito, ipakita at ipabasa nang malakas saisang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korumng Labindalawang Apostol:

“[Si Jesucristo] lamang ang tanging nagpakumbaba nang sapat at nagkusa sakonseho bago tayo isinilang na maorden [upang isagawa ang walang hanggangPagbabayad-sala]” (“Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Ensign, Mar. 2008, 35).

Sabihin sa mga estudyante na ilarawan sa kanilang isipan kung ano kaya angpakiramdam nang naroon sa pagkakataong iyon nang sabihin ng Ama sa Langit salahat ng Kanyang anak na ang Kanyang Panganay na Anak na si Jehova angmagiging Tagapagligtas natin. Pagkatapos ay ipakita ang sumusunod na pahayag niPropetang Joseph Smith (1805–44), at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

LESSON 2

8

Page 25: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Sa unang organisasyon sa langit naroon tayong lahat at nakita natin na pinili athinirang ang Tagapagligtas at ginawa ang plano ng kaligtasan, at sinang-ayunannatin ito” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 242).

• Ano sa palagay ninyo ang alam ninyo tungkol kay Jehova na magiging dahilanupang sang-ayunan ninyo ang pagtawag at pagkahirang Niya bilang atingTagapagligtas at Manunubos?

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Neal A. Maxwell (1926–2004) ngKorum ng Labindalawang Apostol. Pagkatapos ay bigyan ang mga estudyante ngilang sandali na maisulat ang anumang ideya at damdamin nila tungkol saTagapagligtas habang pinag-iisipan ang banal na katotohanan na itinuro ni ElderMaxwell:

“Walang sinuman ang nagbigay ng napakarami sa napakaraming tao sapamamagitan lamang ng iilang salita nang sabihin ni Jesus, ‘Narito ako, isugoako.’ (Abr. 3:27.)” (“Jesus of Nazareth, Savior and King,” Ensign, Mayo 1976, 26).

Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi sa klase ang isinulat nila.

Gawing sentro ng ating mortal na buhay ang TagapagligtasPatingnan muli ang Abraham 3:25, kung saan nalaman natin na pinlano ng Ama saLangit na subukin tayo sa mortalidad, upang makita kung susundin natin angKanyang mga kautusan. Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Robert D.Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa isang estudyante nabasahin nang malakas ang pahayag habang aalamin naman ng klase ang pagpili nakailangan nating gawin bilang bahagi ng ating pagsubok sa mortal na buhay na ito:

“Ngunit isipin ninyo: sa unang kalagayan natin noon ay pinili nating sundin angTagapagligtas na si Jesucristo! At dahil ginawa natin ito, pinayagan tayongpumarito sa mundo. Pinatototohanan ko na sa paggawa ng gayunding pasiya nasundin ang Tagapagligtas ngayon, dito sa lupa, ay magkakamit tayo ng masmalalaking pagpapala sa kawalang-hanggan. Ngunit dapat malaman ng lahat:kailangang patuloy nating piliing sundin ang Tagapagligtas. Nakataya ang

kawalang-hanggan, at ang matalinong paggamit natin ng kalayaan at ang ating mga kilos ogawa ay mahalaga sa pagkakaroon natin ng buhay na walang hanggan” (“Kalayaan: Mahalagasa Plano ng Buhay, ” Ensign o Liahona, Nob. 2010, 25).

Upang matulungan ang mga estudyante na matukoy at maunawaan angalituntunin o katotohanang itinuro ni Elder Hales, itanong ang mga sumusunod:

LESSON 2

9

Page 26: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ano ang natutuhan ninyo mula sa pahayag ni Elder Hales tungkol sa ating mgapinipili at pasiya sa buhay na ito? (Matapos sumagot ang mga estudyante,magpatotoo na sa pagpiling gawing sentro ng ating buhay angTagapagligtas habang narito tayo sa lupa, matatamo natin ang masmalalaking pagpapala sa kawalang-hanggan.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ni Elder Hales sa pariralang “nakatayaang kawalang-hanggan”?

• Ano ang ilang pag-uugali at kilos na nagpapahiwatig na pinipili ng isang tao nasundin si Jesucristo? (Isulat sa pisara ang sagot ng mga estudyante.)

Ipaliwanag na para sa marami sa atin, madaling magtuon sa Tagapagligtas tuwingLinggo. Ngunit paano natin magagawang maging mas bahagi Siya ng ating buhaysa araw-araw? Bigyan ng oras ang mga estudyante na mapag-isipang mabuti angginawa nila ngayon para makatuon sa Tagapagligtas. Sabihin sa kanila na magsulatng isang bagay na magagawa nila ngayon upang mas lubos na maisentro angkanilang buhay sa Tagapagligtas. Hikayatin silang mangako nang tahimik sa Amasa Langit na gagawin nila ito.

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa mga katotohanang itinuro ngayon.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Alma 12:22–34; 34:9; 42:8, 11; Doktrina at mga Tipan 22:1; 45:9; 66:2; Abraham

3:24–27; I Ni Pedro 1:19–20; Moises 4:2.

• Robert D. Hales, “Kalayaan: Mahalaga sa Plano ng Buhay,” Ensign o Liahona,Nob. 2010, 24–27.

LESSON 2

10

Page 27: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

3

Si Jehova at ang KanyangMinisteryo sa Buhay BagoPa ang Buhay sa Mundo

PambungadAyon sa mga propeta sa panahong ito, itinuro ni Jesucristo“ang katotohanan tungkol sa kawalang-hanggan, at angkatotohanan tungkol sa buhay natin bago tayo nabuhay samundo, ang layunin ng buhay natin sa mundo, at angpotensiyal ng mga anak na lalaki at babae ng Diyos sa buhayna darating” (“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mgaApostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2). Sa lesson na ito,

malalaman ng mga estudyante na sa buhay bago pa angbuhay na ito, ang kanilang pananampalataya na magagawani Jehova (Jesucristo) ang Pagbabayad-sala ang nagbigay sakanila ng kakayahan na madaig si Satanas sa Digmaan saLangit. Malalaman din ng mga estudyante na sa daigdigbago pa ang buhay na ito, nakahihigit si Jehova sa lahat nganak ng Diyos sa lahat ng banal na katangian.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Richard G. Scott, “Jesus Christ, Our Redeemer,” Ensign, Mayo 1997, 53–54, 59.

• “The Father and the Son: A Doctrinal Exposition by the First Presidency and theQuorum of the Twelve Apostles,” Ensign, Abr. 2002, 13–18.

Mga Mungkahi sa PagtuturoApocalipsis 12:7–11; Moises 4:3Ang ginampanan ni Jehova sa Digmaan sa LangitIsulat sa pisara ang salitang digmaan, at itanong sa mga estudyante kung anongmga imahe ang naiisip nila tungkol dito. Pagkatapos ay sabihin sa kanila nabasahing mabuti ang Apocalipsis 12:7, 9 at tukuyin ang digmaang inilarawan doon(ang Digmaan sa Langit). Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag angnaunawaan nila sa nangyari sa digmaang iyon.

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Bruce R. McConkie (1915–85) ngKorum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Anong uri ng digmaan [ang Digmaan sa Langit]? Ang gayon ding uri ngdigmaan na namamayani sa mundo; ang nag-iisang uri ng digmaan namapapasimulan ni Satanas at ng mga espiritung nilalang—digmaan ng mgasalita, pagkakagulo ng mga opinyon, labanan ng mga ideolohiya; digmaan ngtama at ng mali” (Doctrinal New Testament Commentary, 3 tomo[1965–73], 3:518).

Itanong sa mga estudyante:

11

Page 28: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ayon kay Elder McConkie, paano natutulad ang Digmaan sa Langit sadigmaang pinasisimulan ni Satanas laban sa mga anak ng Diyos sa buhayna ito?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Apocalipsis 12:10 at sa isa pangestudyante ang Moises 4:3. Maaari mong imungkahi sa mga estudyante nai-cross-reference ang dalawang talatang ito sa pagsulat ng Moises 4:3 sa margin ngkanilang banal na kasulatan sa tabi ng Apocalipsis 12:10 at vice versa. Ipaliwanagna “ang tagapagsumbong sa ating mga kapatid” (Apocalipsis 12:10) ay si Satanas.Pagkatapos ay itanong:

• Ayon sa Moises 4:3, paano pinalayas si Satanas sa daigdig bago pa ang buhayna ito?

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Apocalipsis 12:11. Tulungan ang mgaestudyante na maihayag ang alituntuning itinuro sa talatang ito sa pamamagitan ngpagtatanong ng mga sumusunod:

• Paano ninyo ibubuod ang itinuro sa talata 11 tungkol sa mga epekto ngPagbabayad-sala ni Jesucristo? (Dapat matukoy ng mga estudyante angsumusunod na katotohanan: Dahil tiyak na isasagawa ni Jesucristo angPagbabayad-sala, ang mga epekto nito ay may bisa na sa daigdig bago paang buhay na ito. Kaya’t tinukoy Siya na “[ang] Cordero na pinatay buhatnang itatag ang sanlibutan” [Apocalipsis 13:8; tingnan din sa Mosias 4:7;Moises 7:47].)

• Paano ninyo magagamit ang nakatala sa Apocalipsis 12:11 upang matulungankayo sa inyong personal na pakikidigma kay Satanas sa buhay na ito? (Matapossumagot ang mga estudyante, isulat ang sumusunod na alituntunin sa pisara:Madaraig natin si Satanas sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Jesucristo,na nagsagawa ng Pagbabayad-sala, at sa pamamagitan ng pagpapatotoo atpagiging tapat sa ating patotoo.)

Abraham 3:15–25; Doktrina at mga Tipan 138:55–56Si Jehova ay nakahihigit sa atin sa lahat ng bagaySabihin sa mga estudyante na sa buhay bago pa ang buhay na ito, naghandatayong pumarito sa mundo. Ipakita ang sumusunod na pahayag ni PropetangJoseph Smith (1805–44), at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang Diyos mismo, nang makitang naliligiran siya ng mga espiritu atkaluwalhatian, at dahil Siya ay mas matalino, ay nakita na wastong magtatag ngmga batas na nagbibigay sa iba ng pribilehiyong umunlad na katulad niya. Angkaugnayan natin sa Diyos ay naglalagay sa atin sa isang sitwasyon namadaragdagan ang ating kaalaman. Siya ay may kapangyarihang bumuo ng mgabatas para maturuan ang di gaanong matatalino, upang sila ay mapadakilang

kasama niya” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 244).

Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

LESSON 3

12

Page 29: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ano ang natutuhan ninyo mula sa pahayag ni Joseph Smith tungkol sa nais ngAma sa Langit para sa atin? (Nais ng Ama sa Langit na tayo ay espirituwal nasumulong at umunlad—upang maging higit na katulad Niya.)

Isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong, at sabihin sa mga estudyante napag-aralan ang Abraham 3:24–25 para malaman ang mga sagot:

• Sino ang “isang nakatayo sa kanila na tulad ng Diyos”? (talata 24).

• Anong tungkulin ang ginampanan niya?

• Ano ang sinabi niya na isang layunin ng buhay na ito?

Pagkatapos ng sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang kanilangsagot sa klase. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na basahing mabuti angDoktrina at mga Tipan 138:55–56 para malaman kung ano ang ginawa upangmaihanda ang mga anak ng Diyos na magtagumpay sa buhay na ito. Upangmatulungan ang mga estudyante na maihalintulad ang talatang ito sa kanilangsarili, itanong:

• Ayon sa mga talatang ito, paano tayo inihanda na pumarito sa lupa?

Sabihin sa mga estudyante na isipin sandali ang mga katangiang taglay ngTagapagligtas sa daigdig bago pa ang buhay na ito. Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang Abraham 3:19, 21. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sapagbasa, at alamin kung ano ang itinuro tungkol kay Jesucristo. Matapos sumagotang mga estudyante, bigyan ang mga estudyante ng kopya ng mga sumusunod napahayag nina Elder Neal A. Maxwell (1926–2004) at Elder Bruce R. McConkie(1915–85) ng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa kanila na basahin angmga pahayag at markahan ang mga salita at parirala na nagtuturo tungkol saTagapagligtas:

“Sa katalinuhan, at nagawa nakahihigit [si Jesucristo] sa indibiduwal at sapinagsama-samang kakayahan at nagawa ng lahat ng taong nabuhay noon,nabubuhay ngayon, at mabubuhay pa lamang! (Tingnan sa Abr. 3:19.)” (Neal A.Maxwell, “O, Divine Redeemer,” Ensign, Nob. 1981, 8).

“Dahil nasa ilalim ng batas, at may kalayaan, ang lahat ng espiritu ng tao,habang naroon sa Walang Hanggang Presensya, ay nagkaroon ng mgakakayahan, talento, kapasidad, at abilidad ng lahat ng klase, uri, at antas. Sanapakahabang panahon sa buhay na iyon noon, walang hanggan at iba’t ibangtalento at abilidad ang napahusay. …

“Pinagkalooban tayong lahat ng Panginoon ng kalayaan; binigyan niya tayo ngmga batas na tutulong sa atin na umunlad at sumulong at maging tulad niya; at pinayuhan attinulungan niya tayo na tahakin ang landas na hahantong sa kaluwalhatian at kadakilaan. Siya

LESSON 3

13

Page 30: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

ay sagisag at ganap na halimbawa ng lahat ng mabubuting bagay. Lahat ng kanais-nais nakatangian at ugali ay taglay niya sa walang hanggang kaganapan nito. Lahat ng kanyangmasunuring mga anak ay nagsimulang maging katulad niya sa anumang paraan. Nagkaroon ngmarami at iba-ibang antas ng katalinuhan at kakayahan sa atin doon sa buhay na iyon noontulad din dito sa buhay natin ngayon. Ang ilan ay napakahusay sa isang bagay, ang iba namanay sa ibang bagay. Ang Panganay ang pinakamahusay sa ating lahat sa lahat ng bagay”(Bruce R. McConkie, The Mortal Messiah, 4 na tomo [1979–81], 1:23).

Isunod na itanong sa mga estudyante kung ano ang pinakanapansin nila sa mgapahayag na ito. Kung kinakailangan, itanong:

• Ano ang nalaman ninyo mula sa dalawang Apostol na ito tungkol sa mgapambihirang katangian ni Jehova sa daigdig bago pa ang buhay na ito? (Dapatmaunawaan ng mga estudyante na sa daigdig bago pa ang buhay na ito,nahigitan ni Jehova ang pinagsama-samang mga kakayahan at nagawa nglahat ng anak ng Ama sa Langit.)

Bigyan ang mga estudyante ng ilang minuto na pag-isipan ang ministeryo ngTagapagligtas sa buhay bago pa ang buhay na ito at isulat ang anumang naisip atnadama nila. Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi sa klase ang isinulat nila.Tapusin ang lesson sa paghikayat sa mga estudyante na pag-isipan kung paanomakatutulong sa kanila ang nalaman nila tungkol sa ministeryo at mgapambihirang katangian ng Tagapagligtas sa buhay bago pa ang buhay na ito na laloSiyang mahalin at manampalataya sa Kanya.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Apocalipsis 12:7–11; Abraham 3:15–25; Doktrina at mga Tipan 138:55–56.

• Richard G. Scott, “Jesus Christ, Our Redeemer,” Ensign, Mayo 1997, 53–54, 59.

LESSON 3

14

Page 31: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

4

Nilikha ni Jehovaang Mundo

PambungadNakasaad sa “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mgaApostol”: “Sa ilalim ng pamamahala ng Kanyang Ama, [siJesucristo] ang manlilikha ng daigdig. ‘Ang lahat ng mgabagay ay ginawa niya; at alin man sa lahat ng ginawa ayhindi ginawa kung wala siya’ (Juan 1:3)” (Ensign o Liahona,

Abr. 2000, 2). Kapag naunawaan ng mga estudyante angmga walang hanggang layunin ng paglikha sa mundo,makapamumuhay sila nang may mas matindingdeterminasyon na isakatuparan ang layunin ng kanilangpaglikha.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Russell M. Nelson, “Ang Paglikha,” Liahona, Hulyo 2000, 84–86.

• Kung mayroon sa inyong wika, maaari ninyong basahin ang Neal A. Maxwell,“Our Creator’s Cosmos,” sa By Study and by Faith: Selections from the ReligiousEducator, ed. Richard Neitzel Holzapfel and Kent P. Jackson (2009), 37–50.

Mga Mungkahi sa PagtuturoGenesis 1:1; Juan 1:1–3; Sa Mga Hebreo 1:1–2; Jacob 4:9; Doktrina at mgaTipan 38:1–3; 76:22–24; 104:14–17; Moises 1:30–33; 2:1Nilikha ni Jehova ang mundoMagdispley ng isang bagay na ginawa para sa iyo ng isang tao (marahil bilang isangregalo). Ibahagi sa klase ang iyong damdamin para sa bagay na ito at sa taonggumawa nito. Pagkatapos ay itanong:

• Kailan may ginawang isang bagay ang isang tao para sa inyo? Ano ang nadamaninyo sa taong gumawa niyon?

Sabihin sa mga estudyante na paghambingin ang Genesis 1:1; Juan 1:1–3; MgaTaga Efeso 3:9; Sa Mga Hebreo 1:1–2; at Moises 2:1. Sabihin sa mga estudyante namaglista sa pisara ng mga pagkakatulad at pagkakaiba na napansin nila sa mgascripture passage na ito. (Paalala: Kapag natutuhan ng mga estudyante namaghambing ng mga scripture passage, mas malinaw nilang mauunawaan angmga doktrina at alituntunin.) Pagkatapos ay itanong:

• Ayon sa mga banal na kasulatang ito, sino ang lumikha ng mundo?(Bigyang-diin na nilikha ni Jehova ang mundo sa ilalim ng pamamahala ngAma, o tulad ng itinuro ni Elder Russell M. Nelson ng Korum ngLabindalawang Apostol: “Ang buong paglikha ay pinlano ng [Ama sa Langit]”(“Ang Paglikha,” Liahona, Hulyo 2000, 84).

Bigyan ng oras ang mga estudyante na basahin at paghambingin nang tahimik angDoktrina at mga Tipan 76:22–24; 104:14–17; at Moises 1:30–33, at alamin kung anopa ang mga nilikha ni Jehova. Kung kinakailangan, ipaliwanag na nilikha Niya angmga daigdig na hindi mabilang at na “ang lupa ay sagana, at may sapat at matitira”

15

Page 32: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

(D at T 104:17). Tulungan ang mga estudyante na suriin ang pariralang ito sapagtatanong ng:

• Ano ang ipinahihiwatig ng pariralang ito tungkol sa kailangang alam ngTagapagligtas nang likhain Niya ang mundo? (Kailangang alam Niya kung ilangtao ang maninirahan sa mundo at kung ano ang magiging mgapangangailangan nila sa lahat ng iba’t ibang panahon ng kasaysayan.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na mahalagang malaman kung sino ang lumikha ngmundo at mahalaga ring malaman kung sa anong kapangyarihan nilikha angmundo. Sabihin sa mga estudyante na ihambing at i-cross-reference ang Mormon9:16–17; Doktrina at mga Tipan 38:1–3; at Jacob 4:9 at tukuyin kung paano nilikhaang mundo. Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag sa sarili nilang mga salitakung ano ang ibig sabihin ng mga scripture passage na ito. Pagkatapos ay ipakitaang sumusunod na pahayag:

“Nilikha ni Jesucristo ang mundong ito at lahat ng narito. Lumikha rin Siya ng marami pangibang mundo. Ginawa Niya ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng priesthood, sa ilalim ngpamamahala ng ating Ama sa Langit” (Mga Alituntunin ng Ebanghelyo [2009], 27).

Ipaliwanag na talagang kakaunting detalye lamang ang nakasaad sa mga banal nakasulatan tungkol sa kung paano nilikha ang mundo, bagama’t ipinangako sa atinna ihahayag balang-araw ang mga detalyeng iyon (tingnan sa D at T 101:32–34).Mas maraming itinuro sa mga banal na kasulatan tungkol sa layunin ng Paglikha.

Talakayin ang mga sumusunod na tanong sa klase:

• Kapag pinagmamasdan ninyo ang mga bagay sa inyong paligid, ano angitinuturo sa inyo ng mga nilikha ng Diyos tungkol sa Tagapagligtas, tungkol saKanyang priesthood, at tungkol sa Kanyang katayuan sa daigdig bago pa angbuhay na ito?

• Paano naiimpluwensyahan ng pag-unawa sa mga katotohanang ito ang inyongsaloobin at patotoo kay Jesucristo?

• Paano naiimpluwensyahan ng pag-unawa sa mga katotohanang ito angnadarama ninyo tungkol sa mundong ito?

Bago magpatuloy, bigyang-diin sa mga estudyante na bagama’t ang Tagapagligtasang lumikha ng mundo, ang Ama sa Langit ay Ama ng ating mga espiritu at anglumikha sa pisikal na katawan nina Adan at Eva.

1 Nephi 17:36; 2 Nephi 2:23–25; Doktrina at mga Tipan 49:16–17; Moises1:27–33, 39Ang layunin ng paglikha sa mundoPagpartner-partnerin ang mga estudyante at sabihin sa kanila na basahing mabutiang Moises 1:27–33, 39; 1 Nephi 17:36; at Doktrina at mga Tipan 49:16–17. Maaarimong imungkahi na markahan nila ang mga salita at parirala sa mga scripturepassage na ito na tutulong sa kanila na masagot ang tanong na ito: “Paano ninyoipaliliwanag sa isang kaibigan kung bakit nilikha ang mundo?” Tawagin ang ilang

LESSON 4

16

Page 33: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

magkapartner para magbahagi sa klase ng kanilang mga sagot. Dapat makita ngmga estudyante na Nilikha ni Jehova ang mundo upang maglaan ng lugarkung saan makapamumuhay at uunlad ang mga anak ng Diyos tungo sabuhay na walang hanggan. Itanong:

• Ano ang ibig sabihin ng pariralang “mapuno ng tao” sa Doktrina at mga Tipan49:17? (Kung kinakailangan, tingnan ang komentaryo para sa Doktrina at mgaTipan 49:16–17 sa Doctrine and Covenants Student Manual [(Church EducationalSystem manual, 2001), 106].)

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang 2 Nephi 2:18–25, at pagkatapos ayitanong:

• Paano makahahadlang kina Adan at Eva ang mga kalagayan sa Halamanan ngEden sa pag-unlad sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit?

• Paano nakatulong ang Pagkahulog ni Adan para maisakatuparan ng mundo anglayunin ng pagkalikha nito? (Nakatulong ito para magkaroon ng mga anak sinaAdan at Eva.)

• Paano nakatulong sa atin ang mga bunga ng Pagkahulog, na inilarawan satalata 23, sa pag-unlad natin sa plano ng Ama sa Langit?

Bigyan ang bawat estudyante ng kopya ng mga sumusunod na pahayag ni ElderBruce R. McConkie (1915–85) ng Korum ng Labindalawang Apostol at ni SisterJulie B. Beck, dating Relief Society general president. Bigyan ng sapat na oras angmga estudyante na mabasa ang mga pahayag na ito at mapag-isipang mabuti angbahagi ng Paglikha sa plano ng Diyos para sa kaligtasan ng Kanyang mga anak.

“Tulad sa katiyakang dumating ang kaligtasan dahil sa Pagbabayad-sala, gayondin naman dumating ang kaligtasan dahil sa Pagkahulog. …

“At dapat din nating tandaan na ang Pagkahulog ay naging posible dahil angisang walang hanggang Tagapaglikha … ay nilikha ang mundo at tao at anglahat ng uri ng buhay sa kalagayang maaari silang mahulog. … Lahat ng bagayay nilikha upang ang mga ito ay mahulog o mabago, at sa gayon ay darating ang

klase at uri ng kalagayan na kailangan upang maisagawa ang lahat ng tuntunin at kondisyon ngwalang hanggang plano ng kaligtasan ng Ama.

“Ang unang temporal na paglikha ng lahat ng bagay … ay malaparaiso ang kalagayan. Noongunang panahon sa halamanan ng Eden lahat ng anyo ng buhay ay nasa mas mataas at naiibangkalagayan kaysa sa kalagayang umiiral ngayon. Ang magaganap na pagkahulog aymagpapababa at magpapasulong at magpapaunlad sa kanila. Ang kamatayan at pagkakaroonng anak ay wala pa noon sa daigdig” (Bruce R. McConkie, “Christ and the Creation,” Ensign,Hunyo 1982, 9).

LESSON 4

17

Page 34: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Busath.com

“Sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, mayteolohiya tayo tungkol sa pamilya na batay sa Paglikha, Pagkahulog, atPagbabayad-sala. Ang Paglikha sa mundo ay naglaan ng isang lugar namatitirhan ng mga pamilya. Nilikha ng Diyos ang lalaki at babae na dalawangmahalagang miyembro ng isang pamilya. Bahagi ng plano ng Ama sa Langit namabuklod sina Adan at Eva at magbuo ng isang walang hanggang pamilya.

“Ang Pagkahulog ay nagbigay-daan sa paglago ng pamilya. Sina Adan at Eva angmga pinuno sa pamilya na piniling dumanas ng mortal na buhay. Dahil sa Pagkahulog nagkaroonsila ng mga anak na lalaki’t babae.

“Dahil sa Pagbabayad-sala sama-samang mabubuklod nang walang hanggan ang pamilya.Tinutulutan nito ang mga pamilya na magkaroon ng walang hanggang pag-unlad at magingsakdal. Ang plano ng kaligayahan, na tinatawag ding plano ng kaligtasan, ay isang planongnilikha para sa mga pamilya. Kailangang maunawaan ng bagong henerasyon na ang mgapangunahing alituntunin ng ating teolohiya ay nakatuon sa pamilya” (Julie B. Beck, “Pagtuturong Doktrina tungkol sa Pamilya,” Ensign, Mar. 2011, 12).

• Paano nakatutulong ang mga pahayag na ito sa inyo na maunawaan angmahalagang bahagi ng Paglikha sa kabuuang plano ng Diyos para sa kaligtasanng Kanyang mga anak?

• Bakit mahalagang maunawaan na ang mundo ay nilikha upang makatulong sapagpapadakila sa bawat tao at mga pamilya? (Kapag nakasagot na ang mgaestudyante, isulat ang sumusunod na alituntunin sa pisara: Kapag naunawaannatin ang layunin ng paglikha sa mundo, magkakaroon tayo ng masmatinding hangarin na isakatuparan ang layunin ng paglikha sa atin.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na dahil sa kapangyarihang magbuklod ngpriesthood, ang mga mag-asawa at mga magulang at mga anak aymagkakasama-sama sa kabilang-buhay. Kung wala ang kapangyarihangmagbuklod na ipinanumbalik sa pamamagitan ni Elijah, hindi matatanggap ngmga anak ng Diyos ang lubos na mga pagpapala ng kadakilaan at hindimaisasakatuparan ang layunin ng paglikha sa mundo, o tulad ng itinuro saDoktrina at mga Tipan, ang “buong mundo ay lubusang mawawasak” (D at T 2:3;tingnan din sa Malakias 4:6).

Tapusin ang lesson sa pagpapatotoo sa mahahalagang katotohanang ito: (1)Nilikha ni Jehova ang mundo sa ilalim ng pamamahala ng Ama; (2) Nilikha Niyaang mundo upang maglaan ng lugar kung saan makapamumuhay at uunlad angmga anak ng Diyos tungo sa buhay na walang hanggan; at (3) kapag naunawaannatin ang layunin ng paglikha sa mundo, magkakaroon tayo ng mas matindinghangarin na isakatuparan ang layunin ng paglikha sa atin.

Hikayatin ang mga estudyante na pag-isipang mabuti ang magagawa nila upangmakapagpasalamat para sa mga nilikha ni Jesucristo. Hikayatin ang mgaestudyante na kumilos ayon sa anumang pahiwatig ng Espiritu na nadama nila saoras ng lesson.

LESSON 4

18

Page 35: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Genesis 1:1; Juan 1:1–3; Sa Mga Hebreo 1:1–2; Moises 2:1; Mormon 9:16–17;

Doktrina at mga Tipan 38:1–3; 76:22–24; 104:14–17; Jacob 4:9; Doktrina at mgaTipan 101:32–34; Moises 1:27–33, 39; 1 Nephi 17:36; Doktrina at mga Tipan49:16–17.

• Russell M. Nelson, “Ang Paglikha,” Liahona, Hulyo 2000, 84–86.

LESSON 4

19

Page 36: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

5

Si Jesucristo ay si Jehova ngLumang Tipan

PambungadSa pagpapatotoo sa Tagapagligtas na si Jesucristo,ipinahayag ng mga propeta sa panahong ito: “Siya angDakilang Jehova ng Lumang Tipan” (“Ang Buhay na Cristo:Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000,2). Si Jesucristo, bilang si Jehova, ay itinatag ang walanghanggang ebanghelyo ng Ama sa Langit sa lupa sa bawat

dispensasyon ng panahon upang matipon ang bawat isa samga anak ng Diyos na nangawala. Mapapalakas ang atingpananampalataya kay Jesucristo kapag nalaman natin angKanyang hindi nagbabagong katangian at ang Kanyangwalang hanggang ebanghelyo.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Russell M. Nelson, “Mga Tipan,” Ensign o Liahona, Nob. 2011, 86–89.

• “The Abrahamic Covenant,” The Pearl of Great Price Student Manual (ChurchEducational System manual, 2000), 93–98.

• “Enrichment Section A: Who Is the God of the Old Testament?” Old TestamentStudent Manual: Genesis–2 Samuel, Ika-3 ed. (Church Educational Systemmanual, 2003), 45–48.

Mga Mungkahi sa PagtuturoExodo 3:11–14; 6:2–3; Juan 8:52–53, 56–59; 18:5, 8; 3 Nephi 15:5; Abraham1:16; 2:8Si Jesucristo ay si Jehova ng Lumang TipanSabihin sa mga estudyante na magbahagi ng ilang pangalan at titulo ngTagapagligtas na alam nila. Isulat sa pisara ang kanilang mga sagot. Sabihin sa mgaestudyante na tatalakayin ninyo ngayon ang isang mahalagang pangalan, o titulo,kung saan kilala si Jesucristo bago pa ang Kanyang mortal na ministeryo. Ipabasasa kanila nang tahimik ang Juan 8:52–53, 56–59. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang mga itinanong ng mga Judio sa Tagapagligtas?

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ni Jesus sa Kanyang tugon na, “Bagoipinanganak si Abraham, ay ako nga”? (talata 58).

Upang matulungan ang mga estudyante na maipaliwanag ang pariralang “Akonga,” pagpartner-partnerin ang mga estudyante at sabihin sa kanila na basahin angExodo 3:11–14; 6:2–3, at alamin kung paano ipinakilala ng Diyos ng Lumang Tipanang Kanyang sarili. Matapos ang sapat na oras, itanong ang mga sumusunod:

• Ayon sa mga talatang ito, anong mga pangalan ang ginamit ng Diyos ngLumang Tipan upang ipakilala ang Kanyang sarili? (Ituro na mababasa saPagsasalin ni Joseph Smith ng Exodus 6:3 [na makikita LDS English version ngBiblia], “Ako ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat; ang

20

Page 37: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Panginoong JEHOVA. At hindi ba kilala ang pangalan ko sa kanila?” Tingnandin sa Abraham 1:16.)

• Paano nilinaw ng mga scripture verse na ito ang kahulugan ng pahayag niJesucristo na, “Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga”? (Dapat makilala ngmga estudyante na si Jesucristo ay si Jehova, ang Diyos ng Lumang Tipan atang dakilang AKO NGA.)

Ipakita ang mga sumusunod na pahayag:

“Ito ay isang malinaw at tuwirang pahayag ng kabanalan na nagawa omagagawa ng sinumang tao. ‘Bago ipinanganak si Abraham ay ako nga siJehova.’ Ibig sabihin, ‘Ako ang Diyos na makapangyarihan sa lahat, ang dakilangAKO NGA. Nabubuhay ako dahil sa sarili kong kapangyarihan at ako ay Diyos naWalang Hanggan. Ako ang Diyos ng inyong mga ama. Ang pangalan ko ay: AKOYAONG AKO NGA’” (Bruce R. McConkie, Doctrinal New Testament Commentary,

3 tomo [1965–73], 1:464).

Jehova “ang pangalan o titulo sa tipan ng Diyos ng Israel. Ito ay nangangahulugang ‘Diyos naHindi Pabagu-bago’” (Bible Dictionary, ”Jehovah”).

• Bakit mahalagang malaman na si Jesucristo ay si Jehova ng Lumang Tipan?(Dapat kabilang sa mga sagot ang sumusunod na katotohanan: Lagingpinamamahalaan ng Diyos ang Kanyang ebanghelyo sa pamamagitan ngKanyang Anak na si Jesucristo. Tingnan din sa 3 Nephi 15:5, kung saannakatala ang turo ng Tagapagligtas na Siya ang nagbigay ng batas.)

Maaari mong ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod napahayag ni Pangulong Joseph Fielding Smith (1876–1972):

“Lahat ng paghahayag mula noong pagkahulog ay dumating sa pamamagitan niJesucristo, na siyang Jehova ng Lumang Tipan. … Ang Ama [si Elohim] ay hindikailanman nakipag-ugnayan nang tuwiran at personal sa tao mula noongpagkahulog, at hindi kailanman nagpakita maliban kung ipapakilala atpatototohanan Niya ang Kanyang Anak” (Doctrines of Salvation, comp. Bruce R.McConkie, 3 tomo [1954–56], 1:27).

• Dahil sa kaalamang si Jehova, o Jesucristo, ay hindi pabagu-bago, paano itomakatutulong sa inyo na magtiwala sa Kanya? (Maaaring kabilang sa mga sagotang dahil sa kaalamang hindi pabagu-bago si Jesucristo, nakatutulong itona magtiwala tayo na tutuparin Niya ang ipinangako Niya sa atin tulad ngpagtupad Niya sa Kanyang mga ipinangako sa mga tao na mababasa natinsa mga banal na kasulatan.)

Ipaliwanag na matapos ang huling pangyayaring nakatala sa Biblia, ang pangalangHebreo para sa Jehovah (na karaniwang ipinapakilala bilang Yahweh sa literatura)ay itinuturing na napakasagrado para banggitin. For this reason, except for a few

LESSON 5

21

Page 38: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

exceptions (see Exodus 6:3; Psalm 83:18; Isaiah 12:2; 26:4), the translators of theKing James Version of the Bible rendered the word Jehovah as LORD (in all capitalletters). Sa modernong Judaismo, ito ay pinalitan ng salitang Adonai, nanangangahulugang “Panginoon.”

Genesis 13:14–16; 17:1–9; Moises 6:51–52, 64–66; Abraham 1:18–19;2:8–11Itinatag ni Jehova ang walang hanggang ebanghelyo noong sinaunang panahonSabihin sa magkakapartner na estudyante na basahin ang Moises 6:51–52, 64–66 atalamin ang itinuro ni Jehova kay Adan. Sabihin sa kanila na sa mga talata 51–52, siJehova ay nagsasalita para sa Ama. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang napansin ninyo tungkol sa ebanghelyo na itinuro kay Adan? (Ito aykapareho ng ebanghelyong itinuturo ngayon. [Tingnan sa 2 Nephi 31:10–16para sa halimbawa ng kaparehong ebanghelyo na itinuro din sa lupain ngAmerika.] Maaari mong bigyang-diin ang katotohanang ito sa pamamagitan ngpagsulat ng sumusunod na pahayag sa pisara: Ang ebanghelyo ni Jesucristoay walang hanggan at hindi pabagu-pago sa bawat dispensasyon ngebanghelyo.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na sa isang nagdaang dispensasyon, pinanibago niJehova ang Kanyang walang-hanggang ebanghelyo sa pamamagitan ngpakikipagtipan kay Abraham na kilala bilang tipang Abraham. Hatiin sa dalawanggrupo ang klase. Sabihin sa unang grupo na pag-aralan ang Genesis 13:14–16;17:2–8; Abraham 1:18–19; 2:8–11 at ilista ang mga pangako ng Panginoon kayAbraham. Sabihin sa pangalawang grupo na pag-aralan ang Genesis 17:1–5, 9;Abraham 1:19; 2:8–11 at ilista ang mga kailangang gawin ni Abraham upangmatanggap ang mga ipinangakong pagpapala. (Paalala: Kapag natutuhan ng mgaestudyante kung paano tukuyin ang listahan sa mga banal na kasulatan, masmadali nilang matutukoy ang mahahalagang bagay na nais bigyang-diin ngmanunulat ng banal na kasulatan.)

Habang nag-aaral ang mga estudyante, isulat ang sumusunod na chart sa pisara, atmag-iwan ng patlang na pagsusulatan ng mga sagot:

Tipang Abraham

Mga Pangako kay Abraham Mga Responsibilidad ni Abraham

Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante mula sa bawat grupo napumunta sa pisara at isulat ang mga sagot na nahanap nila sa ilalim ng tamangpamagat. Maaari mong ibuod ang tipang Abraham sa pamamagitan ngpagpapakita at pagpapabasa nang malakas sa isang estudyante ng sumusunod napahayag:

LESSON 5

22

Page 39: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Natanggap ni Abraham ang ebanghelyo at inordenan sa nakatataas na pagkasaserdote (D at T84:14; Abr. 2:11), at pumasok siya sa kasal na selestiyal, na siyang tipan ng kadakilaan (D at T131:1–4; 132:19, 29). Natanggap ni Abraham ang isang pangako na lahat ng pagpapala ng mgatipang ito ay ihahandog sa kanyang mga inapo sa buhay na ito (D at T 132:29–31; Abr. 2:6–11).Magkakasama, ang mga tipan at pangakong ito ay tinatawag na tipang Abraham. Angpanunumbalik ng tipang ito ay panunumbalik ng ebanghelyo sa mga huling araw, sapagkat sapamamagitan nito ay pagpapalain ang lahat ng bansa sa mundo (Gal. 3:8–9, 29; D at T 110:12;124:58; Abr. 2:10–11)” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Tipang Abraham”;scriptures.lds.org).

Bigyang-diin na mula pa sa simula, ang Ama ay nakipagtipan sa Kanyang mgaanak na titipunin sila sa pamamagitan ng mga katotohanan, ordenansa, atpagpapala ng walang hanggang ebanghelyo. Ang Panunumbalik ng ebanghelyo aykinapapalooban ng panunumbalik ng tipang Abraham. Ibig sabihin, ang tipangAbraham ay isang mahalagang bahagi ng bago at walang hanggang tipan, nasiyang kabuuan ng ebanghelyo ni Jesucristo. Itanong sa mga estudyante:

• Paano nakakaimpluwensya sa paraan ng inyong pamumuhay ang nalamanninyo na kayo ay mga inapo ni Abraham at mga tagapagmana sa lahat ngipinangako ng Diyos sa kanya?

• Paano nagpapalakas sa mga pamilya at gumagabay sa ating mga desisyon angkatotohanan na maaari nating matamo ang mga pagpapalang ipinangako kayAbraham at sa kanyang mga inapo?

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi kung paano nila matatamo ang mgaipinangakong pagpapala ng tipang ito para sa kanilang sarili at kanilang mgapamilya, noon, ngayon, at sa hinaharap.

Josue 24:3–13; 1 Nephi 17:23–32Pinagpala at pinamunuan ni Jehova ang sinaunang IsraelSabihin sa mga estudyante na bilang bahagi ng tipang Abraham, si Jehova aynangako ng mga pagpapala ng ebanghelyo sa mga inapo ni Abraham at sa mganatipong kasama nila. Ipabasa sa kalahati ng klase ang Josue 24:3–13, at ipabasa sanatitirang kalahati ng klase ang 1 Nephi 17:23–32. Ipahanap sa mga estudyanteang mga salita at parirala na nagtuturo ng ginawa ni Jehova para sa sinaunangIsrael. Maaari mong imungkahi sa kanila na markahan ang nalaman nila. Mataposang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.I-paraphrase ang mga sagot ng mga estudyante at isulat sa pisara. Para saimpormasyon kung bakit ginawa ni Jehova ang ilan sa mga bagay na ginawa Niya,ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Exodo 6:2–6. Itanong sa klase:

• Anong dahilan ang ibinigay ni Jehova sa paggawa ng mga bagay na nabasaninyo sa Josue at 1 Nephi?

• Ano ang mensahe nito sa inyo tungkol sa mga ipinangako ng Panginoon sainyo? (Kapag nakasagot na ang mga estudyante, isulat ang sumusunod naalituntunin sa pisara: Kung mamumuhay tayo nang tapat, tutuparin ngPanginoon ang mga ipinangako Niya sa atin.)

LESSON 5

23

Page 40: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Dieter F. Uchtdorf:

“Dahil ang Diyos ay naging tapat at tumupad sa Kanyang mga pangako noon,makakaasa tayo sa mga pangako ng Diyos nang may tiwala sa kasalukuyan at sahinaharap. Sa panahon ng kagipitan, makahahawak tayo nang mahigpit sapag-asa na ang lahat ng bagay ay ‘magkakalakip na gagawa para sa [ating]ikabubuti’ [D at T 90:24]” (“Ang Walang Hanggang Bisa ng Pag-asa,” Ensign oLiahona, Nob. 2008, 23).

• Paano makatutulong sa inyo sa panahon ng pagsubok ang nalaman ninyotungkol sa mga ginawa ni Jehova noong sinaunang panahon?

• Ano ang ginawa Niya para sa sinaunang Israel na gagawin din Niya parasa inyo?

Magpatotoo na sa bawat dispensasyon ng panahon, pinagpapala ni Jesucristo ngwalang hanggang ebanghelyo ang mga anak ng Diyos. Tulad ng pagtanggap ngmga pinagtipanang tao noon ng mga ipinangakong pagpapala mula sa Panginoon,matatanggap din natin ang mga ipinangakong pagpapala kung tayo ay masunurin.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Juan 8:51–59; 18:5, 8; Exodo 3:11–14; 6:2–3; 3 Nephi 15:5; Moises 6:51–52,

64–66; Genesis 17:1–9; Abraham 1:18–19; 2:8–11.

• “Enrichment Section A: Who Is the God of the Old Testament?” Old TestamentStudent Manual: Genesis–2 Samuel, Ika-3 ed. (Church Educational Systemmanual, 2003), 45–48.

LESSON 5

24

Page 41: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

6

Mga Halimbawa, Anino, atSimbolo ni Jesus ang Cristo

PambungadIpinahayag ng mga propeta sa panahong ito na “pinasimulan[ni Jesucristo] ang sakramento bilang paalaala sa Kanyangdakilang mapagbayad-salang sakripisyo” (“Ang Buhay naCristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr.2000, 2). Bukod sa ordenansa ng sakramento, ang mga banalna kasulatan ay naghahayag sa atin ng tungkol sa maraming

pangyayari, sitwasyon, bagay, at mga tao na ang layunin ayipaalala at ituro sa atin ang hinggil sa misyon at ministeryoni Jesucristo. Ang lesson na ito ay tutulong sa mgaestudyante na pag-isipan ang ilan sa mga halimbawa, anino,at simbolo na nagpapaalala sa atin sa Tagapagligtas.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Russell M. Nelson, “In This Holy Land,” Tambuli, Peb. 1991, 10–19.

• “Enrichment Section C: Symbolism and Typology in the Old Testament,” OldTestament Student Manual: Genesis–2 Samuel, Ika-3 ed. (Church EducationalSystem manual, 2003), 111–15.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo2 Nephi 11:4; Moises 6:63Mga simbolo ni Cristo sa banal na kasulatanMagpakita ng ilang larawan ng mga kilalang tanda o simbolo na tulad ng mgasumusunod:

25

Page 42: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Matapos matukoy ng mga estudyante ang kahulugan ng bawat simbolo, sabihin sakanila na magbigay ng mga halimbawa ng iba pang madaling makilalang tanda osimbolo.

Pagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa mga magkakapartner napag-aralan at paghambingin ang 2 Nephi 11:4 at Moises 6:63. Sabihin sa kanila natalakayin kung ano ang magkapareho sa mga talatang ito at kung ano ang itinuturong mga ito tungkol kay Jesucristo at sa layunin ng mga likha ng Diyos. Matapostalakayin ng magkakapartner ang mga sagot nila, itanong sa klase:

• Paano ninyo ihahayag ang isang pangunahing katotohanan na nakatala sa mgascripture passage na ito? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunodna katotohanan: Lahat ng bagay ay nilikha upang magpatotoo tungkol kayJesucristo.)

• Ano ang ilang halimbawa ng mga bagay na “ibinigay ng Diyos” na“pagsasagisag” (2 Nephi 11:4), o sumisimbolo, kay Jesucristo?

Sabihin sa mga estudyante na lahat ng banal na kasulatan ay naglalaman ng mgahalimbawa, anino, simbolo, at kahalintulad ni Jesucristo. Ipaliwanag na ang mgahalimbawa, anino, simbolo, at kahalintulad ay sumasagisag sa mas mahahalagangkatotohanan. Halimbawa, ang Liahona na inilarawan sa Aklat ni Mormon aysumasagisag sa mga salita ni Cristo. Sa bahaging ito ng lesson, magpopokus tayo

LESSON 6

26

Page 43: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

sa mga halimbawa at matalinghagang paglalarawan na makikita sa Lumang Tipan.Karamihan sa matalinghagang paglalarawan na ito ay sa anyo ng mga tao, bagay,pangyayari, at sitwasyon (maaaring makatulong na isulat sa pisara ang mgakategoryang ito). Isulat ang mga sumusunod na scripture reference sa pisara, ogawin itong handout at ibigay sa mga estudyante:

LESSON 6

27

Page 44: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Mga Halimbawa, Anino, at Simbolo ni Jesusang Cristo

Mga Halimbawa, Anino, at Simbolo niCristo sa Lumang Tipan

Katuparan sa Buhay ni Cristo

Genesis 22:1–14 Juan 3:16; 19:16–18; Jacob 4:4–5

Exodo 3:7–8, 10–12 Mateo 1:21; 2 Nephi 6:17

Exodo 12:3, 5–7, 13–14, 46 Juan 1:29; 19:14, 31–36; I Ni Pedro1:18–19

Exodo 16:14–15, 18 Juan 6:5–10, 48–51

Levitico 8:15, 30; 17:11 Sa Mga Hebreo 9:22; 13:12

Levitico 16:2–6, 17 Sa Mga Hebreo 9:6–12; 10:11–12

Levitico 22:19–22 Sa Mga Hebreo 9:14; Doktrina atmga Tipan 20:22

Mga Bilang 21:4–9 Juan 3:14–15; Helaman 8:13–15

Jonas 1:17; 2:10 Mateo 12:38–40

Mag-assign ng isa o mahigit pang mga estudyante para pag-aralan ang bawat setng mga scripture passage at maghandang ipaliwanag ang simbolismo sa LumangTipan at kung paano ito sumasagisag kay Jesucristo. Matapos ang sapat na oras,sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Kung may oras pa, maaari mo ring talakayin ang ilan sa mga simbolo ni Cristo natinukoy ni Elder Russell M. Nelson ng Korum ng Labindalawang Apostol sakanyang artikulong “In This Holy Land” (Tambuli, Peb. 1991, 10–19).

Ipatalakay sa buong klase ang mga sumusunod na tanong:

• Sa inyong palagay, bakit nilikha ang lahat ng bagay upang kumatawan osumagisag sa Tagapagligtas?

• Ano ang kahalagahan ng patuloy na pagsisikap na matuklasan kung paanonagpapatotoo ang lahat ng bagay kay Jesucristo? (Tiyaking nauunawaan ngmga estudyante ang sumusunod na alituntunin: Marami tayong malalamantungkol kay Jesucristo kapag naunawaan natin ang mga matalinghagangpaglalarawan, halimbawa, at simbolo na nagpapatotoo sa Kanya.)

• Paano napalakas ng isang bagay na sumisimbolo sa Tagapagligtas ang inyongpananampalataya sa Kanya?

• Ano ang magagawa ninyo upang makilala si Cristo sa mga simbolo na ibinigaysa atin?

LESSON 6

28

Page 45: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

2 Nephi 11:2–6Mga simbolo at matalinghagang paglalarawan kay Cristo sa mga tipan at ordenansang ebanghelyoIpaliwanag na ang bahaging ito ng lesson ay magtutuon sa iba-ibang aspeto ngebanghelyo ni Jesucristo na naglalaman ng mga simbolo at matalinghagangpaglalarawan kay Cristo. Sabihin sa mga estudyante na basahing mabuti ang2 Nephi 11:2–6, at alamin ang mga bagay na nagpalugod kay Nephi. Maaari mongimungkahi sa kanila na markahan ang nalaman nila.

• Ano ang nagpalugod kay Nephi?

Ituro ang pariralang “mga tipan ng Panginoon” sa talata 5. Ipaliwanag na ang mgatipan at ordenansa ay mahahalagang bahagi ng walang hanggang ebanghelyo niJesucristo. Maraming bahagi ang mga tipan at ordenansa na may sinisimbolo atnagtuturo tungkol kay Jesucristo at naglalapit sa atin sa Kanya. Ipakita angsumusunod na pahayag ni Elder Bruce R. McConkie (1915–85) ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Lahat ng banal na ordenansa o gawaing inordenan ng Diyos, lahat ng hain,simbolismo, at kahalintulad; lahat ng ibinigay ng Diyos sa kanyang mga tao—aypawang inordenan at itinatag upang magpatotoo tungkol sa kanyang Anak atmaituon ang pananampalataya ng mga taong nananalig sa kanya at sa pagtubosna inorden noon pa man na isasakatuparan niya” (The Promised Messiah: TheFirst Coming of Christ [1978], 28).

• Ano ang doktrina o alituntuning itinuro sa pahayag na ito? (Ang isangposibleng sagot ay makikita natin ang mga simbolo ni Cristo sa mgaordenansa ng ebanghelyo kung hahanapin natin ang mga ito.)

• Paano makatutulong ang kaalamang ito kapag nakikibahagi tayo sa mgaordenansa ng ebanghelyo?

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Mga Taga Roma 6:3–6 at 3 Nephi18:7, 11, at alamin ang mga simbolo na tumutukoy sa Tagapagligtas. Pagkatapos ayitanong:

• Ano ang ilang paraan na nagtuturo ang mga tipan ng ebanghelyo o mgaordenansa tungkol sa Tagapagligtas at tumutulong sa inyo na maalaala Siya?

Upang matulungan ang mga estudyante na madama ang katotohanan atkahalagahan ng pag-aaral para makilala ang mga halimbawa at simbolo ni Cristo,itanong ang katulad ng mga sumusunod:

• Ano ang isang simbolo ng Tagapagligtas na may malaking kahulugan sa inyo?

• Paano ninyo matitiyak na mapapansin ninyo ang simbolong ito?

• Paano napagpala ang buhay ninyo nang makita ninyo ito bilang simboloni Cristo?

Hikayatin ang mga estudyante na ipamuhay ang mga alituntunin sa lesson na itosa pamamagitan ng pagsasabi sa kanila na isulat kung paano nila mas makikilala

LESSON 6

29

Page 46: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

ang mga halimbawa, anino, at simbolo ng Tagapagligtas sa mga banal nakasulatan, sa mga ordenansa ng ebanghelyo, at sa kanilang buhay sa araw-araw.Hikayatin silang pumili ng isang araw sa mga darating na araw kung saan talagangmaghahanap sila ng mga imahe, bagay, o pangyayari, na nagpapaalala sa kanila saTagapagligtas. Hikayatin silang gumawa ng listahan ng mga nahanap nila atibahagi ang kanilang listahan sa isang kapamilya o kaibigan o marahil sapamamagitan ng social media.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• 2 Nephi 11:2–6; Moises 6:63.

• Russell M. Nelson, “In This Holy Land,” Tambuli, Peb. 1991, 10–19.

LESSON 6

30

Page 47: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

7

Jesucristo—Ang Bugtongna Anak ng Diyos sa Laman

PambungadNoong unang panahon, ang balita tungkol sa pagsilang ngTagapagligtas ay isang masayang balita na ipinahayag ngmarami—isinugo ng Diyos ang Kanyang Anak upang tubusinang sanlibutan. Ipinahayag sa “Ang Buhay na Cristo: AngPatotoo ng mga Apostol” na si Jesus “ang Panganay ng

Ama, ang Bugtong na Anak sa laman, ang Manunubos ngdaigdig” (Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2–3). Sa lesson na ito,malalaman ng mga estudyante kung bakit napakahalaga naisilang si Jesus sa isang mortal na ina at isang imortalna Ama.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Robert E. Wells, “Our Message to the World,” Ensign, Nob. 1995, 65–66.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMateo 1:18–24; Lucas 1:26–35; Mosias 3:7–8“Bugtong na Anak ng Ama”Simulan ang klase sa pagpapanood ng video na “The Nativity” (2:59). (I-downloadat panoorin ang video bago magsimula ang klase.)

Pagkatapos mapanood ang video, itanong:

• Anong mga aspeto sa pagsilang ng Tagapagligtas ang mahalaga sa inyoat bakit?

Sabihin sa mga estudyante na sa lesson na ito tatalakayin nila ang isang aspeto ngpagsilang ni Jesucristo na mahalaga upang maunawaan natin ang kakayahan ngTagapagligtas na magawa ang Kanyang bahagi sa plano ng Ama.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mateo 1:18–19, at sabihin sa klasena ilarawan sa isipan ang kalagayang inilalarawan sa mga talatang ito. (Paalala:Ang paglalarawan sa isipan ay isang kasananayan sa pag-aaral ng mga banal nakasulatan na makatutulong upang maging mas malinaw at makatotohanan angmga pangyayari sa banal na kasulatan.) Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyantekung ano kaya ang madarama nila kung maranasan nila ang isang sitwasyongkatulad ng kay Jose. Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik angMateo 1:20–24 at tukuyin kung bakit nagpasiya si Jose na “hiwalayan [si Maria] nglihim” (talata 19), ibig sabihin ay lihim na ipawalang-bisa ang kasunduangpagpapakasal kay Maria. (Paalala: Ang pagbibigay ng kahulugan sa mahihirap nasalita at parirala ay tumutulong sa mga estudyante na maunawaan ang mga banalna kasulatan. Para sa mga talatang ito, maaari mong gamitin ang mga sumusunodna paliwanag: (1) ang kahulugan ng pangalang Jesus [Yeshua sa Aramaic] ay “siJehova ay kaligtasan” o “si Jehova ay nagliligtas”; (2) ang banal na kasulatangtinukoy sa Mateo 1:22–23 ay Isaias 7:14; at (3) ang kahulugan ng pangalangEmmanuel ay “sumasa atin ang Dios.”)

31

Page 48: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Lucas 1:26–30. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa at alamin kung ano ang itinutro ng scripturepassage na ito tungkol kay Maria. Sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag angnalaman nila. Pagkatapos ay ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Lucas1:31–35 habang tahimik na sumasabay sa pagbasa ang klase. Itanong:

• Paano natiyak sa mga talatang ito kung sino ang Ama ni Jesus?

Idrowing sa pisara ang sumusunod na diagram:

Itanong sa isang miyembro ng klase ang mga sumusunod:

• Anong pisikal na katangian ang namana mo sa iyong ama? Anong pisikal nakatangian ang namana mo sa iyong ina?

Idagdag ang sagot ng estudyante sa diagram sa pisara (tingnan ang kalakip nahalimbawa):

Burahin ang naunang diagram at idrowing sa pisara ang sumusunod:

LESSON 7

32

Page 49: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder James E. Talmage (1862–1933) ngKorum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Ang Batang isisilang ni Maria ay Bugtong na anak ni Elohim, ang AmangWalang Hanggan, hindi sa paglabag ng batas ng kalikasan kundi alinsunod samas dakilang manipestasyon nito; … Sa Kanyang pagkatao ay naroon ang mgakapangyarihan ng Pagkadiyos lakip ang kakayahan at posibilidad ng mortalidad;at ito ay dahil sa batas na nauukol sa heredity o pagmamana ng mga katangian,na ipinahayag ng Diyos, pinatunayan ng siyensya, at tinanggap ng pilosopiya, na

ang mga buhay na nilalang ay magkakaanak—-ayon sa kanilang uri. Ang Batang si Jesus aymagmamana ng pisikal, mental, at espirituwal na pag-uugali, gawi, at kakayahan na siyangkatangian ng Kanyang mga magulang—ang isa ay imortal at niluwalhati—Diyos, at ang isa aymortal—babae” (Jesus the Christ, Ika-3 ed. [1916], 81).

• Anong mahahalagang katangian ang minana ng Tagapagligtas sa bawat isa saKanyang mga magulang?

Habang sumasagot ang mga estudyante, ilista sa pisara sa ilalim ng “Maria” angmga katangiang minana ni Jesucristo mula sa Kanyang ina (tulad ngmortalidad—pagdanas ng sakit at pisikal na kamatayan). Ilista sa ilalim ng “Ama saLangit” ang mga katangiang minana ni Jesus mula sa Kanyang Ama (tulad ng mgakapangyarihan ng pagiging Diyos—imortalidad o kapangyarihang mabuhaymagpakailanman; tingnan sa Juan 10:17–18).

Pagkatapos ay ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mosias 3:7–8.Itanong:

• Bakit kailangan ng Tagapagligtas ang mga kapangyarihan ng mortalidad atimortalidad sa pagsasakatuparan ng Pagbabayad-sala? (Kapag nakasagot naang mga estudyante, tiyakin na naunawaan nila ang sumusunod nakatotohanan: Bilang Bugtong na Anak ng Diyos sa laman, naisagawa niJesucristo ang Nagbabayad-salang sakripisyo, kung saan kinailanganNiyang tiisin ang higit sa kayang tiisin ng isang taong mortal, at sa gayonay naisakatuparan ang gawaing Kanyang gagampanan sa plano ng Ama.Bukod pa rito, dahil si Jesus ay may kapangyarihang daigin ang kamatayan,

LESSON 7

33

Page 50: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

may kapangyarihan Siyang bumangon mula sa mga patay. Tiyakin nanauunawaan ng mga estudyante na kung si Jesucristo ay anak ng dalawangmortal na magulang, hindi Niya madadaig ang kamatayan o matitiis angnapakatinding sakit at pagdurusa ng Pagbabayad-sala. Kung si Jesucristonaman ay anak ng dalawang imortal na magulang, hindi Siya magdaranas ngpisikal na pagdurusa at kamatayan.)

Upang mas maipaliwanag pa ang napakahalagang doktrinang ito, bigyan angbawat estudyante ng kopya ng sumusunod na pahayag ni Elder Robert E. Wells ngPitumpu at bigyan sila ng panahon na basahin at pagnilayan ito:

“Ang pagiging Anak ng Diyos ni Jesucristo … ay napakahalaga sa pag-unawa sabuong plano ng kaligtasan. Siya ang Unang Bugtong na Anak ng Ama sa buhaybago pa ang buhay na ito at ang Bugtong na Anak ng Ama sa lupa. Ang DiyosAmang Walang Hanggan ay ang literal na magulang ng ating Panginoon atTagapagligtas na si Jesucristo at ng Kanyang iba pang mga espiritung anak. …

“Ang ‘pagiging Anak ng Diyos’ ay tumutukoy rin sa titulong ‘Bugtong na Anak salaman.’ … Ang titulong ito ay nagpapahayag na ang pisikal na katawan ni Jesus ay anak ngisang mortal na ina at isang imortal na Amang Walang Hanggan, na isang alituntunin nakinakailangan sa Pagbabayad-sala, isang napakadakilang gawain na hindi magagawa ng isangkaraniwang tao. Si Cristo ay may kapangyarihang ialay ang Kanyang buhay at kapangyarihangkunin itong muli dahil namana Niya ang imortalidad mula sa Kanyang Ama sa Langit. Mula saKanyang inang si Maria ay namana ni Cristo ang mortalidad, o pagdanas ng kamatayan.

“Ang walang hanggang Pagbabayad-sala na ito ni Cristo at ang pagiging Anak ng Diyos ni Cristoay magkasama sa pagbuo ng pinakamahalagang doktrina sa buong Kristiyanismo” (“OurMessage to the World,” Ensign, Nob. 1995, 65).

Tapusin ang bahaging ito ng lesson sa pagtatanong ng mga sumusunod:

• Dahil nalaman na ninyo ang mga katangiang namana ni Jesus mula kay Maria,paano ito makatutulong sa inyo na magtiwala at manampalataya saTagapagligtas?

• Dahil nalaman na ninyo ang mga katangiang namana ni Jesus mula sa Ama saLangit, paano ito makatutulong sa inyo na magtiwala at manampalataya saTagapagligtas?

1 Nephi 11:13–21Nakita ni Nephi ang pagpapakababa ng DiyosSabihin sa mga estudyante na mababasa natin sa Aklat ni Mormon na nakakita siNephi ng isang pangitain kung saan nalaman niya ang tungkol sa mga magulangni Jesucristo. Malalaman natin ang mga karagdagang katotohanan mula sakanyang pangitain. Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nangmalakas ng 1 Nephi 11:13–21. Sabihin sa iba pa sa klase na tahimik na sumabay sapagbasa at tukuyin ang mahahalagang doktrinang itinuro sa scripture passage naito. Ipaliwanag na, sa kontekstong ito, ang ibig sabihin ng salitang pagpapakababaay pagbaba mula sa isang mas mataas na katayuan o kalagayan o pagtanggap ngmas mababang katayuan.

LESSON 7

34

Page 51: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Kanino nalaman ni Nephi kung sino ang magiging mga magulang niJesucristo? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunod na doktrina:Ang Diyos, ang Amang Walang Hanggan, at si Maria ang mga magulangng mortal na si Jesucristo.)

• Habang pinag-iisipan ninyo ang mga lesson na napag-aralan na ninyo sakursong ito, bakit ang pagsilang ni Jesucristo ay maituturing na bahagi ngKanyang pagpapakababa?

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Brother Tad R. Callister, Sunday Schoolgeneral president, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ipinagpalit ng Diyos Anak ang kanyang tahanan sa langit kasama ng mgaselestiyal na palamuti nito sa isang tahanan dito sa lupa na primitibo ang gayak.Siya, ‘[ang] Hari ng langit’ (Alma 5:50), ‘ang Panginoong Makapangyarihan nanaghahari’ (Mosias 3:5), ay iniwan ang trono upang manahin ang sabsaban.Ipinagpalit niya ang kapangyarihan ng isang diyos para arugain bilang isangsanggol. … Pinakamahalagang pagbabago ito na kinakailangang gawin. … Ang

dakilang Jehova, ang Tagapaglikha ng mga daigdig na hindi mabilang, walang-hanggan angkabanalan at kapangyarihan, ay pumarito sa daidig na ito na binalot ng lampin at inihiga sasabsaban” (The Infinite Atonement [2000], 64).

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan kung paano naging bahagirin ang pagsilang ni Jesucristo sa mundong ito ng pagpapakababa ng Diyos Ama,basahin nang malakas ang sumusunod na pahayag ni Elder Bruce R. McConkie(1915–85) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Ang pagpapakababa ng Diyos (ibig sabihin ang Ama) ay nakabatay sakatotohanan na bagama’t siya ay dakila, perpekto, niluwalhating Katauhan, siyaang personal at literal na Ama ng isang mortal na Anak na isinilang sa mortal nababae” (Mormon Doctrine, Ika-2 ed. [1966], 155).

Tapusin ang lesson sa pagtatanong sa mga estudyante kung ano ang iniisip atnararamdaman nila para sa Tagapagligtas habang pinag-iisipan nila ang Kanyangpagpapakababa at mahimalang pagsilang. Itanong sa kanila kung mayroonggustong magbahagi ng kanilang patotoo tungkol sa Tagapagligtas bilangpagtatapos sa klase ngayon.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mateo 1:18–24; Lucas 1:26–35; Juan 10:17–18; 1 Nephi 11:13–21; Mosias 3:7–8.

• Robert E. Wells, “Our Message to the World,” Ensign, Nob. 1995, 65–66.

LESSON 7

35

Page 52: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

8

Ginanap ni Jesucristo angBuong Katuwiran

PambungadSi Jesucristo ay namuhay nang perpekto sa pamamagitan ngpagsunod sa kalooban ng Ama sa Langit sa lahat ng bagay.Pinatotohanan ng mga propeta sa panahong ito na“Bagaman [si Jesucristo] ay walang kasalanan, bininyagansiya upang [ganapin] ang buong katuwiran” (“Ang Buhay naCristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr.

2000, 2). Tulad ng Tagapagligtas, ginaganap natin angkatuwiran kapag sinusunod natin ang mga ordenansa attinutupad ang mga tipan ng walang hanggang ebanghelyo.Tatalakayin sa lesson na ito kung paano nagpasakop angTagapagligtas sa walang hanggang ebanghelyo at paanonatin matutularan ang Kanyang halimbawa.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Robert D. Hales, “The Covenant of Baptism: To Be in the Kingdom and of the

Kingdom,” Ensign, Nob. 2000, 6–9.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMateo 3:13–17; 2 Nephi 31:4–9Ang bagbibinyag kay JesucristoSabihin sa mga estudyante na isipin ang sumusunod na sitwasyon:

Sa pag-uusap ninyo ng kaibigan mo tungkol sa relihiyon, napag-usapan ninyo angtungkol sa binyag. Pagkatapos mong ipaliwanag kung bakit tayo kailangangbinyagan, itinanong ng kaibigan mo, “Nauunawaan ko na kailangang binyagantayo para maging malinis mula sa kasalanan. Pero perpekto si Jesus; wala Siyanganumang kasalanan. Kaya bakit Siya bininyagan?”

Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali para pag-isipan ang tanong na ito, atpagkatapos ay anyayahan silang sagutin ito.

Matapos ang kaunting talakayan, ipabasa nang malakas sa isang estudyante angMateo 3:13–17, o ipanood ang “The Baptism of Jesus” (2:55) mula sa The Life ofJesus Christ Bible Videos. (I-download at panoorin ang video bago magsimula angklase.) Kung ipinanood mo ang video, sabihin sa klase na tahimik na sumabay sapagbasa sa kanilang banal na kasulatan.

Pagkatapos mapanood ang video, itanong:

• Anong dahilan ang ibinigay ni Jesus para sa pagbinyag sa Kanya? (Maaarimong isulat ang sumusunod na doktrina sa pisara: Bininyagan si Jesucristoupang ganapin ang buong katuwiran.)

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ng bininyagan si Jesus upang “[ganapinang] buong katuwiran”? (Mateo 3:15).

Upang matulungan ang mga estudyante na masagot ang tanong na ito, bigyan silang oras na maghanap sa kanilang banal na kasulatan. Maaari mong imungkahi sa

36

Page 53: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

kanila na isulat ang 2 Nephi 31:4–9 sa margin ng kanilang mga banal na kasulatansa tabi ng Mateo 3:15. Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang 2 Nephi 31:5-6para malaman ang itinanong ni Nephi. Matapos ang sapat na oras, ipaliwanag nasinagot ni Nephi ang tanong na ito sa 2 Nephi 31:7–9. Ipabasa nang malakas saisang estudyante ang mga talatang ito, at sabihin sa klase na tahimik na sumabaysa pagbasa at tukuyin ang mga paraan na ginanap ng Tagapagligtas ang buongkatuwiran sa pamamagitan ng pagpapabinyag. Maaari mong imungkahi sa kanilana markahan ang nalaman nila. Kapag naibahagi na ng mga estudyante angnalaman nila, isulat ang mga sumusunod na pahayag sa pisara:

Nagpakumbaba Siya sa harapan ng Ama.

Pinatunayan Niya sa Ama na susundin Niya ang Kanyang mga kautusan.

Ipinakita Niya sa mga anak ng tao ang pasukan sa kahariang selestiyal.

Nagpakita Siya ng halimbawa sa atin.

(Paalala: Ang aktibidad na ito ay magbibigay ng pagkakataon sa mga estudyante namapraktis ang paggawa ng listahan sa pag-aaral ng banal na kasulatan, na tutulongsa kanila na matukoy ang mahahalagang bagay na nilayong bigyang-diin ngmanunulat ng banal na kasulatan.)

Ipaalala sa mga estudyante ang itinanong ni Nephi (tingnan sa talata 6).Pagkatapos ay itanong:

• Isinasaalang-alang ang mga nakasulat sa pisara, paano nagbigay ng halimbawaang binyag ni Jesucristo sa kung ano ang ibig sabihin ng maging matwid?

Habang sumasagot ang mga estudyante, tiyakin na natukoy at natalakay ang mgasumusunod na ideya (maaari mong ipalit ang mga ito sa nakasulat sa pisara):

Ang pagiging matwid ay kinapapalooban ng mapagkumbabangpagsunod sa kalooban ng Ama.

Ang pagiging matwid ay kinapapalooban ng pakikipagtipan sa Ama nasusundin ang Kanyang mga kautusan.

Ang pagiging matwid ay kinapapalooban ng pagtanggap ng mgaordenansa ng kaligtasan.

Ang pagiging matwid ay kinapapalooban ng pagtulad sa halimbawangipinakita ni Jesucristo.

Itanong sa klase:

• Paano natin maipamumuhay ang halimbawa ng pagiging matwid ni Jesus sasarili nating buhay?

LESSON 8

37

Page 54: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Magpatotoo sa klase, na tulad natin, kailangang sundin ni Jesus ang lahat ngtuntunin at kondisyon sa plano ng Ama sa Langit. Ang Kanyang perpektong buhayay isang huwaran na dapat nating pagsikapang tularan.

2 Nephi 31:10–21Tularan ang halimbawa ng TagapagligtasIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang 2 Nephi 31:10–12. Itanong sa klase:

• Sa talata 10, anong paanyaya ang ibinigay ng Tagapagligtas sa ating lahat?

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang sinabi ni Jesus na dapat nating gawin upangmasunod natin Siya?

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang 2 Nephi 31:16–17. Pagkatapos ayitanong:

• Ano pa ang dapat nating gawin para matularan ang halimbawa ngTagapagligtas?

• Ano ang ibig sabihin ng magtiis hanggang wakas at tularan ang “halimbawa ngAnak ng Diyos na buhay”? (talata 16). (Maaari mong bigyang-diin ang salitanggawin sa talata 17. Bigyang-diin din ang sumusunod na alituntunin: Kapagtinularan natin ang halimbawa ni Jesucristo, maaari nating maganap angbuong katuwiran, tulad ng ginawa niya.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na ang mga banal na kasulatan na binasa nila sa2 Nephi 31 ay naglalaman ng pangunahing katangian ng walang hanggangebanghelyo, na itinatag ng Ama sa Langit bago pa nilikha ang daigdig.

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Mga Taga Roma 6:3–6, at hanapinang mahahalagang salita o parirala na nagpapatunay na ang pagtulad sahalimbawa ni Jesucristo ay hindi lamang pagpapabinyag. Maaari mong imungkahisa mga estudyante na markahan ang nalaman nila.

Magbigay sa mga estudyante ng kopya ng sumusunod na pahayag ni ElderRobert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa ito nang tahimiksa kanila. Sabihin sa kanila na isipin kung paano nakaimpluwensya ang sarilinilang binyag sa kanilang buhay.

“Kapag naunawaan natin ang ating tipan sa binyag at ang kaloob na EspirituSanto, babaguhin nito ang ating buhay at tayo ay magiging lubos na tapat sakaharian ng Diyos. Kapag naharap tayo sa mga tukso, kung makikinig tayo,paaalalahanan tayo ng Espiritu Santo na tayo ay nangako na ating “aalalahaninang ating Tagapagligtas at susunod sa mga kautusan ng Diyos. …

“Kapag tinularan natin ang halimbawa ni Jesus, ipinapakita rin natin na tayo aymagsisisi at magiging masunurin sa mga kautusan ng ating Ama sa Langit. Nagpapakumbabatayo nang may bagbag na puso at nagsisising espiritu kapag natanto natin na nagkasala tayo atnaghahangad ng kapatawaran sa ating mga kasalanan (tingnan sa 3 Ne. 9:20). Nakikipagtipantayo na tataglayin sa ating sarili ang pangalan ni Jesucristo at lagi Siyang aalalahanin. …

“… Dalangin ko na maunawaan ng bawat isa sa atin bilang mga miyembro ng Kanyangkaharian na ang ating binyag at kumpirmasyon ay ang pasukan sa Kanyang kaharian. Kapag

LESSON 8

38

Page 55: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

pumasok tayo, nakikipagtipan tayo na magiging bahagi ng Kanyangkaharian—magpakailanman!” (“The Covenant of Baptism: To Be in the Kingdom and of theKingdom,” Ensign, Nob. 2000, 7–8, 9).

Itanong sa mga estudyante ang sumusunod:

• Paano nakatulong ang pagpapabinyag ninyo para matularan ang halimbawa niJesucristo sa pagganap ng buong katuwiran?

Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali na pag-isipan kung gaano kahusaynilang nagagawa ang mga pamantayan ng kabutihan na ipinakita ng Tagapagligtassa Kanyang binyag. Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang mabuti angmagagawa pa nila upang ipakita ang pagsunod sa Ama sa Langit.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mateo 3:13–17; 2 Nephi 31:4–21.

• Robert D. Hales, “The Covenant of Baptism: To Be in the Kingdom and of theKingdom,” Ensign, Nob. 2000, 6–9.

LESSON 8

39

Page 56: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

9

Ang Malaking Impluwensyang Tagapagligtas

PambungadSa “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,”ipinahayag ng mga lider ng Simbahan: “Iniaalay namin angaming patotoo tungkol sa katotohanan ng hindimapapantayang buhay [ng Tagapagligtas] at ang walanghanggang kapangyarihan ng Kanyang dakilangmapagbayad-salang sakripisyo. Walang sinuman angnakapagbigay ng gayong makahulugang impluwensiya salahat ng nabuhay na at sa lahat ng mabubuhay pa sa

mundo” (Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2). Ipapakita ng lessonna ito na hindi mapapantayan ang Tagapagligtas dahil,bukod sa iba pang mga kadahilanan, Siya ay walangkasalanan at lubos na mapagpakumbaba sa Ama sa Langit.Sa pag-aaral ng tungkol sa Kanyang pakikipag-usap sababaing Samaritana sa tabi ng balon, makikita rin ng mgaestudyante ang malakas na impluwensya Niya sa sinuman namagbubukas ng kanilang puso sa Kanya.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMateo 4:1–11; II Mga Taga Corinto 5:21; Sa Mga Hebreo 2:17–18; 4:15–16;Doktrina at mga Tipan 20:22Si Jesus Cristo ay namuhay nang walang kasalananSimulan ang klase sa pagsulat sa pisara ng aking sariling kalooban at kalooban ngDiyos. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Juan 6:38, at sabihin sa ibapang mga estudyante na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin kung ilan ang“aking sariling kalooban” na ipinasya ni Jesus. Sabihin sa mga estudyante na isipinnang tahimik kung ilang pasiya ang ginawa nila kamakailan na maikakategoryabilang “aking sariling kalooban” at ilan ang maikakategorya bilang “kaloobanng Diyos.”

Sabihin sa mga estudyante na matapos mabinyagan, si Jesus ay tinukso ni Satanasna gawin ang mga bagay na maaaring maikategorya bilang “aking sarilingkalooban.” Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ngMateo 4:1–11. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin kungpaano pinaglabanan ni Jesucristo ang mga tukso. (Ipaalam sa mga estudyante nanilinaw sa Pagsasalin ni Joseph Smith ng Mateo 4:1–11 na ang Espiritu, hindi siSatanas, ang nagdala kay Jesus sa taluktok ng templo [tingnan sa mga talata 5] atpagkatapos ay sa isang mataas na bundok [tingnan sa talata 8]. Matapos dalhin ngEspiritu si Jesus sa mga lugar na ito, dumating ang diyablo para tuksuhin siya.)

• Ano ang napansin ninyo tungkol sa mga isinagot ng Tagapagligtas sa mga tuksoni Satanas?

• Ano ang natutuhan ninyo sa mga halimbawa ng Tagapagligtas sa mgatalatang ito?

• Paano natutulad ang mga tuksong kinaharap ng Tagapagligtas sa mga tuksongkinakaharap natin sa ating buhay?

Ipakita at basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong David O. McKay(1873–1970), na nagsalita tungkol sa mga tuksong kinaharap ni Jesus sa ilang:

40

Page 57: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Ngayon, halos bawat tuksong dumarating sa inyo at sa akin ay isa sa mgaanyong iyon. Ikategorya ang mga ito, at makikita ninyo na sa ilalim ng isa satatlong kategoryang iyon, halos lahat ng tuksong nagpaparumi sa inyo at saakin, gaano man ito kaliit, ay kinakaharap natin bilang (1) tukso sa hilig o pita;(2) pagpapatangay sa kapalaluan at uso at karangyaan ng mga taong malayo samga bagay na ukol sa Diyos; o (3) pagbibigay-kasiyahan sa silakbo ng

damdamin, o sa paghahangad sa mga kayamanan ng mundo, o kapangyarihan sa mga tao”(“Unspotted from the World,” Ensign, Ago. 2009, 27).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Sa Mga Hebreo 2:17–18; 4:15–16.Ipabasa nang malakas sa isa pang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 20:22.Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at pansinin ang anumangpagkakatulad ng dalawang scripture passage. Pagkatapos ay itanong ang mgasumusunod:

• Bakit kinakailangang maranasan ni Jesus ang mga tukso?

• Bakit mahalagang maunawaan natin na naranasan ni Jesucristo ang gayon dinguri ng mga tukso na nararanasan natin ngayon?

Sabihin sa mga estudyante na isa sa mga layunin ng lesson ngayon ay ipakita anghindi mapapantayang buhay ng Tagapagligtas. Sabihin sa klase kung paanoipinakita ng mga scripture passage na napag-aralan na sa lesson ang isang aspetosa hindi mapapantayang buhay ng Tagapagligtas. (Dapat matukoy ng mgaestudyante ang sumusunod na alituntunin: Si Jesucristo ay namuhay sa isangbuhay na hindi mapapantayan dahil hindi Siya kailanman nagpatukso atnagkasala.)

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Howard W. Hunter (1907–95), atipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Mahalagang alalahanin na si Jesus ay maaaring magkasala, na maaari sanasiyang sumuko, na maaari sanang mabigo ang plano ng buhay at kaligtasan,ngunit siya ay nanatiling tapat. Kung walang posibilidad na maaari siyangmatukso ni Satanas, wala sanang magiging tunay na pagsubok, wala sanangtunay na tagumpay bilang resulta nito. … Siya ay perpekto at walang kasalanan,hindi dahil sa kailangang gawin ito, kundi dahil gusto niyang gawin ito at

determinado siyang gawin ito” (“The Temptations of Christ,” Ensign, Nob. 1976, 19).

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Lucas 22:42, 44 at ang3 Nephi 11:11, at maghanap ng isang katangian ni Jesucristo na isa panghalimbawa ng Kanyang hindi mapapantayang buhay. (Dapat matukoy ng mgaestudyante ang pagsunod ng Tagapagligtas sa kalooban ng Ama.)

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Ezra Taft Benson (1899–1994), atipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

LESSON 9

41

Page 58: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Pinagdusahan Niya ang mga pasakit ng lahat ng tao sa Getsemani upang sagayon ay hindi na sila magdusa kung sila ay magsisisi.

“Tiniis Niya ang paghamak at mga pang-iinsulto ng Kanyang mga kaaway nangwalang reklamo o paghihiganti.

“At, sa huli, tiniis Niya ang pambubugbog at matinding kahihiyan sa krus. Atpagkatapos lamang niyon ay kusa Siyang nagpasakop sa kamatayan. …

“Siya ay lubos na masunurin sa ating Ama sa Langit” (“Jesus Christ: Our Savior and Redeemer,”Ensign, Nob. 1983, 7, 8).

Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

• Sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit, bakit kinakailangan na walanganumang bahid ng kasalanan si Jesus at lubos na masunurin sa kalooban ngAma sa Langit? (Maaaring makapagbigay ang mga estudyante ng iba-ibangsagot, ngunit dapat nilang matukoy ang sumusunod na katotohanan:Kinakailangan sa plano ng kaligtasan ang lubos na pagsunod ni Jesusupang maisagawa ang Pagbabayad-sala.)

• Paano nakaimpluwensya sa inyong pananampalataya kay Jesucristo angnalaman ninyo na Siya ay walang bahid ng anumang kasalanan at masunurinsa kalooban ng Ama sa Langit? (Kapag nakasagot na ang mga estudyante,bigyang-diin na matatamo natin ang lakas na daigin ang tukso at magingmasunurin kapag tinularan natin ang halimbawa ni Jesucristo na sundinang kalooban ng Ama sa halip na sundin ang sarili nating kalooban.)

Juan 4:1–29Ang malaking impluwensya ng TagapagligtasIsulat sa pisara o ipakita ang sumusunod na pangungusap mula sa “Ang Buhay naCristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” (Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2):

“Walang sinuman ang nakapagbigay ng gayong makahulugang impluwensiya salahat ng nabuhay na at sa lahat ng mabubuhay pa sa mundo.”

Sabihin sa mga estudyante na isiping mabuti ang pahayag na ito sa pamamagitanng pagtatanong ng sumusunod:

• Alin sa mga katangian ni Jesucristo ang nagbigay sa Kanya ng gayong kalakasna impluwensya sa lahat ng taong nabuhay at mabubuhay pa lamang?

Sabihin sa mga estudyante na isa sa mga taong ito na naimpluwensyahan nangmalaki ni Jesus noong Kanyang mortal na ministeryo ay isang Samaritana.Tulungan ang mga estudyante na gamitin ang mga tulong sa pag-aaral sa kanilangmga banal na kasulatan para makahanap ng impormasyon tungkol sa mgaSamaritano ( Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Samaritano, Mga”;scriptures.lds.org). Ibuod ang Juan 4:1–8, at ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang Juan 4:9. Ipaliwanag kung paano nahayag sa sagot ng babae kay

LESSON 9

42

Page 59: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Jesus ang pagkapoot na nadarama ng mga Judio at Samaritano sa isa’t isa noongpanahong iyon. Pagkatapos ay ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Juan4:10–15. Matapos ang sapat na oras, itanong ang mga sumusunod:

• Paano ninyo mailalarawan ang pag-uusap ni Jesus at ng babae?

• Ano ang iniaalok ni Jesus sa kanya?

Sabihin sa isang estudyante na basahin nang malakas ang Juan 4:16–19 habangtahimik na sumasabay sa pagbasa ang klase at inilalarawan sa isipan ang maaaringreaksyon nila kung sila ang babaeng kausap. (Paalala: Ang paglalarawan sa isipanay makatutulong upang maging mas malinaw at makatotohanan ang mgapangyayari sa banal na kasulatan.) Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

• Ano ang maaaring maisip ninyo kung kayo ang babaeng Samaritana? Bakit?

• Ano ang katibayan na naimpluwesyahan siya ni Jesus? (Bigyang-diin angpagkakasunud-sunod ng titulong itinawag ng babae sa Kanya: “Judio”[talata 9]; “Ginoo” [mga talata 11, 15]; at pagkatapos ay “propeta” [talata 19].)

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Juan4:20–29. Sabihin sa klase na tukuyin ang mga titulo para sa Tagapagligtas sa mgatalata 25 at talata 29. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na mag-isip sandalibago sagutin ang sumusunod na tanong:

• Ano ang ginawa ng Tagapagligtas sa maikling panahong ito upang mabago angpananaw ng babae tungkol sa Kanya, mula sa pagtawag ng “Judio” (talata 9) aynaging “ang Cristo” (talata 29)? (Sabihin sa mga estudyante na ibahagi angnapansin nila sa mga scripture passage na ito. Maaaring kabilang sa mga sagotang mga sumusunod: Nagpakita Siya ng paggalang sa kanya, itinuro Niya angdoktrina sa kanya, nagturo Siya sa paraang magpapatotoo sa kanya ang EspirituSanto, inihayag Niya ang ilang pribadong bagay tungkol sa kanya, at nakatuonang pansin Niya sa kanya.)

• Ano ang itinuturo sa inyo ng tala tungkol sa Tagapagligtas at sa babaengSamaritana hinggil sa nadarama ng Tagapagligtas tungkol sa inyo at angimpluwensya Niya sa inyo?

• Paano ninyo nakita ang impluwensya ng Tagapagligtas sa inyong buhay o sabuhay ng isang taong kilala ninyo? Ano ang epekto ng impluwensya ngTagapagligtas sa inyo?

• Ano ang ipapangako ninyo na gagawin upang mas mahiwatigan ninyo angimpluwensya ng Tagapagligtas sa inyong buhay at tulutan ang Kanyangimpluwensya na baguhin kayo?

Magpatotoo na kapag ibinaling natin ang ating buhay sa Tagapagligtas,magkakaroon Siya ng malaking impluwensya sa atin. Ang pinakamalakingimpluwensya ng Tagapagligtas ay nangyayari kapag inanyayahan natin angkapangyarihan ng Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo para linisin tayo, iangattayo, at baguhin tayo. Hikayatin ang mga estudyante na pag-isipang mabuti angmagagawa nila upang maipakita ang kanilang pasasalamat sa Tagapagligtas para saKanyang impluwensya sa kanilang buhay. Hikayatin sila na gawin angnadama nila.

LESSON 9

43

Page 60: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Mga Babasahin ng mga Estudyante• II Mga Taga Corinto 5:21; Sa Mga Hebreo 2:17–18; 4:15–16; Doktrina at mga

Tipan 20:22; Mateo 4:1–11; Lucas 22:42, 44; Juan 6:38; 3 Nephi 11:11; Juan4:1–29.

LESSON 9

44

Page 61: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

10

Pumarito Ka, Sumunod Kasa Akin

PambungadIpinahayag ni Jesucristo, “Ako ang daan, at ang katotohanan,at ang buhay” (John 14:6). “[Si Jesus] ang daan nanaghahatid sa kaligayahan sa buhay na ito at buhay nawalang hanggan sa daigdig na darating” (“Ang Buhay naCristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr.

2000, 3). Ang lesson na ito ay nagbibigay-diin sa paanyaya niJesucristo sa lahat na sumunod sa Kanya at maging mgadisipulo Niya. Pag-aaralan din sa lesson na ito kung ano angibig sabihin ng pagtahak sa landas ng pagiging disipulo.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Dieter F. Uchtdorf, “Ang Landas Tungo sa Pagkadisipulo,” Ensign o Liahona,

Mayo 2009, 75–78.

• Joseph B. Wirthlin, “Magsisunod sa Akin,” Liahona, Hulyo 2002, 15–17.

Mga Mungkahi sa PagtuturoJuan 1:35–47; 2 Nephi 26:33; Alma 5:33–34Inaanyayahan ni Jesucristo ang lahat na maging mga disipulo NiyaAnyayahan ang isang estudyante na maikling ibahagi ang isang pangyayari noonna papunta siya sa isang lugar pero nagkamali siya ng nilikuan o napunta sa ibangdaan. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na basahin ang Juan 14:6 atipahayag sa sarili nilang mga salita ang doktrina na itinuro ni Jesus sa talatang ito.(Maaaring iba-iba ang sagot ng mga estudyante, ngunit dapat nilang maunawaanna ang tanging paraan na makababalik tayo sa piling ng Ama sa Langit ay sapamamagitan ng pagsunod kay Jesucristo.)

Sabihin sa mga estudyante na matapos mabinyagan si Jesucristo at tuksuhin sailang, inanyayahan Niya ang iba na sumunod sa Kanya. Ang mga sumunod saTagapagligtas noon at ngayon ay tinatawag na mga disipulo. Sabihin sa mgaestudyante na magbanggit mula sa Juan 1:35–47 ng mga pangalan ng ilan sapinakaunang disipulo ng Tagapagligtas at kung ano ang nakahikayat sa kanila nasumunod sa Kanya.

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong James E. Faust (1920–2007) ngUnang Panguluhan, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang mga salitang disipulo at disiplina ay kapwa nagmula sa isang salitang-ugatsa Latin na—discipulus, na ibig sabihin ay estudyante. Binibigyang-diin nito angpaggamit o pagsasagawa. Ang pagdisiplina at pagkontrol sa sarili aydi-nagbabago at permanenteng mga katangian ng mga tagasunod ni Jesus. …

“Ano ang pagiging disipulo? Una sa lahat ito ay pagsunod sa Tagapagligtas”(“Pagiging Disipulo,” Ensign o Liahona, Nob. 2006, 20).

45

Page 62: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ano ang ipinapahiwatig ng kahulugang ito ng pagiging disipulo tungkol sakung ano ang buhay ng mga naunang disipulo ni Jesucristo?

Sabihin sa mga estudyante na basahin at paghambingin ang 2 Nephi 26:33 at Alma5:33–34 upang makita kung sino pa ang inanyayahan ni Jesus na lumapit sa Kanya.Pagkatapos ay talakayin ang mga sumusunod na tanong:

• Ano ang itinuturo ng mga scripture passage na ito tungkol sa paanyaya ngTagapagligtas na lumapit sa Kanya? (Matapos sumagot ang mga estudyante,isulat ang sumusunod na katotohanan sa pisara: Inaanyayahan ni Jesucristoang lahat ng tao na lumapit sa Kanya at maging mga disipulo Niya.)

• Ayon kay Alma, ano ang ipinangako ng Tagapagligtas sa mga taongtatanggapin ang paanyaya na lumapit sa Kanya?

• Ano ang kahulugan ng mga pangakong ito sa inyo?

Mateo 4:18–22; Lucas 5:11; 9:57–62; 14:25–33Pagiging disipulo ni JesucristoPagpartner-partnerin ang mga estudyante. Sabihin sa kanila na pag-aralan angMateo 4:18–22 at Lucas 5:11 at tukuyin ang mga sakripisyong ginawa ng ilan samga pinakaunang disipulo ni Jesucristo para tanggapin ang tawag na sumunod saKanya. Talakayin ang mga sumusunod na tanong:

• Paano ninyo ilalarawan ang tugon ng mga naunang disipulong iyon sa utos ngTagapagligtas na sumunod sa Kanya? (Talakayin ang kahulugan ng mga salita atparirala tulad ng “pagdaka’y iniwan nila ang mga lambat,” “pagdaka’y,” at“iniwan.”)

• Anong mahahalagang katotohanan ang idinagdag ng mga scripture passage naito sa ibig sabihin ng pagiging isang disipulo ni Jesucristo? (Matapos sumagotang mga estudyante, isulat ang sumusunod na katotohanan sa pisara: Angpagiging disipulo ni Jesucristo ay nangangailangan ng pagsunod atpagsasakripisyo.)

Magbigay sa mga estudyante ng kopya ng sumusunod na pahayag ni ElderJoseph B. Wirthlin (1917–2008) ng Korum ng Labindalawang Apostol, at ipabasa itonang malakas sa isang estudyante:

“Ang mga lambat, sa pangkalahatan, ay binibigyang kahulugan bilang mgagamit para hulihin ang isang bagay. Sa isang … mahalagang pagkakaunawa,maaari nating bigyang kahulugan ang lambat bilang isang bagay na nang-aakit opumipigil sa atin sa pagsunod sa [paanyaya] ni Jesucristo, ang Anak ng Diyosna buhay.

“Ang mga lambat, sa ganitong pagkakaunawa, ay maaaring ang ating mgatrabaho, mga libangan, mga katuwaan, at higit sa lahat ng bagay, ang ating mga tukso at mgakasalanan. Sa madaling salita, ang isang lambat ay anumang bagay na humihila sa atin palayosa ating Ama sa Langit o sa Kanyang ipinanumbalik na Simbahan. …

“Imposibleng maitala ang maraming lambat na maaaring makasilo sa atin at pumigil sa atin nasumunod sa Tagapagligtas. Ngunit kung taos-puso tayo sa ating paghahangad na sumunod sa

LESSON 10

46

Page 63: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Kanya, kailangang kaagad nating iwan ang nakasasalabid na mga lambat ng sanglibutan atsumunod sa Kanya.

“… Ang ating buhay ay kaagad na napupuno ng mga tipanan, pakikipagpulong, at mga gawain.Napakadaling masilo ng napakaraming lambat at kung minsan, ang mungkahi na kumawalatayo sa mga ito ay maaaring nakababahala o nakakatakot pa para sa atin.

Kung minsan, naiisip natin na habang lalo tayong nagiging abala, lalo tayong nagigingmahalaga—na tila ba ang “pagiging abala” ang sukatan ng ating halaga. Mga kapatid, maaarinating igugol ang buong buhay sa pagmamadaling magawa ang mga nakatalang walangkatapusang mga bagay na sa kahuhulihan, ay wala ring halaga.

“Na marami tayong nagagawa ay maaaring hindi gaanong mahalaga. Na ating ituon ang lakasng ating mga isip, ating mga puso, at ating mga kaluluwa sa yaong mga bagay na maykahalagahan sa kawalang hanggan—ito ang kailangang-kailangan” (“Magsisunod sa Akin,”Liahona, Hulyo 2002, 15–16).

• Kung ang isda, mga lambat, at mga bangka na iniwan ng mga mangingisda aysumasagisag sa mga bagay na inaalala nila, anong mga bagay ang iuutos ngTagapagligtas na iwan ninyo upang makasunod sa Kanya?

• Bakit mahirap kung minsan na iwanan ang mga temporal na bagay?

• Paano malalaman ng isang tao kung nasilo na siya sa uri ng nagkakasalabid namga lambat na binanggit ni Elder Wirthlin?

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang isang pagkakataon na tumugon sila sapaanyaya ng Tagapagligtas na sumunod sa Kanya (marahil ay noong talikuran nilaang mga dati nilang gawi o nang tanggapin nila ang isang tungkulin sa Simbahan).Pagkatapos ay itanong:

• Paano pinagpala ang inyong buhay sa pagtugon sa paanyayang ito?

Ipakita ang mga sumusunod na scripture reference at tanong, o isulat ang mga itosa pisara:

Lucas 9:57–62—Ano ang maaaring makahadlang sa atin sa pagsunod saTagapagligtas?

Lucas 14:25–27, 33—Ano ang iniuutos ng Tagapagligtas sa Kanyang mgadisipulo?

Lucas 14:28–32—Paano nauugnay ang mga salitang maipagtatapos, matapos,tapusin sa mga kinakailangan sa pagiging disipulo?

Hatiin sa tatlong grupo ang klase at bigyan ang bawat grupo ng isa sa mgascripture passage at ang kaugnay na tanong. Matapos ang sapat na oras, sabihin samga estudyante na ibahagi kung paano sinasagot ng scripture passage na binasanila ang kanilang mga tanong. Matapos matalakay ang lahat ng tatlong scripturepassage, itanong:

LESSON 10

47

Page 64: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ano ang kinakailangan sa pagiging disipulo ang ipinakita sa analohiya ngTagapagligtas? (Habang tinatalakay ng mga estudyante ang tanong na ito,ipaunawa sa kanila ang sumusunod na katotohanan: Kinakailangan sapagiging disipulo ang ating patuloy na kahandaang iwan ang lahat atsumunod kay Jesucristo.)

Ipaliwanag na bagama’t ang pagiging disipulo ay nagpapahiwatig na patuloy natingpag-iibayuhin ang ating katapatan at pagtupad sa pangakong sundin angTagapagligtas, hindi Niya iniuutos na tumakbo tayo nang higit na mabilis kaysa salakas natin (tingnan sa Mosias 4:27).

Bigyan ang bawat estudyante ng kopya ng sumusunod na pahayag ni PangulongDieter F. Uchtdorf ng Unang Panguluhan, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Ang unang hakbang sa landas ng pagkadisipulo ay nagsisimula, sakabutihang-palad, sa mismong kinatatayuan natin! Hindi natin kailanganggumawa ng paunang hakbang bago gawin ang unang hakbang na iyon. Hindimahalaga kung mayaman o mahirap tayo. Hindi hinihingi na tayo ay magingedukado, mahusay magsalita, o matalino. Hindi kailangang tayo ay perpekto omagaling magpahayag o mapinong kumilos.

“Ikaw at ako ay makalalakad sa landas tungo sa pagkadisipulo ngayon. Magpakumbaba tayo,manalangin sa ating Ama sa Langit nang buong puso, ipahayag ang ating hangaring mapalapitsa Kanya at matuto sa Kanya.

“Manampalataya. Maghanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong. Magsituktok kayo, at kayo’ybubuksan [tingnan sa Mateo 7:7]. Paglingkuran ang Panginoon sa pamamagitan ng paglilingkodsa iba. Maging aktibong miyembro ng inyong ward o branch. Palakasin ang inyong pamilya samatapat na pamumuhay ng mga alituntunin ng ebanghelyo. Magkaisa sa puso at isipan bilangmag-asawa at bilang pamilya.

“Panahon na para iayon ang inyong buhay upang magkaroon ng temple recommend at gamitinito. Panahon na para magkaroon ng makabuluhang family home evening, basahin ang salita ngDiyos, at mangusap sa ating Ama sa Langit sa mataimtim na panalangin. Panahon na parapuspusin ang ating puso ng pasasalamat para sa Panunumbalik ng Kanyang Simbahan, sa mgabuhay na propeta, sa Aklat ni Mormon, at sa kapangyarihan ng priesthood na nagpapala saating buhay. Panahon na para tanggapin ang ebanghelyo ni Jesucristo, maging Kanyang mgadisipulo, at mamuhay sa Kanyang landas” (“Ang Landas Tungo sa Pagkadisipulo, ” Ensign oLiahona, Mayo 2009, 77).

• Saan nagsisimula ang landas ng pagkadisipulo ayon kay Pangulong Uchtdorf?

• Ayon kay Pangulong Uchtdorf, kailan ang panahon para magsimula sapagtahak sa landas ng pagkadisipulo?

Isulat sa pisara ang sumusunod:

Ngayon na ang panahon para …

LESSON 10

48

Page 65: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang isang paraan na gagawin nila bilangdisipulo ni Jesucristo para makumpleto ang pangungusap na ito. Hikayatin sila nakumilos agad sa anumang maisip nila, dahil ang ideyang iyon ay malamang namula sa Espiritu Santo. Magpatotoo na kapag ginawa nila ang unang hakbang naito, tutulungan sila ng Panginoon na maging mga disipulo Niya.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Juan 1:35–47; 2 Nephi 26:33; Alma 5:33–34; Mateo 4:18–22; Lucas 5:11;

9:57–62; 14:25–33.

• Dieter F. Uchtdorf, “Ang Landas Tungo sa Pagkadisipulo,” Ensign o Liahona,Mayo 2009, 75–78.

• Joseph B. Wirthlin, “Magsisunod sa Akin,” Liahona, Hulyo 2002, 15–17.

LESSON 10

49

Page 66: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

11

Si Jesucristo ay Naglilibotna Gumagawa ng Mabuti

PambungadItinuturo sa “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mgaApostol” na “[si Jesus] ay ‘naglilibot na gumagawa ngmabuti’ (Mga Gawa 10:38), gayon pa man ay kinamuhiansiya dahil dito” (Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2). Bilang mgadisipulo ni Jesucristo, dapat nating tularan ang Kanyanghalimbawa sa paggawa ng kabutihan kahit may posibilidadna makaranas tayo ng pag-uusig. Sa lesson na ito,tatalakayin ng mga estudyante kung bakit dapat nating

pakitaan ang mga taong nagmalupit sa atin dahil sa atingpaniniwala ng gayon ding pagmamahal at paggalang naipinakita ni Jesus sa Kanyang mga taga-usig. Kapag tinularannatin ang halimbawa ng Tagapagligtas, tayo ay bibiyayaanng tapang na maipamuhay at maipagtanggol ang atingpananampalataya at matutulungan natin ang iba na masmapalapit sa Panginoon.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Dallin H. Oaks, “Pagmamahal at Pakikisalamuha sa mga Taong Naiiba,” Ensign

o Liahona, Nob. 2014, 25–28.

• Jeffrey R. Holland, “Ang Halaga—at mga Pagpapala—ng Pagkadisipulo,” Ensigno Liahona, Mayo 2014, 6–9.

• Robert D. Hales, “Katapangang Kristiyano: Kailangan sa Pagiging Disipulo,”Ensign o Liahona, Nob. 2008, 72–75.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMateo 5:43–47; 9:9–13; 12:22–30; Marcos 3:1–6; 11:15–19; Juan 11:43–53Si Jesucristo ay inusig dahil sa paggawa ng mabutiSimulan ang klase sa pagtatanong sa mga estudyante ng sumusunod:

• Kapag naiisip ninyo ang perpektong buhay ng Tagapagligtas, ano angpinakatumimo sa inyo sa lahat ng kabutihang ginawa Niya sa buhay na ito?

Matapos sumagot ang mga estudyante, basahin (o ibahagi sa sarili mong mgasalita) ang sumusunod na kuwento ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ngLabindalawang Apostol tungkol sa dalawang sister missionary:

“May paghanga at panghihikayat sa lahat [na] kakailanganing maging matatagsa mga huling araw na ito, sinasabi ko sa lahat at lalo na sa mga kabataan ngSimbahan na kung hindi pa kayo natatawag, balang-araw ay kakailanganinninyong ipagtanggol ang inyong pananampalataya o tiisin pa ang ilang harapangpang-aabuso dahil lamang sa miyembro kayo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ngmga Banal sa mga Huling Araw. Ang mga sandaling iyon ay mangangailangan

kapwa ng tapang at paggalang ninyo.

“Halimbawa, isang sister missionary ang sumulat sa akin kamakailan: ‘Nakita namin ngkompanyon ko ang isang lalaki sa isang upuan sa liwasang-bayan na nanananghalian. Habang

50

Page 67: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

papalapit kami, tumingin siya at nakita niya ang aming missionary name tag. Bakas ang galit sakanyang mukha, lumundag siya at umakmang sasampalin ako. Nakailag ako kaagad, peroidinura naman niya sa akin ang kinakain niya at pinagsalitaan kami ng masama. Lumakad kamipalayo na walang kibo. Sinikap kong punasin ang pagkain sa mukha ko, nang bigla kongmaramdaman ang tama ng isang tumpok ng mashed potato sa likod ng ulo ko. Kung minsanmahirap maging missionary dahil noon din ay gusto kong bumalik, pitserahan ang maliit nalalaking iyon, at sabihing, “ANO’NG SABI MO?” Pero hindi ko ginawa iyon’” (“Ang Halaga—atmga Pagpapala—ng Pagkadisipulo,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 6).

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Mateo 5:43–47, at alamin angalituntuning itinuro ni Jesus sa Kanyang Sermon sa Bundok na sinunod ng mgasister missionary na ito. (Maaari mong imungkahi na, habang nagbabasa ang mgaestudyante, gamitin nila ang kasanayan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan napaghalili ng pangalan para maging mas personal ang mensahe sa mga talatang ito.Upang mapraktis ang kasanayang ito, dapat ihalili nila ang kanilang sarilingpangalan para sa mga salitang kayo at ikaw.)

• Ano ang isang alituntunin na itinuro ni Jesus sa mga talatang ito? (Maaaringiba-ibang salita ang gamitin ng mga estudyante, ngunit dapat nilang matukoyang sumusunod na alituntunin: Kung nais nating sundin ang mga turo niJesucristo, dapat nating matutuhang mahalin ang ating mga kaaway atmaging mabait sa mga taong umuusig sa atin.)

• Bakit mahirap ipamuhay ang alituntuning ito ng ebanghelyo?

Isulat ang sumusunod na pahayag sa pisara:

“[Si Jesus] ay ‘naglilibot na gumagawa ng mabuti’ (Mga Gawa 10:38), gayon paman ay kinamuhian siya dahil dito” (“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mgaApostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2).

Ipaliwanag na bagama’t tinanggap ang Tagapagligtas ng maraming tao sa Galilea atJudea, at maraming nakakita sa Kanyang mabubuting gawa bilang patunay saKanyang pagiging Diyos, hinamak at inusig Siya ng iba dahil sa Kanyangmabubuting gawa.

Sa pisara, ilista ang mga sumusunod na scripture passage sa ilalim ng “si Jesus aynaglilibot na gumagawa ng mabuti”:

Mateo 9:9–13

Mateo 12:22–30

Marcos 3:1–6

Marcos 11:15–19

Juan 11:43–53

LESSON 11

51

Page 68: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Hatiin sa maliliit na grupo ang klase, at bigyan ang bawat grupo ng isa sa mgascripture passage na nakalista sa pisara para pag-aralan. Sabihin sa mga estudyantena tumukoy sa bawat talata ng mabuting ginawa ni Jesus at kung paano tumugonang mga tao rito. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagiang nalaman nila. Ipaliwanag na ang mga scripture passage na ito ay naghahayagng huwaran sa buhay ng Panginoon at may matututuhan tayo rito. Itanong angsumusunod:

• Ano ang napansin ninyo tungkol sa paraan ng pagtugon ng Tagapagligtas sapag-uusig na naranasan Niya?

Hikayatin ang mga estudyante na ilarawan sa kanilang isipan ang mgapangyayaring nakatala sa scripture passage na pinag-aralan nila. Pagkatapos ayitanong:

• Ano kaya ang maiisip o mararamdaman ninyo kung nakita ninyo si Jesus sapangyayaring iyon?

• Ano sa palagay ninyo ang nais ni Jesus na matutuhan ninyo sa Kanyang mgasalita at kilos noong panahong iyon? (Ang sumusunod ay isang alituntunin namaaaring matukoy ng mga estudyante: Kapag sinisikap nating tularan anghalimbawa ng Tagapagligtas sa paggawa ng mabuti, kailangan natingtiisin kung minsan ang pag-uusig.)

Mateo 5:9–12, 21–24, 38–41; 6:14–15; 7:1–5, 12Pagtugon sa pag-uusigSabihin sa mga estudyante na sa Kanyang Sermon sa Bundok, pinayuhan niJesucristo ang Kanyang mga disipulo kung ano ang gagawin kapag sila ay inusig.Kopyahin sa pisara ang sumusunod na parirala at mga scripture reference, atmag-assign sa bawat estudyante ng kahit isang scripture passage. Sabihin sa mgaestudyante na tukuyin sa scripture passage na binasa nila ang isang alituntunin naitinuro ni Jesus na gagabay sa kanilang pakikihalubilo sa iba.

Paano tumugon sa pag-uusig

Mateo 5:9–12

Mateo 5:21–24 (tingnan din sa 3 Nephi 12:22)

Mateo 5:38–41; 7:12

Mateo 6:14–15 (tingnan din sa D at T 64:9–10)

Mateo 7:1–5

Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ipaliwanag ang mgaalituntuning nahanap nila at kung paano magagamit ang mga ito sapakikipag-ugnayan natin sa ibang tao. (Kapag sumagot na ang mga estudyante,bigyang-diin ang sumusunod na katotohanan: Inaasahan ng Ama sa Langit natutularan natin ang halimbawa ni Jesucristo kapag tayo ay inusig dahil saating mga paniniwala.)

LESSON 11

52

Page 69: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Ipakita ang mga sumusunod na pahayag ni Jeffrey R. Holland at Elder Dallin H.Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Ipagtanggol ang inyong mga paniniwala nang may paggalang at habag, ngunitipagtanggol pa rin ito” (Jeffrey R. Holland, “Ang Halaga—at mgaPagpapala—ng Pagkadisipulo,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 9).

“Ang mga tagasunod ni Cristo ay dapat maging halimbawa ng paggalang. Dapatnating mahalin ang lahat ng tao, pakinggan silang mabuti, at isaalang-alang angtapat nilang pinaniniwalaan. Hindi man tayo sumasang-ayon, hindi rin tayodapat nakikipagtalo. Ang pananaw at pagsasalita natin ukol sa mgakontrobersyal na paksa ay hindi dapat maging dahilan ng pagtatalo. Dapatnating ipaliwanag at panindigan ang ating pinaniniwalaan nang may katalinuhan

at impluwensyahan sa kabutihan ang mga tao. …

“Kung hindi manaig ang ating pinaniniwalaan, tanggapin natin nang maluwag sa kalooban angdi magandang bunga nito at igalang pa rin ang mga sumasalungat sa atin” (Dallin H. Oaks,“Pagmamahal at Pakikisalamuha sa mga Taong Naiiba,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 27).

Talakayin sa mga estudyante ang mga pagsubok at pagpapala ng pagsunod sa payonina Elder Holland at Elder Oaks. Pagkatapos ay ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang Mateo 5:9–12.

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang mga ipinangako ni Jesus na maaaringmaghikayat sa atin na mas tumugon ayon sa paraan Niya kapag inuusig tayodahil sa ating mga paniniwala sa relihiyon?

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung paano nila maipamumuhay ang isao higit pang mga turo ng Tagapagligtas sa Sermon sa Bundok sapakikipag-ugnayan nila sa mga tao sa kasalukuyan o paano sana nila ipinamuhayito sa naranasan nila noon. Itanong kung may mga estudyanteng gustongmagbahagi sa klase ng mga iniisip nila.

Bigyan ang bawat estudyante ng isang kopya ng sumusunod na pahayag ni ElderRobert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Mali ang iniisip ng ilang tao na ang mga sagot na tulad ng pananahimik,kababaang-loob, pagpapatawad, at mapagpakumbabang pagpapatotoo aywalang kuwenta o mahina. Ngunit, ang ‘mahalin [natin] ang [ating] mga kaaway,pagpalain [natin] sila na sumusumpa sa [atin], gawan [natin] ng mabuti sila nanapopoot sa [atin], at ipanalangin sila na may masamang hangarin sa paggamitsa [atin] at umuusig sa [atin]’ (Mateo 5:44) ay kailangan ng pananampalataya,

lakas, at higit sa lahat, ng katapangang Kristiyano. …

“Kapag hindi tayo gumanti—kapag [iniharap] natin ang kabilang pisngi at nilabanan anggalit—pumapanig din tayo sa Tagapagligtas. Ipinapakita natin ang Kanyang pagmamahal, nasiyang tanging kapangyarihang daraig sa [kaaway] at sasagot sa mga nagpaparatang sa atin

LESSON 11

53

Page 70: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

nang hindi sila ginagantihan ng pagpaparatang. Hindi iyan kahinaan. Iyan ang katapangangKristiyano. …

“Sa pagtugon natin sa iba, bawat sitwasyon ay magiging kaiba. Sa kabutihang-palad, alam ngPanginoon ang nasa puso ng mga nagpaparatang sa atin at kung paano tayo epektibongmakatutugon sa kanila. Kapag naghahangad ng patnubay ng Espiritu ang mga tunay na disipulo,tumatanggap sila ng inspirasyon na akma sa bawat sitwasyon. Sa bawat sitwasyon, ang mgatunay na disipulo ay tumutugon sa mga paraang mag-aanyaya sa Espiritu ng Panginoon. …

“Bilang mga tunay na disipulo, ang una nating dapat isipin ay ang kapakanan ng iba, hindi angpatunayan na tayo ang tama. Ang mga tanong at pambabatikos ay nagbibigay sa atin ngpagkakataong tulungan ang iba at ipakita na mahalaga sila sa ating Ama sa Langit at sa atin.Dapat ang layunin natin ay tulungan silang maunawaan ang katotohanan, hindi ipagtanggol angating sarili o manalo sa isang debate tungkol sa Diyos. Ang ating taos-pusong mga patotoo angpinakamabisang sagot na maibibigay natin sa mga nagpaparatang sa atin” (“KatapangangKristiyano: Kailangan sa Pagiging Disipulo,” Ensign o Liahona, Nob. 2008, 72, 73–74).

Bigyan ng oras ang mga estudyante na basahin at markahan ang mga alituntuningitinuro ni Elder Hales. Sabihin sa kanila na ibahagi ang nalaman nila. Kungkinakailangan, talakayin ang ilan o lahat ng sumusunod na tanong:

• Paano makakaapekto ang mga pakikitungo natin sa ibang tao sapakikipag-ugnayan nila sa Diyos? (Tulungan ang mga estudyante na matukoyang sumusunod na alituntunin: Kapag tinularan natin ang halimbawa ngpagpapakita ng pagmamahal at kabaitan ni Cristo sa mga taongkumakalaban sa atin, mapapalakas natin ang pakikipag-ugnayan nila saDiyos gayon din ang sa atin.)

• Paano naging bahagi ng tipan sa binyag na ginawa natin sa Ama sa Langit angparaang ito ng pakikitungo natin sa iba? (Isa itong mahalagang paraan ngpagtayo bilang mga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon, sa lahat ng bagay, at salahat ng lugar [tingnan sa Mosias 18:9].)

Itanong sa mga estudyante kung nagkaroon na sila ng anumang karanasan kungsaan natulungan nila ang isang tao na mas mapalapit sa Panginoon dahil tinularannila ang halimbawa ng Tagapagligtas at sinunod ang Kanyang mga turo.Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang kanilang mga karanasan.

Hikayatin ang mga estudyante na suriin ang pakikitungo nila sa iba, tukuyin angisang bagay na mas mapagbubuti pa nila, at isulat kung paano nila isasagawa angmga alituntuning tinalakay ngayon sa pakikitungong iyon.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mga Gawa 10:38; Mateo 5:9–12, 21–24, 38–41, 43–47; 6:14–15; 7:1–5.

• Dallin H. Oaks, “Pagmamahal at Pakikisalamuha sa mga Taong Naiiba,” Ensigno Liahona, Nob. 2014, 25–28.

• Jeffrey R. Holland, “Ang Halaga—at mga Pagpapala—ng Pagkadisipulo,” Ensigno Liahona, Mayo 2014, 6–9.

LESSON 11

54

Page 71: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

12

Mga Himala sa mga Daanng Palestina

Pambungad“Binagtas [ni Jesucristo] ang mga daan sa Palestina nananggagamot ng maysakit, nagbibigay ng paningin sa bulag,at nagpapabangon ng patay” (“Ang Buhay na Cristo: AngPatotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2).Ang mga himala ay mahalagang bahagi ng mahabagingministeryo ng Tagapagligtas dito sa lupa, ngunit ang mga ito

rin ay katibayan ng Kanyang kapangyarihan at awtoridad,nagpapatunay sa ipinahayag Niya na Siya ang Mesiyas. Sapagsampalataya kay Jesucristo, tayo rin aymakapagpapatotoo o makadarama ng pagmamahal, habag,at kapangyarihan ng Tagapagligtas sa pamamagitan ngmga himala.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Dallin H. Oaks, “Miracles,” Ensign, Hunyo 2001, 6–17.

• Sydney S. Reynolds, “Diyos ng mga Himala,” Liahona, Hulyo 2001, 12–13.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMarcos 1:39–42; 2:1–12; 5:1–8, 19, 22–43; 8:1–9; Lucas 7:11–15;3 Nephi 17:5–9Ang Tagapagligtas ay gumawa ng mga himala sa panahon ng Kanyang mortal naministeryoIsulat sa pisara ang mga sumusunod na parirala: pinayapa ang dagat, binuhay angpatay, at nagpalayas ng masasamang espiritu. Itanong sa mga estudyante kung alin samga himalang ito na ginawa ng Tagapagligtas ang sa palagay nila ay pinakadakilasa tatlo. Matapos sumagot ang mga estudyante, idagdag sa listahan sa pisara angnilikha ang mundo at itanong kung alin sa mga ito ang pinakadakila. Ulitin angaktibidad na idinadagdag ang nagpabalik-loob ng mga tao at, sa huli, nagdusa atnamatay para sa ating mga kasalanan.

Itanong sa mga estudyante kung ano ang kahulugan ng salitang himala. Matapossumagot ang mga estudyante, ipakita ang sumusunod na depinisyon at ipabasa itonang malakas sa isang estudyante:

“[Ang himala ay] isang di pangkaraniwang pangyayari na sanhi ng kapangyarihan ng Diyos. Angmga himala ay mahahalagang bagay sa gawain ni Jesucristo. Kabilang [sa mga ito] angpagpapagaling, pagbabalik ng buhay sa patay, at pagkabuhay na mag-uli. Ang mga himala aybahagi ng ebanghelyo ni Jesucristo. Ang pananampalataya ay kinakailangan upang makita angmga himala” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Himala”; scriptures.lds.org).

• Ano ang ilang iba pang halimbawa ng mga himalang ginawa ni Jesus noongpanahon ng Kanyang mortal na ministeryo? (Ilista sa pisara ang mga sagot ngmga estudyante.)

55

Page 72: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Bakit mahalagang malaman kung gaano kalakas ang kapangyarihan ngTagapagligtas?

Ilista ang mga sumusunod na scripture reference sa pisara, at sabihin sa mgaestudyante na pumili ng isa na pag-aaralan: Marcos 1:40–42; Marcos 5:1–8, 19;Marcos 8:1–9; Lucas 7:11–15; at 3 Nephi 17:5–9. Sabihin sa kanila na tukuyin sa mgatalata na binasa nila ang isang himala na ginawa ng Tagapagligtas at kung ano angipinapakita nito tungkol sa Kanyang kapangyarihan. Matapos ang sapat na oras,itanong ang mga sumusunod:

• Anong himala ang nabasa mo, at ano ang ipinapakita nito tungkol sakapangyarihan ng Tagapagligtas?

• Paano makatutulong sa pagkakaroon ninyo ng pananampalataya saTagapagligtas ang pag-unawa ninyo sa kapangyarihan Niya na gumawa ng mgahimala? (Kapag sumagot na ang mga estudyante, maaari mong ipaliwanag nailang siglo bago isinilang ang Tagapagligtas, nakita ng mga propeta na gagawaSiya ng mga himala sa panahon ng Kanyang ministeryo sa lupa [tingnan sa1 Nephi 11:31; Mosias 3:5–6]. Ang kaalamang ito ay nakatulong sa mga taongnabuhay bago ang Kanyang pagsilang na magkaroon ng mas malakas napananampalataya sa Kanya.)

Sabihin sa mga estudyante na tingnan muli ang talata na pinag-aralan nila atalamin ang dahilan kung bakit gumawa si Jesus ng mga himala. Talakayin ang mgasumusunod na tanong:

• Sa binasa ninyo, ano ang ibinigay na dahilan kung bakit ginawa ngTagapagligtas ang himalang iyon? (Hayaang sumagot ang ilang estudyante.Ang pagkahabag o pagkaawa ng Tagapagligtas ay nabanggit sa bawathalimbawa. Sabihin sa mga estudyante na kapag natutuhan nila ang pagtukoyng mga pattern at tema tulad nito sa mga banal na kasulatan, mapapalalim nilaang kanilang kaalaman sa mga banal na kasulatan.)

• Sa paanong paraan naipakita sa mga himalang ito ang pagkahabag ngTagapagligtas?

• Ngayong alam na natin na gumagawa kung minsan ng mga himala angTagapagligtas dahil sa Kanyang malaking pagkahabag sa atin, ano angepektong nagagawa nito sa atin? (Kapag sumagot na ang mga estudyante,bigyang-diin na kapag sumasampalataya tayo kay Jesucristo, matatanggapnatin ang epekto ng Kanyang dakilang kapangyarihan at madarama angKanyang pagkahabag sa atin.)

Tapusin ang bahaging ito ng lesson sa pagpapabasa sa isang estudyante ng MgaGawa 10:38 habang ang iba naman ay tahimik na sumasabay sa pagbasa.Pagkatapos ay itanong sa mga estudyante:

• Ano ang ibig sabihin ng pinagaling ni Jesus ang “lahat ng mga pinahihirapanng diablo”? (Ang pariralang ito ay tumutukoy marahil sa mga himala ni Jesusng nagpapalayas ng mga diyablo gayon din sa pinakadakilang himala salahat—ang espirituwal na pagpapagaling na dinala ni Jesus sa mgapinahihirapan ng kasalanan. Ipaliwanag na bagama’t ang pisikal napagpapagaling ay mahalagang bahagi ng ministeryo ng Tagapagligtas, ang mga

LESSON 12

56

Page 73: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

epekto nito ay pansamantala lamang. Ang pagpapala ng espirituwal napagpapagaling ay walang hanggan.)

Marcos 2:1–12; 5:22–43Ang pananampalataya kay Jesucristo ay nagdudulot ng mga himala sa ating buhaySabihin sa mga estudyante na bagama’t mahalagang malaman na gumawa si Jesusng mga himala nang “[bagtasin] Niya ang mga daan sa Palestina” (“Ang Buhay naCristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” 2), mas mahalaga marahil na malaman napatuloy Siyang gumagawa ng mga himala ngayon. Sabihin sa mga estudyante nabasahin nang tahimik ang Eter 12:12, 18 at pagkatapos ay isulat ang isangalituntunin ng ebanghelyo na nalaman nila mula sa mga talatang ito. Sabihin sailang estudyante na ibahagi sa klase ang isinulat nila. (Dapat kabilang sa mga sagotang sumusunod na katotohanan: Kapag sumampalataya tayo kay Jesucristo,masasaksihan natin ang Kanyang mahimalang kapangyarihan sa atingbuhay.)

Upang matulungan ang mga estudyante sa mapag-aralan pa ang katotohanang ito,isulat sa pisara ang mga sumusunod na scripture reference: Marcos 2:1–12; Marcos5:22–24, 35–43; at Marcos 5:25–34. (Paalala: Maaari mong ipaliwanag na ang mgatalatang ito ay naglalaman ng isa pang halimbawa ng isang pattern o tema sa mgabanal na kasulatan.) Hatiin ang klase sa tatlong grupo. Mag-assign sa bawat grupong isa sa mga scripture passage, at alamin kung paano ipinakita angpananampalataya kay Jesucristo. Matapos ang sapat na oras, itanong:

• Anong katibayan ng pananampalataya kay Jesucristo ang nakita ninyo?

Bigyan ang bawat estudyante ng kopya ng handout na “Pagpapagaling ngMaysakit.”

LESSON 12

57

Page 74: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Lesson 12 Handout

Pagpapagaling ng MaysakitItinuro ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol na kailangan angpananampalataya upang magkaroon ng mga himala:

LESSON 12

58

Page 75: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Ang pananampalataya ay kailangan sa pagpapagaling sa pamamagitanng mga kapangyarihan ng langit. Itinuturo pa nga sa Aklat ni Mormon na‘kung walang pananampalataya sa mga anak ng tao, ang Diyos ay hindimakagagawa ng himala sa kanila’ (Eter 12:12) [tingnan din sa 1 Nephi7:12; D at T 35:9]. Sa bantog na pananalita tungkol sa pangangasiwa samaysakit, sinabi ni Pangulong Spencer W. Kimball: ‘Ang pangangailangan

sa pananampalataya ay madalas hamakin. Ang maysakit at ang pamilya kadalasan ay tilalubos na umaasa sa kapangyarihan ng priesthood at kaloob na magpagaling na inaasahannilang taglay ng mga kalalakihang nangangasiwa, samantalang ang mas mabigat naresponsibilidad ay nasa taong binabasbasan. … Ang pangunahing elemento ay angpananampalataya ng indibiduwal kapag ang taong iyon ay may malay at pananagutan.Ang “pinagaling ka ng iyong pananampalataya” [Mateo 9:22] ay madalas banggitin ngGuro kaya halos maging koro na ito ng isang awitin’ [“President Kimball Speaks Out onAdministration to the Sick,” New Era, Okt. 1981, 47]” (“Pagpapagaling ng Maysakit,”Ensign o Liahona, Mayo 2010, 49).

Ipinaalala rin sa atin ni Elder Dallin H. Oaks na ang mahalagang bahagi ng pagsampalataya ay angkahandaang tanggapin ang kalooban ng Diyos:

“Kapag ginamit natin ang walang alinlangang kapangyarihan ngpriesthood ng Diyos at itinangi ang Kanyang pangako na diringgin atsasagutin Niya ang panalangin ng pananampalataya, lagi nating tandaanna ang pananampalataya at kapangyarihan ng priesthood na magpagalingay hindi magbubunga ng anumang taliwas sa kalooban Niya nanagmamay-ari ng priesthood na ito. Ang alituntuning ito ay itinuro sa

paghahayag na nagbilin sa mga elder ng Simbahan na ipatong ang kanilang mga kamaysa maysakit. Nangako ang Panginoon na ‘siya na may pananampalataya sa akin namapagaling, at hindi itinakda sa kamatayan, ay mapagagaling’ (D at T 42:48; idinagdagang pagbibigay-diin). Gayundin, sa isa pang makabagong paghahayag sinabi ngPanginoon na kapag ang isang tao ay ‘humihingi alinsunod sa kalooban ng Diyos …mangyayari maging gaya ng kanyang hiningi’ (D at T 46:30) [tingnan din sa I Ni Juan 5:14;Helaman 10:5].

“Sa lahat ng ito nalaman natin na maging ang mga lingkod ng Panginoon, na gumagamitng Kanyang banal na kapangyarihan sa isang sitwasyon kung saan sapat angpananampalatayang mapagaling, ay hindi makapagbibigay ng basbas ng priesthood namagpapagaling sa isang tao kung hindi ito naaayon sa kalooban ng Panginoon.

“Bilang mga anak ng Diyos, batid ang Kanyang dakilang pag-ibig at sukdulang kaalamankung ano ang mainam para sa ating walang hanggang kapakanan, nagtitiwala tayo saKanya. Ang unang alituntunin ng ebanghelyo ay pananampalataya sa PanginoongJesucristo, at ang pananampalataya ay pagtitiwala. Nadama ko ang pagtitiwalang iyan samensaheng ibinigay ng pinsan ko sa burol ng isang babaeng tinedyer na namatay samalubhang karamdaman. Sinambit niya ang mga salitang ito, na ikinamangha ko noonguna at nagpasigla sa akin kalaunan: ‘Alam ko na kalooban ng Panginoon na mamatay siya.Naalagaan siya nang husto. Nabigyan siya ng mga basbas ng priesthood. Nasa templeprayer roll ang pangalan niya. Daan-daan ang nanalangin na manumbalik ang kanyangkalusugan. At alam ko na sapat ang pananampalataya ng pamilyang ito na gagaling siya

LESSON 12

59

Page 76: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

maliban kung kalooban ng Panginoon na iuwi na siya ngayon.’ Nadama ko angpagtitiwalang iyon sa mga salita ng ama ng isa pang natatanging babaeng tinedyer nanamatay [sa kanser] kamakailan. Ipinahayag niya, ‘Ang pananampalataya ng amingpamilya ay na kay Jesucristo, at hindi batay sa mga kahihinatnan.’ Ang mga turong iyon ayakma sa akin. Ginagawa natin ang lahat para gumaling ang isang mahal sa buhay,pagkatapos ay nagtitiwala tayo sa Panginoon sa kahihinatnan niyon” (“Pagpapagaling ngMaysakit,” Ensign o Liahona, Mayo 2010, 50).

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan na kailangan angpananampalataya para magkaroon ng mga himala, ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang unang pahayag sa handout na mula sa mensahe ni Elder Dallin H.Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol. Pagkatapos ay itanong:

• Anong mahahalagang katotohanan ang itinuro ni Elder Oaks tungkol sapananampalataya?

Para sa mga karagdagang kaalaman mula kay Elder Oaks, maaari mong basahin oibahagi sa sarili mong mga salita ang ikalawang pahayag sa handout. Maaari mongbanggitin na ang pahayag na ito ni Elder Oaks ay para sa mga mayhawak ngpriesthood. Talakayin ang mga sumusunod na tanong:

• Ano ang sinabi ni Elder Oaks na kailangan sa atin kapag nanalangin tayo nangmay pananampalataya para magkaroon ng himala?

• Bakit mahalagang tandaan na ang hinihiling natin ay dapat naaayon sakalooban ng Ama sa Langit?

Magpatotoo na nangyayari pa rin ang mga himala ngayon. Ibahagi ang sumusunodna pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Nangyayari ang mga himala araw-araw sa gawain ng ating Simbahan at sabuhay ng ating mga miyembro. Marami sa inyo ang nakakita na ng mga himala,marahil higit pa sa inaakala ninyo” (“Miracles,” Ensign, Hunyo 2001, 6).

• Sa palagay ninyo, bakit hindi natin laging nakikita ang mga himala nanangyayari sa ating buhay? (Kapag sumagot na ang mga estudyante, maaarimong ipaliwanag na kakaunti ang himalang kakikitaan ngkamangha-manghang pagpapakita ng kapangyarihan ng Panginoon. Maramingnangyayaring maliliit na himala at nangyayari ito nang pribado. [Tingnan saSydney S. Reynolds, “Diyos ng mga Himala,” Liahona, Hulyo 2001, 12–13.])

• Ano ang inihahayag ng maliliit at mga pribadong himala tungkol sapagmamalasakit ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa atin?

LESSON 12

60

Page 77: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Anong mga halimbawa ng “maliliit” o “araw-araw” na himala ang maiisipninyo? (Kung walang sagot, maaari mong ibahagi ang ilan sa binanggit ni SisterSydney S. Reynolds ng Primary general presidency sa “Diyos ng mga Himala”[Liahona, Hulyo 2001, 12–13].)

Sabihin sa mga estudyante na isulat ang sagot sa sumusunod na tanong:

• Ano ang maaari mong gawin upang mas mahiwatigan at mas lubos namakapagpasalamat para sa mga himala ng Panginoon—maliit at malakinghimala—sa iyong buhay?

Hikayatin ang mga estudyante na pag-isipan nang may panalangin kung paanonila gagawin ang isinulat nila. Tapusin ang lesson sa pagtatanong kung maysinuman sa iyong mga estudyante ang gustong magbahagi ng kanilang patotootungkol sa Tagapagligtas at sa pagmamahal na nadama nila mula sa Kanya at parasa Kanya.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Marcos 1:39–42; 2:1–12; 5:1–8, 19, 22–43; 8:1–9; Lucas 7:11–15; 1 Nephi 11:31;

Mosias 3:5–6; 3 Nephi 17:5–9.

• Sydney S. Reynolds, “Diyos ng mga Himala,” Liahona, Hulyo 2001, 12–13.

LESSON 12

61

Page 78: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

13

Tumawag si Jesucristo ngLabindalawang Apostol

PambungadNoong Kanyang mortal na ministeryo, tinawag, inordenan, atinatasan ng Tagapagligtas ang Labindalawa. IpinagkaloobNiya sa kanila ang mga susi ng priesthood, at tumanggapsila ng patotoo tungkol sa Kanyang pagiging Diyos. Satagubilin ng Tagapagligtas, tumulong ang mga Apostol sa

pamamahala sa gawain ng Simbahan at sila ay inihanda parasa panahon na wala na Siya sa lupa. Tatalakayin sa lesson naito ang awtoridad ng priesthood ng Tagapagligtas at angpaghahanda Niya sa mga Apostol na mamumuno saSimbahan.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Boyd K. Packer, “Ang Labindalawa,” Ensign o Liahona, Mayo 2008, 83–87.

• Edward J. Brandt, “And He Gave Some, Apostles,” Liahona, Set. 2001, 32–39.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMateo 10:1–8; 16:15–19; 17:1–8; Juan 15:16Ipinagkaloob ni Jesucristo ang mga susi ng priesthood sa Kanyang mga ApostolSimulan ang klase sa pagtatanong ng mga sumusunod:

• Paano natin makikilala ang mga taong may awtoridad na mamuno sa atingkomunidad?

• Paano nakilala ng isang tao na nabuhay sa panahon ni Jesucristo ang Kanyangawtoridad? (Kabilang sa mga posibleng sagot ay ang Kanyang kapangyarihan,mga himala, at mga turo.)

Sabihin sa klase na pag-isipan ang tanong na ito: “Paano, kailan, at kaninonatanggap ng Tagapagligtas ang Melchizedek Priesthood?” Pagkatapos ay ibahagiang mga sumusunod na pahayag ni Elder B. H. Roberts (1857–1933) ng Pitumpu atElder Bruce R. McConkie (1915–85) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Ang banal na kasulatang ito [D at T 107:2–4] ay malinaw na nagsasaad ngkatotohanan na ang Pagkasaserdoteng Melquisedec [Melchizedek Priesthood] aynariyan na bago pa ang panahon ng dakilang mataas na saserdote na siMelquisedec, ngunit ito ay kilala sa ibang pangalan, bilang—‘Ang Banal naPagkasaserdote alinsunod sa orden ng Anak ng Diyos.’ Ibig sabihin, pareho ng uriang priesthood na ito, parehong orden ng priesthood, na taglay ng Anak ng

Diyos. Ngunit ito ay bago pa ang mga araw ni Melquisedec, bago si Abraham, at mula ritomaraming daang taon bago isinilang si Cristo sa mundo. … Si Jesus, samakatwid, ay taglay angMelchizedek Priesthood bago siya pumarito sa daigdig na ito, at walang duda bago nilikha angdaigdig, … ngunit ‘kung paano, kung saan at kung kanino’ niya ito tinanggap, ay walang taongnakaaalam, maliban marahil sa bahaging ‘kung kanino.’ Mangyari pa, natanggap niya ito mulasa Diyos” (B. H. Roberts, Improvement Era, Mayo, 1908, 557).

62

Page 79: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“At tungkol sa kanyang mortal na ministeryo, natanggap ni Jesucristo … angMelchizedek Priesthood dito sa lupa, at inordenan sa katungkulan ng high priest,nagpakita ng halimbawa na tutularan ng iba at sa lahat ng bagay ay Huwaran ngkaligtasan” (Bruce R. McConkie, Doctrinal New Testament Commentary, tomo 3[1973], 157).

Idispley o isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong, at sabihin sa mgaestudyante na hanapin ang mga sagot sa Mateo 10:1–8 at Juan 15:16:

• Anong awtoridad ang ipinagkaloob ni Jesucristo sa Kanyang mga Apostol?

• Ano ang magagawa nila dahil sa awtoridad na ito?

Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na makipagpartner sa isapang miyembro ng klase para talakayin ang kanilang nalaman. Tawagin ang ilangestudyante para ibahagi sa klase ang kanilang mga sagot. Tulungan ang mgaestudyante na maunawaan na binigyan ni Jesus ang Kanyang mga Apostol ngawtoridad ng priesthood na magbibigay-kakayahan sa kanila na magawa angmga nakita nilang ginawa Niya.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mateo 16:15–19. Itanong:

• Paano nakilala ni Pedro ang awtoridad ni Jesus? (Sa pamamagitan ngpaghahayag, na kapareho sa paraan ngayon kung paano nakilala ng mgadisipulo sa panahong ito ang Kanyang awtoridad.)

• Ano ang ipinangako ni Jesus na ibibigay kay Pedro?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Mateo17:1–8. Pagkatapos ay itanong:

• Bakit nagpakita sina Moises at Elias kina Pedro, Santiago, at Juan?

Upang matulungan ang mga estudyante na masagot ang tanong na ito, ipakita angmga sumusunod na pahayag nina Propetang Joseph Smith (1805–44) at PangulongJoseph F. Smith (1838–1918):

“Ibinigay ng Tagapagligtas, ni Moises, at ni Elias [Elijah] ang mga susi kina Pedro,Santiago, at Juan, sa bundok, nang magbagong-anyo sila sa kanyang harapan”(Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 122).

LESSON 13

63

Page 80: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Ang Pagkasaserdote sa pangkalahatan [ay ang awtoridad] na ibinigay sa taoupang kumilos sa pangalan ng Diyos. Ang bawat [lalaking] inordenan saanumang antas sa Pagkasaserdote ay may [awtoridad na ibinigay] sa kanya.

“Ngunit kinakailangan na ang bawat kilos na ginampanan sa ilalim ng[awtoridad] na ito ay dapat na gawin sa angkop na panahon at lugar, sa angkopna paraan, at alinsunod sa angkop na orden ng priesthood. Ang [awtoridad] na

pangasiwaan ang mga gawaing ito ay bumubuo sa mga susi ng Pagkasaserdote” (Mga Turo ngmga Pangulo ng Simbahan: Joseph F. Smith [1998], 169–70).

Ipaliwanag na nalaman natin sa Doktrina at mga Tipan 110 na sina Moises at Elijahay nagpakita rin kina Propetang Joseph Smith at Oliver Cowdery sa KirtlandTemple at ipinagkaloob ang mga susi ng priesthood sa kanila. Ang tala na ito saDoktrina at mga Tipan ay tumutulong sa atin na maunawaan ang nangyari saBundok ng Pagbabagong-anyo. Maaari mong imungkahi sa mga estudyante naisulat ang Doktrina at mga Tipan 110:13–16 sa margin sa tabi ng Mateo 17:1–8bilang cross-reference.

Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

• Bakit mahalaga para sa mga Apostol ni Jesus na magkaroon ng mga susi ngpriesthood? (Maaaring iba-ibang salita ang gamitin ng mga estudyante, ngunitdapat nilang maipahayag ang sumusunod na katotohanan: Ipinagkaloob niJesus sa Kanyang mga Apostol ang mga susi ng priesthood upangmagkaroon sila ng awtoridad na pamahalaan ang Simbahan bago atmatapos ang Kanyang kamatayan. Maaari mong bigyang-diin na sawalang-hanggang pananaw, ang mga susi ay kinakailangan sa pagtatatagat pagpapanatili ng kaayusan sa Simbahan ng Panginoon, sa gayon aytumutulong na maisakatuparan ang kawalang-kamatayan at buhay nawalang hanggan ng tao.)

• Paano nakatulong kina Pedro, Santiago, at Juan ang karanasan nila sa Bundokng Pagbabagong-anyo na maihanda sila na pamahalaan ang Simbahanmatapos ang kamatayan ng Tagapagligtas?

Maaari mong ipaliwanag na sa Mateo 18:18–19 nalaman natin na ibinibigay angmga susi ng priesthood sa lahat ng mga Apostol ni Jesus.

Mateo 18:21–22; 26:51–56; Marcos 4:35–41; 5:25–43; 9:25–29; Lucas9:51–56; 24:44–48; Juan 13:4–17; 21:15–17Inihanda ni Jesucristo ang Kanyang mga Apostol upang mapamahalaan angSimbahanIsulat sa pisara ang sumusunod na pahayag:

Bago Siya namatay, inihanda ni Jesucristo ang Kanyang mga Apostolupang mapamahalaan ang Simbahan.

Pagkatapos ay itanong:

LESSON 13

64

Page 81: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ano kaya ang kailangang matutuhan ng mga Apostol ni Jesus upangmapamahalaan ang Simbahan?

Isulat sa pisara ang ilan o lahat ng mga sumusunod na scripture reference:

Mateo 18:21–22

Mateo 26:51–56

Marcos 4:35–41

Marcos 5:25–34

Marcos 5:35–43

Marcos 9:25–29

Lucas 9:51–56

Lucas 24:44–48

Juan 13:4–17

Juan 21:15–17

Pagpartnerin ang mga estudyante at sabihin sa kanila na magtulungan sa pag-aaralng isa o dalawa sa mga talatang ito at isipin kung anong mga alituntunin angnatutuhan ng mga Apostol mula sa mga karanasan nila na kasama angTagapagligtas. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa klase angnatalakay nila. Maaari mong isulat sa pisara ang kanilang mga sagot. Pagkatapos ayisunod na itanong ang tulad ng mga sumusunod:

• Bakit magiging mahalaga sa mga Apostol na matutuhan ang mgaalituntuning ito?

• Sa palagay ninyo, paano inihanda ng Tagapagligtas ang mga Apostol sapanahong ito na maglingkod?

• Paano nakatutulong na alam ninyo na ginagabayan ni Jesucristo ang Kanyangmga Apostol para magtiwala kayo sa kanilang mga payo?

Mga Gawa 1:8, 21–22; Doktrina at mga Tipan 107:23Ang mga Apostol sa panahong ito ay nagbabahagi ng tunay na patotoo tungkol kayJesucristoSabihin sa mga estudyante na ang Mga Gawa 1 ay naglalaman ng tala tungkol sapagpili ng mga Apostol sa ipapalit kay Judas Iscariote, matapos ang Pagkabuhay naMag-uli ng Tagapagligtas. Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Mga Gawa1:21–22 at tukuyin ang mga kailangang matugunan ng bagong Apostol.

• Ano ang mga kwalipikasyon para sa bagong Apostol? (Siya ay “nangakisama sa[kanila]” at isang “saksi … ng pagkabuhay na maguli [ng Tagapagligtas].”)

LESSON 13

65

Page 82: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ayon sa talata 22, ano ang inordenan na gagawin ng bagong Apostol? (Maaarimong ipabasa sa mga estudyante ang Mga Gawa 1:8 para ipakita sa kanila nainatas ito ni Jesus sa lahat ng Kanyang mga Apostol.)

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga sumusunod na scripturepassage at tukuyin kung ano ang pagkakatulad ng mga ito: Mga Gawa 2:22–24, 32;Mga Gawa 3:12–16; Mga Gawa 4:31–33; at Mga Gawa 5:29–32. Matapos ang sapatna oras, sabihin sa kanila na talakayin ang nalaman nila. (Tiyakin sa mgaestudyante na natupad ng mga Apostol ang iniatas sa kanila na magpatotootungkol kay Jesucristo.)

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung paano natutulad ang iniatas sa mgaApostol sa panahong ito sa iniatas sa mga Apostol noon. Ipabasa nang malakas saisang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 107:23. Pagkatapos ay itanongsa klase:

• Anong doktrina ang itinuro sa talatang ito? (Dapat makita ng mga estudyantena inaatasan ang mga Apostol na maging mga natatanging saksi ng pangalanni Cristo sa buong daigdig.)

• Paano ninyo nakikita na ginagawa ng mga Apostol sa panahong ito angresponsibilidad na ito?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Boyd K. Packer ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Matapos ang maraming taon na ako ay nabubuhay at nagtuturo atnaglilingkod, matapos ang milyun-milyong kilometro ng paglalakbay ko samundo, sa lahat ng aking naranasan, may isang dakilang katotohanan akongibabahagi. Iyan ay ang aking pagsaksi sa Tagapagligtas na si Jesucristo. …

“Pinatototohanan ko na ang Tagapagligtas ay buhay. Kilala ko ang Panginoon.Ako [ay] Kanyang saksi. Alam ko ang Kanyang dakilang sakripisyo at walang

hanggang pagmamahal para sa lahat ng anak ng Ama sa Langit. Ibinabahagi ko ang akingnatatanging pagsaksi nang buong pagpapakumbaba ngunit may lubos na katiyakan” (“AngSaksi,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 97).

• Kailan ninyo nadama ang kapangyarihan ng patotoo ng Apostol ni Jesucristo, atpaano ito nakaimpluwensya sa inyong patotoo?

• Paano ninyo malalaman na totoo ang patotoo ng mga Apostol ngayon tungkolkay Jesucristo? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunod nakatotohanan: Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, malalaman ko na totooang patotoo ng mga buhay na Apostol tungkol kay Jesucristo.)

Hikayatin ang mga estudyante na pumili ng isang patotoo tungkol kay Cristo naibinigay ng isang Apostol ngayon at tukuyin nang may panalangin ang isang tao napwede nilang mabahaginan nito. Hikayatin sila na patotohanan mismo na totooang mensahe ng Apostol.

LESSON 13

66

Page 83: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mateo 10:1–8; 16:15–19; 17:1–8; Mga Gawa 1:21–22; 2:22–24, 32; 3:12–16;

4:31–33; 5:29–32; Doktrina at mga Tipan 107:23.

• Boyd K. Packer, “Ang Labindalawa,” Ensign o Liahona, Mayo 2008, 83–87.

LESSON 13

67

Page 84: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

14

Si Jesucristo ang MesiyasPambungadNagpatotoo ang mga propeta ng Lumang Tipan tungkol sadarating na Mesiyas—isang inapo ni Haring David namagliligtas sa Kanyang mga tao. Si Jesucristo “ang DakilangJehova ng Lumang Tipan, at ang Mesiyas ng Bago” (“AngBuhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign oLiahona, Abr. 2000, 2). Sa lesson na ito, pag-aaralan ng mga

estudyante ang ilan sa mga propesiya sa Lumang Tipantungkol kay Jesucristo at aalamin kung paano tumugon angilang tao nang kinailangan nilang magpasiya kungtatanggapin o hindi nila tatanggapin si Jesucristo bilangMesiyas.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• G. Homer Durham, “Jesus the Christ: The Words and Their Meaning,” Ensign,

Mayo 1984, 14–16.

• “Ang Banal na Misyon ni Jesucristo: Mesiyas,” Ensign o Liahona, Ago. 2014, 7.

Mga Mungkahi sa PagtuturoIsaias 61:1–2; Lucas 4:16–24Ipinahayag ni Jesus na Siya ang MesiyasTanungin ang mga estudyante kung naranasan na nilang marinig ang isang balitana matagal na nilang hinihintay o nakita ang pagdating ng isang kaibigan okapamilya na matagal na nilang hinihintay. Sabihin sa mga estudyante natatalakayin sa lesson ngayon ang isang karanasan na katulad nito sa mgasinaunang Judio. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Isaias 61:1–2.Pagkatapos ay itanong:

• Tungkol kanino ang propesiyang ito?

Ipalabas ang video na “Jesus Declares He Is the Messiah” (3:24) mula sa The Life ofJesus Christ Bible Videos. (I-download at panoorin ang video bago magsimula angklase.) Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa ng Lucas 4:16–21habang nanonood sila.

Pagkatapos mapanood ang video, itanong:

• Paano ninyo ibubuod ang mga sinabi ng Tagapagligtas sa Nazaret noong arawna iyon? (Habang sumasagot ang mga estudyante, tiyaking nakatuon angtalakayan sa talata 18 at talata 21.)

• Ano sa palagay ninyo ang kahalagahan ng mga pariralang “ako’y pinahiranniya” at “ngayo’y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig”? (Upangmatulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang kahulugan kapwa ngMesiyas at Cristo ay “ang Pinahiran,” ipabasa sa kanila ang nakasulattungkol sa “Mesiyas” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan (tingnan sascriptures.lds.org).

• Paano tinupad ni Jesus ang propesiya mula sa Isaias na binanggit Niya (tingnansa mga talata 18–19)?

68

Page 85: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Mateo 21:1–11Naparito si Jesucristo bilang MesiyasIpakita o isulat sa pisara ang mga sumusunod na grupo ng mga scripture passage,at sabihin sa mga estudyante na pumili ng isa o dalawa na pag-aaralan. Kapagnaikumpara at naihambing ng mga estudyante ang mga scripture passage na napilinila, sabihin sa kanila na isipin kung bakit magkakasamang pinaggrupu-grupo angmga ito at ano ang itinuturo nito tungkol kay Jesucristo.

Isaias 7:14; Mateo 1:21–23

Mikas 5:2; Lucas 2:4–7

Zacarias 9:9; Mateo 21:6–11; Juan 12:12–15

Mga Awit 22:16, 18; Mateo 27:35

Isaias 53:9; Mateo 27:59–60; Juan 19:18, 38–42

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. (Bagama’t maaaringiba-ibang salita ang gamitin nila, dapat maunawaan ng mga estudyante na siJesucristo ay naparito, nabuhay, at namatay bilang katuparan ng mgapropesiya tungkol sa Mesiyas.) Bigyang-diin na ang katotohanang ito angipinahayag ng Tagapagligtas sa Nazaret. Basahin nang malakas ang Lucas 4:28–29.Pagkatapos ay itanong:

• Paano tumugon ang mga tao sa sinagoga sa Nazaret sa pahayag ni Jesus?

Sabihin sa mga estudyante na ilang taon kalaunan, naranasan ni Jesus angkakaibang tugon mula sa ilang tao sa Jerusalem. Sabihin sa ilang estudyante namagsalitan sa pagbasa nang malakas ng Mateo 21:1–11. Bago magbasa ang mgaestudyante, hikayatin ang klase na ilarawan sa kanilang isipan ang pangyayaringnakatala sa mga talatang ito. Ipaliwanag sa mga estudyante na kapag natuto silangmaglarawan sa kanilang isipan ng mga nangyayari sa mga banal na kasulatan,binibigyan nila ang Espiritu Santo ng mga karagdagang pagkakataongmaturuan sila.

• Bakit gayon ang tugon ng mga tao sa Jerusalem? (Nakilala nila si Jesus bilangang Mesiyas na matagal na nilang hinihintay.)

• Sa palagay ninyo, paano kayo tutugon?

Ituro ang salitang Hosana sa talata 9; pagkatapos ay ibahagi ang sumusunod nakahulugan:

“[Ang Hosana ay] isang salita mula sa Hebreo na nangangahulugang ‘mangyari pong iligtaskami’ at ginagamit sa pagpupuri at pagsamo.

“… Sa matagumpay na pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem, nagsigawan ang maraming taong ‘Hosana’ at inilatag ang mga sanga ng palaspas para kay Jesus upang daanan, sa gayonipinakikita ang kanilang kaalaman na si Jesus ang siya ring Panginoon na nagligtas sa Israel

LESSON 14

69

Page 86: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

noong unang panahon (Awit 118:25–26; Mat. 21:9, 15; Mar. 11:9–10; Juan 12:13). Nakilala ngmga taong ito si Cristo bilang ang pinakahihintay na Mesiyas. Ang salitang Hosana ay nagingisang pagdiriwang ng Mesiyas sa lahat ng panahon (1 Ne. 11:6; 3 Ne. 11:14–17). Kabilang angsigaw na hosana sa pagtatalaga ng Templo ng Kirtland (D at T 109:79) at bahagi ngayon sapagtatalaga ng mga makabagong templo” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Hosana”;scriptures.lds.org).

Ipakita ang mga sumusunod na layunin ng mga propesiya tungkol sa Mesiyas(hinango sa Bruce R. McConkie, The Promised Messiah: The First Coming of Christ[1978], 28–32):

1. Dahil sa mga propesiya tungkol sa Mesiyas ang mga taong nabuhay noon bago ang pagsilangni Jesucristo ay nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya, sa gayon ay natulungan sila namatamo ang kaligtsan (tingnan sa 1 Nephi 10:4–6; 2 Nephi 25:18–20, 26; Mosias 3:13).

2. Dahil sa mga propesiya tungkol sa Mesiyas nalaman ng mga taong nabuhay sa panahon niCristo na Siya ang katuparan ng mga propesiyang iyon, sa gayon, natutulungan sila na matamoang kaligtasan (tingnan sa Juan 4:25, 29).

3. Ang mga propesiya tungkol sa Mesiyas ay tumutulong sa mga taong nabuhay pagkatapos ngmortal na ministeryo ni Jesucristo na malaman na Siya ang katuparan ng mga propesiya, sagayo’y natutulungan sila na matamo ang kaligtasan (tingnan sa Mga Gawa 3:12–18; 26:22–23).

• Habang iniisip ninyo ang tatlong layuning ito, paano maaaring makatulong naalam ninyong tukuyin ang mga propesiya tungkol sa Mesiyas sa mga banal nakasulatan at malaman na si Cristo ang katuparan ng mga propesiyang iyon?

Juan 6:5–69Pagsunod kay Jesucristo bilang MesiyasBanggitin muli na naniniwala ang mga Judio noong panahon ng Bagong Tipan nadarating ang Mesiyas balang-araw mula sa lahi ni David upang iligtas ang Kanyangmga tao. Maraming naniwala na ililigtas Niya sila mula sa pagkaalipin sa Romatulad noong iligtas ni Jehova ang mga Israelita mula sa Egipto.

Sabihin sa mga estudyante na mabilis na basahin ang nakatala sa Juan 6:5–15.Itanong:

• Anong himala ang ginawa ni Jesus sa tala na ito?

• Paano ninyo ilalarawan ang reaksyon ng mga tao sa mga talata 14–15?

• Sa palagay ninyo, bakit ganito ang reaksyon nila?

Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Bruce R. McConkie (1915–85) ngKorum ng Labindalawang Apostol:

LESSON 14

70

Page 87: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Mayroong tradisyon, na itinuro ng mga rabbi at tumimo sa isipan ng mga tao,na kapag dumating ang Mesiyas, papakainin Niya sila ng tinapay mula sa langit”(The Mortal Messiah, 4 na tomo [1979–81], 2:367).

Ipaliwanag na dahil halos katulad noong pakainin ni Jehova ng manna ang mgaanak ni Israel (tingnan sa Exodo 16), nang pakainin ni Jesus ang mga tao sapamamagitan ng limang tinapay na sebada at dalawang isda, ipinakahulugan itong marami na ang Kanyang himala ay tanda na Siya ang Mesiyas.

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Juan6:31–32, 49–53, 60, 66. Sabihin sa klase na sumabay sa pagbasa at alamin kung anoang reaksyon ng mga tao kay Jesus sa sumunod na araw at kung paano Niya silasinagot.

• Sa inyong palagay, bakit maraming hindi tumanggap kay Jesus noong arawna iyon?

• Ano ang hindi nila naunawaan? (Si Jesus ang pinagmumulan ng espirituwal nabuhay; Siya ang Tinapay ng Kabuhayan.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Juan 6:67–69. Pagkatapos ay itanongsa klase:

• Ano ang pinagtibay ng patotoo ni Pedro sa talata 69?

• Paano nakaapekto ang patotoo ni Pedro sa Tagapagligtas sa kanyang buhay?

Isulat ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag sa pisara, at sabihin sa mgaestudyante na ipaliwanag kung paano nila tatapusin ito: Kung tinatanggap natinsi Jesucristo bilang Mesiyas, _________________________ .

Pagkaraan ng ilang sagot, ipabasa nang malakas sa isang estudyante angsumusunod na pahayag ni Pangulong David O. McKay (1873–1970):

“Ang taimtim na paniniwala ng puso ninyo tungkol kay Cristo ang magsasabi satunay ninyong pagkatao at kung ano ang gagawin ninyong hakbang. Walangtaong nag-aaral sa banal na personalidad na ito ang makatatanggap sa kanyangmga turo nang hindi madarama ang nagbibigay-sigla at nakadadalisay naimpluwensya nito sa kanyang sarili” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan:David O. McKay [2003], 8).

Bigyan ang mga estudyante ng oras na isulat kung ano ang iniisip nila tungkol kayCristo. Anyayahan ang ilang estudyante na ibahagi ang isinulat nila.

Hikayatin ang mga estudyante na isipin kung ano ang magagawa nila sa linggongito upang maipakita ang kanilang paniniwala kay Jesucristo.

LESSON 14

71

Page 88: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mateo 21:1–11; Lucas 4:16–24; Juan 6:5–15, 31–32, 49–53, 66–69.

• Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Mesiyas”; scriptures.lds.org.

• G. Homer Durham, “Jesus the Christ: The Words and Their Meaning,” Ensign,Mayo 1984, 14–16.

LESSON 14

72

Page 89: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

15

Pinasimulan ni Jesucristoang Sakramento

PambungadMababasa sa “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mgaApostol” na “pinasimulan [ni Jesucristo] ang sakramentobilang paalaala sa Kanyang dakilang mapagbayad-salangsakripisyo” (Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2). Kapag

tumatanggap tayo ng sakramento, ipinapaalala sa atin nalumabas ang dugo ng Tagapagligtas sa bawat butas ngKanyang balat at namatay para sa atin; pinapanibago rinnatin ang ating mga tipan sa Panginoon.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Dallin H. Oaks, “Ang Sakrament Miting at ang Sakrament,” Ensign o Liahona,

Nob. 2008, 17–20.

• Jeffrey R. Holland, “This Do in Remembrance of Me,” Ensign, Nob. 1995, 67–69.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMateo 26:26–28; Lucas 22:15Pinasimulan ni Jesucristo ang bagong tipanIdispley ang kalakip na larawan o ibapang larawan na nagpapakita ngHuling Hapunan, at sabihin sa isangestudyante na ipaliwanag kung ano angpangyayari sa larawang ito:

Itanong sa mga estudyante:

• Ano ang madarama ninyo kung angTagapagligtas mismo ang naghanda,nagbasbas, at nagbigay sa inyo ngsakramento?

Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang Lucas 22:15. Hikayatinang klase na pag-isipan habangnagkaklase kung bakit nais ngTagapagligtas na gugulin ang oras ngPaskua kasama ang Kanyang mgaApostol.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mateo 26:26–28 habang tahimik nasumasabay sa pagbasa ang klase. Talakayin ang sumusunod na tanong:

• Kung pinasimulan ni Jesus ang bagong tipan, ano ang tipang pinalitan nito?

Ang sumusunod na impormasyon ay magbibigay ng kaalaman o konteksto namakatutulong sa inyong talakayan: Noong unang panahon, nang si Jehova ay

73

Page 90: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

nakipagtipan sa mga anak ni Israel, itinuro sa kanila ni Moises ang mga salita niJehova at nakipagtipan ang mga tao na sundin ang mga salitang iyon. Pagkataposniyon ay nag-alay si Moises ng isang hain na hayop, kinuha ang dugo nito atiniwisik sa mga tao, na nagsasabing, “Narito ang dugo ng tipan, na ipinakipagtipanng Panginoon sa inyo.” (Tingnan sa Exodo 24:3–8.) Tinukoy ni Jesus ang pahayag niMoises nang ituro Niya na pasisimulan Niya ang bagong tipan sa mga anak ngDiyos sa pamamagitan ng pagtitigis ng Kanyang dugo (tulad ng pagwiwisik ngdugo ng mga hayop na sumasagisag sa pakikipagtipan noon ng anak ni Israel kayJehova). Nang ipakita ni Jesus ang saro ng alak sa Kanyang mga Apostol,ipinahiwatig Niya ang katuparan ng lumang tipan at ang pagsisimula ng bagongtipan (tingnan sa Sa Mga Hebreo 9:12–15). Ang Batas ni Moises (ang lumangtipan), sa maraming paraan, ay isang dakilang propesiya tungkol sa Mesiyas. SiJesucristo ang katuparan ng propesiyang iyan (tingnan sa 2 Nephi 11:4; Jacob 4:5;Alma 34:13–14), lalo na sa aspetong natamo Niya ang pinakadakilang layunin ngbatas na iyon sa pamamagitan ng Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo.

• Saan tayo itinutuon ng pag-aalay ng dugo sa luma at bagong tipan? (SaPagbabayad-sala ni Jesucristo at sa pagtigis ng Kanyang dugo para sakapatawaran ng ating mga kasalanan.)

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang sakrament ay ang ordenansang pumalit sa mga pag-aalay ng dugo at mgasinunog na mga hain ng batas ni Moises, at kasama nito ang pangako ng[Tagapagligtas]: ‘At sinuman ang lalapit sa akin na may bagbag na puso atnagsisising espiritu, siya ay bibinyagan ko ng apoy at ng Espiritu Santo’ (3 Nephi9:20)” (“Ang Sakrament Miting at ang Sakrament,” Ensign o Liahona, Nob.2008, 19).

• Paano ninyo ibubuod ang katotohanang tinalakay natin tungkol sa HulingHapunan? (Kapag sumagot na ang mga estudyante, bigyang-diin na tinupadni Jesucristo ang lumang tipan, at pinasimulan Niya ang bagong tipan sapamamagitan ng sakramento.)

Lucas 22:14–20; 3 Nephi 18:7, 11Tinutulungan tayo ng sakramento na maalaala ang TagapagligtasPagpartner-partnerin ang mga estudyante. Ipabasa sa bawat magkapartner angLucas 22:19–20 at 3 Nephi 18:7, 11. Sabihin sa kanila na tumukoy ng isa pangdahilan (bukod pa sa pagpapasimula ng bagong tipan) kung bakit pinasimulan ngTagapagligtas ang sakramento. Talakayin ang mga sumusunod na tanong:

• Anong dahilan ang ibinigay ng Tagapagligtas sa pagpapasimula ngsakramento? (Dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunod nakatotohanan: Kapag nakikibahagi tayo ng sakramento dapat natingalalahanin ang Tagapagligtas.)

• Bakit mahalaga na pagsikapan nating maalaala ang Tagapagligtas habangtumatanggap tayo ng sakramento?

LESSON 15

74

Page 91: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Kung hindi natin maaalaala ang Tagapagligtas at ang ginawa Niya para sa atin,ano pa ang kabuluhan ng sakramento?

Maaari mong bigyan ang bawat estudyante ng kopya ng kalakip na handout nanaglalaman ng ilang bahagi ng mensahe ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ngLabindalawang Apostol. Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang handout.Matapos ang sapat na oras, talakayin ang mga sumusunod na tanong:

• Ano ang ipapayo ninyo sa isang tao na nahihirapang magtuon ng isipan saTagapagligtas at sa Kanyang sakripisyo kapag binabasbasan at ipinapasa angsakramento? (Kapag nakasagot na ang mga estudyante, maaari mong

LESSON 15

75

Page 92: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

ipaliwanag na kapag naghahanap tayo ng mga pagkakataon na isipin angbuhay at ministeryo ng Tagapagligtas sa linggong ito, mas madali para sa atinna magtuon sa Kanya kapag binabasbasan at ipinapasa ang sakramento sa arawng Linggo.)

• Anong mga pagpapala ang naramdaman ninyo kapag sinisikap ninyongalalahanin ang Tagapagligtas at ang Kanyang Pagbabayad-sala kapagtumatanggap kayo ng sakramento?

I Mga Taga Corinto 11:27–30; 3 Nephi 18:28–29; 20:8–9Ang pagtanggap ng sakramento nang karapat-dapat ay nagpapanibago ng atingmga tipanSabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik at paghambingin ang I MgaTaga Corinto 11:27–30 at 3 Nephi 18:28–29; 20:8–9. Sabihin sa kanila na tukuyinang babala na ibinigay tungkol sa sakramento. Pagkatapos ay itanong:

• Bakit hindi makabubuting tumanggap ng sakramento nang hindikarapat-dapat?

Makatutulong na ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder John H. Groberg ngPitumpu, na nagpaliwanag kung ano ang ibig sabihin nang tumanggap ngsakramento nang karapat-dapat:

“Kung hangad nating magpakabuti (na ibig sabihin ay magsisi) at walangrestriksyong ibinigay sa atin ang ating priesthood leader, kung gayon, sa akingopinyon, tayo ay karapat-dapat. Gayunpaman, kung wala tayong layunin namagpakabuti, kung wala tayong hangaring sundin ang patnubay ng Espiritu,dapat nating itanong: Karapat-dapat ba tayong tumanggap ng sakramento, okinukutya natin ang pinakalayunin ng sakramento, na siyang paraan upang

matanggap ang kapatawaran at pag-unlad?” (“The Beauty and Importance of the Sacrament,”Ensign, Mayo 1989, 38).

• Ano ang mga pagpapala para sa mga taong tumatanggap ng sakramento nangkarapat-dapat? (tingnan sa 3 Nephi 20:8–9). (Tiyakin na nauunawaan ng mgaestudyante na kung tatanggap tayo ng sakramento nang may panalangin atpagsisisi, makatatanggap tayo ng kapatawaran ng mga kasalanan, tuladnoong bininyagan tayo.)

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Kung wala ang ilang probisyon para sa karagdagang paglilinis matapos angating binyag, bawat isa sa atin ay hindi magiging karapat-dapat sa mga bagayna espirituwal. Hindi mapapasaatin ang patnubay ng Espiritu Santo, at sa hulingpaghuhukom tayo ay ‘itatakwil magpakailanman’ (1 Ne. 10:21). Dapat natingpasalamatan nang lubos ang Panginoon sa paglalaan ng isang paraan para sabawat miyembrong nabinyagan sa Kanyang Simbahan na malinis nang palagian

mula sa masamang epekto ng kasalanan. Ang sakramento ay mahalagang bahagi ng paraangiyan” (“The Aaronic Priesthood and the Sacrament,” Ensign, Nob. 1998, 38).

LESSON 15

76

Page 93: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ayon kay Elder Oaks, bakit mahalagang bahagi ng ordenansa ng ebanghelyoang sakramento?

Ibahagi ang karagdagang pahayag na ito ni Elder Oaks:

“Tayo ay inuutusang magsisi sa ating mga kasalanan at lumapit sa Panginoonnang may bagbag na puso at nagsisising espiritu at tumanggap ng sakramentobilang pagtupad sa mga tipan nito. Kapag pinapanibago natin ang ating mgatipan sa binyag sa ganitong paraan, pinapanibago ng Panginoon ang nakalilinisna epekto ng ating binyag. Sa ganitong paraan tayo ay malilinis at mapapasaatinsa tuwina ang Kanyang Espiritu. Ang kahalagahan nito ay makikita sa utos ng

Panginoon na tumanggap tayo ng sakramento tuwing linggo (tingnan sa D at T 59:8–9)” (“TheAaronic Priesthood and the Sacrament,” Ensign, Nob. 1998, 38).

Maaari mong ipaliwanag na kapag tumatanggap tayo ng sakramento nangkarapat-dapat “pinapanibago natin ang lahat ng ginawa nating tipan sa Panginoon”(Delbert L. Stapley, sa Conference Report, Oct. 1965, 14; idinagdag ang italics;tingnan din sa L. Tom Perry, “Habang Aming Tinatanggap Itong Sakrament,”Ensign o Liahona, Mayo 2006, 41).

Ipabasa sa mga estudyante ang Lucas 22:15. Pagkatapos ay itanong:

• Kung may magtanong sa inyo kung bakit sa palagay ninyo ay gustung-gusto niJesus na gugulin ang Paskua kasama ang Kanyang mga Apostol, paano ninyoito sasagutin? Anong patotoo ang ibabahagi ninyo?

Magpatotoo na kapag naaalaala natin si Jesucristo at ang Kanyangnagbabayad-salang sakripisyo, at kapag tumanggap tayo ng sakramento nangkarapat-dapat, pinapanibago natin ang ating mga tipan sa Diyos. Hikayatin angmga estudyante na pag-isipan nang mabuti kung paano mag-aalay ang bawat isasa kanila ng “bagbag na puso at nagsisising espiritu” kapag tumatanggap sila ngsakramento. Hikayatin sila na gawing regular na espirituwal na karanasan angordenansa ng sakramento.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mateo 26:26–28; Lucas 22:17–20; I Mga Taga Corinto 11:27–30; 3 Nephi

18:1–11, 28–29; 20:8–9; Doktrina at mga Tipan 20:75–79.

• Dallin H. Oaks, “Ang Sakrament Miting at ang Sakrament,” Ensign o Liahona,Nob. 2008, 17–20.

LESSON 15

77

Page 94: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

HandoutMga piniling bahagi mula sa mensahe ni Jeffrey R. Holland na, “This Do in Remembrance of Me”“Kung pag-alaala ang una nating dapatgawin, ano ang maaari nating alalahaninkapag iniaabot sa atin ang simple atmahahalagang simbolong iyon?

“Maaari nating alalahanin ang buhay ngTagapagligtas bago pa ang buhay na ito atlahat ng alam natin na ginawa niya bilangdakilang Jehova, tagapaglikha ng langit atlupa at lahat ng bagay na nasa mga ito.Maaari nating alalahanin na maging saMalaking Kapulungan sa Langit mahal niyatayo at napaka-makapangyarihan niya, nanagtagumpay tayo roon sa pamamagitan ngkapangyarihan ni Cristo at ng atingpananampalataya sa dugo ng Kordero(tingnan sa Apoc. 12:10–11).

“Maaari nating alalahanin na ang simplengkaringalan ng kanyang pagsilang samundong ito. …

“Maaari nating alalahanin na ang mgahimala ni Cristo at ang kanyang mga itinuro, pagpapagaling at tulong. Maaari nating alalahanin napinagaling niya ang mga bulag at mga bingi at ang mga pilay at lumpo at mga natutuyot.Pagkatapos, sa mga araw na madama natin na huminto ang ating pagsulong o napawi ang atingkagalakan at nagdilim ang ating pananaw, makapagpapatuloy tayo sa paglakad nang may katatagankay Cristo. …

“Maaari nating alalahanin na bagama’t siya ay binigyan ng maringal na misyon, nalugod angTagapagligtas sa buhay; siya ay masayang nakihalubilo sa mga tao at iniutos sa kanyang mgadisipulo na magalak. Sinabi niya na dapat tayong magalak sa ebanghelyo tulad ng isang tao nanakatagpo ng malaking kayamanan, isang tunay na perlas na malaki ang kahalagahan, na narito namismo sa ating harapan. …

“Maaari nating alalahanin na tinawag ni Cristo na mga kaibigan ang kanyang mga disipulo. …

“Maaari—at dapat nating—alalahanin ang magagandang bagay na dumating sa ating buhay at‘ang lahat ng bagay na mabubuti ay nagmumula kay Cristo’ (Moro. 7:24). …

“Sa ibang mga araw, mayroon tayong mga dahilan na alalahanin ang hindi magandang pagtrato sakanya, ang hindi pagtanggap sa kanya, at ang kawalang-katarungan—oo, angkawalang-katarungan—na kanyang tiniis. Kapag naranasan din natin ang ilan sa mga iyon sa buhay,maaalaala natin na si Cristo rin ay binagabag sa magkabi-kabila, ngunit hindi naghinagpis;hinadlangan, ngunit hindi nawalan ng pag-asa; inusig, ngunit hindi pinabayaan; inilugmok, ngunithindi nasira (tingnan sa 2 Cor. 4:8–9).

“Kapag dumating ang mahihirap na panahong iyon sa atin, maaari nating alalahanin na si Jesus aynagpakababa-baba sa lahat ng bagay bago siya itinaas sa lahat ng iyon, at nagdanas siya ng mgapasakit at pighati at tukso ng lahat ng uri upang siya ay mapuspos ng awa at malaman kung paanotutulungan ang kanyang mga tao sa kanilang mga kahinaan (tingnan sa D at T 88:6; Alma 7:11–12).

“Sa mga nanlulumo o nanghihina. nariyan siya para patatagin at palakasin tayo. Sa huli ay nariyansiya upang iligtas tayo, at para sa lahat ng ito ay ibinigay niya ang kanyang buhay. …

LESSON 15

78

Page 95: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“… Lahat ng ito ay maaalaala natin kapag inanyayahan tayo ng isang batang priest na alalahanin siCristo sa tuwina” (Ensign, Nob. 1995, 67–69).

LESSON 15

79

Page 96: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

16

Ang Tagapagligtas ayNagbayad-sala para sa mgaKasalanan ng BuongSangkatauhan

Pambungad“Inialay ni [Jesucristo] ang Kanyang buhay para sa kasalananng lahat ng sangkatauhan. Siya ang dakilang kaloob para salahat ng mabubuhay sa ibabaw ng mundo” (“Ang Buhay naCristo: Ang Patotoo ng mga Apostol, ” Ensign o Liahona, Abr.2000, 2). Itinuro ni Elder Richard G. Scott ng Korum ngLabindalawang Apostol na ang “Pagbabayad-sala angmahalagang [bahagi] na iyon sa plano ng kaligayahan ngating Ama sa Langit na kung wala ay hindi maisasagawa ang

plano” (“Siya’y Buhay! Luwalhati sa Kanyang Ngalan!”Ensign o Liahona, Mayo 2010, 76). Ang lesson na ito aymagtutuon sa matinding pagdurusa ng Tagapagligtas, nanagsimula sa Getsemani at nagwakas sa krus, atmaglalarawan kung paano tayo matutulungan ngTagapagligtas na madaig ang ating mga kasalanan atmapalakas tayo sa ating araw-araw na buhay sapamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• David A. Bednar, “Ang Pagbabayad-sala at ang Paglalakbay sa Mortalidad,”

Liahona, Abr. 2012, 40–47.

• Jeffrey R. Holland, “Ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo,” Liahona, Mar.2008, 32–38.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMarcos 14:33–36; Lucas 22:39–44; 2 Nephi 9:21Bukal sa kalooban ni Jesucristo ang magdusa para sa Pagbabayad-salaMaaari mong simulan ang klase sa pagsasabi sa mga estudyante na kantahin ang“Ako ay Namangha” (Mga Himno, blg. 115) o isa pang himno tungkol saTagapagligtas. Pagkatapos, kapag nagsimula na ang lesson, itanong:

• Paano kayo naihanda ng pagkanta ng “Ako ay Namangha” (o iba pang himnotungkol sa Tagapagligtas) sa pag-aaral ninyo ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Marcos 14:33–36, athanapin ang mga pariralang naglalarawan ng pagdurusa ng Tagapagligtas saGetsemani. Ilista sa pisara ang mga pariralang nahanap ng mga estudyante.

• Anong kahulugan ang ipinararating sa inyo ng mga pariralang ito?

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang Lucas 22:39–44; 2 Nephi 9:21; atMosias 3:7 para sa mga karagdagang detalye tungkol sa pagdurusa ngTagapagligtas sa Kanyang nagbabayad-salang sakripiyo. Maaari mong imungkahi

80

Page 97: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

sa mga estudyante na i-cross reference ang mga talatang ito sa kanilang banal nakasulatan.

• Anong mahahalagang katotohanan ang itinuro ng mga talatang ito tungkol sapagdurusang tiniis ni Jesus para sa atin? (Dapat kabilang sa mga sagot angsumusunod na katotohanan: Dahil sa pagdurusa ni Jesucristo sa Getsemani,lumabas ang dugo sa bawat butas ng Kanyang balat.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na ang Pagbabayad-sala ni Jesucristo aykinapapalooban ng pagdurusa Niya para sa ating mga kasalanan sa Getsemani atsa krus, ang pagtigis ng Kanyang dugo, ang Kanyang kamatayan sa krus, at angKanyang Pagkabuhay na Mag-uli mula sa libingan. Ipabasa nang malakas sa isangestudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Bruce R. McConkie ng Korum ngLabindalawang Apostol:

“Hindi natin alam, hindi natin masasabi, walang mortal na isipan angmakakaunawa sa buong kabuluhan ng ginawa ni Cristo sa Getsemani.

“Alam nating lumabas ang maraming patak ng dugo [malalaking patak] mula sabawat butas ng Kanyang balat nang inumin Niya ang mapait na sarong ibinigaysa Kanya ng Kanyang Ama.

“Alam nating nagdusa Siya, kapwa sa katawan at espiritu, nang higit kaysakayang tiisin ng tao, maliban sa kamatayan. …

“Alam natin na napahandusay Siya sa lupa sa sobrang sakit at pagdurusa sa napakabigat napasaning naging dahilan para Siya manginig at magnais na kung maaari ay hindi Niya lagukinang mapait na saro” (“Ang Nagpapadalisay na Kapangyarihan ng Getsemani,” Liahona, Abr.2011, 17).

• Ano ang inyong damdamin tungkol sa pagdurusang tiniis ni Jesucristo saGetsemani at sa krus?

Juan 15:13; I Ni Pedro 3:18; Doktrina at mga Tipan 19:15–19Nagdusa si Jesus upang tayo ay hindi na kailangang magdusa tulad NiyaItanong ang sumusunod:

• Sa palagay ninyo, bakit handang magdusa si Jesus para sa atin?

Sabihin sa mga estudyante na pag-aralan nang tahimik ang Juan 15:13; I Ni Pedro3:18; at Doktrina at mga Tipan 19:15–19, at alamin ang mga dahilan kung bakitbukal sa kalooban ni Jesucristo ang magdusa para sa Pagbabayad-sala. Mataposang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila. Kapagnakasagot na ang mga estudyante, maaari mong ibuod ang kanilang mga sagot atisulat ito sa pisara, tulad ng sumusunod:

Upang ipakita ang Kanyang malaking pagmamahal sa atin.

Upang hindi tayo magdusa nang lubos para sa ating mga kasalanan.

LESSON 16

81

Page 98: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Upang makapagsisi tayo at mapatawad sa ating mga kasalanan.

Upang luwalhatiin ang Ama.

Upang makabalik tayo sa Diyos.

Upang madala tayo sa Diyos.

Kapag itinanong mo ang sumusunod, bigyan ang mga estudyante ng oras namapag-isipan nang mabuti ang kanilang mga sagot bago sila pasagutin. (Ipaalalasa mga estudyante na kapag natuto silang pag-isipan nang mabuti ang nalamannila sa mga banal na kasulatan, madalas na maghahayag sa kanila ang Espiritu ngmga karagdagang katotohanan.)

• Ano ang itinuturo sa inyo ng mga dahilang ito ng pagdurusa ni Jesucristotungkol sa Kanya?

• Paano personal na nauugnay sa inyo ang mga dahilang ito?

Bigyang-diin sa mga estudyante na sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala, siJesucristo ang Humalili sa atin—Siya ang pumalit sa atin, pinasan Niya ang mgapasanin natin, nagdusa Siya para sa ating mga kasalanan. Ganito ang sabi niApostol Pablo: “Yaong hindi nakakilala ng kasalanan [gayon nga, si Jesus ay walangnagawang kasalanan] ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’ymaging sa kaniya’y katuwiran ng Dios” (II Mga Taga Corinto 5:21). Tila ganito angpaanyaya sa bawat isa sa atin ng ating Panginoon at Tagapagligtas: “Magsilapitkayo sa akin. Aalisin ko ang inyong mga kasalanan, at ibibigay ko sa inyo ang akingkatuwiran.”

Magpatotoo na dahil isinagawa ni Jesucristo ang Pagbabayad-sala, mapapatawadtayo sa ating mga kasalanan kung tayo ay magsisisi. Dahil sa Kanyang sakripisyopara sa atin, naihanda ang daan para sa atin upang makabalik sa piling ng atingAma sa Langit sa isang walang-hanggang pamilya. Isinakatuparan ni Jesucristo angPagbabayad-sala dahil sa Kanyang dakilang pagmamahal sa Ama sa Langit at saatin. Hikayatin ang mga estudyante na pag-isipan kung paano nila maspagsisikapang matamo ang mga pagpapala ng Pagbabayad-sala at magamit angmga ito sa kanilang buhay.

Alma 7:11–13Ipinagkakaloob sa atin ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo ang Kanyang biyaya onagbibigay-kakayahang kapangyarihanIpakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Neal A. Maxwell ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

LESSON 16

82

Page 99: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Nang lubos na maramdaman ang pagdurusa, napakatindi nito, napakasakit nitona hindi Niya sukat-akalain! …

“Ang lahat ng kasalanan ng lahat ng tao—noon, ngayon, at sa hinaharap—aypinasan ng perpekto, walang kasalanan, at mapagmahal na Kaluluwang iyon!Lahat ng ating kahinaan at karamdaman ay kasama rin sa Pagbabayad-sala.(Tingnan sa Alma 7:11–12; Isa. 53:3–5; Mat. 8:17.) …

“… Ang Kanyang pagdurusa—ay, napakatindi na parang walang katapusan—na dahilan ngKanyang pagsamo habang nakabayubay sa krus, at ito ay pagsamo ng isang pinabayaan.(Tingnan sa Mat. 27:46.)” (“Willing to Submit,” Ensign, Mayo 1985, 72–73).

• Ano sa palagay ninyo ang ibig sabihin ni Elder Maxwell ng “di-masusukat napaghihirap ng Pagbabayad-sala”?

• Bukod pa sa ating mga kasalanan, ano pa ang tinukoy ni Elder Maxwell nanag-aambag sa pagdurusa ng Tagapagligtas?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Alma 7:11–13. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa at tukuyin ang iba pang mga kalagayan sa buhayna ito na pinagdusahan ng Tagapagligtas. Sabihin sa mga estudyante na ibahagiang nalaman nila, at ilista ang kanilang mga sagot sa pisara. (Dapat kabilang samga sagot ang mga pasakit, hirap, tukso, karamdaman, sakit, at kamatayan.)Talakayin ang kahulugan ng mga kalagayang ito at kung paano tayo mapagpapalani Jesucristo sa pamamagitan ng Espiritu Santo kapag naranasan natin ang mga ito.

Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder David A. Bednarng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Ang Tagapagligtas ay nagdusa hindi lamang para sa ating mga kasamaan kundipara din sa di-pagkakapantay-pantay, kawalang-katarungan, sakit, kalungkutan,at mga paghihirap ng damdamin na madalas dumating sa atin. Walang sakit sakatawan, walang paghihirap ng kaluluwa, walang pagdurusa ng espiritu, walangkaramdaman o kahinaan na naranasan natin sa paglalakbay sa buhay na ito nahindi muna naranasan ng Tagapagligtas. Kayo at ako sa sandali ng kahinaan ay

maaaring magsabing, ‘Walang nakauunawa. Walang nakaaalam.’ Walang tao, marahil, angnakaaalam. Ngunit ang Anak ng Diyos ay lubos na nakaaalam at nakauunawa, dahil Kanyangdinanas at pinasan ang ating mga pasanin bago pa natin naranasan ang mga ito. At dahilbinayaran Niya at pinasan ang pasaning iyan, lubos Niya tayong nauunawaan at maiuunat Niyaang Kanyang bisig ng awa sa napakaraming aspeto ng ating buhay. Maaabot Niya tayo,maaantig, matutulungan … at mapalalakas nang higit sa makakaya natin at matutulungantayong gawin ang hindi natin kayang gawing mag-isa” (“Ang Pagbabayad-sala at angPaglalakbay sa Mortalidad,” Liahona, Abr. 2012, 19).

Itanong sa mga estudyante kung paano nila ibubuod ang mga turo ni Elder Bednar.Pagkatapos ay itanong:

• Paano naglalaan ng paraan para sa atin ang mga pagpapala na nakakamtan sapamamagitan ng Pagbabayad-sala para tayo makabalik sa piling ng Ama saLangit? (Kapag nakasagot na ang mga estudyante, ipaliwanag na dahil saPagbabayad-sala ni Jesucristo, makatatanggap tayo ng kapanatagan at

LESSON 16

83

Page 100: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

lakas sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang mapagtiisan ang “mgapasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso” [Alma 7:11].)

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan angnagbibigay-kakayahang kapangyarihan, o biyaya ng Tagapagligtas, sabihin sakanila na pag-aralan ang bawat isa sa mga sumusunod na scripture passage atmaghandang ibahagi ang nalaman nila. (Maaari mong isulat sa pisara ang mgascripture reference na ito.)

II Mga Taga Corinto 12:7–10

Mosias 3:19

Mosias 24:10–15

Alma 31:24–25, 31–33, 38

Eter 12:27

Matapos ang sapat na oras, itanong:

• Isipin kung paano napalakas ni Jesucristo sa pamamagitan ng Pagbabayad-salaang mga taong inilarawan sa mga scripture passage na ito. Kailan kayonapalakas sa gayon ding paraan o ang isang taong kakilala ninyo?

• Bakit mahalaga na maunawaan natin na matutulungan tayo ngnagbibigay-kakayahang kapangyarihan ni Jesucristo?

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Talagang kailangang palakasin ng bawat isa sa atin ang ating pag-unawa sakahalagahan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo upang maging di-matitinag napundasyon ito na mapagtatatagan ng ating buhay. …

“Masigla ko kayong hinihikayat na magplano ng personal na pag-aaral upanghigit na maunawaan at mapahalagahan ang walang katulad, walang hanggan,at walang katapusang mga bunga ng sakdal na pagtupad ni Jesucristo sa

Kanyang banal na pagkahirang bilang ating Tagapagligtas at Manunubos” (“Siya’y Buhay!Luwalhati sa Kanyang Ngalan!” Ensign o Liahona, Mayo 2010, 77).

Sa pagtapos mo sa lesson na ito, hikayatin ang mga estudyante na magkaroon ngplano na personal na pag-aralan ang tungkol kay Jesucristo at sa KanyangPagbabayad-sala.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Marcos 14:33–36; Lucas 22:39–46; Juan 15:13; I Ni Pedro 3:18; 2 Nephi 9:21;

Mosias 3:7; Alma 7:11–13; Doktrina at mga Tipan 19:15–20.

• David A. Bednar, “Ang Pagbabayad-sala at ang Paglalakbay sa Mortalidad,”Liahona, Abr. 2012, 40–47.

LESSON 16

84

Page 101: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

17

Ang Tagapagligtas ayNagdusa at Namatay saKrus ng Kalbaryo

PambungadNang malapit nang matapos ang mortal na ministeryo ngTagapagligtas, “Dinakip Siya at tinuligsa batay sa mgamaling paratang, pinarusahan upang mabigyang-kasiyahanang mga mandurumog, at hinatulan ng kamatayan sa krusng Kalbaryo” (“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga

Apostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 2). Sa lesson na itobibigyang-diin natin ang mahalagang katotohanan natinulutan ni Jesucristo ang Kanyang sarili na magdusa atmamatay sa kamay ng iba; walang sinuman ang kumuha ngKanyang buhay mula sa Kanya.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Jeffrey R. Holland, “Walang Sinuman ang Kasama Niya,” Ensign o Liahona,

Mayo 2009, 86–88.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMateo 27:26–54; Juan 10:11–18; 19:10–11; 1 Nephi 19:9Si Jesucristo ay may kapangyarihang ialay ang Kanyang buhayIpakita ang larawang Ang Pagpapako sa Krus (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009],blg. 57; tingnan din sa LDS.org).

Sabihin sa mga estudyante na isipin nakunwari ay isa sila sa matatapat nataong nakamasid na makikita salarawan habang binabasa mo angMateo 27:26–54 nang malakas.Hikayatin ang mga estudyante natahimik na sumabay sa pagbasa atisiping mabuti kung ano kaya angpakiramdam kung sila ang taong iyonat masaksihan ang Pagpapako sa Kruskay Jesucristo. Matapos mong magbasa,sabihin sa mga estudyante na ilarawan kung ano sa palagay nila ang naiisip atnadarama ng taong iyon. Matapos ang ilang sagot, itanong sa klase:

• Ano ang nadama ninyo para sa Tagapagligtas matapos basahin at talakayin angtala na ito?

Ipabasa nang tahimik sa mga estudyante ang Juan 10:11, 17–18. Matapos ang sapatna oras, itanong:

• Ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa Pagpapako sa Krus atkamatayan ni Jesucristo? (Tiyaking nauunawaan ng mga estudyante na si

85

Page 102: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Jesucristo ay may kapangyarihan mula sa Ama na ibigay ang kanyangbuhay at ibangon itong muli.)

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder James E. Talmage ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang likas na epekto ng imortal na pinagmulan [ni Jesus], bilang Anak ng isangimortal na Ama, na isinilang dito sa lupa, ay Siya ay walang kamatayan malibankung Kanyang itulot ito. Ang buhay ni Jesus ang Cristo ay hindi makukuhamaliban kung loobin at ipahintulot Niya. Ang kapangyarihang ialay ang Kanyangbuhay ay taglay Niya, tulad ng kapangyarihang ibangon ang Kanyang katawanna pinatay sa isang imortal na kalagayan” (Jesus the Christ, Ika-3 ed. [1916],

418).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mateo 26:53–54 at sa isa pa angJuan 19:10–11. Sabihin sa mga estudyante na tahimik na sumabay sa pagbasa, atpaghambingin ang dalawang scripture passage.

• Ayon sa tala sa Mateo, anong tulong ang mahihingi ni Jesucristo?

• Ano ang natutuhan ninyo mula sa scripture passage sa Juan? (Maaaring iba-ibaang gamiting salita ng mga estudyante, ngunit dapat nilang matukoy angsumusunod na katotohanan: Walang sinuman ang maaaring kumuha ngbuhay ni Jesucristo; tinulutan Niyang magdanas Siya ng kamatayan.)

• Kung matatawag ni Jesus ang mga pulutong ng mga anghel na bumaba paratumulong, sa palagay ninyo bakit tinulutan Niya ang Kanyang sarili na mapakosa krus?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang 1 Nephi 19:9. Sabihin sa klase naipaliwanag ang ibig sabihin ng salitang titiisin. (Sa pagkakagamit dito, ang ibigsabihin ng titiisin ay pahihintulutan o papayagan. Maaari mong imungkahi sa mgaestudyante na isulat ang “pahihintulutan” sa margin ng kanilang banal nakasulatan sa tabi ng 1 Nephi 19:9.)

• Bakit pinahintulutan ng Tagapagligtas ang Kanyang sarili na ipako sa krus?

Maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Alexander B. Morrisonng Pitumpu at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang pagmamahal para sa lahat ng anak ng Diyos ang dahilan kung bakit siJesus, natatangi sa Kanyang kawalan ng kasalanan, ay inialay ang Kanyang sarilibilang pantubos para sa mga kasalanan ng lahat ng tao. … Ito ang lubos nadahilan kung bakit naparito si Jesus sa mundo upang ‘[m]agdusa para sa tao’[“Awit ang Papuri sa Pag-ibig,” Mga Himno, blg. 105]. Siya ay naparito … upangmagbayad-sala para sa ating mga kasalanan, upang Siya, na itinaas sa krus, ay

mailapit ang lahat ng tao sa Kanya (tingnan sa 3 Ne. 27:14)” (“For This Cause Came I into theWorld,” Ensign, Nob. 1999, 26).

Ipaliwanag na si Jesus ay nagdusa sa Pagkakapako sa Krus dahil sa Kanyangdakilang pagmamahal sa Kanyang Ama pati na rin sa atin. Pagkatapos ay itanong:

LESSON 17

86

Page 103: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ngayong alam na ninyo na kusang nagpapako sa krus ang Tagapagligtas dahilsa pagmamahal Niya sa Kanyang Ama at sa atin, paano ito makatutulong paramatiis ninyo ang mahihirap na karanasan na maaaring makaharap ninyo?

Mateo 27:46; Lucas 23:34–46; Juan 19:26–30Tinapos ni Jesucristo ang Kanyang misyon sa lupaUpang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung ano angkamatayan sa krus, maaari mong ibahagi ang sumusunod:

“Ang kamatayan sa pamamagitan ng pagpapako sa krus ay tila kinapapalooban ng lahat ngsakit at kamatayan na kahindik-hindik at kasindak-sindak—pagkahilo, pangangalay, uhaw,gutom, hindi dalawin ng antok, mataas na lagnat, tetano, kahihiyan, matagal na pagdurusa,takot sa mangyayari, pagkabulok ng mga sugat na hindi nagamot—lahat ng ito ay tumitindihanggang sa kaya lamang matiis at nahihinto sa sandaling mawalan ng malay-tao angnagdurusa. Dahil sa hindi magandang kalagayang ito [ang pagkakapako sa krus], ang bawatpaggalaw ay nagdudulot ng sobrang sakit; ang mga nahiwang ugat at nadurog na mga litid napinatindi ng walang tigil na sakit; ang mga sugat, na pinalala ng pagkalantad, ay unti-untingnabubulok; ang malalaking ugat—lalo na sa ulo at tiyan—ay namamaga at ang dugo aynamumuo; at habang ang bawat isa sa mga pasakit na ito ay unti-unting tumitindi, dumaragdagdito ang hindi matiis na matinding kirot at uhaw; at lahat ng sakit na ito sa katawan aynagdudulot ng takot at pagkabalisa, na dahilan upang ang kamatayan mismo—ang kamatayan,ang kakilakilabot na kaaway, na karaniwang kinatatakutan ng tao—ay nagiging matamis atnagbibigay ng kaginhawahan sa lahat ng ito.

“Gayon ang itinadhanang kamatayan ni Cristo” (Frederic W. Farrar, The Life of Christ[1964], 641).

Sabihin sa mga estudyante na may pitong pahayag na sinabi si Jesucristo habangnakapako sa krus. Isulat ang mga sumusunod na scripture reference sa pisara(huwag isama ang mga sipi sa mga panaklong), at sabihin sa bawat estudyante naalamin ang ilan sa mga ito at tukuyin kung ano ang sinabi ni Jesus:

Lucas 23:34 (“Ama, patawarin mo sila; sapagka’t hindi nila nalalaman angkanilang ginagawa.”)

Lucas 23:43 (“Katotohanang sinasabi ko sa iyo, Ngayon ay kakasamahin kita saparaiso.”)

Juan 19:26–27 (“Babae, narito, ang iyong anak! … Narito, ang iyong ina!”)

Mateo 27:46 (“Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?”)

Juan 19:28 (“Nauuhaw ako.”)

Juan 19:30 (“Naganap na.”)

Lucas 23:46 (“Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang akingespiritu.”)

LESSON 17

87

Page 104: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Kapag naibahagi na ng mga estudyante ang mga nalaman nila, i-paraphrase angmga pahayag na ito sa pisara sa tabi ng kaugnay na scripture reference ng mga ito.Itanong sa mga estudyante:

• Ano ang inihahayag ng mga pahayag na ito tungkol sa Tagapagligtas at kungano ang nararanasan Niya sa krus?

• Ano ang tinutukoy ni Jesus nang sabihin Niyang, “Naganap na”? (Natapos naNiya ang walang hanggang paghihirap na kinakailangan sa Pagbabayad-sala.Maaari mong banggitin sa mga estudyante na mababasa sa Joseph SmithTranslation, Matthew 27:54: “Si Jesus nang siya ay muling sumigaw sa malakasna tinig, ay nagsabing, Ama, naganap na, naisagawa na ang iyong kalooban, aynalagot ang hininga” [tingnan din sa Matthew 27:50, footnote a sa LDS Englishversion ng Biblia]. Namatay lamang si Jesus matapos Niyang malaman nanagawa na Niya ang lahat ng nais ng Ama na gawin Niya.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderJeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Nang matapos na ang Pagbabayad-sala, nang ipakita ni Cristo ang di matinagna determinasyong maging tapat, sa wakas, ang Kanyang paghihirap ay‘naganap na’ [tingnan sa Juan 19:30]. Sa kabila ng napakatinding paghihirap atwala ni isang tumulong o sumuporta sa Kanya, si Jesus ng Nazaret, ang buhay naAnak ng Diyos na buhay, ay ginawang posible ang mabuhay na mag-uli mataposmamatay at magdulot ng galak, at espirituwal na pagtubos mula sa

mala-impyernong kadiliman at kawalan ng pag-asa. Taglay ang pananampalataya sa Diyos naalam Niyang naroroon, matagumpay Niyang nasabi, ‘Ama, sa mga kamay mo ipinagtatagubilinko ang aking espiritu’ [Lucas 23:46]” (“Walang Sinuman ang Kasama Niya,” Ensign o Liahona,Mayo 2009, 88).

Ipabasa nang malakas sa isa pang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderRobert D. Hales ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Pinili ni Jesus na hindi umalis sa mundong ito hanggang hindi pa Niyanatatapos ang Kanyang pagdurusa at misyon na siyang ipinarito Niyang gawinpara sa sanlibutan. Doon sa krus sa kalbaryo, itinagubilin ni Jesus ang Kanyangespiritu sa Kanyang Ama sa simpleng pahayag na ito, ‘Naganap na’ (Juan 19:30).Dahil nagtiis Siya hanggang huli, Siya ay pinalaya mula sa mortalidad.

“Tayo rin ay dapat na magtiis hanggang sa wakas” (“Ang Tipan ng Pagbibinyag:Ang Maging nasa Kaharian at para sa Kaharian,” Liahona, Ene. 2001, 6).

• Ano ang sinabi ng dalawang Apostol na ito na nakatulong sa atin namaunawaan ang tungkol sa tinutukoy ni Jesus nang sabihin Niya, “Naganapna”? (Matapos sumagot ang mga estudyante, isulat ang sumusunod nakatotohanan sa pisara: Matapat na tinapos ni Jesucristo ang lahat ng bagayna ipinagagawa sa Kanya ng Ama sa Langit sa buhay na ito.)

LESSON 17

88

Page 105: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Sa panahong nahihirapan kayo, paano makatutulong na alalahanin angnaranasan at lubos na tiniis ng Tagapagligtas upang maisakatuparan Niya angKanyang misyon sa buhay na ito?

• Paanong makatutulong sa inyo ang pag-alaala sa halimbawa ni Jesus upangmaisakatuparan ninyo ang layunin ng inyong pagsilang?

• Paano natin maipapakita ang ating pagpapahalaga sa lahat ng pagdurusa ngTagapagligtas para sa atin? (Maaaring iba-ibang salita ang gamitin ng mgaestudyante, ngunit dapat nilang maipahayag ang sumusunod na alituntunin:Maipapakita natin ang pagpapahalaga natin sa pagdurusa ngTagapagligtas sa krus sa pagtulad sa Kanyang halimbawa ng tapat napagtitiis hanggang wakas.)

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipang ibahagi sa social media ang kanilangdamdamin para sa Tagapagligtas at kung ano ang ipinapangako nilang gagawinupang mapanatili ang damdaming iyon.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mateo 27:26–54; Lucas 23:34–46; Juan 10:11–18; 19:10–11, 19–37; 1 Nephi 19:9.

• Jeffrey R. Holland, “Walang Sinuman ang Kasama Niya,” Ensign o Liahona,Mayo 2009, 86–88.

LESSON 17

89

Page 106: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

18

Ang Tagapagligtas ayNagministeryo sa Daigdigng mga Espiritu

PambungadTungkol sa Tagapagligtas, nagpatotoo ang mga Apostol sapanahong ito: “Siya ang dakilang kaloob para sa lahat ngmabubuhay sa ibabaw ng mundo.” (“Ang Buhay na Cristo:Ang Patotoo ng mga Apostol, ” Ensign o Liahona, Abr.2000, 2). Dahil sa nagbabayad-salang sakripisyo ngTagapagligtas at sa Kanyang ministeryo sa daigdig ng mga

espiritu, bawat isa sa mga anak ng Diyos na nabuhay samundo ay magkakaroon ng pagkakataong tanggapin o hinditanggapin ang ebanghelyo. Sa lesson na ito, malalaman ngmga estudyante ang tungkol sa ginawa ng Tagapagligtas sadaigdig ng mga espiritu at ang responsibilidad natin sakaligtasan ng mga patay.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Spencer J. Condie, “The Savior’s Visit to the Spirit World,” Ensign, Hulyo

2003, 32–36.

• Richard G. Scott, “Ang Kagalakan ng Pagtubos sa mga Patay,” Ensign o Liahona,Nob. 2012, 93–95.

Mga Mungkahi sa PagtuturoLucas 23:39–43; Doktrina at mga Tipan 138:11–24Dinalaw ni Jesucristo ang daigdig ng mga espirituIpakita ang larawang Libing ni Jesus (Aklat ng Sining ng Ebanghelyo [2009], blg. 58;tingnan din sa LDS.org) at Si Maria at ang Nabuhay na Mag-uling si Jesucristo(Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 59).

90

Page 107: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

LESSON 18

91

Page 108: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderSpencer J. Condie ng Pitumpu:

“Ang katotohanan ng kamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus aytinatawag ng mga Kristiyano na mahahalagang doktrina. Gayunman, ang ginawang imortal na espiritu ni Jesus matapos ang Kanyang kamatayan at bago angKanyang Pagkabuhay na Mag-uli ay isang hiwaga sa lahat maliban sa mga Banalsa mga Huling Araw. At ang kahalagahan ng ginawa Niya noong mga oras naiyon ay naglaan ng doktrinal na pundasyon para sa pagtatayo ng mga templo sa

iba’t ibang dako ng mundo. Bukod pa rito, ang pagpapatotoo tungkol sa ginawa Niya ay lubos nanakapapanatag sa mga nagdadalamhati sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay” (“TheSavior’s Visit to the Spirit World,” Ensign, Hulyo 2003, 32).

LESSON 18

92

Page 109: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Patingnan ang mga larawan at itanong sa klase:

• Ano ang ginawa ni Jesus sa pagitan ng Kanyang libing at ng KanyangPagkabuhay na Mag-uli?

Para makapagbigay ng ilang impormasyon, ipabasa sa mga estudyante ang Lucas23:39–43.

• Ano ang sinabi ng Tagapagligtas sa salarin na nakapako sa krus? (Ipaliwanag naitinuro ni Propetang Joseph Smith na ang mas tumpak na salin ng mga salita ngTagapagligtas ay, “Ngayon ay isasama kita sa daigdig ng mga espiritu” [saHistory of the Church, 5:424–25]. Mali ang pagkaunawa ng maraming Kristiyanotungkol sa kahulugan ng mga salita ng Tagapagligtas sa salarin, inakala nila naang isang tao ay makapagsisisi ng mabibigat na kasalanan sa huling sandali ngkanyang buhay. Gayunman, itinuro ng mga banal na kasulatan na hindi natindapat ipagpaliban ang ating pagsisisi.)

• Paano ipinahiwatig sa mga salitang ito ang gagawin ng Tagapagligtas habangnakahimlay ang Kanyang katawan sa libingan? (Tingnan din sa I Ni Pedro 4:6.)

Sabihin sa mga estudyante na nakatanggap si Pangulong Joseph F. Smith ng isangpaghahayag na naglalarawan sa pagbisita ni Jesucristo sa daigdig ng mga espiritu.Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang konteksto ngpaghahayag na ito, ibuod ang pambungad at ang unang 10 talata ng Doktrina atmga Tipan 138. Pagkatapos ay sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sapagbasa nang malakas ng Doktrina at mga Tipan 138:11–12, 15–16, 18–19, 23–24.Talakayin ang mga sumusunod na tanong:

• Ayon sa pangitaing ito, ano ang ginawa ng Tagapagligtas sa pagitan ngKanyang libing at ng Pagkabuhay na Mag-uli? (Dapat ipahayag ng mgaestudyante na habang nakahimlay ang Kanyang katawan sa libingan,dinalaw ni Jesus ang mabubuting espiritu sa daigdig ng mga espiritu.)

• Bakit napuspos ng kagalakan at kaligayahan ang mabubuting espiritu? (Kapagnakasagot na ang mga estudyante, bigyang-diin ang sumusunod nakatotohanan: Ayon sa plano ng Diyos, ang mga patay na naging tapat sabuhay na ito ay matutubos mula sa kamatayan pagkatapos ng Pagkabuhayna Mag-uli ni Jesucristo. Maaari mong ipaliwanag na walang missionary angipinadala sa daigdig ng mga espiritu hangga’t hindi pa natatapos angkamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas [tingnan sa Lucas16:19–31; Moises 7:36–39].)

Doktrina at mga Tipan 138:20–37Lahat ng anak ng Diyos ay magkakaroon ng pagkakataong marinig ang ebanghelyoSabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Doktrina at mga Tipan138:20–21, 25–28 at tukuyin ang tanong na pinag-isipan ni Pangulong Smith.(Paalala: Upang matulungan ang mga estudyante na makita ang kahalagahan ngmagandang pagtatanong at paghahanap ng mga sagot habang pinag-aaralan nilaang mga banal na kasulatan, bigyang-diin na maraming paghahayag ang naibigayna nakatala sa mga banal na kasulatan dahil sa marubdob na pagtatanong.)Matapos sumagot ang mga estudyante, sabihin sa kanila na basahin ang Doktrina

LESSON 18

93

Page 110: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

at mga Tipan 138:29–30, at alamin kung paano maririnig ng mga espiritung nasabilangguan ang ebanghelyo. Itanong:

• Ano ang ginawa ng Tagapagligtas sa mabubuti noong bumisita Siya sa daigdigng mga espiritu? (Tiyaking natukoy ng mga estudyante ang sumusunod nakatotohanan: Habang nasa daigdig ng mga espiritu, inorganisa ni Jesusang gawain ng kaligtasan para sa mga patay.)

Pagpartnerin ang mga estudyante. Sabihin sa kanila na pag-aralan ang Doktrina atmga Tipan 138:30–37 at talakayin ang kahalagahan ng salitang lahat na ginamit samga talata 30, 31, at 37. Matapos ang sapat na oras, itanong:

• Ano ang layunin ng ministeryo ng Tagapagligtas sa daigdig ng mga Espiritu?(Dapat maipaliwanag ng mga estudyante ang sumusunod na katotohanan: AngTagapagligtas ay naglaan ng paraan para marinig ng lahat ng anak ngDiyos ang ebanghelyo at tumanggap ng lubos na kagalakan.)

• Bakit kailangang ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng mga anak ng Diyos?(Tingnan sa D at T 138:33–34; I Ni Pedro 3:18–20.)

• Ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa mga epekto ng pagbabayad-sala niJesucristo? (Ang mga epekto ng Pagbabayad-sala ay umabot sa daigdig ng mgaespiritu.)

Maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Joseph FieldingSmith (1876–1972):

“[P]aano ang hindi mabilang na mga tao na namatay at hindi kailanman narinigang tungkol kay Cristo, hindi kailanman nagkaroon ng pagkakataong magsisi atmapatawad sa kanilang mga kasalanan, hindi kailanman nakakilala ng isangelder ng Simbahan na mayroong awtoridad? Sasabihin sa inyo ng ilan sa kakilalanating mabubuting Kristiyano na naligaw sila magpakailanman. …

“Magiging patas ba iyon? Magiging makatwiran ba iyon? Hindi! Bibigyan ngPanginoon ng pagkakataon ang bawat tao na marinig at matanggap ang buhay na walanghanggan, o ang isang lugar sa kanyang kaharian” (Doctrines of Salvation, comp. Bruce R.McConkie, 3 tomo [1954–56], 2:132).

• Bakit mahalaga ang mga katotohanang ito tungkol sa daigdig ng mga espiritu?Ano ang nagiging epekto kung alam ng isang tao ang mga katotohanantungkol sa daigdig ng mga espiritu?

• Paano nakapapanatag sa inyo na alam ninyo ang tungkol sa ministeryo ngTagapagligtas sa daigdig ng mga espiritu?

Makatutulong tayo sa pagbibigay ng kaligtasan para sa mga patayBigyan ang bawat estudyante ng kopya ng kalakip na handout, “Gawain sa mgaHuling Araw Para sa mga Patay.” Hatiin ang mga estudyante sa maliliit na grupo opagpartner-partnerin sila. Sabihin sa kanila na basahin ang mga pahayag sahandout, at alamin at talakayin ang mga pagpapalang ipinangako sa mga taongnakikibahagi sa gawain ng pagtubos sa mga patay.

LESSON 18

94

Page 111: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Matapos ang sapat na oras, itanong ang mga sumusunod:

• Paano nakatutulong ang pakikibahagi natin sa gawain sa templo at sa familyhistory upang matamo ng mga yumao ang mga pagpapalang hatid ngnagbabayad-salang sakripisyo ni Jesucristo?

• Paano nakatutulong sa atin ang pakikibahagi sa mga ordenansa para sa mgapatay upang mas higit tayong maging katulad ng Tagapagligtas? (Kapagnakasagot na ang mga estudyante, bigyang-diin ang sumusunod naalituntunin: Kapag nakikibahagi tayo sa mga ordenansa sa templo para saating mga yumaong kamag-anak, tumutulong tayo sa pagbibigay ngkaligtasan para sa kanila at napapalakas tayo laban sa kaaway.)

LESSON 18

95

Page 112: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Maaari mong ibahagi ang sumusunod na paliwanag ni Pangulong Gordon B.Hinckley (1910–2008) kung paanong natutulad ang gawain para sa mga patay sagawain ng pagtubos ng Tagapagligtas:

“Ang mga gawain sa Bahay ng Panginoon, … ay mas malapit sa layunin ngpagsasakripisyo ng Panginoon kaysa sa anumang iba pang gawain na alam ko.Bakit? Dahil ito ay ginagawa ng mga taong lubos na nagbibigay ng oras attulong, nang hindi umaasam na sila ay pasasalamatan o gagantimpalaan,ginagawa para sa iba ang yaong hindi magagawa ng mga ito para sa kanilangsarili” (“A Century of Family History Service,” Ensign, Mar. 1995, 62–63; tingnan

din sa Obadias 1:21).

Patingnan muli sa mga estudyante ang mga pahayag na nasa handout, at itanong:

• Kailan ninyo nakita o nadama ang isa sa mga pagpapalang ipinangako sa mgataong nakikibahagi sa gawain ng pagtubos sa mga patay?

Sabihin sa mga estudyante na tahimik na pag-isipan ang sumusunod na tanong:

• Alin sa mga pangakong ito ang gusto ninyong magkaroon kayo sa inyongbuhay ngayon, at ano ang handa ninyong gawin para matamo ito?

Hikayatin ang mga estudyante na makipagkita sa kanilang ward family historyconsultant at alamin ang iba pa tungkol sa kung paano gawin ang gawain para sayumao nilang mga ninuno. Basahin nang malakas ang Doktrina at mga Tipan128:22, at patotohanan ang walang hanggang ministeryo ni Jesucristo at angsagradong gawain para sa mga patay na inorden bago pa ang pagkakatatag ngdaigdig.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Lucas 23:39–43; I Ni Pedro 3:18–20; 4:6; Doktrina at mga Tipan 128:15, 22;

138:1–37.

• Spencer J. Condie, “The Savior’s Visit to the Spirit World,” Ensign, Hulyo2003, 32–36.

HandoutGawain sa mga Huling Araw Para sa mga PatayItinuro ni Elder John A. Widtsoe (1872–1952) ng Korum ng Labindalawang Apostol ang sumusunodhinggil sa ating misyon na inorden noon pa man na tumulong sa pagliligtas ng mga anak na lalaki atmga anak na babae ng Diyos:

LESSON 18

96

Page 113: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Sa ating buhay bago pa ang buhay na ito, noong panahong idinaos angmalaking kapulungan, gumawa tayo ng tiyak na kasunduan saMakapangyarihang Diyos. Nagmungkahi ng plano ang Panginoon, na Siyaang gumawa. Tinanggap natin ito. Dahil ang plano ay para sa lahat ng tao,tayo ay nakikibahagi at nakikinabang sa kaligtasan ng lahat ng tao sailalim ng planong iyan. Kaagad tayong sumang-ayon doon na maging mga

tagapagligtas hindi lamang para sa ating mga sarili kundi … mga tagapagligtas para sabuong sangkatauhan. Nakipagtulungan tayo sa Panginoon. Ang pagsasakatuparan ngplano ay hindi lamang naging gawain ng Ama, at gawain ng Tagapagligtas, kundi naginggawain din natin. Ang pinakamaliit sa atin, ang pinakamapagpakumbaba, aynakipagtulungan sa Makapangyarihang Diyos upang makamit ang layunin ng walanghanggang plano ng kaligtasan (“The Worth of Souls,” Utah Genealogical and HistoricalMagazine, Okt. 1934, 189)” (sa Doctrine and Covenants and Church History: GospelDoctrine Teacher’s Manual [1999], 173).

Hinikayat ni Elder Richard G. Scott ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga kabataan ngSimbahan na gawin ang gawain sa templo para sa kanilang sariling mga ninuno:

“Ang anumang gawain na ginagawa ninyo sa loob ng templo ay hindipagsasayang ng panahon, bagkus ang pagtanggap ng mga ordenansa parasa isa sa mga yumao ninyong ninuno ay lalong magpapabanal sa oras naginugol sa templo at mas malalaking pagpapala ang matatanggap. …

“Kayong mga kabataan, gusto ba ninyo ng isang tiyak na paraan paramaalis ang impluwensya ng kaaway sa inyong buhay? Lubos na

makibahagi sa paghahanap ng inyong mga ninuno, ihanda ang kanilang pangalan para samga sagradong ordenansa na maisasagawa sa templo, at magpunta sa templo paramagsilbing proxy nila sa pagtanggap ng mga ordenansa ng binyag at kaloob na EspirituSanto. … Wala akong maisip na mas mainam na proteksyon laban sa impluwensya ngkaaway sa inyong buhay” (“Ang Kagalakan ng Pagtubos sa mga Patay,” Ensign o Liahona,Nob. 2012, 94).

Ganito ang paanyaya at pangako ni Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Inaanyayahan ko ang mga kabataan ng Simbahan na matutuhan atmaranasan ang Diwa ni [Elijah]. Hinihikayat ko kayong mag-aral, nasaliksikin ang inyong mga ninuno, at ihanda ang inyong sarili namagpabinyag sa bahay ng Panginoon para sa inyong mga namatay nakaanak (tingnan sa D at T 124:28–36). At hinihimok ko kayong tulunganang ibang tao na matukoy ang kanilang family history.

“Sa pagtugon ninyo nang may pananampalataya sa paanyayang ito, ang inyong puso aybabaling sa mga ama. Ang mga pangako kina Abraham, Isaac, at Jacob ay matatanim sainyong puso. Ang inyong patriarchal blessing, na naghahayag ng inyong angkan, ayiuugnay kayo sa mga ninunong ito at magiging mas makahulugan sa inyo. Angpagmamahal at pasasalamat ninyo sa inyong mga ninuno ay mag-iibayo. Ang inyong

LESSON 18

97

Page 114: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

patotoo at pananalig sa Tagapagligtas ay lalalim at mananatili. At ipinapangako ko namapoprotektahan kayo laban sa tumitinding impluwensya ng kaaway. Sa pakikibahagi atpagmamahal ninyo sa banal na gawaing ito, kayo ay pangangalagaan sa inyong kabataanat sa habambuhay” (“Ang mga Puso ng mga Anak ay Magbabalik-loob,” Ensign o Liahona,Nob. 2011, 26–27).

LESSON 18

98

Page 115: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

19

Siya ay NagbangonPambungad“Nagbangon [si Jesucristo] sa libingan upang ‘magingpangunahing bunga ng nangatutulog’ (I Mga Taga Corinto15:20). Bilang Nabuhay na Mag-uling Panginoon, dumalawSiya sa mga taong minahal Niya noong nabubuhay pa Siya salupa” (“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,”Ensign o Liahona, Abr. 2000, 3). Ang lesson na ito ay

magtuturo ng doktrina at mga pangyayaring nauugnay saPagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Habang nadaragdaganang pag-unawa at patotoo ng mga estudyante tungkol saPagkabuhay na Mag-uli, magkakaroon sila ng pananaw atpag-asa sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• D. Todd Christofferson, “Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo,” Ensign o

Liahona, Mayo 2014, 111–14.

• Dallin H. Oaks, “Pagkabuhay na Mag-uli,” Liahona, Hulyo 2000, 14–16.

Mga Mungkahi sa PagtuturoI Mga Taga Corinto 15:12–29Ang Pagkabuhay na Mag-uli ni JesucristoIpakita ang sumusunod na pahayag ni Propetang Joseph Smith (1805-1844), atipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang mga pangunahing alituntunin ng ating relihiyon ay ang patotoo ng mgaApostol at Propeta, tungkol kay Jesucristo, na Siya’y namatay, inilibing, at mulingnagbangon sa ikatlong araw, at umakyat sa langit; at ang lahat ng iba pang mgabagay na may kaugnayan sa ating relihiyon ay mga kalakip lamang nito” (MgaTuro ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith [2007], 58).

Talakayin sa mga estudyante ang sumusunod na tanong:

• Sa inyong palagay, bakit ang lahat ng iba pang mga alituntunin ng ebanghelyoay “mga kalakip” sa kamatayan, libing, at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo?

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang Isaias 25:8; Mosias 16:7–8;at Alma 33:22, at alamin kung ano ang ipinropesiya ng mga sinaunang propetatungkol sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Sabihin sa kanila na ibahagi angnalaman nila.

Kopyahin ang sumusunod na chart sa pisara:

99

Page 116: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Dahil si Jesus ay bumangon mulasa mga patay, …

Kung si Jesus ay hindi bumangon mulasa mga patay …

I Mga Taga Corinto 15:20–28

Alma 11:43–45

I Mga Taga Corinto 15:12–19, 29

2 Nephi 9:8–10

Sabihin sa kalahati ng klase na pag-aralan ang mga scripture passage sa kaliwanghanay ng chart, at alamin ang mga pagpapalang natatanggap natin dahil saPagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo. Sabihin sa natitirang kalahati ng klase napag-aralan ang mga scripture passage sa kanang hanay, at alamin kung ano angmangyayari kung hindi bumangon si Jesus mula sa mga patay. Matapos ang sapatna oras, tumawag ng mga boluntaryo na magpapaliwanag sa nalaman nila.Tulungan ang mga estudyante na ipahayag ang doktrina na itinuro sa mga scripturepassage na ito sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga sumusunod:

• Ayon sa I Mga Taga Corinto 15:20, sinabi ni Apostol Pablo na si Jesus ang“pangunahing bunga ng nangatutulog.” Ano ang ibig sabihin ng pariralang ito?(Si Jesus ang unang nabuhay na mag-uli.)

Ipabasa muli sa mga estudyante ang I Mga Taga Corinto 15:22. Pagkatapos ayitanong:

• Paano ninyo ibubuod ang pagpapalang matatanggap ng lahat ng tao dahilnabuhay na mag-uli si Jesucristo? (Dapat matukoy ng mga estudyante angsumusunod na doktrina: Dahil sa Pagbabayad-sala at Pagkabuhay naMag-uli ni Jesucristo, lahat ng isinilang sa mundong ito ay mabubuhay namag-uli.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang mga sumusunod na pahayag ninaPangulong Howard W. Hunter (1907–1995) at Pangulong Marion G. Romney(1897–1988) ng Unang Panguluhan:

“Kung walang Pagkabuhay na Mag-uli, ang ebanghelyo ni Jesucristo ay magigingpagsasalaysay lamang ng mga kasabihan na puno ng karunungan at tiladi-maipaliwanag na mga himala—ngunit mga kasabihan at himalang hindihahantong sa tagumpay. Ang tunay na tagumpay ay nasa tunay na himala:sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng sangkatauhan,ibinangon ng isang patay ang kanyang sarili upang mabuhay nang imortal. Siya

ang Anak ng Diyos, ang Anak ng ating imortal na Ama sa Langit, at ang tagumpay niya sa pisikalat espirituwal na kamatayan ay ang mabuting balita na dapat ipahayag ng lahat ng Kristiyano”(Howard W. Hunter, “An Apostle’s Witness of the Resurrection,” Ensign, Mayo 1986, 16).

LESSON 19

100

Page 117: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“‘Siya’y nagbangon; wala siya rito.’ (Marcos 16:6.) Ang mga salitang ito,napakalinaw sa kasimplihan nito, ay naghayag ng pinakamahalagang pangyayarisa naitalang kasaysayan” (Marion G. Romney, “The Resurrection of Jesus,”Ensign, Mayo 1982, 6).

• Sa palagay ninyo, bakit “pinakamahalagang pangyayari sa naitalangkasaysayan” ang Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas?

• Ano ang naisip at nadama ninyo nang malaman ninyo na dahil sa Pagkabuhayna Mag-uli ni Jesucristo, lahat ng mga anak ng Ama sa Langit na isinilang samundo ay mabubuhay na mag-uli?

Ipaliwanag na tinutubos tayo ng Pagkabuhay na Mag-uli hindi lamang mula sapisikal na kamatayan kundi pati na rin sa espirituwal na kamatayan. Kung walangpagkabuhay na mag-uli, lahat ng tao kalaunan ay magiging gaya ng diyablo(tingnan sa 2 Nephi 9:6–9).

Magpatotoo na ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo ang lumubos saPagbabayad-sala at ginawang posible para sa mga anak ng Diyos na makabalik saKanyang kinaroroonan.

Mateo 28; Marcos 16; Lucas 24; Juan 20Mga saksi sa nabuhay na mag-uling si JesucristoBigyan ang mga estudyante ng sumusunod na chart bilang handout:

LESSON 19

101

Page 118: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Bagong Tipan

Reference Mga TaongBinisita

Petsao Oras

Lugar Ano angnangyari

Juan 20:11–18; Marcos 16:9

Mateo 28:1–10

LESSON 19

102

Page 119: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Reference Mga TaongBinisita

Petsao Oras

Lugar Ano angnangyari

Lucas 24:34; I Mga Taga Corinto15:5

Marcos 16:12; Lucas 24:13–32

Marcos 16:14; Lucas 24:33,36–49; Juan 20:19–23

Juan 20:26–29

Juan 21:4–23

Mateo 28:16–20; Marcos16:15–18

Marcos 16:19–20; Lucas 24:50–53;Mga Gawa 1:9–11

I Mga Taga Corinto 15:6

I Mga Taga Corinto 15:7

Mga Gawa 7:55–56

Mga Gawa 9:4–6; I Mga TagaCorinto 9:1; 15:8

Apocalipsis 1:13–18

Mag-assign sa bawat estudyante ng isa o dalawang hanay sa chart. Sabihin sakanila na pag-aralan ang mga scripture passage sa hanay na naka-assign sa kanilaat tukuyin kung sino ang dinalaw ng nabuhay na mag-uling Tagapagligtas.Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang nalamannila. Dahil limitado ang oras, hikayatin ang mga estudyante na magbahagi nangmaikli. Pagkatapos ay talakayin ang mga sumusunod na tanong:

• Sa aktibidad na ito, ano ang nalaman ninyo tungkol sa maraming pagpapakitang nabuhay na mag-uling Tagapagligtas at kung ano ang naranasan ngbawat tao?

• Bukod sa mga scripture passage na ito, sino ang iba pang mga saksi na nakakitasa nabuhay na mag-uling si Jesucristo ang matatagpuan sa mga banal nakasulatan? (Maaaring mabanggit ng mga estudyante ang mga Nephita, o siPropetang Joseph Smith.)

• Bakit mahalagang malaman na maraming saksi ang nakakita sa nabuhay namag-uling Tagapagligtas? (Tiyaking nauunawaan ng mga estudyante angsumusunod na katotohanan: Dahil maraming tao ang nakakita sa nabuhayna mag-uling si Jesucristo, maaari tayong magtiwala na Siya ay buhay attayo rin ay mabubuhay na muli pagkatapos nating mamatay.)

LESSON 19

103

Page 120: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga doktrinangnakapaloob sa Pagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas at kung bakit, tulad ngitinuro ni Joseph Smith, na lahat ng iba pang mga alituntunin ay nakalakip sakamatayan at Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesucristo, bigyan ang bawat estudyanteng kopya ng sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ngLabindalawang Apostol. Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pahayag.

“Kung totoong si Jesus ay literal na nabuhay na mag-uli, kung gayo’y isa Siyangbanal na nilalang. Walang mortal ang may kapangyarihang buhayin ang kanyangsarili matapos mamatay. Dahil Siya ay nabuhay na mag-uli, hindi maaaring siJesus ay naging isa lamang karpintero, guro, rabbi, o propeta. Dahil Siya aynabuhay na mag-uli, si Jesus ay dapat maging Diyos, maging ang Bugtong naAnak ng Ama.

“Samakatwid, ang itinuro Niya ay totoo; ang Diyos ay hindi maaaring magsinungaling [tingnansa Enos 1:6].

“Samakatwid, Siya ang Lumikha ng daigdig, tulad ng sinabi Niya, [tingnan, para sa halimbawa,ang 3 Nephi 9:15].

“Samakatwid, totoong may langit at impiyerno, tulad ng itinuro Niya [tingnan, para sahalimbawa, ang D at T 76].

“Samakatwid, may daigdig ng mga espiritu na pinuntahan Niya pagkamatay Niya [tingnan saD at T 138].

“Samakatwid, paparito Siyang muli, tulad ng sabi ng mga anghel [tingnan sa Mga Gawa1:10–11], at ‘maghahari … sa mundo’ [Mga Saligan ng Pananampalataya 1:10; tingnan din saGabay sa mga Banal na Kasulatan, “Jesucristo,” sa ilalim ng subheading na “PaghaharingMilenyal ni Cristo”].

“Samakatwid, may huling Paghuhukom at Pagkabuhay na Mag-uli para sa lahat [tingnan, parasa halimbawa, ang 2 Nephi 9:15].

“Dahil totoo ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo, ang mga pag-aalinlangan tungkol sa lubos nakapangyarihan, kaalaman, at kabaitan ng Diyos Ama—na ibinigay ang Kanyang Bugtong naAnak para matubos ang sangkatauhan—ay walang katotohanan. Ang mga pag-aalinlangantungkol sa kahulugan at layunin ng buhay ay walang batayan. Katunayan, pangalan ni Jesucristolamang ang daan para maligtas ang sangkatauhan. Ang biyaya ni Cristo ay totoo, na kapwanagpapatawad at naglilinis sa nagsisising makasalanan. Tunay ngang ang pananampalataya ayhigit pa sa imahinasyon o kathang-isip. May mahalagang katotohanan para sa lahat, at maylayunin at di-nagbabagong mga pamantayang moral, tulad ng itinuro Niya.

“Dahil totoo ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo, ang pagsisisi sa anumang paglabag saKanyang batas at mga utos ay posible at dapat gawin agad. Ang mga himala ng Tagapagligtasay totoo, tulad ng Kanyang pangako sa Kanyang mga disipulo upang gawin din nila iyon at angmas dakila pang mga gawain [tingnan sa Juan 14:12]. … Dahil totoo ang Pagkabuhay naMag-uli ni Cristo, hindi kamatayan ang ating wakas, at bagaman ‘magibang ganito ang [ating]balat, [g]ayon ma’y makikita [natin] ang Dios sa [ating] laman.’ [Job 19:26]” (“Ang Pagkabuhayna Mag-uli ni Jesucristo,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 113, 114).

• Paano inilarawan sa pahayag ni Elder Christofferson na napakahalaga ngPagkabuhay na Mag-uli ng Tagapagligtas sa doktrina ng ipinanumbalik naebanghelyo?

LESSON 19

104

Page 121: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan kung paano personalna makakapekto sa kanila ang katotohanan ng Pagkabuhay na Mag-uli, ipakita angsumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ng LabindalawangApostol at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang ‘buhay na pag-asa’ na ibinibigay sa atin ng pagkabuhay na mag-uli angnagbibigay sa atin ng matibay na pananalig na hindi katapusan ng ating buhayang kamatayan kundi isang kinakailangang hakbang lamang sa itinakdangpagbabagong-kalagayan mula sa pagiging mortal tungo sa kawalangkamatayan. Binabago ng pag-asang ito ang pananaw hinggil sa buhaysa lupa. …

“Nagdudulot sa atin ng lakas at magandang pananaw ang katiyakan ng pagkabuhay na mag-uliupang pagtiisan ang mga pagsubok sa buhay na kinakaharap ng bawat isa sa atin at ng mgamahal natin, katulad ng mga kakulangan sa pisikal, mental, o emosyonal na kasama natin sapagsilang o nakuha habang nasa buhay sa lupa. Dahil sa pagkabuhay na mag-uli, batid natin napansamantala lamang ang mga kakulangang ito!

“Nagdudulot din sa atin ng matinding dahilan ang katiyakan ng pagkabuhay na mag-uli upangsumunod sa mga utos ng Diyos habang nabubuhay sa lupa” (“Pagkabuhay na Mag-uli,”Liahona, Hulyo 2000, 15).

• Bakit mahalaga sa bawat isa sa atin na magkaroon ng patotoo tungkol sakatotohanan ng Pagkabuhay na Mag-uli? (Dapat matukoy ng mga estudyanteang sumusunod na alituntunin: Dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli niJesucristo, magkakaroon tayo ng pag-asa at walang hanggang pananawhabang dumaranas tayo ng mga hamon at pagsubok sa buhay.)

• Sa anong mga paraan nagdudulot ng pag-asa o kagalakan sa inyo o sa isangtaong kakilala ninyo ang pagkaunawa sa Pagkabuhay na Mag-uli?

Ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Pangulong David O. McKay (1873–1970):

“Dalawa’t kalahating taon [na] itinaguyod at pinasigla ng presensya ni Cristo[ang mga Apostol]. Ngunit wala na siya ngayon. Naiwan silang mag-isa, at tilanalilito sila at walang magawa. …

“Ano ang dahilan at biglang nagbago ang mga disipulong ito at nagkaroon silang tiwala sa sarili, walang kinatatakutan, at naging magigiting na mangangaralng Ebanghelyo ni Jesucristo? Ito’y dahil sa paghahayag na si Cristo ay

nagbangon mula sa libingan” (Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: David O. McKay[2004], 72).

Sabihin sa mga estudyante na isipin ang isang taong kilala nila na maaaringmapalakas kapag narinig ang mensahe ng Pagkabuhay na Mag-uli. Hikayatin angmga estudyante na maghanap ng pagkakataon sa ibang araw na masabi nila angnadarama at patotoo nila sa taong iyon.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Lucas 24:1–48; Juan 20; I Mga Taga Corinto 15:1–29, 54–58.

LESSON 19

105

Page 122: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Dallin H. Oaks, “Pagkabuhay na Mag-uli,” Liahona, Hulyo 2000, 14–16.

LESSON 19

106

Page 123: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

20

Ang Tagapagligtas ayNagministeryo sa Kanyang“Iba Pang mga Tupa”

PambungadTulad ng mababasa sa “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ngmga Apostol,” ang Tagapagligtas ay “naglingkod … saKanyang ‘ibang mga tupa’ (Juan 10:16) sa sinaunangAmerika” (Ensign o Liahona, Abr. 2000, 3; tingnan din sa3 Nephi 11:1–17). Kapag pinag-aralan natin ang mga tala sa

Aklat ni Mormon tungkol sa ministeryo ng Tagapagligtas,malalaman natin kung paano Siya nagministeryo sa Kanyangmga disipulo sa lahat ng bansa at nagnais na matulungan atmapangalagaan ang bawat isa sa kanila.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Ronald A. Rasband, “Bawat Isa,” Liahona, Ene. 2001, 29–30.

Mga Mungkahi sa PagtuturoJuan 10:14–16; 3 Nephi 15:16–21; 16:1–3Itinuro ni Jesucristo sa mga Judio ang tungkol sa Kanyang “ibang mga tupa”

Magpakita ng isang globe o mapa ng daigdig at ipatukoy sa isang estudyante kungsaan isinakatuparan ni Jesucristo ang Kanyang ministeryo sa mga Judio (angmakabagong bansa ng Israel sa Gitnang Silangan). Sabihin sa mga estudyante nabuklatin ang Juan 10 at mabilis na basahin ang ilan sa mga talata nito, at alaminang itinuro ni Jesus tungkol sa Kanyang sarili at sa Kanyang kaugnayan sa mgataong sumusunod sa Kanya. Sabihin sa kanila na ibahagi ang nalaman nila. (Dapatmaibahagi ng mga estudyante na Siya ang Mabuting Pastol, kilala Niya angKanyang mga tupa, nakikilala nila ang Kanyang tinig, tinitipon Niya sila saKanyang kawan, at iba pa). Pagkatapos ay ipabasa nang malakas sa isang

107

Page 124: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

estudyante ang Juan 10:14–16 habang tahimik na sumasabay sa pagbasa ang klase.Itanong sa mga estudyante:

• Ano ang sinabi ng Tagapagligtas tungkol sa Kanyang “ibang mga tupa”?

• Sino ang “ibang mga tupa” na binanggit ni Jesus?

Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng 3 Nephi15:16–21. Pagkatapos ay itanong:

• Anong mahahalagang katotohanan ang inihayag ni Jesus sa mga Nephitatungkol sa Kanyang “ibang mga tupa”? (Ang isang katotohanan ay nangmagsalita si Jesus sa mga Judio tungkol sa “ibang mga tupa,” tinutukoyNiya ang ibang mga tao na sumunod sa Kanya, kabilang na ang mga inaponi Lehi na naninirahan sa lupain ng Amerika.)

• Bakit hindi alam ng mga Judio sa Jerusalem ang tungkol sa Kanyang “ibangmga tupa”?

Ituro sa mapa ang mga lupain ng Amerika, at pagkatapos ay ipabasa nang tahimiksa mga estudyante ang 3 Nephi 16:1–3 at Mosias 27:30. Matapos ang sapat na oras,itanong:

• Saan pa sinabi ng Tagapagligtas na ihahayag Niya ang Kanyang sarili saKanyang mga tao?

• Bakit mahalagang malaman na bibisitahin ng Tagapagligtas ang Kanyang “mgatupa” sa ibang mga bansa? (Malinaw na ipaliwanag na bagama’t dinalawmismo ng Tagapagligtas ang ibang mga tao o bansa, kadalasang inihahayag ngTagapagligtas ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpapahiwatig ngEspiritu Santo. Ipaliwanag sa mga estudyante na sa pamamagitan ngpagmiministeryo sa Kanyang mga tupa, tumutulong si Jesus na maisakatuparanang tipan ng Kanyang Ama na tipunin silang pabalik sa Kanyangkinaroroonan.)

Magpatotoo na mahal tayong lahat ni Jesucristo at ipakikita Niya ang Kanyangsarili sa lahat ng yaong nabibilang sa Kanyang mga tupa. Hangad Niyangtipunin ang lahat ng anak ng Ama sa Langit, saanman sila naroon, pabalik sakinaroroonan ng Ama.

3 Nephi 11:8–17Si Jesucristo ay nagministeryo sa Kanyang mga tagasunod nang isa-isaBasahin nang malakas ang 3 Nephi 11:8–17, at sabihin sa mga estudyante natahimik na sumabay sa pagbasa at isipin o ilarawan sa isipan na kunwari ay naroonsila sa templo sa lupaing Masagana. Matapos mong magbasa, itanong sa mgaestudyante kung ano ang pinakahinangaan nila tungkol sa mga salita at kilos ngTagapagligtas sa mga talatang ito. Kung kinakailangan, itanong ang ilan o lahat ngmga sumusunod na tanong:

• Ano sa palagay ninyo ang nais ni Jesucristo na malaman ng mga taong naroonsa templo noong araw na iyon tungkol sa Kanya? (Kabilang sa iba pang mgakatotohanan, dapat matukoy ng mga estudyante ang sumusunod: Ang

LESSON 20

108

Page 125: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Tagapagligtas ay nagministeryo sa Kanyang mga tagasunod nang “isa-isa”[3 Nephi 11:15; tingnan din sa sa 3 Nephi 17:21].)

Sinasabing mayroong mga 2,500 katao roon (tingnan sa sa 3 Nephi 17:25), ano angitinuturo sa atin ng paanyaya ng Tagapagligtas sa bawat tao na hipuin ang mgasugat sa Kanyang tagiliran, mga kamay, at paa tungkol sa Kanyang pagmamahalpara sa bawat isa sa atin?

• Paano naaangkop sa bawat isa sa atin ngayon ang paanyaya ni Jesucristo sa3 Nephi 11:14?

• Sa palagay ninyo, paano makakaapekto sa inyo ang makita at mahipo ang mgasugat ng Tagapagligtas?

Para sa halimbawa na nagpapakita ng pagmamalasakit ng Panginoon sa bawat isasa atin, maaari mong ibahagi ang sumusunod na karanasan na ikinuwento ni ElderRonald A. Rasband ng Panguluhan ng Pitumpu:

“Sa mga huling buwan ng aming misyon … , nagkaroon kami ng karanasan naminsan pang nagturo sa malalim na alituntuning ito na ang bawat isa sa atin aykilala at mahal ng Diyos.

“Paparating noon si Elder Neal A. Maxwell sa New York City para sa ilanggawain sa Simbahan at sinabihan kaming nais din niyang magkaroon ngkumperensya sa misyon. Tuwang-tuwa kami sa pagkakataong ito na makarinig

mula sa isa sa mga piling lingkod ng Panginoon. Inatasan akong pumili ng isa sa amingmisyonero na magbibigay ng pambungad na panalangin sa pulong. [Maaaring] basta ko nalamang [piliin] ang isa sa mga misyonero upang manalangin, ngunit nadama kong dapat kongpag-isipan at ipanalangin ang isa na nais ng Panginoon na hilingan ko ng panalangin. Sapagtingin sa listahan ng mga misyonero, isang pangalan ang naging kapansin-pansin sa akin:Elder Joseph Appiah ng Accra, Ghana. Siya ang nadama kong nais ng Panginoon na magbigay ngpanalangin sa pulong.

“Bago sumapit ang kumperensya ng misyon, nagtakda ako ng panayam kay Elder Appiah atsinabi sa kanya ang inspirasyong natanggap ko na siya ang mananalangin. Sa pagkagulat atkababaang-loob na nabanaag sa kanyang mga mata, nagsimula siyang umiyak. Sa pagkabigla sakanyang reaksiyon, sinimulan kong sabihin sa kanya na ayos lang at hindi niya kailangangmanalangin, nang sabihin niya sa akin na ikalulugod niyang manalangin, na ang kanyangdamdamin ay sanhi ng pagmamahal niya kay Elder Maxwell. Sinabi niya sa akin na ang Apostolna ito’y lubhang espesyal sa mga Banal sa Ghana at sa kanyang sariling mag-anak. Si ElderMaxwell ang tumawag sa kanyang ama upang maging pangulo ng distrito sa Accra at siya angnagbuklod sa kanyang ina at ama sa Templo sa Salt Lake.

“Wala akong alam sa naikuwento ko tungkol sa misyonerong ito ni tungkol sa kanyangmag-anak, ngunit batid ng Panginoon at binigyang-inspirasyon ang isang pangulo ng misyon[para sa] isang misyonero upang magbigay ng habambuhay na alaala at nakapagpapalakas napatotoo” (“Bawat Isa,” Liahona, Ene. 2001, 29–30).

Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali na basahing muli ang 3 Nephi11:15–17. Pagkatapos ay itanong:

• Kailan ninyo nadama na kilala kayo nang personal ng Ama sa Langit at niJesucristo?

LESSON 20

109

Page 126: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ano ang ginawa ng mga tao na nasa templo pagkatapos makatanggap ngpersonal at indibiduwal na patotoo tungkol sa pagiging Diyos ng Tagapagligtas?

Itanong sa mga estudyante kung mayroon sa kanila na gustong magpatotootungkol sa Tagapagligtas at sa pagmamahal na nadama nila mula sa Kanya.Magpatotoo na kahit hindi natin pisikal na nahawakan ang mga kamay at paa ngTagapagligtas, nagmiministeryo pa rin Siya sa atin sa personal na paraan. Hikayatinang mga estudyante na pag-isipan kung paano nila mapapasalamatan ang Ama saLangit at si Jesucristo para sa pagmamahal na personal nilang nadama mulasa Kanila.

3 Nephi 11–28Ang Tagapagligtas ay nagministeryo sa mga NephitaUpang matulungan ang mga estudyante na malaman ang iba pang mahahalagangaspeto ng ministeryo ng Tagapagligtas sa mga Nephita, bigyan sila ng ilang minutona mabasa nang mabilis ang mga chapter heading para sa 3 Nephi 11–28. Sabihinsa klase na tukuyin at isulat ang mahahalagang aspeto ng ministeryo ngTagapagligtas sa mga Nephita. Habang nagsasaliksik ang mga estudyante, maglibotsa loob ng klase at tingnan ang mga nakita nila. Kung nahihirapan silang mahanapang mga sagot, hikayatin silang tingnan ang isa sa mga sumusunod na scripturepassage (ang mga salitang nasa panaklong ay para lamang sa paggamit ng titser):

3 Nephi 11:19–27 (nagbigay ng awtoridad ng priesthood sa Kanyang mgadisipulo)

3 Nephi 11:31–40 (naghayag ng Kanyang doktrina)

3 Nephi 12–14 (nagturo ng kahalintulad sa kanyang Sermon sa Bundok saBagong Tipan)

3 Nephi 17:5–25 (nagpagaling ng maraming tao at nagbasbas ng mga bata)

3 Nephi 18:1–12 (nangasiwa sa sakramento)

3 Nephi 19:19–29 (nanalangin para sa labindalawang Nephitang disipulo)

3 Nephi 20:24–29 (nagturo ng tungkol sa tipan ng Ama na tipunin ang Israel)

3 Nephi 23 (nag-utos na idagdag ang mga partikular na mga banal na kasulatansa mga talaan ng mga Nephita)

3 Nephi 27:1–10 (nag-utos na tawagin sa Kanyang pangalan ang Simbahan)

Matapos ang sapat na oras, sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang nahanapnila sa pagsasaliksik nila sa banal na kasulatan. Habang ipinapaliwanag ng mgaestudyante ang mga aspeto ng ministeryo ng Tagapagligtas na natukoy nila, maaarimong gamitin ang ilan o lahat ng mga sumusunod na tanong upang makatulongsa talakayan sa klase:

• Ano ang maaaring epekto ng aspetong ito ng ministeryo ng Tagapagligtas samga tao?

• Bakit makatutulong na kilalanin at pag-aralan kung ano ang ginawa niJesucristo bilang lider o guro?

LESSON 20

110

Page 127: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang sumusunod na tanong at isulat angmga naisip nila:

• Isinasaalang-alang ang pinag-aralan natin ngayon, ano sa palagay ninyo angipagagawa sa inyo ng Ama sa Langit upang matularan ang halimbawa niJesucristo sa paglilingkod ninyo sa mga taong nakapalibot sa inyo, kabilang naang mga estranghero, kapamilya, mga kaibigan, o yaong pinaglilingkuran ninyosa tungkulin ninyo sa Simbahan?

Tapusin ang lesson na nagpapatotoo sa mga katotohanang naituro sa klase ngayon.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Juan 10:11–16; 3 Nephi 11:1–17; 15:16–21; 16:1–3.

• Ronald A. Rasband, “Bawat Isa,” Liahona, Ene. 2001, 29–30.

LESSON 20

111

Page 128: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

21

Itinatag ni Jesucristo angKanyang Simbahan

PambungadSa Kanyang tatlong taong ministeryo sa lupa, ipinagkaloob niJesucristo ang mga susi ng priesthood sa KanyangLabindalawang Apostol. Gamit ang mga susing ito, angSimbahan ni Jesucristo ay “[naitayo] sa ibabaw ngkinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta” (Mga TagaEfeso 2:20.) Tatalakayin sa lesson na ito kung paano,

pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli, patuloy naginabayan at pinamahalaan ng Tagapagligtas ang Kanyangmga Apostol at Kanyang Simbahan sa pamamagitan ngpatnubay ng Espiritu Santo upang makatulong sila sapagsasakatuparan ng tipang Abraham na tipunin ang nakalatna Israel.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Jeffrey R. Holland, “Mga Propeta, Tagakita, at Tagapaghayag,” Ensign o Liahona,

Nob 2004, 6–9.

Mga Mungkahi sa PagtuturoMateo 10:1–4; 16:19; 17:3–7; 18:18; Mga Taga Efeso 2:19–20; 4:11–14Itinatag ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa ibabaw ng kinasasaligan ng mgaapostol at propetaMagpakita ng isang susi o isang set ng mga susi sa mga estudyante, at itanongkung ano ang ibig sabihin kapag ginagamit natin ang mga salitang mga susi sakonteksto ng ebanghelyo. Sabihin sa ilang estudyante na magsalitan sa pagbasanang malakas ng mga scripture passage sa sumusunod na scripture chain. Sabihinsa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa at tukuyin ang mahalagang pangyayarina inilarawan o binanggit sa bawat scripture passage.

Mateo 10:1–4 (Tumawag ng mga Apostol at inatasan sila)

Mateo 16:19 (Ang mga susi ng priesthood ay ipinangako kay Pedro [tingnan saGabay sa mga Banal na Kasulatan, “Susi ng Pagkasaserdote, Mga”;scriptures.lds.org].)

Mateo 17:3–7 (“Ibinigay ng Tagapagligtas, ni Moises, at ni Elias [Elijah] angmga susi kina Pedro, Santiago, at Juan, sa bundok, nang magbagong-anyo silasa kanyang harapan” [Mga Turo ng mga Pangulo ng Simbahan: Joseph Smith(2007), 122].)

Mateo 18:18 (Ang pagbanggit sa pagtatali at pagkakalag sa lupa at sa langit aytumutukoy sa mga susi ng priesthood na ipinangako rin sa ibang mga Apostol.)

Maaari mong ipaliwanag na ang “mga susi” na nabanggit o tinukoy sa mgascripture passage ay kasing kahulugan ng kapangyarihang magbuklod (tingnan saBoyd K. Packer, The Holy Temple [1980], 81–87).

Itanong sa mga estudyante:

112

Page 129: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ano ang ibig sabihin ng mga susi ng priesthood?

• Bakit mahalaga na hawak ng mga Apostol ang mga susi ng priesthood?

Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ngKorum ng Labindalawang Apostol:

“‘Ang mga susi ng priesthood ay ang awtoridad na ibinigay ng Diyos sa mga[mayhawak] ng priesthood upang gabayan, pangasiwaan, at pamahalaan angpaggamit ng Kanyang priesthood sa mundo’ [Handbook 2: Administering theChurch [2010], 2.1.1]. Bawat gawain o ordenansang isinasagawa sa Simbahan ayginagawa sa ilalim ng direkta o hindi direktang awtoridad na ibinigay ngmayhawak ng mga susi para sa gawaing iyon. Gaya ng ipinaliwanag ni Elder

M. Russell Ballard, ‘Yaong may mga susi ng priesthood … ay literal na ginagawang posible parasa lahat ng matatapat na naglilingkod sa ilalim ng kanilang pamamahala na gamitin angawtoridad ng priesthood at magkaroon ng access sa kapangyarihan ng priesthood’ [M. RussellBallard, “Kalalakihan at Kababaihan sa Gawain ng Panginoon,” New Era, Abr. 2014, 4; Liahona,Abr. 2014, 48]” (“Ang mga Susi at Awtoridad ng Priesthood,” Ensign o Liahona, Mayo 2014, 49).

• Sa anong mga paraan pinagpapala ng mga susi ng priesthood ang bawatmiyembro ng Simbahan?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mga Taga Efeso 2:19–20. Pagkataposay itanong sa klase:

• Ano ang matututuhan natin mula sa scripture passage na ito tungkol sapagkakatatag ng Simbahan ng Tagapagligtas? (Dapat matukoy ng mgaestudyante ang sumusunod na katotohanan: Si Jesucristo, na siyangpangulong bato sa panulok, ay itinatag ang Kanyang Simbahan sa ibabawng kinasasaligan ng mga apostol at propeta.)

• Ano ang nagagawa ng pundasyon at bato sa panulok para sa isang gusali? (Angpundasyon ay nagpapatatag at sumusuporta sa gusali. Kapag inilagay angunang bato sa isang pundasyon, ang bato sa panulok ang reference point obatayan para sa paglalagay ng lahat ng iba pang mga bato ng pundasyon atnagtatakda sa posisyon ng buong gusali. Ito rin ay tumutulong para maayos namailagay o maiposisyon ang mga pader.)

Sabihin sa mga estudyante na talakayin sa taong katabi nila ang mga sumusunodna tanong:

• Sa paanong paraan naging “pangulong bato sa panulok” ng Simbahan siJesucristo?

• Ano ang itinuturo sa atin ng banal na kasulatang ito tungkol sa kaugnayan ngTagapagligtas (ang bato sa panulok) at ng mga apostol at propeta (angpundasyon)?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mga Taga Efeso 4:11–14. Sabihin saklase na tahimik na sumabay sa pagbasa at tukuyin ang mga dahilan na ibinigay niPablo kung bakit kailangan natin ang mga apostol, propeta, at iba pang mga liderng Simbahan para gabayan ang mga Banal.

LESSON 21

113

Page 130: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Upang makapagtatag ng isang simbahang magpapatuloy sa ilalim ng Kanyangdireksyon kahit wala na Siya sa mundo, si Jesus ay ‘napasa bundok upangmanalangin; at sa buong magdamag ay nanatili siya sa pananalangin sa Dios.

“‘At nang araw na, ay tinawag niya ang kanyang mga alagad; at siya’y humirangng labingdalawa sa kanila, na tinawag naman niyang mga apostol’ [Lucas6:12–13].

“Sa huli’y ituturo ni Pablo na ginawa ito ng Tagapagligtas, kahit batid ang Kanyang tiyak nakamatayan, upang bigyan ang Simbahan, ng ‘[kasasaligang] mga apostol at … mga propeta’[tingnan sa Mga Taga Efeso 2:19–20]. Ang mga Kapatid na ito at iba pang mga pinuno ngSimbahan ay maglilingkod ayon sa patnubay ng nabuhay na mag-uling Cristo.

“Bakit? Ang ilan sa mga dahilan ay ‘upang [mula ngayon] tayo’y huwag nang maging mga batapa, na napapahapay dito’t doon at dinadala sa magkabi-kabila ng lahat na hangin ng aral, sapamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian’ [MgaTaga Efeso 4:14]” (“Mga Propeta, Tagakita, at Tagapaghayag,” Ensign o Liahona, Nob.2004, 6–7).

• Sa anong mga paraan ninyo nakita ang mga apostol at propeta sa makabagongpanahong ito na nagpapalakas at nagpapatatag sa Simbahan?

Mga Gawa 2:1–6, 14–26; 4:1–13, 18–21; Mga Gawa 10:9–20, 25–28, 34–35,44–48; Mga Gawa 15:1–20Pinatnubayan ni Jesucristo ang mga Apostol sa pamamagitan ng Espiritu SantoIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang Mga Gawa 1:1–2. Pagkatapos ayitanong sa klase:

• Ayon kay Lucas, paano patuloy na pinamumunuan ng nabuhay na mag-uling siJesucristo ang Kanyang mga Apostol matapos Siyang umakyat sa langit?(Nagbigay Siya ng mga kautusan at tagubilin sa pamamagitan ngEspiritu Santo.)

Magpatotoo na matapos ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli at Pag-akyat saLangit, pinatnubayan ni Jesucristo ang mga Apostol sa pamamagitan ngpaglilingkod ng Espiritu Santo. Upang matulungan ang mga estudyante namakakita ng mga halimbawa ng patnubay na ito, hatiin ang klase sa apat na grupoat bigyan sila ng mga sumusunod na assignment:

• Pag-aralan ang Mga Gawa 2:1–6, 14–26, at alamin kung paano tinulungan ngEspiritu Santo si Pedro at ang mga Apostol sa araw ng Pentecostes.

• Pag-aralan ang Mga Gawa 4:1–13, 18–21, at alamin kung paano tinulungan ngEspiritu Santo si Pedro sa pagtugon sa mga pinunong Judio.

• Pag-aralan ang Mga Gawa 10:9–20, 25–28, 34–35, 44–48, at alamin kung paanoinihayag kay Pedro ang isang mahalagang pagbabago sa Simbahan.

• Pag-aralan ang Mga Gawa 15:1–20, at alamin kung paano nakaimpluwensyaang nakaraang paghahayag mula kay Jesucristo sa pamamagitan ng Espiritu

LESSON 21

114

Page 131: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Santo sa desisyon ni Pedro at sa suporta na ibinigay ng iba pang mga lider ngSimbahan sa desisyong ito sa pulong sa Jerusalem.

Matapos ang sapat na oras, itanong sa mga tao mula sa bawat grupo na ibuod angnabasa nila at ipaliwanag kung paano ginabayan ni Jesucristo ang mga lider ngSimbahan sa pamamagitan ng paglilingkod ng Espiritu Santo. Ipaliwanag naginagawa ng Espiritu Santo ang Kanyang mga tungkulin ayon sa tagubilin ngTagapagligtas (tingnan sa Juan 16:13–14).

Maaari mong gamitin ang 3 Nephi 19:7–9, 19–20 upang maipakita na tumanggapdin ang mga pinuno ng Simbahan na nababasa natin sa Aklat ni Mormon ngtulong mula sa Espiritu Santo para sa kanilang paglilingkod.

Talakayin sa mga estudyante ang sumusunod na tanong:

• Paano ninyo ipaliliwanag sa isang tao kung bakit mahalagang malaman napagkatapos ng Kanyang kamatayan, patuloy na pinatnubayan ni Jesucristo angKanyang mga Apostol?

Pinapatnubayan ni Jesucristo ang mga lider ng Simbahan ngayon sapamamagitan ng Espiritu SantoIpakita ang mga sumusunod na pahayag nina Pangulong Thomas S. Monson atPangulong Henry B. Eyring ng Unang Panguluhan (o ipamahagi ang mga ito saklase), at ipabasa ang mga ito nang malakas sa isang estudyante:

“Nagpapatotoo ako … na ang ating Tagapagligtas na si Jesucristo ang pinunong Simbahang ito na nagtataglay ng Kanyang pangalan. Alam ko na angpinakamatamis na karanasan sa buhay ay ang madama ang Kanyang mgapahiwatig habang ginagabayan Niya tayo sa pagsusulong ng Kanyang gawain”(Thomas S. Monson, “Paglingon at Pagsulong,” Ensign o Liahona, Mayo2008, 88).

“Dumating [kay Pangulong Thomas S. Monson] ang paghahayag at inspirasyonsa harapan ko, na nagpapatunay sa akin na iginagalang ng Diyos [ang mga susing priesthood na hawak ng propeta]. Isa akong saksi” (Henry B. Eyring, “AngTotoo at Buhay na Simbahan,” Ensign o Liahona, Mayo 2008, 24).

• Paano inilalarawan ng mga pahayag na ito ang kaugnayan ng Simbahan saBagong Tipan at ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga HulingAraw? (Tulungan ang mga estudyante na maunawaan ang sumusunod nakatotohanan: Katulad ng pagpatnubay ni Cristo sa Kanyang mga Apostolsa panahon ng Bagong Tipan, pinapatnubayan Niya ang mga lider ngSimbahan ngayon sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan, kabilang angpaglilingkod ng Espiritu Santo.)

LESSON 21

115

Page 132: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Ipabasa sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni Elder Jeffrey R. Hollandng Korum ng Labindalawang Apostol. Sabihin sa klase na pakinggan at isipin kungbakit kailangang patnubayan ng Tagapagligtas ang mga lider ng Simbahan.

“Ang pundasyon ng mga apostol at propeta ng Simbahan ang magpapala salahat ng oras, ngunit lalo na sa oras ng pagsubok o panganib, sa oras na damanating [parang] mga bata tayo, lito o hilo, marahil ay medyo takot, sa oras naang kahalayan ng tao o masamang hangarin ng diyablo ay magtatangkangmanggulo o magligaw. Para makapaghanda sa ganitong mga pagkakataon tuladsa ating panahon ngayon, ang Unang Panguluhan at Korum ng Labindalawa ay

inatasan ng Diyos at sinang-ayunan ninyo bilang mga propeta, tagakita at tagapaghayag.Kasama dito ang Pangulo ng Simbahan na sinang-ayunan bilang ang propeta, tagakita attagapaghayag, at [senior] na Apostol, at sa gayo’y siya ang tanging binigyan ng karapatan nagamitin ang lahat ng susi sa paghahayag at pamamahala sa Simbahan. Sa panahon ng BagongTipan, sa panahon ng Aklat ni Mormon, at sa makabagong panahon ang mga opisyal na ito angbumubuo ng saligang bato ng totoong Simbahan, na nakapaligid at tumatanggap ng lakas mulasa pangulong bato sa panulok na ‘bato ng ating Manunubos, na si [Jesu]cristo, ang Anak ngDiyos’ [Helaman 5:12]” (“Mga Propeta, Tagakita, at Tagapaghayag,” Ensign o Liahona, Nob.2004, 7).

Isunod na itanong sa mga estudyante ang ilan o lahat ng mga sumusunod:

• Sa inyong palagay, ano ang ibig sabihin ng “nakapaligid” ang mganamumunong lider ng Simbahan at kumukuha ng lakas mula sa pangulongbato sa panulok, na si Jesucristo?

• Anong katibayan ang nakita ninyo o kailan ninyo nadama na pinapatnubayanng Tagapagligtas ang mga namumuno sa Simbahan ngayon?

• Sa paanong paraan nakatulong sa inyo ang pagdalo sa pangkalahatangkumperensya para mapalapit kay Cristo at mapatatag sa pundasyon nakinasasaligan ng mga apostol at propeta?

Idispley o isulat sa pisara ang mga sumusunod na tanong. Sabihin sa mgaestudyante na pag-isipan ang mga tanong at pagkatapos ay isulat sa kanilangjournal o scripture study journal ang plano nila upang bumuti pa sa aspetong iyon.

Ano ang magagawa ko para lumakas ang aking patotoo tungkol sa mga Apostol ngTagapagligtas sa makabagong panahong ito?

Paano ako mas magtitiwala sa mga propeta sa makabagong panahong ito upangmakasalig ako kay Jesucristo?

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mateo 10:1–4; 16:19; 17:3–7; 18:18; Mga Gawa 2:1–6, 14–26; 4:1–13, 18–21; Mga

Gawa 10:9–20, 25–28, 34–35, 44–48; Mga Gawa 15:1–11, 13–19; Mga Taga Efeso2:19–20; 4:11–14.

LESSON 21

116

Page 133: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Jeffrey R. Holland, “Mga Propeta, Tagakita, at Tagapaghayag,” Ensign o Liahona,Nob 2004, 6–9.

LESSON 21

117

Page 134: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

22

Ang Ama at ang Anak ayNagpakita kay Joseph Smith

PambungadIpinahayag sa “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mgaApostol”: “Sa makabagong daigdig, [si Jesucristo] at angKanyang Ama ay nagpakita sa batang lalaking si JosephSmith, upang pasimulan ang matagal nang ipinangakong‘kaganapan ng mga panahon’ (Mga Taga Efeso 1:10)”(Ensign o Liahona, Abr. 2000, 3). Ang lesson na ito ay

magtutuon sa mahalagang bahagi ng Unang Pangitain sadoktrina ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal samga Huling Araw at sa bahagi ng Tagapagligtas sapangitaing iyon. Bibigyang-diin din ng lesson na ito na angpag-aaral ng Unang Pangitain ay nagpapalakas sa atingpananampalataya sa Diyos Ama at kay Jesucristo.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Gordon B. Hinckley, “Ang Kagila-gilalas na Pundasyon ng Ating

Pananampalataya,” Ensign o Liahona, Nob. 2002, 78–81.

• Dieter F. Uchtdorf, “Ang mga Bunga ng Unang Pangitain,” Ensign o Liahona,Mayo 2005, 36–38.

• Neil L. Andersen, “Joseph Smith,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 28–31.

Mga Mungkahi sa PagtuturoJoseph Smith—Kasaysayan 1:14–17Nakita ni Joseph Smith ang Diyos Ama at ang Kanyang Anak na si JesucristoPagtibayin ang konteksto ng lesson na ito sa pamamagitan ng mabilis na pagrebyung Joseph Smith—Kasaysayan 1:5–12. Pagkatapos ay sabihin sa mga estudyante naihalintulad ang scripture passage na ito sa ating panahon na binibigyang-diin angpagkakatulad ng mga karanasan ni Joseph Smith sa paghahanap ng katotohanan atng mga karanasan ng mga taong naghahanap ng katotohanan sa ating panahon.(Dapat kabilang sa mga sagot ang sumusunod: Maraming pagtatalu-talo sa iba’tibang simbahan. Hindi malaman ni Joseph Smith kung aling simbahan ang totoogamit ang lohika at talino. Ang mga pinuno ng relihiyon ay magkakaiba ngpakahulugan sa parehong mga talata ng banal na kasulatan.)

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:14–15.Pagkatapos ay itanong sa klase:

• Sa palagay ninyo, bakit tinangka ni Satanas na pigilan si Joseph Smith sapagdarasal? (Maaaring kabilang sa mga sagot ang sumusunod: Kilala niSatanas si Joseph Smith doon sa buhay bago ang mortal na buhay na ito atalam niya na ang misyon ni Joseph na inorden noon pa man ay tumulong sapagpapanumbalik ng katotohanan sa lupa. Tinangka ni Satanas nahadlangan ito.)

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang JosephSmith—Kasaysayan 1:16–17 at isulat ang mga doktrina na makikita sa patotoo ni

118

Page 135: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Joseph Smith. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante na ibahagiang mga doktrinang nakita nila.

Maaari mong ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Christoffel Golden ngPitumpu:

“Isinulat ng Propeta: ‘Nakakita ako ng dalawang Katauhan, na ang liwanag atkaluwalhatian ay hindi kayang maisalarawan, nakatayo sa hangin sa itaas ko.Ang isa sa kanila ay nagsalita sa akin, tinatawag ako sa aking pangalan, atnagsabi, itinuturo ang isa—Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak. PakingganSiya!’ [Joseph Smith—Kasaysayan 1:17].

“Ang karanasang ito ng batang si Joseph, na sinundan ng maraming iba pangmga pangitain at paghahayag, ay naghahayag na talagang mayroong Diyos; ang Ama at angKanyang Anak na si Jesucristo ay dalawang hiwalay at magkaibang nilalang; ang tao ay nilikhasa wangis ng Diyos; ang ating Ama sa Langit ay literal na Ama ni Jesucristo; patuloy nainihahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili sa tao; ang Diyos ay laging nariyan at nagmamalasakitsa atin; at sinasagot Niya ang ating mga dalangin” (“Ang Ama at ang Anak,” Ensign o Liahona,Mayo 2013, 100).

• Paano ninyo ilalarawan ang kahalagahan ng Unang Pangitain ni Joseph Smithsa teolohiya ng mga Banal sa mga Huling Araw? (Kapag nakasagot na ang mgaestudyante, bigyang-diin ang sumusunod: Ang pangitain ni Joseph Smithtungkol sa Ama at sa Anak ay nagpanumbalik ng maramingmahahalagang katotohanan sa mundo.)

• Paano ninyo ilalarawan ang kahalagahan ng Unang Pangitain ni Joseph Smithsa mga naghahanap ng katotohanan ngayon?

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008),at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang buong katayuan natin bilang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristong mga Banal sa mga Huling Araw ay nakasalalay sa katotohanan ngmaluwalhating Unang Pangitain na ito. … Wala sa pinagbabatayan natin ngdoktrina, wala sa itinuturo natin, wala sa ipinamumuhay natin ang mas hihigit pasa naunang pahayag na ito. Naniniwala ako na kung nakausap ni Joseph Smithang Diyos Ama at ang Kanyang Pinakamamahal na Anak, kung gayon lahat ng

iba pang sinabi niya ay totoo. Ito ang pangyayaring nagbigay-daan tungo sa landas ngkaligtasan at buhay na walang hanggan” (“What Are People Asking about Us?” Ensign, Nob.1998, 71).

• Bakit “ang buong katayuan natin bilang mga miyembro ng Ang Simbahan niJesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw” ay nakasalalay sa katotohananng Unang Pangitain? (Dapat maunawaan ng mga estudyante na kung mali angsalaysay ni Joseph Smith, hindi nangyari ang Pagpapanumbalik ng Simbahan niJesucristo; gayunpaman, kung totoo ang salaysay ni Joseph Smith, angPanunumbalik na ito ay totoong nangyari at ang ipinanumbalik naebanghelyo ay totoo.)

LESSON 22

119

Page 136: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Paano kayo nagkaroon ng patotoo sa katotohanan ng Unang Pangitain?

Sabihin sa mga estudyante na simulang pag-isipan kung ano ang maaari nilanggawin para mas mapagtibay ang patotoo nila sa katotohanan ng Unang Pangitain.Maaari mong ibahagi ang sumusunod na pahayag ni Elder Neil L. Andersen ngKorum ng Labindalawang Apostol:

“Sa mga kabataang nakikinig ngayon o nagbabasa ng mga salitang ito, mayhamon ako sa inyo: Magkaroon ng sariling patotoo tungkol kay PropetangJoseph Smith. … Basahin ang patotoo ni Propetang Joseph Smith saMahalagang Perlas. … Ito ang sariling patotoo ni Joseph tungkol sa tunay nanangyari. Basahin ito nang madalas. Isiping irekord ang patotoo ni Joseph Smithsa sarili ninyong tinig, pakinggan ito palagi, at ibahagi ito sa mga kaibigan. Ang

pakikinig sa patotoo ng Propeta sa sarili ninyong tinig ay makatutulong sa pagkakaroon ninyo ngpatotoong hangad ninyo” (“Joseph Smith,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 30).

Bago magpatuloy, ipaliwanag sa mga estudyante na hindi lamang sa UnangPangitain nakausap ng Tagapagligtas si Joseph Smith at ang iba pa sadispensasyong ito. Halimbawa, nagpakita si Jesucristo kay Joseph Smith at sa ibapang mga lider ng Simbahan nang ilang beses noong mga unang araw ngPanunumbalik (para sa halimbawa, tingnan sa D at T 76:22–24; 110:1–10).

Joseph Smith—Kasaysayan 1:17–20“Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak. Pakinggan Siya!”Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:17, atitanong sa kanila kung ano ang ginawa ng Ama sa Langit nang magpakita Siya kayJoseph Smith. (Ipinakilala Niya ang Kanyang Anak.) Maaari mo ring itanong samga estudyante kung pinag-isipan ba nila kung bakit ang partikular na bahagingito ng Unang Pangitain ay mahalaga. Basahin sa iyong mga estudyante ang mgasumusunod na pahayag ni Pangulong Joseph Fielding Smith (1876–1972):

“Ang lahat ng paghahayag simula sa pagkahulog ay dumating sa pamamagitanni Jesucristo. … … Ang Ama ay hindi kailanman nakitungo nang tuwiran atpersonal sa tao mula noong pagkahulog, at hindi nagpakita kailanman malibanpara ipakilala at patunayan ang Anak” (Doctrines of Salvation, tinipon niBruce R. McConkie, 3 tomo [1954–56], 1:27).

“Noong nasa Halamanan ng Eden si Adan, siya ay nasa presensya ng Diyos naating Walang Hanggang Ama. Pagkatapos ng kanyang pagkahulog, pinaalis siya sa harapan ngAma. … Pagkatapos, ayon sa mga banal na kasulatan, si Jesucristo ay naging Tagapamagitan niAdan at ng kanyang mga anak [tingnan sa I Ni Juan 2:1; D at T 29:5; 110:4], [I Kay Timoteo 2:5;Sa Mga Hebreo 9:15], na namamagitan sa sangkatauhan at sa Walang Hanggang Ama,nagsusumamo para sa atin. Mula sa panahong iyon ay si Jesucristo ang namamahala sa kanyangmga tagapaglingkod sa lupa at nagbigay ng paghahayag at patnubay sa mga propeta. Kung siJoseph Smith ay isang manlilinlang … hindi niya sasabihing ang Ama ang nagpakilala sa Anak,at nagsabing sa Anak siya magtanong at ang Anak ang nagbibigay ng sagot” (Answers toGospel Questions, tinipon ni. Joseph Fielding Smith Jr., 5 tomo [1957–66], 3:58).

LESSON 22

120

Page 137: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Sa Unang Pangitain, nang magtanong si Joseph Smith kung aling sekta angtama, sinong katauhan ang sumagot sa kanyang tanong?

• Ayon kay Pangulong Joseph Fielding Smith, bakit mahalaga para kay JosephSmith na itala na ipinakilala ng Ama sa Langit si Jesucristo at si Jesucristo angsumagot sa mga tanong ni Joseph? (Dapat maunawaan ng mga estudyante angsumusunod na katotohanan: Simula sa Pagkahulog nina Adan at Eva, lahatng paghahayag ay dumating sa pamamagitan ni Jesucristo.)

• Ngayong nauunawaan na ninyo ang paraang ito sa pagbibigay ng paghahayag,paano ito nakakaapekto sa inyong paniniwala sa katotohanan ng salaysay ngPropeta tungkol sa kanyang pangitain?

Ang Unang Pangitain ay tumutulong sa atin na magkaroon ngpananampalataya kay JesucristoIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag niPangulong Dieter F. Uchtdorf ng Unang Panguluhan:

“Sa ganitong paraan biniyayaan ng Unang Pangitain ni Joseph Smith ang atingsariling buhay, ang buhay ng mga pamilya, at sa huli ang buongsangkatauhan—naniwala tayo kay Jesucristo sa pamamagitan ng mga patotooni Propetang Joseph Smith. Nagpakita rin ang Diyos sa mga propeta at apostol sabuong kasaysayan ng sangkatauhan tulad noon kay Joseph. …

“… Ang lahat ng pagpapamalas na ito, noon at ngayon, ay umaakay sa mgananiniwala tungo sa banal na pinagmumulan ng lahat ng kabutihan at pag-asa—sa Diyos, angating Ama sa Langit, at sa Kanyang Anak na si Jesucristo. …

“Sa pamamagitan ng ating pananampalataya sa personal na patotoo ni Propetang Joseph Smithat sa katotohanan ng Unang Pangitain, sa pamamagitan ng pag-aaral at panalangin nangtaimtim at tapat, tayo ay bibiyayaan ng matibay na pananampalataya sa Tagapagligtas ngmundo, na nangusap kay Joseph noong ‘umaga ng isang maganda, maaliwalas na araw, satagsibol ng taong isanlibo walong daan at dalawampu’ (Joseph Smith—Kasaysayan 1:14)”(“Ang mga Bunga ng Unang Pangitain,” Ensign o Liahona, Mayo 2005, 38).

• Ayon kay Pangulong Uchtdorf, anong pagpapala ang dumarating sa pag-aaraltungkol sa Unang Pangitain? (Iba-iba man ang gamiting mga salita ng mgaestudyante, kailangan nilang matukoy ang sumusunod na alituntunin: Kapagnalaman natin ang tungkol sa Unang Pangitain, nagkakaroon tayo ng masmalaking pananampalataya sa Diyos Ama at sa Kanyang Anak na siJesucristo.)

• Sa nalaman natin tungkol sa pagdalaw ng Ama at ng Anak kay Joseph Smith,paano ito mas nagpalalim ng ating pananampalataya sa Kanila? (Maaaringkabilang sa mga sagot ang sumusunod: Ang Unang Pangitain ay isa pangpatotoo na Sila ay buhay; tinitiyak nito sa atin na nagmamalasakit Sila sa mgaginagawa ng tao; katibayan ito na pinakikinggan at sinasagot Nila ang mgapanalangin.)

• Ano ang naitulong ng Unang Pangitain sa inyong patotoo tungkol saPanunumbalik?

LESSON 22

121

Page 138: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ano ang magagawa ninyo sa susunod na linggo upang mapalakas omakatanggap kayo ng pagpapatibay sa inyong patotoo tungkol sa UnangPangitain?

Hikayatin ang mga estudyante na mag-ukol ng ilang oras na pagnilayan atipagdasal sa darating na mga araw ang tungkol sa Unang Pangitain. Sabihin sakanila na isulat ang mga naisip at nadama nila tungkol sa sagradong karanasan niJoseph Smith.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Joseph Smith—Kasaysayan 1:5–26.

• Dieter F. Uchtdorf, “Ang mga Bunga ng Unang Pangitain,” Ensign o Liahona,Mayo 2005, 36–38.

• Neil L. Andersen, “Joseph Smith,” Ensign o Liahona, Nob. 2014, 28–31.

LESSON 22

122

Page 139: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

23

Ipinanumbalik ngTagapagligtas ang KanyangPriesthood, Simbahan, atEbanghelyo

PambungadAng mga Apostol sa makabagong panahong ito aynagpatotoo: “Ipinahahayag namin nang taimtim na angpagkasaserdote [ni Jesucristo] at Kanyang Simbahan ayipinanumbalik na sa mundo” (“Ang Buhay na Cristo: AngPatotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 3). Sapagtuturo mo ng lesson na ito, tulungan ang mga estudyante

na maunawaan na bilang bahagi ng Kanyang walanghanggang ministeryo, pinamahalaan ng Tagapagligtas angPanunumbalik ng ebanghelyo at ng Kanyang Simbahan sapamamagitan ni Propetang Joseph Smith. Ang masusingpag-aaral ng Doktrina at mga Tipan ay naghahayag napinamamahalaan ni Jesucristo ang kaharian ng Diyos sa lupa.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• James E. Faust, “Ang Pagpapanumbalik ng Lahat ng Bagay,” Ensign o Liahona,

Mayo 2006, 61–62, 67–68.

• Tad R. Callister, “Ano ang Blueprint ng Simbahan ni Cristo?” (ChurchEducational System devotional para sa mga young adult, Ene. 12, 2014);LDS.org.

Mga Mungkahi sa PagtuturoJoseph Smith—Kasaysayan 1:18–20Ipinanumbalik ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan sa mga huling arawSimulan ang klase sa pagpapalista sa mga estudyante ng ilang mahahalagangbagay na maaaring itanong ng isang tao sa Ama sa Langit. Matapos ang ilangsagot, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan1:18–19. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang itinanong ni Joseph Smith sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?

• Ano ang itinugon ni Jesucristo? (Maaari mong ipaliwanag na nakatala satalata 20 na inulit ng Tagapagligtas ang Kanyang tugon: “Muli niya akongpinagbawalang sumapi sa alinman sa kanila.”)

• Kung lahat ng mga Simbahan ay “mali,” ano ang kailangang mangyari upangmaitatag sa lupa ang Simbahan ng Panginoon? (Kinakailangang ipanumbalikang Simbahan ng Panginoon na itinatag Niya sa panahon ng Bagong Tipan.)

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong James E. Faust (1920–2007) ngUnang Panguluhan, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

123

Page 140: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Naniniwala tayo na Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga HulingAraw ang ipinanumbalik na orihinal na Simbahang itinatag ni Jesucristo, naitinayo ‘sa ibabaw ng kinasasaligan ng mga apostol at ng mga propeta, na siCristo Jesus din ang pangulong bato sa panulok’ [Mga Taga Efeso 2:20]. Hindi ito[nagmula o] humiwalay sa iba [pang mga] simbahan” (“Ang Pagpapanumbalikng Lahat ng Bagay,” Ensign o Liahona, Mayo 2006, 68).

• Ano ang ibig sabihin kapag sinasabi natin na Ang Simbahan ni Jesucristo ngmga Banal sa mga Huling Araw ay pagpapanumbalik ng Simbahangitinatag ng Tagapagligtas sa panahon ng Bagong Tipan?

Sabihin sa mga estudyante na hindi sapat ang oras sa klase para maikumpara angbawat aspeto sa sinauna (ibig sabihin orihinal) na Simbahan sa ipinanumbalik naSimbahan. Gayunman, maaari mong ipabasa sa mga estudyante ang Lucas 6:13;10:1; Mga Gawa 14:23; Mga Taga Efeso 4:11; Mga Taga Filipos 1:1; at Kay Tito 1:5 attukuyin ang mga bahagi ng istruktura ng organisasyon ng sinaunang Simbahan namakikita rin sa Simbahan ngayon. (Para sa mga karagdagang halimbawa, hikayatinang mga estudyante na basahin ang “Ano ang Blueprint ng Simbahan ni Cristo?”ni Brother Tad R. Callister, Sunday School general president, na nasa bahaging MgaBabasahin ng mga Estudyante ng lesson na ito.) Ipakita ang sumusunod napahayag ni Brother Callister, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Kung itutugma ng isang tao ang … orihinal na Simbahan ni Cristo sa bawatsimbahan ngayon sa mundo, matutuklasan niya na sa bawat punto, bawatorganisasyon, katuruan, ordenansa, bunga, at paghahayag, ay isa lamang angtutugma dito—Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw”(“Ano ang Blueprint ng Simbahan ni Cristo?” [Church Educational Systemdevotional para sa mga young adult, Ene. 12, 2014]; LDS.org).

• Bakit mahalagang magkaroon ng patotoo na Ang Simbahan ni Jesucristo ngmga Banal sa mga Huling Araw ay ang ipinanumbalik na orihinal na Simbahanng Tagapagligtas? (Ang gayong patotoo ay tumutulong sa atin na maunawaanna Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang tunay naSimbahan ng Panginoon sa lupa ngayon. Dahil ang Panginoon ay siya ringkahapon, ngayon, at magpakailanman, dapat nating asahan na nakapaloob dinsa Kanyang Simbahan ang magkaparehong mga aspeto o bahagi sa bawatdispensasyon.)

Doktrina at mga Tipan 1:17, 38; 18:34–35Pinamahalaan ni Jesucristo ang gawain ng PanunumbalikIpabasa nang mabilis sa mga estudyante ang Joseph Smith—Kasaysayan 1:17 atalamin kung ano ang iniutos ng Ama sa Langit na gawin ni Joseph Smith (makinigsa Kanyang Anak). Pagkatapos ay basahin ang sumusunod na pahayag niPangulong Joseph Fielding Smith (1876–1972):

LESSON 23

124

Page 141: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Buong paghahayag mula pa noong Pagkahulog ay dumating sa pamamagitan niJesucristo” (Doctrines of Salvation, tinipon ni Bruce R. McConkie, 3 tomo [1954 –56], 1:27).

Para mailarawan ang katotohanang ito, ipabasa nang tahimik sa mga estudyanteang Doktrina at mga Tipan 1:17, 38; 18:34–35 na itinatanong sa isipan angsumusunod: Paano makatutulong sa atin ang mga talatang ito na mas maunawaanang katotohanan na pinapatnubayan at ginagabayan ni Jesucristo ang KanyangSimbahan sa pamamagitan ng paghahayag? Matapos ang sapat na oras, sabihinsa mga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Gary J. Coleman ng Pitumpu, atipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang Doktrina at mga Tipan ay isang tipan sa mga huling araw ng ministeryo niJesucristo sa mga anak ng Diyos sa pamamagitan ng mga propeta at mgatagapaglingkod ng Diyos, at naglalarawan ng paraan ng Diyos sa paghahayag nagumagabay sa Simbahan at sa mga miyembro nito ngayon” (“You Shall Have MyWord: The Personal Ministry of Jesus Christ in the Restoration,” sa You Shall HaveMy Word: Exploring the Text of the Doctrine and Covenants, ed. Scott C. Esplin,

Richard O. Cowan, at Rachel Cope, The 41st Annual Brigham Young University Sidney B. SperrySymposium [2012], 3).

• Ayon kay Elder Coleman, bakit mahalaga ang Doktrina at mga Tipan saSimbahan ngayon? (Ito ay tipan sa mga huling araw ng ministeryo ni Jesus, atipinapakita rito kung paano ginagabayan ng paghahayag ang Simbahanngayon.)

• Sa palagay ninyo bakit mahalaga para sa mga anak ng Ama sa Langit namaunawaan ang katotohanang itinuro ni Elder Coleman?

Magpatotoo na ang pagdalaw ng Tagapagligtas, mga paghahayag, at pagkakaloobng mga kapangyarihan at susi ng priesthood sa panahon ng Panunumbalik aymahalagang bahagi ng Kanyang walang hanggang ministeryo. Upang matulunganang mga estudyante na lalong maunawaan kung paano pinamahalaan ngTagapagligtas ang Panunumbalik ng walang hanggang ebanghelyo at ng KanyangSimbahan sa mga huling araw, idispley ang sumusunod na chart o ibigay ito sa mgaestudyante bilang handout (huwag isama ang mga parirala sa mga panaklong):

LESSON 23

125

Page 142: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

LESSON 23

126

Page 143: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Pinamahalaan ng Tagapagligtas ang Gawain ngPanunumbalik

Mga Doktrina ng Simbahan Mga Ordenansa ngSimbahan

Pamunuan ngSimbahan

Section heading at buod ng Doktrinaat mga Tipan 76 (Mga kaharian ngkaluwalhatian, kabilang buhay)

Doktrina at mga Tipan 84:33–39(Sumpa at tipan ng priesthood)

Doktrina at mga Tipan 128:1, 15, 18(Pagbibinyag para sa mga patay)

Doktrina at mga Tipan 131:1–4(Kinakailangan ang selestiyal na kasalpara sa kadakilaan)

Doktrina at mga Tipan 137:6–10;138:29–35 (Ang mga namatay nangwalang kaalaman ng katotohanan aymagkakaroon ng pagkakataon namatubos)

Doktrina at mga Tipan20:37, 72–74. (Mgakinakailangan para sabinyag at ang tamangparaan sa pagbibinyag)

Doktrina at mga Tipan20:70 (Pagbabasbas ngmga anak o bata)

Doktrina at mga Tipan20:75–77, 79(Pangangasiwa ngsakramento)

Doktrina at mga Tipan124:33–39 (Mgaordenansa ng templo)

Doktrina at mga Tipan132:7, 15–20. (Kasal nawalang hanggan)

Doktrina at mga Tipan20:38–59 (Mgatungkulin ng mgakatungkulan sapriesthood)

Doktrina at mga Tipan20:61–62 (Pamamahalasa regular napagpupulong ngSimbahan)

Doktrina at mga Tipan26:2 (Pangkalahatangpagsang-ayon)

Doktrina at mga Tipan107:22–27, 33–35,64–67, 85–91 (Mgatungkulin ng pamunuanng Simbahan)

Hatiin ang klase sa tatlong grupo at mag-assign ng isang column sa bawat grupo.Sabihin sa bawat estudyante na magbasa ng tatlo o apat sa mga scripture referencesa naka-assign na column sa kanila at maghandang sagutin ang mga sumusunodna tanong:

• Ano ang ipinanumbalik ng Tagapagligtas sa lupa sa pamamagitan ni PropetangJoseph Smith?

• Bakit mahalaga ang mga alituntunin o gawain na natuklasan ninyo?

Makalipas ang ilang minuto, sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang kanilangnatuklasan. Kapag nakapagbahagi na sila, bigyang-diin na pinamahalaan niJesucristo ang gawain ng Panunumbalik. Kung kinakailangan, magtanong ngmga bagay na katulad ng mga sumusunod:

• Bakit mahalagang maunawaan na patuloy na pinamamahalaan ni Jesus anggawain ng Kanyang Simbahan at ang mga lider nito?

• Anong mga karanasan ang nakatulong sa inyo na malaman na ang Simbahangito ay ang Simbahan ni Jesucristo?

Kung may oras pa, ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mgaTipan 1:30. Pagkatapos ay itanong sa klase:

• Matapos pag-isipan kung ano ang natalakay natin ngayon, bakit ang AngSimbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw “ang tanging tunay

LESSON 23

127

Page 144: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

at buhay na simbahan sa ibabaw ng buong mundo”? (Dahil ito lamang angtanging simbahan sa mundo na mayroong banal na awtoridad na ituro angebanghelyo ni Jesucristo, isagawa ang mga kinakailangang ordenansa ngkaligtasan, at tumanggap ng patuloy na paghahayag sa pamamagitan ng mgahinirang na tagapaglingkod ng Panginoon.)

Sa katapusan ng lesson, sabihin sa isang estudyante na basahin nang malakas angDoktrina at mga Tipan 76:40–42 habang tahimik na sumasabay sa pagbasa angklase. Magpatotoo na ang mga talatang ito ay buod ng walang hanggangministeryo ng Tagapagligtas. Hikayatin ang mga estudyante na isipin kung ano angmagagawa nila para pasalamatan si Jesucristo, na nagsagawa ng Pagbabayad-salaupang tayo ay mapabanal, maging malinis, at maligtas sa kaharian ng Ama.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Doktrina at mga Tipan 1:17, 38; 18:33–35; Joseph Smith—Kasaysayan 1:17–20.

• Tad R. Callister, “Ano ang Blueprint ng Simbahan ni Cristo?” (ChurchEducational System devotional para sa mga young adult, Ene. 12, 2014);LDS.org.

LESSON 23

128

Page 145: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

24

Siya ay Buhay!PambungadHinggil sa Tagapagligtas na si Jesucristo, ipinahayag niPropetang Joseph Smith: “At ngayon, matapos angmaraming patotoo na ibinigay hinggil sa kanya, ito angpatotoo, na pinakahuli sa lahat, na aming ibibigay tungkol sakanya: Na siya ay buhay!” (D at T 76:22). Ang layunin nglesson na ito ay matulungan ang mga estudyante na

maunawaan na ang Tagapagligtas ay buhay ngayon, na Siyaang ating Tagapamagitan sa Ama, at sa pamamagitan ngpananampalataya sa Kanya tayo ay magiging “mga isinilangna anak na lalaki at babae ng Diyos” (D at T 76:24; tingnandin sa Mga Taga Galacia 3:26).

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 25:1; 76:19–24; 110:1–4Si Jesucristo ay buhay ngayonBasahin nang malakas ang sumusunod na karanasan ni Pangulong Lorenzo Snow(1814–1901), na ikinuwento ng kanyang apong si Alice Pond:

“‘Sa maluwang na pasilyo patungo sa silid-selestiyal, nauuna ako ng ilanghakbang kay lolo nang patigilin niya ako at sinabing: “Sandali, Allie, maysasabihin ako sa iyo. Dito mismo nagpakita sa akin ang Panginoong Jesucristonoong mamatay si Pangulong Woodruff. Pinagbilinan Niya ako na mulingiorganisa kaagad ang Unang Panguluhan ng Simbahan at huwag nangmaghintay pa tulad ng ginagawa noon pagkamatay ng dating mga pangulo, at

na ako ang papalit kay Pangulong Woodruff.”

“‘Pagkatapos ay lumapit nang isang hakbang ang lolo ko at iniunat ang kanyang kaliwangkamay at sinabi: “Dito Siya mismo nakatayo, mga tatlong talampakan ang taas mula sa sahig.Mukhang nakatayo Siya sa isang tuntungang yari sa solidong ginto.”

“‘Sinabi sa akin ni Lolo kung gaano kaluwalhating personahe ang Tagapagligtas at inilarawanang Kanyang mga kamay, paa, mukha at maganda at puting kasuotan, na lahat ay napakaputi atnapakakinang ng kaluwalhatian na hindi niya Siya halos matingnan.

“‘Pagkatapos ay lumapit ng isa pang hakbang [si Lolo] at inilagay ang kanyang kanang kamaysa ulo ko at sinabi: “Ngayon, apo, gusto kong alalahanin mo na ito ang patotoo ng lolo mo, nasinabi niya sa iyo mula mismo sa sarili niyang mga labi na talagang nakita niya angTagapagligtas, dito sa Templo, at nakipag-usap sa Kanya nang harapan”’ [Alice Pond, sa LeRoi C.Snow, “An Experience of My Father’s,” Improvement Era, Set. 1933, 677]” (Mga Turo ng mgaPangulo ng Simbahan: Lorenzo Snow [2012], 270).

• Ano ang naisip ninyo habang nakikinig kayo sa kuwentong ito?

Sabihin sa mga estudyante na ang Doktrina at mga Tipan ay naglalaman ngdalawang tala tungkol sa pagpapakita ng Tagapagligtas sa mga kalalakihan sa mgahuling araw: ang Kanyang pagpapakita kina Joseph Smith at Sidney Rigdon ay saHiram, Ohio (tingnan sa D at T 76), at ang isa naman ay ang Kanyang pagpapakitakina Joseph Smith at Oliver Cowdery ay sa Kirtland Temple (tingnan sa D at T 110).Isulat sa pisara ang sumusunod na tatlong tanong:

129

Page 146: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Ano ang nakita nila? Ano ang narinig nila? Ano ang nalaman nila?

Sabihin sa klase na hanapin ang mga sagot sa mga tanong na ito sa mga banal nakasulatan. Ipabasa sa kalahati ng klase ang Doktrina at mga Tipan 76:19–24 atipabasa sa natitirang kalahati ng klase ang Doktrina at mga Tipan 110:1–4. Mataposang sapat na oras, sabihin sa klase na ibahagi ang nalaman nila. Isulat ang mganalaman nila sa pisara sa ilalim ng angkop na mga tanong. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol kay Jesucristo? (Maaaringmakatukoy ang mga estudyante ng iba’t ibang doktrina, kabilang angsumusunod: Si Jesucristo ay isang buhay at niluwalhating nilalang; angating Ama sa Langit at si Jesucristo ay magkaiba ng katauhan; sapamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo at pagtanggap saKanyang ebanghelyo, tayo ay magiging mga anak na lalaki at babae ngDiyos; at si Jesucristo ang ating Tagapamagitan sa Ama.)

Bigyan ang mga estudyante ng pagkakataong magbahagi ng kanilang patotootungkol sa mga doktrinang ito sa pagtatanong ng mga sumusunod:

• Alin sa mga katotohanang ito ang pinakamahalaga sa inyo? Bakit?

Sabihin sa mga estudyante na ang nalalabing bahagi sa lesson ay magtutuon sadalawa sa mga doktrinang matatagpuan sa mga scripture passage na nabasa nila:“Si Jesucristo ang ating Tagapamagitan sa Ama” at “Sa pamamagitan ngpananampalataya kay Jesucristo at pagtanggap sa Kanyang ebanghelyo, tayo aymagiging mga anak na lalaki at babae ng Diyos.”

Doktrina at mga Tipan 29:5; 38:4; 45:3–5; Alma 33:3–11Si Jesucristo ang ating Tagapamagitan sa AmaIsulat sa pisara ang salitang tagapamagitan at itanong sa mga estudyante kung alamnila ang ibig sabihin nito. (Kung kailangan, ipaliwanag na ang ibig sabihin ngtagapamagitan ay isang taong mangungusap para tulungan ang ibang tao omagsusumamo para sa kapakanan ng ibang tao.) Ipabasa nang tahimik sa mgaestudyante ang Doktrina at mga Tipan 110:4. Pagkatapos ay itanong:

• Paano naglilingkod ang Tagapagligtas bilang tagapamagitan? (Habangibinabahagi ng mga estudyante ang kanilang mga iniisip, maghanap ng mgapagkakataong magpatotoo na si Jesucristo ang ating Tagapamagitan saAma.)

Ipakita ang mga sumusunod na tanong, o isulat ang mga ito sa pisara:

Ano ang mga katangian ni Jesucristo na nagpamarapat sa Kanya na magingTagapamagitan natin?

Ano ang nais ni Jesus na pansinin ng Ama habang sumasamo Siya para sa atin?

LESSON 24

130

Page 147: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Sabihin sa mga estudyante na magpartner-partner at magtulungan na mahanapang mga sagot sa mga tanong na ito sa Mga Hebreo 4:15; Doktrina at mga Tipan29:5; 38:4; at 45:3–5. Matapos mabasa ng mga estudyante ang mga scripturepassage at natalakay ang mga tanong sa pisara, tawagin ang ilang estudyante naboluntaryong sasagutin ang mga ito.

Kapag ipinaliwanag ng mga estudyante ang natutuhan nila, tiyakin nanauunawaan nila ang sumusunod: Si Jesucristo ang karapat-dapat namagsumamo sa Ama para sa atin dahil Siya ay ganap na matwid at dahildiyan matutugunan Niya ang mga hinihingi ng katarungan para sa ating mgakasalanan. Siya ay kwalipikadong magsumamo para sa atin dahil sa Kanyangkabutihan, Kanyang perpektong buhay, at Kanyang dugo, na itinigis Niyapara sa atin. Dahil nagkasala tayo hindi tayo maaaring magsumamo para saating sarili (tingnan sa Alma 22:14).

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 45:3–5habang tahimik na sumasabay sa pagbasa ang klase. Ipaliwanag na ang gawain atkaluwalhatian ng Ama sa Langit ay ang kadakilaan ng Kanyang mga anak. Dahildito, kapag namagitan si Jesus para sa mga naniniwala sa Kanya, tumutulong Siyana maisakatuparan ang gawain ng Ama habang nagbibigay rin ng kaluwalhatian saAma (tingnan din sa Mateo 10:32).

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang gawain ni Jesucristobilang ating Tagapamagitan, ipabasa sa kanila ang mga salita ni Zenos sa Alma33:3–10. Sabihin sa kanila na tukuyin ang mga parirala na paulit-ulit na binanggitni Zenos (iba’t ibang pagkakasabi ng “kayo ay maawain” at “dininig ninyo angaking panalangin”). Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang nalaman ni Zenos tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng karanasanniya sa pagdarasal nang taimtim?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Alma 33:11. Pagkatapos ay itanongsa klase:

• Sino ang sinabi ni Zenos na dahilan kung bakit naging lubos na maawain sakanya ang Ama sa Langit?

• Bakit iwinawaksi ng Diyos Ama ang Kanyang paghatol sa atin?

• Paano nakatutulong ang turo ni Zenos sa inyo na mas maunawaan atmapahalagahan ang ginagampanan ng Tagapagligtas bilang Tagapamagitan sasarili ninyong buhay?

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Napakahalaga sa akin, na anumang oras at anumang sitwasyon ay makakalapitako sa trono ng biyaya sa pamamagitan ng panalangin, na pakikinggan ng akingAma sa Langit ang aking kahilingan, na ang aking Tagapamagitan, siya nawalang ginawang kasalanan, na ang dugo ay natigis, ay isasamo ang akingkahilingan. (Tingnan sa D at T 45:3–5.)” (“I Know in Whom I Have Trusted,”Ensign, Mayo 1993, 83).

LESSON 24

131

Page 148: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Sabihin sa isang estudyante na ipaliwanag sa kanyang sariling salita angalituntuning itinuro ni Elder Christofferson. Pagkatapos ay itanong:

• Paano makatutulong sa inyo sa oras ng kapighatian ang pagkakaroon ngsariling patotoo tungkol sa turong ito?

Mosias 5:5–15Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo at pagtanggap sa Kanyangebanghelyo, tayo ay magiging mga anak na lalaki at babae ng DiyosIpabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 76:24, atsabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasa. Ituro ang mga salitang “sakanya, at sa pamamagitan niya, at mula sa kanya … [tayo] ay mga isinilang na anakna lalaki at babae ng Diyos.”

Itanong sa mga estudyante:

• Ano ang ibig sabihin ng maging “mga isinilang na anak na lalaki at babae ngDiyos”? (D at T 76:24; tingnan din sa D at T 25:1).

Tiyakin na nauunawaan ng mga estudyante na bagama’t lahat tayo ay mgaespiritung anak ng Ama sa Langit, ang katagang “mga isinilang na anak na lalaki atbabae ng Diyos” ay tumutukoy sa mga “isinilang na muli.” Sabihin sa mgaestudyante na nakasaad sa Aklat ni Mormon ang proseso ng pagiging isinilangna muli.

Ipakita ang sumusunod na chart o kopyahin ito sa pisara (huwag isama ang mganakasulat sa panaklong):

Ano ang handang gawin ng mga taoni Haring Benjamin?

Ano ang ibinunga ngkanilang mga ginawa?

(Makipagtipan na susundin ang lahat ngkautusan ng Diyos)

(Taglayin sa kanilang sarili ang pangalanni Cristo)

(Manampalataya kay Cristo)

(Nabago ang kanilang mgapuso)

(Isinilang sila kay Cristo)

(Si Cristo ay naging Ama nilasa tipan)

Ibuod nang maikli ang mensahe ni Haring Benjamin sa Mosias 2–4. Pagkatapos ayipaliwanag na ang mga salita ni Haring Benjamin ay nagkaroon ng malakingepekto sa kanyang mga tao, at ang Espiritu ng Panginoon ay gumawa ng “malakingpagbabago” sa kanilang mga puso (tingnan sa Mosias 5:2). Sabihin sa mgaestudyante na pag-aralan ang Mosias 5:2–8, 15 at alamin ang mga sagot sa mgatanong na nasa chart. Matapos ang sapat na oras, sabihin sa mga estudyante naibahagi ang nalaman nila. Pagkatapos ay itanong:

• Ayon sa nalaman ninyo tungkol sa mga tao ni Haring Benjamin, paano kayonagiging mga anak na lalaki o anak na babae ni Cristo? (Dapat maipahayag ng

LESSON 24

132

Page 149: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

mga estudyante ang sumusunod na alituntunin: “Kapag tinanggap natin siJesucristo at nakipagtipan na susundin ang mga kautusan ng Diyos, tayoay nagiging mga anak na lalaki at anak na babae ni Cristo.)

Kapag tinalakay ng mga estudyante ang mga talatang ito, maaaring kinakailangangtulungan sila na maunawaan ang doktrina na naging mga anak tayo ni Cristo.Basahin nang malakas ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Joseph FieldingSmith (1876–1972):

“Ang Tagapagligtas ay naging ating Ama … dahil siya ang magbibigay sa atin ngbuhay, buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ng pagbabayad-salangginawa niya para sa atin. …

Ipinaliwanag niya na, “Naging mga anak tayo, anak na lalaki at anak na babaeni Jesucristo, sa pamamagitan ng ating mga tipan ng pagsunod sa kanya”(Doctrines of Salvation, tinipon ni Bruce R. McConkie, 3 tomo. [1954–56], 1:29).

• Ayon sa Mosias 5:15, anong mga pagpapala ang matatanggap natin bilang mgaanak na lalaki o anak na babae ni Jesucristo?

• Ano ang mga naisip o nadama ninyo tungkol sa pagiging isang anak na lalaki oanak na babae ni Jesucristo?

Sa pagtapos mo ng lesson na ito, hikayatin ang mga estudyante na isipin kungpaano pinagpala ang buhay nila dahil alam nilang buhay ang Tagapagligtas, na Siyaang ating Tagapamagitan sa Ama, at tayo ay maaaring maging mga pinagtipananganak na lalaki o anak na babae ni Cristo.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mosias 5:1–15; Doktrina at mga Tipan 45:3–5; 76:19–24; 110:1–4.

LESSON 24

133

Page 150: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

25

Si Jesucristo ay BabalikBalang Araw

PambungadAng mga propeta sa lahat ng henerasyon ay nagpropesiya nasi Jesucristo ay babalik muli sa lupa. Itinala ni Isaias, “At angkaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitangmagkakasama ng lahat na tao” (Isaias 40:5). Ang mgapropesiyang ito ay tutulong sa mga disipulo ni Jesucristo na

maihanda ang kanilang sarili at ang iba para sa natatangingpangyayaring ito at magkaroon ng pag-asa, batid na nakikitang Ama sa Langit ang hinaharap at inihahanda ang mundopara sa maluwalhating pagbabalik ng Kanyang Anak.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Dallin H. Oaks, “Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,” Ensign o Liahona,

Mayo 2004, 7–10.

Mga Mungkahi sa PagtuturoAng Tagapagligtas ay darating sa kapangyarihan at kaluwalhatianItanong sa mga estudyante ang mga sumusunod, at ibuod ang kanilang mga sagotsa pisara:

• Ano ang naiisip ninyo kapag binabanggit ang Ikalawang Pagparito?

• Ano ang paniniwala ninyo sa mangyayari sa Ikalawang Pagparito?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 29:11.Pagkatapos ay itanong sa klase:

• Ano ang nalaman ninyo mula sa scripture passage na ito tungkol sa IkalawangPagparito? (Kapag nakasagot na ang mga estudyante, bigyang-diin angsumusunod na katotohanan: Kapag muling pumarito ang Tagapagligtas,Siya ay darating sa kapangyarihan at kaluwalhatian kasama ang lahat nghukbo ng langit. Isulat sa pisara ang katotohanang ito.)

Ipaliwanag sa mga estudyante na maraming aspeto ang Ikalawang Pagparito niJesucristo na maaaring pag-aralan sa mga banal na kasulatan, tulad ng mga tandana magaganap bago ang Kanyang pagparito at ang pagkalipol ng masasama saKanyang pagparito. Higit na pagtutuunan ng lesson na ito ang Tagapagligtas, angkanyang pagparito sa kapangyarihan at kaluwalhatian, at kung paano tayomakapaghahanda para sa dakilang kaganapang iyon. Bigyan ang bawat estudyanteng kopya ng chart na “Mga Propesiya tungkol sa Ikalawang Pagparito.” Sabihin samga estudyante na magpartner-partner para magtulungan sa pagsagot, at ipaaralsa bawat magkapartner ang dalawa o tatlong hanay ng mga scripture passage(tiyaking na-assign ang bawat hanay). Sabihin sa bawat magkapartner na isulat sachart kung ano ang itinuturo ng mga scripture passage na naka-assign sa kanilatungkol sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Matapos ang sapat na oras, sabihin samga estudyante na ibahagi ang nalaman nila.

134

Page 151: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Ang Ikalawang Pagparito ni Jesucristo

Mga propesiya tungkol sa IkalawangPagparito

Mga nalaman natin tungkol saIkalawang Pagparito

Doktrina at mga Tipan 49:6–7; JosephSmith—Mateo 1:40

Isaias 40:5; Mateo 16:27

LESSON 25

135

Page 152: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Mga propesiya tungkol sa IkalawangPagparito

Mga nalaman natin tungkol saIkalawang Pagparito

Isaias 52:10; Doktrina at mga Tipan 133:3

Zacarias 13:6; 14:4; Doktrina at mga Tipan45:48, 51–53

Isaias 63:2; Apocalipsis 19:11–13; Doktrina atmga Tipan 133:46–48

Mga Gawa 1:9–11; I Mga Taga Tesalonica 4:16

I Mga Taga Tesalonica 4:17; Doktrina at mgaTipan 88:96–98

Apocalipsis 16:20; Doktrina at mga Tipan133:21–24

Doktrina at mga Tipan 5:19; 101:24–25;133:41

II Ni Pedro 3:10; Joseph Smith—Mateo1:46–48

Isunod na itanong ang mga sumusunod:

• Batay sa napag-aralan ninyo, paano ipapakita ang kapangyarihan atkaluwalhatian ni Jesucristo sa Kanyang pagparito?

• Alin sa mga propesiya tungkol sa Ikalawang Pagparito ang pinakanapansinninyo? Bakit?

(Paalala: Bago magpatuloy, maaari mong balikan ang chart at itanong sa mgaestudyante kung ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga banal na kasulatan saganitong paraan—paghahanap ng mga pagkakaugnay-ugnay, huwaran o pattern,at mga tema.)

Doktrina at mga Tipan 1:12; 34:5–6; 39:20; 88:81–86, 92; 133:4–5, 10Inihahanda tayo ng mga propeta para sa Ikalawang Pagparito ni JesucristoIpakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Sterling W. Sill (1903–1994) ngPitumpu, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Ang ikalawang pagparito ni Cristo ay nabanggit nang mahigit sa 1,500 beses saLumang Tipan at 300 beses sa Bagong Tipan. Kung iniisip ng Diyos na mahalagaang bagay na ito, gusto niyang may gawin tayo tungkol dito” (sa ConferenceReport, Abr. 1966, 19).

LESSON 25

136

Page 153: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Sa palagay ninyo, bakit mahalaga na napakaraming propesiya ang isinama samga banal na kasulatan hinggil sa Ikalawang Pagparito?

Ipakita ang mga sumusunod na scripture passage, o isulat ang mga ito sa pisara.Sabihin sa mga estudyante na tahimik na paghambingin ang mga scripture passagena ito, at alamin ang dalawang magkaibang paraan na makapaghahanda tayo parasa Ikalawang Pagparito.

D at T 1:12; 88:92; 133:4–5, 10

D at T 34:5–6; 39:20; 88:81–84

Matapos ang sapat na oras, talakayin ang ilan o lahat ng mga sumusunodna tanong:

• Paano ninyo ibubuod sa isang pahayag ang mga katotohanang itinuro sa mgascripture passage na ito? (Tiyakin na maipahayag ng mga estudyante angkatulad ng sumusunod: Ang mga propesiya tungkol sa Ikalawang Pagparitoni Jesucristo ay ibinigay at itinala sa mga banal na kasulatan upangmaihanda natin ang ating sarili at ang iba para sa araw na iyon.)

• Bakit kinakailangan nating ihanda ang iba at hindi lamang ang ating sarili parasa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo?

• Ano ang ilang paraan na maaari nating matulungan ang iba para sa pagbabalikng Panginoon?

• Kapag tinulungan ninyo ang iba na maghanda para sa Ikalawang Pagparito,paano kaya ito makatutulong sa inyo na makapaghanda rin sa IkalawangPagparito?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang sumusunod na pahayag ni ElderDallin H. Oaks ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Bagama’t wala tayong kapangyarihang baguhin ang katotohanan ng IkalawangPagparito at di natin alam ang mismong oras, mapapabilis natin ang sarili natingpaghahanda at mapagsisikapang impluwensyahan ang paghahanda ng mganasa paligid natin. …

“Paano kung bukas na ang dating Niya? Kung alam nating haharap tayo saPanginoon bukas—sa maagang pagkamatay natin o sa di-inaasahang pagdating

Niya—ano ang gagawin natin ngayon? Ano ang mga ipagtatapat natin? Anong mga gawi angititigil natin? Anong mga pagkukulang ang pagbabayaran natin? Ano ang mga patatawarinnatin? Anong mga patotoo ang ibibigay natin?

“Kung gagawin natin ang mga bagay na ito, bakit hindi pa ngayon? Bakit hindi hangarin angkapayapaan hangga’t maaari pa itong matamo? Kung kinulang ang langis sa ating ilawan ngpaghahanda, agad natin itong simulang palitan” (“Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,”Ensign o Liahona, Mayo 2004, 8, 9).

LESSON 25

137

Page 154: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Ano ang maaaring gawin ng isang tao upang mapabilis ang kanyangpaghahanda para sa Ikalawang Pagparito?

• Ano ang panganib sa pagpapaliban ng ating paghahanda?

Mateo 25:1–13Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni JesucristoIpaliwanag sa mga estudyante na ilang araw bago ang kamatayan ni Jesucristo,nagtanong ang Kanyang mga disipulo hinggil sa mga tanda na mangyayari bagoang Kanyang Ikalawang Pagparito (tingnan sa Mateo 24:3; Joseph Smith—Mateo1:4). Ang tugon ng Tagapagligtas ay matatagpuan sa Mateo 24–25. Sabihin sa ilangestudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ng Mateo 25:1–13, at sabihin saklase na tahimik na sumabay sa pagbasa. Pagkatapos ay ituon ang mga estudyantesa pagtalakay sa talinghaga tungkol sa sampung dalaga gamit ang ilan o lahat ngmga sumusunod na tanong at pahayag:

• Ano sa palagay ninyo ang kamangmangan sa ginawa ng limang dalagang ito?(Hindi ginawa ng mga mangmang na dalaga ang mga bagay na kinakailangansa paghahanda para sa pagparito ng Tagapagligtas. Ang masigasig napaghahanda para sa pagparito ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng paggawang alam nating tama ay nagdudulot ng malalaking pagpapala, kabilang na angpagiging handang sumama sa Tagapagligtas kapag Siya ay dumating.)

• Anong kahalagahan ng pariralang “magsilabas kayo upang salubungin siya”?(talata 6). Bakit hindi na lang matiyagang hintayin na dumating Siya sa inyo?(Tingnan din sa D at T 133:5, 10, 14, 19.)

• Bakit hindi magawang magbahagi ng kanilang langis ang matatalinong dalagasa mga mangmang na dalaga?

• Ano ang itinuturo sa inyo ng talinghagang ito tungkol sa paghahanda sapagharap sa Tagapagligtas? (Iba-ibang salita man ang gamitin nila, maaaringmaipahayag ng mga estudyante ang alituntuning tulad ng sumusunod: Sapamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan ng Diyos, makapaghahandatayo para sa Ikalawang Pagparito ni Jesucristo. Tingnan din sa D at T45:56–57.)

Dagdagan ang talakayan gamit ang mga sumusunod na pahayag nina ElderDallin H. Oaks at Elder David A. Bednar ng Korum ng Labindalawang Apostol:

“Tungkol [sa talinghaga ng sampung dalaga], sinabi ng Panginoon, ‘At sa arawna iyon, kung kailan ako ay paparito sa aking kaluwalhatian, ay matutupad angtalinghaga na aking sinabi hinggil sa sampung birhen’ (D at T 45:56).

“Sa ika-25 kabanata ng Mateo, [pinaghahambing] ng talinghagang ito angkalagayan ng limang hangal at limang matatalinong dalaga. Inanyayahan angsampu sa kasalan, ngunit kalahati lang sa kanila ang may handang langis sa

kanilang ilawan nang dumating ang kasintahang lalaki. Ang limang nakahanda ay nakapasok sakasalan, at isinara na ang pinto. Ang limang naantala sa paghahanda ay nahuli. Sarado na angpinto, at ayaw na silang papasukin ng Panginoon na nagsabing, ‘Hindi ko kayo nangakikilala’

LESSON 25

138

Page 155: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

[Mateo 25:12]. ‘Mangagpuyat nga kayo,’ sabi ng Tagapagligtas, ‘sapagka’t hindi ninyonalalaman ang araw ni ang oras [ng pagdating ng Anak ng tao]’ [Mateo 25:13].

“Nakakakilabot ang mensahe ng talinghagang ito. Ang sampung dalaga ay hayagang simbolong mga miyembro ng Simbahan ni Cristo, dahil lahat ay inanyayahan sa kasalan at alam ng lahatkung ano ang kailangan upang makapasok pagdating ng kasintahang lalaki. Ngunit kalahatilang ang handa nang dumating ito” (Dallin H. Oaks, “Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,”Ensign o Liahona, Mayo 2004, 8).

“Ang matatalino bang dalaga ay sakim at ayaw magbigay, o tama lang naipinapahiwatig nila na ang langis ng pagbabalik-loob ay hindi maaaring hiramin?Ang espirituwal na kalakasan ba na bunga ng pagkamasunurin sa tuwina sa mgakautusan ay maaaring ibigay sa ibang tao? Ang kaalaman ba na nakamtan samasigasig na pag-aaral at pagninilay ng mga banal na kasulatan ay maaaringibigay sa isang taong nangangailangan? Ang kapayapaan bang hatid ng

ebanghelyo sa matapat na Banal sa mga Huling Araw ay maaaring ilipat sa isang taongdumaranas ng hirap o malaking hamon? Ang malinaw na sagot sa bawat isa sa mga tanong naito ay hindi.

“Gaya ng wastong pagbibigay-diin ng matatalinong dalaga, kailangang ‘magsibili tayo para saating sarili.’ Ang inspiradong kababaihang ito ay hindi naglalarawan ng transaksyon sa negosyo;sa halip, binibigyang-diin nila ang ating indibiduwal na responsibilidad na panatilihing nag-aalabang ating ilawan ng patotoo at magkaroon ng sapat na suplay ng langis ng pagbabalik-loob.Ang mahalagang langis na ito ay nakukuha sa paisa-isang patak—‘taludtod sa taludtod [at]tuntunin sa tuntunin’ (2 Nephi 28:30), nang buong tiyaga at sigasig. Walang shortcut dito;walang huling-sandaling paghahanda ang maaaring magawa” (David A. Bednar, “Nagbalik-loobsa Panginoon,” Ensign o Liahona, Nob. 2012, 109).

• Bakit kailangang kaagad tayong maghanda para sa Ikalawang Pagparito niJesucristo?

Maaari mong isulat sa pisara ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag atsabihin sa mga estudyante na pag-isipan ito at pagkatapos ay isulat kung paanonila kukumpletuhin ito:

Upang mapabilis ang aking paghahanda para sa Ikalawang Pagparito ni Cristo,ako ay ____________________.

Hikayatin ang mga estudyante na mag-isip ng mga paraan na matutulungan nilaang kanilang pamilya, mga kaibigan, o iba pa na maunawaan ang kahalagahan ngpaghahanda para sa pagbabalik ni Jesucristo. Hikayatin ang mga estudyante namangako sa Panginoon na susundin nila ang anumang inspirasyongnatanggap nila.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mateo 25:1–13; Doktrina at mga Tipan 133:3–19.

LESSON 25

139

Page 156: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Ikalawang Pagparito ni Jesucristo”;scriptures.lds.org.

• Dallin H. Oaks, “Paghahanda para sa Ikalawang Pagparito,” Ensign o Liahona,Mayo 2004, 7–10.

LESSON 25

140

Page 157: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

26

Si Jesucristo ay MamumunoBilang Hari ng mga Hari atHahatulan ang Sanlibutan

PambungadSa panahon ng Milenyo, si Jesucristo ay “mamamahalabilang Hari ng mga Hari at maghahari bilang Panginoon ngmga Panginoon, [at] ang bawat tuhod ay luluhod at angbawat dila ay magpapahayag sa pagsamba sa Kanya. Atbawat isa sa atin ay tatayo upang hatulan Niya ayon sa atingmga gawa at naisin ng ating mga puso” (“Ang Buhay na

Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr.2000, 3). Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante namaunawaan na hindi nila kinakailangang maghintayhanggang sa panahon ng Milenyo upang matamo ang ilan samga pagpapala nito.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Kabanata 45, “Ang Milenyo,” Mga Alituntunin ng Ebanghelyo [2009], 313–17.

• Kabanata 46, “Ang Huling Paghuhukom,” Mga Alituntunin ng Ebanghelyo[2009], 319–24.

• Kung mayroon: Chapter 37, “The Millennium and the Glorification of theEarth,” Doctrines of the Gospel Student Manual, Ika-2 ed. (Church EducationalSystem manual, 2010), 104–6.

Mga Mungkahi sa PagtuturoDoktrina at mga Tipan 65:1–6Si Jesucristo ay maghahari sa mundoSabihin sa mga estudyante na isulat sa isang papel ang mga bagay na palagi nilangipinagdarasal. Sabihin sa ilang estudyante na ibahagi ang isinulat nila, kungkomportable silang gawin ito.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pambungad sa Doktrina at mgaTipan 65. (Kung walang 2013 edition ng mga banal na kasulatan ang mgaestudyante, ipaliwanag na ang bahaging ito ay isang paghahayag tungkol sapanalangin na ibinigay sa pamamagitan ni Propetang Joseph Smith.) Ipaliwanag nasa paghahayag na ito, sinabi ng Panginoon ang isang bagay na dapat natingipagdasal, lalo na kapag nasaksihan natin ang katuparan ng mga pangyayaringipinropesiya na magaganap sa mga huling araw.

Sabihin sa dalawang estudyante na magsalitan sa pagbasa nang malakas ngDoktrina at mga Tipan 65:1–2. Sabihin sa klase na tahimik na sumabay sa pagbasaat alamin ang paglalarawan ng Panginoon tungkol sa pagpapalaganap ngebanghelyo. Pagkatapos ay itanong:

141

Page 158: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

• Gaano kalayo lalaganap ang ebanghelyo ni Jesucristo? (Dapat matukoy ng mgaestudyante ang sumusunod na doktrina: Ang ebanghelyo ni Jesucristo ayhahayo hanggang sa mga dulo ng mundo. Isulat sa pisara angdoktrinang ito.)

• Ayon sa talata 2, ano ang batong tinibag mula sa bundok hindi ng mga kamay?

Matapos sumagot ang mga estudyante, basahin ang sumusunod na pahayag niPangulong Spencer W. Kimball (1895–1985):

“Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw … ay angkahariang itinatag ng Diyos ng langit na hindi kailanman mawawasak nimapapalitan. … Sa unang bahagi ng ika-labingsiyam na siglo dumating angaraw … [na] itinatag ang Simbahan. Maliit ito, may anim na miyembro lamang,kumpara sa batong tinibag sa bundok, hindi ng mga kamay na puputol sa ibangmga bansa at lalaganap hanggang sa mapuno nito ang buong mundo. …

Ngayon ang bato ay lumalaganap upang punuin ang mundo” (“The Stone Cut without Hands,”Ensign, Mayo 1976, 8, 9).

• Ano ang ibig sabihin sa inyo ng maging bahagi ng kaharian ng Diyos sa lupa?

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Doktrina at mga Tipan 65:3–4.Ipabasa nang malakas sa isa pang estudyante ang mga talata 5–6. Sabihin sa klasena tahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang ipinayo ng Panginoon tungkol sadapat nating ipagdasal. Pagkatapos ay talakayin ang mga sumusunod na tanong:

• Ayon sa mga talatang ito, ano ang dapat nating ipagdasal habang naghahandatayo para sa Ikalawang Pagparito? (Kapag nasagot na ng mga estudyante angtanong na ito, maaari mong sabihin sa kanila na ihambing ang talata 6 sa mgasalita ng Panalangin ng Panginoon sa Mateo 6:10.)

• Anong dalawang kaharian ang tinukoy sa talata 6? (Ang “kaharian ng Diyos” salupa [o ang Simbahan] at ang “kaharian ng langit.”)

• Ano ang iniutos ng Panginoon na gawin ng “kaharian ng Diyos” sa lupa?(Kapag nakasagot na ang mga estudyante, bigyang-diin ang sumusunod nadoktrina: Ang kaharian ng Diyos sa lupa, o ang Simbahan ni Jesucristo, aylalaganap sa iba’t ibang dako ng buong mundo at ihahanda ang mgananinirahan sa lupa para sa paghahari sa Milenyo ni Jesucristo.)

(Paalala: Maaari mong bigyang-diin na sa panahon ng Milenyo, si Jesucristo angmamamahala at mamumuno sa lipunan at sa simbahan sa buong mundo. [Kungmayroon, tingnan sa Doctrine and Covenants Student Manual, Ika-2 ed. (ChurchEducational System manual, 2001), 139–40.])

Kopyahin ang sumusunod na chart sa pisara o ibigay ang mga ito bilang handoutsa bawat estudyante (huwag isama ang nakasulat sa mga panaklong):

LESSON 26

142

Page 159: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Si Jesucristo at ang Milenyo

Ano ang gagawinni Cristo sapanahon ngMilenyo?

Isaias 9:6–7; 33:22;Apocalipsis 11:15;1 Nephi 22:24

(Siya ang maghahari sa kaharian ng Diyos salupa. Siya ang magiging hukom attagapagbigay ng batas at magliligtas sa atin.)

LESSON 26

143

Page 160: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Si Jesucristo at ang Milenyo

Saan naroon siCristo sa panahonng Milenyo?

Zefanias 3:15–17;Doktrina at mgaTipan 29:11; 45:59

(Siya ay maninirahan sa lupa sa gitna ngKanyang mga tao.)

Paano maghaharisi Cristo sapanahon ngMilenyo?

Apocalipsis 19:15;Doktrina at mgaTipan 38:21–22

(Si Cristo ay magiging hari at tagapagbigay ngbatas.)

Ano ang magigingepekto ngpaghahari niCristo?

Isaias 2:2–4;1 Nephi 22:25–28;2 Nephi 30:10–18

(Magkakaroon ng kapayapaan, pagkakaisa, atkabutihan sa mundo. Walang kapangyarihan siSatanas sa puso ng mga tao.)

(Paalala: Maaari mong ipaliwanag na ipapakita sa aktibidad na ito ang kahalagahanng pag-aaral kung minsan ng mga banal na kasulatan ayon sa paksa. Kapagpinag-aralan natin ang mga banal na kasulatan ayon sa paksa, maaari natingmakita ang mga detalye—tulad ng mga pattern at tema—nang mas malinaw.)

Hatiin ang klase sa mga grupo na may tig-aapat na estudyante. Sabihin sa isangestudyante sa bawat grupo na pag-aralan ang mga scripture reference at sagutinang tanong sa unang hanay ng chart. Sabihin sa isa pang estudyante sa grupo nagayon din ang gawin sa pangalawang hanay, at sa mga susunod pa. Sabihin sa mgaestudyante na bigyang-pansin lalo na ang mga salita at parirala na tutulong paramasagot ang mga tanong na naka-assign sa kanila. Maaari mong imungkahi saiyong mga estudyante na markahan ang nalaman nila. Matapos ang sapat na oras,sabihin sa mga estudyante na talakayin ang nalaman nila sa iba pang mgakagrupo nila.

(Paalala: Kung mayroon nito sa paghahanda ng lesson, tingnan ang sumusunod namanwal para sa mga komentaryo sa 1 Nephi 22:26: Book of Mormon Student Manual[Church Educational System manual, 2009], 48.)

Pagkatapos ay itanong ang mga sumusunod:

• Mula sa tinalakay ninyo, ano ang pinakainaasam ninyo sa Milenyo? (Matapossumagot ang mga estudyante, isulat ang sumusunod na doktrina sa pisara: AngTagapagligtas ang maghahari sa lupa sa panahon ng Milenyo.)

• Ano ang ilang paraan na matutulutan natin ang Tagapagligtas na maghari saating buhay ngayon?

• Paano maaaring magbago ang ating buhay kung tutulutan natin si Cristo namaghari sa ating buhay?

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Spencer W. Kimball:

LESSON 26

144

Page 161: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Kapag iginapos si Satanas sa isang tahanan—kapag iginapos si Satanas sabuhay ng isang tao—nagsimula na ang Milenyo sa tahanang iyon, sa buhay naiyon” (The Teachings of Spencer W. Kimball, ed. Edward L. Kimball [1982], 172).

Bigyan ng oras ang mga estudyante na pag-isipang mabuti ang gagawin nila paramaanyayahan ang Tagapagligtas na maghari sa kanilang buhay at pamilya.

Juan 5:22; Mateo 12:36–37; Apocalipsis 20:12–13; Mosias 4:30; Doktrina atmga Tipan 137:9Si Jesucristo ang magiging hukom natinIpakita ang mga sumusunod na scripture reference, o isulat ang mga ito sa pisara:

Juan 5:22

Mateo 12:36–37

Apocalipsis 20:12–13

Mosias 4:30

Doktrina at mga Tipan 137:9

Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano ang isasagot nila kung itinanong ngisang kaibigan ang mga sumusunod: “Sino ang magiging hukom natin sa Araw ngPaghuhukom?” at “Saan ibabatay ang paghatol sa atin?” Hayaang pag-aralan ngmga estudyante nang ilang minuto ang mga scripture passage na nakalista sapisara at gumawa ng sagot sa tanong na ito. Pagkaraan ng ilang minuto, sabihin samga estudyante na talakayin ang kanilang sagot sa katabi nila. Pagkatapos ayitanong sa klase:

• Ano ang nalaman ninyo tungkol sa Araw ng Paghuhukom? (Dapat matukoy ngmga estudyante ang sumusunod na doktrina: Si Jesucristo ang hahatol saatin.)

• Saan ibabatay ng Tagapagligtas ang paghatol sa atin? (Dapat kasama sa mgasagot ang sumusunod na doktrina: Hahatulan tayo ng Tagapagligtas batay saating mga salita, mga inisip, at mga hangarin ng ating puso.)

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder Richard G. Scott ng Korum ngLabindalawang Apostol:

LESSON 26

145

Page 162: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Ang ating Guro ay nabuhay nang perpekto, walang-sala at dahil dito hindi naNiya dapat tugunin ang hinihingi ng katarungan. Siya ay perpekto sa lahat ngkatangian, kabilang na ang pag-ibig, awa, tiyaga, pagsunod, pagpapatawad, atkababaang-loob. …

“Pinatototohanan ko na sa pamamagitan ng di-masayod na paghihirap atwalang kapantay na pagdurusa, nakamtan ng Tagapagligtas ang karapatan na

maging ating Manunubos, ating Tagapamagitan, ating Huling Hukom” (“Matitiyak ngPagbabayad-sala ang Inyong Kapayapaan at Kaligayahan,” Ensign o Liahona, Nob. 2006, 42).

• Paano nakaapekto sa nadarama ninyo tungkol sa Huling Paghuhukom angnalaman ninyo na si Jesucristo ang “Huling Hukom”?

Hikayatin ang mga estudyante na isulat ang sumusunod na tanong sa isang kard okapirasong papel at ipaskil o ilagay ito sa lugar kung saan ito palaging makikita:Paano ko tutulutang maghari si Jesucristo sa buhay ko ngayon?

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mateo 25:31–46.

• Kabanata 45, “Ang Milenyo,” Mga Alituntunin ng Ebanghelyo [2009], 313–17.

• Kabanata 46, “Ang Huling Paghuhukom,” Mga Alituntunin ng Ebanghelyo[2009], 319–24.

LESSON 26

146

Page 163: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

27

Si Jesucristo ang Ilaw,Buhay, at Pag-asa ngSanlibutan

PambungadSi Jesucristo “ang liwanag o ilaw, ang buhay, at pag-asa ngmundo” (“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mgaApostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 3). Ang lesson na itoay tutulong sa mga estudyante na maunawaan na kapag

lumapit sila kay Cristo, tatanggap sila ng dagdag na pag-asapara sa buhay na walang hanggan at magkakaroon sila ngmas matibay na determinasyon na tiisin ang mga pagsuboksa buhay.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• Dieter F. Uchtdorf, “Ang Pag-asang Dulot ng Liwanag ng Diyos,” Ensign o

Liahona, Mayo 2013, 70, 75–77.

• Dieter F. Uchtdorf, “Ang Walang Hanggang Bisa ng Pag-asa,” Ensign o Liahona,Nob. 2008, 21–24.

Mga Mungkahi sa PagtuturoJuan 1:1–9; Doktrina at mga Tipan 88:6–13Si Jesucristo ang Ilaw ng SanlibutanBasahin nang malakas ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorfng Unang Panguluhan. Sabihin sa klase na pakinggan ang mga sitwasyon namaaaring magpadama sa isang tao na siya ay napalilibutan ng kadiliman:

“Mahalaga sa akin ang isang painting na nasa aking opisina na pinamagatangEntrance to Enlightenment. Likha ito ng isang kaibigan ko, ang Danish artist na siJohan Benthin, na siyang unang stake president sa Copenhagen, Denmark.

“Makikita sa painting ang madilim na silid na nakabukas ang pinto napinagmumulan ng maningning na liwanag. Napansin ko na ang liwanag nanagmumula sa pinto ay hindi tumatanglaw sa buong silid—tanging sa paligid

lamang ng pinto.

“Para sa akin, ang kadiliman at liwanag na nasa painting na ito ay katulad ng buhay. Bahagi ngating katayuan bilang mga mortal na nilalang na madama kung minsan na para tayongnapalilibutan ng kadiliman. Marahil nawalan tayo ng mahal sa buhay; maaaring naligaw nglandas ang isang anak; maaaring nakakabagabag ang naging pagsusuri sa atin ng doktor;maaaring may problema tayo sa trabaho at nabibigatan sa mga pag-aalinlangan at pangamba; omaaaring dama nating nag-iisa tayo at hindi minamahal.

“Ngunit kahit maaaring dama nating naguguluhan tayo sa kasalukuyan nating kalagayan,nangangako ang Diyos na may pag-asa sa Kanyang liwanag—nangangako Siyang tatanglawan

147

Page 164: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

ang ating daraanan at ituturo sa atin ang landas palabas sa kadiliman” (“Ang Pag-asang Dulotng Liwanag ng Diyos,” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 70).

• Ano ang ilang sitwasyon na maaaring magpadama sa isang tao na napalilibutansiya ng kadiliman?

• Ano ang sinabi ni Pangulong Uchtdorf na magagawa ng Diyos kapag nadamanatin ang ganito?

Matapos sumagot ang mga estudyante, ipaliwanag na ang lesson na ito aymagtutuon sa paraan kung paano tayo tatanggap ng liwanag at pag-asa mula saDiyos, anuman ang ating sitwasyon.

Ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang Juan 1:1–5. Sabihin sa klase natahimik na sumabay sa pagbasa at alamin ang mga salita at pariralang ginamit niJuan para ilarawan ang Tagapagligtas. Habang nagbabahagi ang mga estudyante sanalaman nila, isulat ang sumusunod na doktrina sa pisara: Si Jesucristo ang Ilawng Sanlibutan.

Upang matulungan ang mga estudyante na mapalalim ang kanilang pagkaunawasa doktrinang ito, ipabasa sa kanila nang tahimik ang Juan 1:6–9. Pagkatapos ayitanong:

• Ano ang itinuturo ng mga talatang ito tungkol sa ginagampanan ni Jesucristobilang Ilaw ng Sanlibutan?

• Paano nakatutulong sa inyo ang Juan 12:46 at Doktrina at mga Tipan 84:46upang maunawaan kung paano magiging Ilaw ng Sanlibutan si Jesus sa lahatng tao?

Sabihin sa mga estudyante na sa mga banal na kasulatan, ang ilaw “nalumiliwanag sa bawa’t tao” (Juan 1:9), o Ilaw o Liwanag ni Cristo, “ay tinatawagkung minsan na Espiritu ng Panginoon, Espiritu ng Diyos, Espiritu ni Cristo, oLiwanag ng Buhay” (Tapat sa Pananampalataya: Isang Sanggunian sa Ebanghelyo[2006], 75). Ang Ilaw o Liwanag ni Cristo ay inilarawan sa Doktrina at mga Tipan88.

Pagpartnerin ang mga estudyante para magtulungan sa pagsagot. Sabihin sa kanilana pag-aralan ang Doktrina at mga Tipan 88:6–13 at tukuyin kung paanopinagmumulan si Jesucristo ng liwanag at buhay. Matapos ang sapat na oras,itanong ang mga sumusunod:

• Paano naiimpluwensyahan ng Liwanag ni Cristo ang lahat ng nilikha ng Amasa Langit?

• Ano ang ipinahihiwatig ng mga katotohanang nakasaad sa mga talatang itotungkol sa magagawa ng Liwanag ni Cristo para sa isang tao?

• Bakit makatutulong na maunawaan na ang liwanag na namamahala sasansinukob ay “siya ring liwanag na nagpapabilis ng inyong mgapang-unawa”? (D at T 88:11).

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, at ipabasa itonang malakas sa isang estudyante:

LESSON 27

148

Page 165: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Ang liwanag ng Diyos ay tunay. Ito ay maaaring mapasalahat! Ito angnagbibigay ng buhay sa lahat ng bagay [tingnan sa D at T 88:11–13]. Maykapangyarihan itong pawiin ang kirot ng pinakamalalim na sugat. Mapapagalingnito ang kalungkutan at karamdaman ng ating kaluluwa. Sa sandali ng kawalanng pag-asa, makapagbibigay ito sa atin ng liwanag ng pag-asa. Makapagbibigayito ng liwanag maging sa pinakamatinding kalungkutan. Matatanglawan nito

ang landas sa ating harapan at aakayin tayo sa pinakamadilim na gabi tungo sa pangako ngbagong bukang-liwayway.

“Ito ang ‘Espiritu ni Jesucristo,’ na nagbibigay ng ‘liwanag sa bawat tao na dumarating sadaigdig’ [D at T 84:45–46]” (“Ang Pag-asang Dulot ng Liwanag ng Diyos,” Ensign o Liahona,Mayo 2013, 75).

Talakayin ang mga sumusunod na tanong sa inyong klase:

• Ayon kay Pangulong Uchtdorf, anong mga pagpapala ang dumating mula saliwanag na ibinibigay sa atin ng Ama sa Langit sa pamamagitan ni Jesucristo?

• Kailan ninyo naranasan ang mga pagpapalang binanggit ni PangulongUchtdorf?

Isulat sa pisara ang sumusunod na hindi kumpletong pahayag:

Ang Ilaw ng Sanlibutan ay nagbibigay …

Sabihin sa mga estudyante na basahing muli ang Doktrina at mga Tipan 88:13 atmaghanap ng isang parirala na kukumpleto sa pahayag sa pisara. Itanong:

• Paano nauugnay ang ginagampanan ng Tagapagligtas bilang Ilaw ng Sanlibutansa Kanyang ginagampanan bilang ang Buhay ng Sanlibutan?

• Sa anong mga paraan nauugnay ang liwanag sa buhay? (Maaari mongipaliwanag na si Jesus ang “buhay ng sanlibutan dahil ang kanyang pagkabuhayna mag-uli at pagbabayad-sala ang nagligtas sa atin mula sa pisikal atespirituwal na kamatayan” [Dallin H. Oaks, “The Light and Life of the World,”Ensign, Nob. 1987, 65].)

• Ano ang mangyayari kung tumigil sa pagbibigay ng buhay sa lahat ng bagayang liwanag at kapangyarihan ng Tagapagligtas? (Hindi na magkakaroon nganumang buhay.)

Ipaliwanag na naglaan ang mga banal na kasulatan ng mga halimbawa kungpaanong si Jesus ay literal na Ilaw ng Sanlibutan. Sa oras ng kamatayan ngTagapagligtas, nagkaroon ng tatlong araw ng kadiliman, na sumasagisag na nilisanng Ilaw ng Sanlibutan ang mundo (tingnan sa 3 Nephi 8:20–23). Sa kabilangbanda, sa pagsilang ng Tagapagligtas lumitaw ang isang bagong bituin at dakilangmga liwanag sa kalangitan at nagkaroon din ng tatlong araw na liwanag (tingnansa Helaman 14:3–5; 3 Nephi 1:15, 21).

LESSON 27

149

Page 166: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Mga Awit 146:5; Mga Taga Roma 5:3–5; 15:13; Eter 12:4, 32; Moroni7:3, 40–41Si Jesucristo ang pag-asa ng sanlibutanIpaliwanag sa mga estudyante na ang salitang pag-asa ay maraming kahulugan. Sakonteksto ng ebanghelyo ni Jesucristo, ang pag-asa ay “[pagtitiwala] at pananabiksa mga ipinangakong biyaya ng kabutihan” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan,“Pag-asa”; scriptures.lds.org). Ang Tagapagligtas ay tinatawag kung minsan na“ang pag-asa ng mundo” o ng sanlibutan dahil ang mga ipinangakong pagpapalang kabutihan ay dumarating sa atin sa pamamagitan Niya (“Ang Buhay na Cristo:Ang Patotoo ng mga Apostol,” Ensign o Liahona, Abr. 2000, 3).

Ipakita ang mga sumusunod na tanong at scripture reference, o isulat ang mga itosa pisara:

Saan nakasentro ang tunay na pag-asa? (Eter 12:4, 32; Moroni 7:3, 40–41)

Ano ang gagawin ng pag-asa para sa atin sa buhay na ito? (Mga Awit 146:5;Mga Taga Roma 5:3–5; 15:13)

Hatiin ang klase sa maliliit na grupo. Sabihin sa mga grupo na pag-aralan angbawat isa sa scripture passage, hanapin ang mahahalagang salita at parirala tungkolsa pag-asa, at talakayin ang kanilang mga sagot sa mga tanong. Matapos ang sapatna oras, sabihin sa mga grupo na bumuo ng isa o dalawang pahayag ng doktrina oalituntunin na nagbubuod sa natutuhan nila tungkol sa doktrina ng pag-asa.Sabihin sa mga grupo na ibahagi sa klase ang mga pahayag na nabuo nila. Tiyakinna nauunawaan ng mga estudyante na ang pag-asa ay pagtitiwala na sapamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo at pagsunod sa mga kautusan,ay tatanggapin natin ang mga ipinangakong pagpapala ng Diyos, kabilang naang buhay na walang hanggan. Kung may oras pa, maaari mong itanong angmga sumusunod:

• Ano ang ipinapahiwatig sa inyo ng salitang katiyakan sa pariralang “maaaringumasa nang may katiyakan para sa isang daigdig na higit na mainam” (Eter12:4)? (Kasiguraduhan, o tiwala. Maaari mong imungkahi sa mga estudyante naisulat ang kahulugang ito sa margin ng kanilang banal na kasulatan sa tabi ngEter 12:4.)

• Paanong ang pag-asa, tulad ng nakasaad sa mga talatang ito, ay nagiging,“isang daungan sa mga kaluluwa ng tao,” at tumutulong sa atin na magkaroonng “katiyakan at katatagan, nananagana sa tuwina sa mabubuting gawa”? (Eter12:4).

Ipakita ang sumusunod na pahayag, at ipabasa ito nang malakas sa isangestudyante:

“Kapag tayo ay may pag-asa, nagtitiwala tayo sa mga pangako ng Diyos. Panatag tayongnakatitiyak na kung gagawin natin ang ‘mga gawa ng kabutihan,’ tayo ay ‘makatatanggap ng

LESSON 27

150

Page 167: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

kanyang gantimpala, maging kapayapaan sa daigdig na ito, at buhay na walang hanggan sadaigdig na darating’ (D at T 59:23). Itinuro ni Mormon na ang gayong pag-asa ay dumaratinglamang sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo [tingnan sa Moroni 7:41]” (Tapat saPananampalataya: Isang Sanggunian sa Ebanghelyo [2004], 106).

• Bakit kinakailangan ang ating pananampalataya kay Jesucristo at sa KanyangPagbabayad-sala sa pagkakaroon ng tunay na pag-asa? Paano kayonatutulungan nito na maunawaan kung bakit si Jesucristo ang pag-asa ngsanlibutan? (Kapag umasa tayo kay Jesucristo, hindi natin maaalintana ang mgapagsubok at kalungkutan sa buhay na ito at magtutuon tayo sa mgapagpapalang makakamtan sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, tuladng pagkabuhay na mag-uli at buhay na walang hanggan.)

• Ano ang maaari ninyong gawin para mamuhay nang may mas malakingpag-asa sa buhay na ito?

Kung hinikayat ka ng Espiritu Santo, maaari mong sabihin sa mga estudyante namagbahagi ng isang pagkakataon na naging pagpapala sa kanila o sa iba angpag-asa sa pagkabuhay na mag-uli at sa buhay na walang hanggan sapamamagitan ni Jesucristo.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mga Awit 146:5; Juan 8:12; Mga Taga Roma 5:3–5; 15:13; I Ni Pedro 1:3; Eter

12:4, 32; Moroni 7:3, 40–41; Doktrina at mga Tipan 88:6–13; 138:14.

• Dieter F. Uchtdorf, “Ang Pag-asang Dulot ng Liwanag ng Diyos,” Ensign oLiahona, Mayo 2013, 70, 75–77.

LESSON 27

151

Page 168: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

28

Personal na Saksi niJesucristo

PambungadIpinahayag ng Unang Panguluhan at Korum ngLabindalawang Apostol: “Nagpapatotoo kami, bilangKanyang marapat na inordenan na mga Apostol—na si Jesusang Buhay na Cristo, ang walang kamatayang Anak ngDiyos” (“Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,”Ensign o Liahona, Abr. 2000, 3). Sa buong kursong ito,

napag-aralan natin ang walang hanggang ministeryo niJesucristo at ang mga patotoo ng mga propeta tungkol saKanya. Kapag nagkaroon tayo ng personal na patotoo sapamamagitan ng Espiritu Santo na si Jesus ang Buhay naCristo, handa tayong ibahagi sa iba ang ating sarilingpatotoo tungkol sa Tagapagligtas.

Mga Babasahin Tungkol sa Paksang Ito• D. Todd Christofferson, “Pagiging Saksi ni Jesucristo,” Liahona Mar.

2008, 58–63.

Mga Mungkahi sa Pagtuturo2 Nephi 25:26; Mosias 18:8–11Tumayo bilang saksi ni CristoTanungin ang mga estudyante kung nakaranas na sila sa isang sitwasyon na silalamang ang tanging miyembro ng Simbahan o tao na handang kumatawan sa mgapamantayan ng Simbahan. Pagkatapos ay pasagutan sa kanila ang mga sumusunodna tanong:

• Ano ang nadama ninyo nang tumugon kayo sa sitwasyong iyon bilang disipuloni Jesucristo?

• Ano ang ilan sa makabuluhan o mahirap na bagay sa karanasan ninyong iyon?

Ipaalala sa mga estudyante ang tala sa Aklat ni Mormon tungkol kay Alma, nanagbalik-loob dahil sa mga itinuro ng propetang si Abinadi. Kasunod ng kanyangpagbabalik-loob, si Alma ay nagsimula ring mangaral ng ebanghelyo. Sa Mosias 18,mababasa natin ang kanyang mga turo tungkol sa mga tipan sa binyag. Ipabasanang malakas sa isang estudyante ang Mosias 18:8–11. Sabihin sa mga estudyantena tahimik na sumabay sa pagbasa at tukuyin ang mga katangian at kilos nanagpapakita na handang gumawa at tumupad ng mga tipan sa binyag ang isangtao. Matapos sumagot ang mga estudyante, ituro ang pariralang “tumayo bilangmga saksi ng Diyos sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar”sa talata 9. Pagkatapos ay itanong:

• Ano ang ibig sabihin ng tumayo bilang mga saksi ng Diyos Ama at ni Jesucristo“sa lahat ng panahon at sa lahat ng bagay, at sa lahat ng lugar”? (Mosias 18:9).

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder Dallin H. Oaks ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

152

Page 169: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

“Ang mga Apostol ay may tungkulin at ordenasyon na maging mga natatangingsaksi ng pangalan ni Cristo sa buong mundo (tingnan sa D at T 107:23), ngunitang responsibilidad na sumaksi at magpatoto tungkol kay Jesucristo sa lahat ngpanahon at sa lahat ng lugar ay para sa lahat ng miyembro ng Simbahan natumanggap ng patotoo ng Espiritu Santo” (“Witnesses of Christ,” Ensign, Nob1990, 30).

• Ayon kay Elder Oaks, sino ang may responsibilidad na magpatotoo tungkol kayJesucristo? (Tiyakin na naunawaan ng mga estudyante ang sumusunod nakatotohanan: Lahat ng miyembro ng Simbahan ay nakipagtipan na tumayobilang mga saksi ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.)

• Bukod sa pagsasabi ng ating mga paniniwala at patotoo, ano ang iba pang mgaparaan na makatatayo tayo bilang mga saksi ni Cristo? (Upang matulungan angmga estudyante na masagot ang tanong na ito, sabihin sa kanila na pag-aralanang Mateo 5:14–16 at 3 Nephi 18:24.)

Ipakita ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ngLabindalawang Apostol, at ipabasa ito nang malakas sa isang estudyante:

“Noong panahon ng Kanyang pagmiministeryo sa Western Hemisphere, ibinigayng Tagapagligtas ang kautusang ito: ‘Itaas ninyo ang inyong ilawan upang ito aymagliwanag sa sanlibutan. Masdan, ako ang ilaw na inyong itataas—yaongkung alin ay nakita ninyong aking ginawa’ (3 Nephi 18:24). Dapat makita sa atinng mga tao ang bagay na may kaugnayan kay Jesucristo. Ang ating paraan ngpagkilos, pagsasalita, pagtingin, at kahit pag-iisip ay maglalarawan sa Kanya at

sa Kanyang mga pamamaraan” (“Pagiging Saksi ni Jesucristo,” Ensign o Liahona, Mar. 2008, 60).

• Paano ninyo nakita ang iba na kumilos, nagsalita, o tumingin sa mga paraangnagpapakita ng kanilang pananalig kay Jesucristo?

• Ano ang ipapayo ninyo sa isang tao para madaig ang kanyang pag-aatubili otakot na maging saksi ni Jesucristo?

Isulat sa pisara ang mga sumusunod na parirala:

Nangungusap tungkol kay Cristo

Nagagalak kay Cristo

Nangangaral tungkol kay Cristo

Nagpopropesiya tungkol kay Cristo

Sumusulat tungkol kay Cristo

Sabihin sa mga estudyante na basahin nang tahimik ang 2 Nephi 25:26, at sabihinsa kanila na ipaliwanag kung paano maibabahagi ng isang tao ang kanyangpatotoo tungkol kay Jesucristo ayon sa pagkakabuod nito sa pisara. Upang

LESSON 28

153

Page 170: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

matulungan ang talakayan sa klase, gamitin ang sumusunod na pahayag ni ElderD. Todd Christofferson kung kinakailangan:

“Ang mga salita ni Nephi na ‘nangungusap tayo tungkol kay Cristo’ [2 Nephi25:26] ay nagpapahiwatig na hindi tayo atubiling magsalita tungkol sa mganadarama natin sa Tagapagligtas sa mga usapan at impormal na okasyon.Kadalasan ito ay mga sarilinang pag-uusap kung saan sa hayagan at magiliw naparaan ay pinag-uusapan kung sino Siya at kung ano ang Kanyang ginawa atitinuro, at hinihikayat din ang iba na mahalin at sundin Siya.

“Ang ‘nagagalak tayo kay Cristo’ ay nangangahulugan na nabubuhay tayo na karaniwang maymasayang saloobin na naglalarawan ng ating pananampalataya kay Cristo. Alam natin na ang‘kanyang biyaya ay sapat’ sa atin para matubos mula sa kamatayan at kasalanan at magingganap sa Kanya (tingnan sa Moroni 10:32–33). Habang tayo ay nahaharap sa mga kabiguan atkahit mga trahedya, alam natin na dahil sa Kanya, makatitiyak tayo ng walang hanggangkaligayahan. Habang sumasampalataya tayo kay Jesucristo, ipinakikita natin sa iba na‘nangapapagal at nangabibigatang lubha’ kung paano masumpungan ang kapahingahan saKanya (tingnan sa Mateo 11:28–30).

“Ang ‘nangangaral tayo tungkol kay Cristo’ ay tiyak na tumutukoy sa full-time atpang-miyembrong gawaing misyonero ngunit kasama rin ang ginagawa natin sa mga pagsamba,mga klase sa Sunday School, at katulad na pagtitipon kung saan Siya ang paksa ng pag-aaral ataralin. Ang ating partisipasyon kapwa bilang guro o estudyante ay bahagi ng atingpagpapatotoo sa Kanya. …

“Ang ibig sabihin ng ‘nagpopropesiya tayo tungkol kay Cristo’ ay sinasabi natin ang ating patototungkol sa Kanya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo (tingnan sa I Mga TagaCorinto 12:3). ‘Ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula’ (Apocalipsis 19:10). Kagaya nilanoon na nagpropesiya tungkol sa Kanyang unang pagparito, pinagtitibay din natin sa salita atgawa ang mga propesiya sa Kanyang Ikalawang Pagparito. …

“Ang ‘sumusulat tayo alinsunod sa ating mga propesiya’ ay nagpapahiwatig ng karunungan sapagkakaroon ng permanenteng talaan ng ating patotoo kay Cristo. Nauunawaan natin na angmga patotoo na ating inihahayag ay ‘nakatala sa langit upang tingnan ng mga anghel; at sila aynagagalak sa [atin]’ (D at T 62:3). Matutunghayan at magagalak ang ating sariling salinlahi at[ang] iba sa ating patotoo kay Cristo na nakasulat o nakatala para sa kanilang kapakanan”(“Pagiging Saksi ni Jesucristo,” Liahona, Mar. 2008, 61–63).

Sa pagwawakas mo ng bahaging ito ng lesson, hikayatin ang mga estudyante naisipin ang isa sa mga bagay na nakasulat sa pisara at magtakda ng mithiin nagagawin nila upang maging mas malakas na saksi ni Jesucristo.

Pagpapatotoo tungkol kay JesucristoSabihin sa mga estudyante na gunitain ang natutuhan nila sa kursong ito attukuyin ang ilan sa mga ginagampanan ni Jesucristo at ang ilan sa mga paksangmay kaugnayan sa Kanya na tinalakay sa klase. Ibuod sa pisara ang mga sagot ngmga estudyante. (Maaaring kabilang sa mga ginagampanang ito angTagapamagitan, Tagapagligtas, Tagapagbayad-sala, Panganay, Bugtong na Anak,Jehova, Mesiyas, Tagapaglikha. Maaaring kasama sa mga paksa ang mgasumusunod: ang kahalagahan ni Jesucristo sa plano ng Diyos; ang Kanyangministeryo sa buhay bago pa ang buhay na ito; ang katotohanan na Siya ay buhay;ang Kanyang ministeryo sa kabilang daigdig; ang Ikalawang Pagparito; ang

LESSON 28

154

Page 171: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Kanyang paghahari sa Milenyo; ang Panunumbalik ng Kanyang ebanghelyo; angKanyang pamumuno sa Simbahan; at ang mga dahilan kung bakit Siya ang Ilaw atBuhay ng Sanlibutan.)

I-download at ipanood ang video recording ng sumusunod na pahayag niPangulong Gordon B. Hinckley (1910–2008), kung saan ibinahagi niya ang kanyangpatotoo tungkol kay Jesucristo. Kung walang makukuhang video sa inyong wika,ipabasa nang malakas sa isang estudyante ang pahayag.

“Si Jesus ay aking kaibigan. Walang sinumang nagbigay sa akin ng labis.‘Walang may lalong dakilang pag-ibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao angkaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan’ (Juan 15:13). Ibinigay Niya angkanyang buhay para sa akin. Binuksan Niya ang daan patungo sa buhay nawalang hanggan. Isang Diyos lamang ang makagagawa nito. Sana ay magingkarapat-dapat akong kaibigan sa Kanya.

“Siya ay aking huwaran. Ang paraan ng Kanyang pamumuhay, ang Kanyang lubos namapagbigay na pag-uugali, ang Kanyang pagtulong sa mga nangangailangan, ang Kanyanghuling sakripisyo ay pawang nagpapakita ng halimbawa sa akin. …

“Siya ay aking guro. Walang ibang tinig ang nangusap nang gayon kagandang pananalita. …

“Siya ay aking tagapagpagaling. Ako ay [nanggilalas] sa Kanyang mga kahanga-hanganghimala. …

“Siya ay aking pinuno. Ikinararangal ko ang maging isa sa mahabang hanay ng mganagmamahal sa Kanya at sumusunod sa Kanya sa loob ng nagdaang dalawang milenyo mula saKanyang pagsilang. …

“Siya ay aking Tagapagligtas at aking Manunubos. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyangbuhay sa pagpapakasakit at di-matatawarang paghihirap, bumaba Siya upang ako’y [tulungan],ang bawat isa sa atin, at ang lahat ng anak na lalaki at babae ng Diyos, mula sa kailaliman ngwalang hanggang kadiliman pagkatapos ng kamatayan. … Ang aking pasasalamat ay walanghangganan. Ang aking pasasalamat sa aking Panginoon ay walang katapusan.

“Siya ay aking Diyos at aking Hari. Mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan, Siyaang maghahari at mamumuno bilang Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon. Hindimagkakaroon ng katapusan sa Kanyang pamamahala. Walang gabi sa Kanyang kaluwalhatian”(“Ang Aking Patotoo” Liahona, Hulyo 2000, 71).

Ilahad ang sumusunod na sitwasyon sa iyong mga estudyante: Kung maymagtanong sa inyo kung ano ang pinaniniwalaan ninyo tungkol kay Jesucristo,anong tatlo o apat na ideya ang gusto ninyong lubos na bigyang-diin? Bigyan angmga estudyante ng oras na isulat ang kanilang mga ideya. Pagkatapos ay sabihin samga estudyante na magpartner-partner at ibahagi ang kanilang mga sagot sa isa’tisa. Hikayatin sila na talakayin kung bakit iyon ang pinili nila at ang anumang mgakaranasan na nagpalalim sa kanilang kaalaman at pagmamahal sa Tagapagligtas.Matapos ang sapat na oras, itanong sa mga estudyante kung mayroon sa kanila nagustong magbahagi sa klase ng kanilang patotoo tungkol kay Jesucristo.

Tapusin ang lesson sa pagbabahagi ng iyong sariling patotoo sa walang hanggangpaglilingkod ng Buhay na Cristo. Maaari mong ipahayag ang iyong pasasalamatpara sa maraming mahahalagang ginagampanan ng Panginoong Jesucristo sa lahatng panahon. Pagkatapos ay ibigay sa mga estudyante ang sumusunod na paanyaya:

LESSON 28

155

Page 172: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Ngayong natapos na ninyo ang kursong ito, pag-isipang mabuti ang isang taongkilala ninyo na mapapalakas ng pakikinig ng inyong patotoo tungkol saTagapagligtas. Sa susunod na linggo at sa mga susunod pa, magpasiya kung sinoang iimpluwensyahan ninyo at kung paano ninyo ibabahagi ang inyong patotoo.

Mga Babasahin ng mga Estudyante• Mateo 5:14–16; 2 Nephi 25:26; Mosias 18:8–11; 3 Nephi 18:24.

• D. Todd Christofferson, “Pagiging Saksi ni Jesucristo,” Liahona Mar.2008, 58–63.

LESSON 28

156

Page 173: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat

Handouts

Page 174: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat
Page 175: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat
Page 176: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat
Page 177: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat
Page 178: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat
Page 179: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat
Page 180: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat
Page 181: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat
Page 182: Manwal ng Titser para sa Kursong Si Jesucristo at ang ... · Ang bahaging Mga Mungkahi sa Pagtuturo ay naglalaman ng isa o mahigit pang pahayag ng doktrina o alituntunin, na nakasulat