22

Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

  • Upload
    others

  • View
    10

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan
Page 2: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Masayang Simula sa Ating Wika

YUNIT 1

Page 3: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Magalang na PananalitaAralin 1

Layunin

Pagkatapus ng aralin, ikaw bilang mag-aaral ay inasahang: * Matutukoy ang huni, tunog, o ingay na narinig. * Maging magalang sa pagbati at pananalita. * Maipakita ang paggalang sa mga nakakatanda.

Page 4: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Unawain Natin Basahin ang kwento at tingnan ang mga sasabihin at gagawin ng mga tauhan.

Kringgg! Kringgg! Kringgg! ang hudyat ng orasan para bumangon na ang magkapatid na Esther at Joshua.

Inayos nila ang kanilang higaan at pagkatapos ay nanalangin. “Amang Dios, maraming salamat po sa mahimbing na tulog. Ingatan N'yo po kami, si Papa at Mama. Sa pangalan ni Jesus, Amen."

Handa Na Po Kami!

"Magandang umaga po, Mama, Papa," bati nina Joshua at Esther."Magandang umaga din, mga anak. Halikayo at nakahanda na ang inyong almusal," ang sabi ng kanilang ina.

Page 5: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Meow, meow! sabi ng alagang pusa ni Esther na lumapit sa kanyang paanan. Inamo ito ni Esther at sabay sabi, "Papasok na kami sa paaralan ngayon. Mamaya na tayo maglaro, ha, Kuting.""Mga anak, handa na ba kayong pumasok?" ang tanong ng kanilang ama."Opo, Papa. Handa na po kami. Aalis na po kami," sabi ng mga bata.

Beep! Beep! Dumating na si Mang Bert para sunduin sina Joshua at Esther. Nagmamaneho siya ng traysikel."Magandang umaga, Mang Bert." ang sabi ng magkapatid sa drayber ng traysikel. "Magandang umaga din sa inyo," sagot ni Mang Bert.

Page 6: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Sari-saring tunog ang narinig ng magkapatid habang sila ay nakasakay sa traysikel at bumibiyahe patungong paaralan. Nandiyan ang tunog at busina ng mga sasakyan tulad ng bus, kotse, at dyip. Nandiyan din ang ugong ng eroplano sa himpapawid. Kumakalembang din ang kampana ng simbahan. May pulis na pumipito, at ibon na humuhuni.

Sa paaralan, binati ng mga bata sa unang baitang ang kanilang guro. "Magandang umaga, Binibining Santos."

"Magandang umaga din sa inyo," ang tugon ng guro.Nagpakilala si Joshua sa klase. “Ako po ay si Joshua Magno Ako po ay anim na taong gulang." “Maraming salamat, Andrew," ang sabi ni Bb. Santos.

Page 7: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Pag-isipan Natin

Sa inyong papel o kwaderno, isulat ang mga bagay na ginawa ng magkapatid na Esther at Joshua.

Page 8: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Talasalitaan

Palawikin Natin1. orasan - anumang kasangkapang nagsasaad ng oras 2. busina - kasangkapang pansasakyan na pinatutunogbilang hudyat o babala 3. kampana - batingaw 4. himpapawid - espasyo sa ibabaw ng mundo; kaulapan 5. huni - tunog na nagagawa ng ibon

Pag-aralan Natin

A. Ingay at Tunog sa Paligid

Nakaririnig tayo ng ingay o tunog sa ating paligid. Ito ay nagagawa ng hayop, tao, o bagay. Maaaring malakas o mahina ang tunog.

Page 9: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Tingnan mo ang mga larawan. Alam mo ba ang nagagawang tunog o ingay ng mga ito?

Pritttt! Pritttt!

Kringgg! Kringgg!

Beep! Beep

Kleng! Kleng!

Tweet! Tweet!

Meow! Meow!

Page 10: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Sa inyong papel o kwaderno, gumuhit sa ibaba ng iba pang tunog o ingay na iyong naririnig sa paligid. Iguhit kung ano-ano ito.

Page 11: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

B. Magalang na Pagbati

1. “Magandang umaga po” ang ginagamit na pagbati sa umaga.2. “Magandang tanghali po” ang ginagamit na pagbati sa tanghali.3. “Magandang hapon po” ang ginagamit sa hapon.4. “Magandang gabi po” gang ginagamit sa gabi.

Page 12: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

C. Magalang na Pananalita

1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan po" ang sinasabi kung daraan sa pagitano gitna ng mga tao. 4. "Maaari po ba?" ang sinasabi kung manghihiramo magpapaalam. 5. "Salamat po" ang sinasabi sa nakagawa ng kabutihanpara sa iyo. 6. "Wala pong anuman" ang sinasabi bilang sagotsa nagpasalamat.

Page 13: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Pahalagahan Natin

"Igalang n'yo ang inyong ama't ina."Efeso 6:2a

Ikinatutuwa ng Diyos ang batang magalang. Dapat igalang ang inyong mga tatay at nanay, lolo at lola, ate at kuya, mga guro, at lahat ng mga nakatatanda. Magpasalamat tayo sa ating Panginoong Jesus dahil tinuturuan Niya tayong gumalang.

Page 14: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Aralin 2Alpabetong Filipino

Layunin

Pagkatapus ng aralin, ikaw bilang mag-aaral ay inasahang: * Matutukoy ang ngalan at tunog ng mga titik ng Alpabetong Filipino. * Masusulat nang palimbag at kabit-kabit ang mga titik ng alpabeto. * Pasasalamatan ang Diyos sa Kanyang Salita.

Page 15: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Unawain Natin

Tunog at Ngalan ng mga Alpabeto"Ana, larawan ng a ang dala mo?

tanong Binibining Rosal.

"Ito po ay atis. Ito ay maaaring magsisimulas titik na kapital (/ey/), maliit na a (ey/).

"Tama!" masayang sabi ni Binibining Rosal.

“Mga bata, ang titik 'A' ay kabilang sa alpabetong Filipino. Ito ay binubuo ng mga titik. Halina't alamin natin ito isa-isa."

Page 16: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Pag-isipan Natin

Isulat sa inyong papel o kwaderno ang mga letra na nasa ibaba.

Page 17: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

TalasalitaanPalawakin Natin

Alpabeto• Ang alpabeto ang serye ng mga titik o letra • Ang Alpabetong Filipino ay binubuo ng dalawampu't walong titik at binibigkas sa tunog-

ingles maliban sa ñ. a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, I, m, n, ng, ñ, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z

• Ang walong dagdag na titik ay: c, f, j, ñ, q, v, x, z

Pag-aralan Natin

Bigkasin ang ngalan at tunog ng mga titik ng alpabetong Filipino.

Page 18: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

aso /a/ bulaklak /b/ Carl /k/ damit /d/ elepante /d/

Fely /f/ gansa /g/ halaman /h/ isda /i/ Jun /j/

Sabihin ang ngalan ng mga larawan

Page 19: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

kabayo /k/ lawa /l/ mangga /m/ niyog /n/ Niña /ñ/

ngipin /ng/ orasan /o/ papaya /p/ Pang. Quezon /k/ rosas /r/

Sabihin ang ngalan ng mga larawan

Page 20: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

sapatos /s/ takip /t/ upo /u/ vinta /v/

watawat /w/ x-ray /x/ yate /y/ Zebra /z/

Sabihin ang ngalan ng mga larawan

Page 21: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Gawin Natin

Sa inyong papel o kwaderno, kupyahin ang mga titik at punan ng malaki o maliit na titik ang bawat patlang.

A ____ ___ b C ___ D ___ e ___ ___ f

G ___ ___ h I ___ ___ j K ___ ___ l

___ m N ___ Ñ ___ ___ ng O ___ ___ p

Q ___ R ___ ___ s T ___ u ___ V ___

___ w X ___ ___ y Z ___

Page 22: Masayang Simula sa Ating Wika...1. "Po" at "Opo" ang sinasabi sa pakikipag-usap, sa matanda man o bata. 2. "Paumanhin po" ang sinasabi kung nakagawa ka ng mali sa iba. 3. "Makikiraan

Pahalagahan Natin

"Lahat ng Kasulatan ay isinulatsa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos,

at mapapakinabangansa pagtuturo ng katotohanan."

2 Timoteo 3:16a

Pasalamatan ang Diyos sa mga titik at salita. Basahin, isaisip, at isapuso ang Kanyang Salita. Ito ang inyong gabay sa pag-aaral.