12
Ang Opisyal na Pamatay Langaw ng MSU-juans Vhoulyouwm 29 Numvah 2 ARSH*TARIAN MeaN Duh Now V PAUNAWA: BINABALAAN KAYO NA ANG MGA NAKAPALOOB DITO AY PRODUKTO LAMANG NG MGA MALILIKOT NA ISIPAN. ANG KATOTOHANAN AY GINAWANG KATATAWANAN. KAYA PEACE LANG <3 Co nf u i s ons LAMPOON ISSUE

Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Second lampoon issue of Mindanao Varsitarian

Citation preview

Page 1: Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

Ang Opisyal na Pamatay Langaw ng MSU-juans Vhoulyouwm 29 Numvah 2ARSH*TARIANMeaN Duh Now

V

PAUNAWA: BINABALAAN KAYO NA ANG MGA NAKAPALOOBDITO AY PRODUKTO LAMANG NGMGA MALILIKOT NA ISIPAN. ANGKATOTOHANAN AY GINAWANGKATATAWANAN. KAYA PEACE LANG <3

Confuisons

LAMPOON ISSUE

Page 2: Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

2 Meanduhnow Varsh*tarian

SA WAKAS! MAY lampoon isyu na naman! Aba’y ilang siglo kong hinintay ang pagkakataong ito. Sabihin na lang nating sa aming lahat ng eMVee Stars, ako ang pinakagwapo, nag-iisa at bukod tanging sugo na bumangon mula sa putik ng panunuri at panunuligsa upang linawin ang mga tsismis at haka-hakang kumakalawang sa mga malilikot ninyong isipan.

Hindi na kasi mabilang sa daliri ng aking mga kamay at paa ang kaliwa’t kanang hokus-pokus na kumakalat dito sa MiShyU tungkol sa aming mga eMVee stars eh. Kaya naman sana, sa pamamagitan ng artikulo kong ito ay matuldukan na, as in PERIOD, (caps lock to’ para intense) ang mga eksaheradang pag-iisip nyo tungkol sa amin.

First question: “eMVee star man ka noh? Pila inyong sweldo? Gusto man gud ko muapil para naa pud koy pagkakwartaan bah, ahehehe.”

Unang-una po, wala po kaming sweldo na nakukuha mula sa Bahay ni Kuya. Hindi po kami gano’n ka-close para sweldohan nila. Aba’y kung meron lang sana kaming natatanggap mula sa kanila buwan-buwan, eh di masaya. Araw-araw na sana akong nakakakain sa Pep Stret at hindi na sana ako magtitiis na suotin ang nag-iisa kong brief.

Pangalawa, hindi po kami mga Scholars ng MiShyU. Kahit nagme-maintain din kami ng 2.5 CGPA (na mas mataas pa sa mine-maintain ng mga Academic at Science scholars at mas crucial pa kaysa sa mga kapatid nating SiBiPi scholars), wala po kaming mga benepisyo like free worm accommodation, madly allowance na 1,000 peyses atbp.

Ang bukod tangi lamang po naming benepisyo bukod sa panlalait, panghuhusga, at death threats mula sa mga arsonistsa’y free pater tuwing enrolment, depressed IDs, victory panties after magrelease

Hinanakit ng isangeMVee Star

ng issue at coffee in disposable cups tuwing overused-nights. Honest po kami, pramiiiis!

Pangatlo. Oo nga’t tinawag kami upang maging bunganga ng mga estudyante pero wag naman masyadong demanding teh. Mga estudyante rin po kami. Kung makademand ay dinaig pa si Hitler.

Oo [chos!], alam naming nakakapagod pumila upang makakuha lang ng dilaw na resibo na nagkakahalaga ng tumataginting na twennie peyses! Pero isipin niyo na lang ha, aba’y kung pagod kayo, ano nalang kami? Para po sa inyong kaalaman, katulad ninyo’y inaasikaso rin po namin ang aming mga papeles sa enrolment. Kaya naman sana, respeto rin sa amin pag may taym (iiyak na ‘yan).

I-share ko lang to ha. Noong nakaraang enrolment kasi, nagkaroon kami ng friendly encounter with kuya habang nangongolekta ng eMVee pee. Dahil tapos na naming iligpit ang aming mga props nung taym na magbabayad si kuya ay tinanggihan namin siyang magbayad. Actually, marami silang tinanggihan namin sabay sabing, “friends, close naman gud mi, ugma na pud ha? (plaster dayon ug smile).”

Pero nagstrong talaga si kuya. Siya’y naglakad, naglakad at naglakad sa aming harapan. Nakipagtalakan si kuya sa aking kapwa eMVee star na mataray. At ang last words ni kuya before siya nagwalk-out ay “Maghintay kayo! Babalikan ko kayo!!!” Na-touch naman ako sa sinabi ni kuya. Kung hindi lang sana pabagsak ang pagkasabi niya, iisipin kong siya ang ex ko nung nagbreak kami. Pero salamat na din kuya. Dahil sa’yo na-feel ko na isa na akong ganap na eMVee star. Na-achieve ko na ang “We eat death threats for breakfast” na drama ng eMVee.

Pang-apat, iba po ang Varsh*ty sa Varsh*tarian. Nakakainis kasi na may nagtatanong, “Ano ba ang isfort mo? Bashkitbol o Bolibol?” (Pakikipaglandian po kuya, yan ang isfort ko, hmp!) At sa mga MSUjuans dyan na ang mga mameee at dadeee ang nag-eenrol (hindi ako na-orient na pre-school pala ang MiShyU), paki-explain naman na dapat bayaran nila ang eMVee pee at huwag kamo silang magreklamo na tapos na nga nilang bayaran ang Varsh*ty pee sa cassyer ay magbabayad pa rin sila ng eMVee pee, lab yu! Kahit kami mismong mga eMVee stars ay nagbabayad rin.

Panglima, may rason po kaya ang eMVee ay tinawag na

student publication at hindi school publication. Mind you, magkaiba po ang dalawang ‘yan kaya wag po kayong magtaka kung sa mga estudyante kami pumapanig at hindi sa AM DIN. Pero mind you ulet, wala po kaming galit sa AM DIN. At mind you na naman ulet, sinusulat lang po namin ang aming nakikita at naririnig. Hindi po kami gumagawa lang ng istorya dahil trip lang namin mambwesit ng buhay . May rason po kaya tinawag kaming “MAMAMAHAYAG”. Kaya please lang, sana tigilan niyo na ang mga tangkang i-remote control ang eMVee o lagyan kami ng duck tape sa bunganga. Keri Pie Picache?

Maintindihan po sana ninyong ang i-format ang inyong maling paniniwala sa amin ang aking natatanging mission at vision. Hindi lang naman kasi pagsusulat, pagdradrawing, paglalay-out at pagpapasikat ang ginagawa ng isang eMVee star eh.

Mahirap maging katulad namin. Pero bakit pinili namin ito? Ewan ko rin. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko minsan. Basta ang alam ko, may ibang nagsusuot ng nag-iisang brief ko sa dorm. Bow.#

Page 3: Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

Peke ELFs Mga Tanong ng

Etchuserang si Donya Sari

ISANG UNUSUAL EVENT ang nangyari sa akin kahapon. Limang araw na kaming nagba-bonding ng salawal ko. Wala na kasi akong pambili ng sabon. Kaya nag-teks ako sa Teta kong si Donya Sari. “Tets, padala na ug kwarta please. Pramis mag-study ko ug tarong karong exams.”

Automatic ang reply ni mudra. “Linya na sa landbank, nak.” So pumila ako and after a while (a very loooooooooooong while), turn ko na. After lumabas ng maraming paper bills, may isang envelope na na-eject. La-man nito ang isang sulat—mula sa aking etchuserang teta.

Tinatanong niya ako kung bakit nga ba ‘cottage’ ang tawag sa boarding houses dito sa campus, kung totoo ba talagang magkaka-GF/BF ka if kaya mong buksan ang bote ng soft drinks. Compulsory ba daw talaga sa mga engineering students magpaikot ng bolpen gamit ang isang kamay? Mishka’s ba talaga ang tawag sa fried chick-en? Anong klaseng kabobohan daw ito? Gusto nyang paimbesti-gahan kay Mr. Excuse me po kung sino mang ulol ang nagpa-uso ng mga krimeng ito.

Meanduhnow Varsh*tarian 3

matitigil ba nito ang pagbubun-tis ng lola ko?

Di rin magets ni teta kung bakit kailangang piktsuran at ipost sa FB ang pagkain bago kainin. Anong klaseng ritual daw ba ito? Makakabago ba ito sa lasa o makakarami ng grasya? Lumalaganap na nga raw ang katangahan sa mundo.

Ano daw ang meron sa sexy lips ng Camera180 na hindi na-man ito nakaka-sexy? Magmim-istulang annoying orange lang ang fes mo. Dagdag pa nito, bak-it ba daw may dress of the day? Paki-alam ba ng buong mundo na wala kang suot na panty at kakulay ng ngipin mo ang damit mo (kung hindi itim eh dilaw)?

Naiindang din siya sa pa-selfie-selfie ko. Muntik nga akong magka-black eye no’ng binato niya ako ng refrigerator namin. Aba, galit ang mudra no’ng nag-miley at ducky face ako habang nasa Yolanda evacu-ation center. Bakit nga ba daw nagsi-selfie ako habang nasa jeep, sa banyo, sa damuhan, sa mall, loob ng locker, sa ibabaw

Aba ewan at paki-alam ko sa mga kababalaghang ito. Napoles ang peg ko teh. Pero bakit nga ba? Basta alam ko ang theory ni Sigmund Freud at ang Balanc-ing Redox Equation. Bukod doon alam ko rin kung bakit lumilindol tuwing hating gabi sa upper deck ko *awkward moments*.

May Peysbook, Tweeter, In-stantGram at DividedBy account ang teta ko. Astig no? pati Planet Romeo nga tinusta nya. Kaya ayon nabisto niyang maraming MSUju-ans doon. Pakialamera kasi.

Yun tuloy binugbog ako ng reklamo at bunganga niya. Anong meron daw sa LIKE na maraming nagpi-PM sa kanya para i-like ang profile at status nila. Nakakayaman ba daw ang milyun-milyung likes? Solusyon ba ito sa korupsyon? Ka-pag na-like ba raw ang kawawang litrato eh santo na sya? At magka-karoon ba talaga ng world peace kapag ni-like mo ang page ng sikat na mga artista? Malilinis ba ang buong ComeCent kapag na-post ito sa InstantGram? Magkakaroon ba ng totoong CR ang A-Necks? Mago-Goggle daw ba kung sinong pumatay sa guro at sumunog sa Nevermindnolia? At higit sa lahat,

>>continue to page 10

DITO LANG SA MiShyU. Dito ko lang nakakalimutan ang plural ng elf.

May theory ako. Galing sila sa Kaha-rian ng Terror. Sila yung mga lamanlupa na nagkatawang lupa dahil naatasan ng Reyna Katatakutan na bantayan tayong mga MSUjuan. May pinadalang safety manual ang Reyna kaso lang nagkapu-nit-punit ito habang dumadaan sila sa portal between their world and MiShyU. At nang dumating sila dito, tinawag nila ang kanilang mga sarili na PeKeelFs.

Dito ko lang na-experience, in an almost daily basis, yung sabi nilang “when you see death coming, you’ll see a flash of things that are truly important in your life.” In my case, it includes my family and friends, ang paborito kong Pater sa Furrestree, my unsolved confu-sion kung bakit usong-uso ang expres-sion na‘ma-shock ka’ kahit wala namang nakaka-shock, ang manamisnamis na fog (Yes, I’ve tasted it. Don’t judge me), my cottage bed, my dreams and ambi-tions, my studies, MiShyU as a whole... acheche.

And do you know what triggers this experience of mine that happens in an almost daily basis (paulit-ulit?)? The PeKeelFs.

The fear of dying ng wala sa oras, tol! Nakakahiya mang sabihin pero nag-issue na ako ng sariling Tempo-rary (pwede ring permanent) Restrain-ing Order against them just for safety purposes. Don’t get me wrong, I know they’re not trying to implicate harm sa ating mga students pero hindi ko talaga maiwasang magimbal sa possibility na baka bigla na lang pumutok yang ka-long-kalong nila na em16/em14 at yang dala-dala nilang CaliBeer 45. Yes, I know toy guns. Actually I love them, kaso lang medyo nawala interes ko sa mga maka-pangyarihang laruang ito nang dumat-ing ako sa MiShyU. Napalitan ng dread and fear and love…acheche.

Yung feeling na nakasakay ka lang >>continue to page 5

Page 4: Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

WE ARE NOW singing in the tune of ‘Lord patawad! Pagka’t kami’y makasalanan.

Yes. This article is all about sin. We are about to sin. So on every word, sentence and paragraph of this article, feel free to imagine a choir of four, singing Bassilyo’s song ‘Lord Patawad’ repeatedly. Repeatedly. Repeatedly.

Down to business. Kaya namin naisipang isulat ‘to dahil bored kami. Oo, bored na bored na kami sa daming nagpo-post sa FB at nagti-Tweet ng mga malulungkot na quotes and messages. If you’ve not heard, recently may dalawang public figures na namatay. We totally understand if you’re now saying ‘huh? Sinong namatay?’ kasi may scarcity ng TV dito sa MSU and well, we don’t want to talk about the speedy internet connection here kasi baka madagdagan pa kasalanan namin.

Unang umiyak ang masa nang lumabas ang balitang pagpanaw ni Paul Walker. Oo, miyakadedo na siya akie. Siya yung isa sa mga bida ng Fast and Furious movie series. Ang daming nagluksa. Sad nga naman ang death niya dahil namatay siya while doing a fundraising activity for the Yolanda victims.

Pero mas na-sad kami nang may nakita kaming mga Peysbook post ng nagke-claim na they’re grieving daw. Oo, they’re grieving kasi wala na yung hot at yummy na bida ng favorite action movie nila. Iba na talaga ang mundo ngayon, mas nauuna pa ang kalandian kaysa pag-alis ng muta sa mata.

Just like any other normal human being, hindi perpekto sina Walker at Nelson Mandela. Pero we cannot deny that they’re good people. Kaya naman, upon contemplating with the recent deaths, dalawang katanungan ang nabuo sa malilikot at makasalanan naming mga isipan.

1. Sa dinami-rami ng tao sa mundo (patama sa mga balasubas out there), bakit sila pa?

2. There is a saying na “Death comes in threes”. So, who’s next? *drum roll*

PROSPECT #1: Janet Jackson of Naples

I invoke my right against self-incrimination.

Wala po akong alam. Malay ko. Ewan. Hindi ko alaaaam.

Habang nagpapakahirap tayong mga pinoy sa paghahanap-buhay, aba nagpapakasasa naman ‘tong lola niyong ‘inosente’ sa buwis na ating ibinabayad. Ikaw na! Ikaw na ang may right! Sadyang minurder mo na talaga ang Article 3 section 17 ng ating Constitution!

With Janet Jackson behind the bars, the PDAF controversy still remains a big mystery kahit na naabolish na ito. Paano kasi, pakipot pa ang lola niyong kumanta. Takot sigurong malaman na sintunado ang boses nya. Dapat isama na rin niya si Pogi, Sexy at Tanda para everybody happy. Anyway, palasyo naman eh. De erkon with soft bed, flat-screen TV, and gadgets with laptop featuring wifi? What are friends for, right?

At eto pa. Gusto pa talage ni PeeNoy ibalik ang Dukhang Administrasyon sa Pera (DAP) na yan. Kesyo legal daw kahit sabi ng Constitution na hindi. Bakit ba ayaw niya na lang gamitin ang perang yan at and lahat pa ng PDAF para sa mga tunay na proyekto ay hindi para sa pataasan ng building?

PROSPECT #2: Ang Daldal AmpaTwoAnts

Siya ang buhay na ehemplo ng kawalang hustisya dito sa Pilipinas. Mahigit animnapu ang namatay ng dahil sa kanya. Ano ba talaga ang requirements para mapakulong ang isang tao? Tall, dark and poor? May quota of deaths ba?

Ilang taon na ang lumipas nang una naming nakita ang bulldozer at backhoe na ginamit para ilibing ang mga inosente sa lupa malapit sa Maggie-danao. Imbes na maparusahan ang may kasalanan, ang lolo niyo ay buhay hari pa rin sa kanyang kulungan. Iba na talaga ang mayaman. Huwag sana siyang kagatin ng cobra, tamaan ng kidlat, lamunin ng lupa, mahulog sa butas na gawa ng earthquake, tangayin ng tsunami, lunurin ni typhoon Yolanda, habulin ng aso, lapain ng tigre (rawr!) at mamatay sa konsensya habang nagpapakasarap sa buhay sa kanyang ‘pakitang taong’ kulungan.

WALKER, MANDELA,

4 Meanduhnow Varsh*tarian

Page 5: Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

Meanduhnow Varsh*tarian 5

PROSPECT #3: Free d’ minor de edad aggielar!

Hero sya ng mga miyembro ng Senior Citizens Club of the Philippines. Lalo na yung mga may plano pang mag-go forth and multiply. Si Ka Free D’ ang nagturo sa kanilang bagong constant ratio na 16:60.

Medyo rude na kami. Tama nga pala. Lab daw niya si ‘Beb’. Wala kaming karapatang makialam sa lablayp ng iba. Ano nga naman ang problema ng taong nagmamahalan? Ang sarap kayang magmahal. Lalo na kung bata?

Wala kaming issue kay Ka Free D’. Until we’ve heard na nagbalik-Islam daw ang lolo nyo para lang mapakasalan ang pinakamamahal nyang ‘Beb’. Maraming nabilib sa aksyong ito ni lolo. Power of lab nga naman.

Maybe it’s just us, pero mali ba kami if iisipin naming ginamit lang ng lolo niyo ang Islam para lang humaliparot one more time? Oh come’on! And to think na Muslim politician friend pa ni lolo ang nagsuggest ng ‘why not convert para legal magiging marriage nyo?’ TSK.

PROSPECT #4: Walang-pakialam-pero-wagas-makareact MSUjuans at kamag-anak-kita-kaya-ikaw-ang-mauuna owpeeeeshals

Nagkalat sila dito sa emesyu. Sila yung mga taong parang new year’s resolution ang pag kibitz ng balikat at pagiging apathetic. Sila yung nananalasa sa pagiging reklamador pero wala namang ginagawa. Talak dito, talak doon ang favorite hobby (soon to be habit) ng mga MSUjuans. Pero kung i-invite mo sa rally tungkol sa TP abolition at TOFI increase, ang kanilang makapangyarihang sagot ay, “naa diay rally ron? Ahehe, pwede mu-pass sa? Naa man gud koy buhaton sa cottage oy! Importante jud ni sya friend!” Kitams? Pinapairal na naman ang katamaran.

Dumako naman tayo sa mga friendly nating mga owpeeshals. Naglipana sila sa cassyer tuwing enrolment. Si early bird MSUjuan ay gumising ng madaling araw para makapag-enroll ng maaga. Nasa cassyer na siya 5am pa lang. Kahit alam niyang 10am pa magbubukas ang butihing opisina, hindi ito alintana ni MSUjuan. Hanggang sumapit ang maraming

taon, sa wakas ay nagsisimula na ang mga tranSUCKtions sa cassyer. Mahigit limang libo ang nakapila. Confident si MSUjuan dahil siya ang una sa linya. Hindi niya alam, ilang libong wave of zombies ang naglabas-masok sa loob ng cassyer. Take note, ilang libong mga papeles na sintayog ng Mount Everest din ang kanilang mga dala.

Kesyo magkamag-anak daw naman sila, kaya sila na ang unang magbabayad at unang i-enroll. May point naman pala sila eh. Ang ikinaiinis lang ni MSUjuan, habang siya’y namamatay at walang kain sa pagpila, ang mga ‘butihing kamag-anak’ ng mga owpeeeeshals ay nakaupo at naghihintay lang ng grasya sa labas. Sadyang iba talaga ang powers ng palakasan system dito sa MiShyu. Hahay…

Hindi kami mga diyos and we are not attempting to play as ones. It’s just that wala lang kaming ibang magawa ngayon kundi ang isipin na bakit sina Walker and Mandela pa? Anong klaseng joke ba ito? Isa naman ba ito sa manifestation na malapit na ang end of the world? O.A. na.

We know wala kaming say and we should not say anything like this talaga. Suggestions lang naman to eh. Kung pagbabasehan ang kanilang mga kabulastugan, over qualified ang aming mga prospects. Pero sana naman, deserving na ang sumunod. Just saying. (kumakanta pa rin kami ng Lord Patawad hanggang ngayon, with more feelings).#

ng basketball ring, sa ilalim ng cliff, sa bibig ng buaya, habang may nagpuputukan, o may sunog at may baha.

Ito daw ay mga sinyales na katapusan na ng mundo; magugunaw at mapupulbo na ito. Pero ewan. Di ko alam kung anong klaseng trip ang hanap ni Donya Sari. Ang alam ko lang dapat itigil ko na ang kaplastikang to. Pero may mga sagot ba kayo sa mga Tanong ng aking ina? Dahil ako, hindi ko alam. K fine. Babosshh!! #

AND WHO’S NEXT?

>>from page 3.

mga laraw

an galing sa inquirer.net

Page 6: Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

VISION 2020:BINGI NA TAYO sa kakarinig

ng 2020, hindi naman dahil sa ito ang bagong schedule ng ‘End of the World’ pero dahil ito ang taong itinakda ni MacDo sa pagdadalaga ni MSU. At dahil sa napakahala-gang pangyayaring ito ay marami ang atat kung kaya’t marami rin ang nagpasyang mag-extend sa kani-kanilang kurso. Pero dahil sa napakatalinong ideya ng pesteng Reyna ng Langaw na nakasalamin na Pasimuno ng Meanduhnow Varsh*tarian (ehem) pinahanap niya sa akin si Madam Auring para lang mabigyan kayo ng Sneak Peak ng Coming Up Next na Vision 2020.

Pero sa kasamaang palad, ugod-ugod na po pala si Madam Auring at naubos na ang lahat ng kanyang asim sa katawan dahil sa abusive at illegal acts ng Datu Puti suka. Kaya naisipan na lang po naming imbitahan si Alice ng Twi-light Saga para hawakan ang palad ni MacDo at sabay-sabay nating tunghayan ang kinabukasan ng Mishyu.

Vision #1. Magpapataasan ng building. Maiinsecure ang bagong building ng MSU Gaisano Mall.

Vision #2. Magkakaroon ng dance floor sa loob ng San Anto-nio Spurs Isidro Hall. Magkakaroon nang Saturday Night Fever starring MacDo, Jollibee and Goldilocks.

Vision #3. May bagong trans-portation. Magkakalesa na sa loob

TOP 20

ng Mishyu dahil iba-ban na ang mga trisickel para bawas gulo at populasyon. Pero hindi na kabayo ang magpapatakbo sa mga kale-sang ito kundi mga crocs na ap-prentice of the late great Lolong. Isipin mo na lang kung kailan ka makakarating sa annex kung gal-ing ka pang Sebenstret?

Vision #4. Every Sunday ay magko-concert sa Dimaporo gym in celebration sa bagong kisame nito. At wala nang klase every Monday dahil rest day sa mga hangovers.

Vision #5. Mas malaking LED TV screen sa kada sulok ng MSU at magmo-movie marathon every weekdays. Depende na sa’yo kung papasok ka para makita ang terror-ista mong instructor o tatambay ka sa mga sulok-sulok para mapa-nood ang paborito mong “Please be careful with Maya’s Heart” na naging Hollywood movie series na.

Vision #6. Smoky Moun-

tains – MSU branch. Dati, kokonti lang ang mga basura. This time, lilinisin na ang Payatas at Smoky Mountains dahil nakakahiya na sa MiShyU.

Vision #7. Magta-top sa bill-board list ang RNB version ang ‘Silahis’. At kakantahin ito from Mondays-Saturdays with match-ing dance steps. Ito rin ang magig-ing theme song ng Hataw. Forever.

Vision #8. Every night is a can-dle-light dinner. Walang kuryent-edahil wala nang Lasorryko kasi magtatayong sariling hydroelec-tric power plant ang MiShyu.

6 Meanduhnow Varsh*tarian

Page 7: Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

VISION 2020:TOP 20

Vision #9. Pupunta ang Show-time family dito at ibabalik nila ang kanilang segment na “I am Pogay” at “That’s my Tomboy” dito mismo sa campus. Ang pila ng mago-audition ay kasing haba ng pila sa labas ng UBO.

Vision #10. Magpapatayo ng Motel and Recreation Center sa gitna ng golf course. Ibabalik na din ang Bermuda grass sa Bermu-da Triangle at made-depress ang lahat ng golfers.

*****

Time out muna, hindi na mai-balik ni Alice ang kanyang mga mata, naduling nang tuluyan. Re-load….

Vision #11. Ang Mishyu ay magiging Monsters University da-hil sa mga instructors.

Vision #12. Wala na ang ka-ribal naming Mindanao Varsitarian dahil sinunog na lahat ng copies. Tuluyanna rin silang na-control ng AmDin. At kami na ang sikat. Bwa-haha!

Vision #13. May bago nang policy, P1,ooo ang fine per event na di napuntahan. Kapag na-late, P 999.99.

Vision #14. Britney Spears, Jennifer Lopez, John Prats, Maja Salvador at Justin Timberlake – ang mga bago nating P.E. teachers at si Michael Jordan ang bagong Dean. Magi-increase din ng 200% ang sweldo ng instructors dahil konti nalang sila kasi na-lay-off la-hat ng contractuals.

Vision #15. Magkakaroon ng driving school sa loob ng Mishyu para sa mga batang ginagawang pastime ang pedicab.

Vision #16. Wifi hotspot na ang buong Mishyu dahil magdo-donate ng second hand routers ang Smart, Globe at PLDT at every-day mag-tsi-change ng password.

Vision #17. Dahil sa sobrang init dala ay nag-evaporate lahat ng fog kaya pati si big brother ay mapo-post ng throwback selfie nya noong foggy season pa.

Vision #18. Mai-internally dis-placed ang mga wild animals sa may forest ng Kabingan dahil doon ipapatayo ang naglalakihang air-conditioned comfort rooms.

Vision #19. Magmimistulang carnival ang Marawi dahil colour-ful tarpaulins at ito ay mababansa-gang the selfie capital of the south.

Vision #20. Ang MisU ang magiging exclusive for rich kids kasi magkakaroon ng BBTFI (Bong-gang-bonggang tuition and other fee increase) at ia-appreciate tayo ng UP Diliman kasi kahit sa 2020 gaya-gaya pa na ang Mishyu sa kanila.

Sana ay na-enjoy kayo sa am-ing Sneak Peak sa Vision 2020. Lak-ing pasasalamat ng Meanduhnow Varsh*tarian kay Alice ng Twilight para sa kanyang napakalaking par-tisipasyon. Sigurado akong mas excited na tayo ngayon sa paparat-ing na 2020 lalo na at may sneak peak na tayo kung anong klaseng World Class na University ang MiShyu. So guys, see you in 2020.#

Meanduhnow Varsh*tarian 7

Page 8: Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

Dear Kuya,

Sa henerasyong hindi na uso ang ballpen para sumulat at iparating sa isang tao ang nais nating iparating, ako ay muling gagamit ng makalumang istilo upang maiparating sa’yo ang nilalaman ng aking puso. Charoooss!

BTW, sisimulan ko ang sulat na ito sa isang magandang good morning. Kamusta naman ako? Naku, okay pa sa lolo ko’ng pumanaw na. Heto at patuloy na nilalanghap ang lamig ng fog sa melting pot of the South, patuloy na nakikibaka sa kagandahang di mo inakala, at nabubuhay na palaging hinahabol ng fans at paparazzi. Haay, alam mo bang napakahirap ng ganitong buhay? Kung pwede pa lang papangitin ang sarili, matagal ko na talagang ginawa, eh kaso, I always end up failing! Ahuhuhu!

Anyways, kamusta ka naman? Hindi na kita nakikita eh. Magkapit-bahay lang naman siguro tayo dahil pareho tayong naninirahan sa MiShyU, pero alam mo, minsan lang kitang nakikitang lumalabas sa lungga mo. Siguro kapag lumalabas ka eh, tinatakpan ka nang makapal na salamin ng iyong magarang sasakyan. Pero seryoso, alam mo bang Haymishyu? Naku maniwala ka. Kaya heto at sumulat ako dahil may sasabihin ako. Oo, meron. Gusto mong malaman?

Noong isang araw nabalitaan ko na may sinunog palang photocopy center at mga bahay sa MiShyU! Napakagandang regalo dahil naganap pa ito sa araw ng pasko. Nabalitaan mo rin ba yun? Alam mo bang palagi ako doon sa mga photocopy-han nagpapaphotocopy o nagpapaprint kasi tamad akong pumunta sa PepStret? Pero tanong ko lang ha, akala ko ba hindi na trending ang sunog sa MiShyU? Akala ko ba move on na tayo? Anyaree? Nakew, andami pala ditong mahilig maglaro ng apoy. Ano namang ginagawa mo para dito? Baka hahayaan mo lang rin na unti-unting tupukin ang mga natitirang xerox centers?

Nakaraan din ay may na-tegi nanamang estudyante sa ComeCent bago pa man nagsimula ang classes. Balita ko nangyari yun in public at nakawala lang sa isang iglap ang may sala na parang si Batman. Anyaree sa kapulisan natin? At wala nga atang nasabi ang friends natin sa admin tungkol sa nangyari. Anyway, na-appreciate ko pa rin ang libreng bus papunta ng iligan.

BTW, alam mo ha, nasisiyahan din naman ako dahil medyo may improvement akong nakikita sa MiShyU. Alam mo, akala ko forever na akong mahuhulog sa mga butas sa daanan dyan sa may San Isidro Hall. Mantakin mong parang mga landmines ang mga butas diyan na tig-1 inch lang ang layo sa isa’t isa? Well, natatawa rin naman ako pag natiyempuhang may nasho-shoot diyan na estudyante dahil sa katetext. Pero ngayon ha, impernes, may improvement na. Kaso ang improvement, parang commercial lang ng Fita (natatandaan mo yung kalahating sports car, yung red?). Oo, ganoon ang nangyari sa daanang pinagawa mo sa limang milyong donasyon ni Pareng Antonino Threellanes IVVVVV – kalahati lang. Anyaree? Well, pasalamat na lang ako at may nilagay na LED TV display iklavosh diyan sa tapat ng malaking hall at kahit papaano eh naiilawan ang aking mga landas kapag ako’y ginagabi pauwi. Ang ganda-ganda ng pagpapalabas natin sa may gym at admin, pero sana maayos man lamang muna ang CR sa A-Necks kasi magkaka-UTI ana ata ako tuwing nagkaklase ako doon.

Masaya din ako kapag napapatingin ako sa bagong Gaisano Mall. Feeling ko kasi nasa Iligan City na ako! Akala ko pangarap lang ang lahat ng mga pinagsasabi mo. Masaya ako dahil kahit papaano eh may nasusulyapan akong kaunting pag-asa at hindi lang mga puro PAASA. Pero parang ang tagal ata matapos ng bagong yellow na Western Union Building, red na Mercury Drug building, at di pa natatayo ang Robinson’s building na kasama nito?

Alam mo, maraming maraming marami pa talaga akong gustong ikwento sa’yo kaso wala na akong time and space eh. ‘Til next time na lang ow? Ingat-ingat ka diyan. Labyu.

P.S. Congrats sa pagka-extend mo ;)

Nagmamahal,Nene

Liham mula sa puso...

8 Meanduhnow Varsh*tarian

Page 9: Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

Si Juan Hampaslupa

AKO SI JUAN. Hindi si Juan na ‘dela Cruz’ sapagkat ‘di ako makapangyarihan at kahit i-donate pa ni Coco Martin ang kanyang mahiwagang espada sa akin, di pa rin ako magiging si Juan dela Cruz dahil hindi ko type makipagsampalan sa mga aswang. Ako si Juan–Juan Hampaslupa.

Mahirap lang kami, ay mali! Hampaslupa lang kami. Tatlong beses pa rin naman kaming kumakain sa isang araw. Kung minsan, tatlong beses puro kanin. Kung minsan din, limang beses, puro hangin, sampung beses, puro tubig. Mabuti na ‘yun, at least, kumakain, right?

Dahil nga sa mahirap (ay mali!) hampaslupa kami, muntik na akong di makapag-kolehiyo. Pero dahil sa mahilig akong makinood sa TV ng medyo hampaslupa rin naming kapitbahay tulad ng Maria Mercedez, The Legal Wife, My Husband’s Lover, at kung anu-ano pang mga palabas na may makapagbagbag-damdaming sampalan at iyakan, madali kong natutunan ang pag-iyak ng di gumagamit ng tubig at eyedrops. Gamit ang panyo bilang props at konting preparation sa script, LIGHTS, CAMERA360, ACTION! (Note:

Meanduhnow Varsh*tarian 9

Basahin ang susunod na linya with feelings. Mas mainam kung may background music.)

“Bakit? Saan ako nagkulang? Ginawa ko lahat. Binigay ko lahat. Sinugal ko lahat. Ang lahat pati ang sarili ko.”

Naulit nang naulit nang naulit ang ginawa kong pagda-drama, pag-eemote-emote, at paglulupasay para lang pahintulutang makapagkolehiyo. Hindi nagtagal, at napunta ako sa MiShyU.

‘World-class’ state university daw ito sabi NILA. Mura ang matrikula. Aba’y natural! “To cater to the needs of the unfortunate” kaya ang peg ng university na ‘to, aside from the obvious fact that it’s a state university, a government-funded institution (Wow! English-english din pag may time).

Masaya rito. Bukod sa libreng fireworks and firearms display anytime, anywhere, libreng ligo sa dagat ng basura tuwing umuulan, almost free na rin ang tuition fee sa tumataginting na 50 per unit. Ayos na ‘yun, kumpara sa ibang paaralan na hihimatayin ka sa taas ng tuition fee.

‘Yun nga lang, bago mo ma-enjoy ang 50 per unit, kailangan mo munang sumabak sa matinding pilahan na susubok sa

tatag ng loob, tibay ng dibdib (at legs sa kakatayo), at

haba ng hininga ( d e f e n s e

mechanism para sa mga kilikiling di nakakatikim ng deodorant o kahit tawas man lang) para lang ma-enrol ang 3 units mo. CWTS pa ang isang unit.

Masaya na sana. Masaya na rin sana sina inay at itay. Kahit papano, malaki ang pag-asa ko’ng makapagtapos dahil mura nga at kaya ng butas na bulsa ni itay. In fact, nagpahanda na nga ako ng “Alhamdulillah and Congratulations” tarpaulin (hindi ako excited!) Kaso, na Estress Drilon ako nitong mga nakaraang araw. Akalain mo ba namang planong bawasan ng bonggang-bongga ang annual budget para sa MiShyU? Ilan lamang ang mga sumusunod sa maaring mangyari kapag tinapyasan ang budget:

1. Tataas ang tuition fee. 2. Tuition fee will increase.3. Motaas ang tuiton fee.4. Myakatastas so tuition

fee akie.

Wala na kasing ibang mapagkukunan ng pampaayos ng mga haunted rooms at mga CR, at wala nang pambili ng chalk, markers, lab equipment, tables, chairs, sala sets, TV sets, computer sets, T-shirts, uniforms, pants, sapatos, cellphones, jewelry and accessories, IPad, IPhone, Ferrari, Mercedes Benz, at kung anu-ano pa.

Ano nang mangyayari sa akin? Sa amin? Sa atin? (uuy, aminin, hampaslupa rin kayo.) Ano na ang gagawin ko? Natin?

A. Maging rebelde?B. Magbigti? C. Manghold-up?D. Mag-confess sa MSUan

Confession?

Mapipilitan akong huminto. Hindi ba nila naisip na may mas malubha pa sa hampaslupang kagaya ko na nag-aaral sa MiShyU?

Nasaan na ang matagal nang ipinaglalaban ng mga over-kung-magstrong-na-mga-aktibista na Right to Education? Nasaan ang tuwid na daan (eh mas lubak-lubak pa ‘to kesa sa mukha ng nagbabasa. XD Peace!) Nasaan ang pagka “State University” ng MiShyU kung pa-slow-mo itong tinatanggalan ng budget? Saan? Saan?

Hindi ako naniniwalang kapos sa pera ang gobyerno. Kung kulang, eh bakit taun-taon, bilyon-bilyong piso ang kanilang pinapalamon sa mga buwayang mahilig magsabing “I invoke my right against self-incrimination”?

Sabi pa ni auntie Ariella Arida, “Education is the key for a better future.” Paano ba yan, mga mayayaman lang pala ang magkakaroon ng bonggang-bonggang future kasi sila lang naman ang nakakapag-aral. Ang mga hampaslupa, tuluyang malilibing sa lupa.

No way! Ayokong umalis sa MiShyU dahil nandito ang crush ko at hindi ko pa nakukuha lahat ng shares ko sa kasera. Sayang ‘yun. Ayokong umalis dahil pinaghirapan ko itong pasukin. Ayokong umalis kasi naniniwala ang itay ko na ako ang sugo at itinakda–itinakdang mag-aahon sa kanila sa hirap. Higit sa lahat, ayokong umalis sa MiShyU dahil ako si Juan – Juan Hampaslupa.

At ipaglalaban ko ang karapatan ko. #

Page 10: Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

10 Meanduhnow Varsh*tarian

>>from page 3

Ako: Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, ano ang totoong sto-rya at bakit ka umiiyak Kathryn.. nagladlad na ba si Daniel?

Kath: Ahuhuhuhuu. Hindi pa po. Ay mali. Hindi po.. iba po yung iniiyakan ko. Problema po ng MV ito. At by the way po, hindi ako ang totoong Kathryn. Nagtatago nga lang di ba ako sa pangalang to kaya wag mo akong iisyu kay Daniel kasi di ko siya crush. Hmph.

Ako: Ah yeah, haym sareee. MV isyu nga pala ito. So ano na? An-yare? Dinig ko ay may threat daw kayong na-detect? Kanino ba gal-ing ba ito? Anong threat? Kelan? Saan at paano? Sabihin mo cge na sabihin mo nahhhhh!

Kath: OA neto. Masiyado ka na-mang affected eh karibal naman tayo. Huhuhu. Well akshali, ang totoo is hindi siya yung tipong threat na at stake ang magagan-dang buhay namin. Iba siya. Basta iba siya.. buti nalang fully protect-ed kami ng pro version ng Avast! Haaay.

Ako: Mas ang OA neto! Sabihin mo na nga, masayado kang space consuming, girl. Dafuq.

Kath: Ay soweee. Totoo nyan tala-ga, may balak silang palitan kami sa pwesto. Kaso akalain mo hindi man lang kami na-text na papali-tan na kami at maghahanap ng bagong Editors na hindi galing sa MV! Pede ba yun? Watdoyutink?

Ako: Eh masiyado naman kayong possessive sa pwesto nyo! Feel-ingera talaga.

Kath: Ansabe mo?

ng trisickel tapos may nakita kang PeKeelFs na nakasuot ng deadly sash and all you can do is wish na masani-ban ng ispiritu ni Turbo ang makina or ang driver para hindi ka maging casualty in case biglang magkai-sip at magloko ng kusa ang mga weepoons nila.

Medyo O.A. at paranoid na pa-kinggan pero kaya nga tinawag na possibilities kasi posibleng mangyari. Hindi sa lahat ng oras nakakainspire ang kantang Titanium particularly ang parting nagsasabing ‘I’m bullet proof. Nothing to lose. Fire away. Fire away.’ Kasi in real life, we have our life and dreams to lose. Kaya please don’t fire away, don’t fire away.

When I hear about PeKeelFs, I can’t help but think about The Con-juring (na by the way namimispro-nounce ng almost 99% ng taong kilala ko) and The Miracle at Cell #7.

Of course I don’t literally scream in terror. Paano na lang image ng pagkalalaki ko n’yan, tol. Pero deep inside, nanginginig na ang sikmura ko sa takot. Under my Daniel Padilla get-up ay mga brasong nangingisay at mga binting nagshe-shaky dance.

Actually, saludo ako sa kanila (pwedeng joke, pwede ding hindi). Seriously, kung wala sila dito sa cam-pus, Olympus Has Fallen or White House Down na ang eksena dito. Pero sana naman, ma-introduce din ang idea na they should not defeat the meaning of PEACE KIPPING by brandishing their mighty toys. Not all students have the heart to just ignore those toys, you know. Ang laki kaya ng mga ‘yan. Imbes na mag-promote ng peace, parang mas lumalamang pa ang fear as end-product.

Siguro naman naiintindihan nyo na ngayon kung bakit ako takot. I’m just concerned of our safety my dear MSU-juans (acheche again). If only Bakal na Kruth ni Juan dela Cruth na lang ang nakasabit sa broad and wide arms ng mga mahal nating Pe-KeelFs, I’d feel safer. Amen. #

Ako: Ay wala.. Kako ano nang kasunod ng story. Bilisan mo na’t may date pa ako kasi nag open na ang Dining Room.

Kath: Yun na nga.. kahit tweet o post man lang sa fb at i-tag kami tungkol sa desisyon nila na papal-itan na ang mga editors ng MV ay di nagawa. Feeling betrayed ta-laga kami. Ash een. Ahuhuhuhu.

Ako: Eh sino daw ba ang ipapalit sa pwesto nyo?? Baka naman kasi ang tatamad niyong magtrabaho at di niyo masulat-sulat ang gusto nila. Masiyado kasi kayong strong eh.

Kath: Akshali ate, tapos na nga ang screening para sa mga edi-tors eh. Akalain mo, nag-send pala sila ng invitation letters sa mga colleges na open to eve-rybody ang screening ng mga editors for MV. Ika-capslock ko ha, EDITORS.

Ako: Huwaaat? As in the editors? Gosh. Editor.. Diba yun yung tagabilang ng pera na partner ng treasurer? Editor?

Kath: Boba naman to masiyado. Editor kasi. Hindi auditor. Editor, yung mga nage-edit at nagko-correct ng mga news, feature, opinion at syempre kasali na dun ang Editor-in-chief, Associate edi-tor and many more. Yun…

Ako: Ah yun pala, hehe. Wala kasi kaming ganyan dito eh. Hehehe. Sareee. Oh tapos? Anong masa-ma dun? Baka naman may maga-galing pa sa inyo noh. Assuming naman kayo masiyado. Hmmph.

Kath: Seryoso ka? Tingin mo

anong kalabasan kung ang mala-lagay sa matataas na pwesto ay newbie pa? Pwede ba yun? Pa-rang kakapasa mo lang ng SASE tas graduating ka na agad? Boba mo teh!

Ako: Oo nga noh? Hehehe. Pero unfair naman din kayo kung gal-ing lang din sa MV ang maging head ng publication! Feel ko ta-laga threatened lang kayo kasi di kayo masiyado magaling. Pwe.

Kath: Natural noh, san ka ba na-kakita ng grupo na kukunin sa labas ang lider? Meron namang sa loob? Ba’t maghahanap ng ba-guhan eh meron namang matagal na? Isip isip din pag may time, friend. Boba.

Ako: Kanina ka pa ah! Wag mong gawing sinungaling ang nanay ko ha! Sabi nya matalino ako tas ikaw kanina mo pa ako tinatawag na boba. Nag masters ako ng Math, pakyu!

Kath: Deh. Joke lang yun. Ganyan lang ako nagko-compliment tala-ga, masiyadong harsh. Hihi. Go na nga lang ako sa story ko. So yun, tapos na ang screening at since ang order sa’min is go widaflow lang daw, nagpa-screen nalang din kami. Pero in fairness ha, sa la-hat lahat lahat lahat na pangyayari sa Journalism life ko ay perstaym kong makasulat ng napa-creative na article!

Ako: So you mean, hindi ka talaga creative magsulat ano? Sabi ko na nga ba. Hmph! Pero ba’t mo na-man nasabi yun?

>>continue to page 11

Threat has been detected – MV Avast!KAMAKAILAN LANG AY nagtungo sa tanggapan ni Shito ang mga feelingerang staves ng karibal nam-

ing Mindanao Varsitarian na dugoan.. ay joke. Lumuluha pala, nagdadalamhati at basang-basa sa ulan na kasing basa ng mga mata ni Teta Krissy nung nag-e-espeech si Prexy Noy. At dahil nga na-tyempohan nila akong nagre-retouch ng aking bloody red lips sa front desk, bigla silang humagulhol at nag tantrums kaya medyo nag panic ako masyado at ininterbyu ang isa sa kanila kung anyare.

Narito ang verbatim transcription ng tsikahan namin ni feelingerang girl na itago natin sa pangalang Kathryn Bernardo Palanca:

Page 11: Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

ententenment

(Paalala: Walang basagan ng trip)

Meanduhnow Varsh*tarian 11

INSTRUCTIONS: Cut thhrough the dotted lines. Enjoy.

Kath: Kasi, during the screening para sa mga edi-tors, pinasulat kami ng essay tungkol sa octopus. Totoo talaga peksman maging butterfly man si Jol-libee, about sa octopus talaga! Eh perstaym ko nga naka-encounter ng Journalistic writing na ganun ang topic eh. Eh pinaka-favourite character ko pa naman si Ursula sa little Mermaid, so nag enjoy ako ng bongga. Ahehehe!

Ako: Congrats naman sayo at nag enjoy ka sa oc-topus writing, este screening ng editors kahit la-bag sa kalooban mo ano?

Kath: Oo nga eh, inenjoy ko nalang din ang mo-ment kasi nga naging inspiration ko si Teta Ursula. Hehe.

Ako: Pero teka wait Kath, diba for editors yun na screening.. so I assume pina-edit din kayo ng bonggalicious after nyong magsulat ng essay about octopus?

Kath: Well ate, as far as my photographic mem-ory is concerned, wala akong naaalala na pina-edit kami ng news, eh for news editor naman ang inapplyan ko. Pero isip ko baka yun lang yung hinahanap nila. Baka ma-me-measure na ng octopus ang prowess ko sa pag-e-edit.

Ako: Is that it? Yun lang talaga? Naku kung alam ko lang na ganun lang eh nagpa-screen nalang din sana ako kasi gusto ko din ang mga sea creatures lalo na si Spongebob. Hehe.

Kath: Kitams, boba talaga to. Hindi po pala sea creature si Spongebob. Sponge po siya, sponge. Hindi sea creature. Tsk.

Ako: Ay oo nga pala noh.. kala ko nga noon ay cheese siya. Hehe. Anyways, girl, kanina ka pa nag-i-istory pero confused pa rin ako. Sino ba kasi yung sinasabi mo na ‘sila’? The who is the sila?

Kath: Ahmm actually ate.. ahuhuhuhuh. Ahhh, hmm.. huhuhuh. Di ko kayang sabihin eh.

Ako: Bat di mo kaya? Kayanin mo Kath! Kaya-nin mo please! Wag kang susuko.. kaya natin to! Hawak kamay di kita iiwan sa paglakbay kaya gowww na! Go! Go sexy! Go go go sexy love!

Kath: Kasi actually, huhuhuhu.. ang may dala ng threat talaga sa MV ngayon ay.. ahhhmmm..

(drum roll)

*Kath whispers to me*

Kath: ASDFGHJKLZXCVBNMQWERTYUIOP!Ako: HWAAAAAAAT????????? As eeeeeeen???

*END OF TSIKAHAN*

>>from page 10

Sorry friends pero na lowbat pala yung iPhone ko nung moment na ni-reveal ni Kathryn kung sino itong nagdadala ng threat sa MV. Hihi. Dun ko lang din nalaman kung bakit nag tantrums ang mga feelingerang taga-MV.. kala ko pa naman di lang din sila maka-get over sa pagkatalo ni Darren sa The Voice kagaya ko. Hihi. Bilin din saken ni Kathryn ay di ko daw pwedeng sasabihin nang direcho in public kung sino talaga ‘sila’ so putol-putulin ko nalang.

Ang… totoong… may… pakana… nang… naturang… threat… sa… MV… ay… ay… ay…

Nag-pm pala si Kath saken, nagbabasa daw siya ngayon, di daw talaga pwedeng sabihin. Naku naman. Anyways, before I end my writing, since pwedeng i-reveal, mag iiwan nalang ako ng hint na maari nyong hulaan within 24 hours at kung sino ang makakahula ng tamang sagot ay mag-uuwi nang isang milyong palakpak.

Hint: Marami sila. Galing sa iba’t-ibang sulok ng MiShyU pero halos sa kanila ay parang lola ko. Magaling mag-advice. ;)

Kaya go hula na! Wag magpapahuli at alamin kung sinetch itey may dala ng banta sa MV at manalo nang limpak limpak na palakpak! Hanggang sa muli… baboooshka! #

Page 12: Mean Duh Now Varsh*tarian: Confusions

MEAT SHITO

Gardo BatongbakalTagahugas ng Pingan

Eduardo Jose IkalimaCarlito BartolomeZoraida PelaezCicerio VillaberdeFernando Casa NiyoganMga Tumutungga ng Tinta

Makisig PunyalesTagapaghasik ng Lagim

Bonifacio Pakpak Juliana DimagibaMga Dakilang Tsismosa

Adorocion AdorableOpinyonado

Binibining Mayumi BatasanAlagad ng Panitikan

Geraldo PasayloTagasukat ng Talinghaga

Prinsesa Dalisay SuyoAng Pasimuno

Lolita Patintero at Neneng ParaisoMga Konsentidor

Monico BabaylanTagabilang ng Sentimo

Gat Perpekto RosaryoAurora GracianaMariano MaurerPaikot-ikot Lang

Don Mayaman Karagatan Bernabe MahayahayMagnanakaw ng Shots

Crisostomo ManawariMarina Nag-akusaGinoo at Binibinig Grapiko

Tonyong BuutanNgumunguya ng Pambura

Bb. Maria HacienderaBb. Binibini ng MindanaoMga Butihing Ina ni Shito