Upload
others
View
8
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
(ME)(YOU)ral:
PAG-AARAL SA “PAMPUBLIKONG SINING” SA MURAL FESTIVAL NG BGC BILANG
MANIPESTASYON NG HENTRIPIKASYON
Tesis na Iniharap sa
Departamento ng Arte at Komunikasyon
Kolehiyo ng Agham at Sining
Unibersidad ng Pilipinas – Maynila
Inihanda Bilang Bahagi ng gawaing Kailangan
Sa Pagtatamo ng Titulong Batsilyer sa Arte ng Sining ng Pilipinas
(Pamanang Kultural at Pamamahala sa Sining)
Sofia Monique Kingking Sibulo
2014-03414
Mayo 2018
i | S I B U L O
PAGPAPATIBAY
Ang pag-aaral na ito na pinamagatang (ME)(YOU)ral: Pag-aaral sa “Pampublikong Sining”
sa Mural Festival ng BGC bilang Manipestasyon ng Hentripikasyon na iniharap ni Sofia Monique
Kingking Sibulo bilang pagsasakatuparan sa mga pangangailangan sa kursong Batsilyer sa Arte ng
Sining ng Pilipinas (Pamanang Kultural at Pamamahala sa Sining) ay tinatanggap at inaaprubahan na.
___________________________________
Odessa N. Joson, M.A.
Tagapayo sa Tesis
___________________________________
Alice Benito – Adeva, M.A.
Tagapangulo
Departamento ng Arte at Komunikasyon
___________________________________
Leonardo Estacio Jr., PhD
Dekano
Kolehiyo ng Agham at Sining
ii | ( M E ) ( Y O U ) r a l
PASASALAMAT
Ang papel na ito ay hindi matatapos kung wala ang gabay ng Panginoon, walang hanggang pasasalamat.
Unang-una, gusto kong pasalamatan ang pinsan kong si Ian Abadilla sa pagsama sa akin sa Cubao
dahil mula roon ay nakumpirma kong kailangan magpalit ng tesis kasi bigong makapagpanayam. Siyempre,
hindi mawawala ang tagapagtustos sa mag-aaral na ito, ang aking mga magulang na nagatasan ko para sa
pagpapa-print, pagpunta sa BGC, at higit sa lahat ay lubos-lubos na pagmamahal (suporta at pang-unawa).
Gayundin, ang pamilya ko sa unibersidad, ang MKule na pinagmumulan ng dagdag na trabaho
kaya napatatagal, charot! Siyempre ang mga karanasan at aral na ibinibigay nito. Dagdag pa ang taong
bumuo at bumubuo rito lalo na sina Chloe Gelera, Eunice Hechanova, Josef de Mesa na nagpahiram ng
lapis para maguhit ko ang una kong konseptwal na balangkas pati ang pagbigay ng ream ng papel, at si
Aries Raphael Pascua sa pagtulak na gamitin ang wikang Filipino sa pag-aaral na ito at tumulong sa pagsalin
ng ilang mga salita, pati na rin ang hindi nawalang suporta sa moral at sa pagsusulat.
Ang pagsusulat ay hindi mabubuo kung hindi lulubog sa lugar. Kaya salamat kay Jess na nakasama
ko sa unang paghahanap ng mga miyural sa BGC. Sumunod sina MJ Nuqui (na naging gabay at nagpahiram
ng kaniyang magandang cellphone pangkuha ng HD na litrato) at si Carl Kimberly Adan na halos magbuwis
buhay sa pagkuha ng litrato sa mga miyural. Huli, si ate Tonette na naging drayber ko para mahanap ang
natitirang miyural dahil nakakapagod lakarin ang buong BGC.
Heart, heart sa mga taong ito. Higit pa kayo sa mga nakasulat dito. Sa mga hindi nabanggit,
maraming salamat at huwag sana kayo magdamdam dahil limitado lamang ang espasyo sa papel na ito
ngunit hindi sa puso ko. Yiiee!
Ngunit hindi puwedeng hindi banggitin ang mga kasama ko sa Kulto na sina Jia, Jess, Jera, Meg,
at Kyla sa paglalakbay sa buong pag-aaral ko sa kolehiyo lalo na sa semestreng ito. Higit, ang mga kapatid
ko sa Joson Layers na sina Jess (quota ka na! Haha), Jia, Meg, Rosa, Lorenz, Veka, at Camille. Higit sa
higit, ang pinakamamahal kong tesis adviser na magpapasaksak ng pink bolpen at sa kaniyag sobra-sobrang
pang-unawa para maayos ang tesis na ito, si Ma'am(i) Odessa N. Joson. Salamat. Rawr! Rawr! Rawr!
iii | S I B U L O
ABSTRAK
Kilala ang Bonifacio Global City (BGC) bilang lugar na kinatatampukan ng mga pampublikong
sining tulad ng mga nangaglalakihang miyural at mula rito ay nabansagang “Instagram-worthy” ang lugar.
Sa katunayan, lumitaw ang BGC bilang isang lugar na pinauunlad ng pribadong sektor habang naghahain
ng mga pampublikong sining, na siyang lalong nagpatanyag dito. Mula rito, pagtutuunan ng pag-aaral na
ito ang relasyon ng pagiging pampubliko ng pampublikong sining sa ilalim ng pribadong sektor. Ipakikilala
ng pag-aaral na ito ang BGC bilang tahanan ng mga pampublikong sining at ihahain ang mga nakomisyon
na miyural, maging ang proseso sa paglikha nito sa BGC.
Iuugnay ang makakalap na datos sa urban regeneration at hentripikasyon bilang pinauunlad ang
lugar, maging ang mga Uri ng Kapital ni Bourdieu sa kulturang nililikha nito. Sa paghahanap ng relasyon
na nag-uugnay sa pampublikong sining at pribadong sektor na nagkomisyon dito, lumalabas ang mga nasa
mataas na gitnang uri bilang tagapamagitan sa mga nabanggit. Makikita na ang mga pampublikong sining
ay higit sa porma nito, bagkus ay ang tungkulin at nagagawa nito sa lipunang ating ginagalawan.
iv | ( M E ) ( Y O U ) r a l
MGA NILALAMAN
PAGPAPATIBAY ........................................................................................................................................ i
PASASALAMAT ........................................................................................................................................ ii
ABSTRAK .................................................................................................................................................. iii
MGA NILALAMAN .................................................................................................................................. iv
TALAAN NG PIGURA .............................................................................................................................. v
TALAAN NG LARAWAN ......................................................................................................................... v
TALAAN NG TALAHANAYAN ............................................................................................................. vi
KABANATA I: INTRODUKSIYON ........................................................................................................ 1
A. Kaligiran ng Pag-aaral ................................................................................................................... 1
B. Paglalahad ng Suliranin ................................................................................................................. 5
C. Layunin ............................................................................................................................................ 5
D. Saklaw at Delimitasyon .................................................................................................................. 6
E. Kahalagahan ng Pag-aaral ............................................................................................................. 8
F. Metodolohiya ................................................................................................................................... 9
G. Teoretikal na Balangkas ................................................................................................................. 9
H. Konseptwal na Balangkas ............................................................................................................ 12
KABANATA II: REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA .......................................................... 14
A. Katangian ng Pampublikong Sining ........................................................................................... 14
B. Pampublikong Sining at ang Pribadong Sektor ......................................................................... 16
C. Tungkol sa BGC ............................................................................................................................ 19
KABANATA III: PRESENTASYON NG DATOS ................................................................................ 27
A. Pagsisimula ng Mural Festival ..................................................................................................... 27
B. Proseso ng Mural Festival ............................................................................................................ 32
C. Mga Nakaraang Mural Festival................................................................................................... 34
KABATANATA IV: PAGSUSURI ......................................................................................................... 58
A. Pagsusuri sa Nilalaman ................................................................................................................ 58
B. Pag-uugnay sa BGC at Pampublikong Sining nito .................................................................... 62
KABANATA V: KONKLUSYON AT REKOMENDASYON ............................................................. 69
A. Konklusyon .................................................................................................................................... 69
B. Rekomendasyon ............................................................................................................................ 70
SANGGUNIAN ......................................................................................................................................... 71
APENDISE ................................................................................................................................................ 74
APENDISE 1: Panayam kay Martha Asuncion ................................................................................. 74
v | S I B U L O
TALAAN NG PIGURA
Pigura 1: Konseptwal na Balangkas............................................................................................................ 12
Pigura 2: Venn Diagram ng demograpiko sa BGC ..................................................................................... 22
TALAAN NG LARAWAN
Larawan 1: Basurahan sa BGC ................................................................................................................... 24
Larawan 2: 1 pader sa gawa ni Dee Jae Pa’ este ......................................................................................... 28
Larawan 3: 2 pader na gawa ni Dee Jae Pa’ este ........................................................................................ 28
Larawan 4: 3 pader sa gawa ni Dee Jae Pa’este .......................................................................................... 29
Larawan 5: 4 pader sa gawa ni Dee Jae Pa’este .......................................................................................... 29
Larawan 6: 1 anggulo na nagpapakita sa pagiging konektado ng gawa ni Dee Jae Pa’este ....................... 29
Larawan 7: 2 anggulo na nagpapakita sa pagiging konektado ng gawa ni Dee Jae Pa’este ....................... 29
Larawan 8: 3 anggulo na nagpapakita sa pagiging konektado ng gawa ni Dee Jae Pa’este ....................... 29
Larawan 9: Miyural ni Archie Geotina ....................................................................................................... 30
Larawan 10: Miyural ni Doppel .................................................................................................................. 30
Larawan 11: 1 Miyural ni Kristin Farr ........................................................................................................ 35
Larawan 12: 2 Miyural ni Kristin Farr ....................................................................................................... 36
Larawan 13: 3 Miyural ni Kristin Farr ....................................................................................................... 36
Larawan 14: Miyural ni Drew Merritt ........................................................................................................ 36
Larawan 15: Miyural ni Anjo Bolarda ........................................................................................................ 37
Larawan 16: Miyural ni Egg Fiasco ............................................................................................................ 37
Larawan 17: 1 Miyural ni Nate Frizzell ...................................................................................................... 38
Larawan 18: 2 Miyural ni Nate Frizzell ...................................................................................................... 38
Larawan 19: 3 Miyural ni Nate Frizzell ...................................................................................................... 39
Larawan 20: 4 Miyural ni Nate Frizzell ...................................................................................................... 39
Larawan 21: Malayuang perspektiba sa 3 Miyural ni Nate Frizzell ........................................................... 39
Larawan 22: Malayuang perspektiba sa 4 Miyural ni Nate Frizzell ........................................................... 39
Larawan 23: Malayuang perspektiba sa 2 Miyural ni Nate Frizzell ........................................................... 39
Larawan 24: Miyural ni AKA Corleone ..................................................................................................... 40
Larawan 25: Miyural ni Faile...................................................................................................................... 40
Larawan 26: Miyural ni Cyrcle ................................................................................................................... 41
Larawan 27: Mapa para sa 2016 Mural Hunt ............................................................................................. 43
Larawan 28: Miyural nina HotxTeaDog and Pony ..................................................................................... 43
Larawan 29: Miyural ni Archie Oclos ........................................................................................................ 44
Larawan 30: Miyural ni Andrew Schoultz .................................................................................................. 44
Larawan 31: 1 Miyural ni Bunnie Reiss ..................................................................................................... 45
Larawan 32: 2 Miyural ni Bunnie Reiss ..................................................................................................... 45
Larawan 33: Miyural ni Pastel FD .............................................................................................................. 46
Larawan 34: Miyural ni Trip63 ................................................................................................................... 47
Larawan 35: Miyural ng KFK Collective ................................................................................................... 47
Larawan 36: Miyural ni Kris Abrigo .......................................................................................................... 48
Larawan 37: 2016 Miyural ni Nate Frizzell ................................................................................................ 48
Larawan 38: Ang 3 bahagi na miyural ni Solana Perez .............................................................................. 50
Larawan 39: 3 Miyural ni Solana Perez ...................................................................................................... 51
vi | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Larawan 40: 1 Miyural ni Solana Perez ...................................................................................................... 51
Larawan 41: 2 Miyural ni Solana Perez ...................................................................................................... 51
Larawan 42: Miyural nina Samson at Rina ................................................................................................. 51
Larawan 43: Lalaki sa miyural ni John Antido ........................................................................................... 52
Larawan 44: Babae sa miyural ni John Antido ........................................................................................... 52
Larawan 45: Pagtatagpo sa miyural ni John Antido at ang paligid nito ..................................................... 52
Larawan 46: Miyural ng Biskeg Pangasinan Artist Collective ................................................................... 53
Larawan 47: Miyural ng Palimpsest ........................................................................................................... 53
Larawan 48: Miyural ng ASEAN ............................................................................................................... 54
Larawan 49: Mapa ng 2017 Mural Hunt ..................................................................................................... 54
Larawan 50: Stranger Things ...................................................................................................................... 55
Larawan 51: Mapa ng BGC ........................................................................................................................ 61
TALAAN NG TALAHANAYAN
Talahanayan 1: Talaan na nagsuma sa mga artist na lokal at dayuhan ....................................................... 55
Talahanayan 2: Suma ng mga naganap na Mural Festival .......................................................................... 56
1 | S I B U L O
KABANATA I: INTRODUKSIYON
A. Kaligiran ng Pag-aaral
Pampublikong sining kung ituring ang mga sining na makikita sa pampublikong lugar. Sa
katunayan, sinabi ni Penny Bach (1992) na ang pampublikong sining ay parte ng ating pampublikong
kasaysayan, parte sa nagbabago nating kultura at sa ating kolektibong alaala.
Halaw mula sa kasaysayan, ang Pilipinas ay nagmula sa komunal na lipunan bago dumating ang
mga Kastilang mananakop. Ang komunal na oryentasyon ay kitang-kita sa lahat ng aspekto ng tradisyunal
na buhay sa nayon magpahanggang sa mga siyudad (De Leon, 2011). Ilan sa mga ibinigay na katangian ay
ang pagsama ng sining sa ibang halaga at gamit, pagkakaisa ng arte, na ang sining ay kasama sa pang-araw-
araw na buhay at hindi hiwalay na gawain, mayroong pantay-pantay na oportunidad na makasali ang lahat
sa paglikha ng sining, ang alagad ng sining ay hindi hiwalay sa komunidad, at marami pang iba (De Leon,
2011).
Patuloy ang pagbabago ng kultura. Sa maikling paglalagom ng kasaysayan ayon sa Materyalismong
Istoriko ni Karl Marx, mula sa primitibong-komunal kung saan mahigpit ang ugnay sa kalikasan, na dahil
sa pagkakahati-hati ng trabaho at nagkaroon ng pribadong pagmamay-ari ay umusbong ang lipunang
mayroong naghahari’t inaalipin. Dahil walang tigil sa pagdigma para makaangkin ng lupa at alipin ay
naging piyudal ang lipunan na may matinding katapatan sa panginoong maylupa. Magkagayumpaman ay
nag-alsa ang mga maliliit na kapitalista at nagbunsod sa pangingibabaw ng kapitalistang lipunan kung saan
ang maliliit na artisano ay nagpalago ng kanilang kapital, na unang sumibol ang manipestasyon sa Kanluran.
Hindi hiwalay ang kalayaan sa politika sa pagsisimula ng kultura dahil konsepto lang ang
nagpapaiba rito (Peralta, 2016). Kasabay sa pagpalit ng sistemang panlipunan ay ang pagturing sa sining.
Sa konteksto ng lipunang Pilipino, isa sa mga sinaunang sining ng primitibong-komunal, ay ang
Petroglyphs sa Angono-Binangonan na sinasabing 2000 BC naiukit (National Museum). Pagdating ng mga
2 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
mananakop sa Pilipinas ay lipunang may naghahari’t inaalipin ang kanilang inabutan. Sa panahong ito,
katatagpuan ang mga ang mga torogan na may disenyong panolong na sumasagisag na tahanan ng mga
maykapangyarihan tulad ng datu o sultan (Cultural Center of the Philippines). Sa ibang aspekto, ang
pagtugtog ng Kulintang sa komunidad ng mga Maranao ay isang pagtitipon para sa buong komunidad
(Cadar, 1973). Sa kabilang banda, ang sining sa paglikha ng palayok, tato, tela, anito, palamuti, hiyas at iba
pa na tinuturing nating sining ngayon ay mga bagay na mayroong pinaggagamitan kaya wala silang
konsepto ng museo (Yusi, 2015).
Sa panahong pananatili ng mga kolonyalista ay naging piyudal ang lipunan at dito higit na
lumaganap ang sining na dala ng mga mananakop sa pangunguna ng Simbahang Katoliko. Sa tatlong daang
taong pananakop ng mga Kastila ay umusbong ang proto-galleries (Yusi, 2015) kung saan nasimulan ang
pag-ukit ng mga santo at pagpinta sa mga imahe na inilalagay sa pinatayong mga simbahan na pinupuntahan
ng mga mamamayan. Hanggang sa pagkakaroon ng mga moro-moro na ginamit upang tunggaliin ang mga
namumuno sa simbahan sa pamamagitan ng teatro. Sa panahong din ito, ang mga Pilipino na mayayaman
ay unti-unting nakakapagmay-ari at nabubukas sa pag-aaral sa iba’t ibang porma ng sining sa Kanluran.
Pagdating ng mga Amerikano ay pinasinayaan ang pag-aaral sa sining bilang isang espesyalisasyon
sa pamamagitan ng mga paaralan. “Artistic creation becomes highly specialistic, separate from everyday
life, an assertion of the individual ego, and driven by commercial success” (De Leon, 2011).
Hindi maitatanggi ang epekto sa Pilipinas; pagsapit ng ika-19 na siglo, ang Pilipinas ay naging mas
Kanluranin dahil sa pagkakaroon nang mas matinding ugnayan na nagbukas sa makakanluran na liberal at
sekular na kaisipan, higit na umusbong sa mga siyudad, na kabaligtaran – malayo sa sinaunang konteksto
ng mga Pilipino sa sining (De Leon, 2011). Umusbong sa pagpapalit ng panahon ang pagtatatag ng mga
museo at galeriya, modernisasyon sa mga paisahe ng mga siyudad, at ang paglalagay ng mga dambana
(Yusi, 2015). Sa katunayan, taong 1898 unang nagtayo ng dambana ang Pilipinas sa Daet, Camarines Sur,
upang kilalanin ang kabayanihan ni Jose Rizal (National Historical Institute, 2008).
3 | S I B U L O
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdigan, ang mga bagong tayo at muling isinaayos na
mga gusali ay kailangang malagyan ng mga pinta at iba pang gawang sining (Yusi, 2015). Sa puntong ito
ay unti-unting umusbong ang pagkakamit ng mga pampublikong sining bilang mekanismo para sa ‘urban
regeneration.’ Magkagayumpaman, ang konsepto ng paggamit sa pampublikong sining para sa ‘urban
regeneration’ ay nagsimula lamang noong dekada ’80 sa kanluraning bansa (Hall & Robertson, 2001) na
mayroong higit na pag-aaral. Isinulong na ang ambag ng pampublikong sining ay maaring pang-ekonomiya,
sosyal, pangkapaligiran, at sikolohikal (Hall & Robertson, 2001).
Sa kabilang banda, hindi isang anyo ng sining ang pampublikong sining; bagkus kakaiba ito dahil
sa kung paano ito ginawa, saan ito matatagpuan, at kahulugan nito (Bach, 1992). Isiniwalat ni Bach na ang
pampublikong sining ay nasasalamin at naihahayag ang ating lipunan at nag-aambag ng kahulugan sa ating
mga siyudad. Ang pampublikong sining ay kayang maglahad ng kahalagahan ng komunidad, mapaganda
ang kapaligiran, mabago ang paisahe, mapatindi ang ating pakialam, o mapaisip tayo sa ating mga hinala
(Bach, 1992). Nakalagay sa pampublikong lugar, ang sining na ito ay naroon para sa lahat, isang anyo ng
kolektibong pagpapahayag ng komunidad na nasasalamin at naihahayag ang ating lipunan at nag-aambag
ng kahulugan sa ating mga siyudad (Bach, 1992).
Gayumpaman, tumaas ang pagkilala ng madla sa sining nang tumaas ang bilang ng mga kapitalista
pati ang mga pang-gitnang uri (Yusi, 2015). Makikita na unti-unting nabubukas ang publiko sa sining sa
pagkakamit ng mga pribadong pagmamay-ari. Ilan sa manipestasyon ng paglabas ng sining sa
kumbensiyonal na mga museo ay noong 1995, naglunsad ang Academy of Filipino Artists (AFA) ng mga
exhibit sa bangketa at taunang palabas sa Luneta Park (Yusi, 2015). Magkagayumpaman, isinulong ni Yusi
na sa kasalukuyang paglakas ng ‘mall culture’ sa Pilipinas ay nagbigay daan para higit na maakses ang
sining. Hindi maitatanggi na sa impluwensiya ng Kanluran sa pagkamit ng mga likhang sining ay sa
pamamagitan ng mga pribadong sektor.
Ang pagsasapribado ng sining ay maaring, base sa kasalukuyang polisiya ng gobyerno, ay
nagtutulak sa mga tax konsesyon kung saan nabibigyan nang labis-labis na kapangyarihan ang mga
4 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
indibidwal at mga multinasyonal na kompanya. Ang ganitong uri nang pagpopondo ay nakaaapekto na sa
uri ng kultura kung saan ito pinakikita at halagang kasama nito. (Miles, 1989). Sa paglaganap ng ganitong
sistema, tatalakayin ng pag-aaral na ito kung paano pa maituturing na pampublikong sining ang mga sining
na may inisyatiba ng mga pribadong sektor.
Isa sa mayroong malinaw na manipestasyon ng pag-usbong ng pampublikong sining sa ilalim ng
pribadong sektor ay ang mga kinomisyon ng Bonifacio Arts Foundation, Inc. (BAFI) sa Bonifacio Global
City (BGC).
Ang BGC ay anak ng bagong siglo (21st century) na ngangahulugang moderno sa kontemporanyong
pamumuhay na mayroong mahusay na pag-iisip at madamdaming puso (passionate hearts) (Bonifacio
Global City). Sa katunayan, taong 1949 ibinalik ng mga Amerikano sa mga Pilipino ang BGC na noo’y
Fort Bonifacio, na ipinangalan kay Andres Bonifacio na kinikilala bilang Ama ng Rebolusyon sa Espanya,
at ginawang permanenteng punong-himpilan ng Philippine Army sa taong 1957 (Bonifacio Global City).
Pagsapit ng dekada ’90 ay ibinigay sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang 240-
ektarya upang pasinayaan ang paggamit sa mga dating kuta ng Amerika sa Pilipinas na maging
kapakipakinabang sa mga sibilyan (Bonifacio Global City). Pagsapit ng taong 2003 ay pumasok sa kontrata
ang Ayala Land, Inc. at Evergreen Holdings, Inc. na hinubog ang BGC sa kung ano ito ngayon - “amiable,
nurturing, world-class business and residential center” (Bonifacio Global City).
Sa pagkakataon na ito ay nakita ng BGC, sa ilalim ng pribadong sektor, ang kahalagan ng sining
upang mahubog ang isang komunidad sa pamamagitan ng BAFI.
Mithiin ng BAFI na pangunahan ang pagpapaunlad ng sining at kultura sa BGC (Bonifacio Art
Foundation, Inc.). Dagdag pa sa kanilang mithiin na gawing “city with a soul” at “the home of passionate
minds” ang BGC sa pamamagitan ng mga permanenteng installation, functional arts project, at mga
kaganapang kultural (cultural event).
5 | S I B U L O
Ang BAFI bilang tagapasinaya ng sining at kultura sa BGC ay nagsasagawa ng Mural Festival
kung saan sila ay nagkokomisyon ng mga gagawa ng miyural, at mula rito ay higit na lumalawak ang
pampublikong sining sa nasabing lugar.
Sa kabuuan, titignan ng pag-aaral na ito ang relasyon sa pagkonsumo sa pagiging pampubliko ng
pampublikong sining ng pribadong sektor.
B. Paglalahad ng Suliranin
Maraming aspekto ang paglalahad ng sining sa publiko. Bagaman kinikilala ang nabuong sining
ng mga Pilipino mula sa komunal na lipunan ay ibang-iba na ang sistema ng lipunan na ating ginagalawan
ngayon. Sa kabilang banda, ang pag-usbong ng pampublikong sining ay ang pagbabalik ng sining sa mas
malawak na tumatangkilik dito.
Isa sa kinakikitaan ng manipestasyon nang paglaganap ng pampublikong sining ay ang mga
proyekto na kinokomisyon sa BGC. Kung titignan ang mga pampublikong sining sa BGC ay pasok ito sa
pagpapalagay na makikita sa pampublikong lugar na bukas sa madla. Sa kabilang banda, ang kaligiran ng
BGC ay umiikot sa pamamahala ng pribadong sektor.
Kung susuriing maigi, maipapalagay ba na pampubliko ang pampublikong sining sa ilalim ng
pribadong sektor sa kaso ng BGC?
C. Layunin
Layunin ng pag-aaral na ito na
1. Tukuyin ang mga miyural sa BGC
6 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
2. Ilarawan ang proseso sa pagpili, pagbuo, at pagposisyon ng mga miyural na pampublikong
sining sa BGC
3. Suriin ang kaligiran ng BGC bilang lokus ng mga pampublikong sining
4. Maipaliwanag ang ugnayan ng pag-usbong ng pampublikong sining bilang proyekto tungo sa
Hentripikasyon.
D. Saklaw at Delimitasyon
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa pampublikong sining sa konteksto ng Pilipino, na nakatuon sa
naging gampanin ng pampublikong sining na miyural sa relasyon nito sa pribadong sektor na nagkomisyon
dito sa kalagayan ng BGC.
Bagaman mahirap bigyan ng tiyak na pagpapakahulugan ang pampublikong sining (Miles, 1997),
sasaklawin ng pag-aaral na ito ang konteksto ng paggamit sa pampublikong sining ng pribadong sektor sa
pagpapaganda ng lugar na pinapaunlad. Higit na tututukan ang BGC na mayroong labis na manipestasyon
sa mga pampublikong sining na kinomisyon ng pribadong sektor. Gayumpaman, ang kasalukuyang mga
estatikong miyural sa kategorya ng pampublikong sining sa BGC ang gagamiting halimbawa bilang parte
ng komunidad sa pang-araw-araw na buhay. Sa kabila ng katangian nito na ephemeral, malinaw na ang
mga sumusunod na miyural ay kasalukuyang matatagpuan sa panahon ng pag-aaral ng tesis na ito na siyang
nagpapatunay sa pagkakaroon ng miyural bilang pampublikong sining na kinomisyon sa BGC:
1. ANDRES, KATIPUNAN SUPREMO nina Doppel sa Bonifacio High Street Central (2014)
2. ARTWORK ni Drew Merritt sa The Globe Tower (2015)
3. BETWEEN THE LINES ng Cyrcle sa Icon Plaza (2015)
4. BEYOND BORDERS, PEACEFUL VOYAGE nina nina Youngyun, Siyeong, Sunil, Auggie,
Bunga, Bows, Haha, Perol, Pesey, Ariff, Cyrus, Zero, Miguel, Nemo sa 26th St. corner 5th Ave.
(2017)
5. CALAMANSI AND SAMPAGUITA ni Francisco Diaz aka Pastel FD sa BGC Corporate Center
(2016)
7 | S I B U L O
6. CHARLOTTE ni Nate Frizzell sa Bonifacio High Street (2016)
7. DATING TAGPUAN ni John Paul Antido sa C3 Annex, Bonifacio High Street Central (2017)
8. FOR THE PEOPLE: GATES OF PARADISE ni Palimpsest sa BGC Bus Depot, 31st St. (2017)
9. HAND SYMBOL ni Bunnie Reiss sa Mango Tree Bistro sa Bonifacio High Street (2016)
10. HEAR NO EVIL, SEE NO EVIL, SPEAK NO EVIL ni Archie Geotina sa 28th St (2014)
11. HOMAGE TO CONSTRCUTION WORKERS ni Kris Abrigo sa Net One Center (2016)
12. KAPIT KAMAY ni Biskeg Pangasinan Artist Collective sa C3 Annex, Bonifacio High Street
Central (2017)
13. KIDS WITH SPRAY PAINT CREATIONS, WE ARE WHAT WE PRETEND TO BE (1, 2, 3, 4)
", BEAR. TIGER, FLOCK OF BIRDS ni Nate Frizzell sa Bonifacio High Street (E, F, G) (2015)
14. LETSTROLL nina HotxTea and Dog and Pony sa Bonifacio Stopover sa 32nd St. (2016)
15. MAGIC IN MANILA 1 ni Kristin Farr sa Bonifacio Technology Center (2015)
16. MAGIC IN MANILA 2, 3 ni Kristin Farr sa Transformer Building (K, L) (2015)
17. MAGSASAKA nina Archie Oclos at Aleili Ariola saBurgos Eats - Information and Recharge
Station (2016)
18. MAY YOU FIND COMFORT HERE ni K.F.K. Sa B1 Bonifacio High Street (2016)
19. METROPOLIS (POP ART) ni AKA Corleone sa C1, Bonifacio High Street (2015)
20. MOTHER NATURE: FOUR SEASONS ni Dee Jae Pa’este sa Bonifacio High Street Central (sa
hagdan papuntang 28th Street) (2013)
21. OWL GUARDING ni Bunnie Reiss sa B1 Bonifacio High Street (2016)
22. PANGAKO ni Anjo Bolarda sa B3, Bonifacio High Street (2015)
23. PILANDOK ni Egg Fiasco sa B8, Bonifacio High Street (2015)
24. THE HEART OF GOD'S COUNTRY ni Andrew Schoultz sa W 5th building, 5th Ave 32nd St.
(2016)
25. THE WAY HOME (3 part) ni Solana L. Perez sa One Parkade (2017)
26. TREE HOUSE ni Jerson Samson at Jenica Rina sa Bonifacio High Street B2 Portal (2017)
27. WALLFLOWERS ng Trip63 sa B2 (2016)
Sa kabilang banda, hindi sasaklawin ng pag-aaral na ito ang relasyon ng pagiging pampubliko ng
mga museo sa kabila ng pagkakaroon ng museo sa BGC, bagkus ay tututukan nito ang mga pampublikong
sining sa pampublikong lugar na nangangahulugang bukas o nasa labas. Datapwat nakatutok sa mga
8 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
miyural na mga pampublikong sining, ang pag-aaral na ito ay hindi na pagtutuunan ng pansin ang tema ng
mga masasaklaw na pampublikong sining.
Kasama sa pagpapaunlad sa pag-aaral na ito ay ang mga kaugnay na literatura. Bagama’t mayroong
mga nailimbag at nalathala tungkol sa pampublikong sining, madalas sa mga ito ay mula sa mga bansa sa
kanluran kung saan mayroong malaking pagkakaiba sa kultura at konteksto. Sa katunayan, ang kultura sa
kanluran ay indibidwalismo habang ang mga bansa sa silangan ay kolektibismo (Gregg, 2011).
Gayumpaman, mula sa kanluraning panunulat makahahalaw ng mga babasahin sa pampublikong sining at
kaligiran ng lugar kung saan ito matatagpuan.
E. Kahalagahan ng Pag-aaral
Halos lahat ng pampublikong sining ay nakatuon para madagdagan ang kalidad ng malikhaing
aspekto ng kapaligiran (Miles, 1989). Samantalang, napansin ni Albert Elsen na ang pampublikong sining
ay laging nasa panganib na tanggihang kilalanin, desinteresado, at isawalang-bahala – ngunit kayang
bawasan sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga panganib nito (Knight, 2008). Mula rito ay makikita ang
kahalagahan na mapag-aralan ang pampublikong sining lalo na sa kontekstong Pilipino.
Binigyang pansin ni Yudice na ang “public good” sa kasalukuyan ay pinag-uusapan sa pagitan ng
gobyerno, pribadong sektor, at ang lipunan ng madla (civil society) (Knight, 2008). Bilang ang
pampublikong sining ay inihahain sa publiko, higit na nailalantad ang importansiya na mapag-aralan ang
relasyon kung paano maituturing na pampubliko ang sinasabing pampublikong sining na kinomisyon ng
pribadong sektor.
Sa katunayan, mayroong espesyal na kurso ang Aralin sa Sining ng Unibersidad ng Pilipinas-
Diliman na tumatalakay sa pampublikong sining. Magkagayumpaman, sa kasalukuyang proseso nang
pagbabago ng pampublikong sining, mahalagang masipat ito sa mas malalim na pag-aaral sa perspektiba
9 | S I B U L O
ng nag-aaral ng Sining ng Pilipinas na mayroong pangunahing disiplina sa Pamamahala sa sining (Arts
Management) at Pamanang kultural (Cultural Heritage).
F. Metodolohiya
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng kuwalitatibong pananaliksik sa pamamagitan ng mga nailathala
o nailimbag na mga naunang pag-aaral o naisulat tungkol sa pampublikong sining. Kaugnay nito, ang
mananaliksik ay pumunta sa iba’t ibang silid-aklatan mula sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo
ng Agham at Sining, at sa National Teacher Training for the Health Professions, hanggang sa Unibersidad
ng Pilipinas Diliman Kolehiyo ng Arte at Literatura, Kolehiyo ng Arkitektura, School of Urban and
Regional Planning, at sa Main Library.
Upang higit na matutukan ang pampublikong sining sa konteksto ng Pilipino, gagamitin ng pag-
aaral na ito ang kalagayan sa Bonifacio Global City (BGC) bilang nasasaklaw ito sa pag-aaral sa pagitan
ng pampublikong sining at pribadong organisasyon.
Gayundin, ang mananaliksik ay pumunta nang apat na beses sa BGC upang personal na makita ang
kaligiran ng lugar at magtaglay ng dokumentasyon sa kasalukuyang kalagayan ng mga miyural na
kinosmisyon ng BAFI.
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng datos mula sa mga naipahayag na balita tungkol sa
pampublikong sining sa BGC at, mga lathalaing tumatalakay na sakop ng pag-aaral.
Sa kabilang banda, upang matugunan ang mga impormasyon na hindi nailathala, kumapanayam ng
isang makakapagrepresenta sa BAFI, ang organisasyon na nagpapatupad sa paglikha ng miyural sa BGC.
G. Teoretikal na Balangkas
10 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Tumataas ang pangangatwiran sa pampublikong sining, hindi sa usaping estetiko, kung hindi sa
basehang naidaragdag nito sa malawak na usapin sa ‘urban regeneration’ (Hall & Robertson, 2001).
Tinutukoy ang urban regeneration bilang pagpapanibagong hubog ng lungsod na mayroong higit na pag-
unlad kumpara sa nakaraang kalagayan nito na nakaangkla sa pagiging likas-kaya ng ekonomiya. Binanggit
na parte sa pagpapanibagong hubog ang paggamit ng pampublikong sining dahil sa mga katangian nitong
makapagpaganda ng pisikal na kaligiran ng lugar.
Lumabas sa pag-aaral nina Tim Hall at Iain Robertson (2001) na ang productionist at semiotic na
mga paradigma ang nangungunang kritikal sa pampublikong sining. Tinukoy nito na ang productionist ay
sumasangay sa hangarin, mga alagad ng sining, at tagapamahala ng sining (arts administrators), ay
sumasalamin sa kanilang tungkulin at pinahahalagahan na kalidad sa produksiyon ng mga likhang sining.
Sa kabilang banda, tinukoy ang paradigma ng semiotic sa paggamit ng paraan ng ikonograpikong
dekonstruksyon, madalas tinutukoy ang pampublikong sining bilang nasa ideolohikal na lebel ng post-
modern na siyudad, na parte nang maling pagpapakita sa publiko. Mula rito, magagamit ang paradigma ng
productionist bilang batayan sa ilalahad na proseso sa pagkomisyon ng pampublikong sining dahil ginamit
ang pananaw mula sa tagapamahala ng sining.
Upang higit na mapalalim at maipaliwanag ang ugnayan sa pagiging pampubliko ng pampublikong
sining na kinomisyon ng pribadong sektor, ang paglikha ng mga pampublikong sining sa BGC ay gagamitan
ng teorya ng hentripikasyon. Ang hentripikasyon mula sa pag-aaral ni Neil Smith ay ang pagbabalik sa
siyudad, hindi ng mga tao kung hindi ng kapital. Ang konteksto ng kapital na tinutukoy ay mayroong
kinalaman sa halaga sa ekonomiya.
Binigyang pansin din ng pag-aaral ni Smith sa hentripikasyon ang kultural at ekonomikal na
relasyon. “They are often invoked jointly and share in one vital respect a common perspective – an emphasis
on consumer preference and constraints within which these preferences are implemented.”
11 | S I B U L O
Ipinaliwanag ang hentripikasyon bilang resulta nang pagpapalit ng preperensiya at/ o pagpalit sa
limitasyong tumutukoy sa kung anong preperensiya kung ano ang kaya o ano ang puwedeng ipatupad
(Smith, 1979). Nilagom ni Smith na sa katunayan, ito ay isang mobimyento na pagbabalik sa siyudad ng
mga taong nasa antas ng gita at higit pa, habang ang mga manggagawa’t mahihirap ang magmamana sa
arabal na nagpapatuloy sa masaklap na proseso ng pagsasala. Sa ganitong perspektiba lalong makikita ang
ugnayan sa pagitan nang pagiging pampubliko ng pampublikong sining at ang pribadong sektor.
Sa katunayan, sinasabi sa pag-aaral nina Cameron at Coaffee (2005) na nagaganit ang
pampublikong sining bilang promotor ng urban regeneration na kaugnay sa hentripikasyon.
Magkagayumpaman, bilang tutukuyin ng pag-aaral na ito ang relasyon sa publiko, gagamitin ng
pag-aaral na ito ang mga Uri ng Kapital ni Pierre Bourdieu. Pinaliwanag ni Bourdieu na ang kapital ay
akumulasyon ng nagawa, sa materyal o maiuugnay sa nagsasakatawan dito.
Capital is accumulated labor (in its materialized form or its “incorporated,” embodied form)
which, when appropriated on a private, i.e., exclusive, basis by agents or groups of agents, enables them
to appropriate social energy in the form of reified or living labor.”
Tinukoy ni Bourdieu na mayroong tatlong porma ng kapital bilang ekonomik, kultural, at sosyal,
na nakatutok sa mga mekanismo ng paglikom at kumbersiyon (Schugurensky, 2006). Tinala ni Bourdieu
(1986) ang pang-ekonomikong kapital, bilang agad-agad at direktang halagang pera at maging institusyonal
sa porma ng property rights; ang kultural na kapital, ay nasasalin sa piling kondisiyon sa pang-ekonomikong
kapital at maging institusyonal sa kalipikasyon ng edukasyon; at ang panlipunang kapital ay binubuo ng
mga sosyal na obligayon o koneksiyon at maaaring maging institusyonal sa porma ng titulo.
Mahalaga ang teorya ng mga porma ng kapital ni Bourdieu sa pag-aaral na ito sapagkat sinasaklaw
nito ang pagkakaugnay-ugnay ng kultura, sosyal at kapangyarihan sa ilalim ng kapital na nag-uugnay sa
publiko. Importante rin na matukoy ang katauhan ng nagpasimuno sa pagkomisyon ng pampublikong sining
sa rason na maiuugnay ang hangarin dito.
12 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
H. Konseptwal na Balangkas
Pigura 1: Konseptwal na Balangkas
Pinaunlad ng mga stakeholder ang Bonifacio Global City (BGC) at binuo ang Bonifacio Arts
Foundation Inc. (BAFI), na siyang nagkokomisyon ng mga miyural. Makikita na malaking porsiyento sa
populasyon ng publiko mula sa mataas na gitnang uri, maging mga expat, lamang ang nakapapasok sa BGC
na kumokonsumo sa mga hinahaing produkto dito, na pinanggagalingan ng kita ng mga stakeholder ng
BGC.
Pinakikita ang buong kaligiran ng BGC sa loob ng makapal na itim na linya ng parihaba kung saan
katatagpuan ang mga stakeholder ng BGC, na siyang gumagawa ng desisyon at namamahala sa BGC, sa
loob ng dilaw na parihaba. Gayumpaman, bilang global city ang BGC ay binubuo ito ng mga multinasyunal
na kompanya na mayronng mga koneksiyon sa labas ng BGC. Gayundin, tinatag ng mga stakeholder ng
BGC ang BAFI, na sila rin ang bumubuo sa Board of Trustees nito, upang pasinayaan ang sining at kultura
sa lugar, kung saan isa sa mga proyekto nila ang pagkomisyon ng mga miyural sa loob ng BGC. Sa kabilang
13 | S I B U L O
banda, ang bughaw na parihaba ay pinakikita ang populasyon ng publiko. Pinatitingkad na mula sa iba’t
ibang antas ng publiko ay malaking porsiyento lamang mula sa mga mataas na gitnang uri, maging mga
expat, ang nakapapasok sa BGC. Mula sa populasyon ng mga nakapapasok ng BGC lamang ang nakakikita
sa mga miyural, maging nagpapakita ng pagkonsumo ng mga produkto sa BGC na siyang pinagmumulan
ng kita ng mga stakeholder ng BGC.
Mahihinuha na mula sa urban regeneration na naka-angkla sa hentripikasyon, na masasabing
nangyayari sa BGC sa pamamagitan ng mga stakeholder ng BGC ay nakapagkomisyon ng mga miyural
bilang pampublikong sining na nakapagdagdag ng magandang identidad sa lugar upang makapanghikayat.
Bagama’t pampubliko hinain ang mga miyural, pili lamang ang mayroong kakayanan kumonsumo sa
hinahain ng kaligiran ng BGC. Mauugnay sa mga Uri ng Kapital ni Bourdieu, ang koneksiyon ng mga tao
na lumilikha at mithiin ng grupo kasama ang kulturang umiikot dito.
14 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
KABANATA II: REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA
A. Katangian ng Pampublikong Sining
Ang pampublikong sining ay nagsimula sa makakaliwang perspektiba gayundin nagsimula ito sa
paggamit ng gobyerno para sa “urban regeneration” (Steyn, w.t.). Pinalawig ni Steyn na sa paglago ng
pampublikong sining ay may tendensiyang hindi makaalis o malimitahan sa kahulugan na meron ito.
Dagdag pa rito na ang pampublikong sining ay pagiging bukas, pagiging parte, madaling mahagilap
(availability), partisipasyon, madaling maakses at madaling makita. Gumagana ang pampublikong sining
sa pagitan ng katangian (values), emosyon, kultura, ekonomiya at ibang parte ng pang-araw-araw na buhay
(Ursic, 2014).
Pinakilala ni Ursic ang pampublikong sining sa paggamit sa konteksto ng kasaysayan. Sinabi ni
Ursic na ang manipestasyon ng pampublikong sininig ay ang mga monumento o arkitektural na tanawin na
pagmamay-ari ng mga mayayaman. Pagkatapos naman ng ikalawang pandaigdigang digmaan ay lumawak
ang pampublikong sininig bilang matatagpuan sa mga pampublikong lugar at pagiging aksesible sa lahat.
Sumibol ang konsepto ng “revitalization of urban space” gamit ang pampublikong sining noong pagkatapos
ng digmaan. Sa siglo ring ito umusbong ang ‘spatialisation’ na nagpakilala sa “street art” bilang malayang
pagpapahayag ng artistikong ekspresyon sa publiko at paglapit sa pangkaraniwang mamamayan ng
kanilang sining tungkol sa mga kahalagahang panlipunan (socially relevant) na temang nakaangkla sa
‘aesthetic value.’ Binigyang diin ni Ursic na ang street art ay naging impluensiyal sa pagtanggap sa
pampublikong sining.
Hindi kaduda-duda na ang kasalukuyang proseso ng globalisasyon at pagtaas ng
pakikipagkompitensiya ng mga siyudad ay may kinalaman sa relasyon ng pampublikong sining at ‘urban
development’ (Ursic, 2014).
Public art is in this relation often regarded or exploited as a tool that could help increase the
distinctiveness, uniqueness and attractiveness of cities and consequently provide work for the local economic base
(Ursic, 2014).
15 | S I B U L O
Ang magandang halimbawa sa pagpapaganda ng pisikal ay ang “cultural capital in materialized
form” ni Pierre Bourdieu (Ursic, 2014).
Sinipi ni Ursic si Norberg-Schultz, na ang bagong paggalaw ng sining at inobasyon ay patuloy na
nagpapakilala bilang pampublikong sining na nagpapahayag ng identidad. Binigyang diin ni Ursic na
mahalagang maunawaan ito ng mga indibidwal. Sa kabilang banda ay naging parte ito ng “mental map”
kung saan kolektibong nagagamit ito bilang palatandaan sa isang lugar (Ursic, 2014).
Binigyang pansin din ni Ursic ang pagiging pangmadalian ng pampublikong sining at nakamit ba
nito ang mithiin sa iba’t ibang nakakita rito. Mula rito ay kinuwestiyon ni Ursic kung kailangan bang lubog
ang mga lokal na nakapalibot dito kung saan napasok niya ang ‘cultural globalization’ na patuloy na
nagpapasok ng bagong elemento sa espasyo ng siyudad. Katulad ng “global cities”, dahil sa kanilang
malawak na sangay ay kailangan maisama ang iba’t ibang tipo ng pampublikong sining. Katulad ng
malawak nilang manonood, maaari itong magresulta sa matinding pagkakahati ng lipunan at dumaan sa
proseso ng hentripikasyon (Ursic, 2014). Sa kabilang banda, ang maliliit na siyudad naman ay mayroong
unting pagbabago lamang at mas maaapektuhan ng proseso ng ‘urban regeneration’ at renobasyon na
maaring maimpluensiyahan o matanggal ang pagiging malawak ng pampublikong sining (Ursic, 2014).
Binanggit ni Bianchini na ang ‘cultural policies’ ay nakalilikha ng hindi pantay na ‘spatial development’ sa
antas ng lokal at susubukang gamitin ang ‘planning of culture’ imbis na mas buong ‘cultural approach to
urban planning and policy’ (Ursic, 2014).
Pinansin din ni Ursic ang hindi pagkakaroon ng tamang ebalwasyon sa pampublikong sining sa
kabila ng malawakang pagtanggap dito, ngunit sa kabilang banda ay maipapakita ito sa paggamit ng
hentripikasyon at paglikha ng hindi pagkakapantay-pantay sa espasyo.
Dinikta ni Miles (1989) na mayroong apat na pinakapag-uusapan para sa pampublikong sining, una
ang nagbibigay ito ng kamulatan sa lugar; nilalahok nito ang mga taong gumagamit sa lugar; nagiging daan
ito para maipakita ang malikhaing mundo; at pinakikinabangan sa “urban regeneration.”
16 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Pinalitaw ni Miles (1989) na ang sining ay maaring ipakilala sa pagpapaganda sa kaligiran para
mapaunlad ang lugar, na nakahihikayat ng bagong negosyo.
Ang potensiyal, sa konteksto sa malawak na debate para sa kapaligiran, ay ang sining na maging
ahente sa pagbabago ng urban para sa kaligayahan ng sangkatauhan (Miles, 1989).
Sa katunayan, mayroong pag-aaral tungkol sa paghahain ng Angono Petroglyphs bilang
pampublikong sining sa publiko. Datapwat nakatuon ang pag-aaral sa pagpapalago ng pisikal na
pampublikong lugar, sinabi rito na ang pampublikong sining sa Pilipinas ay magtatanim ng apresyasyon sa
sining, ekspresyon, paglahok, at preserbasyon ng sining (Esteban, 2010).
B. Pampublikong Sining at ang Pribadong Sektor
“No such neutrality exists; there is always someone behind the scenes making choices that usually favor her[/his]
own tastes.” (Knight, 2008)
Kung anuman ang pagpapakahulugan sa pampublikong sining ay nauugat ito sa pagitan ng publiko
at pribado – ang magkalaban na mauugat ang pagkakaiba sa kultura at wika (Steyn, w.t.).
Ipinaliwanag ni Steyn na ang pribado ay hiwalay sa nakararami, hindi kabilang sa kabuuang
kaalaman ng mga tao, may kinalaman sa pagiging lihim, personal na pagmamay-ari, pagiging eksklusibo,
pagiging mag-isa, at intimacy. Sa konteksto ng sining, ang ibig sabihin ng pribado sa sining ay bukas sa
merkado. Samantalang ang publiko bilang pangkabuuan, ginawa para sa pangkalahatan, o nagpapakilala
bilang isang komunidad.
“The last time good public art was created, consistently was when the world was run by princes and popes, who
selected the artists to make the spaces. Ever since universal suffrage raised its ugly head, we have had nothing but
trouble. The only good art being produced, nowadays, is private art – because nobody (except the buyer) ever votes
on it.” (Blake mula kay Knight, 2008)
Mula sa sipi ni Knight (2008) kay Peter Blake ay mayroon itong tatlong punto na tinukoy. Una ay
ang kalawakan ng publiko ay napayayaman ng pribadong pagtangap. Sumunod ang kabuuang paglapit sa
17 | S I B U L O
sining kung saan ang mga alagad ng sining ay kumokonsumo ng espasyo. Huli, ang pinansiyang
autonomiya ay maaaring magpataas ng pagiging malikhain.
Sa katunayan, ipinaglalaban ni Patricia Phillips na mula sa indibidwal ang pampublikong sining
(Knight, 2008).
Ang mga proyektong pinondohan ng pribadong sektor ay madalas hindi nakatatangap ng mga
kritisismo at hangganan (censorship) (Knight, 2008). “Some criticism of real estate schemes are well
founded; entrepreneurs may be far less socially responsible or community oriented than interested in fiscal
profits via good public relations.”
Ang relasyon ng sining at pera ay laging nandiyan at madalas ay hindi kumportable, pero ang
ekonomiya ay isang sukatan para maintindihan ang sining lalo na ang pampublikong sining (Knight, 2008).
Subalit totoo na mayroon at maraming pag-abuso ang pribadong sektor, lalo na ang pribadong interes ay
nasa likod ng pampublikong akto (Knight, 2008).
Ang ika-limang kabanata sa libro ni Malcolm Miles (1997) na Space and the City: Public Art and
Urban Futures ay tungkol sa ‘Art in Urban Development.’ Binigyang pansin ni Miles ang pagkakaiba ng
“urban development” at “urban regeneration.”
Ang “Urban Development” sa pagitan ng publiko at pribadong sektor ay manipestasyon ng
paglawak ng pagkomisyon sa pampublikong sining (Miles, 1997). Nakita ni Miles na ang pagkakamit ng
pampublikong sining ay gamitin ang sining sa “capital schemes” kahit na pang sistematikong ebidensiya
na nagsasabi na mayroong benepisyo ang komunidad sa pampublikong sining, bagkus maaaring makaranas
ng “regeneration” sa pagkakaroon ng “development.”
Tinutukoy ang “development” tulad ang pagpapatayo ay ipinapakita bilang public good, habang
ang “regeneration” ay pagtatatag ng likas-kayang ekonomiya.
“Development means building presented as in the public good (‘creating jobs’), it is lent state support in the form of
subsidies, tax break, visual art expertise from subsidized sources, and a reduction in the effectiveness of planning
mechanisms designed to deliver, in other circumstances, democratic accountability (‘cutting through red tape’); and
18 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
it sometimes involves ‘signature’ architecture, or at least an impressive and futuristic skyline seen from across the
water. Regeneration means creating sustainable economies, and it include the means of sociation – a sustainable
sense of neighborhood and ‘street life.’ One of the roles assigned to visual art is to give impression of the difference;
whilst in actuality having a negligible input to the local economy and lacking the capacity of the performing arts to
engender sociation.” (Miles, 1997)
Isa sa mga naibigay na halimbawa ni Miles na lungsod na pinapaunlad sa pagitan ng publiko at
pribadong sektor ay ang London Docklands. Ang London Docklands Development Corporation (LDDC)
ay mayroong programang pangsining na may kinalaman sa lokal na galeri, paghihikayat sa mga alagad ng
sining na may paglalaanan ang kanilang sining, at pampublikong sining. Ipinagmalaki ng LDDC (Miles,
1997) na ang mga naitayo at likas na kaligiran sa London Docklands ay mabilis na nagbabago, na mayroong
mga bagong establisyimento, kalsada at riles ng tren, kasama ang mga bukas na pampublikong lugar, parke
at may iskema para sa paisahe. Dagdag pa ng LDDC, na ang mga alagad ng sining at artisan ay maaaring
makipagtulungan sa mga arkitekto, inhinyero, at mga developer na may malaking epekto, pinapalago at
ginagawang mas makatao ang kapaligiran sa pamamagitan ng mga pampublikong iskultura, floorscapes,
cladding, mga miyural, paggawa ng arkitektura, land art, iron work, at furniture pangkalsada (Miles, 1997).
Pinatingkad ni Miles na ang pagkakaugnay ng pampublikong sining sa pagpapaunlad ng
korporasyon (corporate development) at ang istruktura ng pera at kapangyarihan kung saan ito nakaangkla.
“Developers do not develop in order to construct the ‘city beautiful’, they construct the city beautiful in
order to conceal the incompatibility of their development with a free society.”
Inilantad din ng librong ito, na ang mga naninirahan sa isang lugar kung saan mayroong “urban
development” ay hindi makapagdidikta kung ano ang katangian ng lugar, bagkus ay manipestasyon ito ng
hentripikasyon.
“Gentrification clarifies an area, substituting a simplified and constructed identity (or representation) for the
muddle of ordinary us. This is a contemporary form of the purification of parts of the city for bourgeois life….
“(Miles, 1997)
19 | S I B U L O
Pinalawig ni Miles na ang hentripikasyon ay nakatuon sa sambahayan na matutukoy sa porma ng
pagtatakda ng karakteristik. Pinuna rin ng libro na ito, ang mabilis na pagpasok ng mga tagalabas dahil sa
gampanin nito sa pagiging international modernist art.
Sa kabuuan ng libro, inihahain nito na ang hindi pagkakaroon ng kritikal o etikal na balangkas para
sa pampublikong sining ay magdadala ito sa pagiging komplikado sa ‘urban dis-ease’ (Miles, 1997).
C. Tungkol sa BGC
Ipinagmamalaki ng BCDA na ang BGC ay kinaliligiran ng negosyo at tirahan bilang pagpapaunlad
sa iba’t ibang township projects na nagpapataas ng halaga ng lugar. Kung tutuusin ay pumunta ang ilang
opisyal na kawani ng BCDA sa ilang bansa sa Europa upang pag-aralan ang mga porma ng mga siyudad
doon at ilapat sa plano sa BGC (Sinipi ni Berlin, 2013 si Shatkin, 2006).
Nagpapakilala ang BGC bilang pagtatagumpay ng esensiya ng pagiging tao (human spirit) at
mahuhusay na kaisipan (great ideas) (Bonifacio Global City). Ipinangangalandakan ng BGC na “The charm
and multicultural allure of the city is a reflection of its people – residents and visitors alike who value
quality living and embrace forward thinking as key to a better life. It’s in this spirit of transformative love
and vision that we welcome you to explore this incredible urban oasis.”
Kaugnay nito, ang isang ‘global city’ ay sentro ng urban na tumatamasa ng magandang
kumpetisyon at nagsisilbi bilang tanggapan ng 'globalized economic system' (Charnock, 2013). Taglay ng
isang ‘global city’ ang konsentrasyon sa industriyang pampinansiya at pangserbisyo sa loob ng kanilang
'spatial boundaries'; gayundin ang dami ng mga manggagawa (Charnock, 2013). Sa kabilang banda, marami
ang nakararanas ng 'class and ethnic conflict' dahil sa pagkakaroon ng hati sa antas ng mga manggagawa,
pati na rin ang malaking posibilidad sa pagkakahati sa mga taga-rural sa pambansang ekonomiya
(Charnock, 2013).
As a premier example of the global city in Metro Manila, Bonifacio Global City symbolizes a new
development breaking away from the rest of the city, a sign of modernity and progress contrasted with the
20 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
“undeveloped backwardness” that had earned the Philippines the reputation of being the “sick man of Asia.”
(Berlin, 2013)
Sa katunayan, ginamit ni Patrick Belin (2013) ang BGC sa kaniyang tesis kung saan ang BGC,
bilang ‘global city’ ay tinukoy niya ito na nakaangkla sa globalisasyon na pinamumugaran ng mga
transnasyunal na kompanya. Kaugnay nito, binaggit sa papel ni Belin (2013) na ang pribadong
pagpapaunlad sa lugar, ay may kinalaman sa kultural na kapital ng pamilya ng Ayala na nangunguna sa
pamumuno sa lugar. Pinuna rin ni Belin (2013) ang parikala sa pangalan nito na Bonifacio, ay lokus ito ng
mga transnayunal na kompanya.
Lumabas sa pag-aaral ni Belin (2013) na ang pag-unlad nito bilang isang ‘global city’ ay higit na
bukas sa palitang transnayunal at dayuhang impluensiya. Diniin din ni Belin (2013) sa kaniyang papel na
ang mga klase ng tao na matatagpuan sa BGC ay mula sa mga burgis, maykaya, at expat.
Magkagayumpaman, sa kabila ng mga nabanggit na antas sa lipunan na matatagpuan sa BGC ay sinabi ni
Belin (2013) na ito ay lugar na dapat makita at mapuntahan. Sa kabuuan, napansin ni Belin (2013) na kulang
na kulang sa mga simbulo ng mga katangiang Pilipino ang BGC tulad ng wala itong miyural tungkol sa
kasaysayan ng Pilipinas.
Magkagayumpaman, nabanggit na malaki na ang pinagbago ng BGC simula noong 2002 (Alzona,
2016). Puna ng Executive Director ng BAKER & McKenzie Global Services Manila na si Gabriel Pardo,
na nagsabi na mahirap nang makilala ang lugar, at umunlad ang BGC kasabay ng ekonomiya ng Pilipinas.
Sa ibang artikulo, pinakilala si Carlos “Charlie” Rufino, ang kauna-unahang komersiyante na
nagpatayo ng ‘high-rise office building’ sa BGC (Visconti, 2011). Sa katunayan, kasalukuyang miyembro
si Rufino ng Board of Trustees ng BAFI at naging parte sa unang bahagi nang pagpapaunlad sa BGC bilang
miyembro ng Fort Bonifacio Development Corporation (FBDC) simula 1995 hanggang 2000. Ipinagmalaki
ni Rufino na nagbabayad ang mga may-ari ng lupa sa BGC ng P100 kada metro kuwadrado para sa BAFI
(Visconti, 2011). Sinegundahan ito ni Martha Asuncion (2018), Art Program Officer ng BAFI, na ang
nakokolektang tig-isang daang piso ay napupunta sa pagpapagawa ng proyektong pang-istruktura ng BAFI
tulad ng Mind Museum.
21 | S I B U L O
Tinukoy ni Rufino ang BGC bilang tahanan ng mga high rise at sentro ng komersiyo na may
kaluluwa (Visconti, 2011). Ibinahagi ni Rufino na nasa kamay na ng pribado ang BGC bago ang krisis
noong 1995 at gumastos lamang sila ng P600 milyon para sa pagpaplano ng BGC (Visconti, 2011).
Sa katunayan, mula sa Census ng Philippine Statistics Authority noong 2015 ay 4.32% ang
itinaas na bilang ng mga taong nanirahan sa lungsod ng Taguig, at ito ang naitalang pinakamalaki sa
Pambansang Rehiyon o ang National Capital Region.
"The efficient daily operation, estate management, development control, safety and security upkeep of the
district largely due to the BGCEA (Bonifacio Global City Estate Association) and BGC Estate Services Corporation
(BESC)."
Ang BGCEA, ay asosasyon ng mga may-ari ng lote at naninirahan sa BGC, na nagpapalaganap ng
kabuuang kapakanan ng komunidad na ayon sa BGC Master Development Plan (MDP), Declaration of
Covenants, Conditions, and Restrictions (DCCR), at Design Standards and Guidelines (DSG), na ang pondo
ay nakokolekta mula sa mga may-ari ng lote at naninirahan sa BGC.
Tinukoy ng ZipMatch (2014), isang online webpage ng isang kompanyang binubuo ng mga
komersiyanteng naniniwala sa pagnenegosyo ng real estate, ang BGC bilang pribadong distrito ng serbisyo
kung saan diniin nito na mataas ang pagiging eksklusibo nito.
Ang mga binibentang lugar na maaaring pagtirahan o tahanan dito ay binubuo ng mga primero at
mararangyang condominium. Pinakita na kung titignan ang taunang suweldo ng isang karaniwang pamilya
ay lumalabas na "upper-middle class" ang target na merkado nito (Zipmatch, 2014). Sinuma nito, na ang
demograpiya ng BGC ay binubuo ng mga eksklusibong nakatira doon, eksklusibong nagtatrabaho doon, at
ang mga taong nagtatrabaho sa BGC habang doon naninirahan, na kadalasang binubuo ng mga expat, lokal
na "upper-middle class," at internasyunal na mga mag-aaral.
22 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Pigura 2: Venn Diagram ng demograpiko sa BGC
Ang artikulo ni Sta. Ana (2014) na 6 Home Buyer Concerns of living in Bonifacio Global City na
inilathala sa ZipMatch, ay ang pagbasag sa mga sinasabing maling kaisipan sa pagkakamit ng tirahan sa
BGC. Sinimulan ito sa pagtukoy sa BGC bilang isang distrito na highly urbanized. Unang sinalungat dito
ay hindi labis ang presyo ng mga real estate sa BGC dahil marami na ang namumuhuan dito at binabaan na
raw ang halaga ng mga bahay nang hindi sinasakripisyo ang kalidad nito. Ikalawa, ang tax na binabayaran
sa BGC na sakop ng siyudad ng Taguig ay higit na mababa ang sinisingil kumpara sa lugar ng Makati na
lokus din ng mga negosyante. Ikatlong punto ay bagama't highly urbanized ang lugar at mataas ang antas
ng pamumuhay, ay mayroong mga fast food at convenient stores na puwedeng takbuhan para makakain.
Ikaapat ay ipinagmalaki nito na katangian ng isang highly urbanized na lugar ay maganda ang pamamalakad
sa trapiko kasama ang pedestrian at mga istriktong ruta ng mga pampublikong sakayan. Ikalima, ang
katangian nito bilang isang lugar na malawak ang pampublikong espasyo para makapaglungsad ng iba't
ibang aktibidad tulad ng marathon, art exhibit, food festival, atbp., at para makapagsama-sama ang pamilya.
Dagdag pa, ang paglikha sa mga condominium na mayroong espasyo para sa iba't ibang gawain. Huli,
hinikayat nito ang mga nagsisimula pa lamang sa kanilang karera sa buhay na magandang puhunan ang
tirahan sa BGC dahil sa mga trabaho na maaaring mapasukan at ang nililikha nitong siyudad na mayroong
salo-salong paraan ng paglilibang.
Nagtatrabaho
sa BGC
Residente
ng BGC
Residente
ng BGC na
ang
trabaho ay
sa loob ng
BGC
23 | S I B U L O
Pagdating sa uri ng pamumuhay, "Bonifacio Global City is one of the many modern cities in the
country that is creating a great environment conducive for healthy living." Naglista si Zipporah (2015),
isang manunulat ng ZipMatch, ng mga paraan kung paano maging malusog kung ikaw ay nakatira o
magpupunta sa BGC. Sinimulan niya na kapag namasyal sa BGC ay puwede ka maglakad-lakad o mag
bisikleta dahil tinaguriang "most walkable and pedestrian-friendly" ang BGC. Sumunod, ay buhay na buhay
ang sining at kultura sa BGC, kung saan inaanyayahan kang buksan ang iyong puso't isipan para pag-isipan
ang mga ito. Ikatlo, mayroon itong malalawak na espasyong pampubliko kung saan puwede kang makiisa
sa kapaligiran at mag 'breathing exercise.' Ikaapat, maraming kaabang-abang na aktibidad sa BGC na
masaya, na makapagpapataas ng iyong adrenaline rush. Ikalima naman, maraming lugar pampalakasan sa
BGC kung saan maaari kang makilahok. Ikaanim, nag-aalok ang ang mga kainan sa BGC ng iba't ibang
putahe na masasabing pasok sa gustong masustansiya ang pagkain. Dahil sa malalawak na espasyo ay
mayroong linya para sa mas mahabang pagtakbo, may lugar sa pagsasayaw, mayroon ding espasyo para sa
laruan ng mga bata, at mayroong mga martial arts gym para ikaw ay makapag-ensayo. Huli, hinihikayat na
paganahin ang isipan sa pagpunta sa Mind Museum.
Kasama sa pagbebenta sa lugar bilang magandang tahanan, pinupuri sa artikulong Living with art
in Bonifacio Global City, ang programang pampublikong sining ng BGC at nanghihikayat na tularan ito sa
paggamit ng pampublikong sining para magpaunlad ng siyudad. Idiniin dito na kaiba sa mga pampublikong
lugar sa paligid ng Maynila, ang mga pampublikong sining na matatagpuan sa BGC ay aksesible at
nakaaambag sa surpresa sa pang-araw-araw na buhay.
Ang mga pampublikong sining na katatagpuan sa BGC ay direktang kinomisyon o nanalo sa mga
kompetisyon na pinasinayaan ng BAFI (Villalon, 2013). Isa sa mga batayan na binanggit ni Villalon ay
maging aksesible sa lahat, tulad ng pagiging kahika-hikayat pati maunawaan kahit walang komplikadong
pagpapaliwanagan. Ang halimbawa na ibinigay ay ang basurahan na sinasabing kaakit-akit habang agaw-
pansing nanghihikayat na magamit bilang basurahan na makikita sa Larawan 1.
24 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Larawan 1: Basurahan sa BGC
Pinagmalaki sa artikulong nabanggit ay malawak ang temang sakop ng mga pampublikong sining
sa BGC tulad ng nasyunalismo at kultural. Dagdag pa, ang pagkakaroon ng mga aktibidad pangkomunidad
na nakatuon sa pampublikong sining. Sa kabuuan, sinabi sa artikulo na ang umuusbong na paraan ng
pamumuhay sa BGC ay magandang maging batayan ng tipo ng ‘street life’ sa buong Pilipinas; at sa paraang
ito uunlad ang kalidad ng buhay.
Sinabi sa artikulo ni Visconti (2011), na ang BGC ay distrito ng mga taong nagmamahal sa sining.
Naitampok sa isang lathalain ang pangyayaring isang buwan na ‘Art BGC 2013 festival’ na dinayo
ng higit 200 katao (Orosa, 2013). Tinukoy nito na lalong naramdaman ang sining bilang sentro sa BGC
mula sa paglalatag ng iba’t ibang uri ng sining at kaganapang kultural noong pista, kung saan ang mga ito
ay nakakalat sa labas ng mga establisyamento. Binigyan din ng BGC ng pagkakataon ang ilang maliliit na
artisan para maipakita at mabenta ang kanilang produktong pangsining (Orosa, 2013).
Gayumpaman, sa kabila nang pagiging maunlad na siyudad at bukas na lugar para sa sari-saring
kaganapan, ang ilalim nito ay mayroong malalim na nakaraan na katatagpuan ng tunel na pinagawa ng mga
Amerikano pagkatapos ng giyera sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. Ayon sa salaysay ng dating direktor
ng Philippine Army Museum na si Retiradong Heneral Restituto Aguilar, simula ng 1900 ay dinala ng mga
25 | S I B U L O
Amerikano ang mga minerong katutubo na nagmula sa Cordillera para sa paghuhukay gamit ang asarol at
pala, sa paggawa ng tunel (Ramos, 2012). Ang tunel ay nagsilbing daanan ng mga Amerikano at lagusan
upang madala ang mga gamot, instrumentong panggamot, at pagkain (Ramos, 2012). Inutusan din ni
Douglas McArthur ang noo’y Presidente ng Pilipinas na si Manuel Quezon, na palawakin pa ang tunel
upang maging punong himpilan ni McArthur at lagayan ng suplay pandigma (Ramos, 2012). Nang masakop
ng mga Hapones ang tunel, ay pinalawak pa ito sa pamamagitan ng sapilitang paggawa hanggang sa [dating]
Villamor Air Base sa Pasay (Ramos, 2012). Ang pinakapasukan ng tunel ay matatagpuan malapit sa mall
na Market! Market! at sa silangang banda ng BGC ay ang dalawang labasan na matatagpuan sa Makati
(Ramos, 2012).
Sa katunayan, taong 1976 ay ipinaayos ang tunel na binuksan sa publiko, at isa sa mga naging
puntahan sa Philippine Army Museum at Library Complex (Ramos, 2012). Hanggang taong 1995 ay
ipinasara ito upang magbigay daan sa malawak na paglilinang ng komersiyo (commercial development) at
pribatisasyon ng BGC (Ramos, 2012). Sa parehong taon ay mayroong nakadiskubre sa tunel at nag bandalo
sa mga pader (Ramos, 2012).
Noong 2012 ay pinasinayaan ng mga opisyal ng BGC at BCDA ang pagsisimula ng pagsasaayos
ng tunel para maipalaganap ang kasaysayan na taglay nito. Ipinahayag ni Arnel Casanova, presidente ng
BCDA, na ang proyekto ay para protektahan at gawin itong isang heritage site. Kasama ang BGC at Fort
Bonifacio Development Corp., ay mangungumbida pa ang BCDA ng mga pribadong kompanya para sa
pagsasaayos ng tunel upang mapaintindi sa publiko at makatamo ng pagpapahalaga ang dati nitong gamit
(Ramos, 2012). Pagsapit ng 2013 ay nagkaroon na ng Memorandum of Agreement ang BCDA, National
Historical Commission of the Philippines, Pambansang Museo, at Tourism Infrastructure and Enterprise
Zone Authority, para sa pagpapa-unlad ng tunel na maging museo at heritage site (Sembrano, 2014). Kung
tutuusin, higit 50 taong gulang na ang tunel at masasabing Important Cultural Property ito sa ilalim ng
National Cultural Heritage Act of 2009 (Sembrano, 2014).
Sa kabilang banda, iniulat ni Sembrano noong 2014 na ang lagusan sa 27th Avenue sa Pembo,
Makati ay ginawang imburnal ng mga iskuwater na nanirahan doon at kahit ang Pambansang Komisyon ng
26 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Sining at Kultura ay hindi alam kung pananagutan ba ng sundalo o lokal na pamahalaan ito kasakop. Habang
ang labasan sa Morning Glory Streets ay gagawing ‘tourist site’ sa pagtutulungan ng barangay at BCDA.
At ang huling labasan sa Amapola ay natatakpan ng malaking pagmamay-ari ng pribadong entidad.
Muli, mula sa dating kuta ng mga militar, ang BGC ngayon ay binubuo ng residential landmarks,
museo na interaktibo, at malaking sosyal na pamilihan (BCDA).
27 | S I B U L O
KABANATA III: PRESENTASYON NG DATOS
A. Pagsisimula ng Mural Festival
Ang taong pumasok sa BGC ay hindi maaaring makalabas dito nang walang nakikitang miyural.
Ang 27 miyural na nananahan sa BGC ay lumawak dahil sa pagkakaroon ng Mural Festival. Ang nasabing
Mural Festival na nagsimula taong 2015 ay ang pagkakaroon ng programa para sa mga kinomisyon na
miyural.
Ang nagpasimula sa pagkakaroon ng miyural dito at iba pang pangsining at kultura na programa
ay ang BAFI na sinasabing “non-profit custodian” ng koleksiyon ng mga pampublikong sining sa BGC
(BGC Arts Center). Nagpapakilala ang BGC bilang lungsod na nagpapahalaga sa sining at kultura maging
sa kahulugan nito kaya naitatag ang BAFI. Ipinagmamalaki rin nito na mayroong dedikasyon ang
institusyon sa pagbibigay ng karanasan sa larangan ng kultura at edukasyon na makahihikayat sa publiko
na linangin ang kanilang pagiging malikhain at yakapin ang masining na Pilipino, na nakapagpapabuhay at
pagiging aksesible ng sining.
Sinabi ni Martha Asuncion (2018), na ang BAFI ay ang tanging tagapamahala ng pampublikong
sining sa BGC at ang mga miyural na katatagpuan dito ay bahagi sa mandato nito. Sa katunayan, ang mga
pampublikong sining na katatagpuan sa BGC ay dumadaan sa prosesong inilatag ng Bonifacio Estate
Services Corp., na kumukonsulta sa BAFI - bilang tagapamahala ng pampublikong sining ng BGC - para
sa lahat ng mga pampublikong sining (Asuncion, 2018). Datapwa’t mayroong mga miyural na ibang
pribadong organisasyon ang nagkomisyon, ay dumadaan pa rin ang mga ito sa BAFI.
Kung sisipatin, ang Board of Trustees ng BAFI ay binubuo ng iba’t ibang stakeholders ng BGC
(Asuncion, 2018). Ang tagapangulo ng BAFI na si Joselito D. Campos Jr. ay may hawak na mataas na
posisyon sa iba’t ibang malalaking kompanya sa Pilipinas. Habang ang kahalili ng tagapangulo ay si
Fernando Zobel de Ayala na direktor ng Ayala Corporation simula 1994. Samantalang ang presidente ng
28 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
BAFI ay si Bernard Vincent O. Dy na siya ring presidente at chief executive ng Ayala Land, Inc. Ang iba
pang kasama sa Board of Trustees ay sina Emily A. Cabrera, Carlos S. Rufino, Mariano John L. Tan Jr.,
Edgardo M. Cruz Jr., Gregorio D. Garcia III, at Anna Ma. Margarita Bautista-Dy, na mula sa angkan ng
mga malalaking namumuhunan sa Pilipinas.
Kung tutuusin, nilinaw ni Asuncion (2018) na bago pa magkaroon ng Mural Festival ay mayroon
nang nakomisyon na miyural bilang pampublikong sining ang BAFI. Taong 2013 sinimulan ang
pagkomisyon sa mga miyural bilang pampublikong sining sa BGC at tuluyan itong naitalaga noong 2014.
1. MOTHER NATURE: FOUR SEASONS ni Dee Jae Pa’este sa Bonifacio High Street Central (sa
hagdan papuntang 28th Street) (2013)
(Kuha ni Adan, 2018) (Kuha ni Adan, 2018)
Larawan 2: 1 pader sa gawa ni Dee Jae Pa’ este Larawan 3: 2 pader na gawa ni Dee Jae Pa’ este
29 | S I B U L O
Larawan 6: 1 anggulo na nagpapakita sa pagiging konektado ng
gawa ni Dee Jae Pa’este
(Kuha ni Adan, 2018) (Kuha ni Adan, 2018)
(Personal na kuha, 2018) (Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
Larawan 5: 4 pader sa gawa ni Dee Jae Pa’este Larawan 4: 3 pader sa gawa ni Dee Jae Pa’este
Larawan 7: 2 anggulo na nagpapakita sa pagiging konektado ng gawa
ni Dee Jae Pa’este
Larawan 8: 3 anggulo na nagpapakita sa pagiging konektado ng gawa ni Dee Jae Pa’este
30 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
2. HEAR NO EVIL, SEE NO EVIL, SPEAK NO EVIL ni Archie Geotina sa 28th St (2014)
Larawan 9: Miyural ni Archie Geotina
3. ANDRES, KATIPUNAN SUPREMO nina Doppel sa Bonifacio High Street Central (2014)
[NATATAKPAN NG BAGONG GUSALI]
Larawan 10: Miyural ni Doppel
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
31 | S I B U L O
Ang miyural sa Larawan 2-9 ay mayroong karatula kung saan nakalagay ang logo ng BAFI kaakibat
ang maikling paliwanag tungkol sa miyural. Nakita rin sa pananaliksik na parehong lokal na artist ang may
likha sa mga ito. Samantalang ang miyural ni Bonifacio, sa Larawan 10, na ginawa rin noong 2014 ng isang
Hapon na artist, ay walang karatula, at kasalukuyang natatakpan ng bagong gusali kung saan hindi na ito
matitignan nang malayuan, at may mga talsik ng semento at tubo na kinabit sa pader.
Sa kabilang banda, taong 2014 nagsimulang magkaroon ng ugnayan ang BAFI sa Le Basse
Projects, isang art consultancy firm na nakabase sa Los Angeles, para sa batayan sa pagpili ng mga artist,
pag-curate, logistics, at ang pagpasinaya sa pista na unang nailunsad taong 2015. (Sinipi ni Labrador, 2017
si Asuncion; Asuncion, 2018).
Binahagi ni Beau Basse, founder ng arts consultancy LeBasse Projects, na nang makita niya ang
malalaking pader sa BGC ay naisip niya na dapat mapinturahan ang mga pader kung saan sa pamamagitan
ni Kayo Cosio na Chief Strategist ng marketing consultancy ng HoneycombCommunities ay naiuganya sa
BAFI (Ardeni, 2016). Kinuwento ni Basse, nang makakonekta niya si Monica Llama, BAFI Public Art
Manager, ay binahagi niya ang ideya na magdala ng mga internasyunal na artist para pinturahan ang mga
pader upang makalikha ng pagkatao at isang komunidad sa pamamagitan ng pampublikong sining (Ardeni,
2016). Ang naging tugon ng BAFI ay positibo sapagkat sila raw ay naniniwala na "home of passionate
minds" ang BGC, at trabaho nila na lumikha ng mga programang makahihikayat sa mga tao na maglakad-
lakad sa kalsada at magkaroon ng interaksyon (Ardeni, 2016). Ipinagmalaki ni Basse, na dadalhin nila ang
mga matatalas na manlilikha na mayroong sari-saring estilo mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo (Ardeni,
2016).
Pinaliwanag ni Asuncion (2018; Sinipi ni Labrador, 2017 si Asuncion), na positibo ang tugon ng
publiko at mabilis na pag-unlad ng BGC, kaya lumaki ang proyekto sa pagkomisyon ng miyural at mula
rito ay nagkaroon ng taunang ArtBGC Mural Festival.
32 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Ipinagmalaki ni Asuncion, na nang magsimula ang pista ay ang bawat aspekto ng lungsod ay
tumaas ang kalidad - sa pangkomunikasyon, disenyo, at serbisyo; na sumasabay ang pagbabago ng
komunidad kasabay ng BGC mismo (Labrador, 2017).
B. Proseso ng Mural Festival
Sa katunayan, isa sa mahalagang elemento para pasinayaan ang mural festival ay ang pondo na
magmumula sa mga taga-tangkilik, na naniniwala sa katangian ng mga miyural na kayang pagyamanin ang
buhay-publiko (Asuncion, 2018). Bilang isang kaganapang pangkomunidad, iba't ibang pribadong
kompanya ang sumuporta sa proyekto mula sa pampunta sa mga manlilikha ng sining hanggang sa
pagpapakain sa mga boluntaryo ng pista. Higit pa sa mga naunang nabanggit, ay sa mga pribadong
kompanya rin nanggaling ang suporta para sa mga kaganapang pagbabahagi ng mga manlilikha ng sining
at paglilibot (walking tours) sa BGC.
Mula rito, ang BAFI kasama ang LeBasse Projects, ang pumipili sa mga artist na magpipinta sa
taong iyon at sagot na nila ang lahat ng gastos.
Pagdating sa pagpili ng manlilikha ng sining ay halong kilala at pausbong pa lang na mayroong
dinamikong uri ng tema ang estilo (Sinipi ni Labrador, 2017 si Asuncion). Sinabi ni Asuncion (2018) na
ang mga artist na kalahok ay sinusuri ng BAFI mula sa kanilang malawak na “network” habang tinitiyak
ng organisasyon na mayroong husay, kakayahan, at karanasan ang manlilikha ng sining. Tinukoy ni
Asuncion (Labrador, 2017) na mahalagang aspekto ang magandang ugali ng manlilikha ng sining. Bagaman
mayroong sariling bisyon ang bawat manlilikha ng sining, ay inaangkop nila ito sa kapaligiran kung saan
sila itinakda ng BAFI para isagawa ang kanilang miyural (Sinipi ni Labrador, 2017 si Asuncion). Kaakibat
sa artist na napili ay ang pagsusuri sa kanilang estilo at plano para malapat sa hugis at sukat ng pader na
paglalagyan ng miyural (Asuncion, 2018).
Parte rin sa nabanggit na mayroong pagkakaiba-iba ang hubog at sukat ng pader. Sa kabilang banda,
ang mga pader na pinaglalagyan ng miyural ay pinag-aaralan ang gamit ng lugar ng BAFI at nakikipag-
33 | S I B U L O
ugnayan sa may-ari ng gusali, para na rin sa mungkahi ng paglalagyan ng miyural. Malinaw na mayroong
kasunduan sa pagitan ng BAFI, artist, at may-ari ng gusali kung saan maglalagay ng mga miyural bilang
pampublikong sining.
Ang laganap na tema sa mga miyural sa BGC ay umiikot sa pag-ibig, nasyunalismo, kalikasan,
pang-araw-araw na gawain, at iba pa; higit, hindi pinahihintulatan ang mga may tatak o “brand” sa miyural
(Asuncion, 2018).
Ibinahagi ni Asuncion na mahirap ang isinagawang proyekto. Ngunit sa kabila ng pagod;
ipinagmalaki ni Asuncion na maganda ang tugon ng mga tao na nangangahulugang naisagawa nila nang
mahusay ang kanilang trabaho. Gayumpaman, hinihikayat na maglitrato o mag-bidyo sa nga pampublikong
sining sa BGC bilang pampersonal na gamit ngunit kailangan ng “shot permits” para sa propesyunal na
gamit tulad sa pre-nups, birthday shoots, AVPs, patalastas.
Pagkatapos maipinta ang mga miyural ay walang katiyakan ang hangganan nito sa pader mula na
rin sa katangian nito bilang ephemeral, at idiniin ni Asuncion (2018) na ang lahat ng pagpapasiya
pagkatapos ng Mural Festival para sa mga pampublikong sining ay manggagaling sa BAFI. Sa kabilang
banda, sinabi ni Asuncion (2018) na mayroong manggagawa ng BAFI ang nangangalaga sa mga
pampublikong sining, bagaman hindi na nito ibinahagi ang detalye at paraan.
Magkagayumpaman, tinukoy ni Asuncion (Labrador, 2017) na ang pagsunod sa sampung araw na
iskedyul para sa mismong pista noong 2016 ang pinamalaking dagok na kanilang kinaharap.
"The mural festival really showed that art can exist on different surfaces. We hope that it has inspired the
community to incorporate more art into their daily lives. Walking around BGC has become more interesting and
less of a chore. In fact, walking is preferred because you would miss out on all the art if you didn't!" (Asuncion mula
sa Labrador, 2017)
Sa kabuuan, pinanindigan ni Martha Asuncion (2018) na ang lahat ng miyural ay para sa publiko
kung saan pinaliwanag niya ito bilang nakapagpapasaya at nakapag-bibigay inspirasyon. Dagdag ni
34 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Asuncion (2018) na ang mga miyural ay nagsasalaysay ng kuwento ng bayan o ang kasalukuyang sitwasyon
na naibabahagi sa publiko sa isang malikhaing paraan.
C. Mga Nakaraang Mural Festival
2015
"The Art BGC ONE Festival hopes to create both a unique sense of place and build an experiential atmosphere for
both residents and international visitors to BGC. It aims to showcase the inclusive nature of public art by creating
murals that can be enjoyed by the entire city of Manila as well as an international audience. With art “under
construction” all over the city, the ONE Festival is indeed on its way in making Bonifacio Global City even more
beautiful." (Lucena, 2015)
Mayo 23, 2015 unang araw nilunsad ang ‘Mural Viewing’ sa BGC (Lucena, 2015). Ipinakitang
halimbawa sa artikulo ni Lucena (2015) ang pagtatrabaho ni Faile (makikita ang nilikha sa Larawan 25) sa
kaniyang miyural habang may projector na nakatapat sa pader na kaniyang pinipinturahan, at bilang
tinagurian itong Mural Viewing Party ay mayroong tugtugan kasama ang mga maliliit na tindahan ng mga
pagkain na naghahain ng makakain at maiinom. Parte sa kaganapan ang isang freedom wall kung saan
maaaring maglagay ng kahit anong positibo at nakagagaan sa pakiramdam na mga salita gamit ang spray
paint (Lucena, 2015). Kasabay nito, sa Bonifacio High Street ay nagaganap ang Art Mart kung saan
nagbebenta ng sariling gawa ang mga artisan (Lucena, 2015).
Tinukoy sa Art BGC The NextAct ONE Festival: Celebrating Art in the City na maghanda para sa
kauna-unahang mural-centric festival sa The NextAct ONE Festival na binubuo ng BAFI at Globe Telecom,
kasama ang LeBasse Projects, na naganap noong Mayo 23-30, 2015 (Philippine Primer, 2015). “We would
like to provide the public interactive and involving art,” sinabi ni Monica Llamas, BAFI program manager
(Philippine Primer, 2015). Kasabay sa pagtanaw sa mga gumagawa ng miyural ay mayroong mga tugtugan
mula sa mga kilalang musikero sa bansa, mayroong palabas ng mga pelikula, at paligsahan sa pagkuha ng
litrato (Philippine Primer, 2015). Sa huling araw ng festival ay mayroon itong 'closing party’ na ginanap sa
Bonfacio High Street Central Amphitheater (Philippine Primer, 2015). Ang mga pumunta ay inanyayahan
na maglakad o bisikleta para sa pag-iikot. Sinabi ni Joe Caliro, Head of Retail Transformation and
35 | S I B U L O
Management sa Globe ay ang NextACT ay nabubuhay sa ACT na ang ibig sabhin ay Art, Community, and
Technology (Philippine Primer, 2015).
Sinuma na naging matagumpay ang unang mural festival noong 2015 dahil lumikha ito ng ingay
sa online at offline na kaligiran (Ardeni, 2016).
MGA NALIKHANG MIYURAL TAONG 2015:
1. MAGIC IN MANILA 1 ni Kristin Farr sa Bonifacio Technology Center
Larawan 11: 1 Miyural ni Kristin Farr
(Personal na kuha, 2018)
36 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
2. MAGIC IN MANILA 2, 3 Kristin Farr sa Transformer Building
Larawan 12: 2 Miyural ni Kristin Farr Larawan 13: 3 Miyural ni Kristin Farr
3. ARTWORK ni Drew Merritt sa The Globe Tower
Larawan 14: Miyural ni Drew Merritt
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
37 | S I B U L O
4. PANGAKO ni Anjo Bolarda sa B3, Bonifacio High Street
Larawan 15: Miyural ni Anjo Bolarda
5. PILANDOK ni Egg Fiasco sa B8, Bonifacio High Street
Larawan 16: Miyural ni Egg Fiasco
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
38 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
6. KIDS WITH SPRAY PAINT CREATIONS, WE ARE WHAT WE PRETEND TO BE 1, 2, 3, 4
(BEAR, TIGER, FLOCK OF BIRDS, BIRD) ni Nate Frizzell sa Bonifacio High Street
Larawan 17: 1 Miyural ni Nate Frizzell
Larawan 18: 2 Miyural ni Nate Frizzell
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
39 | S I B U L O
Larawan 21: Malayuang perspektiba sa 3
Miyural ni Nate Frizzell
Larawan 23: Malayuang perspektiba sa 2 Miyural ni Nate Frizzell
Larawan 19: 3 Miyural ni Nate Frizzell
Larawan 20: 4 Miyural ni Nate Frizzell
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
Larawan 22: Malayuang perspektiba sa 4
Miyural ni Nate Frizzell
40 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
7. METROPOLIS (POP ART) ni akaCorleone sa C1, Bonifacio High Street
Larawan 24: Miyural ni AKA Corleone
8. WONDERLAND ni Faile sa One Global Place
Larawan 25: Miyural ni Faile
(Personal na kuha, 2018)
(Kinuha sa pahina ng BGC)
41 | S I B U L O
9. BETWEEN THE LINES ng Cyrcle sa Icon Plaza
Larawan 26: Miyural ni Cyrcle
2016
Sa ikalawang taong pagkakaroon ng ArtBGC Mural Festival, nangako ito na magbibigay nang
bagong miyural at programa para maging higit na aksesible ang sining at kultura sa BGCitizens kung saan
naging kabahagi ang Fort Bonifacio Development Foundation, Inc. (FBDFI) (Philippine Primer, 2016b).
Muling nagkaroon ng kolaborasyon ang BAFI at LeBasse, na nagpakita ng mga manlilikha ng sining na
mayroong iba't ibang tema at estilo, na mayroong halong internasyunal at lokal na manlilikha (Philippine
Primer, 2016b). Sa pagkakataong din ito ay nagkaroon ng "Open Call" (paligsahan sa Intagram ng artbgc
kung saan paramihan ng bilang ng mga pinusuan ang litrato ng mga likha ng mga kalahok na magkakaroon
na makapagpinta ng sarili niyang miyural sa BGC) kung saan nanalo ang KFK Collective (na makikita ang
kanilang nilikha sa Larawan 35). Sa pagkakataong ito ay sinalubong ang mga delegado sa pista ng isang
gabihan mula sa lokal na pamahalaan ng Taguig (Philippine Primer, 2016b). Kasabay ng programa noong
(Personal na kuha, 2018)
42 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
May 12-21, 2016 ay ang walking art tour sa mga nililikha at nalikhang miyural noong panahon na iyon.
Bahagi ng programa, ang pagkakaroon ng talakayan kung ano ang pampublikong sining na libre at bukas
sa publiko (Philippine Primer, 2016b). Sa ikalawang taon, mayroong naging mga boluntaryo na naging
bahagi sa pagtulong sa paglikha ng mga miyural. Gayundin, dagdag sa programa ay mayroong isang araw
na pagpintura sa ilalim ng flyover sa Taguig kasama ang mga bata na nakatira malapit doon (Philippine
Primer, 2016b).
Sinimulan ang artikulong ArtBGC Festival 2016(a), na masasali na ang BGC sa mga siyudad na
mapapaganda ng miyural, at mula rito ay tinukoy ang miyural bilang porma ng sining at nagdadagdag kulay
ito sa siyudad na puno ng mga establisyimento at itim na aspaltong kalsada. Sinabi na mula sa nakaraang
taon (2015), ay umaasa ang mga organisador, ang BAFI, kasama ang LeBasse Projects at HoneycombArts
na lumawak pa ang pista upang maipakita ang pagiging isa ng pampublikong sining sa pamamagitan ng
miyural sa BGC na maaaring ikasaya ng buong siyudad ng Maynila, pati na rin ang makakikita sa labas ng
bansa. Sinabi na higit sa pagiging mural festival ay magdadala ito nang higit na kamalayan sa sining at
kultura sa komunidad (Philippine Primer,2016a).
Nagbahagi ang artist na si Kris Abrigo, na mula sa pagiging assistant noong nakaraang taon ay
magkakaroon na siya ng sariling kaniya na magbibigay buhay sa construction workers, para makalikha ng
identidad sa lugar at mga taong nagsasabuhay ng miyural (Ardeni, 2016). Sa katunayan, parte sa pagigng
manlilikha ng sining ay pagplano at pag-aaral bago ang mismong proseso ng pagpipinta (Ardeni, 2016). Sa
kabuuan ng pista, mayroong libreng tour para malibot ang mga luma at bagong miyural (Ardeni, 2016).
Pinakikita sa Larawan 27 ang listahan ng mga miyural na nilikha noong 2015 at 2016, maging kung
saan ito matatagpuan.
43 | S I B U L O
Larawan 27: Mapa para sa 2016 Mural Hunt
MGA NALIKHANG MIYURAL TAONG 2016:
1. LETSTROLL nina HotxTea and Dog and Pony sa Bonifacio Stopover sa 32nd St.
Larawan 28: Miyural nina HotxTeaDog and Pony
(Personal na kuha, 2018)
(Mula sa pahina ng BGC)
44 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
2. MAGSASAKA nina Archie Oclos at Aleili Ariola sa Rizal Ave (Burgos Eats - Information and
Recharge Station)
Larawan 29: Miyural ni Archie Oclos
3. THE HEART OF GOD'S COUNTRY ni Andrew Schoultz sa W building, 5th Ave 32nd St.
Larawan 30: Miyural ni Andrew Schoultz
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
45 | S I B U L O
4. HAND SYMBOL ni Bunnie Reiss sa Mango Tree Bistro sa Bonifacio High Street
Larawan 31: 1 Miyural ni Bunnie Reiss
5. OWL GUARDING ni Bunnie Reiss sa B1 Bonifacio High Street
Larawan 32: 2 Miyural ni Bunnie Reiss
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
46 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
6. Two Parkade (Pinuntahan at inikot ang labas ng gusali pero walang nakita na miyural. Gayundin sa
online na plataporma ay walang nakamit na imahe.)
7. CALAMANSI AND SAMPAGUITA ni Francisco Diaz aka Pastel FD sa BGC Corporate Center
Larawan 33: Miyural ni Pastel FD
8. Hot Tea sa Bonifacio High Street - Alveo Showroom (Pinuntahan at nilibot ang labas ng gusali ngunit
walang nakita na miyural. Nagtanong ang mananaliksik sa information center sa loob ng gusali at
sinabi na mayroong miyural sa loob ng showroom ngunit hindi basta-basta makapapasok ang sinuman
at kailangan ng permiso kung kukuhanan ng litrato. Maging sa internet ay walang nakitang imahe o
nagpapatungkol doon.)
(Kuha ni Adan, 2018)
47 | S I B U L O
9. WALLFLOWERS ni Trip63 sa B2 Bonifacio High Street
Larawan 34: Miyural ni Trip63
10. MAY YOU FIND COMFORT HERE ni K.F.K. Collective Sa B1 Bonifacio High Street
Larawan 35: Miyural ng KFK Collective
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
48 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
11. One Parkade [nakalagay sa listahan pero walang nakitang miyural sa labas na pader ng gusali o
kahit litrato online. Sa kasalukuyan, kakikitaan ito ng miyural na bahagi noong 2017 festival]
12. HOMAGE TO CONSTRUCTION WORKERS ni Kris Abrigo sa Net One Center
[Pinakamalaking miyural sa Pilipinas na gawa ng Pilipino na mayroong sukat na 70ft]
Larawan 36: Miyural ni Kris Abrigo
13. CHARLOTTE ni Nate Frizzell sa Bonifacio High Street
Larawan 37: 2016 Miyural ni Nate Frizzell
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
49 | S I B U L O
2017
Taong 2017 ay nilunsad ng BAFI ang "Champions of Passions: Soulful Feats of Art" kung saan
pinagsama ang sining pambiswal at pagtatanghal noong Nobyembre 24-26. Sinabi sa artikulo na BGC Arts
Center Festival celebrates the Champion of Passion na mayroong bagong siyam na miyural na matatagpuan
sa BGC; kasama na rito ang unang miyural na kolaborasyon ng mga manlilikha ng sining mula South Korea,
mga bansang kabahagi ng Association of South East Asian Nations (ASEAN), kung saan sinimulan ito ng
Korean Cultural Center in the Philippines kasama ang Pambansang Komisyon ng Sining at Kultura, at ang
BAFI, na sinasabing makapagpapakita ng pagkakaibigan ng mga bansa lalo na sa Asya. Sumuporta sa
paglikha ng mga miyural ang Davies Philippines, Locally, Daiichi Properties, Bonifacio Transport
Corporation, at Bonifacio Gas Corporation.
Nagsimula ang artikulo na BGC reveals new murals sa pagtukoy sa BGC bilang kakaiba sa ibang
siyudad, ay hindi ito nababalot sa mga billboard kung hindi ay sa sining. Pinaliwanag ni BGC Arts
Program's Head of Content na si Maria Isabel Garcia, ang halaga ng mga manlilikha ng sining bilang
simbulo ng matinding pagmamahal sa sining. Diniin ni Garcia na ang "unbranded public art" ng BGC ay
bahagi sa BGC development plan. “Public art is not [a] gimmick. It is not a byproduct of BGC development.
It is the slant in its soul."
Sinabi ni Christa De La Cruz (2017) na kilala ang BGC sa malaking koleksiyon nang makukulay
na miyural at graffiti na bumabalot sa malalaking pader, guter, at espasyo para himpilan ng saskyan.
Tinukoy ni Kara Santos (2017) ang pampublikng sining o street art bilang malaking parte sa kultura
sa urban, na higit na aksesible sa publiko kumpara sa mga makikita sa loob ng museo. Nagbanggit pa ito
ng ilang lugar sa ibang bansa na nabuhay ang turismo dahil sa mga street art na katatagpuan doon at sinabi
na isa sa pinakamagandang puntahan para sa malalaking pampublikong sining ay ang BGC. Sinabi nito na
hindi siya madalas sa BGC ngunit mayroong bagong sorpresa ang lugr sa tuwing nakabibisita siya roon.
Pinakilala nito na ang mga miyural na matatagpuan sa BGC ay nagsimula noong 2015 na kinomisyon ng
50 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
BAFI kasama ang iba't ibang lokal at internasyunal na manlilikha ng sining. Huli, nag-anyaya ito na
bisitahhin ang lugar dahil "instagram-worthy" ito at nakadaragdag ito ng identidad sa mga mall o
pampublikong lugar na boring. Nagbigay pa siya ng "tip" na magandang maglakad-lakad o magbisikleta sa
pag-iikot; at madali rin gumamit ng motor. Nabanggit nito na mayroong "guided tour" na aksesible noong
pista.
Gayundin, naglabas ng artikulo ang GMA News (2017) tungkol sa bagong miyural sa BGC.
Inilarawan dito na ang BGC ay pinamumugaran ng mga higanteng korporasyon, magagandang arkitektura,
at bagong kainan pati na rin nightlife; at higit dito ay tahanan din ito ng mga kaakit-akit na miyural sa
kalakhang Maynila.
MGA NALIKHANG MIYURAL TAONG 2017:
1. THE WAY HOME (3 bahagi) ni Solana L. Perez sa One Parkade
Larawan 38: Ang 3 bahagi na miyural ni Solana Perez
(Personal na kuha, 2018)
51 | S I B U L O
Larawan 40: 1 Miyural ni
Solana Perez
Larawan 41: 2 Miyural ni Solana Perez
2. TREE HOUSE nina Jerson Samson at Janica Rina sa Bonifacio High Street B2 Portal
Larawan 42: Miyural nina Samson at Rina
(Kuha ni Adan, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
(Kuha ni Adan, 2018)
Larawan 39: 3 Miyural ni
Solana Perez (Kuha ni Adan, 2018)
52 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
3. DATING TAGPUAN ni John Paul Antido sa C3 Annex, Bonifacio High Street Central
Larawan 43: Lalaki sa miyural ni John Antido Larawan 44: Babae sa miyural ni John Antido
Larawan 45: Pagtatagpo sa miyural ni John Antido at ang paligid nito
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
53 | S I B U L O
4. KAPIT KAMAY ni Biskeg Pangasinan Artist Collective sa C3 Annex, Bonifacio High Street
Central
Larawan 46: Miyural ng Biskeg Pangasinan Artist Collective
5. FOR THE PEOPLE: GATES OF PARADISE ni Palimpsest sa BGC Bus Depot (31st St.)
Larawan 47: Miyural ng Palimpsest
(Personal na kuha, 2018)
(Personal na kuha, 2018)
54 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Larawan 48: Miyural ng ASEAN
6. BEYOND BORDERS, PEACEFUL VOYAGE nina Youngyun, Siyeong, Sunil, Auggie, Bunga,
Bows, Haha, Perol, Pesey, Ariff, Cyrus, Zero, Miguel, Nemo sa 26th St. corner 5th Ave. [Pinalitan
ng miyural na ito ang gawa ni Faile taong 2015]
Magkagayumpaman, sa pagpunta ng mananaliksik at paghahanap ng datos sa internet, mayroong
nakitang isang miyural na kinomisyon noong 2017 na hindi sinama sa listahan ng mga miyural sa Mural
Hunt na anim lamang ang nakalagay (tignan sa Larawan 49).
Larawan 49: Mapa ng 2017 Mural Hunt
(Personal na kuha, 2018)
(Mula sa Facebook ng BGC)
55 | S I B U L O
Larawan 50: Stranger Things
.
DAYUHAN LOKAL
TAON PANGALAN NG ARTIST
O COLLECTIVE
BILANG NG
GINAWA
PANGALAN NG ARTIST
O COLLECTIVE
BILANG NG
GINAWA
2014 Doppel 1 Dee Jae Pa ‘este
Archie Geotina
4
1
2015 Kristin Farr
Drew Merritt
Nate Frizell
AKA Corleone
Faile
Cyrcle
3
1
4
1
1
1
Anjo Bolarda
Egg Fiasco
1
1
2016 Dog and Pony
Andrew Schoultz
Bunnie Reiss
Pastel FD
Nate Frizell*
1
1
2
1
1
Archie Oclos
Trip63
KFK Collective
Kris Abrigo
1
1
1
1
2017 ASEAN (15 artist mula sa
iba’t ibang bansa na
miyembro ng ASEAN
kasama Korea)
1 Solana Perez
Jerson Santos and Jenica
Rina
Japs
Biskeg Pangasinan Artist
Collective
Palimpsest
3
1
1
1
1
SUMA 26 19 13 18
Talahanayan 1: Talaan na nagsuma sa mga artist na lokal at dayuhan
PUNA: *ay mga artist na nakaulit na sa paglikha ng miyural sa BGC
(Personal na kuha, 2018)
56 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Makikita sa Talahanayan 1 ang mga napiling artist na kinomisyon ng BAFI upang lumikha ng
miyural na pampublikong sining sa BGC. Mula sa talaan ay makikita na higit na nakalalamang ang mga
dayuhang artist na naimbitahan upang lumikha ng miyural sa BGC kumpara sa iilang artist na Pilipino. Sa
kabilang banda, masisipat na maliit lamang ang bilang ng pagkakaiba sa mga nalikha na miyural sa BGC.
Gayumpaman, sa kabuuan ng mga manlilikha ng sining ay makikita na mayroong mga muling nakomisyon
upang gumawa muli ng miyural, pati na rin ang ibang manlilikha ng sining ay pinaglaanan ng higit sa isang
pader na paglalagyan ng miyural na kanilang sariling nilikha.
Gayundin, mapapansin sa Talahanayan 2 na bagama’t iisang mithiin na lumikha ng mga miyural
bilang pampublikong sining ay makikita na sa mga nakalipas na pista ay iba’t iba ang kalahok, maging ang
bumubuo at programa nito. Mistulang naghahain ng iba’t ibang pakulo ang BAFI sa bawat taon sa kanilang
programa maging ang mga titulo na ginagamit dito. Masasalamin din na kakaiba sa ibang mga pista ay wala
itong tiyak na araw o buwan na paggaganapan maging ang haba ng araw ng pista na nakaangkla sa
programang inihain.
TAON MURAL FESTIVAL
2015 Mayo 23-30 “The NextAct ONE Festival”
Kaganapan:
-Mural viewing sa paglikha ni Faile sa kaniyang miyural na pinaliligiran ng tindahan ng mga pagkain
Kasama: LeBasse Projects, Globe Telecom
2016 Mayo 12-21 “ArtBGC Festival 2016”
Kaganapan:
-nagkaroon ng “Open Call” at nanalo ang KFK Collective para makasali at makagawa ng miyural
-nagpintura sa ilalim ng flyover kasama ang mga musmos sa Taguig
-sinalubong ng isang gabihan ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang mga artist na kalahok
Kasama: LeBasse Projects, Mga Boluntaryo, HoneyComb Arts (namahala sa airline booking, logistic,
pagkain, pamasahe, ibang maliliit na kaganapan, media, gagamitin pang miyural, 40% curation)
2017 Nobyembre 24-26 “Champions of Passions: Soulful Feats of Art”
Kaganapan:
-mural hunt
-kasabay ang Passion Fest na nagtanghal ng iba pang pampublikong sining sa BGC
Kasama: Davies Paints, Locally, Korea Culture Center in the Philippines, Pambansang Komisyon sa
Sining at Kultura, Daiichi Properties, Fort Bonifacio Development Corp., Mga Boluntaryo
(tanging miyural festival na naglabas ng buong listahan at litrato ng mga miyural sa kanilang pahina sa
Facebook)
Talahanayan 2: Suma ng mga naganap na Mural Festival
57 | S I B U L O
Mula sa pagkakalap ng mga datos para sa programang Mural Festival maging ang mga nakomisyon
na miyural ay nagmula sa iba’t ibang lathalain. Ang pagkakamit sa mga larawan ay sa pamamagitan ng
pagpunta ng mananaliksik upang masiguro na kasalukuyan itong makikita. Magkagayumpaman, ang talaan
ng mga miyural, bagaman mayroong pahina sa web na nagpapahayag ng mga miyural sa BGC, ay hindi
kumpleto ang kanilang listahan; maging ang hindi nito pagiging aksesible sa madla kahit hingiin sa
mismong nagkomisyon dito.
58 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
KABATANATA IV: PAGSUSURI
A. Pagsusuri sa Nilalaman
Ang mga pampublikong sining na nananahan sa BGC ay nagbigay ng panibagong mukha sa lugar,
na sa kabila ng pagiging kanlungan nito ng mabilis na pag-usbong ng komersiyo, ay naging lunsaran din
ito ng sining. Bukod pa rito, mapapansin na ang BGC ay nakakapang-engganyo ng mga namamasyal at
naglilibang sa pamamagitan ng mga bukas at libreng espasyo rito. Sa kabila ng pagiging abala ng lugar,
nagkakaroon pa rin ng pagkakataon ang mga manggagawa ng iba’t ibang korporasyon na sandaling
makatakas sa trabaho o sa ibang salita ay pansamantalang makapagpahinga sa simpleng pagtingin sa mga
miyural na nakapalibot sa iba’t ibang pader ng lugar.
Sa pagtataya ng mga datos mula sa mga nailimbag na lathalain, maging mula sa mga website, kung
saan sumasang-ayon sa pagpapakilala mismo ng BGC sa sarili nito, na palaging tinutukoy ang BGC bilang
isang maunlad na lugar, na pinamumugaran ng matataas at makabagong mga gusali na kanlungan ng mga
multinasyunal na mga kompanya. Mula sa pagiging sentro ng komersiyo, matapos ang ilang taong
pagsasagawa ng mga Mural Festival, hindi na maihihiwalay ang BGC na sa kabila ng pagiging tahanan ng
mga komersiyante ay higit pang umunlad ang pagtingin sa lugar, sa pamamagitan ng mga miyural na
kinomisyon.
Kung sisipatin ang mga nailatag na pagpapakilala sa BGC, sinasabing umaangkop ito sa hinihingi
ng identidad nito sa pagiging ‘global city.’ Matutukoy na bukod sa tahanan ito ng mga multinasyunal na
kompanya ay sinasalamin din nito ang planadong sistema sa buong lugar. Magkagayumpaman, hindi
maikakaila ang sinabi sa isang artikulo na ang mga nasa antas ng mataas na gitnang uri hanggang sa mga
expat, ang pangunahing inaalok na ikonsumo ang mga hinahain sa BGC. Kanlungan ang BGC ng mga expat
dahil ang kanilang opisina ay nakatatag sa BGC bilang tahanan ng mga multinasyunal na mga kompanya.
Dagdag pa sa bumubuo ng BGC ay ang mga corporate worker na madalas nagmumula sa bagong nagtapos
ng pag-aaral at siya ring mayroong kakayahan at nabubuhay sa kultura na inaalok ng BGC. Gayundin, ang
59 | S I B U L O
laganap na kultura at uri ng pamumuhay sa BGC na pasok lamang sa mga kumikita ng higit sa ‘minimum
wage’ para sa pagkonsumo sa mga halaga ng mga tatak na inilalako sa lugar, na ang karamihan ay mula sa
mga multinasyunal na kompanya. Sa madaling salita, ang populasyon mula mataas na gitnang uri pataas
lamang ang nakakatungtong sa BGC mula sa hanay ng publiko, na makatatanggap sa mga pampublikong
sining na kinomisyon dito.
Hinain din sa mga artikulo na maraming benepisyo ang pagtira sa BGC bilang lugar na
pinamumugaran ng mga ‘corporate job’ at planadong sistema ng trapiko. Kasama sa mga inihayag ay ang
komportableng pamumuhay sa BGC na mayroong mga bukas na espasyo at kaganapan para sa paglilibang.
Kasama pa ang pagkakaroon ng ospital, paaralan, mga mall, at tirahan ay nakalilikha ito ng mukha na
kumpleto na ang mga pangangailangan sa buhay lalo na kung ang suweldo mo ay higit sa “minimum wage.”
Nasasalamin sa sistema ng trapiko ang uri ng pagplano rito. Tunay na malalawak ang daan para sa
mga naglalakad-lakad sa kalsada ng BGC habang ang daloy ng kotse ay hindi sali-saliwa. Dagdag pa ang
mga pampublikong sasakyan na sumusunod lamang sa itinalagang lugar kung saan maaaring magbaba o
magsakay ng mga pasahero. Datapwa’t mayroong sistema na pinatutupad sa trapiko ng BGC, dahil sa
lumalaking bilang ng mga nakapagmamay-ari ng sasakyan ay bumabagal na rin ang daloy ng trapiko roon.
Magkagayumpaman, madalas mula sa bilang ng mga ordinaryong manggagawa sa BGC at mga dayo na
walang sariling sasakyan, ang pagsakay sa mga pampublikong sakayan ay mahaba ang pila na
nakadaragdag sa tagal ng biyahe maging ang ruta na dapat hintuan ay nakapagpapatagal sa kabuuan ng
biyahe. Pagdating sa paglalakad, hindi maitatanggi na malawak ang lakaran sa tabi ng kalsada, at sa
katunayan ay mayroon pang laan para sa mga gustong mag-ehersisyo, ngunit habang umuunlad ang lugar,
ang mga gusaling ipinatatayo ay nakasasakop sa lakaran ng mga tao na nagtutulak sa mga tao na maglakad
sa kalsada kasabay ng mga nangagbibilisang mga sasakyan.
Kung iisipin, mahalaga ang kasaysayan ng BGC mula sa pagiging kuta ng mga Amerikano at ang
tunel sa ilalim nito na masasabing iba pang isyu para sa identitad ng BGC. Gayumpaman, karugtong sa
pagturing sa BGC bilang maunlad na lugar ay ang nabalitang mayroong mga tumira na iskuwater sa
60 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
laylayan nito. Bagaman ay hindi alam ang tungkol sa makasaysayang tunel na ginawang imburnal ay
pinakikita rito ang hati sa antas ng tao na kabilang sa kung tawagin natin ay publiko. Masasalamin nito ang
hentripikasyon na tinuturing na pagpapa-unlad sa siyudad ng mga piling antas sa lipunan lamang.
Sinuhayan ni Miletic (w.t.) na habang ang pangunahing marketing strategy para sa mga planadong
komunidad ang pagiging kakaiba nito, masasabing nagreresulta ito sa generic na karakter at kulang sa
substance. Muli, makikita sa mga inihaing datos na ang Mural Festival na pinasisinayaan ng BAFI para sa
BGC ay nakagawa ng ingay upang makilala ang BGC bilang lugar na pinamumugaran ng mga
pampublikong sining. Kung pagbabasehan lamang ang mga lathalain, ay puro positibo ang pagtukoy sa
paglunsad ng mga kaganapang lumilikha ng pampublikong sining sa BGC.
Sa pagtataya ng listahan ng miyural sa Talahanayan 1, mahihinuha na bagama’t halo ang bilang ng
mga dayuhan at lokal na manlilikha ng sining para sa paglikha ng miyural, dominante ang bilang ng mga
artist na kinomisyon mula sa ibang bansa. Kung uugatin, ang Le Basse projects na nagtulak sa pagkakaroon
ng pista para sa mga miyural ay mula sa ibang bansa at mayroong malawak na koneksiyon sa mga
manlilikha ng sining pagdating sa miyural. Masasabi na mula rito, na higit sa pagpapasinaya ng BAFI ay
may impluensiya ito ng mga tao mula sa Kanluran na mayroong ibang kultura. Kaugnay pa sa mga
nabubuong desisyon na pinamamalakad ng BAFI, ay ang pagpapasiya ng mga miyembro ng Board of
Trustees na binubuo ng mga miyembro ng mga pamilyang mayroong malalaking negosyo sa loob at labas
ng BGC.
Gayundin, sa kabila ng mga inilatag na tema para sa mga miyural kung saan sinasabing kabilang
ang nasyunalismo, isa sa mga mayroong manipestasyon sa miyural na nagpapakita nito, ang miyural ni
Andres Bonifacio, na sa pagkakataong ito ay likha ng isang Japanese artist, ay kasalukuyang natatakpan ng
bagong gusali na nagdudulot ng hindi na ito makikita nang malayuan at ilang pagkasira mula sa mga talsik
ng simiyento at may tubo na kinabit sa pader. Magkagayumpaman, mula sa ibinahagi ni Asuncion na
mayroong tagapangalaga ng mga pampublikong sining, hindi maitatanggi ang katangian nitong ephemeral
at mapatungan ng kung ano, na kahit ang mga kinomisyon ng BAFI sa BGC ay mayroon pa ring posibilidad
61 | S I B U L O
na mawala ito. Kung tutuusin, sinuhayan ni Asuncion na walang katiyakan kung hanggang kailan ang
itatagal ng miyural. Halimbawa na lamang ang nilikha ni Faile na kinomisyon noong 2015 ay kasalukuyan
nang pinaglalagyan ng ‘Beyond Boarders, Peaceful Voyage’ na kinomisyon sa pakikipag-ugnayan sa
Korean Cultural Center kasama ang Pambansang Komisyon sa Sining at Kultura, na sinasabing
makapagpapakita ng pagkakaibigan ng mga bansa. Ang isa pang miyural na kinakitaan ng pagkasira ay ang
‘Artwork’ ni Drew Merritt noong 2015, kung saan ang miyural ay may tuklap na bahagi at may bandalismo
ito. Makikita rin sa larawan 33, ang likha ni Pastel FD ay maaari ng matakpan dahil sa bagong konstruksiyon
na ginagawa katapat nito.
Pagdating sa pagtataya ng mga kinalalagyan ng mga miyural na kinomisyon sa BGC, mapapansin
na mayroong konsentrasyon sa Bonifacio High Street (BHS) na pagmamay-ari ng Ayala. Maiuugnay rin
dito ang mall culture na pampublikong lugar kung ituring ngunit isang pribadong pagmamay-ari ng
namumuhunan. Kung tutuusin, makikita sa mapa ng BGC na tinuturing na sentro ng BGC ang BHS (tignan
sa Larawan 51). Sa ibang banda, ang ibang miyural ay katatagpuan din sa iba’t ibang gusali na kakaiba rin
ang gamit. Magandang tignan ang gampanin ng miyural pagkatapos ng pista, tulad sa ‘Between the Lines’
na kinomisyon noong 2015, ay nasa tapat ito ng isang pamilihan na nagbubukas pagsapit ng gabi (tignan
ang Larawan 26).
Larawan 51: Mapa ng BGC Mula sa pahina ng BGC
62 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Samakatwid, mula sa pamamahala ng BAFI sa buong proseso ng pagkomisyon ng miyural,
makikita sa mga pigura na inilista sa kabanata tatlo, na mayroong iba’t ibang laki at posisyon ang mga
miyural. Bagama’t mayroong mga artist na kinomisyon sa isang taon at marami ang kaniyang nagawa ay
mayroon pa rin itong iba’t ibang laki. Kapansin-pansin din na ang pagposisyon sa mga natagpuang miyural
ay maaaring naghuhumiyaw sa presensiya nito (tignan ang Larawan 48 bilang halimbawa) at mayroon din
naman na pasulpot-sulpot na maaaring hindi pa mapansin (tulad ng sa Larawan 22).
Masasalamin sa pagpapasinaya ng sining at kultura sa BGC, na mayroong parte sa cellphone
application ng BGC na nakalaan para ipakita ang mga pampublikong sining na kinomisyon ng BAFI,
maging ang mga kaganapang pangkultural na kanilang inihahain sa publiko. Gayumpaman, pili lamang ang
mga pampublikong sining na tampok sa cellphone application. Sa katunayan, maging ang mismong
organisasyon ng BAFI, nang hiningian ng mananaliksik ng listahan ng lahat ng mga miyural na
kasalukuyang nakahain sa publiko na kanilang kinomisyon ay hindi aksesible.
Pinid sa proseso at epekto ng miyural, maiuugnay sa paradigma ng productionist, na unang
binanggit nina Hall at Robertson (2001), na tagumpay ang paglalatag ng mga miyural bilang pampublikong
sining sa BGC sa pagsusuma ni Martha Asuncion ng BAFI. Bilang mula sa grupo na tagapamahala ng
sining at kultura sa BGC, naibahagi niya na naisagawa nila nang mahusay ang kanilang trabaho dahil
nakapagkomisyon sila ng mga miyural at binase niya ito sa mga reaksiyon ng mga nakilahok sa programa
at ilang lathalain tungkol dito. Makikita na direktang mithiin dito ng BAFI na mapaganda ang lugar gamit
ang mga pampublikong sining na mga miyural, upang makapaghikayat ng mga tatangkilik sa lugar.
B. Pag-uugnay sa BGC at Pampublikong Sining nito
Dinikta ni Miles (1989) na mayroong apat na pinakapag-uusapan para sa Pampublikong Sining,
una ang nagbibigay ito ng kamulatan sa lugar; nilalahok nito ang mga taong gumagamit sa lugar; nagiging
63 | S I B U L O
daan ito para maipakita ang malikhaing mundo; at pinakikinabangan sa “urban regeneration.” Masasabing
higit na mayroong manipestasyon sa BGC ang pinakikinabangan ito sa “urban regeneration.”
Gayumpaman, ang lahat ng mga nabanggit ay tugma sa naging kaganapan sa pagkakaroon ng Mural
Festival sa BGC.
Ang mga miyural na kinomisyon sa BGC ay nagbigay daan sa pagpapaganda ng identidad ng BGC
bilang lugar na dapat tularan. Kasunod ang pagiging kalahok ng mga taong gumagamit sa lugar, kung saan
ang sa Mural Festival pa lamang ay naghikayat na ito ng mga tagatanggap dito. Kasama na rin sa pagiging
pampublikong sining nito ay malayang makita at kuhanan ng litrato ang mga ito para sa personal na gamit.
Para sa pangatlong punto ni Miles na pagiging daan para maipakita ang malikhaing mundo ay hindi
maitatanggi na ang paglikha pa lamang mismo ay pinakita na ito maging ang pagiging “Instagram-worthy”
ng lugar na sa kasalukuyang konteksto ay masasabing “artsy” ang mga tao. Ang huli at pinakamabigat na
gampanin ng pampublikong sining ay nagagamit ito sa urban regeneration.
Masususugan ng mga nailathalang artikulo tungkol sa Mural Festival na sinimulan ng BAFI para
sa BGC, ay nagpapatunay sa pagdagdag ng kalidad ng natatanging atmospera na likha ng isang pook (Sinipi
nina Hall & Robertson, 2001 si Selwood). Dagdag pa sa pagtukoy sa BGC bilang "Instagram-worthy,"
sinabi nina Goodey at Hall (Hall at Robertson, 2001) na isa itong mahalagang pagpapakilala na umiikot sa
lokal, nasyunal, at maging insternasyunal na media. Hindi maikakaila na ang mga nabigay na katangian ay
ang proseso sa pagkakaroon ng urban regeneration sa BGC. Kung tutuusin, lumabas mula sa pag-aaral nina
Cameron at Coaffee (2005) na ang pampublikong sining at pasilidad pangkultural ay nagagamit bilang
promotor ng regeneration na nakaangkla sa hentripikasyon.
Makikita sa mga hinain na katangian nina Hall at Robertson (2001) ang manipestasyon ng "urban
regeneration" sa kaligiran ng BGC. Unang-una na rito ang kahalagahan ng pampublikong sining na
tinutustusan ng pribadong sektor para sa 'urban regeneration.'
64 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Ang pagpapanibagong hubog sa lugar ng BGC ay ang muling pagpapatag dito at paglalapat sa
plano ng nakabiling developer ng lugar, na sa kaso ng BGC ay ang Ayala Land Inc. at Evergreen Holdings
Inc. Maiuugnay sa nabanggit ang proseso ng hentripikasyon. Sa kabilang banda, ang tanging napreserba sa
lugar ay ang tunel sa ilalim nito, na masasabing dahil tago ito kaya hindi agad nagalaw. Gayundin, tulad sa
mga nabigay na halimbawa na mga lugar na gumamit ng hentripikasyon ay gagamitin ang katangian ng
tunel bilang historical site at sa kalaunan ay magbibigay ng dagdag na identidad sa pagkakakilanlan sa
lugar.
Sa pagpapaliwanag ni Ley (Cameron at Coafee, 2005), “Herein lies a paradox of gentrification.
The argument for historic preservation conceals the fact that with gentrification almost nothing is preserved.
The original households are replaced and the meaning of the structure is redefined from a working-class
use value to an aestheticized symbolic value.” Muling lumilitaw, na ang manipestasyon ng hentripikasyon
sa BGC dahil sa mistulang pagiging bagong bihis ng BGC gamit ang mga pampublikong sining na
mahikayat ng mga tao mula sa mataas na gitnang uri.
Kung tutuusin, sinuma ng Policy Studies Institute (Hall & Robertson, 2001) na ang pampublikong
sining ay kasama sa pisikal, kaligiran (environmental), at ekonomikal na problema ng isang urban na
masasabing sumasailalim sa regeneration, ay mayroong matinding manipestasyon sa BGC. Ito ay
mailalantad sa pamamagitan ng makadaragdag sa pagkakakilanlan sa lugar, nakahihikayat ng mga
kompanya at investment, pagkakaroon ng turismong kultural, nakadaragdag sa halaga ng lugar, nakalililkha
ng trabaho, nakatataas sa paggamit ng mga bukas na lugar, at nakababawas sa pagkakasira ng gusali at
pagbaba sa tsyansa na magkaroon ng bandalismo.
Kaugnay sa ‘urban development’ ni Miles (1997), na sa pagitan ng publiko at pribadong sektor ay
mayroong manipestasyon ng paglawak ng pagkomisyon sa pampublikong sining kung saan ang pagkakamit
ng pampublikong sining ay magagamit bilang “capital schemes” kahit na pang sistematikong ebidensiya na
nagsasabi na mayroong benepisyo ang komunidad sa pampublikong sining, bagkus mauugat dito na
maaaring makaranas ng “regeneration” sa pagkakaroon ng “development.” Kung iuugnay sa depinisyon ni
65 | S I B U L O
Miles (1997) ng 'urban regeneration,' ang paglikha ng lakas-kayang ekonomiya, kasama ang pagbibigay
kahulugan ng pakikipaghalu-bilo, ay mayroong manipestasyon ng 'street life' sa pamamagitan ng miyural,
na makapaglikha ng impresyon sa pagiging kakaiba na walang malaking direktang ambag sa lokal na
ekonomiya.
Sinusugan ni Ursic ang hindi pagkakaroon ng tamang ebalwasyon sa pampublikong sining sa kabila
ng malawakang pagtanggap dito, ngunit sa kabilang banda ay maipapakita ito sa paggamit ng
hentripikasyon na paglikha ng hindi pagkakapantay-pantay sa espasyo o lugar na katatagpuan nito.
Sa kalagayan ng BGC bilang isang global city ay umuugat sa ‘cultural globalization’ na patuloy na
nagpapasok ng bagong elemento sa espasyo ng siyudad, kung saan ang malawak nilang manonood ay
maaari itong magresulta sa matinding pagkakahati ng lipunan at dumaan sa proseso ng hentripikasyon
(Ursic, 2014).
Sa katunayan, tumindi pa ang klasipikasyon ng BGC sa pagiging lugar na dumadaan sa proseso ng
hentripikasyon dahil sa katangian nito na global city na tinalaga na dumaranas sa “third wave.” Binanggit
nina Cameron at Coaffee (2005) na higit na maiuugnay ang hentripikasyon sa urban regeneration dahil sa
polisiyang pampubliko at investment, na isang katangian ng BGC. Pinalawig pa nina Cameron at Coaffee
(2005) ang third wave ng hentripikasyon, na ang pagkonsumo ng publiko sa sining sa pamamagitan ng mga
pampublikong sining at mga kaganapang pangsining, lalo na ang pagtatayo ng mga gusali tulad ng museo
o concert hall, na katangian ng BGC sa pamamagitan ng BAFI. Sinusugan ni Smith (Cameron at Coaffee,
2005) na “this phase represents an extension of the global reach and power of capital in promoting
gentrification.” Idiniin din na kaakibat ito sa mga neo-liberal na mga polisiya na ibinababa sa mga lokal na
pamahalaan.
Kaugnay sa pagpapakahulugan ni Miles (1997) sa hentripikasyon na ito ay ang kontemporanyong
porma ng paghihiwalay ng mga burgis sa siyudad, mahihinuha na ang BGC bilang nailatag na mayroong
preperensiya sa uri ng tao batay sa antas nito sa lipunan maging tirahan ng mga expat sa kalikasan nitong
66 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
global city, mula sa pinalawig ni Miles, ang hentripikasyon ay nakatuon sa sambahayan na matutukoy sa
porma ng pagtatakda ng karakteristik. Pinuna rin ng libro na ito ang mabilis na pagpasok ng mga tagalabas
dahil sa gampanin nito sa pagiging international modernist art.
Sa paglalagom ni Smith sa hentripikasyon, sinabi niya na ito ay isang mobimyento na pagbabalik
sa siyudad ng mga taong nasa antas ng gita at higit pa, habang ang mga manggagawa’t mahihirap ang
magmamana sa arabal na nagpapatuloy sa masaklap na proseso ng pagsasala, na sa kaso ng BGC ay
makikita sa lathalaing nagbebenta sa BGC bilang tahanan maging ang nasa laylayan nito na tinirahan ng
mga iskuwater.
Kung babalikan ang pagsipi kay Knight (2008), sinabi nito na hindi nangyayari ang walang
pagkiling, na sa likod ng mga eksena ay mayroong nagdedisisyon na madalas ay pabor sa personal na
interes. Higit sa pagsisipat sa relasyon ng lugar ay mahalagang iugnay ang mga tao sa likod ng
pagpapasinaya sa pagkakaroon ng mga miyural na pampublikong sining sa BGC. Kung mapapansin, ang
nakabili sa BCDA ng lupa na tinatawag ngayon na BGC ay ang Ayala na pagmamay-ari ang karamihan sa
mga establisyemento na katatagpuan doon dahil na rin sila ang developer. Kung higit pang titignan ang
relasyon ng mga namamahala sa BGC, maging ang organisasyong namamahala sa sining at kultura ay mula
pa rin sa mga malalaking burgesyang komprador ang mayroong huling desisyon. Masasalamin ang
katangian ng korporasyon ng Ayala, na mula sa panlipunang kapital ni Bourdieu, na ito ay binubuo ng mga
sosyal na obligayon o koneksiyon at maaaring maging institusyonal sa porma ng titulo.
Hindi maipagkakaila na bago makilala bilang lugar na pinamumugaran ng mga kinomisyon na
pampublikong sining ay pinauunlad na ang lugar bilang lokus ng mga multinasyunal na kompanya.
“The class of practices whose explicit purpose is to maximize monetary profit cannot be defined as such
without producing the purposeless finality of cultural or artistic practices and their products; the world of bourgeois
man, with his double-entry accounting, cannot be invented without producing the pure, perfect universe of the artist
and the intellectual and the gratuitous activities of art-for-art’s sake and pure theory.” -Bourdieu
67 | S I B U L O
Masasabing mula sa ekonomikong kapital, hanggang sa kultural na kapital, at panlipunang kapital
ni Bourdieu ay maipapaliwanag ang ugnayan ng pribadong sektor sa pampublikong sining na kanilang
kinomisyon. Ang pang-ekonomikong kapital ni Bourdieu ay ang agad-agad at direktang halagang pera at
maging institusyonal sa porma ng property rights. Mahihinuha ang nag-uugnay sa BGC at Ayala na siyang
bumili ng lupa sa BCDA ay nakatali sa sinasabing pang-ekonomikong kapital na ito ni Bourdieu.
Isang malaking kabalintunaan na ang mga bumubuo sa Board of Trustees ng BAFI, na siyang
nagkokomisyon ng mga pampublikong sining sa BGC, ang siya ring nagmamay-ari ng mga naglalakihang
negosyo na matatagpuan sa BGC. Dahil sa katunayang ito, tila hindi natatanganan ng pampublikong sining
sa BGC ang pangunahing layunin ng isang piraso ng sining na makapaghatid ng mensahe na makapag-
aambag sa pagkamulat ng mga tao sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan. Mapapansin na ang mga miyural
sa BGC ay instrumento lamang ng mga negosyante upang makapanghikayat ng mas mataas na bilang ng
mamamayan na tatangkilik sa kani-kanilang produkto at serbisyo.
Sa katunayan, nabanggit na ni Ursic (2014), ang relasyon ng pagpapaganda ng pisikal na
kapaligiran sa pag-ugnay sa kultural na kapital ni Bourdieu sa materyal na porma nito. Sa madaling salita,
ang kultural na kapital, ay nasasalin sa piling kondisiyon sa pang-ekonomikong kapital at maging
institusyonal sa kalipikasyon ng edukasyon. Sinusugan pa nina Cameron at Coaffee (2005), na pangunahing
gumagana ang hentripikasyon sa pamamagitan ng kapital at kultura. Ito ay sa pamamagitan ng “… an
engine of gentrification is cultural capital which identifies and utilizes the attraction of devalorized inner-
urban residential zones.
Objectified state ang lumilitaw sa manipestasyon ng kultural na kapital sa pagkakamit ng mga
miyural. Pinag-uugnay nito na ang likhang sining na miyural ay maaaring malipat sa legal na pagmamay-
ari. Sa kaso ng pampublikong sining, sinabi ni Asuncion, na ang mga miyural ay nasa BAFI ang diskresyon
sa kung ano na o ano pa ang maaaring mangyari pagkatapos ng pista. Mula rito, mayroong hurisdiksiyon
ang namamahala sa isang pampublikong sining na hinain sa publiko pero minamando pa rin ng pribadong
organisasyon. Higit pa rito, maaari ding malipat ang kapital sa objectified state sa ibang paraan na tulad sa
68 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
miyural na inihain bilang pampublikong sining ay nakapagpapaganda ng lugar na siyang nagpapataas sa
halaga ng kapaligiran.
Sa pag-ugnay sa panlipunang kapital ay mahihinuha na bukod sa umiikot na mga tao lamang ang
namamahala dito ay masasabing ang mithiin ay iisa rin. Bilang mga malalaking negosyante ay napapaikot
at napalalago nila ang kanilang kapital na pinanghahawakan dahil sila-sila rin ang bumubuo sa mga
pangunahing organisasyon na nagbibigay desisyon para sa pamamalakad sa BGC na katatagpuan ng mga
miyural na hinain bilang pampublikong sining. Bilang matagal ng burgesyang komprador ang Ayala ay
nadadagdagan na ang kanilang mga relasyon sa kapuwa negosyante maging ang mga tinuturing nila na
“target market” para sa kanilang inilalako na produkto.
Gayundin sa pagsisimula ng Mural Festival, ginamit ng Le Basse ang kanilang panlipunang kapital
na pinagmulan ng mga manlilikha ng sining na nabigyan ng pagkakataon na makagawa ng miyural sa BGC.
Higit sa paglawak ng panlipunang kapital ng Le Basse ay pati na rin ang mga manlilikha ng sining ay
napaabot nila ang kanilang sining sa labas ng kanilang bansa. Sa mas detalyadong perspektiba, nagamit ang
panlipunang kapital dahil ang Mural Festival ay sinuportahan ng ibang kompanya na siyang gumastos para
sa kaganapan.
Ang esensiya ayon kay Bourdieu, na ang kapital sa panlipunan ay ang bawat grupo ay mayroong
delegasyon na nagpapanatili sa konsentrasyon ng ekonomikal na kapital.
69 | S I B U L O
KABANATA V: KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
A. Konklusyon
Inihahain ang sining sa madla sa iba’t ibang paraan. Mula sa kultura sa komunal na lipunan kung
saan nakapagtitipon at aksesible sa lahat; hanggang sa kasalukuyang lipunan na dominanteng
pinamumugaran ng mga pribadong interes, ay pili na lamang ang nakaaakses sa sining kahit tawagin pa
itong pampubliko. Higit sa kalagayang global city tulad ng BGC, na mayroong “target market” dahil sa
bahagi nito sa globalisasyon.
Tinutukan ng pag-aaral na ito ang pagkomisyon ng pribadong sektor sa katauhan ng BAFI sa BGC
mula sa proseso pati pagtala sa mga miyural bilang pampublikong sining. Mahalaga ang paglubog sa lugar
gayundin ang naging pakikipagpanayam sa namamahala ng sining at kultura sa BGC upang makalap ang
mga impormasyon. Habang ang nakalap na mga lathalain tungkol sa kaligiran ng BGC ay iniugnay sa
teoryang hentripikasyon, urban regeneration, at mga Uri ng Kapital ni Bourdieu.
Napalitaw sa mga Uri ng Kapital ni Bourdieu na umiikot sa kapital ang mithiin ng mga
nagkomisyon sa mga miyural. Bagaman pampublikong sining ang pag-alok sa mga kinomisyon ng BAFI
sa BGC ay hindi maitatanggi na ang pamamahala sa lugar kung saan ito katatagpuan ay nakatuon lamang
sa publiko na kinabibilangan ng mga nasa gitnang uri, pataas maging ang mga expat. Matingkad na
nilalahad na ang populasyon mula sa mataas na gitnang uri pataas lamang ang target market ng BGC na
siyang nakatatanggap o ang audience ng mga miyural sa BGC na hinain bilang pampublikong sining.
Samakatwid, lumalabas na pinaganda ang lugar upang makahikayat ng mga taong mayroong kakayahan
maibalik ang kapital na ginamit ng namuhunan, higit pa ay upang makalikom ng ganansiya.
Tunay na nagampanan ng mga miyural na bigyang identidad ang BGC. Sa kabilang banda, ang
pinaunlad na lugar ay para sa piling populasyon ng publiko lamang. Pinid na ang tinatawag na
pampublikong sining sa BGC ay hindi kabuuang maituturing na pampubliko sa kamay ng mg pribadong
entidad dahil nagagamit ito sa personal sa interes.
70 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
B. Rekomendasyon
Kung tutuusin, higit pa sa mga miyural na pampublikong sining ang pinapasinayaan ng BAFI para
sa aspektong pangsining at kultura sa BGC na maaari pang palawigin sa pananaw ng mayroong kursong
namamahala sa sining (Arts Management). Pagdating sa kultural na aspekto ng BGC, magandang talakayin
ang kasaysayan, maging ang magiging tungkulin nito sa kaligiran ng BGC kung saan mayroong naiulat na
tunel, na pinagawa noong panahon ng Amerikano at sa kasalukuyan ay mayroong pribadong grupo na
nakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno na humahawak sa sining at kultura, upang buhayin ang
turismo sa lugar at gawin itong museo.
Bagaman nailatag ang relasyon ng pampublikong sining sa pribadong sektor na nagpasinaya para
makamit ito, anyaya ng pag-aaral na ito, maging ang mga naunang pananaliksik tungkol sa pampublikong
sining, na sipatin ang tema na inihahain ng mga pampublikong sining, at alamin ang pananaw ng publiko
bilang tagatanggap sa mga ito.
Sa kabuuan, malaki ang hamon ng umuusbong na pampublikong sining sa kulturang Pilipino. Mula
rito, iminumungkahi ng mananaliksik na bigyang pansin ang pag-aaral sa pampublikong sining sa pananaw
ng isang nag-aaral ng Batsilyer sa Arte ng Sining ng Pilipinas na mayroong pangunahing disiplina sa
Pamamahala sa sining (Arts Management) at Pamanang kultural (Cultural Heritage).
Ang rekomendasyon mula sa pag-aaral ng pampublikong sining at relasyon nito sa pribadong sektor
na nagkomisyon dito, ay ang higit na pagtingin sa sining; hindi lamang sa pagsusuri sa porma at pisikal na
katangian, kung hindi ay dapat na unawain ang tungkulin at relasyon ng sining, lalo na ang pampublikong
sining, sa lipunan na ginagalawan nito.
71 | S I B U L O
SANGGUNIAN
Admin. (2018 Enero 11). BGC Arts Center Festival celebrates the Champion of Passion. Bonifacio Art
Foundation, News Room. Kinuha Marso 14, 2018, mula sa https://greenbulbpr.com/bgc-arts-
center-festival-celebrates-the-champions-of-passion/
Alzona, R. (2016 Agosto 20). Cultivating a culture of success. Business Mirror. Mula sa
https://businessmirror.com.ph/cultivating-a-culture-of-success/
Ardenia, M. (2016 Mayo 13). Mural to dres BGC walls anew for ArtBGC Festival 2016. ABS-CBN
News. Kinuha Maro 31, 2018, mula sa http://news.abs-cbn.com/lifestyle/05/13/16/murals-to-dress-
bgc-walls-anew-for-artbgc-festival-2016
Asuncion, M. (2018) Kapanayam sa e-mail kay Sofia Sibulo. Marso 27, 2018.
Bach, P. B. (1992). Public Art in Philadelphia. Philadephia: Temple University Press.
BCDA. Kinuha sa http://www.bcda.gov.ph/
Belin, P. (2013 Setyembre 13). Shifting Identities in a Globalising Metro Manila. Thesis sa Portland State
University.
BGC Arts Center. Kinuha Pebrero 25, 2018, sa https://www.bgcartscenter.org/whats-on/76/bgc-outdoor-
gallery-grants-program
Basurahan sa BGC mula sa https://mydailydoseofhappy.files.wordpress.com/2012/02/img_0171.jpg
Bonifacio Art Foundation, Inc. Kinuha Pebrero 25, 2018, sa
http://www.impact.ph/organization/bonifacio-art-foundation/
Bonifacio Global City. Kinuha Pebrero 25, 2018, sa https://bgc.com.ph/
Bigtas, J. A. (2017 Nobyembre 23). 6 Buildings with splashy new art that make BGC more Instagram
worthy. GMA News. Kinuha Abril 5, 2018, mula sa
http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/hobbiesandactivities/634184/6-buildings-with-splashy-
new-art-that-make-bgc-more-instagram-worthy/story/
Bourdieu, P. The Forms of Capital. Sa Richardson J. (1986). Handbook of Theory and Research for the
Sociology of Education, Westport, CT:Greenwood
Cadar, U. H. (1972 May). The Role of Kulintang Music in Maranao Society, Ethnomusicology, 17 (2),
(pp. 234-249). University of Illinois Press. DOI: 10.2307/849883
Cameron, S., Coaffee, J. (2005 Abril). Art, Gentrification and Regeneration – From Artist as Pioneer to
Public Arts. European Journal of Housing Policy, 5 (1), 39-58
Charnock, G. (2013 May 30). Global City. Sa Encyclopædia Britannica [online]. Kinuha noong Abril 2,
2018, mula sa https://www.britannica.com/topic/global-city
Cultural Center of the Philippines. Torogan House. Kinuha Pebrero 21, 2018, mula sa
http://digitaleducation.net:8080/CM/torogan-house.
De La Cruz, C. (2017 Oktubre 30). BGC's three newest murals are pretty and evocative. SPOT.ph.
Kinuha Marso 31 2018, mula sa https://www.spot.ph/arts-culture/the-latest-arts-culture/71916/new-
murals-bgc-2017-a00171-20171030
72 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
De Leon, F. Jr. (2011 July 29). In Focus: Philippine Arts in Context. Nakuha noong Pebrero 15, 2018,
mula sa http://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/in-focus/philippine-arts-in-context/.
Esteban, M.C. (2010). When art meets the public: bringing Angono’s art and culture closer to the public.
Unpublished thesis.
Flores, P. Social Realism: The Turns of a term in the Philippines. Afterall.org webpage. Nakuha mula sa
https://www.afterall.org/journal/issue.34/social-realism-the-turns-of-a-term-in-the-philippines#head
Gregg, G. Culture and Self. Sa Grindstaff, L., Hall, J. R., Lo, M. (2011). Handbook of Cultural Sociology
(pp. 223-232). Routledge.
Hall, T., Robertson, I. (2001). Public Art and Urban Regeneration: Advocacy, Claims, and Critical
Debates, Landscape Research, 26 (1), 5-26.
Knight, C.K. (2008). Public Art: Theory, Practice and Populism. Blackwell Publishing.
Krippendorff, K. (1980). Content Analysis: An Introduction to its Methodology. Sage Publications.
Krippendorf, K. (1989). Content Analysis. International Encyclopedia of Communications. Oxford
University Press.
Labrador, C. (2017 Mayo 9). The City is a Blank Canvas, According to ArtBGC. Spot.ph. Mula sa
https://www.spot.ph/arts-culture/the-latest-arts-culture/70064/painting-the-city-beautiful-with-
artbgc-a198-20170509-lfrm
Lucena, K. (2015 May 25). Art BGC The One Fesival: First Mural Viewing Party is Colossal!. Philippine
Primer. Kinuha Abril 5, 2018, mula sa http://primer.com.ph/blog/2015/05/25/art-bgc-the-one-
festival-first-mural-viewing-party-is-colossal/
Miles, M. (1997). Art, Space, and the City: Public art and the urban futures. Routledge.
Miles, M. (1989). Art for Public Places Critical Essays. UK: Winchester School of Art Press.
National Historical Institute. (2008). Resolution Declaring the Jose Rizal Monument in the Municipality
of Daet, Camarines Norte a National Monument.
Orosa, R. (2013, Abril 29). Art in BGC. The Philippine Star. Mula sa
https://www.philstar.com/lifestyle/arts-and-culture/2013/04/29/935978/art-bgc-streets
Ramos, M. (2012 Setyembre 28). War tunner: History under ritzy Fort Boni. Philippine Daily Inquirer.
Kinuha sa http://globalnation.inquirer.net/51592/war-tunnel-history-under-ritzy-fort-
boni#ixzz58TZF5fhd
Palmquist, M, Busha and Harter. Content Analysis. Nakuha noong Pebrero 19, 2018, sa
https://www.ischool.utexas.edu/~palmquist/courses/content.html
Peralta, J. (2016 March 6). Cultural Evolution. Nakuha noong Pebrero 19, 2018, sa
http://ncca.gov.ph/cultural-evolution/.
Philippine Primer. (2015 Mayo 20). Art BGC The NextAct ONE Festival: Celebrating Art in the City.
Kinuha Abril 5, 2018, mula sa http://primer.com.ph/event/2015/05/20/artbgc-the-nextact-one-
festival-celebrating-art-in-the-city/
Philippine Primer. (2016a Abril 28) ArtBGC Festival 2016. Phiippine Primer. Kinuha Marso 31, 2018,
mula sa http://primer.com.ph/event/2016/04/28/artbgc-festival-2016/
73 | S I B U L O
Philippine Primer. (2016b Mayo 10). The ArtBGC Mural Festival Returns to BGC!. Kinuha Marso 31,
2018, mula sa http://primer.com.ph/blog/2016/05/10/the-artbgc-mural-festival-returns-to-bgc/
Schugurensky, D. (2006 April 4). Pierre Bourdieu’s The Forms of Capital is published in English. History
of Education. Nakuha noong Pebrero 20, 2018, sa
http://schugurensky.faculty.asu.edu/moments/1986bourdieu.html
Sembrano, E.A. (2014 Abril 21). Historic Fort Bonifacio tunnel converted into a septic tank. Philippine
Daily Inquirer. Kinuha Abril 18, 2018, mula sa http://lifestyle.inquirer.net/157494/historic-fort-
bonifacio-tunnel-converted-into-a-septic-tank/
Smith, N. (1979). Toward a Theory of Gentrification: A Back to the City Movement by Capital, not
People, Journal of the American Planning Association, 45:4, 538-548, DOI: 10.
1080/01944367908977002
Soliman, M.A. (2017 Disyembre 6). BGC reveals new murals. Business World. Kinuha Marso 31, 2018,
mula sa http://bworldonline.com/bgc-reveals-new-murals/
Sta. Ana, R. (2014 Oktubre 24). 6 Home Buyer Concerns of living in Bonifacio Global City. ZipMatch.
Kinuha Abril 3, 2018, mula sa https://www.zipmatch.com/blog/living-in-bonifacio-global-city/
Steyn, J. Chapter Five: Public and Private, mula sa Miles, M. (1989). Art for Public Places Critical
Essays. UK: Winchester School of Art Press.
Santos, K. (2017 Nobyembre 16). Art in the City: Mural in BGC. Travel Up. Kinuha Marso 31, 2018, mula
sa https://www.traveling-up.com/art-in-the-city-murals-in-bgc/
Ursic, M, (2014). ‘City as a work of art’ – Influence of public art in the city. University of Ljubljana,
Faculty of Social Sciences, Centre for Spatial Sociology.
Villalon, A. (2013 May 5). Living with art in Bonifacio Global City. Philippine Daily Inquirer. Kinuha sa
http://lifestyle.inquirer.net/101995/living-with-art-in-bonifacio-global-city/
Visconti, K. (2011 Disyembre 22). The man who developed the soul of Bonifacio Global City. Kinuha
noong Marso 29, 2018, mula sa https://www.rappler.com/business/219-the-man-who-developed-
the-soul-of-bonifacio-global-city
Yusi, L. (2015 April 16). The Development of Art Galleries in the Philippines. Kinuha Enero 22, 2018, sa
http://ncca.gov.ph/subcommissions/subcommission-on-cultural-heritagesch/art-galleries/the-
development-of-art-galleries-in-the-philippines/
ZipMatch. (2014 Oktubre 27). Know Thy Neighbor: A look at the Demographics of Bonifacio Global
City. Kinuha Marso 14, 2018, mula sa https://www.zipmatch.com/blog/bgc-demographics/
Zipporah, A. (2015 May 5). 11 Ways toget fit and healthy while living in Bonifacio Global City. Kinuha
Marso 29, 2018, mula sa https://www.zipmatch.com/blog/healthy-living-bonifacio-global-city/
74 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
APENDISE
APENDISE 1: Panayam kay Martha Asuncion
75 | S I B U L O
MGA KATANUNGAN
1. Ano ang mandato ng BAFI sa paglikha ng mga public art, espesipiko sa mural?
Asuncion: Ang Bonifacio Art Foundation, Inc. (BAFI) ay ang tanging tagapamahala ng public art sa Bonifacio Global
City (BGC). Ang mga murals ay natural na ekstensiyon ng mandato na ito.
2. Sino-sino ang bumubuo sa BAFI bilang tagapagpasinaya ng sining at kultura ng BGC?
Asuncion: Ang Board of Trustees ng BAFI ay binubuo ng iba’t ibang stakeholder ng BGC. Maari kang pumunta sa
website (www.bgcartscenter.org) upang malaman ang mga individual na miyembro ng BAFI Board.
3. Paano nagsimula ang ArtBGC Festival at ano ang gampanin ng mural dito?
Asuncion: Maganda ang tugon ng publiko sa mga naunang mural na naitaguyod ni BAFI kaya naisipan naming na
ipagpatuloy at palakihin ang proyektong ito. Noong 2015, nakipagtambal kami kasama ng LeBasse Projects upang
magdala ng mga pintor sa BGC at sabay sabay nilang pininturahan ang mga gusali.
4. Mayroon bang target audience ang mga mural? Kung mayroon, sino at bakit?
Asuncion: Ang mga mural ng BAFI, at lahat ng ginagawa namin, ay para sa publiko. Naniniwala kami na ang sining ay
nakapagpapasiya at nakakapag-bigay inspirasyon sa mga tao. Sila ay nagsasalaysay ng kwento ng bayan o ang ating
kasalukuyang sitwasyon at ibinabahagi ito sa publiko sa pamamagitan ng isang malikhain na paraan.
5. Ano ang pamantayan sa paglikha ng mural (tema)?
Asuncion: Ang mga tema na inuobserbahan ng BAFI ay ang mga bagay na unibersal: Pag-ibig, nasyonalismo,
kasalikasan, pang araw-araw na gawain, at iba pa. Kami ang nagpapasiya kung ano ang “final” na mural na ilalagay sa
BGC.
6. Paano pinipili ang paglalagyan ng mural? May ispesipikong kalsada o lugar lang ba?
Asuncion: Maswerte kami at maraming kompanya sa BGC na sumusuporta sa aming proyekto at ibinabahagi ang
kanilang mga gusali sa amin. Kapag may mungkahi kung saan gustong maglagay ng mural, pinag-aaralan ito at hinihingi
ang mga mungkahi ng mga maapektuhan tulad ng may-ari ng gusali at ang klase ng gamit ng lugar na iyon.
7. Ano ang mga pamantayan sa pagpili ng artista? Sino ang namimili ng mga kalahok?
Asuncion: May “network” ang BAFI ng mga artista na malawak. Kailangan din na sila ay mayroong husay, kakayahan
at karanasan para masagawa ang malaking mural.
8. Paano ang criteria sa pagpili ng mural sa paglalagyan nito?
Asuncion: Ang pagpili ay nadadaan sa pagsusuri ng mga artista, kanilang istilo at plano, at ang hugis at sukat ng pader,
ang gamit ng lugar sa BGC. Walang “branded” na murals ang pinapayagan sa BGC.
9. Sa isang artikulo ng Rappler.com, sinipi nito si Charlie Rufino na nagsabing nagbabayad ang mga may-ari ng lupa sa
BGC ng P100 kada metro kuwadrado para sa BAFI. Mula rito, saan nanggagaling ang pondo na ginagamit sa paglikha
ng mural at suporta sa artist na lumikha ng mural?
Asuncion: Ang tinatawag na Art Fund ay para sa mga proyektong napagdesisyunan ng Board of Trustees, tulad ng The
Mind Museum at BGC Arts Center. Ang pondo para sa paglikha ng mural ay mula sa mga sponsors na naniniwala sa
katangian ng murals pagyamanin ang buhay-publiko.
10. Kanino ibinibilang na pagmamay-ari ang mural? Sino ang may hurisdiksiyon sa maaaring mangyari sa mural pagkatapos
ng festival?
Asuncion: Ang larawan at disenyo ng mural ay pagmamay-ari ng artista at BAFI ngunit ang may-ari ng gusali ay ang
BAFI at mayroong huling desisyon sa kung ano ang mangyayari sa mural pagkatapos ng festival. Puwedeng manatili ang
mural ng di kukulang nang isang taon.
11. Mayroon bang nagpapanatili o maintenance sa mga mural? Kung mayroon, sino at paano ito pinangangalagaan?
76 | ( M E ) ( Y O U ) r a l
Asuncion: May ilang employado mula sa BAFI na naatasang tagapanatili ng mga likhang sining sa BGC maging ito man
at mural o monumento. Datapwat, lagi natin isaisip na ang likas na pagkatao ng public art ay panandalian lamang. Ang
BGC ay patuloy na umuunlad at nagbabago pati na rin ang kwento ng tao. Ang mga mural na nakikita natin ngayon ay
maaaring mapalitan o kaya’t mawawala para sa pagpasok ng kinabukasan.
Mga karagdagang paliwanag ni Asuncion:
- Murals are placed on buildings within BGC, not necessarily BAFI-owned. All murals are coordinated with building
owners and if all parties agree (BAFI, building owner, artist), that's the only time the building gets painted.
- Answer to #11 is that BAFI maintains BGC's public art (monuments). The nature of murals and public art is that with
time, they change or get erased to make way for new art or development.
Pahabol na tanong ng mananaliksik:
- May I also know where can I access the full list (title, artist, when it was put up, when it will be gone [if it is available],
location) of all the murals that are still up?
- Mayroong po bang pinagkaiba ang mural festival sa BGC Outdoor Gallery Grants Program? Kung mayroon po, ano
ito?
- Lahat po ba ng mga mural na katatagpuan sa BGC ay kinomisyon ng BAFI?
- As I search online, I saw this "Sweet Dreams" which is not included in the list of works done during the festival. Does
BAFI commission public art, specifically murals, even without the festival? And how is this granted?
- On the other hand, did BGC already commission mural public arts before the festival in 2015?
Tugon ni Asuncion:
- Please check the BGC App for available info about the murals. If info is not complete, there are several articles online
that provide that information.
- The BGC Outdoor Gallery is strictly for installations to be placed in Alveo Central Plaza, BGC Arts Center to replace
out former program, The Offsite Gallery. Please read the guidelines on our website to see what exhibits qualify. Murals
clearly do not.
- Not all murals in BGC are commissioned by BAFI. Some private building owners have opted to do their own murals
(Fully Booked, Burgos Circle, etc). Murals must follow guidelines set by Bonifacio Estate Services Corp, who consults
BAFI for all public art
- As stated in the interview, we did the mural festival (basically many artists painting several murals at the same time) in
response to the popularity received by the murals we had executed before then (2013-2014).
Dagdag na paglilinaw ng mananaliksik na hindi binigyang tugon
Gusto ko lang po sana linawin ang ibang mural na hindi ko natagpuan sa BGC pagkatapos ng aking paglilibot. Mula po sa
listahan sa isang mapa ng Mural Hunt 2016 ay mayroong mural na matatagpuan sa One Parkade, Two Parkade, at Alveo
showroom. Mula po sa mga nabanggit ay walang natagpuang mural sa labas na pader ng gusali bukod sa 2017 mural sa One
Parkade.
1. Naroon pa po ba ang mga mural na ito na sinasabing nalikha noong 2016?
2. Nakapagtanong po ako sa Alveo showroom na mayroon daw na mural sa loob at kailangan ng pagpapapaalam para makita. Ito
po ba yung mural na nakasali sa festival?
3. Kung may mural nga po sa loob ng showroom at kabilang ito sa festival, ano po ang masasabi niyo rito na ito ay nakatago
bilang isang pampubikog sining?
4. Kabilang po ba sa mural festival ang nasa tapat ng BGC Arts Center? Kailan po ito naitalaga?
5. Ano po ang gampanin at tunguhin ng "BAFI Utility Murals"?