20
MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO I. EPIKO NI LABAW DONGGON (MULA SA MGA LAMBUNAO NG ILOILO) A. Buod Si Labaw Donngon ay isa sa tatlong anak nina Abyang Alunsina, na isang diwata, at ni Buyung Paubari na isang mortal. Una ay pinakasalan niya si Anggoy Ginbitan at kahit may asawa na nga ay pinakasalan pa niya si Anggoy Doronoon. Ngunit tila hindi pa siya nagsawa, ay ninais pa niyang pakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa na nga ni Saragnayan. Dahil dito ay nagalit si Saragnayan at siya’y nilabanan na umabot ng pitong taon. Sa huli, nang mapagod na nga si Donggon ay naitali niya ito at naikulong sa isang kulungan ng baboy, sa ilalim ng kanilang lutuan. Ang mga naging anak pa nga ni Donggon na sina Buyung Baranugun at Asu Mangga sa dalawa niyang asawa ang pumatay kay Saragnayan sa pamamagitan sa pagpatay sa baboy-ramo na siyang pinaglalagyan ng buhay nito. Sa huli ay nawala ang kakisigan at lakas ni Donggon pero ninais pa rin niyang pakasalan Si Malitong Yawa na ikinagalit nina Ginbitan at Doronoon. Sa huli ay nagpaubaya ang dalawang asawa ni Donggon, at ipinagdasal pa nila ito upang bumalik sa dating kalusugan. B. Mga Tauhan a. Labaw Donggon - kalahating mortal at immortal kaya’t pagkapanganak pa lamang sa kanya ng kanyang ina ay lumaki na kaagad siya bilang isang matipuno at makapangyarihang lalaki b. Abyang Ginbitinan - isang binukot na nakatira sa paanan ng bundok Handog sa tabi ng ilog Halawud; siya ang naging unang asawa ni Labaw Donggon c. Anggoy Doroonon - siya ang ikalawang sinuyo’t pinakasalan ni Labaw Donggon na nakatira sa ilalim ng Lupa o underworld

MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

Embed Size (px)

DESCRIPTION

MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINOI. EPIKO NI LABAW DONGGON (MULA SA MGA LAMBUNAO NG ILOILO)II. SI TANDANG BACIO MACUNATIII. DONYA MARCELAIV. “PINAGDAANANG BUHAY NANG PRINCIPE DON JUAN TEÑOSO NA ANAC NANG HARING ARTOR AT NANG REINA BLANCA SA REINONG VALENCIA AT SAMPO NANG APAT NA PRINCESA NA ANAC NANG HARING D. DIEGO SA REINONG UNGRIA”/DON JUAN TEÑOSOV. DONYA GERONIMA (EL FILIBUSTERISMO)VI. MISS PHATHUPATSVII. FOOTNOTE TO YOUTHVIII. BINYAG-TAKASIX. SERVANT GIRLX. SI DONYA CONSOLACION Naglalaman ng buod, mga tauhan, mga isyung pangkasarian, at talambuhay ng may-akda.

Citation preview

Page 1: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

I. EPIKO NI LABAW DONGGON (MULA SA MGA LAMBUNAO NG ILOILO)

A. BuodSi Labaw Donngon ay isa sa tatlong anak nina Abyang Alunsina, na isang diwata, at ni

Buyung Paubari na isang mortal. Una ay pinakasalan niya si Anggoy Ginbitan at kahit may asawa na nga ay pinakasalan pa niya si Anggoy Doronoon. Ngunit tila hindi pa siya nagsawa, ay ninais pa niyang pakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa na nga ni Saragnayan. Dahil dito ay nagalit si Saragnayan at siya’y nilabanan na umabot ng pitong taon. Sa huli, nang mapagod na nga si Donggon ay naitali niya ito at naikulong sa isang kulungan ng baboy, sa ilalim ng kanilang lutuan. Ang mga naging anak pa nga ni Donggon na sina Buyung Baranugun at Asu Mangga sa dalawa niyang asawa ang pumatay kay Saragnayan sa pamamagitan sa pagpatay sa baboy-ramo na siyang pinaglalagyan ng buhay nito. Sa huli ay nawala ang kakisigan at lakas ni Donggon pero ninais pa rin niyang pakasalan Si Malitong Yawa na ikinagalit nina Ginbitan at Doronoon. Sa huli ay nagpaubaya ang dalawang asawa ni Donggon, at ipinagdasal pa nila ito upang bumalik sa dating kalusugan.

B. Mga Tauhana. Labaw Donggon - kalahating mortal at immortal kaya’t pagkapanganak pa lamang sa kanya ng kanyang ina ay lumaki na kaagad siya bilang isang matipuno at makapangyarihang lalakib. Abyang Ginbitinan - isang binukot na nakatira sa paanan ng bundok Handog sa tabi ng ilog Halawud; siya ang naging unang asawa ni Labaw Donggonc. Anggoy Doroonon - siya ang ikalawang sinuyo’t pinakasalan ni Labaw Donggon na nakatira sa ilalim ng Lupa o underworldd. Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata - asawa ni Saragnayan na nakatira kung saan sumisikat ang araw at ikatlong naibigang pakasalan ni Labaw Donggone. Saragnayan - responsable sa pagpapanatili ng daraanan ng araw; nilunod sa ilalim ng tubig sa loob ng pitong taon at pinagpapalo ng torso ng niyog ngunit hindi mapatay-patay ni Labaw Donggonf. Asu Mangga - anak na lalaki ni Labaw Donggon kay Anggoy Ginbitinang. Buyung Barunugan - anak na lalaki naman ni Donggon kay Anggoy Doroonon

C. Mga Isyung Pangkasariana. Kalakasan, kakisigan at dami ng asawa bilang sukatan ng pagkalalaki

Dito ay napakalaki ng naging pagkuwestiyon sa pagturing ng mga Lambunao kay Donggon bilang isang bayani dahil kung tutuusin siya ay isang womanizer, masochist at egoistic lamang na lalaking hindi pa nakuntento sa pagkakaroon ng dalawang asawa, bagkus ay hinangad pa ang isang may asawa na nga.b. Pagturing na “sex object” sa mga kababaihan

Page 2: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

Kung pakakaisipin ay napakababaero lang talaga ni Donggon na tila sex object lang ang turing sa mga babae na inilarawan pang kumbaga ay pang-model ang dating. Kaya anong naging batayan para siya ay ituring na isang bayani? Kalokohan!c. Kawalan ng boses ng kababaihan

Ang tatlong diwata sa epiko ay walang nagawa kundi ang sumunod sa mga nais ni Donggon kahit pa na ito ay labag sa kanilang mga saloobin. Tila ipinapakita rin na sila’y mahihina sapagkat sa mga labanan ay ang mga lalaki lamang ang kalahok.

D. Talambuhay ng May-akdaAng epikong ito ay naitala ni Felipe Landa Jocano noong 1956 mula sa pag-awit nito ng

isang babaylan na si Ulang Udig, na kanya pa umanong natutunan mula sa kanyang lolo at tiyo. Ang mga babaylan na gaya ni Ulang Udig ang siyang nagsilbing tagapamahala ng relihiyon sa kanilang baryo.

Sa kabilang dako, si Jocano ay isang anthropologist at Professor Emeritus sa Asian Center ng Unibersidad ng Pilipinas at Executive Director ng PUNLAD Research House, Inc.

II. SI TANDANG BACIO MACUNATA. Buod

Ito ay kuwento ng isang pamilya na isinasalaysay naman ni Gervasio Macunat (Tandang Bacio) na isang magsasakang piniling manatili sa kanyang kinalakihan. Sa akda ay mula pa sa manuskrito ng kanyang ama ang kanyang isinasalaysay na kuwento ng buhay ng pamilya nina Prospero na isang Indiong nakipagsapalaran sa Maynila subalit napariwara. Ang kanyang ama na si Don Andres Baticot o Cabesang Dales ang talagang may kagustuhan na siya ay magkaroon ng edukasyon sa lungsod sapagkat siya’y naniniwalang hindi sapat ang kinikita nila sa kanilang palayan para sa hinarap. Ang pasyang ito ay malabis na tinutulan ng kura-paroko sa kanilang bayan subalit kanila itong sinuway. Sa huli, ang buong pamilya ay isa-isang namatay dala ng labis na depresyon at paghihirap mula ng mabaon sila sa utang nang dahil kay Prospero na napariwara.

B. Mga Tauhana. Gervasio Macunat - siyang kausap ng isang pari na napadako sa kanilang lugar; isang katutubong Pilipino na naniniwalang walang mabuting maidudulot ang pagpunta sa lungsod na kanyang pinatuyanan sa pagbabasa ng manuskritob. Prospero/Proper - indio na nakipagsapalaran sa Maynila upang mag-aral subalit napariwa at nilustay ang kayamanan ng kanilang pamilya at sa huli’y namatay sa loob ng bilangguanc. Felicita/Pili - kapatid ni Prospero na tutol sa kanyang pagpunta sa Maynilad. Don Andres Baticot/Cabesang Dales - ama ni Prosperof. Donya Maria Dimaniuala/Cabesang Angi - ina ni Prosperog. Kura-Paroko - tutol sa nais ni Cabesang Dales na pag-aralin si Proper sa Maynila

Page 3: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

C. Mga Isyung Pangkasariana. Sukatan ng Pagiging Mabuting Babae Ayon sa Katolisismo

Ang magandang bigyang pansin dito ay noong mamatay si Pili ay itinuring siyang tila santo ng kanyang mga kababayan. Ang dahilang ito ay maiuugnay sa pagtutol niya sa pagpunta ni Prospero sa Maynila. Siya lang ang sumang-ayon sa kagustuhan ng kanilang kura-paroko at namuhay nang naaayon sa mga payo nito. Parang ipinapakita lamang ng akdang ito ang hindi tahasang pananakot ni Bustamante gamit ang relihiyon upang ang mga Pilipino’y magpaubaya sa kagustuhan ng Simbahang Katoliko. Inuugnay din si Pili bilang kawangis ng Banal na Birheng Maria dahil sa kanyang pagiging masunurin at siya’y may taglay ding kagandahan.

b. Gender Role ng Lalaki Bilang Tagapagtaguyod ng PamilyaSa pasya pa lang na si Prospero ang siyang mag-aaral sa Maynila upang siyang mag-

aahon sa kanilang pamilya ay kakakitaan na ito ng paniniwala nating mga Pilipino na ang mga lalaki dapat ang siyang may tungkuling bumuhay sa kanilang pamilya

c. Ang Edukasyon ay Para sa Mga Lalaki LamangIsang manipestasyon ng patriarkal na sistemang dala ng mga Kastila sa panahong

nailimbag ang akdang ito. Makikita ito sa pagpili kay Proper na pumunta sa Maynila sa halip na si Pili o dili kaya’y silang dalawa ang siyang pag-aralin.

D. Talambuhay ng May-akdaSi Fray Lucio Y Bustamante ay isang paring Kastila na naitalaga sa Pilipinas noong

panahon ng kanilang pananakop. Siya ay regular na tagapag-ambag ng mga artikulo sa La Voz de Espana at iilan lamang sa mga paring Kastila na nakapagsulat sa wikang Filipino.

III. DONYA MARCELAA. Buod

Si Donya Marcela ay nag-iisang anak lamang ng isang mag-asawa sa bayan ng Bibilonia. Nang paparaan ang santong beatikong galing sa simbahan ay sinabihan siya ng kanyang ina na itigil muna ang kanyang panunuklay. Subalit ‘di nakinig si Donya Marcela at sumagut-sagot pa na siya’y pabayaan na lang ng kanyang ina sapagkat sa dami na ng bayang kanyang napuntahan ay wala pa raw siyang nabasang ganoong uri ng libro (bibliya). Hindi pa man siya tapos sa kanyang pagsasalita ay nasunog ang kanyang kilay, sunod ang kanyang ulo at hindi nagtagal siya’y naging abo.

B. Mga Tauhana. Donya Marcela - itinuturing na hindi masunuring anak dahil sa kanyang pagsagut-sagot sa ina at pagdungaw sa bintana na ipinagbabawal noong panahon ng mga Kastilab. Ina - masasabing isang produkto ng Katolisismo sa batayan nila ng pagiging mabuting babae na kawangis ni Birheng Maria

Page 4: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

C. Mga Isyung Pangkasariana. Binary Opposition ng Obedient at Disobedient/Maria at Eba

Ipinapakita lamang nito ang pagiging ‘di masunurin at ang pagdungaw sa bintana ng mga kababaihan noon ay itituturing na masamang babae ng lipunan. Kaya’t parang nagkaroon ng blind obedience upang ‘di maparis sa kinahinatnan ni Donya Marcela na para sa akin ay ginamit na panakot lamang ng Simbahan upang sila’y sundin ng mga Pilipino.b. Ang Kamulatan ng Isang Babae ay Kasalanan

Mahihinuha na mulat ang kaisipan ni Donya Marcela kumpara sa kanyang ina nang kanyang banggitin na sa dami umano ng kanyang bayang naparoonan ay wala naman siyang nabasang ganoong libro na nagsasaad na masama nga ang kanyang ginagawa.

D. Talambuhay ng May-akdaAng Donya Marcela ay isang katutubong tulang Tagalog na matatagpuan sa aklat ni

Damiana L. Eugenio na “An Anthology of Philippine Folk Literature” na nailimbag noong 1982.Si Eugenio ay isang babaeng Pilipinong manunulat at propesorang kilala bilang Ina ng

Kuwentong-Bayan ng Pilipinas, isang pamagat na natanggap niya noong 1986. Bukod sa pagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas, maraming siyang naging lathalain sa larangan ng Kuwentong-Bayan ng Pilipinas, kabilang dito ang magkakasunud-sunod na pitong mga aklat na tinipon niya at pinatnugutan.

IV. “PINAGDAANANG BUHAY NANG PRINCIPE DON JUAN TEÑOSO NA ANAC NANG HARING ARTOR AT NANG REINA BLANCA SA REINONG VALENCIA AT SAMPO NANG APAT NA PRINCESA NA ANAC NANG HARING D. DIEGO SA REINONG UNGRIA”/DON JUAN TEÑOSO

A. BuodDahil sa pinalaya ni Don Juan ang higanteng ikinulong ng kanyang ama sa kaharian ng

Valencia ay pinalayas siya nito. Dala-dala ang mahiwagang panyo na ibinigay ng higante at habang siya’y nakabalat-kayo bilang isang matandang sugatan ay nagpunta si Don Juan sa kaharian ng Ungria kung saan ay kunupkop siya ng hardinero dito. Dumating ang araw ng pagpili sa mapapangasawa ng apat na babaeng anak ng hari ng Ungria at si Don Juan ang nakasalo ng Granada ni Flocerfida, subalit sa galit ni Haring Diego sila’y pinalayas at nanirahan sa kubo ng hardinero. Isang araw ay nagkasakit ang hari at ang tanging lunas lang ay ang gatas ng leon at dito’y naggayak prinsipe si Don Juan at ibinigay ang gatas sa tatlong manugang kapalit ng pagtatak na nagsasabing sila’y alipin nito. Sunod naman ay ang paglusob ng mga moro at dito’y natalo ang mga manugang ngunit mabuti na lamang at dumating ang mga higante at sila’y tinulungan kapalit ng granada ng kanilang mga asawa. Sa piging na inihanda ni Haring Diego bilang selebrasyon ng kanilang pagkapanalo ay nakagayak na si Don Juan bilang prinsipe at dito’y natuklasan ang lihim ng tatlong manugang kaya’t sila’y pinalayas sa kaharian ng

Page 5: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

Ungria. Pinatawad na rin si Don Juan ng kanyang mga magulang at sa huli’y maligaya silang nagsama ni Flocerfida.

B. Mga Tauhana. Don Juan Teñoso - nag-iisang anak nina Haring Artos at Reina Blancab. Haring Artos - hari ng kahariang Valenciac. Reina Blanca - reina ng kahariang Valenciad. Haring Diego - hari ng kahariang Ungriae. Flocerfida - bunsong anak ni Haring Diegof. Juana - panganay na anak ni Haring Diegog. Laura - ikalawang anak ni Haring Diegoh. Flora - ikatlong anak ni Haring Diegoi. Higante - nagbigay ng mahiwagang panyo kay Don Juan kaya siya kinilalang hari ng kagubatan at nakapagbalat-kayo bilang isang matandang sakitin

C. Mga Isyung Pangkasariana. Patriarkal na Sistema

Pagiging irasyonal ng pagbilanggo ni Haring Artor sa isang higante na wala namang ginawang masama maliban sa taglay niyang kapangyarihan na hindi naman niya ginamit sa kasamaan. Sinalungat ito ni Don Juan na ipinapakita sa ginawa niyang pagpapalaya rito kaya naman bunga nito ay pinalayas siya ng kanyang ama sa kanilang kaharian. Ang kawalan naman ng ‘boses’ o awtoridad ng ina ni Don Juan na si Reina Blanca ay kapansin-pansin sapagkat siya ay hindi binigyang dayalogo sa teksto na pinatunayan ng hindi napigilang pagpapalayas sa kanyang anak.

b. Kawalan ng Boses ng KababaihanSa sitwasyon naman ng apat na prinsesa na anak ni Don Diego ay makikitang itinuturing

lamang silang ‘tropeyo’ at wala ring kapangyarihan na magdesisyon para sa kanilang mga sarili. Si Flocerfida lamang ang naglakas-loob na tumiwalag sa malupit na sistemang iyon ng mga katulad nilang nakatataas. Ang tila ‘pagpapatahimik’ sa mga kababaihang karakter sa akdang ito ay talaga namang patunay na mayroong opresyon na nagaganap, na naroon pa rin ang pagtingin sa mga kababaihan bilang mga ‘sex object’ dahil sa paglalarawan sa kanila at ang pagdomina ng mga kalalakihan na ginagawang tagapasunod lamang ang mga babae kahit pa na anak o asawa nila ito.

D. Talambuhay ng May-akdaAng Don Juan Teñoso ay isang koridong Tagalog na matatagpuan sa aklat na “Philippine

Metrical Romances” na inilimbag noong 1985 para sa Manila ASEAN Committee on Culture and Information pahina 101-167 na pinatnugutan ni Jovita Castro et al.

Page 6: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

V. DONYA GERONIMA (EL FILIBUSTERISMO)A. Buod

Ito ay isa sa mga alamat na isinalaysay ni Padre Florentino habang sila’y sakay ng bapor kasama ang iba pang mga prayle. Si Donya Geronima ay pinangakuang pakakasalan ng kanyang kasintahan matapos nitong mag-aral sa Maynila subalit ito ay hindi na nagbalik sa kanilang nayon sapagkat ito ay isa na ngayong arsobispo doon. Pinuntahan ito ni Donya Geronima subalit hindi siya makalapit dito kaya siya’y nagbihis-lalaki. Sa huli ay pinatira siya sa isang yungib at ginawang tagapaghugas ng mga pinagkainan ng arsobispo.

B. Mga Tauhana. Donya Geronima - sa kanyang pagiging matapat ay hinintay niya ang kasintahan subalit nakalimot na ito kaya’t kanyang sinundan sa Maynila

C. Mga Isyung Pangkasariana. Pagdomina ng Kalalakihan sa Kababaihan

Ang pagdadamit-lalaki ni Donya Geronima ay maihahantulad sa kontradiksiyon na nararanasan ng mga kababaihan na nasa private sphere o ang underworld of women kung saan upang sila ay magtagumpay sa lipunan ay ‘di talaga maiiwasan na ‘lunukin’ at ‘suungin’ nila ang public sphere o ang upperworld of men. Ang pagsubordina rin ni Donya Geronima ay makikita sa ginawang pagpapatira sa kanya sa isang yungib na tila ibinaba ang lebel niya sa antas ng mga hayop. Subalit makikita ang paglaban niya sa pagdominang ito ng kalalakihan sa ginawa niyang pagbabasag ng mga hinugasan niyang pinggan na pinagkainan ng mga prayle. Sa huli, ang mabilisang paglimot sa kanya ng mga tao sa kanilang bayan ay katulad ng paglimot sa ginampanan ng mga kababaihan sa ating kasaysayan.

D. Talambuhay ng May-akdaSi Dr.Jose Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda ay ang Pambansang Bayani ng

Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila.

Page 7: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

VI. MISS PHATHUPATSA. Buod

Si Yeyeng ay mula sa ‘liblib na pook,’ mahirap lamang kaya’t siya’y nagtitinda ng kakanin, na maaari rin umanong eupmismo lamang ng pagbebenta ng laman. Nang pakasalan si Binibining Yeyeng ng isang Amerikanong sundalo ay natuto siyang mag-Ingles ngunit barok naman. ‘Di nagtagal ay hindi na siya nagsasalita ng Kapampangan na siya niyang talagang wika dahil nakalimutan na raw niya ito at ito ay matigas sa dila. Sa huli ay pinagtawanan siya ng mga nakakakilala talaga sa kanya at sa sobrang inis siya ay napamura sa wikang Kapampangan.

B. Mga Tauhana. Yeyeng/Bb. Phathupats - punung-puno ng kolorete ang mukha; ipinanganak sa isang sulok ng Pampanga, sa pinakamaliit na bayan nito. Dahil dito, Pilipina si Bb. Yeyeng mula ulo hanggang paa, at kahit sa dulo ng kanyang buhok ay Kapampangan siya

C. Mga Isyung Pangkasariana. Ang Karunungan ay Hindi Para sa Mga Kababaihan

Kung sa unang tingin ay tila ipinupunto ng may-akda na ‘wag nang mag-aral ang mga kababaihan sapagkat ang karunungan ay para sa kalalakihan lamang , na ang ‘di magmahal sa sariling wika ay mas malansa pa sa malansang isda, mas dapat na bigyang pansin na si Miss Phathupats ay isa ring empowered na babae, na iilan lamang ang nakagawa at nakaabot ng kanyang narating na kalagayan sa lipunan kaya’t siya’y dapat na hangaan tulad ni Donya Consolacion.b. Masamang Babae ang Masusungit, Palamura at Puta

Sa akda ay mahihinuha na mayroong pagkiling sa kalalakihan ang may-akda nito na si Soto sapagkat tila ipinahihiwatig niya na sinumang babae ang magnais na makapasok sa upperworld ng mga lalaki ay magiging katawa-tawa at bigo lamang. Inilarawan pa siyang maala-amazona na babae, o dili kaya’y isang ‘baklang babae’ dahil sa kanyang makapal na kolorete, pati na rin sa kanyang pagbebenta ng ‘kakanin.’ Subalit sa huli, dapat na kilalanin si Bb. Yeyeng bilang isang kahanga-hanga at maabilidad na babae. Siya ay larawan ng isang matagumpay na buhay laban sa patriarkal na sistema ng lipunan. Mabuhay siya!

D. Talambuhay ng May-akdaSi Juan Crisostomo Soto (27 Enero 1867 – 12 Hulyo 1918) ay isang kilalang manunulat,

makata, mandudula, periodista at rebolusyonaryo. Siya ang kilalang “Ama na literatura ng Pampanga”.

Isinilang sa Bacolor, Pampanga, si Soto ay anak nina Santiago Soto at Marciana Caballa. Si Soto ay unang natutong magbasa at magsulat sa pamamagitan ni Cirilo Fernandez at nagpatuloy siyang tinuruan ni Vicente Quirino.

Page 8: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

Bilang isang manunulat, ginamit ni Soto ang sagisag panulat na Crissot. Siya ay sumulat ng mga tula, drama, sanaysay, dulang katatawanan, at nagsasalin din siya ng mga literaturang nasusulat sa wikang Espanyol, ang isa rito ay ang Lovers of Teruel Faust at Nero and the Gladiators. Nagsusulat din siya sa La Indepencia.

At nang sumiklab ang Rebolusyon sa Filipinas, noong 1896, si Soto ay tumulong kay Maximo Hizon sa pagpapalaganap ng mga ideyolohiya ng mga kapampangan. Kasama si Soto sa grupo ni Tomas Mascardo na nakipaglaban noong 1898, sa mga Amerikano.

VII. FOOTNOTE TO YOUTHA. Buod

Simple lang ang takbo ng kuwento. Naganap ito sa isang rural na lugar kung saan pagsasaka ang pangunahing trabaho ng pamilya ni Dodong, na noo’y 17 taong gulang at gusto nang pakasalan si Teang. Lalaktaw ang istorya anim na taon ang nakalilipas. Mapapaisip si Teang na kung hindi niya ba pinakasalan si Dodong, at sa halip ay si Lucio ang kanyang pinili na mas matanda sa kanya, malamang ay hindi pa siya nabuntis at mas masaya siguro ang disposisyon sa buhay. Sa huling bahagi, mauulit ang nangyari kay Dodong sa kanyang anak na si Blas, na noo’y 18 taong gulang na, sapagkat katulad niya ay nais na rin nitong pakasalan si Tona.

B. Mga Tauhana. Dodong - nagnais mapangasawa at ganun nga’y napangasawa si Teang sa edad na 17 taong gulang; makalipas ang ilang taong pagiging ama, nagagalit sa sarili kung minsan sapagkat dumarami pa ang kanilang anak, pagod at naguguluhanb. Tatay ni Dodong - tahimik, masipag na magsasaka at mahilig ngumuya ng areca nutc. Nanay ni Dodong - dahan-dahan at maingat sa paglalakad; gumagawa ng lahat ng gawaing-bahayd. Teang - kayumanggi ang kutis, may maliit na mukha, maliit at maitim na mata, at unat at makintab na buhok; makalipas ang ilang taon ng kanilang pagsasama ni Dodong ay payat at walang korte, gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay, nagsisisi sa kanyang pag-aasawa at pagkakaroon ng mga anake. Blas - panganay na anak nina Dodong at Teang; sa edad na 18 ay nagpaalam kay Dodong na nais mapangasawa si Tonaf. Tona - nais mapangasawa ni Blasg. Lucio - kasabay ni Dodong na manligaw kay Teang

C. Mga Isyung Pangkasariana. Ideology of Romantic Love Vs. Libog (Kahalagahan ng Patrimonya ng Kasal)

Si Dodong ay hindi nakapag-aral, kaya naman makikita ang laki ng epekto nito sa lebel ng consciousness niya ukol sa sex. Paano siya nakasisiguro na tunay na pag-ibig nga ang nadarama niya kay Teang at hindi isang libog lamang? Sa lugar kasi nila ay mahalaga ang pagiging kasal bago magkaroon ng pagtatalik sapagkat malaki ang repleksyon nito sa kanilang

Page 9: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

moralidad (na epekto ng kanilang relihiyong Katolisismo). Naipakita rin ang ideology of romantic love na patok na patok sa lower class, na siyang mga consumer ng mass media portrayal ng isang happy ever after na pag-ibig. Ang dahilan nito ay babalik muli sa kakulangan nila ng sapat na edukasyon ukol sa sex at pati na rin ng dahil sa kanilang kahirapan, inaakala nilang ang pag-ibig ang siyang magsasalba sa kanila mula rito.b. Kawalan ng Babae ng Oras Para sa Sarili Dahil sa Pagiging Ina (Ang Pag-aalaga sa mga Anak ay Tungkulin Lamang ng mga Babae)

Bubugbugin din ang babae sa diskurso. Ito ay sa kaso ni Teang na makalipas ang anim na taon ng sunud-sunod na pagkakaroon ng anak ay naging forced labor na ang dating ng motherhood sa kanya, na kung tutuusin ay nasa murang gulang palang. Mapapaisip din si Teang na kung hindi niya ba pinakasalan si Dodong, at sa halip ay si Lucio ang kanyang pinili na mas matanda sa kanya, malamang ay hindi pa siya nabuntis at mas masaya siguro ang disposisyon sa buhay.c. Ang Pag-aasawa ay Hindi Sagot sa Kahirapan

Sa kabuuan ay hindi naging masaya sina Dodong dala ng kahirapan sa pagpapalaki sa mga anak, ang happy ending na akala niyang maidudulot ng kanyang “pag-ibig” na nadarama ay hindi pala sapat upang maisalba niya sa kahirapan ang pamilya. Kaya nang maulit ang nangyari sa kanya dati sa anak niyang si Blas ay wala siyang magawa, sapagkat naranasan niya rin iyon noon at walang sapat na kakayahan (kaalaman at pinansyal) upang wasakin ito, malungkot at panghihinayang na lang ang kanyang nadarama para sa anak. Kaya nga marahil pinamagatan ito ni Villa na Footnote to Youth dahil kahit na tipikal na kahirapan at pag-ibig ang takbo ng istorya, nais niya na mas bigyang-halaga ng mga mambabasa, higit na ng kabataan, ang mensaheng nais ipabatid ng kanyang istorya - na hindi dapat magpadalus-dalos sa pagdedesisyon ang mga kabataan.

D. Talambuhay ng May-akdaSi Jose Garcia Villa (1908-1997), isang makata, kritiko, manunulat ng maikling kwento

at pintor, ay isang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan. Siya ay may sagisag-panulat na Doveglion na mula sa Dove, Eagle at Lion. Isa siya sa mga pinakamagaling na magsulat sa Ingles. Kilala siya sa paggamit ng mga matatalim na salita, parirala at pangungusap.

Nagtapos si Villa ng pag-aaral sa UP High School noong 1925 at pumasok sa Kolehiyo ng Medisina sa Unibersidad ng Pilipinas. Ngunit hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral ng medisina. Sinasabi na pagpipinta ang naging unang interes ni Villa ngunit siya ay lumipat sa pagsusulat, matapos na mabasa niya ang Winesburg, Ohio ni Sherwood Anderson.

Noong 1930, nanalo si Villa sa isang patimpalak sa pagsusulat mula sa Philippine Free Press para sa kanyang “Mir-i-nisa” at ginamit niya ang kanyang napanalunan salapi upang makapunta sa Estados Unidos. Doon, siya ay nag-aral sa University of New Mexico at pagkatapos, ay sa Columbia University.

Nagturo siya sa City College of New York mula 1964-1973. Nagsilbi rin siya sa Philippine Mission to the UN mula 1954-1963 at naging bise-konsul noong 1965.

Page 10: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

VIII. BINYAG-TAKASA. Buod

Nakararanas na ng napakaraming pagbabago si Inday, sapagkat siya’y nagdadalaga na. Nahihiya siya kapag nahahalata niyang may nakatingin sa kanya at nagsisiliitan na rin ang kanyang mga damit. Isang araw ay nagwawalis siya sa harap ng kanilang bakuran nang marinig niya ang pagdamba at paghagok ng mga kabayo. Dumating pala ang may-ari ng kanilang lupa na si Ramoncito at narinig niyang sinabi nito sa kanyang ama na may natatago pa pala itong hiyas. Hindi niya pa ito maunawaan. Sa kanyang pagpunta sa kanyang Tia Semang sa Sambangkulob ay napadako siya sa ilog at dito’y naligo. Biglang umaliwalas ang isip niya. Ngayo’y naiintindihan na niya ang malungkot na pinag-usapan ng kanyang mga magulang at sa unang pagkakataon ay namalayan niya ang kanyang pagkababae.

B. Mga Tauhana. Inday - sa pagsali niya sa pista ng San Rafael ay inilarawan siya ng emcee bilang isang kahalintulad ng punong manggang yumayabong at tila isang bulaklak na namumukadkadb. Ando - tatay ni Inday at sa sobrang kabaitan ay hindi masita ang mga mapagsamantala sa kanilang mga ani ng palayc. Tinay - ina ni Inday d. Pablo - katiwala ng panginoong-maylupae. Ramoncito - panginoong-maylupa na mapagsamantala at may interes kay Indayf. Pilar - pinsan ni Inday na nakipagsapalaran sa Maynila; mananahi na siya ngayon at nag-aaral ng high school sa gabi

C. Mga Isyung Pangkasariana. Anak na Babae Bilang Pambayad ng Utang

Ang ganitong uri ng pamamalakad ay talamak noon sa ating bansa. Sa kuwento, kahit na labag ito sa kalooban ng ama’t ina ni Inday ay wala silang magawa sapagkat mahirap lamang sila. Mabuti na lamang ay maaga itong nabatid ni Inday kaya’t sa kanyang pagtungo sa bahay ng kanyang Tiya Semang ay naisipan niyang tumakas at lumuwas ng Maynila upang tularan si Pilar. Ang pagkakaroon niya ng kamalayang ito ay naganap nang siya ay nasa ilog kaya masasabing sa nakatakas siya sa napipinto niyang pagbabayad-puri.b. Pagsalag ng Kababaihan Laban sa Posibilidad na Kapahamakan ng mga Kalalakihan

Si Inday ay hindi komportable sa ginagawang pagtitig sa kanya ng mga lalaki sa kanilang baryo kaya’t inaayos niya ang kanyang pananamit at sa tuwina’y postura siya. Ipinapakita nito na sa pagyakap niya sa mga pagbabagong nagaganap sa kanya ay siya ang may tunay na kontrol sa kanyang sarili at hindi sino pa man.

D. Talambuhay ng May-akdaSinulat ng iskolar ng panitikang Hiligaynon na si Lucila Hosillos ang “Bunyag-Takas”

noong 1969. Lumitaw ang sariling salin niya ritong pinamagatang “Binyag-Takas” sa Sugilanon: Mga Piling Maikling Kuwentong Hiligaynon na antolohiyang pinamatnugutan ng kapwa iskolar

Page 11: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

na si Rosario Cruz-Lucero at nilimbag naman ng De La Salle University Press noong 1991. Si Hosillos ay nagtapos sa Far Eastern University sa kursong AB English noong1958. Nagkamit din siya ng mga titulong 2001 Outstanding Scholar Cambridge England, 1999 Centennial Awardee for Literature Manila, at 1987 Asean Awardee for Literary Works Bangkok.

IX. SERVANT GIRLA. Buod

Si Rosa ay isang katulong na madalas pagmaltratuhan ng kanyang amo. Siya ay madalas na sinusuyo ni Sancho subalit ayaw at naiinis siya dito. Sa kanyang paglalakad upang magsampay ng labahan ay may dalawang asong naghahabulan papunta sa kanyang direksiyon kaya’t sa takot ay ninais niyang umiwas, ngunit huli na kaya siya’y natapilok. Isang kutsero ang tumulong sa kanya at hinilot nito ang namamaga niyang kanang paa. Nabighani siya dito at araw-araw na pinapantasya subalit hindi niya natanong ang pangalan nito kaya’t pinangalanan niya itong “Angel.” Nang mabasag niya ang bote ng alak na ipinabili ng kanyang amo, na nabasag dahil kay Sancho, ay pinagmalupitan siya nito nang husto kaya’t naisipan niyang maglayas. Sa kanyang paglalayas ay nakatagpo niyang muli ang kutsero, na aksidente niyang nabato ng bato ang kabayo kaya ito’y galit nag alit. Nang mabatid niyang hindi siya kaagad maalala ng kutsero ay nawala ang paghanga niya dito kaya’t sa huli ay nagpahatid siya pabalik sa bahay ng kanyang amo.

B. Mga Tauhana. Rosa - isang katulong na madalas pagmalupitan ng kanyang amob. Sancho - ang lalaking bastos na madalas sumuyo at umalok ng tulong kay Rosa dahil sa taglay nitong kagandahan; nang makasabay niya si Rosa sa pagbili nito ng alak ay nabosohan niya ito at nag-init ang kanyang pagkalalaki; siya ang dahilan kung bakit nabasag ang bote ng alakc. Angel/Pedro - siyang tumulong kay Rosa nang matapilok ito at naghilot at naghatid na rin sa bahay ng amo nito; sa ikalawa nilang pagkikita ni Rosa ay hindi niya kaagad ito nakilalad. Amo ni Rosa - nasa bandang 30’s pa lang ang edad; labis magmalupit kay Rosa lalo na kung palpak ito sa kanyang mga trabaho

C. Mga Isyung Pangkasariana. Ideology of Romantic Love (Babae Bilang Mas Madaling Mahulog ang Loob Kaysa sa Kalalakihan)

Masasabing nabulag ng ideology of romantic love si Rosa dahil lamang sa tinulungan siya ng kutsero ay inakala na niyang ito ang kanyang prince charming na siyang mag-aahon sa kanya sa kanyang kalagayan. Wala siyang ibang inisip kundi kung paano niya muling makakatagpo ang kutserong ‘di niya alam ang pangalan kaya’t tinawag niyang kanyang Angel. Ngunit lahat ng ilusyon niya ay naglaho nang sa kanyang paglalayas ay nakita niyang muli ang kutsero, na masama rin pala ang ugali.

Page 12: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

b. Kapwa Babae Bilang Dahilan ng OpresyonKitang-kita na ang amo mismo ni Rosa ang siyang nanghihila sa kanya pababa dahil sa

mga pagmamalupit nito at masasabi rin na hindi aware si Rosa sa class oppression na kanyang nararanasan kaya mahihinuhang hindi lamang kalalakihan ang nagdudulot ng opresyon sa kababaihan. Sa huli, bumalik na lamang muli si Rosa sa bahay ng kanyang amo at dito ay masasabing walang nangyaring empowerment kay Rosa sapagkat malaki ang posibilidad na patuloy lamang ang ikot ng kanyang buhay na madalas makaranas ng pang-aabuso mula sa kanyang amo.

C. Talambuhay ng May-akdaSi Estrella D. Alfon ay ipinanganak sa San Nicolas, Cebu noong Marso 27, 1917. Nang

matapos siya ng sekundarya, nagtungo siva sa Maynila upang mag-aral sa U.P. Naging miyembro siya ng U.P. Writers Club dahil sa taglay niyang katalinuhan at kakayahan sa pagsulat. Sa pagitan ng mga taong 1958 at 1978, nagwagi siya ng mahigit kumulang sa sampung karangalan mula sa maikling kuwento at dula sa Free Press, Carlos Palanca Award at Arena Theatre Contest.

X. SI DONYA CONSOLACION A. Buod

Ito ay halaw sa ika-39 na kabanata ng Noli Me Tangere. Si Donya Consolacio ay inilarawan bilang isang babaeng mukhang mangkukulam. Siya ay mula sa isang liblib na baryo at lumaking labandera ng mga sundalong Kastila. Noong una, siya’y sunud-sunuran sa kanyang asawa subalit ‘di nagtagal ay nakilala siya bilang “Ang Medusa’ at “Lakambini ng Guwardiya Sibil.” Nang araw na iyon ay iniutos niyang isirado ang kanilang bahay sa kabila ng kaalamang dadaan sa kanila ang prusisyon. Ito ay dahil sa ngitngit sa hindi pagsama sa kanya ng asawa na magsimba dahil siya’y ikinahihiya nito. Kaya’t nang marinig niya si Sisa na umaawit ay pinaakyat niya ito sa kanilang bahay at pinasayaw subalit hindi siya maintindihan nito. Nilatigo niya ito hanggang sa ito’y masugatan at ito’y naabutan ng alperez.

B. Mga Tauhana. Donya Consolacion - maybahay ng alperes; gumagamit ng makapal na koloretes sa mukha upang matabunan ang kanyang tunay na lahi; bilang magkabiyak, nagtataglay din ng kapangyarihan si Doña Consolacion na utusan ang mga kawal ng alperes na ipahuli ang sinumang kanyang ibig. Madalas siyang naaaway ng kaniyang asawa dahilan kung bakit siya nabubugbog.b. Sisa - ina nina Basilio at Crispin na nabaliw sa pagkawala ng mga anak at pagmamalupit ng guwardiya sibil

C. Mga Isyung Pangkasariana. Pagiging Masama ng Isang Babaeng Naiiba

Page 13: MGA ISYUNG PANGKASARIAN SA PANITIKANG FILIPINO

Ito ay sa kadahilanang kilala naman ng nakararami si Donya Consolacion bilang isang masama, maarte, feelingera at pangit na tauhan sa naging pag-aaral ng Noli noong sekondarya, alinsunod na nga rin sa mga itinuturo sa atin ng ating mga guro. Ngunit kung gagamitin ang mga teorya ng, mayroon pa lang ibang anggulo ang katauhang ito ni Donya Consolacion. Isang pagtingin na talaga namang hindi mo matutuklasan kung hindi ka armado ng isang malawak at kritikal na pag-unawa.

Kung babalikan ang kuwento ni Donya Consolacion, siya ay maituturing na mula sa lower class, masasabi pa ngang lowest of the lowest sapagkat dahil sa kahirapan ng kanyang pamilya ay naging labandera siya sa murang edad pa lang. At dahil nga sa hindi sapat ang pagiging labandera, siya ay nagbenta ng laman, o sa madalaing sabi siya ay naging prostitute ng mga militar. Sa mababaw na pagtingin ay tila masasabi na talagang masamang babae si Donya Consolacion subalit kung tutuusin siya ay isang empowered na babae. Ito ay dahil sa nagawa niyang makapasok sa upperworld ng mga lalaki mula sa kinalalagyan niyang underworld ng mga babae. Noong una pa nga ay akala ni Don Tiburcio na hawak niya sa leeg si Donya Consolacion ngunit ‘di nagtagal ay bumaliktad ang kanilang kalagayan. Masasabi rin na dahil batid ni Donya Consolacion na ang wikang Filipino ay ang wika ng mga naaapi, at ang wikang Espanyol ay wika ng mga nang-aapi, magaling ang naging taktika niya na gumamit ng sign language kung saan siya ang mas may kontrol at adbentahe.

D. Talambuhay ng May-akdaSinimulang sulatin ni Dr. Jose P. Rizal ang mga unang bahagi ng "Noli Me Tangere"

noong 1884 sa Madrid noong siya ay nag-aaral pa ng medisina. Nang makatapos ng pag-aaral, nagtungo siya sa Paris at doon ipinagpatuloy ang pagsusulat nito. At sa Berlin natapos ni Rizal ang huling bahagi ng nobela.

Ang pagsusulat ng "Noli Me Tangere" ay bunga ng pagbasa ni Rizal sa "Uncle Tom's Cabin" ni Harriet Beacher Stowe, na pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga panginoong putting Amerikano. Inilarawan dito ang iba't ibang kalupitan at pagmamalabis ng mga Puti sa Itim. Inihambing niya ito sa kapalarang sinapit ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Ang pamagat ng "Noli Me Tangere" ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay "Huwag Mo Akong Salingin" na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng isang tao.