4
Taon 10 Blg. 4 Oktubre - Disyembre 2011 OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://sp.bulacan.gov.ph GGS 2011 Gabi ng Parangal: Mga Mambabatas Pinarangalan Kinilala at pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga pinakanatatanging sangguniang bayan at sangguniang panlungsod ng lalawigan, gayundin ang magagaling na pangalawang punong bayan, kagawad at kalihim ng sanggunian sa ginanap na Gabi ng Parangal ng Gawad Galing Sanggunian 2011 noong Disyembre 21, 2011 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center. Proyekto ng Sangguniang Panlalawigan, sa pakikipagtulungan ng Philippine Councilors League- Bulacan Chapter, na pinangunguluhan ni Bokal Ariel R. Arceo, at ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan, sa pamumuno ni Sec. Ma. Perpetua Santos, bilang kalihiman, ang GGS 2011 ay may temang “Panibagong Yugto ng Galing at Talino, Sama-sama, Kayang-Kaya,” para sa taong ito. Layunin ng proyekto na mabigyan ng pagkilala at parangal ang mahusay at natatanging pagganap sa tungkulin ng mga lokal na mambabatas na malaki ang naiambag upang maisakatuparan ng pamahalaan ang mabuting hangarin nito sa pagtatamo ng kaunlaran, kasaganaan at kapayapaan, at mahikayat sila upang pagbutihin pa ang kanilang paglilingkod bilang mga lingkod bayan. Panauhing pandangal ng okasyon si Kgg. Alan D. Zulueta, Pambansang Tagapangulo ng Philippine Councilors League. Dumalo rin ang Punong Lalawigan Wilhelmino M. Sy-Alvarardo at Pangalawang Punong Lalawigan Daniel R.Fernando, Tagapangulong Pandangal at Ka- Tagapangulong Pandangal ng GGS 2011. Kabilang sa mga pinarangalan at tumanggap ng plake ng pagkilala at kaukulang gantimpalang salapi ang mga sumusunod: 1. Natatanging Sangguniang Bayan - Sangguniang Bayan ng Calumpit, 2. Natatanging Sangguniang Panlungsod - Sangguniang Panlungsod ng Malolos 3. Natatanging Tagapangulo ng Hapag Pangalawang Punong Bayan Antonio S. Patawaran ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag 4. Natatanging Kagawad ng Sanggunian Kagawad Sheila Ana Enrina R. Enriquez ng Sangguniang Bayan ng Plaridel 5. Natatanging Kalihim ng Sanggunian - Kalihim Felix P. Cadiz ng the Sangguniang Panlungosd ng San Jose Del Monte 6. Natatanging Ordinansa ng Taon - Ordinansa Blg.16- 2010 na akda ni Kagawad Ricardo C. Degala III ng Sangguniang Panlungsod ng Malolos Napagkalooban naman ng plake ng pagkilala para sa Special Awards ang mga sumusunod: 1. Awards for Improved Session Hall - Sangguniang Bayan ng San Rafael P. 2 SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG MALOLOS Natatanging Sangguniang Panlungsod 2011 SANGGUNIANG BAYAN NG CALUMPIT Natatanging Sangguniang Bayan 2011

Mga Mambabatas Pinarangalan - sp.bulacan.gov.ph · “Panibagong Yugto ng Galing at Talino, Sama-sama, Kayang-Kaya,” para sa taong ito. Layunin ng proyekto na mabigyan ng pagkilala

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Mambabatas Pinarangalan - sp.bulacan.gov.ph · “Panibagong Yugto ng Galing at Talino, Sama-sama, Kayang-Kaya,” para sa taong ito. Layunin ng proyekto na mabigyan ng pagkilala

Taon 10 Blg. 4 Oktubre - Disyembre 2011

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://sp.bulacan.gov.ph

Ang Sangguniang Panlalawigan, sa pangunguna ni Vice-Gov. Daniel R. Fernando, ay nag-Lakbay-Aral sa Taiwan noong Setyembre 1 – 5, 2011 sa adhikaing maitaas pa ang antas ng kanilang kaalaman at karanasan upang makapagsabatas ng mga napapanahon at kinakailangang lehislasyon na makapagsusulong pa sa patuloy na pag-unlad ng lalawigan ng Bulacan. Kabilang din sa delegasyon ng Sangguniang Panlalawigan sina Bokal Michael Fermin, Bokal Therese Cherryl Ople, Bokal Ramon Posadas, Bokal Enrique Dela Cruz, Jr., Bokal Enrique

(Sundan sa P. 3)

GGS 2011 Gabi ng Parangal:

Mga Mambabatas Pinarangalan

Kinilala at pinarangalan ng Pamahalaang Panlalawigan

ang mga pinakanatatanging sangguniang bayan at

sangguniang panlungsod ng lalawigan, gayundin ang

magagaling na pangalawang punong bayan, kagawad at

kalihim ng sanggunian sa ginanap na Gabi ng Parangal ng

Gawad Galing Sanggunian 2011 noong Disyembre 21,

2011 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention

Center.

Proyekto ng Sangguniang Panlalawigan, sa

pakikipagtulungan ng Philippine Councilors League-

Bulacan Chapter, na pinangunguluhan ni Bokal Ariel R.

Arceo, at ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang

Panlalawigan, sa pamumuno ni Sec. Ma. Perpetua Santos,

bilang kalihiman, ang GGS 2011 ay may temang

“Panibagong Yugto ng Galing at Talino, Sama-sama,

Kayang-Kaya,” para sa taong ito. Layunin ng proyekto na

mabigyan ng pagkilala at parangal ang mahusay at

natatanging pagganap sa tungkulin ng mga lokal na

mambabatas na malaki ang naiambag upang

maisakatuparan ng pamahalaan ang mabuting hangarin nito

sa pagtatamo ng kaunlaran, kasaganaan at kapayapaan, at

mahikayat sila upang pagbutihin pa ang kanilang

paglilingkod bilang mga lingkod bayan.

Panauhing pandangal ng okasyon si Kgg. Alan D. Zulueta,

Pambansang Tagapangulo ng Philippine Councilors

League. Dumalo rin ang Punong Lalawigan Wilhelmino M.

Sy-Alvarardo at Pangalawang Punong Lalawigan Daniel

R.Fernando, Tagapangulong Pandangal at Ka-

Tagapangulong Pandangal ng GGS 2011.

Kabilang sa mga pinarangalan at tumanggap ng plake ng

pagkilala at kaukulang gantimpalang salapi ang mga

sumusunod:

1. Natatanging Sangguniang Bayan - Sangguniang Bayan

ng Calumpit,

2. Natatanging Sangguniang Panlungsod - Sangguniang

Panlungsod ng Malolos

3. Natatanging Tagapangulo ng Hapag – Pangalawang

Punong Bayan Antonio S. Patawaran ng Pamahalaang

Bayan ng Baliwag

4. Natatanging Kagawad ng Sanggunian – Kagawad Sheila

Ana Enrina R. Enriquez ng Sangguniang Bayan ng

Plaridel

5. Natatanging Kalihim ng Sanggunian - Kalihim Felix P.

Cadiz ng the Sangguniang Panlungosd ng San Jose Del

Monte

6. Natatanging Ordinansa ng Taon - Ordinansa Blg.16-

2010 na akda ni Kagawad Ricardo C. Degala III ng

Sangguniang Panlungsod ng Malolos

Napagkalooban naman ng plake ng pagkilala para sa

Special Awards ang mga sumusunod:

1. Awards for Improved Session Hall - Sangguniang

Bayan ng San Rafael

P. 2

SANGGUNIANG PANLUNGSOD NG MALOLOS

Natatanging Sangguniang Panlungsod 2011 SANGGUNIANG BAYAN NG CALUMPIT

Natatanging Sangguniang Bayan 2011

Page 2: Mga Mambabatas Pinarangalan - sp.bulacan.gov.ph · “Panibagong Yugto ng Galing at Talino, Sama-sama, Kayang-Kaya,” para sa taong ito. Layunin ng proyekto na mabigyan ng pagkilala

2

Nakapagpakitang gilas at kahusayan

ang Sangguniang Panlalawigan para

sa taong 2011 kung saan nalampasan

nito ang mga inaasahang

maisasakatuparan para sa taong

2011.

Sa inaasahang 48 bilang ng

maisasagawang sesyon, 51 ang

naisagawa nito, at sa target na 200

kapasiyahan at tatlong kautusan, ang

napagtibay ng Sangguniang

Panlalawigan ay 356 na kapasiyahan

at 12 kautusan. Sa gawaing panlupon

naman, sa target na 100 pulong at

50 pampublikong pagdinig, ang

naisagawa ay 421 na pulong at 285

na pagdinig.

Narito ang kabuuan ng mga

naisakatuparan ng Sangguniang

Panlalawigan:

1. Bilang ng naisagawang sesyon: a. Regular Session - 50 b. Tanging Pagpupulong - 1 2. Bilang ng napagtibay na Kapasiyahan at Kautusan: a. Panlalawigang Kapasiyahan - 356 b. Panlalawigang Kautusan - 12 k. Kautusan sa Paglalaan - 3 3. Bilang ng mga ordinansang naipalathala sa pahayagan, bilang pag-alinsunod sa Seksyon 59 (c) ng RA 7160. - 8

4.Kabilang sa mga kapasiyahan o resolusyong napagtibay ay ang mga sumusunod: a. Memorandum of Agreement - 27 b. Annual Budgets ng mga Munisipyo at Lungsod - 24 k. Kapasiyahang Pambayan/ Panlungsod -13 d. Kautusang Pambayan/ Panlungsod - 186

Ulat ng Naisakatuparan sa 2011

5. Bilang ng Pagpupulong ng Lupon: a. Pagpupulong ng Lupon - 421 b.Pampublikong Pagdinig - 285 Mga Tanging Gawain Naisakatuparan 1. Gawad Galing Sanggunian – sa bisa ng Panlalawigang Kautusan Blg. 05-T’11, muling isinakatuparan ang proyektong ito na nagbibigay ng pagkilala at parangal sa mga natatanging Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlungsod at natatanging pangalawang punong bayan/panlungsod, kagawad at kalihim ng sanggunian. Ginanap ang Gabi ng Parangal para sa mga nagwagi at mga tumanggap ng parangal noong ika-21 ng Disyembre 2011 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center.

2. Pagsasahimpapawid ng radio program na “SP Files” tuwing Miyerkules, ika-9:00 hanggang ika-10 ng umaga sa Radyo Bulacan, 90.3 fm bilang bahagi ng paghahatid ng mga impormasyon sa ating mga kababayan hinggil sa mga huling kaganapan sa ating Sangguniang Panlalawigan. Mula Abri l3 hanggang Disyembre 31, 2011, nakapagbroadcast ang SP ng 30 beses. 3. Publikasyon ng munting pahayagan ng SP, ang Legislative Digest – ito ang quarterly computer-generated newsletter ng SP na naglalaman ng mga kaalaman at impormasyon tungkol sa mga kagawad ng Sangguniang Panlalawigan at ng kanilang mga gampanin, gayundin ng mga gawaing naisakatuparan ng ating Sangguniang Panlalawigan. 4. Pagme-maintain at pag-a-update ng sariling website ng Sangguniang Panlalawigan na naka-link sa website ng ating lalawigan. Matatagpuan dito ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa SP, sa ating mga kagawad ng SP, sa pangunguna ng ating minamahal na pangalawang punong lalawigan, Kgg. Daniel R. Fernando.

5. Pagsasakatuparan ng Digital Conversion Project – P1.5 Million Project of Sangguniang Panlalawigan, in cooperation with Ayala Systems Technology, Inc. – Sa pamamagitan ng proyektong ito, nagkaroon ng back-up copies ang ating humigit-kumulang kalahating milyong pahina ng mga resolusyon, ordinansa, katitikan ng mga sesyon at iba pang mahahalagang dokumento ng Sangguniang Panlalawigan dokumento ng Sangguniang Panlalawigan.

Mga Mambabatas Pinarangalan…

2. Special Project Awards -

Sangguniang Bayan ng Calumpit

3. Awards for Meritorious Support to

Legislation by a Local Chief

Executive –

a. Mayor Paula Carla G. Tan – San

Ildefonso

b. Mayor James P. De Jesus -

Calumpit

c. Mayor Patrick Neil F. Meneses –

Bulakan

4. Awards for Perfect Number of

Sessions Held - 8 sanggunian ang

pinarangalan

5. Awards for Three Termers – 39

kagawad ang pinarangalan

6. Awards for Perfect Attendance – 48

ang tumanggap ng parangal

7. Posthumous Awards para sa

yumaong kagawad – 2 ang tumanggap

Samantala, naging tampok din sa Gabi

ng Parangal ang pagkakaloob ng plake

ng pagkilala kay Bokal Enrique “Boy

Asac” V. Viudez II bilang

pagpapahalaga sa kanya na ngayon ay

nasa kanyang ikatlong termino ng

panunungkulan bilang kagawad ng

Sangguniang Panlalawigan.

Page 3: Mga Mambabatas Pinarangalan - sp.bulacan.gov.ph · “Panibagong Yugto ng Galing at Talino, Sama-sama, Kayang-Kaya,” para sa taong ito. Layunin ng proyekto na mabigyan ng pagkilala

3

Ang Legislative Digest ay

inilalathala ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan apat na beses sa isang taon. Para sa komento, puna, suhestiyon o katanungan, makipag-ugnayan sa aming tanggapan.

Telepono Blg. – (044) 791-0019/ 791-8168 Website – http://sp.bulacan.gov.ph

1. Panlalawigang Kautusan Blg. 01-

2011 - Kautusan Na Nag-Aatas Sa

Lahat Ng Nagmamaneho At May-Ari

Ng Lahat Ng Uri Ng Mga Sasakyan

Na Huwag Gumamit Ng High

Intensity Discharge (HID) Lamps O

Anumang Kaugnay Na Bagay

2. Panlalawigang Kautusan Blg. 02-

2011 - Kautusang Nagsususog Sa

Section 2.G.01 Ng Provincial

Revenue Code Of Bulacan Upang

Maibaba Ang Amusement Tax Mula

20% Na Maging 10% Bilang

Pagsunod Sa Republic Act 9640

3. Panlalawigang Kautusan Blg. 03-

2011 - Kautusang Nagtatakda Ng

Panuntunan Para Sa Pagpapatupad Ng

Section 434 Ng 1991 Local

Government Code Na Nagbibigay Ng

Scholarship Sa Mga Opisyal Ng

Sangguniang Kabataan Sa Lahat Ng

Pampublikong Kolehiyo At

Unibersidad Sa Lalawigan Ng

Bulacan

4. Panlalawigang Kautusan Blg. 04-

2011 - Kautusang Nagtatakda Ng

Hulyo 27 Bilang Iglesia Ni Cristo Day

At Non-Working Holiday Sa

Lalawigan Ng Bulacan

5. Panlalawigang Kautusan Blg. 05-

2011 Panlalawigang Kautusan ng

Pagkilala sa mga Katangi-tanging

Sangguniang Bayan/ Panlungsod,

Tagapangulo ng Hapag, Kagawad ng

Sangguniang Bayan/ Panlungsod at

Kalihim Bayan/Panlungsod na

Tatawaging “Gawad Galing

Sanggunian”

6. Provincial Ordinance No. C-005 -

An Ordinance Enacting The 2011

Revised Environmental Code Of The

Province Of Bulacan

7. Panlalawigang Kautusan Blg. 06-

2011 Kautusang Nagtatakda na ang

Huling Biyernes ng Oktubre ay

Ideklarang Non-Working Holiday sa

Lalawigan ng Bulacan Bilang

Pagpapahalaga sa Pagkakatatag ng

“JIL” o “Jesus Is Lord Movement”

8. Panlalawigang Kautusan Blg. 07-

2011 - Kautusan na Nagbabawal sa

Pagsusunog ng Dayami at Iba Pang

Kahalintulad Nito sa Nasasakupan ng

Lalawigan ng Bulacan

9. Panlalawigang Kautusan Blg. 08-

2011 - Kautusan Na Nagtataguyod Ng

Alituntunin At Patakaran Sa Pagsugpo

At Pagpapataw Ng Parusa Sa

Sinumang Mahulihan Na Nagbebenta,

Nagbibiyahe At Nagtatago Ng

Karneng “Botcha” O “Double-Dead

Meat” Sa Nasasakupan Ng Lalawigan

Ng Bulacan

10. Panlalawigang Kautusan Blg.

08-2011-“An Ordinance Establishing

Systems and Mechanisms for the

Implementation of Maternal

Newborn Child Health and Nutrition

(MNCHN) and Commodity Self-

Reliance (CSR+) Strategy,” na

pinagtibay sa Ikalawang Pagbasa

noong Agosto 24, 2011

11. Panlalawigang Kautusan Blg. 10

- 2011 - Kautusan Ng Pangkalahatang

Pagbabago Sa Pagtatasa Ng Mga Ari-

Ariang Di-Natitinag (General

Revision of Real Property

Assessment)

12. Panlalawigang Kautusan Blg.

11-2011 - - Isang Kapasiyahan Na

Pinagtitibay Ang Panlalawigang

Kautusan Na Nag-Aatas Sa Lahat Ng

Tindahan O Establisimento Na May

Kaugnayan Sa Baril At Bala Sa

Buong Nasasakupan Ng Bulacan Na

Hanapin At Itala Ang Lisensya Ng

Baril Bilang Pangunahing Rekisito

Bago Magsagawa Ng Anumang

Transaksiyon

Page 4: Mga Mambabatas Pinarangalan - sp.bulacan.gov.ph · “Panibagong Yugto ng Galing at Talino, Sama-sama, Kayang-Kaya,” para sa taong ito. Layunin ng proyekto na mabigyan ng pagkilala

4

`

VICE-MAYOR ANTONIO S. PATAWARAN GGS Natatanging Tagapangulo ng Sanggunian 2011

COUNCILOR SHEILA ANA ENRINA R, ENRIQUEZ GGS Natatanging Kagawad ng Sanggunian 2011

SECRETARY FELIX P. CADIZ GGS Natatanging Kalihim ng Sanggunian 2011

COUNCILOR JESUS RICARDO C. DEGALA III (may-akda) GGS Natatanging Ordinansa ng Taon 2011

BOARD MEMBER ENRIQUE V. VIUDEZ II Three Termer Awardee

COUNCILOR ALAN D. ZULUETA National Chairman, Philippine

Councilors League GUEST SPEAKER

For more pictures of this event, please go on these links:

http://spbulacan.multiply.com/photos/album/10

http://spbulacan.multiply.com/photos/album/11

POSTHUMOUS AWARDS