8
Isang Tinig Lathalain ng Atimonan One Energy, Inc. Tuwing ika-3 buwan •Bulto 4 Bilang 5•Desyembre 2017 Pag-apruba ng PSA naantala; A1E pursigido pa rin na ituloy ang proyekto Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected] Personal na bumisita ang lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni Mayor Ticoy Mendoza (ikatlo sa kaliwa) sa tanggapan ng Energy Regulatory Commission (ERC) upang magpakilala sa bagong Chairman na si Agnes VST Deva- nadera (gitna). Kasama ni Mayor Mendoza sina (mula kaliwa) Konsehala Merly Pesigan; Mayora Au Mendoza; Former Mayor Jose Mendoza; Vice Mayor Nida Veranga; at Konsehala May Tamayo. Naantala ang pagsisimula ng konstruksyon ng planong 2x600 megawatts na power plant ng Atimonan One Ener- gy, Inc. (A1E) dahil sa inaantay na power supply agreement (PSA) na nakabinbin pa rin sa Energy Regulatory Commis- sion (ERC). Una nang inaasahan na makakapagsimula ang proyekto nitong nakaraang taon ngunit nabigong makuha ng kumpa- nya ang aprubadong PSA na kailangan upang maka-usad na ang proyekto. Ito ay matapos ipangako ng mga Commission- ers sa kanilang pagharap sa pagdinig sa Kongreso at kay Cong. Danilo Suarez na maglalabas na sila ng desisyon. Ang PSA ng A1E ay ipinasa sa ERC noon pang Abril 2016. Hindi naigawad ang PSA dahil sa pagkasuspinde ng mga Commissioners ng ERC kaalinsunod ng utos ng Ombudsman bago matapos ang 2017. Nananatiling nakaupo sa pwesto ang bagong Chairman na si Agnes VST Devanadera ngunit kail- angan pa rin ng mga Commissioners para maigawad ang de- sisyon sa PSA ng A1E. Ang pagkasuspinde ng mga ERC Commissioners ay bunsod ng ilang mga reklamo ng mga kontra sa power plant na ang PSA ay isang “sweet- heart deal” o maanomaly- ang kasunduan ng pagbili ng kuryente ng Meralco mula sa planong power plant ng A1E at anim pang mga suppliers. Mariin namang pinabu- laanan ng Meralco ang aku- sasyon dahil dumaan umano ito sa mahabang proseso ng negosasyon. Sa kabila nito ay pursigi- do pa rin ang A1E na ituloy ang proyekto. Tuloy-tuloy pa rin ang iba’t-ibang programa ng A1E para sa edukasyon, pangkalusugan, pangk- abuhay at pangkapaligiran sa pamamagitan ng iba’t- ibang Corporate Social Responsibility (CSR) projects. Patunay lamang ito na handang handa na ang A1E na magtayo ng proyekto at tuluyang maging kaagapay para sa ikauunlad ng bayan ng Atimonan. Lubos na suporta naman ang ipinakita ng mga taga-Atimonan sa proyekto sa pamamagitan ng pag- dalo sa mga pagdinig ng mga lider ng pamahalaang lokal at mga pribadong samahan. Bukod pa dito, ang pag-lagda ng libu-libong Atimonanin sa petisyong nananawagang pag-umpisahin na ang proyekto upang matupad ang mga inaasahang trabaho, karagdagang pagkita sa buwis ng pamahalaang lokal, at iba pang benepisyo ng pagkakaroon ng isang power plant.

Isang Tinig - · PDF filePersonal na bumisita ang lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni ... 2/f Parco Building, Jose Rizal cor ... Sama-samang pinagsasaluhan ng mga kabataan

  • Upload
    voliem

  • View
    301

  • Download
    39

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Isang Tinig - · PDF filePersonal na bumisita ang lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni ... 2/f Parco Building, Jose Rizal cor ... Sama-samang pinagsasaluhan ng mga kabataan

Isang TinigLathalain ng Atimonan One Energy, Inc. Tuwing ika-3 buwan •Bulto 4 Bilang 5•Desyembre 2017

Pag-apruba ng PSA naantala; A1E pursigido pa rin na ituloy ang proyekto

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

Personal na bumisita ang lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni Mayor Ticoy Mendoza (ikatlo sa kaliwa) sa tanggapan ng Energy Regulatory Commission (ERC) upang magpakilala sa bagong Chairman na si Agnes VST Deva-nadera (gitna). Kasama ni Mayor Mendoza sina (mula kaliwa) Konsehala Merly Pesigan; Mayora Au Mendoza; Former Mayor Jose Mendoza; Vice Mayor Nida Veranga; at Konsehala May Tamayo.

Naantala ang pagsisimula ng konstruksyon ng planong 2x600 megawatts na power plant ng Atimonan One Ener-gy, Inc. (A1E) dahil sa inaantay na power supply agreement (PSA) na nakabinbin pa rin sa Energy Regulatory Commis-sion (ERC). Una nang inaasahan na makakapagsimula ang proyekto nitong nakaraang taon ngunit nabigong makuha ng kumpa-nya ang aprubadong PSA na kailangan upang maka-usad na ang proyekto. Ito ay matapos ipangako ng mga Commission-ers sa kanilang pagharap sa pagdinig sa Kongreso at kay Cong. Danilo Suarez na maglalabas na sila ng desisyon. Ang PSA ng A1E ay ipinasa sa ERC noon pang Abril 2016. Hindi naigawad ang PSA dahil sa pagkasuspinde ng mga Commissioners ng ERC kaalinsunod ng utos ng Ombudsman bago matapos ang 2017. Nananatiling nakaupo sa pwesto ang bagong Chairman na si Agnes VST Devanadera ngunit kail-angan pa rin ng mga Commissioners para maigawad ang de-sisyon sa PSA ng A1E.

Ang pagkasuspinde ng mga ERC Commissioners ay bunsod ng ilang mga reklamo ng mga kontra sa power plant na ang PSA ay isang “sweet-heart deal” o maanomaly-ang kasunduan ng pagbili ng kuryente ng Meralco mula sa planong power plant ng A1E at anim pang mga suppliers. Mariin namang pinabu-laanan ng Meralco ang aku-sasyon dahil dumaan umano ito sa mahabang proseso ng negosasyon.

Sa kabila nito ay pursigi-do pa rin ang A1E na ituloy ang

proyekto. Tuloy-tuloy pa rin ang iba’t-ibang programa ng A1E para sa edukasyon, pangkalusugan, pangk-abuhay at pangkapaligiran sa pamamagitan ng iba’t-ibang Corporate Social Responsibility (CSR) projects. Patunay lamang ito na handang handa na ang A1E na magtayo ng proyekto at tuluyang maging kaagapay para sa ikauunlad ng bayan ng Atimonan. Lubos na suporta naman ang ipinakita ng mga taga-Atimonan sa proyekto sa pamamagitan ng pag-dalo sa mga pagdinig ng mga lider ng pamahalaang lokal at mga pribadong samahan. Bukod pa dito, ang pag-lagda ng libu-libong Atimonanin sa petisyong nananawagang pag-umpisahin na ang proyekto upang matupad ang mga inaasahang trabaho, karagdagang pagkita sa buwis ng pamahalaang lokal, at iba pang benepisyo ng pagkakaroon ng isang power plant.

Page 2: Isang Tinig - · PDF filePersonal na bumisita ang lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni ... 2/f Parco Building, Jose Rizal cor ... Sama-samang pinagsasaluhan ng mga kabataan

Isang Tinig 2

Mga trabaho para sa mga OFWs sa power industry

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

Isang Tinig

Lupong Patnugutan

J. Nomer MacalaladPatnugot

Cynthia Pardo Fhilip SantanderGrupong Editoryal

Address: 2/f Parco Building, Jose Rizal cor. Quezon St. Brgy. Zone 1 Atimonan Quezon 4331

Tel.No.: +63 42 795-5831

Email: [email protected]

Fellowship at Christmas party para sa mga

stakeholders at partners, isinagawa ng A1E

Mahigit 100 kinatawan ng pamahalaang lokal kabilang ang mga barangay, iba’t ibang ahensya, at mga pribadong samahan ang dumalo sa isang pagsasama-sama at pagdiriwang ng Pasko noong Disyembre 13, 2017. Dinaluhan ito ng bagong Presidente ng Meralco PowerGen (MGen) at dating DPWH Secretary Rogelio L. Singson, kasama ang ilang opisyal ng MGen at A1E, gayundin sina Mayor Ticoy Mendoza at Vice Mayor Nida Veranga at ilang konsehal ng bayan. Masaya ang naging pagdiriwang dahil na rin sa mga positibong kaganapan noon ukol sa pag-uumpisa ng proyekto. Bago natapos ang taon, nagsagawa rin ng kanilang kauna-una-hang pagtitipon ang Homeowners Association na kinabibilangan ng mga nailipat na pamilya sa New Carinay Relocation Site. Halos 150 katao, kabilang si Barangay Chairman Johnny Am-bon, ang nakiisa sa pagtitipon na ito.

Mismong ang bagong pangulo ng Meralco PowerGen (MGen) na si Rogelio L. Singson ang nagsabing handang-handa na ang A1E na simulan ang konstraksyon ng power project. Sa isang pagtitipon noong Disyembre 2017, tiniyak rin ni Sing-son na ligtas at pulido ang magiging planta ng kumpanya dahil si-nisiguro nito na tanging mga eksperto ang mangangasiwa nito. Aniya, nakipag-partner ang MGen sa ESB International (ESBI), isang kump-anyang pag-aari ng bansang Ireland para sa operation and maintenance (O&M) ng planta. Ang ESBI ay kahalintulad ng National Power Cor-poration sa Pilipinas. Nanawagan din si Singson sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na may karanasan sa planta ng kuryente na mag-apply sa A1E

upang dito na sila mag-trabaho at maitayo na ang planta. Tinatayang aabot sa 4,000 mangagawa ang kakailangan sa kon-struskyon ng nasabing planta. Binigyang-diin ni Singson na mangyayari lamang ang lahat ng ito sa sandaling lumabas na ang approval ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Power Sales Agreement (PSA) ng Meralco at A1E na halos dalawang taon nang nakabinbin sa komisyon.

Si Mgen. Pres. Rogelio Singson habang nagpaparating ng kanyang pasas-

Page 3: Isang Tinig - · PDF filePersonal na bumisita ang lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni ... 2/f Parco Building, Jose Rizal cor ... Sama-samang pinagsasaluhan ng mga kabataan

Isang Tinig 3

Homeowners Association, tuloy-tuloy ang pagsulong

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected] Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

Unti-unting lumalak-as ang binuong homeowners’ association ng 47 pamilyang inilipat at binigyan ng pabahay ng A1E. Pormal na silang naire-histro bilang New Carinay Homeowners’ Association, Inc. ng Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) at narehistro sa Bureau of Inter-nal Revenue (BIR) bilang isang non-VAT corporate taxpayer. Kasunod nito ang pagbubu-kas nila ng current account sa isang bangko. Kamakailan lang, binig-yan na rin sila ng akreditasyon ng Sangguniang Bayan ng Ati-

monan bilang isang non-government organization (NGO) upang makibahagi sa proseso ng pagbuo ng mga polisiya sa lokal na pamahalaan. Kabilang sa mga pagsasanay na pinagdaanan ng asosasyon ang Basic Financial Management, Bamboo Propaga-tion and Nursery Development at Business Planning.. Bilang isang pormal na samahan, inaasahang makakabuo ito ng mga gawain at negosyo na magpapaunlad sa mga kasapi. Pinamumunuan ito ng hepe ng mga tanod sa Villa Ibaba bilang Pangu-lo na si Manuel Trapalgar kasama ang sampung iba pang opisyal na tumatayo bilang Board of Directors. Kabilang sa mga proyektong pinagplanuhan nila ang (1) pagkakaroon ng isang solar power system na mag-papandar sa kanilang patubig; (2) water distillation & refilling station; (3) laun-dry shop; (4) patahian; (5) karinderya para sa mga manggagawang magtatayo ng planta ng kuryente; at (5) bagong paupahang bangka. Ang mga miyembro ng homeowners association ay makikinabang rin sa pondong nakapaloob sa Energy Regulations (ER) 1-94 na tinatayang aabot sa apat na milyong piso kada taon sa sandaling maipatayo ang power plant. Nakikinabang rin sila sa iba’t ibang proyekto ng A1E, tulad ng pagtatayo ng isang seedlings nursery & green-house para magparami ng pananim na puno at kawayan na maaaring ibenta; at paghahalaman o paghahayupan sa mga loteng ipinahiram ng kumpanya para sa kanilang kabuhayan. Ang 47 pamilyang kasapi ay may kanya kanyang pabahay na nakatayo sa may 100 metro kwadradong lote na pag-aari na nila.

Masusing pinag-uusapan ng mga miyembro ng New Carinay Homeowners’ Association ang mga proyekto na nais nitong gawin sa susunod na taon

Isang Nursery ang isa sa pangunahing proyekto na itinayo ng NCHOA ngayun taong 2017

Page 4: Isang Tinig - · PDF filePersonal na bumisita ang lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni ... 2/f Parco Building, Jose Rizal cor ... Sama-samang pinagsasaluhan ng mga kabataan

Isang Tinig 4

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

Bagong kooperatiba, binubuo sa Villa Ibaba Isang bagong kooperatiba na layuning palakasin ang mga sektor ng kababaihan, ka-bataan, katatandaan at may kapansanan ang sinimulan nang buuin nitong Disyembre at Enero, at pinangalanang Atimonan EmPow-ered Consumers Cooperative. Kasunod ito ng isinagawang Orientation on Cooperative Set-up and Development noong Agosto 2017. May 15 itong original cooperators. Napiling pansamantala o interim Board of Directors sina Amelita Espinosa bilang chairman, Margarita Trapalgar bilang trea-surer, at mga director na sina Rosemarie Or-tiz, Rogelia Defeo at Marites Cordez. Sapagkat hindi gaanong napapansin ang

kanilang sektor lalo na sa mga mabibigat na trabaho na manggagaling sa planta, sa pagbubuo ng bagong kooperatiba na ito sa Villa Ibaba ay mabibigyan ng oportunidad ang mga kasapi nito mag-tayo ng ibat-ibang negosyo at sumali sa mga proyektong pangkabuhayan na maidudulot ng itatayong planta sa kanilang Barangay.

Unang pagpupulong ng labinglimang miyembro ng Atimonan Empowered Consumers Cooperative

Kaunting kaalaman...

Sino nga ba ang Atimonan One Energy? Ang Atimonan One Energy ay isang kumpanya na naglalayong magtayo ng isang 1,200 MW na coal-fired power plant sa Barangay Villa Ibaba, Ati-monan, Quezon.

Anong mga katangian ng plantang ito ang wala sa mga naunang coal-fired power plant? Ang A1E ay gagamit ng pinaka-bagong teknolohiya na tinatawag na HELE (High Efficiency, Low Emmisions) kung saan gagamit ito ng mas kaunt-ing panggatong para makalikha ng mas maraming kuryente.

Paano mapapangalagaan ang kapaligiran kung gagamit pa din ng coal ang planta? Ang Multi-Partite Monitoring Team(MMT) na kinabibilangan ng ibat-ibang ahensya ng gobyerno at Civil Society Organization(CSO) ang siyang masusing magbabantay at maaring magpatigil ng operasyon kung hindi ito susunod sa kanilang panuntunan.

Page 5: Isang Tinig - · PDF filePersonal na bumisita ang lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni ... 2/f Parco Building, Jose Rizal cor ... Sama-samang pinagsasaluhan ng mga kabataan

Isang Tinig 5

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected] One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

100 residente ng Villa Ibaba, napaglingkuran sa medical-dental mission

25 bata, nakikinabang sa feeding program sa Villa Ibaba May 25 bata na may edad 4 hanggang 12 taong gulang, ang nakikinabang sa isang feed-ing program ng A1E na ngayon ay nasa ika-tatlong taon na. Labinglima sa kanila ay nag-aaral sa elementarya at ang 10 ay hindi pa nag-aaral. Ginagabayan ang pagpapa-tupad ng programa ng mga Ba-rangay Health Workers at ilang magulang naman ang nagluluto ng kanilang pagkain. Sa kabuuan, makikita ang unti-unting progreso sa timbang at pagtaas ng marka sa karami-han sa mga regular na sumasali sa programa. Sinimulan noong Oktubre 2017, matatapos ang programa sa Marso 2018 kasabay ng pag-sasara ng klase.

Umabot sa halos 100 resi-dente ng Barangay Villa Ibaba, kabilang na ang ilang taga-Vil-la Ilaya ang napaglingkuran sa serbisyong medikal katulad ng libreng gamutan, pagbunot ng ngipin at mga seminar ukol sa pangangalaga ng mga buntis nitong nakaraang Nobyembre 2017 sa relocation site. Naging kabahagi ng A1E ang mga boluntaryong suporta ng Atimonan Rural Health Unit, mga Barangay Health Workers ng 2 barangay, Medical Corps ng

Army Reservists Command sa pangunguna ni Lt. Col. Elchor Caralian (medical doctor at Vice Mayor ng Gumaca, Quezon) at Lopez, Quezon Councilor Cheryl Tan (dentist). Regular na isinagawa ang medical-dental missions ng A1E bilang pakikibahagi sa pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan. Hindi lamang sa mga barangay na tatayuan ng planta ito isasagawa kung hindi sa buong bahagi ng Atimonan at kalapit na bayan. Inaasahan na maka-katulong ito sa mga mamamayan lalo na sa mga kapos palad at kulang sa pinansyal upang masiguro na ligtas at nababantayan ang kanilang kalu-sugan.

Libreng konsulta at gamot ang hatid ng A1E para sa mamamayan ng Villa Ibaba at karatig na barangay.

Masusing inoobserbahan ni Lt.Col. Elchor Caralian (medical doctor) ang isa bata mula sa Villa Ibaba

Sama-samang pinagsasaluhan ng mga kabataan na kasali sa feeding program ang inihain ng mga BHW ng Villa Ibaba upang masiguro at mabantayan na tama ang nutrisyon ng kanilang pagkain.

Page 6: Isang Tinig - · PDF filePersonal na bumisita ang lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni ... 2/f Parco Building, Jose Rizal cor ... Sama-samang pinagsasaluhan ng mga kabataan

Isang Tinig 6

ER 1-94, pinag-aralan ng ibat-ibang departamento ng lokal na pamahalaan

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

Programa sa Libreng Edukasyon ng A1E, muling sinimulan

Isang seminar ukol sa mga be-nepisyong ipinagkakaloob sa mga lugar na may power plant sa ilalim ng Energy Regulations (ER) 1-94 ang ginanap nitong Nobyembre 2017 sa Playa de Lucia at dinalu-han ng mga opisyal ng Pamaha-laang Lokal, kinatawan ng Baran-gay Villa Ibaba, at mga pribadong samahan. Tinalakay nina Engr. Jos-ue Balacuit at Effie David, mga opisyal ng Department of En-ergy (DOE), ang mga proyek-tong maaaring pondohan mula sa isang sentimo kada kilowatthour

ng mabebentang kuryente ng power plant, na tinatayang aabot din sa halagang P 86 milyong piso kada taon at babahaginin sa mga pamilyang inilipat (relocated), host barangay (Villa Ibaba), bayan ng Atimonan, Lalawigan ng Quezon, at rehiyon 4A. Kabilang dito ang mga proyektong magpapaunlad sa

komunidad, pagtatayo ng mga multi-purpose halls lalo na kung para sa kabuhayan, mga proyektong pangangalaga sa kapaligiran tulad ng mga seawalls o riverbanks fortification, at iba pa. Gayundin, kalahati sa pondong ito ay laan sa elek-tripikasyon na pinangangasiwaan ng DOE sa pamamagitan ng mga distribution utilities tulad ng Quezelco.

Nauna na rito, isang katulad na seminar kasama ang iba pang taga-industriya ng enerhiya ang dinaluhan ng ilang kawani ng A1E at pamahalaang lokal ng Atimonan sa Met-ro Manila noong Oktubre 2017.

Malinaw na ipinaliwanag ni Engr. Josue (kanan) ang mga katanungan ni Konsehal Velasco (kaliwa) tungkol sa ER1-94 na siyang pangunahing usapin sa Seminar na ito.

Kabilang sa mga Dumalo ang ibat-ibang departamento ng LGU-Atimonan, Sangguniang Bayan, NCHOA, at Sangguniang Barangay ng Villa Ibaba

Sampung out-of-school youth na nakatapos ng high-school ang nabigyan ng pagkakataon na makapagaral ng kur-song Electrical Installation and Maintenance NCII sa Quezo-nian Educational College, Inc.

Bagamat kulang sa pinansiyal, nag-pursige na makapasok sa programa na libreng edukasyon ng A1E sina Ivy Jein Evan-gelista, Mico delos Reyes, Melvin Jimenez, Renan Zabala, Louie Lovena, Jose Antonio Enriquez, Vencent Rosalda, Ian Carlo Liwanag, Romme Mepiraque at Yancey Greyson Canales. Lahat ng kailangan sa pag-aaral katulad ng uniporme, gamit, matrikula at allowance ay kasama sa libreng ibibigay ng A1E. Nagsimula ang kanilang klase noong Disyembre 2017 at magtatapos ngayun Marso 2018.

Tahimik na nakikinig ang mga A1E Scholar habang ipinaliliwanag ng guro ang kanilang mga dapat gawin

Masusing pinipili ni Gng. Litz Santana (VP-External Affairs) ang mga nagnanais na maging A1E scholar

Page 7: Isang Tinig - · PDF filePersonal na bumisita ang lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni ... 2/f Parco Building, Jose Rizal cor ... Sama-samang pinagsasaluhan ng mga kabataan

Isang Tinig 7

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

Huling bahagi ng Guyabano Monitoring para sa taong 2017, isinagawa

Noong nakaraang Nobyembre 23, isinagawa ang huling Guyabano Monitoring upang malaman kung ilan ang porsyento ng mga nabuhay at namatay na pananim, ayon sa mga miyembro ng kooperatiba ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga pananim ay ang pagbaha at pagguho ng lupa, sumunod dito ang paninilaw ng mga dahon, atbp. dahil dito naging mababa ang porsyento ng mga nabuhay na guyabano at narra.

Ang Guyabano Plantation Project ay sinimulan noong ika-7 ng Abril taong 2017 sa pag-uugnayan ng A1E, LGU-Atimonan at ng kooperatiba ng Caridad Ilaya kung saan labingwalong miyembro ng kooperat-iba ang nabigyan ng pagkakataon na maka-pagtanim ng 10,000 guyabano at 6,800 na narra seedlings.

Mga puno ng Guyabano na nakaligtas sa baha

Habang binabaybay ang ilog ng Caridad Ilaya nakita ang malaking bahagi nito na pinagtaniman ng Narra na gumuho sanhi ng baha.

Listahan ng mga nagsipagtanim na miyembro ng kooperatiba at mga datus ng kanilang itinanim

Coop. Members Planted Damaged Survived Survival Rate (%)

1Vivencio Fajardo 2,394 152 2,242 93.652Andres Erandio 2,345 190 2,155 91.893Bernardo Angulo 1,000 15 985 98.54Abner Socorro 1,861 167 1,649 88.65Arnulfo Restan 200 20 180 906Ronilo Jordan 200 30 170 857Nestor Penamante 200 17 183 91.5

8Abelardo Salonga 200 152 48 249Randy Amador 300 130 170 56.66

10Raffy Amador 200 56 144 7211Isidro San Miguel 200 13 187 93.512Cesar Leguro 100 20 80 8013Rodel Ros 600 245 355 59.1614Marites Garate 200 25 175 87.515Leoncia Restan 200 21 179 89.516Leonardo Parco 200 11 189 94.517Arwin Leguro 200 5 195 97.518Conrado Araya 200 No Report No Report

Guyabano Seedlings 10,800 1,269 9,286 85.98

Narra Seedlings 6,000 250 5,750 95.83TOTAL 16,800 1,519 15,036 89.95

Page 8: Isang Tinig - · PDF filePersonal na bumisita ang lokal na pamahalaan ng Atimonan sa pamumuno ni ... 2/f Parco Building, Jose Rizal cor ... Sama-samang pinagsasaluhan ng mga kabataan

Isang Tinig 8

Atimonan One Energy, Inc. Atimonan, Quezon, Tel. Nos. (042) 795-5831 Mobile Nos. (0998) 596-1458 Email: [email protected]

P 1.9 M na bagong dump truck, ipinagkaloob sa LGU ng Atimonan

Isang bagong 2017 Mitsubishi Canter Garbage Truck na umabot sa kabuuang halagang P1.9 Million ang ipinag-kaloob ng A1E sa Pamahalaang Bayan ng Atimonan nitong nakaraang Oktubre 2017. Ang naturang dump truck ay suporta sa programa ng bayan para sa kalinisan, partikular na sa paghahakot ng tone-toneladang basura na nagmumula sa mga barangay. Magsisilbi itong instrumento upang hindi tumambak ang mga basura sa bawat barangay sa Atimonan. Isa rin ito sa mga pro-grama ng A1E kung saan ang ka-linisan ang isa sa prayoridad at nais tutukan ng kumpanya. Nauna na dito ay nagbigay ang A1E ng isang bago at “ful-ly-equipped” na ambulansya noong Setyembre 2017. Hindi lamang sa programang ito nais makatulong ng A1E sa pangpapaunlad kung hindi sa iba pang mga proyekto na nais matupad ng Lokal na Pamahalaan ng Atimonan. Lalo pang mapa-payabong ang pagtutulungan ka-pag nagsimula na ang operasyon ng planta at naaprubahan na ang Power Sales Agreement ng kump-anya.

Ipinakita ni G. Chris Chua A1E Development Man-ager (Kanan) at Gng. Litz Santa-na VP on Exter-nal Affairs (ka-liwa) ang bagong Dump Truck na ipinagkakaloob ng A1E sa Lokal na pamahalaan ng Atimonan sa Pan-gunguna ng butihin Mayor Engr. Tikoy Mendoza (kaliwa) kasama ang Sang-guniang Bayan ng Atimonan sa pangunguna ni Vice-Mayor Nida Veranga at mga konsehales.

Seremonya ng pagtuturn-over ng bagong Dump Truck kung saan ibinibigay ni G. Chris Chua (pangalawa mula sa kanan) ang Susi kay Mayor Tikoy (pangalawa mula sa kaliwa) ang susitanda na ito ay ipinagkaloob na sa LGU-Atimonan kasama din sa larawan sina V-Mayor Nida Veranga (kanan) at Gng. Litz Santana (kaliwa)