4
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY GRADUATE SCHOOL Laoag City Ang Nobela sa Bawat Dekada unang bahagi MISCHELLE D. MARIANO PROF. EDELYN B. ASUNCION MAEd Wika at Panitikan Panitikan 219 Katuturan ng Nobela Itinuturing na supling o kaugnay ng kasaysayan (Servando de los Angeles) Isang kathambuhay (Arrogante) Inilalarawan ang iba't ibang takbo ng buhay ng tao (Reyes) Layunin sa Pagsulat ng Nobela 1. Magbinhi ng simulaing nais pagbungahin ng may-akda 2. Magdulot ng aliw sa mga mambabasa 3. Maglahad ng isang panganib na dapat iwasan at layuan 4. Magbigay-aral sa mambabasa 5. Magpaalab sa damdamin ng isang inaapi 6. Lumutas ng suliraning pambayan at panlipunan Kalikasan at mga Sangkap ng Nobela Ang nobela ay di naiiba sa maikling katha sa bahagi, balangkas, sangkap at elemento. Naiiba lamang ito sa iba pang akdang pampanitikan sa paglalahad nito ng maraming kawing-kawing na mga pangyayari na ginagawang masalimuot at hinati-hati sa iba’t ibang kabanata. Ang sumusunod ay mga katangian ng mahusay at magandang nobela: 1. may kwento o kasaysayan 2. may pag-aaral o pagmamasid sa mga gawa at kilos ng mga tauhan 3. paggamit ng malikhaing guni-guni Taglay ng nobela ang mga sangkap ng maikling kwento: ang banghay, mga tauhan, at tagpuan. Ang mga sangkap na ito ay nagtutulung- tulong sa pagpapahayag ng tema. Ngunit dahil sa mas mahaba ang nobela kaysa sa maikling kwento, nabubuo ng nobelista ang banghay, tauhan, tagpuan at tema sa mas malawak na mga detalye.

Nobela - Ulat sa MMSU Graduate School

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kahulugan, uri, layunin, at pahapyaw na kasaysayan ng nobela.

Citation preview

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITYGRADUATE SCHOOLLaoag City

Ang Nobela sa Bawat Dekada unang bahagiMISCHELLE D. MARIANOPROF. EDELYN B. ASUNCIONMAEd Wika at PanitikanPanitikan 219

Katuturan ng Nobela Itinuturing na supling o kaugnay ng kasaysayan (Servando de los Angeles) Isang kathambuhay (Arrogante) Inilalarawan ang iba't ibang takbo ng buhay ng tao (Reyes)

Layunin sa Pagsulat ng Nobela1. Magbinhi ng simulaing nais pagbungahin ng may-akda2. Magdulot ng aliw sa mga mambabasa3. Maglahad ng isang panganib na dapat iwasan at layuan4. Magbigay-aral sa mambabasa5. Magpaalab sa damdamin ng isang inaapi6. Lumutas ng suliraning pambayan at panlipunan

Kalikasan at mga Sangkap ng Nobela Ang nobela ay di naiiba sa maikling katha sa bahagi, balangkas, sangkap at elemento. Naiiba lamang ito sa iba pang akdang pampanitikan sa paglalahad nito ng maraming kawing-kawing na mga pangyayari na ginagawang masalimuot at hinati-hati sa ibat ibang kabanata. Ang sumusunod ay mga katangian ng mahusay at magandang nobela: 1. may kwento o kasaysayan2. may pag-aaral o pagmamasid sa mga gawa at kilos ng mga tauhan3. paggamit ng malikhaing guni-guni Taglay ng nobela ang mga sangkap ng maikling kwento: ang banghay, mga tauhan, at tagpuan. Ang mga sangkap na ito ay nagtutulung-tulong sa pagpapahayag ng tema. Ngunit dahil sa mas mahaba ang nobela kaysa sa maikling kwento, nabubuo ng nobelista ang banghay, tauhan, tagpuan at tema sa mas malawak na mga detalye. Karaniwang ang nobela ay may pangunahing banghay at isa o higit pang sub-plot o bahagi ng istorya. Ang mga pangunaging tauhan ng nobela ay buong-buo. Habang sumusulong ang banghay, natutklasan naman ng mga mambabasa ang ibat ibang uri ng personalidad, motibo, at damdamin ng mga tauhan. Karaniwang naglalagay ng maraming tauhan ang mga nobelista. Maaari rin siyang lumikha ng ibat ibang tagpuan at maggalugad ng higit sa isang tema.Mga Uri ng Nobela1. Historikal o Pangkasaysayan- tumatalakay sa nakaraan ng isang bansa o ang mga mahahalangang pangyayaring may kinalaman sa kasaysayan nito2. Maromansa- may pagka-emosyunal at tumatalakay tungkol sa lahat ng uri ng pag-ibig na maaaring pag-ibig sa bayan, Diyos, kapwa, magulang , kasintahan at iba pa.3. Makabanghay- nakapokus naman sa balangkay o pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari o daloy ng kwento4. Masining- nagbibigay-diin naman sa mahusay na paghahanay ng mga pangyaayri at paglalarawan sa pagkatao ng mga tauhan na umaantig sa damdamin at kumikintal sa isipan ng mga mambabasa5. Layunin- tumatalakay sa mga layunin at simulain ng nobelista

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN SA BAWAT PANAHON AT DEKADA Pinaniniwalaan ng ilang mananaliksik na ang tunay na panahon ng mga nobelang Filipino ay nagsimula noong 1900 ngunit ipinakilala ng ilang manunulat sa ibat iabng wika katulad nina Inigo Ed Regalado, Edna Malapaz at Lope K. Santos, na ang nobelang Pilipino ay sumilang na noon pa mang panahon ng mga awit.

Panahon ng mga Kastila Ang salin sa Tagalog ng Barlaan at Josaphat ni Padre Antonio de Borja (1712) ang ipinalalagay na kauna-unahang nobelang Tagalog. Ang orihinal ay nasa wikang Griyego na isinulat ni Juan Damasceno. Isa ring itinuturing na unang nobelang Tagalog ay ang Tandang Basio Macunat (1885) ni Miguel Lucio Bustamante. Naging mahalagang baitang tungo sap ag-unlad ng nobelang Tagalof ang mga pasyon, komedya at moro-moro, gayundin ang Urbana at Feliza ni Padre Modesto de Castro. Nakatulong din nang malaki sa pag-unlad ng nobela ang Ninay ni Padre A. Paterno bagamat nasusulat ang orihinal na teksto nito sa wikang Kastila.

Panahon ng Propaganda Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal ang nagbukas ng landa para sa pagbabagong panlipunan sa Pilipinas. Malaki ang nagawa ng dalawang nobelang ito sa paggising sa kamalayang Pilipino.

Panahon ng mga Amerikano Ang tunay na panahon ng mga nobelang Filipino. Mula 1900-1920, nakapaloob ang mga nobelang binhi ng sosyalismo tulad ng Banaag at Sikat ni Lope K. Santos Pinaglahuan ni Faustino Aguilar Anino ng Kahapon ni Francisco Lacsamana Bulaklak ng Calumpang ni Roman Reyes Noong 1907, umunlad nang husto ang nobela at kumalat sa buong kapuluan, maraming akda ang naisulat sa ibat ibang wika tulad ng Lidia ni Juan Crisostomo Sotto Biag ti Maysa a Lakay wenno Nakaam-ames a Bales ni Mariano Gaerlan Matilde de Sinapangan ni Rufino Redondo Wala'y Igsoon (Cebuano) Benjamin ni Angel M. Magahum

Panahon ng mga Hapon Naging salat ang pagsulat ng nobela dahil sa kakulangan ng magagamit na papel sa pagpapalimbag Gayunpaman, may mga nakapagpalathala pa rin ng kanilang mga akda sa magasing Aliwan gaya ng Luha at Lualhati ni Antonio Sempio, 1942 Igorota ni Fausto Galauran, 1945 Sa Lundo ng Pangarap ni Gervacio Santiago Zenaida ni Adriano P. Landico Lumubog ang Bituin ni Isidra Castillo Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz (naisapelikula) muling nabuhayan ang mga nobelista na sumulat nang lumaya ang bansa at sa unang bahagi ng mga panahong ito naging karaniwang paksa ang tungkol sa pag-ibig

Dekada 50 Panahon ng pagpapakilala ng puwersang pulitikal Ang mga paksa ay may kinalaman sa mga suliraning panlipunan, katulad ng sumusunod Maganda Pa ang Daigdig ni Lazaro Francisco Pagkamulat ni Magdalena nina AGA at Elpidio Capulong Ang Tundo Man ay May Langit Din ni Andres Cristobal Mga Ibong Mandaragit ni Amado V. Hernandez

Dekada 60 Nagsimula ang mga pagkilos protesta ng mga taong bayan Naging instrumento ang nobela upang ipakilala ang mga problemang panlipunan Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez Apoy sa Madaling Araw ni Dominador Mirasol Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes Dugo sa Kayumangging Lupa ni Efren R. Abueg

Dekada 70 Naging lantaran ang pagtuligsa ng mga taong-bayan sa mga kabulukang nagaganap sa ating lipunan Ginamit ang nobela upang ipahayag ang maigting nilang pamumuna sa kasalukuyang kalagayan ng bansa Nang ibaba ang Batas Militar noong 1972, maraming matatapang na akda ang ipinagbawal na mailabas ngunit may ilan pa ring nalathala sa Liwayway Canal De La Reina ni Liwayway Arceo Ito ang Rebolusyon at Judas Iscariote nina Clodualdo del Mundo at Gervacio Santiago Kayumangging Lupa ni Dominador Mirasol

Kasalukuyang Panahon Tumatalakay ang mga nobela ng mga paksain tungkol sa reporma, pag-ibig, ugaling Pilipino, pamilya, pang-araw-araw na pamumuhay. Nagbalik ang nobela sa romantisismo na nailalathala sa Liwayway at nasa pamantayang pangkalakalan (commercial) Nagpapatuloy ang pag-unlad ng nobelang Filipino sa tulong ng mga patimpalak katulad ng Carlos Palanca Memorial Awards at ng mga magasing katulad ng Bannaway, Liwayway, at Bisaya at mga komersyal na komiks Gamit ang makabagong teknolohiya, nagiging mas madali na para sa mga Pilipino, lalo na sa mga kabataan ang magkaroon ng access at makapagsulat ng mga nobela katulad sa website na WATTPAD.