14
Noong unang panahon, may isang Manlilikha ng Lapis ang naghabilin sa kanyang nilikha: “May limang bagay na kailangan mong malaman,” sabi niya sa lapis, “Bago kita ipadala sa daigdig. Lagi mong tatandaan ang mga ito, at huwag mong kalilimutan kailanman, at ikaw ay magiging isang pinakamahusay na lapis.”

Noong unang panahon, may isang Manlilikha ng Lapis ang ... · PDF fileManlilikha ng Lapis ang naghabilin sa kanyang nilikha: “May limang bagay na kailangan mong malaman,” sabi

Embed Size (px)

Citation preview

Noong unang panahon, may isang Manlilikha ng Lapis ang naghabilin sa kanyang nilikha:

“May limang bagay na kailangan mong malaman,” sabi niya sa lapis, “Bago kita ipadala sa daigdig. Lagi mong tatandaan ang mga ito, at huwag mong kalilimutan kailanman, at ikaw ay magiging isang pinakamahusay na lapis.”

“Makagagawa ka ng mga dakilang

bagay, ngunit mangyayari

lamang ito kung hahayaan mong hawakan ka ng isang Kamay.”

“Makararanas ka ng napakasakit na pagtatasa sa pana-panahon, ngunit kakailanganin mo ito upang ikaw ay maging mas mabuting lapis.”

“Maiwawasto mo ang mga kamaliang maaari mong magawa.”

“Ang pinaka-mahalagang bahagi

mo ay kung ano ang nasa iyong loob.”

“Kung saan ka gamitin, mag-iiwan ka ng bakas. Anuman ang mangyari,

magpatuloy ka sa pagsulat.”

Naunawaan ito ng lapis at nangakong tatandaan ang mga habilin. Pumasok siya sa kahon na

taglay sa puso ang layunin ng kanyang

Manlilikha.

Ngayon, ipalagay mong ikaw ang lapis na iyon. Lagi mong tandaan ang mga habilin at huwag kalilimutan ang mga ito kailanman, at makakamit mo ang pinakarurok ng pagiging tao na maaari mong maabot.

Makagagawa ka ng mga dakilang bagay, ngunit mangyayari lamang ito kung hahayaan mong

hawakan ng Diyos ang iyong kamay, at kung

hahayaan mong makabahagi ang iyong

kapuwa sa mga biyayang ipinagkaloob

sa iyo.

Makararanas ka ng napakasakit na pagtatasasa pana-panahon sa iyong pagtahak sasamutsaring suliranin ng buhay; ngunitkakailanganin mo ito upang ikaw ay magingmas malakas.

Maiwawasto mo ang mga kamaliangmaaari mong magawa.

Ang pinaka-mahalagang bahagi ng iyong sarili ay kung ano ang nasa iyong kalooban.

Sa bawat landas na iyong tahakin, mag-iiwan ka ng bakas. Anuman ang mangyari, ipagpatuloy mo ang pagtupad sa iyong mga tungkulin.

Huwag kang masisiraan ng loob kailanman. Huwag na huwag mong iisipin na walang silbi ang iyong buhay at wala kang kakayahang lumikha ng

pagbabago.