Upload
eman-nolasco
View
123
Download
5
Embed Size (px)
Citation preview
ADAMSON UNIVERSITY
COLLEGE OF LIBERAL ARTS
DEPARTMENT OF SOCIAL SCIENCE
“THE LAST GLOBAL WAR”
In Partial Fulfillment of Requirements in
GEOPOLITICS
Submitted by:
JOHN ALVIN D. DE LARA
Submitted to:
Prof. Don Emmanuel Nolasco
March 21, 2012DATE
INTRODUKSYON
Ang kasaysayan ang maaaring magtakda sa ating hinaharap. Ang mundo ay puno
na ng mga sigalot, trahedya, at mga pangyayaring gigising sa ating mga kamalayan,
halimbawa na lamang ang pandaigdigang digmaan at patuloy na pagwasak ng ating
mundo sa pamamagitan ng pag-init nito at walang habas na pagmamalabis dito. Ano nga
ba ang kakaharapin natin sa hinaharap? Ito ang tanong sa aking isipan habang ginagawa
ko ang proyektong ito, maaring magkatotoo o hindi, walang kasiguraduhan ngunit
susubukan kong ilahad ang mga pangyayaring posibleng magdulot nito.
Ang pandaigdigang digmaan ay maaaring makaapekto sa buong mundo. Ito ang
magsisilbing marka ng katapusan na kung saan mapapatunayan nila ang kapangyarihan,
mga idelohiyang pinaglalaban, mga bagong uri ng lipunan, at pagbabago sa naturang
nasyon. Ang katangian ng gyera ay patuloy na nagpapabago-bago ngunit iisa pa rin ang
resulta ang kamatayan o ang buwis ng mga buhay. Ang natatandaan ko upang makabuo
ng bagong lipunan kailangan ay may tunggalian. Dito masusukat kung gaano katatag ang
isang nasyon sa panahon ng kagipitan. Simula sa tunggalian ng bawat estado, ay
mabubuo ang alyansang magpapatibay ng pundasyon upang makabuo ng
makapangyarihang pwersa, na sisira sa ibang nasyon, dito magsisimula ang
pandaigdigang digmaan. Ilan nga bang estado ang dapat makilahok upang tawagin itong
pandaigdigang digmaan? Sapat na ang dalawang kontinenteng magkasalungat kasama ng
kanilang kinasasakupan na nakapaloob din dito ang pwersa ng militar at ekonomiyang
estado.
Ang liberal na demokrasya ay may dalawang suliraning hinaharap, isa na dito ang
lumalaganap na terorismo at ang pagsibol ng ibang nasyong hindi demokratiko. Ang unang
banta ay nagdudulot ng masamang epekto, na lalong nagpapahirap ng pag-unlad. At ang
pangalawang banta naman ay ang muling pagsibol ng awtoritaryan na pamamalakad ng
gobyerno halimbawa na lamang sa Tsina at Russia. Ang dalawang bansang ito ay maaring
maging banta sa buong mundo kung sakaling magkaroon ng pangatlong pandaigdigang
digmaan, maaring sila ay magkakapi o magkasalungat ng layunin. Digmaan nga lang ba
ang natatanging instrumento upang bumuo ng lipunang sasagot sa ating mga
pangangailan at mga layunin upang tayo’y mabuhay ng payapa? Malayo sa gulo, ang hindi
pantay na pagtingin sa mga mahihirap, mga kaugaliang makakasira sa atin bilang tao,
paniniwalang salungat sa bawat isa sa atin na sanhi ng hindi pagkakaunawaan at patuloy
na pagwasak ng ating mundo, dulot nito ang ibat-ibang trahedya, at mga hindi
maipaliwanag na pangyayari.
Sa palagay ko, ang kasaysayan ay maaring magtakda ng mga pangyayaring
haharapin, kung nagkaroon nga ng una at pangalawang pandaiggigang gyera, maaaring
ding maganap ang pangatlo at huling pandaigdigang digmaan na magpapabago ng takbo
ng ating mundo. Kasabay nito ang makabagong imbensyon ng mga kagamitang pang-gera
at dahil dito mas maikli ang panahon ng pakikipaglaban ng bawat nasyon dahil sa
paggamit ng “nuclear, chemical, at biological weapon” Mas maikling panahon, ngunit mas
maraming buhay ang masasawi. Sa pagbuo ng bagong nasyon hindi maiiwasan ang
pagbuwis ng buhay. Bagamat masasabi nating masalimuot ito, may magagawa pa ba
tayo? Tanging makakasagot lamang nito ang bawat lider ng nasyon kung papaano nila
dedesisyonan ang bawat hakbang sa pagbabago. Dagdag pa nito ang malawakang krisis
dulot ng kahirapan ay siyang magiging dahilan kung bakit tuluyang babagsak ang mga
nasyon na sarili lamang ang pinagyayaman.
Sa aking pagbabasa ng ibat-ibang artikulo at ilang librong tungkol sa digmaan,
lalong lumawak ang aking kaisipan upang isipin ang posibilidad ng ikatlong digmaan.
Binalikan ko muli kung saan nga ba nagsisimula ang digmaan, mga kasaysayan kung bakit
ito naganap, mga pangyayaring naidulot nito sa negatibo man o positibo. Una kong
tatalakayan ang mga naganap sa nakaaraan, na hanggang ngayon ay masasabi nating
wala pang tunay na kasagutan, at mga posibleng pangyayaring magbubukas o
magpapaumpisa ng digmaan, ang pagkakaroon ng tunay na pagkakakilanlan ng bansa,
ang pandaigdigang kagipitan dulot ng digmaan at kalamidad. At ang ikalawang tatalakayin
ko ay ang posibilidad na pagbubuo at pagbubuklod ng bawat nasyon. Magandang tignan
ang huling pangyayari, ngunit bago ito tuluyang maganap, isa munang madilim na
kasaysayan ang maaring iuukit sa mapa mundo
Ang una at ikalawang digmaan ay nilahukan ng mga malalakas na nasyon kabilang
dito ang Britain,France, Germany, Italy, Japan, United States at Soviet Union. Masasabi ko
rin na malapit na tayo sa pagkakaroon ng ikatlong digmaan na maaring kong tawaging
“Nuclear War“ Ang kailangan lamang sa pagsisimula nito ang sigalot ng pwersa ng militar
sa magkasalungat na kontinente. Ang Israel ay susubukang digmain ang Palestine, at ang
North Korea ay sasalakay naman sa South Korea o ang USA, at ang Tsina ay tuluyanang
digmain o salakayin ang Taiwan,ang paglusob ng Russia sa USA, at ang huli ang paglusob
ng Tsina sa USA, ito’y pangyayaring aking susubukang ilahad sa diskusyon ng proyektong
ito, ay posibleng ngang magkaroon ng pagdedeklara ng ikatlong digmaang pandaigdig.
Sino sino nga ba ang magkaka-alyansa sa panahon ng digmaang ito? Posible bang
baguhin nito ang takbo ng mundo sa usaping politikal at ekonomiya?, o isang gyerang may
kanya kanyang kalaban upang depensahan ang sariling bansa, kumbaga isang panahon
ng puno ng mga digmaan sa ibat-ibang lupalop o sulok ng mundo at ang magiging
katapusan ay matira ang nasyong matibay sa panahon ng kaguluhan. Babaguhin ba nito
ang ating mga paniniwala lalong lalo na sa usapang relihiyon at demokrasya? Ito’y mga
tanong na maaring nakapaloob sa aking diskusyon. Susubukan kong maging kongkreto
ang mga detalye, sumakatuwid maraming oras ang maari kong gugurin upang mabuo ko
ito.
Ang isapang detalye na aking nabasa kaugnay ng digmaang ito, malaki ang
gagampanang papel ng relihiyon at pananampalataya ng ibat-ibang samahan ng
paniniwala ukol sa tinatawag na pagbabago. Kasabay ng digmaan magkakaroon rin ng
trahedyang magdudulot ng kahirapan, hindi natin ito maiiwasan dahil ngayon pa lang may
mga senyales ng pinapakita ang kalikasan dahil sa patuloy na pag-init ng mundo. Isa
lamang itong introduksyon, na aking susubukang palawigin sa aking diskusyon at
bibigayan ko ng sariling kongklusyon, kung ang pangyayaring ito ay magaganap sa
darating na panahon.
DISKUSYON
Balikan natin ang kasaysayan, nagkaroon na ng Una at pangalawang
pandaigdigang digmaan, isama pa natin noong panahon ng “Coldwar”. Ang mga digmaang
ito ay malaki ang naging epekto sa politikal at ekonomiya ng bawat bansa. Upang
magkaroon ng ikatlong digmaan, ang Israel ay maaaring makipag-digmaan sa mga kalapit
nyang bansa, na tinatawag na “Arab States”. Ang sigalot na ito ay nagsimula pa sa WW1
noong taong 1948. Ang Ehipto ay nagkaroon ng kasunduang pangkapayapaan sa Israel
noong 1979 at sa Jordan noong taong 1994. Sa Palestino, sa pamumuno ni Yassir Arafat
at ang kanyang organisasyon, ay nagkaroon din ng kasunduan ngunit ito ay nabalewala
sapagkat sumalakay sila sa Israel sa pamamagitan ng “Al-Aqsa”,ito ang mga gerilya ng
panahon na iyon, at dito na tuluyang nagkaroon ng sigalot ang dalawa kasama pa ng iba
pang estado sa ibat-ibang lugar ng kanilang bansa. Masasabi nating ang Israel ay
mayroong kakahayang pang-militar lalong-lalo na sa digmaang himpapawid. Kasama din
sa digmaang ito ang Iran at Syria na kung saan maaaring ang Middle East ay mapaloob sa
tinatawag na “all out war”. Dito na papasok ang pakikialam ng USA, sisiguraduhin nyang
ang mga kaalyado nyang bansa sa Middle East ay hindi matalo o masira sa digmaan. Ang
una kong naiisip na dahilan ay ang pagbibigay proteksyon sa mga ito, dahil na rin sa
benipisyong kanyang nakukuha dito lalo na sa kalakalan ng langis. Masasabi nating may
ugnayang pangpolitikal ang Israel at ang U.S.A. Sa kasalukuyan, ang North Korea at South
Korea ay may hidwaan sa isat-isa. Nagkakaroon na ng paghahanda ang dalawang panig
kung sakaling magdeklara na sila ng digmaan. Ang U.S ay kaalyado naman niya ang
South Korea, dahil sa pamumuno ni Pres. Obama, sinabi nyang ang S.Korea ay isa sa
mga pinagkakatiwalaan niyang bansa. Kung magkakaroon nga ng digmaan paniguradong
makikiaalam din ang US. Sa mga pagkakataong ito, magkakaroon ng pagbaba ng
ekonomiya ang Estados Unidos, dahil gugugulin niya ang karamihan ng kanyang pondo sa
pakikipagdigma sa Israel at sa N.Korea. Magkakaroon ng malawakang krisis na maaring
makaapekto sa iba pa nitong kaalyado, lalo na sa usaping pangkalakal. Makakagawa sila
ng paraan ngunit hindi sapat upang manumbalik ang dati nilang magandang estado. At
dahil sa mga pangyayaring iyon upang mapalakas pa ang pwersa ng Tsina, maaari nyang
salakayin ang Taiwan, kapag napagtagumpayan niya ang pakikikpagdigma dito magsisilbi
itong unang depensa niya laban sa USA. Habang ang U.S ay nasa panahon ng
pakikidigma sa iba pang lupalop ng mundo, sasamantalahin ito ng Tsina ang panahon
upang makapaghanda sa posibleng digmaan nila ng US. Dito masasabing ibat-ibang lugar
ang maaring kasama sa Ikatlong pandaigdigang digmaan, ngunit iisa lng naman talaga ang
huling maglalaban dito ang USA at ang Tsina. Sino nga ba ang karapat dapat na tawaging
pinakamalakas na estado sa buong mundo?. At sa palagay ko, dito magwawagi ang Tsina.
Hindi kakayanin ng U.S ang pwersa ng Tsina. Sa mga dahilang pang pinansyal, hukbong
sandatahan, at kalamidad na maaring makaapekto sa ekonomiya ng US. Magiging madali
ang kanilang digmaan, gagamit ang dalawang bansang ito ng “nuclear weapon”. Malaking
pondo ang gagamitin upang ito’y maisakatuparan, subalit marami ang madadamay kahit na
ang mga sibilyan ay maapektuhan. Masasabi nating sa nakalipas na mga taon muntik ng
magkaroong ng digmaan ang dalawa, ngunit sinikap lamang ng U.S ang pagkakaroon ng
usaping pangkapayapaan.Siguro dahil hindi pa handa ang U.S sa isang malawakang
digmaan dahil may posibildad na sila ay matalo dito. Sa nabasa kong artikulo, ang Tsina ay
mayroon ng sapat na pwersa sa himpapawid, pandagat at tinatawag na “missile system” na
magsisilbing una nyang depensa kung sakaling ang ibang nasyon ay subukang makipag
digma sa kanya. May pagkakataong ang isang ministro ng Tsina ay nagpahayag na ang
mga bansa sa Timog Silangang Asya ay maliliit lamang kumpara sa laki ng Tsina. Isang
pagpapahiwatig na handa na silang makipagdigmaan kahit sa anu pang nasyon. Bilang
paghahanda nagkaroon ng kasunduan ang US at ang bansang Australia, lalo na sa
usaping digmaan sa karagatan. Ang digmaang ito ay may posibilidad na magkatotoo, gusto
ng Tsina na makuha niya muli ang Taiwan, ito’y kanyang sinisisi dahil sa mga kapitalistang
katulad ng US. Dahil sa sitwasyong ito, malaking banta ito sa siguridad ng buong mundo.
Ang paggamit ng bagong kagamitan ay magdudulot ng malaking krisis sa ibat-ibang
nasyon. Kagaya ng Estados Unidos, may interest din ang Tsina sa kalakalan ng langis sa
Iran, dahil nga sa usaping kalakalan ng mundo, malaking bahagi ang ginagampanan ng
Tsina, mas gusto pa nitong palakihin ang kanyang produksyon. Kumbaga, magkakaroon
ng kompitensya ang dalawang bansang ito. Ngunit sa napapanahong balita, mas
gumagawa ng paraan ang US upang protektahan ang kanyang mga kaalyado sa “middle
east” isang pagpapatunay na may hangaring pang ekonomiya ang US sa mga bansa doon,
dahil ito;y makakatulong sa kanilang lalo pang pag unlad. Ayon sa ilang leader ng
organisasyon sa Tsina, masyado nang inaabuso ng US ang iba pang bansa, ginagamit
lamang ito para sa sariling pag-unlad, kaya naman nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan
ang dalawang bansang ito.
Sa nabasa kong artikulo, sa darating na taon bago maisakatuparan ng ikatlong
digmaan, magkakaroon muna ng matinding kalamidad sa ibat-ibang panig ng mundo,
lalong lalo na sa kanlurang mga bansa. Ayon sa ilang sayantipiko ang temperatura ng
mundo ay patuloy na umiinit na nagdudulot ng abnormal na pagkakaroon ng matinding init,
mga bagyo, at mga lindol. Hindi ito maiiwasan, dahil lahat ng bansa ay apektado dito, kahit
pa ang nasyon na iyon ay isa sa mga pinakamalakas at makapangyarihan, isa ito sa mga
maaaring dahilan upang ang bansa ay tuluyan nang bumagsak. Maaring magkatotoo ito sa
Estados Unidos, at magresulta sa paghina ng ekonomiya. Pamilyar na tayo sa mga grupo
ng mga taong hindi naniniwala sa Diyos, malaki ang gagampanang papel nila sa usaping
pagbubuo ng bagong lipunan. Magkakaroon ng malaking pagbaha sa gitna at timog ng
Europa, sa Middle east at sa iba pang bansa ng Asya. Ang resulta nito ang paghina ng
gobyerno sa kanilang bansa, dito na magkukunwaring tutulong ang mga grupong tinatawag
na laban sa Dyos, may sarili silang layunin na upang gawing alipin ang tao pagkatapos
nilang tulangan ang mga ito. Gagamitin itong estratehiya ng grupong ito upang bumuo ng
bagong lipunang ang manghahari o mamumuna ay sila sila lng. Sa mga internet at ilang
babasahin, kilalang kilala ang grupong ito. Ngunit hindi ito hahayaang mangyari ng mga
Kristyano at iba pang grupo na naniniwala sa Dyos. Magsisikap silang gumawa ng paraan
upang pigilan na maisakatuparan ang masasamang plano. Magtutulong tulong ang bawat
bansa upang tugunan ang pangangailang ng mga tao, maaring magtatag sila ng
organisyong tutulong sa mga nasyong naapektuhan ng kalamidad. Manunumbalik ulit ang
pagtutulongtulungan, wala nang bansa ang maghahangad pang lamangan o maging isang
makapangyarihan, dahil ang una nilang magiging layunin ay panunumbalik muli ng dating
kagandahan ng mundo. Magkakaroon ng bagong patakaran upang protektahan ang
mundo laban sa patuloy na pagsira nito, at dito natin maiiwasan ang lumalalang kalamidad.
Magandang isipin kung ito’y magkakatotoo, panunubalik ng nawalang tunay na
kapayapaan at pagtutulungan. Sa panahon ng kagipitan, kahit na ang dating
magkasalungat na bansa ay maaaring magkasundo.
Upang lalo nating maunawaan sa pagkakaroon ng ikatlong digman. Ito ang mga
ilang posibilidad na maganap upang tawagin itong “all out global war” o isang “nuclear
war”. Ito’y tunggalian ng Amerika, Britanya, at ang mga kasapi sa NATO, laban sa patuloy
paring pag-unlad ng Russia at Tsina. Ang dalawang grupong ito ang magsasagupaan sa
digmaan ito. Matinding digmaan ang maaaring maganap dahil sa paggamit ng “nuclear”,
“chemical” at biological weapons. Mas magiging mabilis ang panahon habang sila’y
nagkakasagupaan, dahil sa isang iglap maaring ang bansang iyon ay mawala sa mapa
dahil sa matinding pinsala. Kasama sa mga madadamay ang mga nasyong kaalyado din
nila, kumbaga malawakang digmaan ang magaganap. Sa unang pandaigdigang digmaan
tungkol ito sa imperyalismong ambisyon sa panig ng Europa, at dahil na rin sa planong
pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand noong taong 1914, sa ikalawang pandaigdigang
digmaan naman ay tungkol sa kasunduan sa Versailles noong 1919, at sa katauhan ni
Hiler, ang paglusob sa Poland ng mga Germans noong taong 1939. Ano kaya ang maaring
pangyayari upang maganap ang ikatlong digmaan, dalawa lng ang nasa isip ko, batay na
rin sa mga pangyayari sa nakalipas at sa kasalukuyan, ang sigalot sa usaping relihiyon at
ang mga maaring dulot ng pag-init ng mundo o tinatawag natin climate change. Ang bawat
bansa ay magiging handa sa pagkakaroon ng digmaan sa ibat ibang lupalop ng mundo
kasama na rin dito ang lumalaganap na terorismo. At dahil nga sa sinabi ko sa una, kapag
nagsimula ng makipag digmaan ang Israel sa mga karatig nyang bansa, unti-unti nang
nabubuo ang alyansa sa mga magkakaalyado nang mga nasyon. At sa usapin namang
pang kalikasan, magdudulot ito ng ibat-ibang kalamidad katulad ng lindol at ang
malawakang pagbaha, pagkalat ng sakit, at ang panahon ng tag-gutom. Tandaan natin na
ang mga pangyayari sa ikatlong digmaan ay may senyales na maaaring matupad base na
rin sa mga nakalipas na taon. Kagaya ng sinabi ko noong una, ang kasaysayan ay
maaaring magtakda sa ating hinaharap. Ito na marahil ang pinakahuling digmaang
magaganap sa buong kapuluan. Matatauhan ang mga bansang ito na tigilan na ang
pagiging sakim sa kayamanan, pang-aabuso ng maliliit na bansa ay walang dulot na
mabuting resulta kundi ang kamatayan lamang ang katapusan o pagbagsak ng ekonomiya
nila. Isang dagok ito sa bawat nasyon na baguhin na ang kanilang pananaw ukol digmaan.
Masasabi nating nakasasalalay sa mga lider ng bawat nasyon ang kakahatnan ng
digmaang ito, kung patuloy na pag-iiralan ang sariling kapakanan lamang, hindi magiging
progresibo ang isang bansa. Samakatwid, isang malaking papel ang gagampanan ng mga
namumuno sa isang bansa.
Sa teorya ni Mackinder, sinasabi kung sino ang mamumuna sa Eurasia ay siyang
namumuna sa buong mundo. Sa pamamagitan ng lupa at pandagat na pwersa ay maaring
sakupin ang isang bansa, sa pagpapatunay ito, ginamit itong estratehiya ng US sa
pagkuha ng kanyang mga kaalyadong bansa. Lalong pinapaigting nito ang kalakasan ng
isang nasyon. Sumakatwid ang pakikipagdigma sa “middle east” ay kasama sa mga plano
ng Estados Unidos.
Upang matignan natin ng buo ang mga pangyayari sa posibilidad ng WW3, sa
palagay ko noong panahon ng “9/11 bombing” nagbigay ito ng senyales sa USA, na hindi
sapat lng na magkaroon ng matinding seguridad upang protektahan ang isang bansa,
kundi kailangan ding palakasin ang pakikipag-ugnayan pa sa iba pang bansa lalong lalo na
sa panahon ng terorismo. Ang pagkakaroon ng sigalot sa “middle east”. Maaring ang
Pakistan ay suportahan ng North Korea sa panahaon ng digmaan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng “nuclear weapon”. Ito na ang magiging senyales sa pagsisimula ng “nuclear
war”. Kahit na sa malalayong bansa ang pagmumulan ng “detonator” o ang “missile”
kayang kayang matagpuan nito ang kalaban, dahil na rin ito sa tulong ng teknolohiya.
Bilang ganti, gagamitin ng U.S ang kanyang abilidad upang depensahan ang mga kaanib
nyang mga bansa kabiling dito ang Israel. At patuloy pa rin nyang susubukang salakayin o
digmain ang Iraq. Noong ika-23 ng Marso, sinubukan na ng US ang pakikipagdigma laban
sa Iraq. Ang posibilidad na digmaan ay sa Middle East, ang Israel laban sa mga Palestino.
Dahil dito, ang US ay maaring bumagsak ang ekonomiya, dahil gugugulin niya ang
maraming pondo sa pakikipagdigma, ayon na rin ito sa kasalukuyang presidente, sa
kanyang pahayag, hindi na magkakaroon ng iba pang hakbang kundi ang
pakikipagdigmaan sa Iraq at ilan pa nitong kalapit bansa. Isang testimonyang gumulantang
sa mundo bilang isang makapangyarihang nasyon. Ang grupo ng mga rebelyon at
terorismo ay patuloy na magdudulot ng banta sa seguridad ng mundo, maging ang mga
bansang tanyag na ay maaari nilang salakayan dahil na rin sa isa kanilang layunin na
pabagsakin ang mga sakim na estado. Hindi magiging madali ito para sa US, ito ang
magsisilbing “dark ages” o panahon ng pagbagsak nila bilang estado kasama pa ng ilang
kaalyado nilang bansa . Hindi man ito tuluyan, ngunit magbabago na ang tingin natin sa
U.S, bilang isang makapangyarihang nasyon. Dito na unti-unting sisibol ang mga bansang
katulad ng Tsina at Russia na magtutulungan upang pabagsakin ang Estados Unidos.
KONKLUSYON Ang pagkakaroon ng Ikatlong pandaigdigang digmaan ay magdudulot ng
matinding pinsala sa mundo. Ang aking mga nilahad ay maaaring maganap sa hinaharap
dahil base ito sa mga kaganapan sa nakaraan at kasalukuyan. Kung patuloy pa ring titindi
ang tensyon sa anu mang panig ng mundo tiyak na magaganap ang ikatlo at huling
digmaan upang makabuo ng isang lipunang makatarungan, tunay na may kalayaan, at
pagkakaisa ng bawat nasyon. Kailangan magkaroon ng matinding tunggalian ng mga lahi
upang maipakita sa mundo na walang magandang epekto ang pagkakaroon ng digmaan,
kundi isang kabagsakan lamang ito ng isang nasyon. Tanging ang digmaan lamang ang
siyang sasagot at tatapos ng kaguluhan sa mundo, at may kakayahan din na manumbalik
ang dating sigla. Bubuo ng lipunang liberal at sentralisado, kikilalanin at rerespetuhin ang
anumang relihiyon, mawawala ang mga nasyong sarili lamang ang iniisip tungo sa
kaunlaran, sabay-sabay na uusad muli ang mga bansang naapektuhan ng digmaan at
kahirapan, magwawakas na ang imperyalismo at terorismo sa mundo, isang lipunang
sisibol sa hinaharap at sa dadating pang bagong henerasyon. Magandang isipin kung
ganto nga talaga ang mangyayari pagkatapos ng digmaan, walang nang ibang
pamamaraan ang dapat gawin ng bawat nasyon kundi ang magtulungan para sa
pagbabago. Pagkatapos nilang maranasan ang masamang dulot ng digmaan, hindi na muli
silang magtatangka pang maulit ito.
Sa bawat pagtatapos ay may simula. Digmaan at kapayapaan, tensyon at
pagkakaisa, mga salitang kabaligtaran ang kahulugan ngunit makapangyarihan sa usapin
ng politika at ekonomiya. Hindi pa natatapos ang kasaysayan, hanggat hindi pa
nagkakaroon ng ikatlong digmaan, isa itong huling yugto sa mundo ngunit isang simula sa
bagong henerasyon.Pagkatapos ng dilim ay may liwanag na matatanaw. Ang bawat
namumuno sa bansa ay dapat maging responsable sa anumang layunin na kanyang
tinatahak, ang mga mamamayan ay dapat magkaroon ng kalayaan at edukasyon dahil ito
ang magsisilbing armas nila sa pagbabago, nakasalalay sa bawat isa sa atin ang
kahihinatnat ng mundo. Ako din ay may takot kung sakaling maganap nga ang tinatawag
na “nuclear war”. Isipin na lng natin na bahagi ito ng rebulusyon at proseso ng mundo para
sa pag-abot natin ng kasaganahan, dahil ang kasaysayan ay siyang nagtatakda ng ating
hinaharap.