5
Human Early Learning Partnership (HELP) University of British Columbia 440-2206 East Mall Vancouver BC Canada V6T 1Z3 www.earlylearning.ubc.ca Page 1 of 5 Version: Sep 9, 2020 H18-00507-A019 Pag-unawa sa Middle Childhood: Middle Years Development Instrument (MDI) Informed Passive na Consent na Liham ng Magulang/Tagapag-alaga Pangunahing Imbestigador: Kimberly A. Schonert-Reichl, Ph.D., Propesor, Human Early Learning Partnership, Paaralan ng Populasyon at Pampublikong Kalusugan, at Faculty ng Edukasyon, UBC, [email protected], 604-822-3002 Mga Kapwa Imbestigador sa Human Early Learning Partnership ng UBC, Paaralan ng Populasyon at Pampublikong Kalusugan: Magdalena Janus, Kaanib na Kasamang Propesor Martin Guhn, Katulong na Propesor at Pansamantalang Direktor Anne Gadermann, Katulong na Propesor Eva Oberle, Katulong na Propesor Kaugnay sa Proyekto: Marit Gilbert, MDI Tagapamahala sa Pagpapatupad, Human Early Learning Partnership, UBC, [email protected], 604- 827-5504 Local School Board Contact (listed below) SA ISANG SULYAP Magaganap ang isang survey sa iyong paaralan at tatanungin ang mga mag-aaral ng mga tanong na nauukol sa kanilang sosyal at emosyonal na pag-unlad, kalusugan at kabutihan ng kalagayan. Iimbitahan ang iyong anak na magkumpleto ng survey maliban kung hayagan mong hilingin na alisin ang anak mo. Sasabihan ang anak mo na maaari nilang piliing kumpletuhin ang survey, at maaaring laktawan ang mga tanong at huminto anumang oras. Iniimbitahan ng paaralan mo at ng Human Early Learning Partnership (HELP) sa University of British Columbia (UBC) ang anak mong maging bahagi sa pagkumpleto ng Middle Years Development Instrument (MDI) – isang survey na dinesenyo para matuto tungkol sa social at emosyonal na pag-unlad; kalusugan at well-being ang mga batang nasa edad na 9 hanggang 13. Ang mga estudyante na nasa mga Grade 4 hanggang Grade 8 ay magkukumpleto ng MDI sa mga paaralan sa Enero/Pebrero at gagawin ito online, isu-supervise ng staff ng paaralan, at aabutin ang mga mag-aaral ng mga 45-90 minutes para makumpleto. Ang MDI project ay sponsored ng paaralan mo o ng school board, at ng Pamahalaan ng BC. Ano ang purpose ng project na ito? Ang purpose ng project na ito ay para mas mabuting maintindihan ang aspects ng social at emosyonal na pag- unlad, kalusugan at well-being ng mga bata, na nagko-contribute sa kabuuan nilang tagumpay sa paaralan at sa buhay. Binibigyan ng MDI ang mga bata ng boses sa pag-report ng kanilang mga naiisip, nararamdaman at nararanasan sa paaralan, sa bahay at sa community, pati na kung ano ang ginagawa nila pag-uwi mula sa paaralan. Sumali ang inyong mga educator ng school board sa MDI na project dahil gusto pa nilang matuto tungkol sa kalusugan at well-being ng kanilang mga estudyante at makilala ang mga paraan kung paano ang tagumpay ng mga bata at well-being ay mapo-promote sa mga paaralan at mga community. Magagamit nila

Pag-unawa sa Middle Childhood: Middle Years Development

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pag-unawa sa Middle Childhood: Middle Years Development

Human Early Learning Partnership (HELP) University of British Columbia 440-2206 East Mall Vancouver BC Canada V6T 1Z3 www.earlylearning.ubc.ca

Page 1 of 5 Version: Sep 9, 2020

H18-00507-A019

Pag-unawa sa Middle Childhood: Middle Years Development Instrument (MDI)

Informed Passive na Consent na Liham ng Magulang/Tagapag-alaga

Pangunahing Imbestigador: Kimberly A. Schonert-Reichl, Ph.D., Propesor, Human Early Learning Partnership, Paaralan ng Populasyon at Pampublikong Kalusugan, at Faculty ng Edukasyon, UBC, [email protected], 604-822-3002

Mga Kapwa Imbestigador sa Human Early Learning Partnership ng UBC, Paaralan ng Populasyon at Pampublikong Kalusugan:

Magdalena Janus, Kaanib na Kasamang Propesor Martin Guhn, Katulong na Propesor at Pansamantalang Direktor Anne Gadermann, Katulong na Propesor Eva Oberle, Katulong na Propesor

Kaugnay sa Proyekto: Marit Gilbert, MDI Tagapamahala sa Pagpapatupad, Human Early Learning Partnership, UBC, [email protected], 604-

827-5504 Local School Board Contact (listed below)

SA ISANG SULYAP • Magaganap ang isang survey sa iyong paaralan at tatanungin ang mga mag-aaral ng mga tanong na

nauukol sa kanilang sosyal at emosyonal na pag-unlad, kalusugan at kabutihan ng kalagayan. • Iimbitahan ang iyong anak na magkumpleto ng survey maliban kung hayagan mong hilingin na

alisin ang anak mo. • Sasabihan ang anak mo na maaari nilang piliing kumpletuhin ang survey, at maaaring laktawan ang

mga tanong at huminto anumang oras. Iniimbitahan ng paaralan mo at ng Human Early Learning Partnership (HELP) sa University of British Columbia (UBC) ang anak mong maging bahagi sa pagkumpleto ng Middle Years Development Instrument (MDI) – isang survey na dinesenyo para matuto tungkol sa social at emosyonal na pag-unlad; kalusugan at well-being ang mga batang nasa edad na 9 hanggang 13. Ang mga estudyante na nasa mga Grade 4 hanggang Grade 8 ay magkukumpleto ng MDI sa mga paaralan sa Enero/Pebrero at gagawin ito online, isu-supervise ng staff ng paaralan, at aabutin ang mga mag-aaral ng mga 45-90 minutes para makumpleto. Ang MDI project ay sponsored ng paaralan mo o ng school board, at ng Pamahalaan ng BC.

Ano ang purpose ng project na ito? Ang purpose ng project na ito ay para mas mabuting maintindihan ang aspects ng social at emosyonal na pag-unlad, kalusugan at well-being ng mga bata, na nagko-contribute sa kabuuan nilang tagumpay sa paaralan at sa buhay. Binibigyan ng MDI ang mga bata ng boses sa pag-report ng kanilang mga naiisip, nararamdaman at nararanasan sa paaralan, sa bahay at sa community, pati na kung ano ang ginagawa nila pag-uwi mula sa paaralan. Sumali ang inyong mga educator ng school board sa MDI na project dahil gusto pa nilang matuto tungkol sa kalusugan at well-being ng kanilang mga estudyante at makilala ang mga paraan kung paano ang tagumpay ng mga bata at well-being ay mapo-promote sa mga paaralan at mga community. Magagamit nila

Page 2: Pag-unawa sa Middle Childhood: Middle Years Development

Page 2 of 5 Version: Sep 9, 2020

H18-00507-A019

ang information para ma-improve ang edukasyon, suporta at mga serbisyo para sa lahat ng mga estudyante. Ang mga tanong sa survey ay nakaayon din sa K-12 curriculum ng BC Ministry of Education na kasama ang pagtuon sa pagtaguyod ng personal at social na kakayahan ng mga bata. Ginawa ang MDI sa UBC sa pakikipagtulungan sa mga educator, mga miyembro ng komunidad, mga magulang at mga estudyante, at mula 2009 ay na-administer na sa mga paaralan sa Canada. Para matuto pa tungkol sa MDI at makita ang mga tanong sa survey, paki-tingnan sa www.earlylearning.ubc.ca/mdi.

Ngayon ay isang panahon na di tulad ng dati upang ituon natin ang ating atensiyon sa kalusugan at kabutihan ng mga bata. Ang stress at pang-aabalang dinala ng COVID-19 ay tunay na alalahanin. Ang lahat ng mga bata at mga pamilya ay nasa peligro na makaranas ng dagdag na mga paghamon. Nagbibigay ang data ng MDI ng pagkakataong marinig mula sa mga bata mismo tungkol sa sarili nilang inulat na kabutihan ng kalagayan at mga pag-aari sa buhay nila na magiging mahalaga habang nagnanabiga sila sa kakaibang panahong ito.

Boluntaryo ang participation at passive ang pahintulot Lubusang boluntaryo ang MDI. Walang physical risks para matapos ang survey, at puwedeng piliin ng anak mo kung gagawin niya o hindi ang survey. Puwedeng laktawan ng anak mo ang mga tanong o anumang oras ay tumigil sa pagsagot sa survey. Puwedeng umalis ang anak mo sa pamamagitan ng pag-click sa withdrawal button sa ibaba ng bawat page ng online survey.

Ang pagsali o hindi pagsali sa survey ay walang epekto sa mga grade ng anak mo. Walang epekto ito sa anumang serbisyo na natatanggap ng pamilya mo mula sa paaralan o school board.

Kung ayaw mong gawin ng anak mo ang MDI, pakibalik ang naka-attach na form sa teacher o sa principal ng anak mo sa loob ng 4 na linggo mula matanggap ang liham na ito. Puwede ka ring mag-email sa project team ng MDI sa [email protected] para i-withdraw ang anak mo. Ang mga batang hindi sasali ay gagawa ng aktibidad na kaugnay ng regular nilang school work. Para sa karagdagang information kung bakit namin ginagamit ang ganitong klase ng proseso ng pahintulot ng magulang/guardian (passive na pahintulot, iyon ay, opt-out) para sa MDI project, pakitingnan ang aming website http://earlylearning.ubc.ca/mdi/parent-guardian-resources/ .

Ano ang mangyayari? Bago simulan ang survey, ie-explain ng teacher o school staff ng anak mo sa mga estudyante na may mga itatanong sa kanila tungkol sa buhay nila sa loob at labas ng paaralan, na ang MDI ay hindi isang pagsusulit – walang tama o maling mga sagot, at puwede silang huminto kahit na kailan. Dahil ang ilang tanong tungkol sa mga nararamdaman ng mga bata at mga relationship, may bahagi ng survey kung saan puwdeng humingi ang anak mo ng tulong kung nagkakaproblema sila. Kung humingi ng tulong ang anak mo, padadalhan ang teacher at principal ng email at susunod sila sa procedures ng paaralan para masiguro na makakuha ng tulong ang anak mo.

Paano mapoprotektahan ang privacy ng aking anak? Ang mga sagot ng anak mo sa mga tanong sa survey ay private at confidential (walang makakaalam sa mga sagot nila). Ang mga sagot ng anak mo ay hindi mo makukuha o ng sinumang staff ng paaralan o school board. Walang idaragdag na information sa record ng paaralan ng anak mo mula sa project. Kung ginamit ang information ng MDI sa mga research publication o public documents, ang anak mo at ang paaralan ng anak mo ay hindi ia-identify.

Page 3: Pag-unawa sa Middle Childhood: Middle Years Development

Page 3 of 5 Version: Sep 9, 2020

H18-00507-A019

Para sumali sa MDI, magbibigay ang iyong school board ng HELP sa UBC na information tungkol sa anak mo, kasama ang kanilang pangalan, Personal na Numero sa Edukasyon (PEN), birthdate, gender at zip code. Ang pangalan ng anak mo ay gagamitin lang para makapag-log in ang anak mo sa survey. Aalisin ito mula sa mga sagot sa survey kapag natapos na ang survey.

Paano gagamitin at ii-store ang data ng MDI? Ang HELP ay responsable sa pagpapanatiling ligtas ang lahat ng data ng proyekto ng MDI. Ang personal na impormasyon tulad ng birthday ng iyong anak, numero ng edukasyon ng estudyante at postal code ay naka-imbak nang hiwalay mula sa mga sagot ng iyong anak sa survey. Ito ay upang maprotektahan ang privacy ng iyong anak. Ang personal na impormasyon ng iyong anak ay pinananatili sa isang ligtas na kapaligiran sa pananaliksik sa UBC, upang magamit lamang para sa naaprubahan na linkage at mga proyekto ng pananaliksik sa ilalim ng mga batas sa pagkapribado ng Pederal, Provincial/Territorial. Ang mga mananaliksik na tumatanggap ng pahintulot na gamitin ang data ng MDI para sa mga layunin ng pananaliksik o istatistika ay bibigyan ng data na hindi maaaring konektado sa sinumang indibidwal na estudyante.

Ang data mula sa pag-aaral ay maaaring mai-link sa individual level sa mga ibang data para matutunan ang mga factor na nakaka-impluwensiya sa kabutihan ng kalagayan, kalusugan at tagumpay sa paaralan ng mga bata. Maaaring kasama ng ibang data ang information sa edukasyon at kalusugan. Ang data na naka-link ay magagamit lang para sa pananaliksik o istatistikong layunin ng mga tagasaliksik na aprubado ng HELP, sa ilalim ng aprubadong Kasunduan sa Pananaliksik. Marami pang impormasyong makukuha sa: http://earlylearning.ubc.ca/safeguarding-personal-information/.

Para sa mga alalahaning kaugnay sa pagkapribado ng data ng pagsusuri ng anak mo, mangyaring makipag-ugnay sa Opisyal ng Pagkapribado ng HELP sa [email protected].

Mga resulta ng project Iko-combine ang mga sagot ng anak mo at sa mga ibang estudyante sa paaralan at community ng iyong anak. Ang results ng project ay ire-report sa level ng paaralan o school board, neighborhood at province. Ang mga result ng paaralan ay ise-share sa mga board at mga paaralan at hindi ise-share sa publiko. Ang mga resulta ng MDI ay hindi gagamitin para i-rank ang mga paaralan, mga estudyante o mga klase sa anumang paraan. Nagbibigay ang HELP ng mga pampublikong ulat ng komunidad at mga mapa ng kapitbahayan ng mga resulta ng survey www.earlylearning.ubc.ca/maps/mdi.

Nagtaguyod ang Aboriginal Steering Committee ng HELP ng protokol patungkol sa pag-ulat ng data para sa Katutubong mga bata. Sinisiguro ng protokol na ito na ang data ay gagamitin para suportahan ang sariling determinasyon ng Katutubo patungo sa pagpapabuti ng mga developmental na kalalabasan para sa Katutubong mga bata. Hindi kailanman pampublikong inuulat ng HELP ang data ng MDI para sa Katutubong mga bata, o ginagamit ito para panghambing.

Paano makikinabang ang iyong paaralan at community? Tinutukoy sa mga kamakailang research na ang well-being ng mga bata ay nakaka-influence sa tagumpay sa paaralan at buhay nila. Sa pagtatapos survey, ang mga estudyante ay magkakaroon ng chance na i-share ang kanilang mga karanasan at nararamdaman na nagko-contribute sa sense of well-being nila. Ang mga report ng MDI ay nagbibigay sa mga educator, program planner at miyembro ng community ng information tungkol sa mga buhay ng mga bata sa pamamagitan ng mga boses ng mga bata. Magagamit ng iyong paaralan at

Page 4: Pag-unawa sa Middle Childhood: Middle Years Development

Page 4 of 5 Version: Sep 9, 2020

H18-00507-A019

community ang mga resulta para suportahan ang mga estudyante at mapaganda ang well-being nila. Kung interesado kang matuto pa kung paano ginagamit ng mga paaralan at community ang data ng MDI para suportahan ang mga bata, pumunta sa website namin sa www.discovermdi.ca.

Saan ako makakakuha ng karagdagang information sa project? Para sa karagdagang information, pumunta sa website ng HELP sa www.earlylearning.ubc.ca/mdi. Kung mayroon kang anumang tanong o concerns, paki-contact si Marit Gilbert, Project Contact, gamit ang email sa [email protected] o sa telepono sa 604-827-5504 o toll free 1-888-908-4050. Maaari mo ring kontakin ang pangunahing imbestigador sa numero o email na ibinigay sa ibaba. Kung ayaw mong ipagawa sa anak mo ang survey, pakipirmahan ang naka-attach na withdrawal form at isauli ito sa teacher o principal ng anak mo, o mag-email sa amin sa [email protected] para i-withdraw ang anak mo.

Mga reklamo o inaalala ng mga kalahok sa pananaliksik Kung mayroon kang anumang mga concern o reklamo tungkol sa rights mo o ng anak mo bilang participant sa survey at/o mga karanasan mo sa pagsali mo sa pag-aaral na ito, kontakin ang Research Participant Complaint Line sa UBC Office of Research Ethics sa 604-822-8598 o kung long distance ay mag-email sa [email protected] o tumawag nang toll free sa 1-877-822-8598.

Lubos na sumasainyo, “We acknowledge and thank the First Peoples of the hənq̓ə̓minə̓m̓ language group on whose traditional and unceded territories we teach, learn and live.”

_________________________________

Richard Steward, Lokal na School Board MDI Contact Director of Instruction Telepono: 604-668-6093 Email: [email protected]

Kimberly A. Schonert-Reichl, Ph.D. Propesor, Human Early Learning Partnership University of British Columbia Telepono: 604-822-3002 Email: [email protected]

Page 5: Pag-unawa sa Middle Childhood: Middle Years Development

Page 5 of 5 Version: Sep 9, 2020

H18-00507-A019

"--------------------------------------------------------------"-------------------------------------------------------------"

Pakibalik ang form na ito sa classroom teacher bago ang January 8, 2021 kung AYAW mong sumali ang iyong anak.

c Hindi ako pumapayag na ang aking anak na si [PANGALAN] ______________________________ ay sumali sa Middle Years Development Instrument (MDI) survey na gaganapin sa Enero/Pebrero.

Pangalan ng Magulang/Guardian: ________________________ Petsa:_____________________

Paaralan: ____________________________________________ Teacher: ___________________

Kung gusto mong i-withdraw ang anak mo, pakipirmahan at ibalik ang bahaging ito sa teacher ng iyong anak.