32
Kabanata 1 Malikhaing Pagsulat Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998). Isang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita. Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes mo. Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyok sa mambabasang sumulat nang makabuluhan. Kahalagahan ng Pagsulat Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat: a. Kahalagahang Panterapyutika 1

Pagsulat ng sanaysay

Embed Size (px)

Citation preview

Kabanata 1 Malikhaing PagsulatAng pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang

kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998).

Isang paraan ng pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at kaalaman ang pagsulat katulad ng pagsasalita. Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat), ang pagsulat ang sinasabing pinakamahirap matutuhan. Di tulad ng pagsasalita, hindi mga tunog kundi may mga titik ang simbolong ginagamit ng manunulat upang makapagpahayag. Bumubuo siya ng makahulugang salita mula sa mga titik, at ng mga pangungusap at kabuuang diskors mula sa mga salita.

Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat. Maaaring sumulat ng pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling ideya tungkol sa sarili at karanasan. Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes mo.

Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyok sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.

Kahalagahan ng Pagsulat

Inilahad ni Arrogante (2000) ang mga kahalagahan ng pagsulat:

a. Kahalagahang Panterapyutika

Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.

1

b. Kahalagahang Pansosyal

Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

c. Kahalagahang Pang-ekonomiya

Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.

d. Kahalagahang Pangkasaysayan

Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

Aralin IUri ng Pagsulat

Teknikal na Pagsulat

Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya. Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat. Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin. Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science at technology. Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga mambabasa.

2

Referensyal na Pagsulat

Isang uri ng pagsulat na nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri. Layunin nito na maiharap ang impormasyon batay sa katotohanan. Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang parentetikal, footnotes o endnotes. Madalas itong makita sa mga teksbuk, pamanahong papel, thesis o disertasyon. Maihahanay din dito ang paggawa ng bibliyografi, indeks at notecards.

Jornalistik na Pagsulat

Isang uri ng pagsulat ng balita. Pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin.

Malikhaing Pagsusulat

Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng panitikan o literatura. Ang fokus ay ang imahinasyon ng manunulat. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang damdamin ng mga mambabasa. Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng tula, nobela, maikling katha, dula at sanaysay.

Akademikong Pagsulat

Ito ay may sinusunod na particular na kumbensyon. Ito layunin nito ay maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

Profesyonal na Pagsulat

Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon. Saklaw nito ang mga sumusunod:

3

police report – pulis investigative report – imbestigador legal forms, briefs at pleadings – abogado patient’s journal – doktor at nurse Pamamaraan ng Pagsulat

Pag-asinta (Triggering)

Kailangang may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang sarili sa paksa.

Pagtipon (Gathering)

Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine, ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine at telebisyon.

Paghugis (Shaping)

Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng hugis an gating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.

Pagrebisa (Revising)

Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.

Mga Bahagi ng Pagsulat

4

PanimulaKatawanKonklusyonRekomendasyonMga Uri ng Gawaing Pagsulat

Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang sulating pormal at ang sulating di-pormal. Ang sulating pormal ay galing o bunga ng leksyon na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum, seminar. Maaaring magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita. Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga mag-aaral ng isang kathang di-pormal. Ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa pagsulat ng kathang pormal.

Mga Halimbawa ng Pagsulat

Editoryal Lesson plan Konseptong papel Marketing plan Pamanahong Papel Feasibility studySanaysayBibliographiTulaBalita

Aralin 2

Mga Uri ng PagpapahayagPasalaysay (Narativ)

May layuning magkwento ng magkakaugnay na pangyayari; makukulay na karanasan sa buhay

Karanasang Tuwiran o DirectAng karanasan ay maaaring makuha nang tuwiran

(direct). Tuwiran ito kung galing sa sariling pagkadanas o pagkasangkot.

Karanasang VaykaryosKung ang kaalaman ay nakukuha lamang sa iba,

maaaring nabasa sa mga aklat o mga babasahin, narinig

5

sa kung sino, nabalitaan sa mass media, o naikwento ng kapitbahay.

Pagsasalaysay na totooBase sa tumpak, tiyak at tunay na mga pangyayari

Pagsasalaysay na likhang-isipKinabibilangan n mga mito, fabula, parabola,

anekdota, palaisipan, maikling kweno at nobela Pananaw sa Pagsasalaysay

Nagsasaad ng personal na kaugnayan ng tagapagsalaysay sa paksang kanyang tinatalakay o sa mga pangyayaring kanyang ikinukwento.

Kasangkapan sa Pagsasalaysay Tema

May kabuluhan sa kinauukulan – nakikinig, bumabasa, o nanonood

TauhanAng nag-iisip at kumikilos sa kwento kaya nagkakaroon ng mga pangyayari

Aksyon o PangyayariAng aksyon ang kalansay na kinakapitan ng iba pang mahahalagang sangkap para mabuo ang anyong kalamnan

TagpuanPook at panahon ang ipinakakahulugan ng tagpuan sa salaysay

HimigKung papaano isinasalaysay ang isang pangyayari o ang anumang materyal para lumabas nang naaayon sa kagustuhang mangyari ng tagapagsalaysay

HalimbawaIsa rin akong OFW dito sa Dubai

Tama si Miss S. A. sa kanyang kwento at babala para sa ating mga kababayan na nagnanais pumunta ng Dubai. Ang Dubai ay masasabi kong hindi tunay na PARAISO, sa halip kung minsan ay SAKRIPISYO.

Noon sa Pilipinas simple lang ang buhay ko. Kahit papano tatlong beses din naman kumakain sa maghapon. Tama lang ang ulam, masarap din naman sa simpleng panlasa at sigurado rin ang sustansya.

Masarap sa pakiramdam na kasama ang pamilya, nakakalaro ko ang mga anak ko. Hanggang sa nabalitaan ko ang Dubai.

6

Maganda raw, malaki sweldo, madali ka raw aasenso at higit sa lahat madali lang makatuntong sa bansang ito.

Nakilala ko kababayan natin na galing sa Dubai. Ang galing nyang mangusap, makamandag ang dila. Tango lang at puro "Ah, Oo, ganun ba?" lang ang masasabi mo sa husay niyang mambola. May kilala raw siyang employer. Naenganyo ako mag-apply kahit tutol ang misis ko.

Kailangan daw ang P60,000 para sa ticket at Visa. Ang sweldo raw ay 2,000 dirhamo at libre na tirahan. Sa loob-loob ko 2-3 months pala ay mababawi ko na yun gagastusin ko. Buo na ang desisyon ko. Pagkakataon ko na marahil ito, nasambit ko sa sarili.

In boiling temperature, P60,000 ang nahiram ko. Malaki ang interest rate kada buwan. Hamak na mas mataas sa height ko. Ito ang terminong gamit sa ganitong klaseng scheme ng pautang. Kailangan na raw ibigay ang pera, maliwanag pa sa sikat ng araw nahawakan nya yung P60,000.00. Pero umabot pa ng ilang buwan bago dumating ang Visa.

Pumapatak ang interest sa utang pero nakumbinsi ko ang sarili ko na OK lang at mababawi ko rin kaagad yun. Ang sarap sa pakiramdam! 'Di ko na naisip yung utang, dyan na raw ang Visa. Kulang na lang ipagsigawan ko sa mga kapit-bahay ko na makakapunta na ko sa Dubai.

Sa anak ko nasabi ko lang na mabibili ko na mga gusto niya. Lumuwas ako at pinuntahan ang bahay ng "hunyango". Andun ang Visa pero wala ang ticket na sa usapan ay kasama sa P60,000. Lintek! Ang sabi ko. Hindi na raw sinagot ng employer kuno ang ticket dahil ang mahal na raw ng Visa na Visit Visa pa pala. Wala pa kong kaalam-alam tungkol sa Dubai Visas (processing & application/fees). Kapit sa patalim, wala na kong magawa 'di na raw mababalik yun pera. Naibayad na raw para sa Visa.

Kailangang kong makahanap ng mahigit P40,000 para sa ticket. Pero sadyang mabuti ang Diyos, isang linggo lang ang lumipas may mabuting kamay na nagpahiram ng pera, tuloy ang Dubai!

Masama ang loob ng misis ko hanggang sa airport. Malaki nga naman ang responsibilidad na iiwan ko (kaliwa't kanan na patubuan) isama pa ang malaking sakripisyo (pag-iwan sa mga bata at 2 - 3 taon ang lilipas bago ulit kami magkatabi ni misis).

Tutol siya sa umpisa pa lang ng aking pag-a-apply. Pero ganito talaga yata ang buhay, lagi na lang may pagsubok. Maganda ang anyo ng Dubai. Pagsayad ng paa mo sa airport, dalawang kulay ang mangingibabaw sa iyong paningin. Puting kasuotan para sa kalalakihan at itim sa kababaihan.

7

Kundura at abaya. Ito ang kasuotan ng mga tinatawag na emarati o lokal. Magagalang, propesyunal at kagalang-galang ang mga immigration officer, maging ikaw ay estranghero lalo na sa kanilang mga kalahi. Malayo sa estilo, asal at pag-uugali ng mga immigration officer sa sarili nating bayan.

Kalahi mo na dadaragin ka pa at kukutongan pa. Sa loob-loob ko, ang dali lang palang mahulaan ng magiging kapalaran. Parang sabong, dalawang kulay lang ang pagpipilian. Puti o itim. Nakahinga ako ng maayos nang makalabas na ako ng airport. Andyan na ang sundo ko.

Abangan ang naging buhay ko sa Dubai at iba nating kababayan. At ang kalokohan ng pekeng recruiter kuno na nanloko ng ilan nating mga kabayan.

PagsasanaySumulat sa isang malinis na papael ng isang pagsalaysay

tungkol sa unang araw mo sa iyong paaralan bilang isang Senior High School. Binubuo ng 200-250 na salita. Idikit ang papel na pinagsulatan sa loob ng kahon.

Paglalarawan (Deskriptiv)Naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng mga

mambabasa o tagapakinig; pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig at nadaramaUri ng Paglalarawan

Karaniwang Paglalarawan Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan ay hindi

dapat isinasama

8

Nagbibigay lamang ng mga tiyak na impormasyon o kabatiran tungkol sa isang bagay ayon sa pisikal o kongkretong katangian nito

Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at karaniwang salitang panlarawan at itinatala ang mga bagay o ang mga partikular na detalye sa payak na paraan

Halimbawa

Si Kapitan Tiyago. Siya’y pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at pagmumukha dahil sa katabaan na alinsunod sa mga humahanga sa kanya ay galling sa langit, galling sa dugo ng mga maralita; alinsunod naman sa kanyang mga kalabanan, si Kapitan Tiyago ay mukhang bata kaysa mga kalaban,si Kapitan Tiyago ay mukhang bata kaysa sadya niyang gulang: aakalain ng may makakita na mayroon lamang siyang tatlumpu o tatlumpu’t limang taon. Ang kanyang pagmumukha ay palaging anyong banal. Ang kanyang bungong bilog, maliit at nababalutan ng buhok na kasing itim ng kamagong, na mahaba sa dakong harap, at maikli-ikli sa dakong likuran, ay may lamang maraming bagay sa loob, ayon sa sabi-sabi; ang kanyang maliliit na mata na hindi naman singkit ay hindi nagbabago, ang kanyang ilong ay maliit ngunit hindi busalsal, at kung ang kanyang bibig ay hindi nawala sa ayos, dahil sa pananabako at kanganganga ng hitso, na ang sepal na nabunbun sa isang pisngi ay sumisira sa ayos ng kanyang pagmumukha, ay masasabing siya’y isang magandang lalaki. Kahit malabis na ang kanyang pagkapalanganga’t pagkamananabako, ay napag-iingatan din na palaging nagiging maputi ang kanyang mga sariling ngipin at ang dalawang ipinahiram sa kanya ng dentist sa halagang labindalawang piso ang bawat isa.

El Filibusterismo ni Patricio Mariano

Masining na Paglalarawan Mapapandama – nakikita, naririnig, naaamoy,

nahihipo, nalalasa, ang mga pananalitang ginagamit dito, bukod sa iba pang mahahalagang kasangkapang pampanlalarawan, gaya ng patambis at tayutay

Ang mga detalyeng inihahayag dito ay mga katotohanan din, kaya lamang nakukulayan na ito ng imahinasyon, pananaw at opinyong pansariling tagapagsalaysay

LAYUNIN: makaantig ng kalooban ng tagapakinig o mambabasa para mahikayat silang makiisa sa naguniguni o sadyang naranasan nitong damdamin sa inilalarawan

Halimbawa

9

Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Humihinga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang iniunat niya ang kanyang mga paa, itinutukod sa lupa ang mga palad, tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin. Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.

Lupang Tinubuan ni Narciso G. Reyes

Teknikal na Paglalarawan LAYUNIN: mailarawan nang akma ang anumang dapat at

kailangang malaman tungkol sa mundo at kalawakan. Kaysa nakatuon ang manunulat ng teknikal na sulatin

sa eksaktong representasyon ng mga bagay-bagay at pangyayari, sa pagkakamit ng kaeksaktuhan o kaakmaan, kalimitan gumagamit ng mga ilustrasyon ang manunulat ng teknikal na sulatin upang Makita ng mambabasa ang larawan o hitsura ng inilalarawan

Dapat tandaan na hindi pa rin sapat ang mga ilustrasyon ato iginuhit o larawan upang magbigay ng sapat na representasyon.Tumutulong lamang ang mga ito sa pagpapakita ng larawan

Hakbanging Dapat Tandaan Tungo Sa Mabisang Paglalarawan: Pagpili ng Paksa

-Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na Ilalarawan; tulad sa ibang uri o anyo ng sulatin, ang paksa ang laging unang isinasaisip

Pagbuo ng Pangunahing Larawan-Ito ang pangkalahatang kabuuan ng isang tao,

hayop, bagay, pook, o pangyayari na nais agad maitanim sa isip ng mambabasa o tagapakinig.

Pagpili ng Sariling Pananaw-Pansariling pagtingin ng tagapaglarawan

Pagkakaroon ng Kaisahan-Bawat detalyeng babanggitin sa paglalarawan dapat

ay tumutulong sa pagbuo o kabuuan ng isang pangunahing bagay o anupamang inilalarawan.

Pagpapayabong sa mga Aspetong Isasama sa Paglalarawan-Hindi lamang mga nagkakauri-uring katangian ang

dapat na isama sa paglalarawan, mas mainam kung mapalulutang lalo ang kaibahan nito sa lahat ng mga kauri.

10

PagsasanaySumulat sa isang malinis na papael at bumuo ng isang

paglalarawan tungkol sa di mo makalilimutang lugat na napuntahan. Binubuo ng 200-250 na salita. Idikit ang papel na pinagsulatan sa loob ng kahon.

Paglalahad (Ekspositori)Tungkulin nito na humanap ng kalinawan at humawi sa

ulap ng pag-aalinlangan. Pagpapaliwanag; ginagamit sa pagsagot sa mga tanong na nangangailangan ng pagsasanay na kasagutan, pagsulat ng mga ulat tungkol sa Agham at Kasaysayan, pagsusuri sa maikling kwento at mga nobela at pagpapaliwanag sa iba’t ibang aralin sa paaralan.Expository Writing

Madalas makita sa araw-araw nating binabasa tulad ng teksbuk, editoryal, artikulo sa dyaryo Pagpapaliwanag na obhektibo�Mga Bahagi ng Paglalahad

SimulaMagpapasya kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang

pagbasa ng kathaa. Katanunganb. Pangungusap na makatawag-pansinc. Pambungad na pasalaysayd. Isang salitaine. Isang sipif. Mabatas na pangungusap

11

g. Tahasan o tuwirang simula Katawan

Nilalaman ng isang pahayag Wakas

Maaaring buod, tanong, panghuhula sa maaaring mangyari, pagsariwa sa suliraning binanggit sa simula, pagamit ng kasabihan o siping angkop sa akda.

Mga Kaanyuan ng Paglalahad Paglalahad sa Anyong Panuto

Pagiisa-isang mga hakbangin sa paggawa ng isang bagay.

Paglalahad sa Anyong Pagbibigay-KatuturanPagpapaliwanag ng kahulugan ng salita o diwa

Paglalahad sa Anyong InterpretasyonNagpapaliwanag ng palagay hinggil sa isang layunin

Paglalahad sa Anyong PagkilalaPaglalahad sa mga kalagayang pantao

Paglalahad sa Anyong Editoryal o TudlingNapapanahong editoryal na punong-puno ng kahulugan

at pahiwatig.

HalimbawaBahay

Ayon sa diksyunaryong Ingles ang salitang "house" o "bahay" sa Filipino ay isang gusali na kung saan nagsisilbing tirahan ng isang tao o pamilya. Ang bahay din ay isang kailanganin ng tao upang siya ay mamuhay ng maayos. Ang bahay ang magiging tahana na kung saan ang mag-asawa ay bubuo ng pamilya at magkakaroon ng mga anak at apo. Ang bahay din ang nagsisilbing bubong ng bawat pamilya o kanila itong sisilungan sa tuwing may ulan o sa tuwing malakas o matindi ang sikat ng araw. Kung may mga sakuna gaya na lamang ng bagyo ang bahay din ang siyang nagiging panangga upang tayo ay maging ligtas ay nang hindi manginig sa lamig ng ulan o mabasa ngunit ang bahay ay hindi lamang nauukol sa panangga o gusaling tinitirahan ng usang pamilya maaari ring ang bahay ay isang gusali na kung saan

12

kinukompleto nito ang isang maaayos na pamilya at paano nito nakukumpleto? Ang bahay ang sunasabing ang kukumpleto dahil ang pamilyang watak watak o mga kapamilyang wala sa bahay ay nagiging buo ulit,nagsasama sama sila sa bubong na maaari nating matawag na "bahay". Gaya na lamang ng pagkakaroon ng okasyon sa tuwing may gaganaping okasyon halimabawa nalang ay kaarawan, sa tuwing may gaganaping kaarawan lahat ng kapamilya ay naroon nagiging buo ito na minsan din ay dinadaluhan pa ng mga kalapitang loob na mga tao gaya ng kaibigan, kaklase, katrabaho at iba pa. Isa rin ang pagdiriwang ng pasko dahil sa paskp nabubuo din ang pamilya sa bahay at samasama nila itong ipinagdiriwang sa loob mismo ng isang bahay . Kaya ang bahay ay di lamang patungkol sa gusali ito din ay isang dahilan upang magkaroon ng maayos na buhay at pamilya.

PagsasanayBumuo ng isang sanaysay na naglalahad ng inyong sikreto

sa buhay. Binubuo ng 200-250 na salita. Idikit ang papel na pinagsulatan sa loob ng kahon.

Pangangatwiran (Argumentativ)May layuning manghikayat at magpapaniwala sa

pamamagitan ng makatwirang mga pananalita. Pagpapahayag na may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita.

Isang anyo o paraan ng pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason kalakip ang mga ebidensya

13

kasingkahulugan ng pagbibigay-palagay, paghuhula, pag-aakala, pagsasapantaha at paghihinuha.layunin nitong makapagpahayag ng matitinong kaisipan o kaalaman bilang pagpapatunay sa isang maayos, epektibo, at lohikal na pamamaraanang paksa ng pangangatwiran ay tinatawag na proposisyonDalawang Uri ng Pangangatwiran

Pabuod o Inductive MethodSinisimulan ito sa partikular na pangyayari,

katotohanan o kalagayan at tinatapos sa isang katotohanang pangkalahatan sapagkat dinaraanan muna sa iba’t-ibang obserbasyon at paulit-ulit na eksperimentasyon at pagsusuri bago ang paglalahat kapag narating na ang katotohanan o prinsipyo.

Silohismo o Deductive MethodPangangatwiran na lohikal na lohikal kung maghayag

ng katotohanan panghahawakan muna ang isang pangunahing batayan, saka susundan ng pangalawang batayan at dito ngayon ibabase ang konklusyon

HalimbawaSangayon ako!

Bakit nga ba kailangan isulong ang RH Bill or “Republic Health Bill” sa Pilipinas? Ito ay isa pa lamang sa mga isyung hindi mabigyan bigyan ng kasagutan ng ating gobyerno. Sa kadahilanang ni-sila ay hindi ma sagot kung ano nga ba naman ang tama? Ang nasa bibliya o ang pagdami ng populasyon sa Pilipinas na nauuwi rin sa kamatayan dahil sa maraming dahilan? Kay raming tanong, kay hirap sagutin. San ka nga ba papanig sa usaping ito?

Sa aking palagay ay ipatupad na ang RH Bill. Hindi dahil hindi ko iginagalang ang bibliya ngunit sa kadahilanang kelangan nalamang natin solusyonan ang problemang ito. Maraming bata ang namamatay araw-araw dahil sa gutom. Kitang kita ng ating mga mata ang mga kawawang batang nagtatrabaho sa murang edad para kumita ng pera. Maliban pa dito ay ang mga batang nakakalat sa lansangan at gumagamit ng rugby, droga o kung ano pa man. Mas maatim pa nga ba nating Makita ng ating mga mata unti-unting pinapatay ng mga batang ito ang kanilang sarili ng dahil sa kahirapan? Ako, hindi ko kaya. Mas gugustuhin ko pang hindi nalang sila inilabas ng kanilang mga magulang kung hahayaan lang rin. Ito pagpapakita ng isang responsableng magulang.

Oo nga’t may nagsasabing bakit ka makikipagtalik kung hindi ka handa sa maaring bunga nito? Ang pakikipagtalik ay

14

ginagawa ng dalawang magasawa pero hindi naman lahat ng magasawa ay kayang buhayin ang mga supling nila ng dahil sa kahirapan. Kahrapan ang pangunahing problema sa buong mundo hindi lamang sa Pilipinas, ngunit ito ay hindi parin nasosolusyunan nga kahit sino. Maaaring mayaman ang bansa ngunit may mga tao paring naghihirap. Kaya’t sa aking palagay ay pagtungan nalamang natin ng pansin ang mga sanhi ng paghihirap katulad nalaman ng paglaki ng populasyon. Nariyan na nga ang problema, hindi na dapat pang pagtalunan pa dahil wala rin naman itong patutunguhan at ang kailangan sa problema ay solusyon lamang at wala ng iba.

Isa pa rito ang kadahilanang, pilit na pinagtatalunan n gating gobyerno ang isyu tungkol sa RH Bill ngunit marami naman ng gumagamit ng mga condom, pills at iba pang ginagamit sa pagtatalik upang maiwasan ang pagbubuntis. Ngayon pa nga ay nagkalat sa istasyon ng LRT o kung saan-saan pang lugar ang mga poster ng condom, pati sa telebisyong kahit bata ay nanakakanuod ay ipinapalatastas

ang condom at higit sa lahat ay marami naring maaring pagbilhan ng mga ito sa convenient

store particular sa ditto ang Mini Stop, 7/11, Mercury at marami

pang iba. Nasa tao na rin naman iyon kung

gugustuhin nilang gumamit ng mga ito o hindi.

Ako ay sang ayon sa RH Bill, ito na lamang ang nakikita kong solusyon sa problema ngating bansa. Hindi sa pinipilit ko ang lahat na gumamit ng contraceptives ngunit sa kadahilanang ako ay pumapanig sa pro RH Bill para sa ikabubuti nating lahat. Ang dapat na pinagiisipan sa isyung ito ay kung isasama ba ang abortion sa pagpasa ng RH Bill at gawa ng batas tungkol dito.

PagsasanaySumulat sa isang malinis na papael kung bakit ang

Lyceum of Alabang ang iyong napiling paaralan. Pangatwiranan. Binubuo ng 200-250 na salita. Idikit ang papel na pinagsulatan sa loob ng kahon.

15

Aralin 3Idyoma

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedyaPara sa ibang gamit, tingnan ang Sawikain (paglilinaw).Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

Halimbawa1. Butas ang bulsa - walang pera2. Ilaw ng tahanan - ina3. Alog na ang baba - matanda na4. Alimuom - baho -5. Bahag ang buntot - duwag6. Ikurus sa kamay (o ibang bahagi ng katawan) - tandaan7. Bukas ang palad - matulungin8. Kapilas ng buhay - asawa9. Nagbibilang ng poste - walang trabaho10.Basag ang pula - luko-luko

TayutayAng tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang

bigyan diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang

16

salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyan diin ang kanyang saloobin.Uri ng Tayutay

Simili o PagtutuladDi tiyak na paghahambing ng dalawang

magkaibang bagay. Ginagamitan ito ng mga salitang: tulad ng, paris ng, kawangis ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, magkasim-, at iba pa. Ito ay tinatawag na Simile sa Ingles.

Halimbawa :1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos na mang-aawit.2. Si Menandro’y lobong nagugutom ang kahalintulad.3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.5. Si maria na animo’y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.

Metapora o Pagwawangis Tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan

ng pangatnig.Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag naMETAPHOR sa Ingles.

Halimbawa:1. Siya’y langit na di kayang abutin nino man.2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.

Personipikasyon o PagtataoGinagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng

mga katangiang pantao – talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa. ‘PERSONIFICATION’ sa Ingles.

Halimbawa:1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.

17

3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.

Apostrope o PagtawagIsang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila

ito ay isang tao.Halimbawa:

1. O tukso! Layuan mo ako!2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.4. Ulan, ulan kami’y lubayan na.

Pag-uulit Aliterasyon

Ang unang titik o unang pantig ay pare-pareho.Halimbawa:

1. Iniinganyo, inaakay, inaanod ang inang inapi ng inyong inpong.2. Mababakas sa mukha ng isang mabuting mamamayan ang marubdob niyang pagtatangi sa mahal niyang bayan3. Minabuti ng magulang na mapagmahali siya nang sagayon mahalin siya ng maraming mamayan.4. Kasing bait ng kalabaw ang kanyang kapitbahay dahil sa siyay kinagigiliwan ng lahat.

AnaporaPag-uulit ng isang salitang nasa unahan ng isang

pahayag o ng isang sugnay.Halimbawa:

1. Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .

2. Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.

AnadiplosisPaggamit ng salita sa unahan at sa hulihan ng

pahayag o sugnay.Halimbawa:1. Kamatayan ko man siyay aking puriin.

Puriin ko ng siyay angkinin;

18

2. Angkinin ko ng siyay mahalin,Mahalin ko ng kami ay magsaya.

3. Kailangan kong gawin ng itoy baguhinBaguhin koman ng itoy magisnan;

4. Magisnan ng lahat ng matalino,Matalino ang mas nakakaalam.

5. Ang lahat na bagay ay siyasatinSiyasatin ang pinakamahalagang sundin;

EpiporaPag-uulit naman ito ng isang salita sa hulihan ng

sunud-sunod na taludtod.Halimbawa:

1. Ang bagay ay gawa ng lahat,para sa lahat at galling sa lahat .2. Mas makapangyarihan ang pamahalaan ,kontrolado ng pamahalaan at dapat kang sumunod sa pamahalaan.3. Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta may halaga.

Empanodos o Pabalik na Pag-uulitPag-uulit nang pagbaliktad ng mga pahayag Katapora

Paggamit ng isang salita na kadalasang panghalip na tumutukoy sa isang salita o parirala na binanggit sa hulihan.

Halimbawa:1. Siya ang nanalo sa patimpalak, sapagkat pinag handaan ito ni Daniel2. Ang araw na iyon ay totoong maswerte sa akin. Lunes din nang ako’y gawaran ng unang gantimpala sa pag-awit

Pagmamalabis o HayperboleIto ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o

kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan.

Halimbawa:1. Gumuho ang mundo,uula ng apoy,maabot ang langit.2. Luluha ng dugo,maglabas ng pako,hihiga sa pera

Panghihimig o OnomatopeyaIto ang paggamit ng mga salitang kung ano ang

tunog ay siyang kahulugan.ONOMATOPOEIA sa Ingles.

19

Halimbawa:1. Ang himig nitong ibon,agus nitong ilog ay

nagpapakita ng kayamanan sakagubatan.2. Ang alimuyak na bulaklak,mayamang halaman ay

nakapagdulot ng katiwasayan. Pag-uyam o Ironiya

Isang uri ng ironya na ipinapahiwatig ang nais iparating sa huli. Madalas itong nakakasakit ng damdamin.

Halimbawa:1. Napakalinis sa ilog na yon walang isdang nabubuhay.2. Napakataas monaman kaya hindi mo naabot ang

nakalagay sa misa.3. Napakalinaw ng mata mo bakit hindi mo yan makikita.

Senekdoke o Pagpapalit-saklawIsang bagay, konsepto kaisipan, isang bahagi ng

kabuuan ang binabanggit.Halimbawa:

1. Hangang mawasak mo ang aking puso.(puso-damdamin)2. Kahit sirain mo pa ang aking mga kamay. (Kamay-

pangarap)3. Hanaggat matigas pa ang aking mga paa.(paa-katawan)

Pagpapalit-tawag o MetonymyIto’y pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na

magkakaugnay, hindi sa kahambingan kundi sa mga kaugnayan. Ang kahulugan ng meto ay “pagpapalit o paghalili.”

Halimbawa:1. Tumanggap siya ng mga palakpak (papuri) sa kanyang

tagumpay.2. Ibinigay sa kanya ang korona (posisyon) ng pagka-pangulo.3. Ang panulat ay mas makapangyahiran kaysa sa espada.

Paglilipat-wika o Transferred EpithetTulad ng pagbibigay-katauhan na pinasasabagay ang

mga katangiang pantao, na ginagamit ang pang-uri.Halimbawa:

1. Ang ulilang silid ay naging masaya sa pagdating ni Lucy.

20

2. Ang mapaglingkod na payong ay maingat na tiniklop ni Eleanor.3. Ang kahabag-habag na tuwalya ay dinala ng agos.4. Ang matapat na bentilador ay nagbigay-ginhawa sa kanya nang kanyang buksan.

BalintunaIsang uri ng ironya na hindi ipinapahiwatig ang nais

sabihin sa huli. Pasukdol o Klaymaks

Pataas na paghahanay ng mga salita o kaisipan ayon sa kahalagahan nito mula sa pinakamababa patungo sa pinakamataas na antas.

Halimbawa:1. Nararamdaman na namin ang malamig na simoy ng

hangin,ingay ng mga nangangaroling tuwing gabi,at makikita na ang mga napakaliwanag na mga ilaw sa kalye na nagsisimbulong malapit na ang pasko.

2. Biglang nawala ang liwanag na sikat ng araw, dumilim ang kapaligiran,na nagsisimbulong paparating na ang bagyo.

3. Biglang naliliwanagan,nabigyan ng pag-asa ang madilim na kahapon sa isang nabiktimang bagyong Ondoy

AntiklaymaksPaggamit ng mga inihanay na pahayag ng damdamin

kaisipan na may maliwanag na impresyon ng pagbaba ng tindi ng kahulugan o ng ideya.

Halimbawa:1. Alaala nya tila lumayo, nawala at napawi.2. Nakipaglaban hanggang sa nawalan ng pag-asa.

Pagtanggi o LitotesGumagamit ng katagang “hindi” na nagbabadya ng

pagsalungat o di-pagsang-ayon. Ito’y may himig na pagkukunwari, isang kabaligtaran ng ibig sabihin.

Halimbawa:1. Siya ay hindi isang kriminal.

2. Hindi niya magawang magsinungaling sa panahon ng kagipitan.3. Ang aking kapatid ay hindi isang taong walang dangal.

21

Pagsasanaya. Isulat ang kahulugan ng bawat ibinigay na halimbawa ng

idyoma.1. Ibaon sa hukay – ______________________________2. Taingang kawali - _____________________________3. Buwayang lubog - ______________________________4. Pagpaging alimasag – __________________________5. Tagong bayawak - ______________________________6. Pantay na ang mga paa - _______________________7. Mapurol ang utak – ____________________________8. Maitim ang budhi - ____________________________9. Balat-sibuyas – _______________________________10. Pusong bakal – ______________________________

b.Ibigay ang tayutay ng bawat pahayag na ibinigay.1.Palabiro na palaboy sa pamayanan kaya kilala siya ng

kanyang pamlya.2.Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.3.Ahas siya sa grupong iyan.4.Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.5.Pagsisikap ng magulang napawi sa pariwarang anak.6. Masunugan ng palayan,bumaha ng pera ,maabo ang araw. Sundin moman na walang gawiin,

7.Gawiin ang nakakapagpalinaw sa lahat8. Oh, birheng kaibig-ibig ina naming nasa langit,

Liwanagin yaring isip, nang sa layon di malihi9. Ang mabungad na pagsalamuha, galang na pagbati ay

nakagagaan ng loob.10. Ang lahat ay may halaga,kahit anung liit nito ay

may halaga kaya pahalagahan natin kahit kaunti man basta may halaga.

Aralin 3Mahahalagang Konsepto sa Tula

Denotasyon

Ito ay ang tunay na kahulugan ng salita na karaniwang makikita sa talatinigan o diksyunaryo.

22

Diksyon Ang mga salitang pinipiling gamitin ng makata o kahit

sinong manunulat . Dramatikong monologo

Ito ay pagsasalita ng persona sa mga manonood (tahimik at hindi nakikita) upang ipahayag ang kanyang damdamin o kaisipan o kaya ay isang madulang bahagi ng kanyang buhay.

Konotasyon Ito ang pag-uugnay ng damdamin, kaasalan, at imahen sa

isang salita. Maaari itong positibo o negatibo. Halimbawa: buwaya – taong sakim o gahaman; anghel – taong mababait at uliran

Paraprase Ito ay ang paglilipat ng tula sa tuluyan sa pamamagitan

ng pagbigay ng linaw sa mga salita, sa mga bahagi nito, o maging sa kabuuan ng tula.

Poetic LicenseIto ay ang karapatan ng makatang umiwas sa talatag ng

mga pamantayan at/o mga tuntunin upang magkaroon ng ibang bias o epekto. Halimbawa nito ay ang paggamit ng bagong salita o kaya’y paggamit ng pangngalan bilang pandiwa. Malaya rin ang makata sa palaugnayan o sintaks at sa pagsasaayos ng mga saita sa panungusap. Kung minsan may tulang binubuo lamang ng mga salita at parirala kaysa kompletong pangungusap. Depende ito sa istilo at porma ng tula.

Untol o Sesura Ito ang katutubong tigil sa pagbigkas sa dulong pantig

ng isang pangkat ng mga salitang may iba’t ibang pantig sa loob ng isang taludtod.

PagbasaMga Halimbawang teksto ng mga batikanANG MILIMINAS

Ang miliminas, isang pangkat ng kapuluan na matatagpuan sa kagitnnan ng dagat Pasipiko bago pa man magkaroon ng

23

isang malawakang pagbaha ng tubig. Miliminas rin ang tawag sa mga taong naninirahan sa mga kapuluan nito. Kawangis din ng mga ordinaryong tao ngayon ang mga itsura ng mga Miliminas. Ang pagkahuli nila sa sibilisasyon ang nagdulot sa kanilang magkaroon ng naiibang pag-uugali at pamamaraan ng salita at wika. Mik ang tawag sa kanilang pera at kalimitang tinatawag ang taong mayroong isang milyong Mik o humigit pa rito ay mikinaryo.

Sa pamamaraan ng pagbihis ay mayroon din silang sinusunod na batas, isa sa mga kinikilala nilang pormal na kasuotan ay para sa mga kababaihan ay katumbas ng mga bathing suit natin ngayon at kamiseta o korto para sa mga kalalakihan.

Ang mga kakaibang batas ng mga miliminas ay ang mga sumusunod: Sa pamamaraan ng pagbibihis, hindi dapat mahaba ang kanilang mga damit. Sa pagsakay sa isang pampublikong sasakyan ipinapatupad dito ang Equality before the kilo na kung saan kung gaanong kabigat ang isang mamamayan ay ganito rin ang kaniyang ibabayad. Sa pamamaneho, bawal ang hindi nag o-over-speeding o ang hindi pagpapatakbo ng sasakyan ng matulin.

Sa pagbibigay naman ng serbisyo sa mga mamamayan, kalimitang nahahati ito sa tatlong pangkat: ang mayayaman, ang mga may kaya sa buhay at ang mahihirap. Sa pabibigay ng tubig ng Nawasdak may tatlong uri ng tubo, ang nilalabasan ng malinis na tubig, ang may maruming tubig at ang walang tubig. Habang sa kuryente naman na ibinibigay ng Palay Electric Company na kung san nahahati rin ang serbisyo sa tatlong uri. Una, ang light service na napapakinabangan lamang ng mga may pribilehiyo sa pamayanan, ikalawa, ang brown-out service na kung saan nagagamit lamang ito kung hindi kinakailangan at pangatlo ang black out service na may disenyo lamang ang mga kagamitan sapagkat hindi ito nagagamit.

Samakatuwid, karamihan sa kanilang mga batas ay kabalintunaan ng mga batas natin sa ngayon tulad ng pagbabawal sa paggamit ng mga genuine o tunay na produkto, ang lisensyadong baril ay ipinagbabawal, ang pagbebenta ng mga bazaar na iligal kaysa sa mga sidewalk na umuuukopa sa mga kuwarto-kuwarto.

24

Sa pulitika naman noong sa panahong iyon, uso rin ang tinatawag na kickback na kung saan ang mga buwaya ng bansa ay sinisipa sa likod para sa bawat suhol na kanilang matatanggap at pinararangalan ang sinumang makapal na ang likod dahil sa mga sipang natanggap nito. Ang batasan nilang kilala sa tawag na Circus of Miliminas na kung saan nahahati ang batas para sa mga mayayaman at mahihirap. Ang mga malalaking transaksyon ng Miliminas ay kalimitan ring ginagawa sa ilalim ng puno – ang shady transaction. Isa pa rito ang matataas na mesa ng mga opisyal na kung saan ginagawa ang under the table tansactions upang hindi mauntog ang mga dumaraan dito. At marami pang iba.

Relihiyoso rin naman ang mga miliminas, na kung saan ay may kinikilala silang tatlong panginoon – ang pera nilang mik, ang buwaya at si Santasa na maihahalintulad natin kay Satanas nagyon.

Sa pagkakaroon ng eleksyon hindi natatakot ang sinuman na mamatay o pumatay. Sa katunayan ang sinumang may mas maraming napatay ay ang siyang nananalo rito. Tuwing ikalawang taon ginaganap ang eleksyon dito sa Miliminas, kung gayon ay mabilis maubos ang populasyon nito. Dahil dito, naimbento ng isang henyo ang isang tableta na iinumin ng mag-asawa upang magkaroon sila ng anak at mailuwal ito sa loob lamang ng dalawampu’t apat na oras, ito’y tinawag na instant baby.

Isang karangalan ang gumawa ng kabutihan sa miliminas na kung saan ang mabuti ay mas kilala natin bilang masama para sa ating pananaw. Tulad ito ng mga kickback artist, mga mayayamang mapang-api sa mahihirap, mga tiwaling opisyal, mga magnanakaw at marami pang iba. Na sa kabilang dako ay ang sinumang gumagawa ng marangal at mabuti [ayon sa ating pananaw] ay ang siya pang nahihiya at ipinagkukubli ang mga ito.

Dumating rin sa kanila ang panahon na kung saan ang mga kabataang may malawak na pag-iisip ay tumawag ng isang pagpupulong upang iparating ang mga pagbabagong nais silang isagaw. Subalit sila’y pinagtawanan at kinutya. Ngunit ng lumaon, dumarami ang mga dumadalo rito kung kaya’t ipinagbawal ng pamahalaan ng Miliminas ang pagpupulong at tinawag silang mga dungis ng lipunan.Ngunit nakuha ng mga

25

kabataan ang simpatiya ng mga mahihirap kaya nagsiklab ang isang rebolusyon na lumaganap sa buong kapuluan ng Miliminas.

Isang parusa ang nagmula sa kanilang diyos na si santasa, isang dakilang pagbaha at paglindol ang kanilang naranasan at ito’y nagdulot sa pagputok ng isa sa mga malalaking bulkan sa kalaliman ng Miliminas na nagdulot ng paglaho ng Miliminas sa sansinukuban.

PagsasanaySumulat ng isang Maikling sanaysay tungkol sa iyong

pamilya. Gamitan ng mga tayotay at idyoma at ang apat na uri ng pagpapahayag. Sa isang paghayag.Idikit ang papel na pinagsulatan sa loob ng kahon.

Takdang Aralin/ PagtatayaSumulat ng isang tula,na tungkol sa “pag-ibig”. Idikit

ang papel na pinagsulatan sa loob ng kahon.

26

27