23
PAGSULAT NG SANAYSAY (Gabay sa mga Guro at Mag-aaral ng Alternative Learning System) Inihanda ni G. Vicente R. Antofina, Jr. ALS Mobile Teacher III Hernani, Eastern Samar, Philippines

Pagsulat ng sanaysay

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsulat ng sanaysay

PAGSULAT NG SANAYSAY

(Gabay sa mga Guro at Mag-aaral ng Alternative

Learning System)Inihanda ni G. Vicente R. Antofina, Jr.

ALS Mobile Teacher IIIHernani, Eastern Samar, Philippines

Page 2: Pagsulat ng sanaysay

ACCREDITATION AND EQUIVALENCY TEST May dalawang parte: Pagsulat ng Sanaysay at Multiple Choice Multiple Choice Test a. Elementary: may apat na bahagi, 40 items bawat bahagi b. Secondary: may limang bahagi ,50 items bawat bahagi Mga Bahagi ng Test Bahagi I: Kasanayan sa Pakikipagkomunikasyon (Filipino) Bahagi II: Communication Skills (English) Bahagi III: Kasanayan sa Mapanuring Pag-iisip at Paglutas ng Suliranin a. Mathematics (in Filipino) b. Science (in Filipino) Bahagi IV: Kasanayan Pangkabuhayan at Likas an Yaman (Filipino) Bahagi V: Pagpapalawak ng Pananaw (Filipino)

Page 3: Pagsulat ng sanaysay

UPANG MAIPASA ANG TEST

...kung ang SS (Standard Score) mo ay 100 o higit pa sa multiple choice na bahagi ng ALS Test at ang score mo na nakuha sa essay ay 2 o higit pa; o kaya ay ang SS ay 95-99 (sa multiple choice) at ang antas ng score sa essay ay 3 o 4.

SS (Standard Score) - Nagsasabi ng kakayahan o kaalaman kapag ihahambing ang score niya sa score ng karaniwang grupo ng nakapagtapos ng sekondarya.SS (Standard Score) - Indicates a test taker's knowledge and competence level in comparison with the norm group of high school graduates. The SS ranges from 60 to 120).

Batay sa obserbasyon at kwento ng mga mag-aaral, nahihirapan ang mga sila sa pagsulat ng sanaysay na nagiging dahilan kung kayat sila ay bumabagsak sa test. Ito ang naging isang dahilan sa pagbuo ng presentasyon na ito na naglalayong mapataas ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral at guro sa pagsulat ng sanaysay sa tulong ng mga simpleng tips na nakapaloob dito.

Page 4: Pagsulat ng sanaysay

PAGSULAT NG SANAYSAY

ANO ANG SANAYSAY? Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda.

BATAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAYa. Obserbasyon - Nakikita, Naririnig, Nababasa, Nararamdaman, b. Karanasan - Sarili, Pamilya, Pamayanan/Kapaligiran, Pakikisalamuha, -Masaya, Malungkot, Di-Malilimutang Karanasan

Page 5: Pagsulat ng sanaysay

MGA KAILANGANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY

TitikSalita

PariralaPangungusap

TalataSanaysay o Komposisyon

I. Kasanayan sa istruktura ng sanaysay o komposisyon

Page 6: Pagsulat ng sanaysay

MGA KAILANGANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAYII. Kasanayan sa pagsulat ng pamagatTandaan: ang unang titik ng unang salita at ang mga mahahalagang salita sa

pamagat ay nagsisimula sa malaking titik ang pamagat ay nakasentro sa iyong sulatang papel isulat ng maayos at sa paraang nababasa tandaan ang tamang baybay ng mga salita hindi ito ginagamitan ng anumang bantas maliban kung ito ay

patanong

Page 7: Pagsulat ng sanaysay

MGA KAILANGANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAYIII. Kasanayan sa wastong gamit ng malaki at maliit na titik. A. Malaking Titik – ginagamit sa simula ng bawat pangungusap - ginagamit sa mga partikular na pangalan ng tao, bagay, lugar, hayop, pangyayari o kaisipan: Halimbawa: Vicente, Nescafe, Hernani, Brownie, New Year, Science - sa Ingles ang salitang I (ako) ay palaging malaki ang pagkakasulat

B. Maliit na Titik - ginagamit sa mga pangkalahatang pangngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, pangyayari, o kaisipan: lalaki, kape, bayan, aso, pista, asignatura.

Page 8: Pagsulat ng sanaysay

MGA KAILANGANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAYMga Bantas1. Tuldok (.)– ginagamit sa katapusan ng bawat pangungusap na pasalaysay.2. Kuwit (,) - sa paghihiwalay ng mga salitang magkakauri: Siya ay nagtanim ng upo, pipino, patola at ampalaya sa palibot ng kaniyang bahay. -sa pagsulat nbg petsa: June 24, 2015 -sa pagsulat ng Liham Bating Panimula: Mahal kong Lita, Bating Pangwakas: Lubos na gumagalang, -sa pagsulat nga address: Barangay Carmen, Hernani, Eastern Samar, Philippines - sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap: Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda.”

Page 9: Pagsulat ng sanaysay

MGA KAILANGANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY3. Tandang Pananong (?) -sa pangungusap na patanong: Ano ang pangalan mo? Ikaw ba si Juan?4. Tandang Padamdam (!) -sa pahayag na nagsasaad ng matinding damdamin: Mabuhay ang Pilipinas! Uy! Aray!5. Gitling (-) -sa salitang inuulit: araw-araw -sa katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama: pamatay ng insekto = pamatay insekto dalagang taga bukid = dalagang bukid - sa pamilang na may unlapi na ika: ika-3

Page 10: Pagsulat ng sanaysay

MGA KAILANGANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY6. Panipi (“ “) - ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi. “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo. - ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga akda. Nagbukas na muli ang “Manila Times”. Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”. - ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga. Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.

Page 11: Pagsulat ng sanaysay

MGA KAILANGANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY7. Panaklong -ang panaklong ( () ) ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito. - ginagamit upang kulungin ang pamuno. Halimbawa: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere. -ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan. Halimbawa: Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit-kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao. -ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Halimbawa: Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )

Page 12: Pagsulat ng sanaysay

MGA KAILANGANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY8. Kudlit (‘) – ay ginagamit na panghalili sa isang titik na kina-kaltas: Ako’y Pilipino sa isip, sa puso’t, salita’t sa gawa.9. Tutuldok (:) - ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod: Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa -sa liham pangkalakal: Dr. Garcia:10. Tuldok-kuwit (;)- Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig: Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal. -sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa: Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng kakawate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.

Page 13: Pagsulat ng sanaysay

MGA KAILANGANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAY11. Tutuldok-tuldok - ang tutuldok-tuldok o elipsis (…) ay nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais na sabihin. -ginagamit upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap. Ipinagtibay ng Pangulong Arroy … - gingagamit sa mga sipi, kung may iniwang hindi kailangang sipiin Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang …

Page 14: Pagsulat ng sanaysay

MGA KAILANGANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAYIV. Kasanayan sa pagbuo ng mga bahagi ng sanaysay. Unang talata – Panimula o Introduksyon

Pangalawang talata – Nilalaman o Katawan ng sanaysay

Pangatlong talata – Buod o Pangwakas

Kailangan may taglay na kasanayan kung paano buuin ang bawat bahagi ng sanaysay.

Page 15: Pagsulat ng sanaysay

MGA KAILANGANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAYV. Kasanayan sa paggamit ng wastong sukat ng margin o indention

1. Indented style – Ang unang salita ay naka-indent ng 1.5 sentimetro pakanan mula sa kaliwang margin.2. Full block style – nakalinya sa margin3. Modified style – ang ilang bahagi ay naka-indent at ang iba naman ay nakalinya sa margin

Page 16: Pagsulat ng sanaysay

MGA KAILANGANG KASANAYAN SA PAGSULAT NG SANAYSAYVI. Kasanayan sa wastong baybay ng mga salita.

Page 17: Pagsulat ng sanaysay

PAGBUO NG PANIMULA

I. Katangian ng isang epektibong panimula -nakakahikayat attention grabber -maaring magsimula gamit ang kasabihan, kahulugan (definition), tanong, o siniping pahayag. -tatlong pangungusap

II. Teknik sa pagbuo ng panimula1. Tukuyin ang pinakamahalagang salita sa pamagat Halimbawa: Ang Aking mga Pangarap sa Buhay Ang pinakamahalagang salita ay pangarap o buhay

Page 18: Pagsulat ng sanaysay

PAGBUO NG PANIMULA

2. Gumawa ng pangkalahatang pahayag tungkol dito. Maari kang gumamit ng kasabihan, kahulugan, tanong o siniping pahayag. Halimbawa: Pangarap o Buhay Ang taong walang pangarap sa buhay ay tulad ng isang bangkang walang kumpas. 3.Dagdagan ng dalawa o tatlong pangungusap na susuporta sa pahayag na ito.Halimbawa:Ang taong walang pangarap sa buhay ay tulad ng isang bangkang walang kumpas. Isa ito sa mga kasabihan na aking pinaniniwalan. Sapagkat batid ko ang pagkakaroon ng mithiin sa buhay ay isang gabay tungo sa pagkakaroon ng isang matagumpay na pamumuhay. Ano nga ba ang aking pangarap sa buhay?

Ang panghuling pangungusap sa bahaging ito ay dapat kaugnay sa susunod na talata.

Page 19: Pagsulat ng sanaysay

PAGBUO NG KATAWAN NG SANAYSAY/NILALAMAN-ang bahaging ito ay nagtataglay ng iyong kasagutan sa pamagat.-ito ay naglalaman ng iyong personal na pananaw kaugnay sa pamagat.-kailangang masagot ang tanong na “Bakit?” kahit sa limang magkakaugnay na pangungusap.-ang panghuling pangungusap ay dapat konektado sa susunod na talata. Halimbawa: Ang Aking Pangarap sa BuhayNoon pa man, hangad ko na ang maging isang guro sa elementarya. Hanggang sa ngayon hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang pangarap kong ito. Sa pamamagitan nito, makatutulong ako sa paghubog ng kaisipan ng mga kabataan tungo sa pagkakaroon ng mabuting asal at pananaw sa buhay. Ito rin ay magiging daan upang maibahagi ko ang aking kaalaman sa mga batang aking tuturuan. Kung kaya’t mahalaga ang pagsisikap upang maitagumpay ko ang pangrap kong ito.

Page 20: Pagsulat ng sanaysay

PAGBUO NG BUOD O KONKLUSYON

-dapat masagot ang tanong na “Paano?”-karamihang nagsisimula sa pariralang, “Dahil dito”, -dapat may challenge tungo sa ikatatamo nga maayos na pamumuhay-tatlong pangungusap

Dahil dito, lubusan kong pagsisikapan na makamit ang pangarap kong ito. Ang aking pag-aaral sa ALS ay isang hakbang tungo sa aking pangarap. Alam kong hindi pa huli lahat at ang pag-asa ay laging nasa tabi sa taong may masidhing pagnanais na matamo ang pangarap sa buhay tungo sa mas maunlad na pamumuhay.

Page 21: Pagsulat ng sanaysay

KARAGDAGANG TIPS

1. Makinig sa panuto na ibibigay ng Room Examiner para sa pagsulat ng sanaysay.2. Isulat ng maayos ang mga salita sa paraang nababasa.3. Dapat malinis, walang gaanong erasure at maayos ang porma ng iyong sanaysay.4. Gumawa ng balangkas para masigurong magkakatugma ang mga talata.5. Bilisan hangga’t maaari sapagkat may time limit ang pagsulat nito.6. Tandaan ang kilos o action kung ito ay nagdaan, kasalukuyan o hinaharap.7. Bigyang pansin ang mga panghalip. Kung ang hinihingi ay ang iyong sariling pananaw

dapat gumamit ng first personal pronouns na ako, ko, at akin.8. Ang pagbabasa ng mga artikulo ay makatutulong sa iyo upang mapaunlad ang iyong

kakayahan sa pagsulat ng sanaysay. Pag-aralan ang estilo ng pagbuo ng bawat bahagi ng komposisyon.

Page 22: Pagsulat ng sanaysay

MGA HALIMBAWANG PAMAGAT NG SANAYSAY1. Ano ang Kahalagahan ng Edukasyon?2. Ang Aking Pananaw sa Pagsapi ng Kapatiran o Fraternity3. Paano Mapapaunlad ang Turismo ng Pilipinas?4. Bilang Isang Kabataan, Paano Ka Makatutulong sa Pagpapaunlad ng

Iyong Pamayanan?5. Ako Sampung Taon Mula Ngayon6. Ang Aking Magagawa Upang Mapaunlad ang Aking Pamilya7. Ang Pinakagusto Kong Trabaho

Page 23: Pagsulat ng sanaysay

Good luck!

Hangad ko ang iyong tagumpay!

Mabuhay!