6
Wendy Lou S. Balaod BSE- Fil 3 Kaligirang Pangkasaysayan sa Panahon ng Kastila Ang panahon ng kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas ay isa sa mga pinakamahabang pagsakop sa kasaysayan at panitikan. Ang naging pangunahing layunin ng panitikan sa panahong iyon ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ginamit ng mga prayle ang ating wika, at nagsulat sila ng mga akda sa gramatika at diksyunaryo. Nagkaroon ng romanisasyon ng alibata, kaya naging iisa na lamang ang alpabetong ginamit bilang sistema sa pagbabasa at pagsusulat. Malaki ang naitulong nito sa pagpapalaganap ng panitikan. Ang isa pang nagkaroon ng malaking epekto ay ang pagkakaroon ng palimbagan. Dahil dito, mas mabilis ang paglaganap ng panitikang nakasulat at nakarating ito sa mas maraming tao. Noong panahon ng Kastila, isinulat sa Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ang mga alamat-kanluranin. Unti-unti na ring pumasok ang mga paksain at pamamaraang Kanluranin. Nagkaroon rin ng asimilisasyon ng iba’t ibang wika natin, impluwensiyang Kastila at sa Kanluranin. Namulaklak ang panitikan sa gitnang panahon dahil naipakita sa mga akda ang mga karanasang nagpatingkad sa pagiging Pilipino, mga kaisipang nakapagpataas sa uri ng Pilipino, at ang mga pangyayari sa pakikipaglaban para sa kalayaan. Layunin ng Panitikan Ang naging pangunahing layunin ng panitikan sa panahong iyon ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ang mga akda ay nahati sa dalawa: pangwika at panrelihiyon. Ang palimbagang Dominikano ay nagsulat ng panitikang panrelihiyon. Kabilang dito ang libreto ng katesismo, mga salaysayin ng mga martir at kanilang mga misyon, at mga kasaysayang relihiyoso. Bukod dito, lumaganap rin ang mga talambuhay ng mga santo at mga nobelang hango sa Bibliya. Ang mga

pahayagan sa panahon ng kastila.docx

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ulat sa asignaturang pamamahayag sa Filipino

Citation preview

Page 1: pahayagan sa panahon ng kastila.docx

Wendy Lou S. Balaod BSE- Fil 3

Kaligirang Pangkasaysayan sa Panahon ng Kastila

Ang panahon ng kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas ay isa sa mga pinakamahabang pagsakop sa kasaysayan at panitikan. Ang naging pangunahing layunin ng panitikan sa panahong iyon ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ginamit ng mga prayle ang ating wika, at nagsulat sila ng mga akda sa gramatika at diksyunaryo.

Nagkaroon ng romanisasyon ng alibata, kaya naging iisa na lamang ang alpabetong ginamit bilang sistema sa pagbabasa at pagsusulat. Malaki ang naitulong nito sa pagpapalaganap ng panitikan. Ang isa pang nagkaroon ng malaking epekto ay ang pagkakaroon ng palimbagan. Dahil dito, mas mabilis ang paglaganap ng panitikang nakasulat at nakarating ito sa mas maraming tao.

Noong panahon ng Kastila, isinulat sa Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ang mga alamat-kanluranin. Unti-unti na ring pumasok ang mga paksain at pamamaraang Kanluranin. Nagkaroon rin ng asimilisasyon ng iba’t ibang wika natin, impluwensiyang Kastila at sa Kanluranin.

Namulaklak ang panitikan sa gitnang panahon dahil naipakita sa mga akda ang mga karanasang nagpatingkad sa pagiging Pilipino, mga kaisipang nakapagpataas sa uri ng Pilipino, at ang mga pangyayari sa pakikipaglaban para sa kalayaan.

Layunin ng Panitikan

Ang naging pangunahing layunin ng panitikan sa panahong iyon ay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Ang mga akda ay nahati sa dalawa: pangwika at panrelihiyon.

Ang palimbagang Dominikano ay nagsulat ng panitikang panrelihiyon. Kabilang dito ang libreto ng katesismo, mga salaysayin ng mga martir at kanilang mga misyon, at mga kasaysayang relihiyoso. Bukod dito, lumaganap rin ang mga talambuhay ng mga santo at mga nobelang hango sa Bibliya. Ang mga halimbawa ng mga panitikang may paksang pananampalataya ay ang dulang senakulo, santa cruzan, at tibag. AngDoctrina Christiana naman na unang aklat na inilimbag sa Pilipinas ay naglalaman ng mga katuruan at kagandahang-asal. Ang iba pang halimbawa ng akdang panrelihiyon ay ang Barlaan at Josapaht, Ang Pasyon, mga dalit,imno at awit, at mga talambuhay ng mga Santo.

Ang mga akdang pangwika naman ay mga diksyunaryo at tulong sa gramatika, na naglalaman ng mga translasyon ng mga salita at parirala.Ang ilan sa mga ito ay ang Arte y Vocabulario Tagalog, Memorial de la Vida

Page 2: pahayagan sa panahon ng kastila.docx

Christiana en Lengua Tagala, Librong Pag-aaralan nang mga Tagalog nang wicang Castilla, Ensayo de Gramatica Hispano-Tagala, at Sobre la Nueva Ortografia de la Lengua Tagala ni Dr. Jose Rizal.

Uri ng Akda na Lumaganap

Mayroong tatlong uri ng akdang lumaganap noong Panahon ng Kastila. Kabilang dito ang mga sumusunod:

• Panrelihiyon na may Himig Mangaral at Pangkagandahang-asal

• Pangwika

• Panlibangan

Awit at Korido

Ito ay mga patulang pasalaysay na nahabi sa kulturang Pilipino. Ito ay inaawit ng mga mang- await na manlalakbay at karaniwang sinasabayan ng gitara.

Ang mga tauhan ng isang awit ay mga maharlika at mga dukha. Mga prinsipe, hari, duke at kapitan naman ang itinuturing na bayani sa awit.

Pinapaksa nito ang ilan sa mga sumusunod:

• Magandang pagkakaibigan

• Pagmamahalan ng magkakapatid

• Buhay ng mga naulila

• Batang walang magulang

Pagkakaiba ng Awit at Korido

Ang awit ay binubuo ng labindalawang pantig. Ang himig nito ay may marahan na kumpas. Ito ay may tagpuan at mga tauhang Kanluranin.Sa kabilang banda, ang korido naman ay may walong pantig at may himig na mabilis ang kumpas. Ito ay may banghay sa mga palasak na alamat ng Europa.

Senakulo

Ito ay ang pagsasadula ng mga pangyayari sa pagpapasakit ni Hesus. Ito ay kadalasang ginaganap sa mga lansangan o bakuran ng simbahan.

Salubong

Ito ang pinakahuling dula sa panahon ng Semana Santa. Ito ang pagtatagpo ni Maria at pagkabuhay ni Kristo.

Pasyon

Page 3: pahayagan sa panahon ng kastila.docx

Ito ay isang awit tungkol sa pagpapasakit, pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo.

Tibag

Sinasabing kakaiba ito sa lahat dahil hindi ito sa entablado nagaganap kundi sa tatlong munting bundok sa plasa. Dito nagaganap ang paghahanap sa tunay na krus na pinagpakuan kay Kristo.

Moriones

Ito ay ang alamat tungkol sa isang sundalong Romano na si Longino na siyang nagpahirap kay Hesus. Sinasabing muli siyang nakakita nang matalsikan ng dugo ni Kristo ang kanyang bulag na mata.

Panunuluyan

Ito ay ang paghahanap ng matutuluyan ni Josep at Maria sa bisperas ng Pasko.

Moro- Moro

Ito ay isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada. Natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad nang sa Pilipinas. Ito ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim.

Sarsuwela

Ito ay isang dulaang may awitan at sayawan sa paraang patula. Karaniwang paksa nito ang romantikong pag- iibigan pati na rin ang mga isyung sosyo- pulitikal, ekonomiko at kultural.

Karilyo

Tinatawag din bilang shadow play, ang karilyo ay isang pagtatanghal ng mga cardboard na hinugisan ng tao. Ito ay pinagagalaw sa likod ng puting

tabing at naiilawan sa harapan.

Duplo

Ang duplo ay isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan ang kalungkutan sa pagdadasal para sa mga namatay. Ito ay binubuo ng mga puns, biro at palaisipan sa bernakular.

Kinalaunan, ang duplo ay naging isang madulaing debate sa pamamagitan ng berso.

Ang nakasanayang gawi ay ang ibang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga kathang krimen, at ang mga akusado naman ay ipagtatanggol ang

Page 4: pahayagan sa panahon ng kastila.docx

kanilang sarili. Ang usapan o dayalogo ay nagiging mas masigla gamit ang mga kotasyon mula sa mga awit at corrido na ginagamit sa debate. Kapag ang isang nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa palaisipan na binigay sa kanya, siya ay kadalasang pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpilit sa kanya na magsabi ng isang dalit para sa namatay.

Karatagan

Isang dula na ang usapan ay patula. Ito ay patungkol sa pagkawala at paghahanap sa nawawalang singsing ng isang dalaga.

Mga Manunulat

Si Tomas Pinpin ay isa sa mga tanyag na manunulat sa panahon ng Kastila. Isinulat niya ang Successos Felices (Fortunate Events). Siya rin ay kilala bilang Ama ng Palimbagan.

Si Pascual Poblete naman ay ang unang nagsalin ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal sa Tagalog. Siya ang Ama ng Pahayagang Pilipino.

Si Juan Felipe ay isang mandirigmang umaawit sa gitna ng laban.

Si Jose Palma naman ay ang naglapat ng musika sa Lupang Hinirang. Isinulat niya rin ang tulang Filipinas.

Si Modesto de Castro ay kilala bilang Ama ng Klasikong Tuluyan sa Tagalog. Siya ang sumulat ng Urbana at Felisa.

Si Francisco Baltazar, na kilala bilang Ama ng Balagtasan, ay ang sumulat ng Florante at Laura.

Si Severino Reyes naman ay ang Ama ng Dulang Tagalog. Isinulat niya ang Walang Sugat. Ang kanyang sagisag panulat ay “Lola Basyang”.

Excerpt:

Florante at Laura

Isang kwento sa paraang patula tungkol sa buhay ni Florante at ni Laura sa Albanya. Ito ay isinulat ni Francisco Balagtas.

Doctrina Christiana

Isinulat nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva, ito ang pinakaunang librong ginawa sa Pilipinas na patungkol sa relihiyon.

Ninay

Ito ang pinakaunang nobelang nakasulat sa Tagalog at isang obra mula kay Pedro Paterno.

Sampaguitas y poesias

Isa pang obra ni Pedro Paterno, ito ay ang pinakaunang koleksyon ng mga tulang Pilipino na nakasulat sa Espanyol.

Page 5: pahayagan sa panahon ng kastila.docx

Urbana at Felisa

Ito ay tungkol sa kagandahang-asal at relihiyon. Isang akda ni Modesto de Castro.

Barlaan at Josaphat

Ito ay isang prosa na tungkol sa buhay ng dalawang santo. Isinulat ni S. Juan Damaceno at isinalin sa Tagalog ni Fray de Boja.