16

Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino

  • Upload
    others

  • View
    135

  • Download
    6

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino
Page 2: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino

Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga

pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng

mga sinaunang Pilipino. Nanirahan rin sa mga yungib

o kwebang matatagpuan sa bundok o gubat.

Sa paglipas ng panahon ay dumami ang nanirahan

sa isang lugar hanggang sa makabuo at

makapagtatag sila ng komunidad. Marami sa mga ito

ay malapit sa mga tabi ng dagat, ilog, lawa, at look

dahil isinasaalang-alang nila ang mapagkukuhanan

ng pagkain at paggamit ng bangka para sa

paglalakbay papunta sa ibang lugar.

Page 3: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino

May mga pamayanan rin na umusbong sa mga kabundukan kung saan nagtayo sila ng komunidad sa malapit sa mga pinagkukuhaan ng tubig para magamit na patubig sa mga pananim, ang pamayanan sa kabundukan ay tinawag na ilaya at ang malapit sa anyong tubig ay tinawag na ilawud.

Kahit na may umusbong na mga pamayanan ay may mga sinaunang Pilipino pa rin ang piniling mamuhay bilang nomad o yung hindi nanatili ng permanente sa isang lugar. Lumilipat sila ng lugar kapag naubos na ang pagkain at wala ng maitustos sa kanilang pangangailangan. Madalas na sila ay nanatili sa mga kweba at yungib na nagiging kumportable sa pagtira ng mahabang panahon.

Page 4: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino
Page 5: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino

Ibang - iba ang kasuotan ng mga sinaunang Pilipino, halos

saplot lamang na yari sa mga balat ng punongkahoy o hayop

ang gamit nila na panakip sa kanilang katawan.

Ang kalalakihan ay nagsususot ng Putong para sa ulo, ang

pang-itaas nila ay maikling manggas at kamisang walang

kwelyo.

Nakitaan na rin ng hilig ang ating mga ninuno sa paggamit ng

palamuti babae man o lalaki, ang ginto noon ay kanilang

palamuti para sa ngipin.

Para sa kanila ay simbolo rin ng katapangan, karangalan, at

kagandahan ang paglalagay ng tato sa halos buong katawan.

Marami sa mga disenyo nito ay mga kaakit-akit.

Page 6: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino
Page 7: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino

Ang edukasyon ng ating mga ninuno noon ay di pormal.

Edukasyon sa pangkabuhayan ang itinuturo sa mga kalalakihan at edukasyon sa pantahanan naman para sa mga kababaihan, ang layon nito ay para maihanda sila kung sakaling dumating sila sa panahon ng pagkakaroon ng sariling pamilya. Ayon naman kay Padre Pedro Chirino isang

mananaliksik na Espanyol, napatunayan na halos lahat ng lalaki at babae noon ay marunong magbasa at sumulat ng katutubong alpabeto na kung tawagin ay baybayin, sinaunang alpabeto ito na binubuo ng labing - pitong simbolo na kumakatawan sa titik. Sa mga ito, tatlo lamang ang patinig at may labing - apat na katinig.

Page 8: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino
Page 9: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino

May sariling panitikan ang ating mga ninuno na maaaring

pasalita o pasulat. Kabilang ang mga sinaunang awit, tula, dula,

alamat, kwentong bayan, salawikain o kasabihan, bugtong, at

epiko. Nagpasalin-salin na sa maraming henerasyon at

hanggang ngayon ay kinagigiliwan pa rin na basahin, bigkasin

at ibahagi.

Sa awit naman ay kabilang ang mga sumusunod: diyuna (diona)

na awit ng kasiyahan, oyayi o hele o awit sa pagpapatulog ng

sanggol; talindaw na awit sa pammangka; ihiman na awit para

sa ikinakasal, tigpasin na awit sa paggaod; tagulalay o umbay

na malungkot na awit kung may namatay; kumintang na awit

para sa pag - ibig, at indulanin o suliranin na awit sa lansangan.

Page 10: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino

Ang ating mga ninuno ay mahilig rin na bumigkas ng tula, lalo na

yung may sukat at tugma, sa bakuran ng bahay ng datu ay

madalas na itinatanghal ang iba’t ibang dula, pagpapalitan at

paglalahad ng alamat na nagsasalaysay sa pinagmulan ng

isang lugar o bagay na may elementong pantasya. Paksa

naman kwentong - bayan (folklore)ang mga tauhang

kumakatawan sa uri ng mga mamamayan gaya ng hari,

prinsipe, o isang marunong na lalaki. Ang mga salawikain at

kasabihan naman ay patungkol sa kagandahang asal at pag -

uunawa ng ating mga ninuno. Nagbibigay naman ng kasiyahan

at palaisipan tungkol sa mga bagay bagay ang bugtong. Ang

epiko naman ay isang mahabang akda na nauukol sa

kabayanihan, gaya ng Hudhud at Alim ng mga Ifugao, Biag ni

Lam - ang ng mga Ilokano, Ibalon ng mga Bikolano, Bantugan

ng mga Maranaw, at Indarapatra at Sulayman ng Maguindanao.

Page 11: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino

Sa katimugang bahagi ng Pilipinas ay may sariling

sining ng pag-ukit ng mga sinaunang mga Pilipino na

kilalal sa tawag na okir at ang pangunahing disenyo

nito na Sarimanok na nagpapakilala sa mga Muslim,

karaniwan man o Maharlika. Kasama na rin sa

matandang kaugalian ang paglalagay ng tato sa

katawan at paggamit ng mga palamuti.

May kaalaman na rin sila pagdating sa patubig para

sa pananim at kakikitaan na rin ng kaalaman sa pag-

iinhinyero dahil sa likha nilang Hagdan - hagdang

palayan sa Banaue. Gumagamit rin sila ng mga

halamang gubat para sa panggagamot sa maraming

mga karamdaman. Sa pamamagitan ng prosesong

mummification ay napapanatili nila ang anyo ng

taong namatay na.

Page 12: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino
Page 13: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino

Likas na sa ating mga ninuno ang pagkakaroon nghilig sa sayaw

at musika. May kakayahan silang lumikha ng himig buhat sa mga

naririnig nila sa kalikasan. Mayroon silang mga instrumentong

pangmusika na ginagamit gaya ng kudyapi, gangsa, alpang

kawayan, biyuling kawayan na may kwerdas ng abaka,

kulintang, bansik at kalaleng na yari sa kawayan.

May kahusayan rin sa pagsayaw ang mga ninuno natin ito ay

kanilang ipinapamalas tuwing may mahalagang seremonya at

pagdiriwang, kabilang sa mga ito ang balitaw, kumintang,

dandansoy, subli, itik-itik, maglalatik, tinikling, at singkil.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin na itinatanghal at

pinahahalagahan ng mga Pilipino.

Page 14: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino
Page 15: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino

Ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang yunit o pangkat ng mga tao sa ating lipunan. Ang pamilya ay karaniwang binubuo ng ama na tinatawag na “haligi ng tahanan”, at ina na tinatawag na “ilaw ng tahanan” at anak o mga anak. Noon pa man ay kinilala na ang matibay na pagsasamahan ng mga kasapi ng pamilya.

Ang ama ang may responsibilidad sa pagtatrabaho upang maibigay ang pangangailangan ng pamilya, siya rin ang inaasahang magtatanggol sa kapakanan ng asawa at mag anak. Ang ina naman ang tagapag-alaga, inaaruga at ginagabayan niya ang mga anak hanggang sa kanilang paglaki. Ang mga anak naman ay sumusunod sa tagubilin ng mga magulang at tumutulong rin sa mga gawaing bahay at ang matandang kapatid ay gumagabay rin sa nakakabatang kapatid.

Page 16: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino sa Panahong Pre ......Pinagtagpi-tagping mga dahon na nakadikit sa mga pirasong kahoy at patpat ang nagsilbing tirahan ng mga sinaunang Pilipino

Ang mga magulang ay parehong

nagtutulungan sa pagganap ng kanilang

tungkulin lalo na sa pagpapalaki ng mga

anak. Sa pamilya pa rin unang natutuhan ng

mga anak ang mabuting asal gaya ng

pagbibigayan at pagmamahal sa isa’t isa.

Mataas ang pagtingin at pagkilala sa mga

pamilya ng ating mga ninuno.