43
PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG PILIPINO

Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Grade 7 Social Studies Group Report

Citation preview

Page 1: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

PAMUMUHAY NG MGA SINAUNANG

PILIPINO

Page 2: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

PANAHONG PALEOLITIKO

(TINATAYANG MULA 500 000–7000 BCE)

Page 3: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Sa Panahong Paleolitiko, nabuhay ang mga sinaunang tao sa ating kapuluan sa pamamagitan ng pagpapalipat-lipat sa mga lugar na may makakalap na pagkain.

Page 4: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Ang kanilang pebble tools ay nabubuo sa pamamagitan ng chipping o pagtatapyas ng mga bato, tulad ng mga batong-ilog (river stones), upang makuha ang matalim na bahagi ng mga ito.

Page 5: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Bukod sa flint, gumamit din silang chert o volcanic glass, isang uri ng natunaw na bato dahil sa init ng bulkan. Ito ay may matalim na bahagi kung tinapyas. Bukod sa mga kagamitang bato, gumamit din ang mga sinaunang tao ng mga kagamitang gawa sa kahoy.

Page 6: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Ang tahanan naman ng mga sinaunang tao sa ating kapuluan ay binubuo ng mga dahon na itinayo sa pamamagitan ng patpat. Ang halimbawa nito ay ang tirahan ng mga Dumagat sa silangang Luzon.

Page 7: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Tumira rin ang ating mga ninuno sa mga yungib bilang permanente nilang tirahan. Nahukay sa yungib ng Callao sa Peñablanca, Cagayan ang pinakamatandang labi ng tao sa bansa.

Page 8: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Tinatayang nabuhay ang taong ito 67,000–50,000 taon na ang nakalilipas. Ang ikalawang pinakamatandang labi ng sinaunang tao sa bansa ay ang nahukay na bahagi ng bungo at bagang ( jawbone) sa yungib ng Tabon sa Palawan, na tinatayang nabuhay 22,000 taon na ang nakalilipas.

Page 9: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

PANAHONG NEOLITIKO

(TINATAYANG MULA 5000–500 BCE)

Page 10: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Sa Panahong Neolitiko, ay umunlad ang paggamit ng ating mga ninuno sa mga bato. Patunay rito ang ilang mga kagamitang bato na natuklasan ng mga dalubhasa.

Page 11: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Halimbawa, natagpuan sa yungib ng Guri ng Lipuun Point, Palawan ang pinakinis ( polished) na kagamitang bato na nahulma sa pamamagitan ng pagkiskis ng bato sa halip na pagtapyas dito. Tinatayang ang mga kagamitang batong ito ay mula pa noong 7,000–3500 BCE.

Page 12: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Sa Panahong Neolitiko rin nagsimula ang agrikultura sa Pilipinas na tinatayang naganap mga taong 5,000 BCE. Nagsimulang magtanim ang mga unang tao upang madagdagan ang kanilang pagkain na nakukuha nila sa pangangaso at pangangalap.

Page 13: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Isinagawa sa panahong ito ang dry agriculture tulad ng pagkakaingin. Noong 3,000 BCE, pinaniniwalaang nagsimula ang wet rice agriculture o ang pagtatanim ng palay sa mga payew.

Page 14: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Ito ang nagpausbong sa pagbuo ng mga hagdan-hagdang palayan tulad ng mga makikita hanggang sa ngayon sa Ifugao. Ang mga pader ng terraces ay yari sa bato at lupa. Hindi lamang sa Ifugao may mga hagdan-hagdang palayan.

Page 15: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Makikita rin ang mga labi nito sa Rizal sa Luzon at sa ilang mga bahagi ng Mindanao. Pagsapit naman ng 100 BCE, napaunlad din ang wet rice agriculture sa mga kapatagan at dito nagsimulang mabuo ang rice paddies.

Page 16: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Sa Panahong Neolitiko, natuto rin ang ating mga ninuno ng pagpapalayok ( pottery) na tinatayang nagsimula noong 3,000 BCE.

Page 17: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Ginamit ang pagpapalayok (tulad ng mga banga) hindi lamang sa pagluluto o pag-iimbak ng pagkain, kundi maging sa paglilibing ng mga patay. Naganap ang gawaing ito mga 1000 BCE.

Page 18: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Sa mga taong 3,000 BCE, nagsimulang mabuo ang mga pamayanan sa mga bunganga ng ilog at tabing dagat. Kumalat din sa kapuluan ang mga mandaragat mula sa iba’t ibang bayan. Naging mahalaga ang mga ilog sa ugnayan ng mga pamayanan at pakikipagkalakalan.

Page 19: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Dahil sa mga pagbabagong naganap sa Panahong Neolitiko, naging mas maunlad ang mga pamayanan sa tabi ng mga daang-tubig. Nabuo ang kulturang kaugnay sa tubig at isa na rito ang pamayanang tinawag na barangay.

Page 20: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Sa Panahong Neolitiko, may mga pamayanan ding nabuo sa kabundukan. Ang mga ito ay matatagpuan malapit sa mga sapa kung saan ginagamit ang tubig bilang inumin at panustos sa irigasyon.

Page 21: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

PANAHON NG METAL (TINATAYANG MULA 2000 BCE–200 CE)

Page 22: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Nagsimula ang Panahon ng Metal sa bansa mga 800 BCE. Tinatawag din ito bilang incipient period na tumagal mula 500 BCE hanggang 900 CE. Sa panahong ito ay napayabong ang mga pamayanang barangay.

Page 23: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Dati-rati ay binubuo ang barangay ng kalipunan ng mga pamilya at ng ilang mga magkakamag-anak. Kalaunan, sumanib na rin dito ang magkakaibang barangay na bumuo sa higit na malalaking pamayanan.

Page 24: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Karaniwang matatagpuan ang malalaking pamayanan sa mga tabi ng mga anyong-tubig tulad ng sa Maynila, Jolo, at Butuan.

Page 25: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Ang mga pinuno ng pamayanan ay nahirang dahil sa kanilang katapangan, kayamanan, lakas, at talino. Bukod sa pagiging pinuno ng pamayanan, nagsisilbi rin silang pinunong pandigma sa panahon ng digmaan at hukom sa mga sigalot sa loob ng pamayanan.

Page 26: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Ang posisyon ng isang pinuno ng pamayanan ay maaaring mamana mula sa ama patungo sa anak o naililipat sa nakababatang kapatid. Maaari ring maging pinuno ng pamayanan ang kababaihan lalo na kung walang tagapagmanang lalaki ang pinuno.

Page 27: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Bukod sa pag-unlad ng mga pamayanan, umunlad din ang teknolohiya sa Panahon ng Metal. Natuto ang mga tao na magpanday ng bakal upang gawing kagamitan at armas. Natuto na rin ang mga tao na gumawa ng alahas na yari sa ginto, jade, carnelian, at iba pang materyales.

Page 28: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Ang mga pinapanday na ginto ay mula sa mga ilog habang ang bakal naman ay galing sa pagmimina o pakikipagkalakalan sa mga dayuhan. Nagsimula na rin ang teknolohiya ng paghahabi at pag-ukit sa kahoy sa mga taong 200 CE.

Page 29: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Karamihan sa mga kalakalan ay isinasagawa sa pamamagitan ng sistemang barter. Gumagamit na rin ng mga perang ginto na sa panahon ng mga Espanyol ay tinawag na piloncitos.

Page 30: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Nagsimula na rin ang pakikipagkalakalan sa malalayong lugar. Dahil dito, napaunlad ang paggawa ng sari-saring sasakyang-pandagat para sa iba’t ibang gamit tulad ng caracoa na ginagamit sa digmaan.

Page 31: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Ang mga sasakyangpandagat naman na tinawag na proa, vinta, kumpit, lapis, temper, kasko, at bangka ay ginamit sa pakikipagkalakalan.

Page 32: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Itinuturing na emergent period ang mga taong 900 hanggang 1,400 na sakop pa rin ng Panahon ng Metal. Napagtibay sa panahong ito ang mga etnolingguwistikong pangkat.

Page 33: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Nabuo ang mga pangkat na ito dahil sa pakikipagugnayan ng isang pangkat sa iba pang pangkat at sa interaksiyon nila sa kanilang kapaligiran. Ilan sa mga etnolingguwistikong pangkat ay ang mga Tagalog, Pampango, Ilokano, at Bikolano sa Luzon;

Page 34: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

ang mga Waray, Sugbuhanon, at Ilonggo sa Visayas; at ang mga Mandaya, Tiruray, Tausug, Samal, Yakan, Subanon, at B’laan sa Mindanao. Nagkaroon ang mga pangkat na ito ng pagkakatangi sa isa’t isa na ipinakikita ng kanilang naiibang wika, ugali, at pamumuhay.

Page 35: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

ang mga Waray, Sugbuhanon, at Ilonggo sa Visayas; at ang mga Mandaya, Tiruray, Tausug, Samal, Yakan, Subanon, at B’laan sa Mindanao. Nagkaroon ang mga pangkat na ito ng pagkakatangi sa isa’t isa na ipinakikita ng kanilang naiibang wika, ugali, at pamumuhay.

Page 36: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Kasama sa pagbuo ng sariling wika, napaunlad din ng mga etnolingguwistikong pangkat ang kani-kanilang musika at panitikan. Umiral ang mga epikong tulad ng Biag ni Lam-ang ng mga Ilokano, ng Hudhud ng mga Ifugao, ng Ibalon ng mga Bikolano,

Page 37: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

ng Hinilawod ng mga Sulod, at ng Darangan ng mga Maranao. Mayroon ding mga awit tulad ng Kumintang at Dalit. Bukod sa awit, nagkaroon din ang ating mga ninuno ng mga instrumentong pangmusika tulad ng gong, kulintang, kudyapi, at tambol na yari sa mga lokal na materyales.

Page 38: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Mayroon na ring sistema ng pagsulat ang mga katutubo noon. Tinawag itong baybayin na mula sa pinaghalong impluwensiyang Javanese at Indian na galing sa Sanskrit. Naisulat ito sa mga piraso ng kawayan, dahon, at naukit sa mga palayok.

Page 39: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Ang nasusulat lamang noon ay ang mahahalagang gawain tulad ng panganganak, ukol sa utang, at usaping pampolitika. Wala itong kinalaman sa panitikan.

Page 40: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Matibay na ebidensiya ng sistema ng pagsulat ng ating mga ninuno ang Laguna copperplate. Ayon sa pagkakasalin ay nalamang ito ay isang deklarasyon ng pagpapatawad ng utang ng isang tao. Ang Laguna Copperplate ay nakalagak sa Pambansang Museo.

Page 41: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Group I:

Hesedh Jireh V. Martin

Jaeo Mustar

Vincent Raval

Mario Jerome Adobo

Page 42: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Social Studies:

Miss Jeralyn Lazaro(Teacher)

Page 43: Araling Panglipunan: Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

Thank you very much for listening to us!!!