9
PAMANAHONG PAPEL Papel – pampananaliksik Isang pangangailangan sa larangang akademiko Kulminasyon ng mga pasulat na gawain Ginagawa sa loob ng isang panahon (term paper) Sukatan ng kainaman sa pagkakagawa ang presentasyon at pagkakaayos ng mga bahagi at nilalaman

Pananaliksik 2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Pananaliksik 2

PAMANAHONG PAPEL

Papel – pampananaliksikIsang pangangailangan sa larangang akademikoKulminasyon ng mga pasulat na gawain Ginagawa sa loob ng isang panahon (term paper)Sukatan ng kainaman sa pagkakagawa ang

presentasyon at pagkakaayos ng mga bahagi at nilalaman

Page 2: Pananaliksik 2

Mga bahagi ng Papel - Pampananaliksik

Mga Pahinang Preliminaryo – flyleaf 1, pamagating pahina, dahon ng pagpapatibay, pasasalamat o pagkilala, edikasyon o pag – aalay (opsyonal), talaan

ng nilalaman, talaan ng mga grap at talahanayanKabanata I : Ang Suliranin at Kaligiran NitoKabanata II : Mga Kaugnay na Pag- aaral at LiteraturaKabanata III : Disenyo at Paraan ng PananaliksikKabanata IV : Presentasyon at Interpretasyon ng mga

DatosKabanata V : Lagom, Kongklusyon at RekomendasyonMga Panghuling Pahina – Talaan ng Sanggunian,

Apendiks o Dahong - Dagdag

Page 3: Pananaliksik 2

1. Mga pahinang Preliminaryo

Flyleaf 1 – pinakauna, blangko o walang nakasulat Pamagating Pahina – narito ang pamagat sa anyong inverted

pyramid, kanino ipinasa, saang asignatura ito pangangailangan, sino ang gumawa at petsa ng kumplesyon

Dahon ng Pagpapatibay – kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik

Pasasalamat o pagkilala – para sa mga nakatulong sa mananaliksik Dedikasyon o pag – aalay (opsyonal) – kung sino ang inspirasyon sa

pagsulat at kanino inilalaan ang pag – aaral Talaan ng nilalaman - nakaayos na mga paksa sa anyong

pabalangkas pati na ang pahina kung saan matatagpuan ang paksa Talaan ng mga grap at talahanayan – nakatala ang pamagat ng

bawat talahanayan o grap at ang pahina kung saan ito matatagpuan

Page 4: Pananaliksik 2

2. Kabanata I : AngSuliranin at Kaligiran Nito

Panimula o Introduksyon – pangkalahatang pagtalakay sa paksa

Layunin ng Pag- aaral – mga pangkalahatan at ispesipikong layunin

Kahalagahan ng Pag – aaral – pagtukoy sa maaaring maging kapakinabangan ng pag – aaral sa iba

Saklaw at Limitasyon – pagtatakda ng parameter ng pag – aaral, mga sakop at hindi sakop ng pag – aaral

Depinisyon ng mga Termino – pagbibigay – kahulugan sa mga katawagan o terminong ginamit sa pananaliksik

Iba pa – Theoretikal Framework o Batayang Teoretikal, Hypotheses at Assumptions

Page 5: Pananaliksik 2

3. Kabanata II : Mga Kaugnay na Pag- aaral at Literatura

Pagtukoy sa mga pag – aaral (tesis o disertasyon o literatura) na ginamit ng mananaliksik

Nalimbag sa huling 10 taonWalang pagkiling, relevant at maiuugnay sa

pag - aaralSapat ang dami at hindi kakaunti

Page 6: Pananaliksik 2

4. Kabanata III : Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Nagpapakilala sa uri ng pamanahong papel na kadalasan ay Deskriptibong Pagsusuri

Ipinakikilala ang respondente – kasarian, ilan sila at paano sila napili

Instrumento ng Pananaliksik- paglalarawan sa paraang ginamit sa pagkalap ng impormasyon

Tritment ng mga Datos – paglalarawan sa mga istatistikal o numerikal na datos na ginamit sa pananaliksik

Page 7: Pananaliksik 2

5. Kabanata IV : Presentayon at Interpretasyon ng mga Datos

Paglalahad ng mga datos na nakuha sa paraang tabular o grapikal na may kasamang pagsusuri

Page 8: Pananaliksik 2

6. Kabanata V : Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom – pagbubuod ng mga datos o impormasyon na tinalakay sa Kab. 3

Kongklusyon – pangkalahatang interpretasyon batay sa mga nakalap na datos o impormasyon ng mananaliksik, sumasagot sa mga pangunahin at tiyak na suliranin

Rekomendasyon – mga mungkahing solusyon para sa suliraning natukoy sa pananaliksik

Page 9: Pananaliksik 2

7. Mga Panghuling Pahina

Talaan ng Sanggunian – kumpletong tala ng lahat ng pinaghanguan ng kaalaman ng mananaliksik

Apendiks (Dahong – Dagdag) – nakapaloob ang mga liham, pormularyo ng ebalwasyon, talatanungan (survey – questionnaire), bio – data ng mananaliksik, larawan at iba pa.

Fly Leaf 2