35
Bahagi ng ulating Pananaliksik

Bahagi Ng Pananaliksik

  • Upload
    mgsanti

  • View
    1.572

  • Download
    57

Embed Size (px)

DESCRIPTION

fili 102

Citation preview

PowerPoint Presentation

Bahagi ng Sulating PananaliksikNOTE:To change the image on this slide, select the picture and delete it. Then click the Pictures icon in the placeholder to insert your own image.Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaralKABANATA 1 :Introduksyon ( Rasyunal , Panimula , Kaligiran ng Pag-aaral )B. Paglalahad ng Suliranin / LayuninC. Kahalagahan ng Pag-aaralD. Batayang Konseptwal o ParadaymE. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralPagbibigay-kahulugan sa mga Katawagan o Terminolohiya2Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaralKABANATA 1 :Introduksyon ( Rasyunal , Panimula , Kaligiran ng Pag-aaral ) Presentasyon o paglalahad ng suliranin.

Kaligirang pangkasaysayan ng paksang napili

Sanhi ng pagpili ng paksa at ang kahalagahan nito

Saklaw ng pag-aaral sa paksang pagtutuunan ng pag-aaral

Kinapapalooban ng pangkalahatangsuliranin ng paksang pag-aaralan at ang mga tiyak na katanungang kailanangan masagot B. Paglalahad ng SuliraninC. Kahalagahan ng Pag-aaralTinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensyaBinabanggit din kung sino ang makikinabang at ang posibleng implikasyon ng pag-aaral na gagawin sa mga taong tinutukoy na makikinabang

C. Kahalagahan ng Pag-aaralAng pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagmumulat ng kaisipan at magsisilbing gabay ng mga mag-aaral , mga guro, administrador at tagapagplano ng kurikulum tungo sa higit na makabuluhan at kapakipakinabang na pagtuturo at pagkatuto.Malaking kapakinabangan para sa mga mag-aaral ang pag-aaral na ito dahil higit na matutugunan ang kanilang pangangailangan tungo sa mabisa at makabuluhang pagkatuto.Ang pag-aaral na ito ay makatutulong ng malaki sa mga guro upang malunasan ang mga balakid na dulot ng pagkakaroon ng negatibong saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino na siyang humahadlanng sa mabisa at makabuluhang pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral ay magiginng gabay niya sa pagpili ng mga tenik at istratehiya upang lalong mapagbuti ang pagtuturo.Magiging patnubay ang pag-aaral na ito ng mga administrador ng paaralan upang higit na maging maingnat at matalino sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at gawaing maaaring makaimpluwensya sa makabuluhang pagkatuto at level ng performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.Magsisilbing gabay ng mga tagapalano ng kurikulum ang resulta ng pag-aaral na ito sa pagbabalangkas ng makabuluhang kurikulum para sa kabataang Pilipino at mapapanumbalik at mapapasigla sa interes at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng wikang Filipino.D. Batayang Konseptwal o ParadaymGumagamit sa bahaging ito ng ilustrasyon upang maging malinaw ang konseptong pinagbatayan ng pananaliksikSa bahaging ito, ginagamit ng mananaliksik ang kanyang mahusay na paghinuha na ipakikita ang tinatawag na input o ang hakbang sa kalutasan ng anumang suliranin, ang proseso ng pagsasagawa at ang output o ang kalutasan o kalalabasanSa bahaging ito ilalahad ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral. Sa teoryang ito iaangkla ang sariling pagtingin sa paksang pinag-aaralan gayundin ang mga ideyang dapat palitawin sa ginawang pananaliksik.D. BATAYANG KONSEPTWALAng pag-aaral na ito ay binuo sa pamamagitan ng balangkas na ipinapakita sa Dayagram 1.

Binigyang pansin ng mananaliksik ang mga batayang teorya at layunin ng bagong kurikulum o BEC Filipino upang matiyak na makatutulong ang kanyang pag-aaral sa pagtugon sa mga pangunahing suliranin at pangangailangan ng mga guro at mag-aaral tungo sa mabilis, mabisa at makabuluhang pagkatuto.Nagsilbing batayan ng mananaliksik ang prinsipyo ni David Nunan (1991), na sa kagamitang panturong bubuuin kinakailangan na malinaw na naiuugnay ang klasrum at reyalidad ng mundo. Sa pamamagitan ng modyul, nagiging independent sa paggawa ang mga mag-aaral at nabibigyan ng pokus ang responsibilidad sa proseso ng pagkatuto. Binigyang diin niya ang mabubuting naidudulot ng modyul sa mga mag-aaral; (1) natutukoy ang pangangailangan ng mga mag-aaral, (2) maaaring gamitin ng mga mag-aaral na may ibat ibang level ng pag-iisip, (3) ang mga layunin ng pagkatuto ay malinaw na nakalahad.Binigyang halaga rin ng mananaliksik sa pagbuo ng modyul ang siklo ni Francis Jhonson (1975), sa pagdedevelop ng KP na binubuo ng apat na siklo, (1) Disenyo, (2) development, (3) evalwasyon at (4) pagrerebisa upang matiyak ang kabisan ng bawat modyul.E. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralNaglalaman ang bahaging ito ng tiyak na bilang ng mga kasangkot sa pag-aaral, tiyak na lugar at ang hangganan ng paksang tatalakayin pati na ang tiyak na panahong sakop ng pag-aaral.Ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng sakop ng ginagawang pag-aaral.Ipinaaalam din ang mismong paksa gayundin ang katatagpuan ng mga datos na kakailanganin.

10E. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaralSaklaw ng pag-aaral na ito na matukoy at masuri ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino. Ang pag-aaral ay bubuuin ng apatnapung ( 40 ) mag-aaral sa ikatlong antas ng Imus Institute, Hayskul DepartmentSalik na Nakakaapekto sa Saloobin ng mga Mag-aaral sa Pag-aaral ng FilipinoF. Depinisyon ng mga TerminoUpang matulungang maunawaan ng mambabasa ang kahulugan ng salitang ginamit ng mananaliksik sa sulatin na maaaring bago sa kanyaMakapagbigay linaw sa nais tukuyin ng mananaliksik hinggil sa kanyang sulatinDepinisyong KonseptwalTumutukoy ito sa mga depinisyon na matatagpuan sa mga diksyunaryo o talatiniganItoy akademiko o unibersal na kahulugan na ibinibigay sa salita o grupo ng mga salitaItoy kahulugan na nauunawaan ng maraming tao at karaniwang mas abstrak o mahirap unawain at mas pormal kaysa sa depinisyong operasyunal

Depinisyong OperasyunalItoy tumutukoy sa tiyak na paraan o kahulugang ginamit sa iyong pag-aaralKung gumagamit sa iyong pag-aaral ng instrument na susukat sa interes, ang iyong depinisyon ng interes ay ibabatay sa kung ano ang sinusukat ng pagsusulitAng depinisyon ang siyang nag-oopereyt o gumagalaw sa iyong imbestigasyon

KABANATA IIMGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARALAng bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging Kahalagahan ng Pag-aaral. Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging Kahalagahan ng Pag-aaral. KABANATA IIMGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL16KABANATA 2 :Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral2.1 Pagbabasa ng mga Kaugnay na Literatura Ang mga binasang literatura ang siyang magbibigay liwanag sa mga bagay na alam na tungkol sa problema at siyang magpapakita kung bakit ang pag-aaral ay pagpapalawak o extension ng dating kaalaman. Ito rin ang pagbabatayan ng konseptwal na balangkas ng pag-aaral.

2.2 Pagbabasa ng mga Kaugnay na Pag-aaralang mga pag-aaral na kaugnay ng problema ng pananaliksik ay dapat mabasa at mailahad ang resulta, gayundin ang pagkakatulad at pagkakaiba sa ginagawang pag-aaral.17Kabanata 3 : Ang mga kalahok sa na gagamitin sa pag-aaral ay dapat tiyakin at ang pangkat o populasyon na kinabibilangan ng mga ito. Ang paraan ng pagpili ay dapat ding ilahad o ilarawan. Pamamaraan o Metodolohiya3.1 Kalahok sa Pag-aaral 18Mga Katanungang Dapat Sagutin :Sino ang kasangkot sa pag-aaral ?Ilan ang kasangkot ?Paano sila pipiliin ?Dito nakasaad kung ilang kalahok ang kailangan mula sa buong populasyon kaya kailangan ang tinatawag na sample3.1 Kalahok sa Pag-aaral Sampol ( Ferguson,1976 ) alinmang bahagi ng kabuuan na hinugot mula sa populasyon. Ito ay isang bahagi ng populasyonPopulasyon ( Kerlinger , 1973) ay ang lahat ng miyembro ng kahit na anong tiyak na klase o uri ng mga tao, pangyayari o bagaySamplingAng proseso na kinapapalooban ng pagkuha ng bahagi ng populasyon, paggawa ng obserbasyon sa kinatawang grupo at ang paglalahat ng mga resulta sa mas malaking populasyonTumutukoy ito sa mga istratehiya para makapili ng maliit na grupo mula sa malaking grupo at pagkatapos ay gamitin ang maliit na grupong ito para makagawa ng paghuhusga tungkol sa malaking grupoPalarawang Pananaliksik sampung porsyento ng pananaliksik. Para sa mas maliit na populasyon ang minimum na 20 porsiyento ay maaaaring kailanganin

2. Pag-uugnay na Pananaliksik ( Correlational Research ) 15 kalahok bawat grupo

3. Eksperimental na Pananaliksik 15 kalahok bawat grupo Mungkahi ( Gay )Pangunahing Uri ng Sampling1. Probability SamplingPagkuha ng sample sa pamamagitan ng sistematikong paggamitng estadistika1. 1 Random SamplingMay pantay-pantay na pagkakataon ang bawat indibidwal na mapabilang sa sampleTeknik :

Talahanayan ng bilang na randon ( Table of random numbers )Palabunutang sampling ( Lottery sampling )2. Sistematikong SamplingIsang istratehiya sa pagpili ng mga miyembro ng sampol na nagpapahintulot lamang na tsansa at isang sistema ang tumiyak o tumukoy sa pagsapi sa sampol

na kung saan ang :k ay tumutukoy sa sampling intervalN ay ang kabuuang bilang ng populasyonn ay bilang ng sample mula sa populasyonIsang istratehiya ng pagpili ng sampol sa paraan na ang mga tiyak na subgroup ay magkakaroon ng sapat na bilang ng mga kinatawan sa loob ng sample para makapagbigay ng bilang na sample sa sub-analysis ng mga miyembro ng mga maliliit na grupo3. Stratified Sampling4. Sampling na KlasterPumipili ng mga miyembro ng iyong sample nang pa-klaster kaysa gumamit ng hiwalay na mga indibidwal2. Non-probability Sampling2.1 Sampling na may layunin2.2 Convience sampling2.3 Quota sampling2.3 Snowball samplingKabanata 3 :Pamamaraan o Metodolohiya3.2 Intrumento ng Pananaliksik Lahat ng instrumento na gagamitin sa pagkuha ng datos mula sa mga kalahok ay ipaliwanag nang detalyado at ibigay ang rasyunal sa paggamit ng mga ito 273.2.1 Talatanungan Open-ended na talatanungan Close-ended na talatanunganKatangian ng epektibong mga tanong.

1. Dapat maging malinaw ang lengguwahe , ang bokabularyo at estruktura. Ang konseptwal na antas ng tanong ay dapat na angkop sa mga kakayahan, antas at karanasan ng mga kalahok ng sa pag-aaral.2. Ang nilalaman o paksa ng tanong ay dapat na tiyak.3. Ang tanong ay dapat na nagpapakita ng isang layunin.

1. Ilahad ng malinaw ang layunin ng sarbey.Bakit isinasagawa ang sarbey ? Ano ang tiyak na paggagamitan ng resulta ng sarbey ? Paano makatutulong ang impormasyon sa lalong pagpapabuti ng isang serbisyo ?Dapat Isaalang-alang sa Paghahanda ng Talatanungan2. Ipakilala ang instrumento sa panimulang bahagi, ipaliwanag kung sino ang nangangalap ng datos at bakit. Ilahad din kung bakit nararapat makibahagi sa gawain at ang pagpapanatili ng konpidensyalidad ng mga impormasyong makakalap.3. Itakda sa introduksyon ang inaasahang haba ng panahong ilalaan ng kalahok upang matapos ang sarbey.4. Tiyaking makakamit mula sa bawat katanungan ang inaasahang tugon na makatutulong upang makamit ang layunin ng sarbeyDapat Isaalang-alang sa Paghahanda ng Talatanungan7. Subukin muna ang talatanungan sa maliit na grupo at hingin ang kanilang reaksyon at saloobin habang sinasagutan ito para sa pagpapabuti ng talatanungan5. Dalian lamang ang mga panimulang tanong.6. Tiyakin ang lohikal na pagkakaayos ng mga tanong na may wastong pagkakapangkat Karaniwang Uri ng Talatanungan para sa Sarbey :1. Multiple choice question2. Rating scale questions2.1 Likert scaleGinagamit sa pagtukoy sa nangingnibabaw na asal , gawi , opinion at kaalaman1 lubos na hindi sumasang-ayon2 hindi sumasang-ayon3 walang sinasang-ayunan o hindi sinasang-ayunan4 sang-ayon5 lubos na sumasang-ayon2.2 Semantic differential scaleKaraniwang Uri ng Talatanungan para sa Sarbey :2. Rating scale questions1 napakahirap 2 medyo mahirap3 hindi mahirap o madali / katamtaman4 medyo madali5 madali

Pamamaraan o MetodolohiyaKabanata 3 :3.3 Pamaraan o Pagsasagawa ng Pag-aaral Ang mga aktwal hakbang na gagawin sa pag-aaral (ano, kailan, saan, paano, at para kanino) mula sa simula hanggang sa huli ay dapat na ilahad nang detalyado. Ang mga materyales na gagamitin ay ilalahad din. Ang metodolohiya o desenyo (survey, descriptive) na gagamitin ay ilahad rin. Dito rin ipaliwanag ang statistics na gagamitin.3.4 Pag-aanalisa ng Datos - Dito ipinaliliwanag o inilalahad kung paano sinuri o inanalisa ang mga datos, at ang mga teknik na ginamit Pamamaraan o MetodolohiyaKabanata 3 :BSN 11 March 12 ( 30 minute / pangkat )10 presentasyon 20 - pagtatanongNarvaez CameroDionelaAbrugarGatdulaVelasquez